16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 8 Pagpapalawak ng Pangungusap/ Organisado at Makahulugang Akda Zest for Progress Zeal of Partnership 10 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Republic of the Philippines Department of Education€¦ · Kabilang dito ang pag-aaral sa panaguri at paksa bilang bahagi ng pangungusap. Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan

  • Upload
    others

  • View
    30

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Republic of the Philippines

    Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 8

    Pagpapalawak ng Pangungusap/ Organisado at Makahulugang Akda

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    10

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Filipino – Ikaanim na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagpapalawak ng Pangungusap/

    Organisado at Makahulugang Akda Unang Edisyon, 2020

    Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

    Inilimbag sa Pilipinas ng

    Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

    Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

    Zamboanga del Norte, 7100

    Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818

    E-mail Address: [email protected]

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Dahlia B. Dumayon

    Editor/Tagasuri: Angelica Rodriguez / Sheryl Cuevas-Deocadez

    Tagalapat: Cris S. Olasiman / Leo Martinno O. Alejo

    Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent

    Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent

    Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

    Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD

    Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino

    Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS

    Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

  • 1

    Aralin 8

    Pagpapalawak ng Pangungusap/

    Organisado at Makahulugang Akda

    Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagpapalawak ng pangungusap.

    Kabilang dito ang pag-aaral sa panaguri at paksa bilang bahagi ng

    pangungusap. Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng

    pagdaragdag ng paningit o ingklitik, paglalagay ng panuring (pang-uri at pang-

    abay), at paggamit ng mga pamuno sa pangngalan.

    Alamin

    Kompetensing Lilinangin.

    ● Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap

    (F10WG-IIg-h-64)

    ● Nagagamit ang kahusayan sa gramatikal at diskorsal na pagsulat ng

    isang organisado at makahulugang akda (F10WG-IIi-j-70)

    Subukin

    A. Piliin ang titik ng tamang sagot na naglalarawan sa mga salita o

    pariralang may salungguhit bilang pampalawak ng pangungusap.

    1. Maraming kabataan ang nasasangkot sa droga dahil sila ay nagkukulang

    sa gabay ng kanilang mga magulang.

    a. komplemento/kaganapan(sanhi) c. atribusyon o modipikasyon

    b. pariralang lokatibo o panlunan d. komplemento/kaganapan (layon)

  • 2

    2. Sinikap ni Anna na makapagtapos ng pag-aaral upang maiahon niya sa

    hirap ang kaniyang pamilya.

    a. komplemento/kaganapan(tagatanggap)

    b. komplemento/kaganapan (layon)

    c. komplemento/Kaganapan (tagaganap)

    d. komplemento/Kaganapan (kagamitan)

    3. Si Amelie ay naging biktima lamang ng mapaniil na pamahalaan. a. komplemento/kaganapan (layon)

    b. pang-abay c. ingklitik d. komplemento/kaganapan (sanhi)

    4. Inayos ng mga tao ang nasalantang paaralan sa kanilang lugar nang

    dumating ang malakas na bagyo. a. pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari b. pang-abay

    c. komplemento/kaganapan (ganapan) d. pariralang Lokatibo o Panlunan

    5. Namitas ng bayabas sila Juan at Jojo para sa kanilang mga magulang.

    a. komplemento/kaganapan(layon)

    b. komplemento/kaganapan (tagatanggap) c. komplemento/Kaganapan (tagaganap) d. komplemento/Kaganapan (sanhi)

    B. Salungguhitan ang mga salitang ginamit sa pagpapalawak ng

    pangungusap. Gawing gabay ang ginamit na pampalawak sa loob ng

    panaklong. 6. Dumito ka muna habang nakalockdown pa sa Maynila. (paningit/ingklitik) 7. Ang mga mamamayan ay masigabong nagbunyi sa pagbagsak ng Berlin

    Wall. (pang-abay)

    8. Tuwing araw ng Linggo, ang buong pamilya ni Joseph ay pumupunta sa

    Dipolog City boulevard upang masulit ang araw na sila ay magkakasama.

