23
Ang Sining ng Pagsulat (Malikhaing Pagsulat

Sining ng pagsulat

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Sining ng pagsulat

Ang Sining ng Pagsulat(Malikhaing Pagsulat

Page 2: Sining ng pagsulat

Kahulugan ng Pagsulat Ang pagsulat ay anumang

pagpapahayag na gamit ang letra o alpabeto.

Ang paggsulat ay isang proseso ng pagtatala ng karakter sa isang midyum na may layuning makabuo ng mga salita.

Page 3: Sining ng pagsulat

SiningAng Sining ay pinaka mataas na antas ng

pakikipag-ugnayan Ano ang sining ?Sa mundo na ating ginagalawan,

maraming pagpapaliwanag tungkol sa sining, kani-kaniya, sari-sarili at pagpapalitang kuro-kuro sa pagkaunawa at nadarama tungkol dito. Kadalasan ang mga nagpapaliwanag nito ay yaong nakadadama na at nakaranas na ng damdaming makasining.

Page 4: Sining ng pagsulat

SiningSining - pagpapahagay ng

damdamin sa pamamagitan ng isip, paggawa at higit sa lahat ng puso. Noong nilikha ang sanlibutan, ang sining ay kaakibat na dahil ginawa ito ng masining na pamamaraan. Sa taglay nitong kagandahan marami ang humanga, kalimitan rito ang mga may damdaming makasining at nagpapahalaga sa sining.

Page 5: Sining ng pagsulat

Tatlong Uri ng Sining1. Sining - craftSa gawaing pagdidibuho ang mga gawaing inuulit-ulit ng gumawaga dahil sa kagustuhan ng iba at nagiging palamuti lamang sa bahay ay masasabing Sining. Dahil ang mga ito ay kulang sa damdamin ng gumawa at ang maaring hangarin ay kumita ng pera.

Page 6: Sining ng pagsulat

2. Parang sining - abstractAng mga gawaing sining sa pagdidibuho na tulad ng abstrak ay binubuo lamang ng linya, hugis o di maunawaang bagay. Ito ay ang malalalim na istilo ng pagguhit na ang tanging makakaunawa ay mga kapwa makasining na nakapag aral tungkol sa sining. Subalit karamihan sa gumagawa nito ay hindi isinasaloob ang kahulugan at kulang sa imosyon at para lamang masabing siya ay malalim. Magiging tunay na sining ito kung buong-buo ang isipan at damadamin habang siya ay gumagawa at madarama ng titingin ang ibig niyang ipahiwatig.

Tatlong Uri ng Sining

Page 7: Sining ng pagsulat

3. Tunay na sining - damdaminAng gawa ng isang batang kahahawak pa lamang ng lapis ay tunay na sining sa dahilang buong-buo ang isip at damdamin nito habang nagdibuho. Tulad din ng isang taong naglalakbay na nanlulumong minamasdan ang kalbo at walang kapunopunong kabundukan, nasa pamamagitan man lamang ng isang sangang tuyo na napulot ay ibinuhos ang kanyang husay sa pagdedesinyo nito upang sa pamamagintan ito ay buhayin sa isipan ang kagubatan.

Tatlong Uri ng Sining

Page 8: Sining ng pagsulat

Ang Sining ay UgnayanIba-t-ibang klaseng pakikipag-ugnayan. Kahit hangin, ulap, ibon at ang mga bagay sa panaginip ay nagbibigay pahiwatig sa pamamagitan ng malalalim na kahulugan. Minsan ang mga espiritu ay nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng panaginip at pandama ng tao.

Lahat ng ito ay maaaring maunawaan sa pamamagitan ng pagmamasid at pag-aaral sa bawat mga galaw nito.

Impresyanismo - pagsukat sa personalidad ng isang maniningin. Ang style na ito ay ginagamit sa kaisipan ng tao dahil ito ay may tinatawag na Psychological Effect.

Expresyonismo - Ang pagpapahayag ng damdamin ng isang makasining sa pamamagitan ng masining na paggawa.

Page 9: Sining ng pagsulat

Ano at Sino ang Kalikasan?Ang mundo na ating ginagalawan ay may kalikasan. Kalikasan, binubuo ito ng mga bagay na hindi gumagalaw at gumagalaw, tulad ng kahoy, hayop, damo, tao at marami pang iba. Ang tao ang pinakamagandang kalikasan na nilalang ang Kataastaasan. Ang Panginoon ang pinagmulan naman ng kalikasan, ang kalikasan ay pinagmulan ng kagandahan at ang kagandahan ay sining. Ang kalikasan ay nagsisilbing inspirasyon ng isang alagad ng sining.

