SINING v 2nd Rating

Embed Size (px)

Citation preview

SINING VI

1. Mga Layunin:Naipahahayag ang kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagguhit o pagpipinta ng isang larawang isinasaad ng kuwento o tula II. Paksang Aralin Larawang Isinasaad ng Kuwento TX p. 121 Kagamitan: Kuwento tungkol sa katatagan sa gitna ng panganib Kard ng mga pamamaraan sa paggawa

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan ang kanilangnatutunan tungkol sa proporsyon. 2. ltanong: Paano mo masasabi na tama ang proporsyon ng ulo sa katawan ng mga toong iginuhit? Ano ang dapat na proporsyon ng too sa bahay? Ano ang proporsyon?

B. Panlinang na Gawain1. Ganyakin at ihanda angmga bata sa pagguhit at pagpipinta ng isang larawang isinasaad ng kuwento. 2. Sabihin/ltanong: Basahin ang kuwento na nasa aklat, Umawit at Gumuhit 5, TXp. 121. Ano ang nangyayari sa kuwento? Ano ang naramdaman ni Juanito habang bumubuhos ang ulan? Bakit biglang nagba~o ang kaniyang damdamin? Ano ang naisipan niyang gawin? Anong bahagi ng kuwento ang naibigan mo? 3. Sabihin: Ngayon ay titingnan ko kung kaya ninyong iguhit o ipinta ang isang larawang isinasaad ng kuwento? Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?

C. Gawaing PansiningLarawang Isinasaad ng Kuwento Mga Kagamitan: papel lapis krayon Pamamaraan 1. Ipahayag ang iyong damdamin at imahinasyon sa pamamagitan ng pagguhit ng isang larawan tungkol sa kuwentong "Isang Maunos na Gabi". 2. Kulayan ang lara wang iginuhit

D. Paglalahat1. Sabihin: Ipakita sa mga kamag-aral ang iginuhit mo. Ano ang nilalaman ng larawan? Paano mo inilarawan ang iyong imahinasyon? Nagamit mo ba ang iyong kaalaman sa balanse at proporsyon sa pagguhit? Paano proporsyon sa pagguhit? Paano?

E. PagpapahalagaItanong: Paano ninyo naipahayag ang inyong kaisipan, kalooban at imahinasyon sa pagguhit?.

Nasunod ba ninyo ang mga pamantayan sa paggawa? Paano? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Paano mo naipahahayag ang iyong kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagguhit o pagpipinta ng isang larawang isinasaad ng kuwento o tula Remarks: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ___

SINING VI I. Mga Layunin: Naipahahayag ang damdamin sa pamamagitan ng pagguhit ng mga linya at kulay na nagsasaad ng iba't ibang damdamin Paksang Aralin Mga Linya at Kulay sa Pagpapahayag ng Damdamin, TX p. 123 Kagamitan: Larawan ng mga guhit na nagpapahayag ng iba't ibang uri ng damdamin Mga larawang may kulay. Mga larawan ng kulay

II.

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan kung paano naipahahayag ang dam dam in sa pamarnagitan ng pagguhit o pagpipinta ng isang lara wang isinasaad ng kuwento. 2. Itanong kung anu-anong elemento ng sining ang kanilang ginamit. B. Panlinang na Gawain 1. Pag-usapan ang gamit ng mga linya at kulay na natutuhan nila sa mga nakaraang aralin. 2. Itanong: Ano ang gamit ng mga linya at kulay? Magagamit mo ba ang mga linya at kulay sa pagpapahayag ng damdamin? Paano? 3. Ilahad ang mga larawan ng iba't ibang uri ng linya. 4. Itanong: Ano ang damdaming ibinibigay ng tuwid na linya? M agbigay ng mga halimbawa ng larawang dapat gamitan ng tuwid na linya. Ano ang ipinahahayag ng mga pakurbang linya? Ano ang ipinahahayag ng mga tulis-tulis at masalimuot na linya? 5. Sabihin: Ang mga kulay ay maaari ring magsaad ng iba't ibang damdamin. 6. Ilahad ang mga larawang may kulay at mga larawan ng mga kulay. 7. Pag-usapan ang mga kulay na nagsasaad ng iba't ibang uri ng damdamin. C. Paglalapat: 1. Itanong: Paano magagamit ang mga linya at kulay sa pagpapahayag ng iba't ibang uri ng damdamin? Magbigay ng mga halimbawa. IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: 1. Sabihin: Bukas ay ipahahayag natin ang ating damdamin sa pamamagitan ng kulay at linya. Nais ba ninyong magdala ng mga kagamitan para sa gawaing sining?

