of 32/32
“PANANATILI SA PODER NG MGA MAGULANG: Mabuti o Masama?” BILANG TUGON SA HULING KAHILINGAN PARA SA KURSONG FIL 40 Salvacion, Mae Ann Rose P 2011-30442 BS Civil Engineering JIMMUEL C. NAVAL, Ph.D. Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas Kolehiyo ng Arte at Literatura UP Diliman, Diliman, Lungsod Quezon 1

Pananatili sa Poder ng Magulang

  • View
    209

  • Download
    6

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Dependence on Parents

Text of Pananatili sa Poder ng Magulang

PANANATILI SA PODER NG MGA MAGULANG: Mabuti o Masama?

BILANG TUGON SA HULING KAHILINGAN PARA SA KURSONG FIL 40

Salvacion, Mae Ann Rose P2011-30442BS Civil Engineering

JIMMUEL C. NAVAL, Ph.D.Departamento ng Filipino at Panitikan ng PilipinasKolehiyo ng Arte at LiteraturaUP Diliman, Diliman, Lungsod Quezon

ABSTRAKTBilang mga Pilipino, naniniwala tayong dapat unahin ang pamilya bago ang ibang bagay. Mataas ang pagpapahalaga natin sa pamilya kaya naman tunay na malapit ang bawat miyembro sa isat isa. Hanggat kaya at posible, ang mag-anak ay dapat laging magkakasama. Ngunit, may mga punto sa ating buhay na kailangang lisanin ang tahanan. Maraming ibat ibang kadahilanan kung bakit may mga taong pinipiling iwanan ang kanilang mga tahanan pagdating ng panahon. Ang iba sa kanila ay nagnanais na matutunang mamuhay sa sarili samantalang ang iba naman ay lumilisan sapagkat ito ang pinakapraktikal na pagpipilian sa lahat. Maaaring mas malayo ang tahanan ng magulang sa trabaho o kolehiyo kaya kinakailangang lumipat at umalis. May mga tao rin namang pinipiling lumisan sapagkat hindi nila makasundo ang kanilang mga magulang. Ano pa man ito, tama nga bang piliing umalis? Ang pagbukod sa pamilya ay nakabubuti nga ba o nakakasama sa isang tao? Ang saliksik na ito ay makakatulong sa paggawa ng desisyon ukol sa pagiging positibo o negatibo ng pagbabalik sa poder ng mga magulang.

MGA NILALAMANABSTRAKT2I. INTRODUKSYON4A. LAYUNIN NG PAG-AARAL5B. METODOLOHIYA5C. SAKLAW AT LIMITASYON5D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL5E. REBYU NG MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL6II. DISKUSYON (Unang Bahagi)7III. DISKUSYON (Ikalawang Bahagi)13IV. KONGKLUSYON17BIBLIYOGRAPIYA19

