26
TEORYANG KLASISISMO ANG GURYON ni Ildefonso Santos Tanggapin mo anak, itong munting guryon Na yari sa patpat at “papel de Hapon” Magandang laruan pula, puti, asul Na may panagalan mong sa gitna naroon. Ang hiling ko lamang, bago paliparin, Ang guryon mong ito ay pakatimbangin; Ang solo’t paulo’y sukating magaling Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling. Saka, pag umihip ang hangin, ilabas At sa papawiri’y bayaang lumipad; Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak, At baka lagutin ng hanging malakas. Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw Ay mapapabuyong makipagdagitan; Makipaglaban ka, subalit tandaan Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal. At kung ang guryon mo’y sakaling madaig Matangay ng iba o kaya’y mapatid; Kung saka-sakaling dina mapabalik Maawaing kamay nawa ang magkamit! Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, Dagiti’y dumagit saan man sumuot… O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos, Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!

Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Halimbawa ng mga nobela

Citation preview

Page 1: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

TEORYANG KLASISISMO

ANG GURYONni Ildefonso Santos

Tanggapin mo anak, itong munting guryonNa yari sa patpat at “papel de Hapon”Magandang laruan pula, puti, asulNa may panagalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin,Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;Ang solo’t paulo’y sukating magalingNang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

Saka, pag umihip ang hangin, ilabasAt sa papawiri’y bayaang lumipad;Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,At baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikawAy mapapabuyong makipagdagitan;Makipaglaban ka, subalit tandaanNa ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaigMatangay ng iba o kaya’y mapatid;Kung saka-sakaling dina mapabalikMaawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,Dagiti’y dumagit saan man sumuot…O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!

KAHAPON, NGAYON AT BUKASni Aurelio Tolentino

Page 2: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

(Dula ng Himagsikan)

MGA TAUHAN

INANGBAYAN (PILIPINAS)DILAT NA BULAG (ESPANYA)BAGONGSIBOL (AMERIKA)MASUNURIN (BABAING PILIPINA) TAGAILOG(ANG KATAGALUGAN)MATANGLAWIN (GOBYERNO NG KASTILA)MALAYNATIN (GOBYERNONG AMERIKANO)ASALHAYOP (MAPAGLILONG TAGALOG)DAHUMPALAY(MAPAGLILONG TAGALOG)HARINGBATA (HARING INTSIK)HALIMAW (PRAYLE)WALANG TUTOL (LALAKING PILIPINO)

Mga taong bayan, mga Hukbong Tagalog, mga Hukbong Intsik, Kapisanan ng Cruz Rojang babae, mga kawal na rebulosyonaryo, mga batang lalaki’t babae, bandang musika ng Hukbong Tagalog, mga Kaluluwa ng nangamatay sa labanan, ang Haring Kamatayan, Rehimiyento ng Artiller, Infanteria at Ingeniena.

BAHAGI I

(Isang bakurang may sagingan at iba pang halaman sa tabi. Sa gitna ay isang balag.)

LABAS I

(Asal hayop at mga taong bayan. Nangakahanay ang babae sa kanan at ang mga lalaki naman sa kaliwa. Nanga-taas ang kanang kamay nilang lahat, na tumatangan sa kopang ginto. Masasaya ang anyo nila.)

(Asalhayop, Masunurin, Walang tutol, mga taong bayan.)Walangtutol : Mag-inuman, magsayawan.Masunurin : Si Asalhayop ay ipagdiwang.Koro : Ipagdiwang.1.o : Mapala ang kanyang buhay.1.a : At lumawig habang araw.2.o : Habang araw.Walangtutol : Dangal niya’y huwag dadalawin ng siphayo’y ng hilahil.2.a : Huwag dadalawin.3.a : Dangal niya’y magluningning sa ligayang sasapitin.Koro : Magluningning.Masunurin : Madlang puri, madlang biyaya sa kaniya’y sumagana.Koro : Sumagana.3.a : Madlang yaman, madlang tuwa sa kaniya’y lumawig nawa.

Page 3: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

Koro : Lumawig nawa. Asalhayop : Katoto’t giliw, mga kaibigan, sa inyo’y salamat nang habang buhay.

Ang inyong nais na tungkol sa akin ay aking biyaya sa sasapitin.Kayo ang dangal ko, at kayong tunay ang tanging suhay sa aking buhay.

(Lalapitang isa-isa ni Asal. Ang mga Koro at ipipingki sa kani-kanilang kopa ang kanyang hawak.)

Mag-inuman, magsayawan, mag-awitan, limutin ang kalumbayan.

Koro : Mag-inuman.

(Anyong iinumin ng lahat ang laman ng kani-kanilang kopa.Biglang lalabas si Ina, at si Tag. Magugulat ang mga dadatnan.Titigan sila ng kagulat-gulat ni Ina.)

LABAS 2

(Sila rin, Inangbayan, Tagalog)

Inangbayan : Mga walang loob,mga walang damdam,bago’y nagluluksaang kawawang bayan.

