16
34567 ABRIL 1, 2013 POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAY

POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

  • Upload
    hadiep

  • View
    314

  • Download
    46

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

34567ABRIL 1 , 2013

POSIBLE ANG ISANGMAKABULUHANG BUHAY

Page 2: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

34567ABRIL 1 , 2013

POSIBLE ANG ISANG

MAKABULUHANG BUHAY

Gusto mo ba nghigit pang impormasyono libreng pag-aaral ngBibliya sa iyong tahanan?

Bisitahin ang www.jw.org /tlo ipadala ang iyong requestsa isa sa mga adres sa ibaba.

Para sa PILIPINAS:Jehovah’s WitnessesPO Box 20441060 Manila

Para sa UNITED STATES OF AMERICA:Jehovah’s Witnesses25 Columbia HeightsBrooklyn, NY 11201-2483

Para sa adres sa iba pang mga bansa,tingnan ang www.jw.org/contact.

˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙

ANG MAGASING ITO, Ang Bantayan,ay nagpaparangal sa Diyos naJehova, ang Tagapamahala nguniberso. Inaaliw nito ang mga taosa pamamagitan ng mabutingbalita na di-magtatagal, wawakasanng Kaharian ng Diyos sa langit anglahat ng kasamaan at gagawingparaiso ang lupa. Pinasisigla nitoang mga tao na manampalatayakay Jesu-Kristo, na namatay paramagkaroon tayo ng pag-asangmabuhay nang walang hanggan atnamamahala na ngayon bilang Harisa Kaharian ng Diyos. Ang magasingito ay walang pinapanigan sa pulitikaat patuloy na inilalathala mula panoong 1879. Sinusunod nito angBibliya bilang awtoridad.

Publishers: Watchtower Bible and Tract Society

of New York, Inc. � 2013 Watch Tower Bible

and Tract Society of Pennsylvania. All rights

reserved. Printed in Japan.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan

ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na

pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng

kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba

ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan

ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng Banal

na Kasulatan.

Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay 8

Alam Mo Ba? 10

Maging Malap´ıt sa Diyos

—“Patuloy na Humingi, at Ibibigay Ito sa Inyo” 11

Tularan ang Kanilang Pananampalataya

—Siya ay “Lumakad na Kasama ng Tunay na Diyos” 12

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya 16

34567Limbag sa Bawat Isyu:44,978,000 SA 205 WIKA ABRIL 1, 2013�����������������������������������������������������������������������������������������������������������

TAMPOK NA PAKSA

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������

SA ISYU RING ITO

s BASAHIN ONLINE � www.jw.org/tl

Vol. 134, No. 7APRIL 1, 2013

SemimonthlyTAGALOG

Posible ba Talaga angMakabuluhang Buhay? PAHINA 3

JESUS—ANG SUSI SA MAKABULUHANG BUHAY 4

ISANG MAKABULUHANG BUHAY—IPINAKITA NI JESUS KUNG PAANO 6

KARANIWANG MGA TANONG TUNGKOL SAMGA SAKSI NI JEHOVA—Ano ang Pag-aaralsa Bibliya?

(Tingnan sa TUNGKOL SA AMIN/KARANIWANG MGA TANONG)

r

MADA-DOWNLOADANG MAGASING ITO SA

IBA’T IBANG FORMAT

(

(

Page 3: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

ABRIL 1, 2013 � 3

TOTOONG-TOTOO ang mga pananalitang iyan! Ang bu-hay sa mundong ito ay kadalasan nang batbat ng “hirap at

kalungkutan.” Marahil ay naiisip mo, ‘Posible ba ang maka-buluhang buhay sa ngayon?’

Tingnan ang nangyari kay Maria. Napakaaktibo niya noon,pero ngayon, sa edad na 84, halos nasa bahay na lang siya. Ak-tibo pa rin ang isip niya, pero mahina na ang kaniyang kata-wan. Maituturing ba niyang makabuluhan ang gayong buhay?

Kumusta ka naman? Minsan ba ay naitanong mo na rinkung may kabuluhan ang buhay mo? Baka ang trabaho mo aypaulit-ulit na lang, nakakapagod, at nakakabagot. Baka hindiman lang napapansin ang mga nagagawa mo. Kahit maayosang buhay mo ngayon, maaaring nag-aalala ka pa rin sa iyongkinabukasan. Marahil ay nalulungkot ka at nadedepres pa-minsan-minsan. Baka magulo ang pamilya ninyo o namata-yan ka ng mahal sa buhay. Si Andre ay malapıt sa kaniyangama na biglang nagkasakit at namatay. Napakalaking dagoknito kay Andre at pakiramdam niya ay hindi na mawawalaang kalungkutan niya.

Anumang problema ang maranasan natin, may isang bagaytayong dapat malaman: Posible ba talaga ang makabuluhangbuhay? Masasagot iyan ng naging buhay ng isang tao—si Jesu-Kristo—mga 2,000 taon na ang nakalilipas. Sa kabila ng napa-karaming pagsubok na kinaharap niya, si Jesus ay nagkaro-on ng makabuluhang buhay. Magiging makabuluhan din angating buhay kung tutularan natin ang kaniyang halimbawa.

TAMPOK NA PAKSA

Posible ba Talaga angMakabuluhang Buhay?

“Pitumpung taon ang haba ng aming mga araw

—o walumpu kung taglay namin ang kalaka-

san; ngunit ang pinakamabuting mga taon ay

batbat ng hirap at kalungkutan.”—Awit 90:10, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino.

Page 4: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

TALAGA bang naging makabuluhan ang buhay niJesus? Lumaki siyang mahirap, at nabuhay nang

walang gaanong materyal na pag-aari. Sa katuna-yan, ‘wala siyang dakong mahihigan ng kaniyangulo.’ (Lucas 9:57, 58) Bukod diyan, siya ay kinapoo-tan, siniraang-puri, at pinatay pa nga ng kaniyangmga kaaway.

Baka sabihin mo, ‘Hindi ganiyan ang iniisip kongmakabuluhang buhay!’ Pero hindi lang iyan ang da-pat nating isaalang-alang sa buhay ni Jesus. Suriinnatin ang apat na aspekto ng kaniyang buhay.

1. MAY LAYUNIN SA BUHAY SI JESUS—ANG GAWINANG KALOOBAN NG DIYOS.

“Ang aking pagkain ay ang gawin ko ang kaloobanniya na nagsugo sa akin.”—Juan 4:34.

Sa salita at gawa, sinikap ni Jesus na tuparin angkalooban ng kaniyang makalangit na Ama, si Jeho-va.� Napakaligaya ni Jesus sa paggawa ng kaloobanng Diyos. Inihambing pa nga niya ito sa pagkain,gaya ng nasa teksto sa itaas. Isaalang-alang natinang sitwasyon nang banggitin niya ang paghaham-bing na iyan.

