Upload
others
View
7
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
CHAPTER 1
“’Ma naman, please lang. Tantanan na ninyo ‘ko sa
kakapilit nyo. Wala talaga kayong mapapala sa’kin.” Naiinis na
sagot ni Zenielle sa kanyang ina na nangungunsumi na sa kanya. Sa
tuwi na lang kasing uuwi siya ay puro kabulastugan ang dala niya.
Pilit na pinapasara ng mga ito ang shop na ipinundar niya. Ang kaso
ay hindi naman niya magagawa yun dahil mahal niya ang lugar na
iyon na isa sa numero unong dahilan kung bakit lalong nagagalit sa
kanya ang mga magulang niya.
“Zenielle, anak, intindihin mo naman kami ng Papa mo.
Masyado na kaming matanda para magbantay pa sayo. At isa pa,
may sarili ng pamilya ang kapatid mo.”
“’Ma, don’t worry about me, I can take care of my own.
And besides, bakit hindi na lang kayo magrelax muna ni papa
kaysa naman kinukunsumi niyo ang mga sarili niyo kakapilit na
mag-asawa ako.” Nakangiting suhestyon niya sa kanyang ina na
mukhang mayamaya pa ay mawawalan na ng ulirat. Dalawa lang
silang anak ng mga magulang niya, siya at kuya niya na ngayon ay
nasa America na kasama ng pamilya nito
“Enough, Zenielle!” Maawtoridad na sabi ng kanyang ama
na waring kaninang pang nakikinig sa usapan nila ng kanyang ina.
“Eh? ‘Pa, pati ba naman kayo.”
“Kung ayaw mong makinig sa’min ng mama mo, pwes
mapipilitan na ‘kong gawin ang dapat kong gawin. I’ll make you
marry my friend’s son.” Kahit na seryoso ang mukha ng kanyang
ama, hindi pa rin niya napigilang matawa sa sinabi nito. Para
namang hindi siya kilala ng mga magulang niya. Hindi siya pipilitin
ng mga ito kung ayaw niya talaga.
“’Ma, si papa o, Nagpapatawa hindi naman kalbo.” Tawa
pa rin siya ng tawa hangga’t hindi nakukuntento.
“Walang nakakatawa Zenielle at tototohanin ko ang sinabi
ko paghindi ka nakinig sa’min ng mama mo. Mark my word, lady.”
Unti-unting nawala ang ngiti niya na kanina lang ay hindi matanggal-
tanggal.
“You’re kidding. May CCTV dito. You’re pulling a prank on
me. Don’t you? Am I supposed to laugh now?” Naghintay siyang
bawiin ng mga ito ang sinabi pero parang naghintay siya sa pagputi
ng uwak. Napuno na talaga ng tuluyan ang ama niya kaya sapilitan
na siyang nirerendahan. Humingi siya ng tulong sa kanyang ina.
“’Ma?”
“You better prepare for tomorrow. You’ll be meeting your
future husband.” And with that, her dad just left her dumbfounded.
Malungkot na nilingon lang siya ng kanyang ina bago sumunod ito sa
kanyang ama. Naiwan lang siyang mag-isa sa sala habang pilit na
inaanalisa kung ano ang nangyari.
“Am I in the right house?” Naiinis niyang sinabunutan ang
sarili. “Ayoko pang mag-asawa!”
****
“Shouldn’t you going home, bro?” Hindi man lang nilingon
ni Xenon ang kapatid niyang si Mauri.
“Why don’t you go home instead? It’s getting late , bata.
Delikado ng magpagala-gala ka dito sa ospital.” Narinig pa niyang
may lumaglag na gamit na sa hinuha niya ay ang penholder niyang
nakalagay sa may estanteng malapit lang sa table niya. Nilingon niya
ang kapatid na kasalukuyang naglilimot na ng nahulog na gamit.
Napailing na lang siya.
“I’m sorry. Pahara-hara kasi yung penholder, nasagi ko
tuloy.” Nakangiting sabi nito sa kanya.
“Oo na, kasalanan na ng penholder nay an. Mapalitan na
nga yan.” Ilang ulit pa niyang pinasadahan ng tingin ang mga
medical records na hindi pa niya nakikita. As the owner of the
hospital he were in, he always make sure that he knows every detail
and transactions that he’s hospital is involved with. Maya-maya pa
ay naramdaman na lang niya ang pag-upo ng kapatid niya sa silya sa
tapat ng mesa niya.
“What do you want?” Tanong niya rito. Sa tuwing ganito
kasi ang ikinikilos ng kapatid niya ay alam niyang may gusto itong
sabihin o hinging pabor. That’s how he spoiled her sister.
“Hmm, wala naman. Gusto ko lang makasabay pag-uwi
ang paborito kong kuya.” He can’t help but smile. His sister has this
sweet bone since she was born until this day. Nilingon niya ito.
“Name it, binobola mo pa ‘ko.” Ngumiti ito ng pagkatamis-
tamis at nagsimula ng magsalita.
“I just think that maybe it would be a better idea if I have
my own business… so…”
“So?”
“Would you let me share with Saiya’s shop at Caceres?”
Binigay na nito ang pinakamatamis nitong ngiti sa kanya para lang
mapapayag siya na alam niyang hindi niya matatanggihan.
“Anong mapapala ko diyan?” nang-aasar niyang tanong sa
kapatid. Sumimangot naman ito.
“Aba, madami. Ahm…ano, e, basta madami. Sa sobrang
dami e, hindi ko masabi.”
“Okay.” Tuwang-tuwa siyang niyakap nito.
“Thank you my very own brother! You’re the best! I’ll treat
you for this!”
“I’ll take that!” Inayos na niya lahat ang mga gawain niya at
naghanda sa libre ng kapatid.
****
Nakakailang baso na ng alak si Zenielle pero hindi pa rin siya
tumitigil sa pag-aakalang magigising na siya sa bangungot na nilikha
ng ama niya. “Ang bait-bait ko naman, a? Bakit ako pinaparusahan
ng ganito, Hay!” Marahas niyang sinabunutan ang sarili at inisang
lagok ang bagong salin na inumin. Matagalang gumuhit sa
lalamunan niya ang init ng alak na iyon na habang tumatagal ay
nagpapagaan sa pakiramdam niya.
“Hebi…” sinisinok pa niyang sabi. Nang magsawa na sa
kakasalita mag-isa, marahan siyang lumingon sa paligid habang
dama pa rin ang gaan ng ulo niya. Muntik pa nga siyang mahulog sa
upuan kung hindi lang siya nahawakan ng katabi niya. Nilingon niya
ito.
“Bakit mo ‘ko hinahawakan? Kamag-anak ba kita?” Paangil
niyang sabi sa lalaking nakaalalay pa rin sa kanya.
“You’re drunk, be careful.”Tila isa siyang batang inagawan
ng laruan ng hilahin niya ang braso niya rito at nagtangkang tumayo.
Nakatayo naman siya kaya lang ay muntikan ng matumba kung hindi
lang maagap ito.
“Pakialam mo ba? Hindi naman ikaw. Tabi diyan!” tinabig
niya ito pero nakakadalawang hakbang pa lang siya ay nasubsob
naman siya sa silyang inupuan niya kanina. “Pakshet, ang saket.”
Aniya
Narinig niyang bumuntung-hininga ang lalaki at kinuha ang
nag-iingay na cellphone.
“Yeah. Asan ka ba? Okay, Mag-ingat ka.” Binaba na nito
ang cellphone. Siya naman ang binigyan ng pansin nito na waring
hindi maalaman kung anong gagawin sa kanya.
“Let go of me. I can walk.” Sabi niya rito na nagpilit pa ring
lumayo rito. Hinayaan naman siya nito sa gusto niya. Magpumilit
siyang lumakad ng tuwid hanggang sa muntik na naman siyang
mabangasan sa sarili niyang kagagawan. Inalalayan na siya ng
lalaking kanina pa siya tinutulungan. Naramdaman niyang may
pumitik na kung ano sa sentido niya. “Ouch…” Mahinang hikbi niya.
Nasapo naman niya ang sentido.
“So I’m really stucked with you.” Bago siya pumikit ay
namasdan pa niya ang mukha nito na siyang dahilan kung bakit
napangiti siya ng todo todo.
“Ang sarap mong ulamin, may kanin ka ba dyan?” Ang
tanging nasabi na lang niya bago siya nawala sa realidad. Narinig pa
niya ang mahinang pagtawa nito.
****
Komportableng ninanamnam pa ni Zenielle ang tila ulap na
kinahihigaan niya. Iwinasiwas pa niya ang dalawang braso na waring
naglalaro sa buhanginan habang nakahiga. Pakiramdam niya ay isa
siyang paru-paro na bago pa lamang lilipad. Unti-unti niyang
iminulat ang mga mata. Halos lahat ng nakikita niya ay puti. Daig pa
niya ang kinuha ni Lord sa sobrang liwanag na tumama sa mata niya
ng ibaling niya ang paningin sa may siwang ng kurtina.
Teka, Asan ba ko? Tanong niya sa sarili. Napabalikwas siya
ng bangon at unti-unting inalala ang mga nangyari ng nakaraang
gabi. Nang walang mapiga sa inaagiw niyang utak ay kinausap
naman niya ang sarili.
“Anong oras na ba?”
“10:30 in the morning.” Nilingon niya ang nagsalita. ”Good
Morning, coffee?” Para siyang tinamaan ng pana ng makita ang
lalaking sinalo na yata lahat ng kagwapuhan sa mundo. May hawak
itong tasa ng umuusok na kape habang nakasandal sa hamba ng
pinto. He’s wearing a white sando on top and pajama that makes
him oh-so-hot in this very time of the morning. He’s smiling eyes is
like one of those teddy bears that makes her smile once she’d seen
it. How she love to wake up every morning with this beautiful sight.
Sinaway naman niya ang sarili sa pagpapantasya rito. Tahimik
niyang kinagat na lang ang dulo ng kumot at nagtanong sa lalaki.
“Anong ginawa natin—este, anong ginawa mo sa’kin?
Teka, bat ako nandito? Sino ka? Bakit ka nakasando?” Parang
tanga niyang tanong sa estrangherong lalaki na bigla na lang
sumulpot sa umaga niya. Kumunot sandali ang noo nito na madalian
din namang napalitan ng blangkong ekspresyon ang mukha.
“Walang akong ginawa sayo. Nalasing ka kagabi at
tinulungan lang kita. Xenon is my name.” Anito.
Hindi pa rin niya mapigilan ang magpantasya rito habang
patuloy lang siya sa pagmamasid rito. Akala ko ba ayaw mo pang
mag-asawa? Singit ng kabilang bahagi ng isip niya na agad din
niyang pinalis.
“Ah, ganon ba? Hehe… Salamat.” Aniya at nagmamadaling
umalis sa kama. Agad niyang hinanap ang kanyang bag na
pinaglagyan niya ng cellphone niya. Nakita niya sa may ibabaw ng
table na katabi ng floor-to-ceiling sliding door. Kinalkal niya ito at
hinanap ang cellphone pero hindi naman niya nakita kaya ihinuho
na niyang lahat ang laman noon. Sa di-kalayuan ay patuloy lang sa
pagmamasid ang lalaki sa kanya na hindi na lang niya pinansin.
Siguro ay dahil sa dami ng text at tawag na nagawa ng mga
magulang niya ay hindi na nakayanan ng battery ng phone niya at
bumigay na. Napakamot na lang siya sa ulo niya sa frustration na
naramdaman.
“Is there something wrong?” Narinig niyang tanong ng
lalaki.
“Ha? Naku, wala.” Ibinalik na niya lahat ng ikinalat na gamit
sa bag at nagmamadaling gumayak paalis. “Salamat uli sa tulong,
pasensya na. Bye!” Tumalilis na siya sa bahay na iyon at naghanda
na para sa sermon na ipapaalmusal ng mga magulang niya. Naiwan
namang nangingiti si Xenon na sinubukan pang ihabol ang nalimot
na kwintas nito na marahil ay nasabit sa kung saan. Masyado
sigurong mabilis ang babae kaya hindi na niya naabutan pa ito.
****
Bago pa nakauwi si Zenielle ay dumaan muna siya sa isang
coffee shop. Tinake-out na lang niya ang inorder na kape para na rin
may pangsuhol siya sa kanyang mga magulang na mahilig rin
magkape. Sana naman makatulong,sabi niya sa sarili. Pagdating niya
sa bahay nila ay dahan-dahan pa niyang binuksan ang pinto at
malumanay ang bawat yabag na binibigay niya para hindi agad siya
mahuli na wala rin namang silbi dahil nakita na siya ng kanyang ina.
Binati na rin niya ito bilang respeto.
“Ma! Good morning.” She kissed her on her cheek and
hugged her mother as if nothing happened.
“We’ll talk later but first get yourself presentable. Go to
your room and take a bath, you don’t smell… nice. We’ll wait for
you at the living room.” Kahit hindi naiintindihan ang nangyayari ay
sinunod na lang niya ito dahil ayaw na niyang madagdagan pa ang
atraso niya sa mga ito. Mabilis siyang naglinis ng katawan at
nagbihis na ng usual get-up niya. Sakto din namang pumasok ang
kanyang ina na umasim ang mukha ng makita na naman ang suot
niyang jeans at loose t-shirt na lagi niyang sinusuot.
“Zenielle, get ‘dress’. What I mean is wear the dress that
I’ve always buy for you. Hmm? Magpalit ka na.” Sa lahat ng ayaw
niya ang nagsusuot ng mga damit na may palda. Bukod kasi sa
naaasiwa siya, sa tingin niya ay hindi rin bagay sa kanya.
“Ma, okay na po ako dito at saka—“ Pag-apela niya na
hindi naman pinansin ng mama niya.
“No more reasons, lady. Magbihis ka, the proper way. At
wag mo nga itali yang buhok mo, just let it down. Go, hurry. Baka
naiinip na sila sa baba.” Lumabas na ito at siya naman ay hindi pa
rin mapakali dahil hindi talaga siya sanay magsuot ng mga damit na
gusto ng mama niya. Sa huli ay wala rin siyang nagawa at sinunod
na lang ito. Nakabihis na siya ng mapansin niyang wala siyang suot
na kwintas. Hinanap niya ito sa kama, sa banyo, sa lahat ng sulok ng
kwarto niya, sa bag niya pero wala ito roon. Inabutan pa siya ng
mama niya na halata na ang pagkainip kaya hinila na siya palabas.
“Ma, wait—“
“Later mo na hanapin kung anuman yun.” Sabi na lang ng
kanyang mama. Sinalubong sila ng tingin ng mga bisita siguro ng
Papa niya. Anyways, wala naman siyang pakialam dahil nasa isip pa
rin niya ang nawawalang kwintas niya na regalo pa sa kanya ng mga
magulang niya nung 7th birthday niya. Iginiya siya ng kanyang ama
palapit sa grupo nila at ipinakilala sa siya sa mga bisita.
“Panyero, Shane, I’d like you to meet my beautiful
daughter, Zenielle.” Palinga-linga pa siya na animo’y hindi mapakali.
Asan na ba yun? Bat ‘di ko matandaan kung saan ko nilagay.
“It’s nice meeting you, Zenielle.” Saan ko tuloy hahanapin
yun? Naman o! Shucks! Ang shop ko.
“Zenielle, anak?” Tawag ng papa niya. Nakatingin nang
lahat sa kanya ang mga ito na waring may hinihintay. Nilingon niya
ang mga ito. Nakita niyang nakalahad lang sa kanya ang kamay ng
lalaking anak ng kaibigan ng papa niya.
“Ha? Ano po yun uli?” Wala sa sarili niyang tanong.
Napakamot pa siya sa ulo.
“I guess your daughter is busy thinking somethings, or
someone?” Biro pa ng ama nito. Wala naman siyang naging
reaksyon doon. Kailangan ko ng makabalik sa shop. Tokneneng
naman! Nag-isip pa siya ng paraan para makaalis pero sa huli ay
napagpasyahan na lang niya magpaalam na, pumayag man ang mga
ito o hindi.
“Pasensya na po pero kailangan ko na pong umalis. Sorry
po talaga.” Pahinging paumanhin niya. Ayaw pa sana siyang paalisin
ng papa niya pero laking pasasalamat na rin niya dahil nasulsulan ito
ng kaibigan nito.
“It’s okay, iha. You can go, maybe we can meet again if
you’re free.” Nakangiting sabi nito. Ngumiti na lang din siya dito as
a sign of politeness. Dire-diretso niyang tinungo ang pinto at
lumabas na. Hindi na siya nakapagpalit dahil wala na siyang oras.
Agad siyang sumakay sa kotse niya at binagtas ang daan patungo sa
shop niya.
“Boss?” Nagtataka pang tanong ng mga tauhan niya.
Kumunot ang noo niya dahil sa paraan ng pagtatanong ng mga ito.
Naalala niyang nakadress nga pala siya. Nagmukha tuloy siyang
ganap na babae. Duh!
“Wag niyo kong pansinin, magpapalit lang ako.” Aniya
bago nagtuloy sa loob ng opisina niya. She owns a motor spare parts
shop. Nagtayo siya ng ganitong uri ng shop dahil gusto talaga niya
ang lahat ng uri ng kotse. To think na katakot-takot na sermon ang
nakuha niya ng malaman ito ng mga magulang niya. Kesyo
nagkakababae daw siyang tao at ano daw ang alam niya sa mga
ganitong bagay. Pero hindi niya na yun pinakinggan dahil ito talaga
ang gusto niya at walang makakapigil doon. Kahit mayaman sila,
mas gusto niya pa rin ang may sariling pera para hindi na siya laging
hihingi sa mga magulang niya. Bukod doon, naging talyer na din ang
kabilang bahagi noon na isa rin siya sa mga nagkukumpuni ng mga
sirang kotse na karamihan ay mga mayayaman ang nagpapagawa.
Ika nga, tambayan ng mga mayayamang kotse ang talyer niya pero
wala na rin siyang pakialam hangga’t kumikita siya at lumalago pa
lalo ang kabuhayan niya.
“Boss, may naghahanap sayo kanina. Gwaping, kaya lang
hindi sinabi ang pangalan. Pinabibigay niya ‘to.” Inabot sa kanya ng
tauhan niya ang isang maliit na kahon. Nang buksan niya iyon ay
nakita niya ang kwintas niyang hinahanap. Naalala naman niya ang
lalaking tumulong sa kanya noong nakaraang gabi.
“Nasaan na yung nagdala nito?” tanong niya rito.
“Kanina pa pong umalis. Nagkasalisi nga po kayo e.” Ay
sayang naman, well, salamat na rin. Isip-isip niya. Nagsimula na siya
sa trabaho. Ultimo pagkukumpuni ay nagawa na niya. Magaan lang
ang lahat sa kanya idagdag pa na mababait naman at tinutulungan
siya ng mga tauhan niya na lahat ay mga lalaki. Monotonous na
naman ang araw niya kaya nasanay na siya.
Pagdating ng hapon, maaga niyang pinagsara ang mga
tauhan niya. “May date ata si boss.” Biro ng isa sa mga tauhan niya.
“Oo, kaya magmadali na kayo at baka magbago pa ang isip
ko.” Pag-ayon niya rito. Nakaugalian na niyang makipagbiruan sa
mga ito dahil pamilya na rin ang turing niya sa mga ito na mas
mabuti raw sa negosyo. Ayon sa aking point of view.
“Sabi mo e. Boss, baka naman mailibre niyo pa kami. Wag
naman.”
“Asa! Magsiuwi na nga kayo. At baka makapanlibre nga
ako.” Natatawa niyang sagot sa mga ito. Mabilisan silang nagsara.
Nagsiuwi na ang mga tauhan niya at siya naman ay dumaan muna
sa paborito niyang coffee shop- ang Café Amore. Makapag-unwind
nga. Naks! Umeenglish ako a. Nangingiti niyang sabi sa isip.
Pagdating niya roon ay umupo agad siya sa paborito niyang upuan.
Kasama ang mainit at paborito niyang cappuccino nagmuni-muni
siya roon at nagmasid sa mga taong dumaraan sa harap ng coffee
shop.
“Pwede bang makiupo?” Nilingon niya ang taong
nagtanong. Nakakunot ang noong tiningnan niya ito. Unti-unting
luminaw sa kanya ang mukha nito. Ang lalaking balak ipagkasundo
sa kanya ng papa niya! Alanganin pa siyang paupuin ito.
“Si-sige.” Pilit siyang ngumiti rito. Uminom agad siya ng
kape para mabaling ng atensyon niya. Nag-isip siya ng paraan para
makaalis na sa lugar na yun.
“Long day? Ang busy mo siguro.” Pagbubukas nito ng topic
na ayaw naman niyang humaba pa.
“Ha? A, oo.” Lumingon siya sa ibang direksyon dahil
naaasiwa na siya sa mga titig nito.
“Kamusta naman ang shop mo? Balita ko may talyer ka a.
To think na babae ka, kahanga-hanga.”
“Ayos naman. Improving.” Naisip niyang magpaalam na rito
pero ayaw naman niyang isipin nito na wala siyang modo. Kaya
niransack niya ang utak niya para makagawa ng rason pero wala
siyang mahagilap. Saktong paglingon niya ay nakita niya ang
papasok na lalaki. Hindi niya namukhaan nung una pero agad din
naman niyang nakilala ito. Sa tantiya niya ay sa direksyon nila ito
dadaan. Kaya kinuha na niya ang pagkakataon at tumayo.
Sinalubong niya ito na halata ang pagkagulat ng umangkla siya bigla
sa mga braso nito. Hinarap niya ang lalaki.
“Pasensya na uli, kailangan lang.” Pabulong niyang sabi rito
na may gusto pa sanang sabihin.
“Hmm? What’s your name again? James?—“ binalingan
niya ang soon-to-be husband niya with question mark.
“Shane.”
“Right shane, Ahm, Sinusundo na kasi ako ng boyfriend ko.
Sige.” Binalingan naman niya ang lalaking hindi na maipinta ang
mukha sa pagkakakunot ang noo. “ Tara na…Babe.” Muntik pa
siyang masuka sa sinabi niya pero saka na lang niya ilalabas lahat ng
kinain niya pag-uwi niya. Sa ngayon, kailangan muna niyang umalis
roon. Hinila na niya palabas ito. Nang nasigurado niyang hindi na sila
nakikita pa ni Shane ay kumalas na siya rito. Nilingon niya ang lalaki
na hanggang ngayon ay wala pa ring imik. Naku, nagalit ata.
“Mister, pasensya na kayo. Wala e, kapit sa patalim.
Pasensya na sa abala, sige salamat. Pramis, huli na ‘to.” Itinaas pa
niya ang kanang kamay tanda ng pangako niya. Iiwan na sana niya
ito ng pigilan siya nito sa braso na ikinagulat naman niya.
“Can you do me a favor?.” Sabi lang nito. Ang seryoso
naman nito? Pasan ang mundo? Naglabas siya ng isang libong piso
ay ibinigay rito.
“Okay na ba yan? Teka, dadagdagan ko p—“
“I have more than that, I don’t need that.” Sabi lang nito.
Aba at hindi ka rin mayabang? “I need your service.” Agad siyang
napayakap sa sarili at nilinga-linga ang kabuuan ng parking lot sa
paghahanap ng pwedeng mahingan ng tulong. Well, black belter
naman ako so, hindi na kailangan.
“I badly needed an assistant for 1 month.” Seryosong sabi
nito.
“Teka, iba na lang. Marami akong trabaho at saka—“
“I have no time to look for one and marami ka ng utang
sa’kin, naniningil lang ako.”
“Pwede bang sa ibang paraan na lang kita babay— Teka!
Hoy! Saan mo ‘ko dadalhin?” Natataranta niyang tanong rito ng
hilahin na siya nito papunta sa kotse siguro nito. Pinapasok siya nito
sa kotse at agad nitong pinaharurot iyon. Nakarating sila sa NAIA.
“San mo ba ‘ko dadalhin? Hahanapin ako sa’min! Hoy!”
Hindi pa rin siya kinakausap nito. Napadako naman ang tingin niya
sa kamay niya na hawak-hawak pa rin nito. May kinausap ito sa
telepono habang tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad. Nakarating sila
sa hangar kung saan may naghihintay na chopper na sasakyan
siguro nila. Doon na siya nagpanic. “Hala! Kidnap ba ‘to? Ang tanda
ko na para kidnapin? Wag mo ‘kong papatayin, maraming pa
akong gustong gawin sa buhay ko. Hind—“
“Will you shut up? I will not do anything bad on you. I—“
“Ikaw ha, kanina mo pa ;ko ineenglish dyan! Naiinis na ‘ko
sayo. Hindi mo ba nakikita? Dumudugo na yung ilong ‘ko o? O?
Tingnan mo, pati yung tainga ko.” Tiningnan lang siya nito at
waring pinipigilang matawa. Pinaandar na nito ang chopper.
“Marunong ka ba niyan? Baka, magcrash to ha? O baka
sumabog? Teka, magdada—“
“Manahimik ka nga kahit sandali lang. Utang na loob,
binging-bingi na ‘ko sayo.”
“Aba! Magtiis ka kung ganon, dinala mo ‘ko dito e,
hangga’t hindi mo ‘ko ibinababa sa lintik na eroplanong ito hindi
ako— Ay kabayo!” Mahigpit siyang kumapit sa gilid ng sasakyang
iyon ng gumiwang-giwang ito.
“Ihuhulog na talaga kita paghindi ka tumahimik.”
“Subuk—“ Napatili naman siya ng ulitin nito. “Hindi na ‘ko
iimik.” Kundi lang ako takot sa heights, ikaw na ang inihulog kong
kumag ka. May araw ka din!
Tahimik lang sila sa byahe. Pinipilit niyang pakalmahin ang
sarili para naman may mapagkaabalahan siya. Nang silipin niya ang
bintana ng chopper, kulang ang salitang pinakamaganda nang
makita niya ang lugar sa ibaba. Napakagandang isla, aniya. Kahit sa
gabi ay kitang-kita ang kaakit-akit na tanawin na iyon. Idagdag pa
ang sinag ng buwan na tumatama sa malawak na karagatan na
nakapalibot rito. Lumapag ang chopper nila sa isang malawak na
kaparangan kung saan may naghihintay sa kanila na dalawang kotse
na kung tatantsahin niya ay hindi pa nailalabas ngayon sa pilipinas.
San kaya nakakuha ang mga iyon ng ganoong kotse? Makabili nga
rin.
“Doc, kamusta ang manhunt natin? Galing a, may nahanap
ka na agad.”
“Shut up, Lexus. How’s my sanctuary here?”
“Fine. Going strong naman ang mga alaga mo, syempre
lagot kami kay Terrence pagnamaho ang isla dahil sa mga patay na
hayop.”
“Balita namin dumating na si Sabrina.” Singit ng isang lalaki
na nginitian naman siya. Napansin naman niya ang biglang
paglamlam ng mga mata ni Xenon. Bakit kaya? “Hi, I’m red. Are you
free tonight?” Hindi rin mabilis ang isang ‘to? Bigyan kita ng flying
kick dyan e. Sasagot pa sana siya ng magsalita uli ang lalaking basta
na lang nanghila sa kanya.
