24

Batas pangwika

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Batas pangwika
Page 2: Batas pangwika

A. Saligang-Batas ng Biak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

B. 1935 – Pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika (Seksyon 3, Art.XIV Saligang Batas ng 1935)

C. 1936 – inaprubahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.

Page 3: Batas pangwika
Page 4: Batas pangwika
Page 5: Batas pangwika

D. Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

E. Abril 1, 1940 - Paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.

Page 6: Batas pangwika

Manuel L. QuezonAma ng Wikang Pambansa

Page 7: Batas pangwika

Surian ng Wikang Pambansa

• Layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.

Page 8: Batas pangwika

F. Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

G. Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.

Page 9: Batas pangwika

Ramon Magsaysay

Page 10: Batas pangwika

H. Set. 23, 1955 – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg.12 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika- 19 ng Agosto.

I. Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.

Page 11: Batas pangwika

J. Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay pangalan sa Pilipino.

K. Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

Page 12: Batas pangwika

Kawanihan ng Rentas Internas

Page 13: Batas pangwika
Page 14: Batas pangwika

L. Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974-75.

M. Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.

Page 15: Batas pangwika

Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong

Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito’y

nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:

Page 16: Batas pangwika

Pebrero 2, 1987Artikulo XIV - Wika • Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay

Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Page 17: Batas pangwika

1937 Tagalog1959 Pilipino1987 Filipino

Page 18: Batas pangwika

• Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.

Madrasah school

Page 19: Batas pangwika

• Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

• Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.

Page 20: Batas pangwika

• Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

Page 21: Batas pangwika

“Wika ang dungawan ng kultura ng lipunang pinag-ugatan at gumagamit

nito.”

Saliksikin ang iba pang mga batas pangwika ng Pilipinas. Gumawa ng

timeline ng mga batas na ito upang makita ninyo ang pagbabago at pag – unlad ng

wikang Filpino

Page 22: Batas pangwika

1. Batas Komonwelt Blg. 1842. Batas Komonwelt Blg. 3333. Batas Komonwelt blg. 1344. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 2635. Sirkular blg. 26, serye 19406. Batas Komonwelt Blg. 5707. Proklama Blg. 12, serye 19548. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 79. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 9610. Memorandum Sirkular Blg. 17211. Memorandum Sirkular Blg. 18712. Memorandum Blg. 277

Page 23: Batas pangwika

13. Memorandum Sirkular Blg. 38414. Memorandum Sirkular Blg. 44315. Kautusang Tagapagpaganap blg. 30416. Memorandum Sirkular Blg. 48817. Kautusang Panlahat Blg. 1718. Atas ng Pangulo Blg. 7319. Art. XV, Seksyon 3, Saligang – Batas ng 197320. Kautusang Pangkagawaran Blg. 2521. Kautusang Paangministri Blg. 2222. Proklamasyon Blg. 1923. Art. XIV, Sek. 6-9, Saligang Batas ng 1987 24. Resolusyon Blg. 966-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino

Page 24: Batas pangwika

25. Kautusang Blg. 5226. Kautusang Tagapagpaganap blg. 33527. Kautusang Pangkagawaran blg. 8428. Kautusang Pangkagawaran Blg. 2129. CHED Memorandum Blg 5930. Proklama Blg. 104