Upload
lesleigh-ochavillo
View
504
Download
2
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Ang mga halimbawa ng mga tulang liriko
Citation preview
Elehiya
ELEHIYA KAY INAY
Kung ang kamataya’y isang panibagong paglalakbay aking InaySa iyong pagtawid ala-ala nami’y bauninPagmamahal mo, pagkalinga,mga pagtitiis at pagdurusaNgayo’y nakatakas ka naHabang nakamasid ka sa ‘ming iyong naiwansa mga ibong nakasama mo,sa mga talangka at sigay na naging laruan mosa mga along kahabulan moat sa malawak na buhanginang naging palaruan moNawa’y naalala mo ang mga ito sa paglisan moMag-isang ninanamnam ang kalinga ng kalikasanhabang isang ala-ala na lamang ang yakap ng iyong inasa oyayi ng hangin, ipinaghele ka,sapagkat ika’y maagang naulilaLumaking salat sa pagmamahal sa magulangTanging kaibigan naging takbuhanInulila pa ng kapatid na turananimo’y isang sadlak sa dusang nilalangPagkat ang isang kaibiga’y lumisanTuluyan nang humalik sa lupaang sarangolang dinagit ng hangin,Tanging pumpon ng bulaklaksa malamig na bato ang tangan moNakaukit na ang pangalan moAng naiwan sa ami’y mga ala-ala moNang isang inang kasabay kong nangarap,lumipad, kumalinga at sumalo sa aba ko.Sa bawat ngiti ng mga munting anghel na kinalinga moisang munting kaluluwang pinanabikan moKonting sulyap lamang sana anak koKahit ako’y malamig ng tila yeloNgunit ito’y ipinagkait moNgayon aking ina sa iyong paglalakbayBaunin mo ang aming pagmamahalIhalik sa hangin aming mga pagmamahalIbulong sa Diyos na kami’y bantayanYakapin ng pagmamahal kahit sa panaginip langNawa sa iyong pagtawid sa kabilang buhaymasilayan mo ang kaginhawahangdi natikman sa palad ko
DALIT PATRON NAMIN, SAN FRANCISCO, KAMI’Y TURUAN MO PAGKILALAG, PAGMAMAHAL, PAGLILINGKOD SA DIYOS. 1. Mahal na Patron, sinilang ka sa munting bayan ng Paola. Mga dukhang magulang mo gumabay sa iyo.
2. Isang kuwebang tiniman mo Banal na ermitanyo nag-franciscano ka at binuo sangay ng Minimo.
3. Kaya lalo kang dinayo lapit sama mga katoto sa pagsaksi mo kay Kristo sa simpleng buhay mo.
4. Naalaman ni Papa Sixto tungkol lahat sa iyo inatasan kang mangaral sa bansa at bayan. 5. Api’t dukha kinalinga
lahat pinagpala maharlika’t mayayaman iyong tinuruan.
6. Kababang loob naman tuntunin sa buhay susi ng kabanalan sarili’t tahanan. 7. Ang buhay ngayon naming batbat tigib kagipitan loob nami’y palakasin tiwala at dasal 8. Amang Francisco, ituro po ninyo ano ang tunay na ligaya ang Mabini’y sumasamo sa Diyos umaasa.
SONETO
Dalawang Soneto Sa Mga Pastol
Soneto IBato-bato po sa langitAng tamaa’y h’wag magalit.Kung kaya ikaw’y makinigAt tunghayan itong awit.Isang araw ay nagpunta Ka sa isang klinikaAt nagbukas ng pahina,Walang nakita ang mataKundi ang akda ng diyos.Ang dudulas ng taludtod,Yaong tugma’y maindayog;At ang sukat ay di kapos.Tiningala mo ba’ng diyosO nais mo ring maghambog?
Soneto IIKumpulang nagtipon ang pastol ng Diyos,Ang kunwaring layo’y sumambang malugod-Walang paki-alam kung anumang handogAng maidudulot ng kasamang liposNa nangagdalisay ng tanaga’t dalit.Nahan ka O pastol kapag nasa bukidItong punong pastol nagtiis nang sakitRumurok ang nais at pumasalangit?Ilang pagsosogang lagi kayong wala?O nag-aantabay diyos ang magwikang:Ako ang sundin n’yo! Ako ang bathala!(Lugmok katamlayan ang pastol-makata.)Manamba nang labis sa diyus-diyusan,Ang pinagpastula’y natitigang parang.
Oda
Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus
Ang bayan kong PilipinasLupain ng ginto’t bulakiakPa-ibig ang sa kanyang palad,Nag-alay ng ganda’t dilagAt sa kanyang yumi at gandaDayuhan ay nangahalinaBayan ko binihag kaNasadlak sa dusaIbon mang may layang lumipadKulungin mo at umiiyakBayan pa kayang sakdal dilag,Ang di magnasang makaalpas,Pilipinas kong minumutyaPugad ng luha at dalitaAking adhikaMakita kang sakdal laya.
Awiting Bayan
TALINDAW-URI NG AWITING O KANTAHING BAYANTalindaw-Awiting bayan tungkol sa pagsagwan.Sagwan, tayoy sumagwanAng buong kaya’y ibigay.Malakas ang hanginBaka tayo’y tanghaliin,Pagsagwa’y pagbutihin.
Oyayi o Hele URI NG AWITIN O KANTAHIN BAYAN.Matulog ka na, bunso,Ang ina mo ay malayoAt hindi ka masundo,May putik, may balaho.
KUNDIMAN -URI NG AWITING O KANTAHING BAYANSAMPAGUITASampaguita mutyang halamanBulaklak na ubod ng yamanIkaw lang ang siyang hinirangNa sagisag nitong bayan.At ang kulay mong binusilakAy diwa ng aming pangarapAng iyong bango't halimuyakSa tuwina ay aming nilalanghap.O bulaklak na nagbibigay ligayaAking paraluman mutyang SampaguitaLarawang mistula ng mga dalagaTanging ikaw lamangAng hiraman ng kanilang ganda.Ang 'yong talulot na kay gandaMga bubuyog nililigiran kaKung sa dalagang sinisintaAraw gabi'y laging sinasamba.
Mga Halimbawa
ng Tulang Liriko
Ipinasa ni: Bern Lesleigh Anne Ochavillo
Ipinasa kay:Dr.Josefina Vasallo
Elehiya Sa Isang MartirNi; Dennis Raymundo
Ikaw, gaya ng ibang bayani,
ay nag-alay ng buhay
sa panawagan ng bayan.
Pero walang lawrel
para sa’yo, isang di iniyakang sundalo.
Sa paninindigang walang dangal.
maglalaho ang lahat
para sa wala.
Habang ika’y nakahimlay dito
na isang kahihiyan
Ang sakripisyo’y di pansin.
Ang mga bata
na kinakahon ng akademya
Kapag ika’y natumba sa labanan,
Hindi nila malalaman.
Sila, na parang masayang ibon
Umaawit, pero hindi para sa’yo
Ni walang bulaklak
walang tinig ng papuri
sila, na balang araw
ay sasama rin sa’yo sa kawalan
Isa ka lamang anino
ng isang maikling buhay,
ng tagsibol na hindi dumating
at ang naratibo mo’y umiikot
na parang tuyong dahon
sa isang maliit na ipo-ipo
Umasim na ang kapayapaan ng kalangitan
Nangitim na ang mukha ng ulap
huminto na ang galit ng ihip ng hangin.
Sila rin ay tinalikuran ka.
Hindi mo ito kasalanan
Hindi nila ito kasalanan
Walang kahit sinong may kasalanan.
Lahat tayo’y may kasalanan.