    (komplemento/kaganapan – direksyunal)

    9. Tumakbo si Allen papasok sa paaralan dahil siya ay mahuhuli na sa

    kanyang klase. (komplemento/kaganapan – direksyunal)

    10. Nakaalis na pala. Hintayin na lang natin. (paningit/ingklitik)

  • 3

    C. Palawakin ang mga sumusunod na batayang pangungusap. Gamitin ang

    pampalawak na nasa loob ng panaklong.

    11. Masayang pinanonood ng madla ang mga kabataan. (atribusyon/modipikasyon)

    12. Napakagaling sumayaw. (pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari)

    13. Nagsilabasan ang aming mga kapitbahay upang tingnan ang kaguluhan sa

    labas. (komplemento/kaganapan – direksyunal)

    14. Bakit wala si Arnold? (paningit/ ingklitik)

    15. Natutulog ang bata. (komplemento/kaganapan - ganapan)

    quizizz.com/admin/quiz/5d8200edf7cf59001a53cb66/pagpapalawak-ng pangungusap

    Balikan

    Ibigay ang hinihiling ng bawat bilang at isulat sa sagutang papel ang

    sagot.

    1. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?

    ________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________

    2. Ano ang kaibahan ng paksa at panaguri?

    ________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________

  • 4

    Tuklasin

    Ang panaguri at paksa ay panlahat na bahagi ng pangungusap. Ang

    panaguri at paksa ay maaaring buuin pa ng maliliit na bahagi. Napalalawak ang

    pangungusap sa mga maliliit na bahaging ito. Nagagawa ito sa tulong ng

    pagpapalawak ng panaguri at paksa, at pagsasama o pag-uugnay ng dalawa o

    higit pang pangungusap.

    Sa pagsusuri ng pangungusap ay tinitingnan kung paano ito pinalalawak.

    Upang masuri ang pagpapalawak ng pangungusap kailangang malaman ang

    paraan kung paano ito ginagawa. Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng

    panaguri at paksa gayundin ang pagsasama-sama o pag-uugnay ng dalawa o

    higit pang pangungusap. Hindi dapat na pinalalawak lamang pangungusap,

    kailangang suriin ang kasanayan at kaisahan ng pagpapalawak nito.

    Pagpapalawak ng Pangungusap at Pagsusuri

    Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng

    pagpapalawak sa panaguri sa tulong ng ingklitik, komplemento, pang-abay, at

    iba pa. Napalalawak naman ang pangungusap sa tulong ng paksa sa tulong ng

    atribusyon o modipikasyon, pariralang lokatibo o panlunan, at pariralang

    naghahayag ng pagmamay-ari.

    Panaguri – Nagpapahayag ng tungkol sa paksa.

    1. Ingklitik – tawag sa mga katagang paningit na laging isinasama o idinaragdag

    sa paksa o panaguri ng pangungusap upang mailahad nang higit na malinaw

    ang kaisipan o mensaheng taglay nito. May labing-anim na kilalang paningit o

    pang-abay na ingklitik tulad ng mababasa sa ibaba:

    man kasi sana nang

    kaya yata tuloy din/rin

    ba pa muna pala

    na naman daw/raw lamang/lang

  • 5

    Halimbawa:

    Batayang Pangungusap: Si Dilma Rousseff ang pangulo ng Brazil.

    ● Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil.

    ● Si Dilma Rousseff ba ang pangulo ng Brazil?

    2. Komplemento/Kaganapan – tawag sa pariralang pangangalan na nasa

    panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa.

    Sangkap ito sa pagpapalawak ng pagpapalawak ng pangungusap.

    Halimbawa:

    ● Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan.

    (Tagaganap)

    ● Ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis, kape para sa

    matatanda, gatas para sa bata. (Tagatanggap)

    ● Ipagpapatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan.

    (Layon)

    ● Nagtalumpati ang pangulo sa plasa. (Ganapan)

    ● Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng

    pagmamanipula sa mga panukat. (Kagamitan)

    ● Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay

    bumaba mula 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon. (Sanhi)

    ● Nagtungo ang mga tao sa harap ng palasyo upang making sa talumpati

    ng pangulo. (Direksyunal)

    3. Pang-abay – nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

    Halimbawa:

    Batayang Pangungusap: Nagtalumpati ang pangulo.

