9

OK KAYO, ABs GLOBE ASIATIQUE, - Integrated … VS. TRUCKERS: PEACE MUNA ng lipunan, something we cannot delay, like people,” paliwanag ni Suansing. Hindi tinanggap ang compromise

  • Upload
    hadieu

  • View
    221

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: OK KAYO, ABs GLOBE ASIATIQUE, - Integrated … VS. TRUCKERS: PEACE MUNA ng lipunan, something we cannot delay, like people,” paliwanag ni Suansing. Hindi tinanggap ang compromise
Page 2: OK KAYO, ABs GLOBE ASIATIQUE, - Integrated … VS. TRUCKERS: PEACE MUNA ng lipunan, something we cannot delay, like people,” paliwanag ni Suansing. Hindi tinanggap ang compromise

2 31-15 MAR 2014 1-15 MAR 2014

Napagkasunduan na ang increase ng mga Able Bodied seafarers.

Nagkamayan na ang International Shipping Federation (ISF) at International Transport Workers’ Federation (ITF) tungo sa implementasyon ng salary adjustment.

From January 1, 2015, ang International Labor Organizationminimum monthly basic wage para sa Able Seafarer ay US$592.

Medyo humupa ang girian nina Manila Mayor Joseph Estrada at mga truckers sa implementasyon ng truck ban.

Nagbukas kasi ng karagdagang dalawang oras na pwedeng pumasada ang mga trucks sa mga kalsada ng Maynila.

Sabi nga, two hours dagdag na window na syang compromise agreement ng magkabilang panig.

Ang orihinal na window ng truck ban ay 10am to 3pm, pinahaba ito ng hanggang 5pm basta may kargamento.

Ito ay matapos mag boycott ang mga truckers at makipag-girian sa mga pulis.

Naka combat gear si Mayor Erap nang harapin ang mga truckers na umaastang palaban din.

“As long as we are within the law we will enforce the law whether they like it or not. The law is the law,” pahayag ni Erap sa media.

Susog naman ni Vice Mayor Isko Moreno, “masaya ang mga tao dahil sa pagluwag ng traffic gaya ng makikita sa twitter at social media.”

Subalit kaiba ang pananaw ni Alberto Suansing, presidente ngIntegrated Truckers Association.

“Sana maunawaan ng public na ang truck ay may malaking bahagi

At from January 1, 2016, ang basic basic wage ng AB ay US$614.

Ang salary icrease mula sa kasalukuyang US$585 ay napagkasunduan noong February 26-27 sa Geneva.

Sabi ni ISF spokesman Arthur Bowring: “We believe the decision taken is an appropriate one that gives shipowners adequate notice to be prepared for the impact of agreed changes going forward to 2016.”

Maraming marinero ang apektado ng issue laban kay Delfin Lee, President ng Globe Asiatique.

Siya ang main suspect sa syndicated estaffa na P6.5 billion real estate scam.

Marami sa mga nabiktima ay pamilyang marinero, pinag-iipunan ang pinagtyagaan ng kanilang mga asawa sa risko ng paglalayag sa ibang bansa at kontinente.

Dalawang beses umanong tumanggap ang Globe Asiatique ng payments, una mula sa direct

buyers at, pangalawa, mula sa mga nakakuha ng Pag-IBIG loans -- a case of double selling.

Kasabwat umano ang isang Pag-IBIG employee na si Alex Alvarez na kasama sa mga kinasuhan.

Natuklasan na sakop ng illegal scheme ang 90 percent ng housing project ng Globe Asiatique.

Dito ngayon inaasahan ng mga marinero ang liwanag ng kanilang pinag-impukan.

Ngayong ikinulong, paano na ang kanilang investment?

OK KAYO, ABs MAY INCREASE

ESTAFFA NG GLOBE ASIATIQUE,

MARIIN SA MARINERO

Inihahanda na ang sampung 40-meter maritime vessels ng Philippine Coast Guard.

Pinirmahan nina Finance Secretary Cesar Purisima at Japan International Cooperation Agency (JICA) President Akihiko Tanaka ang P7.94 billion loan package para rito noong December last year para sa maritime safety capability improvement ng PCG.

