12
MGA NILALAMAN Balita 2 Editoryal / Opinyon 3 Opinyon 4 Opinyon 5 Opinyon 6 Opinyon 7 Tikim sa Katha 8 Pagpapatuloy 9 Pagpapatuloy 10 Pasasalamat at Pamamaalam 11 Pagpapatuloy 12 Studies major in Language, Media and Culture, na nasa ilalim ng Departamento ng Filipino, at para sa buong unibersidad na rin sa pang- kabuuhan. Layon nito na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga napapanahong isyu na kaugnay ng wika, midya at kultura. Ang Kinaadman ay sali- tang mula sa wikang Hili- gaynon na tumutukoy sa talinong nakakamit at nalil- inang. Para talakayin ang napa- panahong isyu ng midya at kalayaan sa pamama- hayag sa panahon ng krisis, nagbigay ng nata- tanging panayam ang iginagalang na mamama- hayag at puno ng ABS- CBN News and Current Affairs na si Maria Ressa sa Ikalawang Kinaadman Lektyur ng Departa- mento ng Filipino noong Peb. 22, 2008, na gi- nanap sa Bulwagang Andrew Gonzales, Silid 703 ng Gusaling Andrew Gozales. Kilalang eksperto sa pamamahayag hinggil sa terorismo at dating bureau chief ng Cable News Net- work sa Jakarta, inaasa- hang matatalakay ni Ressa ang mga usaping kaugnay ng panunupil sa midya kamakailan, at ang magiging papel nito sa mga umiinit-na-muling isyu na kinakaharap ng bansa. Ang Kinaadman Lektyur ay programang pangris- erts para sa mga mag- aaral ng AB Philippine Honolulu- Dumalo si Dr. Teresita Fortunato, Asso- ciate Professor ng Depar- tamento ng Filipino sa dalawang araw na Lan- guage Proficiency Work- shop na may temang “Proficiency Oriented Instruction:Focus on Speaking and Writing” noong March 15-16 sa Webster Hall, University of Hawaii-Manoa. Ang 14 na oras na training ng The School of Pacific and Asian Studies ay pina- munuan ni Dr. Robert Vic- ars, ACTFL (American Council on the Teaching of Foreign Languages) Certified Proficiency Trai- nor at pinamahalaan ni Dr. Teresita V. Ramos, Philippine Project Director ng Advanced Filipino Abroad Program. Dinalu- han ng 30 partisipants mula sa iba’t ibang paman- tasan at institusyong pang- wika sa Amerika ang nasa- bing worksyap. (E. En- cabo) MARIA RESSA, NAMAHAYAG NI LOUIE JOHN SANCHEZ Silip Pinoy Ang katawagang “ Bagobo,” ay nagmula sa salitang-ugat na “bago,” na ang kahulugan ay “kamakailan”, habang ang hulaping “obo” ay nan- gangahulugang “pagtubo” o “pagsibol” sa kanilang di- yalekto. Sila ang mamama- yang nagdala ng Hinduismo sa Mindanao sa panahon ng pananakop ng Sri Vijaya at Majapahit. Ang panganga- sawa nila sa mga katutubo ng Mindanao ang naging bagong lahi. (CCP Encyclopedia for Culture and Arts, Vol. 1) Ambag-salita Balakyot – (pang-uri) masama, imbi, lilo, sukab. Balakyot ang pumanaw na pin- uno ng hukbo. (Vicassan’s Pilipino-English, Dictionary) Fortunato sa University of Hawaii-Manoa OPISYAL NA NEWSLETTER NG DEPARTAMENTO NG FILIPINO NG KOLEHIYO NG MALALAYANG SINING, PAMANTASANG DE LA SALLE—MAYNILA A L I N A Y A Ika-1 ng Mayo, 2008 Tomo 1, Blg.2 Si Dr. Fortunato (ginta, nakaupo) habang abala sa talakayan sa workshop. Departamento ng Filipino, 2008

OPISYAL NA NEWSLETTER NG DEPARTAMENTO NG FILIPINO NG ... · kabuuhan. Layon nito na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga napapanahong isyu na kaugnay ng wika, midya at kultura

  • Upload
    others

  • View
    17

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

M G A N I L A L A M A N

Balita 2

Editoryal / Opinyon 3

Opinyon 4

Opinyon 5

Opinyon 6

Opinyon 7

Tikim sa Katha 8

Pagpapatuloy 9

Pagpapatuloy 10

Pasasalamat at Pamamaalam 11

Pagpapatuloy 12

Studies major in Language, Media and Culture, na nasa ilalim ng Departamento ng Filipino, at para sa buong unibersidad na rin sa pang-kabuuhan. Layon nito na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga napapanahong isyu na kaugnay ng wika, midya at kultura. Ang Kinaadman ay sali-tang mula sa wikang Hili-gaynon na tumutukoy sa talinong nakakamit at nalil-inang.

Para talakayin ang napa-panahong isyu ng midya at kalayaan sa pamama-hayag sa panahon ng krisis, nagbigay ng nata-tanging panayam ang iginagalang na mamama-hayag at puno ng ABS-CBN News and Current Affairs na si Maria Ressa sa Ikalawang Kinaadman Lektyur ng Departa-mento ng Filipino noong Peb. 22, 2008, na gi-nanap sa Bulwagang Andrew Gonzales, Silid 703 ng Gusaling Andrew Gozales.

Kilalang eksperto sa pamamahayag hinggil sa terorismo at dating bureau chief ng Cable News Net-work sa Jakarta, inaasa-hang matatalakay ni Ressa ang mga usaping kaugnay ng panunupil sa midya kamakailan, at ang magiging papel nito sa mga umiinit-na-muling isyu na kinakaharap ng bansa. Ang Kinaadman Lektyur ay programang pangris-erts para sa mga mag-aaral ng AB Philippine

Honolulu- Dumalo si Dr. Teresita Fortunato, Asso-ciate Professor ng Depar-tamento ng Filipino sa dalawang araw na Lan-guage Proficiency Work-shop na may temang “Proficiency Oriented Instruction:Focus on Speaking and Writing” noong March 15-16 sa Webster Hall, University of Hawaii-Manoa. Ang 14 na oras na training ng The School of Pacific and Asian Studies ay pina-

munuan ni Dr. Robert Vic-ars, ACTFL (American Council on the Teaching of Foreign Languages) Certified Proficiency Trai-nor at pinamahalaan ni Dr. Teresita V. Ramos, Philippine Project Director ng Advanced Filipino Abroad Program. Dinalu-han ng 30 partisipants mula sa iba’t ibang paman-tasan at institusyong pang-wika sa Amerika ang nasa-bing worksyap. (E. En-cabo)

