14
CANADA Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada FILIPINO

Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

CANADA

Pagtatrabaho ng Ligtas

Malapit Sa Mga Linya ng Tubo

ng Kinder Morgan Canada

FILIPINO

Page 2: Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan CanadaAng pagpigil sa pinsala ay pananagutan ng lahat. Kailangang pag-ingatan ang mga imprastraktura at karapatan sa daan ng mga linya ng tubo ng Kinder Morgan Canada. Ang paggalaw sa isang linya ng tubo ay maaaring magdulot ng mga matinding pinsala mula sa mga pagkaputol ng serbisyo hanggang sa pinsala sa kalikasan at sa sarili. Anumang mga dulot na pagkaabala ay maaari ring makaapekto ng malaki sa pananalapi, na makakaapekto hanggang sa pinakaibaba ninyo. Mangyaring sandaling pag-ukulan ng pansin na basahin ang brochure na ito bago simulan ang anumang paghuhukay o gawain na gagalaw sa lupa malapit sa aming mga linya ng tubo.

Pagtukoy sa Linya ng TuboAng aming mga linya ng tubo ay nasa itinakdang daanan o karapatan sa daan, na isang makitid na kahabaan ng lupa na nagsisilbing ligtas na daan para masubaybayan at mapangalagaan ang linya ng tubo.

Ang mga palatandaan sa linya ng tubo ay nagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon sa kaligtasan gaya ng uri ng produktong dumadaloy, ang lokal na One Call na numero, at ang Linya ng Emerhensiyang Pag-abiso ng Kinder Morgan Canada.

Bagama’t ipinapakita ng mga palatandaan na may linya ng tubo sa isang lugar, hindi nito ibinibigay ang eksaktong lugar o lalim ng tubo – tanging ang isang angkop na Tekniko lamang ng Kinder Morgan Canada ang makagagawa nito.

Tumawag/Mag-Click Bago Ka Maghukay Bago ka magsimula ng anumang paggalaw sa lupa, makipag-ugnayan sa iyong lokal na One Call centre. Kung ang inyong ipinanukalang gawain ay malapit sa aming karapatan sa daan, isang kinatawan ng Kinder Morgan Canada ang tatawag sa iyo upang pag-usapan ang inyong ipinanukalang gawain, at kung kinakailangan, makipagkita sa iyo sa lugar ng gawain upang matukoy ang eksaktong lokasyon ng linya ng tubo. Ang serbisyong ito ay karaniwang ibinibigay ng walang gastos para sa iyo.

Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 3

Page 3: Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 4

Page 4: Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

Mga Gawain na Kailangan ang Pahintulot Anumang paggalaw sa lupa sa loob ng 30 metro (100 talampakan) ng aming karapatan sa daan ng linya ng tubo ay nangangailangan ng nakasulat na pahintulot mula sa Kinder Morgan Canada sa pamamagitan ng isang 30 Metre Permit. Ang mga gawain na nangangailangan ng pahintulot, ngunit hindi limitado sa mga ito, ay ang mga sumusunod:

• Paggawa ng kalsada

• Pagtawid ng mga mabibigat na kagamitan

• Pagbabaon ng mga bagay sa lupa at/o pagbubungkal

• Paglalagay ng mga sistema sa irigasyon at pagkakanal

• Landscaping

• Pagbabarena, paghuhukay, pagsisiksik, pagsasalansan ng materyales, o paggamit ng anumang kagamitan na magpapayanig sa lupa

• Paggamit ng mga pampasabog

Kailangan ng isang Proximity Permit kung may anumang permanenteng gagawin sa loob ng karapatan sa daan ng linya ng tubo. Para sa dagdag na impormasyon sa Proximity Permit, mangyaring tingnan ang Pag-aapply para sa isang Kinder Morgan Canada Proximity Permit.

