16
34567 OKTUBRE 1, 2013 ANO ANG NILALAMAN NG BIBLIYA?

ANO ANG NILALAMAN - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/49/wp_TG_20131001.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. ... —“Si

  • Upload
    leliem

  • View
    316

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

34567OKTUBRE 1, 2013

ANO ANGNILALAMANNG BIBLIYA?

34567OKTUBRE 1, 2013

ANO ANG

NILALAMANNG BIBLIYA?

Gusto mo ba nghigit pang impormasyono libreng pag-aaral ngBibliya sa iyong tahanan?

Magpunta sa www.jw.org /tlo ipadala ang iyong requestsa isa sa mga adres sa ibaba.

Para sa PILIPINAS:Jehovah’s WitnessesPO Box 20441060 Manila

Para sa UNITED STATES OF AMERICA:Jehovah’s Witnesses25 Columbia HeightsBrooklyn, NY 11201-2483

Para sa adres sa iba pang mga bansa,tingnan ang www.jw.org/tl/contact.

˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙

ANG MAGASING ITO, Ang Bantayan,ay nagpaparangal sa Diyos naJehova, ang Tagapamahala nguniberso. Inaaliw nito ang mga taosa pamamagitan ng mabutingbalita na di-magtatagal, wawakasanng Kaharian ng Diyos sa langit anglahat ng kasamaan at gagawingparaiso ang lupa. Pinasisigla nitoang mga tao na manampalatayakay Jesu-Kristo, na namatay paramagkaroon tayo ng pag-asangmabuhay nang walang hanggan atnamamahala na ngayon bilang Harisa Kaharian ng Diyos. Ang magasingito ay walang pinapanigan sa pulitikaat patuloy na inilalathala mula panoong 1879. Sinusunod nito angBibliya bilang awtoridad.

Publishers: Watchtower Bible and Tract Societyof New York, Inc. � 2013 Watch Tower Bibleand Tract Society of Pennsylvania. All rightsreserved. Printed in Japan.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaanito bilang bahagi ng pambuong-daigdig napagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ngkusang-loob na mga donasyon. Malibang ibaang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng Banal

na Kasulatan.

Magpatuloy sa Buhay Pagkatapos ng Diborsiyo 8

Maging Malapıt sa Diyos—“Si Jehova ay Lubusang Nagpatawad sa Inyo” 11

Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay 12

Paano Ka Naaapektuhan ng Kulay? 14

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya 16

34567Limbag sa Bawat Isyu:44,978,000 SA 209 NA WIKA OKTUBRE 1, 2013�����������������������������������������������������������������������������������������������������������

TAMPOK NA PAKSA

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������

SA ISYU RING ITO

s BASAHIN ONLINE � www.jw.org /tl

Vol. 134, No. 19OCTOBER 1, 2013

SemimonthlyTAGALOG

Ano ang Nilalaman ng Bibliya? PAHINA 3-7

Bakit Ka Dapat Maging Interesado sa Bibliya? 3

Paano Tayo Umiral? 4Ang Ginawa ng Diyos Para Iligtas ang Tao 5“Nasumpungan Na Namin ang Mesiyas”! 6Mabuting Balita Para sa Lahat ng Tao 7

KARANIWANG MGA TANONG TUNGKOLSA MGA SAKSI NI JEHOVA—Bakit Kayo Nagbabahay-bahay?

(Tingnan sa TUNGKOL SA AMIN ˛ KARANIWANG MGA TANONG)

r

MADA-DOWNLOAD ANGMAGASING ITO SA

IBA’T IBANG FORMAT

(

(

Ang Bibliya ang pinakapopular na aklat sa daigdig.Bakit? Una sa lahat, madali itong maunawaan. Nag-lalaman ito ng mga ulat tungkol sa buhay ng tunayna mga tao at ang kaniIang ugnayan sa isa’t isa at saDiyos. Ang mga ulat na ito ay may praktikal na mgaaral na isinulat sa simpleng pananalita na maisasa-lin sa daan-daang wika at mauunawaan ng mga taosaanman sila nakatira o sa anumang yugto ng pana-hon. Isa pa, ang mga simulain ng Bibliya ay lagingmabisa.

Higit sa lahat, ang Bibliya ay hindi lamang isangaklat tungkol sa Diyos kundi isa ring aklat mulasa Diyos. Sinasabi nito kung ano ang pangalan ngDiyos, ang kaniyang mga katangian, at ang kani-yang di-nagbabagong layunin sa paglalang sa lupaat sa tao. Sinasabi rin sa Bibliya ang matagal nanglabanan sa pagitan ng mabuti at masama: isang ma-gandang kuwento na may masayang wakas. Kungbabasahin natin ang Bibliya na may bukas na isip,magkakaroon tayo ng pananampalataya at pag-asa.

Ang Bibliya ay naglalaman ng impormasyon nahindi natin makikita saanman. Halimbawa, sinasa-bi sa atin ng Bibliya ang katotohanan tungkol samga paksang tulad ng mga sumusunod:

ˇ Kung saan tayo nagmula at kung bakit tayo nag-durusaˇ Kung ano ang ginawa ng Diyos para tubusin angmga taoˇ Kung ano ang ginawa ni Jesus para sa atinˇ Kung ano ang kinabukasan ng lupa at ng tao

Bakit hindi mo basahin ang sumusunod na mgapahina at tingnan kung ano ang nilalaman ngBibliya?

TAMPOK NA PAKSA

Bakit Ka DapatMaging Interesadosa Bibliya?

OKTUBRE 1, 2013 � 3

Tema: Kung paano isasauli ng makala-

ngit na Kaharian ng Diyos ang katuwiran

at kapayapaan sa lupa

Nilalaman: 39 na aklat sa wikang

Hebreo (ang ilang talata ay sa wikang

Aramaiko) at 27 aklat sa wikang Griego

Isinulat: Sa loob ng mahigit 1,600

taon, mula 1513 B.C.E. hanggang mga

98 C.E., ng mga 40 manunulat

Wika: Naisalin na ngayon sa mahigit

2,500, ang buo o ilang bahagi nito

MAIKLING IMPORMASYONTUNGKOL SA BIBLIYA

4 � ANG BANTAYAN

Sa simpleng pananalita, ipinaliliwanag ng Genesis,ang unang aklat ng Bibliya, ang pinagmulan ng uni-berso: “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang la-ngit at ang lupa.” (Genesis 1:1) Pagkatapos lalanginng Diyos ang mga halaman at hayop, nilalang niyaang unang mga tao, sina Adan at Eva. Ibang-iba silasa mga hayop dahil taglay nila sa ilang antas ang mgakatangian ng Diyos. Binigyan din sila ng Diyos ng ka-layaang magpasiya. Kaya sila ang may pananagutan

sa kanilang mga pasiya. Kung susundin nila ang mgatagubilin ng Diyos, maaari silang maging bahagi nglayunin niya bilang unang mga magulang ng pamilyang tao na magtatamasa ng mapayapa at sakdal nabuhay sa lupa magpakailanman.