Ang Multi-Role Response Vessels ay gagamitin sa coastal areas ng bansa including NCR-Central Luzon in Manila; Central Eastern Visayas in Cebu; South Western Mindanao in Zamboanga City; Palawan in Puerto Princesa City; Southern Tagalog in Batangas City; Western Visayas in Iloilo City; Northern Luzon in San Fernando, La Union; South Eastern Mindanao in Davao City; Bicol in Legaspi City; Northern Mindanao in Cagayan de Oro City; North Eastern Luzon in Appari City; at Eastern Visayas in Ormoc.

Kukuha naman ang Department of Transportation and Communications ng isang Japanese consultant para magbigay ng consulting services, procurement assistance, at construction supervision para sa project.

Layon nitong palakasin at i-develop ang coast watch/patrol at search and rescue capabilities ng PCG para sa international commitments ng Pilipinas sa maritime safety and security at maritime environmental protection.

P8 BILLION BARKO ng PCG

ASYONG VS. TRUCKERS: PEACE MUNAng lipunan, something we cannot delay, like people,” paliwanag ni Suansing.

Hindi tinanggap ang compromise offer na ilipat sa Batangas at Subic ang operasyon. Ito ay may kaakibat na malawak na mga suliranin.

Sinimulan ang truck ban noong February 24, sang-ayon sa Manila City Ordinance 8336. Six months itong ipatutupad.

Sakop ng truck ban ang cargo, gravel and sand, cement mixers, 8-wheelers at lahat ng truck na may gross vehicle weight ng at least 4,500 kilograms.

Exempted naman ang mga trucks na may kargang perishable commodities.

May multang P5,000 sa mga lalabag at pwede pang ma-impound ang truck.

SAMANTALANG…Pinulong ni Philippine Ports Authority GM Juan Sta. Ana ang mga stakeholders noong March 3.

Ang mga napagkasunduang adjustments:

Night shifts sa private warehouses at container yards para ang mga cargo ay ma-dispatch at matanggap sa oras na magaan ang daloy ng traffic;

Trucking-by-appointment para mawala ang loose trucking, kung saan nakikipagnegosasyon ang operators sa cargo owners on the spot;

Extended work hours sa Customs para sa valuation, examination at release;

Extended work hours ng mga bangko para sa pagbayad sa pag-release ng mga kargamento;

Stricter monitoring ng mga truckers ng kanilang hanay.

Pagdaragdag ng PPA ng parking areas.

Ms. Veneranda (Vener) B. PalancaArea Manager

Yours is the Bright Future!!!We, at PHILPLANS provide Bright Future!Would you like to know how?Hurry, Time to know Now!!!

3rd Floor DianneBldg. 748 Rizal Ave., Caloocan CityTel. No. 381-9318Mobile: 0919-7550976 / 0943-35548337

ProductsPension PlanEducation PlanMemorial Plan

Business Trip to Singapore. Ms. Regina Eliza V. Jimenez with ASP Ship Management Group officials Capt. Robert Walker, Mr. Vitaliy Chayka and Capt. Denzil D’Souza. Ms. Jimenez is the marketing officer of Unlad Ship Manning and Management Corp. and Global Manpower Management and Development Corp., accompanied by her distinguished father Commo. Dante La. Jimenez.

Page 3: OK KAYO, ABs GLOBE ASIATIQUE, - Integrated … VS. TRUCKERS: PEACE MUNA ng lipunan, something we cannot delay, like people,” paliwanag ni Suansing. Hindi tinanggap ang compromise

4 51-15 MAR 2014 1-15 MAR 2014

Pano naman ang productivity ng mga nata-traffic? Kawalang malaki ito sa napakalaking bahagi ng pamayanan.

Yes, mahalaga ang tubo. Pero paano naman ang kalusugan na nasisira ng traffic pollution? Oo, bumababa rin ang kita ng Customs na umaasa ng 48% collection mula sa Manila operation.