MARIA RESSA, NAMAHAYAG

N I L O U I E J O H N S A N C H E Z

Silip Pinoy Ang katawagang “Bagobo,” ay nagmula sa salitang-ugat na “bago,” na ang kahulugan ay “kamakailan”, habang ang hulaping “obo” ay nan-gangahulugang “pagtubo” o “pagsibol” sa kanilang di-yalekto. Sila ang mamama-yang nagdala ng Hinduismo sa Mindanao sa panahon ng pananakop ng Sri Vijaya at Majapahit. Ang panganga-sawa nila sa mga katutubo ng Mindanao ang naging bagong lahi. (CCP Encyclopedia for Culture and Arts, Vol. 1)

Ambag-salita

Balakyot – (pang-uri) masama, imbi, lilo, sukab. Balakyot ang pumanaw na pin-uno ng hukbo. (Vicassan’s Pilipino-English, Dictionary)

Fortunato sa University of Hawaii-Manoa

O P I S Y A L N A N E W S L E T T E R N G D E P A R T A M E N T O N G F I L I P I N O N G K O L E H I Y O N G M A L A L A Y A N G S I N I N G , P A M A N T A S A N G D E L A S A L L E — M A Y N I L A

A L I N A Y A Ika-1 ng Mayo, 2008 Tomo 1, Blg.2

Si Dr. Fortunato (ginta, nakaupo) habang abala sa talakayan sa workshop.

Departamento ng Filipino, 2008

Dumalo sina Dr. Teresita Fortunato, dating Pangalawang Dekano ng Kolehiyo ng Malalayang Sining, Dr. Rizalyn J. Mendoza, Koordineytor para sa Ugnayang Panlabas mg De-partamento ng Filipino, at si Prop. Evangeline Encabo, Undergraduate Research Coordinator, sa kauna-unahang Internasyunal na Kumper-ensiya sa Wikang Filipino na gi-nanap sa Universidad ng Hawai’i sa Manoa noong Marso 17-19, 2008. Naging tema ng kumperensya ang “Filipino as Global Language: Fu-ture Dimensions and Prospects,” na dinaluhan ng mga delegado mula sa iba’t ibang bansa. Nakatuon ang papel ni Dr. Fortu-nato sa “Program Development, Administration and Coordination:

AFAP Experience” na tumalakay sa paglinang sa programa, administrasyon at koordinasyon sa programang Advanced Filipino Abroad Program (AFAP). Ang AFAP ay isang seven-week highly intensive course para sa mga Amerikano/Filipino-American na estudyante at guro na ginaganap sa Pilipinas. Tinalakay naman ni Si Prop. Encabo “Teaching Language and Culture beyond the Classroom Advance Fili-pino Abroad Program (AFAP) Method” Ito ay isang programa para mga banyagang gustong mag-aral ng wika at kulturang Filipino sa Universidad ng De La Salle (DLSU). Pinresenta naman ni Dr. Rizalyn J. Mendoza ang poster tungkol sa “Innovating Filipino Languages/ Studies through Open and Distance Education.” Itinanghal niya ang kauna-unahang programang online course sa Araling Filipino. Naka-paloob dito ang mga programa/inobasyong kurikular, ang ICT/IVLE training para sa mga guro, ang benepisyo ng isang open/distance education sa pagtuturo at pagkatuto sa wika at ang mga proseso pang-istrakyural sa pagtuturo at pag-katuto mula sa harapang o tradisyunal na pagkatuto hanggang sa ito ay maging ganap na online/distance na pagkatuto. The ikalawang Internasyunal na Kumper-ensya sa/na Filipino bilang Global Lan-guage ay gaganapin sa San Diego, Cali-fornia, U.S.A sa taong 2010. (Mendoza)

M G A F A K U L T I N G F I L I P I N O D E P A R T M E N T S A U N I V E R S I D A D N G H A W A I ’ I S A M A N O A

Pahina 2 A L I N A Y A

Dr. Rizalyn J. Mendoza at ang poster ng kanyang sulating “Innovating Filipino Languages/ Studies through Open and Distance Education.”

Ang mga delegado sa kauna-unahang Internasyunal na Kumperensiya sa Filipino na ginanap sa Unibersidad ng Hawai’i sa Manoa. Kasama sa larawang ang mga delegado ng Pamantasang De La Salle na sina Dr. Rizalyn Mendoza, Prof. Evange-line Encabo at Dr. Teresita Fortunato. Dinaluhan din ng dalawang Pambansang Alagad ng Sining ang kumperensiya, sila’y sina Dr. Bienvenido Lumbera at Dr. Vir-gilio Almario.

Makabuluhan pa ba ang kanin sa kulturang Pinoy? Itong mga nakaraang linggo, binabagabag ang bansa, ng pagtaas ng halaga ng bigas dahil sa kawalan ng supply nito sa mga pamilihan. Nakakatawa at kakatwa ito. Lalo na kung iisipin nating ang kanin ay ang ating pangunahing pagkain sa hapag at kilala tayo bilang mamamayang komukonsumo ng bigas bilang bahagi ng ating kultura ng nakasanayang pag-kain. Ito ang kinamulatan na nating kainin mapaagahan, tanghalian at hapunan. Noon nakilala ang galunggong bilang pangunahing ulam na mabibili ng karaniwang Filipino. Bagaman naging mura at popular sa masa, unti-unti ring umakyat ang halaga ng isdang ito. At dumating pa nga sa punto na kahit ang mahihirap ay ‘di na rin makabili nito.

Samantalang sa panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ibinabandera niya ang instant noodles, asukal at bigas sa kanyang tindahan. Ang nakakatawa, mukhang noodles na ang kaparehang ulam sa kanin. Lalo pa na ang ulam ang mas may kamahalan kung kaya’t nagkakasya na lamang ang maralita sa mumurahing noodles.

Sundan sa pahina 10

E D I T O R YA L / B O S E S P I N O Y

at kalokohang ginawa noon na sinisingil ang kabayaran ngayon.

Ngayon, masaya ang nakara-raming dati pang umaasang makakamtan ang kanilang hinihiling.

Masaya pala ang maging pasa-way kung minsan. Lalo na kung ang pagiging pasaway ay na-kakapag patunay ng pagiging matatag ang paninindigan. Hindi lahat ng pasaway ay da-pat na kastiguhin dahil baka naman may katotohanan, kat-wiran at katuwiran ding dapat silang ipaglaban at ipaalam.

Baka nga ang mga taong nasa paligid ng mga pasaway ang siyang mas pasaway pa.

Nawa’y matuto tayo sa kasay-sayan. Paulit-ulit namang nangyayaring na ang mapag-mataas, buktot, mapaghiganti at sukab ay laging nabibigo sa

huli. At sana, matuto rin tayong makinig sa mga tao sa ating paligid.

Usung-uso na sa isang dapat sana’y nagkakaisang pangkat ang pagkakampihan. Sana nga lamang, may manguna upang maging dahilan ng muling pag-kakabuklod nito.