Mga tanghaling tapat nang sabihin ni Jesus angmga salitang iyan. (Juan 4:6) Buong-umaga siyang

� Jehova ang pangalan ng Diyos gaya ng sinasabi sa Bibliya.

naglakbay sa maburol na bayan ng Samaria, kaya ti-yak na gutom na siya. Sa katunayan, sinabi ng kani-yang mga alagad: “Rabbi, kumain ka.” (Juan 4:31) Sakaniyang sagot, ipinahiwatig ni Jesus na siya ay na-palalakas at tila nabubusog kapag ginagawa niyaang gawain ng Diyos. Hindi ba’t ganiyan ang isangtaong may kabuluhan ang buhay?

2. MAY MASIDHING PAG-IBIG SI JESUS SAKANIYANG AMA.

“Iniibig ko ang Ama.”—Juan 14:31.

Si Jesus ay may napakalapıt na kaugnayan sa ka-niyang Ama sa langit. Ang malalim na pag-ibig ni Je-sus sa Diyos ang nag-udyok sa kaniya na ipakilalaang kaniyang Ama—ang pangalan Niya, mga layu-nin, at katangian. Ang pananalita, paggawi, at salo-obin ni Jesus ay kagayang-kagaya ng sa kaniyangAma—anupat nakikita natin kay Jesus ang kaniyangAma. Kaya nang sabihin ni Felipe kay Jesus: “Ipaki-ta mo sa amin ang Ama,” sumagot si Jesus: “Siya nanakakita sa akin ay nakakita rin sa Ama.”—Juan 14:8, 9.

Mahal na mahal ni Jesus ang kaniyang Ama anu-pat handa siyang sumunod sa kaniyang Ama hang-gang kamatayan. (Filipos 2:7, 8; 1 Juan 5:3) Dahil samasidhing pag-ibig ni Jesus sa Diyos, naging maka-buluhan ang kaniyang buhay.

JesusANG SUSI SA MAKABULUHANG BUHAY

4 � ANG BANTAYAN

Page 5: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

ABRIL 1, 2013 � 5

3. MAHAL NI JESUS ANG MGA TAO.

“Walang sinuman ang may pag-ibig na mas dakilakaysa rito, na ibigay ng isa ang kaniyang kalulu-wa alang-alang sa kaniyang mga kaibigan.”—Juan 15:13.

Madilim ang kinabukasan nating mga di-sakdalna tao. Sinasabi ng Bibliya: “Sa pamamagitan ngisang tao [si Adan] ang kasalanan ay pumasok sasanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ngkasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaga-nap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat ay nagka-sala.” (Roma 5:12) Hindi natin kayang takasan angresulta ng kasalanan—ang kamatayan.—Roma 6:23.

Buti na lang, maibiging naglaan si Jehova ng solu-syon sa sitwasyon ng sangkatauhan. Ang kaniyangsakdal na Anak, si Jesus, ay hinayaan niyang mag-dusa at mamatay para mailaan ang pantubos na ka-ilangan upang mapalaya ang mga tao sa pagkaalipinsa kasalanan at kamatayan. Udyok ng pag-ibig sakaniyang Ama at mga tao, kusang-loob na sumunodsi Jesus at ibinigay niya ang kaniyang sakdal na bu-hay alang-alang sa atin. (Roma 5:6-8) Dahil sa ga-yong di-makasariling pag-ibig, nagkaroon ng kabu-luhan ang buhay ni Jesus.�

� Para matuto pa nang higit tungkol sa halaga ng kamatayan ni Je-sus bilang pantubos, tingnan ang kabanata 5 ng aklat na Ano ba Ta-laga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

4. ALAM NI JESUS NA MAHAL SIYA ATSINASANG-AYUNAN NG KANIYANG AMA.

“Ito ang aking Anak, ang minamahal, na akingsinang-ayunan.”—Mateo 3:17.

Sinabi ni Jehova ang mga salitang iyan mula sa la-ngit noong bautismuhan si Jesus. Ipinahayag mismoni Jehova ang pagmamahal niya at pagsang-ayon sakaniyang Anak na si Jesus. Kaya naman talagangmasasabi ni Jesus: ‘Iniibig ako ng Ama’! (Juan 10:17)Sa pagkaalam na mahal siya at sinasang-ayunan ngkaniyang Ama, naging matapang si Jesus sa pagha-rap sa mga pagsalansang at pangungutya. Nagingmatatag pa nga siya sa harap ng kamatayan. (Juan10:18) Dahil alam ni Jesus na mahal siya at sinasang-ayunan ng kaniyang Ama, tiyak na lalong nagingmas makabuluhan ang kaniyang buhay.

Talagang naging makabuluhan ang buhay ni Je-sus. Marami tayong matututuhan sa kaniya tungkolsa pagkakaroon ng buhay na may tunay na kabulu-han. Isasaalang-alang sa susunod na artikulo angilang payo ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod tung-kol sa tamang pamumuhay.

Page 6: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

6 � ANG BANTAYAN

GAYA ng tinalakay sa naunang artikulo, nagingmakabuluhan ang buhay ni Jesus. Kaya kung

gusto nating gawing makabuluhan ang ating buhay,makabubuting tularan natin ang halimbawa ni Jesusat makinig tayo sa kaniyang payo.

Sa katunayan, hinihimok tayo ni Jehova na gawiniyan tulad ng ipinakikita ng teksto sa itaas. Kungtayo ay lumalakad na gaya ng paglakad ni Jesus,mamumuhay tayo ayon sa mga turo at halimbawaniya. Sa paggawa nito, makakamit natin ang pag-sang-ayon ng Diyos at magiging makabuluhan angating buhay.

Kasama sa mga turo ni Jesus ang mga simulaingmakatutulong sa atin na lumakad na gaya ng pagla-kad niya. Marami sa mga ito ang nasa kaniyang ban-tog na Sermon sa Bundok. Tingnan natin ang ilan samga simulaing iyon at isaalang-alang kung paanonatin iyon maikakapit sa ating buhay.

SIMULAIN: “Maligaya yaong mga palaisipsa kanilang espirituwal na pangangailangan.”—Mateo 5:3.