Tama ang mga alegasyon ng mga nagtatalo. Pero hindi naman maaaring isang panig lang ang puro tama. Pag ganon, yung panig na iyon ang may tama.

Kasi kung ano man ang idinideklara, ikinukubli ang interes ng politics, power at profit. Kung anu-ano pa ang pinagsasabi. Para naman talaga sa kanilang interes at hindi gaano sa panlipunang ugnayan.

Kaya sa compromise na umiiral ngayon, happy kami sa paninindigan ni Mayor Estrada. Also happy on the pang-uunawa ni Mr. Suansing at mga katoto.

Bumaba ang tension, lumuwag ang trapik. Sana magpatuloy ang ganitong pagkakaunawaan at pagbibigayan.

Kasi… parating pa ang truck ban ng Caloocan at Valenzuela.

Sa usapin ng truck ban sa Maynila , nakikita na naman natin ang hilig ng Pinoy sa madamdaming eklat; ang isyu daw ay katungkulang mamuno laban sa karapatang mamuhay.

Kaya ang simpleng problema nagiging malaking PROBLEMA. Aba’y naka battle gear pa si Mayor; abot Vietnam at Myanmar naman ang pagtutol ng truckers.

Sandali, boys – ay, mga men pala. Mahirap ayusin pagang papakinggan ay sariling tinig lamang. Sabi nga ni lola, mahirap gisingin ang hindi tulog.

Umpisahan natin sa beginning.

Walang politikong gustong magbawal sa tao hangga’t hindi sagad. Basic yan sa pangangalap ng boto para sa eleksyon.

Kaya nga nag truck ban dahil sagad na ang kahirapan dulot ng mga higanteng trucks sa lansangan.

Yes, opportunity loss in economic terms sabi nga ng Citigroup Global Markets. But loss din sa mga ipit sa traffic sa loob ng tricycle, jeep, bus at kotse.

Yes, kumokonti ang profit ng mga truckers. Pati nga ang mga locator sa economic zones, susog ni PEZA head Lilia De Lima.

Publisher

EDITORIAL

POLITICS, POWER, PROFIT

Marino WorldWriter’s Pool

EDITORIAL BOARD

Adm. Wilfredo Tamayo, PCG (Ret.)Capt. Rodolfo Estampador

Commo. Dante Jimenez, PCGACapt. Jaime QuinonesEngr. Sammuel Lim

Guest Columnists

JHON HENSON ONGLayout

ROYETTE DE PAZPhotography

MIA LAPISMarketing

LYN BACANIPublisher

BAYANI LAGACEditorial Consultant

1732 Modesto St. Malate, Manila521-3633; 785-1130; 0916-630-7080

[email protected]

Published twice a month by: Bacani & Associates

Media Services Co. (BASMS)

Eight trucks ng saku-sakong bigas at de lata ang itinapon sa Palompon Leyte.

Sa dami ng itinapon, ang dumping operation ay umabot daw ng limang araw, mula Marso a-6 hanggang 10th.

Ang mga relief goods na ito ay ibinasura sa landfill sa Cantandoy Village. Napagtapunan pa ang bahagi ng lupa ni Benjamin Campos.

Mahigpit na pinagbawalan ang sinomang pumasok sa 5.3 hectare na landfill, guwardiyado-sarado.

Wala raw katotohanan ang gayong garbage dumping, giit ni Raul Bacalla, Palompon environment and natural resources officer.

Subalit giit ni Warblitz Martinez, totoo daw na buntun bunton ng

Kawasaki Kisen Kaisha, Ltd. (K” Line) Philippines President Katsumi Teranishi hands over their donation of 5 million yen (about US$50,000.00) for victims of super typhoon Yolanda. Accepting is Ms. Cherry Bautista of Rayomar Outreach Foundation.

The gesture is in cooperation with the Japanese Shipowners’ Association to mobilize free transport of emergency relief supplies to calamity - stricken areas.

Assistance goes well into rehabilitation and other facets of returning to normalcy.

pakete ang sinunog at tinabunan ng lupa.

Si Martinez ay presidente ng Palompon Chamber of Commerce and Industry at masidhing kritiko ni Palompon Mayor Ramon Onate.