“Spare him, red. She has a work to do here.”
“Pare naman, tama ng work, ha? Buti hindi ka pa naba-
brabalibintawan diyan. Todo kayod.”
“Kaya wala kang lovelife e.” Nag-apir pa ang dalawa sabay
tawa.
“Tantanan niyo ang lovelife ‘ko kung ayaw niyong ipalapa
ko kayo sa mga hayop dito.”
“Mga mister? Mawalang-galang na, hanggang kailan pa ba
kayo magdadaldalan diyan? Nangangalay na ‘ko dito, kayo ba
hindi? E kung hindi pa e, maglalatag na ‘ko rito at bahala na kayo
sa mga buhay niyo.” May ilang minutong tinitigan siya ng mga ito
saka humagalpak ng tawa ang dalawang lalaki.
“You’re good. Where on earth did you find this lady,
Xenon?”
“I’m really looking forward to get to know you better.”
Hinawakan nito ang kamay niya. Babawiin niya sana ito ng kuhanin
ito ni Xenon at sinagot ang mga kasamahan.
“You two should go to Pluto if you want to find a lady like
her. Tabi kayo diyan.” Hinila na naman siya nito sa kung saan.
Nagpatianod na lang siya hindi dahil ayaw niyang maligaw pero
dahil gusto niya ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Kailangan
pa ako natutong kumire? Natatawa niyang tanong sa sarili.
CHAPTER 2
“Pag-aalagain mo ‘ko ng mga hayop?! Aba at talagang—
Naku! Ibalik mo na ‘ko sa maynila, kailangan ako sa talyer ko. Nak
ng teteng!” Inis na inis niyang sabi rito matapos nitong sabihin sa
kanya kung anong trabaho ang ipagagawa nito sa kanya. Dinala siya
nito sa bahay nito roon na sa tantiya niya ay mas malaki pa ata sa
mansion. Idagdag pa na sobrang ganda ng loob at sa hinuha niya ay
walang maipipintas ang kahit sinong makakita noon. Pero gumuho
lahat ng paghanga niya ng marinig niya nga ang trabahong
ipapagawa nito sa kanya. Hindi naman sa ayaw niya sa mga hayop
kaya lang pili lang ang inaalagaan niya and to think may alaga rin
itong tigre, ay sumusobra na ito. No Way! Hindi niya ipapain ang
buhay niya rito.
“Mababait ang mga hayop dito at saka hindi kita dadalhin
dito kung alam kong hindi mo kaya but with the looks of you,”
tiningnan muna siya nito mula ulo hanggang paa, “Mas matapang
ka pa siguro sa tigreng yun.”
“Nang-aasar ka ba? Kahit Black belter ako sa taekwondo at
sa judo, wala akong panama sa pangil ng hayop mo. Kung gusto
mong may maipakain sa alaga mo, maghanap ka ng ibang tao na
willing sumakay dyan sa trip mo!” Maganda ang islang iyon pero
hindi niya kayang ibuwis ang buhay niya para doon. Narinig niyang
bumuntung-hininga ito. Nang lingunin niya ito ay iiling-iling lang ito.
“It was no use talking to you. Go to sleep and we’ll talk
tomorrow.” Tinalikuran na siya nito at nagsimula ng magtungo sa
silid siguro nito. Pero hindi siya papayag na matapos yun doon.
“Hindi! Ngayon na tayo mag-usap—hoy! Bumalik k—Ah!”
huli na para makaiwas pa siya sa malas, dahil saktong naapakan niya
ang lintik na carpet sa sahig. Hinintay niya ang pagbagsak niya sa
sahig pero walang nangyari. Nang magmulat siya ng mga mata ay
mukha ni Xenon ang bumungad sa kanya. Maagap na nakaalalay ito
sa kanya. Matiim itong nakatingin sa kanya na waring nanunuot sa
kaibuturan niya. Napatitig na rin siya rito. Napagmasdan niya ang
mga mata nitong kulay abuhin. Ilang hibla lang ang pagitan nila kaya
kitang-kita niya ang mga mumunting balahibo nito na sa mukha.
Ano nga yun? Balahibong-pusa?A, oo nga, yun nga yun. Ultimo
pisngi nito ay wala siyang maipintas dahil sa sobrang kinis at hindi
mo makikitaan ng kahit anong tanda ng kahit isang naligaw na
taghiyawat. Mas makinis pa ‘to sa’kin a? Nakakaoffend. Napangiti
naman siya sa isiping iyon na siyang ikinagulat ata nito at nabitiwan
siya kaya bumagsak siya sa sahig. Mariin naman siyang napamura
dahil sa sakit ng likod na nakuha niya.
“Ayos ka lang ba?” Tarantang tanong nito ng makahuma sa
nangyari. Inasikaso agad siya nito. Nang tangkain nito tulungan
siyang ibangon ay binantaan niya agad ito.
“Wag mo ‘kong hahawakan! Balak mo talaga akong
patayin, talagang masama ang balak mo sa’kin. Lumayo ka sa’kin.”
Nagpilit siyang tumayo pero masakit talaga ang likod niya. Hindi rin
nakatiis ang lalaki kaya dinaluhan siya nito. Walang sabi-sabing
binuhat siya nito.
“San mo na naman ako dadalhin? Ibaba mo nga ako, gusto
kong maglakad.” Aniya rito.
“Saka ka na maglakad pag-ayos ka na. Stay put kung ayaw
mong ihulog kita uli.”
“Yeah right. As if magagawa mo pa yun pagnakababa ako
rito.” Nagpumilit siyang bumaba pero hindi siya hinayaan nito.
Muntik pa nga siyang mapasigaw ng tangkain nitong ihulog siya.
Napansing niyang pinipigil nito ang mapatawa ng makita ang
ekspresyon ng mukha niya na hindi na rin naman nito napigil at
humagalpak na ito ng tawa. Nakarating sila sa kawarto at ibinaba na
siya nito sa kama.
“Sige, tawanan mo ‘kong kumag ka. Pag ako nakabangon
dito, babalik ka sa sinapupunan ng nanay mo.” Pero sa halip na
matakot ay lalo pa itong tumawa. Mangiyak-ngiyak na ito sa
kakatawa na hinayaan na lang niya dahil habang tumatagal ay
gumaganda sa pandinig niya ang tawa nito. Tumigil na ito sa
pagtawa pero halata pa rin ang saya nito sa paraan ng pagkakangiti
nito..
“Gwapo ka din pala ano? Sige tawa ka pa.” Wala sa sariling
sabi niya rito na lalong ikinangiti nito. Natauhan naman siya sa
sinabi niya kaya sinundan niya agad ang sinabi ito, “ Baka sakaling
magbago ang isip kong bugbugin ka paggumwapo ka sa paningin ko.
Yun ang ibig kong sabihin kaya—wag ka ngang ngiti ng ngiti dyan.
Mukha kang tanga.” Pero sa halip na itigil ay lalong nagliwanag ang
mukha nito. Tumuwid na ito ng tayo at tinungo na ang pinto
palabas.
“Ako na ang bahalang magpaalam sa mga magulang mo,
you should rest now,” He was suppressing a smile again, “para
mabugbog mo na ‘ko. Good night.” Pinto na lang ang sumalo sa
unan na ibinato niya rito. Kahit na naiinis, napangiti na rin siya. Ano
bang nakain niya at kung ano-anong mga salita ang lumalabas sa
bibig niya? Makapagmumog nga ng uling bukas.
****
Napabalikwas ng bangon si Zenielle sa kama. Nalimutan
niyang nasa ibang bahay nga pala siya kaya nagmukha tuloy siyang
gising pero nananaginip pa rin. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto.
Hindi na niya inintindi ang hanggang baywang niyang buhok na
sumabog sa mukha niya. Bumungad agad sa kanya ang prenteng-
prenteng si Xenon na nakaupo sa sofa at may binabasang libro.
Naramdaman ata nito ang presensiya niya kaya lumingon ito sa
direksyon niya. Tinitigan muna siya nito bago ito nagsalita.
“Sit here.” Turo nito sa kaharap na upuan. Tamad na tamad
niyang tinungo ang upuan na iyon at basta na lang sumalampak
roon. “We have lots of work today so you better get ready. I’ll wait
for you here after 30 minutes or maybe 20 minutes will do.” Hindi
niya ito pinansin at nagtungo siya sa kitchen nito. Naghanap siya ng
pwedeng maagahan. Nakakita naman siya ng palaman sa tinapay at
Sunkist. Binalatan niya iyon at nilagyan ng peanut butter spread.
Inisang-subo niya lang iyon at nginuya. Pero agad din niyang iniluwa
sa may lababo ng hindi magustuhan ang lasa. Nagkalkal pa siya sa
ref nito. Nakakita naman siya ng isang pagkain na mukhang pansit,
kukunin niya sana iyon ng may kamay na pumigil sa kanya.
“That’s not for breakfast. Maligo ka na muna doon at ako
na ang bahala sa pagkain mo. Hurry.”
“Gusto kong kumain na ngayon kaya wag kang utos ng
utos diyan at baka malapa kita ng wala sa oras.” Kukuha sana uli
siya ng pigilan na naman siya nito. Pinaupo siya nito sa dining table
doon.
“Wait here.” Naglabas ito ng frozen meat galing sa fridge at
ibinabad sa tubig. Mabilis itong naggayat ng kung ano-anong hindi
na niya pinansin. Gutom na ‘ko. Tumunog pa ang tyan niya na sa
palagay niya ay konti na lang ay kakainin na ang atay niya. May
inihaing pagkain ang lalaki sa kanya. Ininspeksyon niya muna ito
bago kainin.
“Walang lason yan. Bilisan mo.”
“Oo na, pakainin mo lang ako ng matiwasay.” Aniya rito.
Hindi na uli ito nagsalita. Masarap naman ang niluto nito kaya
nagustuhan niya iyon. Nilingon niya ito ng maramdaman niya ang
patuloy na pagmamasid nito sa kanya. Sumubo muna siya ng isang
kutsarang kanin at hinarap ito. “Problema mo?”
“Ganyan ka ba talaga tuwing umaga?”
“Bakit?”
“Cute.” Anito.
“Am I interrupting something?” Parehas silang napalingon
sa nagsalita, “Ang aga ng date natin dyan Xenon a.” Nakangiting
sabi ng bagong dating na lalaki.
“Don’t you know how to knock, Rander?” tanong ni Xenon.
“Sorry nasa bahay si Rander e, Lander here, hindi ko kasi
alam na may pinto pala.” Nilingon siya uli nito. Bakit ba ganito
makatingin ang isang ‘to? Tundusin ko yang mata mo e. “By the
way, hinihintay ka na sa may sanctuary. Nagrereklamo na si
Harvey. Ang tagal-tagal mo daw. Pero sasabihin ko na lang sa
kanila na busy ka pa—“
“Wag kang madaldal, daig mo pa ang reporter, labas na.
Susunod na kami, hayaan mo siyang maghintay dun.” Binalingan
naman siya ni Xenon. “ Bilisan mo dyan at magbihis ka na, marami
pa tayong gagawin.” Iritado na ang tono nito. Tumayo na ito palayo
sa kanila. Why the sudden change? Napakamoody naman ng isang
yon. Nagkatinginan na lang sila ng lalaki. Ngumiti lang uli ito sa
kanya na ikinainis niya.
“Alam mo mukha kang tanga, ngiti ka ng ngiti dyan.
Problema mo?” Tanong niya rito.
“You know, ngayon lang ako nakakita ng babaeng bagong
gising, pero maganda pa rin.” Inilahad nito ang kamay, “Lander is
the name you can trust.” Anito.
“Narinig ko.” Aabutin niya sana ang kamay nito para
pilipitin dahil sa sobrang bilis nito ng magulat siya sa tawag ni
Xenon.
“Zenielle! Maligo ka na!” Nang hindi pa rin siya tumatayo
ay nilapitan na siya nito at tinulak na siya papunta sa banyo.
“Teka, pano mo nalaman ang pangalan ko?”
“Wala ka na don. Ligo!” Tinulak na siya nito sa loob ng
banyo. “In ten minutes paghindi ka pa tapos diyan ako na ang
magpapaligo sayo.” Sabi pa nito bago niya marinig ang yabag nito
papalayo.
“Mukha mo! Kala mo naman magpapaligo ako sayo?
Upakan kita dyan e!” Pinagdiskitahan na lang niyang ang botelya ng
shampoo roon. “Ito ang gagamitin ko? E panlalaki ‘to a? Hindi
talaga nag-iisip. Okay lang, hindi naman sensitive ang skin ko.”
Binuntutan niya iyon ng tawa. May kumalampag naman ng pinto ng
banyo.
“Sinong kausap mo dyan? Nababaliw ka na naman. Bilisan
mo!”
“Oo na, paulit-ulit.” Inirapan niya ito kahit wala namang
silbi. “Jerk!” mahina niyang sabi.
“Anong sinabi mo?” Aba at malakas ang pandinig ng loko!
“Wala. Kako, lumayo ka dyan at hindi ako
makapagconcentrate sa paliligo.” Pinigilan na lang niya ang
matawa. Maghintay ka diyan. Haha!
****
Paglabas niya ng banyo, bumungad sa kanya ang salubong
na kilay ni Xenon. Hindi niya alam kung matatawa siya o mayayamot
rito. Gigil na gigil ito sa remote control na hawak habang
pinapalipat-lipat ang channel na marahil kung nakakapagsalita ay
nakapagreklamo na rito.
“Ahitin ko kaya yang kilay mo ng hindi na magsalubong?”
Nilingon siya nito. Dumagdag pa ang pagkakakunot ng noo nito. “Sa
tingin mo? Good idea diba?” Sa halip na sumagot ay inihagis na
niton ang remote sa kung saan at tumayo na. Tinungo na nito ang
daan palabas.
“Problema non?” Tanong niya sa sarili. Nang walang
makuhang sagot ay hinabol na niya ang lalaki.
“Hoy! Teka—aray!” Natalisod pa siya pero pinilit pa rin
niyang makahabol rito. Naabutan naman niya ito at hinawakan niya
ang braso nito. “Teka lang, pwede bang bagalan mo? Para ka
namang may hinahabol niyan e.”Nakayuko pa rin siya at sapo ang
dibdib. Sumigaw siya ng malakas para makasagap ng hangin. Nang
tiyak na niyang maluwag na ang paghinga niya, hinarap na niya ito
ng ayos. “Okay na ‘ko. Tara na.” Pagyakag niya na rito. Pero sa halip
na maglakad na sila ay lalong kumunot ang noo nito. Inayos niya
muna ang buhok na tumabing sa mukha niya.
“Did you use my shampoo?” Kaya ba ito nagagalit ay dahil
ginamit niya ang shampoo nito? Ang babaw! Binigyan niya ito ng
ngiting-aso.
“Hindi. Ginamit ko yung albatross mo.” Sarkastiko niyang
tugon rito. Napangiwi na lang siya ng hindi na maipinta ang mukha
nito. “Alam mo kung magkukunutan lang tayo ng noo dito e iuwi
muna ako ng mapakinabangan na ko ng talyer ko.” Nagpatiuna na
lang siya sa paglakad dahil mukhang wala siya mapapala sa
pakikipag-usap sa taong ito. Nagulat pa siya ng may humawak sa
kamay niya.
“Pupunta tayo sa may sanctuary. Halika na.” Malumanay
na ngayon itong magsalita. Kung gaano siya nainis kanina rito ay
ganoon naman kabilis siyang natuwa rito. Hindi niya alam kung bakit
pero sa tuwing hinahawakan lang nito ang kamay niya, pakiramdam
niya ay napakagaan lahat ng bagay sa harap niya. Sa ikalawang
pagkakataon, napangiti na naman siya dahil sa isiping iyon. Marahil
ay napansin nito ang pangngiti niya.
“Bakit?” Tanong nito sa kanya.
“Wala.” Sa ibang direksyon na ito tumingin. Nakita pa niya
sa gilid ng mga mata nito na nakangiti rin ito pero hindi na lang niya
pinuna iyon baka kasi mawala pa.
Pagkarating nila sa sanktuwaryo, kulang na lang ay tumakbo
siya sa laki ng tigreng aalagaan niya. Kulang na lang ay panawan siya
ng ulirat. Naramdaman naman niya ang pagpisil ni Xenon sa mga
kamay niya, kaya tiningala niya ito.
“Wag kang mag-alala, fully-trained iyan,” pinunasan pa
nito ang pawis niyang dumaloy sa may noo niya, “Ang putla mo na.”
Tinampal niya ang kamay nito nasa noo niya.
“Panong hindi ako mamumutla, e isipin ko pa lang na mas
malaki pa sakin ang ipapaalaga mo, gusto ko nang mawalan ng
ulirat.”
“Sabi ko nga kanina, fully-trained ang tigreng yan kaya
wala kang dapat ipag-alala.” Lumayo na ito sa kanya at lumapit sa
isa sa mga kulungan doon. “Naipagpaalam na nga pala kita sa mga
magulang nito, and they’re fine with it. Kaya wag mo na muna ring
isipin yun. Halika rito.” Atubili pa siyang lumapit rito. Pero
mayamaya ay ito na mismo ang naglapit sa kanya. She’d never take
a closer at a tiger back then and she doesn’t like either but when
she had the opportunity to take a glance at it now, why does she
want to hug it now? Napakaamo nito at walang bakas ng kahit
anong karahasan na maaaring gawin sa kanya.
“Wanna touch her?” Untag sa kanya ni Xenon. Napatango
na lang siya rito. Pumasok sila sa loob ng kulungan. Nahahati iyon sa
dalawa kung saan may barikadang bakal na nagsasabing hanggang
doon lamang sila pwedeng lumapit. Marahang tumayo ang tigre at
lumapit sa kanila. Sa una ay medyo natakot pa siyang hawakan ito
pero nang sumunod ay parang gusto na niyang tumira roon.
“Her name is glira. We’ve found her roaming at some
forest in amazon. She’s badly wounded back then that’s why we
brought her here to cure her.” Pansin niya ang kasiyahan nito
habang nagkukwento sa kanya.
“Hindi ba kayo natakot?”
“At first, yes. But she’s different, there’s no sign that she
could harm us. She’s too tamed. Hindi naman sila mananakit kung
hindi mo sila papakialaman o sasaktan.”
“I wish I had one on our house.” Sabi niya na lang. Doon
niya napagtanto na hindi naman pala lahat ng hayop ay
mababangis. Minsan pala, para rin silang mga tao. Self-defense lang
ang ginagawa nila pagkailangan. Napagpasiyahan nilang lumabas
roon. Sakto namang nakalabas na sila ng tumunog ang phone niya.
“O Greg? Ha? May pinuntahan lang ako. Mga isang buwan
akong mawawala. O sige. Bantayan niyo yan ha. Sige. Sige-sige.
Bye.” Binalik na niya sa bulsa ang telepono.
“Sino yun? “
“Boyfriend ko.” Nag-iba na naman ang ekspresyon ng
mukha nito. Muntik na siyang matawa rito. “Joke. Tauhan ko sa
talyer, namimiss na ata ako.”
“Talyer? Hindi ba—babae ka a. Baki—?”
“Anong masama roon? Babae nga ako pero kaya kung
gawin yun. Kaya hayaan mo na ang negosyo ko kung ayaw mong
magkagulo tayo. Anong gagawin ko ngayon?” Hindi agad ito
nagsalita at marahil ay iniisip pa rin nito ang trabaho niya na
inaamin naman niyang hindi usual sa katulad niyang babae. Pero
ano bang magagawa niya e yun ang hilig niya e.
“You’ll have to make sure that glira will eat on time.
Babantayan mo lang siya. Just call me if she’s not feeling well or if
something’s wrong. I’m always at my office.” Tinuro nito ang
direksyon ng opisina nito. “Yun lang.”
“Okay. Madali lang pala e. Sige, trabaho na!”
****
Mahigit tatlong araw na siya sa isla, although hindi ganoon
kahirap ang trabaho, nakakapagod pa rin kaya naman naghanap siya
ng bagong mapagkakaabalahan habang nagbabantay siya roon.
Umalis si Xenon at hindi niya alam kung saan nagpunta. Gusto niya
sana itong tanungin pero may hiya pa naman siya kaya tumahimik
na lang siya. Dahil sa walang maisip gawin, pinili niyang pumasok sa
kuwadra ng tigre tutal ay kaclose na naman niya ito.
“Hi, glira. Gutom ka na ba? Ako? Inip na inip na. Gusto mo
maglaro tayo? Pwede ba akong pumasok dyan? Wala na talaga
ako magawa e.” Kausap niya sa tigre na hindi naman siya
naiintindihan.
“Pwede ba? Oy, sumagot ka naman o.” Napakamot na lang
siya sa ulo. “Ano ba ‘tong ginagawa ko? Para na akong abnoy.” Sa
halip na sumagot ay humikab lang ang pobreng hayop at tinalikuran
na siya. “Ganoon? Ayaw mo kong kausap?” Lumabas na siya roon
dahil mukhang walang mangyayari sa buhay niya pagtumigil pa siya
roon.
Umubob na lang siya sa lamesang lagi niyang tinatambayan
roon. Naisip niya ring maglibot sa isla kaya lang dahil sa wala siya sa
mood ngayon ay matutulog na lang muna siya tutal naman nagawa
na niya ang trabaho niya. Mamaya na lang siguro siya gigising
pagkailangan na niya uling asikasuhin ang alaga. I wish I’m one of
those animals na lang.
****
Nagulat pa siya ng paggising niya ay nakahiga na siya sa
kama.
“Kailan pa nagkakama sa kwadra?”
“Iniuwi na kita. Tulog ka ng tulog. Ako na muna ang
magbabantay roon. Magpahinga ka na.” Ani Xenon na naglapag ng
gatas sa may mesa katabi ng kama.
“Gabi na ba? Anong oras na?” Nagtataka pa niyang tanong.
“7 in the evening.” Akmang aalis na sana ito ng lingunin uli
siya at nagsalita.
“Kung nagugutom ka, may pagkain sa kusina. Bumaba ka
na lang.” Nawala na ito sa paningin niya. Pinakiramdaman niya ang
sarili kung nagugutom siya pero wala naman. Bumalik na lang uli
siya sa pagtulog. Sinubukan niyang ipikit uli ang mga mata. Mga
ilang minuto rin ang lumipas ng mapagpasyahan niyang bumaba
dahil hindi na siya makatulog. Pumunta siya sa living room, at
nanood ng TV. Palipat-lipat lang siya ng channel. Nanonood siya
pero wala naman siyang naiintindihan sa pinagsasabi ng mga
madadaldal na hayop sa cartoon network dahil iba ang nasa isip
niya. Ano kaya kung sumunod ako sa kanya? Pero bakit naman?
Dito na nga lang ako. Aniya sa sarili.
Nang wala ng mapala sa TV, nagtungo naman siya sa kusina
at kumain. Konti lang ang kinain niya dahil wala talaga siyang gana.
Bumalik na lang siya sa sofa pagkatapos. Kinutinting niya lahat ng
gamit roon hanggang sa magsawa siya.
“Wala na bang pwedeng magawa rito?!” Sigaw niya sa
buong kabahayan. Kasabay naman noon ang malakas na pagbuhos
ng ulan. Bigla niyang naalala si Xenon.
“Walang payong ang lokong yun. Tsk tsk.” Dali-daling
kumuha siya ng payong at tinungo ang animal sanctuary. Hindi nga
siya nagkamali. Basang-basa na ito roon.
“Bakit ka andito? Sabi ko magpahinga ka na sa bahay.”
Bungad nito sa kanya.
“E ikaw, bakit ka nagpapaulan dyan e pwede namang
kumanlong a. Hala, pasok sa loob. Basang –basa ka na o.”
“Aayusin ko pa itong kulungan ng mga hayop. Mauna ka
roon.”
“Okay.” Sa halip na sundin ito ay basta na lang niya
binitiwan ang payong at tinulungan ito sa pag-aayos ng mga
kulungan.
“Anong ginagawa mo? Magkakasakit ka niyan. Pumasok ka
na roon.” Kinuha nito ang payong at pinayungan siya.
“Matanda na ‘ko noh, kaya ko na ‘to. Ako na bahala rito.”
Nagpatuloy lang siya sa sa pagkakanlong ng mga bagong supplies
para sa ibang mga hayop roon. Hindi na niya pinansin pa ang mga
sermon ng lalaki. Tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa.
“Kakaiba ka talaga.” Narinig pa niya sabi nito.
“Hmm?”
“Wala. Bilisan mo dyan ng matapos na ‘to. Baka
magkasakit ka pa.” Hindi niya mapigilang kiligin sa huling sinabi
nito. Ibigsabihin ba ay nag-aalala ito para sa kanya? O
Naghahallucinate lang siya?
“Opo.” Nakangiting tinapos na niya ang mga gawain at
parehas silang nagmamadaling pumasok sa loob ng opisina nito.
Inabutan siya nito ng towel.
“Maligo ka na, bago ka pa sipunin. May damit ako diyan,
yun na muna ang gamitin mo para hindi ka lamigin.” Tahimik
naman niyang sinunod ito. Mabilis lang siyang naligo.
Daig pa niya ang sasabak sa gyera sa laki ng damit nitong
ipinahiram sa kanya. Halos masubsob na siya sa haba ng pajama
nito. Lampas naman sa kamay niya ang damit nito. Muntik pa siyang
mabangasan ng maglakad siya papalapit rito. Buti na lang at mabilis
itong kumilos at nasalo siya agad nito.
“Mag-ingat ka kasi.” Sabi pa nito.
“E sa haba ba naman nitong damit at pajama mo, kahit
ilang beses pa akong mag-ingat, mababangasan at mababangasan
talaga ako dito.” Pati ang mahaba niyang buhok ay hindi na niya
maayos dahil hindi makalabas ang kamay niya. She heard him
chuckle.
“Bakit?” Tanong niya rito.
“Wala.” Inabot nito ang laylayan ng pajamang suot niya at
itinupi iyon. Isinunod naman nito ang kamay ng polo niya. “Much
better. You look like a scarecrow.” Hindi naman siya naasar sa
sinabi nito.
“At dahil yun sayo.”
“Ako? Anong ginawa ko?”
“Kasi… Kasi… Wala!”
“Ha?”
“Wala!” Bumaling na lang siya sa ibang direksyon. Nahagip
ng mga mata niya ang isang frame kung saan may isang babae na
tinatangay ng hangin ang mahabang buhok. “Sino siya?” Sinundan
naman nito ng tingin ang direksyong tinitingnan niya.
“My ex-fiancee.” Bigla siya nacurious kaya nagtanong pa
siya rito.
“Bakit?”
“Anong bakit?”
“Bakit kayo naghiwalay?” Hinintay niyang sumagot ito pero
wala siyang narinig mula rito. Hindi na lang niya uli inungkat ang
tungkol doon. Tumayo siya para mag-unat. “Ang ganda pala talaga
dito. Bakit ngayon ko lang na—“
“She left me,” Nabigla siya sa sinabi nito kaya hindi niya
alam kung anong maaaring isagot rito. Pero hindi na naman
kailangan dahil sinundan nito ang sinabi. “to be with her other
guy.“ Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Walang
nagsasalita. Parehong nagpapakiramdaman. Nang hindi na siya
makatiis, siya na ang bumasag ng katahimikan.
