Upload
others
View
2
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
POLLitika 1
POLLitika: Eksistensya ng Tunggalian ng Interes sa mga Polling Organization na
nagsasagawa ng mga Pre-Election Poll sa Bansa
Isang Pananaliksik ng Paghahambing sa STRATpolls, Inc. at Social Weather Station (SWS)
Bilang parsyal na pagtupad sa mga rekisito ng
Political Science 198
Special Problems in Political Science
Mikaella F. Darum
University of the Philippines Manila
Prop. Clarinda Berja
Tagapayo
POLLitika 2
PASASALAMAT
Walang hanggang pasasalamat sa aking guro na si Propesor Clarinda Berja para sa
walang hanggang pagtitiyaga at pagiging ina sa aming klase. Hinding-hindi magiging posible
ang pananaliksik na ito kung hindi dahil sa kanyang paggabay at pagpapayo.
Sa lahat ng mga naging kalahok sa pananaliksik na ito—ang mga dalubguro at mga
kinatawan ng mga organisasyon kong kinapanayam, sa lahat ng mga naging tagatugon para sa
aking survey—hinding-hindi po ako makakapagtapos kung hindi po dahil sa inyo. Maraming
maraming salamat po pagkat naglaan po kayo ng oras para isang mag-aaral na katulad ko nang
walang hinihinging kapalit. Ang tanging maibibigay ko pong kapalit ay ang pananaliksik na ito,
na bunga po ng lahat ng kaalaman na ibinahagi niyo po sa akin—isang pananaliksik na nawa’y
hindi lamang makatulong sa agham, ngunit sa mga tao sa kabuuan.
Sa lahat ng aking mga naging dalubguro sa kursong hinding hindi ko pagsisisihang
minahal, walang hanggang pasasalamat po—Prop. Carl Ramota, Prop. Risa Jopson, Prop. Julian
Advincula, Prop. Clarinda Berja, Prop. Fatima Castillo at Prop. Bobby Tuazon. Minulat niyo po
ako, hinubog ang aking kaisipan upang maging mapanuri at kritikal. Masayang masaya po ako
pagkat binago niyo po ang buhay ko, at binigyan niyo po ng direksyon sa puntong naging
malinaw po ang aking mga pangarap. Lalo na po sa inyo, Prop. Tuazon, Prop.Castillo, at Prop.
Ramota, iniidolo ko po kayo. Nais ko pong maging katulad niyo—isang dalubguro na taglay ang
dangal at kagalingan ng ating minamahal na pamantasan.
Sa aking mga kaibigan at kamag-aral, napakarami ninyo upang banggitin. Kung hindi
lamang sa limitasyon ng espasyo ng papel na ito, ilalagay ko ang pangalan niyong lahat. Sa
kabila nito, espesyal napasasalamat kay Aran Dogwe, na maituturing kong pinakamatalik kong
POLLitika 3
kaibigan sa apat na taon ko sa kolehiyo. Pasasalamat rin kay Clarissa de Vera sa kanyang
pagtulong sa aking pananaliksik at sa pagiging isang tunay na kaibigan. Espesyal ko ring ilalagay
ang pangalan ni Analyn Amante, pagkat naniniwala ako na ang bawat diskursong nagaganap sa
pagitan naming dalawa ay “makulay”, “malawak”, at lubos na “mapagpalaya”.
Sa mga kamag-aral kong halimaw ang utak sa talino at ilang taon ko ring naging ka-
grupo sa mga pag-aaral at pampangkatang pananaliksik—Jewelle Ann Lou Santos, John
Raymond Jison, Beatrice Marababol, Kathreen Lindayen—maraming maraming salamat pagkat
naging inspirasyon kayo upang lalo akong magsikap na mag-aral.
Sa organisasyong POLIS, kayo ang tanging organisasyong nilahukan ko, at hindi ako
nagsisisi. Marami akong natutunan mula sa mga aktibidad at proyekto nating isinagawa—mga
bagay na alam kong di ko matutunan sa loob ng apat ng sulok ng paaralan. Mangungulila ako sa
ating mga asaran, intelektuwal na diskusyon, at sa ating tambayan.
Sa aking mga kaibigan sa ibang bansa, maraming maraming salamat sa inyo. Sa mga gabi
na nalulungkot ako, pinapasaya niyo ako at pinapadama na hindi ako nag-iisa. Malayo man tayo
sa isa’t isa, iba-iba man ating kultura at wika, hindi ito hadlang upang damayan natin ang isa’t
isa. Blackflash, Drumm, Captain Katsuura (Zura), Abdi, Nerdy, pamilya na ang turing ko sa
inyo. Blackflash at Drumm, kayo ang itinuturing kong kuya at ate sa Yorozuya Soul kung saan
tayo ay pinagtagpo. Zura, ikaw ang kakambal ko. Abdi, ikaw ang nakababata kong kapatid.
Espesyal na pasasalamat kay Kurasuchi, ang nagsilbi kong katuwang at kapalitan ng liham na
naglalaman ng mga nagtatayugang ideya at imahinasyon. Maraming salamat, kaibigan. Pangarap
ko na magkikita-kita tayong lahat na mga panatiko ng anime na Gintama balang araw!
Sa lahat ng kaibigan, ikaw ang pinakanais kong pasalamat. Kay Mark Edward Jolejole na
naging kamag-aral ko at kaibigan simula pa lamang ng elementarya, salamat sa pakikinig sa
POLLitika 4
lahat ng aking mga problema at hinaing sa buhay. Salamat sa lahat ng pagkain at panlilibre, at
higit sa lahat, sa mga oras na sinamahan mo ako. Hangad ko ang pagtatagumpay mo sa buhay!
Higit sa lahat, sa aking mga magulang at pamilya na walang sawa, buong tiyaga, at
walang hanggang sumuporta sa bawat desisyon ko sa buhay—kulang po ang mga katagang
“walang hanggang pasasalamat” para po sa inyo. Hinding-hindi po ako makakarating sa aking
kinalalagyan ngayon kung hindi dahil sa inyo. Iwan man po ako ng ibang tao, alam ko pong
mananatili po kayo na nariyan para sa akin. Sa aking tita, lola, at tito na nagpalaki sa akin sa
probinsya, sa aking nakatatandang kapatid na babae, sa aking ama na para sa akin ay ang
pinagmanahan ko ng dunong dahil sa pagiging maalam sa halos lahat ng pulitikal na isyu, at sa
aking ina na hindi ko alam kung saan kinukuha ang lakas sa lahat ng pag-aasikaso sa aming
pamilya. Mahal na mahal ko po kayo. Alay ko ang pagtatapos ko sa lahat ng pagmamahal,
pagtitiyaga, at pagsuporta po sa akin sa kabila ng aking mga pagkukulang at kamalian.
POLLitika 5
Abstrak
Bahagi na ng bawat eleksyon na nagaganap ang paglabas ng mga poll na naglalahad ng mga
nangungunang kandidato ayon sa publiko. Subalit talaga nga bang kapani-paniwala ang mga pre-
election poll na ito? May kredibilidad ba ang mga polling organization na nagsasagawa nito?
Papaano kung may tunggalian na interes na nagaganap sa pagsasagawa ng mga ito?
Ang pananaliksik na ito ay isang case study sa profit-oriented na polling firm na
STRATpolls. Ginamit ang SWS bilang kaso para sa paghahambing. Sa pagsusuri at
paghahambing sa dalawa, napatunayan ang eksistensya ng tunggalian ng interes (pampubliko at
pampribado) sa kumpanyang STRATpolls at maging sa SWS. Gumamit ng anim na pamantayan
sa pagsusuri sa dalawang polling organization: 1.) Oryentasyon, 2.) Track Record at Katagalan
sa Industriya, 3.) Metodolohiya, 4.) Transparensiya, 5.) Akreditasyon at 6.) Publicity. Gumamit
ng panayam (key informant at email interview), survey, at archival research para sa pangangalap
ng datos sa pananaliksik na ito. Purposive sampling ang ginamit sa pagpili ng mga key informant
at snowball sampling naman para sa survey dahil sa limitasyon ng oras. Coding at content
analysis naman ang ginamit para suriin ang mga nakalap na datos. Sa pag-usad ng pananaliksik
na ito, napag-alaman na mayroong kakulangan ang STRATpolls at maging ang SWS sa mga
nabanggit na salik ng kredibilidad. Napatunayan rin ang eksistensya ng tunggalian ng interes sa
mga nabanggit na polling organization.