2. Pagdalhin ang mga bata ng makapal na sinulid o estambre, pandikit at papel.Remarks:

SINING VI I. Mga Layunin: Naipahahayag ang damdamin sa pamamagitan ng pagguhit ng mga linya at kulay na nagsasaad ng iba't ibang damdamin Paksang Aralin Mga Linya at Kulay sa Pisi, TX p. 126 Kagamitan: Larawan ng mga guhit na nagpapahayag ng iba't ibang uri ng damdamin Mga larawang may kulay. Mga larawan ng kulay

II.

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan ang iba't ibang uri ng linya at mga kulay na nakapagbibigay ng iba't ibang uri ng damdamin. 2. Ihanda ang mga bata sa paglikha at pagpapahayag ng damdamin. 3. Itanong ang mga pamantayan sa paggawa. B. Panlinang na Gawain Mga Linya at Kulay sa Pisi Pagpapahayag ng Damdamin Mga Kagamitan: makapal na sinulid o estambre "glue" o pandikit papel Pamamaraan: 1. Mag-isip ng isang sitwasyon o pangyayari na nais mong ipahayag. 2. Pumutol ng iba't ibang kulay ng hindi magkakasinghabang sinulid o "estambre" na angkop sa damdaming nais mong ipahayag. 3. Iayos ang mga piraso na sinulid sa papel upang makagawa ng mga linya. 4. Idikit ang mgapiraso ng sinulid hanggang ang ninanais na disenyo ay mabuo. IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Paano mo naipahahayag ang iyong damdamin sa pamamagitan ng pagguhit ng mga linya at kulay na nagsasaad ng iba't ibang damdamin Remarks: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________

SINING VI I. Mga Layunin: Nakalilikha ng balangkas ng sariling katawan (contour drawing) sa pamamagitan ng pagdama at pagguhitnito habang nakapikit ang mata.

II. Paksang Aralin Balangkas ng Katawan TX p. 127 Kagamitan: Larawang balangkas ng katawan III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan kung paano maipahahayag ang damdamin sa pamamagitan ng kulay at linya. 2. Itanong: Paano mo maipahahayag ang iyong damdamin sa pamamagitan ng kulay at linya? Magbigay ng mga halimbawa B. Panlinang na Gawain Sabihin: Malimit mong ipahayag ang iyong kaisipan at imahinasyon sa pamamagitan ng pagguhit, subalit naranasan mo na bang gumuhit ng isang larawan habang nakapikit ang mga mata? Ano kaya ang anyo ng isang larawang iginuhit nang nakapikit? Ngayon ay susubukin nating gumuhit nang nakapikit. Natatandaan ba ninyo ang mga pamantayan sa paggawa? C. Gawaing Pansining Balangkas ng Sariling Katawan Mga- Kagamitan: papel krayon Pamamaraan: 1. Ihanda ang papel na pagguguhitan at kumuha ng isang krayon na may matingkad na kulay. 2. Pumikit at iguhit ang balangkas ng iyong katawan mula ulo hanggang paa at pabalik sa ulo habang kinakapa ng isa mong kamay ang iyong katawan. Gawing tuluy-tuloy ang pagguhit. Huwag iangat ang krayon sa papel. 3. Tingnan ang larawang iginuhit mo. Kulayan ang ba,langkas ng katawan ng. isang kulay. Ang labas ng balangkas ay kuskusan ng ibang kulay. D. Pagpapahalaga Itanong: Nahirapan ka ba sa pagguhit nang nakapikit ang mata? Anong anyo ng iginuhit mo? Nagamit mo ba ang iyong imahinasyon sa pagguhit ng balangkas ng iyong katawan? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Nakalilikha ng balangkas ng sariling katawan (contour drawing) sa pamamagitan ng pagdama at pagguhitnito habang nakapikit ang mata. Remarks: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _______________________________

SINING VI I.Mga Layunin: Naipakikita ang kakayahan sa paggamit ng iba't ibang bagay at kagamitan.sa paglilimbag

II. Paksang Aralin Paglilimbag TX p. 128 Kagamitan: Mga larawang inilimbag kutsilyo, "water color", kamote o patatas III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain

1.B.