Walang mataimtim na dasal ang hindi naririnig ng matalino at makatarungang Maykapal. Hindi Siya nakalilimot na pag-palain ang mga patuloy na nananampalataya sa kanya. Hindi Niya ako binigo kailan-man.

Binabati ko si Dr. Rhod Nuncio sa pagiging mainam na taga-pangulo ng Departamento ng Filipino. Maraming salamat!

T A L A A R A W A N N G I S A N G P A S A W A Y S A P A N A H O N N G P A G P A P A L A A T P A G D I R I W A N G

S a aking talaarawan:

Ang daming dahilan para mag-diwang noong mga nakalipas na araw.

Halos mahati na sa gitna ang kama nang aking malaman ang mabuting balita kamakailan. Doon ko napatunayang bilog ang mundo at sadyang walang magagawa ang sino man kung ang Diyos na ang may kagustu-han.

Ilang panahon ko rin itong tiniis. At piho kong marami ang katulad kong nagdurusa at nasusuklam na sa pagpu-pumilit ng taong kahit kailan ay walang ginawa kundi ang pasa-kitin ang ulo ng madaming tao. Mahilig siya sa politikang baluktot at sa sistemang bulok.

Ang sapantaha ko at mas mala-mang ay totoo, bunsod ito ng napakaraming nakaririnding isyu, ang walang katapusang pagkiling sa kanyang kampon

Pahina 3 T O M O 1 , B L G . 2

IMAHENYO ni Nonon Villaluz Carandang

H indi na kaila sa atin na maraming nagsusulpu-

tang pangkat pampanitikan. Kadalasan nakabase ang mga ito sa akademya, mayroon namang pribado’t nasa labas. Ngunit, sa paggulang ng ating mga institusyong panlipunan, unti-unting itini-tirik ng iilan ang samahang nakakalas sa pulso at ligalig ng panahon. Sa kasaysayan ng mga kilusang panlipunan, nagtitipon-tipon ang mga tao dahil nasa panganib ang bayan. Ang mga kilusang ito na babad sa kontra ng ideolo-hiya ng estado ay legal o naka-underground sa mata ng publiko’t awtoridad. Kaya nga’t masasabi kong hindi isang panlipunang kilusan ang mga pangkating pam-panitikan sa bansa ngayon. Nananatiling nakakubli ang mga pangkating ito sa ideyal-isasyon ng sining para sa sining at hindi para sa bayan/sambayanan. Bagaman, maraming tataas ang kilay sa pahayag na ito, hayaan nin-yong ilatag ko ang mga dahi-lan. Ang mga ganitong pang-kat-kanila (pangkat na sila-sila) ay tatawagin kong mga literari kulto. Unang-una, ang mga kultong ito ay nakasentro sa repro-duksyon ng kanilang mga sarili at ng kanilang sining. Siyempre pa nasa pusod ng mga pangkat nito ang deter-minasyon at afirmasyon ng kanilang pag-iral. Kung kaya’t tanging mga sikat, premyado, nasa Maynila, titulado at kung maaari may-kaya lamang ang mapapabi-lang sa loob. Nakakabit sa

pangalan at reputasyon ng kasapi ang pag-iral ng gani-tong mga kulto. Ikalawa, walang matibay na kaisipang lulundag at aalpas palabas ng pangkat at sasanib sa kalaunan sa lipunan at mga inst i tusyon nito. Nanatiling eksklusibo ang mga umiiral na pilosopiya, pananaw at aral ng mga kulto. Kadalasan nakakabit ang aral ng kulto sa ama’t ina ng pangkat o sa tagapagtatag ng kulto. Sa ganitong ele-mento, hindi ang aral ang sinasamba ng mga kasapi kundi ang tagapagtatag mismo. Kaya’t halos ganito at lagi’t laging mababaw kundi man hiram sa Kanluran ang prinsipyo’t pananaw ng mga literari kulto. Na-pakapersonal ng kaisipan at napakapyudal ng pagyakap sa lidersyip at pagsasaling-henerasyon. Ikatlo, hawak ng mga kul-tong ito ang mga institusyong kultural sa bansa at nadidik-tahan ang akademya sa layaw at kapritso nito. Usapin ng kapangyarihan ang pag-iral at patuloy na pamamayagpag ng mga kultong ito sa ating lipunan. Dahil halatadong kulto sila, napipilitan ang mga itong sumanib sa politika ng mainstream. Ang kulto sa larang ng pananam-palataya sa ating lipunan ay nasa tabi, sa gilid-gilid. Subalit ang mga literari kulto ay nakapuwesto sa kapan-gyarihan. Opisyal sila ng mga ahensyang kultural at ng pamahalaan mismo. Dala-dala nila ang persona ng

kulto at mga personalidad nito. Kontrolado nila ang mak-inarya at sirkulasyon ng re-sorses, tauhan, kapital at pribilehiyo ng mga ahensyang ito. Nalulusaw ang delicadeza dahil sila mismo ang nakikina-bang sa biyaya ng mga grant, proyekto’t pondo ng pamaha-laan. Sa akademya nanlalagi ang mga kultong ito. Ang life cycle ng samahan at recruit-ment base ay nasa mga kolehi-yo’t unibersidad. Kadalasan kontrolado rin nila ang mga proyekto’t gawaing pansining dito. May kompetisyon din ng mga kulto, subalit nakasentro sa personal at di sa estetika, nakasentro sa dami ng maiim-pluwensiyang kasapi nito at di sa dami na akdang naprodyus, at nabubuhay sa pagkokomer-syo ng sining at di sa demok-ratisasyon nito. Kung may birtud man ang kulto at mga kasapi nito, iyon dapat ang sining nito. Ano ba ang nililikhang sining? Eksklusibo ba ito sa kasapi lamang? Bakas pa sa isipan ko ang literary barkada na ibinan-sag ni Gemino Abad at ipinali-wanag ni Cristina Pantajo-Hidalgo. Hindi na lamang simpleng barkadahan ito, papunta na tayo sa ibang di-reksyon. Hangga’t naririto sa atin ang kulto ng paghahari, nagiging anino lamang ang sining ng mga animo’y higanteng diyos-diyosan sa panitikang Filipino. Paano lalansagin ang mga ku l to? Huwag t ayong sumamba sa kanila.

Literari Kulto

Pahina 4 A L I N A Y A

"Mabunga at Makabuluhang Filipino: Inter/Multidisiplinaring Pagtuturo ng/sa Filipino."

Tema ng Pambansang Seminar; Pamantasang De La Salle—Maynila; May 5-7, 2008.