Page 10: Sining ng pagsulat

Malikhaing PagsulatSa malikhaing pagsulat, hindi sapat ang basta maintindihan lamang. Hindi sapat ang maunawaan lamang tayo ng ating kinakausap. Bagaman maunawaan ang pangunahing layunin ng komunikasyon.Maintindihan ang pangunahing inaasahan sa lahat ng anyo at uri ng komunikasyon. Sa malikhaing pagsulat, may kahingian o requirement na higit sa basta maunawaan lamang.

Dalawang bagay, bukod sa pangangailangang maunawaan, ang pinakapayak na requirement ng pagsusulat upang maituring na malikhain: Kailangan nitong maging mapagparanas at makintal. Sa Ingles, ibig sabihin ng mapagparanas at makintal ay evocative and impressive.

Page 11: Sining ng pagsulat

Yugto ng Pagsulat Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang

sulatin sa isang upuan lamang. Ang isang magandang sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng pag-unlad mula sa burador hanggang sa pinal na papel.

Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pasulat. May mga estudyante na nahihirapan sa gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan, nakakatamaran, o hindi nila nakakahiligan  ang pagsulat. Ang mga katuwirang ito ay maaaring palagay lamang. Ang totoo nito, magagawa natin ang pagsulat nang maayos kung susundin natin ang pagsulat na isang proseso at hindi isang gawain na dala lamang ng pangangailangan.

Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at Arrogante (2000), ang pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod na hakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng Burador; (C) Pagrebisa; (D) Pag-eedit; at (E) Paglalathala.

Page 12: Sining ng pagsulat

a. Bago Sumulat (Prewriting)

Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan o nang pangkatan.

Page 13: Sining ng pagsulat

Pagsulat ng Burador (Draft Writing)

Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali.

Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay malayang ipinahahayag ng estudyante.

Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na maaaring hingin ng mag-aaral kung nasa klasrum ang gawain.

Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyante ang natapos na sulatin upang maaayos at malinaw ang ginagawang paglalahad.

Page 14: Sining ng pagsulat

 Pagrebisa

Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.

Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang suriin ang teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madaling maunawaan ng babasa.

Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at pinapalitan ang dapat palitan.

Page 15: Sining ng pagsulat

Pag-eedit

Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.

Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di-magkaugnay na pangungusap ay muling isinusulat upang higit na maipakita ang kaugnay na mga ideya.

Page 16: Sining ng pagsulat

Paglalathala

Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa. Kabilang sa gawaing ito ang mga sumusunod:

Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus

Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba

Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat

Eksibit o pagdidispley sa buletin bord ng mga naisulat

Page 17: Sining ng pagsulat

Proseso ng PagsulatBago SumulatKinakailangan maglaan ng panahon sa gawain bago sumulat. Sa yugtong ito, ang isang manunulat ay makapagtatala ng mga datos na gagabay sa pagsulat ng burador.

Page 18: Sining ng pagsulat

Proseso ng Pagsulat

Unang BuradorAng ideya ay kailangan nang maisalin sa pasulat na dokumento na maaaring rebisahin nang paulit-ulit ayon sa pangangailangan.

Page 19: Sining ng pagsulat

Proseso ng Pagsulat

PagrebisaIto ang pagbasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning mapahubog at mapagbuti ang dokumento.

Page 20: Sining ng pagsulat

Proseso ng PagsulatPag-eeditAng pagwawasto ng mga posibleng gamit ng salita, pagbabantas, ispeling at gramar ay nakapaloob sa huling yugto na ito.

Pinal na Dokumento

Page 21: Sining ng pagsulat

Layunin ng PagsulatMetalingual – ang layunin ng

manunulat ay maiwasto ang pagkkamali ng wika o pagsulat at magkaroon ng pagkatuto sa tulong ng iba o sarili mismo.

Emotive- may layunin na maipahiwatig ng manunulat ang kanyang nadarama at saloobin sa pagsulat batay sa mnasaksihang pangyayari, nakitang larawan at narinig.

Page 22: Sining ng pagsulat

Referential – ang manunulat ay maglalahad ng mga proseso at hakbangin ng isang gawain.

Persuasive – ang manunulat ay nagpapahiwatig ng kanyang pagkampi o pagsang-ayon sa pangangailangan, pagpapaliwanag o argumento.

Poetic/Creative – layunin ng manunulat na malinang ang kakayahan sa malikhaing pagsulat tulad ng pagtutuloy ng simula ng isang kwento.

Layunin ng Pagsulat

Page 23: Sining ng pagsulat

Isaalang-alang ang Target na Mambabasa –          Kinakailangang alamin ang

inaasahan ng mambabasa sa isang teksto.

–          Tiyakin na makita ng mambabasa ang kahalagahan ng teksto.

–          Ang panlasa ng mga mambabasa ay mahalaga upang makita ang bisa nito.