Gayunman, sinamantala ng isang anghel, o espi-ritung nilalang, ang pagkakataong gamitin ang mgatao para sa kaniyang sakim na pakinabang. Kaya siyaay naging Satanas, na nangangahulugang “Manana-lansang.” Nilinlang ni Satanas si Eva sa pamamagi-tan ng isang serpiyente. Sinabi niya na mapapabutisi Eva kung wala ang patnubay ng Diyos. Sinunodnina Adan at Eva si Satanas, anupat sinira ang kaug-nayan nila sa kanilang Maylikha. Dahil sa kanilangmaling pasiya, naiwala ng ating unang mga magu-lang ang walang-hanggang buhay at naipasa sa atinang kasalanan, di-kasakdalan, at di-matatakasangkamatayan.

Kaagad na ipinahayag ng Diyos ang kaniyang layu-nin na ayusin ang masamang sitwasyong ito at big-yan ang magiging mga inapo ni Adan ng pagkakata-ong magtamo ng buhay na walang hanggan. Inihulang Diyos na isang “binhi”—isang pantanging indibi-duwal—ang pupuksa kay Satanas at mag-aalis sa la-hat ng pagdurusang idinulot ni Satanas, ni Adan, atni Eva. (Genesis 3:15) Sino ang magiging “binhi” naiyon? Panahon lang ang makapagsasabi.

Samantala, patuloy na sinisikap ni Satanas na bi-guin ang mabuting layunin ng Diyos. Mabilis na lu-maganap ang kasalanan at kasamaan. Ipinasiya ngDiyos na puksain ang masasama sa pamamagitan ngisang baha. Inutusan niya si Noe na gumawa ng arka—isang napakalaking lumulutang na kahon—parailigtas ang kaniyang sarili at ang pamilya niya, ka-sama ang mga hayop na iniutos ng Diyos na ipasoksa arka.

Isang taon pagkatapos magsimula ang Baha, siNoe at ang kaniyang pamilya ay lumabas sa arka tu-ngo sa isang nilinis na lupa. Pero hindi pa rin lumili-taw ang “binhi.”—Batay sa Genesis, kabanata 1-11; Judas 6, 14, 15; Apoca-lipsis 12:9.

Paano Tayo Umiral?

OKTUBRE 1, 2013 � 5

Ipinangako ng Diyos sa tapat na si Abraham na anginihulang “binhi” ay magmumula sa kaniyang mgainapo. Sa pamamagitan ng binhing iyon, pagpapala-in ang mga tao ng “lahat ng bansa.” (Genesis 22:18)Nang maglaon, lumipat sa Ehipto ang apo ni Abra-ham na si Jacob, kung saan ang pamilya niya ay lu-maki at naging ang sinaunang bansang Israel.

Pagkaraan nito, isang malupit na Paraon sa Ehip-to ang umalipin sa mga Israelita. Ginamit ng Diyosang propetang si Moises para akayin ang Israel pa-labas ng Ehipto. Tumawid sila sa Dagat na Pula, naang tubig ay makahimalang nahati. Pagkatapos, angDiyos ay nagbigay ng kautusan sa Israel, kasamana ang Sampung Utos, para gabayan at protektahansila. Espesipikong binanggit ng mga kautusan angmga handog para sa kapatawaran ng mga kasalanan.Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, sinabi ni Moises saIsrael na magsusugo ang Diyos ng isa pang prope-ta. Ang propetang iyon ang magiging ipinangakong“binhi.”

Pagkalipas ng mahigit 400 taon, ipinangako ngDiyos kay Haring David na ang darating na “binhi”na inihula sa Eden ay mamamahala sa isang kahari-an na mananatili magpakailanman. Ang isang iyonang magiging Mesiyas, ang Manunubos na inatasanng Diyos na magligtas sa sangkatauhan at magsauling Paraiso sa lupa.

Sa pamamagitan ni David at ng iba pang propeta,unti-unting isiniwalat ng Diyos ang higit pa tungkolsa Mesiyas. Inihula nila na siya ay magiging mapag-pakumbaba at mabait at na sa ilalim ng kaniyang pa-mamahala, magwawakas ang gutom, kawalang-kata-rungan, at digmaan. Magkakaroon ng kapayapaanang mga tao sa isa’t isa at maging sa mga hayop. Angsakit, pagdurusa, at kamatayan—na hindi kailanmanbahagi ng orihinal na layunin ng Diyos—ay mawawa-la na, at mabubuhay-muli sa lupa ang mga namatay.

Inihula ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Mi-kas na ang Mesiyas ay ipanganganak sa Betlehem. Sapamamagitan naman ni propeta Daniel, inihula ngDiyos na ang Mesiyas ay papatayin. Pero ibabangonng Diyos ang Mesiyas mula sa mga patay at itatala-ga siya bilang Hari sa langit. Patiunang nakita rin niDaniel na permanenteng papalitan ng MesiyanikongKaharian ang lahat ng iba pang pamahalaan. Talagabang dumating ang Mesiyas gaya ng inihula?—Batay sa Genesis, kabanata 22-50, gayundin sa Exodo,Deuteronomio, 2 Samuel, Awit, Isaias, Daniel, Mikas, Za-carias 9:9.

Ang Ginawa ng Diyos Para Iligtas ang Tao

Unang lumitaw sa Bibliya ang pangalangJehova sa Genesis 2:4. Ang pangalang ito nanauukol lamang sa Diyos ay mga 7,000 ulit nalumitaw sa mga manuskrito sa orihinal nawika ng Banal na Kasulatan. Tinitiyak sa atinng kahulugan nito—“Kaniyang PinangyayaringMagkagayon”—na kayang-kayang tuparin ngDiyos ang lahat ng kaniyang layunin atpangako.

