16
Ignite ST. POLYCARP PARISH - CABUYAO NEWSLETTER BILANG 4 ISYU 2 AGOSTO 2016 DALAW PATRON, idinaos sa buong Diyosesis ng San Pablo

DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

  • Upload
    phamque

  • View
    400

  • Download
    46

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

Ignite

ST. POLYCARP PARISH - CABUYAO NEWSLETTERBILANG 4 ISYU 2

AGOSTO 2016

DALAW PATRON,idinaos sa buongDiyosesis ng San Pablo

Page 2: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

Nilalaman

Dalaw Patron, idinaos sa buong Diyosesis ng San Pablo

PPCRV Volunteers nakiisa sa Eleksyon 2016

Apostolate Ministry, namahagi ng mga kagamitan sa mga pampublikong paaralan

SPP nagpakain ng mga magsasaka mula sa Quezon

DSCMC, ginanap sa St. Peter’s College Seminary sa unang pagkakataon

NEC 2016, nilahukan ng iba’t ibang grupo at organisasyong pangsimbahan

Parokya, nagdaos ng libreng kasalan

Mga Cabuyeño, ginunita ang ika-81 taong anibersaryo ng kabayanihan ng mga Sakdalista

LND, nagsagawa ng summer camp

Fr. Sadian, nagdiwang ng unang taong anibersaryo sa pagkapari.

Tres, Tatlong Taon na kami

Kapistahan ni San Isidro Labrador, ipinagdiwang

IGNITE , BILANG 4 ISYU 2

El Shaddai SPP Chapter, nagdiwang ng ika-24 na taong anibersaryo

Mga proyekto ng parokya, patuloy na isinasakatuparan

Corpus Christi, ginunita

UVC, nagtanghal ng clinic concert

2

p3

Buhay ni San Pablo, Unang Ermitanyo, tinalakay sa Faith Formation Seminar

Ignite

p4

p4

p5

p5

p6

p8

p9

p10

p11

p10

p12

p12

p9

p14

p15

p13

Page 3: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

[email protected]

Sinalubong at tinanggap ng kura paroko ng St. Polycarp Parish (SPP) na si Rev. Fr.

Renie Oliver at ng katuwang nitong pari na si Rev. Fr. Raymund Sadian sampu ng mga parokyano ang imahen ni San Pablo, unang ermitanyo at patron ng diyosesis noong ika-20 ng Abril, ganap na 6:30 ng umaga.

Mula sa Parokya ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish ,Golden City, Sta. Rosa ay inihatid ito ng mga kasapi ng iba’t ibang organisasyon patungo sa Parokya ng San Policarpo sa pangunguna ng kanilang kura paroko na si Rev. Fr. Dodie Arupo.

Ipinasok ang imahen sa loob ng simba-han sa pamamagitan ng solemneng pru-sisyon habang inaawit ang isang himno kay San Pablo para sa kanyang karangalan.

Isinagawa ang ritwal ng pagtanggap sa pamamagitan ng mga panalangin sa pagbis-ita at pagbasa sa talambuhay ng nasabing santo.

Dalaw Patron,

3

idinaos sa buong Diyosesis ng San PabloMICH HUANG

“May mahahalagang aral na maaari nating ma-pulot sa buhay ni San Pablo. Sana ay makita natin ang biyaya ng Diyos at tingnan ang ating tiwala sa Kanya sapagkat si San Pablo ay nag-tiwala rin sa Diyos.” pahayag ni Fr. Dodie matapos ang pagagawad ng basbas sa imahen.

Photo by: Sean Concepcion, SP Power M

edia

Ang Imahen ni San Pablo, unang ermitanyo ay nanatili sa parokya sa loob ng limang araw at ito ay inihatid sa Parokya ng St. Joseph the Worker sa Barangay Bigaa noong Abril 25, araw ng Lunes, pagkatapos ng Misa sa ganap na ikaanim ng umaga. Ang Dalaw Patron o ang pagdalaw ng imahen ni San Pablo, unang ermitanyo sa iba’t ibang parokya sa Laguna ay bahagi ng pagdiriwang ng diyosesis ng Ginintuang Hubileyo sa taong ito.

Photo by: Erin Aldrales, SP Power M

edia

Page 4: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

Tinalakay ni Rev. Fr. Renie Oliver ang kwento ng buong buhay ni San

Pablo, ang Unang Ermitanyo at patron ng Diyosesis ng Laguna sa ginanap na Faith Formation Seminar noong Abril 22 sa parokya.

Nagpalabas ng reflection videos sa bawat yugto ng buhay ng santo kung saan binigyan ng pagkakataon ang mga nagsidalo na magnilay.

Sa huling bahagi ay binigyang diin ng pari ang dalawang mahahalagang aral na mapupulot mula sa kwento ng buhay ni San Pablo: ang pagdaloy ng biyaya ng Panginoon sa panahong hindi ito inaasahan at ang Kanyang walang sawang pagpatnubay sa mga nananalig sa Kanya.

