24
ANG TUNDO MAN MAY LANGIT DIN Pag-uugnay sa Teoryang Romantisismo Pangkat III III – Agusan Del Norte

Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

ANG TUNDO MAN MAY LANGIT DINPag-uugnay sa Teoryang Romantisismo

Pangkat III

III – Agusan Del Norte

Page 2: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Bago natin iugnay ang mga pangyayari ng nobelang “Tundo Man May Langit Din” sa Teoryang Romantisismo…

Atin munang balikan kung ano-ano ang

mga tenet ng Teoryang

Romantisismo.

Page 3: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Teoryang Romantisismo1. Higit na pinahahalagahan ng Teoryang ito ang damdamin kaysa ideyang siyentipiko.

3. Para sa kanila, kulang pa at hindi maipapaliwanag o masasagot ang katanungan at karanasan tungkol sa puso

2. Ang Diyos ay lumalagi sa lahat ng kalikasan (ugnayan ng tao at kalikasan; ang totoo ang Diyos at ang kalikasan ay iisa)

4. Taglay ng mundo ang kabutihan at ito’y positibo

Page 4: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

5. Malabo at mahiwaga ang pag-ibig

6. Magustuhin o maibigan sa pangkaraniwan at may pagkamagaspang (kahit isang maharlika ang tauhan)

7. Walang katapusan ang pagsasama at ang pag-ibig

8. Kayang abutin ng tao ang kabutihan ng Diyos ngunit ang kabutihan Niya ay kilangang maranasan sa tulong ng kalikasan.9. Maaaring magtaglay ng konsepto ng eskapismo (pinapatakas tayo sa realidad)

Page 5: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Unang Tenet: Higit na pinahahalagahan ng Teoryang ito ang damdamin kaysa ideyang siyentipiko.

Ang paninigarilyo ni Victor Sinabi na hindi ang usok galing

sa sigarilyong hinihithit ni Victor ang dahilan ng kanyang pagluha kung hindi ang pagala-ala sa kanyang ama. (Kabanata 13)

Pagkakabaril kay Lukas (Kabanata 35) Bigyang pansin din na

nangibabaw ang damdamin nina Victor at Aling Sion matapos ibalita sa kanila ng Nars na maayos na ang kalagayan ni Lukas.

Page 6: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ikalawang Tenet: Ang Diyos ay lumalagi sa lahat ng kalikasan (ugnayan ng tao at kalikasan; ang totoo ang Diyos at ang kalikasan ay iisa)

Ang mga katagang “Ang Tundo man may langit din.” Makikitang inuulit ito sa buong

kwento. Inilalarawan sa nobela na ang Tundo ay may masamang imahe, pero isinasaad sa katagang ito na may kabutihan at pag-asar pa ring nalalagi sa Tundo na kailangan lamang ipakita. (Kabanata 1-5)

Ang Diyos ay lumalagi kahit saan, kahit sa mga lugar tulad ng Tundo kaya tila’y magkakaroon din ng “langit” ang Tundo.

Page 7: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ang kabutihan nila Paeng Gasti, Tatong Bamban, Pilo, at maging si Lukas Hindi man sila literal na bahagi ng

kalikasan kagaya ng mga puno at halaman, sila pa rin ay naging instrumento ng pagpapasaya kay Victor at naging dahilan kung bakit siya nakadalo sa kanyang Graduation.

Ikalawang Tenet: Ang Diyos ay lumalagi sa lahat ng kalikasan (ugnayan ng tao at kalikasan; ang totoo ang Diyos at ang kalikasan ay iisa)

Page 8: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ikatlong Tenet: Para sa kanila, kulang pa at hindi maipapaliwanag o masasagot ang katanungan at karanasan tungkol sa puso

Flor at Victor Hindi maipaliwanag ang pag ibig

sapagkat kahit sina Flor at Victor ay hiwalay na, kinausap muli ni Flor si Victor at sila’y nagkaunawaan at nagkatuwaan sa bowling alley. Hindi rin maipaliwanag kung bakit sina Victor at Flor na ngayo’y may kinakasama nang iba ay mayroon pa rin silang nararamdaman para sa isa’t isa. (Kabanata 1-5)

- Napili rin ni Victor na pumunta na lang sa apartment ni Flor kaysa manood ng sine.