ANG BANAL NA PANGALAN NG DIYOS

6 � ANG BANTAYAN

Mga apat na siglo pagkatapos maisulat ang hulingaklat ng Hebreong Kasulatan, natupad ang hulani Mikas tungkol sa Mesiyas: Si Jesus ay ipinanga-nak sa Betlehem. Pagkatapos ng mga 30 taon, no-ong 29 C.E., natupad ang unang bahagi ng hula niDaniel tungkol sa pagdating ng Mesiyas. Si Jesusay binautismuhan at pinahiran ng Diyos ng banalna espiritu. Tamang-tama ang pagdating ng mata-gal nang hinihintay na Mesiyas, ang Binhi!

Kaagad na sinimulan ni Jesus ang kaniyang mi-nisteryo, na “ipinahahayag ang mabuting balita ngkaharian ng Diyos.” (Lucas 8:1) Katulad ng inihu-la, si Jesus ay mabait, mahinahon, at mapagmalasa-kit. Praktikal at maibigin ang kaniyang mga turo, atpinagaling niya ang “bawat uri ng kapansanan” ngmga tao, na nagpapakitang ang Diyos ay sumasaka-niya. (Mateo 4:23) Kapuwa matanda’t bata ay luma-pit kay Jesus at nagsabi: “Nasumpungan na naminang Mesiyas”!—Juan 1:41.

Inihula ni Jesus na bago lubusang mamahala angkaniyang Kaharian, ang sanlibutan ay daranas ngmga digmaan, lindol, at maraming kapighatian. Hi-nimok niya ang lahat na “patuloy [na] magbantay.”—Marcos 13:37.

Si Jesus ay isang sakdal na taong nanatiling ma-sunurin sa Diyos, pero nang maglaon ay ipinapataysiya ng kaniyang mga kaaway. Sa gayon, sa pama-magitan ng kaniyang kamatayan, inilaan niya angsakdal na handog upang maibalik sa atin ang na-iwala nina Adan at Eva—ang pag-asang buhay nawalang hanggan sa Paraiso.

Natupad ang inihulang kamatayan ni Jesus, ga-yundin ang pagbuhay-muli ng Diyos sa kaniya pag-kalipas ng tatlong araw bilang makapangyarihangespiritung nilalang. Pagkatapos, nagpakita si Jesussa mahigit 500 alagad niya. Bago umakyat sa langit,

inatasan ni Jesus ang mga tagasunod niya na dalhinang mabuting balita tungkol sa kaniya at sa kani-yang Kaharian sa “mga tao ng lahat ng mga bansa.”(Mateo 28:19) Paano lubusang naisagawa ang atasna ito?—Batay sa Mateo, Marcos, Lucas, Juan, 1 Corinto.

“Nasumpungan Na Namin ang Mesiyas”!

OKTUBRE 1, 2013 � 7

Ang pagkabuhay-muli ni Jesus ay tumulong sa kani-yang mga alagad na magkaroon ng pananalig at ma-ging masigasig. Naglakbay si apostol Pablo sa buongAsia Minor at sa Mediteraneo, na nagtatatag ng mgakongregasyon at nagpapatibay sa mga Kristiyano namanindigang matatag sa mga panggigipit sa moralat sa mararahas na pagsalansang. Sa kabila ng ga-yong mga hamon, lumago at lumaganap ang Kristiya-nismo.

Nang maglaon, si Pablo ay ibinilanggo. Kahit nasabilangguan, sumulat siya ng mga liham ng pampati-bay-loob at payo sa mga kongregasyong Kristiyano.Nagbabala siya tungkol sa isang mas malaking ban-ta—ang apostasya. Sa patnubay ng banal na espiri-tu ng Diyos, patiunang nakita ni Pablo na “ang ma-paniil na mga lobo” na nagsasalita ng “mga bagayna pilipit” ay papasok sa gitna nila at “ilalayo angmga alagad upang pasunurin sa kanila.”—Gawa 20:29, 30.

Sa pagtatapos ng unang siglo, nagsimula na angapostasyang ito. Halos kasabay nito, ibinigay ng bi-nuhay-muling si Jesus kay apostol Juan ang Apo-calipsis, isang makasagisag na pangitain tungkol sahinaharap. Gaya ng isinulat ni Juan, hindi mahahad-langan ng mga mananalansang ni ng mga huwad naguro ang Diyos sa lubusang pagsasakatuparan ng ka-niyang orihinal na layunin para sa lupa at sa mga tao.Maririnig ng “bawat bansa at tribo at wika at bayan”ang mabuting balita tungkol sa Kaharian ng Diyos.(Apocalipsis 14:6) Isasauli ang paraiso sa lupa, at si-numang gustong gumawa ng kalooban ng Diyos aymaaaring maging bahagi nito!

“Mabuting balita” ba iyan sa iyo? Kung oo, alaminpa nang higit sa Bibliya ang tungkol sa mensahe ngDiyos para sa tao at kung paano ka maaaring maki-nabang dito ngayon at sa hinaharap.

Mababasa mo ang Bibliya online sa www.jw.org/tl.Maaari mo ring suriin sa Web site na iyon ang mga

brosyur na Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito? atMagandang Balita Mula sa Diyos! pati na ang aklat naAno ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? at iba pang pu-blikasyong tumatalakay kung bakit tayo makapagti-tiwala sa Bibliya at kung paano natin maikakapit angpraktikal na payo nito sa ating pamilya at sa atingpersonal na buhay. Maaari kang magtanong sa mgaSaksi ni Jehova para sa higit pang impormasyon.—Batay sa Gawa, Efeso, Filipos, Colosas, Filemon, 1 Juan,Apocalipsis. ˇ

Mabuting Balita Para sa Lahat ng Tao

8 � ANG BANTAYAN

“Parang gumuho ang mundo ko. Ayos naman ang buhay ko

nang biglang maglaho ang lahat.”—MARK,� isang taon nangdiborsiyado.

“Ang mister ko ay nagkaroon ng relasyon sa ibang babae

na kasing-edad lang ng anak naming babae. Nang

magdiborsiyo kami, para akong nabunutan ng tinik dahil

natakasan ko ang pagiging magagalitin niya, pero nanliit

ako at nadama kong wala akong halaga.”—EMMELINE,

17 taon nang diborsiyada.

