32

Click here to load reader

#Sining ppt

Embed Size (px)

Citation preview

  • 1. Ulat nina: Basto, Jomar M. Villapuz, Edimar Bartolome, Jejomar

2. Kahulugan at KalikasanPagsulatIto ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa ibat ibang layunin. Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamaysa pagsulat sa papel, o sa pagpindot ng mga keys ngtayprayter o ng keyboard ng kompyuter. Ginagamit din sapagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng writingoutput kahit pa ito ay handwritten lamang o rehistro samonitor ng kompyuter o print -out na. 3. Kahulugan at Kalikasan Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit. 4. Kahulugan ng pagsulat ayon sa ibat-ibang tao:Ang pagsulat ang bumubuhay athumuhubog sa kaganapan ng atingpagiging tao. (William Strunk, E.B White) 5. Kahulugan ng pagsulat ayon sa ibat-ibang tao:Ang pag-iisip at pagsusulat aykakambal ng utak, gayundinnaman, ang kalidad ng pagsulatay hindi matatamo kung walangkalidad ng pag-iisip. (Kellogg) 6. Kahulugan ng pagsulat ayon sa ibat-ibang tao:Angpagsulat ay kabuuan ngpangangailangan at kaligayahan.(Helen Keller)Ito ay isang komprehensibongkakayahang naglalaman ng wastonggamit ng talasalitaan, pagbuo ngkaisipan, at retorika. (Xing Jin) 7. Proseso ng Pagsulat Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa ibat- ibang yugto. Ang mga yugtong ito ay ang mga sumusunod: Prewriting Writing Revising Editing 8. Proseso ng PagsulatAng mga yugtong ito ay sunod-sunod ayon sa pagkakalahad, ngunit importanteng mabatid na ang mga propesyunal na manunulat ay hindi nagtratrabaho nang hakbangbawat-hakbang.Makabubuti, kung gayon , na ipalagay na ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib at ispayraling, kayat ang mga manunulat ay bumabalik-balik sa mga yugtong sa mga yugtong ito ng paulit-ulit sa loob ng proseso ng pagsulat ng isang teksto. 9. Proseso ng PagsulatHalimbawa, matapos ang ikalawang yugto opaglikha ng burador, ang isang manunulat aymaaaring bumalik sa unang yugto, ang prewriting atmagsagawa ngkaragdagang pananaliksik.Matapos ang editing, ang ikaapat na yugto, angmanunulat ay maaring bumalik sa yugto ngrebisyon at reorganays ang materyal. 10. Mga Yugto ng Proseso ng Pagsulat Ang Pabalik-balik na Mubment ng Proseso ng PagsulatPrewritingDraftingRevisingFinal EditingDocument 11. Proseso ng PagsulatPrewritingLahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon, pag iisip ng mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at pag-ooraganisa ng mga materyales bago sumulat ng burador ay nakapaloob sa yugtong ito. 12. Proseso ng PagsulatAng Unang BuradorSa puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang maisalin sa bersyong preliminari ng iyong dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano mo kinakailangan.Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin mo ang iyong balangkas nang bawat seksyon. Palawigin mo ang iyong mga parirala sa pangungusap. 13. Proseso ng PagsulatSa pagsulat ng unang burador, importanteng hindi mawala ang momentum sa pagsulat. Kung gayon, mas mabilis mong maisasalin sa papel ang mga salita ng mas mabuti. Dahil nais mong makasulat nang mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna alalahanin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng pangungusap, ispeling at pagbabantas. Pagtuunan na lamang ito ng pansin matapos maisulat ang buong unang burador. 