Mga Kailangan sa Paggalaw Sa LupaPara sa anumang paggawa sa loob ng aming 30 metro (100 talampakan) na karapatan sa daan ng linya ng tubo, kailangan mong sundin ang mga sumusunod:

• Kailangang nasa lugar ng paggawa ang isang Tekniko ng Kinder Morgan Canada para sa anumang paggawa sa loob ng 7.5 metro (25 talampakan) mula sa linya ng tubo

• Pinapayagan ang mga kagamitan na de-kuryente, na may paunang pahintulot, sa loob ng 5 metro (17 talampakan) mula sa tubo matapos lamang na ito ay pamano-manong palitawin habang naroroon ang isang Tekniko ng Kinder Morgan Canada

• Ang hydrovac ay pinapayagang gamitin sa halip na mano-manong paghuhukay

• Anumang paggawa sa loob ng 0.6 metro (2 talampakan) ay kailangang gawin sa pamamagitan ng hydrovac o pamano-manong pagpala.

Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 4 Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 5

Page 5: Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

grado

5 m (17 ft.)

5 m (17 ft.)

7.5 m (25 ft.)

7.5 m (25 ft.)

30 m (100 ft.)

30 m (100 ft.)

0.6 m 0.6 m

(2 ft.) (2 ft.)

Kinatawan ng Kinder Morgan Canada

Paggawa sa loob ng 0.6m (2 ft.) mula sa tuboWalang paghuhukay

ng makina Hydrovac/pagpala

lamang na sona

Paggawa sa loob ng 7.5m (25 ft.) distansiya mula sa tubo

Kailangang nasa lugar ng paggawa ang Kinatawan ng Kinder Morgan Canada

Paggawa sa loob ng 30m (100 ft.) Sonang Ligtas para sa Paggalaw ng LupaDapat na maberipika ng isang Kinatawan ng Kinder Morgan Canada

30 metro (100 piye) Kailangan ang ground disturbance safety zone permit

Paghuhukay gamit angkagamitan na pinapaandar ngkuryente sa loob ng 5m (17 ft.)

(hot zone) mula sa tuboPalitawin muna ang tubo pamano-mano/hydrovac

Pipeline Protection Zones Minimum StandardsMga Sona sa Pag-iingat ng Linya ng Tubo

Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 6

Page 6: Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

grado

5 m (17 ft.)

5 m (17 ft.)

7.5 m (25 ft.)

7.5 m (25 ft.)

30 m (100 ft.)

30 m (100 ft.)

0.6 m 0.6 m

(2 ft.) (2 ft.)

Kinatawan ng Kinder Morgan Canada

Paggawa sa loob ng 0.6m (2 ft.) mula sa tuboWalang paghuhukay

ng makina Hydrovac/pagpala

lamang na sona

Paggawa sa loob ng 7.5m (25 ft.) distansiya mula sa tubo

Kailangang nasa lugar ng paggawa ang Kinatawan ng Kinder Morgan Canada

Paggawa sa loob ng 30m (100 ft.) Sonang Ligtas para sa Paggalaw ng LupaDapat na maberipika ng isang Kinatawan ng Kinder Morgan Canada

30 metro (100 piye) Kailangan ang ground disturbance safety zone permit

Paghuhukay gamit angkagamitan na pinapaandar ngkuryente sa loob ng 5m (17 ft.)

(hot zone) mula sa tuboPalitawin muna ang tubo pamano-mano/hydrovac

Pipeline Protection Zones Minimum StandardsMga Sona sa Pag-iingat ng Linya ng Tubo

Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 6 Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 7

Page 7: Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

Mga Pananagutan ng Kinder Morgan Canada:Matapos ang isang One Call, ang Kinder Morgan Canada ay:

• Tutugon sa iyong One Call ticket sa loob ng tatlong araw ng negosyo sa Canada, dalawang araw ng negosyo sa Estados Unidos

• Kung kinakailangan, magtatakda ng araw upang makipagkita sa iyo sa lugar ng paggawa upang markahan ang linya ng tubo at magbigay ng kinakailangang mga pahintulot