Ang ilang tao ay nakikipagdiborsiyo dahil umaasa si-lang mas bubuti ang kanilang buhay. Ang iba namanay gustong manatiling may-asawa pero iniwan sila ngkanilang asawa. Gayunman, nasumpungan ng haloslahat ng nagdiborsiyo na naging mas mahirap angbuhay kaysa sa inaasahan nila. Sa katunayan, kungbago ka lang nakipagdiborsiyo, baka masabi mongisa ito sa pinakamahirap na hamong nararanasanmo. Kaya kapaki-pakinabang na isaalang-alang angilang praktikal na payo mula sa Bibliya na makatutu-long sa iyo na mapagtagumpayan ang mga hamon ngdiborsiyo.

� Binago ang ilang pangalan sa artikulong ito.

HAMON 1: NEGATIBONG MGA DAMDAMIN.

Ang stress na dulot ng problema sa pera, pagpapa-laki ng mga anak, at kalungkutan ay maaaring ma-ging matindi, at madalas na hindi ito madaling ma-alis. Natuklasan ng yumaong sikologong si JudithWallerstein na kahit lumipas ang mga taon pagkata-pos ng diborsiyo, nadarama pa rin ng iba na pinag-taksilan at iniwan sila, anupat naniniwala na ang“buhay ay di-patas, nakakadismaya, at malungkot.”

ANG PUWEDE MONG GAWIN

ˇ Ilabas mo ang iyong nadaramang kalungkutan.Baka hinahanap-hanap mo ang pakikisama sa taong

Magpatuloysa BuhayPagkataposng Diborsiyo

mahal mo pa rin. Kahit na hindi naging magandaang inyong pagsasama, natural lang na malungkot kadahil hindi iyon ang inaasahan mo. (Kawikaan 5:18)Huwag mahiyang umiyak.—Eclesiastes 3:1, 4.ˇ Huwag ibukod ang sarili. Bagaman kailangan mongmapag-isa para magdalamhati, hindi mabuti na mag-tagal ito. (Kawikaan 18:1) Gawing nakapagpapatibayang pakikipag-usap sa mga kaibigan, yamang maaarikang layuan ng iba kung madalas mong ireklamo angdati mong asawa, kahit may dahilan ka namang ga-win iyon. Kung kailangan mong gumawa ng mahaha-lagang desisyon pagkatapos ng iyong diborsiyo, humi-ngi ng tulong sa isa na mapagkakatiwalaan mo.ˇ Alagaan ang iyong kalusugan. Ang stress dahil sadiborsiyo ay kadalasang nagdudulot ng sakit, gaya ngalta presyon o migraine. Kumain nang mabuti, mag-ehersisyo, at matulog nang sapat.—Efeso 5:29.ˇ Alisin ang mga bagay na nakapagpapagalit sa iyosa dati mong asawa o mga bagay na hindi mo ka-ilangan, pero ingatan ang importanteng mga pape-les. Kung nasasaktan kang makita ang mga bagay nagaya ng litrato ng kasal ninyo, itago at ingatan na langito para sa iyong mga anak.ˇ Labanan ang negatibong kaisipan. Si Olga na na-kipagdiborsiyo sa kaniyang asawa pagkatapos itongmangalunya ay nagsabi: “Lagi kong tinatanong angaking sarili, ‘Ano ba ang mayroon sa babaing iyon nawala sa akin?’ ” Pero gaya ng natanto ni Olga, ang pa-tuloy na pag-iisip nang negatibo ay maaaring magdu-lot ng “bagbag na espiritu.”—Kawikaan 18:14.

Nasumpungan ng marami na ang pagsulat ng mganasa isip nila ay nakatulong para maging malinaw

ang kanilang pag-iisip at makontrol ito. Kung gaga-win mo ito, bakit hindi sikaping palitan ng positiboang negatibong kaisipan? (Efeso 4:23) Isaalang-alangang dalawang halimbawa:

Noon: Kasalanan ko kung bakit nagtaksil ang akingasawa.

Ngayon: Ang mga pagkukulang ko ay hindi dahilanpara pagtaksilan niya ako.

Noon: Sinayang ko ang buhay ko sa kaniya.Ngayon: Mas magiging masaya ako kung magpopokus

ako sa hinaharap sa halip na sa nakaraan.ˇ Palampasin ang masasakit na komento. Ang mgakaibigan at kamag-anak na may mabuting intensiyonay baka magsabi ng mga bagay na nakasasakit o malipa nga: ‘Huwag mo siyang panghinayangan’ o ‘Ayawng Diyos ang pagdidiborsiyo.’�Kaya nagpapayo ang Bi-bliya: “Huwag mong ilagak ang iyong puso sa lahat ngsalita na sinasalita ng mga tao.” (Eclesiastes 7:21) Ga-nito ang sinabi ni Martina na dalawang taon nang di-borsiyada: “Sa halip na magpokus sa masasakit na sali-ta, sinisikap kong tingnan ang mga bagay-bagay mulasa pangmalas ng Diyos. Ang kaniyang kaisipan ay masmataas kaysa sa ating kaisipan.”—Isaias 55:8, 9.ˇ Manalangin sa Diyos. Hinihimok niya ang kani-yang mga mananamba na ‘ihagis sa kaniya ang lahatng kanilang kabalisahan,’ lalo na kapag may mabigatsilang problema.—1 Pedro 5:7.

SUBUKAN ITO: Isulat ang mga teksto sa Bibliya naalam mong makatutulong sa iyo, at ilagay ang mgaito sa mga lugar kung saan madalas mo itong maki-kita. Bukod sa nabanggit nang mga teksto, nakatu-long sa maraming nakipagdiborsiyo ang mga tekstona: Awit 27:10; 34:18; Isaias 41:10; at Roma 8:38, 39.

HAMON 2: ANG KAUGNAYAN MO SA IYONGDATING ASAWA.