“Siya ba si Sabrina?”
“Yeah. How did you know her?”
“I just heard when red mentioned her name at the
helipad.” Tumango-tango na lang ito.
“Nagugutom ka na ba?” Makaraan ang ilang Segundo ay
tanong nito.
“Ha? A, e, hindi naman. Ikaw siguro.”
“Gutom na nga ako e.” Tumayo ito ay may kinuha sa
drawer. Nakita niyang may dala na itong dried vegetables na
nakalagay sa isang plastic container.
“Safe ba yan?”
“Bukod sa pagiging veterinarian, doctor din ako kaya alam kung
safe ‘to.” Ngumiti pa ito sa kanya na siya naman ikinasikip ng dibdib
niya. Ano bang nangyayari sa kanya at ganito ang epekto ng mga
ngiti nito sa sistema niya? Nag-iwas na lang siya ng tingin para hindi
nito mahalata na naiilang na siya sa paraan ng pagngiti nito sa
kanya. May isang bagay pa siyang ikinababahala dito. Maging sa
mga mumunting pagkakalapit lang nila, waring may palaging
humahabol sa kanya sa bilis ng tibok ng puso niya. Hindi kaya…
a,wala.
CHAPTER 3
“Zenielle! Kamusta naman ang alaga natin dyan?” Bungad
sa kanya ni TJ na isa sa mga members din ng club na iyon.
Kasalukuyang nagbabasa ng dyaryo sa isang tabi si Zenielle ng
dumating ito. Sa loob ng isang linggo niyang pamamalagi roon sa
isla, marami na rin siyang nalaman tungkol sa club na iyon. Si
Terrence ang nagmamay-ari ng buong isla kung saan itinayo nito
ang club na tanging mga lalaki lamang ang maaaring maging
member. Sa una, pakiramdam niya ay napaka-egoistic naman ng
batas na iyon pero hindi rin naglaon ay naintindihan niya na gusto
rin ng mga ito na magkaroon ng isang lugar kung saan pwede nilang
gawin ang lahat ng gusto nila na walang nakikialam. Bukod pa doon,
talagang mahigpit ang mga patakaran roon sa club siguro ay dahil na
rin sa kaligtasan ng mga tao roon na hindi rin naman kung sino-sino
lamang.
“Ayos naman, namiss ka na nila. Kaya ikaw muna
magbantay dito.” Aniya rito. Natawa naman ito sa kanya. Halos
naging kaibigan na rin niya ang mga tao roon. Sa unang tingin,
inakala niyang mga matataas ang tingin ng mga ito sa sa mga sarili
nila na animo’y hindi marunong lumingon sa mga mas mababa sa
kanila pero napalitan agad yun ng ibang pananaw. Approachable
naman ang mga ito at parang mga ordinaryong tao lang rin kung
tutuusin.
“Ang lakas mo talagang sumegue kahit kailan.” Ibinaba
niya ang binabasa at hinarap ito.
“Hindi naman, slight lang.” Napansin niyang parang may
hinahanap ito. “Si Xenon ba ang hanap mo?”
“Oo sana e, si felix kasi ayaw na namang kumain.”
Napapakamot sa ulo nitong sabi sa kanya. Ang alaga nitong aso ang
tinutukoy nito. Halos lahat ng members roon ay may kanya-kanyang
alagang hayop na minsan nga ay inilalagay sa animal sanctuary kung
saan sila nga ang nagbabantay.
“E baka naman hindi steak ang pinapakain mo.” Biro niya
rito.
“Ewan ko nga ba sa alaga kong iyon. Masyadong choosy,
ayaw kumain ng ham and bacon.”
“Yeah. Baka naman gusto ng spaghetti, parang birthday
ba?”
“Pakainin ko na lang kaya ng ice cream? Sa tingin mo?”
“Teka, may nilaga akong putik dito. Eto ipakain mo sa
kanya at sa’kin mo ibigay yung ice cream ng ganahan naman ako
sa pag-aalaga sa mga hayop rito.” Sabay pa silang napatawa sa mga
kalokohan nilang iyon.
“Oy, anong meron?” Sabay pa silang napalingon sa mga
bagong dating na sina Clam at Vince.
“Wala naman. Nagpaplano lang kami kung paano
pababagsakin ang negosyo mo Vince.” Sagot ni TJ rito.
“Totoo ba iyon Zen?” Ganting tanong sa kanya ni Vince.
“Yeah. May outline na nga kami rito kung saan bahagi
namin pasasabugin ang restaurant mo.”
“Ouch. Nakakasama ka naman ng loob. Akala ko ba friends
tayo?” Nagteary-eyed pa ito sa kanya. Gusto niyang matawa sa
itsura nito. Animo bata itong inaway ng kalaro.
“Zen, yung kabayo ko, kamusta na?” tanong naman ni Clam
sa kanya.
“Inihaw ko na. Wala akong makain rito e.”
“Ang lupit mo talaga sa’min. Tsk tsk.” Gumaya na rin ito
kay Vince.
“Umayos nga kayo dyan. Mukha na kayong mga abnoy.”
Napahagalpak na lang siya ng tawa sa mga ikinikilos ng mga ito.
Hindi mo naman talaga aakalain na ang mga kagalang-galang na
lalaki na katulad ng mga ito ay marunong rin palang magtampo.
Tumayo na siya at niyakag ang mga ito sa mga bahay ng mga alaga
ng mga ito.
“Tigil-tigilan niyo nga ako dyan sa arte niyo. Sumunod kayo
sa’kin.” Sumunod naman ang tatlo sa kanya. Nakalimutan na ata ni
TJ ang pakay nito kaya siguro sumama na rin ito.
“Nakakakain ba naman si shifu ko?”
“Si gurdy, kamusta?”
“Ihabilin ko rin kaya muna si felix dito?” Sunod-sunod na
tanong sa kanya ng mga ito.
“Hindi naman ako sobrang lupit ano, nakakakain pa naman
sila kahit papaano.”
“Hay, makakatulog na ‘ko ng maayos mamayang gabi.”
Sabay-sabay pang sabi ng mga ito.
“E bakit kasi hindi pa si Chloe ang pag-alagain mo kay
shifu?” Biro niya rito. Si shifu ang arabian-bred horse nito. Agad na
umasim ang mukha nito sa narinig.
“Wag mo nga mabanggit-banggit ang pangalang ng
babaeng yun at nangingilo ako.” Sabi ni Vince.
“Bakit kasi hindi pa kayo lumagay sa tahimik?” tudyo pa ni
TJ rito.
“Tahimik ba kamo? E yun ngang magkalayo yung dalawa
ang gulo-gulo na, pagsasamahin mo pa. Naku, gunaw ang mundo,
pare.” Sabi naman ni Clam.
“Malay mo naman. Diba, Vince? Bakit ba ang init ng dugo
niyo sa isa’t-isa?” Aniya rito.
“Tantanan niyo nga ako at ng pare-parehas lumigaya ang
mga buhay natin.” Sabi na lang nito. Natawa na lang sila sa pasaring
nito. Laking pasasalamat niya at napadpad siya sa lugar na yun.
Kung hindi, baka hindi siya ganoon kasaya ngayon. Natigil lang ang
tawanan nila ng dumating si Xenon.
“What’s happening here?” Seryosong tanong nito.
Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila na napadako sa braso ni
Clam na nakaakbay sa kanya na ngayon lang din niya napansin. Agad
naman iyong tinanggal ni Clam.
“Binibisita lang nila ang mga alaga nila.” Sabi niya rito.
Hindi man lang nabawasan ang pagkakakunot ng noo nito. “At
hinahanap ka nga pala ni TJ,” Nilingon niya ang lalaking na sa kanan
niya. “Diba?” siniko pa niya ito.
“A, oo. Pero siguro sa ibang araw na lang. Sige, mauna na
‘ko sa inyo.” Tumalilis na ito roon.
“Mauna na rin kami. Sige, pare. Zen.” Sumunod na ang
dalawang umalis. Nagtataka man ay hindi na lang siya nagtanong.
Bakit parang takot na takot ang mga ito kay Xenon?
“Zen?” Napapitlag pa siya ng ulitin nito ang pagtawag na
ginawa ng mga lalaki na waring nagtatanong.
“Nielle.” Pilit ang ngiting dugtong niya sa sinabi nito.
“Mas inuna mo pa ang makipagdaldalan sa mga yun kaysa
magbantay.” Napapailing na bintang nito sa kanya. Badtrip na
naman siguro ito at hindi niya alam kung bakit.
“Nagbantay ako ha. Buti nga dumating yung tatlo, medyo
nabawasan naman yung pagkabagot ko.” Nagpeace sign pa siya
rito. Na hindi naman nito pinansin. Pakiramdam niya ay galit ito sa
kanya kaya lumapit siya rito.
“E… san ka nga pala galing?” Tanong niya na lang rito, pag-
iiba niya ng topic.
“Wala ka na doon.”
“Ang taray naman nito.” Mahina niyang sabi na narinig rin
naman nito.
“Anong sabi mo?”
“Wala. Kako ang gwapo mo na sana, nakakunot lang yang
noo mo.” Tinaasan lang siya nito ng kilay at tumalikod na. Naguilty
tuloy siya na hindi naman niya alam ang dahilan. Nakita pa niyang
naglakad na ito palayo kaya ang tendency niya ay habulin na ito.
Nahawakan niya ito sa braso. Bigla pa siyang nagulat ng
maramdaman na sobrang init nito. Agad niyang sinalat ang noo nito.
Nag-aapoy ito sa lagnat.
“Maysakit ka, bakit pumasok ka pa?” Natataranta niyang
sabi rito. Hinila niya ito palabas ng sanctuary at kinuha ang susi ng
kotse nito sa bulsa.
“San tayo pupunta? Marami pa akong gagawin.”
Pagpupumilit pa nito sa kanya. Pero hindi na niya hinayaan itong
makaalis.
“Iuuwi na kita. Ang taas ng lagnat mo? Kailan ka pa
nilagnat? Sa—Hay!” frustrated niyang sabi rito. Hindi na niya
maitago ang sobrang pag-aalala rito. Pinasakay niya ito sa kotse.
“Sumunod ka na lang sa’kin ha.” Hindi na naman ito tumanggi na
laking pasasalamat na rin niya. Mabilis niyang pinaharurot ang
sasakyan para mas mabilis silang makarating sa bahay nito.
Pagkarating nila roon ay pinahiga niya agad ito sa kama nito.
“You know, hindi ko na kailangan ng ganitong—“
“Dyan ka lang. Hintayin mo ‘ko kukuha lang ako ng
malamig na tubig at gamot. Kumain ka na ba?” Isang beses pa
niyang sinalat ang noo nito.
“You don’t have—“
“Wait for me. Mabilis lang ako.” Dumiretso na siya sa
kusina at nagluto ng porridge. Kumuha na rin siya ng gamot na
nakita niya agad sa medicine kit nito. Kumuha na rin siya ng
malamig na tubig. Tinungo na niya ang kwarto nito. Nagulat pa siya
ng makita itong may binabasang papeles.
“Ang kulit rin ng lahi mo ano?” Kinuha niya ang papeles na
binabasa nito at itinago sa drawer nito.
“Anong ginagawa mo?”
“Nagsasangag. Kumain ka na.” Hindi ito kumilos kaya
napilitan na siya subuan ito. “Nganga.”
“Ha—“ Sinubuan niya ito ng isang kutsarang lugaw.
“Sarap noh? Isa pa.” Susubuan niya sana ito uli ng pigilan
siya nito.
“Gusto mo ba ‘kong mabulunan? Akina nga yan.” Kinuha
na nito ang kutsara at ito na mismo ang nagpakain sa sarili nito.
Pinanood na lang niya ito habang kumakain.
“Sa susunod, wag ka na uling magpapabasa sa ulan.
Napakasakitin mo pala.”
“Ngayon lang ako nagkasakit at saka wala na rin naman ito
bukas. Iinom lang ako ng gamot.” Naubos na nito ang pagkain.
Agad naman niyang iniabot rito ang gamot at ang isang basong
tubig.
“Matulog ka na.” aniya.
“Hindi pa ‘ko in—“ Pinilit na niya itong mahiga dahil alam
niyang tatanggi na naman ito.
“You better go to sleep. Puro ka trabaho. Take a rest
now.” Nakangiti niyang sabi rito. Kinuha na niya ang pinagkainan
nito at hinugasan na iyon. Matapos niyang gawin iyon. Binalikan
niya ito sa kwarto nito. Hindi na siya nagtaka kung mabilis itong
nakatulog.
“Hindi pa daw inaantok. Yabang!” Umupo siya sa gilid ng
kama nito at nilagyan ng bimpo ito sa noo. “Masyado ka kasing
workaholic. Yan tuloy.” Wala sa sariling umangat ang kanyang
kamay para haplusin ang buhok nito. “Bakit mas gwapo ka ata
ngayon? Kailan ka ba papangit sa mga mata ko ha?” tanong niya
rito kahit alam niyang hindi siya naririnig nito. Napakahimbing ng
tulog nito dahil na rin siguro sa sobrang pagod. Ngayon lang ata ito
nakapagpahinga. She freely traced the side of his nose. Hinaplos rin
niya ang pisngi nito na medyo namumula pa dahil siguro sa lagnat
nito. Napadako ang tingin niya sa mga labi nito. Bigla na lang naging
abnormal ang tibok ng puso niya. Napahawak tuloy siya sa dibdib
niya.
“Bakit ba sa tuwing tititig ako sayo, ang bilis bilis ng tibok
ng puso ko? Ano na bang nangyayari sa’kin? Kinukulam mo ata
ako e.” Isang beses pa niyang hinipo ang tungki ng ilong nito.
Binantayan lang niyang ito hanggang sa nakatulog na siya.
****
Magaan ang pakiramdam niya ng umagang iyon.
Naramdaman niyang may kung anong parang nakayakap sa kanya.
Hindi na niya inintindi kung ano iyon kaya yumakap na rin siya. Mas
mahigpit. Ang sarap naman dito, hay… Napangiti naman siya.
Huminga siya ng malalim at isiniksik pang lalo ang mukha niya sa
mainit na unan na yon. Napakunot ang noo niya ng maramdamang
may humihinga. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at
nakangiting mga mata ni Xenon ang bumungad sa kanya. May ilang
minuto bago siya nakahuma, nang mapagtanto kung anong
posisyon nila—nakayakap ito sa kanya at ganoon naman din siya
rito—agad siyang bumalikwas ng bangon.
“Pasensya na! Pasensya na! Naku! Anong—teka lang. Ay,
sige. Pasensya na talaga.” Natataranta siyang lumayo rito at
bumaba sa kama. Napapakamot sa ulo na lumabas siya sa kwarto
nito. Napasandal naman siya sa pader ng makalabas roon. “Ano ba
yun? Nakakahiya. Pakshet!” Nagtatakar na lang siya dahil sa inis at
hiyang nararamdaman. Para siyang hilong talilong na hindi mapakali
kung paano magpapaliwanag rito. Basta pagtinanong siya nito kung
bakit sila magkatabi sasabihin na lang niya na… na… na…
nagsleepwalk siya?.
“Zenielle.”
“Ay tekla! Bakit ka ba nanggugulat?”
“Kanina pa ‘ko rito. Ano bang ginagawa mo diyan?”
Nilingon niya ang lalaki at nakalimutan na niya ang sasabihin ng
makita niya ang kabuuan nito. Ito na ata ang pinakagwapo at
pinaka-hot na lalaking nakita niya. Umarangkada na naman sa
pagtibok ang puso niya.
“Nag…nag…” Sumigaw siya ng malakas para maibsan ang
kabang nararamdaman niya sa tuwing makakaharap niya ito. Hindi
naman siya ganoon dati rito pero ngayon, para siyang hindi
mapaihing pusa.
“Zenielle—“
“Nag-nagpupush-ups. Sige.” Akma na siyang aalis ng pigilan
siya nito. Napalingon siya rito. Matiim itong nakatitig sa kanya.
“Can I ask you a question?” Shet, ano namang itatanong
nito sa akin?
“A…ano yun?” Kinakabahan niyang tanong.
“May gusto ka ba sa’kin?” Nabigla siya sa tanong nito.
Maging sa sarili niya ay hindi niya alam ang sagot. May gusto na nga
ba ako sa kumag na ‘to?
“Ha? Ano ba namang tanong yan? Sige, mauna na ‘ko
sayo.” Konti na lang ay parang malalagutan na siya ng hininga. Bakit
ba nito naisip itanong yun? Yan tuloy, hindi mawaglit sa isip niya
iyon. Hindi niya napansin ang pader sa harap niya kaya dire-diretso
siyang nabunggo roon. Mahilo-hilo pa siyang tumayo sa tulong na
rin nito.
“I’m good. Okay lang ako. Sige.” Pasuray-suray pa siyang
naglakad patungo sa banyo. Palpak ka talaga!
****
Minamasahe pa rin ni Zenielle ang nasaktang noo kanina.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ang tanong na
umuukilkil sa isip niya.
May gusto ka ba sakin?
May gusto na ba siya rito? Maging siya ay hindi alam ang
sagot sa tanong na iyon. Siguro malalaman rin niya iyon pagdating
ng araw. E kailan pa?
“Masakit pa rin ba?” Napapitlag siya ng marinig ang boses
ng lalaking nagpapagulo sa takbo ng isip niya.
“Ha?”
“Kung masakit pa?”
“Ha? A…”
“Puro ka ha. Patingin nga.” Ininspeksyon nito ang noo niya
na marahil ay bukol na ngayon. “Malakas siguro ang tama niyan.
Kung ano-ano kasing iniisip mo. Mag-ingat ka nga sa susunod.”
Napatango na lang siya sa sinabi nito. Napakalapit na naman nila sa
isa’t-isa at pagganon ang sistema, hindi na lalo siya makapag-isip ng
maayos. Nagulat pa siya ng hawakan nito ang baba niya at isara ang
bibig niya. “Baka pasukan yan ng langaw.” Agad siyang lumayo rito.
“Okay na ‘ko. Bumalik ka na sa opisina mo.” Sa ibang
direksyon na siya tumingin dahil baka mapansin pa nito ang
pagkailang niya. Tumuwid na ito ng tayo at tatalikod na sana ng may
sabihin uli sa kanya.
“Let’s have dinner tonight, if you want.”
“Ha—“
“Itigil mo na nga yang ka-ha-ha mo. Nagmumukha kang
tanga e.” Natatawa nitong sabi sa kanya. “We’ll have dinner later.”
Kinindatan pa siya nito at hindi na niya napansin ang pag-alis nito.
Ang alam lang niya he winked at her and her heart just can’t help
but beat faster.
****
“Uy, may date! Pasali!”
“Ako din.”
“Pare, anong feeling?” Ilan lamang yan sa mga sinasabi ng
mga taong napapadaan sa gilid ng mesa nila. Hindi na niya alam
kung paano itatago ang pagkailang sa mga tao roon. Lumapit sa
kanila ang may-ari ng racers’ verandah na si Vince.
“Mukhang may hindi kami nalalaman dito a.” Nakangiti
itong lumingon sa kanya na binigyan niya na rin ng ngiti kahit pilit.
“Anong masarap dito?” Narinig niyang tanong ni Xenon.
“Madami. Ano bang gusto mo?” Hindi na niya narinig pa
ang pinag-uusapan ng mga ito dahil lumilipad na sa kung saan ang
isip niya. Bakit ganito iyon umasta ngayon sa kanya? Anong nangyari
sa supladong Xenon na una niyang nakilala? Marami pang tanong sa
isip niya na gusto niyang masagot kaya lang ay wala naman siyang
mahagilap na salita para matahimik na siya. Nagbalik lang siya sa
realidad ng marinig niya ang boses ni Xenon.
“Zenielle?”
“Ha? Bakit?” Wala sa sariling tanong niya rito.
“I’m asking you, anong gusto mo?” Napalingon siya sa
natatawang si Vince. Napadako na rin ang tingin niya sa mga
nakamasid sa kanilang customer ng verandah. Napakamot na lang
siya sa ulo.
“Bahala ka na.” nasabi na lang niya. Narinig pa niya ang
tikhiman ng mga tao roon. Binigyan na lang niya ng masamang
tingin si Lander—Rander o Xander—nang ngitian siya nito.
Tahimik lang sila habang kumakain. Pinapakiramdaman niya
ang lalaki na wala pa rin namang imik. Nang lingunin niya ito, nahuli
niya itong nakatingin sa kanya.
“Bakit?”
“Nagagandahan ata sayo Zen.” Nabitawan niya ang hawak
na kubyertos ng marinig niya iyon. Nang lingunin niya kung sino ang
nagsalita, nakita niyang si Lexus iyon. Hindi na lang niya ito pinansin.
“Sadya na kong maganda, mga baliw.” Bulong niya.
“Yeah.” Narinig niyang pagsang-ayon ni Xenon. Muntik na
naiyang maibuga ang tubig na iniinom.
“Awts! Ang langgam na dito Vince. Hindi ka ba naiinggit?”
“Oo nga naman. Wuu! Ang lakas ata ng tama ni Doc
ngayon.” Nagtawanan pa ang mga ito. Habang siya naman ay hindi
malaman kung paano pupunasan ang nabasang damit.
“Bakit mo ba nilulunod ang sarili mo? Hindi ka naman
mauubusan ng tubig e.” Tinulungan siya nitong magtuyo ng damit
niya. Tuluyan na siyang tumayo. Napatingin lahat ng tao sa kanya.
“Uuwi na ko. Sige, salamat.” Aniya. Dire-diretso siyang
lumabas ng restaurant na iyon. Hindi niya tuloy maintindihan ang
sarili dahil sa mga pinaggagagawa niya. Nakakahiya talaga!
Tinadyakan niya pa ang pobreng halaman na nananahimik sa isang
tabi na naraanan niya.
“Maawa ka sa halaman.” Napalingon siya sa likuran niya.
Para na namang binundol ng isang trak ang dibdib niya sa sobrang
kaba. Mariin niyang tinapik-tapik ang dibdib niya para matigil na ang
kahibangan niyang nadarama. Akmang lalapit sa kanya si Xenon ng
umatras siya.
“Wag ka nga munang lumapit sa’kin. Nagkakandamalas-
malas ako sayo e.” Sabi niya rito. Muntik na siyang mainis ng
ngumiti lang ito at lumapit pa rin sa kanya. “Wag ka muna—teka!
Aba at—k”
“Ang ingay mo.” Marahang kinurot nito ang pisngi niya.
“Tara na nga.” Hinawakan nito ang kamay niya at napasabay na rin
siya sa paglalakad nito. Unti-unti na rin siyang kumakalma habang
tumatagal ang pagkakahawak ng kamay nila. Palingon-lingon pa siya
rito sa pagbabakasakaling may mahahalata siyang kung anuman
rito. Sa pagtagal ng pagkakalapit nilang iyon, isang bagay lang ang
napatunayan niya. Gusto na niya ito. Ang problema, hindi niya alam
kung gusto rin siya nito.
“Anong sinabi mo sa parents ko at basta na lang sila
pumayag ng ganon ganon na lang?” Pagbubukas niya ng paksa rito.
Nilingon lang siya nito at maya-maya’y bumaling na uli sa
direksyong binabagtas nila.
“I told them that you have an important business to
attend to for one month. Noong una, nahirapan talaga ako
kumbinsihin sila pero nakagawa naman ako ng paraan.” Tumango-
tango na lang siya. Maya-maya ay bigla siyang napatigil ng maisip
kung anong posibleng pakilala nito sa mga parents niya. Nagtaka pa
ito ng mapansing tumigil siya. “Bakit?”
“Anong pakilala mo sa parents ko?”
“Friend?” Nakahinga naman siya ng maluwag.
Gayunpaman, nanghinayang rin siya dahil hindi niya masyado
nagustuhan ang maging ‘friend’ lang nito. Aysus! Lumalandi ka na
ngayon ha. Hindi na sila nag-usap pa uli hanggang sa makarating sila
sa bahay nito. They silently go to their rooms.
Matapos niyang magpalit ng damit na binili nito sa mga
boutique roon, agad siyang dumamba sa kama. Mangyari pang
nauntog siya sa headboard pero hindi na lang niya pinansin.
Nagpumilit na siyang matulog. Nang hindi makuntento sa
pagkakahiga, tumagilid naman siya paharap sa kaliwa niya
pagkatapos ay sa kanan. Dumapa naman siya sa pagbabakasakaling
maiidlip na. Nang hindi mangyari ang gusto niya, padabog siyang
bumangon paupo. Marahas niyang ginulo ang buhok.
“Bakit hindi ako makatulog?” Naiinis niyang tanong sa
sarili. Napadako ang tingin niya sa may wall clock. It’s past midnight
and yet she’s still awake. Bumangon na siya at nagpasyang
magpunta sa kusina para uminom ng tubig. Hindi na niya binuhay
ang ilaw dahil may naaaninang pa naman siyang liwanag. Nagulat pa
siya ng makitang may tao sa tabi ng ref. Ihahampas na sana niya ang
unang bagay na nahawakan kundi lang niya ito namukhaan.
“Xenon?” Ibinaba niya ang hawak. “Bakit ba hindi mo
binubuhay ang ilaw, akala ko tuloy kung sino na.”
“Sorry. Hindi ko binuhay ang ilaw kasi baka magising ka
pa.” She tried to connect what he said but even her mind cannot
explain the connections.
“Oo, ang lapit lang ng kusina sa kwarto ko kaya magigising
ako pagbinuhay mo ang ilaw.” Nakangiti niyang sabi rito. It’s
obvious that he’s controlling his self from laughing. “Itawa mo na
yan at baka mautot ka pa.Kasalanan ko pa.” Binuksan na niya ang
ref at kumuha ng isang pitsel ng malamig na tubig. Isinalin niya iyon
sa isang baso at nilantakan ng inom.
“Hindi ka rin makatulog?”
“Yeah. May sa maligno ata tong bahay mo, ayaw
magpatulog.”
“Bakit kaya?”
“Hindi ko nga rin alam. Ikaw ba?”
“May iniisip kasi ako.” She feels like blushing for no
particular reason. She’s thankful enough that the lights are off.
Akala mo naman ikaw yun.
“A… bukas mo na uli isipin ng makatulog ka na. Sige, balik
na ‘ko sa kwarto. Good night.” She’s on her way back to her room
when he grabbed her waist and without any permission, he kissed
her. She was way too shocked on what he did. She kept her eyes
open that’s why she’d seen his eyes closed as if he was enjoying the
feeling of his lips against hers. Slowly, she closed her eyes and did
the same too. Hindi na niya namalayan ang unti-unting pagpulupot
ng kamay niya sa batok nito. They’re both huffing for air when they
ended the kiss. They just stared at each other. Her arms still
wounded at his neck and his hands still holding to her waist. Hindi
niya alam kung anong sasabihin. Napakaplastik naman niya kung
sasabihin niyang hindi niya nagustuhan ang ginawa nito. Binigyan
niya ito ng nagtatanong na tingin na waring nabasa agad nito.