Kritika sa Tabi-tabi ni Dr. Rhoderick Nuncio

Ang Tinig at Espasyo ng mga Variant

Pahina 5 T O M O 1 , B L G . 2

personalpulitikal ni Dr. Fanny Garcia

I yon ay isang gabi ng kaarawan ng isang ba-

baeng kaibigan—puro kami babae, kawimenan, sa tawag nga namin. Mga dati nang magkakakilala't magkakaibi-gan: mga manunulat sa Ingles at/o Filipino, mga journalist at mga malikhaing manunu-lat. Manunulat at publisher ang isa. Doktora, manunulat, editor ang isa pa—siya ang pangalawang babaeng naging editor ng Philippine Colle-gian (UP), sa tanda ko; nauna sa kanya ang isang magiging abogada na magiging s e n a d o r a n g p o p u l a r /kontrobersiyal. Natapos na ang kainan, syey-ring at talakayan na. Ibina-hagi ng naging pangalawang editor ng Philippine Colle-gian—at gayong doktora ay kung bakit mas hilig pa ang pagsusulat at pagiging editor ng mga journal—ang mga nasagap niya sa dinaluhang pandaigdigang komperensiya sa editing. Ayon sa kanya, kumpara sa kinagisnan na naming pagiging diyos ng editor ay ang pagbalanse na sa kapangyarihang ito vis-avis sa tinig, espasyo, at estilo ng mismong manunulat na iniedit. Kailangang ang tex tong nalathala ay masa-sabi pa rin ng sumulat na sa kanya, hindi sa nag-edit

—batay sa nilalaman, sa leng-guwahe, tinig, estilo. Hindi na puwede, aniya, ang dating pagkadiyos ng editor kung saan basta napasakamay niya ang manuskrito ay pu-wede niyang gawin ang nanaisin niya, lalo pa nga ba ang pinaka-extreme na gina-gawa/nagagawa ng editor tulad ng pagpapalit sa titulo, pagba-bago sa wakas, paglilipat kung saan-saan ng ganitong talata o mga talata, atbp.

Pare-pareho kaming pamilyar sa gawaing editing, dahil noong mga bagong manunulat pa lamang kami ay siyempre pang dumaan din ang aming mga manuskrito sa mga editor ng aming panahon, at kalau-nan, magiging gawain din naming pare-pareho ang pagiging editor sa magasin, diyaryo, journal, libro. Sa karanasan ko noong nag-sisimula pa lamang akong magsulat at maglathala, naging ugali ko nang tingnan ang mga marka’t iba pang sinulat ng editor, hinahanap ang mga dahilan kung bakit sa tingin ng editor ay mali ang gayo’t ganito, kung bakit sa tingin niya ay mas angkop ang mga ganitong salita kaysa mga ginamit ko, atbp. Aaminin kong marami akong natutuhan sa ganitong paraan. Pero may alam akong kaso ng isang la-laking fictionist, siya na may malaking pangalan sa maikling kuwento at nobela. Aniya, sa lahat ng mga sinulat niya,

hindi niya magawang ang-kinin ang kauna-unahang maikling kuwento niya na nalathala sa magasing Liway-way. Tandang-tanda pa niya ang laking tuwa’t ligaya nang sabihin ng editor na ilalathala ang kanyang isinabmit, tu-wang-tuwa’t buong ligayang hinintay ang paglabas ng ma-gasin, at nang sa wakas ay hawak na niya ang isyu, oo nga’t naroon ang kanyang pangalan bilang may-akda, nang basahin naman niya ang ‘kanyang’ maikling kuwento ay naghalo-halo ang kanyang mga emosyon: pagkabigo, lungkot, galit, ngitngit, malaking pagkapahiya sa sarili gayundin sa mga mam-babasa. Hindi sa kanya ang titulo, nag-iba ang daloy ng kuwento, higit sa lahat, ibang-iba ang wakas, ma-layong-malayo at kontra pa nga sa kan yang talagang wakas! Ang awtor ay hindi na siya kundi ang mismong edi-tor! Sa kan ya nakapangalan ang maikling kuwento, at kung hindi lamang niya na-banggit sa mga iba ang tung-kol dito, sino ang makapagsa-sabing may anak-anakan la-mang pala siya sa koleksiyon ng kanyang mga maikling kuwento??

Sundan sa pahina 9

Pahina 6 A L I N A Y A

T apos na ang laban ni Manny Pacquiao.

Naipagbunyi na ng kanyang mga tagahanga sa loob at labas ng Pilipinas ang tagumpay niya laban sa kapwa boksingerong si Juan Manuel Marquez. Para sa mga humahanga at bilib na bilib kay kay Pacquiao, ang muli niyang pananagumpay sa larangan ng boksing ay isa na n a m a n g m a l a k i n g karangalan para sa bansa. Sa palagay ko, kung may taong higit na nagdiriwang sa panalo ni Pacquiao, ito ay walang iba kundi si Gloria Arroyo. Ang panalo ni Pacquiao ay panalo rin ni Arroyo dahil nalilimutan ng marami ang mga isyu ng katiwaliang bumabalot sa kanyang gobyerno tuwing may laban si Pacquiao. Natatabunan at naiisantabi ang mas mahahalagang usaping panlipunan. Talo ang Pilipinas sa bagay na ito. Ngayong nakabalik na sa bansa si Pacquiao, panahon na rin para balikan ang mga problema ng bayan. Kalimutan na muna ang boksing, mas mahalagang pag-usapan ang korapsyon at pangungurakot na patuloy na nagpapahirap sa bayan.

Bakit kaya ang lalakas ng loob ng mga mayor at gobernador ng ilang

lawigan na tahasang sabihin at ipangalandakan sa mga pahayagan na sila a t a n g l a h a t n g mamamayan na kanilang n a s a s a k u p a n a y s u m u s u p o r t a s a pamahalaan ni Gloria Arroyo? Sa mga nakaraang isyu ng Bulletin Today, nakalathala sa ilang pahina nito ang pahayag ng pagsuporta kay Gloria Arroyo ng ilang siyudad at lalawigan ng Pilipinas. Halimbawa, noong Marso 9, 2008, nakalathala sa isang buong pahina ng Bul-letin Today ang ganito “We, the undersigned mu-nicipal and barrangay offi-cials and the People of the Municipality of Valencia, Bohol express our unquali-fied and stanched support to her Excellency, Presi-dent Macapagal Aroyo..” Noong Marso 14, 2008 ay nakalathala naman sa tig-isang buong pahina ang “City of Silay Open Letter of Support to Her Excel-lency, President Gloria Macapagal-Arroyo,” at ang “Sama-samang Pahayag ng mga Pinunong Bayan at Mamamayan ng Lalawigan ng Laguna” kay Arroyo. Ano ang patunay ng mga pinunong-bayang ito na ang lahat nga ng mamama-yan ng kanilang siyudad o lalawigan ay sumusuporta kay Arroyo? Halimabawa, sa Laguna, nakausap ba nila at natanong ang lahat ng mamamayan dito? May isinagawa ba silang survey

para patotohanan ito? Ako mismo ang magpapatunay na ang pahayag na ito ay i s a n g m a l a k i n g kasinungalingan at isang t a h a s a n g p a n l o l o k o sapagkat ang mga kamag-anak kong nakatira sa San Pedro at Calamba, at mga kaibigan kong taga-Biñan at Sta. Rosa, Laguna ay hindi sumusuporta kay Arroyo. Nagtanong din ako sa aking mga estudyanteng t a g a - L a g u n a k u n g sumusuporta ba sila kay Arroyo. Marami sa kanila ang sumagot ng HINDI. Sana, kung gusto ng mga pinunong ito na sumispsip at magpalapad ng papel kay Arroyo, sila na lang. H u w a g n a s i l a n g mandamay pa ng iba.