Scavengers at journalists ay pinagbawalan ng security guard na makapasok o matingnan ang ginagawang pagsunog ng mga hinihinalang relief goods. Ang pagbabawal ay alinsunod sa utos umano ng mga opisyales ng bayan.

Kung totoo ang naturang pagbabasura ng mga relief goods, napakalaking kasalanan nito sa taong bayan. Sa panahon ng matinding pangangailangan, parang minabuti pa ng mga opisyales na mabulok rather than ipamahagi sa mga kumakalam ang mga sikmura.

RELIEF GOODS HINDI IPINAMIGAY, SINUNOG

LOVINGHEART FROM A FOREIGN LAND.

Page 4: OK KAYO, ABs GLOBE ASIATIQUE, - Integrated … VS. TRUCKERS: PEACE MUNA ng lipunan, something we cannot delay, like people,” paliwanag ni Suansing. Hindi tinanggap ang compromise

6 1-15 MAR 2014

POEA Administrator Hans Leo Cacdac directly puts blame on the manning agency for the lost of two Pinoy seamen sa Baltic Sea.

In his twitter, the Administrator says, “We hold Philippine manning agent Wagenborg responsible for two missing Filipino seafarers on MV Marietje Andrea who went overboard in the South Baltic Sea.”

Ang mga marinerong ito ay sina Harlan Layosa at Gleemar Sapanta, magpinsan, from Barili, Cebu.

Sila ay nawala noong December 2013.

Ayon sa report, 8am ang paglilinis sa cargo vessel’s deck ng dalawa.

Biglang narinig ng chief officer ang sigaw ng mga ito.

Nakitang nasa dagat na, humihiyaw ng saklolo.

Nabigo ang search and rescue operations ng Swedish Coast Guard na mahanap ang mga seafarers.

Six degree celsius daw ang temperature sa Baltic Sea nang mangyari ang insidente.

Naghihintay sa resulta ng imbestigasyon ang pamilya ng mga biktima. Nabubuhayan ng loob dahil sa paninindigan ni Administrator Cacdac.

CAPT. ALVIN A. TORMON has accepted to be the MARINA STCW Executive Director

effective immediately.

A Rotarian, Capt. Tormon is also a lawyer and holds a doctorate in public administration.

CACDAC ACCUSES MANNING AGENCY

APPOINTMENT

For Ad Placement and Subscription: 521-3633 / 785-1130 [email protected]

Page 5: OK KAYO, ABs GLOBE ASIATIQUE, - Integrated … VS. TRUCKERS: PEACE MUNA ng lipunan, something we cannot delay, like people,” paliwanag ni Suansing. Hindi tinanggap ang compromise

8 91-15 MAR 2014 1-15 MAR 2014

MARINERS SYSTEM’s RUBY YEAR

POMI GETS THE STARS

Talagang recognized na sa Excellence ang POMI (Pacific Ocean Manning, Inc.)

Ito nga ay ginawaran ng Award of Excellence ng Philippine Overseas Employment Administration na tinanggap ni Captain Amador Servillon, Presidente ng POMI.

Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang seremonya sa Rizal Hall ng Malacanang Palace noong February 10, 2014.

Isa ang POMI sa 13 mula sa mahigit 400 manning agencies na binigyan ng parangal dahil sa mahusay at huwarang pagbibigay-hanapbuhay sa ating mga marino.

With the top guns. Capt. Amador Servillon, President of POMI with Labor Secretary Rosalinda Baldoz, DOLE U/Sec Danilo Cruz, POEA Administrator Hans Leo Cacdac and OWWA Administrator Carmelita Dimzon.

Kinilala ang mahalagang kontribusyon ng mga manning agencies sa ekonomiya ng bansa.

Pinasalamatan din ni Pangulong Aquino ang mga awardees sa pagtulong sa Gobyerno na protektahan ang karapatan ng mga marino, ang ating mga Bagong Bayani.

Samantala, patuloy na pinalalawak ng POMI ang serbisyo nito.