Si Juliana na 11 taon nang kasal ay nagsabi: “Nag-makaawa ako sa aking asawa na huwag akongiwan. Nang iwan niya ko, galit na galit ako sa kani-ya at sa babaing kinakasama niya.” Hindi naalis ng

� Kinapopootan ng Diyos ang mapanlinlang at mapandayangpagdidiborsiyo. Ngunit kapag nakiapid ang isang kabiyak, bini-bigyan ng Diyos ang isa na pinagtaksilan ng karapatang magpasi-ya kung siya ay makikipagdiborsiyo o hindi. (Malakias 2:16; Mateo19:9) Tingnan ang artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya—AnongUri ng Pagdidiborsiyo ang Kinapopootan ng Diyos?” sa isyu ng Pe-brero 8, 1994, ng Gumising! na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

Hayaang patibayin ka ng Bibliya sa mahihirap na panahonOKTUBRE 1, 2013 � 9

maraming nakipagdiborsiyo ang matinding galit sakanilang dating asawa kahit lumipas na ang mara-ming taon. Gayunman, napipilitan silang kausapinito, lalo na kung may mga anak sila.

ANG PUWEDE MONG GAWIN

ˇ Maging magalang sa dati mong asawa. Magpokussa mahahalagang bagay at huwag magpaliguy-ligoy.Nasumpungan ng marami na ito ay nakatutulong sapagkakaroon ng kapayapaan.—Roma 12:18.ˇ Iwasan ang nakasasakit na salita. Lalo na kapagnasasaktan ka, ikapit ang matalinong payo ng Bibli-ya: “Ang sinumang nagpipigil ng kaniyang mga pana-nalita ay nagtataglay ng kaalaman.” (Kawikaan 17:27)Kung sa kabila ng iyong pagsisikap ay parang walangpatutunguhan ang inyong pag-uusap, maaari mongsabihin: “Pag-iisipan ko muna ang sinabi mo. Saka natayo mag-usap.”ˇ Hangga’t maaari, ihiwalay ang mga papeles mo sapapeles ng dati mong asawa, gaya ng legal, pinansi-yal, at medikal na mga rekord.

SUBUKAN ITO: Sa susunod na pagkakataong ma-kipag-usap ka sa dati mong asawa, bantayan angmga palatandaan na sinuman sa inyo ay nagigingpalaban o nagmamatigas. Kung kinakailangan,itigil muna ang pag-uusap o magkasundong mag-email na lang.—Kawikaan 17:14.

HAMON 3: TULUNGAN ANG INYONG MGAANAK NA MAG-ADJUST.

Naaalaala ni Maria ang kaniyang sitwasyon pag-katapos ng diborsiyo: “Iyak nang iyak ang mas batakong anak na babae at umiihi na naman siya sakama. Bagaman sinisikap itago ng nakatatanda kong

anak na babae ang kaniyang damdamin, alam kongapektado rin siya.” Nakalulungkot, baka nadaramamong wala kang panahon o lakas na tulungan angiyong mga anak kung kailan kailangang-kailangan kanila.

ANG PUWEDE MONG GAWIN

ˇ Pasiglahin ang iyong mga anak na magsabi ng ka-nilang nadarama, kahit na waring ito ay “padalus-dalos na pananalita.”—Job 6:2, 3.ˇ Panatilihin ang inyong papel sa loob ng pamilya.Bagaman kailangan mo ng emosyonal na suporta atbaka gusto namang tumulong ng iyong anak, hindimakatuwiran at hindi makabubuti na magpatulongsa isang bata para sa mga problema ng mga adulto.(1 Corinto 13:11) Iwasang sabihin ang lahat ng iyongniloloob sa iyong anak o gawin siyang tagapamagitanmo at ng dati mong asawa.ˇ Panatilihing maayos ang buhay ng iyong anak. Ma-katutulong na huwag magpalipat-lipat ng tirahan omagpabagu-bago ng iskedyul. Higit sa lahat, panatili-hin ang inyong mabuting kaugnayan sa Diyos bilangisang pamilya sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bi-bliya at pagsamba ng pamilya.—Deuteronomio 6:6-9.

SUBUKAN ITO: Sabihin sa iyong mga anak na mahalmo sila at na hindi sila ang dahilan ng pagdidiborsi-yo ninyong mag-asawa. Sagutin ang kanilang mga ta-nong nang hindi sinisisi ang isang magulang.

Maaari kang magpatuloy sa buhay pagkatapos ngdiborsiyo. Ganito ang sinabi ni Melissa na 16 na taonnang kasal, “Nang makipagdiborsiyo ako, naisip ko,‘Hindi ito ang buhay na gusto ko.’ ” Pero ngayon kon-tento na siya sa kabila ng kaniyang kalagayan. Sina-bi niya, “Nang matanggap ko na ang aking sitwasyon,mas gumaan ang pakiramdam ko.” ˇ

TANUNGIN ANG SARILI . . .

ˇ Talaga bang nabigyan ko ang aking sa-rili ng pagkakataong ilabas ang aking ka-lungkutan dahil sa diborsiyo?

ˇ Paano ko aalisin ang anumang hina-nakit sa dati kong asawa?

10

“Siya na hindi marunong magpatawad sa iba ay sumi-sira sa tulay na kailangan din niyang tawirin.” Idiniri-in ng mga salitang iyan ng mananalaysay na Britanonoong ika-17 siglo na si Edward Herbert ang isang da-hilan kung bakit dapat tayongmaging mapagpatawadsa iba: Balang-araw, baka kailanganin nating huminging tawad sa iba. (Mateo 7:12) Pero may mas mahala-ga pang dahilan para maging mapagpatawad tayo.Pansinin ang sinabi ni apostol Pablo sa Colosas 3:13.—Basahin.Dahil lahat tayo ay di-sakdal, baka may nasasabi o

nagagawa tayo kung minsan na nakaiinis o nakasa-sakit sa iba, at maaaring ganoon din naman sila saatin. (Roma 3:23) Paano natin mapananatili ang pa-kikipagpayapaan sa ating mga kapuwa na di-sakdal?Sa patnubay ng Diyos, pinapayuhan tayo ni Pablo namaging mapagparaya at mapagpatawad. Mahalagapa rin ang payong ito sa ngayon gaya noong isulat niyaito halos dalawang libong taon na ang nakalilipas. Su-riin nating mabuti ang mga salita ni Pablo.