“I like you that’s the reason why I did that.”
CHAPTER 4
“Hoy! Sinong iniisip mo?” Tanong sa kanya ni Chloe.
Dumaan muna siya sa shop nito bago siya pumunta sa animal
sanctuary.
“Wala. Nasan na ba yung inorder kong kape?”
“Anong kape? E hindi ka pa nga naorder e. Zenielle naman,
sang galaxy ka na ba nakarating?”
“Wala pa ba? Bigyan mo ko ng Frappe. Bilis, umiikot ang
kuntador ko.”
“Asan?”
“Yan o, nasa taas ng ulo ko.”
“Hay, ewan ko sayo. Hintayin mo na lang dyan.”
“Talaga, ang babagal kasi ng tauhan mo.” Biro niya rito.
“Sorry ha, mababagal talaga ang mga iyan.” Binuntutan pa
nito niyon ng tawa.
“Magsara na nga kayo.”
“Teka lang, ihahatid ko muna ang kape mo.” Dumiretso na
ito sa counter at sinabi na ang order niya. Lumipad na naman ang
isip niya sa kalawakan. Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari
kagabi.
I like you that’s the reason why I did that.
Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o kung ano. Simula ng
aminin niya sa sarili niya na gusto niya ito, hindi na tuloy manahimik
ang puso niya sa mabilis na pagtibok. Kung noon may mga tanong
siyang hindi masagot, mukhang mas nadagdagan pa ata ito ngayon.
Hinalikan niya ‘ko, pumayag ako, gusto niya ‘ko at gusto ko siya. So
ano na kami ngayon? Namataan niya ang papalapit na si Chloe.
“Pwede bang magtanong?” Umupo na ito sa kaharap na
upuan.
“Ano? Bilis, mahal ang talent fee ko.” Sinimangutan niya na
lang ito.
“Wala! Bumalik ka na nga lang sa lungga mo at
maghibernate ka na lang dun.”
“Alam mo bang pagginawa ko yang sinasabi mo,
malulungkot ang mga boys. Kita mo ha, itong ganda kong ‘to, sexy,
matalino—“
“Mabait, mayaman, oo lahat na. Ikaw na lang mabuhay.”
“Eto naman, okay lang ang maiinggit paminsan-minsan.
Ramdam kita.” Natawa naman siya sa sinabi nito. “E ano nga bang
itatanong mo?”
“Wala, nakalimutan ko na.”
“Sus! Ano yown ha?”
“Wala.”
“Bilis na. Pasalamat ka at naghihintay ako.”
“Oo, salamat ng malaki sa paghihintay mo.” Kagyat siyang
humigop ng kape. Muntik pa siyang masamid ng makita niya ang
animo’y may hinahabol na si Xenon.Pakiramdam niya ay namula ang
pisngi niya ng maalala ang nakaraang gabi. Marahil ay hindi siya
napansin nito.
“Naku. Mukhang alam ko na yan a. Patay tayo diyan.
Napana ka ano?” Naguguluhang nilingon na niya ito.
“Sinasabi mo?” Sa halip na sumagot ay tumayo na ito at
nag-unat.
“Hindi ko alam ang gamot diyan. Mauna na ‘ko sayo at
baka mahawahan mo pa ‘ko. Toodles.” Nakangiting umalis na ito at
bumalik na sa counter. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Bakit
ba ang hihirap ispelingin ng mga tao roon. Inubos niya ang kape niya
at bumalik na sa sanctuary. Sinimulan na niyang pakainin ang ilan sa
mga hayop roon. Medyo nagulat pa siya ng makarinig ng mga yabag.
Lumabas siya ng kulungan ng tigre.
“Hey! What’s kickin?” aniya sa bagong dating na babae na
halatang halata pa ang paghanga sa mga hayop roon.
“Napadaan lang—“ Naisip niyang biruin ito dahil masyado
itong seryoso gaya noong unang beses na nakausap niya ito sa
restaurant ni vince.
“Hindi ito highway.” Seryosong sabi niya. Mukhang wala
itong balak na makipaglokohan kaya sinundan niya agad iyon. “Biro
lang, anong maipaglilingkod ko sayo kabayan?”
“I just need someone to talk to… if pwede lang naman…
remember your offer the last time?” Matiim niyang tiningnan ito sa
pagbabakasakaling magbabago ang anyo nito. Pero hindi naman
nangyari. Inalala niya ang sinasabi nitong offer.
“Hmm… Natatandaan ko na! Bakit?” Mukhang nag-
alinlangan pa ito base na rin sa ekspresyon ng mukha nito ngayon.
Matagal ito bago nagsalita na akala niya nga ay napipi na. Namataan
naman niya ang paparating na si Xenon. Umarangkada na naman sa
pagtibok ang puso niya na mas mabilis pa ata ngayon sa
tumatakbong kabayo. Sinubukan niyang maging kaswal lang rito.
“Si—“ Hindi na naituloy ni Jazz ang sasabihin dahil nagsalita
na siya.
“O, Pareng Xenon, andito ka pala. May ipapakilala ako
sayo na nagvolunteer na mag-alaga ng ibang hayop dito.” Halata
ang pagkalito sa itsura ng babae na maging siya rin ay hindi niya
alam kung bakit niya sinabi yun gayong hindi naman talaga ito
nagvovolunteer ng kahit ano. Napansin niyang pinakatitigan ito ni
Xenon na medyo ikinainis niya.
“Tek---“ Pagtanggi pa sana ni Jazz pero parehas silang
nagulat ng magsalita si Xenon.
“You’re on.” Hindi niya naman naiintindihan ang nangyari
na hindi niya rin naman pwedeng itanong kay jazzy dahil alam
niyang wala rin itong alam. Hinila na lang niya ito papunta sa clinic
sa loob ng sanctuary. “Halika na Jazzy!” Nang makarating sila roon
ay agad siyang tinanong nito.
“Kailan pa ako nagvolunteer na mag-alaga ng hayop?”
Maging siya ay walang mahagilap na sagot.
“Kanina? Hindi ko din alam e. Hehe.” Napailing na lang ito
habang siya naman ay napakamot na lang sa buhok niyang magulo
na.
“Aalis na ko, hay, ang gulo gulo ng buhay mo!” Ginaya na
rin nito ang ginawa niya. Mas malala nga lang ang nangyari sa buhok
nito. Nasabi na ba niyang mukhang may sayad din ang isang ito?
Naglakad na ito palayo. Napansin niyang napatigil ito ng
makasalubong si Lawrence na isa rin sa mga members roon.
Kinausap siya nito noong isang araw. Sinabi nito ang pakay nito at
gusto niyang matawa dahil sa kakornihan. Nalaman niyang may
gusto ito kay Jazzy pero hindi naman masabi at nag-iisang hinuha
niya ay dahil sa torpe ito. Oo, capital T-O-R-P-E ito.
“Lawrence! Buti naman dumating ka na, kanina ka pa
hinihintay ng katulad mong volunteer.” Lumapit siya sa dalawa na
ngayon ay magakaharap na. Palihim niyang kinidatan si Jazzy na
ikinakunot naman ng noo nito. “Can you two, please, get the other
supplies near the caceres trail?” Pakiusap niya sa mga ito. Aapela
pa sana ang babae ng hilahin na ito ni Lawrence. “Thank you,
enjoy!” Pahabol niya pa. Nawala na sa paningin niya ang dalawa.
Pakiramdam niya ngayon ay may napakaganda siyang bagay na
nagawa.
“What’s with the match-making?”
“Ha?” Nilingon niya ang nagsalita na walang iba kundi si
Xenon na marahil ay kanina pang nagmamasid sa kanya. “They’re
good.” Aniya na nakatingin pa rin sa direksyong tinungo ng dalawa.
Napapangiti pa siya sa isiping maaaring matapos na ang dilemma ng
dalawang iyon.
“Naiinggit ka ba?”
“Ano?”
“Kung naiinggit ka kako. Sabihin mo lang baka matulungan
kita.” Ngali-ngaling batukan niya ito sa sinabi nito. Ano namang
klaseng tulong ang ibibigay nito?
“Hindi ako naiinggit. Baka ikaw.” Tinungo niya ang
kulungan ang ipinagpatuloy ang ginagawa kanina.
“Paano kung oo?”
“E di okay, gusto mo ihanap kita?” Tuloy-tuloy lang siya sa
pagsasalita ng hindi ito tinitingnan.
“Pwede ka ba?” Nagsala siya ng sandal kaya naman muntik
na siyang masubsob sa may railings kundi lang siya nakakapit agad
sa rehas.
“Wag mo nga akong mabiro-biro ng ganyan. Hindi
nakakatawa.”
“Who says I’m joking?” Natitilihang tiningnan niya ito.
Hinintay niyang bawiin nito ang sinabi nito pero hindi iyon nangyari.
Tumayo na siya at pinagpagan ang damit.
“E anong tawag diyan sa ginagawa mo?” Namaywang siya
sa harap nito as if she was taller than him.
“Nagtatanong.”
“Good answer, so good.” Eksaherado pa siyang pumalakpak
at nilampasan ito.
“Zen.” Kinilabutan siya sa paraan ng pagtawag nito sa kanya
kaya mabilis siyang naglakad palayo rito.
“Zen.” Hindi siya lumingon. “Ze—“
“Wag mo nga akong tawagin ng ganyan. Kinikilabutan ako
sayo e.”
“Bakit?”
“A, basta. Wag mo kong tawagin ng ganyan, hindi ako
sanay.” Isang beses pa niyang sinubukang lumakad palayo rito pero
waring ayaw makisama ng mga paa niya. Naiinis na siya sa sarili
niya.
“Bakit hindi ka pa lumalakad?” Binigyan niya ng masamang
tingin ito.
“Pakialam mo ba? Sa gusto kong tumayo rito e. Gumaya ka
pa.” Daig pa niya ang posteng itinulos roon dahil hindi pa rin niya
magawang lumakad. Narinig na niya ang paglapit nito.
“Anong problema?” nag-aalalang tanong nito. Bakit ba
hindi siya mapakali pagmalapit na ito. Tinanong niya rin ang sarili
kung ano nga bang problema niya. Huli na para pigilin pa niya ang
napakadaldal niyang bibig. Naibulalas na niya ang kaninang pang
naglalaro sa isip niya.
“Ikaw!” Naguguluhang tiningnan siya nito. Natakpan naman
niya ng kamay niya ang kanyang pahamak na bibig.
“Ako?”
“Hindi. Yung mga kabayo.” Tinapik niya ang kamay nitong
nakahawak sa braso niya. Hindi naman nito pinakawalan iyon. “My
arm, please?”
“Why do I have this feeling na hindi ko na kailangang
itanong sayo ang naiisip ko ngayon?”
“Kausap mo?”
“You really like me huh?” Gusto niyang tadyakan ito sa
tuhod. Bakit ba napakabulgar ng bunganga nito? Gusto na niyang
lagyan ng electrical tape ang bibig nito para hindi na ito
makapagsalita.
Bakit electrical tape? Tanong ng isip niya.
Para mas makapit.
Weh?
Pakialam mo ba? Bakit ba kita kinakausap?
Aba ewan ko sayo.
“Kapal mo! Feeling mo naman ang gwapo-gwapo mo.”
Pinakatitigan niya ito. “Oo, ikaw na ang gwapo. Pero wala akong
gusto sayo noh.” Nananalangin siya na sana ay kainin na lang siya
ng lupa para naman maibsan ang kahihiyang nararamdaman niya.
Napansin niyang nakamasid lang ito sa kanya. Kung makatingin ito
ay parang may kung ano mali sa kanya. “Bakit ganyan ka
makatingin? Gusto mong tusukin ko iyang mata mo?” pananakot
niya rito. Pero sa halip na matakot ay daig pa niya ang naenlighten
ng ngumiti ito. Hindi lang basta ngiti kundi ngiting-ngiti na hindi niya
alam kung bakit ganoon ang ekspresyon nito.
“You really like me.” Nagpanting na ang tenga niya rito.
“Bakit ba ang kulit mo? Paulit-ulit ka na ha. Sinabi ng—“
Bahagya pa siyang napatigil ng titigan pa niya ang mga mata nitong
hindi maalis-alis ang tingin sa kanya, “Gusto nga kita—I mean hindi
kita gusto kay—“ He just kissed her to stop her uncontrollable
mouth. It’s different from what happen the last night. She could feel
the intense feeling that she didn’t feel the first time they’ve kissed.
It was a torrid kiss yet she didn’t want it to end just that. She’s
enjoying their trance. Parehas pa silang nagulat ng may marinig
silang bumagsak na gamit. Nilingon nila iyon. Nagpeace-sign lang
ang dumating na si Crest.
“May ikokonsulta sana ako kaya lang… mukhang busy pa
kayong dalawa.” Hindi maitago ang pagkakangiti nito.
“Oo,” Tumingin pa sa kanya si Xenon bago itinuloy ang
sinasabi, “I’m busy with some business here.”
“Okay. Madali naman akong kausap. Ipagpatuloy niyo lang
yan but make sure to use protection.” Natatawang lumayas na ito
kaya sila na namang dalawa ang naiwan roon. Ramdam niya ang
pag-iinit ng pisngi niya.
“You’re blushing.” Natatawang sabi nito sa kanya. Hinaplos
pa nito ang pisngi niya.
“Sinong maysabi? Mainit lang talaga dito.” Tumingin na
lang siya sa ibang direksyon. He held her chin and forced her to face
him. Kinurot nito ang tungki ng ilong niya.
“Aray! Ano ba—“ He gave him a quick kiss.
“Cute.” Hinila siya nito palabas ng establisyimentong iyon.
“San tayo pupunta?” Naguguluhang niyang tanong rito.
“Idedate ang girlfriend ko.” She could see in the side of his
eyes that he’s smiling.
“Bakit kasama pa ako?”
“Wala lang. Chaperon.”
“Mukha mo!”
“Gwapo.” Mas humigpit pang lalo ang pagkakahawak nito
sa kamay niya. She’s really loving the feeling of this hands against
her. Bahala na si Batman, ngayon lang naman siya nagkaganito. Aja!
“Wow! Lumelevel-up ka na pareng Xenon a!”
“Naks! Ambilis!”
“Oh yeah! Inuman tayo!” Ilan lamang yan sa mga
sumalubong sa kanila habang patuloy silang naglalakad na
magkahawak ang kamay.
“’Wag mong pansinin ang mga yan.” Sabi lang ni Xenon
“San tayo pupunta?” Bahagya itong tumigil at nag-isip ng
kaunti.
“Hindi ko rin alam e,” Tumingin ito sa kanya, “ San mo ba
gusto?” Saan nga ba niya gustong pumunta? Ni siya ay wala ring
maisip na lugar.
“Ewan ko. Akala ko ba may date ka sa girlfriend mo? Baka
malate ka.” Pasaring niya rito.
“Are you jealous?” Nanunudyong tanong nito sa kanya.
Halata ang kislap sa mga mata nito.
“Ako? Magseselos? Hindi ko nga alam yun.” Nauna na
siyang maglakad rito. Nagsasalimbayan pa ang magkabila niyang
kamay na animo’y sundalo. Naramdaman niya ang pagsabay ni
Xenon sa kanya.
“Slow ka rin pala ano?”
“Ha?” Nilingon niya ito ng nakakunot ang noo.
“Oo, ang ganda mo.” Gustuhin man niyang kiligin ay
ipinagpaliban na muna niya dahil masyado pang maaga. Ano
namang ipinagkaiba noon?
“Talaga.” Ganoon lang ang usapan nila. Magaan lang.
Walang pressure although hindi niya na rin maintindihan kung ano
bang mayroon sila ngayon. Nasa malalim siyang pag-iisip ng
nagsalita uli ito.
“Advance.” Nagtatakang tiningnan niya ito.
“Bakit?” Ngumiti lang ito. May bigla naman siyang naalala.
Naku! Birthday ko na nga pala bukas! Tuwing kaarawan niya kasi ay
sa halip na mga magulang niya ang kasama niya ay ang mga tauhan
niya na tuwang-tuwa naman dahil libre niya. Sa isiping iyon, namiss
niya tuloy ang mga ito.
“Birthday ko. Gusto ko na tuloy umuwi.” Mahina niyang
sabi.
“Anong plano mo?”
“Ha?”
“Puro ka na naman ha. Gusto mo magcelebrate?” Hindi na
nito inintay pa siyang sumagot. Hinila na naman siya nito sa kung
saan na wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod na lang rito.
Dinala siya nito sa Serenader’s rink, ang music house ng isla.
“Anong gagawin natin dito?”
“Magluluto.” Sinimangutan niya lang ito na ikinatawa
naman nito. “Magjajamming, birthday mo e.”
“Bukas pa birthday ko.”
“Parehas na rin yun. Tara. “ Iginiya na siya nito papasok
roon. Sinalubong agad sila ng triplets na marahil ay wala na namang
magawa sa mga buhay nila.
“Good evening Ma’am and Sir,”
“Welcome to serenader’s rink,”
“Where all your dreams come true! Mabuhay!” Ibinuka pa
nito ang mga braso. Gusto na niyang matawa sa pinaggagagawa ng
mga ito. Para silang mga tanga. Dumating naman si Harvey- ang
owner ng Serenader’s Rink- at pinagtutulak ang mga ito.
“Nanggugulo na naman kayo. Bumalik na nga kayo sa mga
lungga niyo.”
“Ikaw talaga Harvey pare, tinutulungan ka na nga namin,
ikaw pa ang galit.”
“Magbago ka nga.”
“Ayusin mo yang buhay mo, napapariwara ka na naman.
Tsk Tsk!” Iiling pa ang isa sa mga ito.
“E kung yang kayang buhay mo Xander ang inaayos mo,
isama mo na yang mga kauri mo para mabawasan ang mga
makukulit sa mundo.” Napapakamot sa ulong sabi ni Harvey. Hindi
na lang nila pinansin pa ang mga ito at pumasok na sa loob.
“Enjoy!” Narinig pa niyang sigaw ng isa sa mga ito.
“Hindi sinabi ako si Xander, hindi ka din makulit ano?”
“O sige, sino ka?”
“Si Lander. Pag-umaga. Kuha mo? Manalamin ka nga! Ang
sangsang na ng amoy mo!” Hindi na niya narinig pa ang pagtatalo
ng mga ito dahil may tumakip na sa tenga niya. Hinarap niya si
Xenon. Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin.
“Ako na lang pakinggan mo.” Nakita niyang humarap na ito
sa isa sa mga piano roon at tumipa ng mga nota. Noong una ay hindi
niya alam kung anong tinutugtog nito. Hindi rin nagtagal ay
nakisabay na siya rito sa pamamagitan ng paghimig. Napapikit na
lang siya dahil lubhang nakakarelax ang awiting tinutugtog nito.
Parang gusto na lang niya matulog habang patuloy na pinakikinggan
ito. Ngayon lang niya nalaman na magaling pala ito sa ganoong
larangan. Naisip niya tuloy na marami pa rin pala siyang hindi alam
rito.
“Nagustuhan mo?” Tanong nito ng matapos ang tugtog. All
she can do is to stare at his beautiful face and those sparkling eyes
that never failed to amuse her whenever she had the chance to look
at those. Awtomatikong umangat ang mga kamay niya papunta sa
mga pisngi nito.
“Gustong-gusto.” Nang ngumiti ito ay bahagya pa siya
nagulat lalo na ng mapagtanto kung anong ginawa niya. “I
mean..a… gusto ko yung tugtog. Yun, yung tugtog ang gusto ko.”
Kulang na lang ay ipalamon niya sa lupa ang sarili niya dahil sa
kahihiyang nararamdaman ng mga oras na iyon.
“Bakit ba sa tuwing may sinasabi ka, binabawi mo?” Hindi
nito hinayaang mailayo niya ang mga kamay niya rito.
“Ewan ko nga ba! Hindi ko na din alam.” Totoo ang sinasabi
niya. Bahala na siguro, basta magsasabi na siya ng totoo rito ng
hindi na siya napepeste sa kakaiisip kung anong ibigsabihin ng mga
iyon.
“Bak—“
“Ang langgam ha, Zenielle, pakipatay nga. Nagroronda na
dyan sa tabi niyo e.” Nagtawanan pa ang grupong iyon nina chloe
na malapit lang sa kinaroroonan niya.
“Utusan lang? Ikaw na, bagay naman kayo ni Vince.” It’s
her turn to smile. Si Chloe naman ngayon ang napagtampulan ng
tuksuhan.
“Let’s go somewhere. Yung tayong dalawa lang, ang ingay
nila e.”
“Teka—“ Then off they went.
“What’s this place?” Noon lang siya nakarating sa malawak
na field na iyon.
“This is our very own Republican’s Arena. Dito ginaganap
ang monthly racing competition ng mga baby namin.”
“Baby?”
“Mga kotse namin. Cars are our toys. Sila na lang ang
pampalipas oras namin dito pagwala na kaming magawang mabuti
sa mga buhay namin. “
“Kotse talaga ha. Ang akala noon, babae lang ang mga
pampalipas oras ninyong mga lalaki. Kaya inis na inis ako sa mga
kagaya niyo.”
“Mga steady lang kami ano. Dumadaan lang sa buhay
namin ang panahon na yun kaya hindi ibigsabihin inaaraw-araw
namin yun.”
“Sus, kung alam ko lang, hindi kayo nakakatiis.”
“Siguro yung iba pero ibahin mo kami.”
“O sige, sige. Iba na kayo. Fine.” Tinaas niya ang dalawang
kamay tanda ng pagsuko.
“Bakit pakiramdam ko hindi ka naniniwala sa’kin?”
“Sinong maysabi? Naniniwala ako noh, hindi lang halata.”
Tinawanan pa niya ito.
“Kaya ba ayaw mong magpakasal?” Mula sa kung saan ay
tanong nito na hindi naman agad siya nakasagot. Nilingon niya ito
sandali at ibinalik ang tingin sa langit.
“Siguro. Hindi ko din alam. Wala pa kasi sa isip ko ang mga
ganyang bagay. Ni hindi ko pa nga nagagawa ang mga gusto kong
gawin, although unti-unti ko nang naeenjoy ang pagiging Malaya,
siguro hindi pa rin ako nakukuntento.” Tiningnan niya ito, “Ang
gulo ng explanation ko no? Pero kung dadating na ako mismo ang
pipili ng taong gusto kong makasama habang buhay, siguro pipiliin
ko na lang yung taong kahit hindi kagwapuhan basta alam kong
aalagaan ako at hindi ako makakayang sasaktan. Hay, bakit ang
drama ko ngayong gabi?” Muli niyang minasdan ang mga bituin sa
kalangitan. “What about you? You’re 30 or 33? Hmm?”
“It’s 32. Siguro magkaparehas lang tayo ng dahilan pero
hindi eksakto, pero nalalapit na rin.” Naramdaman niya ang
pagdantay ng mga braso nito sa balikat niya.
“A… Bakit nakaakbay ka pa?”
“Malamig kasi. Ikaw ba, hindi nilalamig?” Sumiksik na lang
siya rito. Isipin na nito ang gusto nitong isipin basta ieenjoy na lang
niya kung anong meron sila ngayon.
“Syempre nilalamig.” Narinig niya ang pagbuntung-hininga
nito. Maging siya ay gumaya na rin rito. Hinalikan nito ang buhok
niya.
“Ang sarap pala ng ganito. Nakakawala ng pagod.” Niyakap
na siya nito. “I’ve always love your smell, alam mo ba yun?”
“Hmm.”
“Inaantok ka na ba?”
“Hindi pa. Ikaw?”
“Hindi pa din.”
“Xenon, pwedeng magtanong?” Unang pumasok sa isip
niya kung ano nga bang estado na nila ngayon. Mahigit dalawang
linggo pa lang silang magkakilala pero parang matagal na nilang
kilala ang isa’t-isa.
“Ano yun?” Bahagya siyang lumayo rito. Tumingin naman
ito sa kanya. Kasalukuyan pa rin silang nakaupo sa may gilid ng
racing track.
“Ano bang ibigsabihin nito?”
“Ng alin?”
“Itong mga ginagawa natin. Naguguluhan na kasi ako e.”
“Miski ako hindi ko din alam. Basta ang alam ko, gusto
kita, gusto mo ‘ko. So why not work this out?”
“Hindi ba masyado namang weird pagganon. Oo, gusto
natin ang isa’t-isa pero…”
“Pero?”
“Di ba dapat—“ Ginulo na lang nito ang buhok niya at
niyakap siya ng mahigpit.
“Don’t worry yourself too much. Let’s just stay like this. “
Kung siya nga lang ang tatanungin ay hindi na siya magtatanong
pero may isang bahagi ng isip niya ang hindi mapakali. Para kasing
may mali. Masyadong mabilis. At sa sobrang bilis, hindi na niya
nasusubaybayan ang mga nangyayari. A, basta! Masaya ako ngayon
kaya bahala na.
CHAPTER 5
This was not a typical day for Zenielle. For the past two
days, Xenon makes sure that she would remember each day that
they are together. Her happiness can never replaced by any amount
of anything in this world. That’s how she feels right now.
Kasalukuyan siyang naghahanda ng agahan nilang dalawa habang
naliligo naman si Xenon. Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa
isiping para silang mag-asawa sa sitwasyon nilang iyon. Ngayon lang
siya nakaramdam ng ganoong kasiyahan. Kaya hangga’t maaari ay
gusto niyang lubusin iyon sa abot ng makakaya niya. Noon akala
niya hindi na siya magmamahal pero naiba ang persepsyon niyang
iyon ng dumating ang lalaking ito sa buhay niya. He changed her
beliefs and there’s no sign of regret on her part.
“Parang gusto ko na tuloy magpakasal niyan,”
Naramdaman niya ang marahang pagpulupot ng mga braso nito sa
baywang niya, “Anong niluto mo?”
“Madami. Umupo ka na doon at baka kasuhan pa kita ng
sexual harassment.” Nangingiti niyang sabi rito.
“Yes, boss!” Bago ito kumalas ay hinalikan muna siya nito sa
may balikat. Excited na umupo ito sa isa sa mga upuan sa dining
table. Nilapag na niya ang mga inihanda niyang pagkain para sa
almusal nila.
“Kainin mo yan lahat kundi ikaw ang ipapalapa ko kay
glira, copy?” Tumango na lang ito dahil hindi na ito makapagsalita
sa dami ng laman ng bibig. Uminom muna ito ng tubig bago
magsalita.
“Wag ka na munang pumasok ngayon.” Hindi niya inaalis
ang paningin rito.
“Ha? Bakit?”
“Magpahinga ka na lang dito.”
“E? Ganyan din ang ginawa ko kahapon, kakabagot naman
dito, mag-isa lang ako.”
“E ‘di uuwi ako agad.”
“Oh yeah, as if kaya mong iwan ang mga alaga mo.”