POLLitika 6
Panimula
SWS. Pulse Asia—ito ang dalawang pinakamatunog na pangalan sa industriya ng
polling. Hindi maiiwasan na masambit, marinig, at masagap ang dalawang polling organization
na ito sa bawat pagbalita ng ranggo ng mga pinakapopular na kandidato sa mata ng publiko, o
yaong tinatawag na pre-election polls. Ayon sa kanila, ang mga poll na ito ay repleksyon ng
saloobin ng mga Pilipino.
Subalit gaano nga ba talaga kalawak ang kaalaman ng publiko ukol sa mga polling
organization na ito? Alam ba ng publiko na siyang nakasasagap ng naturang mga pre-election
poll ang pasikot-sikot ng naturang proseso ng pagsukat ng opinyon? Kumpleto bang inilalahad
ang mga impormasyong ito sa publiko? Papaano kung pribado o profit-oriented ang naturang
poling organization? Magagawa pa rin ba nitong mabalanse ang pribadong interes nito sa
pampublikong interes nito?
Sa pagpili sa kaso ng polling firm na STRATpolls, layunin ng mananaliksik na malaman
kung nakakaapekto ba ang pagiging pribado nito sa kakayahang magsagawa ng walang pagkiling
at siyentipikong mga pre-election poll. Nais niya ring malaman ang ipinagkaiba ng operasyon
nito sa pamamagitan ng pagkukumpara nito sa nonstock at nonprofit na SWS. Sa mas malaking
konteksto, layunin ng pananaliksik na malaman kung kapani-paniwala ba ang mga pag-aaral na
isinasagawa ng mga polling organization dito sa bansa.
Sa Mayo 2013, magaganap na naman ang matitinding tunggalian at karera sa pagitan ng
mga kandidato at ng kaniya-kaniya nilang partido. Kasabay nito ang mainit na paglabas ng
naturang mga pre-election survey na sumasalamin raw sa opinyon ng nakararaming Pilipino.
Napapanahon lamang na usisain ang kredibilidad ng parehong pre-election polls at ng mismong
polling firm na nagsasagawa nito. Kung hindi magiging magiging kritikal ang publiko, maaaring
POLLitika 7
magamit lamang para sa interes ng iilan ang tinatawag na instrumento sa pagpulso ng opinyon ng
nakararaming publiko.
Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura
Ang Kaso ng STRATpolls
Pebrero, taong 2010—naging kontrobersiyal ang isang pre-election poll na inilabas ng
pribadong polling firm. Lumabas ang pangalan ng polling firm na ito sa mga artikulo ng
mamamahayag na si Raissa Robles na pinamagatang “How poll firm owned by GMA allies gave
Gibo a surge” at ng dalubguro na si Prospero de Vera sa artikulo naman niyang pinamagatang
“Spinning Survey Results”. Usap-usapan ang kaduda-dudang labing-isang bahagdang (11%)
pagtaas sa reyting ng Gilberto Teodoro, isa sa mga kandidato sa pagkapangulo noong eleksyon
ng Mayo 2010. Tumaas ang kanyang reyting nang anim na bahagdan (6%) mula sa naunang pre-
election survey na isinagawa ng partikular na polling firm noong Setyembre 2009. Nabanggit sa
dalawang artikulo ang diumano’y koneksyon ng mga may-ari ng polling firm sa pamilya Arroyo.
Ayon sa kanila, estratehiya ito upang mapaganda ang imahe ni Teodoro. Pinagdudahan rin ng
propesor na si Elena Pernia ang ginamit na metodolohiya sa nasabing survey (Robles, 2010 at de
Vera, 2010). STRATpolls—ito ang pangalan ng nasabing polling firm.
Nasangkot nga ang STRATpolls sa naturang mga kontrobersiya sa kabila ng pagiging
baguhan sa industriya ng polling (nabuo lamang ito noong 2009). Inusisa ang kakayahan nitong
maglabas ng mga pre-election poll o survey na walang pagkiling sa mga pribadong kliyente lalo
na dahil pribado ito at profit-oriented. Napasailalim nga sa pagkilatis ang kredibilidad ng
naturang polling firm.
POLLitika 8
Ang Konsepto ng Kredibilidad
Tumutukoy ang kredibilidad sa natamong reputasyon ng isang kompanya sa isang
partikular na industriya. Ito ang pagtitiwala ng mga mamimili o consumer na may kakayahan ang
isang kumpanya na matugunan ang kanilang mga pangangailangang serbisyo at produkto (Keller
banggit na rin kay Schultz, 2000). Sa kabila ng naturang depinisyon, maituturing na isang
malawak na konsepto ang kredibilidad dahil sa maraming salik na bumubuo rito sa konteksto ng
isang polling organization.
Mga Salik ng Kredibilidad
Nangunguna sa mga salik na ito ang oryentasyon. Para sa mananaliksik, nakakaapekto
ang oryentasyon sa mga tinatahak na desisyon ng isang polling organization upang manatili ang
kanyang kredibilidad. Sa pagiging profit-oriented ng isang polling organization, kinakailangan
nito na kumita ng pera upang magpatuloy sa operasyon. Maaari itong makaapekto sa kanilang
pagbalanse ng interes dahil na rin sa interes ng mga kliyenteng nagbabayad sa kanila
Ikalawa ay ang track record at katagalan sa industriya ng isang polling organization.
Kung maraming beses na naging malapit ang lumabas na ranggo ng mga kandidato sa isang pre-
election poll sa aktuwal na resulta ng eleksyon, lumilikha ito ng magandang imahe para sa isang
polling organization. Para sa mentalidad ng isang ordinaryong tao, maaaring maisip niya na:
“Tama siya dahil maraming beses na siyang naging tama. Talagang eksperto na sila sa ginagawa
nila”. Hindi magiging posible ang ganitong katumpakan kung hindi dahil sa masinsinan at
mabusising pagsu-survey. Kasama rin sa track record ang mga taong bumubuo sa industriya at
dahilan sa pagkakatatag ng isang polling organization.
Ikatlo ang transparensiya. Tumutukoy ito sa pagiging bukas sa publiko ng isang polling
organization ukol sa lahat ng mga impormasyon na kasangkot sa mga isinasagawa nitong mga
POLLitika 9
pag-aaral. Paraan ito upang makilatis ng publiko kung kapani-paniwala o tama ba ang mga
aksyon at desisyon ng isang polling organization.
Ikatlo ang metodolohiya. Tumutukoy ito sa paraan ng pagpili ng mga respondent sa isang
pre-election survey (sampling), teknik ng sampling (random, stratified, proportionate,
multistage), lugar ng sampling at instrumentong ginamit para kumalap ng kasagutan
(questionnaire, face-to-face interview). Mahalaga ang paggamit ng akmang metodolohiya upang
masigurong walang pagkiling at siyentipiko ang pananaliksik.
Ikaapat ang transparensiya. Sa pagiging bukas sa publiko o transparent, nagkakaroon ng
pagkakataon na makilatis ang kredibilidad ng isang polling organization. Ilan sa mga aspeto ng
transparensiya ang pagkakaroon ng pampublikong silid-aklatan, websayt, detalyadong mga
dokumento ukol sa isinagawang pre-election poll, at pagsunod sa Seksyon 5.2 ng Republic Act
9006 (Fair Election Act) (tingnan ang apendiks para sa teksto ng naturang panukala).
