16
34567 AGOSTO 1, 2013 PORNOGRAPYA DI-NAKAPIPINSALA O NAKALALASON?

PORNOGRAPYA - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/68/wp_TG_20130801.pdf · sa Kaharian ng Diyos. Ang magasing ito ay walang pinapanigan sa pulitika at patuloy na

Embed Size (px)

Citation preview

34567AGOSTO 1, 2013

PORNOGRAPYADI-NAKAPIPINSALAO NAKALALASON?

Gusto mo ba nghigit pang impormasyono libreng pag-aaral ngBibliya sa iyong tahanan?

Magpunta sa www.jw.org /tlo ipadala ang iyong requestsa isa sa mga adres sa ibaba.

Para sa PILIPINAS:Jehovah’s WitnessesPO Box 20441060 Manila

Para sa UNITED STATES OF AMERICA:Jehovah’s Witnesses25 Columbia HeightsBrooklyn, NY 11201-2483

Para sa adres sa iba pang mga bansa,tingnan ang www.jw.org/tl/contact.

˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙

ANG MAGASING ITO, Ang Bantayan,ay nagpaparangal sa Diyos naJehova, ang Tagapamahala nguniberso. Inaaliw nito ang mga taosa pamamagitan ng mabutingbalita na di-magtatagal, wawakasanng Kaharian ng Diyos sa langit anglahat ng kasamaan at gagawingparaiso ang lupa. Pinasisigla nitoang mga tao na manampalatayakay Jesu-Kristo, na namatay paramagkaroon tayo ng pag-asangmabuhay nang walang hanggan atnamamahala na ngayon bilang Harisa Kaharian ng Diyos. Ang magasingito ay walang pinapanigan sa pulitikaat patuloy na inilalathala mula panoong 1879. Sinusunod nito angBibliya bilang awtoridad.

Publishers: Watchtower Bible and Tract Society

of New York, Inc. � 2013 Watch Tower Bible

and Tract Society of Pennsylvania. All rights

reserved. Printed in Japan.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan

ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na

pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng

kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba

ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan

ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng Banal

na Kasulatan.34567

AGOSTO 1, 2013

PORNOGRAPYADI-NAKAPIPINSALA

O NAKALALASON?

Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay 8

Tanong ng mga Mambabasa . . .Bakit Hindi Pinanganlan ang Ilang Tauhan sa Bibliya? 10

Maging Malapıt sa Diyos—“Ang Kaniyang Di-nakikitangmga Katangian ay Malinaw na Nakikita” 11

Tularan ang Kanilang Pananampalataya—‘Iningatan Siyang Ligtas Kasama ng Pitong Iba Pa’ 12

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya 16

34567Limbag sa Bawat Isyu:44,978,000 SA 209 NA WIKA AGOSTO 1, 2013�����������������������������������������������������������������������������������������������������������

TAMPOK NA PAKSA

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������

SA ISYU RING ITO

s BASAHIN ONLINE � www.jw.org/tl

Vol. 134, No. 15AUGUST 1, 2013

SemimonthlyTAGALOG

Pornograpya—DI-NAKAPIPINSALA O NAKALALASON? PAHINA 3

KARANIWANG MGA TANONG TUNGKOLSA MGA SAKSI NI JEHOVA—Itinatakwil baNinyo ang mga Dating Miyembro ngInyong Relihiyon?(Tingnan sa TUNGKOL SA AMIN ˛ KARANIWANG MGA TANONG)

r

MADA-DOWNLOAD ANGMAGASING ITO SA

IBA’T IBANG FORMAT

(

(

AGOSTO 1, 2013 � 3

Laganap ngayon sa daigdig ang pornograpya.� Makiki-ta ito sa mga advertisement, kausuhan, pelikula, musi-ka, at mga magasin, pati na sa telebisyon, mga videogame, cellphone o iba pang gadyet, Web site, at mgaphoto-sharing service sa Internet. Ang pornograpya aykaraniwan nang tinatanggap sa modernong lipunan.Ngayon higit kailanman, mas maraming tao sa mas ma-raming lugar ang gumugugol ng higit na panahon sapornograpya.—Tingnan ang kahon na “Ang Totoo Tung-kol sa Pornograpya.”

Ang anyo ng pornograpya ay nagbabago rin. Isinulatni Propesor Gail Dines: “Naging mas malaswa ang mgalarawan ngayon anupat ang pornograpyang itinuturingnoon na grabe ay karaniwan na lang sa ngayon.”

Ano ang tingin mo sa kalakarang ito? Ang pornogra-pya ba ay di-nakapipinsalang libangan o nakamamatayna lason? Sinabi ni Jesus: “Bawat mabuting punungka-hoy ay nagluluwal ng mainam na bunga, ngunit bawatbulok na punungkahoy ay nagluluwal ng walang-kabu-luhang bunga.” (Mateo 7:17) Ano ang bunga ng por-nograpya? Para malaman ang sagot, pag-usapan munanatin ang ilang karaniwang tanong tungkol sa porno-grapya.

� Ang terminong “pornograpya” ay tumutukoy sa malalaswang ma-teryal na dinisenyo upang pukawin ang damdamin ng mga nakakaki-ta, nagbabasa, o nakikinig nito. Kasama rito ang mga larawan pati naang anumang materyal na mababasa o mapapakinggan.

TAMPOK NA PAKSA

PornograpyaDi-nakapipinsalao Nakalalason?

4 � ANG BANTAYAN

Paano nakaaapekto ang pornograpyasa mga indibiduwal?ANG SINASABI NG MGA EKSPERTO: Ang porno-grapya ay lubhang nakasusugapa na gaya ng crackcocaine, ayon sa ilang mananaliksik at terapist.

Si Brian,� na nahumaling sa pornograpya sa In-ternet, ay nagsabi: “Walang makapigil sa akin. Paraakong wala sa sarili. Nanginginig ako at sumasakitang ulo ko. Sinikap kong huminto, pero pagkalipasng mga taon, sugapa pa rin ako.”

Karaniwan nang itinatago ng mga nahuhumalingsa pornograpya ang kanilang bisyo. Malihim sila atmapanlinlang. Hindi kataka-taka, marami sa kanilaang nakadarama ng kahihiyan, pagkabalisa, depre-syon, at galit. Pakiramdam nila’y nag-iisa sila. Angilan pa nga sa kanila ay nag-iisip magpakamatay.“Puro sarili ko na lang ang iniisip ko at naging des-perado ako,” ang sabi ni Serge, na nagda-downloadng pornograpya sa kaniyang cellphone halos araw-araw. “Parang wala akong halaga, nakokonsensiyaako, at pakiramdam ko, nag-iisa ako at walang maga-wa. Hindi ako makahingi ng tulong dahil sa sobranghiya at takot.”