Natatawa niyang sabi rito. Sa tinagal ng panahon na pagtigil niya sa
isla, napansin niya ang sobrang pagmamahal nito sa mga hayop na
inaalagaan nito.
“Kung pag-uwi ko naman e ikaw agad ang makikita ko,
bakit hindi?” He winked at her and all she could do is resist his
charms. Gusto na niyang tumili dahil sa totoo lang ay hindi na niya
mapigil ang kilig na nararamdaman niya ngayon.
“Bola mo. Bilisan mo dyan.” Pinanood na lang niya itong
kumain. Kapagdaka’y palingon-lingon lang ito sa kanya. May
panahon na susubuan siya nito na tatanggapin naman niya. They
will just smile at each other and there, they have their own
understanding that nobody could explain.
Tumayo na siya at niligpit ang pinagkainan nito. Dumiretso
siya sa may lababo. Kasalukuyan na siyang naghuhugas ng mga
plato ng yakapin na naman siya nito sa likuran.
“You know, natatamad na kong umalis.”
“You know, hindi ka pwedeng tamadin.”
“E kung iwan ko muna sa mga kaibigan ko ang
pagbabantay roon? What do you think?”
“I think... I think that I shall never see.” Walang ano-ano’y
iniikot siya nito paharap dito. Kinurot na naman nito ang tungki ng
ilong niya.
“Niloloko mo na naman ako.”
“Sinong maysabi?” He smiled at her teasingly and it’s late
for her to know that his lips are slowly descending on hers. It was
just a quick kiss yet she can’t help but smile again. They just stare at
each other for a moment and without any permission, again, he
kissed her.
“I think, kailangan mo ng umalis, hmm.” Aniya rito ng
matapos ang halik na yun. Atubili pa itong lumayo sa kanya
hanggang sa napagpasyahan nitong umalis na. Wala pang ilang
Segundo ng bumalik uli ito at walang sere-seremonyang halikan
siya. Matagal. Akala niya nga ay hindi na matatapos iyon. Inulit uli
nito as if he really can’t get enough of her. Hindi na siya magtataka
sa mga pinaggagagawa nito dahil maging siya ay nagustuhan iyon.
That’s the side of him that she really loved. Maybe, she really is in
love with this handsome guy. Matagal ng nakatitig ito sa kanya.
Nang hindi pa rin ito umaalis ay pumitik na siya sa harap nito.
“Gising ka pa ba?” Mukha namang nahimasmasan ito pero
hindi pa rin kumalas sa kanya ang at one last time before he go, he
kissed her.
“I can’t believe I’m doing this.” Nangingiting sabi nito sa
kanya.
“Me too. Kaya umalis ka na, bago pa kita itali at hindi ka
na makaalis ha.” Sabi niya habang dinudutdot ang noo nito.
“Wag kang aalis dito.” Anito sa kanya. Saan naman siya
pupunta?
“Okay.”
“Let’s have dinner tonight. Yeah. Let’s have dinner.” Sabi
pa nito na mukhang sarili nito ang kausap.
“Okay.”
“I’ll see you.” Dumistansiya na ito sa kanya pero hindi pa rin
umalis kaya siya na mismo ang nagtulak rito palabas. Bago pa ito
tuluyang umalis ay sumigaw pa ito mula sa labas. “I’ll see you
tonight, don’t forget!”
“Oo na! Umalis ka na.” Natatawa niyang sagot rito. Marami
talaga siyang maikukwento sa mga tauhan niya pag-uwi niya sa
Manila. Matagal na itong nakaalis habang siya ay nakasandal pa rin
sa nakasarang pintuan. Parang ang gusto na lang niyang gawin
maghapon ay ang tumunganga at mangarap. Ganito ba talaga ang
nagagawa ng pag-ibig? Nakakatamad? Sa loob ng dalawampu’t-
walong taon na inilagi niya sa mundo ngayon lang siya nakaramdam
ng kakaibang damdaming iyon. Kahit mabilis ang lahat, inamin na
niya agad sa sarili niya na nagmamahal na siya. Yes, she loves this
crazy man that taught her to feel love. Siguro kahit bagsakan pa siya
ng meteor ngayon, hinding-hindi na mawawala ang pakiramdam na
iyon.
“Walang sinabi ang coke float ng Jollibee at Mcdo. Hay…”
Buntung-hininga niya. Maya-maya’y narinig pa niya ang pagtunog ng
phone niya na iniwan niya sa may kwarto. Ang lakas naman nun.
Tinungo niya ang kwarto at sinagot ang nag-iingay na bagay. Ang
mama niya iyon.
“Ma?”
“Anak, kailan ka ba uuwi? Miss ka na namin ng papa mo.”
Bungad sa kanya ng mama niya. Halata sa boses nito ang pag-aalala.
“Ma, wala pang isang buwan a.”
“Bakit kasi isang buwan anak? Hindi ba pwedeng umuwi
ka na agad dito?”
“Kailangan ko po kasing tapusin ang isang buwan na
kontrata ko. Baka idemanda nila ako paghindi ako sumunod dun.”
Syempre kasinungalingan ang sinabi niya. Gusto niyang matawa sa
sariling kapilyahan.
“Hay, inip na inip na kami ng papa mo. I miss you,
Zenielle.”
“Namimiss ko na rin naman kayo dyan, kaya parehas lang
tayo.” Kahit naman minsan ay pasaway siya sa mga ito ay hindi pa
rin niya maitatanggi na sobrang mahal niya ang mga magulang niya.
Hindi man niya sinusunod ang mga ito pagminsan, kahit minsan ay
hindi niya naisip na iwan ang magi to. At alam niyang ganoon din
ang mga ito sa kanya.
“Gusto kong magkwento ka pagdating mo dito. Hay naku
bata ka, baka kung ano-ano na naman ‘yang mga pinaggagagawa
mo.” Hindi na niya mapigilan ang mapahalakhak. Naisip niya tuloy
kung anong magiging reaksyon ng mga ito pagnalaman ng mga ito
ang tungkol sa kanila ni Xenon.
“Madami akong ikukwento sa inyo ni Papa, don’t worry.”
“Basta, make sure na hindi yan kalokohan dahil talagang
mamumuti ang buhok namin ng papa mo.”
“Opo, ayaw ko pa naman din makalbo si Papa.”
“O siya sige, better come back soon, hmm?”
“Okay, Ma, I love you. Pasabi na rink ay Papa.”
“Bye. We love you, too.”
“Bye.” Ibinaba na niya ang telepono. Sandaling nag-isip ng
maaring gawin sa araw na iyon para hindi masyadong mabagot.
Napagpasyahan na lang niyang linisin ang buong bahay.
Pagdating ng hapon, nagulat pa siya ng dumating sa bahay
ang isa sa triplets.
“Sino ka?” Ang unang tanong na pumasok sa isip niya.
Ngumiti naman ito.
“Rander.” May iniabot ito sa kanya na malaking kahon.
“Ano ‘to?” Nagtatakang tanong niya.
“Hindi ko din alam e. Tingnan mo na lang. Sige.” Tumalilis
na ito. Pumasok siya sa loob at sinipat-sipat ang gilid ng kahon. Baka
bomba ‘to? O kaya naman mga ahas? Hindi kaya ginugoodtime na
naman ako ng mga iyon? She slowly open the box and she was
greeted by the beautiful dress inside it. Kinuha niya iyon at
tiningnan ang kabuuan. It was a knee level dress with the
combination of color yellow and a black belt and ribbon at the back
that is meant to be tied. Gusto niyang humanga sa ganda ng damit
na iyon. Simple lang kasi ito. Kahit naman hindi siya mahilig magsuot
ng ganoong klase ng kasuotan ay marunong din naman siya
umappreciate ng ganda nito. May nakita pa siyang note sa loob. I’ll
meet you at the Racer’s Verandah at exactly 7PM. See you!:),
Xenon—the note reads. Parang gusto niyang magtatalon sa sobrang
excitement na nadarama. Anong meron at may ganoon pang drama
ito? Hindi na niya sinagot ang tanong at kinalma na lang ang sarili.
Nag-iimagine na agad siya ng mga bagay na maaaring
mangyari mamaya. Pakiramdam niya tuloy ay para na siyang baliw
na kung ano-anong iniisip.
Sure ka na ba talaga sa isang yun? Tanong ng isang bahagi
ng isip niya.
Bakit naman?
Bahala ka. Ikaw din.
Ibiniling-biling na lang niya ang ulo para maalog iyon at
mawala na ang mga isiping bumabagabag sa kanya. “Bakit ko ba
kinakausap ang sarili ko?” napabuntung-hininga na lang siya.
****
Pagdating ng hapon, hindi na niya maitago ang pananabik.
Simula talaga ng dumating siya sa lugar na iyon, maraming mga
bagay na bago sa kanya ang nararamdaman niya. Pero nag maganda
dun, enjoy naman niya. Naghanda na siya para sa dinner nila. Naligo
na siya. Iniisip pa niya kung magmemake-up siya o ano. Natigil ang
isipin niyang iyon ng may bigla na namang dumating na tao. Hindi
ba sila marunong kumatok? Sinilip niya kung sino iyon, magtatago
pa nga sana siya pero huli na dahil nakita na siya nito.
“Zenielle, right?” tanong ng maliit pero magandang babae
na bagong dating. Tumango lang siya at hindi na nagtanong kung
bakit siya kilala nito. “I’m Marlene Maurice but you can call me
Mauri, younger sister ako ni Kuya Xenon, and I’m here to make
you shine!” Masayang sabi nito sa kanya. The lady looks really weird
but jolly.
“Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan niyang tanong.
“A, basta. Halika na at aayusan pa kita.” Hinila na siya nito
sa isang kwarto at inilatag ang mga dalang gamit. Kung ano-anong
gamit ang kunha nito sa isa mga box na iyon na mga pangmake-up
siguro. “Alam mo sabi ni kuya, wag daw kitang gagawing weird,
kulang na nga lang batukan ko yun. Akalain mo ba naman walang
tiwala sa talent ko?” pagmamaktol nito habang sinisimulang ng
maglalagay ng kung ano-ano sa mukha niya. Hindi naman niya
masagot ito dahil natatakot siyang malagyan ng powder ang bibig
niya.
“At eto pa, hindi mo na daw ako kailangan kasi you’re too
much, “ tumigil ito, “Anyways, tama naman siya. Maganda ka nga
naman pero mas maganda pa rin ako, no offense meant.” Natawa
naman siya rito. Kakaiba kasi ang kadaldalan nito. Hindi nakakainis
na tulad ng ibang kumakausap sa kanya na gusto na niyang busalan
ang bibig matigil lang. “Open you’re eyes.” May nilagay ito sa mga
pilik-mata naman niya na inipit muna nito na hindi niya alam kung
anong tawag. Isinunod naman nito ang gilid ng mga mata niya na
ngali-ngaling na niyang batukan ito dahil mangiyak-ngiyak siya
habang sinusulatan iyon. “Okay! Perfect! Ay teka, wait, hindi pa
tapos.” Buhok naman niya ang pinagdiskitahan nito. Matagal nito
bago natapos iyon at aamin niyang inip na inip na talaga siya. Saka
lang siya nakahinga ng ayos ng matapos ito at iharap siya sa salamin.
Muntik pa niyang hindi makilala ang sarili. Bukod sa make-up na
nilagay nito sa kanya, nanibago naman siya sa buhok niyang kinulot
nito.
“Anong ginawa mo sa’kin?” Aniya na kinukutingting ang
sala-salabid na buhok. Tinapik naman nito ang kamay niya.
“Style yan. Magbihis ka na, dali, excited na ‘ko makita ang
itsura mo pagsuot mo na ang damit na yun, and mind you, ako ang
pumili non.” Pagmamalaki nito sa kanya.
“O sige na. Magbibihis na.” Lumabas na ito ng kwarto at
siya naman ay isinuot na ang dress. Medyo naaasiwa pa siya noong
una hanggang sa medyo nasanay na rin siya. Nagulat pa siya ng
biglang pumasok si Mauri.
“O My God! Ang ganda mo ‘teh!” Eksaheradong sabi pa
nito. Dali-daling lumapit ito sa mga gamit na nasa lamesa at may
kinuha roon. She offered the 5 inches pumps to her; it was color
black with a small ribbon on top.
“Niloloko mo ba ko?” How can she wear a shoes like that?
“Ha? Bakit?”
“E ang taas taas niyan, gusto mo ba ‘kong mabangasan?”
“Sus, kayang-kaya mo yan. Sisiw!”
“A, basta. Hindi ako magsusuot niya.” Humalukipkip pa siya
rito. Hindi pa siya nahihibang para ibuwis ang buhay niya sa sapatos
na ngayon lang siya nakakita. Umiling-iling na lang ito.
“Hay, sabi ko na nga ba e. Buti na lang may reserba ako
dito.” May bago itong kinuha. Hindi tulad ng nauna, mas mababa na
ito. “Okay?” Nag-isip muna siya.
“Pwede na yan.” Isinuot na niya iyon. Tumuwid na siya ng
tayo at sinipat pa ang sarili sa salamin.
“Okay na yan. Halika na!” Hinila naman siya nito palabas.
Saka lang niya napansin ang dala nitong kotse. Tiningnan nito ang
direksyong tinitingnan niya. “Hindi yan akin, pahiram ni kuya, bata
pa daw kasi ako para magkaroon ng sariling sasakyan.” Pinasakay
na siya nito sa kotse. Maya-maya pa’y binabagtas na nila ang daan
papunta sa Racer’s Verandah.
“Pa’no kayo nagkakilala ni kuya? Pinikot ka ba niya? O
pinuwersa?” Pabirong tanong nito sa kanya.
“Nagkaroon kasi ako ng utang na loob sa kuya mo,
binabayaran ko lang.”
“Really? Nagpauto ka naman dun.”
“Siguro. Ikaw? Bakit mo ‘ko kilala?” Nilingon siya nito at
ibinalik na uli ang tingin sa daan.
“Sa tuwing magkikita ba naman kami e ikaw na lang lagi
ang bukambibig, paghindi pa kita nakilala, ewan ko na lang.”
Ikinukwento siya ni Xenon rito?
“Kundi ko lang alam puro pula sinasabi non.”
“Kung alam mo lang, binging-bingi na nga ako e. Kesyo si
Zenielle ganito, ganyan, hay naku. Ngali-ngali ko ng batukan.”
Tinawanan niya na lang ito. Marami pa silang napag-usapan at hindi
lang iisang beses na gusto niyang tumalon sa tuwa dahil sa mga
sinabi nito. Lalo na siguro siyang napamahal sa lalaking iyon. Wag
lang sana siyang sasaktan nito dahil baka hindi niya kayanin.
“Andito na tayo.” Sabay pa silang bumaba ng kotse. Napansin
niyang madilim ang loob ng verandah.
“Bakit parang walang tao?” tanong niya rito.
Nakakapagtaka dahil ni isang ingay ay wala siyang naririnig mula sa
loob. “Tama ba ang lugar na pinuntahan natin?”
“Tama yan. Tara!” Umangkla ito sa mga braso niya. Kasabay
ng pagbukas nila ng pinto ang pagkabuhay ng mga ilaw.
“Belated happy birthday!” Salubong sa kanila ng mga tao
roon. Parang gusto niyang maiyak. Noon lang siya nasorpresa ng
ganoon. Idagdag pa na hindi naman niya masyadong kilala pa ang
mga tao roon, pero nag-effort pa rin ang mga ito. Agad na lumapit
sa kanya si Xenon. Iniwan na siya ni Mauri.
“Surprise.” He greeted her with a loving hug. Na tinugon
naman niya. ”You look gorgeously beautiful.”
“Redundant na.” Biro niya rito.
“Kulang pa yun.” Iginiya siya nito palapit sa mga kasamahan
nito. Halos lahat ay maya’t-maya siya binabati ng mga
nakakasalamuha niya. All along ay nasa tabi lang niya si Xenon.
Nang mabigyan sila ng pagkakataon na makapagsarilinan ay dinala
siya nito sa may balkonahe.
“Ang tagal ng tapos ng birthday ko, nag-abala ka pa.”
“Gusto kong i-celebrate ngayon at saka huli na rin ng
malaman nila. Gusto ko sana tayo lang dalawa e, wala, nalaman
din nila kaya tumulong na lang din ako.” Hinawakan nito ang
kamay niya. Hinarap niya naman ito.
“Salamat ha.”
“Hindi pa tapos nagpapasalamat ka na.” Kagyat na
binitawan nito ang kamay niya at may kinuha sa bulsa. A bracelet.
Inabot nito ang kanan niyang kamay at isinuot iyon sa kanya. “Wag
mong iwawala yan.” Pinagmasdan naman niya iyon. It was a
beautiful bracelet. May mga palawit itong buwan at bituin. Nilikot-
likot niya iyon at hindi pa nasihanan at pinakalansing pa iyon.
“Salamat uli.”
“Pa’no ba yan? Hindi ako tumatanggap ng salamat lang e.”
Nilingon niya ito at hindi na mapugto ang ngiti nito.
“Manyak!”
“Bakit? Anong sinabi ko?”
“Wala.” She gave him a kiss on the cheeks. She felt like she
was blushing.
“Ang pula mo na naman.” Hinaplos nito ang pisngi niya. She
knew he was going to kiss her so she waited for his lips to touch
hers but it never happened because his phone rang. Nagpaalam
muna ito at lumayo sa kanya bago sagutin ang telepono. Hindi niya
mapigilan ang maintriga sa kung sino ang tumawag na iyon pero
hindi na lang din siya nagtanong. Nang matapos itong makipag-usap
ay lumapit ito sa kanya.
“Can you wait for me here? May kailangan lang akong
kausapin.”
“Sino?”
“A…my business partner.” Mahahalata rito ang
pagkabalisa. Gusto niya sanang itanong rito kung anong
bumabagabag rito pero tumango na lang siya at hinayaan na itong
umalis. “I’ll be back soon.” Sabi pa nito bago nawala sa paningin
niya. She just stared at the night sky and tried to count the stars but
she can’t help but think about the caller of Xenon. May kakaiba kasi
siyang nararamdaman na dahilan kung bakit hindi na siya mapakali.
Ayaw naman niyang mag-isip ng masama tungkol rito. Sumandal
siya sa bakal na rehas roon at pilit sumagap ng sariwang hangin sa
pag-aakalang malilinis ang mga isipin niya. Sinubukan na rin niya na
magbilang ng mga imaginary tupa para hindi siya mainip. Pero ni isa
sa mga iyon ay hindi nakatulong. Napagpasyahan na lang niyang
pumunta muna sa restroom. Binagtas niya ang madilim na pasilyo
roon. Hindi naman siya matatakutin pero kung ano-anong
naiimagine niya habang mag-isang naglalakad roon. Muntik pa
siyang mapasigaw ng makarinig ng mga boses na waring nag-uusap.
Marahan niyang sinilip kung sino ang mga iyon. Nakilala niya agad si
Xenon at may kausap itong babae na mukhang pamilyar sa kanya.
Nanatili lang siyang nakasilip roon. Hindi niya ugali ang makinig sa
pag-uusap ng iba pero nacurious na rin siya sa pinag-uusapan ng
dalawa.
“Let’s start again, Xenon. I came back for you.” Sabi ng
babae.
“Sabrina, you had your chance but you just threw it away.”
Hindi niya makita ang ekspresyon ni Xenon dahil nakatalikod ito sa
kanya.
“Pwede naman nating kalimutan yun at magsimula ng
bago diba?”
“Hindi na tayo gaya ng dati. Ikaw ang unang nang-iwan
kaya sana naisip mo kung may maaari ka pang balikan.”
“Why are you making things difficult for the two of us?”
“As far as I can remember, there is no ‘us’ since the day
you chose another man instead of me.” Nagmakaawa na ang babae
rito.
“Xenon, please, I’m sorry for what I did. Pinagsisisihan ko
na mas pinili ko siya kaysa sayo. Nagkamali ako. Kaya ako bumalik
dito sa pilipinas dahil hindi ko kayang mahiwalay pa sayo.” Narinig
pa niya ang pauyam na pagtawa ng lalaki.
“It’s been two years, Sabrina. Sa tingin mo ba ako pa rin
ang tangang lalaki na nauto mo noon? Pwes, nagkakamali ka.”
Kinalas nito ang nakahawak na mga kamay ng babae sa braso nito.
“Kung wala ka ng sasabihin, makakaalis ka na.” Tinalikuran na nito
ang babae. Aalis na sana siya ng marinig niya ang sinabi ng babae.
“Dahil ba sa babaeng yun?” Nilingon ito ni Xenon. “Dahil ba
sa babaeng yun kaya hindi mo ‘ko mabalikan?” Hindi nito iyon
pinansin. “Alam kong ginamit mo lang siya para makalimutan ako,
o baka naman gusto mo lang makaganti sa’kin? Tama ba?”
Hinintay niyang sabihin nito na hindi totoo ang ibinibintang ng
babae pero taliwas sa inaakala niya ang sinabi nito. Binalikan nito
ang babae at walang sere-seremonyang hinalikan ito.
“Oo! Ginamit ko nga siya dahil hanggang ngayon
nasasaktan pa rin ako sa tuwing maiisip ko na ipinagpalit mo lang
ako sa iba samantalang ako minahal ka ng sobra-sobra! Ginamit ko
nga ang babaeng sinasabi mo! Ano? Masaya ka na?” A thing from
her eyes fell right after he said those words. Bakit nga ba hindi niya
naisip iyon noong una pa lang? Bakit ba hindi niya napansin na lahat
ng ginagawa nito ay ginagawa lang nito dahil may gusto itong
makuha sa kanya? Hindi niya akalain na magagawa nito iyon sa
kanya, pero bakit ba siya agad nagtiwala rito? Kung tutuusin ay hindi
pa sila matagal na magkakilala. Halo-halong damdamin ang
nararamdaman niya ng mga panahong iyon. Napapitlag siya ng may
humawak sa mga balikat niya.
“Uy, Zenielle! Kanina ka pa namin—Anong nangyari?”
Hindi na niya pinansin ito at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.
Gusto niyang sisihin ang sarili dahil nagpauto siya rito. Na madali
siyang napaniwala nito sa mga hinabi nitong kasinungalingan.
Patuloy lang sa pagpatak ang mga maiinit na likidong iyon sa mga
mata niya.
“Dahil ba sa babaeng yun?” Nilingon ito ni Xenon. “Dahil ba
sa babaeng yun kaya hindi mo ‘ko mabalikan?” Hindi niya iyon
pinansin. Akala siguro nito ay babalik siya rito. Nagkakamali ito dahil
iba na ang sitwasyon nila ngayon. Hangga’t maaari ay gusto na
niyang umiwas sa gulo. Matagal na niyang ibinaon sa limot ang mga
pinagsamahan nila kaya bakit bumalik pa ito? “Alam kong ginamit
mo lang siya para makalimutan ako, o baka naman gusto mo lang
makaganti sa’kin? Tama ba?” Nagpanting na ang tenga niya sa
narinig. Hindi ba ito marunong makaintindi? Para matigil na ito ay
walang sabi-sabi niyang hinalikan ito at sinabi ang mga salita na
siguradong makapagpapatigil rito.
“Oo! Ginamit ko nga siya dahil hanggang ngayon
nasasaktan pa rin ako sa tuwing maiisip ko na ipinagpalit mo lang
ako sa iba samantalang ako minahal ka ng sobra-sobra! Ginamit ko
nga ang babaeng sinasabi mo! Ano? Masaya ka na?” Galit na galit
niyang turan rito. Kita niya ang pagsilay ng ngiti nito na hindi rin
naman nagtagal dahil sa mga sunod niyang sinabi. “Yan ba ang
gusto mong marinig mula sa’kin? O ayan, sinabi ko na.”
Dumistansya siya rito. “Pero gusto kong malaman mo, na nandahil
din sa babaeng yun, natuto akong magtiwala at magmahal muli.
Siguro dapat rin akong magpasalamat sa pag-alis mo dahil kundi
ka umalis, baka hindi ko siya nakilala at nagpapakatanga pa rin
ako sayo ngayon. So don’t try to compare yourself to her because
she’s way better than you.” Tinalikuran na niya ito.
“Xenon…” Tumigil siya.
“And one more thing you must understand, I admit that I
used her but that’s for my own sake. Dahil hindi ko kakayanin
kung mawawala siya sa’kin. I hope we’re clear on that.” Namataan
niya sa labas ang isa sa mga triplets.
“Kanina ka pa dito?” Aniya.
“Nope, mas matagal siguro si Zenielle. Nagulat pa nga ako
nung bigla na lang siya tumakbo palayo. Anon—“
“Damn it!” Nagmamadaling tinahak niya ang madilim na
pasilyo na iyon para maabutan si Zenielle. Ramdam niya ang
pamumutla habang patuloy siyang tumatakbo. Ngayon lang siya
kinabahan ng ganito at sa pagkakataong iyon, bumangon sa kanya
ang takot. I need to explain, ang unang bagay na naisip niya. Nakita
naman niya ito agad at tinawag. Hindi ito lumilingon sa kanya kaya
mas binilisan niya ang pagtakbo hanggang sa maabutan niya ito.
“Zenielle!” Narinig niyang malakas na pagtawag sa kanya ng
pamilyar na boses na iyon kaya mas lalo niyang binilisan ang
paglalakad. Kung tutuusin ay lakad-takbo na ang ginawa niya para
hindi siya maabutan nito pero mas mabilis pa rin talaga ang mga
lalaki.
“Zenielle, let me explain.” Pilit niyang tinatanggal ang
kamay nitong nakahawak sa kanya pero mahigpit ang
pagkakahawak nito na wala talaga siyang balak pakawalan.
“Makinig ka muna sa’kin.” Patuloy lang siya sa pagpupumiglas rito.
Pinipilit niya ang sarili ‘wag ng pakinggan ang anumang sasabihin
nito. “Zenielle, hin—“ Hinarap niya ito at tiningnan sa mga mata.
“Sa pangalawang beses, gusto kong marinig ang sagot
mula sayo. Ginamit mo lang ba ako?” Hindi agad ito nakasagot.
Nauubos na ang pasensya niya rito. “Ginamit mo lang ba ‘ko? Ano
bang mahirap sa tanong na yun? Oo at hindi lang ang isasagot
mo!” Matagal bago ito nakasagot at gusto na niyang suntukin ito
dahil sa isinagot nito pero pinigilan niya lang ang sarili.
“Oo pero—“
“Bitiwan mo ‘ko.” Ang unang salita na lumabas mula sa mga
labi niya.
“Zenielle…”
“Bitiwan mo sabi ako!” Pasigaw niyang sabi rito. Binitawan
nito ang kamay niya at tumungo.
“I’m sorry.” Tanging nasabi nito na siyang lalong ikinagalit
niya.
“Bakit ka nagsosorry? Ano bang kasalanan mo?” Gusto na
niyang maiyak pero pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang
makita siya nito.
“I’m sorry. Sorry, hindi ko dapat ginawa yun.”
“Ang alin? Yung paggamit sa’kin para sa pansarili mong
kapakanan? Oo, hindi mo dapat ginawa yun, hambog ka!”
