17
PAG-AARAL NG MEDISINA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (1877-1882)

Pag-aaral ng Medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Rizal at UST

Citation preview

PAG-AARAL NG MEDISINA SA

UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

(1877-1882)

Kursong Kinuha sa Unibersidad• pilosopiya at sulat (1877 – 1878)• medisina

Ang Oposisyon ng Ina sa Mataas na Pinag-aralan- Nais ni Don Francisco at Paciano na makapakarera si Jose sa isang unibersidad

- Tutol si Doñ Teodora dahil sa takot na mangyari kay Jose ang nangyari sa Gom-Bur-Za

Pumasok si Rizal sa Unibersidad• Abril 1877, 16 na taong gulang si Rizal

ay nagmatrikula sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong Pilosopiya at Sulat.Bakit Pilosopiya at Sulat?

- ito ng gusto ng kanyang ama- hindi pa siya sigurado sa magiging

karera niyaPadre Pablo Ramon – Rektor ng Ateneo na hiningian niya ng payo sa pagpili ng karera

Kosmolohiya, Metapisika, Teodisiya, at Kasaysayan ng Pilosopiya ang mga pinag-aralan ni Jose sa unang taon niya sa unibersidad (1877-1878)

Nag-enrol si Rizal ng Medisina dahil:- Sinunod niya ang mungkahi ni Padre Ramon- Nais niyang magamot ang pagkabulag ng kanyang ina

Tinapos ang Kurso ng Pagsasarbey sa Ateneo (1878)-Kumuha siya ng kursong bokasyonal at naging dalubhaang agrimensor (perito agrimensor)- naipasa niya ang kurso sa edad na 17 ngunit naibigay lamang ang titulo noong Nobyembre 25, 1881

Segunda Katigbak – 14 na taong gulang (nabanggit na sa naunang kabanata)

• “Binibining L” – maganda at may kahali-halinang mga mata ngunit biglang itinigil ang panliligaw dito dahil: - Iniibig pa rin niya si Segunda- Hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni “Binibining L”• Leonor “Orang” Valenzuela – anak nina Kap.

Juan at Kap. Sanday Valenzuela na kapitbahay nila sa Pansanjan, Laguna

- Tintang di nakikita na gawa sa ordinaryong asin at tubig ang ginagamit ni Rizal sa

pagpapadala ng liham ng pag-ibig dito

Mga Pag-ibig ni Rizal

• Leonor Rivera – anak ni Antonio Rivera, tiyuhin ni Jose at ang may-ari ng bahay na tinirhan niya sa Casa Tomasina, Blg. 6 Kalye Santo Tomas, Intramuros noong nasa ikatlong taon siya sa Unibersidad (1879).

- estudyante sa Kolehiyo ng La Concordia kung saan nag-aaral din si Soledad

- isinilang noong Abril 11, 1867 sa Camiling, Tarlac

- “Taimis” ang inilalagda niyang pangalan sa mga liham kay Rizal

Biktima ng Kalupitan ng Opisyal na Epanyol• Isang madilim na gabi sa Calamba noong 1878• Nadaanan niya ang isang tenyente ng

Guardias Civiles na hindi niya nakilala at binati• Nagalit ito at hinampas si Rizal ng kanyang

espada at sinaktan ang likuran• Isinumbong ni Rizal ang insidente ka Heneral

Primo de Rivera, ang Espanyol na gobernador-heneral ngunit walang nangyari dahil sa siya ay isang indio

• Sumulat siya kay Blumentritt noong Marso 21, 1887 at sinabi ang nangyari

“Para sa Kabataang Pilipino” (1879)• Sa paligsahang pampanitikan ng Liceo Artistico-

Literario ng Maynila:− Nagsumite si Rizal ng kanyang tulang

pinamagatang “A La Juventud Filipina” (Para sa Kabataang Pilipino).

− Ang unang gantimpala na isang pilak na panulat, hugis pakpak at may dekorasyon na gintong laso ay iginawad sa batang Rizal

• Sa pamamagitan ng kanyang tula, hiniling ni Rizal sa kabataang Pilipino na imulat na ang mga mata sa mga nangyayari sa kanilang paligid, na hayaang pumailanlang ang kanilang talino sa sining at agham, at lagutin ang tanikalang pumipigil sa diwa nila bilang tao.

Ang tulang A La Juventud Filipina ay klasiko sa panitikang Pilipino dahil:

− Isa itong napakagandang tula sa Espanyol na isinulat ng isang Pilipino at kinilala ng mga Espanyol na awtoridad sa panitikan

− Ipinahayag nito sa kauna-unahang pagkakataon ng isang Pilipino – hindi mga dayuhan – ang konsepto ng pagiging makabayan, na ang kabataan ang siyang “pag-asa ng bayan”

“Ang Konseho ng mga Diyos” (1880) Panibagong paligsahan sa panitikan ng Liceo

Atistico-Literario para sa ikaapat na sentenaryo ng kamatayan ni Cervantes ang itinanghal.