Kahit ang pagsulyap lang sa pornograpya ay ma-aaring magbunga ng masamang resulta. Si Dr. Ju-dith Reisman, isang kilalang mananaliksik tungkolsa pornograpya, ay nagsabi sa harap ng isang komiteng Senado sa Estados Unidos: “Ang mga pornograpi-kong larawan ay tumatatak at bumabago sa utak. Pi-nagmumulan ito ng bigla, di-makontrol, pero nagta-tagal na alaala [na] mahirap o imposibleng burahin.”Si Susan, 19 anyos, na nahantad sa pornograpikongmga Web site, ay nagsabi: “Nakaukit sa aking isipang mga larawan. Bigla na lang pumapasok ang mgaito sa isip ko. Parang hindi ko na kailanman mabu-bura ang mga iyon.”

MAHALAGANG TANDAAN: Inaalipin at pinipinsalang pornograpya ang mga biktima nito.—2 Pedro2:19.

� Binago ang mga pangalan sa artikulong ito.

Paano nakaaapekto ang pornograpyasa mga pamilya?ANG SINASABI NG MGA EKSPERTO: “Sinisira ngpornograpya ang relasyon ng mga mag-asawa atpamilya.”—The Porn Trap, nina Wendy at LarryMaltz.

Nakapipinsala ang pornograpya sa relasyon ngmga mag-asawa at pamilya dahilˇ Pinahihina nito ang tiwala, ugnayan, at pag-ibigng mag-asawa sa isa’t isa.—Kawikaan 2:12-17.ˇ Itinataguyod nito ang kasakiman, kawalang-mala-sakit, at kawalang-kasiyahan sa asawa.—Efeso 5:28, 29.ˇ Pinupukaw nito ang malalaswang seksuwal napantasya at pagnanasa.—2 Pedro 2:14.ˇ Tinutukso nito ang mga nanonood na ipilit sa ka-nilang asawa ang malalaswang seksuwal na gawain.—Efeso 5:3, 4.ˇ Itinataguyod nito ang pagtataksil.—Mateo 5:28.

Pinapayuhan ng Bibliya ang mga mag-asawa nahuwag “makitungo nang may kataksilan” sa isa’t

AGOSTO 1, 2013 � 5

isa. (Malakias 2:16) Ang pagtataksil ay maaaring su-mira sa pag-aasawa at humantong sa paghihiwalayat diborsiyo. Ang gayong paghihiwalay ay nakapi-pinsala naman sa mga anak.

Maaari ding mas tuwirang mapinsala ng porno-grapya ang mga bata. Si Brian, na nabanggit ka-nina, ay nagsabi: “Noong mga sampung taon ako,di-sinasadyang nakita ko ang pornograpikong mgamagasin ni Tatay habang naglalaro ng taguan. Mulanoon, palihim kong tinitingnan ang mga ito nanghindi talaga naiintindihan kung bakit ko gustonggawin iyon. Diyan nagsimula ang masamang bi-syo ko na tumagal nang maraming taon.” Ipinakiki-ta ng mga pag-aaral na ang pornograpya ay naka-iimpluwensiya sa mga kabataan. Maaari silangmagkaroon ng seksuwal na mga kaugnayan nangmas maaga, maging liberal at marahas pagdatingsa sekso, at magkaproblema sa emosyon at pag-iisip.

MAHALAGANG TANDAAN: Nilalason ng pornogra-pya ang magagandang ugnayan at nagdudulot itong sama ng loob at kirot.—Kawikaan 6:27.

ANG TOTOO TUNGKOLSA PORNOGRAPYA

BAWAT SEGUNDO:

Halos 30,000 tao ang tumiti-ngin sa pornograpikong mgaWeb site.

BAWAT MINUTO:

Ang mga gumagamit ng Internetay nagpapadala ng mahigit1.7 MILYON na pornograpi-kong e-mail.

BAWAT ORAS:

Halos DALAWANG video ngdetalyadong paglalarawan sapornograpya ang inilalabas saEstados Unidos.

BAWAT ARAW:

Sa Estados Unidos pa lang, mayaverage na DALAWANG MIL-YON na pornograpikong pelikulaang nirerentahan.

BAWAT BUWAN:

Halos 9 sa bawat 10 kaba-taang lalaki at 3 sa bawat 10 ka-bataang babae sa Estados Unidosang nanonood ng pornograpya.

BAWAT TAON:

Kumikita ng tinatayang$100 BILYON (U.S.) angindustriya ng pornograpya sabuong daigdig.

6 � ANG BANTAYAN

Ano ang pangmalas ng Diyos tungkolsa pornograpya?ANG SINASABI NG SALITA NG DIYOS: “Patayinninyo, kung gayon, ang mga sangkap ng inyong ka-tawan . . . may kinalaman sa pakikiapid, karumi-han, pita sa sekso, nakasasakit na pagnanasa, atkaimbutan, na siyang idolatriya.”—Colosas 3:5.

Sa madaling salita, kinapopootan ng Diyos na Je-hova� ang pornograpya. Hindi naman dahil sa na-pakahigpit niya pagdating sa sekso. Sa katunayan,nilalang niya ang ating seksuwal na kakayahan at ni-layong gamitin ito ng mag-asawa para palugdan angisa’t isa, maging malapıt, at magkasamang masiya-han sa pagkakaroon ng mga anak.—Santiago 1:17.

Kung gayon, paano natin matitiyak na kinapopoo-tan ni Jehova ang pornograpya? Isaalang-alang angilan lamang sa mga dahilan.ˇ Alam niyang makasisira ng buhay ang pornogra-pya.—Efeso 4:17-19.ˇ Mahal niya tayo at gusto niyang ingatan tayo mulasa pinsala.—Isaias 48:17, 18.ˇ Gustong ingatan ni Jehova ang ugnayan ng mgamag-asawa at pamilya.—Mateo 19:4-6.ˇ Gusto niyang maging malinis tayo sa moral at iga-lang natin ang karapatan ng iba.—1 Tesalonica 4:3-6.ˇ Gusto niyang igalang natin ang ating kakayahangmag-anak at gamitin ito sa marangal na paraan.—Hebreo 13:4.ˇ Alam ni Jehova na masasalamin sa pornograpyaang pilipit, makasarili, at satanikong pangmalas sasekso.—Genesis 6:2; Judas 6, 7.

MAHALAGANG TANDAAN: Sinisira ng pornogra-pya ang pakikipagkaibigan ng isa sa Diyos.—Roma1:24.

� Jehova ang pangalan ng Diyos gaya ng sinasabi sa Bibliya.

Gayunman, si Jehova ay may matinding awa samga gustong makalaya sa pornograpya. Sinasabi ngBibliya: “Si Jehova ay maawain at magandang-loob,mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabai-tan. Sapagkat nalalaman niyang lubos ang kaanyu-an natin, na inaalaalang tayo ay alabok.” (Awit 103:8, 14) Inaanyayahan niya ang mga mapagpakumbabana bumaling sa kaniya upang “makapagtamo . . . ngawa at makasumpong ng di-sana-nararapat na kabai-tan bilang tulong sa tamang panahon.”—Hebreo 4:16;tingnan ang kahon na “Kung Paano Makalalaya saPornograpya.”