    ● Mahusay na nagtatalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga

    ang lahat.

    Paksa – ang pinag-usapan sa pangungusap.

    1. Atribusyon o Modipikasyon – may paglalarawan sa paksa ng pangungusap.

    Halimbawa:

    ● Pakinggan mo ang nagpapaliwanag na opisyal na iyon.

    ● Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo.

  • 6

    2. Pariralang Lokatibo/ Panlunan – ang paksa ng pangungusap ay nagpapahayag ng

    lugar.

    Halimbawa:

    ● Inaayos ang plasa sa Brazil.

    ● Marami rin ang nasa Luneta upang making sa talumpati.

    3. Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari – gamit ng panghalip na

    nagpapahayag ng pagmamay-ari.

    Halimbawa:

    ● Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral.

    ● Pakikinggan ko ang talumpati ng kapatid ko.

    Pagsusuri sa Kasanayan at Kaisahan sa Pagsusuri ng Pangungusap

    Mahalaga ang pagsusuri sa kasanayan at kaisahan sa pagsusuri sa

    pangungusap.

    Sa kasanayan at kaisahan, nagiging gabay ang mga ito upang malaman

    kung paano gagamitin ang bahagi ng pananalita sa pagpapalawak ng

    pangungusap. Nasusuri na mula sa batayang pangungusap, nasasanay at

    nagkakaroon ng kaisahan kung paano lumalawak ang pangungusap sa tulong

    ng pagdaragdag ng salita at parirala na angkop sa ginawang pagpapalawak. Sa

    kaisahan, kailangan ng konsistensi ng gamit ng mga paraan ng pagpapalawak

    ng pangungusap.

    (Mula sa Ambat, Vilma C. et al. 2015. Filipino 10: Modyul para sa Mag-aaral:

    Panitikang Pandaigdig. Pasig City: Vibal Group, Inc.)

  • 7

    Suriin

    Natutuhan mo na ang paksa at panaguri ay nakapaglalahad sa

    mensaheng taglay ng isang pangungusap. Maaring mapalawak ng pangungusap

    sa pamamagitan ng pagpapalawak sa panaguri sa tulong ng ingklitik,

    komplemento, pang-abay, at iba pa. Napalalawak naman ang pangungusap sa

    tulong ng paksa sa tulong ng atribusyon o modipikasyon, pariralang lokatibo o

    panlunan, at pariralang naghahayag ng pagmamay-ari. Susuriin natin ngayon

    ang usapan ng tatlong mag-aaral. Pumili ng limang pangungusap. Suriin ang

    ginamit na paraan sa pagpapalawak ng pangungusap maaaring nasa panaguri

    o paksa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

    Isang araw, nag-uusap ang tatlong opisyales ng Student Government.

    Donna: Naisip mo ba kung saan napupunta ang basurang itinatapon

    mo?

    Jassa: Siyempre kinukuha ng mga basurero at ito ay dinadala sa

    tambakan ng

    basura.

    Donna: Eh, paano kung hindi naitapon nang maayos. Halimbawa, ang

    lata na

    itinapon sa kalsada ay maaaring makabara sa kanal.

    Kara: At ang balat ng kendi na itinapon sa dagat ay maaaring makain

    ng hayop.

    Donna: Tama! Halikayo at basahin natin ang tekstong ito na

    pinamagatang

    “Pangangalaga ng Basura.”

    Ang bawat Pilipino na naninirahan sa pook rural ay lumikha ng

    mahigit kumulang na 0.3 kg. na basura habang sa pook urban o siyudad

    ay mayroon kada araw ng 0.5 kg na basura. Nasa 60% ng mga basura na

    itinatapon ay biodegradable o nabubulok, 20% ay recyclable o maaaring

    mabalik-anyo, at 18% ang residual waste o mga hindi na magagamit pang

  • 8

    muli nab asura. Higit kumulang 80% naman ang mga basura na hindi

    naman dapat itinatapon at dinadala sa tambakan. Dahil sa dami ng basura

    sa tambakan dumadami rin ang nililikha na methane galling mga

    nabubulok na basura. Ito ay sanhi rin ng pagkapal ng greenhouse gases sa

    atmospera at nagdudulot ng pandaigdigang pag-init ng mundo.