Naging usap-usapan ang maling pagsasalita sa Ingles ni Janina San Miguel sa Question and Answer ng Binibining Pilipinas. Marami ang nagtawa at kumutya sa kanya na para bang isang napakalaking kasalanan bilang isang Pilipina na kakatawanin mo sa isang beauty pageant ang Pilipinas at pagkatapos ay hindi ka bihasa sa Ingles. Sa isang artikel sa People’s Journal noong Marso 13, s ina bi n i Char le ne Gonzales, isa sa hosts ng Binibining Pilipinas, ang ganito: “I think ninerbiyos lang siya. Kasi, I talked to her later at okay naman ang

Sina Manny, Gloria at Janina…

bongga88 ni Dr. Lhai Taylan

K a t o t o h a n a n

Pahina 7 T O M O 1 , B L G . 2

L ahat tayo ay nagha-hanap ng katotohanan.

Lahat tayo, gustong makamit ang katotohanan. Sino ba ang hindi? Sabi, may dalawang mukha ang katotohanan. Depende kung saan ka panig, sino at ano ang pinaniniwalaan mo. Kaya nga mailap ang katoto-hanan para sa marami sa atin. Ilang buwan na nang ibulgar ng Probinsyanong Intsik ang anomalya sa ZTE NBN deal, wala pang lumalabas na ka-totohanan. Sa Senado, kung minamatyagan mong mabuti ang mga nanggigisa at nang-iinis sa star witness, maaapu-hap mo ang kanilang totoong motibo. Pare-pareho lang na katoto-hanan ang hinahanap nila at

natin, bakit para tayong na-ghihintay ng ulan sa tag-araw? Hindi pa natatapos ang anom-alyang ito, isa pang krisis (daw) ang nakaamba sa marami sa atin – ang kaku-langan ng suplay ng bigas. Sabi ng hindi naman muk-hang Probinsyanong Intsik, walang krisis sa bigas. Sabi ng mga maralita, wala na silang maihain sa hapag-kainan. Sino nga ba ang nagsasabi ng totoo? Ang hirap talagang hanapin ang katotohanan. Kamakailan, naging kon-trobersyal ang pagkapanalo ni Pacquiao sa Mehikanong si Juan Manuel Marquez.

May ilang , mayroon ding na Pinoy ang naniniwala na talo si Pacmangsasabi na panalo siya. Ilan, dapat tabla. Kaninong katotohanan ka papanig? Anti-nationalistic daw ang pumupuna sa nagsa-bing talo si Pacquiao. Ibig sabhin ba makabayan ang lahat ng naniniwala na panalo siya? Ito ba ang katotohanan? Ang akin, kadugtong ng ka-totohanan ang puso at ating konsensya. Iba-iba kasi ang ating paniniwala. Kung ano ang idinidikta ng ating puso at konsensya, iyon ang ka-totohanan. Sa katotohanan na lang kasi tayo pantay-pantay. Kung may magmamanipula pa nito, wala nang saysay ang bu-hay.

Kolum ni Joel Orellana

Sina Manny, Gloria at Janina ... Mas mahirap pa nga raw ang mga tanong sa pre-screening pero nasagot naman ni Janina ang tanong sa kanya sa tamang In-gles. Nakapagtataka lang, bakit nga ba pinagtatawan natin ang isang Pilipino kapag nagkamali siya sa pag-i-Ingles samantalang aliw na aliw tayo sa pakikinig sa isang Amerikanong nagkakamali sa pagsasalita ng Filipino? Bakit okey lang sa atin na magkamali ang iba sa paggamit ng sarili nating wika samantalang hindi okey sa atin ang magkamali tayo sa Ingles? Sa totoo, lang, hindi ang pagtatawa kay Janina ang nakababahala rito kundi ang mas mataas na pagpapahalaga natin sa Ingles at ang lumalalang kolonyalismo ng maraming Pilipino. Ang sa akin lang naman, huwag sana nating pagtawanan ang kapwa natin kapag nahihirapan siya o nagkakamali siya sa pagsasalita sa Ingles dahil wala namang taong gustong magkamali at mapa-hiya lalo na sa harap ng libu-libong manonood. Sabihin nang may kasalanan din si Janina dahil pinilit niyang mag-Ingles kahit hindi siya komportable sa wikang ito, pero sapat na ba ito para pagtawanan at kutyain siya dahil dito?

