Ang Mga Partikular Na Katangian Ng Ating Digmang Bayan

Embed Size (px)

Citation preview

Ang Mga Partikular na Katangian ng Ating Digmang Bayan Friday, 16 September 2011 23:12 0 digg Narito ang upisyal na salin sa Pilipino ng Specific Characteristics of Our Peop le s War. Pangunahing ibinatay ito sa isinaayos na salin ng Kawsa noong Nobyembre 1982. Isinaayos ang naturang salin ng Kawsa alinsunod sa memo ng KTKS ng Enero 3 0, 1998. May pinadulas at isinaayos ding ilan pang bahagi sa salin ng Kawsa 1982 . [Download DOC Pilipino] [Download DOC Cebuano] [Download DOC English] Ni Amado Guerrero Disyembre 1, 1974 Sa walang pagkasaid na kabangyaman ng Marxismo-Leninismo ay humahango tayo ng mg a batayang prinsipyo at istorikong aral para bigyan ng liwanag ang digmang bayan g inilulunsad natin. Pero pangkalahatan ang halaga ng mga ito, pangkahalatang ga bay sa pagkilos natin. Gagawin nating patay na dogma ang nabanggit na mga prinsi pyo t aral kung makukuntento tayo nang hindi isinasanib ang mga ito sa kongkreto n ating praktika. Kung babalewalain naman natin, bulag tayong kikilos. Ang dogmatismo at empirisismo ay parehong kasumpa-sumpa sa mga komunista. Gaya n g sa lahat ng bagay, dapat nating pagsanibin ang teorya at praktika sa kondukta ng digmang bayan. Dapat ilapat ang unibersal na teorya ng Marxismo-Leninismo-Kai sipang Mao Zedong sa mga kongkretong kundisyon ng Rebolusyong Pilipino. Mahigpit tayong tumatalima sa turo ng dakilang Lenin na ang kaluluwa ng Marxismo ay ang kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan. Sa pamamagitan lamang ng pag-una wa sa mga partikular na katangian ng ating sariling digmang bayan natin mauunawa an ang mga batas na nagpapakilos dito, at sa gayo y mapagtitibay at maipapatupad n atin ang wastong estratehiya at mga taktika para sa pagsusulong nito tungo sa ta gumpay. Ang mga batayang prinsipyo at istorikong aral na naipundasyon na sa unibersal na teorya ng rebolusyonaryong proletaryado ay pinagbuwisan ng buhay ng iba t ibang s ambayanang nagtagumpay sa kani-kanilang mga rebolusyon. Pero kung ang pag-uusapa n ay ang pagsusulong at pagtatagumpay ng sarili nating digmang bayan, wala nang mas importante pa kaysa mga prinsipyo t aral na natutuhan natin batay sa mga kundi syon sa Pilipinas at sa sarili nating karanasang rebolusyonaryo. Kaugnay nito, p inakamataas ang pagpapahalaga natin sa mga prinsipyo t aral na pinagbuwisan ng buh ay ng sarili nating mamamayan. Nagsasaniban ang teoryang Marxista-Leninista at praktika ng Pilipinas. Hindi lam ang natin pinakikinabangan ang mga tagumpay na natamo sa ibang bayan para ipagta gumpay ang sarili nating rebolusyon, kundi inaasahan din nating idagdag ang sari ling tagumpay sa tagumpay ng iba at ibigay ang ilang kapaki-pakinabang na ambag sa pagsusulong sa Marxismo-Leninismo at pandaigdigang rebolusyong proletaryo, pa ra sa wakas ay lumaya ang sangkatauhan sa salot ng imperyalismo at pumasok sa pa nahon ng komunismo. Sa kasalukuyang yugto ng rebolusyong Pilipino, naglulunsad t ayo ng digmang bayan, ng isang digmang rebolusyonaryo, dahil ito ang tanging par aan para wakasan ang armadong pang-aapi sa mamamayan na ginagawa ng reaksyonaryo ng estadong instrumento ng uring malaking kumprador-panginoong maylupa. Para komprehensibong maintindihan ang mga partikular na katangian ng ating digma ng bayan, dapat nating isaalang-alang ang mga partikular na kundisyon tulad ng s umusunod: naaayon ang ating digmang bayan sa bagong tipo ng rebolusyong pambansa -demokratiko; kailangang matagalan ang digmang ilulunsad natin sa kanayunan; mab

undok na kapuluan ang larangan ng ating pakikipaglaban; malaki t malakas ang kaawa y samantalang maliit at mahina pa tayo; sumulpot ang pasistang diktadura sa gitn a ng krisis sa pulitika t ekonomya ng naghaharing sistema; iisang kapangyarihang i mperyalista ang naghahari sa bayan kaya unipikado ang armadong reaksyon, liban s a timog-kanlurang Mindanao; at pabulusok ang imperyalismong US sa Asya at sa buo ng mundo habang sumusulong ang pandaigdigang rebolusyon sa gitna ng pangkalahata ng krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista na wala pang katulad mula nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pagtalakay sa mga partikular na katangian ng ating digmang bayan ay kailangan nating tukuyin ang ilang mga bentahe at disbentahe o lakas at kahinaan. Kasabay nito, agad nating tinutukoy kung sa anong pangkalahatang proseso natin malulubo s ang mga bentahe t lakas at mapangibabawan ang mga disbentahe t kahinaan. 1. ANG BAGONG TIPO NG REBOLUSYONG PAMBANSA-DEMOKRATIKO Malakolonyal at malapyudal ang bayan natin. Nasa ilalim ito ng di tuwirang pagha hari ng imperyalismong US na ang pinakamaaasahang mga ahente at papet ay ang mal alaking kumprador-panginoong maylupa at malalaking burukrata. Pinaghaharian ng m alaking burgesyang kumprador ang mga syudad at pinaghaharian naman ng uring pang inoong maylupa ang kanayunan. Ang lubos na nakakarami sa apatnapu t isang milyong (41,000,000) mamamayan natin, mahigit siyamnapung porsyento (90%), ay malubhang pinagsasamantalahan at inaapi ng malalaking kumprador at malalaking panginoong maylupa, na kasama ang pinakama lapit nilang tauhan sa pulitika at teknika na pinakamatataas ang sahod ay bumubu o ng isang maliit na minoryang hindi hihigit sa dalawang porsyento ng populasyon . Ang masang anakpawis na manggagawa at magsasaka ang dumadanas ng pinakagrabeng pang-aapi t pagsasamantala. Naghihirap din ang petiburgesyang lunsod at ang pangg itna o pambansang burgesya dahil sa sitwasyong malakolonyal at malapyudal, at ma s hirap ang petiburges kaysa pambansang burges. Malinaw kung bakit iisa ang pakahulugan natin sa digmang bayan at digmang rebolu syonaryo. Ipinaglalaban natin ang rebolusyonaryong interes ng malawak na masa ng mamamayan. Sa partikular, ipinaglalaban natin ang pambansa-demokratikong intere s nila. Ang atin ay rebolusyong pambansa-demokratiko na naglalayong kumpletuhin ang pakikibaka para sa pambansang kasarinlan at gawing realidad ang mga demokrat ikong mithiin ng ating sambayanan. Wala tayong ibang magagawa kundi ang ipaglaba n ang pambansa at panlipunang paglaya sa imperyalismong US, pyudalismo at burukr atang kapitalismo. Sa isang pakahulugan, ang ating rebolusyong pambansa-demokratiko ay isang pagpap atuloy ng rebolusyong Pilipino na nag-umpisa noong 1896. Pero bago na ang katang ian ng rebolusyong ito. Bagong tipo ito. Hindi na ito bahagi ng lumang rebolusyo ng burges-kapitalista. Bahagi ito ng proletaryo-sosyalistang rebolusyon na umusb ong sapul noong unang imperyalistang digmaan sa mundo at pagtatagumpay ng dakila ng sosyalistang Rebolusyong Oktubre. Kahit ipinaglalaban pa natin ang rebolusyon g pambansa-demokratiko, preparasyon lamang ito para tuparin ang sosyalistang reb olusyon sa ating bayan. Samakatwid, naglulunsad tayo ng tuluy-tuloy na rebolusyong Pilipino, na may dala wang magkaibang yugto: ang mga yugtong pambansa-demokratiko at sosyalista. Sa da lawang yugtong ito, ang makauring liderato ay tangan ng proletaryado, na sa kasa ysaya y siyang pinakaprogresibong salik sa pulitika at ekonomya, at siyang naglulu wal sa pinakasulong na ideolohiya. Sa pamamagitan ng sulong na destakamento nito , ang Partido Komunista ng Pilipinas, tinitiyak ng proletaryado na maisasagawa a t maipapanalo ang rebolusyong pambansa-demokratiko; na agad sisimulan ang sosyal istang rebolusyon pagkatapos magtagumpay ang pambansa-demokratikong rebolusyon; at sa loob ng isang tiyak na panahon sa kasaysayan ay lilikhain ng sosyalismo an g pundasyon ng komunismo.

Sa kasalukuyang yugto ng Rebolusyong Pilipino, dalawa ang sandatang ginagamit ng Partido laban sa kaaway: armadong pakikibaka at ang pambansang nagkakaisang pre nte na magkaugnay tulad ng sibat at kalasag. Nagsisilbi ang mga ito sa isa t isa. Sinisigurado ng pambansa-demokratikong prente na maibibigay ang pinakamalawak na suportang masa para sa armadong pakikibaka; hinahati nito ang hanay ng kaaway a t ihinihiwalay ang mga pinakapusakal sa loob ng isang panahon. Armadong pakikiba ka, sa partikular, ang sandatang ginagamit para tuparin ang sentral na tungkulin ng rebolusyon: ang pagwasak at pagbabagsak sa paghahari ng kaaway at ang pag-ag aw ng kapangyarihan sa pulitika. Gaya ng sinabi ni Tagapangulong Mao, kung walang hukbong tulad ng Bagong Hukbong Bayan, wala ni anuman ang mamamayan. Sa ating bayan, pakikipaglaro ng tanga ang maghabol sa ilang pusisyon sa reaksyonaryong parlamento nang wala namang sarili ng hukbo. Anumang oras gustuhin ng kaaway na baguhin ang sistema ng laro, halimb awa y ang konstitusyon, magagawa nila ito na ang mamamayan ang mapeperwisyo. Prinsipal ang armadong pakikibaka at sekundaryo ang parlamentaryong pakikibaka. Alam ng bawat tunay na rebolusyonaryo na ang reaksyonaryong hukbo ang pangunahin g bumubuo ng reaksyonaryong estado. Walang laban ang mamamayang Pilipino kung wa la silang sariling hukbo. Kung walang hukbong bayan, hindi sila makakasulong nan g kahit isang hakbang tungo sa pagdurog sa buong militar-burukratikong makinarya ng kaaway. Sa paglulunsad ng digmang bayan, itinatayo ng Partido ang hukbong bayan bilang p angunahing porma ng organisasyon. Hindi lamang ito isang organisasyon na pinakak onsentrado ang kasapian ng Partido. Organisasyon din ito na itinayo para bukluri n ang mga rebolusyonaryong proletaryo at ang masang magsasaka kapwa sa loob ng h ukbo at sa mga lokalidad. Sa ganitong paraan nagkakaroon ng pinakaepektibong kon gkretong porma ang batayang alyansa ng proletaryado at uring magsasaka na kailan gang-kailangan sa isang pambansang nagkakaisang prente. Ang batayang alyansang ito ng proletaryado ay uring magsasaka ang pundasyon ng p ambansang nagkakaisang prente. Sa takbo ng digmang bayan, habang lumalakas ang a lyansa ay lumalakas din ang pagnanais ng petiburgesyang lunsod na umanib sa pamb ansang nagkakaisang prente at aktibong lumahok sa gawaing rebolusyonaryo. Gayund in, nahihimok ang pambansang burgesya na sumuporta sa mga batayang pwersa ng reb olusyon tulad ng proletaryado, uring magsasaka at petiburgesyang lunsod. Sa yugt ong ito ng rebolusyon, pinakamahusay na mapapatunayan ang pamumuno ng Partido at ng proletaryado sa kakayahan nitong magtayo ng hukbong bayan at magbuo ng batay ang alyansa ng masang anakpawis. 2. MATAGALANG DIGMA SA KANAYUNAN Walumpu t limang porsyento (85%) ng populasyon ng bansa ang nasa kanayunan. Sa bil ang na ito, mga pitumpu t limang porsyento (75%) ang maralitang magsasaka kasama a ng manggagawang bukid; mga labinlimang porsyento (15%) ang panggitnang magsasaka ; at mga limang porsyento (5%) ang mayamang magsasaka. Maaaring isa o dalawang p orsyento lamang ang panginoong maylupa. Mga tatlo o apat na porsyento ang binubu o ng mga namamasukan sa gawaing di-agrikultural, artisano, maliit na maglalako, negosyante, estudyante, titser at iba pang propesyunal. Naiiba lamang ang porsye ntaheng ito sa mga partikular na lugar na may minahan, trosohan, modernong plant asyon at ilang industriya. Mga magsasaka ang karamihan ng mga mangingisda sa bay bay-dagat. Batay sa mga datos na ito, may espesyal na katuturan ang populasyong magsasaka a t ang kanayunan sa paglulunsad natin ng digmang bayan. Nasa kanayunan ang pangun ahing problema sa lipunan, ang problemang umaapekto sa pinakamaraming mamamayan. Ito ang problema sa lupa. Inaapi at pinagsasamantalahan ng pyudalismo at malapy udalismo ang mga maralitang magsasaka, manggagawang bukid at ang mga nakabababan