“Patuloy ninyong pagtiisan ang isa’t isa.”Ang pana-nalitang ‘patuloy na pagtiisan’ ay galing sa isang sali-tang Griego na naglalarawan ng pagiging mapagpara-ya o matiisin. Sinasabi ng isang reperensiyang akdana ipinakikita ng mga Kristiyano ang katangiang itosa pagiging “handang magtiis ng mga pagkakamalio pangit na mga ugali na nakaiinis sa kanila.” Angmga salitang “isa’t isa” ay nagpapakitang pareho si-lang magpaparaya. Ibig sabihin, kapag naalaala na-ting may mga ugali tayong maaaring makainis sa iba,hindi natin hahayaan ang mga bagay na hindi natinnagugustuhan sa kanila na sumira sa pakikipagpa-yapaan natin sa kanila. Pero paano kung magkasalaang iba sa atin?

‘Patuloy na lubusang patawarin ang isa’t isa.’ Ayonsa isang iskolar, ang salitang Griego na isinaling “lu-busang patawarin” “ay hindi ang karaniwang salitapara sa pagpapatawad . . . kundi isang salita na nag-diriin ng saganang pagpapatawad.” Sinasabi ng isapang akda na ang salitang ito ay maaaring manga-hulugang “pagbibigay ng isang bagay na nakasisiya,

isang pabor, isang pakinabang.” Tayo ay nagpapakitang kabaitan kung handa tayong magpatawad kahit“may dahilan [tayo] sa pagrereklamo laban sa iba.”Pero bakit tayo dapat handang magbigay ng gayongpabor? Dahil balang-araw, baka tayo naman ang ma-ngailangan ng pabor, o pagpapatawad.

“Kung paanong si Jehova ay lubusang nagpata-wad sa inyo, gayon din naman ang gawin ninyo.” Itoang pangunahing dahilan kung bakit dapat tayong lu-busang magpatawad sa iba: Lubusan tayong pinata-tawad ng Diyos na Jehova. (Mikas 7:18) Pag-isipansandali ang napakalaking pabor na ipinakikita ni Je-hova sa nagsisising mgamakasalanan. Di-gaya natin,

si Jehova ay hindi nagkakasala. Pero siya ay handangmagpatawad at lubusang nagpapatawad sa nagsisi-sing mga makasalanan kahit alam niyang hinding-hindi niya kakailanganin ang pagpapatawad ng mgamakasalanang iyon. Oo, si Jehova ang pinakamabu-ting halimbawa sa pagpapatawad sa nagsisising mgamakasalanan!Ang awa ni Jehova ay naglalapıt sa atin sa kani-

ya at nagpapakilos sa atin na naising tularan siya.(Efeso 4:32–5:1) Makabubuting tanungin ang sarili,‘Yamang sagana akong pinatatawad ni Jehova, bakitko ipagkakait ang kapatawaran sa kapuwa ko na di-sakdal at tunay na nagsisisi sa kasalanang nagawaniya sa akin?’—Lucas 17:3, 4. ˇ

MAGING MALAP´IT SA DIYOS

“Si Jehova ay LubusangNagpatawad sa Inyo”

Si Jehova ang pinakamabutinghalimbawa sa pagpapatawad sanagsisising mga makasalanan!

PAGBABASA NG BIBLIYA PARA SAOKTUBREGalacia 1–2 Timoteo 4

12 � ANG BANTAYAN

ANG AKING NAKARAAN: Lumaki ako sa Santiago, ang kabise-ra ng Chile, sa isang lugar kung saan karaniwan lang ang dro-ga, gang, at krimen. Nang ako ay limang ta \

'ng gulang, pinatayang tatay ko. Pagkatapos, nakisama si Nanay sa isang malupitna lalaki. Palagi niya kaming binubugbog. Hanggang ngayon,hindi ko pa rin makalimutan ang mapapait na alaalang iyon.

Dahil sa masasamang impluwensiya, lumaki akong masya-dong marahas. Nakinig ako ng musikang heavy-metal, labis-labis kung uminom, at paminsan-minsang nagdroga. Mada-las akong mapaaway sa kalye sa mga nagbebenta ng droga,na ilang beses na nagtangkang iligpit ako. Minsan, isang kala-bang gang ang umupa ng isang kilalang hit man para patayinako, pero isang saksak lang ang tumama sa akin at nakatakasako. Sa isa pang pagkakataon, tinutukan ako ng baril sa ulo ngisang grupo ng mga nagbebenta ng droga at sinubukan akongibitin.

Noong 1996, umibig ako sa isang babae na nagngangalangCarolina, at ikinasal kami noong 1998. Nang isilang ang amingpanganay na anak na lalaki, natakot ako na dahil sa aking ma-rahas na ugali, baka maging gaya ako ng aking amain at pag-malupitan ang aking pamilya. Kaya humingi ako ng tulong saisang rehabilitation center sa aming lugar. Tumanggap ako ngmedikal na tulong at terapi, pero wala ring nangyari. Madalipa ring uminit ang ulo ko kahit sa maliliit na bagay at nag-wawala ako. Sa kagustuhan kong maihinto ang pananakit kosa aking pamilya, nagtangka akong magpakamatay. Mabuti nalang, hindi ako nagtagumpay.

Maraming taon na akong ateista, pero gusto ko pa ring ma-niwala sa Diyos. Kaya may panahong sumama ako sa isangebanghelikong relihiyon. Ang asawa ko naman noon ay naki-kipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Galıt ako sa mgaSaksi, at maraming beses ko silang binulyawan. Pero lagi si-lang kalmado, na kabaligtaran sa inaasahan ko.

Isang araw, ipinabasa sa akin ni Carolina ang Awit 83:18 saBibliya ko mismo. Maliwanag na ipinakikita ng tekstong iyonna ang pangalan ng Diyos ay Jehova. Nagulat ako na itinuturolang ng aking relihiyon ang tungkol sa isang diyos, pero hindiang tungkol kay Jehova. Maaga noong taong 2000, nagsimularin akong makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi.

BINAGO NG BIBLIYA ANG KANILANG BUHAY

“Marami ang galıtsa akin”

AYON SA SALAYSAY NIWALDO MOYA

ISINILANG:1978BANSANG PINAGMULAN:CHILE

MASYADONG MARAHAS

KUNG PAANO BINAGO NG BIBLIYA ANG BUHAY KO:

Habang sumusulong ako sa pag-aaral, nakaaliw saakin na malaman na si Jehova ay isang mahabagin atmapagpatawad na Diyos. Halimbawa, sa Exodo 34:6, 7, inilalarawan ng Bibliya si Jehova bilang “isangDiyos na maawain at magandang-loob, mabagal sapagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan at katoto-hanan, nag-iingat ng maibiging-kabaitan sa libu-libo,nagpapaumanhin sa kamalian at pagsalansang at ka-salanan.”