Pahina 8 A L I N A Y A

T IK IM SA KATHA

Salamat sa Tide at Naabot ko Ang Aking Pangarap

ni Genaro R. Gojo Cruz

Marami na akong narinig at nabasang kuwento ukol sa mga labandera. Napanood ko rin noong nasa kolehiyo ako ang pelikulang “Gloria Labandera." Malapit na malapit sa akin ang kwento ng mga labandera. Pangarap ko nga ring magnegosyo ng laundry shop balang araw. Basta ‘pag kwento tungkol sa paglalaba o sa mga labandera, talagang in-teresado ako. Ito ay dahil ako mismo ay naging isang labandero noong ako ay hayskul. Alam ko ang bigat at hirap ng pagiging isang labandera, 'di tulad ng mga babaeng nasa komersyal ng mga sabong-panlaba na laging nakangiti at tila 'di nabibigatan kahit sangkaterba ang kanilang dapat labhan. 'Di tulad ng mga kwentong aking narinig at napanood ukol sa mga labandera, wala akong pamilyang dapat supor-tahan, mga anak na dapat pakainin at buhayin, o sakit na kailangang pagalingin. Dagdag pa, madalas na laging babae ang pumapasok sa isipan kapag pag-uusapan ang paglalaba bilang isang hanapbuhay. Iba ang sitwasyon ko dahil isa akong lalaki at isang teenager pa lang noon. Ngunit tulad ng lahat ng labandera, taglay ko rin ang pag-asa at ang maganda’t makulay na pangarap. Gusto ko ta-lagang makatapos ng hayskul. Sa isang pribadong paaralan ako nag-aaral, kaya kailangan kong makaipon para sa aking buwanang matrikula. Tanda ko, 100 piso ang bayad sa akin sa para isang sakong damit. Si Aling Aida ang nagpapalaba sa akin. Siya ay may isang maliit na karinderya sa aming lugar. Kasabay ng pagbibigay niya ng isang sakong labada ang pagbibigay ng isang baretang Tide at 3 pakete ng noon ay Tide Ultra. Bilang isang teenager, pagsasayang talaga ng oras para sa akin ang pagtambay, ang matagal na panonood ng tv at pakikinig ng music, ang pamimisikleta o paggala kung saan-saan. 'Di ko pinalilipas ang maghapong walang ginagawa. Inatupag ko ang pag-aaral at paglalabandero. Ang aking mga Sabado at Linggo ay nakalaan sa paglalaba ng damit nina Aling Aida. Naging kaulayaw ko noon ang malalaking batya, timba, palo-palo at poso, ang mabibigat na pantalon, kumot, kobre-kama at kung anu-ano pa. Nagkusot ako. Hinarap at binaka ang mga bula at problema. Nagtanggal na malulupit na libag at mababagsik na mantsa. Nagkula. Nagbanlaw. Nagbanlaw. At nagbanlaw. Nagsampay. Nakadama ng matind-ing pagod. Natututong maghintay. Nagdasal na sana’y 'di umulan at sumikat nang matindi ang araw. Nagtupi ng mga damit na parang dinaanan ng plantsa. Pagkatapos, ihahatid ko na ang mga nilabhan kong damit kay Aling Aida nang ayos na ayos, kipkip ang pag-asang makakamit ko rin ang aking pinakamimithing pangarap. Buti na lang at nagkaka-roon lagi ako ng panibagong sigla at lakas. Talagang 'di ko naging problema ang pagbabayad sa aking matrikula. Kayang-kaya ko itong bayaran. 'Di ko kinaawaan ang aking sarili at lalong-lalo 'di ako nakadama ng pagkainggit sa aking mga kaklase na noo’y nahu-humaling sa pakikinig sa Eraserheads at Rivermaya, sa paglalaro ng kanilang Tamagochi, pagpindot sa noo’y usong-uso at makukulay na pager at iba pa. Nagtatapos din pala ang lahat ng hirap! Nakatapos ako ng aking pag-aaral hanggang sa kolehiyo. Ngayon, hawak ko na ang aking pangarap. Kay sarap nitong hawakan at damhin lalo na’t tunay na pinaghirapan at pinagsumikapan.

Sundan sa pahina 12

Pahina 9 A L I N A Y A

Mula sa pahina 5… Ang Tinig at Espasyo ng mga Variant

Sa kaso ng wikang Filipino, isa sa lalo’t higit na ikinalilito kung hindi man pinagtatalunan ay ang ortograpiya—lalo pa nga nang ang alpbetong Filipino ay madagdagan ng mga letrang f, j, q, v, x, atbp.

Isa ring malaking problema ay kung ano ang gagawin sa harap ng mga terminong teknikal, mga imbensiyong galing sa labas ng bansa, at mga ganitong katulad na halimbawa.

Tunay ngang isang mahirap na gawain ang editing, at kung ang texto ng iba’t ibang manunulat ay naglalaman, nagpapahayag, at nagpapakita ng sariling tatak, tinig, estilo ng sumulat, masasabi ring ang iba’t ibang editor, sa pag-edit ay nag-iiwan ng kanya-kanyang tatak, tinig, estilo sa pag-edit. Puwede ring sabihing nang dahil sa kinabibilangang institusyon/opisina, or-ganisasyon, grupo ay nagiging isa ang tatak, tinig, estilo ng isang grupo ng mga editor, mali it o malaking grupo man sila. Bilang isang editor, mas paborable ako sa praxis kung saan mali gayang puwedeng magtagpo ang sumulat at ang edi-tor. Bahagi ng praxis na ito ang mga sumusunod: 1) May sariling tatak at estilo at tinig ang sumusulat at ang kanyang texto, at kailangang pakinggan at respetuhin ang tinig ng sumulat at ng kanyang texto. (Halimbawa, may napansin akong isang kabataang manunulat na ang texto ay may tunog at itsurang-matandang Tagalog. Kaniya sa halip na kanya ang gamit niya, mahilig din siyang gumamit ng mga salitang ‘malalim’ at ‘matanda’ na kumpara lengguwaheng gamit ng kanyang mga kaedad). 2) Dapat maging malay (conscious) sa tinig at espasyo ng mga barayting Filipino (Filipino variety). Halimbawa, sa mga Ce-buano, magiging katangian ng kanilang sulatin ang mga sumusunod: maari, hindi maaari; pagnasa, hindi pagnanasa, atbp. (Katangian ng wikang Tagalog ang kambal o tatluhang beses na pag-uulit ng pantig; hindi ganito sa Cebuano o Hili-gaynon, kaya sa barayting Filipino, tanggap ang maari, pagnasa, atbp.) 3) Bukas sa mga variant (halimbawa, kaniya/kanya, aspeto/aspekto, kontemporanyo/kontemporaryo, atbp.), lalo pa nga ba sa kaso ng mga popular nang gamit ng mga nasabing magkaibang anyo. Gayunman, para sa layuning kakinisan at kagandahan ng wika, dapat maging consistent ang gamit sa loob ng isang sulatin. Halimbawa, kung sa loob ng isang sulatin ay mas nakakil-ing ang awtor sa aspekto, hindi puwedeng pagpalit-palitin ang aspekto at aspeto. Halimbawa ring sa ibang sulatin, sa loob pa rin ng iisang isyu, ay may awtor na mas makiling sa aspeto, rerespetuhin ang kanyang aspeto. Ang ganitong pagiging bukas sa mga variant ay hindi naman tutungo sa anarkiya ng wika kung malay naman sa lalo’t higit na popular nang mga variant. 4) Bukas din sa limang estratehiya sa pagsasalin (inihanay ni Dr . Leo Zafra sa kanyang isang sulatin) lalo pa nga ba kaugnay ng mga salitang teknikal, at ang mga ito ang puwedeng pagpilian: (a) gamitin ang anyong Espanyol, (b) gamitin ang anyo sa Ingles, (c) gamitin ang Ingles sa baybay-Filipino, (d) hanapin ang katumbas sa wikang Filipino/iba pang mga wika sa Pilipinas, at (e) lumikha ng katumbas. Sa puntong ito, nais kong sentruhan ang isa sa lalo’t higit na nakalilitong pares ng variant: Pilipinas o Filipinas? Kaugnay na rin nito ang Pilipino/Filipino (mamamayan/sambayanan). Sa kabilang banda, mangyari pang ang pinakahuli at opisyal na tawag sa wikang pambansa ay Filipino, wala nang iba pa. Batay na rin sa popular na gamit, nag-iisa pa rin ang Pinoy, sa pasalita man o sa nakasulat na anyo.

Sa susunod na pahina...