Pag-usapan kung paano nila nagamit ang imahinasyon sa pamamagitan ng pagguhit na nakapikit ang mata.

Panlinang na Gawain 1. Pag-usapan ang.paglilimbag na ginawa nila sa ika-apat na baitang. 2. Itanong: Naranasan na ba ninyo ang maglimbag? Anu-anong bagay ang ginagamit mo? Anu-anong hugis at kulay ang ginagamit mo? Paano mo inaayos ang bakas na inilimbag mo? Nakalikha ka na ba ng magandang disenyo? Gawaing Pansining 1. Sabihin: Titingnan ko ngayon kung makalilikha kayo ng magandang disenyo sa pamamagitan ng paglilimbag ng mga bloke. Anu-ano ang mga pamantayan sa maayos na paggawa? Block Printing Mga Kagamitan Mga Kagamitan: kamote o patatas papel kutsilyo "water color" Pamamaraan: 1. Hatiin sa dalawang bahagi ang kamote o patatas. 2. Gumuhit ng isang payak na disenyo sa dakong pinagputulan. 3. Sa pamamagitanng kutsilyo ay palitawin ang disenyong nais na ilimbag at alisin ang mga bahagi ng disenyong hindi kailangan. 4. Isipin kung paano mo iaayos ang disenyo sa papel. 5. Pintahan ng "water color" ang disenyo at idiin sa papel. 6. Ilimbag nang paulit-ulit ang disenyo ayon sa disenyong nais mo.

C.

D.

Pagpapahalaga 1. Naiayos mo ba ang paglilimbag sa pamamagitan ng mga bloke ng patatas upang makabuo ng kawili-wiling disenyo? 2. Anong disenyo ang ginawa mo? 3. Nagamit mo baang iyong kaalaman sa tekstura sa iyong ginagawang paglilimbag? Paano? 4. Saan mo maaaring gamitin ang papel na nilagyan mo ng mga disenyong nalimbag?

IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Paano mo naipapakita ang iyong kakayahan sa paggamit ng iba't ibang bagay at kagamitan.sa paglilimbag

Remarks: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ___

SINING VII. Mga Layunin: Naipakikita ang pagkamalikhain at kakayahan sa paggamit ng krayon sa iba't ibang pamamaraan tulad ng batik.

II. Paksang Aralin Batik TX p. 130 Kagamitan: Mga larawan ng gawaing sining na "batik", papel o tela, crayon, "water color", plantsa III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-uusap tungkol sa gawaing paglilimbag. Itanong: Ano ang paglilimbag? Anu-ano ang mga bagay na maaaring ilimbag? Paano mo maipahahayag ang iyong pagkamalikhain sa paglilimbag? Anu-ano ang iba't ibang paraan ng paglilimbag? B. Panlinang na Gawain 1. Ganyakin at ihanda ang mga bata sa paraan ng paglilimbag sa batik. 2. Ipaliwanag sa kanila kung ano ang batik. 3. Itanong kung kaya nilang sundin ang mga pamantayan sa paggawa ng batik kahit hindi iniisa-isa ang mga ito. C. Gawaing Pansining Mga Kagamitan: papel o tela krayon "water color" o Joe Busch" plantsa Sabihin: Ang mga sumusunod ay ilang pamamaraan sa paggawa ng "batik". Maaari kang pumili ng isa. BATIK A Pamamaraan: 1. Gumawa ng isang disenyo sa papel at kulayan ng krayon. Idiin ang pagkuskos sa krayon. Lagyan ng kulay ang buong papel. 2. Lukutin o lamukusin ang papel sa iyong palad. 3. Maingat na buksan ang papel at muling unatin ito upang hindi mapunit. 4. Magtimpla ng malabnaw na "water color" na itim o ano mang madilim na kulay at pintahan ang kabuuan ng disenyo sa nilakumos na papel. 5. Patuluin ang "water color" at patuyuin. 6. Plantsahin kapag tuyo na upang maunat nang husto. D. Pagpapahalaga 1. Anong paraan ng paggawa ng batik ang isinagawa mo? 2. Anong disenyo ang binuo mo? 3. Ano ang kaibahan ng batik sa ibang mga gawaing sining? 4. Paano mo naipahayag ang kaisipan at damdamin sa paggawa ng batik? 5. Nag-ingat ka ba sa paggamit ng plantsa? 6. Pinanatili mo bang malinis ang iyong pinaggawaan? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Paano mo naipapahayag ang iyong kalooban at imahinasyon?