g panggitnang magsasaka. Kung hindi aasikasuhin at lulutasin ang problemang ito, hindi natin makukuha sa panig ng rebolusyon ang pinakamakapangyarihang pwersang makakagapi sa kaaway. Rebolusyong agraryo ang solusyon. Pinupukaw at pinakikilos ang masang magsasaka para ibagsak ang kapangyarihan ng mga panginoong maylupa at hakbang-hakbang na t uparin ang reporma sa lupa. Depende sa kongkretong kalagayan, partikular sa nata mong lakas ng pwersang rebolusyonaryo, pwedeng ibaba ang upa sa lupa at pawiin a ng usura o tuwirang kumpiskahin ang mga ari-arian ng panginoong maylupa. Sa mga prontera, sisiguraduhin sa mga maralitang katutubo at maralitang setler na magma y-ari ng lupang katamtamang ang laki. Pinaninindigan ang Partido na pangunahing nilalaman ng rebolusyong pambansa-demokratiko ang pagtugon sa hangarin ng magsas aka na magkalupa. Sa pagsasagawa lamang ng rebolusyong agraryo mapapakilos ng rebolusyonaryong pam unuan ang masang magsasaka bilang pangunahing pwersa ng rebolusyon at mabubuo an g batayang alyansa ng proletaryado at uring magsasaka. At kung gayon, mula sa ha nay ng niyuyurakang uring magsasaka makukuha ang pinakamaraming armadong pangkat . Sa ngayon, mga rikrut na magsasaka ang pangunahing bumubuo sa Bagong Hukbong B ayan. Nakasalalay sa suporta ng masang magsasaka ang paglaki ng ating hukbong ba yan. Sa pangkalahatang pananalita, sinasabi natin na ang pinakamaaasahang alyado ng p roletaryado ang uring magsasaka. Sa mas partikular, iugnay natin ang rebolusyona ryong proletaryado sa iba t ibang saray ng uring magsasaka. Ang patakaran natin bi lang mga rebolusyonaryong proletaryo ay pangunahing asahan ang maralitang magsas aka kasama ang manggagawang bukid, himukin ang panggitnang magsasaka at nyutrali sahin ang mayamang magsasaka. Sa takbo ng rebolusyong pambansa-demokratiko, tini tiyak natin na hindi sobrang masasagasaan ang interes ng mayayamang magsasaka ha bang alerto naman tayo sa mga reaksyonaryong tendensya nila. Sa paglaban at pagbabagsak sa mga panginoong maylupa, pangunahing target natin a ng mga panginoong maylupa na malawak ang lupain, nagkalupa sa pamamagitan ng gar apal na pangangamkam, may kapangyarihan sa pulitika at despotiko. Basta t pahihint ulutan ng masa at ng kalagayan, binibigyan natin ng espesyal na konsiderasyon an g mga naliliwanagang panginoong maylupang sumasang-ayon at sumusunod sa ating mg a patakaran at sumusuporta sa ating rebolusyonaryong digma. Atrasadung-atrasado ang bayan natin dahil sa paghahari ng mga imperyalista, at m ayroon pa ring malawak-lawak na kanayunan na pinaghaharian ng pyudalismo at mala pyudalismo. Ang paurong na kanayunan ay hindi sinlaki ng sa Tsina pero talagang malaki kung ikukumpara sa ating mga syudad. Dito pangunahing ginaganap ang ating digmang bayan. Narito ang kalakhan ng populasyon ng ating bansa. Nasa kanayunan ang pinakamahinang kawing ng kaaway. Pinakamasahol na pang-aapi a t pagsasamantala ang ginagawa ng mga reaksyonaryo sa masang magsasaka. Gayunman, napakalawak ng kanayunan kaya hindi maiiwasan ng kaaway na ikalat ang kanyang a rmadong pwersa, o pabayaan ang malalawak na purok kapag nakatipon iyon sa ilang lugar. Samakatwid, sa matabang lupa ng kanayunan sisibol at yayabong ng Pulang k apangyarihang pampulitika ang hukbong bayan, mga organo ng demokratikong kapangy arihang pampulitika, mga organisasyong masa at ang Partido. Wala nang lalawak at huhusay pang maniobrahan para sa ating hukbo at tipo ng pakikidigma. Ipinapakita ng ating karanasan sa mahigit limang taon na nakalikha tayo ng dalaw ampung (20) larangang gerilya sa pitong rehiyon sa labas ng Maynila-Rizal. Patul oy na umuunlad ang mga larangang ito sa kanayunan sa kabila ng mga pasistang gan ting-hakbang na ngayon lamang naging ganito kabangis. Kung sumusugod ang malakin g pwersa ng kaaway laban sa maliit at mahina nating pwersa, pinapagod natin sila sa kasusuntok sa hangin; kaya habang tayo ay tinutugis ay nagagawa nating buman at sa mas mahihina nilang yunit sa ibang lugar o magpalawak sa bagong lugar. Sa

Lambak ng Cagayan (Cagayan Valley) naglunsad ang kaaway ng malaki t matagal na ka mpanyang pagkubkob at panunupil , pero hindi nawasak ang maliit at mahinang pwersa natin doon. Posibleng ilunsad ang matagalang digmang bayan sa Pilipinas dahil malawak-lawak din naman ang atrasadong kanayunan na kinaroroonan ng kalakhan ng populasyon. Ma raming lugar ang malayu-layo sa mga sentro at pangunahing linya ng komunikasyon ng kaaway at doo y nabubuhay ang mga taong umaasa sa sari-saring produkto ng agrik ultura. Ibang-iba ang sitwasyong ito kasya sitwasyon sa bayang kapitalista. Sa mga bayang kapitalista, nauuna sa gerang sibil ang mahabang panahon ng parlam entaryong pakikibaka. Doo y disgrasyang malaki ang hinahanap ng pwersang rebolusyo naryo kung papasok sila sa isang gera sibil nang hindi nabubuwag ang malaking pa rte man lamang ng pamalagiang hukbo ng burgesya at nang hindi pa handa ang prole taryado sa pangkalahatang pag-aalsa na pwedeng mabilis at mapagpasyang ipagtagum pay. Ang gera sibil ay pangunahing itinatakda ng kundisyong nasa mga syudad ang karamihan ng tao, at inuumpisahan at tinatapos iyon sa mga pangunahing syudad na sentro ng ekonomyang lubhang unipikado at ng sistema ng komunikasyon na lubhang maunlad. Mas mabilis na napagpapasyahan ang pambansang tagumpay o pagkatalo sa mga bayang kapitalista kaysa sa mga bayang malakolonyal at malapyudal. Sa Pilipinas, kailangan at posibleng ilunsad ang matagalang digmang bayan. Sa ma habang pahanon lamang hakbang-hakbang na mapapaunlad ang pwersa natin sa pamamag itan ng utay-utay na paggapi sa mga pwersa ng kaaway. Wala tayo sa pusisyon para isagupa ang maliit at mahina nating pwersa sa mga labanang mapagpasya sa estrat ehiya sa kaaway na nakalalamang pa sa militar. Una y kauumpisa lamang natin mula s a halos wala. At noo y hindi rin natin pwedeng ipagpaliban ang pag-uumpisa sa digm ang bayan. Mas makakabuti para sa atin sa hinaharap kung mas mahaba ang panahon nating magpaunlad ng armadong lakas mula sa halos wala. Mahigpit na patakaran na tin na lumaban lamang sa mga sagupaang kaya nating ipagtagumpay. Kung hindi nati n matatalo ang pwersa ng kaaway, umiiwas tayo at humahanap ng pagkakataong banat an ang pwersa niya na kaya nating talunin. Sa paglulunsad ng matagalang digmang bayan, ginagamit natin ang estratehikong li nya na kubkubin ang mga syudad mula sa kanayunan. Matatag nating pinauunlad ang mga base at sonang gerilya sa iba t ibang estratehikong lugar sa bayan. Sa susunod na yugto, ang mga lugar na ito ay pag-uugnay-ugnayin ng mga regular na pwersang makilos na nasa pusisyong magtanggol sa mas malaki at matatag na mga baseng reb olusyonaryo sa kanayunan. Mula sa ganoong matatatag na baseng rebolusyonaryo ay maaagaw natin sa katapusan ang mga syudad at makakasulong tayo sa pambansang tag umpay. Habang prinsipal nating tungkulin na isulong ang matagalang digma sa kanayunan, sekundaryong tungkulin naman natin na paunlarin ang rebolusyonaryong kilusang li him, at ang malawak na anti-imperyalista at demokratikong kilusang masa sa kalun suran. Dapat nating gamitin ang kumbinasyon ng mga rebolusyonaryong pakikibaka s a kalunsuran at kanayunan; sa mga poblasyon at mga baryo; sa mga Pulang purok, P uting purok at rosas na purok. Dapat tayong magpakahusay sa pagkukumbinasyon ng mga aktibidad na ligal, iligal at malaligal sa pamamagitan ng laganap at matatag na kilusang lihim. Ang rebolus yonaryong kilusang lihim na umuunlad sa tabing ng mga aktibidad na demokratiko a t ligal o malaligal ay dapat magtaguyod sa komprehensibong paglago ng mga rebolu syonaryong pwersa, mag-ugnay sa disinsana y magkakahiwalay na parte ng Partido at ng hukbong bayan sa bawat antas at maghanda ng batayan sa pag-aalsang bayan sa h inaharap at sa pagsulong ng hukbong bayan. 3. LABANAN SA MALIIT AT MABUNDOK NA KAPULUAN Ang Pilipinas ay maliit na kapuluang mabundok. Binubuo ito ng may pitong libo t sa

ndaang (7,100) pulo at pulu-puluan na may kabuuang sukat na dalawang daan siyamn apu t siyam na libo, apatnaraa t apat (299,404) na kilometro kwadrado o 115,600 mily a kwadrado. Ang nakatala sa ibaba na labing-isang (11) pinakamalalaking pulo ang bumubuo sa siyamnapu t apat na porsyento (94%) ng kabuuang lawak ng lupa at kinar oroonan din ng siyamnapu t apat na porsyento (94%) ng kabuuang populasyon ng bayan . Mabundok at may matabang lupa ang mga pulong ito tulad ng marami pang iba. Pulo (km. kwadrado) 1) 2) 3) 4) 5) 6) 7) 8) 9) 10) 11) Luzon Mindanao Samar Negros Palawan Panay Mindoro Leyte Cebu Bohol Masbate Sukat (1970) 104,688 94,630 13,080 12,705 11,785 11,515 9,735 7,214 4,422 3,865 3,269 Populasyon 18,001,270 7,538,315 1,019,358 2,218,972 236,635 2,114,544 472,396 1,362,051 1,634,182 683,297 492,908

Ang importansya ng isang pulo ay itinatakda hindi lamang ng laki nito. Mas impor tanteng isaalang-alang sa ating digmang bayan, laluna sa panimulang yugto nito, ang populasyon, kagubatan at kalupaang mabundok. Tatlo ang namumukod na katangian ng Pilipinas sa pagiging kapuluan. Una, gutay-g utay sa maraming pulo ang ating kanayunan. Ikalawa, pinaghihiwalay ang dalawang pinakamalalaking pulo, ang Luzon at Mindanao, ng kalat-kalat na mga pulo ng Kabi sayaan. Ikatlo, ihinihiwalay ng dagat ang maliit nating bayan sa iba pang bayan. Dahil sa mga katangiang ito y sumusulpot sa ating digmang bayan ang masyadong kak aibang mga problema. Sa isang banda ay totoong malawak ang kanayunan natin kung ikukumpara sa mga syu dad. Sa kabilang banda y totoo ring kailangan nating lumaban sa loob ng makikitid na larangan dahil maliit ang buong bayan at di dugtung-dugtong ang kanayunan. An g digma natin at ng kaaway ay madaling tumindi, bumagsik at maging lubhang makil os. Sa Luzon at Mindanao, may napakalawak tayong lugar para magpaunlad ng regula r na pwersang makilos, pero pinaghihiwalay ang dalawang pulong ito ng daan-daang kilometro at ng mas maliliit pang pulo na sa unang tingin ay sa pwersang gerily a lamang magiging angkop, sa buong takbo ng digmang bayan. Sa pag-unlad ng regul ar na pwersang makilos sa Luzon at Mindanao, malilikha ang pinakapaborableng ku ndisyon para sa paglitaw niyon sa mga pangunahing pulo sa Kabisayaan. Talagang napakahirap at kumplikadong problema natin kung paano isusulong ang dig mang bayan sa kapuluang tulad ng sa atin. Sa yugtong ito na sinisikap pa nating paunlarin ang pakikidigmang gerilya sa pambansang saklaw, kinailangang bagu-bagu hin ng sentral na pamunuan ang ayos ng organisasyon para bigyan ng sapat na aten syon ang mga panrehiyong organisasyon ng Partido at hukbo. Isa lamang itong mani pestasyon ng problema. Madaling durugin ng kaaway ang mga armadong yunit pamprop aganda at panimulang yunit gerilya na nakakalat sa magkakalayong lugar. Isa pa i tong manipestasyon ng problema. Walang duda na sa umpisa ay malaking disbentahe sa atin ang labanan sa isang kap uluan tulad ng bayan natin. Dahil kailangang pumwesto ang sentral na pamunuan sa kung saang kalibliban sa Luzon, walang ibang magagawa ngayon at kahit sa mahaba ng panahong darating kundi gamitin at ipatupad ang patakaran ng sentralisadong p amumuno at disentralisadong mga operasyon. Sa buong bayan ay dapat tayong magtal aga at magpaunlad ng mga kadreng may-sapat na kahusayan para makapagdispusisyon at makapagmantini ng inisyatiba hindi lamang sa loob ng panahong kasing-ikli ng