Pahina 10 T O M O 1 , B L G . 2

Ang Tinig at Espasyo ng mga Variant… Partikular sa P/Filipinas, ang posisyon ko ay tanggapin ang dalawang anyo bilang mga variant—pero sa panuntunan na kung ang isang awtor ay maka-Filipinas, kailangang panindigan niya ang paggamit dito (sakaling ulitin niya ang paggamit sa termino) hanggang sa kata-pusan ng kanyang partikular na sinulat na ito; ganito rin naman kung ang ibang sumulat ay mas makiling sa Pilipinas. Ang hindi puwede ay ang pagpalit-palitin ng isang awtor sa loob ng kan yang nasabing sulatin ang Filipinas at Pilipinas. Ang ganito ay hindi lamang pagrespeto sa tinig/estilo ng awtor at ng kanyang partikular na sinulat, kundi batay na rin sa mga sumusunod: Kung sinasabi ng mga maka-Filipinas na ganito dahil ang pinagmulan ng pangalan ng ating bansa ay ang pangalan ni Haring Felipe, ang Pilipinas ay isa ring terminong may makasaysayang batayan sa antas ng ating mga katutubong wika. Sa likas na igkas ng dila ng mga Pilipino—sa panahon man ng Espanyol at hanggang sa kasalukuyan—walang pasubaling ang agad sasabihin/bibigkasin ay Pilipinas, hindi Filipinas, at ang batayan diyan ay ang likas na espasyo’t tinig ng p sa mas marami sa ating mga katutubong wika (maliban na lamang sa ilang katutubong wika, kaya halimbawa may Ifugao o Ivatan). Hindi maaaring isantabi ang Pilipinas hindi lamang sa likas na espasyo’t tinig ng p sa ating mas maraming katutubong wika kundi dahil na rin sa napakatagal nang historikal na paggamit dito—sa pabigkas at pasulat mang anyo. Kung magpopokus na lamang sa mga publikasyon sa wikang pambansa—ito man ay sa panahong tinawag itong Pilipino o Filipino na—ito man ay sa larangan ng mali khaing pagsulat o peryodismo o sulating teknikal/pananaliksik, atbp., matutuklasang popular ang gamit ng Pilipinas (bansa), Pilipino (mamamayan/sambayanan). Napa kapopular at likas na likas ang dating kaya napakapopular at likas na likas din ang dating ng Pinoy (kumpara, halim-bawa, sa Finoy!) Sabihin mang pagrespeto sa daglat na UP ang malaking nakasulat na ‘Unibersidad ng Pilipinas’ sa welcome marker sa bukana ng UP Campus, hindi lamang ito para sa UP ng University of the Philippines —ang ‘Pilipinas’ sa ‘Unibersidad ng Pilipinas’ ay ang salitang his-torikal nang kasa-kasama ng ilang henerasyon na ng mga Pilipino—namatay na o buhay man. Pansinin din na sa mga rali at demonstrasyon kung saan buhay na buhay na maririnig ang wika, kung saan aktibong nakikibahagi sa puliti-kal na buhay ng bansa ang ating wika—sa maiinit mang talumpati o sa mga plakard na pinaghirapang gawin—ang maririnig/mababasa ay Pilipinas, Pinas, Pilipino, Pinoy. Ang pagiging buhay ng isang wika ay nakasalalay sa mga gumagamit dito. Kung popular ang mga variant, ibig sabihin ay may tinig at espasyo ang mga ito na kailangang igalang

M u l a s a p a h i n a 3 , E D I T O R Y A L / B O S E S P I N O Y At ngayon na mas may kamahalan ang bigas mukhang ang noodles na ang magiging kahalili ng nito bilang pangunahing pagkain ng mga Filipino. At ang kilalang tambalan ng galunggong at kanin ang siyang magiging pagkain na ng mga maykaya. Lalo’t ang isdang galunggong ay tila patuloy pa sa pagtaas ng halaga at ang bigas pa nga’y inaangkat na ng ating bansa. At ang bansang Pilipinas na dati-rati ay kilala na tagapag-ani at tagapamahagi ng bigas sa Asya ang siyang kikilalaning bansa ng instant noodles. Manapa’y hihintayin na rin nating tumaas ang halaga ng instant noodles at maaaring magkaroon na naman ito ng kahaliling pagkain sa paghalal natin ng panibagong mamumuno sa ating bansa. Mayroon bang maaaring ihalili sa kanin para maibsan ang patuloy na pagkalam ng tiyan ng mamamayang Filipino?

Pahina 11 A L I N A Y A

N ais kong magsimula sa pasasalamat. Salamat sa lahat ng aking kadepartamento, sa mga kaibigan at kritiko. Mahirap na tungkulin ang pagiging tagapangulo ngunit sa tulong ng mga kasama nagiging magaan ang gabundok na trabaho. Bi-

lang Bedista, naging gabay ko lagi ang dasal at gawa (ora et labora) para maisakatuparan ang mga plano’t proyekto. Sa UP ako namulat nang inukit sa isipan ko at pinaramdam sa puso ko ang kapakanan ng bayan – ang silbi ng lahat ng gawa at dasal para sa sambayanan. Sa La Salle ko natutuhan na dapat laging magtagumpay, na dapat lumitaw ang liwanag sa gitna ng karimlan, na kailangang manindigan para sa sarili, sa kapwa at sa bayan. Mga pilosopiyang gabay ito sa paglilingkod. Ang pagiging tagapangulo ay lider na naglilingkod. Sa pagtatapos ng aking termino bilang pinuno ng departamento sa loob ng isang taon, hayaan ninyong balikan ko ang kolektibong ani ng lahat. Ulat ito ng paglilingkod. 1. FLACIPS. Bago pa man ako umupong tagapangulo noong Mayo 16, 2007 pinamunuan ko muna ang Filipino Language & Cultural Immersion Program for Singaporeans (FLACIPS). Si Dr. Fanny A. Garcia, dating tagapangulo, ang siyang nag-ing instrumental para maaprubahan ang proyektong ito sa pagitan ng departamento at ng SEAMEO-Regional Language Center. Apat na buwang programa ito kasama ang limang Singaporean na natutong mag-Filipino at makiulayaw sa ating kultura. Nang ako’y tagapangulo na, naging pangalawang tagapangasiwa si Ms. Vangie Encabo. 2. External na koordinasyon. Pinalakas ng aking pamunuan ang pakikipag-ugnayan sa labas ng pamantasan at ng bansa. Kasama ang mga opisyales ng Wika, Ink. Hinabla namin si Pangulong GMA sa Korte Suprema. Hanggang ngayon, dinid-inig pa ang aming petisyon na ipawalang bisa ang EO210. Sumali rin ang departamento noong Agosto-Setyembre 2007 sa Pingkian, ang kauna-unahang debateng Filipino, at nakamit nina Dino Guevarra, Gabby Pabico at Kenneth Paranada ang ikalawang puwesto. Si Dr. Rizalyn Mendoza ang tumayong koordineytor sa ugnayang external. Pareho kaming naimbitahan sa University of San Carlos-Cebu para magsalita sa Pambansang Seminar sa Filipino roon. 3. Sangandiwa Worksyap. Pinasimulan ng departamento ang kauna-unahang palihan ng mga kritikal/iskolarling sulatin noong Nobyembre 2007. Walong gradwadong kalahok ang kasali rito mula sa mga kolehiyo’t pamantasan sa Metro Manila kasama na ang galing sa DLSU. Sina Vincent Tan, Winton Ynion, Louie Jon Sanchez, Vangie Encabo ang naging kalahok mula sa departamento at sina Moreal Camba (UAP), Clod Yambao (UP-Diliman), Wennie Fajilan (UP-Diliman), at Aurora Tirad (Marikina Polytechnic College) naman ang ibang kalahok. 4. Graduate Fellowship Program. Inaprubahan ng Vice Chancellor for Research at ng Vice Chancellor for Academics noong Disyembre 2007 ang pagkakaroon ng graduate fellowship program. Ang walong graduate fellows ay mga kalahok sa Sangandiwa worksyap. Libre ang paggamit nila ng DLSU library sa loob ng isang taon at kinakailangan din silang magbasa ng papel sa klase o forum sa panahong fellows sila. 5. OneFil Project. Nanguna ang departamento sa buong CLA sa mungkahing magkaroon ng bersyong distance at online learning ang mga gradwadong programa ng departamento. Aprubado na ito ng Council of Chairs ng CLA noong Enero 2008 at iaakyat pa sa ibang tanggapan para mapag-usapan at mapagdesisyunan. Ang mga kurso sa MAARFIL at PHARFIL ay ituturo gamit ng IVLE at distance education mode. Naging tampok ng poster presentation ni Dr. Rizalyn Mendoza sa Fili-pino as a Global Language Conference sa University of Hawaii-Manoa ang bisyon at programa ng OneFil project. Kasama rin sa proyektong ito si Dr. Lhai Taylan, koordineytor ng gradwadong programa, at fakulti na nagtuturo sa antas-gradwado. 6. Website ng Departamento. Nitong Pebrero 2008 kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Sining, inilunsad ang website ng departamento ng Filipino. Nakaangkla ang proyektong ito para sa pagsasakatuparan ng OneFil project at para na rin sa mar-keting ng mga gradwadong programa ng departamento. Makikita sa website ang mga fakulti, proyekto, riserts, at portal patungong IVLE.