Manuel De Cervantes – dakilang Espanyol na hinahangaan sa larangan ng panitikan na manunulat ng Don Quixote.

El Consejo de los Dioses (Ang Konseho ng mga Diyos) isang dulang alegorikal na ibinatay sa klasikong Griyego• Tinulungan si Rizal ni Padre Pablo Ramon sa

pangangalap ng mga kinakailangang materyales sa panitikang ito

• Sa kabila ng mga pagtutol, iginawad pa rin kay Rizal ang unang gantimpala: gintong singsing na may nakaukit na mukha ni Cervantes

D. N. del Puzo – Espanyol na manunulat na nanalo ng pangalawang gantimpala

1879: Abd-el-Azis y Mahoma – tula na binigkas ng isang Atenista, Manuel Fernandez, noong gabi ng Disyembre 8, 1879, pista ng Immaculada Concepcion, ang Patron ng Ateneo

1880: Junto al Pasig (Sa Tabi ng Pasig) – sarsuwelang itinanghal ng mga Atenista noong Disyembre 8, 1880, bilang parangal sa Patron ng Ateneo. Pangulo siya noon ng Akademya ng Literaturang Espanyol

1880: A Filipinas – sonata para sa album ng Samahan ng mga Iskultor kung saan hinikayat niya ang mga artistang Pilipino na magbigay-dangal sa Pilipinas

1881: Al M. R. P. Pablo Ramon – tulang nagpapakita ng pagmamahal kay Padre Pablo Ramon, ang rektor ng Ateneo na naging mabuti at matulungin sa kanya

Iba pang Pampanitikang Gawain

PAGBISITA NI RIZAL SA PAKIL AT PAGSANJAN

Mayo 1881 – sumama si Rizal sa kanyang mga kapatid na sina Saturnina, Maria, Trinidad at mga kaibigang babae sa peregrinasyon ng kilalang dambana ng Birhen Maria de los Dolores sa Pakil

• Kasko – sinakyan nila mula Calamba papuntang Pakil, Laguna at tumuloy sa bahay ni Nicolas, kaibigan ni Rizal sa Maynila, anak nina G. at Gng. Manuel Regalado

• Turumba – sayaw habang ipinuprusisyon ang istatwa ng milagrosang Birhen Maria de los Dolores

• Nabighani si Rizal kay Vicenta Ybardolaza na mahusay tumugtog ng alpa sa tahanan ng mga Regalado

Dahilan ng pagbisita:•ito ang bayang sinilangan ni Leonor Valenzuela•upang makita ang Talon ng Pagsanjan na kilala sa buong mundo

Kampeon ng mga Estudyanteng Pilipino-Napapadalas ang pag-aaway ng mga estudyanteng Pilipino sa mga estudyanteng Espanyol-Tinatawag na “Indio, chongo” ang mga Pilipino at “Kastila, bangus” naman ang tawag sa mga Espanyol

• 1880: naitatag ang Compañerismo (Pagsasamahan) – lihim na samahan ng mga estudyanteng Pilipino sa UST na tinawag na “Kasama ni Jehu”

• Si Rizal ang pinuno ng samahan kasama ang pinsang si Galicano Apacible na siya namang kalihim.

• Sa isa sa mga labanan sa may Escolta sa Maynila, nasugatan sa ulo si Rizal. Dinala siya sa Casa Tomasina at masuyong ginmot ni Leonor Rivera

Malulungkot na Araw sa UST

Hindi naging masaya si Rizal a UST dahil:- Hindi maganda ang pagtingin sa kanya ng mga Dominikong Propesor

- Mababa ang pagtingin sa mga estudyanteng Pilipino - Sinauna at mapang-api ang sistema ng pagtuturo

Ikinuwento sa Kabanata XIII “Ang Klase sa Pisika” ng El Filibuterismo na hindi ipinapagamit ni pahawakan sa mga estudyante ang mga aparato sa laboratoryo dahil ito ay para lamang maipakita sa mga panauhin.

- Hindi nagkamit si Rizal na siyang pinakamahusay na estudyante sa Ateneo ang mataas na karangalan sa UST.

Desisyong Makapag-aral sa Ibang Bansa

Pagkaraang matapos ang ikaapat na taon sa kursong medisina, nagpasya si Rizal na mag-aral sa Espanya.

Sang-ayon dito sina:- Paciano- Saturnina (neneng) at Lucia- Tiyo Antonio Rivera- Mag-anak na Valenzuela- Ilang kaibigan

Hindi siya nagpaalam sa:- Kanyang mga magulang- Kanyang minamahal na si Leonor Rivera- Sa mga awtoridad na Espanyol

itutuloy…

SALAMAT!!!