I. INTRODUKSYONSa paglipas ng panahon, sa kabila ng napakalaking pagbabagong naganap sa ating lipunan dulot ng pagsusumikap na makasabay sa modernisasyon, may mga bagay parin namang nananatiling tulad ng dati. May mga tradisyon at kaugaliang Pilipinong hindi naano at hindi nagbago. Isang halimbawa ay ang malapit na relasyon ng mga magulang sa anak at sa kabaligtaran, ng anak sa magulang. Mula noon, hanggang ngayon, gaano man katagal ang lumipas na panahon, wari koy hindi na ito mawawala sa kulturang Pilipino. Bago ang lahat, balikan natin ang kahulugan ng pamilya. Ano nga ba ang pamilyang Pilipino? Ano ang mga kaugalian, paniniwala at balyu na katangi-tangi rito? Mainam na mapagbalik-tanawan ang mga bagay na ito upang mas maging malawak ang pagintindi sa mga paksa o isyu na tatalakayin at bibigyang pansin.Matapos ang pagsusuri sa kultura natin, ito ay ihahambing sa kultura na may kaugnayan sa pamilya ng ilang bansa sa Asya, Europa at Amerika. Paunti-unting rerepasuhin ang mga pagkakaiba at pagkakapareho ng mga kultura ng mga bansang nabanggit. Sa pagtatapos ng bahaging ito, masusukat ang pagpapahalaga sa pamilya ng mga mamamayan sa mga lugar na iyon.Kasunod nito ang pagpasok ng pangunahing paksa ng saliksik na ito, ang pagbabalik sa poder ng mga magulang. Susuriin ang mga kadahilanan sa likod ng mentalidad na ito, titimbangin ang mga positibo at negatibong dulot nito sa pagkatao ng isang indibidwal at mula ritoy maaaring magdesisyon kung nakabubuti nga ba ang pagtira muli sa tahanan ng mga magulang o masama.A. LAYUNIN NG PAG-AARALAng papel na ito ay naglalaman ng saliksik at mapanuring pag-aaral ukol sa isa sa mga kaugaliang natatangi sa ating mga Pilipino, ang pananatili sa piling ng mga magulang sa kabila ng pagkakaroon ng kakayahang suportahan ang sarili. Layon nitong buksan ang kamalayan ng mga tao ukol sa paksang, PAGBALIK SA PODER NG MAGULANG: Mabuti o Masama? at bigyang linaw ang isyung moral na nakapaloob dito.B. METODOLOHIYAAng mga datos at impormasyong mababasa sa saliksik na ito ay naangkat mula sa sariling obserbasyon at pagsusuri ng mananaliksik. Ang ilan ay mula sa aklatan at internet. Samakatwid, ang pamamaraan sa pananaliksik na ginamit dito ay library and web research at pagmamasid at pakikiramdam.C. SAKLAW AT LIMITASYONAng saliksik na ito ay limitado sa mga taong nasa edad 18 pataas na nasa kolehiyo, tapos na sa kolehiyo o nagtatrabaho. Samantala, wala namang limitasyon sa kasarian. Mapababae, lalaki o LGBT, lahat ay nasasaklaw ng saliksik na ito.D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARALMataas ang pagpapahalaga nating mga Pilipino sa pamilya kaya naman normal lamang para sa atin ang makitang nasa piling parin ng mga magulang ang anak bagamat ito ay nasa tamang edad na. Sa kasamaang palad, hindi ito katanggap-tanggap para sa ibang tao kaya naman mapipilitan tayong magdesisyon kung aayon ba tayo sa nakagisnan nating kaugalian o lilihis mula rito. Tunay na may kahirapan ang pagpapasyang ito. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga indibidwal na may hindi malinaw na disposisyon ukol sa isyung ito upang sa kalaunan ay mapagdesiyunan niya kung anong dapat niyang gawin.E. REBYU NG MGA KAUGNAY NA PAG-AARALSa aklat na The Filipino Family ni Belen Medina, masusing tinalakay lahat ng bagay kalakip ng pamilyang Pilipino. Mula sa depinisyon at istruktura hanggang sa kaugalian at responsibilidad ng mga miyembro nito.[endnoteRef:1] Ayon sa kanya, bahagi ng ating kultura ang pagtira sa magulang lalo na kung hindi pa kasal o wala pang sariling pamilya ang isang indibidwal. Bilang ang pamilyang Pilipino ay residentially nuclear but functionally extended, ibig sabihin ay kahit na hindi magkasama sa isang tahanan ang magkakamag-anak, parang isang pamilya o isang sambahayan lang sila kung magturingan. [endnoteRef:2] Magandang panimula ito sa pagsagot sa isyung binibigyang pansin sa puntong ito. [1: (Medina)] [2: (Medina 19)]

II. DISKUSYON (Unang Bahagi)Ang pamilya bilang isang konsepto ay mahirap bigyan ng isang payak at simpleng pakahulugan. Ito ay isang salitang may malawak na saklaw at kinapapalooban ng komplikadong serye ng mga ideya. Bawat bansa ay may sariling depinisyon ng pamilya na batay sa kanilang kaugalian at kultura. Alam nating lahat na ang mga kulturang ito ay walang katulad at natatangi mula sa iba. Samaktwid, iba-iba rin ang pagtanggap at persepyon natin sa bawat paksa. Sa kabila nito, may ilang mga bagay parin naman kung saan maaaring magtugma ang ibat ibang paniniwalang ito. Isa na rito ang pamilya bilang pangunahing yunit na kinabibilangan ng bawat isa sa lipunan. Lahat tayo ay nagmula sa isang pamilya.Sa kaso natin bilang mga Pilipino, ang pamilya ay laging nasa unahan ng talaan ng mga prayoridad sa buhay. Ito ay nagpapatunay na talaga ngang malaki ang bahagi ng pamilya sa pagbuo ng katauhan ng isang tao kung kaya nararapat lamang na bigyan ito ng sapat na oras at importansya.Ngayon, tayo ay magbalik tanaw sa mga kaugalian, paniniwala at moral ng mga pamilyang Pilipino.Ang pamilyang Pilipino o mag-anak ay karaniwang binubuo ng ama, ina at mga anak. Ang bawat miyembro ay handang sumuporta sa isat isa at may pagkakaisa. Isinasaalang-alang ang opinyon ng lahat bago gumawa ng desisyon. Bawat isay may karapatan at pagkakataong ipaglaban ang kanyang paniniwala basta itoy gagawin sa tamang paraan. Sa pinalawig na anyo nito, ang mag-anak ay binubuo rin ng lolo at lola, kung minsan ay tito at tita, mula sa panig ng ina at ng ama. Bunga ito ng mataas na pagpapahalaga ng mga Pilipino sa sariling dugot laman. [endnoteRef:3] [3: (Medina 22)]