Pero hindi pa rin madaling ikapit ang mga natutu-tuhan ko. Kumbinsido ako na hinding-hindi ko ma-

kokontrol ang pagiging marahas ko. Sa tuwing na-bibigo ako, maibigin akong pinatitibay ni Carolina.Ipinaaalaala niya sa akin na nakikita ni Jehova angaking mga pagsisikap. Ang kaniyang pag-alalay aynagpalakas sa akin na patuloy na palugdan si Jehova,kahit na madalas kong madama na wala na akongpag-asa.

Isang araw, ipinabasa sa akin ni Alejandro, angnagtuturo sa akin ng Bibliya, ang Galacia 5:22, 23.Binabanggit ng mga tekstong iyon ang mga aspek-to ng bunga ng banal na espiritu ng Diyos na “pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, mahabang pagtitiis, ka-baitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan,pagpipigil sa sarili.” Ipinaliwanag ni Alejandro naang paglinang ko ng mga katangiang iyon ay hindinakadepende sa sarili kong lakas kundi sa banal naespiritu ng Diyos. Lubusang binago ng katotohanangiyan ang aking pangmalas!

Nang maglaon, dumalo ako sa isang malakingkombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Ang kaayusan,

kalinisan, at pagsasamahang nakita ko roon ay naka-kumbinsi sa akin na natagpuan ko na ang tunay narelihiyon. (Juan 13:34, 35) Ako ay nabautismuhan no-ong Pebrero 2001.

KUNG PAANO AKO NAKINABANG: Binago ako ni Je-hova mula sa isang marahas na tao tungo sa isa namapagpayapa. Para akong hinango mula sa putikangkinasasadlakan ko. Marami ang galıt sa akin, at hin-di ko sila masisisi. Pero ngayon, masaya akong nag-lilingkod kay Jehova nang may kapayapaan kasamang aking asawa at dalawang anak na lalaki.

Hindi makapaniwala ang aking mga kapamilya atdating mga kaibigan sa laki ng ipinagbago ko. Bilangresulta, ang ilan sa kanila ay naging interesadong ma-tuto ng katotohanan sa Bibliya. Nagkapribilehiyo rinakong makatulong sa iba na makilala si Jehova. Isangang kagalakang makita na binabago rin ng katoto-hanan sa Bibliya ang kanilang buhay! ˇ

Nakaaliw sa akin na malaman nasi Jehova ay isang mahabagin atmapagpatawad na Diyos

Nasisiyahan akong ituro sa iba ang aking natutuhan

Kasama ng aking pamilya, naglilingkod ako kayJehova nang may kapayapaan

Habang tumitingin ka sa paligid, sabay na guma-gana ang iyong mata at utak para kumuha ng im-pormasyon. Nakikita mo ang isang prutas at pinag-iisipan mo kung kakainin mo ito. Tumitingin ka salangit at nasasabi mong hindi uulan ngayon. Nakiki-ta mo ang mga salitang binabasa mo ngayon at inu-unawa mo ang kahulugan nito. Ang totoo, naaapek-tuhan ka ng kulay. Talaga?

Ipinaaalam sa iyo ng nakikita mong kulay ng pru-tas kung ito ay hinog na at masarap. Sinasabi sa iyong kulay ng langit at ulap ang lagay ng panahon.Mas madaling mabasa ng iyong mata ang mga sali-ta sa artikulong ito dahil magkaiba ang kulay ngmga salita at ng background. Oo, maaaring hindimo napapansin, pero lagi mong ginagamit ang kulaypara tulungan kang kumuha ng impormasyon tung-kol sa daigdig sa palibot mo. At may epekto rin saiyong damdamin ang kulay.

ANG EPEKTO NG KULAY SA DAMDAMIN

Habang namimilı ka sa isang tindahan, napalili-butan ka ng iba’t ibang produkto na dinisenyo paramatawag ang pansin mo. Alam mo man ito o hindi,maingat na pinipili ng mga advertiser ang mga ku-lay at kombinasyon ng kulay para bumagay sa kungano ang hilig, kasarian, at edad mo. Alam din ngmga nagdidisenyo ng bahay at ng damit, pati na ngmga dalubhasa sa sining na ang mga kulay ay naka-aapekto sa damdamin.

Dahil sa kultura at kaugalian, iba-iba ang interpre-tasyon ng mga tao sa mga kulay. Halimbawa, sa mgataga-Asia, ang pula ay nangangahulugan ng suwerteat pagsasaya, samantalang sa ilang bahagi naman ngAprika, ang pula ay kulay ng pagdadalamhati. Perosa kabila ng kanilang kinalakhan, ang mga tao aymay magkakatulad na damdamin sa ilang partikularna kulay. Isaalang-alang natin ang tatlong kulay atkung paano ito maaaring makaapekto sa iyo.

Ang PULA ay litaw na litaw. Kadalasang iniuug-nay ito sa lakas, digmaan, at panganib. Punung-

puno ng damdamin ang kulay na ito at maaari itongmagpabilis ng metabolismo, ng paghinga, at magpa-taas ng presyon ng dugo.

Sa Bibliya, ang salitang Hebreo para sa “pula”o “mapula” ay nagmula sa isang salita na nanganga-hulugang “dugo.” Ginagamit ng Bibliya ang mating-kad na pula, o iskarlata, upang ilarawan ang ma-pamaslang na patutot na nakadamit ng purpura atiskarlata na nakasakay sa “isang kulay-iskarlatangmabangis na hayop na puno ngmapamusong na mga panga-lan.”—Apocalipsis 17:1-6.

Kabaligtaran naman angepekto ng pula sa BERDE, nanagpapabagal ng metabolismoat nagpapakalma. Ito ay naka-giginhawang kulay at madalasna iniuugnay sa kapayapaan.Gumagaan ang ating pakiram-dam kapag nakikita natin angberde o luntiang mga hardinat dalisdis ng burol. Sinasa-bi ng ulat ng Genesis tung-kol sa paglalang na ang Diyosay naglaan ng luntiang damoat pananim para sa mga tao.—Genesis 1:11, 12, 30.