Mga walang puso,mga walang dangal,nahan ang pangakongkayo ay dadamaysa mga pumanaw?

(Tatawa nang malakas si Asal at ituturo si Ina.)

Inangbayan : Asalhayop!Asalhayop : Masdan ninyo si Inangbayan,

Ang buwisit at manggagaway.

(Magtatawanan ang koro.)

Humayo ka, Inangbayan,Huwag sabihin ang patay.

(Magtatawanan ang koro.)

Koro : Mag-inuman.

Page 4: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

(Anyong iinumin ang laman ng mga kopa.)

Inangbayan : Huwag!Huwag ninyong lagukin, huwag ninyong mainom ang hinahawakang alak na may lason.

(Magtatawanan ang koro.)Ang inyong kaluluwa ay malilinggatong, kayo’y isusumpa ng mga

pahanon.

(Magtatawanan ang koro.)Mainit pang tunay sa mga buruhan ang bangkay ng inyong nuno at

magulang.

(Magtatawanan ang koro.)Hayo at mag-isip ng tinutunguhan, hayo at bakahin ang mga kaaway.

(Mahabang tawanan nila Asal at ng Koro.)

Koro : Magsayawan.

(Iinumin ni Asal, at ng Koro ang laman ng mga kopa. Tititigan sila nang kagulat-gulat ni Ina.)

Inangbayan : Mga walang kaluluwa! Ang inyong mga kasayahan ngayon ay pagdustang tunay sa libingan ng ating marangal na lipi. Ano? Hindi baga ninyo nararamdaman sa ibutod ng inyong mga puso ang lamig ng kamatayan ng bayan? Hindi baga kayo nangahihiya sa sarili, ngayong kayo nangagsasayahan sa ilalim ng talampakan ni Haringbata ang magiging anak ni Hingiskang?

Asalhayop : Mahusay manalumpati ang ating ina, ang mangangaway.Inangbayan : Asalhayop!Asalhayop : Bigyan ako ng kaunting alak.Koro : Kami man.Inangbayan : Ako man.Asalhayop : Kita ninyo? Kita ninyo’y huminging kusa, pagkakitang hindi natin siya

alintanahin?Magaling na talaga si aling inangbayan.

Asalhayop : (Kay ina) Heto ang alak na alay ko sa iyo. (Bibigyan siya ng isang kopa.) Mag-inuman!

(Itataas ni Asal at Koro ang kanilang mga kopa.)Walangtutol : Mabuhay si Asalhayop!Koro : Mabuhay!Inangbayan : Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi sa paglapastangan sa araw na

ito! Ito ngang tunay na araw ng kamatayan ng mga tagapagtanggol ng bayan. Ito ang

Page 5: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

araw ng pagkalugso ng ating kahambal-hambal sa Balintawak. Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi!Taos sa puso ko yaring sumpa, at sa katunayan ay… ayan!

(Ipupukol sa lupa ang kopang hawak)

Asalhayop : Inangbayan!Koro : (Biglang lalapitan ni Asal at tatampalin. Si Ina, ay mabubuwal, kasabay ng pagtawa ng

Koro.)Asalhayop : Manggagaway!

(Kasabay ng tampal at tawanan. Kasabay ng pagsakal sa kanya at pagtindig ni Ina.)Walangtutol : Huwag! Bitiwan mo. Asalhayop.

(Bibitiwan.)Inangbayan : Asalhayop, paglapastangan mo sa akin ay nahulog sa Apo, sa kamay ni

Mandagaran, ang taksil mong kaluluwa. At kayong mga nakianib sa kanya, kayong mga anak kong pinakamamahal, ay nangahawa na mandin sa kanyang sawing palad. Dinudusta ninyo sa libingan ang dangal ng inyong mga nuno.

Ah! Hindi ko inakala kailan pa man, na kayo’y hindi ko maihahalubilo sa mga angkang nagkalat dito sa Dulong-Silangan.

Mga anak ko, mga bunsong pinakaiibig, kayo’y nangaliligaw. Panumbalikin ninyo ang inyong mga loob, pagsisihan ninyo ang paglapastangan sa akin at sa dakilang araw ng pagkalugso ng bayan. Kapag nilimot ninyo ang araw na ito ay lilimutin din ninyo ang libingang luksa ng inyong mga magulang.

Kayo’y nangabulag na lubos. Buksan ninyo ang inyong mga mata.

(Biglang itataas ang tabing. Lilitaw ang mga libingang may mga pangalang sulat sa panahong una at may mga sabit na luksa at sari-saring putong.)

Ayan at tanawin ninyo sila!

(Mangagluluhuran si Tag at Koro at mangangahulog sa kanilang kamay ang mga kopoang hawak, tanging hindi lamang si Asal at tatalikdan ang mga nasabing libingan.)

Sa mga libingang iyan ay nalalagak ang mga buto nila Gat-Salian, Bituin at laksa-laksang iba pang bayaning kawal ng bayan.