Marami ang tumanggap ng tulong ng Diyos. Tala-ga bang nakatulong ito sa kanila? Pansinin ang si-nasabi ng Bibliya tungkol sa ilan na nadaig ang ka-nilang bisyo: “Hinugasan na kayong malinis, . . .pinabanal na kayo, . . . ipinahayag na kayong matu-wid sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Kristo atsa espiritu ng ating Diyos.” (1 Corinto 6:11) Tulad niapostol Pablo, masasabi nila: “Sa lahat ng bagay aymay lakas ako dahil sa kaniya na nagbibigay ng ka-pangyarihan sa akin.”—Filipos 4:13.

Ganito ang sinabi ni Susan na nakalaya sa kani-yang adiksiyon sa pornograpya: “Si Jehova lang angmakatutulong sa iyo na makalaya sa pornograpya.Kung hihingin mo ang kaniyang tulong at patnubay,maaari kang magkaroon ng malinis na katayuan saharap niya. Hindi ka niya bibiguin.”

1 2

AGOSTO 1, 2013 � 7

Mayroon ka bang kilala na nakikipagpunyagingmakalaya sa pornograpya? Isaalang-alang angilang hakbang na nakatulong sa marami na makala-ya rito.

1. Manalangin sa Diyos.“Ang pinakamahalagang hakbang para mapagta-

gumpayan ang silo ng pornograpya ay ang paghinging tulong kay Jehova sa panalangin.”—Franz.

Maaaring bigyan ni Jehova ng banal na espirituang isa, na magpapalakas sa kaniya na ‘kapuwa loo-bin ito at kumilos.’ (Filipos 2:13) Kung magpapaakaysiya rito, tutulungan siya nito na daigin ang maling“mga pita at mga pagnanasa.”—Galacia 5:16, 24.

2. Humingi ng tulong sa iba.“Ang adiksiyon sa pornograpya ay inililihim at iki-

nahihiya anupat hindi ka makahingi ng tulong saiba. Inaakala mong malalabanan mo ito nang mag-isa. Pero hindi iyan totoo. Malalabanan mo lang itokung may tutulong sa iyo. Kaya nilunok ko ang akingpride at ipinagtapat ito sa aking misis. Humingi rinako ng tulong sa isang mapagkakatiwalaang kaibi-gan. Ito ang pinakamahirap na bagay na ginawa ko,

pero nakuha ko naman ang tulong na kailangan ko.”—Yoshi.

Kailangan ng lakas ng loob at determinasyon paramaipagtapat ito sa iba. Pero ito ay isang napakahala-gang hakbang para madaig ang adiksiyon at maiba-lik ang kaugnayan sa mga mahal sa buhay. Sinabi niSusan, na nabanggit kanina: “Para akong nabunutanng tinik. Napakahirap ng mga panahong iyon, peropagkatapos, nakadama ako ng kapayapaan at nagka-roon ako ng malinis na budhi.”—Santiago 5:16.

3. Alamin at iwasan ang mga posiblengpumukaw ng pagnanasa.

Anong mga sitwasyon, kaisipan, o damdamin angpumupukaw ng maling mga pagnanasa? Paggamitng Internet? Panonood ng mga palabas sa TV kapaggabing-gabi na? Pagbabasa ng mga magasin? Pag-punta sa tabing-dagat? Kapag ang isa ay gutom, galıt,nag-iisa, o pagod? “Alamin ang iyong mga kahinaan,at iwasan ito na parang salot,” ang sabi ni Sven. Sina-bi ni Jesus: “Ngayon, kung ang kanang mata mongiyan ay nagpapatisod sa iyo, dukitin mo ito at itaponmula sa iyo.”—Mateo 5:29.

“Kapag natutukso akong tumingin nang may pag-nanasa sa isang babae, agad akong nananalanginkay Jehova at pilit kong inaalis ang tingin ko rito,”ang sabi ni Franz. Sinabi ng tapat na patriyarkang siJob: “Ako ay gumawa ng taimtim na pangako na hin-di kailanman titingin nang may pagnanasa sa isangbabae.”—Job 31:1, Today’s English Version.

4. Patibayin ang kaugnayan sa Diyos.“Ipokus ang iyong isip sa kaayaayang mga bagay,

at maging abala sa espirituwal na mga gawain,” angsabi pa ni Franz.

Sinasabi ng Bibliya: “Anumang bagay na totoo,anumang bagay na seryosong pag-isipan, anumangbagay na matuwid, anumang bagay na malinis, anu-mang bagay na kaibig-ibig, anumang bagay na maymabuting ulat, anumang kagalingan ang mayroon atanumang kapuri-puring bagay ang mayroon, patuloyna isaalang-alang ang mga bagay na ito . . . , at angDiyos ng kapayapaan ay sasainyo.”—Filipos 4:8, 9. ˇ

Kung Paano Makalalayasa Pornograpya

3 4

8 � ANG BANTAYAN

ANG AKING NAKARAAN: Lumaki ako sa Warialda, isang maliitna bayan sa New South Wales. Ang Warialda ay may mgakabukiran kung saan ang mga tao ay nag-aalaga ng mga tupa atbaka, at nagsasaka ng mga butil at pananim. Isa itong bayan namalinis at walang gaanong krimen.

Ako ang panganay sa sampung magkakapatid. Sa edad na 13,nagtrabaho na ako para makatulong sa pamilya. Yamang hindiako nakatapos ng pag-aaral, sa bukid ako nakapagtrabaho. No-ong ako ay 15 anyos, nagtrabaho ako bilang rantsero, na nagsa-sanay ng mga kabayo.

May bentaha at disbentaha ang pagtatrabaho sa bukid. Tala-gang nasiyahan ako sa trabaho, pati na sa kapaligiran. Nauupoako sa tabi ng siga sa gabi at pinagmamasdan ko ang buwan atmabituing langit habang humihihip ang sariwang hangin ng ka-bukiran. Naiisip kong tiyak na may Isa na lumalang sa lahat ngkamangha-manghang bagay na iyon. Sa kabilang banda, nahan-tad ako sa masasamang impluwensiya sa bukid. Madalas akongmakarinig ng pagmumura, at karamihan ay naninigarilyo. Di-nagtagal, naging bahagi na ng buhay ko ang paninigarilyo atpagmumura.

Noong 18 anyos ako, lumipat ako sa Sydney. Sinubukan kongmagsundalo pero hindi ako tinanggap dahil hindi ako nakata-pos ng pag-aaral. Nakapagtrabaho ako sa Sydney at nanirahandoon nang isang taon. Noong panahong iyon ko nakilala angmga Saksi ni Jehova. Tinanggap ko ang paanyaya nilang duma-lo sa isa sa kanilang mga pagpupulong, at agad kong nakita naitinuturo nila ang katotohanan.

Pero di-nagtagal, ipinasiya kong bumalik sa kabukiran. Na-padpad ako sa Goondiwindi, Queensland. Nagtrabaho akoroon at nakapag-asawa. Nakalulungkot, natuto rin akong umi-nom ng alak.