Ang PUTI ay madalas nainiuugnay sa liwanag, kaligta-san, at kalinisan. Ito rin ay ini-uugnay sa mga katangian ngkabutihan, kawalang-sala, atkadalisayan. Ang puti ang ku-lay na pinakamadalas banggi-tin sa Bibliya. Sa mga pangita-in, ang mga tao at anghel ay nakadamit ng puti,na nagdiriin sa katuwiran at espirituwal na kalini-san. (Juan 20:12; Apocalipsis 3:4; 7:9, 13, 14) Su-masagisag sa matuwid na pakikipagdigma ang mga

Paano Ka Naaapektuhan ng Kulay?

14 � ANG BANTAYAN

puting kabayo na ang mga na-kasakay ay nakadamit ng putiat malinis na lino. (Apocalipsis19:14) Ginagamit ng Diyos angkulay na puti upang idiin nahanda siyang magpatawad ngmga kasalanan: “Bagaman angmga kasalanan ninyo ay ma-ging gaya ng iskarlata, ang mgaito ay mapapuputing gaya ngniyebe.”—Isaias 1:18.

ANG KULAY BILANG PANTULONG SA MEMORYA

Ang paggamit ng Bibliya sa kulay ay nagpapaki-tang alam ng Diyos ang epekto nito sa damdamin ngtao. Halimbawa, inihula ng aklat ng Bibliya na Apo-calipsis ang nararanasan natin ngayon, kabilang naang digmaan, taggutom, at di-likas na kamatayandahil sa kakapusan ng pagkain at salot. Upang ma-tandaan ito, ipinakikita sa atin ng isang pangitainang mga nakasakay sa mga kabayo—hindi lang ordi-naryong mga kabayo kundi mga kabayo na may ku-lay.

Ang una ay isang kabayong puting-puti, na suma-sagisag sa matuwid na pakikipagdigma ni Kristo Je-sus. Sumunod ay isang kabayong kulay-apoy na lu-malarawan sa digmaan sa pagitan ng mga bansa.Pagkatapos nito ay isa namang malagim na kaba-yong itim, na lumalarawan sa taggutom. Sumunod,makikita ang isang “kabayong maputla; at ang isa nanakaupo sa ibabaw nito ay may pangalang Kamata-yan.” (Apocalipsis 6:1-8) Ang kulay ng bawat kabayoay nakaaapekto sa ating damdamin, depende sa isi-nasagisag ng kabayo. Madali nating matatandaanang mga kabayong ito na may kulay at ang itinuturonila tungkol sa ating panahon.

Maraming halimbawa sa Bibliya ng paggamit ngkulay para maging buhay na buhay ang mga pag-lalarawan. Oo, may-kahusayan itong ginagamit ngMaylalang ng liwanag, kulay, at ng mata bilang pan-

tulong sa pagtuturo para madaling maunawaan atmatandaan ng mga mambabasa ang mga larawan.Ang kulay ay tumutulong sa atin na kumuha ng im-pormasyon. Nakaaapekto ito sa ating damdamin.Nakatutulong ito para matandaan natin ang maha-halagang ideya. Ang kulay ay isang maibiging rega-lo ng ating Maylalang para masiyahan tayo sa bu-hay. ˇ

OKTUBRE 1, 2013 � 15

Nang lumabas si Noeat ang kaniyang pamilyamula sa arka, ipinakita sakanila ng Diyos ang isangmakulay na bahaghari. Itoang tanda ng Kaniyang pa-ngako na hinding-hindi naNiya muling gagamitin angisang baha para lipulinang tao. Tiyak na hindinila malilimutan angpagkaganda-ganda atmakulay na tandang iyon.—Genesis 9:12-17.

Maaaring ipinagtataka ng mga ebolusyonistakung bakit may kakayahan ang tao namatukoy ang iba’t ibang kulay, yamang angkakayahang makakita ng kulay ay hindi namankailangan para mabuhay. Gayunman, kungkikilalanin natin na dinisenyo tayo ng isangMaylalang taglay ang kakayahang masiyahansa napakaraming kulay, ituturing natin angkaloob na ito bilang isang gawa ng pag-ibig nanilayon upang masiyahan tayo sa buhay.

ANO BA Talaga

ANG ITINUTURO

NG BIBLIYA?

wp

13

10

/01

-TG

13

06

25

May pag-asa ba ang mga patay?Ang kamatayan ay parang pagtulog, sa diwa na walangnalalaman at walang nagagawa ang mga patay. Gayun-man, maibabalik ng Maylalang ng buhay ang mga pa-tay sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. Para patuna-yan ito, binigyan ng Diyos si Jesus ng kapangyarihangbumuhay-muli ng ilang namatay.—Basahin ang Eclesias-tes 9:5; Juan 11:11, 43, 44.

Nangako ang Diyos na ang mga patay na nasa kani-yang alaala ay bubuhaying muli tungo sa buhay sa isangmatuwid na bagong sanlibutan. Ang mga bubuhayingmuli ay kailangang manatili sa kamatayan hanggang sabigyan silang muli ng Diyos ng buhay. Nasasabik angDiyos na Makapangyarihan-sa-lahat na gamitin ang kani-yang kapangyarihan upang ibalik ang buhay ng mga na-matay.—Basahin ang Job 14:14, 15.

Ano ang mangyayarisa pagkabuhay-muli?Kapag binuhay-muli ng Diyos ang mga tao, makikilalanila ang kanilang sarili, ang kanilang mga kaibigan, atang kanilang pamilya. Kahit mabulok ang katawan ngisa, kayang buhaying muli ng Diyos ang taong iyon taglayang isang bagong katawan.—Basahin ang 1 Corinto 15:35, 38.

Kaunti lang ang bubuhaying muli upang mabuhay salangit. (Apocalipsis 20:6) Ang karamihan ay bubuhayingmuli sa isang isinauling paraiso sa lupa. Sila ay bibigyanng bagong pasimula, na may pag-asang mabuhay mag-pakailanman.—Basahin ang Awit 37:29; Gawa 24:15.

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

ALAMIN ONLINE ANG SAGOT SAIBA PANG MGA TANONG SA BIBLIYA

Sa anong diwa ang kamatayanay parang pagtulog?

Para sa higit pangimpormasyon, tingnanang kabanata 6 at 7 ng aklatna ito na inilalathala ngmga Saksi ni Jehova

Mada-download sawww.jw.org/tl

sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Bibliya online samga 50 wika

Magpunta sawww.jw.org/tlo i-scan ang code

no

p