14. Proseso ng Pagsulat Maaaring akalain na matapos maisulat ang unang burador ay tapos na ang proseso ng pagsulat. Ngunit maging mga batikang manunulat ay nangagkakaisa sa pagsasabing maging silay nagkakamali rin sa pagpili ngmga salita, pag-oorganisang pangungusap, pagbabaybay o pagbabantas kahit paminsan minsan. Paulit-ulit pa rin nilang binabasa ang kanilang unang burador, ineebalweyt ang kanilang akda at hinahamon ang kanilang sarili na mapabuti pa ang presentasyon ng kanilang mga ideya. Dito pumapasok ang yugtong rebisyon at editing. 15. Proseso ng PagsulatRevising Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura ng mga pangungusap at lohika ng presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ay nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya. Maaari ring may pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya y kailangan para sa pagpapabuti ng dokumento. 16. Proseso ng Pagsulat EditingIto ang pagwawasto ng mga posiblengpagkakamali sapagpili ngmgasalita, ispeling, gramar, gamit at pagbabantas. Angediting ang pinakahuling yugto sa proseso ngpagsulat bago maiprodyus ang pinal na dokumento. 17. Bakit Tayo Sumusulat? Ang kakayahan sa pagsulat ay isa sa mga makrongkasanayan na dapat malinang sa isang indibidwal. Sapagsulat, hindi tayo makapagpapanggap. Hindi katulad sapakikinig, tumangi lamang sa nagsasalita o tumangu-tangoay masasabing nakikinig na kahit iba ang iniisip at hindinahahalata; sa pagbabasa, makisabay lang sa pagbabasa ngiba o tingnan ang libro, iisiping nagbabasa na rin; sapagsasalita, malimit ang mga katagang aheh maam/sirnasa dulo na po ng dila ko, hindi ko lang po masabi eh!, atmangingiti lang ang gurolusot na. Sa pagsulat, malalamanng iyong isip kung ano ang nararamdaman moito angmababasa. Wala kang maililihimwalang maitatago. 18. Bakit Tayo Sumusulat?Sa isang mag-aaral,ginagawa niya ang pagsulat sapagkat ito ay bahagi ng kanyang pangangailangan sa paaralan upang siya ay makapasa.Gayundin naman, ang isang manunulat ay nagsusulat dahil ito ang pinagmulan ng kanyang ikabubuhay. Kung walang tulad nila, walang pahayagan na magtatala ng mga nagaganap sa lahat ng sulok ng daigdig. Wala ring libro na magpapalawak ng ating kaalaman at magbibigay paliwanag sa tama at mali na gagabay sa atin tulad ng mga batas. Wala ring magasin na madalas nating piliing paglibangan. 19. Bakit Tayo Sumusulat?Sa pang-araw-araw nating pagharap sa buhay, hindi maitatanggi na may ilang ginagawa tayo na mas mabisang maipapahayag ang sa paraang pagsulat ang higit sa pagsasalita. Katulad sa mga gawaing pagpapautang, pakikipag ugnayan sa mga taong nasa malayong lugar, pagpapatibay sa mga kasunduan, at pagtatapat ng pag-ibig sa taong minamahal na hindi magawang sabihin ay madaling naisasagawa bilang patunay sa pamamagitan ng pagsulat. 20. Bakit Tayo Sumusulat?Mula sa ating pagsulat mula sa sinusulat ng iba, tayoy natututo. Nagagawa nating sumabay sa takbo ng mundong ito. Nabibigyan tayo ng pagkakataong mapunan ang puwang sa ating pagkatao upang makadama ng kaligayahan. 21. Layunin ng Gawaing PagsulatPansariling Pagpapahayag Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang itoy mapapakinabangan. Ilan pa sa mga halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba pa. 22. Layunin ng Gawaing PagsulatImpormasyonal na Pagsulat Kung sa unang layunin ang makikinabang ang nagsusulat, dito ang makikinabang ay ang tao. Ginagawa ang pagsulat upang mapaabot ng mensahe sa mgakaparaanang nangangatwiran, nagpapayo, nagpapaliwanag at iba pa. Ilan samgahalimbawa nito ay memorandum, rebyu at riserts. 