Remarks:

SINING VI I. Mga Layunin: Naipakikita ang pagkamalikhain at kakayahan sa paggamit ng krayon sa iba't ibang pamamaraan tulad ng batik. II. Paksang Aralin Batik TX p. 130 Kagamitan: Mga larawan ng gawaing sining na "batik", papel o tela, crayon, "water color", plantsa III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-uusap tungkol sa gawaing paglilimbag. Itanong: Ano ang paglilimbag? Anu-ano ang mga bagay na maaaring ilimbag? Paano mo maipahahayag ang iyong pagkamalikhain sa paglilimbag? Anu-ano ang iba't ibang paraan ng paglilimbag? B. Panlinang na Gawain 1. Ganyakin at ihanda ang mga bata sa paraan ng paglilimbag sa batik. 2. Ipaliwanag sa kanila kung ano ang batik. 3. Itanong kung kaya nilang sundin ang mga pamantayan sa paggawa ng batik kahit hindi iniisa-isa ang mga ito. C. Gawaing Pansining Mga Kagamitan: papel o tela krayon "water color" o Joe Busch" plantsa Sabihin: Ang mga sumusunod ay ilang pamamaraan sa paggawa ng "batik". Maaari kang pumili ng isa. BATIK B Pamamaraan: 1. Lamukusin ang isang puting papel. Pagkatapos, maingat na unatin ito upang hindi mapunit at ipatong sa ibabaw ng hapag. 2. Magtimpla ng malabnaw na "water color" o 'Joe Busch" at kulayan ang kabuuan ng papel sa pamamagitan ng pinsel. 3. Patuyuin ang papel. 4. Lagyan ng disenyo ang papel ang pamamagitan ng krayon. 5. Takpan ang kabuuang disenyo ng isa pang papel at plantsahin. D. Pagpapahalaga 1. Anong paraan ng paggawa ng batik ang isinagawa mo? 2. Anong disenyo ang binuo mo? 3. Ano ang kaibahan ng batik sa ibang mga gawaing sining? 4. Paano mo naipahayag ang kaisipan at damdamin sa paggawa ng batik? 5. Nag-ingat ka ba sa paggamit ng plantsa? 6. Pinanatili mo bang malinis ang iyong pinaggawaan? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.

V. Kasunduan: Anu-anong mga gawaing sining ang nagawa mo? Paano mo naipahayag ng iyong kalooban at imahinasyon? Remarks: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________

SINING V I. Mga Layunin: Naipakikita ang pagkamalikhain at kakayahan sa paggamit ng krayon sa iba't ibang pamamaraan tulad ng batik. II. Paksang Aralin Batik TX p. 130 Kagamitan: Mga larawan ng gawaing sining na "batik", papel o tela, crayon, "water color", plantsa III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-uusap tungkol sa gawaing paglilimbag. Itanong: Ano ang paglilimbag? Anu-ano ang mga bagay na maaaring ilimbag? Paano mo maipahahayag ang iyong pagkamalikhain sa paglilimbag? Anu-ano ang iba't ibang paraan ng paglilimbag? B. Panlinang na Gawain 1. Ganyakin at ihanda ang mga bata sa paraan ng paglilimbag sa batik. 2. Ipaliwanag sa kanila kung ano ang batik. 3. Itanong kung kaya nilang sundin ang mga pamantayan sa paggawa ng batik kahit hindi iniisa-isa ang mga ito. C. Gawaing Pansining Mga Kagamitan: papel o tela krayon "water color" o Joe Busch" plantsa Sabihin: Ang mga sumusunod ay ilang pamamaraan sa paggawa ng "batik". Maaari kang pumili ng isa. BATIK C Mga Kagamitan: tela na walangdisenyo (1ft x1ft) Pamamaraan: 1. Ikapit ang tela sa isang tabla o matigas na karton sa pamamagitan ng "thumb tacks" o "stapler". Kung tabla ang gagamitin ay lagyan muna ito ng saping dyaryo o "manila paper" upang maging makinis ang paggagawaan. 2. Sa pamamagitan ng krayon ay madiin na iguhit ang disenyo. 3. Magtimpala ng Joe Busch" at kulayan ang kabuuan ng disenyo. 4. Takpan ng isang "coupon bond" ang tela at plantsahin. D. Pagpapahalaga 1. Anong paraan ng paggawa ng batik ang isinagawa mo? 2. Anong disenyo ang binuo mo? 3. Ano ang kaibahan ng batik sa ibang mga gawaing sining? 4. Paano mo naipahayag ang kaisipan at damdamin sa paggawa ng batik? 5. Nag-ingat ka ba sa paggamit ng plantsa? 6. Pinanatili mo bang malinis ang iyong pinaggawaan? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.