Nagkaroon kami ng dalawang anak. Nang maipanganak angaming mga anak na lalaki, seryoso kong pinag-isipan kung saan

BINAGO NG BIBLIYA ANG KANILANG BUHAY

“Seryoso kongpinag-isipankung saan patungoang aking buhay”

AYON SA SALAYSAY NIALLAN HANCOCK

ISINILANG:

1941

BANSANG PINAGMULAN:

AUSTRALIA

DATING NANINIGARILYO,SUGAPA SA INUMINGDE-ALKOHOL

patungo ang aking buhay. Naalaala ko ang narinig kosa pulong ng mga Saksi sa Sydney at nagpasiya akonggumawa ng mga pagbabago.

Nakakita ako ng isang lumang isyu ng Ang Banta-yan, na may adres ng tanggapang pansangay ng mgaSaksi ni Jehova sa Australia. Sumulat ako at huminging tulong. Bilang tugon, isang mabait at mapagmala-sakit na Saksi ang dumalaw sa akin. Di-nagtagal, tinu-turuan na niya ako sa Bibliya.

KUNG PAANO BINAGO NG BIBLIYA ANG BUHAY KO:Habang nag-aaral ako ng Bibliya, nakita ko nakailangan kong gumawa ng malalaking pagbabago saaking buhay. Ang teksto sa Bibliya na lalo nangnakaantig sa akin ayang 2 Corinto 7:1. Hinihimok tayong tekstong ito na “linisin natin ang ating sarili mulasa bawat karungisan ng laman.”

Nagpasiya akong huminto sa paninigarilyo at pag-abuso sa inuming de-alkohol. Hindi madaling gawinang mga pagbabagong iyon, yamang ang mga bisyongito ay naging bahagi na ng aking buhay sa loob ng ma-habang panahon. Pero desidido ako na mamuhay saparaang nakalulugod sa Diyos. Ang pinakamalakingtulong ay ang pagkakapit ng simulaing nasa Roma12:2: “Huwag na kayong magpahubog ayon sa siste-mang ito ng mga bagay, kundi magbagong-anyo kayosa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip.”Naunawaan ko na para maihinto ko ang aking mgabisyo, kailangan kong baguhin ang aking pag-iisip attularan ang pangmalas ng Diyos sa aking mga bisyo—na ang mga ito ay nakapipinsala. Sa tulong niya,

naihinto ko ang paninigarilyo at pag-abuso sa inumingde-alkohol.

Ngunit ang pinakamahirap para sa akin ay ang ihin-to ang pagmumura. Alam ko ang payo ng Bibliya saEfeso 4:29: “Huwag lumabas ang bulok na pananalitamula sa inyong bibig.” Pero nahirapan pa rin akongsundin ito. Nakatulong sa akin ang pagbubulay-bulaysa Isaias 40:26. Tungkol sa mabituing kalangitan, ga-nito ang sinasabi ng talatang iyan: “Itingin ninyo anginyong mga mata sa itaas at masdan. Sino ang luma-

lang ng mga bagay na ito? Iyon ang Isa na naglalabassa hukbo nila ayon sa bilang, na lahat sila ay tinatawagniya ayon sa pangalan. Dahil sa kasaganaan ng dina-mikong lakas, palibhasa’y malakas din ang kaniyangkapangyarihan, walang isa man sa kanila ang nawa-wala.” Ikinatuwiran ko na kung ang Diyos ay may ka-pangyarihang lalangin ang pagkalawak-lawak na uni-berso—na gustung-gusto kong pagmasdan—tiyak namabibigyan niya ako ng lakas na magbago upang ma-palugdan siya. Dahil sa pananalangin at pagsisikap,unti-unti kong nabago ang aking pananalita.

KUNG PAANO AKO NAKINABANG: Bilang isangrantsero, wala akong gaanong pagkakataong makausapang mga tao, dahil iilan lang ang tao sa mga bukid naaking pinagtrabahuhan. Pero dahil sa mga pagsasanaysa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova, natuto akongmakipag-usap sa mga tao. Bukod diyan, naibabahagi korin sa iba ang tungkol sa mabuting balita ng Kaharianng Diyos.—Mateo 6:9, 10; 24:14.

Maraming taon na akong naglilingkod bilang isangelder sa kongregasyon. Isang pribilehiyo para sa akinna gawin ang anumang magagawa ko para tulunganang aking mga kapananampalataya. Pero ang pinaka-malaking pagpapala sa akin ay ang makasama ko angaking maibiging asawa at mababait na anak sa pagli-lingkod kay Jehova.

Nagpapasalamat ako kay Jehova dahil tinuruanniya ako—isa na hindi nakatapos ng pag-aaral. (Isaias54:13) Totoong-totoo sa akin ang Kawikaan 10:22, nanagsasabi: “Ang pagpapala ni Jehova—iyon ang nagpa-payaman.”Ako at ang aking pamilya ay umaasa na hi-git pang matuto tungkol kay Jehova at maglingkod sakaniya magpakailanman. ˇ

“Naunawaan ko na paramaihinto ko ang aking mgabisyo, kailangan kong baguhinang aking pag-iisip”

AGOSTO 1, 2013 � 9

10 � ANG BANTAYAN

Sa aklat ng Bibliya na Ruth, isang lalaking tumang-ging tuparin ang kaniyang tungkulin ayon sa Kautu-sang Mosaiko ang tinawag lamang na Kuwan. (Ruth

4:1-12) Dapat ba nating isipin na ang lahat ng tau-han sa Bibliya na hindi pinanganlan ay may masasa-

mang ugali o hindi mahalaga?Hindi. Isaalang-alang ang ibang halimbawa. Bilang

paghahanda para sa kaniyang huling hapunan ngPaskuwa, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na

‘pumaroon sa lunsod kay Ganoon-at-ganito [“gayongtao,” Ang Biblia]’ at ihanda ang mga bagay-bagay sa

tahanan nito. (Mateo 26:18) Ibig bang sabihin, anglalaking tinukoy sa talatang ito na “Ganoon-at-ganito”

ay masama o hindi mahalaga? Hindi. Ang “gayongtao” na binanggit dito ay tiyak na isang alagad ni Je-sus. Yamang ang kaniyang pangalan ay hindi kaila-

ngan sa ulat na ito, hindi na ito binanggit.Bukod diyan, iniuulat ng Bibliya ang pangalan ng

maraming masamang tao. Binabanggit din nito angmaraming tapat na taong di-pinanganlan. Halimba-

wa, kilalang-kilala ang pangalan ni Eva, ang unangbabae. Pero ang kaniyang kasakiman at di-pagsunod

ay nag-udyok kay Adan na magkasala, at nagdulotng kapaha-pahamak na resulta para sa ating lahat.