IGNITE , BILANG 4 ISYU 2 4

CHAI LAVIÑA

PPCRV Volunteers, nakiisa sa Eleksyon 2016

Nakiisa ang 24 na Parish Pastoral Council for Responsible Voting

(PPCRV) volunteers mula sa Parokya ng San Policarpo sa nakaraang Pam-bansang Eleksyon noong Mayo 11, 2016 sa pamumuno ni Bro. Carlito Gatdula bilang District Coordinator sa Lungsod ng Cabuyao.

Ganap na 5:30 ng umaga nang mag-simulang maglagay ng voters assis-tance desk ang mga volunteers upang matugunan ang mga katanungan at pangangailangan ng mga botante.

CLARISSA BOQUIRON

Buhay ni San Pablo, Unang Ermitanyo, tinalakay sa Faith Formation Seminar

CHAI LAVIÑA

Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan na tampok ang imahen ng patron ng diyosesis.

Ayon kay Fr. Renie, ang gawaing ito ay napapanahon at may kaugnayan sa pagdaraos ng Dalaw Patron na bahagi ng pagdiriwang ng Ginintuang Hubi-leyo ng Diyosesis na may layuning mas mapalalim pa ang pagkilala sa patron ng diyosesis ng mga mananampalataya sa bawat parokya sa lalawigan ng La-guna.

Ayon kay Bro. Carlito Gatdula, nag-ing maayos naman ang naging bot-ohan sa taong ito kumpara noong nakaraang halalan. Bagamat may na-paulat na pagkasira ng dalawang vote counting machines sa presinto 198 na sakop ng Brgy. Uno at presinto 202 na sakop ng Brgy. Dos.

“Kinapos tayo ng tao dahil hindi naging sapat ang dami ng volunteers upang matugunan lahat ng pangan-gailangan ng mga botante at dahil huli na rin nakapag-recruit at nakapaghan-ap ng volunteers.” dagdag pa niya.

Sa kabuuan ay naging maayos ang pagdaraos ng Halalan 2016 ayon sa mga volunteers.

Naging abala ang mga volunteers ng PPCRV sa pagtugon sa pangan-gailangan ng mga botante sa na-karaang Halalan 2016.

Photo by Clarissa Jane Boquiron,SP Power M

ediaPhoto by: Erin Aldrales, SP Pow

er Media

Page 5: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

Apostolate Ministry, namahagi ng mga kagamitan sa mga pampublikong paaralan

Namigay ng 1,500 na kwaderno, lapis, papel at iba pang kagamitang pampaaralan ang mga kasapi ng Apos-

tolate Ministry sa Cabuyao Central Elementary School at Sala Elementary School kasabay ng pagbubukas ng klase noong Hunyo 13, 2016.

Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing paaralan ang mga kagamitan at ipinaubaya sa mga gurong tagapa-yo ang pamamahagi ng mga ito sa mga napiling mag-aaral.

Ayon kay Sis. Dingan Real, moderator ng Apostolate Min-istry, ang taunang gawaing ito ay sinimulan ni Rev. Fr. Ju-venal Leonardo sa panahon ng kanyang panunungkulan. Napagpasyahan naman ni Rev. Fr. Renie Oliver na ipag-patuloy ang gawaing ito sa ilalim ng pangangasiwa ng Ap-ostolate Ministry.

Taun-taon, ilang Linggo bago magbukas ang panuruang taon ay nananawagan ang nasabing samahan sa lahat ng maninimba na magbigay at makibahagi sa kanilang layunin na makatulong sa mga kapus-palad na mga mag-aaral kahit sa payak na paraan.

[email protected] 5

CHAI LAVIŇA

SPP, nagpakain ng mga magsasaka mula saQuezon

Tinatayang humigit-kumulang 160 magsasa-ka kasama ang kanilang mga pamilya ang

tinanggap at pinakain ng hapunan sa Cabuyao City Plaza ng mga tagapaglingkod ng St. Poly-carp Parish (SPP) noong Abril 15, 2016.

Ang mga nasabing magsasaka ay nagbuhat sa lalawigan ng Quezon. Sila ay naglalakbay sa iba’t- ibang lugar upang ipahatid ang kanilang

MICH HUANG

hinaing sa pamahalaan tungkol sa kabi-kabilang problemang ka-nilang kinakaharap sa lupang sinasaka kabilang na ang isyu ng Coco Levy Fund.

Ayon sa kanila, sila ay hindi mga aktibista kundi mga or-dinaryong mamamayan na nagnanais lamang na marin-ig ng karamihan at ng gobyerno ang kanilang mga saloobin.

Matapos maghapunan ang mga magsasaka ay nagpalipas ng magdamag sa parokya at agad na tumulak ang grupo patungo sa City of Santa Rosa kinaumagahan. Nakatakda din silang pu-munta ng City of Biñan at San Pedro kung saan sila ay pansam-antalang mananatili bago dumiretso sa Supreme Court sa Abril 19 at sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa ika-20 ng Abril.