isa o dalawang buwan (panahon ng regular na pag-uulat) kundi sa loob din ng mga panahong kasinghaba ng dalawang taon o higit pa, sakaling piliin ng kaaway na ko nsentrahan at iblokeyo ang isang pulo o isang partikular na larangan. Ang pag-unlad ng rebolusyonaryong baseng sentral sa isang dako sa Luzon ay mapag pasyang makakatulong at matutulungan sa pag-unlad ng maraming mas maliit na base sa Luzon, Kabisayaan at Mindanao. Kaya inaasikaso natin ang pagtatalaga ng mga kadre para sa pakikidigmang gerilya sa buong bansa. Sa maliit na bayang tulad ng Pilipinas, o mas partikular pa y sa pulong tulad ng Luzon, kahibangan kung sumiks ik noon sa isang makitid na purok ang sentral na pamunuan, ikonsentra nito roon ang lahat ng limitadong tauhan at lahat ng pagsisikap at sa gayo y maakit ang kaaw ay na magkonsentra ng sarili niyang pwersa roon. Kahibangan kung minaliit ang ka kayahan ng kaaway na kumilos nang mabilis at magkonsentra ng kanyang pwersa sa p ulong pinakamaunlad ang komunikasyon. Kung saan pinakapwede ay sinimulan ng sentral na pamunuan ang armadong pakikibak a, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga Pulang mandirigma sa ikalawang dis trito ng Tarlac noong unang bahagi ng 1969. Nagpadala agad ng mga kadre ng Parti do sa kabundukan at mga burol ng Isabela. Pagkaraa y mabilis na lumaki rito ang na ging pangunahing pwersa ng Bagong Hukbong Bayan mula noong unang bahagi ng 1971 hanggang bisperas ng pasistang paghaharing militar. Ilang kadreng sinanay rito a ng ipinadala sa ibang rehiyon para kumilos sa kanayunan. Ang sigwa ng unang kwar to ng 1970 at ang sumunod na mga aksyong protesta ng masa at pag-oorganisa sa ma sa sa Maynila-Rizal at iba pang syudad sa buong bayan ay nagbunga ng pinakamalak ing bilang ng mga kadre para sa pambansang pagpapalawak ng Partido at hukbong ba yan sa kanayunan. Ang mga kadreng ito ay nag-umpisang baguhan pero masigla, nagp alitaw ng mga bagong kadre sa hanay ng mga lokal na aktibistang masa at Pulang m andirigma, at napapanday sa takbo ng matitinding rebolusyonaryong pakikibaka. Nalikha na natin ang pitong panrehiyong organisasyon ng Partido at hukbo sa laba s ng Maynila-Rizal. Pagkatapos mapalakas ang mga ito, laluna yaong sa Hilagang-k anluran, Hilagang-silangan at Gitnang Luzon, mas malakas ang loob nating makakat anaw at makakahakbang tungo sa pagtatayo ng rebolusyonaryong baseng sentral sa p aborableng kalupaan na mas matao at mas malawak kaysa bandang silangan ng Ilog C agayan. Dapat ay nasa lugar ito na talagang mas mahirap iblokeyo ng kaaway. Mang yari pa, magiging mas madali ang pag-ugnay ng sentral na pamunuan sa mga panrehi yong organisasyon ng Partido sa Luzon kaysa roon sa Kabisayaan at Mindanao. Iton g mga huling nabanggit ay mapapangasiwaan pa rin sa pamamagitan ng espesyal na o rgano ng Komite Sentral. Sa kalaunan, ang pagiging kapuluan ng bayan natin ay magiging malaking bentahe s a atin at malaking disbentahe para sa kaaway. Mapipilitang hatiin ng kaaway ang kanyang atensyon at pwersa hindi lamang sa kanayunan kundi pati sa napakaraming pulo. Lilitaw ang malaking bentahe natin kapag matagumpay na nating napaunlad an g pakikidigmang gerilya sa buong bansa at kapag naumpisahan man lamang natin ang regular na pakikidigmang makilos sa Luzon, o sa Luzon at Mindanao. Ang patakaran natin ay unahin ang ilang pangunahing pulo at isunod ang iba pa. Mal inaw nang naiintindihan ito sa Kabisayaan. Sa bawat pulo o sa partikular na part e ng pulong pinili nating pagkonsentrahan, dapat nating paunlarin ang pag-asa-sa -sarili; itakda ang kikilusan ng mga yunit gerilya sa sakop na limitado sa isang tiyak na panahon, para maiwasang sumabog ang ating pagkilos, pero sapat ang law ak para makapagmaniobra; at sumulong tayo na parang alon, laging nagpapalawak ba tay sa pagpapatatag. Ipinapakita ng mapait nating karanasan na nagiging dahilan ng mababaw na gawaing pampulitika at pagkadurog ng ating mga iskwad ang sobrang pagkakalat ng mga ito, sa maling pag-asa na makasaklaw ng mas malawak na lugar, o sabay-sabay na maasikaso ang napakaraming estratehikong lugar. Ang ilang iskwa d gerilya ay kailangang magkaroon ng sentro de grabidad o lugar na pagtitipunan, para sa pansamantalang pag-urong o para paglunsaran ng konsentradong operasyon laban sa kaaway. Pero kailanma y hindi natin dapat kaligtaan na kailangan maging m

akilos, at sa gayo y madalas na kailangang ilipat-lipat ang nasabing sentro. Dapat siguraduhin ng bawat panrehiyong organisasyon ng Partido na sa kasalukuyan g yugto ay isa, dalawa o tatlong armadong larangan lamang ang pinauunlad nito. K ailangang ibase sa pangunahing larangan ang panrehiyong komiteng tagapagpaganap ng Partido. Dapat lamang lumitaw ang mas maraming base at sonang gerilya kapag k onsolidado na ang ilan na kayang pangasiwaan nang sabay-sabay. Sa kasalukuyan, h indi kailangang magkaroon ng armadong pwersa sa bawat probinsya sa loob ng rehiy on. Mas madalas pa nga ay mainam na maglagay tayo ng armadong pwersa sa hanggana n ng mga probinsya para makuha ang pinakamalaking pakinabang dahil unang una na y kulang naman tayo ng armadong lakas para sa bawat probinsya. Sa lahat ng pwersang rebolusyonaryo sa buong bayan, kailangang bigyan ng diin an g prinsipyong umasa sa sarili. Ito y dahil ihinihiwalay ng karagatan ang maliit na ting bayan sa mga karatig na bayan, laluna roon sa mga pumapanig sa ating rebol usyonaryong simulain. Sa isang pakahulugan, mas mapalad sa atin ang mga mamamaya ng Byetnamese, Kampucheano at Lao dahil kanugnog nila ang Tsina na nagsisilbing malakas na likuran nila. Kailanma y di lalabis ang pagdidiin nating umasa sa saril i. Ang mga pangunahing pangangailangan ng ating digmang bayan ay kailangang tust usan ng hukbong bayan at ng malawak na masa mismo. Sa labanan mismo tayo panguna hing kumukuha ng armamento. Kailangang tumaas ang ating antas sa teknik na milit ar at ang ating kakayahan sa taktika t estratehiya sa pamamagitan ng mahigpit nati ng pagsunod sa Marxistang prinsipyong sumulong nang yugtu-yugto at magpakahusay sa isang yugto bilang paghahanda sa susunod na yugto. Ang katangian ng ating dig mang bayan ay pinatitingkad ng pagiging pulu-pulo ng ating bayan. Sa mula t mula pa, ang disbentaheng resulta ng pagiging pulu-pulo ng ating bayan a y nababawi na ng mabundok na katangian nito. Napakainam na kundisyon sa ating di gmang bayan ang mabundok na kalupaang may tao t masukal. Kung ang katangiang pulupulo y may epektong nagpapakitid sa ating mga larangan ng labanan, sa kabilang ban da nama y may epektong nagpapalawak at nagpapalalim ang katangiang mabundok. Mga b undok ang karaniwang natural na hangganan ng mga probinsya. Kaya t mapapanatili na tin ang ating impluwensya sa ilang probinsya kahit na magbase tayo sa iisang mab undok na hangganan. Dahil mabundok ang tereyn, hindi rin tayo madaling malapitan ng kaaway, at doo y mas malaki ang pagkakataon nating gampanan ang gawaing pampul itika sa hanay ng mamamayan kaysa iba pang lugar. Bago pa man mag-umpisang umaho n ang kaaway, pasa-pasahan nang maipapaabot sa atin ang mga ulat ng masa sa pobl asyon at mga baryo, aktwal nating makikita mula sa mga paborableng pwesto ang pa gdating niya at matatantya ang laki at posibleng itatagal ng kanyang operasyon s a ayos ng kanyang mga tropa, trak at eruplano. Samakatwid ay mapapaghandaan nati n ang kanyang pagdating. Tinutuhog ng Sierra Madre ang halos buong haba ng Luzon; mula sa bandang silanga n ng Lambak ng Cagayan ay dumadaan ito sa Gitnang Luzon at humahangga sa Kabikul an. Umaabot sa siyam na probinsya ang pinag-uugnay nito. Sa ilang lugar, dalawa o tatlong probinsya ang nagtatagpo rito. Sakop ng Kordilyera at Kabundukan ng Il okos ang bandang gitna at kanluran ng Hilagang Luzon. Umaabot sa labing-isang (1 1) probinsya ang pinag-uugnay rito. Sa ilang lugar, apat na probinsya ang nagtat agpo rito. Bukod-tangi ang mga bulubunduking probinsya at mga gilid nito dahil d ito nilipol ng pwersang gerilya ang pinakamakapal na konsentrasyon ng tropang Ha pones sa Pilipinas - umabot sa sandaa t limampung libo (150,000) - noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Limang probinsya ang pinag-uugnay ng kabundukan ng TarlacZambales. Dapat mahusay na ikoordina ang armadong pakikibaka sa malawak na kapat agan, nang may espesyal na pagsasaalang-alang sa nakapaligid na mga base militar ng US at mga pangunahing kampong militar ng Armadong Pwersa ng Pilipinas (AFP). Marami pang ibang maliit na bundok sa Luzon; paborable rin ang mga ito para sa pwersang gerilya. Mas mabundok at masukal pa ang Mindanao kaysa Luzon. Nasa sentro ng Mindanao ang mabubundok na probinsya ng Bukidnon at Cotabato. Matao ang mga ito tulad ng mga