    Jassa: Ah, ganun pala! Kaya sabi ng mama ko ibang-iba na ang mundo

    ngayon.

    Hindi mon a masabi kung kailan uulan o aaraw.

    Donna: Kaya bago mo itapon ang bagay na hawak mo, isipin mo muna

    kung ito ay

    kailangan mo, maaari mong i-reduce o bawasan ang paggamit.

    Kara: O dapat bang i-reuse o tingnan kung magagamit pa itong muli?

    Donna: O i-recycle o magbalik anyo sa pamamagitan ng paglikha ng

    bagong bagay

    mula sa lumang bagay?

    – Mula sa pangangasiwa ng basura

    (Resurreccion, 2011)

    ang sipi ay mula sa Panahon na

    inilathala ng WWF-Phil.

    Pangungusap Paraang Ginamit sa Pagpapalawak

    ng Pangungusap

    1.

    2.

    3.

    4.

    5.

    Marasigan, Emily V. at Del Rosario, Mary Grace, 2015. Pinagyamang Pluma10 (Aklat 1), Phoenix Publishing House, Inc

  • 9

    Pagyamanin

    Mula sa mga nakatalang paksa, bumuo ng mga pangungusap. Sikaping

    mapalawak ito sa tulong ng panaguri o paksa. Ipaliwanag ang paraang ginamit

    sa pagpapalawak ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

    1. COVID-19 sa Pilipinas

    2. Pagdami ng skilled workers

    3. Pag-unlad ng ekonomiya

    4. Child labor

    5. Pagkakaisa ng mga bansa

    Isaisip

    Mula sa mga napapanahong isyu ng lipunan ng alinmang bansa sa

    daigdig, pumili ng isang isyu at sumulat ng isang talatang binubuo ng lima o

    higit pang pangungusap. Sikaping palawakin ang mga pangungusap gamit ang

    mga ingklitik, mga komplemento, mga pang-abay para sa panaguri o

    atribusyon/modipikasyon, pariralang lokatibo o panlunan, o pariralang

    nagpapahayag ng pagmamay-ari gamit ang paksa sa pagpapalawak. Gawin ito

    sa sagutang papel.

    _________________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________________

    _________________________________________________________________________________

    __________________________________________________________________

  • 10

    Isagawa

    Mahusay! Ngayon ay itataya mo ang iyong mga natutunan sa araling ito. Alam kong kayang-kaya mo itong gawin.

    Ikaw ang napili ng iyong guro na lumahok sa Patimpalak sa Pagbigkas ng Talumpati na itinataguyod ng Bangko Sentral ng Pilipinas

    (BSP) na may temang “Tugon ng mga Kabataan sa mga Isyu ng Lipunan.” Kaya’t ikaw ay susulat ng isang talumpati bilang paghahanda sa nasabing patimpalak.

    Nararapat na ang talumpating iyong isusulat ay taglay ang

    sumusunod na mga bahagi: Panimula 20 puntos

    * pagpapaliwanag sa layunin

    Katawan 40 puntos

    * kalinawan ng argumento

    * tibay/lakas ng argumento

    Pangwakas 20 puntos

    * pagbibigay ng lagom o konklusyon

    Kaisahan at Kasanayan sa pagpapalawak 20 puntos

    ng pangungusap

    Kabuuan 100

    puntos

    Natutuwa ako sa ipinapakita mong kahusayan. Nalampasan mo ang lahat ng mga ibinigay na gawain.

  • 11

    Tayahin

    A. Piliin ang titik ng tamang sagot na naglalarawan sa mga salita o pariralang may salungguhit bilang pampalawak ng pangungusap.