• Magsasagawa ng pulong pangkaligtasan upang ipaliwanag ang mga tuntunin at regulasyon sa paggalaw sa lupa

• Mananatili sa lugar ng paggawa para sa anumang paggawa sa loob ng 7.5 metro (25 talampakan) mula sa aming linya ng tubo – kasama ang pagbabalik ng hinukay

Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 8

Page 8: Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

Ang mga Pananagutan Mo:• Tumawag sa iyong lokal na One Call centre

• Dumalo sa isang pulong pangkaligtasan ng Kinder Morgan Canada sa lugar ng paggawa

• Manatili sa lugar ng paggawa habang minamarkahan ang linya ng tubo at unawain ang kahulugan ng mga marka

• Tiyaking bawat bagong manggagawa sa iyong lugar ng paggawa ay alam ang aming mga pangangailangan sa paggalaw sa lupa

• Magbigay sa Kinder Morgan Canada ng paunang abiso na tatlong araw ng negosyo bago maghukay sa loob ng 7.5 metro (25 talampakan) mula sa linya ng tubo o bago ang anumang pagbabalik ng hinukay upang may mapapuntang Tekniko sa lugar ng paggawa

• Sundin ang mga tagubilin ng Tekniko ng Kinder Morgan Canada

• Tiyaking anumang paghuhukay sa loob ng 0.6 metro (2 talampakan) mula sa linya ng tubo ay gamit ang hydrovac o de-manong pala

• Laging magkaroon ng balidong mga pahintulot at One Call ticket sa lugar ng paggawa

• Kung nalampasan na ng bisa ang pahintulot mo o magbago ang saklaw ng proyekto mo, tumawag sa Kinder Morgan Canada para sa bagong pahintulot

Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 8 Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 9

Page 9: Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

Mga Emerhensiyang Pamamaraan

Kung aksidente mong masagi ang linya ng tubo, tumawag agad sa Kinder Morgan Canada. Kahit ang inaaakala mong bahagyang napinsala lamang ay maaaring magdulot ng malaking problema. Tingnan ang likurang pabalat para sa impormasyon ng pakikipag-ugnayan sa emerhensiya.

Kung tinamaan mo ang linya ng tubo at tumagas ang produkto: • Patayin ang lahat ng pagmumulan ng pagsiklab –

makina, equipment, mga cell phone

• Lisanin agad ang lugar, palakad, at pasalubong sa hangin

• Pagsabihan ang iba na lumayo

• Kapag nasa ligtas ka ng distansiya, tumawag sa 911, pagkatapos ay sa Numero ng Emerhensiyang Pag-abiso ng Kinder Morgan Canada Notification Number

Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 10

Page 10: Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 11Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 10

Page 11: Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

Mga Kadalasang KatanunganKailan ko kailangan ang isang 30 Metre Permit sa halip na Proximity Permit?

Anumang paggawa sa loob ng 30 metro (100 talampakan) ng aming karapatan sa daan ng linya ng tubo ay nangangailangan ng isang 30 Metre Permit. Kung may uring permanente kang gagawin sa loob ng karapatan sa daan ng linya ng tubo kakailanganin mo rin ang isang Proximity Permit.

Paano kung maantala ang proyekto o magbago ang nasasaklaw ng trabaho?

Hinihingi ng mga tuntunin na magkaroon ka ng isang balidong One Call ticket at isang 30 Metre Permit at/o Proximity Permit mula sa Kinder Morgan Canada sa lugar ginagawaan mo. Kung maantala ang proyekto o magbago ang nasasaklaw ng trabaho, kailangan mong parehong makipag-ugnayang sa iyong lokal na One Call centre at Kinder Morgan Canada at ibigay ang mga detalye ng gagawing pagbabago. Ang isang call ticket ay may bisa sa loob ng 14 na araw makaraan ang petsa nito.

Paano kung ang mga marka sa linya ay maapektuhan ng panahon?