KUNG PAANO ITO MAKATUTULONG: Ipinahiwatig niJesus na ang mga tao ay may likas na pangangaila-ngan sa espirituwal. Gusto nating malaman ang sa-got sa mga tanong na ito: Bakit tayo naririto? Bakitnapakaraming nagdurusa? Talaga bang nagmamala-sakit sa atin ang Diyos? Mayroon bang kabilang-buhay? Kailangan nating malaman ang sagot sa mgatanong na iyan para magkaroon ng makabuluhangbuhay. Alam ni Jesus na mayroon lang iisang mapag-kukunan ng mapagkakatiwalaang sagot sa mga ta-nong na iyan—ang Salita ng Diyos. Sa kaniyang pa-nalangin sa Ama, sinabi ni Jesus: “Ang iyong salitaay katotohanan.” (Juan 17:17) Talaga bang matutulu-ngan tayo ng Salita ng Diyos na makilala ang Diyosat maging maligaya?KARANASAN: Si Esa ay lead singer ng isang sikat nabanda, abot-kamay na niya ang kaniyang pangarap

na maging rock star. Pero pakiramdam niya’y maykulang pa rin sa kaniyang buhay. “Bagaman nag-eenjoy ako sa banda, naghahanap pa rin ako ng masmakabuluhang buhay,” ang sabi niya. Di-nagtagal,may nakilala siyang isang Saksi ni Jehova. “Pinaula-nan ko siya ng mga tanong,” ang sabi ni Esa. “Nag-kainteres ako sa mga sagot niya mula sa Kasulatan,kaya pumayag akong makipag-aral ng Bibliya sa ka-niya.” Dahil tumagos sa puso ni Esa ang mga natu-tuhan niya sa Bibliya, inialay niya ang kaniyang bu-hay kay Jehova. “Dati, madalas akong masangkot samga gulo’t problema,” ang sabi niya. “Ngayon, maykabuluhan na ang buhay ko.”�

SIMULAIN: “Maligaya ang mga maawain.”—Mateo 5:7.

KUNG PAANO ITO MAKATUTULONG: Kalakip ng awaang pagpapakita ng habag, pagiging mabait atmakonsiderasyon. Nagpakita si Jesus ng awa samga nangangailangan. Dahil sa habag, tinulunganniya ang mga nagdurusa. (Mateo 14:14; 20:30-34)Kapag tinutularan natin si Jesus sa kaniyang pagi-ging maawain, ginagawa nating makabuluhan angating buhay, dahil ang mga taong maawain ay nagi-ging maligaya. (Gawa 20:35) Maipakikita natin angawa sa pamamagitan ng mabubuting salita at gawa,anupat gumagaan ang pasan ng mga taong tinutulu-ngan natin. Talaga bang nakabubuti sa atin ang pag-papakita ng awa?KARANASAN: Ang mag-asawang Maria at Carlos aymagandang halimbawa sa pagiging maawain. Angama ni Maria ay balo, at nitong nakalipas na mgataon ay nakaratay na lang sa higaan. Iniuwi siyanina Maria at Carlos sa kanilang bahay para doonalagaan. Laging napupuyat ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kaniya, at isinusugod pa nga siya sa ospi-tal kapag kailangan. Inamin ng mag-asawa na na-

� Mababasa ang kuwento ni Esa sa pahina 8-9 ng magasing ito.

Isang Makabuluhang BuhayIPINAKITA NI JESUS KUNG PAANO

“Lumakad na gaya ng paglakad ni Jesus.”—1 Juan 2:6, NET Bible.

Page 7: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

ABRIL 1, 2013 � 7

papagod din sila kung minsan. Pero maligaya sila,gaya ng sinabi ni Jesus, dahil alam nilang naibibi-gay nila sa ama ni Maria ang pag-aalagang kaila-ngan niya.

SIMULAIN: “Maligaya ang mga mapagpayapa.”—Mateo 5:9.

KUNG PAANO ITO MAKATUTULONG: Ang pagiging“mapagpayapa” ay literal na nangangahulugang pa-giging “tagapamayapa.” Paano nagiging mas maka-buluhan ang buhay sa pagiging tagapamayapa? Unasa lahat, mas nagiging maayos ang ating kaugna-yan sa iba. Makabubuting sundin natin ang payong Bibliya: “Kung posible, hangga’t nakasalalay sainyo, makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao.” (Roma12:18) Kasama sa “lahat ng tao” ang ating kapamil-ya at mga di-kapananampalataya. Talaga bang magi-ging makabuluhan ang ating buhay kung makiki-pagpayapaan tayo sa “lahat ng tao”?KARANASAN: Sa nakalipas na mga taon, si Nairay napaharap sa maraming hamon na sumuboksa kakayahan niyang mapanatili ang kapayapaan,lalo na sa loob ng kaniyang pamilya. Mula nangiwan siya ng kaniyang mis-ter mga 15 taon na ang na-kalilipas, mag-isa na langniyang itinaguyod ang ka-niyang mga anak. Isa sakaniyang anak na lalakiang naging adik at lagingnagwawala. Pinagbaban-taan din siya nito at angkaniyang anak na babae.Naniniwala si Nair na na-tulungan siya ng mga na-tutuhan niya sa Bibliya namakipagpayapaan, kahitsa gayong mahirap na sit-

wasyon. Pinilit niyang huwag makipagtalo o maki-pag-away. Sinikap niyang maging mabait, mada-mayin, at maunawain. (Efeso 4:31, 32) Kumbinsidosiya na natulungan siya ng pakikipagpayapaan namagkaroon ng mabuting kaugnayan sa kaniyangpamilya at sa iba.

TUMINGIN SA HINAHARAP

Kung susundin natin ang matatalinong payo niJesus, magiging maligaya tayo at kontento sa buhay.Pero para maging tunay na makabuluhan ang bu-hay, kailangan din nating malaman ang mangyayarisa hinaharap. Paano ngang magiging makabuluhanang buhay kung ang alam lang natin ay tatanda tayo,magkakasakit, at mamamatay? Pero iyan talaga angnangyayari sa buhay ngayon.

Buti na lang, may magandang balita! Maramingpagpapalang ilalaan si Jehova para sa mga nag-sisikap “lumakad na gaya ng paglakad ni Jesus.”Nangako si Jehova ng isang matuwid na bagongsanlibutan, kung saan ang tapat na mga tao ay ma-bubuhay ayon sa nilayon ni Jehova—magpakailan-man taglay ang perpektong kalusugan. Sinasabi ngkaniyang Salita: “Narito! Ang tolda ng Diyos ay nasasangkatauhan, at tatahan siyang kasama nila, at silaay magiging kaniyang mga bayan. At ang Diyos mis-mo ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luhasa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ngkamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw ong kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipasna.”—Apocalipsis 21:3, 4.

Nananabik ang 84-anyos na si Maria, binanggit saunang artikulo ng seryeng ito, na makita ang katu-paran ng pangakong iyan. Ikaw, gusto mo bang ma-laman nang higit pa ang tungkol sa “tunay na bu-hay”—sa ilalim ng Kaharian ng Diyos? (1 Timoteo6:19) Kung oo, maaari kang magtanong sa mga Sak-si ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa mga taga-paglathala ng magasing ito.� ˇ

� Ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, inilalathalang mga Saksi ni Jehova, ay nakatulong sa marami na pag-aralan angsinasabi ng Kasulatan tungkol sa iba’t ibang paksa.

Sina Maria at Carlos

Nair

Page 8: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

8 � ANG BANTAYAN

ANG AKING NAKARAAN: Lumaki ako sa isang mahirap na ko-munidad sa daungang-lunsod ng Turku. Kampeon sa bok-sing ang tatay ko, kaya naman kami ng nakababata kongkapatid na lalaki ay mahilig ding sumali sa boksing. Sa paa-ralan, lagi akong hinahamon ng away at hindi ko sila inuuru-ngan. Noong tin-edyer na ako, sumali ako sa isang gang kayalalo akong napasubo sa gulo. Nagustuhan ko rin ang heavymetal at pinangarap kong maging isang rock star.