Photo by: Dingan Real

Page 6: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

IGNITE , BILANG 4 ISYU 2 6

DSCMC, ginanap sa St. Peter'sCollege Seminary sa unang pagkakataon

CLARISSA BOQUIRON

Naging matagumpay ang kauna-unahang Diocesan Social Communication Ministry Congress na may

temang #KONEK Communicating Mercy noong ika – 16 ng Abril sa pagtutulungan ng Diocese of San Pablo at San Pablo Diocesan Commission on Social Communication na ginanap sa St. Peter’s College Seminary.

Ang pagdaraos ng naturang pagtitipon ay kaugnay sa selebrasyon ng Ginintuang Hubileyo ng Diyosesis ng San Pablo at ika-50 taon ng Pandaigdigang Araw ng Ko-munikasyon na ginunita noong ika – 8 ng Mayo. Ito ay sa layunin na mas palalimin ang kaalaman sa matalinong paggamit ng social media upang mas maipalaganap ang salita ng Diyos gamit ang mga makabagong instrumento ng komunikasyon.

Sinimulan ang pagtitipon sa pamamagitan ng banal na Misa na pinangunahan ni Bishop Buenaventura Famad-ico, D.D kasama ang mga pari sa diyosesis sa ganap na ika-9 ng umaga. Naging sentro ng kanyang homiliya ang komunikasyon kung saan inihalimbawa niya ang banal na Santatlo bilang isang magandang halimbawa ng maayos na komunikasyon; ang Diyos ay ang pinagmumulan ng salita, ang Espiritu Santo ay ang daan ng salita, si Hesus bilang salita at ang mga tao ang siyang tumatanggap ng salita. Ayon sa kanya, ang pagkakaroon ng magandang ugnayan sa bawat isa ay ang siyang tumutulong sa atin upang tayo ay maging isa na lamang at ito ang gustong mangyari ng ating Panginoon.

Matapos ang Misa ay nagtungo ang lahat sa auditorium upang makinig sa iba’t ibang session.

Ang unang nagbigay ng pahayag ay si Rev. Fr. Joselito Jopson, CBCP-ECSC Executive Secretary patungkol sa Lan-guage of Mercy and Mobile Media kung saan siya ay nag-bigay ng mga pamamaraan upang magkaroon ng isang magandang komunikasyon. Ang una ay ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mensahe ng Diyos na ipapamalita at dapat ito ay klaro at madaling intindihin ng mga tao. Pangalawa ay alamin ang mga bagay na pwedeng makat-ulong upang mas maipalaganap pa ang salita ng Diyos, halimbawa nito ay ang telebisyon, radio, media at inter-net at ang panghuli ay alamin ang klase ng mga taong ta-

tanggap ng mensahe. Ang pagsasaalang-alang ng tatanggap ng mensahe ay mahalaga upang magka-roon ng magandang ugnayan sa isat-isa.

Kinahapunan ay naghandog si Rev. Fr. Deng Marfori ng mga awit mula sa kanya mismong mga komposisyon, halimbawa nito ay ang kantang ‘Mer-ciful like the Father‘ na ginawa para sa Ginintuang Hubileyo ng Diyosesis.

Para sa ikalawang panayam, nagbahagi si Mrs. Inday Espina-Varona, Contributing Editor/Writer at ABS-CBN Integrated News and Current Affairs patungkol sa kalagayan ng media dito sa ating bansa. Matapos ipakita ang mga naglalakihang tv networks at may-ari nito sinabi niyang “Media is re-ally for sale, that they are all connection seeker”.Dahil ayon sa kanya ay kapansin-pansin na malalak-ing tao ang naghahawak nito at kayang kaya nilang maglabas ng malaking pera para lamang sa isang balita na siguradong papatok sa mga tao. Ikinump-ara din niya ang media natin sa kulog at kidlat, na-pakabilis kumalat ng balita at lahat ng tao ay nar-aramdaman ito. Gamit ang media, kaya ng taong buuin o sirain ang mundo. Maaaring maging isang citizen journalist ang isang tao gamit ang social media. Dagdag pa niya na magiging mas makabu-luhan ang paggamit ng makabagong teknolohiya at media kung tutulong ang mga tao na maging kaisa ng Diyos sa pagpapalaganap ng mabuting balita, maaaring magbahagi ng pagmamahal at kabutihan sa bawat isa. Sabi pa niya, “Our churches consider media as a great gift of God and true signs of the times. And you are media too. “

Nagbigay naman ang iba pang mga speakers ng panayam at workshops patungkol sa technology ito ay sina, Mr. Edwin Lopez at Mr. Patrick Manlapaz, Content; Mr. Anthony Andrew Divinagarcia at Mr. Gian Carlo Lopez at Cyber Ethics; Atty. Arnold Mar-tinez at Ms. Blanca dela Cruz.