Inihahanda na ang 6,700 square meters na bago nitong opisina sa Aseana Central Business District, along Roxas Boulevard and Manila Bay.

“Mariners for Bicolanos: 40 Years and Beyond,” ang theme ng 40th Foundation Anniversary ng Mariner’s System.

Punung-puno ng aktibidad ang March 3-4 na celebrations ng MPCF (Mariner’s Polytechnic Colleges Foundation).

Pinangunahan ito ng dalawang Presidente: Commo. Dante Jimenez (Camarines Sur) at Dr. Marillisa Jimenez-Ampuan (Naga).

Nagsama-sama ang Pamilya Jimenez, mga empleyado, estudyante at guests sa misa at floral offering sa Founder’s bust.

Kasama sa mga programa ang medical mission para sa barangay, job fair, food fair, forum, invitational basketball game at swimming exhibition.

Siyempre, ang inauguration ng mga facilities ng MPCF. Ang bagong Shipboard Training Office at Maritime Training Institute.

May unveiling din ng billboard ng proposed modern Library for Safe Seafaring (L4SS) funded by a grant

from the Amsterdam-based ELSEVIER Foundation.

Sa Employees’ Night, binigyan ng parangal at cash gifts ang mga loyal na empleyado.

Ang 40th year ng Mariner’s at patuloy na pag-unlad nito, ay naghahatid ng inspirasyon sa mga Bicolano.

Marami nang mga graduates nito ang namamayagpag ang career ngayon at nakakatulong na sa kanilang mga pamilya at sa komunidad.

Honoring Mariner’s Chairperson Emeritus Eliza Lazaro Jimenez.

Page 6: OK KAYO, ABs GLOBE ASIATIQUE, - Integrated … VS. TRUCKERS: PEACE MUNA ng lipunan, something we cannot delay, like people,” paliwanag ni Suansing. Hindi tinanggap ang compromise

10 1-15 MAR 2014

Matindi ang pagputok ng butse ng mga gun owners dahil sa utos na lahat ng gun permit ay sa Maynila padadaanin.

Ito ang kontrobersyal na bagong kautusan ni PNP Chief Alan Purisima.

Naghihimutok din ang mga PNP Regional at Provincial officials dahil sa kawalang tiwala yata sa kanilang kakayahan ng hepe.

Mga gun owners mula norte hanggang Jolo dapat sa Maynila sila mag followup ng permit.

Kaya sila ay ballistic dahil sa gastos, panahon at pagod.

Natutuwa naman siguro ang mga fixers sa Maynila dahil uulan ng mga prospects ang kani-kanilang raket.

Naisampa na ng W.A.R.M. (Water for All Refund Movement) ang kaso ng plunder against 54 officials ng former at current board ng MWSS pati na opisyales ng Manila Water at Maynilad.

Kasama sa plunder case ay mga bilyonaryong kagaya ni MVPangilinan, DMConsunji, Zobel De Ayala, Secretary Almendras, Secretary Singson at iba pa.

Ang plunder ay nag-uugat sa 6-billion Laiban Dum Project at Angat replacement project.

Naningil na sa consumers subalit hindi naman ginawa mula pa noon hanggang ngayon.

Susog nga ni three-term Rep. Mitos Magsaysay sa kanyang tv program (Libertas – GNN), tatlong

Umakyat sa 4.5% ang pagkakautang ng National Government, sabi ng Bureau of the Treasury.

Mula December 2013, P5.681-trillion ang utang. Ito ay mas mataas sa P5.437-trillion noong 2012.

Samantalang lumalaki ang pagkakautang, lumalaki rin ang ibinibigay na subsidy sa mga state firms.

Tumaas ng 55.57% noong 2012.

Itong increase ay taliwas sa sinasabi ni Pangulong Aquino na dapat pagtuunang pansin ang mga GOCC (Government Owned and Controlled Corporations).

Sabi ng Presidente, isasara ang mga nalulugi at duplikadong GOCC.

Kasi naman, hindi ka qualified na fixer kung wala kang amo sa loob.