Samakatuwid, isa itong uri ng pagpapahalaga sa interes ng publiko.
Ikalima ang akreditasyon. Tumutukoy ito sa pagiging miyembro sa isang hiwalay na
institusyon ng pananaliksik. Halimbawa nito ang American Association of Public and Opinion
Research (AAPOR) at ang Market and Opinion Research Society of the Philippines (MORES).
Sa pagiging akreditado, nasisiguro na pasok sa isang partikular na pamantayan ng kredibilidad
ang isang polling organization ayon na rin sa pananaw ng kinaaanibang institusyon. Hindi
lamang self-regulated ang sistema ng paniniguro sa kredibilidad.
Maaari ring maihanay ang publicity sa mga nabanggit na salik dahil sa epekto ng media
bilang isang institusyon na nakapagbibigay ng kredibilidad sa isang polling organization. Ang
publicity ay isang uri ng promosyon na naglalayong lumikha ng isang partikular na imahe ng
isang konsepto, tao, o anupaman, sa publiko sa pamamagitan ng media
POLLitika 10
(http://www.businessdictionary.com). Ito ang dahilan kung bakit sinisiguro ng mga batikang
polling organization ang pagpapalabas ng kanilang mga pre-election poll sa malalaking istasyon
ng telebisyon at radyo at sa mga nangungunang pahayagan. Bukod sa media ang pangunahing
paraan ng tao upang malaman ang mga isyu sa kanyang lipunan, naniniwala ang mga polling
organization na kung higit silang nababalita at ang mga election poll nilang isinasagawa, higit na
nagiging maganda ang persepsyon sa kanila ng mga tao.
Kaakibat ng pagiging malawak ng konseptong ito ang pagiging subjective ang konsepto
ng kredibilidad. Iba-iba ang pananaw ng iba’t-ibang aktor kung ano ang kredibilidad.
Masasalamin ito sa iba’t ibang pamantayan na ginagamit upang masabing may kredibilidad ang
isang polling organization.
Diagram 1: Iba’t Ibang Konsepsyon ng Kredibilidad ayon sa Aktor
Makikita sa Diagram 1 ang tatlong interpretasyon ng kredibilidad ayon na rin sa
partikular na aktor. Halimbawa, tinatanaw ng publiko ang isang polling organization na may
kredibilidad kung ito ay may transparensiya, akreditado. Para naman sa kliyente, sapat na
patunay na ng kredibilidad ang track record at paggamit ng siyentipikong metodolohiya. Sa
panig naman ng polling organization, maaaring sabihin niya na may kredibilidad ang kanilang
institusyon dahil sa publicity nilang nakakamit.
Kredibilidad Perspektibo
ng Publiko
Perspektibo
ng Kliyente
Perspektibo ng Polling Organization
POLLitika 11
Ngunit sa pagkadawit ng STRATpolls sa naturang kontrobersiya, hindi maiiwasang
usisain kung nasusunod nga ba nito ang mga nabanggit na pamantayan ng kredibilidad o
humaharap na ito sa isang tunggalian ng interes. Isa ba itong polling organization na
naglilingkod sa publiko sa pamamagitan ng mga pag-aaral nitong inilalabas o sa huli ay isa
lamang pribadong kumpanya na naglilingkod sa interes ng iilan?
Tunggalian ng Interes?
Ipinagmamalaki ng STRATpolls sa websayt nito ang pagiging isang pribadong
institusyon ng pananaliksik na nagbibigay-serbisyo sa maraming uri ng kliyente (pribado man o
publiko). Ngunit dahil sa kontrobersiyal na pre-election poll na inilabas nito noong 2010,
nagbubukas posibilidad ito sa pagkakaroon ng tunggalian o bangaan ng interes. Kung totoong
may pagkiling ang naturang mga resulta, walang duda na bumabangga ito sa mga inilahad nitong
adhikain at patunay ng kredibilidad sa websayt nito.
Isang basehan nga sa posibilidad ng pagkakaroon ng tunggalian ng interes ang pahayag ni
Davila (2008). Ayon sa kanya, lahat ng pampulitikang survey ay may kinakatigan. Patunay rito
ang limitadong pagbabahagi ng resulta ng mga nasabing poll sa publiko. Katiting na
impormasyon lamang ang inilalabas sa kanila bilang patunay ng katumpakan nito o accuracy.
Ayon pa kay Davila, may mas malalaki pang interes sa pangangalap ng mga datos sa isang poll.
Tumutukoy ang mga interes na ito sa mga kliyenteng nangongomisyon sa mga naturang polling
firm. Sang-ayon rin rito ang pahayag ni Mayfield (2009) ukol sa kaduda-dudang epekto ng nga
kliyenteng ito na nagsisilbing sponsor ng mga polling firm sa kanilang mga pag-aaral.
Makikita rin ang naturang pagsalalay ng mga polling organization sa salaping ibinabayad sa
kanila ng mga pribadong kliyente katulad nga ng mga pulitiko at ng mediang ekslusibong
nagpapalabas ng resulta ng kanilang mga poll. Sa mga pananaliksik nina Lake at Harper (1987),
POLLitika 12
Thurber at Nelson (2000), at Kay (2004), umaabot sa bilyun-bilyong dolyar ang nagiging kita ng
mga naturang polling firm. Naglalaro naman sa milyun-milyong piso ang kita ng mga stock
corporation katulad ng Pulse Asia ayon na rin sa kinuha kong financial statements ng ilang
polling organization sa bansa mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Ngunit wala nang mas mainam pang halimbawa ng konsepto ng tunggalian ng interes
kundi ang mga kinomisyon na survey o poll. Dahil sa binayaran ng ang ganitong uri ng survey o
poll, may karapatan ang kliyente na hindi ipalabas sa publiko ang lahat ng mga impormasyon sa
pagsasagawa nito (Traugott at Lavrakas, 2008). Eksklusibo ang paggamit ng kliyente sa mga
datos.
Diagram 2: Konseptual na Mapa para sa Tunggalian ng Interes para sa Isang Polling
Organization ayon sa Oryentasyon
Ano nga ba ang samang dulot ng tunggalian ng interes? Bukod sa mga pangambang
sinipi ng mga may-akda na nabanggit, makikita sa diyagramong ito kung papaano tinutuligsa ng
pampribadong interes ang pampublikong interes. Halimbawa, sinasabi ng mga nonprofit na
Tunggalian ng Interes
Pampublikong
Interes
Pampribadong
Interes
Transparensiya
Walang pagkiling
at siyentipikong
metodolohiya
Akreditasyon Self-Management
Confidentiality
Walang pagkiling
at siyentipikong
metodolohiya
Serbisyo para
sa publiko
Tiwala ng publiko
Kita (Profit)
Tiwala ng kliyente
Publicity
POLLitika 13
polling organization na nagsasagawa sila ng mga poll para sa serbisyo ng publiko. Hindi nila
layuning kumita ng pera kung hindi ay ang makuha ang tiwala ng publiko. Maisasagawa nila ito
sa pamamagitan ng transparensiya, akreditasyon, at paggamit ng walang pagkiling at
siyentipikong metodolohiya. Nabanggit na kanina na lubhang mahalaga ang pera upang
magpatuloy sa operasyon ang isang profit-oriented na polling organization. Upang magawa
naman ito, kinakailangan nilang makuha ang tiwala ng mga kliyente. Maisasagawa nila ito sa
pamamagitan ng propesyunal na paghawak sa mga kontrata ng serbisyong ibibigay nila sa
kliyente. Kung nais ng kliyente na maging konpidensyal ang isang pag-aaral, kinakailangan itong
respetuhin ng polling organization. Makikita ito nga ito sa kaso ng mga kinomisyon na survey.
