34
Ang Tundo Man May Langit Din"

Ang tundo man ay may langit din...allysa

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang tundo man ay may langit din...allysa

Ang Tundo Man May

Langit Din"

Page 2: Ang tundo man ay may langit din...allysa

May Akda: Andres Cristobal CruzTeoryang RomantisismoGenre: Nobela

Page 3: Ang tundo man ay may langit din...allysa

BUOD

Page 4: Ang tundo man ay may langit din...allysa

Tumawag si Flor kay Victor upang anyayahan itong makipagkita sa kanya sa isang palamigan sa Quiapo. Napag-alaman ni Victor na si Flor ay dalawang buwan ng nagdadalantao. Nangangaba si Flor na totoo ang sinasabi ng babaing pumunta sa kanyang apartment at sinabing siya ang totoong asawa ni Tonyo na ama ng dinadala ni Flor. Nangako si Victor na aalamin kung totoo ang kinatatakutan ni Flor.

Page 5: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Nahuli si Victor sa usapan nilang pagkikita ni Alma

• sa lobby ng pamantasang kanilang pinapasukan. • Pagkatapos ng kanilang klase ay napagpasiyahan

niyang dumalaw sa apartment ni Flor. • Pagkatapos ng kanyang pagdalaw kay Flor ay

umuwi na siya. Namataan niyang nag-iinuman sina Lukas at ang mga kaibigan nito sa isang restawran sa Looban ng Tundo.

Page 6: Ang tundo man ay may langit din...allysa

Muntik ng magkagulo sa loob ng restawran. Buti na lamang at napigilan iyon ni Victor. Ngunit ng papauwi na sila ni Lukas ay nakaharap muli nila ang mga Waray at nakipagbabakan ang mga iyon sa kanila.

Page 7: Ang tundo man ay may langit din...allysa

Kumalat sa Looban ang tungkol sa pakikipagbakbakan nila Victor at Lukas.Sa klase nila Victor at Alma na Philippine History ay kinuwestiyon ni Victor ang librong isinulat ni Agila na isang awtoridad ng Kasaysayan ng Pilipinas. Sa araw din na iyon ay bumili si Alma ng bago niyang talaarawan.

Page 8: Ang tundo man ay may langit din...allysa

Sa gabing iyon ay nagkaroon muli ng masamang panaginip si Alma tungkol sa kanyang ama at

kay Dolores na dati nilang katulong. Kinabukasan ay nagpaalam si Alma sa kanyang Daddy at Mommy na magkaroon ng party para sa nalalapit niyang graduation. Inanyayahan ni

Alma ang kanyang mga kaklase at si Victor.

Page 9: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Dumating ang araw ng party ni Alma ngunit siya ay malungkot dahil sa hindi sinunod ng kanyang mga magulang ang kagustuhan niya na sila-sila lamang ng kanyang mga kaklase ang magpaparty. Nagtungo muli si Victor sa apartment ni Flor bago pumunta sa party ni Alma. Nagtalo silang dalawa tungkol sa kagustuhan ni Flor na hindi na maaari pang mangyari. Pagkatapos ng pagtatalong iyon ay pumunta na si Victor sa bahay nila Alma.

Page 10: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Dahil sa pamimilit ni Alma at dahil na rin sa pamilya ni Victor ay napagpasiya nitong dumalo sa kanilang baccalaureate at graduation dahil sa ayaw niyang ipagkait ang kaligayahan sa kanyang pamilya. Dumating ang araw ng Baccalaureat nila Alma at Victor, sa araw na iyon ay niregaluhan ni Victor si Alma.

 

Page 11: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Kinabukasan ay araw ng graduation nila Alma at Victor, sa araw naman na iyon ay nagregalo si Alma kay Victor ng isang fountain pen na may naka-engraved na “Victor-Alma.” Si Flor naman ay nagregalo kay Victor ng isang relo.

Page 12: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Lumipas ang ilan pang mga araw. Nabalitaan ni Victor na nakapagtayo si Flor ng isang patahian kung saan katulong niya sa pagpapatakbo nito si Dolores. Dinala ni Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon nakita ni Alma ang matagal na niyang hinahanap na si Dolores, ang dati nilang katulong na sa kanyang paniniwala ay nagawan ng masama ng kanyang ama.

Page 13: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Dumating ang buwan ng Hunyo.

• Nagsimula na si Alma sa pagtuturo sa Torres High.

• Ilan pang mga araw ang nakalipas at pumunta si Alma sa patahian nila Flor upang kausapin si Dolores at ibigay ang sustento nito para makatulong at makabawi sa maling nagawa ng kanyang ama.

 

Page 14: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Si Victor naman ay tinulungan ni Paking upang makapagturo sa Torres High. Nakatanggap agad siya ng appointment bilang substitute teacher sa paaralan. Nagkita muli sina Alma at Victor sa Torres High kung saan pareho silang magtuturo.