probinsyang bulubundukin ng Hilagang Luzon at nakaugnay sa halos lahat ng probi nsya ng Mindanao. Sa labas ng Luzon at Mindanao, apat na probinsya ang nagtatagp o sa kabundukan ng Panay at tigdadalawang probinsya ang nagtatagpo sa kabundukan ng Samar, Leyte, Negros at Mindoro. Ang kalupaang mabundok ay mas paborable sa hukbong bayan habang mas marami ang n aninirahan sa mga paanan, mga kaingin, talampas, pampang at tabing-sapa. Ang kar aniwang naninirahan sa mabubundok na lugar ay ang mga pambansang minorya at mara litang setler. Madaling-madali nilang tanggapin ang rebolusyonaryong propaganda at marami sa kanila ang nasasandatahan ng desabog bilang parte ng kanilang pamum uhay. Pareho nilang kaaway ang reaksyonaryong gubyerno na ang turing sa lupain n ila ay lupang publiko at kung hindi diretsahang kumakamkam dito ay pumapayag na ka mkamin ito ng malalaking panginoong maylupa, malalaking burukrata o malalaking k apitalista. Sa umpisang-umpisa pa lamang ay kailangang masigasig natin silang pu kawin at pakilusin para ipagtanggol ang lupain nila at kaunting ari-arian laban sa mangangamkam at pwersa ng kaaway. Sa paglulunsad ng mga operasyong militar la ban sa atin, laging pwersahang pinababakwit ng kaaway ang mga naninirahan sa bun dok para hadlangan sila sa pagsuporta sa atin at mapadali ang pagkamkam ng kanil ang lupa. Dapat nating puspusang labanan ang lahat ng pwersahang ebakwasyon. Ang pagbibigay natin ng pinakamataas na kahalagahan sa paglikha ng mga base at s onang gerilya sa kabundukan ay nakatulong nang malaki para mapreserba ang ating pwersang gerilya sa harap ng napakaraming maliit at malaking kampanya ng pagkubko b at panunupil na inilunsad laban sa atin. Kung di nagamit ang Sierra Madre, hind i sana napreserba ang maliit nating pwersa sa Lambak ng Cagayan na ang pangunahi ng pwersa ay tatlong kumpanya lamang, laban sa pitong libong (7,000) tropa ng ka away. Kung di nagamit ang kabundukan ng Sorsogon, hindi sana napalaki ang maliit na panimulang pwersa natin doon hanggang maging pangunahing pwersang lakas-plat un at walong iskwad, at mas madali sana itong nabawasan nang dumagsa ang sanlibo ng (1,000) tropa ng kaaway. Gayunman, dapat din nating tukuyin na mali ang umasa lamang sa mabundok na kalupaan. Ang ibig nating sabihin ay gamitin ang kumbinas yon ng di gaanong mataong kalupaang mabundok at ng mas mataong kapatagan, pero p angunahing umasa sa kabundukan sa pagtupad sa mga layuning militar sa maagang yu gtong ito ng ating digmang bayan. Mula sa lugar na mabundok at maburol, pwede tayong magpalawak sa mga kapatagang mas matao. Kahit abante na tayo sa pagtatayo ng mga base sa kapatagan, mananatil i ang estratehikong importansya ng mga base nating mabundok at maburol bilang pa niguro sa matagumpay na pagsulong ng digmang bayan. Pinakamahusay na makakapanat ili ang rebolusyonaryong baseng sentral sa mataong kabundukan, na ang pinakamal awak ay nasa Luzon. Kahit saan, ang mga base sa kapatagan, baybay-dagat, lawa at ilog makakakuha ng suportang kailangang-kailangan, mula sa mga base sa kabunduk an at mga burol. Mula sa dalawampung (20) base at sonang gerilya na nakatayo na at batay sa karan asang natamo sa paglikha ng mga ito, pwede nang umpisahang itatag ng liderato an g rebolusyonaryong baseng sentral sa mataong kabundukan ng Hilagang Luzon. Sa hi naharap, ang mga base t sonang gerilya ng Hilagang-silangang Luzon, Hilagang-kanlu rang Luzon at Gitnang Luzon ay pwedeng maging terminal ng regular na pwersang ma kilos na lilitaw sa rebolusyonaryong baseng sentral. Pagkatapos na mapaghusay ang pagtatayo ng dalawa o tatlong baseng gerilya sa baw at rehiyon sa labas ng Maynila-Rizal, pwede na nating likhain ang mas marami t iba -ibang tipo ng base t sonang gerilya. Bawat panrehiyong organisasyon ng Partido at ng hukbong bayan ay magtatatag ng sariling baseng sentral at sa kalauna y magbubu o ng sariling panrehiyong pwersang makilos. Sa bisperas ng pag-agaw ng kapangyar ihan sa buong bansa, sisipitin ang Maynila-Rizal ng mga regular na pwersang maki los mula sa hilaga at mula sa dalawang rehiyon ng Timog Luzon. Ang Mindanao ay mahahati sa tatlo o apat na rehiyon at maitatayo rin ang isang r

ebolusyonaryong baseng sentral na magkokoordina sa mga iyon. Matagalang tungkuli n ng pwersa natin sa Mindanao na higupin ang pwersa na kaaway mula sa Luzon at d urugin ang mga iyon. Sa bagay na ito y pwede tayong mahusay na makipagkooperasyon sa Moro National Liberation Front at Bangsa Moro Army. Masasamantala ng pwersa n atin sa Kabisayaan ang mga tagumpay natin sa Luzon at Mindanao, at makakaambag s ila sa tungkulin na piliting mahati ang pwersa ng kaaway at durugin ang pwersang ito. Dahil kapuluan ang ating bayan, kailangan nating magpaunlad ng mga base t sonang g erilya sa mga baybay-dagat. Isang maliwanag at kagyat na dahilan ang komunikasyo n. Dapat tayong makapagpaunlad ng lalong maraming ruta sa pagitan ng Luzon, Kabi sayaan at Mindanao sa pamamagitan ng gawaing pampulitika sa hanay ng mga manging isda at magdaragat. Sa Kabisayaan, ang pagsakay sa bangka ay kasingkaraniwan ng pagsakay sa trak sa Luzon at Mindanao. Kung hahango tayo ng mga aral sa timog-ka nlurang Mindanao, laluna sa kapuluan ng Sulu, mas mapapaunlad pa natin ang pakik idigmang dagat, isang porma ng pakikidigmang gerilya na gumagamit ng maliliit na bangka at malalaki t maliliit na pulo. Magiging mahusay na suporta ito sa pakikid igmang gerilya natin sa katihan. 4. MULA SA MALIIT AT MAHINA TUNGO SA MALAKI AT MALAKAS Dapat nating kilalanin ang balanse ng pwersa natin at ng kaaway. Ito ang unang d apat gawin sa paglulunsad ng buong digma, o ng isang kampanya, o ng isang sagupa an. Sa ngayon, maliit at mahina tayo samantalang malaki at malakas ang kaaway. W alang duda na lubhang nalalamangan tayo sa militar sa mga partikular na bagay tu lad ng bilang ng tropa, pormasyon, kagamitan, teknik, pagsasanay, tulong ng dayu han at lahat ng klase ng suplay. Matatagalan bago tayo makalamang sa balanse ng pwersa. Kaya, batayang katangian ng ating digmang bayan ang pagiging matagalan. Apat ang pangunahing sangay ng armadong pwersa ng kaaway: ang konstabularya, huk bong katihan, hukbong panghimpapawid at hukbong dagat, na binubuo ng di kukulang in sa sandaang libong (100,000) tropa sa kasalukuyan. Sa ilalim ng pasistang dik tadura, dinagdagan ng di kukulangin sa apatnapung libong (40,000) tropa ang laka s ng kaaway, sa aktwal na pagdaragdag sa pwersang regular at sa pagpapahaba sa s erbisyong militar ng mga treyni na dalawampung (20) taong gulang, na ang dating anim na buwang pagsasanay ay ginagawang isa t kalahating (1 ) taon. Nagdagdag din s a lakas ng kaaway ang civilian home defense forces o CHDF (isa pang pangalan ng BS DU o barrio self-defense unit ). Ipinahayag ng pasistang diktador na sa kalagitnaan ng 1975 ay aabot sa dalawang daan at limampung libo (250,000) ang kabuuang laka s ng reaksyonaryong armadong pwersa matapos ang integrasyon ng mga lokal na puli sya sa Konstabularya ng Pilipinas. Ang lakas ng ating ganap na pwersang gerilya ay malayung-malayo sa regular na la kas militar ng kaaway. Ang tipikal na sentro de grabidad ng ating pwersang geril ya ay lakas-platun lamang. Umiikid sa paligid nito ang mga armadong iskwad pampr opaganda at ganap na iskwad gerilya. Sa ngayo y sa Hilangang-silangang Luzon pa la mang natin naaabot ang antas ng pormasyong kumpanya na may sapat na lakas, at do on pa lamang natin nagagawa ang mga operasyong pangkumpanya. Ngayon, kahit doo y b umaba ang antas ng armadong pagkilos sa antas ng mga platun at iskwad. Gayunman, ang paghina doon na resulta ng walang tigil na kampanya ng kaaway ay higit pa s a nabawi ng paglaki ng Bagong Hukbong Bayan sa pambansang saklaw. Syempre, kung isasama ang partaym na yunit gerilya at yunit milisya, mas malaki ang masasabing bilang ng lakas militar natin; kaya lang, bilang mga armadong tauhan ay maliit at mahina ang mga ito kung ikukumpara sa di regular na pwersa ng kaaway, ang CHD F, na di hamak na mas mahusay ang armas. Hindi natin tumpak na matataya ang mga nagawa natin sa larangang militar kung hi ndi sapat na isasaalang-alang ang ilang obhetibong kundisyon. Ang suhetibong mga pwersa ng rebolusyon, laluna ang Partido at ang hukbong bayan, ay nag-umpisa sa halos wala. Muling binuo ang Partido mula sa halos wala noong Disyembre 26, 196

8; dagdag pa y kinailangan nitong harapin ang mga atake hindi lamang ng mga lantar ang kaaway kundi pati ang buktot na mga rebisyonistang Lava na tira ng lumang pa rtidong pinagsanib. Ang Bagong Hukbong Bayan ay binuo rin mula sa halos wala noo ng Marso 29, 1969; dagdag pa y kinailangan nitong harapin hindi lamang ang mga rea ksyonaryong armadong pwersa kundi pati mga rebisyonistang Lava at gang nina Taru c at Sumulong. Wala kahit isang riple na naipasa sa mga mga pultaym na gerilya ng Bagong Hukbon g Bayan mula sa pakikipaglabang anti-Hapones ng Hukbalahap noong Ikalawang Digma ang Pandaigdig o mula man sa gerang sibil na sumunod dito. Dahil sa mga Kanang o portunistang pagkakamali (noong katatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig), mga Kaliwang oportunistang pagkakamali nina Jose at Jesus Lava (noong gera sibil) at, sa bandang huli, mga Kanang oportunistang pagkakamali ni Jesus Lava, itinapon n g mga taksil na rebisyonistang Lava ang lahat ng baril na nakuha sa mga naunang armadong pakikibaka. Kinailangang mag-umpisa ang Bagong Hukbong Bayan sa ilang r iple at pistola na karamiha y inagaw sa pangkating maton nina Taruc at Sumulong pa ra armasan ang siyam na pinaliit na iskwad na may tigpipitong mandirigma. Mula nang itatag ang Bagong Hukbong Bayan, kinailangan itong maglunsad ng digman g bayan sa kundisyong wala ni digmaang mundyal ang mga imperyalistang kapangyari han ni lantarang digmaan ang mga reaksyonaryo. Sa simula pa y isang armadong pwers a na lubhang nagkakaisa ang kinailangang harapin ng hukbong bayan. Karapat-dapat itong bigyan ng kataas-taasang parangal dahil nagawa nitong ipreserba ang saril i at nakaya pang magpalawak at magpatatag sa harap ng malakas na task force ng k aaway, ng suspensyon ng kasulatan ng habeas corpus noong 1971, at ng kasalukuyan g paghaharing militar ng pasistang diktadura. Kahit ngayong konsentrado ang kala khan ng pwersa ng kaaway sa Timog-kanlurang Mindanao laban sa Hukbong Bangsa Mor o, nagagawa pa ng kaaway na magmantini ng task force sa bawat rehiyon at ng pwer sang konstabularya t isinanib na pulisya sa bawat probinsya, na daan-daang ibayo a ng lakas sa armas kung ikukumpara sa atin. Malaking disbentahe at kahinaan pa rin ng Bagong Hukbong Bayan ang pagkakaroon n g iilang riple lamang at ng napakaliit na pwersang matitipon para humarap sa kaa way, na kung maglunsad ng mga kampanya ng pagkubkob at panunupil ay nagdedeploy ng napakaraming yunit na di liliit sa kalahating kumpanya para magtanod, at ng pin alaking mga platun, na nabubuong ganap na kumpanyang regular o ganap na batalyon pa nga, para sagupain tayo sa loob ng kubkuban. Sa gayong kalagayan, masyado ta yong nahihirapang imantini ang inisyatiba at isagawa ang patakarang manlipol sa mga labanan. Hindi madalas dumating ang pagkakataong makalipol ng isang iskwad o platun ng kaaway. Nagagawa pa nga ng kaaway na pwersahang pabakwitin ang buong populasyon sa pamamagitan ng pagmamasaker, pandarambong, pambobomba, at panununo g. Kapag nawala na ang suportang masa sa loob ng takdang lugar, kadalasa y napipil itang lumipat ang maliit nating pwersang gerilya. Sa ngayon, ang tanging paraan para mapatingkad ang armadong lakas at kakayahang lumaban ay hayaang lumarga ang suportang masang tinatamasa natin. Ang mga gulok, sibat, pana, patibong at ibang katutubong sandata na madaling makuha ng masa ay dapat ikumbinasyon sa pampasabog na yaring-kamay at ilang ripleng hawak natin. Sa seryosong pagpapatupad ng patakarang papasukin ang kaaway at sumulong nang pa alun-alon sa paborableng kalupaan kapwa sa estratehiya at sa taktika, pinakaepek tibo nating magagamit ang kumbinasyon ng mga riple t katutubong sandata at kung mi nsa y kahit ang mga katutubong sandata lamang kapag wala nang ibang magagamit. May mga okasyon din na sa panlalansi ay madidis-armahan natin ang mga pwersang CHDF , lokal na pulisya at maliliit na yunit ng kaaway nang hindi man nagpapaputok. S a lubos na paghawak sa inisyatiba, paulit-ulit nating mabubuyo ang kaaway na bum anda sa tambangang mahusay nating inihanda, o ipadala ang superyor niyang pwersa sa ibang lugar para masalakay natin ang mahina niyang pwersa sa ibang lugar. Sa bawat okasyon, sinisigurado nating makuha ang kagamitang militar ng kaaway. Dahil nga sa kaliitan at kahinaan natin, may dalawang magkasalungat na panganib