Tulad ng nabanggit, may karapatan ang kliyente na hindi ipalabas sa publiko ang naturang
survey dahil sa sila ang nagbayad sa polling organization upang gawin ito. Salungat ito sa
esensya ng transparensiya. Maliban sa pagiging kompidensyal, kaakibat rin ng pribadong
oryentasyon ang self-management. Hindi na nila kinailangang maging akreditado upang
magpatuloy sa operasyon bilang isang polling organization.
Masasabi naman na isang “double-edged sword” ang pagsasagawa ng akmang
metodolohiya. Maaari itong maging susi sa pagkuha sa tiwala ng publiko at ng mga pribadong
indibiduwal o pangkat. Ngunit tulad nga ng nabanggit nina Davila at Mayfield, kaduda-duda na
hindi maaaring magkaroon ng pagkiling ang isang survey dahil na rin sa epekto ng ibang mga
aktor tulad ng mga kliyenteng nangongomisyon.
Sa kabuuan, maaaring masakripisyo ang pampublikong interes sa pagpapahalaga sa
interes ng mga kliyente. Maaaring maging dominante ang boses ng nagbabayad sa paggawa ng
mga desisyon lalo na sa pagiging bukas sa publiko o transparent. Sa pagiging ekslusibo lamang
POLLitika 14
ng pananaliksik para sa kliyente, nawawalan ng kakayahan ang publiko na malaman ang
kumpletong mga hakbang o pasikot-sikot sa pagsasagawa ng mga pre-election poll.
Implikasyon sa Publiko
Bakit nga ba mahalaga na tugunan ang interes ng publiko sa usapin ng kredibilidad ng
mga polling organization at ng mga pre-election poll nilang isinasagawa? Simple lamang. Dahil
isa ring tagatangkilik ang publiko. Kung kliyente ang mga pulitikong nangongomisyon para
mapaunlad ang kanilang pulitikal na estratehiya sa pamamagitan ng mga poll, kliyente rin ang
publikong nakasasagap ng ganitong mga poll. Sa isang higit na pulitikal na termino at sa
konteksto ng demokratikong sistema, sila ay mga stakeholder. Sila ay mga aktor na may
interes—mga aktor na naaapektuhan ng mga desisyon at hakbanging ginagawa ng mga polling
organization. Makikita ito sa penomenong tinatawag na “bandwagon effect”,
Sa bandwagon effect, mas pinipiling iboto ng mga botante ang isang kandidatong
nangunguna sa poll kaysa sa hindi. Ginagawa nila ito dahil para sa kanila, opinyon ng
nakararami ang resulta ng mga poll. Sa maikling salita, nagiging gabay ng mga botante ang mga
poll upang magkaroon ng ideya kung sino ba ang napupusuan nilang kandidato. Nagiging
basehan ito kung sino ba ang iboboto nila. Dulot ito ng natamo nang reputasyon (maraming
beses na pagprepredikta nang tama sa mga mananalong kandidato sa aktuwal na eleksyon) ng
nagsagawang polling organization (Reyes, 2010).
Bilang paglalagom, hindi dapat kumilos ang isang polling organization bilang isang
institusyon na nangangailangan ng salapi para magpatuloy ang operasyon nito, kundi bilang
isang institusyon na naglalabas ng mga siyentipiko at walang pagkiling na pag-aaral para sa
kapanakanan ng publiko. Una sa lahat, naimbento ang mga poll upang lalong mapadali ang pag-
aaral sa kalagayang panlipunan ng isang bansa. Dahil rito, nalalaman ng iba ang saloobin ng
POLLitika 15
ibang miyembro ng populasyon. Bukod rito, nagbibigay-daan ang mga poll upang maipahayag
ng publiko ang kanilang pananaw sa isang isyu. Sa maikling salita, ang poll ay instrumento ng
demokrasya.
Kung pagsisilibihan lamang nito ang interes ng iilan sa ilalim ng mga polisiya ng polling
organization na na nagsasagawa nito, maaaring gamitin ang resulta ng mga pre-election poll
upang kontrolin o impluwensiyahan ang mentalidad ng mga botante ayon na rin sa penomenon
ng bandwagon effect. Sa pagkakataong ito, hindi na maituturing ang mga poll na instrumento ng
demokrasya kung hindi isa na lamang instrumento ng kapangyarihan para sa iilan.
Metodolohiya
Upang suriin ang STRATpolls, ginamit ng mananaliksik ang SWS bilang unit of
comparison upang mapagtibay ang kanyang hinala na may tunggalian ng interes sa operasyon ng
profit-oriented na polling firm kumpara sa isang nonprofit na polling organization.
Nanggaling ang kalakhan ng mga nakalap na datos sa pananaliksik na ito sa mga
panayam mula sa iba’t ibang institusyon. Kabilang rito sina G. Art Gonzales (Managing Director
ng STRATpolls, Inc.), G. Marco Mercado (Librarian ng SWS), Prop. Prospero de Vera (Vice
President for Public Affairs at Faculty ng National College of Public Administration and
Governance sa University of the Philippine Diliman), Prop. Elena Pernia (dating dekano at
ngayon ay faculty ng College of Mass Communications sa UP Diliman), Comm. James Jimenez
(Spokesperson ng Commission on Elections), Bb. Angelie Ong (Board Secretary ng MORES), at
dating Senador Francisco Tatad (isa sa mga pangunanahing nagtaguyod ng transparensiya ng
mga polling organization). Gumamit ako ng content analysis para masuri ang kahulugan ng
kanilang mga sagot at coding para sa pagsasaayos ng nakuhang mga konsepto.
POLLitika 16
Survey naman ang ginamit upang magkaroon ng ideya sa pundamental na opinion ng
mga botante ukol sa mga polling organization at mga pre-election poll. Gumamit ng
triangulasyon sa pagbabangga ng dalawang pangkat ng datos (survey at transkripsyon ng KII).
Resulta
Oryentasyon
Sa pakikipanayam ng mananaliksik sa STRATpolls at SWS, napansin ng mananaliksik
ang malaking pagkakaiba nila sa paglalarawan sa operasyon ng kani-kanilang mga organization.
Halimbawa, nang usisain si G. Gonzales ng STRATpolls ukol sa pinagmumulan ng pondo nila,
sinabi niya na: “…we exist for business. We get our monthly expense by doing professional
service sa aming clients. From clients. The answer is from clients.” Lumalabas rin na isa lamang
ang polling sa mga pinagkukunan ng kanilang kita nang kanyang sinabi na: “Sa ngayon political
season, we go political. Then outside the elections balik kami sa market research. Marami ring
pera run.” Ngunit higit na nakapukaw sa atensyon ng mananaliksik ang kasagutan sa
katanungang ukol sa kakayahang pagbalansehin ang pampubliko at pribadong interes: “Oo,
kung yung mga polls na yun eh nonpolitical. Tulad ng social, cultural, and health.”
Sa panayam naman kay G. Mercado ng SWS, inihalintulad niya ang SWS sa isang NGO.
“Hindi kami kumikita, donation lang kami… Ang NGO, pag tinuring kang part ng NGO, hindi
ka nagbe-based sa money. Based ka talaga sa trabaho. Ngunit napansin ng mananaliksik na
kaduda-duda pa rin ang nonprofit na oryentasyon ng SWS nang tinanong ko kung may ma mga
pulitiko bang nangongomisyon sa kanila ng survey nitong huli lamang. Ayon kay G. Mercado:
“Normal yun, hindi nawawala yun. Dahil dun nga kami kumikita. Kung wala silang
nagkokomisyon sa amin, wala kami.” Ayon nga kay Bb. Ong ng MORES, “…at some point
income-generating rin sila.”