- Napili rin ni Flor na si Victor ang tatawagan sa lahat ng pwede niya sanang hingian ng tulong.

- Nagawa nilang maghawakan ng kamay.

Page 9: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ikatlong Tenet: Para sa kanila, kulang pa at hindi maipapaliwanag o masasagot ang katanungan at karanasan tungkol sa puso

Alma at Victor Pinakita ang hindi maipaliwanag

na damdamin ni Alma na dahil sa bagong tuklas niya na daigdig. (Kabanata 11)

- Hindi matiyak ni Alma kung bakit siya nakaramdam ng galit nang malamang nagsisinungaling si Victor sa kanya tungkol sa pakikipagkita nito sa dating katipan ( Kabanata 1-5 )

- Makikita sa talaarawan niya na itnatala niya araw-araw ang mga nangyayari lalo na sa kanila ni Victor- Nabanggit din ang kakaibang pagbabago na nangyari kay Alma na mas lalo pa itong gumaganda.

Page 10: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ikatlong Tenet: Para sa kanila, kulang pa at hindi maipapaliwanag o masasagot ang katanungan at karanasan tungkol sa puso

Hindi maipaliwanag ni Victor ang nararamdaman para kay Alma.

- Nang binitawan nila ang isa’t isa, may kakaiba silang naramdaman na tila ayaw nila bigyan ng pangalan ( Kabanata 14)- Tumawag si Alma sa opisina ni Victor at hindi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman. (Kabanata 20 )- Pinangako ni Victor na lalayuan na niya si Alma dahil kung sila ay magsasama ay baka mabigo lamang sila. ( Kabanata 26 )- Hindi maipaliwanag ni Victor ang sayang naramdaman ng mag”blow-out” si Alma kasama nito ( Kabanata 33 )

Page 11: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ang pagmamahal ni Alin Sion Bagaman hindi maipaliwanag kung bakit ang

laging sinasabi ng kanilang ina ay “kumain kung may kakanin, kung wala naman ay matulog at bahala na.”, pinapakita pa rin nito kung gaano kamahal ni Aling Sion sila Victor.

Ang barong na suot ni Victor Ito ay sinuot ni Victor dahil nanggaling ito sa

kanyang ama (Hindi niya ito lagi ginagamit dahil mahalaga ito para sa kanya) ( Kabanata 21 – 25 )

Tonyo Itinanong ni Tonyo si Flor kung mahal pa rin

niya si Victor at sinabi ni Flor na oo. Gayundin, tinanong niya ito sa kanyang sarili at talagang mahal niya nga si Flor kahit pa man siya ay may asawa na na mayroon pang sakit. ( Kabanata 28 )

Ikatlong Tenet: Para sa kanila, kulang pa at hindi maipapaliwanag o masasagot ang katanungan at karanasan tungkol sa puso

Page 12: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ikaapat na Tenet: Taglay ng mundo ang kabutihan at ito’y positibo

Bagaman may mga masasamang pangyayari, taglay pa rin ng mundo ang kabutihan at pagiging positibo.

Ipinakita ang pagkapositibo ng kalagayan ng Kuya Lukas ni Victor dahil kahit papano ay naghahanapbuhay ito sa pamamasada ng jeep. (Kabanata 14)

Binigyan ni Tonyo ng puhunan kay Flor para makasimula ng isang negosyo at hindi basta basta pinabayaan at iniwan si Flor (Kabanata 21-25)

Graduation nila Alma at Victor (Kabanata 21-25)

Page 13: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ikaapat na Tenet: Taglay ng mundo ang kabutihan at ito’y positibo

Ang pagsasamantala kay Dolores (Kabanata 27, 29, 30) Kahit masama ang naging

pangyayaring ito, ipinakita na mayroon pa ring kabutihan namamayani at ito’y sa pagitan ng tulong na binibigay ni Alma kay Dolores para sa kanyang anak.