Tinalikuran na niya ito dahil ayaw na niyang makagawa pa ng mga
bagay na ikasasama niya. Pero sumunod pa rin ito.
“Let me explain my side.” Hinarap niya ito at walang
pagsidlan ang galit na nadarama niya makita pa lang niya ang
mukhang iyon na minahal niya ng sobra-sobra.
“Let you explain? Ano pa bang hindi ko naiintindihan? Ano
pa! Hindi ka pa ba talaga Masaya sa mga nasabi mo? Hindi ka pa
ba kuntento na nakapanakit ka ng tao? Ano pa bang gusto mo?
Ano pa ba! Nagamit mo na ‘ko, hindi pa ba sapat yun? Hindi pa
ba? Ha? Hindi pa ba?” Tuloy-tuloy na namalisbis ang luhang kanina
pa niyang kinikimkim. Akma nitong hahaplusin ang mga pisngi ng
lumayo agad siya rito. Hindi ito nagsalita. “Alam mo ba na lahat ng
sinasabi mo noon, pinaniniwalaan ko? Na kahit hindi ako sigurado
kung totoo ba ang mga yun, naniwala ako? Hanga rin ako sayo!
Ang galing mo! Ang galing mo dahil napagmukha mo ‘kong tanga
sa sarili ko at sa harap ng maraming tao.”
“Totoo lahat ng sinabi ko sayo.”
“Oo, kaya mo nga ako nauto diba? Kung sinabi mo lang
sa’kin na gusto mong makaganti, tutulungan naman kita e. hindi
yung inuto mo pa ‘ko, niloko mo ‘ko! Hindi mo man lang ako
binigyan ng konsiderasyon! Bakit mo hinayaang umabot ako sa
ganito?” Napansin naman niya ang bracelet na ibinigay nito sa
kanya. Pinilit niyang tanggalin iyon. “Napamakasarili mo! You
should’ve said that you like me! You should’ve hugged me! You
should’ve kissed me. You should’ve make me feel that I’m special
for you and give me the reason to deeply fall for you, you
bastard!” Nang hindi pa rin matanggal ang bracelet ay hinila na niya
iyon hanggang sa malagot. Naputol ito ngunit nasugatan naman siya
at kitang-kita niya ang paglabas ng dugo roon. Lalapitan sana siya ni
Xenon pero pinigilan niya ito. “Wag mo ng tatangkaing lumapit
sa’kin. Galos lang ‘to at kayo kong indahin ‘to kumpara sa sakit na
nararamdaman ko ngayon. Simula sa araw na ito, hindi na tayo
magkakilala at kakalimutan ko ng nakilala ko ang isang katulad
mo. Ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo kahit pa ang anino
mo.” Tinalikuran niya ito. Tinakpan na lang niya ang bibig niya para
hindi makawala ang hikbi niya. Hangga’t maaari tama ng nakita
nitong umiyak siya. Hindi na niya hahayaan pang makita nito ang
kamiserablehan niya.
Patuloy lang siya sa paglalakad na hindi alam kung saan ang
patutunguhan. Ganito pala talaga ang pakiramdam ng nagmamahal,
kung gaano ka kasaya sa simula, mas higit pa ang sakit na
nararamdaman mo pagnasaktan ka. Dapat pala hindi na lang siya
natutong magmahal, ‘di sinsana ay hindi siya nasasaktan ng ganito.
“Zenielle.” Narinig niyang tawag sa kanya ng isang tao.
Nilingon niya iyon. “Ihahatid ka na namin.” Hindi na siya tumanggi
pa dahil gustong-gusto na talaga niyang makaalis pa sa lugar na yun.
Patuloy pa rin siya sa tahimik na pag-iyak habang byahe.
“You know, hindi naman talaga yun sinadya ni Xe—“
“Kung tungkol lang sa kanya ang sasabihin mo, mas
mabuting wag ka na lang magsalita dahil baka madamay ka lang sa
galit ko.” Nagkibit-balikat na lang ito. Mula sa gabing iyon,
ipinangako niya sa sarili niyang hinding-hindi na siya babalik pa sa
lugar na yun.
CHAPTER 6
“Bert, paabot nga niyang katala dyan.” Sabi ni Zenielle sa
isa sa mga tauhan niya. Kasalukuyang siya nagkukumpuni ng makina
ng kotse na iyon. Nasa ilalim siya ng kotseng iyon. A week or two
sinimulan na niyang kalimutan ang lahat ng nangyaring hindi
maganda sa kanya. Simula ng umalis siya sa isla, iniwan na niya rin
roon lahat ng mga bagay na ayaw na niyang maalala pagbalik niya sa
dati niyang buhay. Ilang minuto pa ay walang screwdriver na
dumadating. Isang beses pa niyang tinawag ito dahil ito lang ang
malapit sa kanya. Pero para lang siyang tumawag ng ibon. Pinaslide
niya ang kinahihigaang tabla para makalabas. Aalamin niya ang
nangyayari sa labas at kung bakit walang tumutugon sa kanya.
“Bert, nasa—shane?” Nagulat pa siya ng makita ang lalaking
dalawang beses lang niyang nakasalamuha sa tanang buhay niya.
Kausap ito ni bert at ng iba pa niyang tauhan. Ano namang
ginagawa nito rito? Tanong niya sa sarili. Lumapit siya sa kumpulan
ng mga ito. Napansin naman niya ang paghagod sa kanya ng tingin
ni Shane. Nakasuot lang naman siya ng all-over-jamper na hindi
nakasara ang isa sa mga butones. Nakatali ang buhok na nakawala
na ang ilang hibla. Nakarubber shoes at may mumunting grasa na sa
maputi niyang mukha sa palagay niya. “Anong sadya natin?” Hindi
na niya pinansin ang paraan ng pagtingin nito sa kanya.
“A…” Tumikhim ito sandali bago nagsalita, “May
pinuntahan lang akong kaibigan diyan sa tapat na ospital tapos
nalaman ko nga na dito lang pala ang shop mo kaya dumaan na rin
ako.” Tumango lang siya. “May dala nga pala akong frappe, sabi ng
mama mo, paborito mo daw yan.” Iniabot naman nito ang dala-
dalang paper bag. Sunod-sunod na nagtikhiman ang mga tauhan
niya. Nilingon niya lang ang mga ito at ngumiti.
“Naku, pasensya na ha. Hindi kasi ako umiinom ng mag-
isa,” saglit niyang nilingon ang mga tauhan na hanggang tenga na
ang ngiti, “Kaya…” Hindi naman itinago ng lalaki ang ngiti.
“Okay, total naman lunchbreak na. Why don’t we eat
together, I mean, all together.” Tukoy nito sa kanilang lahat. “My
treat.”
“Sabi ko sayo bert e.”
“E ako kaya ang unang nakakita dyan.”
“Mga sipsip kayo boy!” Sinaway na niya ang mga ito sa
pagdadaldalan.
“O ano? Sasama ba tayo?” Tanong niya. Nagkatinginan pa
ang mga ito tapos bumalik ang tingin sa kanya.
“Kayo ang bahala, boss.” Nahihiya pang sabi ng mga ito.
“Tara na.” Pagyaya niya sa mga ito na tuluyan ng
nagliwanag ang mukha. Nilingon naman niya si Shane na
napapangiti na lang sa kanila.
****
Tahimik lang silang kumakain sa isa sa mga karendirya na
pinagdalhan niya rito. Nagulat pa nga ito pero hindi na lang
nagsalita. Hindi kasi siya ang tipo na mahilig kumain sa mga
mamahaling restaurant na halos pareho lang rin ang lasa ng pagkain
sa mga simpleng kainan na gaya noon. Magana namang kumain ang
mga tauhan niya kaya hindi na masyado niya pinuna ang mga ito.
“Balita ko nagbakasyon ka daw?” Saglit siyang napatigil sa
pagsubo at kagyat na nilingon ito. Tinapos muna niyang nguyain ang
pagkain sinagot niya ito.
“A, oo. Pero mainly ay trabaho rin ang ipinunta ko roon.”
Nga ba? Hindi niya pinansin ang isang bahagi ng isip niyang iyon.
“Nga pala, gusto ko sanang humingi ng pasensya tungkol sa
nakaraang… alam mo na.”
“When you’re boyfriend—“
“And I want to say sorry also for that, he’s not my
boyfriend. I only say that just to get rid of you.” Halatang
naguluhan ito sa sinabi niya kaya nilinaw niya ang ibigsabihin niya.
“What I mean is, pa’no ko ba sasabihin ‘to,? Ganito—“
“Hindi mo ako masyadong kilala kaya hangga’t maaari ay
ayaw mo akong makasalamuha? Is that it?” Nag-isip siya ng konti.
“Sort of.” Humalumbaba naman ito sa harap niya.
“So, how long did you know Xenon?” Nadulas sa mga
kamay niya ang kubyertos na hawak.
“Ha?”
“Xenon? The one you told me that you’re boyfriend?”
“A… Hindi ko siya kilala. How did you know him?”
“Unfortunately, he’s my bestfriend.” Natatawa pa nitong
sabi. Parang gusto niyang tuktukan ang lalaking ito sa pakikipag-
kaibigan sa lalaking nanakit sa kanya pero bakit naman? Wala pa
man siya, magkaibigan na ang mga ito. “Siya yung sinabi ko sayong
pinuntahan ko.”
“Hmm.” Pagsang-ayon na lang niya rito. Ayaw na niyang
pag-usapan pa ang lalaking iyon. “So…itutuloy mo pa ba ang
kasunduan ng mga ama natin?” Mukhang hindi pa nito
naintindihan ang sinabi niya gayong tagalong naman iyon. “The
marriage thing?” Winagayway pa niya sa harap nito ang kutsarang
hawak.
“It depends.”
“Ha?”
“Depende kong gusto mo pa ring ituloy, ayos lang naman
sa’kin.”
“You know, wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay
kaya bakit hindi muna tayo maging friends na lang,” sumubo uli
siya ng isang kutsarang kanin, “Tingin mo?” Aniya habang
nginunguya iyon. Sa halip na sumagot ay kumuha lang ito ng tissue
at pinunasan ang gilid ng labi niya na ikinagulat na lang niya. Narinig
pa niyang eksaheradong nag-ubuhan ang mga kasama niya. Bingiyan
niya lang ang mga ito ng masamang tingin at ibinalik na ang
paningin sa lalaki. Kumuha na lang siya ng sariling tissue at siya na
mismo ang nagpunas ng amos niya.
“Okay lang rin sa’kin. So, we’re friends now?” Inilahad nito
ang kamay sa kanya. Tinanggap naman niya iyon. Madali naman
siyang kausap, friends kung friends.
“Friends.” Aniya. Makilatis nga ang isang ito,
pagnagustuhan ko baka pumayag ako sa kasal na yan.
****
It was late evening when she decided to close the shop.
Wala kasing stable pang schedule na pagsasara ang shop niya. Kung
kailan lang niya maisipan. Pinagligpit na niya ang mga tauhan niya at
nagpalit naman siya ng damit. Syempre, ayaw na naman niyang
mapagalitan pagadating sa bahay. Naalala pa niya ang reaksyon ng
mga ito ng umuwi siyang kadungisang-kadungisan dahil nalimutan
niyang maglinis muna ng sarili bago umuwi. Tone-toneladang
sermon ang inabot niya sa mga ito. Napatawa naman siya sa isiping
iyon.
“Anong meron kay boss ngayon?”
“Aba, ewan ko.”
“Baka tinamaan doon kay cane.”
“Tanga! Gray!”
“Ang bobo! James!” Ngali-ngaling humalakhak siya ng tawa
sa mga ito. Kung makapagmurahan, akala mo’y mga tama
samantalang ni isa ay walang tumama sa mga ito.
“Baka Shane.” Sabi niya. Napakamot na lang ang mga ito sa
kanya-kanyang ulo at natawa sa mga sarili nila. “Tayo na ngang
umuwi.” Pag-aya niya sa mga ito. Nagulat pa sila ng may
pumaradang itim na kotse sa harap ng talyer nila. Inakala niyang si
Shane ito dahil nag-alok ito kanina na susunduin siya na tinanggihan
niya. Kakatukin na sana niya ang bintana ng kotse ng bumaba na ang
nagmamay-ari noon. Gusto na niyang tumakbo sa pinakamalapit na
taguan kung saan hindi na niya kailanman makikita ang lalaking
iyon.
“Ser, magpapaayos po ba kayo ng kotse? Sarado na po
kami e. Balik na lang kayo bukas.”
“Oo nga po. Pramis, gagawin namin yan.” Hindi niya
maiwasang titigan ito. It’s been 2 weeks since she’d seen him. Akala
niya wala na pero heto at bumabalik na naman ang parehong
damdaming iyon na inakala niyang natago na sa pinakamalalim na
bahagi ng puso niya. Sinaway niya ang sarili sa muling pagpantasya
rito. Hindi na niya dapat ginagawa iyon kung ayaw niya uling
masaktan at malulong na naman sa kahibangang minsan na niyang
isinumpa.
“Zenielle.” There he goes again, calling her name as if she
really is special. Kung hindi lang kasalanan ang manakit, baka
nabugbog na niya ito. Nag-iwas na siya ng tingin rito at inaya na ang
mga tauhan para umalis.
“Boss—“
“Gabi na. Umuwi na tayo. Kung ayaw pa ninyo, uuna na
‘ko. Bahala na kayo riyan.” Nagmamadali siyang naglakad palayo at
nagdarasal na ‘wag na sana itong sumunod dahil baka kung ano
pang hindi maganda ang magawa niya. Dali-daling pinara niya ang
unang taxi na dumaan sa harap niya at sumakay na roon. Nagkamali
na siya noong una kaya hangga’t kaya niya, pipilitin niyang hindi na
muling mangyari iyon. Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng
makarating sa bahay nila. Marahil tulog na ang mga magulang niya
dahil patay na ang mga ilaw. Dumiretso na siya sa kwarto niya at
nagbihis ng pantulog. Humiga siya at tumingin sa kisame. Heto na
naman siya at hindi na naman makakatulog. Ginawa na lang niya uli
ang nakasanayan na niyang pampatulog, ang making sa mga ingay
ng kuliglig. Nasubukan na rin niyang magbilang ng imaginary tupa
pero kakaiba ata ang gabing iyon. Hindi tumalab ang mga
techniques niya. Nagpagulong-gulong na lang siya sa kama at baka
sakaling mapagod siya at makatulog na. Napaiktad pa siya ng
tumunog ang phone niya. Kinuha niya iyon at tiningnan kung sino
ang nagtext. Unregistered number.
I really miss you, the text reads. Inisip niya kung kanino
pwedeng manggaling iyon at isang tao lang ang pumasok sa isip
niya. Pinatay niya ang telepono.
“Miss mo ‘ko? Gusto mo talagang mabugbog ano? Hindi
mo ba alam na hanggang ngayon hindi ‘ko pa rin makalimutan ang
atraso mo sa’kin? Ha? Alam mo yun?” Pinanggigilan niya ang unan
na kanina pa niyang nilalamutak. “Ayaw na ayaw ko ng makikita
ka! Naintindihan mo yun? ‘langya ka talaga!” Pinagsusuntok niya
ang pobreng unan. Kagyat niyang naalala ang sinabi ni Shane
kanina.
May pinuntahan lang akong kaibigan diyan sa tapat na
ospital…
Hindi naman kaya… ang kumag na yun ang may-ari ng
ospital na iyon? Hindi naman siguro.
Pinilit na lang uli niyang matulog kaysa isipin pa ang walang-
kwentang taong iyon. Nakatulog na siya sa panggigigil sa unan.
Maaga siyang nagising at gumayak na papuntang shop.
Pagbaba niya galing kwarto nagulat pa siya ng makita roon si Shane
na kausap ng mga magulang niya. Naramdaman yata ng mga ito ang
presensiya kaya lumingon sa direksyon niya.
“Anak, buti nakahanda ka na. Nagprisinta na si Shane na
ihatid ka sa trabaho mo.” Tuwang-tuwa pang sabi ng kanyang ina.
Lumapit na siya sa mga ito at nagtatakang tiningnan si Shane na
tumayo na rin.
“Ma, sa shop na lang po ako kakain at,” Nilingon niya uli
ang lalaki, “Tara na?” Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip
niya at pumayag siya pero kung anuman yun, bahala na. Nagpatiuna
na siya at sumunod naman ito sa kanya. Nang makasakay sila ng
kotse, agad niyang kinompronta ito.
“Ano ‘to?”
“Ha?”
“Bakit bigla ka na lang nanunundo?”
“Bawal ba?”
“Hindi naman. Bagong magkaibigan pa lang tayo at saka,
bakit may hated-hatid pa?”
“Don’t worry, it’s just a friendly ride and nothing else.”
Sandaling nilingon siya nito at ibinalik na rin ang tingin sa kalsada.
Hindi na siya nagtanong ulit pero hindi pa rin siya maniwala dito.
Tahimik na lang sila hanggang makarating sila sa shop. Kita niya ang
sabay-sabay ng pagtatayuan ng mga tauhan niya ng bumaba siya sa
kotse at pinagbuksan pa talaga siya ni Shane. Ngali-ngali niyang
suntukin ang mga ito dahil hindi niya gusto ang ipinahihiwatig ng
tingin ng mga ito.
“Is this your last?” tanong niya.
“Maybe not.” Pagtanggi nito.
“Inform me ng hindi ako nagugulat.” Natatawa niyang sabi.
“Copy. Can we have some coffee after your work?”
“Bakit?”
“Wala naman. Kung ayaw mo ok—“
“Wait for me then.” Iniwan na niya ito. Mabuti na rin siguro
ang makasalamuha siya ng ibang tao. Pero hindi ibigsabihin noon na
handa na siyang makipagdeal ulit sa mga lalaki.
E ano ba yang ginagawa mo ngayon? Tanong ng isip niya.
Ewan ko nga rin. Ang gulo e. Sa totoo lang, parang ang gaan
na agad ng loob niya kay Shane at yun ang hindi niya maintindihan.
Bakit parang bigla-bigla na lang?
“Boss, may naghahanap sa inyo rito kanina.” Salubong sa
kanya ng mga tauhan niya.
“Oo nga boss, babalik na lang daw siya.”
“Sino yun?”
“Martin Mendez daw e.” Nag-isip siya kung may kilalang
Martin Mendez pero inalog-alog na niya ang ulo, wala siyang
maalalang kakilala na may ganoong pangalan.
“Sigurado ba kayo? Sinabi ba ang pangalan ‘ko?”
Paninigurado pa niya.
“Naku boss, buong pangalan niyo alam.”
“Weh? Ano bang buong pangalan ‘ko?”
“Cielo Zenielle Marquez? Yun ang narinig namin e. Diba?”
Siniko pa nito ang katabi.
“Oo, yun nga.” Pagsang-ayon pa ng iba. Tiningnan niya lang
ang mga ito.
“Sus. Sige, trabaho na!” Nagsibalikan na ang mga ito sa
kanya-kanyang ginagawa bago siya dumating. Pumasok na muna
siya sa opisina para magpalit ng damit pantrabaho niya. Pagkatapos,
tsineck niya muna ang ilang mga resibo na noon lang niya nakita.
Hindi pa siya nagtatagal roon ng bigla namang pumasok ang isa sa
mga tauhan niya. Napahawak naman siya sa dibdib niya dala ng
pagkagulat.
“Kumatok ka naman, makakapasok ka rin naman.”
“Boss, bumalik na yung Martin?”
“Ha?”
“Nasa labas na. Hinahanap kayo.”
“Ano daw kailangan?”
“Hindi sinabi e. Gusto ata kayong makita.” Ngumiti pa ito
ng nakakaloko sa kanya. Tumayo siya sa kinauupuan at sumilip sa
bintana.
“Nasaan?”
“Nasa labas nga boss kaya labas ka na, hmm?” Lumabas na
ito. Sumunod naman siya rito. Pinagpagan niya ang damit at
ipinunas roon ang kamay. Pag-angat niya ng tingin, mukha naman ni
Xenon ang bumati sa kanya.
“Kamusta?” Napaatras naman siya. Nagpalinga-linga at
hinanap ang taong kanina pa nag-hihintay sa kanya. Lumingon siya
sa mga tauhan niya at tinanong ang mga ito.
“Nasaan yung Mr. Mendez?” Ngumuso lang ang mga ito.
Sinundan niya ang direksyon na nginungusuan ng mga ito at isa lang
ang kinapupuntahan noon. Tumingin siya sa lalaki sa harap niya.
“Hi, I’m Martin Xenon Mendez.” Inilahad nito ang kamay sa
harap nya. Hindi niya tinanggap iyon.
“Wala ako sa mood para makipaglokohan sayo. Anong
ginagawa mo rito?”
“Pinupuntahan ka.”
“Bakit? May nakalimutan ka bang kung anong gamit
sa’kin? Kung ganoon, wala akong natatandaan na may kinuha ako
sayo kaya makakaalis ka na.”
“Diyan ka nagkakamali.” Nagtatakang tiningnan niya ito.
“Yung puso ‘ko, nadala mo.” Rinig na rinig niya ang
pagpapalakpakan ng mga taong nakakakita sa kanila. Pasimple
niyang tinapakan ang paa ng lalaki.
“Wag mo ‘kong mauto-uto dahil hindi na yan gagana
sa’kin. Kung ayaw mong masaktan, umalis ka na rito sa teritoryo
ko.”
“Pero hindi pa ako nagtatagal—“
“Wala akong pakialam kaya bumalik ka na sa lungga mo.”
“Malapit lang naman ang lungga ko kaya pwede mo rin
akong ihatid.” Tinuro nito ang katapat na gusali at ngumiti sa kanya.
Lalo niyang diniinan ang pagkakatapak rito. Kitang-kita niya ang
pagngiwi nito na waring iniinda nito.
“Wala akong pakialam. Umalis ka na.” Tinalikuran na niya
ito. Ang kapal naman ng mukha nitong magpakita pa ulit sa kanya.
Matapos ng lahat ng ginawa nito. Bakit ba pare-pareho ang mga
lalaki? Napapakamanhid!
“Namiss kita!” narinig niya sigaw nito. Lalo namang
nagtilian ang mga tao roon. “Hihintayin kita rito!” Nagmamadali na
lang siya pumasok sa loob ng opisina niya at pabalibag na isinara
ang pinto niyon.
CHAPTER 7
Maghapong nasa loob lang ng opisina niya sa talyer si
Zenielle. Alam niyang hindi pa rin umaalis ang lalaki kaya tuloy
nagmukha siyang may pinagtataguan. Daig pa niya ang nagparehab
sa sitwasyon niya ngayon na hindi makalabas. Pinilit niyang abalahin
ang sarili sa pagkukutingting ng mga gamit na maaaring kutingtingin
sa loob. Pagdating ng hapon, napagpasyahan niyang lumabas na at
umuwi. Magbibilin na lang sana siya sa isa sa mga tauhan niya na
kasalukuyang nasa ilalim ng kotse nang dahan-dahan pa nitong
inislide ang table na kinahihigaan. Natitilihan siyang napamulagat sa
lalaking tinataguan niya kanina pang umaga. May hawak itong
screwdriver at napakarungis na na hindi naman nakabawas sa
kagandahang lalaki nito. Agad din naman niyang sinaway ang sarili
dahil sa huling sinabi.
“Uwi ka na? Hatid na kita.” Nagmamadali itong tumayo at
ipinunas ang mga kamay sa gilid ng pantalon nito. Nakangiti naman
uli itong bumaling sa kanya. Agad niyang nirendahan ang puso
niyang nagbabadyang magwala na naman makita pa lang ang ngiti
nito. Ibiniling-biling niya ang ulo para mawala ang kung anumang
naiisip niyang sa tingin niya ay ikasasama lang niya sa huli.
Nagmamadaling tinalikuran na niya ito at naglakad na palayo.
“Bakit ka ba nagpakita pa dito? Manhid ka ba talaga para
hindi maramdaman na ayaw na kitang makita. Sinusubukan ko na
ngang kalimutan ka tapos heto ka na naman at nagpapakita pa
sakin. Lalo lang tuloy akong nahihirapan e…” Mahina niyang sabi
habang naglalakad papunta sa sakayan.
“Dahil ayokong kalimutan mo ‘ko.” Nagulat pa siya ng
marinig ang tinig na iyon mula sa likuran niya. Hindi niya napansin
na nakasunod pala ito sa kanya. Tumigil siya at hinarap ito. Tumigil
rin naman ito sa paglalakad at ngumiti sa kanya. “Hatid na kita.”
Aba at may gana ka pang ngumiti sa’kin ha? Binigyan niya
ito ng ngiti na ngiwi naman ang kinalabasan.
“A. Yo. Ko.” Isang beses pang iniwan niya ito pero
nakasunod pa rin ito sa kanya. Ramdam niyang pinagtitinginan na
sila sa bawat kantong madaraanan nila. Nagtitimping hinarap niya
uli ito. “Bakit ka ba sunod ng sunod? Umuwi ka na nga sa inyo!”
“Ihahatid nga kita.” Hindi mapuknat ang pagkakangiti nito
na lalong nagpagandang-lalaki rito. Lalo lang siya tuloy nainis dahil
napansin niyang pinupuri na naman niya ito.
“Sinabi ko na ngang ayoko! Bakit ba ang kulit ng lahi mo?”
Pigil na pigil niya ang pagtaas ng boses. Dumarami na kasi ang tao sa
paligid nila na napapatingin.
“Ihahatid nga kasi kita.” Wala talaga siyang mapapala sa
pakikipag-usap sa isang ito. Nilantakan na niya lang ito ng talikod.
Binilisan niya ang lakad pero nakasunod pa rin ito sa kanya na
bumibilis na rin ang lakad. Sumabog na ang pasensya niya, ika nga
napuno na ang salop. Marahas siyang humarap rito para sigawan na
ito ng sakto namang pagharap niya ay sa dibdib nito siya tumama
kaya ang sementadong kalsadang iyon ang nakinabangan sa kanya.
Hindiniya alam kung tatayo o aanalisahin pa ang nangyaring
pagbagsak niya. Hindi agad siya nakahuma. Tiningala niya ang
lalaking nasa harap niya na halata ang pagpipigil tumawa. He
squatted in front of her and offered a hand. Binigyan niya lang ito ng
masamang tingin. Pinipilit naman niyang hind imaging marahas pero
talagang inuudyukan siya ng pagkakataon.
“Alisin mo yang kamay mo dyan kundi pipilipitin ko yan.”
Mahina niyang pagbabanta. Marahil ay hindi na nito nakayanan ang
pagpipigil ng tawa kaya humalakhak na ito. Sa una ay naiinis siya
dahil ginawa nitong katawa-tawa ang nangyari sa kanya hanggang
sa naging parang tinig na ng isang anghel ang tawa nitong iyon.
Wala na siyang nagawa kundi ang panoorin at pakinggan na lang ito.
Daig pa niya ang nangangarap ng mga panahong iyon. Waring
nakalimutan niya lahat ang nangyari sa pagitan nila at isinantabi na
lang niya ang mga bagay iyon para lang marinig ito. Maya-maya ay
napansin niyang napapalibutan na sila ng maraming tao. Bigla niya
na lang naitulak ito at nagmamadaling tumayo.