Oh! Yayamang nilapastangan ninyo ang araw na ito at ang mga libingang iyan; yayamang dinudusta ninyo ang daklilang pangalan ng inyong mga nuno; yayamang inilublob ninyo sa pusali ng kapalamarahan ang banal na kasulatan ng ating maharlikang lipi, ay ipagpatuloy na ninyo ang inyong baliw na kasayahan, 3 colors ipagpatuloy na ninyo, mga bunsong ginigiliw, nguni’t pakiusap ko lamang, na doon sa ibabaw nila, sa ibabaw ng mga libingang iyan, ay doon kayo mag-inuman ng alak, doon kayo

Page 6: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

magsayawan at mag-awitan, doon ninyo sambilatin at yurakan iyang mga laksang sabit, doon ninyo huwag tugutang libakin ang inyong sariling dangal.

(Tatangis at marahang lalakad na tungo sa mga libingan.)

Mga bunsong pinakamamahal! Paalam ako sa inyo! Paalam ako sa inyo!

(Mahuhulog na muli ang dating tabing.)

LABAS 3

(Sila rin, wala lamang si Inangbayan)Tagailog : Mga kapatid ko!… Oh! Ano’t kayo’y nangalulumbay? Dahil baga sa pag-

aalala ninyo sa nalugsong buhay ng bayan sa araw na ito? Ah, tunay nga! Sapul noon hangga ngayon ay dalawampung taon nang singkad,dalawampung taong pagkakaalipin. Nguni’t huwag. Ngayo’y nahahanda nang lahat kapag kayo’y umayos sa aking mga panukala…

Koro : Magsabi ka!Tagailog : Ibig baga ninyong bawiin sa kamay ng kaaway itong bayang sinamsam

nila sa kamay ng ating mga magulang?Koro : Ngayon din.Tagailog : Tayo na’t magsandatang lahat.Koro : Tayo na.

(Aalis na lahat, matitira si Asal.)

LABAS 4(Asalhayop) (Tatanawin ang mga nagsisialis)Asalhayop : Mga mangmang!

Ang mga taong ito ay may mga walang pinag-aralan. Mabuti pa ang aso, mabuti pa ang kalabaw, mabuti pa ang hayop kaysa sa kanila, sapagkat ang mga hayop ay nabubuhay at marurunong magsipamuhay, nguni’t ang mga taong ito ay hindi.

Nangatatahimik ang aming mga magulang. At ano? kung ipaghiganti ko baga sila ay mangabubuhay pa kayang muli? Babawiin daw ang kalayaan ng bayan. At bakit pa? Mabuti ang may salaping alipin kaysa mahirap na laya. Mga hangal!

(Magkukuro) Mabuti nga.Hahanapin ko ang mga Intsik, hahanapin ko si Haringbata at aking sasabihin sa kanya ang lahat ng nangyari. Salapi na naman ito!

(Anyong aalis. Lalabas si Haringbata.)

Page 7: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

LABAS 5

(Asalhayop, Haringbata, mamaya’y Inangbayan)Haringbata : Asalhayop.Asalhayop : Ako po’y sumasayapak mo, dakila’t marangal na Haringbata.Haringbata : Salamat.

(Lalabas si Ina, at manunubok sa tabi ng tabing. Hindi siya makikita ng dalawa.)Asalhayop : Ako po sana ay talagang paparoon sa inyong bahay at may nasang

sabihing malaking bagay.Haringbata : Ano yaon?Asalhayop : Si Tagailog at lahat niyang kasama, na pawang kapatid niya’t kapatid ko rin ay

kaaalis din po dito ngayon. Mangagsasakbat ng sandata at kayo po ay babakahin.Inangbayan : (Mapaglilo!)Haringbata : Tunay?Asalhayop : Tunay po.Haringbata : At bakit daw?Asalhayop : Ibig daw po nilang mabawi ang kanilang kalayaan.Haringbata : Mga masiging! At saan nangaroon?Asalhayop : Ewan po, hahanapin ko sila at pakikialaman ko ang kanilang lihim, upang

di maipagbigay alam ko sa inyo at mangahulog sa inyong kamay.Inangbayan : (Buhong!)Haringbata : Salamat. Talasan mo ang iyong mga tainga’t mata. Heto ang salapi mong

bayad.

(Bibigyan ng salapi)At kung mangahulog na sila sa ilalim ng aking kapangyarihan ay

dadagdagan ko pa iyan, at bibigyan kita ng katungkulang mataas.Asalhayop : Salamat po.Haringbata : Hihintayin kita ngayong gabi sa aking bahay, at ipagbigay alam mo sa

akin ang lahat nilang panukala. Heto ang tandang ilalahad mo sa taliba upang di ikaw ay papasukin.

(Bibigyan siya ng isang tsapang tanso at aalis.)Asalhayop : Asahan po ninyo.(Titingnan ang salapi.)

Heto ang salapi ko, heto ang tunay na Ina kong bayan, ang tunay na Bathala. At madaragdagan pa; at matataas pa ang aking katungkulan.