na kailangan nating iwasan at labanan. Isa y ang magtangkang saklawin ang isang pu rok na sa katunaya y mas malawak kaysa kakayanin nating saklawin. Karaniwa y nangang ahulugan ito na sobrang naikakalat ang mga iskwad gerilya natin. Ang isa pa y magk onsentra sa napakaliit na lugar, kaya sa isang ihip lamang ng kaaway ay hindi na tin alam kung saan lilipat. Kung ikukumpara sa mga regular na pwersang makilos, ang mga pwersang gerilya ay kumikilos batay sa prinsipyo ng pagkalat. Pero dahil mayroon lamang tayong maliit na pwersang gerilya, at wala pang kahit anong regu lar na pwersang makilos na magiging pangunahing pwersa sa anumang okasyon, kaila ngan din natin ang relatibong konsentrasyon at relatibong pagkalat batay sa anta s ng ating kasalukuyang pakikidigmang gerilya. Kailangan nating magkaroon ng mga pangunahing yunit gerilya gayundin ng mga sekundaryong yunit gerilya, at ng mga baseng gerilya gayundin ng mga sonang gerilya. Depende sa kalagayan, kailangang italaga ang limitado nating pwersa batay sa mga tiyak na tungkulin, sa tamang direksyon at sa loob ng tiyak na saklaw. Ang mga kilos natin ay may pormang konsentrasyon, paglipat o pagkalat. Nagkokonsentra ta yo para salakayin ang kaaway, pangunahin sa mga tambang at reyd sa maliliit niya ng yunit na malilipol natin. Kumakalat tayo para magpropaganda at mag-organisa o maglaho kapag naririyan ang kaaway. Lumilipat tayo para umikot o umurong nang sa gayo y magkapanahon at makapaghanap ng paborableng kalagayan para sumalakay. Katan gian ng ating pakikidigmang gerilya ang pleksibilidad o napapanahong pag-iiba-ib a ng paraan ng pagkilos, at ang pagiging makilos o madalas na paglilipat-lipat n g lugar. Dapat nating sapulin at patingkarin ang mga katangiang ito para mamanti ni ang inisyatiba laban sa kaaway. Ipinapakita ng ating karanasan na daig natin ang kaaway dahil makatarungan ang a ting digma, isang digma para sa demokratikong interes ng sambayanan. Kung hindi dahil sa tamang linya sa ideolohiya at pulitika na dinala ng Partido Komunista n g Pilipinas mula nang ito y muling itatag, hindi sana tayo umabot nang ganito kata gal, sa liit at hina ng ating armadong pwersa. Lumulubog ang kaaway sa palalim n ang palalim na krisis sa pulitika at ekonomya, at walang tigil na gumagawa ng pa ng-aabuso na ang epekto ay kontra sa sariling layunin at pumupukaw lamang sa mam amayan para magrebelde. Sa absolutong pamumuno ng Partido, may kumpyansang magta tagumpay ang Bagong Hukbong Bayan dahil saanman naroroo t magtungo y lumalabas na da ig nito ang kaaway sa pulitika, palibhasa y may pleksibleng estratehiya t taktika na nakabatay sa kongkretong kundisyong nauunawaan nito. Tulad ng Bagong Hukbong Ba yan, maliit at mahina pa ang Partido bilang isang organisasyon, pero tiyak itong lalaki at lalakas basta t nagpupunyagi sa tamang linya sa ideolohiya at pulitika. Sa kasalukuyang kalagayan ng pambansa o kahit sa panrehiyong saklaw, walang iban g magagawa ang Bagong Hukbong Bayan kundi ang lumagay sa estratehikong depensiba laban sa estratehikong opensiba ng isang palalong kaaway. Pero ang nilalaman ng estratehikong depensiba natin ay ang serye ng mga taktikal na opensiba na kaya nating ilunsad at ipagtagumpay. Sa pananalo natin sa mga labanang mabilis na tin atapos, tiyak tayong makakapag-ipon ng lakas para manalo sa mas malalaking laban an at kampanya at sa gayo y makasulong sa mas mataas na yugto ng digma. Para makas ulong mula sa pakikidigmang gerilya tungo sa regular na pakikidigmang makilos bi lang pangunahing porma ng pakikidigma, kailangan nating magsumikap nang husto sa loob ng mahabang panahon. Nasa panimulang-panimula at maagang subyugto pa laman g tayo ng estratehikong depensiba. Masasabi natin na sa matagal na proseso ng paglaki t paglakas ng hukbong bayan mul a sa pagiging maliit at mahina, may mga yugto at subyugtong kailangan nitong daa nan. Kung ipagpapalagay natin na mula sa kalagayang agrabyado pa ang pwersa nati n ngayon ay makakapatas ito at sa bandang huli y makalalamang sa kaaway, pansamant alang matutukoy ang tatlong estratehikong yugto na dadaanan ng ating hukbong bay an. Dumadaan ito ngayon sa unang yugto, ang estratehikong depensiba. Sunod itong dad aan sa ikalawang yugto, ang estratehikong pagkakapatas, kapag humigit-kumulang a

y magkasinlakas na tayo at ang kaaway at tumatampok na ang pakikipag-agawan nati n sa kaaway para makuha ang estratehikong mga bayan, syudad at malalaking pook. Sa huli, dadaan ito sa ikatlong yugto, ang estratehikong opensiba, kapag ang kaa way ay lubhang napahina na at lubusang nahiwalay na at napilitang lumagay sa est ratehikong depensiba, sa lubos na kabaligtaran ng pusisyon niya sa yugto ng est ratehikong depensiba natin. Maaliwalas ang hinaharap ng Bagong Hukbong Bayan, kahit kailangan nitong daanan ang mahaba at liku-likong landas. Sa kabilang banda, madilim ang hinaharap ng re aksyonaryong mga armadong pwersa. Kabiguan at kamatayan lamang ang hinaharap ng isang mersenaryo at palamuning militar na naninilbihan sa imperyalismong US, pyu dalismo at burukratang kapitalismo. Nasa mga kamay ng hukbong bayan ang sandatan g makapangyarihan sa lahat, ang tangkilik ng mamamayan. Kapag wala ito y hindi tay o makapaglulunsad ng rebolusyonaryong digma. Ipinaglalaban ng Bagong Hukbong Bayan ang demokratikong interes ng bayan, taglay ang pagmamalasakit at mulat na disiplinang bakal at ang katapangang bunga ng ma lalim at malawak na kaalaman. Lumalaban ang mga Pulang kumander at mandirigma na ng hindi natatakot magsakripisyo at mamatay, dahil ipinaglalaban nila ang malawa k na interes ng mamamayan at hindi ang makitid na interes ng mga imperyalista o ninumang indibidwal o pangkatin ng mga reaksyonaryo. Sa estratehiya, ang kaaway ay kinapopootan at hinahamak ng mga Pulang kumander at mandirigma. Pero sa takti ka y seryoso at masinop nilang isinasaalang-alang ang kaaway para mabigo ang bawat pakana at maniobrang magagawa nito. 5. PAGLITAW NG PAPET NA PASISTANG DIKTADURA SA GITNA NG KRISIS Ang pagtatatag ng pasistang rehimeng diktador ng pangkating US-Marcos ang pinaka malinaw na manipestasyon na niyayanig ang naghaharing sistemang pampulitika ng i sang krisis na hindi na nito kayang harapin sa dating paraan. Ang papet na pasis tang diktadura ay isang kontra-rebolusyonaryong hakbang na tanda ng kahinaan at kawalan ng pag-asa sa halip ng kalakasan. Para paghandaan ito, ipinakana ng nagh aharing pangkatin nina Marcos ang sunud-sunod na teroristang aksyon na tinampuka n ng ikalawang masaker sa Plaza Miranda. Ang mga ito at ang sumunod na pagpapata w ng isang pasistang paghaharing militar at ang lantarang paghaharing awtokratik o ay lubusang ikinapoot ng mamamayan at nagpasidhi sa pagnanais nila sa rebolusy onaryong pagbabago at sa pambansang kalayaan at demokrasya. Ang imperyalismong US ang utak ng pasistang diktadura. Itinatag ito para sigurad uhin na batay sa bagong konstitusyon , hindi lamang mapepreserba kundi mapapalaki p a ang mga pribilehiyo at interes na tinatamasa ng imperyalismong US batay sa kon stitusyon ng 1935, Susog Pariti at Kasunduang Laurel-Langley sa harap ng lumalak as na anti-imperyalistang pakikibaka ng malawak na masa, at higit pa y itinatag an g pasistang diktadura para mapalakas ang Pilipinas bilang base ng imperyalismong US sa kanluraning gilid ng Pasipiko at sa Asya at sa harap ng bigong digmang ag resyon ng US sa Indotsina. Bilang kapalit, walang taning na pinanatili si Marcos sa kapangyarihan hanggat napapakinabangan siya ng imperyalismong US at, syempre pa, hanggat ang ambisyon niya y hindi lumalampas sa pagiging pangkalahatang repre sentante ng malaking kumprador burgesya at uring malalaking panginoong maylupa, at kahit pa sa pagiging pinakamayaman sa kanilang lahat. Laging idinadakdak ng pasistang diktador na si Marcos na isang bagong lipunan ang kanyang rehimeng di makatarungan. Pero ang totoo, dahil sa malahalimaw niyang pa ng-aabuso ay naididiin lamang na walang iba ito kundi ang paglala ng lumang lipu nang malakolonyal at malapyudal. Saksi tayo ngayon sa walang taros na pagkapapet , kahayupan, kabulukan at pagkabangkarote. Sa lahat ng lokal na reaksyonaryo, an g pinunong pasista, ang kanyang pamilya at pinakamalalapit na mga tauhan sa buru krasyang militar at sibil ang nagtatamasa ng pinakamalaking pakinabang sa bagong lipunang papet, brutal, bulok at bangkarote.

Sa esensya, ang pasistang diktadura ay ang lantad na paghaharing terorista ng is ang reaksyonaryong pangkatin na nagdadala sa interes ng malalaking kumprador at malalaking panginoong maylupa. Habang nagtatagal ito sa kapangyarihan, lalong tu mataba ang lupa para sa ating digmang bayan. Dahil sa negatibong halimbawa ni Ma rcos, siya ang tumatayong pinakamahusay na guro ng mamamayan tungkol sa estado a t rebolusyon. Sa pakahulugang ito, siya ang ating pinakamahusay na propagandista . Napakahusay niyang nailalantad ang bawat kasamaan sa lipunang malakolonyal at malapyudal sa pamamagitan ng kanya mismong mga kasinungalingan at kalokohan. Ang pagkamkam niya sa lahat ng kapangyarihan ng gubyerno; pagpawi sa lahat ng ligal na partidong pampulitika; pagmomonopolisa sa mga peryodiko; at makahayop na pag supil sa lahat ng kalayaang demokratiko sa mga paraang tulad ng pagmamasaker, as asinasyon, pagsosona, pwersahang ebakwasyon, pambobomba at panununog, blakmeyl, pangingikil, iligal na pang-aaresto, iligal na detensyon at tortyur malinaw na n agpapatunay ang mga ito na kailangan at makatarungan ng armadong rebolusyon laba n sa armadong kontra-rebolusyon. Lahat ng pasistang kilos ng pangkating US-Marcos na isinasagawa sa pamamagitan n g makahayop na armadong pwersa ay naglalayong patatagin ang paghahari ng imperyali smong US at mga lokal na uring reaksyonaryo sa malawak na masa. Pero sa esensya y pinalalawak at pinalalalim ng gayong mga kilos ang armadong paglaban. Higit kail anman, mas maraming inilulunsad na labanan at mas maraming itinatayong base t sona ng gerilya ang Bagong Hukbong Bayan sa pamumuno ng Partido. Marami ring aktibist a, myembro man ng Partido o hindi, na naglulunsad na ng pakikibakang masa laban sa pangkatin ding US-Marcos bago ibaba ang Proklamasyon 1081, ang lumalahok ngay on sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa larangan o bumubuo ng malakas na r ebolusyonaryong kilusang lihim sa iba t ibang estratehikong purok sa bayan. Hanggang ngayon, ang Bangsa Moro Army, na mas mahusay na naaarmasan kaysa Bagong Hukbong Bayan, ang nakakapaglunsad ng pinakamalalaking pagsagupa sa kaaway at n akakapinsala nang malaki sa tropa at kagamitan nito. Sa paghigop sa malaking par te ng pwersang katihan, pwersang dagat at pwersang himpapawid ng kaaway, ang reb olusyonaryong armadong pakikibaka ng mga pambansang minorya na isinusulong nila para makapagpasya sa sarili at para labanan ang pambansang pang-aapi sa Timog-ka nlurang Mindanao ay nakakatulong nang malaki sa Bagong Hukbong Bayan sa iba t iban g lugar ng kapuluan. Kapalit nito, pinaghuhusay natin ang pagsusulong ng digmang bayan sa sarili nating mga purok para matuliro ang kaaway. Sa ngayon, saksi tay o sa kalituhan ng kaaway na di malaman kung sa dulong timog babaling o sa dulong hilaga. Liban sa Bagong Hukbong Bayan at Hukbong Bangsa Moro, walang makabuluhang armado ng pwersang lumalaban sa pasistang rehimeng diktador. Sa Luzon, Kabisayaan at ma s malaking parte ng Mindanao, walang makabuluhang armadong paglaban liban sa isi nusulong ng Bagong Hukbong Bayan. Masasabing sa mga purok na ito ay nakaharap ta yo sa iisang reaksyong pasista. Walang lantarang digmaan ang mga reaksyonaryo di to. Maraming usap-usapan tungkol sa Filipino Freedom Fighters , isang pangkat na um ano y pinatatakbo ng isang grupong anti-Marcos na may suporta ng US; pero hanggang ngayon, kahit nakaraan na ang dalawang taon ng pasistang paghahari, lumilitaw n a pakitang-pwersa lamang iyon na mahilig maglabas ng manakanakang manipesto na n agbabanta ng kakatwang kumbinasyon ng kudeta at pakikidigmang gerilya. Tapat sa orihinal at esensyal nilang katangian, ang mga taksil na rebisyonistang Lava ay lantarang sumuko sa pangkating US-Marcos at garapal na nakikipagsabwatan sa pagt ugis sa mga rebolusyonaryo at panggagantso sa masa. Walang ibang dapat gawin kun di ituring na traydor at espiya ang mga pusakal na rebisyonistang pasistang ito. Dahil walang lantarang digmaan ng mga reaksyonaryo sa kinaroroonan ng Bagong Huk bong Bayan, nakaharap ito sa iisang reaksyong pasista. Ibig sabihin ay nakakapag lunsad ang kaaway ng mas malalakas na opensiba laban sa atin sa alinmang partiku lar na purok na piliin niyang konsentrahan. Mangyari pa y disbentahe natin ito. Ka ugnay nito, wala tayong ibang magagawa kundi pag-aralan at gamitin ang tumpak na estratehiya t taktika sa pagharap sa mga kampanya ng kaaway. Gayunman, ipinapakit