(Roma 5:12) Sa kabaligtaran, ang asawa naman niNoe ay hindi pinanganlan sa Kasulatan. Pero malaki

ang utang na loob natin sa kaniya dahil sa kaniyangmapagsakripisyo at masunuring saloobin sa pagsu-porta sa napakahalagang gawain ng kaniyang asa-

wa. Maliwanag, ang di-pagbanggit sa kaniyang pa-ngalan ay hindi nagpapahiwatig na siya ay walang

halaga o hindi sinasang-ayunan ng Diyos.May iba pang di-pinanganlang indibiduwal sa Bibli-

ya na gumanap ng mahahalagang papel sa layuninni Jehova. Isipin ang batang babaing Israelita na ali-

pin sa sambahayan ni Naaman, ang pinuno ng huk-bo ng Sirya. Lakas-loob niyang sinabi sa kaniyang

among babae, na asawa ni Naaman, ang tungkolsa propeta ni Jehova sa Israel. Dahil dito, nagkaro-

on ng malaking himala. (2 Hari 5:1-14) Nag-iwan din

ng natatanging halimbawa ng pananampalataya anganak na babae ng hukom ng Israel na si Jepte. Kusaniyang tinalikdan ang pagkakataong mag-asawa atmag-anak upang tuparin ang panata ng kaniyangama. (Hukom 11:30-40) Hindi rin pinanganlan angmahigit 40 mangangatha ng awit, gayundin ang ta-pat na mga propeta na nagsagawa ng kanilang ma-hahalagang atas.—1 Hari 20:37-43.

Marahil lalo nang kahanga-hanga ang halimba-wa ng tapat na mga anghel. May daan-daang mil-yong anghel, ngunit dalawa lamang ang pinanganlansa Bibliya—sina Gabriel at Miguel. (Daniel 7:10; Lu-cas 1:19; Judas 9) Ang lahat ng iba pa ay di-pina-nganlan sa mga ulat ng Bibliya. Halimbawa, tinanongni Manoa, na ama ni Samson, ang isang anghel:“Ano ang pangalan mo, upang kapag nagkatotoo angiyong salita ay maparangalan ka namin?” Ang sagotng anghel? “Bakit mo pa itinatanong ang pangalanko?” Mapagpakumbabang tinanggihan ng anghel naiyon ang karangalan na nararapat lamang sa Diyos.—Hukom 13:17, 18.

Hindi ipinaliliwanag ng Bibliya sa bawat kaso kungbakit ang ilan ay pinanganlan at ang iba naman ayhindi. Pero marami tayong matututuhan sa tapat namga indibiduwal na naglingkod sa Diyos na hindiumaasang maging tanyag o prominente. ˇ

TANONG NG MGA MAMBABASA . . .

Bakit hindi pinanganlan ang ilang tauhan sa Bibliya?

Naniniwala ka ba sa Diyos? Kung oo, mapatutunayanmo ba na talagang umiiral siya? Ang totoo, kahit saantayo tumingin, may katibayan na umiiral ang isangMaylalang na matalino, makapangyarihan, at maibi-gin. Ano ang katibayang ito, at nakakukumbinsi ba ito?Para malaman ang sagot, isaalang-alang ang sinabi niapostol Pablo sa kaniyang liham sa mga Kristiyano saRoma.

Sinabi ni Pablo tungkol sa Diyos: “Ang kaniyang di-nakikitang mga katangian ay malinaw na nakikita mulapa sa pagkalalang ng sanlibutan, sapagkat napag-uunawa ang mga ito sa pamamagitan ng mga bagayna ginawa, maging ang kaniyang walang-hanggang ka-pangyarihan at pagka-Diyos, anupat wala silang mai-dadahilan.” (Roma 1:20) Malinaw na makikita sa mgagawa ng Maylalang ang katibayan na umiiral siya, gayang binanggit ni Pablo. Suriin natin ang sinabi ni Pablo.

Makikita ang mga katangian ng Diyos “mula pa sapagkalalang ng sanlibutan,” ang sabi ni Pablo. Sa kon-teksto nito, ang salitang Griego na isinaling “sanlibu-tan” ay hindi tumutukoy sa planetang Lupa. Sa halip,tumutukoy ito sa sangkatauhan.� Kaya, sinasabi ni Pa-blo na mula nang lalangin ang mga tao, makikita nilaang katibayan ng mga katangian ng Diyos sa mga ba-gay na kaniyang ginawa.

Kitang-kita ang katibayang iyan. Hindi ito nakatagosa kalikasan kundi “malinaw na nakikita.” Mula sa pi-nakamalaki hanggang sa pinakamaliit na nilalang, ma-linaw na isinisiwalat ng mga ito hindi lamang ang pag-iral ng isang Maylalang kundi na mayroon din siyangkahanga-hangang mga katangian. Hindi ba isinisiwalatsa atin ng matalinong disenyo, na kitang-kita sa kalika-san, ang karunungan ng Diyos? Hindi ba isinisiwalatng mabituing kalangitan at ng hampas ng malalakingalon ang kaniyang kapangyarihan? Hindi ba isinisiwa-lat ng sari-saring pagkain na kasiya-siya sa ating panla-

� Binabanggit din ng Bibliya na ang “sanlibutan” ay nagkakasalaat nangangailangan ng isang tagapagligtas. Maliwanag na ipinakiki-ta nito na sa mga kontekstong ito, ang termino ay tumutukoy sa sang-katauhan at hindi sa lupa.—Juan 1:29; 4:42; 12:47.

sa at ng kagandahan ng pagsikat at paglubog ng arawang kaniyang pag-ibig para sa sangkatauhan?—Awit

104:24; Isaias 40:26.

Gaano kalinaw ang katibayan? Napakalinaw, anupat

ang mga hindi nakakakita nito at tumatangging mani-

wala sa Diyos ay ‘walang maidadahilan.’ Ganito ang

paglalarawan dito ng isang iskolar: May isang drayber

na hindi nagbigay-pansin sa isang sign na nagsasabing

“Detour—Turn Left.” Pinahinto siya ng isang pulis at ti-

nikitan. Nangatuwiran ang drayber na hindi niya naki-

ta ang sign. Pero hindi siya pinaniwalaan ng pulis dahil

kitang-kita ang sign at wala namang diperensiya ang

paningin ng drayber. Isa pa, bilang isang drayber, pa-nanagutan niyang tingnan at sundin ang mga sign. Ga-yundin kung tungkol sa katibayan ng pag-iral ng Diyossa kalikasan. Kitang-kita ang “sign” na ito. Bilang ma-tatalinong nilalang, nakikita natin ito. Walang dahilanpara hindi magbigay-pansin dito.

Oo, maraming isinisiwalat ang aklat ng paglalangtungkol sa ating Maylalang. Pero may isa pang aklat nanagsisiwalat nang higit pa tungkol sa kaniya—ang Bibli-ya. Sa mga pahina nito, malalaman natin ang sagotsa napakahalagang tanong na ito: Ano ang layunin ngDiyos para sa ating lupa at sa mga taong nakatira dito?Kung aalamin mo ang sagot sa tanong na iyan, matu-tulungan ka nitong maging mas malap

´ıt sa Diyos na

ang “di-nakikitang mga katangian ay malinaw na naki-kita” sa daigdig. ˇ

MAGING MALAP´IT SA DIYOS

“Ang Kaniyang Di-nakikitangmgaKatangian ay Malinaw na Nakikita”

Malinaw na makikitasa mga gawa ng Maylalangang katibayan na umiiral siya

PAGBABASA NG BIBLIYA PARA SA AGOSTO

Roma 1-16

12 � ANG BANTAYAN

SI Noe at ang kaniyang pamilya ay magkakatabi ha-bang bumubuhos ang napakalakas na ulan. Isip-

isipin ang hitsura nila—makikita sa liwanag ng aan-dap-andap na lampara ang kanilang mukha, nanlalakıang kanilang mga mata habang naririnig nila ang bu-hos ng ulan sa bubong at ang hampas ng tubig sa mgagilid ng arka. Tiyak na nakabibingi ang ingay.