Sayang palad!Inangbayan : (Walang puri! )

LABAS 6(Sila rin, Tagailog)Asalhayop : Tagailog, hinahanap kita.Tagailog : Ako’y gayon din, kita’y aking hinahanap.

Page 8: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

Asalhayop : Sasalakayin baga natin si Haringbata?Tagailog : Oo, bukas. Humanda ka’t ikaw ay kasama.Asalhayop : Papaano ang paraang gagawin natin?Tagailog : Ako’y magdadala kunwari ng buwis.Asalhayop : Mahusay. At saan tayo dadaan?Tagailog : Sa tabing-dagat ang kalahati, at ang kalahati naman ay sa Diliman. Heto

na’t nagdadatingan ang ating mga bayaning kawal, kasama ang mga babaeng tagapagsiyasat ng sugatan.

LABAS 7(Sila rin, Walangtutol, Masunurin, Korong lalaki at babae. Ang mga lalaki ay pawang

sandatahan.)Walangtutol : Tagailog, narito na kami.Tagailog : Hintayin natin ang mga ibang kasama.Asalhayop : Ako’y kasama ninyo, nguni’t ako’y uuwi pa muna sandali.Tagailog : Hihintayin ka namin dito, at dito tayo magbubuhat sa pagsasalakay kay

Haringbata.Asalhayop : Asahan ninyong ako’y darating. Asahan ninyong kung saan kayo mamatay

ay doon din ako magpapakamatay. Paalam.

(Anyong aalis.)Koro : Mabuhay si Asalhayop.Inangbayan : (Kay Asal.) Hintay! Tagailog, huwag mong paalisin si Asalhayop.Asalhayop : Ako?Inangbayan : Ikaw.Lahat : At bakit?Inangbayan : Ako’y may itatanong sa kanya dito sa harapan.Masunurin : Ano kaya?Koro : Ano kaya?Inangbayan : Asalhayop, wala ka bagang taglay na salapi ngayon?Asalhayop : Wala.Inangbayan : Dinggin ninyo? Wala raw. At wala ka bagang taglay na kahit anong tanso

sa katawan?Asalhayop : Salupikang mangkukulam! Ano’t itinatanong mo?Inangbayan : Wala ka bagang taglay na kahit anong tanso sa katawan?

Sumagot ka.Lahat : Sumagot ka.Asalhayop : Wala. Anhin ko ang tanso?Inangbayan : Dinggin ninyo? Wala raw siyang taglay na salapi, at wala rin namang

taglay na kahit anong tanso.

(Tatawa nang malakas si Ina.)Asalhayop : Ngitngit ni Bathala! Ano’t nagtatawa ka?Inangbayan : Dakpin ninyo at ipinagbili tayong lahat kay Haringbata.Lahat : Oh! Asalhayop : Ako?

Page 9: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

Inangbayan : Ikaw.Asalhayop : Sinungaling si Inangbayan. Sinasabi kong sinungaling si Inangbayan.Inangbayan : Mga bunso, siyasatin ninyo ang katawan ni Asalhayop, at may taglay na

salapi, at may taglay na tanso.Tagailog : (Sa Koro) Siyasatin ninyo.Asalhayop : Hindi ako pasisiyasat.Tagailog : Dakpin ninyo.

(Tatanganan si Asal ng mga sandatahan ng mga babae ang kanyang katawan. Makukunan sa bulsa ng salapi at isang tsapang tanso.)

Masunurin : Tunay nga!Lahat : Tunay nga!Tagailog : Ano’t ipinagkaila mo ang iyong taglay?Asalhayop : Ako’y… sapagkat… Datapwat…

(Tatawa nang malakas si Ina.)Inangbayan : Yayamang hindi niya matutuhang turan ay aakuin ko na siya at ako na ang

magsasabi.Asalhayop : Inangbayan! Mahabag ka!Tagailog : Sabihin mo, Inangbayan.Lahat : Sabihin mo.Asalhayop : Inangbayan!Inangbayan : Ang salaping iyan ay siyang pinagbilhan ng nilako niyang buhay ng bayan

kay Haringbata.Lahat : Oh!Inangbayan : At ang tansong iyan ay siyang ilalahad sa mga taliba ng kaaway, upang

siya’y papasukin at maisiwalat ang ating lahat ng lihim.Asalhayop : Sumpa ng Apo! Ngitngit ni Mandagaran!Inangbayan : Pagmasdan ninyo ang tanso at may tatak marahil ni Haringbata.

(Pagmamasdan ng lahat ang tanso)Masunurin : Tunay nga.Koro : Tunay nga.Walangtutol : Kay Haringbatang tatak.Tagailog : Asalhayop!Asalhayop : Patawad!Inangbayan : Ngayon at inyo nang nakilala kung sino nga si Asalhayop, ay paalam na

ako sa inyo.

(Tuloy aalis. Anyong hahabulin ng lahat.)Lahat : Inangbayan?