a ng karanasan na kahit malayo ang armadong paglabang isinusulong sa timog-kanlu rang Mindanao, napilit nito ang kaaway na magbawas ng malaking pwersa sa Lambak ng Cagayan, Hilagang-silangang Luzon mula noong Marso 1973. Mayroong bentahe, sa katagalan, na ang Bagong Hukbong Bayan ang tanging armadong pwersang inaangkin ng mamamayan sa di liliit sa siyamnapung porsyento (90%) ng teritoryo ng Pilipinas. Nagiging mas madali at simple para sa panggitnang pwersa na pumili kung aling panig ang dapat nilang suportahan. Lalo ngang nagiging mas madali at simple ang pagpili habang nagiging masahol ang kaaway. Kaylaki at kay linaw ng kumpyansa at tiwala ng malawak na masa sa Bagong Hukbong Bayan, sa kabi la ng kaliitan at kahinaan ngayon ng hukbong ito, dahil ito lamang ang panlaban nila sa pasistang tiranya. Sa ilalim ng pasistang diktadura, lalo pang lumala ang krisis sa ekonomya na siy a nang batayan ng krisis ng buong reaksyonaryong sistemang pampulitika bago pa m an gawin ang makakanang kudeta ni Marcos. Pinaghihirap ng krisis sa ekonomya ang bawat mamamayan sa buong bayan kahit parang hindi siya tuwirang nabibiktima ng pang-aabusong pampulitika t militar ng pasistang diktadura. Ang pag-uugnay ng pape t na pasistang diktadura sa pang-ekonomyang paghihirap ng mamamayan ang paraang lalong nagpapabisa sa propaganda natin para sa armadong rebolusyon. Noon pa mang bago ipataw ang pasistang paghaharing militar, naiintindihan na ng malawak na m amamayan kung ano ang responsibilidad ng pangkating US-Marcos sa krisis sa ekono mya. Di makontrol na implasyon; laganap na kawalan ng trabaho; mabilis na pagtaas ng buwis; patuloy na debalwasyon o pagbaba ng halaga ng pera; nagkukulang na pagkai n, panggatong at abono; walang limitasyong pagpasok dito ng dayuhang kapital at walang limitasyong paglabas ng ganansya; malaking depisit sa panlabas na pangang alakal na pinagtatakpan ng teknikal na ismagling at huwad na istatistiks; labislabis na pangungutang sa loob at labas ng bayan; walang tigil na pagtaas ng gast os sa militar; implasyunaryong depisit na paggasta sa impraistruktura na bumubunda t sa mga bangkong imperyalista at dayuhang kontratista - ang lahat ng ito ay nag sisilbi sa kalakalang kolonyal at sa pandarambong sa likas na kayamanan ng bayan , at bukod pa y mga pagkakataon para sa katakut-takot na pangungurakot, panunuhol at ispekulasyon sa lupa na ang nananakaw ay monopolisado ng pasistang diktador. Ang lahat ng kapansin-pansing kasamaang ito ay katangian ng pasistang rehimeng d iktador. Napakatulin ng pagbulusok ng ekonomya kaya kailangang matamang subaybay an ng mga kadre ng Partido ang mabilis na nagbabagong datos sa ekonomya. Naghihirap ang malawak na masa dahil sa kumbinasyon ng mga abuso sa pulitika at ekonomya. Habang bumubulusok ang ekonomya, lumalala ang tiranya sa pulitika. Par a patuloy na mapagsamantalahan ang mamamayan, ang pasistang rehimeng diktador ng pangkating US-Marcos ay nagdaragdag ng mga armadong pwersa, namimili ng higit p ang gamit militar, at nanunuhol sa mga upisyal at kawal sa pamamagitan ng pagtat aas ng ranggo at pagdadagdag sa sahod, panustos at iba pang pribilehiyo. Ang dag dag na gastos para sa palamuning tulad ng militar ay nagiging dahilan ng lalong pagbulusok ng ekonomya. Ang ibayong pagsasamantala at ibayong pang-aapi ay nagbu bunga ng ibayong paglaban. Kayat sa sariling kagagawa y di matapus-tapos ang panib agong paggastos ng pasistang diktadura para sa militar. Walang kahihiyang ibinabando ng pasistang diktadura sa buong mundo na matagumpay nitong napapanatiling mura ang paggawa sa Pilipinas para pagsasamantalahan ng m ga imperyalista. Ilang taon na ngang pinananatili ng pangkating US-Marcos ang at rasadong kundisyon sa bayan kaya marami ang walang trabaho. Ngayon naman, sa ila lim ng paghaharing militar, lalo pang pinamura ang lakas paggawa. Ipinagkait sa manggagawa ang karapatan nilang mag-unyon, laluna ang karapatang magwelga, kahit na kaybilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Kapag iginigiit ng mga manggagawa na taasan ang sahod nila, lantaran silang tinatakot ng armadong pwersa ng pasistang militar at maaaring suspindihin o patalsikin nang walang dah ilan ng kanilang amo. Sinisistematisa ng bagong kodigo ng paggawa ang pagsupil sa

mga karapatan ng manggagawa na magkabilang sinasalakay ng pasistang gubyerno at ng malaking burgesya. Para mapanatili ang paghahari ng takot, madalas reydin at sonahin ng pasistang militar at pulisya ang mga pabrika at komunidad ng manggaga wa. Garapal na sinasabi sa mga magsasaka na kung nais nilang magkalupa ay dapat sila ng makipagkontrata sa kanilang panginoong maylupa; pero sa laki ng ipinapahulog sa kanila ng ayon sa kontrata ay hindi nila mababayaran kahit ang unang hulog. I to ang ipinangangalandakang reporma sa lupa . Pinagbabayad din ang mga magsasaka ng mataas na buwis sa lupa, espesyal na pataw sa pagbebenta ng kanilang produkto, ng butaw sa pagsapi at espesyal na mga butaw sa baranggay at samahang nayon , at mga takdang kontribusyon sa sinasabing savings fund at barrio guarantee fund . Sa ilalim programang Masagana 99 ay pinagbabayad din sila ng mataas na interes para sa pina mahal na abonong mula sa Planters Products na pag-aari ni Marcos, at sinisingilan ng pataas nang pataas na bayad sa patubig kung mayroon man. May mga pakana rin sa seguro at medicare para lalo pang manghuthot sa magsasaka. Inuutusan ang mga bara nggay sa buong bayan na magtayo ng CHDF; dahil dito y nadadagdagan ang gastos ng m agsasaka at nababawasan ang panahon nilang magtrabaho sa bukid dahil pilit silan g pinagroronda. Sa mga lugar na kapiling na ng masang magsasaka ang hukbong baya n, nagsasagawa ang kaaway ng sukdol sa kahayupang operasyong militar na kalakip ang pwersahang ebakwasyon, pagmamasaker, pandarambong, panununog at walang taros na pambobomba at pagpapaulan ng bala. Tulad ng masang anakpawis, nasusuklam ang petiburgesyang lunsod sa pasistang dik tadura. Lubusan at kongkretong nakatambad sa kanila ang pinakaesensya ng reaksyo naryong estadong naglilingkod sa interes ng imperyalista, malaking kumprador at panginoong maylupa; at sa araw-araw na pamumuhay ay hindi ligtas ang limitadong kita nila sa pamiminsala ng implasyong umuusbong sa loob ng bayan at nanggagalin g din sa labas. Sa kaululan ng pasistang diktadura ay sinusupil nito ang lahat n g kalayaang demokratiko at inuusig ang laksa-laksang demokratikong personalidad na kabilang sa petiburgesyang lunsod o yaong mga nirerespeto ng saray na ito. Ta lamak ang pang-aabuso ng pasistang diktador at ng kanyang mga tauhang militar; k ayat bawat petiburges ng lunsod ay diretsahang nakaranas na ng pang-aabuso o may kamag-anak o personal na kaibigan na inabuso ng mga iyon. Alam na alam ng petib urgesyang lunsod na nililikha ang kalagayang pinaghaharian ng takot at sindak pa ra mapanatili si Marcos sa kapangyarihan at maitaguyod ang interes ng mga mapags amantalang dayuhan at pyudal. Matutuklasan ng pambansang burgesya, laluna ng nakakababa at panggitnang seksyon nila, na itinatakwil sila ng pasistang diktadura. Natutulak sila sa pagkabangkr ap. Lalo pang nandarambong ang mga monopolyong empresang dayuhan sa Pilipinas sa pagtatangka nilang makabawi sa lugi t kagipitan sa ibang parte ng mundo. Walang k ahihiyang patakaran ng pasistang diktadura na itali ang buhay nito sa pagbebenta ng Pilipinas sa mga monopolyong kapitalistang dayuhan, pangunahin sa mga Amerik ano at Hapones. Sa ilalim ng konstitusyon ni Marcos, Batas sa Insentiba sa Pamum uhunan, Batas sa Insentiba sa Pag-eeksport at napakaraming iba pang dikretong pa sista, ang mga monopolyong kapitalista ng US at iba pang bayan ay nagtatamasa ng mga pribilehiyong lampas pa sa ipinagkaloob ng konstitusyon ng 1935 at ng Kasun duang Laurel-Langley na may sugnay sa pariti. Mabilis nilang pinararami ang ariarian nila, dinudurog ang pambansang burgesya, inaagaw ang lahat ng klase ng neg osyo at oportunidad, at walang taros na dinadambong ang bayan. Samantalang totoo na nakaharap sa atin ang iisang reaksyong pasista sa Luzon, Ka bisayaan at mas malaking parte ng Mindanao, panlabas na anyo lamang ito ng sitwa syong poot na poot sa kaaway ang malawak na masa ng mamamayan at masigla nilang tinatangkilik ang maagang pag-umpisa ng ating digmang bayan. Sa ilalim ng wari y lakas ng kaaway ay ang papalubhang krisis at walang lunas na pagkabulok. Kung hi ndi sa malawak na pagtangkilik na tinatamasa ng ating maliliit na armadong yunit , hindi makakatagal ang mga ito sa malalakas na salakay ng kaaway.