23. Layunin ng Gawaing PagsulatMalikhaing PagsulatAng makikinabang dito ay ang sarili at ibang tao. Sa tulong ng imahinasyon at kapangyarihan ng rehistradong wika, nagagawa ng manunulat na ilarawan ang uri ng lipunan na kanyang ginagalawan. May kakaibang lakas ang mga salitang ginagamit dito upang ipadama sa mambabasa ang panoramikong larawan ng buhay.Ilan sa halimbawa nito ang alamat, dula, at iba pa. (ESG) 24. PagtatalataAng talata ay isang pangungusap o grupo ng mga pangungusapna inorganisa upang makadebelop ng isang ideya hinggil sa isang paksa bilang bahagi ng komposisyon o upang magsilbing pinakakomposisyon mismo. Ang talatang binubuo ng isang pangungusap ay maaring kahit na anong uri ng pangungusap. 25. PagtatalataPansinin ang halimbawa: Ano ang synaesthesia? Ang pag-aaral ng synaesthesia ay isang intriging at kompleks na larangan ng neuroscience o pag-aaral ng utak. Intriging at kompleks ang anumang pag-aaral ng utak ng tao sapagkat sa utak nagpupunta ang lahat ng ating sensori, doon iniinterpret, iniimbak, at tinutugunan, at kung saan sa ilalim ng mga kondisyong iyon, ang mga signal ay nagkokominggel. 26. PagtatalataSamantala, ang talatang binubuo ng mga pangungusap ay isang komposisiyon ng mga pangungusap na pinagsama- sama upang magkaroon ng simula, katawan at wakas. Basahin ang halimbawaAng kahalagahan ng phenomenon ng synaesthesia ay higit pa sa medesina. Ang mga pinakahuling pag-aaral ay nagpapatunay na mayroon iyong koneksiyong genetic dahil wari bang ito ay nasa dugo ng mga pamilya. Para tuloy nakahinga nang maluwag ang mga synaesthetes nang matuklasan ng mga dalubhasa na hindi sila ang delusyonal o mga sugapa sa gamot na nagkakaroon na ng halusinasyon. Ipinapalagay nang sila y mga aberasyon lamang ng kalikasan na mistulang tinurukan ng mga almbre sa kanilang utak. 27. PagtatalataUpang maging epetibo ang isang talataan, kailangang taglayin nito ang mga sumusunod na katangian: Kaisahan Kohirens Empasis 28. PagtatalataKaisahan Nangangahulugang pagkakaroon ng isang ideyasa loob ng talata. Upang makamit ito:a) Tukuyin ang ideyang nais mong idebelop;b) Ipahayag ang ideyang ito sa isang pamaksangpangungusap na maaari pang idebelop ayon sa iyonglayunin; atc) Suportahan ang pamaksang pangungusap ng mgapangungusap na makadebelop sa ideya. 29. PagtatalataKohirens Ito ay tumutukoy sa pagkakauganay-ugnay ng mga bahagi sa loob ng isang talataan. Sa lebel ng pangungusap, tumutukoy ito sa pagkakasundo ng paksa at panaguri; sa lebel ng talata, tumutukoy ito sa kohisebnes ng daloy ng mga pangungusap sa talataan. 30. PagtatalataKohirensUpang magamit ang kohirens, kailangang :a) Gumamit ng epektibong metodo ng debelopment o paraan ng pagpapahayag ;b) Organisahin ang mga pangungusap mula simula hanggang sa wakas sa tulong ng epektibong pattern ng organisasyon; atc) Gumamit ng mga epektibo na salitang transisyunal. 31. PagtatalataEmpasis Ito naman ay tumutukoy sa pagbibigay ng angkopat sapat na diin sa bahagi ng komposisyongnangangailangan niyon. Makakamitito sapamamagitan ng:a) pagtukoy ng mga ideya o bahagi ng talataang dapatbigyan ng diinb) epektibong pagpili ng metodo ng pagbibigay-diin (sapamamagitan ng posisyon o proporsyon); atc) Epektibong paggamit sa napiling metodo ngpagbibigay-diin.