Page 15: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Dumating ang araw ng panganganak ni Flor at sa araw na iyon ay hindi nagpahuli si Tonyo. Naroroon siya upang makita ang kanyang anak kay Flor. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay napagpasiyahan ni Tonyo na ipagtapat sa kanyang maybahay na siya’y may anak ka Flor. Naging maayos ang usapan ng mag-asawa at napagpasiyahan nilang dumalaw kay Flor sa ospital.

 

Page 16: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Hindi na napigilan ni Alma ang kanyang damdamin at napagpasiyahan niyang ipagtapat na kay Victor ang kanyang nadarama. Sa araw din na iyon ay ipinagtapat ni Alma sa kanyang Daddy na alam niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Dolores. Nasabi niya iyon ng dahil pagtatalo nila tungkol sa pagkikita nila ni Victor.

Page 17: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Kinabukasan ay ipinadala ni Alma ang kanyang bag kay Victor at sa di sinasadya ay nakita ni Victor ang talaarawan ni Alma. Hindi umaamin si Victor kay Alma nang tanungin siya nito kung nabasa niya ang talaarawan nito.

Page 18: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Lumipas ang mga araw at mas lalong nagkamabutihan sina Victor at Alma hanggang sa dumating ang isang araw na hindi na nila napigilan ang damdamin ng isa’t isa at sila ay nagpasiya ng magpakasal. Pumunta si Victor sa bahay nila Alma upang hingin ang kamay ni Alma sa ama nito. Hindi naman tumutol ang ama ni Alma at masaya pa ito para sa dalawa. Napagpasiyahan nilang sa lalong madaling panahon ay ikakasal sila.

Page 19: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Dumating ang araw ng kasal. Simple lamang ang pag-aayos dito at kakaunti lamang ang inimbitahan ngunit sa kabila nito ay masayang idinaos nila Alma at Victor ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Sa gabi ng kanilang kasal ay nakapag-isa ang bagong kasal. Inihandog ni Alma ang kanyang talaarawan kay Victor at Ibinigay naman ni Victor kay Alma ang panganay nilang halik sa isa’t isa.

Page 20: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Doon ay ipinagtapat na ni Victor na nabasa niya ang talaarawan ni Alma. At pagkaraan ng ilan pang sandal, doon sa pook na iyon ng Tundo’y sinimulang likhain, sa kabila ng ingay ng mga nagsusumbatang pulitiko, ng dalawang nagkakaisa’t nagkakaugnay ng pangarap ang isang bago’t matapang na daigdig. Isang daigdig na kaypala’y may sariling langit na biyaya ng pag-ibig.

Page 21: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Mga TAUHAN :

• • Victor Del Mundo – siya ay taga-Tundo na

nangangarap na ang katulad niya ay may mahahanap na langit para sa kanyang Tundo.

• • Alma Fuertes – siya ay mayaman ngunit mas

pinipili niya ang buhay na simple lamang. Naniniwala rin siya sa paniniwala ni Victor naang Tundo Man ay May Langit Din at ang langit ng kanyang daigdig ay si Victor.

Page 22: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Flor – siya ay kababata ni Victor at minsang naging mahal na mahal ni Victor, kaugnay ng kanyang buhay, sa isang panahon ng pangarap sa isang Looban sa Tundo. Ang panahong iyon ay nawakasan nang hindi na makapagtiwala si Flor sa paniniwala ni Victor na “ang Tundo man ay may langit din.” Si Flor ay siyang maybahay, ang “misis” ni Tonyo ngunit napag-alaman niyang may ibang pamilya na ito bago pa siya magdalantao.

• Tonyo – siya ang ama ng dinadala ni Flor ngunit sa kalaunan ng nobela ay malalaman ni Flor na siya ay mayroon ng pamilya at asawa bago pa sila magkakilala.

Page 23: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Chabeng – ang totoong maybahay at misis ni Tonyo na may malubhang sakit.

• Aling Sion – ina ni Victor na minsan lamang

nila makausap ng maayos at laging tahimik. • Lukas – matandang kapatid ni Victor na kilala

sa kanilang lugar.

Page 24: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Tatong Bamban • Paeng Gasti- Mga matalik na kaibigan ni

Lukas • Pilo- laging tumutulong sa kanya • Dolores – dating katulong nila Alma na

nagawan ng hindi mabuti ng kanyang ama.

Page 25: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Mister Fuertes – ama ni Alma na may itinagong lihim sa kanila tungkol sa anak nito sa katulong nilang si Dolores.

• Misis Fuertes – ina ni Alma na laging

tinatambakan ng hairclips ang buhok. • Pocholo – kapatid ni Alma.

Page 26: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Monching – isang matalik na kaibigan ni Alma na mayroong matinding pagkagusto sa kanya.

• Minnie – pinsan ni Alma na lagi niyang pinagsasabihan ng kanyang nadarama.

