32
Teoryang Pangwika Bb. Maritess D. De Lara

TEORYANG PANGWIKA

Embed Size (px)

Citation preview

Teoryang Pangwika

Bb. Maritess D. De Lara

Layunina. Naiisa-isa ang mga teoryang pangwika.

b. Nasusuri ang pagkakaiba ng dayalekto, idyolek at sosyolek.

c. Napapahalagahan ang kakanyahan at

kagandahan ng bawat wika.

PANIMULANG GAWAIN

• Bawat pangkat ay pipili ng isang teoryang pangwika batay sa mga nasaliksik.

• Magpapakita din ang bawat pangkat ng isang skit ng varayti ng wika.

Genesis 11:1-9

Tore ng Babel

Genesis 11:1-9•Pagkatapos ng delubyo o malaking baha, ang mga angkang nagmula kay Noah ay dumami nang dumami at lumaganap pagawing Silangan. Sa panahong iyon ay iisang wika lamang ang sinasalita ng lahat ng tao.

Genesis 11:1-9•Sa patuloy na paghahanap ng mga tao ng mabuting pook na mapaninirahan ay natuklasan nila ang lupain ng Babilonya. Doon nagsimula silang magtatag ng isang lungsod.

Genesis 11:1-9•Nagsimula rin silang magtayo ng isang napakataas na templong tore, isang bantayog na sumasagisag sa kanilang palalo at walang hanggang paghahangad na maging malapit sa langit.

Genesis 11:1-9•Nang bumaba sa kalupaan ang

Diyos ay nakita Niya ang templong toreng itinatayo ng mga tao. Inisip Niya kung magkakaroon ng isang wika ang mga tao, sila ay mananatiling nagkakaisa at maaaring dumating ang panahon na magiging mas mapaghangad sila.

Genesis 11:1-9•Ang toreng kanilang itinatag ay tanda ng paghahangad na mapalapit sa Diyos at sa dakong huli’y mapantayan o malampasan ang kaniyang kapangyarihan.

Genesis 11:1-9•Kaya’t ang ginawa ng Diyos ay binigyan Niya ng iba’t ibang wika ang mga tao upang sila’y hindi magkaunawaan. Nang hindi na sila nagkakaunawan, ang mga tao ay nagsimulang magkawatak-watak at kumalat sa buong mundo.

Kahariang Ehipto•Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo

Charles Darwin•Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang wika.

Teoryang Bow-wow•Nagsimula sa panggagaya ng tao sa tunog na likha ng kalikasan.

Hal. Tahol ng aso

Teoryang Ding-dong•Ang bawat bagay sa mundo ay may kasama o kaugnay na tunog na siyang nagiging kahulugan ng mga ito.

Hal. Tunog ng kampana

Teoryang Pooh-pooh

•Ang bawat nararamdaman ay may kaugnay na sambitla

Hal. Tawa ng tao

Teoryang Sing-song•Nagbuhat ang wika sa walang kalinawang pag-awit ng mga unang tao.

Hal. Sutsot

Teoryang Yum-yum•Nagsasaad na ang mga unang tao ay tumugon sa pamamagitan ng bibig ayon sa pagkakapusisyon ng dila sa guwang ng bibig.

Teoryang Yo-He-Ho•pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikha ng taong magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unang nasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon.

Teoryang Musiko•kilala sa teoryang ito ang

DANISH na si OTTO JERPERSON. sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sa komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mga detalye at impormasyon

Dayalek

Kahulugan• Ang barayti ng wikang nalilikha ng

dimensyong heograpiko.

• Mayroong halos 400 na dayalekto sa Pilipinas ayon sa pag-aaral ni Ernesto Constantino

• Makikilala ang dayalekto sa punto o tono at sa istruktura ng pangungusap.

HalimbawaMaynila

Aba, ang ganda!

Batangas

Aba, ang ganda eh!

Bataan

Ka ganda ah!

Rizal

Ka ganda, hane!

HalimbawaMga Bayan sa Rizal Maynila

Malabon ulaw suya

Navotas maghawan Mag-urong/magligpit

Montalban humahamog umaambon

Angono bibira ako bukas babalik ako bukas

Pililia bangrikit napakaganda

Tanay budo pipi

Cardona kurapa sarat/pango

Idyolek

Kahulugan

• Ang varayti ng wikang kugnay sa personal na kakayahan ng tagapagsalita.

- Paggamit ng salitang “siya” sa halip na “ito”

- Paggamit ng salitang “bale”

Halimbawa

Sosyolek

Kahulugan

Varayti ng wika na ginagamit ayon sa relasyong sosyal. Ito ang ginagamit ng isang indibidwal upang matanggap sa isang soysal-grup na kinabibilangan.

- Wiz ko feel ang mga hombre ditech , day!

- Wow, pare ang tindi ng tama ko! Heaven!

- Kosa, payosi naman.

- Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Mag-malling muna tayo ngayon.

- Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.

Halimbawa

Jargon• Ang mga tanging bokabularyo ng

isang partikular na pangkat na gawain.

Hal. hearing

court

fiscal

Pagsubok• Sa mga teoryang iyong napili,

alin sa mga ito ang higit mong pinaniniwalaan?

• Paghambingin ang pagkakaiba ng dayalek, idyolek at sosyolek.

Takdang-AralinSaliksikin ang mga sumusunod:

• Rejister ng Wika: Disiplina na Kalikasan, Gamit at Istruktura

• Domeyn at Repertwang Pangwika: Linggwistik na Persepsyon at Produksiyon