Sa ating mga Pilipino, napakalakas at napakatibay ng samahan ng magulang at anak. Likas na mapagmahal ang mga magulang sa anak kaya naman ginagawa nila ang lahat upang matustusan ang pangangailangan ng mga ito pinansiyal man, emosyonal o moral. [endnoteRef:4] Sa kabila ng pagiging abala sa pagpapanatili ng kaayusan ng pamilya, hindi pinalalampas ng mga magulang ang mga pagkakataong maaaring magpatibay ng relasyon nila sa kanilang mga anak. Halimbawa nito ang family day o family outing. Pwede rin naman ang simpleng pagdalo sa mga programa sa paaralan upang ipakita ang suporta sa anak magtatanghal. [4: (Medina 17-18) (Medina 236)]

Dahil sa mataas na pagpapahalaga sa pamilya, karaniwan sa mga Pilipino ang manatili sa poder ng mga magulang kahit na nasa tamang edad na ang isang tao. Hindi naman ito minamasama ng mga magulang dahil para sa kanila, maganda at positibong bagay ito sa pagpapalagay na hindi magiging pabigat ang anak. Minsan, bagamat nagiging pabigat at palaasa na ang anak ay handa paring tumulong ang mga magulang. Isang patunay kung gaano kadalisay ang pagmamahal ng amat ina sa kanilang mga anak.Sa puntong ito, nais kong ikumpara ang kultura nating mga Pilipino sa kultura ng ilang bansa sa Asya, Europa at Amerika.Sinasabing ang pag-alis sa poder ng mga magulang ay nagmula sa kanluranging kulura. Ang kaisipang ito ay laganap lamang sa Amerika at sa kalapit bansa nitong Canada. Ang pamumuhay sa Amerika ay hindi madaling gawain.Tulad sa Pilipinas, nagmamahal din ang mga presyo ng bilihin, gasolina, upa sa bahay at iba pa sa Amerika. Ang pinagkaiba lamang ay natutumbasan ng sapat na sweldo ang hirap ng trabaho. Per-oras ang basehan ng sweldo sa pagtratrabaho, kaya naman kayod kalabaw ang mga tao roon. Hanggat kaya ng katawan ang gawain, tuloy ang paghahanapbuhay. Sa ganitong kadahilanan, kadalasan ay nauubos ang buong maghapon sa pagtatrabaho lamang at nawawalan na ng panahon sa pamilya ang parehong ama at ina. Mas madalas sa hindi ay hindi na napagtutuunan ng pansin ang pagaalaga sa mga anak dahil mas inuuna ang pagtratrabaho upang mapagkalooban ng magandang buhay ang mga anak. Bunga nito, napapalayo ang loob ng mga anak sa mga magulang hanggang sa dumating ang panahong mas pipiliin nila ang mamuhay mag-isa kaysa ang kasama ang kanilang amat ina.Paghantong ng ikalabing walong taon (18), ang edad kung saan itinuturing na isang adulto o matanda ang isang tao, karaniwang ibinibigay na ng magulang ang buong pahintulot sa anak na mamuhay magisa at makapagdesisyon ng magisa. Marami sa mga kabataan sa Amerika na sa edad na 18 ay humihiwalay na ng tirahan sa mga magulang. Ang iba ay humihiwalay upang magtrabaho sa ibang lugar samantalang ang iba naman ay humihiwalay upang magaral.[endnoteRef:5] [5: (Ellis-Christensen)]