Ang lahat ng mga output ng lumahok sa work-shops ay in-upload sa Facebook at ginamitan ng

Page 7: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

[email protected] 7

Editorial Board

Editor-in- Chief Rev. Fr. Ireneo A. Oliver

Associate EditorCharisma S.J. Lavina

Ignite

#konek communicating mercy bilang tanda ng kanilang pagsali. Dito narin namili ang mga hurado ng tatlong pina-ka-magagandang gawa kung saan ang mga nagwagi ay nagkamit ng premyo.

Sa pangunguna naman ni Rev. Fr. David Reyes Jr. ay pinakilala ang “Parokya Mo, Ibida Mo” na makikita sa web-site ng diyosesis ng San Pablo (www.dioceseofsanpablo.com). Sa programang ito ay mas magiging madali ang pag-daloy ng balita mula sa diyosesis papunta sa mga parokya

News EditorGeraldine P. Barrio

Feature EditorNoli Austria Jr.

News WritersGilmar ManzanoJoseph FonteJoy Arbil LemenceClarissa Jane BoquironMichelle Marie Huang

PhotojournalistsSean Matthew ConcepcionErin Neza AdralesJose PutunganKim RamosGlenn Mark HalosHasmine Mendiola

Layout Artist Reagan Dedicatoria

External Copy ReadersBonnavie Carrera- BladisVenena Alipio- Sanchez

at mga balita ng parokya papuntang diyosesis. Sa pamamagitan nito ay higit na mas mapaglalapit ang bawat parokya sa ilalim ng Diyosesis ng San Pab-lo.

Nagtapos ang pagtitipon sa pagbabasbas ni Fr. David.

Nakibahagi ang ilan sa kila-lang media organization sa bansa sa ginanap na Dioc-esan Social Communication Ministry Congress sa San Pablo City Laguna.

Photo by SocCom

Page 8: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

Mercy Abounds”, ito ang naging tema ng New Evange-lization Conference o NEC 2016 na ginanap noong

Mayo 14, 2016 sa SMX Convention Center, Mall of Asia, Pasay City na pinangunahan ng Live Christ Share Christ Movement o LCSC sa ilalim ng Couples for Christ Founda-tion for Family and Life (CFCFFL).

Nagsimula ang palatuntunan sa pagdarasal ng San-to Rosaryo na sinundan ng opening worship kasa-bay ng pagkanta ng mga awit-papuri sa Diyos. Nag-ing tampok din ang pagbubukas ng Catholic Expo. Ang iba’t-ibang mga grupo at organisasyong pangsimba-han ay nagkaroon ng kanya-kanyang booth upang ipaki-lala ang kanilang samahan at magsagawa ng fund raising sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produktong may kinalaman sa pananampalatayang Katoliko.

Sa gitna ng pagkaabala ng karamihan sa Expo, pat-uloy naman ang mga pagtatanghal ng mga awit at say-aw habang isinasagawa ang Bible Study at kumpisalan sa buong maghapon.

Ibinahagi nina Bro. Frank Padilla, moderator ng LCSC at Bro. Cocoi Javier, pinuno ng No One in Need Movement kung paano nagsimula ang NEC at kung gaano na kata-gumpay ito. Ipinaliwanag din nila ang kahalagahan at ka-gandahan ng pagsasagawa ng Liturgical Bible Study.

NEC 2016, nilahukan ng iba’t ibang grupo at organisasyong pangsimbahan

Nais nilang ipakilala ang “Live Christ Share Christ” sa bawat parokya upang makapanghikayat ng mga Ka-toliko na magbalik-loob sa Diyos sa pamamagitan ng apat na haligi ng LCSC : Live Pure (Love and Chasti-ty), Live the Word (Liturgical Bible Study -LBS), Live Full (Family and Life) at No One in Need (Work with the Poor). Natapos ang programa sa pagdiriwang ng Ba-nal na Misa ni Bishop Ted Bacani.

IGNITE , BILANG 4 ISYU 2 8

NOLI AUSTRIA

Parokya, nagdaos ng libreng kasalan

Idinaos ang isang libreng Kasalang Pangparokya sa pakikipagtulungan ng Commission on Family and

Life noong Hunyo 11, araw ng Sabado sa ganap na ika-10:00 ng umaga kung saan tumanggap ng Sakra-mento ng Matrimonyo ang pitong pares sa isang seremonyang pinamunuan ni Rev. Fr. Renie Oliver.

Sa kanyang pagninilay, pinaalalahanan ni Fr. Renie ang mga ikinasal na manatiling matatag sa sinumpaang pangako sa kabila ng nagbabadyang pagpasa o pagkakaroon ng batas ukol sa diborsyo.

CHAI LAVIŇA

Bawat Katoliko, disipulo.Binigyang diin ni Most Rev. Ted Bacani sa mga nagsidalo sa misang ginanap sa MOA Arena sa pagwawakas ng New Evange-lization Conference 2016 na tungkulin ng bawat binyagang kato-liko ang pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.