Habang pinagmamasdan ni Noe ang mga mukhang kaniyang mahal na pamilya—ang kaniyang tapat naasawa at tatlong anak na lalaki kasama ang kani-kani-lang asawa—tiyak na nag-uumapaw sa pasasalamatang kaniyang puso. Sa mahirap na panahong iyon,malamang na panatag siya dahil kasama niya ang ka-niyang mga pinakamamahal sa buhay. Lahat sila ayligtas at buhay. Tiyak na pinangunahan niya ang kani-yang pamilya sa panalangin ng pasasalamat, na inila-lakas ang kaniyang tinig para marinig nila siya sa ka-bila ng ingay.

Matibay ang pananampalataya ni Noe. Dahil dito,siya at ang kaniyang pamilya ay iningatan ng kaniyangDiyos, si Jehova. (Hebreo 11:7) Hindi na ba nila kaila-ngan ang pananampalataya ngayong nagsimula nangbumuhos ang ulan? Sa kabaligtaran, lalo nilang kaka-ilanganin iyon sa mahihirap na panahong darating. To-too rin iyan sa atin sa maligalig na panahong ito. Kayatingnan natin kung ano ang matututuhan natin sa pa-nanampalataya ni Noe.

“APATNAPUNG ARAW AT APATNAPUNG GABI”

Sa labas ng arka, patuloy na bumubuhos ang ulan“nang apatnapung araw at apatnapung gabi.” (Gene-sis 7:4, 11, 12) Habang patuloy na tumataas ang tubig,nakikita ni Noe na iniingatan ng kaniyang Diyos na siJehova ang mga matuwid at kasabay nito ay pinaruru-sahan ang mga masama.

Pinahinto ng Baha ang paghihimagsik na sumiklabsa gitna ng mga anghel. Palibhasa’y naimpluwensiya-han ng sakim na saloobin ni Satanas, iniwan ng mara-ming anghel ang kanilang “wastong tahanang dako”sa langit upang sumiping sa mga babae, at nagkaa-nak ng mga mestiso na tinatawag na Nefilim. (Judas 6;Genesis 6:4) Tiyak na tuwang-tuwa si Satanas habangnagaganap ang rebelyong iyon, dahil lalo pa nitongpinasama ang tao, ang pinakamahalagang nilalang niJehova sa lupa.

Pero habang tumataas ang tubig-baha, napilitangiwan ng mga rebeldeng anghel ang kanilang kata-wang-tao at bumalik sa espiritung kalagayan, at hin-di na sila maaaring muling magkatawang-tao. Iniwannila ang kanilang mga asawa’t anak at hinayaang ma-matay ang mga ito sa tubig-baha, kasama ng lipunangiyon ng mga tao.

Mula noong panahon ni Enoc, halos pitong siglobago nito, nagbabala na si Jehova na lilipulin Niya angmga taong masama at di-makadiyos. (Genesis 5:24; Ju-das 14, 15) Mula noon, lalo pang sumama ang mga tao,anupat ipinapahamak ang lupa at pinupuno ito ng ka-rahasan. Ngayon, malilipol na sila. Nagsaya ba si Noeat ang kaniyang pamilya dahil sa paglipol na iyon?

Hindi! Ni nagsaya man ang kanilang maawaingDiyos. (Ezekiel 33:11) Ginawa ni Jehova ang lahat parailigtas ang marami hangga’t maaari. Inutusan niya siEnoc na magbigay ng babala, at inutusan naman niyasi Noe na gumawa ng arka. Kitang-kita ng mga tao ha-bang puspusang nagtatrabaho si Noe at ang kaniyangpamilya sa napakalaking proyektong iyon sa loob ngmga dekada. Isa pa, inatasan ni Jehova si Noe na ma-ging “mangangaral ng katuwiran.” (2 Pedro 2:5) Gayani Enoc na nauna sa kaniya, nagbabala siya sa mga tao

TULARAN ANG KANILANG PANANAMPALATAYA � NOE

‘Iningatan Siyang LigtasKasamang Pitong Iba Pa’

AGOSTO 1, 2013 � 13

tungkol sa darating na paghatol. At paano sila tumu-gon? Ganito ang sinabi ni Jesus, na nakasaksi sa mgapangyayari mula sa langit, hinggil sa mga tao noongpanahon ni Noe: “Hindi sila nagbigay-pansin hang-gang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat.”—Mateo 24:39.

Gunigunihin kung ano ang ginagawa ni Noe at ngkaniyang pamilya noong unang 40 araw na iyon pag-katapos isara ni Jehova ang pinto ng arka. Habangaraw-araw na bumubuhos ang malakas na ulan saarka, malamang na silang walo ay nagkaroon ng rutin—inaalagaan nila ang isa’t isa, inaayos ang kanilang ta-hanan, at inaasikaso ang pangangailangan ng mga ha-yop. Pero biglang yumanig ang pagkalaki-laking arka.Gumagalaw na ito! Habang dinuduyan ng tumataasna tubig, patuloy na umaangat ang arka, hanggang sa“iyon ay lumutang nang mataas sa ibabaw ng lupa.”(Genesis 7:17) Isa ngang kamangha-manghang pagta-tanghal ng kapangyarihan ng Diyos na Makapangya-rihan-sa-lahat, si Jehova!

Tiyak na gayon na lamang ang pasasalamat ni Noe—hindi lamang dahil ligtas siya at ang kaniyang pa-milya, kundi dahil din sa awa ni Jehova anupat gina-mit sila para babalaan ang mga taong nalipol sa labasng arka. Bago nito, baka parang walang-kabuluhanang pagpapagal na ginagawa nila sa loob ng mara-ming taon. Ayaw tumugon ng mga tao! Isip-isipin ito—malamang na bago ang Baha, may mga kapatid atmga pamangkin si Noe; pero walang isa man malibansa kaniyang pamilya ang nakinig sa kaniya. (Genesis5:30) Ngayon, habang magkakasamang ligtas sa loobng arka ang walong kaluluwang iyon, tiyak na napati-bay sila sa paggunita sa lahat ng panahong ginugolnila upang bigyan ng pagkakataon ang mga tao na ma-ligtas.

