2
Programa para sa Pandinig ng Sanggol Pagsusuri sa Pandinig ng Bagong Panganak: Mahalagang Kasosyo ang mga Magulang Impormasyon para sa mga magulang bago ipanganak ang kanilang sanggol Anong mangyayari kung ang aking anak ay may kawalan ng pandinig? Halos dalawa sa 1000 mga sanggol ay magkakaroon ng kawalan ng pandinig. Kung ang inyong sanggol ay masuri na may kawalan ng pandinig, ipaliliwanang ng audiologist ang uri ng kawalan ng pandinig, ang mga ingay na maririnig ng sanggol, pati na rin ang mga ingay na maaaring hindi marinig ng sanggol, at kung paano maaapektuhan ng kawalan ng pandinig ang pag-unlad sa pagsasalita at wika. Magbibigay ang IHP ng suporta para sa pag-unlad ng komunikasyon, pati na rin ng mga serbisyo ng isang Manggagawang Pangsuporta sa Pamilya (Family Support Worker) kung nais ninyo. Maaari bang maganap ang kawalan ng pandinig sa kalaunan ng buhay ng aking anak? Halos tatlo sa apat na mga bata mula sa 1000 ay magkakaroon ng kawalan ng pandinig pagsapit ng ika-limang taong gulang na maaaring makaapekto sa kanilang pagsasalita, pagbabasa, at sosyal na pag- unlad. Mahalaga na maipasuri ang pandinig ng inyong anak sa isang audiologist kung kayo ay may anumang mga alalahanin tungkol sa pag-unlad sa pandinig, pagsasalita at o wika. Saan ako makakakuha ng mas higit na impormasyon? www.ontario.ca/infanthearing Upang mag-order sa pamamagitan ng telepono: 1-800-668-9938 TTY: 1-800-268-7095 O bisitahin ang: www.serviceontario.ca/publications Publikasyon # 018870 Mas higit na alamin: www.ontario.ca/children Pebrero 2014 © Queen’s Printer for Ontario TAGALOG

Pagsusuri sa Pandinig ng Bagong Panganak: Mahalagang Kasosyo

Embed Size (px)

Citation preview

  • Programa para sa Pandinig ng Sanggol

    Pagsusuri sa Pandinig ng Bagong Panganak: Mahalagang Kasosyo ang mga Magulang

    Impormasyon para sa mga magulang bago ipanganak ang kanilang sanggol

    Anong mangyayari kung ang aking anak ay may kawalan ng pandinig? Halos dalawa sa 1000 mga sanggol ay magkakaroon ng kawalan ng pandinig. Kung ang inyong sanggol ay masuri na may kawalan ng pandinig, ipaliliwanang ng audiologist ang uri ng kawalan ng pandinig, ang mga ingay na maririnig ng sanggol, pati na rin ang mga ingay na maaaring hindi marinig ng sanggol, at kung paano maaapektuhan ng kawalan ng pandinig ang pag-unlad sa pagsasalita at wika. Magbibigay ang IHP ng suporta para sa pag-unlad ng komunikasyon, pati na rin ng mga serbisyo ng isang Manggagawang Pangsuporta sa Pamilya (Family Support Worker) kung nais ninyo.

    Maaari bang maganap ang kawalan ng pandinig sa kalaunan ng buhay ng aking anak?Halos tatlo sa apat na mga bata mula sa 1000 ay magkakaroon ng kawalan ng pandinig pagsapit ng ika-limang taong gulang na maaaring makaapekto sa kanilang pagsasalita, pagbabasa, at sosyal na pag-unlad. Mahalaga na maipasuri ang pandinig ng inyong anak sa isang audiologist kung kayo ay may anumang mga alalahanin tungkol sa pag-unlad sa pandinig, pagsasalita at o wika.

    Saan ako makakakuha ng mas higit na impormasyon?www.ontario.ca/infanthearing

    Upang mag-order sa pamamagitan ng telepono:1-800-668-9938TTY: 1-800-268-7095

    O bisitahin ang: www.serviceontario.ca/publicationsPublikasyon # 018870

    Mas higit na alamin: www.ontario.ca/children

    Pebrero 2014 Queens Printer for Ontario

    TAGALOG

  • Programa para sa Pandinig ng Sanggol

    Ano ang Pagsusuri sa Pandinig ng Bagong Panganak? Ang Ontario Infant Hearing Program (IHP) ay isang programa sa buong probinsiya ng Ministri ng mga Serbisyo para sa mga Bata at Kabataan (Ministry of Children and Youth Services) na nagsusuri ng mga sanggol para sa kawalan ng pandinig pagkapanganak. Ang pagsusuri ay nagaganap sa ospital o sa isang nakabatay sa komunidad na tagpuan. Ang programa ay dinisenyo upang:

    Kilalanin ang lahat ng mga sanggol na may kawalanng pandinig pagkapanganak.