POLLitika 17
Track Record at Katagalan sa Industriya
Kung sa track record at katagalan sa industriya, malaki ang lamang ng SWS sa
STRATpolls. Taong 1985 pa lamang ay naitatag na ang SWS, 2009 lamang nabuo ang
STRATpolls. Ngunit para kay G. Mercado, napatunayan na nila na kaya nilang makipagsabayan
sa SWS at Pulse Asia dahil raw sa kalapitan ng kanilang mga pre-election poll results sa resulta
ng dalawa. Sa usapin naman ng mga taong bumubuo sa dalawang organisasyon, ito ang pahayag
ni Prop.Prospero de Vera ukol sa STRATpolls: “Well I don’t know who these people are…Kasi
hindi mo naman alam who are the people behind it, what are their qualifications.” Sa pananaw
naman ni Prop. Pernia sa SWS: “I think SWS has greater credibility…I’m also familiar with
Mercy Abad [Isa sa mga tagapagtatag ng SWS]…But anyway, with people like that there, I
have no question…“ Ukol naman sa dahilan ng pagkatatag ng organisasyon, sinabi ni G.
Gonzales na binuo nila ang STRATpolls para magamit nila ang kanilang media outlet (sila ay
sister company ng DWIZ at Business Mirror). Pero para kay Prop. Pernia:“…it was kind of
ridiculous because we already have several poll organizations doing the same thing.” Sa kaso
ng SWS, itinatag ito bilang konsekuwensiya ng isang social indicator project upang sukatin ang
kalagayan ng Pilipinas.
Metodolohiya
Lumalabas na lamang muli ang SWS sa STRATpolls pagdating sa metodolohiya.
Ginamit na kaso ang serye ng mga pre-election polls nila para sa May 2013 elections. Multistage
sampling at random sampling ang ginagamit ng SWS para sa mga survey nila. Halimbawa, 1200
ang sample size nila, ibig sabihin, 1200 na katao ang naging sumagot (respondent) sa survey
nila. Tatlong daan (300) rito ang kinukuha mula sa NCR, 300 sa Luzon, 300 sa Visayas, at 300
sa Mindanao. Pinipili sila sa pamamagitan ng systematized random sampling. Sinisuguro ng
POLLitika 18
random sampling na may pagkakataon ang lahat ng mga tao sa sampling area (lugar na
pinagpilian ng mga respondent) na maging respondent sa survey upang maging patas at
siyentipiko ang survey. Sa STRATpolls naman, 300 lamang ang sample size. Random,
proportionate, at stratified sampling ang ginamit sa pagpili ng respondent. Kapansin-pansin na
limitado lamang ang sampling area sa malalaking lungsod ng NCR—Quezon, Pasig, Caloocan,
at Makati. Ayon kay G. Gonzales, nakita raw nila na nasasalamin ng opinyon ng NCR ang
opinyon ng buong bansa. Ngunit para kay G. Mercado, sadyang magkaiba ang opinyon ng mga
taga-Mindanao sa mga taga-Luzon.
Isa pang isyu sa metodolohiya ang paggamit ng STRATpolls ng telephone polling. Ayon
kay G. Gonzales, mas napapadali raw ang pagsasagawa ng polling dahil pwede mo itong gawin
mula sa opisina. Ipinagmalaki niya na sila ang kauna-unahang polling organization na
nagsagawa nito, at accurate (tumpak) raw ang mga resulta dahil sa kalapitan sa mga resulta ng
mga malalaking polling organization tulad ng SWS at Pulse Asia. Ginagamit rin daw ito sa
Europa at Estados Unidos. Ayon nga kay G. Gonzales: “This is where Philippine polling is
going and will be in the next 15 years or sooner.” Pero ayon pareho kina G. Mercado at Prop.
Pernia, hindi lahat ng Pilipino ay may telepono. Kung cellphone naman ang gagamitin, may mga
tao na may higit pa sa isang cellphone. Nagbibigay ito ng posibilidad na ang mapipiling mga
cellphone number ay pinagmamay-arian lamang ng isang tao. Ayon pa kay Prop. Pernia,
mahalaga na malaman kung aling telephone directory ang ginagamit (PLDT directory ang
ginagamit ng STRATpolls). Ibig sabihin, ang mga taong may telepono lamang ang pwedeng
maging kalahok sa survey, at sa paggamit ng isang partikular na directory lamang, ang mga
numerong nakalista lamang doon ang maaaring mapili.
POLLitika 19
Transparensiya
Nakahanap muli ng depekto ang mananaliksik sa STRATpolls sa aspekto ng
transparensiya. Sabi ni G. Gonzales, sinusunod nila ang mga probisyon ng Fair Election Act:
“We have to disclose. Kung ano yung batas…sinusunod namin yun.” Ayon pa sa kanya, nasa sa
polling firm kung gusto niyang masira o hindi ang kredibilidad nito. Self-regulation raw ang susi.
Subalit sa pagsusuri ko sa mga pre-election poll ng STRATpolls para sa May 2013, nakita ng
mananaliksik na sadyang hindi kumpleto ang mga detalye ng naturang mga poll. Hindi ito
katulad ng SWS na nagbibigay ng komprehensibong paliwanag sa bawat pre-election poll result
nilang inilalabas. Isa pa, may pampublikong silid-aklatan ang SWS hindi katulad ng
STRATpolls. Ayon nga kay G. Mercado, kahit sino pwedeng pumasok sa kanilang silid-aklatan.
Isa pang salik ang websayt. Parehong may websayt ang dalawa (sws.org.ph para sa SWS at
stratpolls.com para sa STRATpolls), ngunit di hamak na mas detalyado ang websayt ng SWS.
Wala ring “search function” and websayt ng STRATpolls upang mas mapadali ang paghahanap
ng mga espisipikong pag-aaral o poll.
Higit na malaking isyu ang kanilang polisiya pagdating sa mga kinomisyon na survey.
Ayon kay Prop. de Vera: “Ang ibig sabihin lang naman ng commissioned you pay for it, and the
data is exclusively yours. They cannot be released to the public unless they [ask for it].” Ayon
kay Prop. Pernia: “Any research can be used for what purpose. It’s like money. If you have
money, you can decide how to use it. Ipagbabayad mo ba yan under the table o hindi?...Let’s say
that you had some survey commissioned, and then what do you with the data? It all depends
upon the user, and the people who conduct the research.”
Nakita ng mananaliksik ang katotohanan ng mga pahayag na ito sa pakikipanayam niya
sa mga kinatawan ng STRATpolls at SWS. Nang tinanong niya si G. Gonzales kung magkano
POLLitika 20
ang kinikita nila mula rito, sinabi niya na wala raw siyang kalayaan na sabihin ito. Isa pa, hindi
inilalabas ng STRATpolls ang resulta ng mga kinomisyon na survey kung ayaw ng kliyente. Sa
kaso naman ng SWS, naging mailap si G. Mercado sa pag-amin na may mga pulitiko ngang
nangongomisyon sa kanila. Sinabi niya na lamang na normal lang raw iyon dahil bahagi ito ng
“political strategy” o pulitikal na estratehiya ng mga pulitiko. Subalit di tulad ng STRATpolls,
obligado na ilabas ng SWS ang resulta ng mga kinomisyon na survey pagkatapos ng tatlong taon.
Mahalaga ring banggitin ang polisiya ng STRATpolls ukol sa telephone polling.
Tinanong ng mananaliksik si G. Gonzales sa isang email interview kung ano ba ang mga
kumpletong hakbang nilang isinasagawa gamit ang naturang pamamaraan ng polling, at ito ang
naging sagot niya: “This a company trade secret. I can only tell you as much. As long as you
draw from a pre-listed data base, pre-qualify your samples and assign the samples
proportionately, then the method is fairly accurate.”
Akreditasyon
Muli, malaki ang kalamangan ng SWS sa STRATpolls sa usapin ng akreditasyon.