Bumili ako ng mga drum, bumuo ng banda, at naging leadsinger ako ng banda. Gustung-gusto kong nagwawala sa enta-blado. Dahil agresibo ang banda namin at may kakaibanghitsura, unti-unti kaming nakilala. Nagsimula na kaming tu-mugtog sa harap ng napakaraming tao, at gumawa kami ngilang rekording. Ang pinakahuli naming rekording ay uma-ni ng papuri. Noong huling bahagi ng dekada ’80, pumun-ta kami sa Estados Unidos para i-promote ang aming ban-da. Ilang beses din kaming tumugtog sa New York at sa LosAngeles, at nagkaroon ng ilang kontak sa industriya ng mu-sika bago kami umuwi sa Finland.

Bagaman nag-eenjoy ako sa banda, naghahanap pa rin akong mas makabuluhang buhay. Hindi ko nagustuhan ang so-brang kompetisyon sa industriya ng musika at ang pagigingagresibo ng mga naroroon. Nagsawa na rin ako sa walang-direksiyong buhay. Pakiramdam ko’y masama akong tao,at natatakot akong masunog sa impiyerno. Sinubukan kongmagbasa ng iba’t ibang aklat tungkol sa relihiyon, at taim-tim din akong nagdasal para sa tulong ng Diyos, kahit iniisipkong wala akong karapatan.

KUNG PAANO BINAGO NG BIBLIYA ANG BUHAY KO: Nagtra-baho ako sa post office sa aming lugar. Isang araw, nalamankong Saksi ni Jehova pala ang isa kong katrabaho. Pinaula-nan ko siya ng mga tanong. Nagkainteres ako sa mga sagotniya mula sa Kasulatan, kaya pumayag akong makipag-aralng Bibliya sa kaniya. Pagkaraan ng ilang linggong pakiki-pag-aral, inalok ang banda namin ng isang nakaeengganyongkontrata sa rekording na may posibilidad na mag-release ng

BINAGO NG BIBLIYA ANG KANILANG BUHAY

“Napakapangitng ugali ko”

AYON SA SALAYSAY NIESA LEINONEN

ISINILANG:

1960

BANSANG PINAGMULAN:

FINLAND

DATING HEAVY-METALMUSICIAN

� Kaj Ewart

Page 9: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

album sa Estados Unidos. Naisip kong ito na angpagkakataon naming sumikat.

Sinabi ko sa Saksing nagtuturo sa akin na gus-tung-gusto kong gumawa ng isa pang album at napagkatapos nito, ikakapit ko na talaga ang mgaprinsipyo ng Bibliya. Hindi siya nagsabi ng opinyonniya; ipinabasa lang niya sa akin ang sinabi ni Je-sus sa Mateo 6:24: “Walang sinuman ang maaaringmagpaalipin sa dalawang panginoon.” Nagulat akonang maintindihan ko ang mga salitang iyan ni Je-sus. Pero pagkaraan ng ilang araw, ang guro ko na-man sa Bibliya ang nagulat! Sinabi ko sa kaniya nadahil gusto kong sundin si Jesus, umalis na ako sabanda!

Ang Bibliya ay nagsilbing isang salamin na nag-siwalat ng aking mga kamalian. (Santiago 1:22-25)Nakita kong napakapangit ng ugali ko: mayabang,ambisyoso, palamura, palaaway, at sugapa sa siga-rilyo’t alak. Nang mapag-isip-isip kong malayung-malayo ang buhay ko sa mga prinsipyo ng Bibliya,inis na inis ako sa aking sarili. Kaya kahit napakahi-rap, nagpasiya akong magbago.—Efeso 4:22-24.

Sisıng-sisi ako sa mga nagawa ko noon. Pero ma-laki ang naitulong ng Saksing nagtuturo sa akin. Ipi-nakita niya sa akin ang sinasabi sa Isaias 1:18: “Ba-gaman ang mga kasalanan ninyo ay maging gaya ngiskarlata, ang mga ito ay mapapuputing gaya ng ni-yebe.” Ito at ang iba pang mga talata sa Bibliya angnakakumbinsi sa akin na ang ating makalangit naAma ay maawain, at gusto niyang paghilumin angmga sugat ng mga nagsisisi sa kanilang mga pagka-kamali.

Nang makilala ko na ang Diyos na Jehova, nagpa-siya akong ialay ang aking buhay sa kaniya. (Awit40:8) Nabautismuhan ako noong 1992 sa interna-syonal na kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova saSt. Petersburg, Russia.

KUNG PAANO AKO NAKINABANG: Nagkaroon akong maraming mabubuting kaibigan na sumasam-ba rin kay Jehova. Paminsan-minsan, nagsasama-sama kami sa pagtugtog ng disenteng mga musikaat nag-eenjoy kami sa regalong ito ng Diyos. (San-tiago 1:17) Isang espesyal na pagpapala si Kristina,ang aking mahal na asawa. Naibabahagi ko sa kani-ya ang maraming bagay—kaligayahan, mga hamonsa buhay, at ang aking niloloob.

Kung hindi ako naging Saksi ni Jehova, patay nasiguro ako ngayon. Dati, madalas akong masangkotsa mga gulo’t problema. Ngayon, may kabuluhan naang buhay ko, at pakiramdam ko’y nasa ayos na anglahat. ˇ

“Ang ating makalangit na Ama aymaawain, at gusto niyang paghiluminang mga sugat ng mga nagsisisi sakanilang mga pagkakamali”

ABRIL 1, 2013 � 9

Page 10: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

10 � ANG BANTAYAN

Ang Nineve ang kabisera ng Imperyo ng Asirya. Ito ay isang makapang-yarihang lunsod na may naggagandahang palasyo at templo, malala-pad na kalye, at naglalakihang pader. Tinawag ito ng Hebreong prope-ta na si Nahum na “lunsod ng pagbububo ng dugo.”—Nahum 3:1.

Tamang-tama ang deskripsiyong iyan dahil pinatutunayan ng mgaeskulturang makikita sa palasyo ni Senakerib sa Nineve ang kalupitanng mga Asiryano. Makikita sa isa sa mga iyon ang isang tagapagparu-sa habang pinipilipit ang dila ng isang nakagapos na bilanggong inihi-ga sa lupa. Ipinagmamalaki naman sa mga inskripsiyon na ang mga bi-hag ay hinihila sa pamamagitan ng lubid na nakakabit sa mga kawit naitinusok sa kanilang ilong o labi. Ikinukuwintas pa nga sa mga bihag naopisyal ang pug

´ot na ulo ng kanilang mga hari.