    Magbigay ng mga serbisyo at suporta sa mga batana bingi o nahihirapang makarinig, upang ang mgapamilya ay makagawa ng napag-alamang mgadesisyon tungkol sa teknolohiya sa pandinig(hal. mga hearing aid), mga pasenyas o manwal nasalita (hal. American Sign Language) at iba pang mgaparaan para sa pag-unlad ng komunikasyon. Angmga serbisyong ito ay sumusuporta sa pagpapaunladng salita at maagang kakayahan sa pagbasa atpagsulat upang maging handa ang mga bata napumasok sa paaralan.

    I-monitor ang mga sanggol na nasa panganib ngmaagang kawalan ng pandinig.

    Bakit kailangan ng aking sanggol ng pagsusuri sa pandinig pagkapanganak? Ang karamihan ng mga sanggol ay ipinanganak na nakahandang makarinig ng mga boses ng kanilang mga magulang at ng mga ingay ng mundong nasa paligid nila. Ang mga sanggol na may kawalan ng pandinig ay mayroon ding parehong pangangailangan upang ma-akses ang isang nakakapagpasiglang kapaligiran ng wika tulad ng mga sanggol na may normal na pandinig. Ang pagkilala sa kawalan ng pandinig pagkatapos na

    maipanganak ay mahalaga. Pinahihintulutan nito ang mga pamilya na makipagtulungan sa mga propesyunal ng pangangalagang pangkalusugan na alamin ang pinakamabuting paraan upang matulungan ang kanilang anak na matuto ng wika at maiwasan ang pagkahuli sa komunikasyon at sosyal na pag-unlad.

    Paano ginagawa ang pagsusuri sa pandinig?Ang isang tagapagsuri sa pandinig ng IHP na may ispesyal na pagsasanay ang magsasagawa ng pagsusuri sa pandinig para sa inyong sanggol sa ospital o sa isang nakabatay sa komunidad na tagpuan. Ang pagsusuri na ito ay mabilis at ligtas. Mahinang antas na mga tunog ang patutugtugin ng isang kompyuter sa tainga ng inyong sanggol na gamit ang isang malambot na dulo. Maraming mga sanggol ang nakakatulog sa panahon ng pagsusuri.

    Paano kung hindi makapasa sa pagsusuri ng pandinig ang aking sanggol? Kung magkaroon ang inyong sanggol ng isang refer na resulta mula sa inisyal na pagsusuri sa pandinig, sila ay magkakaroon ng ikalawang pagsusuri sa pandinig bago kayo umalis sa ospital o sa isang lokasyon sa komunidad pagkatapos kayong makaalis. Kung ang ikalawang pagsusuri ay magkaroon din ng isang refer na resulta, kayo ay bibigyan ng iskedyul para sa mas mataas na uri ng pagsusuri sa pandinig. Ang pagsusuri sa pandinig ay gagawin ng isang audiologist ng IHP na mayroong kaalaman at mga kakayahan na kilalanin at gamutin ang kawalan ng pandinig sa mga bata. Napakahalaga na kayo ay pumunta sa appointment na ito dahil ang paggamot sa kawalan ng pandinig nang maaga sa buhay ay makakatulong sa inyong anak na makapagdebelop ng mga kakayahan sa pagsasalita, wika, pagbabasa at mga pangsosyal na mga kakayahan na mahalaga para sa paaralan at sa pangkalahatang kalusugan.

    Ang pahinang ito ay sadyang iniwan na blangko

    Pagsusuri sa Pandinig ng Bagong Panganak: Mahalagang Kasosyo ang mga MagulangImpormasyon para sa mga magulang bago ipanganak ang kanilang sanggolAno ang Pagsusuri sa Pandinig ng Bagong Panganak? Bakit kailangan ng aking sanggol ng pagsusuri sa pandinig pagkapanganak? Paano ginagawa ang pagsusuri sa pandinig?Paano kung hindi makapasa sa pagsusuri ng pandinig ang aking sanggol? Anong mangyayari kung ang aking anak ay may kawalan ng pandinig? Maaari bang maganap ang kawalan ng pandinig sa kalaunan ng buhay ng aking anak?Saan ako makakakuha ng mas higit na impormasyon?