Page 27: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Tagpuan

• 1.Tundo

• - Kilala ang Tundo bilang isag magulo, madumi,maraming tao,

puno ng mga krimen at sinasabing wala ngnagiging pag-asa kung

patuloy na paiiralin ang mga hindikanais-nais na mga pag uugali.

Ngunit sa nobelang ito,ninanais na mabigyang buhay, mahanap at

mapatunayanna ang tagpuang ito ay matatawag din na

kalangitan. Sakabila man ng mga katangiang taglay ng lugar na ito

natila mahirap tanggapin sa ating lipunan, patuloy pa

ringisinusulong na maitaguyod ang pagbabago na dapat

aynatatamasa na ng tagpuang ito.

Page 28: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• 2. Apartment nina Flor at Tonyo• - Matapos ang pagpapasyani Flor na lisanin ang

Tundo, nanirahan na siya kasamaang kanyang

asawa na si Tonyo sa isang apartmet. Kung

susuriin, ditto ay pagiang nagkikita sina Flor at

Victorupang madalaw ang bawat isa. Naging saksi

ang tagpuangito sa pagnanasa ni Flor na maakit si

Victor at makipag-isasa piling ng bawat isa.

Page 29: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• 3. Pamantasan• - Sina Victor at Alma ay kapwa mag-aaral saiisang pribadong

pamantasan. Sila din ay parehongkumukuha ng kursong

pagtuturo na may espesyalisasyonsa kasaysayan. Sa tagpuang

ito makikita ang mga alitan sapagitan nina Victor at Alma

tungkol sa pagseselos nitokay Flor na dating kasintahan ni

Victor. Ang pamantasangito ay ang siyang gumabay sa mga

pangunahing tauhankung saan ito ang nagsilbing pundasyon

na tumulong sakanila upang makamit ang kanilang mga

pangarap bilangisang mahuhusay na mga tagapagturo.

Page 30: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Isang palamigan sa Quiapo• - Dito ay kalimitang nagkikitasina Flor at Victor

noong sila pa ay pinag-iisangpagmamahal bilang magsing-irog. Mapapansin na sa lugarna ito nabuo ang ilang masasayang bahagi ng mgapangarap nila Victor at Flor. Ditto din ay mapapansin angkalagayan ng Quiapo. Marami ang mga pilang tindahan nanag-

aalok ng iba‘t-ibang produkto gayundin ng mga serbisyo. Naglalarawan ito ng mga masasaya at mgamakukulay na pamumuhay ngunit sa likod nito ay may mga ilang hindi mabubuting kalagayang panlipunan angnagaganap sa lugar na ito.

Page 31: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Opisina sa printing press• - Sa tagpuang itonaghahanapbuhay si Victor

upang siya ay may maitustossa kanyang pag-

aaral sa kolehiyo. Nakatulong ng malakiang

lugar na ito nang sa gayon ay maipagpatuloy

niya angkanyang pagtatapos bilang isang guro.

Page 32: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Restawran sa Looban ng Tundo• - Ito ang kalimitangpuntahan at tambayan ng

mga naninirahan sa Tundo.

• Ditto makikita ang iba‘t

• -ibang uri ng mga tao sa lipunanna nais takasan

kahit sandal ang mga problema nila sa buhay.

Nagsilbi itong lugar aliwan para sa kanila.

Page 33: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• Patahian nina Flor at Dolores• - Ang tagpuang ito ay siyangsumisimbolo sa

pagsusumikap at pagtitiyaga nina Flor at

• Dolores sa buhay kung kaya‘t sila ay

nakapagtaguyod ng

• ganitong uring paghahanapbuhay. Nilalarawan din

nito nasinumang tao na may nais na umahon sa

kahirapan atmabuhay ng marangal ay dapat na may

positibongpananawa upang magtagumpay.

Page 34: Ang tundo man ay may langit din...allysa

• MENSAHE:Ang nobela ay nagbibigay halaga sa paninindigan atmoralidad ng isang tao. Sinasabi dito na huwag mawalan ng pagasa dahil lahat tayo ay may kakayahan upang iahon ang mgasarili sa kahirapan at kasamaan. Ang tanging kakailanganinlamang ay tiyaga, paninidigan at pananampalataya. Hindikakailanganin na magsimula sa malaking bagay upangmagsimula ang pagbabago. Sa nobela, ipinakita ito sa katauhanni Victor na nagsumikap upang magbago at maianggat ang sariliang magiging unang hakbang tungo sa isang magandangkinabukasan. Magmula dito ay makapagbibigay ng pag asa sanakararami ang mga taong nakaahon. Kasunod nito ay ang pagangkin ng respeto sa sarili at sa lugar na pinanggalingan. Dahildito ay maari ng maisip na kaya rin pala ng mga mahirapmakatapos na kahit mahirap ang isang tao ay mayroon silangpaninindigan sa tama.