    1. Pinaalis ni Alice ang nag-iingay na mga mag-aaral sa tapat ng kanilang

    bahay.

    a. atribusyon o modipikasyon

    b. pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari c. ingklitik

    d. pang-abay 2. Nagtampisaw ang mga bata sa ulan sa gilid ng bakanteng lote sa kanilang

    lugar.

    a. Komplemento/Kaganapan (Ganapan) b. Pariralang Lokatibo o Panlunan c. Komplemento/Kaganapan (Direksyunal)

    d. Pang-abay

    3. Dahil sa kaba, hindi ko maayos na nabigkas ang aking talumpati sa

    harap ng klase.

    a. Atribusyon o Modipikasyon b. Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari c. Pariralang Lokatibo o Panlunan

    d. Kaganapan o Komplemento (Sanhi)

    4. Nagkuwentuhan ang magkakaibigan tungkol sa kanilang mga alagang

    hayop kagabi habang sila pauwi sa kanilang mga bahay.

    a. atribusyon o modipikasyon

    b. panaguri c. ingklitik d. pang-abay

    5. Ang buong klase ay pinayuhang pumunta sa loob ng bulwagan upang

    dumalo sa pagpupulong.

    a. komplemento/kaganapan (ganapan)

    b. komplemento/kaganapan (layon) c. Atribusyon o Modipikasyon

    d. pang-abay

  • 12

    B. Salungguhitan ang mga salitang ginamit sa pagpapalawak ng

    Pangungusap. Gawing gabay ang ginamit na pampalawak sa loob ng panaklong.

    6. Nakakahiya naman sa iyo. (ingklitik/paningit)

    7. Ipinagluluto ni Mary Jane ang kanyang mga kamag-anak.

    (komplemento/kaganapan - tagaganap)

    8. Malawak ang parke sa Dapitan. (pariralang lokatibo/panlunan)

    9. Si Aleng Nena ay talagang natuwa sa mga murang kagamitan sa kanilang

    palengke kaya marami siyang nabili gamit ang perang kaniyang inipon sa

    loob ng isang buwan. (Komplemento/Kaganapan – kagamitan)

    10. Si Hazel ay mahusay na nagtalumpati sa buong paaralan sa araw ng

    kanilang pagtatapos. (pang-abay)

    C. Palawakin ang mga sumusunod na batayang pangungusap. Gamitin ang

    pampalawak na nasa loob ng panaklong.

    11. Si Juan Luna ay isang pintor. (pang-abay)

    12. Baka dinaanan pa ang girlfriend niya. (paningit/ ingklitik)

    13. Pinalo ni Mang Kulas ang kaniyang makukulit na anak.

    (Komplemento/Kaganapan – kagamitan)

    14. Ang populasyon sa Italia ay mas lumiliit kaysa nakaraang taon.

    (Komplemento/Kaganapan – sanhi)

    15. Napakaganda ang naging interpretasyon. (pariralang nagpapahayag ng

    pagmamay-ari)

    Magaling! Upang mas mahasa pa ang iyong kaalaman tungkol sa pagpapalawak ng pangungusap, gawin mo ang susunod na Gawain.

  • 13

    Karagdagang Gawain

    Gamit ang iyong kahusayan sa gramatikal at diskorsal na pagsulat ng isang

    akda, pumili ng isa sa isyung panlipunan na nasa ibaba at ipaliwanag sa

    sariling opinyon.

    ⮚ Gender Equality

    ⮚ Maagang pagbubuntis ng mga mag-aaral sa sekundarya (Teenage

    Pregnancy)

    ⮚ Death Penalty

    ⮚ Pagpapalibing kay Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani

    Susi sa Pagwawasto

  • 14

    Sanggunian

    Ambat, Vilma C. et al. 2015. Filipino 10: Modyul para sa Mag-aaral:

    Panitikang Pandaigdig. Pasig City: Vibal Group, Inc.

    slideshare.net/cli4d/pagpapalawak-ng-pangungusap-67838040

    quizizz.com/admin/quiz/5d8200edf7cf59001a53cb66/pagpapalawak-ng

    pangungusap

    Marasigan, Emily V. at Del Rosario, Mary Grace, 2015. Pinagyamang Pluma10

    (Aklat 1), Phoenix Publishing House, Inc