Si Jehova ay hindi nagbabago mula pa noong pa-nahon ni Noe. (Malakias 3:6) Ipinaliwanag ni Jesu-Kristo na ang ating panahon ngayon ay katulad ng“mga araw ni Noe.” (Mateo 24:37) Nabubuhay tayosa isang inihulang panahon, isang panahon ng ma-laking kabagabagan na matatapos kapag pinuksa naang masamang sistema ng mga bagay ng daigdig. Angmga lingkod ng Diyos sa ngayon ay nagdadala ng ba-balang mensahe sa lahat ng makikinig. Tutugon ka basa mensaheng iyan? Kung tinanggap mo na ang kato-tohanan ng nagliligtas-buhay na mensaheng iyan, sa-sabihin mo rin ba ito sa iba? Si Noe at ang kaniyangpamilya ay nag-iwan ng halimbawa para sa ating lahat.

Tiyak na pinangunahan ni Noe ang pamilyasa pagsamba kahit sa pinakamahihirap na panahon

“DINALANG LIGTAS SA TUBIG”

Habang tinatangay ng dumadaluyong na karagatanang arka, tiyak na naririnig ng mga nasa loob nito angpaglangitngit ng napakalalaking kahoy. Nag-alala ba siNoe sa malalaking alon o sa katatagan ng arka? Hin-di. Maaaring pag-alinlanganan iyan ng ilan sa ngayon,pero hindi si Noe. Sinasabi ng Bibliya: ‘Sa pananam-palataya si Noe ay nagtayo ng arka.’ (Hebreo 11:7) Saano nanampalataya si Noe? Si Jehova ay nakipagtipankay Noe, isang pormal na kasunduan, na ililigtas niyaito sa Delubyo at ang lahat ng kasama nito. (Genesis6:18, 19) Hindi ba kayang ingatan ng Isa na lumalangng uniberso, ng lupa, at ng lahat ng nabubuhay na ba-gay rito ang arkang iyon? Siyempre kaya niya! Tama la-mang na magtiwala si Noe na tutuparin ni Jehova angKaniyang pangako. At nangyari nga ito—siya at ang ka-niyang pamilya ay “dinalang ligtas sa tubig.”—1 Pedro3:20.

Sa wakas, huminto ang ulan pagkaraan ng 40 arawat 40 gabi. Sa ating kalendaryo, ito ay noong mga Di-syembre 2370 B.C.E. Pero hindi pa tapos ang paglalak-bay ng pamilya. Ang sasakyang iyon na puno ng na-bubuhay na nilalang ay ipinadpad sa dagat, sa ibabawpa nga ng matataas na bundok. (Genesis 7:19, 20) Ma-guguniguni natin si Noe na isinasaayos ang mabibigatna trabaho. Kasama ng kaniyang mga anak—sina Sem,Ham, at Japet—pinakakain nila at pinananatiling ma-linis at malusog ang lahat ng hayop. Siyempre pa, angDiyos na nagpaamo sa lahat ng maiilap na hayop naiyon para maipasok sa arka ay kaya ring magpanati-li sa mga ito sa gayong kalagayan noong panahon ngBaha.�

Maliwanag na nag-ingat si Noe ng rekord ng mgapangyayari. Sinasabi nito kung kailan nagsimula athuminto ang ulan. Sinasabi rin nito na inapawan ngtubig ang lupa sa loob ng 150 araw. Sa wakas, nagsi-mula nang humupa ang tubig. Isang araw, ang arka aysumadsad sa “mga bundok ng Ararat,” na nasa ma-kabagong-panahong Turkey. Iyan ay noong mgaAbril 2369 B.C.E. Pagkaraan ng 73 araw, noong Hun-yo, lumitaw ang taluktok ng mga bundok. Pagkalipasng tatlong buwan, noong Setyembre, nagpasiya si Noena alisin ang ilang bahagi ng pantakip ng arka, o bu-

� Sinasabi ng ilan na posibleng pinanatili ng Diyos ang mga ha-yop sa kalagayang hindi aktibo, gaya ng pagtulog, nang sa gayo’ymabawasan ang pangangailangan nilang kumain. Ginawa man niyaiyon o hindi, talagang tinupad niya ang kaniyang pangako, anupattinitiyak na ligtas at buhay ang lahat ng sakay ng arka.

bong. Tiyak na napawi ang pagod nila nang puma-sok ang liwanag at sariwang hangin sa loob ng arka.Bago nito, sinubukan at tiningnan ni Noe kung lig-tas at puwede nang tirhan ang lupa. Nagpalipad siyang uwak, na nagpabalik-balik at marahil ay dumaposa arka sa bawat paglipad. Pagkatapos, nagpalipad siNoe ng isang kalapati, na paulit-ulit na bumalik sa ka-niya hanggang sa wakas ay nakasumpong ito ng ma-dadapuan.—Genesis 7:24–8:13.

Tiyak na pangunahin pa rin kay Noe ang espiritu-wal na mga bagay. Marahil maiisip natin ang pamil-yang iyon na regular na nagtitipun-tipon para manala-ngin at mag-usap tungkol sa kanilang Ama sa langitna nagligtas sa kanila. Nagtiwala si Noe kay Jehova sabawat mahalagang desisyon. Kahit noong makita niNoe na ‘lubusan nang natuyo’ ang lupa—pagkalipasng mahigit isang taon sa loob ng arka—hindi pa rinniya binuksan ang pinto at pinangunahan ang pagla-bas sa arka. (Genesis 8:14) Hindi, naghintay siya kayJehova!

Maraming matututuhan ang mga ulo ng pamilya sangayon sa tapat na lalaking iyon. Siya ay organisado,masipag, matiyaga, at maalaga sa kaniyang pamilya.Pero ang pinakamahalaga, inuuna niya ang kaloobanng Diyos na Jehova sa lahat ng bagay. Kung tutularannatin ang pananampalataya ni Noe, magdudulot tayong mga pagpapala sa mga mahal natin sa buhay.

“LUMABAS KA SA ARKA”

Sa wakas, inutusan ni Jehova si Noe: “Lumabas kasa arka, ikaw at ang iyong asawa at ang iyong mgaanak at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasa-ma mo.” Masunuring lumabas si Noe at ang pamil-ya niya pati ang lahat ng hayop. Paano? Nagtakbuhanba ang mga ito at nag-unahan? Hindi. Sinasabi ng ulatna “ayon sa kani-kanilang pamilya ay lumabas sila saarka.” (Genesis 8:15-19) Nang nasa labas na sila, nanilalanghap ang sariwang hangin at pinagmamasdanang bulubundukin ng Ararat, nakita ni Noe at ng ka-niyang pamilya ang isang nilinis na lupa. Wala na angNefilim, karahasan, rebeldeng mga anghel, at ang bu-ong lipunang iyon ng napakasamang mga tao!� Maypagkakataon nang magsimula ng isang bagong buhayang sangkatauhan.

� Nawala rin sa lupa ang anumang bakas ng orihinal na Hardinng Eden, na malamang ay pinawi ng tubig-baha. Kung gayon, ma-kababalik na sa langit ang mga kerubing nagbabantay sa pasukan,yamang tapos na ang kanilang 1600-taong atas.—Genesis 3:22-24.

14 � ANG BANTAYAN

Alam ni Noe kung ano ang gagawin. Inuna niyaang pagsamba. Gumawa siya ng isang altar at gina-mit ang ilang hayop na itinuturing ng Diyos na mali-nis—na dinala nila sa loob ng arka nang “tigpipito”—at inihandog ang mga haing sinusunog kay Jehova.(Genesis 7:2; 8:20) Nalugod ba si Jehova sa pagsam-bang iyon?