“Wag mo na uli akong susundan kundi babaliin ko na yang
mga paa mo.” Pagbabanta niya rito bago niya tuluyang iniwan ito.
Muli niyang binalikan ang reaksyong nangyari sa kanya kanina. Akala
ba niya ay galit siya rito? Bakit parang naging walang-kwentang
bagay na lang sa kanya ang galit na iyon ng marinig niya ang tawa
nito? Hindi niya napaghandaan ang pangyayaring iyon. Muntik na
siyang mahulog na naman rito.
Correction, matagal ka nang nahulog sa kanya noh. Sabi ng
isang bahagi ng isip niya. Oo nga pala, tama ito. Ang tanging
magagawa na nga lang pala niya ay kalimutan ang damdamin para
rito na kahit anong gawin niya ay hindi mawala-wala. Sakay na siya
ng taxi ng magring ang telepono niya. Unregistered number na
naman.
“Hello?” Aniya sa kabilang linya. Narinig niyang tumikhim pa
ito bago nagsalita.
“Mag-ingat ka. Maraming masasamang loob ngayon so…”
napabuntung-hininga pa ito, “Mag-magkita na lang uli tayo bukas.
Sige.” Itatanong pa sana niya kung sino ang caller pero naputol na
ang linya. Nagtatakang natitigan na lang niya ang telepono.
“Wrong number lang ata.” Nagkibit-balikat na lamang siya.
****
Nagulat pa siya ng maraming sasakyan ang hindi
magkamayaw sa pagpapark sa harap ng talyer niya. Dahan-dahan
niyang inalam kung bakit.
“Bakit ang daming babae rito?” Bating-tanong niya sa isang
tauhan niya na nakasalubong niya. Bilang tugon, ngumuso na lang
ito sa iisang direksyon. “Anong ginagawa niyan dito?”Nagkibit-
balikat lang ang tauhan niya at nangingiting sinagot siya.
“Ayaw niyo n’on, boss? Dami nating customer.”
Napabaling siya uli sa direksyon ng lalaking nagpapagulo ng buhay
niya.
“Ayoko ng customer. Palayasin niyo yan rito.” Wala sa
sariling sabi niya.
“E boss—“ Siya na mismo ang lumapit sa lalaki. Dalawang
babae ang nakaangkla rito. Magiliw naman itong nakikipag-usap sa
mga iyon.
“Naku, kailangan ko pang magtrabaho e at saka baka hindi
ko matapos ayusin yang mga kotse niyo—“ Sabi pa nito.
“Okay lang yun. Dito ka na lang muna.” Malanding sabi ng
isang babae sa kanan nito. Hindi naman niya mapigilan ang
mapataas ang kilay sa ginagawa ng mga ito. Mahiyaing tumawa pa
ang babae.
“Hindi, ngayon ko na gagawin, baka mahuli ako ng boss—“
Eksaherado siyang tumikhim na lubhang hindi pa narinig ng mga ito.
Inulit uli niya sa mas malakas na paraan. Halata naman ang
pagkagulat sa mukha ng lalaki na nagmamadaling tinanggal ang mga
kamay ng mga babae sa braso nito. Hindi naman natinag ang mga
babae.
“Zenie—“
“Kayong dalawa,” Tukoy niya sa mga babae, “umuwi na
kayo at baka kalbuhin ko kayo.” Nilingon niya naman ang lalaki. “At
ikaw, bumalik ka na rin sa lungga mo at wag nang babalik pa dito
dahil pasasabugin ko na talaga yang ospital mo pagnakita pa kita
dito, “bigla naman niyang naisip ang mga pobreng madadamay sag
alit niya, “On second thought, ikaw na lang pala ng magtandaka at
matigil yang pangangati mo.” Naiinis na nilampasan niya ang mga
ito. Ang kakapal ng mga itong maglandian sa talyer niya. Ni hindi
naman sila welcome roon. At ang lalaki namang iyon, gustong-gusto
na may mga babaeng umaaligid rito. Ang sarap kutusan! Nagulat pa
siya ng bumukas ang pinto ng opisina niya. Iniluwa niyon si Xenon.
“Bakit nandito ka pa? Sabi ko umalis ka na a, makulit ka rin talaga
ano?”
“Hindi ko kilala yung—“
“I don’t care.”
“Zenielle, makinig ka nga—“
“I’ve had enough.” Parang bata niyang sabi rito. Tinakpan
pa niya ang dalawang tainga.
“Tanggalin mo nga yang kamay mo at makinig ka sa’kin.”
“A, so inuutusan mo na ako ngayon?” napadako ang
paningin niya sa suot nitong damit, “Bakit mo suot ang jamper ko?”
natitilihang niyang tanong rito.
“Hiniram ko lang sandali, as I was saying—“
“Hubarin mo yan. Magnanakaw ka talaga.” Bintang pa niya
rito. Hindi pinapansin ang sinasabi nito. Agad naman nitong sinunod
ang utos niya at sa maghuhubad nga ito sa harap niya, natitilihan
niyang pinigilan ito. “Bakit ka naghuhubad? Bastos ka!”
“Sabi mo hubarin ko, tapos nang maghuhubad na ‘ko,
bastos naman? Ano ba talagang gusto mo Zenielle?” Natatawang
tanong nito.
“Ang ibig kong sabihin, hubarin mo yang damit ko pero
hindi ko sinabing sa harap ko!” Napasandal naman siya sa lamesa
niya at nagpaypay sa pamamagitan ng kamay. “Binabanas ako
sa’yo!” Naiiling niyang sabi.
“Hintayin mo ako rito, huhubarin ko na ‘tong damit mo.”
Sabi pa nito bago nawala sa paningin niya at pumasok sa banyo.
Hindi niya tuloy mapigilan ang mapatingin sa pinto na pinasukan
nito. Nacurious tuloy siya kung gaano kaganda ang katawan nito.
“Ano ba ‘tong mga iniisip ko!” Naguguluhang tanong niya
sa sarili.
“Ano bang iniisip mo?” Narinig niyang tanong ni Xenon na
marahil ay kalalabas pa lang ng banyo, “Zenielle?”
“Wala ka na doon.” Napagmasdan niya ang kabuuan nito.
He’s now wearing a polo stripes and a walking shorts. Kahit siguro
anong suotin nito, hindi papangit.
“Bakit?”
“Anong bakit?”
“Ang lagkit ng tingin mo sa’kin.”
“Ha! Asa ka naman. Umalis ka na nga, istorbo ka e.”
Inilabas niya lahat ng resibo sa file case na nasa lamesa niya at
nagsimula ng mag-inventory kahit umaga pa lang.
“Ang aga pa, a.” Puna nito.
“Ano bang pakialam mo sa gusto ko nang tapusin ‘to.”
Nakalapit na pala ito sa kanya. Hayun na naman ang pagkailang na
nararamdaman niya.
“Tulungan na kita—“ Tinampal niya ang kamay nitong
nakahawak na sa isa sa mga papel roon.
“Wala ka bang pinagkakaabalahang iba at lagi ka nang
nandito?” Hindi ito nagsalita, “Hindi ako magtataka kung
magsasarado na ‘yang ospital mo.”
“Meron naman. Pero mas gusto ko dito.” Ngumiti lang ito
sa kanya.
“Pwes, hindi ko gusto na nandito ka kaya sa iba ka na lang
manggulo.”
“Pa’no yan? Mas gusto ko nga dito.”
“Hindi ko na problema ‘yon.”
“Zen—“
“Am I interrupting something?” Sabay pa silang napalingon
sa taong nagsalita. Si shane ang bagong dating na nagpalipat-lipat
pa ang tingin sa kanilang dalawa. Agad naman siyang tumayo at
nilapitan ito.
“Hindi. Naku, kanina pa kita hinihintay bakit ngayon ka
lang ha?” Malambing niyang sabi rito at inayos pa ang kuwelyo ng
polo nito. Pasulyap siyang tumingin kay Xenon na blangko lang ang
ekspresyon ng mukha.
“I didn’t know na kayo na pala.” Narinig niyang sabi ni
Xenon.
“Pare—“
“Oo, kami na. Kaya pwede ka nang umalis.” Nakangiti
niyang sabi rito. Hindi man lang siya pinansin nito at nakatingin pa
rink ay shane. Naalala niyang magbestfriend nga pala ang mga ito.
Kita niya ang pagtayo ni Xenon at tinapik ang balikat ni shane bago
lumabas. Sinundan niya lang ito ng tingin.
“Zenielle, mag-uusap lang kami ni Xenon, babalik ako.”
Yun lang at sinundan na nito ang kaibigan. Ano namang pag-
uusapan ng mga iyon at kailangan pang lumayo sa kanya? Kita niya
mula sa labas ang masinsinang pag-uusap ng dalawa. Parang may
pinagdidiskusyunan ang mga ito na hindi niya maintindihan. Noong
una ay parang hindi pa magkasundo ang mga ito hanggang sa nauna
na nang umalis si Xenon at binalikan naman siya ni Shane.
“Zenielle, I really have to go. I just see you later.” Humalik
muna ito sa pisngi niya bago itinuloy ang sinasabi, “We have to talk,
privately.” Umalis na ito at siya naman ay naiiwang naguguluhan.
Ano kayang pag-uusapan nila?
****
Sinundo siya ni Shane ng hapon na iyon at dinala sa isang
restaurant. Nag-ayos lang siya ng konti dahil masyadong biglaan ang
pag-aaya nito sa kanya. Kasalukuyan na silang nagsisimulang kumain
ng mauna na siyang magsalita.
“Ano bang pag-uusapan natin?” Aniya. Marahang lumingon
ito sa kanya at nagpunas ng bibig. Sumandal ito sa silya at huminga
ng malalim bago tumingin sa mga mata niya.
“We have to cancel the wedding.”
“Ha?” Ang tanging nasabi na lang niya. Nagbabalak n asana
siyang pumayag sa kasunduang iyon ng mga magulang niya
samantalang heto naman ito ngayon at hindi na siya pinaimik sa
bagay na iyon. Gustong-gusto nito dating magpakasal, bakit ito na
ngayon ang umaayaw?
“Look, ayokong makigulo sa relasyon ng kaibigan ko.
Pumayag lang naman ako dati dahil hindi ko pa alam noon na may
pagkakaunawaan pala talaga kayo ni Xenon—“
“Teka, teka. Ano bang sinasabi mo? Anong may
pagkakaunawaan? Anong—ano yun? Hindi ko masundan ang
sinasabi mo.” Naguguluhang tiningnan niya ito ng mata sa mata.
“Nagkausap kami ni Xenon kanina at ipinaliwanag niya
sa’kin ang sitwasyon niyo. Pasensya ka na talaga, kung alam ko
lang na boyfriend mo si Xenon hindi na ako makiki—“
“Shane!” Hindi niya napigilang mapasigaw sa inis. Talagang
ginagalit siya lalo ng Xenon na iyon. “Sinabi ko na sayo noon na
hindi ko boyfriend si Xenon, bakit ka ba nagpapaniwala sa
sinungaling na ‘yon? Aah!” Talagang sinasagad nito ang pasensya
niya. Makakatikim talaga ito pagnakita sila.
“Zenielle, naiintindihan ko kung anong nararamdaman mo
ngayon pero sana paniwalaan mong walang ibang babae si Xenon
kaya wag ka nang magalit pa sa kanya.”
“Ha?” Kulang na lang ay magdikit na ang kilay niya sa
pagkakasalubong.
“Nagalit ka lang daw sa kanya dahil akala mo ay nambabae
siya, ‘yon ang sinabi niya sa’kin kanina.” Halatang naguguluhan na
rin ito sa base sa ekspresyon nito. “Hindi naman siguro
magsisinungaling sa’kin ang kaibigan ko?” Tanong pa nito. Sa halip
na sagutin ang tanong nito ay nagmamadaling tumayo siya at umalis
na. Narinig pa niya ang pagtawag nito sa kanya pero hindi na niya
pinansin iyon dahil isang bagay lang ang naiisip niyang gawin. Lord,
patawarin niyo ‘ko kung ako’y magkakasala ngayon.
****
Unang beses niyang makatapak sa ospital na pagmamay-ari
ni Xenon. Agad siyang dumiretso sa information desk at magiliw na
nagtanong sa nurse na in-charge ngayon doon.
“Miss, andyan ba si Dr. Mendez?” Kagyat na nilingon siya
ng nurse.
“Nasa operating room po siya ngayon, ano po bang sadya
niyo ng mainform ko na din po si doc?”
“Ahm… something private. Pwede bang hintayin ko na
lang siya?” Medyo nag-isip pa ito bago sumagot.
“O sige po. Samahan ko na lang po kayo sa opisina niya.
Patapos na rin po siguro sila.” Nagpasalamat naman siya rito.
“No need. Just give me the room number then I’ll be the
one to look for it.”
“Sure po kayo?”
“Oo.” Nakita niyang kumuha ito ng papel at ballpen at may
isinulat roon. 516-HDO… Ibinigay nito ang papel at muli siyang
nagpasalamat bago muling tinahak ang daan patungo sa opisina
nito. Humanda ka sa’kin… Makikita mo talaga…
CHAPTER 8
“Kailan mo ba talaga ako titigilan?” Tuloy lang siya sa
paghahagis ng mga gamit na mahawakan niya sa loob ng opisina
nito. Nauna siyang dumating doon kaya naman gulat na gulat pa
itong makita siya roon. Sinalubong niya agad ito ng suntok na hindi
naman nito nailagan. Akala siguro nito ay sasalubungin niya ito ng
mainit na yakap kaya hindi ito nakapaghanda agad. Susuntukin niya
sana ito sa pangalawang pagkakataon pero nakailag na ito at mabilis
na nakalayo sa kanya. At humantong na nga siya sa pambabasag ng
mga gamit nito. “Hindi ka talaga marunong tumantya ng taong galit!
Sagad na sagad na ang pasensya ko sayo!” Hinawakan naman niya
ang flower vase.
“Zenielle, wag yan! Mahal yan!”
“Wala akong pakialam!” Ibinato niya iyon sa direksyon nito.
Sinalo naman nito iyon. Isang pigurin naman ang napagbalingan
niya.
“Mag-usap muna tayo… wag—wag yan!” Huli na para
masaway pa siya nito dahil tumama na ang bagay sa pader ng
opisina nito.
“Lumapit ka rito at mag-uusap tayong hudas ka! Nandahil
sayo naunsyami ang bagong lovelife ko!” Galit na galit na lalapitan
na niya ito ng umikot ito paalis sa lamesa nito. Nakarating na ito
malapit sa pinto. Dinampot niya ang picture frame na nakapatong sa
lamesa nito at ibinato iyon dito. Saktong pag-ilag nito ay ang
pagbubukas ng pinto. Halata ang pagkagulat ng dalawang bagong
dating na maswerteng nakailag sa lumipad na gamit.
“Whoo! What was that?” Sabi ng sa pagkakatanda niya ay
si Terrence.
“Did I just saw a flying frame?” Nagtatakang tanong naman
ng kasama nitong si Andrew. Hindi niya pinansin ang dalawa at
sinugod ang nadistract na si Xenon. Agad niya itong sinakyan sa
likod at sinakal. Todo awat naman ang dalawa.
“Hindi ka na talaga sisikatan ng araw sa’kin.” Nanggigigil na
sabi niya.
“Zenielle, awat na.” narinig niyang sabi ni Andrew na pilit
siya inihihiwalay kay Xenon. Maya-maya ay nailayo na siya ng mga
ito sa lalaki na ngayon ay nakahawak sa leeg nito at waring
hinihingal.
“Bitiwan niyo nga ako! Hindi pa ako tapos!”
Nagpupumiglas na sabi niya pero hindi siya pinakawalan ng dalawa.
“Kumalma ka nga muna.”
“At saka ka namin bibitawan.” Ani Terrence. Nakahawak
ang mga ito sa magkabila niyang braso. Manyaring kumalma naman
siya.
“Okay na ko.” She said as a sign of retreat. Nag-aalinlangan
pa siyang pinakawalan ng mga ito. Susundan pa sana siya ng mga ito
ng maglakad siya papunta sa upuan. “Don’t worry, I just wanted to
sit.” Pasalampak na umupo siya at huminga ng malalim.
“Ano bang nangyari?”
“Oo nga at muntik pang dumanak ang dugo rito.”
Natatawang tanong ni Andrew.
“Tanungin niyo yang kaibigan niyong sinungaling.”
Mahinahon niyang tugon. Unti-unti nang bumabalik sa normal ang
paghinga niya.
“Anong ginawa ko?” Xenon asked as if he didn’t do
anything at all. Hinimas naman nito ang pangang sinuntok niya.
“Bakit mo sinabing may relasyon tayo kay shane?”
“Hindi nga ba?” akmang susugudin niya uli ito ng humarang
uli ang dalawa.
“Easy. Daanan natin ito sa diplomasya.” Terrence said.
“Hindi diplomasya ang kailangan niyan! Ang kailangan
diyan tinatahi ang bibig para hindi makapagsinungaling!”
“Okay. Okay. Kailangan natin ng peace of mind.”
“Lintik na peace of mind, tumabi kayo dyan at kating-kati
na ang kamay kung manahi—“ Tinakpan na ni Terrence ang bibig
niya kaya puro ungol na lang ang lumabas sa bibig niya.
“Get off her.” Narinig niyang sabi ni Xenon.
“Okay.” Pagsang-ayon ng dalawa. Nakahinga naman siya ng
maluwag ng hayaan na siya ng mga ito. Binigyan niya ng masamang
tingin si Xenon.
“Look, what I really mean when I said to shane that we
have a relationship is I courting you and you… the girl I’m
courting…Nagets mo ba?”
“You’re not making sense, pare.”
“Oo nga.”
“Will you, two, shut up?” Nilingon uli siya nito. “As I was
saying—“
“Wala akong natatandaan na nanliligaw ka pala sa’kin, ni
hindi ka nga nagpaalam.”
“Kung hihingi ako ng permiso, will you let me? Hindi. Kaya,
sapilitan.” A smile was now visible in his lips.
“Kahit na at saka, makakasal na sana ako kung hindi ka
lang nakialam—“
“Like I would let that happen.”
“Bakit ka ba nakikialam?”
“Sa akin na lang ‘yon.”
“Aba at talaga—“
“Kayong dalawa,” Sabay pa silang napalingon kay Terrence,
“Saka na ninyo isettle yang away niyo. Ito munang sadya namin
ang intindihin niyo.” May iniabot itong isang papel kay Xenon.
Sinundan lang niya iyon ng tingin.
“A medical mission in Bulacan?” nagtatakang tanong ni
Xenon.
“Yeah. I want you to take charge of that habang si Andrew
naman ang nag-oorganize ng lahat sa outreach program na
talagang main event roon. I won’t take no for an answer.” Dahil
hindi na niya naiintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito, marahang
tinungo na niya ang pinto.
“Where do you think you’re going, lady?” Slow motion pa
niyang nilingon ang mga ito.
“Aalis na at wala na akong mapapala rito.”
“Who told you?” Nagtatakang tiningnan niya ito. Bumaling
naman it okay Xenon na nakatingin naman sa kanya. “You are in-
charge with the medical mission with Zenielle.”
“What?”She asked in the highest tone she can.
“You heard it. You’re going with Xenon. Take it or leave
it.”
“Leave it. Of course!”
“Okay. Then I’ll have your shop closed.” Binigyan pa siya
nito ng nakakalokong ngiti.
“You’re not being fair, Terrence.” Hindi makapaniwalang
sabi niya. Ano bang pumasok sa isip nito at isinali siya nito roon sa
medical mission na iyon?
“It sounds fair to me.”
“Well, for me, it’s not!”
“Time’s ticking so you better decide now.”
“You know Terrence, you don’t have to force her if she
don’t want to.” Pagsalungat nito sa sinabi ng huli. Sige lang, tama
yan. Nang may magawa ka namang mabuti minsan sa buhay mo.
Aniya sa isip.
“I’m not forcing her, I’m making her a wise decision.”
Muling nilingon siya ni Terrence. “So Zenielle, what can you say?”
Leaving her frustrations behind, she kept her eyes closed and
blurted out the worst decision of her life. She want to get rid of
Xenon but still, destiny never let her to. She opened her eyes.
“Count me in.”
“Yeah boy!” Narinig pa niyang sabi ni Andrew.
“Good answer.” Sabi naman ni Terrence. Nahagip naman ng
mga mata niya ang walang-imik na si Xenon. Waring napakalalim ng
iniisip nito. Wala siyang mabasang kahit ano sa ekspresyon nito
ngayon. I’m putting myself into trouble again…
****
Noong gabi ring iyon, bumiyahe si Xenon patungo sa Isla
Caceres. Nais niyang komprontahin si Terrence sa nangyari kanina.
Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa nitong gawin iyon.
Naabutan niya ito sa clubhouse kasama ang mga kapwa members
niya.
“Uy, may bagong dating! Inuman uli! Cheers!” Salubong sa
kanya ng mga ito. Hindi niya pinansin ang mga iyon at pinunto ang
direksyon ni Terrence.
“Bakit mo ginawa ‘yon?”
“Ang alin?”
“You should’ve not forced him!”
“Sinong pinorce?” Nakisali na rin ang ibang members.
“Ginagawan lang kita ng pabor, Xenon.”
“Ang sabihin mo nakikialam ka na naman!”
“E ano kung nakikialam ako? Anong gagawin mo?” Tumayo
na rin ito at nakipagmatigasan sa kanya. Inudayan niya ito ng
suntok. Sapul naman iyon sa panga nito. Gumanti naman ito.
“Sisiguraduhin kong hindi ka na makakapangialam uli!”
“Bahala ka sa buhay mo!”
“Wawasakin ko yang mukha mo!”
“Uunahan na kita!” Patuloy lang sila sa pagsusuntukan.
Hindi sila tumitigil hangga’t hindi nakukuntento. Narinig na lang niya
ang hiyawan ng mga kasamahan nila na sa halip na awatin sila ay
parang nagpustahan pa.
“Sinong manok mo, Rander?” ani Lexus.
“I’ll go with Terrence.” Sagot naman ng tinanong.
“Ako, kay Xenon, doctor yan e.” Sabi naman ni Vince.
“Ano namang koneksyon n’on?” Tanong ni Dexter.
“Wag mo ng alamin. Hindi arok ng isip mo ‘yon.”
“Oo, abnormal ka e.”
“Sang-ayon ako dyan.” Patuloy lang sa pagkukwentuhan
ang mga ito hanggang sa nakaramdam na sila ng pagod at pareho na
silang tumigil. Nagkatinginan pa sila bago naunang tumayo si
Terrence. Inabot na nito ang kamay na tinanggap niya.
“Tinutulungan lang kita kay Zenielle kay ko ginawa ‘yon.”
Sabi ni Terrence.
“Pasensya na, minasama ko pa ang tulong mo. Salamat!”
sinuntok naman nila ang kamao ng isa’t-isa bilang pagkakasundo.
“Kiss!” Biglang sabi ni Rander—Xander o Lander—basta isa
sa triplets.
“Baka gusto mong humalik sa lupa?” Banta niya rito.
Nagtawanan na lang sila.
“Inuman na uli!”
****
Napagpasyahang niyang tumigil muna sa bahay nila at
magpahinga sa pagtatalyer. Madami kasi siyang naiisip na mga
bagay na nagiging dahilan kaya hindi siya makapag-concentrate ng
husto sa trabaho. Hindi na nagpakita pa uli si Shane sa kanya.
Mahigit isang linggo na ring hindi nagpapakita sa kanya si Xenon
mula pa noong huli silang nagkita. Hindi man niya aminin sa sarili,
hindi niya maiwasang abangan ang pagsulpot nito. Mangyari pa
ngang silipin niya ang mula sa bintana niya ang katapat na ospital
kung saan ito ang nagmamay-ari. Mahinang tinuktok niya ang ulo sa
pagaakalang mawawala ang pag-iisip niya sa lalaki.
“Wag mo siyang isipin, wag sinabi…” paulit-ulit niyang sabi
sa sarili. Naiinis siya dahil kahit saang anggulo man tingnan, talagang
namimiss na niya ang lalaki. Natanggap na niya na hindi niya kayang
magalit rito ng ganoon katagal kaya mas pinili na lang niyang
kalimutan ito. Pero heto nga ang pasaway niyang isip na patuloy pa
rin sa pag-iisip rito. Sana wala na langa kong utak…
“Hindi ko alam na matindi na pala ang pinagdadaanan mo
ng mawala ako?” Lumipad ang tingin niya sa nagbukas ng pinto ng
kwarto niya.
“Ha?”
“Look at yourself, daig mo pa ang psychotic sa ginagawa
mo.” Natatawa nitong sabi habang papalapit sa kanya. She’s still in
bed and had no plan to get up.
“Pa’no ka nakapasok dito?” natataranta niyang tanong at
hinila pataas ang kumot. Palagay niya ay sobrang gulo ng buhok niya
ng mga oras na iyon.
“You mother let me. Hindi na kita nakikita sa talyer mo
kaya naisip kong baka maysakit ka kaya nagpunta ako dito.”
Hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha niya. “pero sa tingin
ko naman ay, medyo maayos ka pa.” Sa halip na sagutin ito ay
nagmamadali siyang umalis ng kama at lumabas ng kwarto. Nakita
naman niya ang ina sa may sala na nagbabasa ng magazine.
“Ma! Bakit kayo nagpapapasok ng hindi niyo kilalang tao
sa bahay natin?” Sermon niya sa ina ng makalapit rito.
“He said he’s your boyfriend that’s why I let him in.”
“Naniwala naman kayo? Hindi na ko magtataka kung
mabudol kayo. Hindi ko boyfriend iyan.” Tukoy niya sa lalaking
nakasunod na pala sa kanya.
“Pero gwapo naman siya at mukhang mabait kaya hayaan
mo na.” naiiling na lang na binalingan niya si Xenon.
“Umuwi ka na nga.” Hindi man lang ito gumalaw sa
kinatatayuan kaya siya na mismo ang nagtulak rito palabas.
“Teka lang,” tumigil siya sandal, “Hindi ako aalis kung hindi
ka kasama.”
“Ayoko. Uwi!”
“Sabi ni Terrence.”
“I don’t care.”
“Well, I care.” Hindi na siya nakaporma ng tuloy-tuloy itong
bumalik sa bahay nila ang pinasok ang kwarto niya. Nakita niyang
kinuha ang maleta niya sa closet.
“Anong ginagawa mo?” Pinipigilan niya ang paglalagay nito
ng mga damit niya sa maleta.
“Kailangan na nating magmadali. Madami pang dapat
ihanda para sa medical mission.” Pagkakalagay nito ng damit ay
inaalis naman niya kaya para tuloy silang naglolokohan.
“Matagal pa naman iyon at saka—itigil mo nga yang
pakikialam sa mga gamit ko.” Hinila na niya ang damit nito para
matigil na ito pero wala rin namang silbi.
“Tulungan mo na lang ako dito, mabuti pa.”