Miyembro ang SWS ng mga malawakang organisasyon tulad ng International Survey Program,
American Association for Public Opinion Research, World Association for Public Opinion
Research, Asian Barometer, at marami pang iba. Sa Pilipinas, naging miyembro rin ang SWS ng
Market and Opinion Research Society of the Philippines (MORES). Ayon nga Bb. Angelie Ong,
mahalaga na maging akreditado ang mga polling organization sa MORES upang masiguro na
sumusunod sila sa mataas na pamantayan ng pananaliksik. Kung sakali rin raw na may mahanap
na mali sa mga pag-aaral ng isang miyembrong polling organization, maaari silang ma-sanction
o masuway ng MORES. Sa pag-usisa ng mananaliksik kay Bb. Ong ukol sa STRATpolls, sinabi
niya na hindi raw niya ito kilala. Ayon naman kay G. Gonzales, pending pa o naghihintay pa
POLLitika 21
silang matanggap ang kanilang aplikasyon. Para kay G. Gonzales, nakasalalay pa rin ang
kredibilidad sa mismong polling organization.
Publicity
Panghuli, makikita na mas malawak ang publicity na ibinibigay sa SWS kaysa sa
STRATpolls. Sa isinagawang survey ng mananaliksik sa NIA Road Area sa Brgy. Pinyahan sa
Lungsod ng Quezon, lumalabas na 4 sa 39 na respondent lamang ang nakakakilala sa
STRATpolls. Malayo ito sa 17 na respondent na nakakakilala sa SWS (Tingnan ang Apendiks B
para sa table ukol sa datos na ito) .
Diskusyon
Malinaw na mas maraming kalamangan ang SWS sa STRATpolls sa paggamit ng anim
pamantayan ng kredibilidad. Malinaw rin ang pribado at profit-oriented na katangian ng
STRATpolls sa paggamit ng mga salita o katagang “we exist for business”, “pera”, at “clients”—
mga terminong ginagamit sa negosyo. Sadyang kaiba ito sa mga salita o katagang ginamit ng
SWS tulad ng “NGO” at “hindi nagbe-base sa money”. Para sa STRATpolls, negosyo ang
polling. Para sa SWS, serbisyong pampubliko ang polling. Kapansin-pansin rin na nakabatay ang
serbisyong pampubliko ng STRATpolls sa mga nonpolitical na survey. Ito ang basehan nila sa
pagsasabing nababalanse nila ang pampribado at pampublikong interes. Pero paano kung
pulitikal ang survey? Ibig sabihin ba nito ay iba na ang kaso kapag pulitikal na ang konteksto?
Subalit kaduda-duda rin ang oryentasyon ng SWS. Kahit na sinabi nila na hindi sila
kumikilos para sa pera at nonprofit sila, kumikita pa rin sila. Patunay ang mga kinomisyon na
survey. Si G. Mercado na rin mismo ang nagsabi na kung wala silang kliyente, hindi
magpapatuloy ang operasyon ng SWS. Salungat ito sa pagtingin nila sa kanilang organisasyon
bilang isang nonprofit na institusyon.
POLLitika 22
Dahil rin sa mas matagal na sa industriya ng polling ang SWS, natural lamang na lumikha
ito ng imahe ng pagiging higit na kapani-paniwala kaysa sa STRATpolls. Lumilikha ito ng
persepyon na hindi magtatagal ang SWS kung hindi dahil sa kakayahan nitong magsagawa ng
mga walang pagkiling at siyentipikong pag-aaral. Isa pa, kilalang-kilala na ang mga taong
bumubuo rito, katulad ni Mahar Mangahas, isa sa mga tagapagtatag at kasalukuyang pangulo ng
SWS.
Problematiko rin ang ilan sa mga hakbang na ginagamit ng STRATpolls para sa
metodolohiya nito. Masyadong maliit ang 300 katao bilang sample size. Ayon nga kay Moore
(2008), “Likewise, it is also undisputed that election surveys should be based on a sample of
1000 respondents or more, since this, as a rule, is the only way to arrive at a reliable election
forecast…” (p. 96). Isa pa, limitado lang ito sa mga malalaking lungsod ng NCR. Selective ang
naging pagpili sa kanila dahil sa sila ang may pinakamalalaking populasyon ng botante. Ngunit
papaano ang ibang lugar sa Pilipinas?
Isa ring problema ang di lubusang pagpapaliwanag sa naturang metodolohiya na
ginagamit ng STRATpolls—isang salik ng transparensiya. Higit itong makikita sa pagiging
konpidensyal ng kumpletong proseso ng telephone polling. Sa paggamit ng katagang “company
trade secret”, makikita na ang telephone polling ay isang source ng “competitive advatage” para
sa kanila. Ayaw nila itong malaman at magamit ng iba. Upang pabulaanan ang mga pagdududa,
sinisiguro na lamang nila na tama ang kanilang mga pre-election poll results dahil alam nila ang
kanilang ginagawa at malapit ito sa resulta ng SWS at Pulse Asia. Ayon pa sa kanila, 80%-90%
ng mga Pilipino ay may telepono. Ikatlo, ginagamit rin daw ito sa Europa at Estados Unidos.
Ngunit para sa akin, hindi pa rin mawawala ang paglimita nito sa mga taong may telepono
lamang bilang mga respondent. Isa pa, mali na gawing sukatan ang mga mauunlad na bansa
POLLitika 23
(kung saan uso talaga ang telepono) bilang basehan ng paggamit nito sa isang third-world na
bansa tulad ng Pilipinas. Iba ang ating konteksto.
Sa usapin ng mga kinomisyong survey, makikita na talagang nangingibabaw ang interes
ng kliyenteng nagbabayad. Hindi basta-basta pwedeng ilabas ng STRATpolls at SWS ang mga
impormasyon ukol sa kinomisyong survey dahil na rin sa kontrata ng kliyente. Nawawalan ng
pagkakataon ang publiko na malaman ang transaksyon para sa ganitong uri ng mga survey tulad
ng halaga ng salaping kinikita mula rito. Nagiging ekslusibo ang impormasyon sa pagitan ng
polling organization at ng kliyente. Tulad nga ng sinabi ni Prop. Pernia, parang pera ang
pananaliksik. Maaari itong gamitin sa kahit anong layunin hangga’t ikaw ay may kapangyarihan
at salapi. Dahil sa kapangyarihang ito, nagkakaroon ang kliyente ng kontrol sa mga polling
organization at nagkakaroon ng balakid upang malaman ng publiko ang naturang mga
transaksyon.
Lamang muli ang SWS sa usapin ng akreditasyon sa pagiging miyembro sa
napakaraming institusyon ng pananaliksik. Sinasabi ng STRATpolls na sa polling organization
rin mismo mauuwi ang paniniguro ng kredibilidad. Ngunit ang konsepto ng kredibilidad ay
“subjective”. Maaring hindi kapani-paniwala para sa iba ang isang bagay na kapani-paniwala
naman para sa iba. Katunayan, nang tinanong ng mananaliksik si G. Gonzales kung ano ba sa
tingin niya ang mga salik na bumubuo sa kredibilidad, hindi kasama ang transparensiya.
Binigyang diin niya ang track record at ang mga taong bumubuo sa organisasyon. Ngunit ang
salik na ito ng kredibilidad ay binanggit nina Prop. de Vera, Prop. Pernia, G. Mercado, Bb. Ong,
at G. Tatad.
Panghuli, nagmumula rin ang kalamangan sa kredibilidad ng SWS sa higit nitong
paglabas sa mga istasyon ng radyo, telebisyon, at pahayagan kumpara sa STRATpolls. Papaano
POLLitika 24
mo nga naman masasabi na kapani-paniwala ang isang polling organization kung hindi mo ito
kilala o naririnig? Totoo na may media outlet ang STRATpolls (DWIZ para sa AM Station,
Home Radio para sa FM Station, at Pilipino Mirror at Business Mirror para sa pahayagan),
ngunit ang kalakhan sa atin ay higit na nanoon sa mga istasyon katulad ng GMA 7, ABS-CBN,
at mga pahayagan katulad ng Philippine Star at Philippine Daily Inquirer.