Larawan m

ula sa http://ww

w.cbcpnew

s.com/

Photo by Chai Lavuna, SP Power M

edia

Page 9: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

Bago matapos ang pagdiriwang ng Banal na Misa ay pinasalamatan ng pari ang lahat ng mga kasapi ng CFL sa pagsasakatuparan ng libreng kasal.

Nabanggit din ni Fr. Renie ang kanyang balak na makipag-ugnayan sa bagong halal na alkalde ng lungsod, Kgg. Mel Gecolea, na maging katuwang ng sim-bahan ang pamahalaan sa pagdaraos ng Kasalang Bayan. Layunin ng programang ito na himukin ang mga kakasaling kaanib ng simbahang Katoliko na magpakasal nang libre sa parokya.

[email protected] 9

Fr. Sadian, nagdiwang ng unang taong aniber-saryo sa pagkapari.

Hiniling ni Rev. Fr. Raymund Sadian ang panalangin ng lahat para sa kanyang patuloy na paglilingkod sa Di-

yos sa kanyang pagdiriwang ng unang taong anibersar-yo bilang pari noong ika-10 ng Hunyo sa Tanghalang San Policarpo pagkatapos ng Misa Pasasalamat sa ganap na 5:30 ng hapon.

Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga kaibigan, kamag-anak, mga kapwa pari at mga miyembro ng iba’t ibang or-ganisasyong pangsimbahan. Bilang pasimula ng programa, pinangunahan ni Sis. Dingan Real ang panalangin at Sis. Mia Sanchez naman ang nagbigay ng paunang pagbati. Magiliw na nakilahok si Fr. Mon sa mga larong inihanda para sa kanya tulad na lamang ng panghuhula ng pamagat ng mga sikat na awitin sa “Sayawit”.

Nagtanghal din ang mga kabataang mula sa Ushers and Collectors Ministry Jrs. ng sayaw at awit habang nag-bigay naman kani-kanilang mensahe ang mga taong mal-apit kay Fr. Mon.

NOLI AUSTRIA

Photo by Erin Aldrales, SP Power M

edia

Photo by Chai Lavuna, SP Power M

edia

Page 10: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

JOSEPH FONTE

Ipinagdiwang ng El Shaddai St. Polycarp Parish Chapter ang kanilang ika-24 na taong anibersaryo noong Abril 27,

2016, na may temang “Jesus Began to Preach and to Say Repent for the Kingdom of Heaven is at Hand.”

Sinimulan ang anim na oras na pagdiriwang sa pamam-agitan ng pag-awit ng mga himno ng papuri sa pangun-

Mga Cabuyeño, ginunita ang ika-81 taong anibersaryo ng kabayanihan ng mga Sak-dalista

Sa paggunita ng ika-81 taong anibersaryo ng kagitingan ng mga Sakdalista noong Mayo 3, 2016, muling sinari-

wa ni Prof. Nestor Castor, apo ng pinuno ng mga Sakdal-ista sa Cabuyao, Henerala Salud- Algabre, ang madugong labanan sa pagitan ng mga Sakdalista at Philippine Con-stabulary na naganap mismo sa patio ng simbahan.

Ayon kay G. Castor, tinatayang nasa 56-61 ang nasawi sa panig ng mga Sakdalista at 54 ang nasugatan. Ang mga nakaligtas naman kabilang si Henerala Salud ay kinasuhan ng rebelyon at ikinulong ng isang taon at pitong buwan.

Ang Sakdalista ay isang lapiang itinatag ni Benigno Ramos noong 1933 na kinabibilangan ng mga magsasaka at mga pangkaraniwang mamamayan na may hangaring makalaya buhat sa pananakop ng mga Amerikano.

Sa pagtatapos ng kanyang pananalita ay hinikayat ni G. Castor ang mga kabataang Cabuyeño na mag-sagawa ng masusing pananaliksik tungkol sa mga Sakdalistang nagbuwis ng kanilang mga buhay upang ang mga lokal na bayaning hindi pa rin nakikilala hanggang ngayon ay mabigyan ng nararapat na pagkilala.

Binasbasan ni Rev. Fr. Renie Oliver ang munting mon-umento kung saan nakaukit ang pangalan ng mga nasawi at sinundan ito ng pag-aalay ng bulaklak bilang pagpapa-rangal sa mga itinuturing na bayani ng Cabuyao.

CHAI LAVIŇA

Digest

04-Aug Feast of John Vianney

06-Aug Tranfiguration of the Lord06-Aug 1st Saturday Dawn Procession to Our Lady of Fatima

11-Aug Feast of St. Clare of Assissi

12-Aug Priest Day ( St. Polycarp Parish )

13-Aug 1st Diocesan Apostolic Congression Calamba Central

15-Aug Feast of Our Lady of Assumption

22-Aug Queenship of Mary

23-Aug Feast of Saint Rose of Lima

24-Aug Feast day of St. Bartholomew

25 to Annual retreat of all priest in the29 Aug Diocese of San Pablo. No Masses

29-Aug Beheading of John the Baptist

MONTHLY ST. POLYCARP PARISHIONER COMMUNICATIONS

AUGUST 2016

IGNITE , BILANG 4 ISYU 2 10

guna ng St. Polycarp Gospel Music Ministry na sinabayan ng mga kasaping dumalo sa nasabing selebrasyon.