6. SA ILALIM NG IISANG KAPANGYARIHANG IMPERYALISTA Iisa ang pinakatamang paliwanag kung bakit wala pang lantarang digmaan ang mga r eaksyonaryo sa kabila ng matinding panloob nilang kontradiksyon, isang kontradik syon na hanggang ngayo y tinatampukan ng terorismo at karahasan ng pasistang gang ni Marcos; ito ay dahil pinaghaharian ang buong bayan ng iisang kapangyarihang i mperyalista. Ibang-iba ang Pilipinas, kung gayon, sa Tsinang pinaghati-hati ng i lang nagbabangayang panginoong militar na inaalagaan ng ilang magkakakontrang ka pangyarihang imperyalista. Sumusunod na ang lahat ng ibang paliwanag tulad ng: hindi kailanman nagkaroon an g mga reaksyonaryong anti-Marcos ng mahigpit na nabubuklod at malaki-laking arma dong pwersa na bukod sa armadong pwersa ng estado; maliit at pulu-pulo ang bayan at walang gaanong lugar na mapaghahati-hati sa ilang saklaw ng impluwensya; kin umpiska ng tusong si Marcos ang armas ng buhaghag at maliliit na armadong grupo ng mga reaksyonaryong pulitiko na hindi niya pinagtitiwalaan o kaya y alam na suma salungat sa kanya; sinanay ang mga pinuno ng reaksyonaryong armadong pwersa na m anatiling tuta ng sinumang punong kumander sa anumang pagdadahilang umano y alinsu nod sa konstitusyon; at kung anu-ano pa. Marami pang pwedeng maging paliwanag pero kung may kabuluhan din lamang ang mga ito sa usapin ay pare-parehong hahantong sa iisang paliwanag: na ang imperyalism ong US ang iisang pinakaimportanteng pwersang nagpapasya sa reaksyonaryong pulit ika sa Pilipinas. Sa hanay ng mga reaksyonaryong pulitiko sa bayan, ang pananati li o pagpapalit ng isang pangkat ay may hayag o tahimik na pagsang-ayon ng imper yalismong US. Bago magkaroon ng diktadurang pasista, ang mga eleksyong presidens yal ay pinagpapasyahan ng pondo sa kampanya at suporta ng mga dyaryo na ibinibig ay ng mga imperyalista ng US at mga ahente nilang malaking kumprador-panginoong maylupa; at walang batayang pagkakaiba ang dalawang pangunahing partidong pampul itika liban sa kung aling partido ang may pangkatin ng mga kandidatong pinakamah usay na naglilingkod sa interes ng mga imperyalista ng US at lokal na reaksyonar yo at kasabay nito y pinakamahusay na nagkukunwaring naninindigan sa interes ng ma mamayan. Sa kasalukuyang kalagayan na lantad na lantad na ang paghahari sa pamamagitan ng baril, agad at diretsahang pumapasok sa usapin ang estratehikong kontrol at imp luwensya ng imperyalismong US sa reaksyonaryong armadong pwersa kapag naitatanon g natin kung kaya ba o hindi ng mga reaksyonaryong anti-Marcos na palitan o ibag sak ang pasistang gang ni Marcos. Makabuluhang gunitain ang panahon na lantarang ipinakita ng imperyalismong US kung hanggang saan nito magagamit ang estratehik ong kontrol at impluwensya sa reaksyonaryong armadong pwersa para tumulong sa pa gpapalit ng reaksyonaryong administrasyon. Iyon ang panahong nilabanan ni Magsay say si Quirino noong 1953 at diretsahang inutusan ng CIA at JUSMAG ang mga kuman der ng batalyon ng AFP na suportahan si Magsaysay. Para sa imperyalismong US, hindi mapapayagan ang lantarang digmaan ng lokal na m ga tauhan nito dahil ang kalalabasan lamang niyon ay magugulo ang anumang katatag an at mga bentahe na natamo nito sa Pilipinas sa ilalim ng pasistang diktadura. K ung gayon, mahirap asahang magbibigay ng armas ang imperyalismong US sa isang gr upong anti-Marcos pero maka-US pa rin para itayo ang isang hukbo laban sa pasist ang gang ni Marcos. Sapat nang magpasimuno ang imperyalismong US ng isa pang kud eta kung kakailanganing palitan si Marcos sa pamamagitan ng armadong pwersa, dah il ayaw niyang bitiwan ang kapangyarihan kahit mas nakabibigat na kaysa napapaki nabangan ang kanyang kabahuan at pang-aabuso. Hinding-hindi naging gawi ng imperyalismong US na payagang mabigyan ng armas ang mamamayan sa isang bayan tulad ng Pilipinas, na ang mga reaksyonaryong armadong pwersa ay mahigpit pa nitong impluwensyado at kontrolado. Bago maganap ang kaha ngalan sa Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumanggi ang mga kolonyali sta ng US na mamigay ng armas sa mamamayan para paghandaan ang paglusob ng mga H

apones. Noong magtatapos na ang digmaan at nagbababa na sila ng maraming tropa r ito ay saka lamang sila namigay ng maraming armas sa mga gerilya ng USAFFE. Pagk asakop na pagkasakop muli sa Pilipinas, ginawa ng imperyalismong US at mga alipu ris nito ang lahat ng paraan para samsamin ang itinuturing nilang di lisensyadon g mga armas. Ganito dapat ang pagtingin natin sa paulit-ulit na bantang magkudeta ng mga reak syonaryong anti-Marcos. Ang pinakalitaw na tagapagsalita nila ngayon ay si Raul Manglapus, na kabilang sa lumang grupo ng mga ahente ng CIA na naglagay kay Mags aysay sa pagkapresidente noong 1953. Alaga siya ngayon ng Departamento ng Estado ng US at maliwanag na isa siyang reserbang kabayo. Gayunman, hindi ibig sabihin g siya ang prinsipal na reserbang kabayo. Nagkataon lamang na nasa pusisyon siya sa hanay ng mga reaksyonaryong anti-Marcos na hayagang magpropaganda laban sa p asistang gang ni Marcos, di tulad ni Aquino na nakakulong o ni Macapagal na mas gustong mag-abang sa dilim. Alam ng pasistang diktador na nakadepende sa imperyalismong US ang itatagal ng b uhay niya sa pulitika, pati na ang personal niyang kaligtasan. Kaya ginagawa niy a ang lahat para masiyahan ang amo niyang imperyalista. Alam din naman niyang na kikinabang ito sa walang takdang paghahari niya, gayundin sa pag-aalaga ng mga r eserbang kabayo para ipamblakmeyl. Kaya ginagawa niya ang lahat para patuloy na mahawakan ang reaksyonaryong armadong pwersa: pinahahawakan ang pinakaestratehik ong mga kumand sa kanyang mga kamag-anak at bataan; sinisipa ang mga itinuturing niyang di mapagkakatiwalaan; sinusuhulan ang mga upisyal sa pamamagitan ng prom osyon sa ranggo at dagdag sa sahod at alawans kasabay ng pagdaragdag ng tauhan; binibigyan ang nasabing mga upisyal ng pagkakataong mangurakot (kabilang na ang lantarang pambablakmeyl at pangingikil); at ipinapailalim sa sarili niyang organ isasyon sa pang-eespiya ang regular na mga ahensya sa pang-eespiya. Malinaw ang mga plano at taktika ni Marcos para tumagal sa kapangyarihan. Balak niyang unti-untiin iyong ang mga okasyong tulad ng eleksyon ng lokal na upisyal, pagtatayo ng isang malaking partidong pampulitika at posibleng isa pa o ilang m aliit na partidong puro kontrolado niya, pagnonombra niya ng isang legislative ad visory council [ lehislatibong konsehong tagapayo ], pagdaraos ng interim national ass embly [ pansamantalang pambansang asambleya ], pananatili niya bilang prime minister, at kung anu-ano pa. Hangad ni Marcos na tumagal sa kapangyarihan hanggang sa su muko sa kanya ang lahat ng karibal niya sa pulitika alang-alang na rin sa makasa riling interes nila. Tutal, madaling magkasundo si Marcos at ang mga karibal niy a sa pulitika tungkol sa kung ano ang esensyal na konstitusyon ni Marcos at iba pang pasistang batas na nagsisilbi sa imperyalismong US at mga lokal na uring re aksyonaryo. Pero ang kasaysayan ay hindi mag-isang madidisisyunan ni Marcos. Lumalala ang kr isis sa ekonomya at pulitika. Mas kinamumuhian ng mamamayan ang kanyang pasistan g rehimen kaysa rehimen niya bago magbatas militar, at tuluy-tuloy na lumalaki a t sumusulong ang kilusang rebolusyonaryo. Kahit hangad niyang ilatag ang sarili niyang disenyo ng normalisasyon para lamang manatili sa kapangyarihan, maaaring pa litan siya ng imperyalismong US mismo imbis na pabayaang maghari nang walang tan ing, ayon sa isang klase ng normalisasyon na kung hindi sasang-ayunan ay makalalas ap siya ng kudeta. Sa maraming kaso sa ibang parte ng mundo, natutuklasan ng mga papet ng imperyalismong US na sila ang napagbubuntunan ng sisi ng mga amo nila. Hanggang ngayo y mahusay na nagsisilbi sa imperyalismong US ang pasistang diktadur a. Ginamit ito para panatilihin at palakihin ang mga pang-ekonomyang pribilehiyo at interes ng US sa Pilipinas kahit magwakas na ang Susog Pariti at Kasunduang Laurel-Langley. Sa paghahasik ng lagim laban sa mamamayan, ipinagmamalaki ni Mar cos na nalikha niya ang katatagan sa pulitika para palakihin ang mga monopolyong k apitalista ng United States at iba pang bayan ang kanilang pamumuhunan at makaku ha sila ng mas malalaking ganansya. Pero maliwanag din namang hindi niya nadurog ang Partido Komunista ng Pilipinas at ang Bagong Hukbong Bayan. Kahit may pasis

tang paghaharing militar, malalim na nakapag-ugat sa bawat rehiyon ang mga rebol usyonaryong organisasyong ito at higit kailanma y mas mataas ang tingin sa kanila ng mamamayan. Ang rebolusyonaryong kilusan ay tuluy-tuloy na lumalawak sa buong bayan. Alinsunod sa kalait-lait na doktrina ni Nixon , mahihiwatigang tinatanggap ng imper yalismong US na hindi na siya makakatagal sa lupalop ng Asya kung isasangkot niy a ang sariling lakas-tauhan sa isang digma sa katihan at kaya sa kontekstong ito y ipinapahayag ang patakaran na mamabutihin pa niyang magbigay ng kagamitang pand igma at ng proteksyong nukleyar sa kanyang mga papet at paglaban-labanin ang mga As yano kaysa isangkot ang sariling lakas-tauhan. Sa anu t anuman, sa doktrinang ito y p aulit-ulit na idinidiin na mananatiling kapangyarihan sa Pasipiko ang imperyalismo ng US. Malinaw na kailangang mahigpit na hawakan ng imperyalismong US ang Pilipi nas para manatiling kapangyarihan sa Pasipiko at sa gayo y magkaroon ng baseng lunsa ran ng impluwensya sa buong Asya. Habang humihina ang unang linya ng depensa ng US (Indotsina, Taiwan, Timog Korea at Japan, laluna ang Okinawa), lumalaki ang imp ortansya para sa imperyalismong US ng ikalawang linya ng depensa (Pilipinas, Indon esia, Malaysia, Singapore at Thailand). sa ikalawang linyang ito, gumaganap ng sus ing papel ang pamumuhunan at mga baseng militar ng US sa Pilipinas. Sa Asya, pinakakonsentrado sa Pilipinas ang pamumuhunan ng US at patuloy itong l umalaki. Batay sa konserbatibong tantya noong 1972, na hindi lubos na kinekwenta ang kasalukuyang halaga sa pamilihan ng lahat ng pag-aari ng US sa Pilipinas, u maabot sa tatlong bilyong dolyar ($3,000,000,000) ang tuwirang pamumuhunan laman g ng US. Ang halagang ito ay walumpung porsyento (80%) ng dayuhang pamumuhunan d ito, nasa estratehikong lokasyon at may mataas na ganansya. Para maprotektahan ang mga ito laban sa mamamayan, hindi lamang mahigpit na kino kontrol ng imperyalismong US ang pulitika sa Pilipinas at ang reaksyonaryong arm adong pwersa sa Pilipinas kundi nagmamantini rin ito, sa ilalim ng di pantay na mga tratadong militar, ng sariling mga tauhan at instalasyong militar sa lupain ng Pilipinas bilang pundamental na sandata. Sampu-sampung libong tropa ang nakai stasyon dito bilang pakitang-pwersa at maaaring madagdagan ito anumang oras. Kab ilang sa mga instalasyong militar ng US ang naglalakihang base ng hukbong himpap awid at baseng nabal, at istasyon ng radyo at radar; mayroon ding mga reserbasyo ng militar ng US na maaaring mag-opereyt muli kailanman maisipan ng imperyalismo ng US. Ang Clark Air Base at Subic Naval Base ang pinakamalalaking baseng milita r ng US sa Asya. Nakapusisyon ang mga sandatang nukleyar sa dalawang baseng ito, gayundin sa Pasuquin, Ilocos Norte at sa istasyon sa Bukidnon na umano y nagmamas id sa lagay ng panahon. Sa ganitong kalagayan, nakatitiyak tayo na higit kailanma y mas apektado ang imper yalismong US sa pag-unlad ng ating digmang bayan sa Pilipinas kaysa pag-unlad ng digmang bayan sa Byetnam o saanman sa Asya. Mas malaki ang taya nila sa Pilipin as. Kaya sa kabila ng mga banal na salita ng imperyalismong US tungkol sa pag-uro ng nito mula sa Asya, maaasahan nating gagamit ito ng sariling tropang panalakay sa sambayanang Pilipino sakaling hindi na makasapat ang lokal na reaksyonaryong armadong pwersa. Sinuman ang nasa poder sa Malakanyang, hanggat tau-tauhan lamang siya ng imperya lismong US at mga lokal na uring reaksyonaryo, ay kikilos laban sa pambansa-demo kratikong interes ng mamamayan at magiging tampulan ng galit ng mamamayan. Lulub ha ang krisis ng imperyalismong US at ng pandaigdigang kapitalismo, gayundin ang krisis sa pambansang pulitika at ekonomya. Sa ganitong kundisyon ay hindi mapip igilan ang pag-unlad ng ating digmang bayan. Malamang na darating ang panahon na hinding-hindi na tayo kayang labanan ng mga lokal na reaksyonaryo at papasok na ang mga tropang panalakay ng US. Sa pagtantyang ito, dapat tayong humanda na an g ating rebolusyonaryong digma na nag-umpisang isang gerang sibil ay magiging pa mbansang digma laban sa lantarang agresyon ng dayuhan. Hindi lamang nagkataon na itinalagang embahador ng US sa Pilipinas ang isang tulad ni William H. Sullivan