Ganito ang paglalarawan ng Asiryologong si Archibald Henry Saycesa nangyaring kalupitan matapos sakupin ang isang bayan: “Buntun-buntong mga ulo ng tao ang inilagay sa lahat ng dinaanan ng manana-kop; ang mga batang lalaki at babae ay sinunog nang buh

´ay o kung hin-

di man ay mas malagim pa ang sinapit; ang mga lalaki ay ipinako,binalatan nang buh

´ay, binulag, o pinutulan ng mga kamay at paa, ng

mga tainga at ilong.” ˇ

ALAM MO BA?

Bakit tinawag na “lunsod ng pagbububo ngdugo” ang sinaunang Nineve?

ESKULTURA NG MGA MANDIRIGMANGNAGBUBUNTON NG MGA ULO

NG MGA BIHAG

Erich Lessing/Art Resource, NY

Ang mga Judio ay inutusan ng Diyos: “Kung magtatayo ka ng isang ba-gong bahay, gagawa ka rin ng isang halang para sa iyong bubong,upang hindi ka makapaglagay ng pagkakasala sa dugo sa iyong ba-hay dahil baka may sinumang mahulog . . . mula roon.” (Deuterono-mio 22:8) Ang halang ay kailangan para sa kaligtasan, dahil ang mgapamilyang Judio noong panahon ng Bibliya ay madalas na nasa bubu-ngan.

Karaniwan nang patag ang bubong ng bahay ng mga Israelita. Ta-mang-tama ang lugar na iyon kapag gusto nilang magpaaraw, magpa-hangin, o gumawa ng mga gawaing-bahay. Masarap matulog doonkapag tag-init. (1 Samuel 9:26) Ang isang magsasaka ay nagbibiladdoon ng mga butil bago gilingin o ng mga igos at ubas.—Josue 2:6.

Ang bubungan ay ginamit din sa tunay na pagsamba at magingsa idolatrosong pagsamba. (Nehemias 8:16-18; Jeremias 19:13) Siapostol Pedro ay umakyat sa bubungan noong katanghalian para ma-nalangin. (Gawa 10:9-16) Kapag ang bubungan ay may lilim ng hala-mang-baging o mga dahon ng palma, masarap magpahinga roon.

Ayon sa The Land and the Book, ang bahay ng mga Israelita ay mayhagdanan paakyat sa bubong “sa labas ng bahay, pero nasa loob ngbakuran.” Dahil diyan, ang isa ay puwedeng bumaba mula sa bubongnang hindi na pumapasok sa bahay. Kaya naman nang magbabala siJesus tungkol sa apurahang pagtakas sa pagkawasak ng lunsod, si-nabi niya: “Ang tao na nasa bubungan ng bahay ay huwag buma-ba upang kunin ang mga pag-aari mula sa kaniyang bahay.”—Mateo24:17. ˇ

Bakit may halang ang bubungan ng bahayng mga Judio?

Page 11: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

“Panginoon, turuan mo kaming manalangin.” (Lucas11:1) Hiniling iyan kay Jesus ng isa sa kaniyang mga

alagad. Sa kaniyang tugon, nagbigay si Jesus ng dala-

wang ilustrasyon na nagtuturo sa atin kung paano ma-

nanalangin sa paraang diringgin ng Diyos. Kung gustomong malaman kung dinirinig ng Diyos ang iyong mga

panalangin, magiging interesado ka sa sinabi ni Jesus.

—Basahin ang Lucas 11:5-13.

Ang unang ilustrasyon ay may kaugnayan sa isa na

nananalangin. (Lucas 11:5-8) Sa kuwento, isang lalakiang nagkabisita. Pero hatinggabi na at wala na siyang

maihandang pagkain. Kaya dali-dali siyang nagpunta

sa bahay ng kaniyang kaibigan para manghiram ng ti-

napay. Noong umpisa, ayaw na sanang bumangon ng

kaibigan niya dahil natutulog na ang buong pamilyanila. Pero dahil sa pagpupumilit ng lalaki, bumangon

na rin ang kaniyang kaibigan at binigyan siya ng kaila-

ngan niya.�

Ano ang itinuturo nito tungkol sa panalangin? Sina-sabi sa atin ni Jesus na tayo ay kailangang maging ma-

tiyaga—na patuloy na humingi, maghanap, at kumatok.

(Lucas 11:9, 10) Bakit? Ipinahihiwatig ba ni Jesus na

atubiling makinig ang Diyos sa ating mga panalangin,

anupat kailangan pa Siyang kulitin? Hindi. Ipinakikitalang ni Jesus na di-tulad ng atubiling kaibigan, gustung-

gusto ng Diyos na ibigay ang mga hinihiling ng nana-

nampalataya sa kaniya. Maipakikita natin ang ating

pananampalataya kung magiging matiyaga tayo sa pa-

nanalangin. Sa paulit-ulit na paghingi, naipakikita natinna talagang kailangan natin ang ating hinihiling at tala-

gang naniniwala tayong ibibigay ito ng Diyos—kung iyon

ang kalooban niya.—Marcos 11:24; 1 Juan 5:14.

Ang ikalawang ilustrasyon ay tungkol naman sa “Du-

mirinig ng panalangin,” si Jehova. (Awit 65:2) Itinanong

� Makikita sa ilustrasyon ni Jesus ang mga kaugalian ng mga Ju-

dio noon. Para sa kanila, isang sagradong pananagutan ang pag-

kamapagpatuloy. Ang inilulutong tinapay ng isang pamilya ay sa-

pat lang para sa isang araw, kaya nakagawian na ang panghihiram

ng tinapay kapag naubusan. Gayundin, kapag mahirap ang pamilya,

sama-sama silang natutulog sa sahig sa isang kuwarto.

ni Jesus: “Sinong ama sa inyo, na kapag ang kaniyanganak ay humingi ng isda, ang marahil ay magbibigay sakaniya ng serpiyente sa halip na isda? O kapag humi-ngi rin siya ng itlog ay magbibigay sa kaniya ng alak-dan?” Maliwanag ang sagot—walang mapagmahal na

ama ang magbibigay ng mga bagay na ikapapahamakng kaniyang mga anak. Pagkatapos, ipinaliwanag ni Je-sus ang kahulugan ng ilustrasyon: Kung ang di-sakdalna ama ay marunong “magbigay ng mabubuting kalo-

ob” sa kaniyang anak, “lalo pa ngang higit na ang Ama

sa langit ay magbibigay ng banal na espiritu”—ang pi-nakamabuting regalo—sa kaniyang makalupang mgaanak na humihingi sa kaniya!�—Lucas 11:11-13; Ma-teo 7:11.

Ano ang itinuturo nito tungkol kay Jehova, ang “Du-mirinig ng panalangin”? Hinihimok tayo ni Jesus na itu-

ring si Jehova bilang isang mapagmahal na Ama nagustung-gustong maibigay ang pangangailangan ng ka-niyang mga anak. Kaya naman maidudulog ng mgamananamba ni Jehova ang mga kahilingan ng kanilangpuso. At dahil alam nilang ang gusto ng Diyos ay ang pi-nakamabuti para sa kanila, tatanggapin nila ang kani-

yang sagot, kahit hindi ito ang kanilang inaasahan.� ˇ

� Madalas gamitin ni Jesus ang pananalitang “lalo pa ngang higit”—anupat pinaghahambing ang nakabababa at ang nakatataas.