Kung maapektuhan ng panahon o anuman ang mga marka o banderang tumutukoy sa linya, pakitawagan ang Kinder Morgan Canada at hilingin na muling markahan ang linya ng tubo. Kapag namarkahan na ang linya, pananagutan mong tiyakin na malinaw na nakikita ang mga marka at hindi ito gagalawin o ililipat.

Paano ko malalaman kung mayroon nang One Call?

Ang mga pahintulot, kasama na ang isang balidong One Call ticket, ay kailangang naka-paskil sa lugar ng pinaggagawaan. Kung hindi ka tiyak na mayroon nang One Call, magtanong sa iyong foreman o superbisor upang makita ang One Call ticket.

Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 12

Page 12: Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

Ang Iyong Talaang Pangkaligtasan1. Makipag-ugnayan sa iyong lokal na One Call centre

2. Kumuha ng kopya ng Mga Alituntunin sa Paggalaw sa Lupa ng Kinder Morgan Canada

3. Dumalo sa isang pulong pangkaligtasan ng Kinder Morgan Canada sa lugar ng paggawa bago simulan ang paggawa

4. Laging ipaalam sa mga bagong manggagawa ang mga pangangailangan ng Kinder Morgan Canada

5. Manatili sa lugar ng paggawa habang minamarkahan ng Tekniko ng Kinder Morgan Canada ang linya ng tubo

6. Laging magkaroon ng mga pahintulot sa lugar ng paggawa

7. Laging magkaroon ng isang balidong One Call ticket sa lugar ng paggawa

8. Tiyaking may Tekniko ng Kinder Morgan Canada sa lugar ng paggawa para sa anumang gagawin sa loob ng 7.5 metro (25 talampakan) mula sa linya ng tubo

9. Tiyaking may Tekniko ng Kinder Morgan Canada sa lugar ng paggawa bago ibalik ang hinukay

Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 12 Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 13

Page 13: Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

Tungkol sa Kinder Morgan CanadaAng Kinder Morgan Canada ay isang lider sa transportasyon ng enerhiya. Pinapangasiwaan namin ang linya ng tubo ng Trans Mountain na nagdadala ng krudong langis at dalisay na mga produktong petrolyo mula Edmonton, Alberta hanggang Burnaby, British Columbia at tungo sa Whatcom at Skagit Counties sa estado ng Washington. Ang aming linya ng tubo para sa Langis ng Jet ng Trans Mountain ang nagdadala ng langis ng jet mula Burnaby tungo sa Vancouver InternationalAirport. Ipinapangako ng Kinder Morgan Canada ang ligtas, maaasahan at mahusay na pangangasiwa ng aming mga linya ng tubo.

EdmontonJasper

Clearwater

Kamloops

Burnaby

Hope

Edson

ALBERTA

BRITISH COLUMBIA

Abbotsford

Anacortes

FerndalePipeline sa Trans MountainJet Fuel sa Trans Mountain

komunidadPuget Sound sa Trans Mountain

Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit sa mga Linya ng Tubo ng Kinder Morgan Canada / 14

Page 14: Pagtatrabaho ng Ligtas Malapit Sa Mga Linya ng Tubo ng Kinder

CANADA

Ang pagpigil sa pinsala ay pananagutan ng lahat

Kailangan ng paunang pahintulot mula sa Kinder Morgan Canada para sa anumang gawain na gagalaw sa lupa sa loob ng 30 metro (100 talampakan) ng aming karapatan sa daan ng linya ng tubo.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Pipeline Protection Department:

Telepono: 1.888.767.0304 E-mail: [email protected] Website: kindermorgan.com/pipelinesafety

Tumawag o Mag-Click Bago Ka Maghukay

BC One Call: 1.800.474.6886Alberta One-Call: 1.800.242.3447clickbeforeyoudig.com

Washington One Call: 811callbeforeyoudig.org

Linya ng Emerhensiyang Pag-abiso ng Kinder Morgan Canada: 1.888.876.6711

Marso 2015