Ang pangalawang iniaangal ng mga gun owners ay ang mahal na courier fee para ipadala ang kanilang mga permit.

Ang nanalong exclusive forwarder ng mga permit ay walang sariling organisasyon.

Ginagamit lang ang mga establisadong courier services. Ngunit sobra sa doble ang singil sa mga gun owners.

Sa pananaliksik, ang may-ari daw ng nanalong courier service ay isang retiradong heneral ng PNP, si General Bacolod yata o taga-Bacolod.

Konggreso na ang nakalipas subalit ngayon lang nagkaroon ng aksyon dito.

Obserbasyon ni Magsaysay, hindi nagbigay ng tamang business proposal ang dalawang conssessionaires.

Bagkus pataas pa ng pataas ang singil sa tubig, halos kasing mahal na ng kuryente.

Isinampa ng WARM ang kaso sa Ombudsman noong Marso-6 kasabay ng isang motorcade na nag-umpisa sa MWSS gate.

Ang motorcade ay multi-sectoral; sinamahan ang WARM ng mga kababaihan, kabataan, simbahan, urban poor at mga water consumers.

Dadaloy kaya ang plunder case?

Subalit inaprub ng Presidente ang malaking milyones na bonus sa MWSS (Metro Waterworks and Sewage Systems).

At ngayon, tumaas pala ang subsidy ng pamahalaan sa mg GOCC.

Sabi nga ng mga economic observers, iba daw ang ginagawa sa sinasalita.

Ang pagtaas ng utang at subsidy sa mga GOCC ay hindi kaaya-aya dahil sa mahina ang economic growth sa unang quarter ng 2014.

Sabi ng mga economic analysts, hindi raw nakuha ang target na income ng gobyerno.

GOVERNMENT

GUN OWNERS NAGPUPUTOK

MWSS 68-B PLUNDER

BUMULWAK

LUMULOBO ANG UTANG

NG NATIONAL GOVERNMENT

Page 7: OK KAYO, ABs GLOBE ASIATIQUE, - Integrated … VS. TRUCKERS: PEACE MUNA ng lipunan, something we cannot delay, like people,” paliwanag ni Suansing. Hindi tinanggap ang compromise

131-15 MAR 2014

ACROSS1. Side to side.

2. The ship’s certificate determining the ownership and nationality of the vessel.

3. A large wave.

4. The space below decks utilized for the stowage of cargo and stores.

5. The part of the bow above the water.

ACROSS 1. Afloat 2. Underway 3. Messman 4. Tanker 5. KeelDOWN 1. Founder 2. Yaw 3. Anchor 4. Track 5. Stern

*SAGOT SA NAKARAAN:

During vacation of your husband, have a special bonding that will be very memorable to him.

With this setup, your husband will admire you more and will be inspired to do his job on board vessel once he return to work for another contract.

In your special moment, be friendly and talk about how you are going to improve your relationship as husband and wife and your savings, too.

You may talk about the cutting down of expenses. Plan to jointly save for a house and lot.

When you are done with your dream house, a dream car can follow; just continue saving and praying to the Lord and thanking HIM for the continued blessings because you cannot do this alone.

To the seaman husband, be faithful to your wife and children, be a one-woman man.

Be God- fearing and always remember your respective families waiting for your return, praying fervently to the Lord that may your voyages be safe and be protected from the wrath of the sea.

DOWN

1. Abeam of (alongside of ).

2. A line rove through a single block secured aloft.

3. Sink by filling with water.

4. A worn out vessel.

5. To take in, or lower a sail.

LIFESTYLE

MARITIME BREAK

Tips from a Seaman’s Wife(last of three parts)

M&EMADE TO ORDER FOOD FOR SPECIAL OCCASIONS

puto, pancit, brownies, siomai etc.