� Para higit pang malaman kung paano mananalangin sa paraangdiringgin ng Diyos, tingnan ang kabanata 17 ng aklat na Ano ba Ta-

laga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

MAGING MALAP´IT SA DIYOS

“Patuloy na Humingi, atIbibigay Ito sa Inyo”

Gustung-gusto ng Diyos naibigay ang mga hinihiling ngnananampalataya sa kaniya

PAGBABASA NG BIBLIYA PARA SA ABRIL

Lucas 7-21

Page 12: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

12 � ANG BANTAYAN

INIUNAT ni Noe ang kaniyang likod at ang nanana-kit niyang mga kalamnan. Gunigunihing nakaupo

siya sa isang malapad na kahoy, habang nagpapahi-nga at pinagmamasdan ang napakalaking arka. Ma-lalanghap ang masangsang na amoy ng mainit naalkitran; maririnig ang maiingay na tunog ng mgakagamitan sa pagtatayo. Mula sa kaniyang kinauu-puan, nakikita ni Noe ang kaniyang mga anak naabalang-abala sa pagtatrabaho. Ilang dekada na rinnilang ginagawa ang proyektong ito—si Noe, ang ka-niyang mga anak, ang kani-kanilang asawa, at angkaniyang mahal na asawa. Natapos na nila ang ilangbahagi ng arka, pero marami pa rin silang dapat ga-win!

Iniisip ng mga tao na ang pamilyang ito ay na-babaliw. Habang nagkakakorte ang arka, lalo na-man silang natatawa dahil sa sinasabi ni Noe na de-lubyong magaganap sa buong lupa. Ang babalangiyan ni Noe ay waring isang malaking kalokohan!Hindi sila makapaniwalang sasayangin ng isang taoang kaniyang buhay—at ang buhay ng kaniyang pa-milya—sa gayong kamangmangan! Pero ibang-ibanaman ang pananaw ng Diyos ni Noe, si Jehova, salalaking ito.

Sinasabi ng Salita ng Diyos: “Si Noe ay lumakadna kasama ng tunay na Diyos.” (Genesis 6:9) Anoang ibig sabihin niyan? Hindi sa ang Diyos ay lu-makad sa lupa, o kaya nama’y pumunta si Noe salangit. Sa halip, maingat na sinunod ni Noe at lu-bos na minahal ang kaniyang Diyos, anupat siya atsi Jehova ay para bang magkasamang naglakad bi-lang magkaibigan. Makalipas ang libu-libong taon,sinabi ng Bibliya tungkol kay Noe: ‘Sa pamamagi-tan ng kaniyang pananampalataya ay hinatulan niya

ang sanlibutan.’ (Hebreo 11:7) Paano nangyari iyon?Ano ang matututuhan natin sa pananampalataya niNoe?

MATUWID NA LALAKI SA LIKONG SANLIBUTAN

Lumaki si Noe sa isang sanlibutang pasama nangpasama. Masama na ito noon pa mang panahon niEnoc, ang tatay ng lolo ni Noe at isa ring matuwid nataong lumakad na kasama ng Diyos. Inihula ni Enocna may darating na araw ng paghuhukom sa masa-samang tao sa daigdig. Noong panahon ni Noe, lalopang sumama ang mga tao. Sa katunayan, sa pani-ngin ni Jehova, ang lupa ay nasira dahil napuno itong karahasan. (Genesis 5:22; 6:11; Judas 14, 15) Ba-kit lalong sumama ang lupa?

May masamang nangyari sa gitna ng mga espiri-tung anak ng Diyos, ang mga anghel. Ang isa sa ka-nila ay nagrebelde na kay Jehova, at naging Sata-nas na Diyablo dahil siniraang-puri nito ang Diyosat inudyukan sina Adan at Eva na magkasala. No-ong panahon naman ni Noe, nagrebelde ang ibapang mga anghel laban sa matuwid na pamamaha-la ni Jehova. Tinalikuran nila ang kanilang atas sa la-ngit, bumaba sa lupa, nagkatawang-tao, at nakipag-asawa sa magagandang babae. Ang mayayabang atmakasariling mga rebeldeng anghel na iyon ay na-ging napakasamang impluwensiya sa mga tao.—Ge-nesis 3:1-5; 6:1, 2; Judas 6, 7.

Bukod diyan, ang di-likas na pagsasama ng mganagkatawang-taong anghel at ng mga babaing taoay nagbunga ng mga anak na lalaking may pambi-hirang laki at lakas. Ang tawag sa kanila sa Bibli-ya ay Nefilim, na literal na nangangahulugang “MgaTagapagbuwal.” Lalo pang pinalala ng malulupit at

TULARAN ANG KANILANG PANANAMPALATAYA � NOE

Siya ay “Lumakadna Kasama ng Tunayna Diyos”

Page 13: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

mararahas na Nefilim ang masama nang kalagayanng daigdig. Hindi nga kataka-takang sa paninginng Maylalang, “ang kasamaan ng tao ay laganap salupa at ang bawat hilig ng mga kaisipan ng kaniyangpuso ay masama na lamang sa lahat ng panahon.”Ipinasiya ni Jehova na lipulin ang masasamang ta-ong iyon pagkatapos ng 120 taon.—Genesis 6:3-5.

Isipin na lang kung gaano kahirap magtaguyodng pamilya noon! Pero nagawa iyon ni Noe. Nag-karoon siya ng mabuting asawa. Nang mag-500 ta-ong gulang na si Noe, nagkaanak sila ng tatlonglalaki—sina Sem, Ham, at Japet.� Dahil sa masasa-mang impluwensiya sa paligid, kinailangang pro-tektahan ng mag-asawa ang kanilang mga anak. Ka-raniwan nang hangang-hanga ang mga batang lalakisa “mga makapangyarihan” at “mga lalaking ban-tog” na gaya ng mga Nefilim. Hindi laging mahahad-langan ni Noe at ng kaniyang asawa na marinig ngkanilang mga anak ang mga balita tungkol sa gina-gawa ng mga higanteng iyon. Pero maituturo namannila sa kanila ang nakaaantig na katotohanan tung-kol sa Diyos na Jehova, ang isa na napopoot sa ka-samaan. Dapat nilang tulungan ang kanilang mgaanak na maunawaang nasasaktan si Jehova sa kara-hasan at rebelyon sa daigdig.—Genesis 6:6.

Nauunawaan ng mga magulang ngayon ang nara-nasan nina Noe. Ang daigdig natin ay puno rin ngkarahasan at rebelyon. Maging ang mga libangangpambata ay may gayunding mga tema. Sinisikap ngmatatalinong magulang na labanan ito sa pamama-gitan ng pagtuturo sa kanilang mga anak tungkol sa

� Mas mahaba ang buhay ng mga tao noon kaysa sa ngayon.Lumilitaw na ito’y dahil malapit pa sila sa kasakdalang naiwalanina Adan at Eva.