LABAS 8(Sila rin, wala lamang si Inangbayan) Tagailog : (Kay Asal) Oh! Walang pusong kapatid! Walang dangal! Sa mga ugat mo

ay tumatakbo ang maruming dugo ni Lakasalian, yaong taksil na nagpagapos ng leeg ng

Page 10: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

ating kawawang Inangbayan, kay Hangiskang na ama ng suwail na Haringbata. Pagmasdan ninyo’t kumikislap sa kaniyang mga mata ang alipato ng kanyang paglililo.

Bayang Tagalog, tandaan ninyo yaring hatol.

Dapat mahalin ang ating mga kapatid, ang ating mga magulang, ang ating sariling buhay, nguni’t lalo pa nating dapat mahalin ang dangal ng ating kahambal-hambal na Inangbayan.

(Sandaling palipas) Kaya nga, ang sino pa mang maglilo sa kanya, kapatid man natin o magulang kaya, ay huwag pagpitaganan; takpan ang mata ng awa at idalhag siya sa bangin ng lalong dustang kamatayan, at idagan sa kanyang ulo ang matinding sumpa ng ating pagkakapaalipin.

(Sandaling palipas) Bayang Tagalog, kung sakaling mawalan man tayo ng hiya sa mukha nating bantad, at pabayaan nating makatkat sa ating noo ang limbag ng puri, manang katutubo ng ating mga kaluluwa, ay magkaroon man lamang tayong kaunting tapang sa pagkitil ng sariling buhay. Ibuhos natin ang ating dugo,lamurayin natin ang ating laman, iwalat natin ang ating mga buto, huwag na lamang kumalat-kalat sa lansangan ang mabusilak na dangal ng liping Tagalog, huwag na lamang tayo ring ito ang maglublog sa putik ng lagim, ng kagalang-galang na mukhang tumatangis ng ating kahabag-habag na Inangbayan.

(Sandaling palipas) Bayang Tagalog, si Asalhayop ay nagtaksil. Sunugin siyang buhay.

Koro : Patawad!Tagailog : Bayang Tagalog, kung malaki ang pagmamahal mo kay Asalhayop, ako

naman ay lalo pa, nguni’t lalo pang malaki ang pagmamahal ko sa ating Inangbayan. Inilako ni Asalhayop si Inangbayan kay Haringbata, kaya dapat siyang mamatay, sapagkat dapat na lipulin ang lahat ng halamang lasong tumubo at umusbong sa lupang Tagalog.

(Sandaling palipas)

Sunugin s’ya ng Buhay.

Koro : Patawad!Tagailog : Bayang Tagalog, bayang pinakamamahal kong lubha, wala sino pa mang

makasasalag sa madaling hampas niyaring hatol. Ibig ko pang ako’y mamatay, huwag na lamang ipahutok ang katuwiran. Kaya nga, sinumang may nais na humingi ng patawad na naitong suwail, ay patayin na muna ako, saksakin na muna yaring dibdib. Alin sa dalawa: mabuhay ang kataksilan at ako ang mamatay ang kataksilan

(Sandaling palipas)Sunugin siyang buhay.Koro : Patawad!

Page 11: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

Koro : Oh! Bayang Tagalog! Bayan ng marangal nan liping Tagalog, huwag mong ihingi ng patawad ang nagtaksil sa dakilang dangal ng ating mga kasulatan.

(Bubunutin ang kanyang sundang.)

At yayamang ayaw ako ilugso ng mga nagtatanggol sa kanya, ako ang maglulugso sa mga sasago’t sasanla sa aking matatag na hatol. Iwawalat ko ang dibdib ng balang kumibo, hahalukayin ko ang puso ng balang magsigaw ng wikang “Patawad”.

(Itataas ang kanyang sundang. Mapapaurong ang lahat.)

Tagailog : Hukbong Tagalog, lahi ng katapangan, mga anak sa digma, tulinan ninyo.Napaparam ang ulap ng sakim, sumisilay ang araw ng kalayaan: (Tuloy pasok)

LABAS 9(Masunurin, Korong Babae) Masunurin : Laban kayo, mga kawal, at bawiin itong bayan.1.a : Sandali pa’y ating tunay na tagumpay.Koro : Ang tagumpay.Masunurin : Nagkaabot ang hukbo at nagkahalubilo.2.a : Laban kayo, laban kayo, ang kalaba’y…Koro : Tumatakbo.Masunurin : Hayo’t abuluyan ang mga sugatan.Koro : Abuluyan.

LABAS 10(Maglalabasan ang mga kawal na Intsik, karamiha’y sugatan at nagabubuwal.)Masunurin : Huwag bayaan , ito’y ating katungkulan.

LABAS 11

(Sila rin, Haringbata, Inangbayan, mamamaya’y si Tagailog. Kaladkad ni Haringbata si Inangbayan.)

Haringbata : Papatayin kita.Koro : Si Inangbayan.

(Lalabas si Tagailog)Tagailog : Haringbata!

(Sabay saksak. Mabubuwal si Haringbata.)Haringbata : Mamamatay ako!Koro : Patay si Haringbata!

LABAS 12(Sila rin, kawal na Tagalog)Tagailog : Ating-ating ang tagumpay. Atin ang ating katuwiran.