, ang berdugo ng Indotsina, at iba pang upisyal ng US na beterano rin ng digmang agresyon ng US sa Byetnam. Mula nang ilunsad uli ang ating digmang bayan, dumarami ang mga tagapayo ng US s a militar at pulisya tungkol sa kontra-insureksyon at lumalahok ang mga ito sa p agsasanay at mga operasyong militar laban sa mamamayan. Dumarami ang kagamitang militar na ipinagbibili at ibinibigay sa lokal na reaksyonaryong armadong pwersa . Ang mga sasakyang panghimpapawid ng US na pinalilipad ng mga pilotong Amerikan o ay sumasali sa pagririkurida at pambobomba sa atin. Sa balatkayo ng aksyong s ibiko ay itinalaga ang mga green beret ng US para magrikurida sa iba t ibang parte n g kanayunan. Ang mga tauhan ng Agency for International Development o AID, Peace Corps at iba pang kunwari y tauhang sibilyan ng US ay pinag-eespiya ng country tea m ng US na binubuo ng embahador ng US, ng hepe ng istasyon ng Sentral na Ahensya sa Paniniktik (Central Intelligence Agency o CIA), hepe ng Joint United States M ilitary Advisory Group o JUSMAG, direktor ng AID at hepe ng Ahensya sa Impormasy on ng Estados Unidos (United States Information Agency o USIA). Ang walang tigil at lumalaking tulong militar ng US at ang posibleng agresyon ng imperyalismong US ay dalawang salik na makakapagpatagal sa ating digmang bayan. Kapag nag-umpisa ang agresyon ng US, posible na kakailanganin nating ibahin ang ating estratehiya t taktika, anumang antas ang narating na ng ating digmang bayan . Kahit ngayon, bilang parte ng preparasyon natin para sa agresyong US, dapat na ting ilantad at labanan ang bawat klase ng panghihimasok ng US sa ating bayan. K augnay nito, dapat nating hingin agad ang suporta ng mamamayang Amerikano at iba pang mamamayan sa iba pang bahagi ng mundo. Sa harap ng imperyalismong US, mahigpit tayong nangangailangan ng suportang inte rnasyunal. Para magtagumpay tayo, kailangang-kailangan ang suporta ng mga nasa i bayong dagat na sumisimpatya sa ating makatarungang simulang rebolusyonaryo. Kah it matatag tayong naninindigan na umasa sa sarili, hindi natin ibig sabihing dap at mawala ang suporta at tulong mula sa labas ng bansa. Ang totoo y habang sumusul ong ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka, pwedeng lumaki ang kantidad ng tul ong mula sa labas ng bansa kahit pwedeng lumiit ang proporsyon nito sa kabuuang pagsisikap natin sa digma. Naipakita sa digmaan sa Byetnam na sa pagtaas ng anta s ng armadong pakikibaka ay lumaki ang kantidad ng tulong na internasyunal. Nang yari ang ganito dahil sinuportahan nang husto ng imperyalismong US ang mga papet nito, at inilunsad ang pinakamalaki at pinakamatagal na digmang agresyon matapo s ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 7. ANG PAGBULUSOK NG IMPERYALISMONG US AT PAGSULONG NG REBOLUSYONG PANDAIGDIG Malaking bentahe ang dulot ngayon sa rebolusyong Pilipino, partikular sa ating d igmang bayan, ng pagbulusok ng imperyalismong US sa Asya at sa buong mundo at ng kaalinsabay nitong pagsulong ng rebolusyong pandaigdig. Patuloy na sumusulong a ng rebolusyon bilang pangunahing tunguhin dahil walang tigil na lumalala ang kri sis ng imperyalismong US at ng buong sistemang kapitalista. Nang biguin ng United States ang lumang rebolusyong pambansa-demokratiko sa Pili pinas sa umpisa ng kasalukuyang siglo, nag-uumpisang bumwelo ang lakas nito bila ng kapangyarihang imperyalista. Kahit nagapi na ng mga rebolusyonaryong Pilipino ang kolonyalismong Espanyol, hindi pa sila handa sa ideolohiya, pulitika at org anisasyon para talunin ang modernong kapangyarihang imperyalista. Ni wala pa man g obhetibong kundisyon sa loob at labas ng bayan na kagyat na magpapalitaw sa su hetibong pwersa na makapamumuno sa digmang bayan laban sa mga mananalakay na Ame rikano sa Pilipinas. Niyanig at pinahina ng Unang Digmaang Pandaigdig ang buong sistemang kapitalista hanggang malikha nito ang kundisyon para magtagumpay ang Rebolusyong Oktubre ha nggang maitatag ng unang estadong sosyalista sa ikaanim ng bahagi ng mundo. Mula sa burges-demokratiko ay naging proletaryo-sosyalista ang katangian ng pandaigd

igang rebolusyon. Pero sa lahat ng mga kapangyarihang imperyalista, ang may hawa k sa Pilipinas ang nakakuha ng pinakamalaking pakinabang sa digmaang imperyalist a. Bukod pa y natanganan pa rin ng mga imperyalista at kolonyalista ang mga kolony a at malakolonya nila kahit naging mas kapansin-pansin na ang kabuwayan ng pagha hari nila sa mga ito. Pinanatili ng imperyalismong US ang mahigpit na hawak sa kolonya nitong Pilipina s. Patuloy itong nag-alaga ng grupo ng mga reaksyonaryong pulitiko na nauutus-ut usan, at lalo nitong ginamit ang bayan bilang baseng lunsaran ng pagpapalawak sa Asya. Noon 1930 lamang naitatag ang Partido Komunista ng Pilipinas sa kundisyon g may pandaigdigang depresyon at naliligalig ang pambansang lipunan. Patuloy na dumanas ng pangkalahatang krisis ang sistemang kapitalista sa daigdig kahit na katatapos pa lamang ng unang digmaang imperyalista. Sumunod ay sumulpo t ang mga rehimeng pasista sa ilang mga bayan ng kanlurang Europa at sa Japan. L along sumidhi ang tunggalian ng mga kapangyarihang imperyalista para muling hati in ang daigdig. Di naiwasang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tulad n g nangyari noong unang digmaang imperyalista, bago pa magkagera at sa buong takb o nito y tumubo ang United States sa mga pautang at produksyong pandigma at nagsup lay sa magkabilang panig hanggang sa handa na siyang kumampi sa nananalong panig at mandambong. Pagkatapos ng gera, ang United States ang naging numero unong kapangyarihang imp eryalista, pagkaraang kamtin ang hegemonya sa buong sistemang kapitalista at aku in ang prinsipal na responsibilidad na panatilihin ang mga kolonya at malakolony a sa buong mundo. Nasa matatag na pusisyon ang US para bawiin ang Pilipinas sa m ga pasistang Hapones at sugpuin ang rebolusyonaryong pwersa rito. Bukod pa, mala ki ang naitulong sa US ng grabeng pagkakamali ng rebisyonistang mga pangkatin ni na Lava at Taruc na walang lihis na tumahak sa linyang ipailalim ang kilusang re bolusyonaryo sa pakana ng US na pagkalooban ang Pilipinas ng huwad na kasarinlan . Nawaldas at nawala ang mga tagumpay ng pwersang rebolusyonaryo, na natamo nila nang pansamantalang umurong ang pwersa ng US mula sa Pilipinas. Nang mabawi ng imperyalismong US ang Pilipinas, nag-umpisa itong magpalawak sa Asya at kumontra sa bawat kilusang anti-imperyalista sa rehiyon. Pero sa kabila ng wari y sobra-sobrang lakas ng imperyalismong US, higit kailanma y mas malaki ang ipinanghina ng buong sistemang kapitalista. Lumitaw sa malawak na bahagi ng mundo, sa Asya at sa Silangang Europa, ang mga demokrasyang bayang pi namumunuan ng mga partido Komunista at partidong manggagawa. Sa Asya, lumitaw an g Demokratikong Republika ng Byetnam, ang Demokratikong Republikang Bayan ng Kor ea at ang Republikang Bayan ng Tsina. Sumaklaw sa sangkatlo ng sangkatauhan ang mga bayang sosyalista. Sa mga kolonya at malakolonya, sumulong ang mga kilusan s a pambansang pagpapalaya, taglay ang wala pang katulad na lakas. Kaya kumitid at di maiiwasang kumitid pa ang teritoryong pang-ekonomya ng buong sistemang kapit alista. Ang tagumpay ng Rebolusyong Tsina at ang pagtatatag ng Republikang Bayan ng Tsin a ang nagsilbing pinakamatinding dagok sa mga kapangyarihang imperyalista, at na ngyari ito di nagtagal pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nawala sa ka nila ang mga saklaw ng impluwensya sa malaking bayang iyon na malaki ang populas yon (sangkapat ng sangkatauhan), sa kabila ng pagkalaki-laking tulong militar at pang-ekonomya ng imperyalismong US sa mga reaksyonaryong Kuomintang. Tuluyan na ng nabutasan ang larangang imperyalista sa Silangan. Hindi masusukat ang pandaig digang kahalagahan ng dakilang tagumpay na ito. Ikinasindak ng imperyalismong US ang impluwensya ng Rebolusyong Tsino kahit sa Asya lamang. Ang mga mamamayan at bansang api sa Asya, Aprika at Amerika Latina ay nag-umpisang tumingala sa Tsin a dahil sa rebolusyonaryong inspirasyon ibinibigay nito. Di nagtagal matapos lumaya ang Tsina, naglunsad ang imperyalismong US ng digmang agresyon laban sa Demokratikong Republikang Bayan ng Korea at nabigo sa layunin

g sakupin ang buong Korea. Pagkatapos, binuo ng imperyalismong US ang Organisasy on ng Tratado sa Timog-silangang Asya (Southeast Asia Treaty Organization o SEAT O) at nilabag ang mga kasunduan sa Geneva tungkol sa Indotsina. Dahil hindi natu to sa mga aral sa gera sa Korea, muli itong naglunsad ng digmang agresyon sa Bye tnam, at nagtangkang gapiin ang mamamayan ng Timog Byetnam, wasakin ang Demokrat ikong Republika ng Byetnam at sakupin ang buong Indotsina. Sa kainitan ng gera s a Byetnam, pitong daang libong (700,000) tropang panalakay ng US at isa t kalahati ng milyong (1,500,000) tropang papet ang ipinanlaban sa armadong pwersa ng mamam ayan. May isang daa t limampung bilyong dolyar ($150,000,000) ang ginastos ng mga imperyalista ng US sa kanilang digma. Pero napilitan silang umurong nang talunan . Pinabilis ng gera sa Byetnam ang pagbulusok ng imperyalismong US hindi lamang sa Asya kundi pati sa buong mundo. Ang mga bayang Tsino, Koreano at Indotsino ay puro karatig-bayan at kapatid ng b ayang Pilipino. Ang kanilang mga tagumpay ay malaking inspirasyon sa mamamayang Pilipino at may obhetibong mga epektong paborable sa paglaki at pagsulong ng Reb olusyong Pilipino. Bukod sa mga tagumpay na ito y may namumukod na penomenon sa As ya na nagpapaaliwalas sa hinaharap ng digmang bayan sa Pilipinas. Ito ay ang pag papatuloy ng mga rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa buong Timog-silangang A sya mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kahit noong kasukdulan ng kapangya rihan ng imperyalismong US, hindi nito nasupil ang mga iyon; hindi nito epektibo ng nagamit ang SEATO na batbat ng hidwaan. Hanggang ngayon, ang namumukod at mat agumpay sa lahat ng iyon ay ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa Indotsin a. Pero ang lahat ng nagpupunyaging armadong pakikibaka sa Timog-silangang Asya, kabilang ang digmang bayan natin, ay maaasahang maging mas makabuluhan at mas e pektibo habang lumalala ang gulo sa sistemang kapitalista at lalong bumubulusok ang imperyalismong US. Binigyan ng diin ng mga rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa Byetnam, Kampuch ea at Laos ang katotohanan na matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging posible para sa mga mamamayan ng mga kolonya at malakolonya sa Silangan na magta yo ng malalaki at maliliit na rebolusyonaryong baseng purok sa loob ng mahabang panahon, maglunsad ng matagalang digmang rebolusyonaryo na papaligid sa syudad m ula sa kanayunan, at pagkatapos ay unti-unting sumulong sa mga syudad at magkami t ng pambansang tagumpay. Tumpak na ipinakita ni Tagapangulong Mao sa pag-uumpis a ng dekadang ito na, Pinatutunayan ng di mabilang na pangyayari na sagana sa sup orta ang isang makatarungang simulain, habang kakarampot lamang ang suporta ng i sang di makatarungang simulain. Matatalo ng mahinang bansa ang malakas, matatalo ng maliit na bansa ang malaki. Pihong matatalo ng mamamayan ng maliit na bayan ang agresyon ng malaking bayan kung pangangahasan lamang nilang mag-alsa at maki baka, mag-armas at lumaban, at hawakan ang kapalaran ng kanilang bayan. Batas it o ng kasaysayan! Nagawang magpatuloy ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa Pilipinas kahit m ay ilang taon pa lamang buhat nang muli itong mag-umpisa na taglay ang napakaram ing malinaw na disbentahe, (muling nag-umpisa mula sa halos wala sa maliit na ba yang kapuluan, na pinaghaharian ng iisang kapangyarihang imperyalista at sa kund isyong walang lantarang digmaan ng mga reaksyonaryo at wala ring digmaan ng mga imperyalista). Isang importanteng paliwanag sa penomenong ito ay ang palala nang palalang krisis ng imperyalismong US at ng buong sistemang kapitalista at ang d i mapigil na pagsulong ng pandaigdigang rebolusyong proletaryo. May malalim na m ga epekto sa loob ng bayan ang panlabas na kundisyong ito. Di maiiwasang maging mas matindi ang anyo ng krisis ng imperyalismong US at ng b uong sistemang kapitalista sa malakolonyal at malapyudal na Pilipinas kaysa sa