Ganito ang sagot ng Bibliya: “Sinamyo ni Jehovaang nakagiginhawang amoy.”Ang kirot na nadama ngDiyos nang punuin ng mga tao ng karahasan ang da-igdig ay napalitan ng ginhawa at kasiyahan. Nakitaniya ang isang pamilya ng tapat na mga mananambasa lupa na determinadong gumawa ng kaniyang kalo-oban. Hindi inaasahan ni Jehova na sila ay magigingsakdal. Sinabi pa ng talatang iyon: “Ang hilig ng pusong tao ay masama magmula sa kaniyang pagkabata.”(Genesis 8:21) Isaalang-alang kung paano pa ipinaki-ta ni Jehova ang kaniyang pagtitiis at pagkahabag parasa sangkatauhan.

Inalis ng Diyos ang sumpa sa lupa. Nang maghi-magsik sina Adan at Eva, binigkas ng Diyos ang sum-pang iyon, anupat naging mahirap sakahin ang lupa.Pinanganlan ni Lamec ang kaniyang anak na Noe—namalamang na nangangahulugang “Kapahingahan,” o“Kaaliwan.” Inihula niya na ang kaniyang anak aymagdadala sa tao sa panahon ng kapahingahan mulasa sumpang iyon. Tiyak na nangiti si Noe nang matan-to niya na makikita na niya ang katuparan ng hulangiyon at na ang lupa ay magiging mas madali nang sa-kahin. Hindi kataka-takang nagsimulang magsaka siNoe!—Genesis 3:17, 18; 5:28, 29; 9:20.

Nang panahon ding iyon, si Jehova ay nagbigay salahat ng inapo ni Noe ng malinaw at simpleng mgautos upang maging gabay nila sa buhay—kabilang naang pagbabawal sa pagpaslang at maling paggamit ng

dugo. Nakipagtipan din ang Diyos sa sangkatauhan,na nangangakong hindi na siya kailanman magpapa-sapit ng baha para lipulin ang lahat ng buhay sa lupa.Upang patunayan na maaasahan ang kaniyang salita,ipinakita ni Jehova sa mga tao sa unang pagkakataonang maluwalhati at napakagandang bahaghari. Hang-gang sa ngayon, sa tuwing nakakakita tayo ng bahag-hari, naaalaala natin ang maibiging pangako ni Jeho-va.—Genesis 9:1-17.

Kung ang kuwento ni Noe ay kathang-isip lamang,maaaring magtapos na ito sa paglitaw ng bahaghari.Pero talagang umiral si Noe, at ang kaniyang buhayay hindi naging madali. Mas mahaba ang buhay ngtao noon, kaya ang tapat na taong iyon ay nabuhay panang 350 taon, at ang mga dantaong iyon ay nagdulotsa kaniya ng labis na pasakit. Nakagawa siya ng ma-lubhang pagkakasala nang minsan siyang malango saalak. Pero pinalala pa ng kaniyang apo na si Cana-an ang pagkakamaling iyon sa paggawa ng mas ma-lubhang kasalanan na nagdulot ng masaklap na re-sulta sa pamilya ni Canaan. Nakita pa ni Noe nangang kaniyang mga inapo ay gumawa ng mga kasala-nang gaya ng idolatriya at karahasan noong panahonni Nimrod. Pero nakita naman ni Noe ang kaniyanganak na si Sem na nagpakita sa kaniyang pamilya ngmagandang halimbawa ng pananampalataya.—Gene-sis 9:21-28; 10:8-11; 11:1-11.

Tulad ni Noe, kailangan nating manatiling tapat sakabila ng mga problema. Kung hindi kinikilala ng ibaang tunay na Diyos o huminto pa nga sa paglilingkodsa kaniya, kailangan nating manatiling tapat gaya niNoe. Lubhang pinahahalagahan ni Jehova ang tapatna nagbabata. Gaya ng sinabi ni Jesu-Kristo, “siya nanakapagbata hanggang sa wakas ang siyang malilig-tas.”—Mateo 24:13. ˇ

Lumabas si Noe at ang kaniyang pamilya mula sa arka tungo sa isang nilinis na lupa

AGOSTO 1, 2013 � 15

ANO BA Talaga

ANG ITINUTURO

NG BIBLIYA?

wp

13

08

/01

-TG

13

05

08

Pinakikinggan ba ng Diyosang lahat ng panalangin?Ang Diyos ay nakikinig sa mga tao ng lahat ng ban-sa. (Awit 145:18, 19) Hinihimok tayo ng kaniyang Salita,ang Bibliya, na makipag-usap sa kaniya tungkol sa anu-mang bagay na ikinababahala natin. (Filipos 4:6, 7) Peroang ilang panalangin ay hindi nakalulugod sa Diyos. Ha-limbawa, hindi nakalulugod sa kaniya ang pag-uulit ngsauladong mga panalangin.—Basahin ang Mateo 6:7.Hindi rin nakalulugod kay Jehova ang mga panala-

ngin ngmga taong sadyang nagwawalang-bahala sa ka-niyang kautusan. (Kawikaan 28:9) Halimbawa, noongpanahon ng Bibliya, hindi pinakinggan ng Diyos angmga Israelita na nagkasala ng pagpaslang. Maliwanag,dapat natingmaabot angmga kahilingan upang paking-gan tayo ng Diyos.—Basahin ang Isaias 1:15.

Ano ang dapat nating gawinupang pakinggan tayo ng Diyos?Hindi tayo maaaring lumapit sa Diyos sa panalanginkung wala tayong pananampalataya. (Santiago 1:5, 6)Dapat na kumbinsido tayo na siya ay umiiral at na nag-mamalasakit siya sa atin. Mapatitibay natin ang atingpananampalataya sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bi-bliya sapagkat ang tunay na pananampalataya ay sa-lig sa katibayan at katiyakan na nasa Salita ng Diyos.—Basahin ang Hebreo 11:1, 6.Dapat tayong manalangin nang taimtim at may kapa-

kumbabaan. Kahit si Jesus na Anak ng Diyos ay ma-pagpakumbaba kapag nananalangin. (Lucas 22:41, 42)Kaya sa halip na sabihan ang Diyos kung ano ang dapatgawin, dapat nating unawain ang kaniyang mga kahi-lingan sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya. Sagayon ay makapananalangin tayo ayon sa kalooban ngDiyos.—Basahin ang 1 Juan 5:14.

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

ALAMIN ONLINE ANG SAGOT SAIBA PANG MGA TANONG SA BIBLIYA

Bakitmaaaring hindi kalugud-lugodsaDiyos ang ilang panalangin?

Para sa higit pangimpormasyon, tingnanang kabanata 17 ng aklatna ito na inilalathala ngmga Saksi ni JehovaMada-download sawww.jw.org/tl

sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Bibliya online samga 50 wika

Magpunta sawww.jw.org/tlo i-scan ang code

no

p