Call: 785-1129; 0906-5160940

VITA PLUS NATURAL HEALTH DRINKMeet your daily requirements of Vitamins, Minerals, Micronutrients, Anti-oxidants and immunity enhancing PhytochemicalsOrder Now: 785-1129; 0906-5160940

Page 8: OK KAYO, ABs GLOBE ASIATIQUE, - Integrated … VS. TRUCKERS: PEACE MUNA ng lipunan, something we cannot delay, like people,” paliwanag ni Suansing. Hindi tinanggap ang compromise

14 151-15 MAR 2014 1-15 MAR 2014

SPORTS

Kasado na ang 55th Leg Series ng PSL (Philippine Swimming League) sa Mariners’ Polytechnic Colleges Foundation, Bicol.

Ang PSL ang national sports association for swimming ng FESSAP (Federation of the School Sports Association of the Philippines).

Ipinangalan sa MPCF founder, ang “1st Commo. Jaime C. Jimenez Sr. Swim Meet” ay gaganapin sa March 22, 2014.

Gagamitin sa competition ang bagong gawang training swimming pool ng MPCF annex campus sa beachfront ng Albay Gulf sa Barangay Rawis, Legazpi City.

Sabi ni PSL President Susan Papa, “The competition will serve as try-out for the 28th Summer Universiade to be held in Gwangiu, South Korea next year as well as for future international competitions in Australia, Hong Kong and Singapore.”

Sa pangatlong pagkakataon naitala na naman si Teresita Sy-Coson bilang isang power women ng Asia.

Ito ay batay sa prestigious Forbes list ng mga super mayayaman.

In 2013, may isa pang Pilipina na ka-tandem, si Josephine G. Yap, CEO ng Filinvest Land.

Ang listahan ng Forbes ay may 48 babaeng Asiana. Solo lamang si Sy-Coson sa listahan ngayon.

WOMEN POWER. Pinangunahan ni Ms. Merle Jimenez-San Pedro, director ng Women in Maritime Philippines ang pagsusulong ng mga aktibidad para sa WIMAPHIL Bicol.

Tugon naman ni MPCF President Dante Jimenez, “Being a maritime school, we value excellence in swimming as a skill not only by those who engage in this sport but of every student who will soon embark on sea vessels when they graduate and become professional seafarers, soon.”

Ang event ay lalahukan ng mga swimmers mula sa Bicol Region na nasa age bracket na: 6 and under, 7-8, 9-10, 11-12, 13-14, 15-17 at 18 and over.

Pambato ng MPCF si Midshipman Jifrey Azor, 17-year old, BS Marine Transportation.

Wagi si Azor ng bronze medal sa 50-meter backstroke event sa 2014 Western Province Aquatics Swimming Gala sa University of the Western Cape Aquatics Center sa Cape Town, South Africa.

Isa siya sa walong miyembro ng PSL contingent sa South Africa, February 8 – 10, 2014. BICOL’s PRIDE. MPCF Midshipman Jifrey Azor, Bangkok Meet and

Cape Town Swimming Gala winner.

Ang kanyang tagumpay ay hindi sa turu-turo o ukay-ukay. Malaking bahagi ang banking assets ni Ms. Sy-Coson.

May prediksyon ang United Kingdom-based property consultancy firm, Knight Frank LLP na magkakaron ng 21 billionaires ang Pilipinas sa 2023.

Ito ay dahil daw maraming Pilipino na may $30-99 million assets.

Inaasahang ito ay tataas ng 59% -- 272 mula sa 171 ng 2013.

Habang ang may $100 million assets ay nakikita namang tataas ng 59% -- 234 mula sa 147.

Ang solong Pinay ngayon sa Forbes list ay anak ni Henry Sy, pinakamayamang Pilipino.

Sabi nga, pag pinagdikit-dikit ang pera ng mag-ama sa papel na P100, pwedeng takpan ang buong lawa ng Laguna de Bay.

At may sobra pa para sa pitong lawa ng San Pablo City.

PINAY POWER SA KALAKALAN NG ASYA

1ST COMMO. JAIME C. JIMENEZ SR. SWIM MEETLANGOY SA BICOL

Page 9: OK KAYO, ABs GLOBE ASIATIQUE, - Integrated … VS. TRUCKERS: PEACE MUNA ng lipunan, something we cannot delay, like people,” paliwanag ni Suansing. Hindi tinanggap ang compromise