Minsanan nalang kung umuwi ang mga anak sa bahay ng kanilang mga magulang kagaya ng kapag mayroong importanteng okasyon o di kaya naman ay may maikling bakasyon. Kapag nasimulan na ng anak na humiwalay ng tirahan sa magulang, mas madalas sa hindi ay hindi na ito bumabalik at ipinagpapatuloy na ang pagsasarili hanggang sa makatapos ng kolehiyo, makapagtrabaho, makapagasawa at bumuo ng sariling pamilya.Sa kultura ng mga Amerikano ang pagbalik sa poder ng magulang ay maituturing na isang kahinaan at kahihiyan. Sa mata ng ibang tao, kapag ikaw ay nagpasyang bumalik sa tahanan ng iyong amat ina, ipinahihiwatig nitong ikaw ay isang malaking kabiguan sa buhay. Ito ay sa kadahilanang maging ang iyong sarili ay hindi mo kayang tustusan kayat para kang isang lintang walang pakundangang humihigop sa dugo ng walang malay na biktima. Sa kasong ito, ang biktimang tinutukoy ay ang sarili mong mga magulang.Samantala, hati naman ang pananaw ng ibang mga Europeyong bansa ukol sa paksang pagtira kasama ang mga magulang. Sa Italya, ang pagtira sa magulang ng anak hanggang sa edad na 30s ay maituturing paring normal. "Bamboccioni" ang tawag sa mga anak na nasa wastong edad na ngunit nakatira parin sa poder ng mga magulang. [endnoteRef:6] [6: (Chiari)]

Sinasabing ang puso ng kultura ng mga Italyano ay ang pamilya.[endnoteRef:7] Binibigyang atensiyon at sapat na oras ang pamilya sapagkat ito ay isang kaparaanan upang maging matibay ang kanilang samahan. Ang pangunahing prayoridad ng mga kababaihan ay ang kanilang asawa at mga anak kaya naman ramdam na ramdam ng mga anak ang pagaaruga at pagaasikaso sa kanila ng kanilang mga magulang. Dahil dito nagkakaroon ng matatag na relasyon ang mga magulang sa kanilang mga anak. [7: (Mandile and Mandile)]

Prayoridad din ng mga magulang na turuan ang kanilang mga anak na magkaroon ng magandang relasyon sa iba pa nilang mga kapamilya. Ang lingguhang salu-salo sa bahay ng nakakatanda ay madalas na ginagawa ng mga Italyano. Dito ay sama-sama ang mga magkakapamilyang sa paghahanda at pagluluto. Binibigyan nila ng importansya ang sabay-sabay at sama-samang pagkain kung saan sila ay nagkakaroon ng oras upang nakakapagusap at nakakapag-kwentuhan. Karaniwang ang mga lalaki ang madalas na naiiwan kasama ang kanilang mga magulang. Umaabot pa ito sa edad na siya ay magaasawa na. Ang edad ng mga lalaking nasabi ay nasa 26 pataas. Sa kanilang kultura, kailangang sapat na ang kakayahan ng isang lalaking bumuo at sumuporta ng kanyang magiging pamilya bago ito magpakasal. Hindi madaling magkaroon ng matatag na hanapbuhay sa Italya dahil masyadong malakas ang kompetisyon. Bukod dito, ayon sa pamantayan, hindi garantiya ang pagtatapos sa unibersidad upang magkaroon ng pirmihang trabaho. Kaya naman, karaniwang ipinagpapaliban muna ang paga-asawa at sa halip ay inuuna ang paghahanap ng matatag na mapagkukunan ng pangkabuhayan. Ayon sa datos na nakalahad sa isang artikulo, humigit-kumulang 60% ng mga Italyanong nasa edad 18-34 ay nakatira parin sa kanilang mga magulang. 20% sa mga ito ay nasa edad 30 pababa. [endnoteRef:8] [8: (Service)]