Konklusyon
Pagtunggali ng Pampribadong Interes sa Pampublikong Interes
Sa pagkakaroon ng depekto o kakulangan sa anim na pamantayan ng kredibilidad,
makikita ang eksistensya ng tunggalian ng interes sa polling firm na STRATpolls. Kinakailangan
nitong maging rasyunal bilang isang kumpanya. Nagpapatuloy ang operasyon nito dahil na rin sa
salaping kinikita mula sa pagbibigay-serbisyo sa mga kliyente. Hindi na nakapagtataka pa kung
kumikiling ito sa mga kliyente lalo na usapin ng confidentiality ng mga transaksyon sa mga
kinomisyong survey. Sa kaso ng telephone polling, mailap ang STRATpolls sa pagbibigay ng
kumpLetong impormasyon ukol sa proseso nito pagkat ito ang pinagmumulan ng kanilang
competitive advantage sa industriya. Ayaw nila itong makuha at magamit ng iba. Kung tutuusin,
natural lamang ang ganitong katangian ng isang kumpanya. Kung natural naman pala ito, saan
matatagpuan ang panganib?
Marapat ipaalala na ang polling ay pagkuha ng opinyon ng publiko. Ginagawa ito upang
magkaroon ng tumpak na estimasyon ng pulso ng mga tao ukol sa isang isyu. Sa konteksto ng
eleksyon, ginagawa ang polling upang malaman kung sino ba ang mga nangungunang kandidato
at hindi. Napakahirap ng gawaing ito sapagkat hindi lahat ng tao ay maaaring marating ng
kanilang survey. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan nilang maging maingat sa ginagamit
na metodolohiya. Bilang isang polling firm, sila ay nagsasaliksik ng tao, at pundasyon ng
POLLitika 25
pananaliksik ang paggamit ng mga siyentipiko at walang pagkiling na mga pamamaraan. Sabi ng
STRATpolls, nasusunod nila ito. Ngunit papaano tayo makakasiguro kung hindi sila nagiging
lubos na bukas sa kanilang mga pananaliksik? Papaano makikilatis ng iba ang kanilang mga pag-
aaral? Muli, maaaring tama ang isang bagay para sa kanila, ngunit papaano kung mali pala ito
para sa iba?
Kaugnay nito, naisasakripisyo rin ang interes ng publiko. Sa pagiging eksklusibo ng mga
datos sa pagitan ng STRATpolls at ng kliyente sa kaso ng mga kinomisyon na survey,
naisasantabi ang pagkakaroon ng akses ng ordinaryong tao sa ganitong mga pag-aaral. Nagsisilbi
na lamang ang publiko bilang mga “passive” na indibiduwal na nakasasagap ng ganitong mga
pre-election poll. Hindi na nila kailangang magtanong dahil para mismo sa polling organization,
tama naman ang kanilang ginagawa. Isa nang “packaged product” ang impormasyon na
dumarating sa publiko.
Manipestasyon ng Kapangyarihan
Nakakaalarma rin ang nagiging kontrol ng kliyente sa STRATpolls sa pamamagitan ng
isang kontratang hindi maaaring baliin (bagkus sila ay makakasuhan ng breach of contract).
Kung ang pananaliksik ay pera ayon na rin sa salita ni Prop. Pernia, maaari itong gamitin para sa
kahit anong layunin ng kliyenteng pulitiko. Dahil sa siya ang nagbabayad, kinakailangan siyang
respetuhin ng STRATpolls. Nakakalungkot na nakita ko rin ang sitwasyong ito sa sa SWS, isang
“nonprofit” na institusyon na maituturing. Anupaman, makikita ang manipestasyon ng
kapangyarihan sa pagkontrol ng kliyente at paghihigpit ng STRATpolls sa pagdaloy ng
impormasyon sa publiko.
Umuuwi ang lahat ng paliwanag na ito sa katotohanan na hindi sapat ang tiwala ng
publiko upang magtagal ang mga polling organization ng STRATpolls (at maging ang SWS) sa
POLLitika 26
industriya. Oo nga naman. Libre lamang ang pagsagap ng publiko sa mga pre-election poll
salamat na rin sa media. Kliyente nila ang publiko, ngunit kliyente rin nila ang partikular na mga
indibiduwal o partido na pinagmumulan ng kanilang kita. Malinaw ang tunggalian ng dalawang
interes.
Polling Organization at Pre-election Poll: Sa Isang Mas Malaking Konteksto
Itinuturo ng pananaliksik na ito na kinakailangan nating maging kritikal sa mga polling
organization at sa kanilang mga pre-election poll na inilalabas. Bakit? Dahil maaaring
makaapekto ang mga poll na ito sa ating persepsyon ng “tama”. Makikita ito sa penomenon ng
bandwagon effect. Ayon nga kay Comm. James Jimenez: “Kasi ang mga Pilipino mahilig
pumili ng winner eh. Ayaw nating tumataya sa dehado. And so ang base instinct natin is to pick
the winner.”Ayon rin kay Bb. Ong: “You don’t know kasi the mentality of the Filipino people.
It’s as if one, we’re assuming that we’re intelligent voters but we’re not, I’m sorry. Kita mo nga
mga lumalabas na senador. That’s why sabi ko if we have educated greatly enough the voters,
I’m for it. But we’re not. I’m sorry to say. I’m in the opinion that we’re not educated.”
Propaganda naman ang ginamit na salita ni dating Senador Francisco Tatad para sa mga pre-
election poll. Para sa kanya, instrumento lamang ang mga pre-election poll upang mapaganda
ang kanilang imahe sa mga botante.
Publicity bilang isang “Double-Edged Sword”
Ayon kay Prop. de Vera, ang problema raw sa media, kaagad nilang kinakagat ang mga
pre-election poll result nang hindi man lang sinusuri kung tama ang proseso sa isinagawang pre-
election survey. Ayon rin kay Bb. Ong, ilang beses na silang nag-iimbita ng mga manunulat,
kolumnista, at mamamahayag para maturuang kumilatis ng mga pre-election poll na may
kredibilidad, ngunit hindi sila dumadalo. Maipapaliwanag ito sa pahayag ni Moore (2008) sa
POLLitika 27
kanyang aklat na pinamagatang: The Opinion Makers. Ayon sa kanya: “Journalists like sharply
divided groups and extreme reactions because that makes their stories more exciting. They like
fake stories about voter preferences years ahead of the election, and the exciting horse race of a
fully-dedicated electorate that nevertheless keep changing its mind. They have become addicted
to the fictitious national primary electorate, and entranced by their own illusion of a
completely rational, all knowing, and fully engaged public.” (p. 160). Makikita rito na isang
double-edged sword ang publicity. Sa isang banda, binibigyan nito ng kredibilidad ang polling
organization, ngunit sa isang banda, nakakalilikha ito ng ilusyon na palaging tama ang polling
organization dahil sa madalas na paglabas sa media.
Ano ang Dapat Gawin?
Ayon kay Prop. de Vera, panahon na para ipasailalim ang mga pre-election polls sa
pagkilatis ng publiko bago pa man sila ipalabas sa media. Maaari itong gawin sa pamamagitan
ng isang forum o press conference. Dapat ring gawin ng media ang naturang pagkilatis bilang
daluyan (channel) ng impormasyon sa pagitan ng polling organization at ng publiko
Sa usapin naman ng hiwalay na institusyon na magmamatyag sa operasyon ng mga
polling organization, sinabi ni Comm. Jimenez na walang silang kakayahan na bantayan ang
lahat ng operasyon ng bawat isang polling organization sa bansa. Kung hindi kaya ng Comelec
na ipatupad nang maigting ang Fair Election Act, panahon na upang gawing requirement ang
pagiging akreditado sa isang institusyon katulad ng MORES upang masiguro ang isang mataas
na pamantayan ng pananaliksik.