V. Kasunduan: Paano mo naipapakita ang iyong pagkamalikhain at kakayahan sa paggamit ng krayon sa ibatibang pamamaraan tulad ng batik. Remarks: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________

SINING V I. Mga Layunin: Naipakikita ang pagkamaparaan sa paggamit ng iba't ibang bagay sa paggawa ng "mosaic" II. Paksang Aralin Mosaic TX p. 132 Kagamitan: Mga likhang sining na ginawa sa pamamagitan ng "mosaic" III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan ang mga gawaing pansining na nakatutulong sa kanila upang maipahayag ang kaisipan, damdamin at imahinasyon. 2. Itanong: Anu-anong mga gawaing sining ang nagawa mo? Paano mo naipahayag ng iyong kalooban at imahinasyon? B. Panlinang na Gawain 1. Pag-usapan ang mga bagay tungkol sa "mosaic" 2. ltanong: Ano ang "mosaic"? Saan nagsimula ito? Saan nila ginagamit ang ganitong uri ng sining? Anu-anong mga bagay ang ginagamit upang makagawa ng "mosaic"? Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa? C. Gawaing Pansining Mga Kagamitan: lapis papel, retaso, balat ng suman, plastik o balat ng itlog pandikit karton o papel na makapal Pamamaraan: 1. Sa isang papel o karton ay gumuhit ng dibuho ng sagisag ng bansa. 2. Isipin kung anu-anong kulay ang ilalagay sa bawat bahagi ng iyong dibuho at kung anong bagay ang gagawing mosaic. 3. Gupit-gupitin o pirasuhin nang maliit ang bagay na napili. 3. Tiyakin na ikaw ay nag-iingat sa paggamit ng gunting. 4. Idikit ang maliit na piraso sa disenyo na iyong iginuhit Mag-iwan ng makitid na espasyo sa pagitan ng bawat hugis. D. Paglalahat 1. Itanong: Anong dibuho ang ginawa mo para sa "mosaic"? Anong bagay ang napili mong gupit-gupitin? Napangkat mo ba ang mga bagay na gugupitin ayon sa uri, kulay, at hugis? Ilang uri ng hugis ang ginupit mo? Anu-ano ang mga ito? Hindi ba gaanong malayo ang laki ng mga hugis? E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Nagawa mo ba nang maayos at malinis ang "mosaic"? Anong dibuhong sagisag ng bansa ang ginamit mo? Naging mapamaraan ka ba sapagdidikit ng maliit na papel? Paano mo ginawa ito? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.

V. Kasunduan: Anu-anong mga gamit ang maaari mong lagyan ng disenyong mosaic? Remarks: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________

SINING V I. Mga Layunin: Naipakikita ang pagkamalikhain sa paggawa ng mga tatlong dimensiyong bagay sa pamamagitan ng iba't ibang midya, kagamitan at pamamaraan II. Paksang Aralin "Puppet" na Pangkamay TX p. 134 Kagamitan: Mga "puppet" na gawa sa supot III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan kung paano nila naipakita ang kanilang pagka malikhain sa paggawa ng "mosaic". 2. Itanong: Anu-anong mga bagay ang maaari mong gawing "mosaic"? Anu-anong mga gamit ang maaari mong lagyan ng disenyong "mosaic"?