Pumunta naman tayo sa Asya kung saan iba't-iba din ang pananaw tungkol sa patuloy na pagtira ng anak sa tahanang kanilang kinalakhan. Sa bansang Hapon, mahalaga ang pagpapanatili ng linyahe ng isang pamilya. Kasama na rito ang pagpapanatili at pagpepreserba ng kanya-kanyang tradisyon, kaugalian at klase ng pamumuhay. Karaniwang ipinapasa-pasa mula sa ama at sa panganay na anak na lalaki ang responsibilidad sa pagpapanatili ng mga kaugaliang ito pati narin ang estado ng pamumuhay ng kanilang pamilya. Dahil importante ang pagpapanatili ng linyahe ng bawat pamilya, maituturing na isang malaking pasanin sa magulang kapag ang anak nito na nasa wastong edad na ay hindi pa nakakapagasawa. Karaniwang nasasabihan na tamad ang mga ito kaya naman walang kakayahan na humiwalay sa pamilya at suportahan ang sarili. Dahil sa kaugaliang ito, ang mga magulang na mismo ang gumagawa ng paraan upang maghanap ng mapapangasawa para sa kanilang mga anak. Nariyan ang mga institusyon o kumpanyang nakalaan lamang mismo sa paghahanap ng mga mapapangasawa. Sinasabing maswerte na sa mga Hapon kapag ang pagaasawa ay base sa pagmamahal at hindi lamang sa pagpapanatili ng tradisyon ng pamilya. [endnoteRef:9] [9: (Bestor and Hardacre)]

III. DISKUSYON (Ikalawang Bahagi)Kung susuriin ang ating lipunan sa panahon ngayon, hindi maipagkakailang tunay ngang matibay ang pagkabuo ng ideyang close family ties sa ating mga Pilipino. Kapansin-pansin ang dami ng mga taong magpasahanggang ngayon, bagamat sila ay may trabaho na at may sarili nang pamumuhay, ay nananatili parin sa isang bubong kapiling ang kanilang mga magulang. Ano ang ideya sa likod ng kasanayang ito? Bakit nagpapasya ang ilang mga tao na mamuhay kasama ang kanilang mga magulang sa iisang bahay kahit na nasa tamag edad na ang mga ito? Kung tutuusin, may kakayahan na silang suportahan at buhayin ang kanilang mga sarili sa sandaling makapagtapos sila sa kolehiyo at makahanap ng magandang trabaho. Gayun pa man, humahantong parin ang ilan sa desisyong manatili sa saya ng mga magulang. Anu-ano ang mga kadahilanang nagtutulak sa kanilang gawin ito?Napagpasyahan kong hatiin ang kasagutan sa tanong na ito sa tatlo. Ang una ay may kinalaman sa ekonomiya o sa usaping pera. Ang ikawala naman ay may kaugnayan sa sikolohiya. Sa kahuli-hulihan, ang ikatlo ay konektado sa sosyo-kultural na aspeto ng ating pagkaPilipino. Sa puntong ito, nais kong isa-isahin ang bawat kategorya upang suriin ang mga bagay na nakapaloob dito. EKONOMIKALNarito ang ilan sa mga karaniwang kadahilanang may kinalaman sa ekonomiya at usaping pera. Una, ayon sa kanila, mahal ang mabuhay mag-isa. Maraming gastusin at kailangang asikasuhin. Kaya naman, imposible ang masaya at masaganang pamumuhay kung pipiliin mong manirahan mag-isa, malayo sa mga magulang.[endnoteRef:10] Hindi mo gugustuhing lumayo sa mga maaari mong pagkunan sa panahon ng kagipitan, hindi ba? Ikalawa, mas makakatipid kung silay nasa poder ng kanilang amat ina lalo na kung may kakayahan pa ang mga itong magtrabaho at kumita ng pera. Sa ganitong kalagayan, mas may pagkakataong mag-ipon ang anak para sa kanyang sarili kung ipagpapalagay nating may pinag-iipunan nga ito. May sarili na siyang kita, may tulong mula sa magulang pa. Kung titimbangin ay mas magiging magaan nga naman ang pasanin ng mga anak na nakatira sa poder ng magulang dahil hindi lahat ng kanyang kinikita ay mapupunta lamang sa pagbabayad ng iba't-ibang bayaring kalakip ng pagsasarili. [10: (Chen)]