Kaya katulad ng sinabi ni Alma, hindi rason ng pagtulong niya ang awa kundi siya rin ay may tungkulin sa bata. Masasabi nating may pag mamahal din siya sa anak ng kanyang ama at ni Dolores. ““Nagkakamali ka hindi awa kung di tungkulin at hindi tulong kung di pagasa”.

Pinatawad at minahal pa rin ni Alma ang kanyang ama sa kabila ng pagkakasala nito. (Ang pagsasamantala kay Dolores) (Kabanata 41-45)

Page 14: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ikalimang Tenet: Malabo at mahiwaga ang pag-ibig

Ang pangaapi ni Estong kay Victor at Flor Ipinakita na malabo man ang naging

pagdedesisyon ni Victor na huwag pumatol kay Estong, mahiwaga naman ang nagawa niya alang-alang sa pagmamahal niya para kay Flor nang saktan ito ni Estong. ( Kabanata 1-5 )

Alma at Victor Malabo ang nararamdaman ni Alam nang

matuklasan na niya ang lihim na daigdig dahil hindi niya malaman laman kung paano ipaparamdam kay Victor ang kanyang pagmamahal. ( Kabanata 1-5 )

Malabo ang kanilang pag-ibig dahil lagi silang nagkakatampuhan ngunit mahiwaga dahil panandalian lamang ang tampuhang ito. ( Kabanata 12 )

Hindi maipadama ni Victor at Alma ang nararamdaman nila para sa isa’t isa ( Kabanata 20 )

Page 15: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ikalimang Tenet: Malabo at mahiwaga ang pag-ibig

Victor at Flor Pagiging magaan ng loob ni Victor

kay Flor sa kabila ng pagtalikod nito sa kanilang mga pangarap. ( Kabata 1-5 )

Malabo ang pag-ibig dahil bumalik nanaman ang pagtingin ni Flor kay Victor at sinabi pa nito na hindi naman daw nawala iyon.

Masasabi naman na ito ay mahiwaga para kay Flor dahil sa wakas ay maibabalik na nila ang pag-iibigan nila na naudlot dahil sa kawalang tiwala ni Flor kay Victor

Page 16: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ikaanim na Tenet: Magustuhin o maibigan sa pangkaraniwan at may pagkamagaspang (kahit isang maharlika ang tauhan)

Naipapakita na hindi lamang karangyaan o ang estado sa buhay ang nagiging batayan sa lahat ng pagkakataon.

Nabanggit na sinabi ng mga magulang at kapatid ni Alma na siya ay nagbago at hindi na palalabas katulad ng dati simula nang siya magpalipat ng eskuwelahan na pribadong pamantasan at umalis sa isang eksklusibong kolehiyo (Kabanata 11)

Ang party ni Alma (Kabanata 12) Ipinakita ang kagustuhan ni Alma na ang

kanyang mga kaklase lamang sa pribadong pamantasan ang dadalo sa kanyang part at hindi ang mga kaibigan niya sa kanyang gang o mga anak ng kaibigan ng ama niya.

Pinakita rito ang hindi pagtingin ni Alma sa antas ng kanyang mga kaklase sa lipunan at kanya pa ngang gusto ang mga kaklasen niyang ito kaysa sa mga kaibigan niyang mayayaman.

Page 17: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ikaanim na Tenet: Magustuhin o maibigan sa pangkaraniwan at may pagkamagaspang (kahit isang maharlika ang tauhan)

Ang pagtulong ni Alma kay Dolores (Kabanata 29, 30) Sa ginawang pagtulong ni Alma kay Dolores

makikita na sadyang matulungin si Alma sa mahihirap kahit na pinagbabawalan siya ng kanyang ama na tulungan si Dolores ay ginagawa niya pa rin ito.