B. Panlinang na Gawain 1. Ganyakin ang mga bata sa susunod na gawain. 2. Magpakita ng mga halimbawang "puppet". 3. Itanong: Anu-ano ang mga hawak ko? "Ano ang "puppet"? Saan ginagamit ito? Anu-ano ang maaaring gamitin sa paggawa ng "puppet"? 4. Sabihin: Ang mga "puppet" ay mga bagay na may tatlong dimensyon. Ito ay may taas, luwang at kapal. Titingnan ko kung kaya ninyong sundin ang mga pamamaraan sa paggawa ng mga "puppet". Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa? Ano ang dapat tandaan sa tuwing gagamit ng gunting? C. Gawaing Pansining 1. Sabihin: Ibibigay ko sa inyo ang mga card ng pamamaraan. Basahin nang mabuti at sundin ang mga pamamaraan. "Puppet" na Supot, TX p. 135 Mga Kagamitan: supot na papel, papel na pagguguhitan ng mukha pandikit, gunting at krayon Pamamaraan: 1. Kumuha ng isang supot na papel. 2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid at idikit sa dakong ilalim ng supot. 3. Itapat ang bibig ng larawan sa lupi ng supot. 4. Gtipitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig at lupi ng supot upang huwag magkahiwalay ang nguso at labi. Huwag gugupitin ang supot. 5. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang mag-anyong loob ng bibig. Maaari mong dikitan o guhitan ng maliit na dila. 6. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang idinikit. Iaros ang apat na daliri sa dakong itaas at ang hinlalaki sa ibaba. Sa pamamagitan ng mga daliri ay maaari mong pagsalitain ang "puppet" habang ikaw ay nagkukuwento. C. Paglalahat 1. ltanong:

Anong uri ng puppet ang ginawa mo? Paano mo ginamit ang mga patapong bagay sa paggawa ng iyong "puppet"? Nasiyahan ka ba sa ginawa mong "puppet"? Tumawag ng mga kamag-aral at pag-usapan kung paano makagagawa ng isang pagtatanghal na ginagamit ang mga 'puppet" na inyong ginawa

D. Pagpapahalaga Sabihin: Itanong mo sa iyong sarili. Iniligpit ko ba ang lahat ng aking ginamit? Itinapon ko ba ang mga balat? Nag-ingat ba ako sa paggamit ng gunting? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Ano ang tatlong dimensyong bagay? Magbigay ng mga halimbawa. Remarks: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________

SINING V I. Mga Layunin: Nakalilikha ng iba't ibang "puppet" sa pamamagitan ng iba't ibang pamamaraan tulad ng "puppet" na pangkamay o "hand puppet" II. Paksang Aralin "Puppet" na Pangkamay TX p. 134 Kagamitan: Mga "puppet" na gawa sa medyas III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan kung paano nila naipakita ang kanilang pagka malikhain sa paggawa ng "mosaic". 2. Itanong: Anu-anong mga bagay ang maaari mong gawing "mosaic"? Anu-anong mga gamit ang maaari mong lagyan ng disenyong "mosaic"?

B. Panlinang na Gawain 1. Ganyakin ang mga bata sa susunod na gawain. 2. Magpakita ng mga halimbawang "puppet". 3. Itanong: Anu-ano ang mga hawak ko? "Ano ang "puppet"? Saan ginagamit ito? Anu-ano ang maaaring gamitin sa paggawa ng "puppet"? 4. Sabihin: Ang mga "puppet" ay mga bagay na may tatlong dimensyon. Ito ay may taas, luwang at kapal. Titingnan ko kung kaya ninyong sundin ang mga pamamaraan sa paggawa ng mga "puppet". Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa? Ano ang dapat tandaan sa tuwing gagamit ng gunting? C. Gawaing Pansining 1. Sabihin: Ibibigay ko sa inyo ang mga card ng pamamaraan. Basahin nang mabuti at sundin ang mga pamamaraan. "Puppet" na Medyas, TX p. 136 MgaKagamitan: malinis na medyas na hindi ginagamit kapirasong retaso o tela estambre o sinulid, karayom at sinulid gunting, butones o abaloryo Pamamaraan: 1. Gupitin paloob ang dulo ng medyas. Ito ang magsisilbing bibig. 2. Gumupit ng tela o retasong hugis biluhaba na kulay dalandan, pula o rosas at itahi sa paligid ng ginupit na bahagi ng medyas. 3. Isuot ang kamay sa medyas na ang apat na daliri ay nasa dulo ng dakong talampakan ng medyas at ang hinlalaki ay nasa dulo ng dakong ibabaw ng medyas, upang malaman, kung saang dako mo ilalagay ang mga mata at ilong. 4. Lagyan ng mga mata at ilong ang "puppet" sa pamamagitan ng mga butones, abaloryo o ano mang patapong bagay. Maaari mo ring iburda ang mga mata at ilong. 5. Ang ulo ay maaari mong lagyan ng binungkos na sinulid upang magmukhang buhok o sombrero. 6. Suotan ng damit ang iyong "puppet" upang matakpan ang iyong braso.