SIKOLOHIKAL.May mga taong hindi kayang mahiwalay sa kanilang mga magulang dahil takot sila. Karaniwan ay dalawang bagay ang nagbibigay sa kanila ng takot. Una, takot silang iwan ang kanilang mga magulang dahil alam nilang matanda na mga ito at kailangan ng mag-aalaga. Ang pangalawa naman ay sa kadahilanang takot sila na itapak ang kanilang dalawang paa sa mundo ng pagsasarili. May mga taong nasanay na nakadepende sa mga magulang buong buhay nila kaya naman sa kanilang pagtanda, pagdating ng panahong kailangan na nilang humiwalay sa kanilang mga magulang, marami silang alinlangan at pangamba sa buhay.[endnoteRef:11] Dahil ang mundo ay puno ng kawalang-katiyakan, ang mga indibidwal na ito ay natatakot makipagsapalaran. Mayroong silang pangamba na baka hindi pa sila handa o kaya naman ay hindi nila kaya ang pamumuhay ng magisa. Sa tingin nila ay hindi pa sapat ang kanilang kakayahan o ang kanilang kinikita. May mga tao din namang ayaw lamang maranasan ang hirap ng buhay kaya mas pinipili nalamang nilang makisama sa kanilang mga magulang na ang hangad ang mabigyan ng maginhawang buhay ang kanilang mga anak. [11: (Flores)]

SOSYO-KULTURALTulad ng aking nabanggit sa mga naunang pahina, naging kaugalian na ng mga Pilipino ang pananatili sa tahanan ng amat ina bagamat nasa tamang edad na. Bunga ito ng close family ties o pagiging malapit ng bawat miyembro ng pamilya sa isat isa.Sa lahat ng mga dahilang nasambit, may isang bagay na hindi mabilang sa kahit anong kategorya ngunit hindi maitatangging may katotohanan. Ito ay ang pagdami ng mga taong talaga lamang tamad at mas pinipiling iasa ang buhay sa mga magulang kaysa sa pagbabanat ng buto upang mamuhay ng sarili kaya nagpapasyang bumalik sa poder ng amat ina.Matapos pagsusuri sa mga kadahilanan sa likod ng pagpapasyang manirahan muli kasama ng mga magulang, ipagpatuloy natin ang diskusyon sa pagiisa-isa ng mga kapakinabangan o benepisyo:1. May karamay sa oras ng problema.Ang ating mga magulang kadalasan ang ating pinakapinagkakatiwalaan. Kadalasan, sa kanila tumatakbo ang anak na nangangailangan ng gabay at suporta. Kaya naman, kung ang isang tao ay mananatili sa poder ng kanyang mga magulang, maswerte ito sapagkat abot kamay lamang niya ang mga taong nakapagpapagaan ng problema.2. Mas praktikal.Nabanggit ko sa nakaraang pahina na ang pagsasarili ay mahal. Sa poder ng mga magulang, hindi na kailangang iintindihin ang pambayad sa upa ng bahay, pagkain, pagbabayad ng mga utilities gaya ng kuryente at tubig. Sa ganitong kaparaanan, mas makakatipid at makakaipon. Sa kontekstong ito, ipinagpalagay na may sapat na kontribusyon ang anak sa mga gastusin at gawaing bahay.Samantala, narito naman ang tala ng mga hindi kagandahang dulot ng pananatili sa poder ng mga magulang1. Tingin ng ibang tao.Para sa ibang tao, ang pagbalik sa poder ng magulang ay maituturing na isang kahinaan at kahihiyan. Kapag ikaw ay nagpasyang bumalik sa tahanan ng iyong amat ina, ipinahihiwatig nitong ikaw ay isang malaking kabiguan sa buhay. Ito ay sa kadahilanang maging ang iyong sarili ay hindi mo kayang tustusan kayat para kang isang lintang walang pakundangang humihigop sa dugo ng walang malay na biktima. Sa kasong ito, ang biktimang tinutukoy ay ang sarili mong mga magulang.2. Kawalan ng kalayaan.Ang pananatili sa poder ng mga magulang ay tulad ng pagtira sa isang palasyo. Maaari kang mabuhay ng marangya. Maaari mong matamasa lahat ng sarap sa buhay na iyong nanaisin. Ngunit, kalakip nito ang responsibilidad na makinig sa lahat ng sasabihin ng hari at reyna. Bagamat nasa tamang edad na, ang bawat pagpapasyang gagawin ay dapat ikonsulta parin sa mga magulang. Kapag ang isang tao ay nakatira sa sarili nitong bahay, magagawa niya ang lahat ng kanyang gugustuhin ng walang ibang iniisip at walang pipigil. Sa kabilang banda, kapag nariyan ang mga magulang, mayroong restriksyon at limitado ang kanyang kilos kaya't nawawala ng paunti-paunti ang