Page 12: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

Inangbayan : Mabuhay si Tagailog.Koro : Mabuhay!Tagailog : Mabuhay si Inangbayan!Koro : Mabuhay!Inangbayan : Mabuhay ang ating kawal!Koro : Mabuhay!Tagailog : Mabuhay ang ating lipi sa lilim ng kalayaan!Koro : Mabuhay!Inangbayan : (Tatanaw sa kanan.) Sino ang mga dumarating?Tagailog : Sino kaya?Koro : Sino kaya?

(Tutugtugin ang Marcha Red Española at lalabas si Dilat-na-bulag at Matanglawin.)

Page 13: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

TEORYANG MARXISMO

WALANG PANGINOONni Deogracias Rosario

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung saan siya magtutungo. Isiniksik niya ang kanyang ulo kahi't saan. Saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipinapasak sa mga butas ng kanyang tainga. Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayon man, kahi't saan siya magsiksik, kahi't saan siya magtago, kahi't na anong gawin niyang pagpapasak sa kanyang tainga ay lalong nanunuot sa kanyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.

"Tapos na ba?" Tapos... ang sunud-sunod namang itinutugon ng kanyang ina na paniwalang-paniwala hindi nga niya naririnig ang malungkot na animas.

"Ngunit, Marcos…" ang baling uli ng matandang babae sa anak. "Bakit ayaw mong marinig ang oras na ukol sa kaluluwa? Iya'y nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Una-una'y ang iyong ama, ikalawa'y ang kapatid mong panganay, ikatlo'y ang kapatid mong bunso, saka… saka si Anita." Ang huling pangalan ay binigkas na marahan at madalang ng matandang babae.

Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang pinapangaralan siya ng kanyang ina, ang mga mata niyang galling sa pagkapikit kaya't nanlabo pa't walang ilaw ay dahan-dahang sinisiputan ng ningas, saka manlilisik at mag-aapoy.

Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya nagsasalita. Subali't sa kanyang sarili, sa kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may pangungusap, may nagsasalita.

"Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng batingaw," ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang kanyang labi hanggang sa dumugo upang huwag ipahalata sa ina ang pagkuyom ng kanyang damdamin.

Akala ng ina'y nahuhulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda ay nababasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naiisip niyang kaya nalulungkot si Marcos ay sapagka't hindi pa natatagalang namatay si Anita. Ang magandang anak ni Don Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pag-iimpok na ginagawa upang maging isang ulirang anakpawis ay ukol kay Anita. At siya'y namatay! Naramdaman din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Ito ay kanyang ibig libangin. Ito ay nais niyang aliwin. Kung maaari sana'y mabunutan niya ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak.

"Lumakad ka na Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara," ang sabi ng ina. "Walang pagsalang masasayahan ka roon."

"Si Inang naman," ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasasabi nang malakas. Sa kanyang sarili'y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano ang pait

Page 14: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa'y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay na nangyari sa pagkamatay nito.

Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat, ang nasasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan, na ipinapalagay niyang kaluluwa ni Anita, "disi'y hindi ako itataboy sa kasayahan."

Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran sapagka't mabuti ang lagay ng tanim nilang palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating taglay ang utos ng hukumang sila'y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan. Sinasamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.

"Inang, matalim ba ang itak ko?" ang unang naitanong ng anak sa ina matapos matunghayan ang utos ng hukuman.

"Anak ko!" ang palahaw na pananangis ng matandang babae, sabay lapit sa leeg ng anak. "Bakit ka mag-iisip nang gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?"

Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag ng kalooban ng binata. Gayon man, sa harap ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa-isang nagbabalik sa alaala niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka.

Ang sabi'y talagang sa kanunu-nunuan ng kanyang ama ang naturang lupa. Walang sino mang sumisingil sa kanila ng buwis at walang sinumang nakikialam sa anumang maging bunga ng kanilang mga tanim, maging mais o tubo, o kaya'y maging anuman sa mga gulay na tanim nila sa bakuran.

Subali't nang bata pa ang kanyang ama ay may nagsukat ng lupa sa sinsabing kanila. Palibhasa'y wala silang maibabayad sa manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit sa kanilang karalitaan upang tangkilikin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit silang mamuwisan nang di nila makuhang umalis doon.

Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila'y isang salapi lamang isang taon sa bawat ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit nagtatagal, unti-unti na silang nababaon sa pagkakautang sa maylupa dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa pana-panahon, gaya ng takipan at talinduwa.

Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil sa malaking sama ng loob kay Don Teong. Ang kapatid niya'y namatay din sa paglilingkod sa bahay nito, at higit sa lahat, nalaman niyang kaya namatay si Anita ay sapagka't natutop ng ama nakipagtagpo minsan sa kanya sa loob ng halamanan, isang gabing maliwanag ang buwan.

Saka ngayo'y paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang binubuwisan?

Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, mahigit nang isang taon noon. Sapul nang dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga madre sa Maynila, si Marcos ay nagsimpan na ng malaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang kanyang kalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang damo sa ilog.

Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa iskuwelahan na silong ng kumbento sa kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Nguni't gayon man, nagsikap siyang idilat ang kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo kay Marcos ang hilig sa pagkatuto sapagaka't sa pag-anib niya sa mga samahang pambayan ay natuklasan niyang walang mabuting

Page 15: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

paaralan kundi ang pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan sa sariling wika na hindi binabasa ni Marcos, kahi't manghiram lamang kung wala na siyang ibili. Nagbasa rin siya ng nobela at ibang akdang natutuhan niya sa wikang Tagalog o kaya'y salinwikang nito.

Lalo na nang magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalagata sa kanyang buhay kundi ang baling araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ng lupa nilang sinasaka. Isa pa'y bukod sa naniniwala siya sa kasabihan, "Ang lahat ng tao, kahi't hindi magkakakulay ay sadyang magkakapantay," tinatanggap din niya ang palasak ng kawikaang "Ang katapat ng langit ay pusalian." Dahil diyan kaya kahi't bahagya ay hindi siya nag-atubili ng pagsisimpan ng pag-ibig kay Anita.

At naiibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsan si Anita ay namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa lamo at lihim niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog ata sa pamamagitan ng langoy na hampas-tikin ay inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng ilog. Matapos niyang kalawitin ng kaliwa niyang bisiig sa may baba ang dalaga ay bigla niyang isinikdaw ang dalawa niyang paa sa ilalim kaya't pumaibabaw sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at pagsikad ng dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa pampang.

"Marcos, matagal na naman kitang iniibig," ang pagtatapat ni Anita sa binata, makaraan ang may ilang buwan buhat nang siya'y mailigtas.

Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang ninuno at binubuwisan na nila at sinasamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay itinataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayong kabuktutan.

Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat niya ang kanyang mga labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mga kuko.

Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malungkot na agunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang nalagutan ng hinihinga. Maliit naman ang kanilang bayan upang malihim pa kung sino ang binawian ng buhay. Wala siyang nalalaman na may sakit kundi si Anita. Dahil sa pagkatutop sa kanila isang gabi, ang dalaga ay sinaktang mabuti ng ayon sa nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang walang latay.

Buhat noon ay nagkasakit na si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita. At nang tangkain niyang dumalaw minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may hawak na rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Maaaring maging dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng kanyang iniibig, bukod sa magiging subyang sa kanyang ina kung siya ay mawawala.

Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinaman na lamang niya sa talaan ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan, pag-agaw ng lupa sa kanila. At saka noo'y pagtatangka pa sa kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya'y nalagutan ng hiningang siya ang tinatawag. Saka nitong huli ay pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulo ng kanilang pawis na mag-anak.

Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, lumaki ang puso sa mga pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng pang-aapi ng may-lupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita, akala niya'y maaari pa siyang makalunok ng bagong pag-

Page 16: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

upasala ng itinuturing niyang panginoon. Datapwat nang tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaalis sila roon, talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa'y naisip na niyang gawing batas ang kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao.

"Huminahon ka anak ko," ang sabi ng kanyang ina. "Hindi natutulog ang Bathala sa mga maliliit. Magtiis tayo."

Hindi niya itinuloy ang paghanap sa kanyang itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan, nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati'y sinakyan niya ang kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat sa limang alaga niya. Lumabas siya sa bukid at hinampas niya ng tanaw ang karagatan ng namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumatngat sa kanyang puso. Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan upang ang palay nila'y magbungang mabuti? Saka ngayo'y pakikinabangan at matutungo lamang sa ibang kamay.

Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig mang pagdiliman ang isip kung nagugunita ang utos ng hukuman, ang alaala naman ng kanyang ina'y walang iniwan sa bahagharing sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig at ayaw niyang pabayaan ang kanyang ina; ipinangako niyang hahandugan ng kaligayahan ang nalalabing buhay nito, bago malagutan ng hininga ang kanyang ama.

Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila'y magsasarili: "Tutungo sa hilaga at kukuha ng homestad. Kakasundo ng mga bagong magsasaka; paris ni Don Teong, kailangang magkaroon din ako ng gayak paris niya."

Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang ina palibhasa'y nababatid niyang sa dibdib ng binata ay may isang halimaw na natutulog na hindi dapat gambalain upang huwag magising. Wala siyang nalalaman kundi tuwing takipsilim, kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon ang buong kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak saka lumalabas sa bukid. May dalawang linggong gayon nang gayon ang ginagawa, hanggang isang araw ay tawagan siya ng pansin ng matanda.

"Marcos," sabi ng matanda. "Dalawang lingo na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong… kung may magiging sukli man lamang tayo sa ating ani ngayon?"

"Huwag ka pong mabahala, Inang," sabi ng mabait na anak. "Nalaglag po ang dahon sa kanyang kapanahunan."

Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man may nagunita siyang isang bagay na ibig niyang malaman sa anak.

"Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran?" Tinutukoy niya ang kalabaw na mahal na mahal sa lahat ni Marcos.

Maaaring magpakahinahon si Marcos, subali't ang huling kapasiyahan ni Don Teong ay namukaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit…

Nagunita niya ang sinabi ni Rizal. "Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin." Napailing siya sa harap ng gayong masaklap na katotohanan. Patung-patong na ang ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don Teong – takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos ang marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa kamay ng mayamang si Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg na

Page 17: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad na mahamig na lahat ang kayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari at nagbubuwis pa.

"Kailangang maputol ang kalupitang ito!" Ang tila pagsumpa sa harap ng katalagahang ginawa ni Marcos.

"Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter, at latigo, anak ko?" ang tanong ng matanda kay Marcos, isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan.

"Inihahanda ko po iyon sa pagiging panginoon natin, paris ni Don Teong," ang nakatawang sagot ng anak. "Kung tayo po'y nakaalis na rito, tayo'y magiging malaya," ang tila wala sa loob na tugon ng anak.

Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hanggahan ng lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at ang suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa ito'y umuungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung dumating siya'y dinaratnan niya ang kanyang inang matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng isang maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila.

"Salamat, anak ko, at dumating ka," ang sasabihin na lamang ng matanda. "Akala ko'y napahamak ka na."

Si Don Teong ay may ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kanyang lupa. Ang ipinanganganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong ito at ang kanilang panginoon, ay hindi makapagpigil ang isa't isa. Nalalaman din ng matandang babae na laging may dalang rebolber sa baywang ang mayamang asendero buhat nang magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang inaalaala ang pag-alis-alis ni Marcos.

Subalit isang hapon, samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwag ng kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita pa lamang ng kalabaw kay Don Teong ay tila may sinumpang galit sapagka't bigla na lamang sinibad ang matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at paglagpak ay sinalo naman ng kabilang sungay.

Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan, wasak ang suwiter sa katawan at saka ang pulinas. Kumilos agad ang maykapangyarihan upang gumawa ng kailangan pagsisiyasat subali't ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo'y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala.

Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa'y nagkatinginan. Hindi nila malaman kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.

Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw, hindi siya nababahala.

Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig ito. Sa halip na idalangin, ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya'y ang matapang niyang kalabaw.

Page 18: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

BUOD NG LUHA NG BUWAYA(Amando V. Hernandez)

Kagagaling ni Badong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superindente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manupang pansamatalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagangprinsipal, si Maestro Putin. Dinalaw ni Badong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Badong upang makipagbalitaan at magpalipad hangin ukol sa kanyang pagibig . Nalaman ni Badong na may pabatares sa pagapas kinabukasan si Mang Pablo. Sa gapasan, naging masaya ang mga manggagapas kait na lumabas si Donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak ng lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit sa kasama si Donya Lena.

Nang ipaghanda sa bahay – asyenda ang dalawang anak ni Donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasasangkutan ni Andres, isang iskuwater na nakita sa pook na tinaguriang tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sapagkat natandaang Sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapo ang digmaan si Andres at ang kanyang mag-ina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.

Nakilala nang lubusan ni Badong si Andres nang ipinasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Badong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook na mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Badong.

Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si badong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni Don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni Donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si Donya Leona sa mga kahilingan ng mga magsasaka at ang mga ito naman ay tumangging gumawa sa kanilang mga saka.

Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Badong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Administration. Nangalap sila ng pondo mula sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan.

Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni Donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ibedensiya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat di Donya Leona ang alkalde na pinsan ni Donya Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng asawang Grande.

Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib sa tulong ng Badong sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Badong noong nag-aaral pa siya sa Maynila.

Page 19: Teoryang Klasisismo o Teoryang Markismo

Sa isang pagkakataon , nakatagpo ni Andres si Ba Intern na pinakamatandang tao sa nayon. Sa pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inern na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na kabesang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit ng mamatay itoay napasalin sa mga magulang ni Donya ang mga aring lupa nito bago namatay . Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado. Nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at pagbabayarin ng pinsala ang mga Grande.

Sa utos ni Donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Badong. Si Dislaw na karibal ni Badong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating Sa Sampilong.

Noong sinagot ni Pina si Badong. Pinagtakaang halayin ni Disla si Pina, mabuti na lamang at dumalaw Si Badong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Disla. Sa nangyari, pinaluwas ni Donya Leona sa Maynila si Dislaw.

Sa gabi lihim na ipinahakot ni Donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa Instik. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunog ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng kooperatiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, Si Iska ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng Donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni Sedes kay Badong.

Nahuli si Kosme at umamain sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Granda. Dahilan sa kahihiyang tinamo , hinakot ng mga Grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila, si Donya Leona ay nagkasakit at alta presyonat naging paralisado nang maataki. Si Don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya.

Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Badong at tiniyak ng superintende na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ang mga bata.

Namanhikan sina Badong kina Pina at may hiwatig na siya ay ikakanditato pang alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.