Diyos ng kapayapaan, si Jehova, na balang araw aytatapos sa lahat ng karahasan. (Awit 11:5; 37:10, 11)Posibleng magtagumpay! Nagtagumpay sina Noe.Ang kanilang mga anak ay lumaking mabubutingtao, at nakapag-asawa ng mga babaing inuuna rin sakanilang buhay ang tunay na Diyos, si Jehova.

“GUMAWA KA PARA SA IYO NG ISANG ARKA”

Isang araw, nagbago ang buhay ni Noe. Sinabi niJehova sa kaniyang mahal na lingkod ang tungkol saKaniyang layuning wakasan ang sanlibutang iyon.Inutusan ng Diyos si Noe: “Gumawa ka para sa iyong isang arka mula sa kahoy ng isang madagtangpunungkahoy.”—Genesis 6:14.

Ang arkang ito ay hindi barko, gaya ng ipinapala-gay ng ilan. Para lang itong isang napakalaking ka-hon. Ibinigay ni Jehova kay Noe ang eksaktong su-kat ng arka, ang ilang detalye ng disenyo, at angtagubilin na balutan ito ng alkitran sa loob at sa la-bas. At sinabi niya kay Noe kung bakit: “Narito, da-dalhin ko ang delubyo ng tubig sa ibabaw ng lupa . . .Bawat bagay na nasa lupa ay papanaw.” Pero sinabirin ni Jehova kay Noe: “Pumasok ka sa arka, ikaw atang iyong mga anak at ang iyong asawa at ang mgaasawa ng iyong mga anak na kasama mo.” Dapat dinsiyang magpasok ng mga hayop mula sa bawat urinito. Tanging ang mga nasa loob lang ng arka angmakaliligtas sa Delubyo!—Genesis 6:17-20.

Napakabigat na trabaho ito para kay Noe. Angarkang ipinagagawa ay napakalaki—mga 133 metroang haba, 22 metro ang lapad, at 13 metro ang taas.Mas malaki ito kaysa sa pinakamalaking kahoy nabarkong nagawa kailanman. Inurungan ba ni Noeang atas na iyon, nagreklamo ba siya, o binago ba

Kinailangangprotektahanni Noe at ngkaniyang asawaang kanilang mgaanak mula samasasamangimpluwensiya

Page 14: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

14 � ANG BANTAYAN

niya ang mga detalye para hindi siya mahirapan? Si-nabi ng Bibliya: “Ginawa ni Noe ang ayon sa lahatng iniutos ng Diyos sa kaniya. Gayung-gayon angginawa niya.”—Genesis 6:22.

Inabot nang ilang dekada ang paggawa ng arka,marahil 40 hanggang 50 taon. Kinailangang mag-patumba ng mga puno, maghakot ng mga troso, atmagtabas ng mga bigang pagkakabit-kabitin. Angarka ay dapat na may tatlong palapag, mga silid, atisang pintuan sa gilid. Malamang na may mga bin-tana ito sa itaas at padalisdis na bubong para hindimaipon doon ang tubig.—Genesis 6:14-16.

Habang lumilipas ang panahon at nagkakakorteang arka, tiyak na tuwang-tuwa si Noe sa suporta ngkaniyang pamilya! Pero may iba pang gawain na ma-aaring mas mahirap pa kaysa sa paggawa ng arka.Sinasabi ng Bibliya na si Noe ay “isang mangangaralng katuwiran.” (2 Pedro 2:5) Kaya buong-tapang ni-yang pinangunahan ang pagbababala sa masama atdi-makadiyos na lipunang iyon tungkol sa daratingna kawakasan. Paano sila tumugon? Nang banggitinni Jesu-Kristo ang tungkol sa panahong iyon, sinabiniyang “hindi sila nagbigay-pansin.” Ayon sa kani-ya, abalang-abala ang mga ito sa pang-araw-araw nagawain—kumakain, umiinom, at nag-aasawa—anu-pat hindi sila nakinig kay Noe. (Mateo 24:37-39) Ti-yak na marami ang tumuya kina Noe; maaaring maynagbanta pa nga at marahas na sumalansang.

Pero hindi sila sumuko. Tuloy pa rin sila sa pag-gawa ng arka kahit para sa mga tao, ito’y wa-lang halaga, mali, o isang kalokohan. Kaya mala-ki ang matututuhan ng mga pamilyang Kristiyanongayon sa pananampalataya nina Noe. Nabubuhaytayo ngayon sa tinatawag ng Bibliya na “mga hulingaraw” ng sistemang ito ng sanlibutan. (2 Timoteo3:1) Sinabi ni Jesus na magiging kagayang-kagayang panahon ni Noe ang panahon natin ngayon. Ka-pag ang mga tao ay hindi interesado sa mensahe ngKaharian ng Diyos, nanunuya, o nang-uusig pa nga,makabubuting alalahanin ng mga Kristiyano si Noe.Hindi lang sila ang napaharap sa gayong mga ha-mon.

“PUMASOK KA . . . SA LOOB NG ARKA”

Lumipas pa ang ilang dekada, at patapos na angarka. Habang papalapit ang ika-600 taon ni Noe, na-walan siya ng mga mahal sa buhay. Ang kaniyang

amang si Lamec ay namatay.� Pagkalipas ng limangtaon, ang ama naman ni Lamec na si Matusalem,lolo ni Noe, ang namatay sa edad na 969—ang pina-kamahabang buhay ng tao na napaulat sa Bibliya.(Genesis 5:27) Sina Matusalem at Lamec ay mga ka-kontemporaryo ng unang taong si Adan.

Noong taon ding iyon, tumanggap ng bagongmensahe mula sa Diyos na Jehova ang patriyarkangsi Noe: “Pumasok ka, ikaw at ang iyong buong sam-bahayan, sa loob ng arka.” Sinabi rin ng Diyos kayNoe na ipasok sa arka ang lahat ng uri ng hayop—tig-pipitong malilinis na karapat-dapat ihandog, at angiba pa ay tigdadalawa.—Genesis 7:1-3.

Tiyak na hindi malilimutan ang tanawing iyon.Mula sa malayo, makikita ang sunud-sunod na pag-pasok ng daan-daang hayop na iba’t iba ang laki, hu-gis, at ugali—may naglalakad, may lumilipad, at maygumagapang. Nahirapan kaya si Noe na papasukinsa arka ang lahat ng maiilap at mababangis na ha-yop? Sinasabi ng ulat na “sila ay pumasok . . . kay Noesa loob ng arka.”—Genesis 7:9.