Ginawa ang lahat ng mga pag-ungkat sa kredibilidad ng mga polling organization na
STRATpolls at SWS upang masiguro na tinutupad nila ang pangunahing layunin ng mga poll:
ang ilarawan at iparating ang tunay na saloobin ng publiko. Kung hindi magiging tapat ang mga
POLLitika 28
polling organization sa mga nabanggit na pamantayan ng kredibilidad, patuloy na masasadlak sa
mga alegasyon at kritisismo ang mga polling organization katulad ng STRATpolls. Kung hindi
nila magagawang balansehin ang pampubliko at pampribadong interes, maaaring magamit ang
mga poll para lamang sa interes ng iilan na may taglay na kapangyarihan at salapi. Kung
mananatiling walang sapat na kaalaman ang publiko sa mga poll, maaari itong samantalahin
upang hindi na maging kritikal pa sa kredibilidad ng mga polling organization at ng mga pre-
election poll nilang inilalabas. Kung ganito rin lamang ang mangyayari, hindi na maituturing na
instrumento ng demokrasya ang poll, kundi instrumento na lamang ng iilan.
Rekomendasyon
Iminumungkahi ng mananaliksik sa mga susunod na magsasagawa ng mga pananaliksik
ukol sa paksang ito na hingin ang opinyon at pananaw ng mga pulitikong nagpapakomisyon ng
mga poll. Ito ay upang magkaroon ng higit pang malawak na pag-unawa sa mga isyung tinalakay
sa pananaliksik na ito. Iminumungkahi rin na magsagawa pa ng isang mas malawak na survey sa
pag-alam sa pananaw at kaalaman ng mga botante ukol sa mga polling organization at mga pre-
election poll.
POLLitika 29
Talasanggunian
Company Profile of Stratpolls, Inc. (2012). Nakuha noong Hunyo 25, 2012 mula sa
http://www.stratpolls.com/files/StratPOLLS%20COMPANY%20PROFILE%20JUNE%2
02012.pdf
Davila, A. (2008). Latino Spin: Public Image and the Whitewashing of Race. New York
University Press: New York at London. Nakuha noong Hunyo 26 mula sa
http://books.google.com.ph/books?id=QXL_zV037iEC&pg=PA51&dq=neutrality+of+po
lling+firms&hl=en&sa=X&ei=f77pT8PTBYflrAfH-
tChDg&redir_esc=y#v=onepage&q=neutrality%20of%20polling%20firms&f=false
Esguerra, C. (2012, September 18). UNA bets lead in commissioned SWS survey. Philippine
Daily Inquirer website. Nakuha noong Oktubre 9, 2012 mula sa
http://newsinfo.inquirer.net/273032/una-bets-lead-in-commissioned-sws-survey
Geer, J. (2004). Public Opinion and Polling: Around the World. ABC CLIO: U.S.A. Nakuha
noong Hunyo 27, 2012 mula sa
http://books.google.com.ph/books?id=ErMMGz1RIUcC&pg=PA545&dq=conflict+of+in
terest+of+polling+firms&hl=fil&sa=X&ei=KOzqT_HAIo7NrQeoysCwBQ&ved=0CDA
Q6AEwAA#v=onepage&q=conflict%20of%20interest%20of%20polling%20firms&f=fal
se
Christensen, L. & Hansen, F. (2003). Branding and Advertising. Copenhagen Business School
Press: Denmark Nakuha noong Nobyembre 19, 2012 mula sa
http://books.google.com.ph/books?id=XkZRTiwa1J0C&printsec=frontcover&hl=tl#v=on
epage&q&f=false
POLLitika 30
Kay, A. (2004). Spot the Spin: The Fun Way to Keep Democracy Alive and Elections Honest.
Trafford Publishing: Canada. Nakuha noong Hunyo 29 mula sa
http://books.google.com.ph/books?id=96JD7cKL7kcC&printsec=frontcover&hl=tl#v=on
epage&q&f=false
Lake, C. at Harper, P. (1987). Public Opinion Polling: A Handbook for Public Interestand
Citizen Advocacy. Island Press: Washington. D.C., U.S.A. Nakuha noong Hunyo 28,
2012 mula sa http://books.google.com.ph/books?id=U3a6xSQr-
8UC&printsec=frontcover&dq=Public+Interest+in+Polling&hl=en&sa=X&ei=OnPsT7L
9KInWrQfTpLm8BQ&redir_esc=y#v=onepage&q=Public%20Interest%20in%20Polling
&f=false
Lavrakas, P. at Traugott, M. (2008). The Voter’s Guide to Election Polls. Rowman and
Littlefield Publishers, Inc.: USA. Nakuha noong Marso 5, 2013 mula sa
http://books.google.com.ph/books?id=Aggmwi1lPpAC&pg=PA172&dq=commissioned+
survey-
traugott&hl=fil&sa=X&ei=Q1g3UazIFdGsrAfPsoGYCA&redir_esc=y#v=onepage&q=c
ommissioned%20survey-traugott&f=false
Mayfield, M. (2009). Thinking for Yourself. Cengage Learning: U.S.A. Nakuha noong Hunyo 25,
2012 mula sa
http://books.google.com.ph/books?id=gxmxG7iSkzgC&printsec=frontcover&hl=tl#v=on
epage&q&f=false
Moore, D. (2008). The Opinion Makers. Beacon Press: Boston, Massachusetts.
Quezon City Official Website. quezon city.gov.ph
POLLitika 31
Reyes, R. (2010, March 15). RP Bandwagon mentality: Going with the winner. Philippine Daily
Inquirer.
Robles, R. (2010, February 15). How poll firm owned by GMA allies gave Gibo a surge. Malaya
Website. Nakuha noong Oktubre 9, 2012 mula sa
http://archive.malaya.com.ph/2010/February/02152010/news7.html
Social Weather Stations Official Website. http://www.sws.org.ph/
STRATpolls. (2012). Company Profile. Nakuha noong Hunyo 25, 2012 mula sa
http://www.stratpolls.com/files/StratPOLLS%20COMPANY%20PROFILE%20JUNE%2
02012.pdf
Thurber, J. at Nelson, C. (2000). Campaign Warriors: The Role of Political Consultants in
Elections. Brookings Institution Press: Washington D.C., U.S.A. Nakuha noon Enero 25,
2013 mula sa http://books.google.com.ph/books?id=u2-
BcMp8JBMC&pg=PA46&dq=business+of+polling+firms&hl=fil&sa=X&ei=RxLrT4W
gDojLrQeRt6zVBQ&ved=0CDcQ6AEwAQ#v=onepage&q=business%20of%20polling
%20firms&f=false
POLLitika 32
Apendiks A: Seksyon 5.2 ng Republic Act 9006
Sec. 5.2 of Rep. Act 9006:
(a) The name of the person, candidate, party or organization who commissioned or paid
for the survey;
(b) The name of the person, polling firm or survey organization who conducted the
survey;
(c) The period during which the survey was conducted, the methodology used, including
the number of individual respondents and the areas from which they were selected, and
the specific questions asked;
(d) The margin of error of the survey;
(e) For each question for which the margin of error is greater than that reported under
paragraph (d), the margin of error for that question; and
(f) A mailing address and telephone number, indicating it as an address or telephone
number at which the sponsor can be contacted to obtain a written report regarding the
survey in accordance with Subsection 5.3.
Nakuha mula kay Bernardo, J. (2010). SWS and Pulse Asia in Violation of R.A. 9006?
http://philippinecommentary.blogspot.com/2010/05/sws-and-pulse-asia-in-violation-of-
ra.html
POLLitika 33
Apendiks B:
Table na nagpapakita ng distribusyon ng mga taong nakakilala sa mga Polling Organization na
SWS, Pulse Asia, at STRATpolls.
Pollingfirmnakilala
Frequency Percent Valid Percent
Cumulative
Percent
Valid SWS 14 28.0 35.9 35.9
Pulse Asia 10 20.0 25.6 61.5
STRATpolls 3 6.0 7.7 69.2
SWS, Pulse Asia 2 4.0 5.1 74.4
Wala sa mga ito 9 18.0 23.1 97.4
SWS at STRATpolls 1 2.0 2.6 100.0
Total 39 78.0 100.0
Missing System 11 22.0
Total 50 100.0