C. Paglalahat 1. ltanong: Anong uri ng puppet ang ginawa mo? Paano mo ginamit ang mga patapong bagay sa paggawa ng iyong "puppet"? Nasiyahan ka ba sa ginawa mong "puppet"? Tumawag ng mga kamag-aral at pag-usapan kung paano makagagawa ng isang pagtatanghal na ginagamit ang mga 'puppet" na inyong ginawa D. Pagpapahalaga Sabihin: Itanong mo sa iyong sarili. Iniligpit ko ba ang lahat ng aking ginamit? Itinapon ko ba ang mga balat? Nag-ingat ba ako sa paggamit ng gunting? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Kailangan bang gumastos nang malaki upang makagawa ng puppet? Bakit? Remarks: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________

SINING V I. Mga Layunin: Naipakikita ang pagkamalikhain sa paggawa ng mga tatlong dimensyong bagay sa pamamagitan ng iba't ibang midya; kagamitan at pamamaraan Nakalilikha ng mga "puppets" na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi o sinulid II. Paksang Aralin Puppet na Ginagamitan ng Pisi o Sinulid TX p. 138 Kagamitan: Mga puppet na gawa sa tela, sinulid at iba pa III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Itanong: Anong uri ng puppet ang ginawa mo kahapan? Ipakita kung paano mo magagamit ioa. Ano ang tatlong dimensyong bagay? Magbigay ng mga halimbawa.

B. Panlinang na Gawain 1. Ihanda ang mga bata sa paggawa. 2. Sabihin: Ngayon ay muli kang gagawa ng "puppet". Ang paggawa ng puppet ay isang uri ng sining na ginagamitan ng iba't ibang mga midya, kagamitan, at pamamaraan. Dito mo maipakikita ang iyong pagkamalikhain at kakayahan sa paggawa ng isang likhang sining sa pamamagitan ng mga patapong bagay. Isa pang uri ng puppet ay ang ginagamitan ng pisi o sinulid. Maaari itong yari sa karton o mga retaso na ginawang anyong manika. Titingnan ko ngayon kung kaya mong sundin ang mga pamamaraan sa paggawa at ang mga itinakda nating pamantayan. C. Gawaing Pansining "Puppet" na Gumagalaw Mga Kagamitan: mga retaso o sirang "stockings" bulak, sinulid at pisi, gunting mga butones, abaloryo at iba pang palamuti Pamamaraan: 1. Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga retaso o sirang "stockings" na binalumbon at itinali sa mga hugpungan. 2. Lagyan ng mga mata, ilong at bibig sa pamamagitan ng mga butones at patapong mga bagay. 3. Lagyan ng buhok na binigkis naestambre o sinulid. 4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang magkaroon ng damit. 5. Lagyan ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na nais pagalawin at itali ang kabilang dulo sa pinag-ekis na patpat. Maaari mo itong pagalawin sa pamamagitan ng paggalaw sa patpat. 5. Isipin kung paano pa maaaring pagalawin ang puppet at kung saan pang bahagi ng katawan maaaring talian ito . D. Paglalahat 1. ltanong: Nakagawa ka ba ng puppet na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi? Anu-anong mga patapong bagay ang naging kapakipakinabang sa iyo? Paano mo nagamit ang iyong pagkamalikhain sa paggawa at pagpapagalaw sa puppet? Umawit o magpatugtog ng isang awitin at pagalawin ang iyong puppet ayon sa ritmo. IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan:

Magdala ng mga patpat ng "ice drop," pisi o estambre o mga "straw" at gunting. Remarks: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________