“Ayoko nga sabi.”
“Okay.” Tinungo na nito ang pinto. Laking pasasalamat niya
at naisipan na rin nitong umalis. Ibinabalik na niya ang mga gamit sa
dating lalagyan ng bigla na lang itong sumigaw.
“Ang mama mo!” Nataranta tuloy siya at lumabas ng
kwarto huli na para mapigilan niya pa ang pagpasok roon ni Xenon
na agad na isinarado ang pinto. Kinalampag niya ang pinto. Mga
ilang minuto lang bago nagbukas ito uli at iniluwa niyon si Xenon na
dala na ang maleta niya.
“Anong—“
“Tara na!” Hinawakan na siya nito sa kamay at hinila
papunta sa kotse nito. Nagpaalam pa ito sa ina niya. “Pahiram
muna po kay Zenielle.” Nakita niyang tumingin ang mama niya sa
maletang dala ng lalaki.
“Anong gagawin mo sa anak ko?”
“Itatanan ko na po.”
“Okay.” Nakangiting sabi ng kanyang ina.
“Ma!” Saway niya rito. Hindi na siya nakapalag pa ng igiya
na siya nito sa kotse nito at pinaharurot na iyon. Nagtataka siya sa
sarili niya dahil wala siyang kahit anong pagtangging
nararamdaman. Parang ayos na lang sa kanya kahit saan siya dalhin
nito. As if she was willing to be with him no matter what happens.
Akala niya noon, hindi na muling darating sa buhay niya ang
ganoong pagkakataon na bukal sa loob siyang sasama rito. She can’t
believe that she can be happy by just coming with him. Tuluyan na
nga sigurong naglaho ang pader na ginawa niya noon para sa
kanilang dalawa. O talagang hindi naman talaga nabuo ang pader na
iyon dahil hindi naman niya nagawang patatagin miski ang
pundasyon noon. Isn’t that a bright idea? Hindi niya tuloy
maiwasang magtanong sa sarili. Pwede pa kayang magsimula uli
sila? Na isantabi na niya ang nakaraan at sakit na naramdaman niya
sa unang pagkakataong minahal niya ang parehong lalaking kasama
niya? Pero gaano man karami ang tanong sa utak niya, wala pa rin
siyang makuhang sagot sa nag-iisang tanong na pilit umuukilkil sa
isip niya. Pareho kaya sila ng nararamdaman? Wala naman kasi
itong sinasabi kaya hindi niya alam kung anong iisipin sa paghabol
nitong iyon sa kanya.
“Natahimik ka na diyan.” Untag ng lalaki sa kanya.
Kasalukuyan na silang nasa byahe.
“Ha? Wala, may iniisip lang.” Tumango lang ito at nagpokus
na sa pagmamaneho. Pasimple niyang nilingon ang lalaking katabi.
Kaya na ba uli niyang tumaya?
CHAPTER 9
“Bakit dito mo ‘ko dinala?” Nagtatakang tanong niya rito.
Papasok na sila sa tarangkahan ng Isla Caceres. Kagyat na nilingon
lang siya nito at ibinalik ang tingin sa daan.
“Trip.”
“Anong trip? Wala ako sa mood makipagtrip sayo, Xenon.”
Nagulat pa siya ng tumawa ito.
“At last! Binanggit mo din ang pangalan ko. Namiss ko
yan.” Hindi niya pinansin ang sinabi nito.
“Iuwi mo na ‘ko kung wala naman pala akong
makabuluhang gagawin dito.”
“Sinong maysabing wala? Meron. Magrerelax ka dito.”
“Mas gusto ko sa bahay.”
“Pero mas maganda dito, kaya dito ka na lang at mag-
enjoy.” Hindi na siya humirit pa dahil alam naman niyang hindi siya
hahayaan nito. Pansamantala muna silang tumigil sa racers’
verandah para magtanghalian.
“Kumain ka ng madami. Tingnan mo nga ang sarili mo, ang
payat-payat mo na.”
“Sadyang ganito ang katawan ko.”
“Hindi a, sexy ka kaya dati.”
“So sinasabi mong hindi ako sexy ngayon?”
“Wala akong sinabing ganyan. Ang akin lang naman e
kumain ka ng marami.” Namataan niya ang papalapit na si Vince.
“Gusto mo bang matikman ang bago naming putahe rito?”
Tanong nito sa kanya.
“Sige. Masarap ba ‘yon?”
“Wala namang luto dito na hindi masarap.” Akmang tatayo
na siya para sumunod rito ng pigilan siya ni Xenon.
“Teka lang…Kakarating lang namin, uunahan mo na agad
ako.” Si Vince ang kinakausap nito.
“Ipapatikim ko lang naman sa kanya ang bago naming
putahe e.”
“Kahit na. Sa iba mo na lang ipatikim kung ano man yang
bagong yan.”
“Bahala ka nga. Madamot ka.” Lumayas na ito at iba na ang
nag-assist sa kanila. Matiwasay na silang kumakain ng may bago na
namang lumapit sa kanila.
“Masarap ba ‘yang kinakain mo Zenielle?” Nilingon niya
ang nagtanong. Si Markee na nakaupo sa katabing lamesa nila
kasama nito ang fiancée nitong si Aria.
“Okay lang,” sinilip niya ang kinakain ng mga ito, “Parehas
lang ng kinakain niyo.” Nginitian niya ito. Binalingan niya na uli ang
pagkain niya. Napansin niyang wala ng imik ang kasamang lalaki. “O,
nawalan ka na ng imik dyan.”
“Wag mo ‘kong pansinin, kumain ka na lang at nang hindi
kung sino-sino ‘yang kinakausap mo.” Seryoso nitong tugon.
Nagkibit-balikat na lang siya.
“’Tol, may blind item ako sa’yo.” Narinig niya mula sa kung
saan.
“Ano ‘yon? ‘Yon ba ‘yong tungkol sa isang lalaki at babae?”
“May future ka sa panghuhula, ‘tol!”
“Tapos anong nangyari?”
“Ito daw si lalaki ay naghahabol dun sa babae na—“ Hindi
na niya narinig pa ang kasunod na sasabihin ng mga ito dahil hinila
na siya palabas ni Xenon.
“Teka lang… Pinakikinggan ko pa—hindi pa ako tapos
kumain!”
“Busog ka na.”
“Bahala ka nga.” Napansin naman niyang magkahawak sila
ng kamay. “’Yong kamay ‘ko, pakibitawan.” Sinunod naman siya
nito at sabay na silang naglakad. Napakabilis maglakad nito kaya
hinayaan na niya itong mauna at sumunod na lang siya. Weird na
naman ang ikinikilos nito. Ano pa nga bang aasahan niya?
Napabuntung-hininga na lang siya. Nagulat pa siya ng biglang
humarap ito.
“Zenielle.”
“O?”
“Wala.” Nagpatuloy na ito sa paglalakad. Pero hindi pa sila
nagtatagal ay nilingon na uli siya nito. “Zenielle, ano…”
“Ano?”
“Wala pala. Wala.” Bakit ba ito ganoon? Parang may
gustong sabihin na hindi naman masabi. Ang gulo-gulo. Nakarating
na sila sa pamilyar na lugar sa kanya. Sa malawak na kaparangan ng
Trabia—ang racing arena ng mga bisikletang pag-aari ng mga
members ng JBR. Nauna na itong umupo sa malawak na damuhan.
Ginaya naman niya ito.
“Lalo atang gumanda ang isla…”
“Tama ka…” Mula sa di-kalayuan ay matatanaw ang asul na
karagatang nakapalibot sa Isla Caceres.
“Buti na lang pala, naisip kong magmember rito. In a way,
nakakapagrelax na rin ako.”
“Pwede bang magmember rito?” Aniya. Narinig niya ang
tawa nito.
“Depende, kung papayagan ka ni Terrence.”
“Bakit hindi? Willing naman akong magbayad a.”
“Hindi lang pera ang qualifications dito. Kailangan din,
male ang gender mo.”
“Ha? Hindi naman ata makatarungan yan?”
“Fair lang ‘yon para sa’ming mga member rito. Minsan
lang kami magkaroon ng lugar na kami lang ang nasusunod,
nilulubos lang namin.”
“Maramot lang kamo kayo.”
“We’re just enjoying the times of our lives.”
“Oo nga, maramot nga kayo.” They just laughed at their
conversation. Though it’s senseless, it’s just their way of talking to
each other.
“Zenielle… can I ask you something?” Bahagyang tiningnan
niya lang ito at ibinalik na ang tingin sa magandang tanawin sa
harap niya.
“Ano ‘yon?”
“Are you… are you still mad at me?”
“What do you think?”
“From what I’ve remember, you are.”
“Siguro no’ng una, pero nakalimutan ‘ko na ‘yon. Narealize
ko kasing masamang magtanim ng galit sa kapwa ko.”
“So hindi ka na galit sa’kin?”
“Hindi mo ‘ko basta-basta mahihila kung saan-saan kung
galit pa rin ako sa’yo.” Unti-unting nagliwanag ang mga mukha nito.
“I’m glad to hear that.” Ngumiti ito pero hindi naman
umabot sa mga mata nito. Napansin pa niya ang bahagyang
paglamlam ng mga mata nito. Waring may bumabagabag pa rin
dito. “So…are we friends now?”
“I’m afraid we are.” He let out a deep sigh as he continue to
stare at the changing colors of the sky.
“How’s your wedding going?” Mula sa kung saan ay tanong
nito. Hindi niya ito nililingon.
“I don’t know.” Natahimik naman ito. “Hindi na
nagpapakita sa’kin si Shane e.”
“I’m sorry.”
“For what?”
“For ruining your supposed wedding.”
“Wag mo nang isipin ‘yon.”
“Kakausapin ‘ko si Shane para matuloy na ang kasal niyo.”
Apologetic na ang ekspresyon nito ng lumingon sa kanya. Gusto niya
tuloy batukan ang isang ito. Parang atat na atat na itong makasal
siya sa ibang lalaki. ‘Di nga ba ‘yon ang gusto mo ng lokohin ka niya?
Sabi ng isang bahagi ng isip niya.
Ibang kaso naman ‘yon. Galit ako n’on at basta-basta na
lang ako nakakapagdesisyon ng kung ano-ano. Piping sagot naman
niya.
Nakapagdesisyon ka na din.
Binabawi ko na nga e.
Nasabi mo pa rin. Wag ka kasi magdesisyon paggalit ka.
Oo na. Teka, bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?
Aba ewan ko sayo.
“’Wag mo nang pagudin ang sarili mo. Hayaan mo na
‘yon.” Hindi na ito umimik. Siguro ay iniisip pa rin nito ang tungkol
doon.
“Ipinadala ko na ang mga gamit mo sa Republican Guest
House. Ipapahatid na lang kita roon.”
“Ipapahatid? Bakit sa’n ka pupunta?”
“May aasikasuhin lang ako.” Nakita niyang kinuha nito ang
telepono sa bulsa at may tinawagan roon. “Red, do me a favor.”
Tumayo ito at lumayo sa kanya. Saglit pa ay bumalik ito at
nagpaalam na sa kanya.
“Iiwan mo ‘ko dito?”
“Hindi. Hihintayin ko muna si Red na makarating dito para
masundo ka.”
“E bakit kasi hindi pa ikaw ang maghatid sa’kin?” Hindi
naman ito umimik. Gusto na niyang sakalin ito para magising ito sa
kalokohan nito. Bakit ba ito nagkakaganoon? Ang saya-saya nito
kaninang umaga tapos bigla na lang… hay! Narinig niya ang
pagdating ng isang sasakyan. Nakababa na si Red sa kotse nito at
lumapit na sa kanila.
“Ikaw talaga Xenon, hindi pa ikaw ang maghatid dito kay
Zenielle.”
“Sundin mo na lang ako. Ihatid mo na siya.”
“E bakit nga ba—“
“Hayaan mo na ang isang yan. May importante pa atang
pupuntahan. Tara na.” Sansala niya sa sasabihin pa sana ni Red.
Kung ayaw na nito siyang makasama, e di ‘wag. Hindi niya
ipagpipilitan ang sarili niya rito. Tinalikuran na niya ito. Ramdam
naman niya ang pagsunod ni Red sa kanya. Pasakay na sana siya ng
hindi rin siya nakatiis.
“Xenon!” Tawag niya sa binata na tinatahak na ang ibang
daan. Nilingon naman siya nito. “Wala ka bang sasabihin sa’kin?”
Kumunot lang ang noo nito.
“Wala na.”
“Alam kong may sasabihin ka.”
“Magpahinga ka na.”
“Bukod do’n.”
“Mag-iingat ka.”
“Bukod—Ay ewan ko sa’yo. Bahala ka na nga sa buhay
mo!” Naiinis na siya sumakay sa kotse at humalukipkip. Okay na ‘ko
e…bat pa kasi ako nagtanong?
“What’s wrong with you two?”
“Ha?”
“Mukha namang okay na kayo, ano pang kulang?” Tanong
ni Red.
“Hindi ko din alam. Naguguluhan na ‘ko. Ang gugulo niyo.”
“O bakit napasama naman ako?”
“Kaibigan mo ‘yon e.”
“Hindi naman ata tama yan.”
“Ewan ko.” Akmang kukunin niya ang telepono niya ng
mapansing wala iyon sa bulsa niya. “Teka lang bababa ako.”
“O bakit?”
“Nawawala ‘yung cellphone ko.” Tuluyan na siyang
bumaba ng kotse at bumalik sa pinanggalingan nila kanina.
“Tulungan na kitang maghanap.” Sumunod na rin si Red sa
kanya. Tumango na lang siya. Sinimula niyang libutin ang
kaparangan na iyon. Bakit naman mahuhulog ‘yon sa bulsa ko?
“Zenielle…” Nasan na ba ‘yon?
“Zenielle…” Kasi naman…
“Zenielle, nasa bulsa mo lang o.”
“Ha?”
“’Yong cellphone mo, nasa bulsa mo.” Tiningnan niya ang
bulsa. Naroon nga ito.
“Pero…”
“Hay… Tara na nga.” Natatawang sabi nito. Wala naman
talaga ‘yon kanina. Anong nangyari? Imposible naman na nagkamali
siya. “Tama nga si Xenon, you badly needed a break.” Hindi, wala
talaga ‘yon kanina, hindi niya lang talaga… siguro namalikmata nga
lang siya. Kasalanan ito ng Xenon na ‘yon, kung ano-ano tuloy
naiisip niya.
****
Pinakiusapan niya si Red na sa chez Rafael na lang siya
muna siya ihatid dahil wala pa siya sa mood magpahinga. Pumayag
naman ito. Heto nga siya ngayon at nakahalumbaba sa table na
inuupuan niya noon.
“O ang kape mo.” Umupo sa tabi niya si Chloe, dala ang
kape niyang inorder dito. Tinikman niya iyon.
“Ang pakla naman.”
“Wag ka ng choosy.”
“Hindi ako choosy, nagsasabi lang talaga ako ng totoo.”
“Maarte ka.”
“You say so.”
“Talaga.” Nakainom na din ito sa tasa niya. “Mapakla nga.
Sino bang nagtimpla nito at ng masesante ko na?” Tiningnan nito
ang counter.
“Ma’am kayo po.”
“Gan’on ba? Sige, binabawi ko na ang sinabi ko.”
“Baliw ka.”
“I know.” Sandaling tiningnan nila ang isa’t-isa ang
humagalpak ng tawa. “Namiss ko ‘to. In fairness…”
“Ako din. Hindi naman pala masama na bumalik ako rito.”
“Sino bang nagsabing masama? Ang ganda kaya dito. Daig
mo pa ang nasa heaven. Idagdag pang nakakakita ka lagi ng
magandang tulad ko.”
“Buti hindi pa kayo binabagyo dito.”
“Bakit naman? Hoy, totoo ‘yong sinasabi ko noh. Hindi
kaya ako marunong magsinungaling.”
“Oo na. Ikaw na magaling.” Tumawa lang siya rito. Kahit
kailan talaga, alabagyo ang dating nito sa kanya. Pero isa rin naman
‘yon sa dahilan kung bakit nagustuhan niya uli bumalik doon,
masasaya kasing kasama ang mga katulad nito.
“So… kamusta na kayo?”
“Kayo?”
“Nawala ka lang ng ilang buwan, naging slow ka na.
Syempre kayo ni Xenon.”
“Bati na kami.”
“And?”
“’yon.”
“Iyon lang? Ang boring niyo naman.”
“Bakit kayo ni Vince? Kamusta?”
“’Wag mo ibahin topic. Bakit bati lang? Wala bang second
chance? Love is sweeter the second time around, Mare!”
“Bakit hindi mo sabihin yan sa lalaking ‘yon?”
“Bakit? Pahard-to-get ba?”
“Ewan ko. Ang gulo niya e.”
“Ha? Pa’nong magulo?”
“Sinundan niya ‘ko sa maynila tapos mangyaring niligawan
pa niya ‘ko. Binulilyaso pa nga niya ang supposed to be kasal ko
tapos ngayon namang sinabi kong okay na kami, wala.”
“Anong wala? Teka, ikakasal ka na?”
“Sana. Pero hindi na nga matutuloy.”
“Bakit ka magpapakasal?”
“Alam mo na kung anong sagot diyan.”
“Tsk tsk tsk. Iba ang kinalalabasan ng isang desisyon
paggalit ‘yon pinlano.”
“Kaya nga binabawi ko na.”
“Alam na ba yan ni Xenon?”
“Sinabi ko pero mukha namang wala lang sa kanya. Gusto
pa ngang kausapin ‘yong future-husband ko at humingi ng
pasensya dahil nagulo daw kami.”
“Ano? Anak ng tinapa!—“
“Zenielle?” Sabay pa silang napalingon sa bagong dating.
“Shane?”
“Shane.” Nagkatinginan pa sila ni Chloe nang sabay nilang
bigkasin ang pangalan nito.
“Magkakilala kayo?” Sabay nilang tanong sa isa’t-isa.
“Member din siya dito. Kaano-ano mo siya?” Tanong ni
Chloe.
“Siya ‘yong—“
“I’m her fiancé.” Nakangiting sagot nito kay chloe at
lumapit sa kanila. Salubong ang kilay na tiningnan siya ni Chloe.
Gulat na gulat ang ekspresyong binigay niya rito.
“Why do I have this feeling that you, two, have to talk?”
Sabi ni Chloe bago umeskapo at iniwan silang dalawa. Miski siya ay
naguguluhan na sa nangyayari.
“I didn’t know that you’re also a member here?”
“Noong isang linggo lang ako naging member rito. Anong
ginagawa mo dito?”
“I’m with—“
“Ah, Xenon. Kinausap niya ‘ko kanina at sinabi niya sa’kin
ang totoo kaya let’s pursue the wedding.” Nakangiti ito sa kanya.
Gusto niyang mapangiwi. Mas mabuti pa atang hindi na nito
nalaman ang totoo. Ang lalaki namang iyon, gustong-gusto na talaga
siyang ibugaw sa iba. “Kailan mo gusto? I’m always available.”
Paano ba niya sasabihing ayaw na niyang magpakasal rito at
binabawi na niya lahat ng sinabi niyang kalokohan dito? “Zenielle?”
“Oy? Ahm… shane…hindi ba pwedeng…”
“Pwedeng?” Ayaw na niyang makasal rito. Hindi ba
pwedeng ‘wag na nating ituloy ang kasal na ‘yan dahil hindi
maganda ‘yan para sa kalusugan ‘ko at sa mukha mo?
“Shane, I’m sorry, but I have to tell you this…”
“What?” Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa mga labi.
“I’m—“
“She’s not going to marry you.” Xenon said as he slowly
approach her without breaking their eye contact.
Chapter 10
“She’s not going to marry you. Dahil ako lang ang
pakakasalan niya.” It was her turn to smile now.
“Xenon…”
“So please, leave her alone.” Binalingan nito ng tingin si
Shane na lalong nagliwanag ang mukha sa pagkakangiti.
“Akala ko hindi ka na matatauhan, pare.”
“Akala mo lang ‘yon.” Tumayo ito at nag-inat.
“Gotta go, may hahabulin pa ‘kong mas importante sa
inyo. Ayusin niyo nga ‘yang buhay niyo.” Tinapik pa nito ang balikat
ni Xenon bago umalis. Hindi pa rin ito umaalis sa kinatatayuan nito.
Pakiramdam niya ay naging mabagal ang takbo ng oras para sa
kanilang dalawa. Dahan-dahan siyang tumayo at humarap rito.
“All my life, hindi pa ako nakaranas ng ganito. Nagmahal
ako ng isang beses at nang matapos ‘yon akala ko, ‘yon na ang una
at huling pagkakataong magmamahal ako.”Humakbang ito ng isang
beses. “Pero nagbago ang paniniwala kong ‘yon simula ng
dumating ka. Ginulo mo ang isip ko, ang mga plano ko.”
“Ako rin naman.”
“Nagising ako mula sa pagiging bato ko. Sinira mo ang
limitasyong binuo ko noon para sa sarili ko. Simula ng makita kita
sa kwarto ko, natutulog sa kama ko, sinabi ko sa sarili ko noon na
susubukan ko uli…susubukan ko uling buksan ang puso ko sa
anumang posibilidad. Isinantabi ko na lahat ng konsekwensyang
maaari kong harapin pagibinaba ko ang pader na na pumuprotekta
sa’kin. I’m very thankful that when you forced me to pretend as
boyfriend back then. Nandahil do’n nagkaroon ako ng
pagkakataong makalapit sa’yo.”
“You’re grumpy back then.”
“I’m sorry for that, medyo naguguluhan pa lang ako sa
mga nangyayari.”
“Okay, please continue…”
“Living with you is the happiest moment of my life. Sa
bawat araw na kasama kita rito sa Isla, happy is not enough to
describe how I feel everyday when I’m with you. Even you’re
attitude is way beyond what I expected, my heart can’t refuse to
fall for you.”
“I remember the day you said you like me.”
“That was one of the happiest day of my life. Hindi ko
akalaing masasabi ko ‘yon sayo. Well, kating-kati na nga rin ang
dila kong sabihin ‘yon sa’yo kaya lang hindi ako makakuha ng
tamang tyempo baka kasi isipin mong napakabilis ko naman.”
“Sinabi ko na yan sa’yo noon.”
“Naaalala ko. Pero wala, hindi ko na talaga napigilan
sabihin ‘yon sa’yo and I’m glad na malaman na gusto mo din ako.
Akala ko hindi na matatapos ‘yong mga araw na ‘yon. But that day
when Sabrina appeared… wala na akong mukhang maiharap
sa’yo.”
“Nangyari na ang nangyari so let’s drop this…” pareho
silang napatigil sa pag-uusap na pumailanlang sa buong chez Rafael.
Napalingon siya sa may music room roon at nakit niya ang isa sa
triplets. Naalala niyang ito ang nakakita sa kanya noong
pinapakinggan niya ang pag-uusap ng dalawa.
“Oo! Ginamit ko nga siya dahil hanggang ngayon
nasasaktan pa rin ako sa tuwing maiisip ko na ipinagpalit mo lang
ako sa iba samantalang ako minahal ka ng sobra-sobra! Ginamit
ko nga ang babaeng sinasabi mo! Ano? Masaya ka na? Yan ba ang
gusto mong marinig mula sa’kin? O ayan, sinabi ko na. Pero gusto
kong malaman mo, na nandahil din sa babaeng yun, natuto akong
magtiwala at magmahal muli. Siguro dapat rin akong
magpasalamat sa pag-alis mo dahil kundi ka umalis, baka hindi ko
siya nakilala at nagpapakatanga pa rin ako sayo ngayon. So don’t
try to compare yourself to her because she’s way better than you.”
“Xenon…”
“And one more thing you must understand, I admit that I
used her but that’s for my own sake. Dahil hindi ko kakayanin
kung mawawala siya sa’kin. I hope we’re clear on that.”
“I didn’t know…” Nakita niya pa ang pagkaway nito sa
kanya. She mouthed thank you to that person, maybe he’s Lander.
“I’m sorry for using for my own benefit. I was a total jerk
for doing that to you. I should’ve—“ Tinawid niya ang pagitan
nilang dalawa at niyakap ito ng mahigpit.
“Dapat pinakinggan ko lahat ng sinabi mo, dapat hindi kita
agad…” Napaiyak na siya sa sarili niyang katangahan.
“It’s okay now…”
“Hindi man lang kita hinayaang magpaliwanag. Sorry for
being an idiot. Sarili ko lang ang inisip ko, hindi ko naisip na…” Mas
humigpit pa ang yakap niya rito.
“Sa ating dalawa, ako lang ang naging tanga. Hindi ko agad
sinabi sa’yo ang totoo.”
“Parehas lang tayo. I’m sorry.” Hinalikan nito ang noo niya.
“Just forget it. Intindihin na lang natin ang ngayon, hmm?”
Pinalis nito ang luhang naglandas sa pisngi niya. “Wag ka nang
umiyak ha?” Marahan siyang tumango rito.
“As I was—“
“Wag mo nang ituloy, isa lang ang gusto kong malaman,
mahal mo ba ako?”
“Tinatanong pa ba yan? Syempre, oo. E ikaw ba?”
“Mahal na mahal. Matagal na, loko ka.” Pinitik niya ang
ilong nito. Hinalikan nito ang tungki ng ilong niya.
“I love you more than you could imagine.”He slowly
descended his lips to hers and again, he let her feel his love to her.
Wala na siguro siyang mahihiling sa mga oras na ‘yon. Nasa kanya
na lahat. Ayos na ang problema niya, ano pang hahanapin niya.
Inilayo nito saglit ang labi nito sa kanya. ”Buti na lang pala
natauhan agad ako, at hindi kita hinayaang makasal sa kanya,
kung nagkataon luhaan ako ngayon.” He gave her another deep
kiss she would never forget. Pakiramdam niya ang puputok na sa
saya ang puso niya sa mga nangyayari sa kanilang dalawa. “I have
something very important to offer…” Marahang lumayo ito sa
kanya at may kinuha sa bulsa.
“No way…”
“Yes way…” Napatingin siya sa hawak nitong kahita.
Lumuhod ito sa harap niya. “Hindi ko na ata kakayanin pa
pagnawala ka uli sa’kin.”
“Xenon, tumayo ka nga dyan..” Mahina niyang sabi.
“Naninigurado lang ako,” he opened the small. There is the
small ring of his love. He offered it to her as if surrendering his life
and love to her. “Marry me.” He was not asking for permission, he’s
commanding her to marry him and she’d glad to oblige.
“Without hesitation, I’ll marry you!” Masayang sagot niya
rito. She was welcomed by his loving kisses. Na parang wala na
silang pakialam sa mundo as long as magkasama sila. It was really
the best time of her lives and she was willing to beat the records in
the world as the happiest woman in town. She heard the crowd’s
applause but it doesn’t matter now. What matter is she and Xenon
now. Masaya ako ngayon, bahala na kayo sa buhay niyo.
“Yan ang wagas na pag-ibig.”
“Ikaw chloe, kailan ka magpopropose kay Vince?”
“Heh!”