Pagiging pabor ni Alma sa ordinaryong mamamayan gaya ni Victor kahit siya ay isang taong nabibilang sa isang napakayamang pamilya. (Kabanata 41-45) Hindi ito naging haldang para mahalin ni

Alma si Victor

Page 18: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ikapitong Tenet: Walang katapusan ang pagsasama at ang pag-ibig

Ang kasalan nina Victor at Alma (Kabanata 48) Simple lamang ang nangyaring

kasalan at sa gabi ding iyon, doon sa pook na iyon ng Tundo’y sinimulang likhain, sa kabila ng ingay ng mga nagsusumbatang pulitiko, ng dalawang nagkakaisa’t nagkakaugnay ng pangarap ang isang bago’t matapang na daigdig. Isang daigdig na kaypala’y may sariling langit na biyaya ng pag-ibig.

Ipinahiwatig sa huling kabanata na ang pag-ibig nina Victor at Alma ay walang katapusan at kailanman sila ay magsasama.

Page 19: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ikawalong Tenet: Kayang abutin ng tao ang kabutihan ng Diyos ngunit ang kabutihan Niya ay kilangang maranasan sa tulong ng kalikasan.

Makikitang inuulit ang katagang “ang Tundo man may langit din.” Inilalarawan sa nobela na ang Tundo ay may masamang imahe , pero isinasaad sa katagang ito na may kabutihan at pag-asa pa ring nalalagi sa Tundo na kailangan lang ipakita. (Kabanata 1-5) Ang Diyos ay lumalagi kahit saan,

kahit sa mga lugar tulad ng Tundo kaya tila’y magkakaroon din ng “langit” ang Tundo.

Page 20: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ikasiyam na Tenet: Maaaring magtaglay ng konsepto ng eskapismo (pinapatakas tayo sa realidad)

Ang pagtakas ni Alma tuwing napaguusapan ang nadarama Ang pagtanggi ni Alma na siya nga ay

nagseselos kay Flor. Masasabing ang kanyang pagtanggi na ito ay nagpapakita ng maaari niyang pagtakas sa ganoong usapin.

Ang talaarawan ni Alma ay nagsisilbing paraan para mailabas ang kanyang damdamin (Kabanata 11) Sa paggamit niya ng kanyang talaarawan, naisusulat

at naipapahayag niya ang kanyang mga nararamdaman, masaya man o hindi at nagsisilbing paraan niya upang makatakas sa realidad.

Page 21: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Karagdagan:

May pagkamagaspang: pinipili ang sitwasyon na mahirap upang mabigyan ng mas magandang buhay. Ang paggapang ng tatay ni

Victor sa kanya upang siya ay makapagpatuloy ng pag-aaral ngunit kailangan patiyakin ni Victor ang sarili.

Ang pagkamatay ng kanyang ama upang ipagtanggol ang kapwa magsasaka laban sa pagmamalabis ng mga nagpapanggap na lider-manggagawa.

Page 22: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Pagmamahal sa lupang sinilangan Pinaglaban ni Victor ang kanyang

paniniwala tungkol sa kaunlaran ng Pilipinas laban sa di umano’y produkto ng isang pamantasang Amerikano, isang nagpapanggap na dalubhasa tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas na nagmunkahi sa kanilang klase.

Pagmamahal sa kapwa Ang hindi pag-iwan ni Victor sa kanyang

nakatantandang kapatid na si Lukas noong ito ay napasabak sa away.

Ang pag-intindi at pag-alala ni tatong Bamban kay Victor na kailangan nito mag-aral upang maipakita sa mga katulad ni ni Alma na ang mahihirap man ay may kakayahan sa pag-aaral.

Page 23: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Sanggunian:

Santiago, J. (2011, Enero 17). Tondo man may langit din (movie

trailer). Retrieved, Disyembre 3, 2011,

from youtube website: http://www.youtube.com/

watch?v=eYGd3Z_QslI

Cruz, A. (1986). Ang Tundo man may

langit din. Quezon City, Philippines: Ateneo de Manila University Press.

Page 24: Ang Tundo Man May Langit Din - Pag-uugay sa Teoryang Romantisismo

Ikatlong Pangkat

Jericho Almerido Renalyn Banhaw Aris Cruz Trisha Macadangdang Bruce Ocampo Justin Pucyutan Danielle Rodriguez Aika Romey Ymara Yap