kalayaan sa mga nais na gawin.IV. KONGKLUSYONPara sa ating mga Pilipino, ang pamilya ang nagsisilbing unang institusyon ng pamayanan na ating kinabibilangan. Magkakapit-bisig na nagtutulungan ang ama at ina sa pagbibigay ng magandang buhay sa kanilang mga anak. Minsan pa nga ay katulong pa ang extended family o lolot lola at tiyot tiya sa pagaalaga sa mga anak kung sakaling parehong abala ang mga magulang sa pagtatrabaho. Base sa tradisyunal na hatian ng responsibilidad, ang ama ang nagsisilbing haligi ng tahanan na siyang responsable sa paghahanapbuhay upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya samantalang ang ina naman ang nagsisilbing ilaw ng tahanan na siya namang nagpapanatili ng kaayusan sa bahay. Bukod dito, siya rin ang responsable sa pagaaruga at pagtuturo ng moral sa kanilang mga anak. Siya ang nagsisilbing unang guro ng kanyang mga anak at ang kanilang tahanan naman ang nagsisilbing una nitong paaralan. Sa murang edad ng mga bata ay iminumulat na sila sa ideya iisa ang tahanan at ang pamilya, na sa kabila ng kung anu man ay nariyan at hindi mawawala ang suporta ng magulang sa kanilang anak. Dahil dito, ang mga anak ay lumalaking may malaking pasasalamat sa kanyang mga magulang at natututo itong tumanaw ng utang na loob na balang araw ay sila naman ang magaaruga sa kanilang mga magulang.Ngunit, hanggang saan nga ba dapat ang sukatan ng mga pagtulong ng magulang para sa kanilang anak? Makabubuti ba na habangbuhay na hayaang nakadepende ang anak sa kanyang magulang? Para sa akin, hindi kailanman natatapos ang responsibilidad at ang pagtulong ng isang magulang sa kanya anak ngunit hindi din naman ibig sabihin nito na habang buhay na tayo dedepende sa kung ano man ang maibibigay ng ating mga magulang. Hindi lang naman sa materyal na aspeto nasusukat ang pagiging mabuting magulang. Nariyan sila upang siguraduhing maging responsable ang kanilang mga anak at magkaroon ng kakayahang manindigan at tumayo sa sariling paa. Kahit ang isang agila na pagkataas taas lumipad ay iniiwan ang kaniyang mga inakay pagdating ng tamang panahon upang matutunan nitong lumipad magisa at magkaroon ng pagkakataong lumipad ng mas mataas pa sa naaabot ng kanyang ina. Kagaya ng ating mga magulang, hangad nila na mas maging mabuti ang buhay ng kanilang mga anak kaysa sa naging buhay nila kaya naman ginagawa nila ang lahat ng paraan upang maisakatuparan ang mga ito. Hindi naman masama ang pagtira sa ating mga magulang kahit na mayroon na tayong kakayanang buhayin ang ating mga sarili. Kung magkagayon mas mabuting tayo naman ang magbabalik ng pasasalamat sa pamamagitan ng pagtulong at pagaaruga sa ating mga magulang kaysa sa tayong mga anak ang patuloy na dumidepende at umaasa sa kanila. Hindi naman habang buhay ay kaya tayong tustusan ng ating mga magulang. Dadating ang panahon na sila ay mapapagod din at nararapat lamang naman na suklian natin ang kanilang paghihirap ng maganda at komportableng buhay. Kung patuloy na tikom ang ating mga pakpak hindi tayo matututong lumipad upang sabayan ang daloy ng hangin ng ating buhay.

BIBLIYOGRAPIYABestor, Theodore C. and Helen Hardacre. Columbia University. 2002. 2012 9 October .Chen, Adrian. Gawker. 28 April 2010. 2012 October 11 2012 .Chiari, Patti. 11 June 2010. 10 October 2012 .Ellis-Christensen, Tricia. Conjecture Corporation. 22 September 2012. 10 October 2012 .Flores, Dr. Pura M. "Achieving Emotional Maturity." Family Life Workshop of the Philippines, Inc. The Filipino Family. Quezon City: Alemar-Phoenix Publishing House, 1966. 6-10.Mandile, Kath and Rita Mandile. The Italian Legacy. 9 October 2012 .Medina, Belen T.G. "Family and Kinship Structure." Medina, Belen T.G. The Filipino Family. 2nd Edition. Quezon City: University of the Philippines Press, 2001. 12-28.MrAirsoft. Yahoo! 6 August 2007. 10 October 2012 .Service, Mail Foreign. Daily Mail, The Mail on Sunday & Metro Media Group. 24 June 2010. 10 October 2012 .

3