Nagbahagi ang ilan sa mga miyembro nito tungkol sa kanilang mga karanasan. Ikinuwento nila kung paano sila biniyayaan, pinagpala at binago ng Panginoon sa pamam-agitan ng kanilang pakikiisa sa mga gawain ng El Shaddai sa loob ng maraming taon.

El Shaddai SPP Chapter, nagdiwang ng ika-24 na taong anibersaryo

Page 11: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

LND, nagsagawa ng summer camp

Upang maihanda ang mga sakristan para sa pagtata-laga at pagpapanibago ng pangako, ang Lingkod ng

Dambana (LND) ay muling nagsagawa ng taunang “Ling-kod ng Dambana Summer Camp” noong ika-13 hanggang 15 ng Abril sa Parokya ng San Policarpo. Ayon kay Asst. Camp Director, Bro. Rey-An Alberto, isinasagawa ang ganitong uri ng gawain upang magka-roon ng matatag na samahan ang mga sakristan dahil sila ay magkakapatid kay Kristo at iisang grupo, kung kaya’t dapat lamang na mabuo ang pagmamahalan, respeto at tiwala sa isa’t isa.

GILMAR MANZANO

“Lingkod…katapatan…kanino…sa Diyos!”- KOAIba’t - ibang pagsubok ang hinarap ng 40 kasapi ng Knights of the Altar na nakibahagi sa ginanap na Lingkod ng Dambana Summer Camp 2016 sa parokya sa pangunguna nina Bro. Rey - An Alberto at Bro. Michael Loza.

“Ito rin ay isang paraan upang malibang ang kanilang mga sarili, ngunit may kaakibat na aral,” wika pa niya. Iba’t ibang gawain ang naisakatuparan sa nasabing pagtitipon na may layuning hubugin ang pisikal at espirit-wal na kapasidad ng humigit kumulang na 40 delegadong sakristan na pawang naglilingkod sa parokya.

Kabilang dito ang iba’t ibang modyul, lectures, work-shops at team building na isinagawa sa pangunguna ni Bro. Michael Loza. Samantala, nakatakda namang idaos ng Diocese of San Pablo ang “20th LND Summer Camp” sa ika-18 hanggang 20 ng Mayo, na inaasahang dadaluhan ng mga sakristan mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

Nagbigay ng mga “healing messages” ang mga piling tagapagsalita na sina Bro. Vic Nuñez, Bro. Ogie Napaño, Sis. Lidia Dela Torre, at Sis. Flor Del Valle sa ikalawang ba-hagi ng programa.

Nag-alay din ang samahan ng Misa bilang pasasalamat sa tagumpay at biyaya na kanilang tinatanggap.

[email protected] 11

Photo by Ray-an Alberto

Photo by Ray-an Alberto

Photo by: Sean Concepcion, SP Power M

edia

Page 12: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

UVC, nagtanghal ng clinic concert

ERIN ADRALES

Nagtanghal ng isang clinic concert sa kauna-unahang pagkakataon ang University of Visayas Chorale (UVC)

sa Parokya ni San Policarpo noong Abril 24, 2016 pagkat-apos ng huling Misa ng araw ng Linggo. Tampok sa nasabing pagtatanghal ang pababahagi ng nasabing koro ng kanilang kaalaman sa wastong pag-awit kung saan nakibahagi ang iba’t ibang grupo ng koro sa parokya. Sa huling bahagi ay inawit ng UVC ang kanilang ber-syon ng ilan sa mga makabagong awitin.

Ang nasabing konsyerto ay naisakatuparan sa pangun-guna ni Bro. Monching Bonilla ng St. Polycarp Chorale (SPC).

Kapistahan niSan Isidro Labrador, ipinagdiwang

Nakibahagi ang mga may-ari ng tindahan sa Kapistahan ni San Isidro Labrador noong Mayo 17, 2016 sa pamam-agitan ng paghahandog ng kani-kanilang produkto bilang alay at pasasalamat sa santo habang binabagtas ng ima-hen nito sa mga kalyeng patungo sa pamilihang bayan ng Cabuyao.

Katulad ng nakagawian, naka suot pang magsasaka ang mga nagsilahok sa prusisyon bilang pagbibigay pugay sa patron ng mga magsasaka at masaganang ani.

IGNITE , BILANG 4 ISYU 2 12

“Mapalad ang mga taong naghihirap at ibinibigay ang sarili sa Diyos, dahil sila ang tunay na pinagkakaloo-ban at binibiyayaan.” Ito ang katagang binigyang diin sa pagninilay sa Misang pinangunahan ni Rev. Fr. Renie A. Oliver bago isagawa ang prusisyon.