Sundan sa pahina 12

Ulat ng Tagapangulo: paglilingkod at pasasalamat ni Dr. Rhod V. Nuncio

Prop. Nonon Villaluz

Carandang

Punong Patnugot

Prop. Joel Orellana

Pangalawang Patnugot

Prop. Nonon Villaluz

Carandang

Layout

Dr. Rhoderick Nuncio

Dr. Fanny Garcia

Dr. Rakki Sison-Buban

Dr. Lhai Taylan

Lupon ng Patnugot

Ms. Malou Bagona

Tagalihim

At ang kontribusyon ng fakulti

at mag-aaral ng Departamento

ng Filipino.

Para sa mga mungkahi, paglilinaw at k a t a n u ng a n , m a gs ad ya s a Departamento ng Fillipino ng DLSU-Manila, William Hall 402, o di kaya’y tumawag sa telepono bilang 524-4611 lokal 509.

P A M A T N U G U T A N

P a s a s a l a m a t

Dr. Isagani Cruz Dr. Bienvenido Lumbera

Dr. Teresita Fortunato Literature Department

DLSU Information Technology Center

Alinaya (pang.)Ilokano para sa kuwento at/o akda.

A L I N A Y A A L I N A Y A , pahina 12

Mula sa pahina 8…. Walang pangarap na ibinibigay nang libre. Natutunan ko talagang walang shortcut sa pag-kakamit ng pangarap. Lahat ng pangarap ay pinaghihirapan. Tuwing babalikan ko ang aking pagiging labandero, nangingiti ako. Kung 'di ko siguro pinag-buti ang aking paglalaba, tiyak na 'di magpapalaba sa akin si Aling Aida at lalong 'di ko makakamit ang maayos na buhat at panatag na kalooban. Salamat sa sangkaterbang labada na tumulong sa akin upang maging matatag. Salamat sa bawat pagsikat ng araw na nagbibigay sa akin ng pag-asa. Salamat kay Aling Aida na 'di nag-dalawang-isip na ako’y kunin upang ako’y kanyang maging labandero. Salamat sa kahirapan dahil nasukat ko ang aking kakayahan. At salamat sa Tide na aking naging katuwang sa mga panahong tila kay layo ng aking mga pangarap. Salamat nang walang hanggan at di mo ako iniwan. Ito ang aking totoong kuwento, ang kuwento ng aking tagumpay!

Si Genaro R. Gojo Cruz pa rin ang naglalaba ng kanyang mga damit dahil sa paglalaba niya nabubuo ang mahahalagang plano sa kanyang buhay. Maaari siyang sulatan sa: [email protected] Painting by Fernando Amorsolo, Lavendera (1950)

Ulat ng Tagapangulo… mula sa pahina 11 7. Alinaya. Kasabay ng paglabas ng website ang unang edisyon ng Alinaya, ang online newsletter ng departamento. Sina Nonon Carandang at Joel Orellana ang mga patnugot ng newsletter. Muli, kauna-unahan ito sa CLA. 8. Fellowship sa Midya. Nitong Marso 2008 pinasimulan ang proyektong ito mata-pos aprubahan ni Vice Chancellor for Academics Dr. Julius Maridable. Layunin nito na makipag-ugnayan sa industriya ng midya at makakuha ng magagaling na prakti-syoner na magtuturo at magririserts sa departamento. 9. Office equipment. Sa kabuuan ng isang taong paglilingkod, maraming equipment ang nabili ng departamento: mga kompyuter para sa fulltimer, Viewsonic LCD pro-jector, Creative Divicam, DVD player, mga printer, at UPS. 10. Gawad Lasalyano sa Filipino 2008. Ngayong Abril 2008 bilang huling hirit, iniharap ko sa miting sa Taytay, Rizal ang Gawad Lasalyano sa Huwarang Guro sa Filipino, Pinakamahusay na Tesis/Disertasyon at Pinakamahusay na Aklat sa Fili-pino. Sa Buwan ng Wika 2008 ang seremonya ng paggawad. Lagi’t laging bisyon ko ang mapabilis ang intelektuwalisasyon ng ating wika sa pamamagitan ng mga ino-batibong proyekto’t programa tulad nito. Pagpapatuloy lamang ito ng maganda’t mabungang simulain ng departamento.

Natapos man ang paglilingkod ko bilang tagapangulo, marami pang pagla-lakbay at serbisyong Lasalyano ang gagawin. Nawa’y maipagpatuloy ni Dr. Josefina Mangahis, bagong tagapangulo, at ng mga kadepartamento ang mga nasimulan at napagtagumpayan nating lahat. Hangad ko rin ang marami pang ani at tagumpay natin mula sa maraming gawa’t dasal. Muli, maraming-maraming salamat po!