SINING V I. Mga Layunin: Nakalilikha ng iba't ibang uri ng paghahabi sa pamamagitan ng iba't ibang bagay at pamamaraan II. Paksang Aralin Paghahabi TX p. 140 Kagamitan: Halimbawa ng iba't ibang uri ng paghahabi Mga pamamaraan sa paggawa na nakasulat sa kard III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan ang tungkol sa iba't ibang uri ng "puppet" at gamit ng mga ito. B. Panlinang na Gawain 1. Pag-usapan kung ano ang paghahabi. 2. Itanong/Sabihin: Nakaranas ka na bang maghabi? Magbigay ng halimbawa ng mga bagay na hinabi. Anu-anong mga bayan sa ating bansa ang kilala sa paghahabi? Anu-anong mga bagay ang kanilang hinahabi? C. Gawaing Pansining 1. Ibigay sa mga bata ang mga kard na may mga pamamaraan sapaggawa. Paghahabi sa Patpat Mga Kagamitan: maninipis na patpat (1 cm x . 12cm) o patpat ng "ice drop" makapal na pisi o estambre straw, makikitid na retaso, pahina ng magasin na may kulay gunting kutsilyo o "cutter" Paghahabi A Pamamaraan: 1. Ihanay ang mga patpat upang makagawa ng isang hugis parisukat. 2. Itali ang pisi o estambre sa isang dulo ng unang patpat. 3. Simulan ang paghahabi sa pamamagitan ng pagsusuksok ng sinulid sa ilalim ng lahat ng ikalawang patpat. 4. Pagdating sa huling patpat ay ituloy ang paghahabi sa pamamagitan ngpagbabalik ng sinulid. Isuksok ito sa ilalim ng lahat ng mga patpat na hindi nasuksukan nito sa unang paghahabi. 5. Ipagpatuloy ang paghahabi hanggang mapuno ang kabuuan ng mga patpat . 6. Ibuhol ang tali sa dulo ng huling patpat upang hindi makalas. D. Paglalahat 1. Itanong: Ano ang paghahabi? Anu-ano ang iba't ibang uri ng paghahabi? Anu-ano ang gamit ng mga bagay na hinabi? E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Paano mo naipamalas ang iyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng paghahabi? Nag-ingat ka ba sa paggamit ng gunting at kutsilyo? Napanatili mo bang malinis ang

iyong pinaggawaan? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Pagpangkat-pangkatin ang mga bata at ihanda sila upang mag-ulat tungkol sa mga katutubong sining. Papiliin sila ng nais nilang iulat TX pp. 146-148 Remarks: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________

SINING V I. Mga Layunin: Nakapaghahabi sa pamamagitan ng pisi at patpat II. Paksang Aralin Paghahabi TX p. 140 Kagamitan: Halimbawa ng iba't ibang uri ng paghahabi Mga pamamaraan sa paggawa na nakasulat sa kard III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan ang tungkol sa iba't ibang uri ng "puppet" at gamit ng mga ito. B. Panlinang na Gawain 1. Pag-usapan kung ano ang paghahabi. 2. Itanong/Sabihin: Anu-anong mga bagay ang kanilang hinahabi? Ngayon ay gagawa kayo ng isa pang bagay na may tatlong dimensyon. Ito ay ang paghahabi. Titingnan ko kung maipahahayag ninyo ang inyong imahinasyon at pagkamalikhain sa pamamagitan ng gawaing ito. Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa? Ano ang dapat mong tandaan sa paggamit ng gunting at kutsilyo? C. Gawaing Pansining 1. Ibigay sa mga bata ang mga kard na may mga pamamaraan sapaggawa. Paghahabi sa Patpat Mga Kagamitan: maninipis na patpat (1 cm x . 12cm) o patpat ng "ice drop" makapal na pisi o estambre straw, makikitid na retaso, pahina ng magasin na may kulay gunting kutsilyo o "cutter" Paghahabi B Pamamaraan: 1. Kumuha ng magkakapantay na habang dalawa, tatlo o apat napatpat. 2. Pagpatung-patungin ang mga ito sa gitna, at hayaang magkakalayo ang mga dulo. Gawing magkakatulad ang pagitan ng bawat isa upang mag-anyong gulong . 3. Talian o idikit sa gitna upang hindi magkahiwa-hiwalay. 4. Isipin kung anu-anong mga bagay ang gagamitin sa paghahabi at ihabi ang mga ito nang magkakasalit at paikot sa mga patpat na nakarayos. 5. Sundin ang pamamaraan sa paghahabi at magsimula sa gitna. 6. Ulit-ulitin ang pamamaraan hanggang mapuno ang gulong. 7. Talian ang isang dulo at ibitin D. Paglalahat 1. Itanong: Anu-ano ang gamit ng mga bagay na hinabi? Bakit ito kabilang sa mga bagay na may tatlong dimensyon? E. Pagpapahalaga 1. Itanong: Paano mo naipamalas ang iyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng paghahabi? Nag-ingat ka ba sa paggamit ng gunting at kutsilyo? Napanatili mo bang malinis ang

iyong pinaggawaan? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Pagpangkat-pangkatin ang mga bata at ihanda sila upang mag-ulat tungkol sa mga katutubong sining. Papiliin sila ng nais nilang iulat TX pp. 146-148 Remarks: _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________