Nagtapos ang pagdiriwang sa pagbabasbas ng mga handog sa pangunguna ni Rev. Fr. Raymund Sadian.

GILMAR MANZANO

Photo by: Jose Putungan, SP Power Media

Page 13: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

Corpus Christi, ginunita

‘Gawin ninyo ito sa pag – alaala sa akin’ Ipinagdiwang ang Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo o mas kilala bilang Corpus Christi noong ika-28 ng Mayo sa pangunguna ng mga kaparian sa Parokya ng San Policarpo. Binigyang diin ni Rev. Fr. Raymund Sadian sa kanyang homiliya na ang Eukaristiya ay tanda ng mga sakripisyo at walang hanggang awa at habag ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesus. Si Kristo ang salitang nagkatawang-tao upang tu-busin ang ating mga kasalanan. Ang tinapay at alak ay simbolo ng kaligtasan at puspos na pag-ibig na ka-loob sa atin ng Panginoon,” paliwanag ni Fr. Raymund.Pagkatapos ng banal na Misa ay nagsagawa ng prusisyon sa paligid ng patio bilang pasimula sa magdamagang pagtatanod na isinagawa ng mga miyembro mula sa iba’t ibang organisasyon.

JOY LEMENCE

[email protected] 13

San Isidro sa puso ng mga Cabuyeño

Nagsimula ang tradisyon ng pag - aalay ng mga paninda at produkto ng mga negosyanteng Cabuyeño sa tuwing daraan ang imahen ni San Isidro Labrador sa tapat ng kanilang mga puwesto sa taunang pagdi-riwang ng kanyang kapistahan sa ilalim ng panunungkulan ni Rev. Fr. Juvenal Anthony Leonardo.

Taimtim na panalangin ang alay ng mga deboto sa pag-gunita ng Kapistahan ng Corpus Christi.

Sean Matthew Concepcion

Photo by: Sean Concepcion, SP Power M

edia

Photo by: Sean Concepcion, SP Power Media

Page 14: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

GERALDINE BARRIOMga proyekto ng parokya, patuloy na isinasakatuparan

Magmula nang maitalaga bilang kura – paroko sa Parokya ni San Policar-

po, maraming proyekto at pagawain na ang pinangunahan ni Rev. Fr. Renie Oli-ver kung saan nakita ang mga pagbaba-go sa pisikal na aspeto ng simbahan. Ito ay hindi lamang para sa ikagaganda ng simbahan kundi pati na rin maging kom-portable ang mga maninimba na siyang pangunahing pinagkukunan ng pondo ng mga pagawain.

Noong nakaraang taon, dala-wang malaking ceiling fans sa loob mismo ng simbahan ang ipinalagay upang mag-ing maaliwalas at mabawasan ang init na nararamdaman ng mga maninimba sa tuwing dadalo ng Banal na Misa. Ito ay tinatayang nagkakahalaga ng humigit ku-mulang na Php760,000.00

Bukod dito, noong Abril ng kasalukuyang taon ay ipinagawa ang bagong tabernakulo na makikita sa altar ng simbahan kung saan ito ay mula sa solicitation at pagtutulungan ng mga mi-yembro ng Extraordinary Ministers of the Holy Communion.

Nito lamang nakaraang buwan ay inayos at pinaganda ang mga palikuran para sa mga babae at lalaki na matatagp-uan sa likod ng simbahan.

Ayon kay Fr. Renie, ang pondong ginagamit para sa mga paga-wain at pagsasaayos sa pasilidad ng simbahan ay kinukuha mula sa “second collection” na tinawag niya ding “construction fund”.

Bukod sa mga nabanggit na proyekto, mayroon na ding plano na magtayo ng “columbarium” sa isang bahagi ng cursillo house kung saan tanging mga abo at buto lamang ng mga yumao ang maaaring ilagak dito. Sa ngayon ay iniintay ang sketch o plano at nag – iipon pa ng pondo para dito.

Isa din sa pinakamalaki at pinaghahandaang gawain ay ang bell tower restoration ng simbahan. Ayon kay Fr. Renie hindi masimu-lan ang proyektong ito sapagkat kinakailangan ng maigting na pag-paplano at paghahanda dahil na rin sa kalumaan ng estruktura ng nasabing gusali. Sa tagal ng panahon na ito ay nakatayo ay mai-tuturing na rin itong heritage ng Lungsod ng Cabuyao kung kaya’t kinakailangan din ang tulong ng mga eksperto mula sa National His-torical Commission.

Ipinagpapasalamat ng kura paroko ang patuloy na pag-bibigay ng tulong at suporta ng mga parokyano at binibigyan niya ng kasiguraduhan na ang bawat kusing na natatanggap ng simba-han sa koleksyon ay ginagamit sa mga makabuluhang proyekto. Ayon sa kanya ay bukas ang kanyang tanggapan sa lahat ng may katanungan hinggil sa pinansyal na estado ng simbahan.