Baka may magtanong: ‘Posible ba iyon? Puwe-de bang pagsama-samahin ang lahat ng mga hayopna iyon?’ Pag-isipan ito: Hindi ba kayang kontrolin,o paamuin at pasunurin pa nga, ng Maylalang nguniberso ang mga hayop na nilalang niya? Tandaan,

� Pinangalanan ni Lamec ang kaniyang anak na Noe—marahilnangangahulugang “Kapahingahan; Kaaliwan”—at inihulang tu-tuparin ni Noe ang kahulugan ng kaniyang pangalan sa pama-magitan ng pag-akay sa mga tao sa isang kapahingahan mula sapagpapagal sa lupang isinumpa. (Genesis 5:28, 29) Hindi nakitani Lamec ang katuparan ng hulang iyan.

Page 15: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

ABRIL 1, 2013 � 15

si Jehova ang Diyos na humati ng Dagat na Pula atpumigil sa paglubog ng araw. Kaya magagawa niyaang lahat ng pangyayaring inilarawan sa ulat tung-kol kay Noe, at ginawa niya iyon.

Totoo, maaari namang iligtas ng Diyos sa ibangparaan ang mga hayop na nilalang niya. Pero piniliniya ang isang paraan na magpapaalaala sa atin satiwalang ibinigay niya sa mga tao nang atasan niyasilang pangalagaan ang lahat ng nabubuhay na nila-lang sa lupa. (Genesis 1:28) Sa ngayon, ginagamit ngmaraming magulang ang kuwento tungkol kay Noepara ituro sa kanilang mga anak na mahalaga kay Je-hova ang mga tao at hayop na kaniyang nilalang.

Sinabi ni Jehova kay Noe na isang linggo na langat darating na ang Delubyo. Isip-isipin ang napa-karaming trabahong kailangang gawin ng pamilya—pagsasaayos sa mga hayop at pagkain ng mga itoat pagpapasok ng mga gamit ng pamilya sa loob ngarka. Ang asawa naman ni Noe at ang mga manu-gang nila ay maaaring nag-aayos ng isang lugar namagsisilbing tirahan nila sa arka.

Kumusta naman ang mga tao sa labas ng arka?‘Hindi pa rin sila nagbigay-pansin’—kahit kitang-kita nang pinagpapala ni Jehova si Noe at ang kani-yang mga pagsisikap. Tiyak na napansin nila angmga hayop na kusang pumapasok sa arka. Perohindi na tayo dapat magtaka sa kanilang pagwa-walang-bahala. Ang mga tao sa ngayon ay hin-di rin nagbibigay-pansin sa napakaraming ebiden-siyang nabubuhay na tayo sa mga huling araw ngsistemang ito ng mga bagay. At gaya ng inihula ni

apostol Pedro, ang mga manunuya ay darating, anu-pat tutuyain ang mga nakikinig sa babala ng Diyos.(2 Pedro 3:3-6) Tiyak na tinuya ng mga tao si Noe atang kaniyang pamilya.

Kailan natapos ang panunuya? Ayon sa ulat, nangmaipasok na ni Noe sa arka ang kaniyang pamilyaat ang mga hayop, “isinara ni Jehova ang pinto sa li-kuran niya.” Kung may mga manunuyang malapitsa arka, tiyak na napatahimik sila sa ginawang iyonng Diyos. Kung hindi man, siguradong napatahimiksila nang biglang umulan! At patuloy na bumuhosnang bumuhos ang ulan hanggang sa apawan nitoang buong lupa, gaya ng sinabi ni Jehova.—Genesis7:16-21.

Ikinatuwa ba ni Jehova ang pagkamatay ng masa-samang taong iyon? Hindi! (Ezekiel 33:11) Sa kaba-ligtaran, binigyan niya sila ng pagkakataong mag-bago at gawin ang tama. Magagawa ba nila iyon?Nasagot iyan ng naging buhay ni Noe. Sa paglakadna kasama ng Diyos na Jehova at pagsunod sa Kani-ya sa lahat ng bagay, ipinakita ni Noe na posiblengmaligtas ang isa. Sa diwa, hinatulan ng kaniyang pa-nanampalataya ang sanlibutan noong panahonniya; napatunayan ni Noe na posibleng mamuhay saparaang nakalulugod sa Diyos. Dahil sa kaniyangpananampalataya, nakaligtas siya at ang kaniyangpamilya. Kung tutularan mo ang pananampalatayani Noe, maililigtas mo rin ang iyong sarili at ang mgamahal mo sa buhay. Gaya ni Noe, makalalakad karing kasama ni Jehova bilang kaibigan mo. At ma-nanatili magpakailanman ang pagkakaibigang iyan!

Kahit kitang-kita nang pinagpapala ni Jehova si Noe, tinuya pa rin siya ng mga tao at binale-wala ang kaniyang mensahe

Page 16: POSIBLE ANG ISANG MAKABULUHANG BUHAYdownload.jw.org/files/media_magazines/b8/wp_TG_20130401.pdf · pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga ... “Pitumpung taon

ANO BA Talaga

ANG ITINUTURO

NG BIBLIYA?

wp13 04/01-TG

Posible bang maintindihanang Bibliya?Ang Bibliya ay Salita ng Diyos. Para itong liham mula saisang mapagmahal na ama. (2 Timoteo 3:16) Sa Bibli-ya, ipinaliliwanag ng Diyos kung paano natin siya ma-pasasaya, kung bakit niya pinapayagan ang kasama-an, at kung ano ang gagawin niya sa hinaharap parasa mga tao. Pero pinilipit ng mga nagtuturo ng relihiyonang sinasabi ng Bibliya kaya marami ang nag-iisip nahindi na nila ito maiintindihan.—Gawa 20:29, 30.

Gusto ng Diyos na Jehova na malaman natin ang ka-totohanan tungkol sa kaniya. Dahil diyan, binigyan niyatayo ng isang aklat na maiintindihan natin.—Basahinang 1 Timoteo 2:3, 4.

Paano mo maiintindihanang Bibliya?Bukod sa binigyan tayo ni Jehova ng Bibliya, tinulu-ngan din niya tayo na maintindihan ito. Isinugo niyasi Jesus para turuan tayo. (Lucas 4:16-21) Tinulunganni Jesus ang kaniyang mga tagapakinig na maintin-dihan ang Kasulatan sa pamamagitan ng pagbanggitng iba’t ibang talata nito.—Basahin ang Lucas 24:27,32, 45.

Itinatag ni Jesus ang kongregasyong Kristiyano paramaipagpatuloy ang gawaing sinimulan niya. (Mateo28:19, 20) Sa ngayon, tinutulungan ng mga tunay natagasunod ni Jesus ang mga tao na maintindihan angmga turo ng Bibliya tungkol sa Diyos. Kung gusto mongmaintindihan ang Bibliya, malulugod ang mga Saksi niJehova na tulungan ka.—Basahin ang Gawa 8:30, 31.

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

ALAMIN ONLINE ANG SAGOT SAIBA PANG MGA TANONG SA BIBLIYA

Para sa higit pang impormasyon,tingnan ang kabanata 2 ng aklat na itona inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Mga artikulo at activitypara sa mga magulang,tin-edyer, at mga bata

Bibliya na mababasaonline sa mga 50 wika

no

mq

p