IGNITE , BILANG 4 ISYU 2 14

email us [email protected]

Page 15: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

CHAI LAVINATres, tatlong taon na po kami

Ang kauna-unahang isyu ng Ignite ay inilabas noong Hunyo 9, 2013. Ito ay isang produkto ng malaon ng

pangarap ng SP Power Media, ang pagkakaroon ng isang pahayagang palihan na magsisilbing daluyan ng impor-masyon tungkol sa mga kaganapan sa parokya. Layunin din nito ang magbigay inspirasyon sa maraming Katoliko sa pamamagitan ng paglalathala ng mga makabuluhang artikulo na may kinalaman sa pananampalataya at pa-nanalig sa Diyos. Ang salitang “Ignite” ay hango sa salitang Latin na “ignire” na ang ibig sabihin ay “ to begin to glow” or “to set fire to” o sindihan sa wikang Filipino. Napili ang pangalang ito sapagkat ito ay may kinalaman sa salitang apoy na may kaugnayan sa mahal na patron ng Cabuyao na kilala rin bilang “pintakasi ng apoy” na si San Policarpo. Ang editorial staff ng Ignite ay binubuo lamang noon ng limang (5) manunulat at isang (1) layout artist sa ilalim ng pamumuno ni Geraldine Barrio. Ang unang apat na isyu ay nakasulat sa wikang Ingles subalit sa kahilingan ng mga mambabasa ay isinalin ito sa wikang Filipino upang lubos itong matanggap at maunawaan ng nakararami.Bilang isang nagsisimula pa lamang at umusbong na grupo, maraming suliranin at pagsubok ang hinarap at pinagdaan ng mga baguhang manunulat, mga pagsub-ok na kalaunan ay nagpatibay at pumanday sa kanilang kakayahan.

Ang pagpupuyat sa panahon ng pag-iimprenta ay nakasanayan na ng mga manunulat at ilang boluntaryo mula sa iba’t ibang pangkat sa SP Power Media. Dahil ang karamihan ng mga kasapi ay mga mag-aaral at empleya-do, tuwing araw lamang ng Sabado o Linggo sila nagkaka-roon ng pagkakataon na maharap ang gawain sa parokya.

[email protected] 15

Sa tuwing ilalabas ang bawat isyu ng pa-hayagang palihan, hindi lamang ang editorial staff ang kumikilos. Maging ang mga kasapi ng Design Department (Arts and Crafts noon) at Facilities Management ay abala din sa paghahanda ng hi-ganteng replika ng unang pahina ng Ignite at pagtatayo ng munting kubol kung saan maaring makakuha ng sipi ang mga parokyano at iba pang mambabasa. Ang Event Management (dating Pro-motion Team) ang nakatalagang mamahagi ng mga ito sa araw ng Linggo pagkatapos ng bawat Misa.

Para sa isang manunulat, dagliang nakapa-pawi ng pagod ang makitang nakaimprenta ang ar-tikulong kanyang isinulat. Sa tingin ng iba ay madali lamang ang kanilang ginagawa, lingid sa kaalaman ng marami na kadalasang dumadaan sa paulit-ulit na pagrebisa ang isang artikulo bago ito mailathala. Dito nasusubok ang pasensya, tiyaga at lawak ng pagtanggap ng isang manunulat sa mga komento upang lalong mapaganda ang kanyang gawa. Sa loob ng tatlong taon ay nagdaos din ng mga seminars at impormal na pagbabahagian ng kaalaman sa pagsulat ng balita, lathalain at photo-journalism ang mga kasapi ng Editorial Team.

Mula sa lima (5) ay mayroon ng walong (8) manunulat, isang (1) lay out artist at isang (1) reg-ular contributor ang News and Communications Team (dating Editorial Team) . Ang kauna-unahang isyu ng Ignite ay binubuo lamang ng walo (8) pahi-na. Ang isyung inilabas noong Abril 17, 2016 ay may kabuuang bilang na 26 na pahina, patunay lamang ito ng pagbabago at patuloy na paglago ng opisyal na pahayagang palihan ng parokya.

Tunay na hindi madali ang larangang napili ng mga bumubuo ng Ignite. Nakakapagod at kung minsan ay nakadadagdag ng stress subalit ang pag-papahalaga sa sining ng pagsulat at ang hangaring makapaglingkod sa Inang Simbahan ang lalong nagpapatibay sa mga lokal at bagitong manunulat na ipagpatuloy ang kanilang nasimulang gawain.

Mabuhay at maligayang pagbati sa ikatlong taong anibersaryo ng Ignite!

Page 16: DALAW PATRON, - · PDF fileKapistahan ni San Isidro Labrador, ... Sinundan ito ng pagdiriwang ng banal na Misa at prusisyon sa kabayanan ... Tinanggap ng mga punungguro ng mga nasabing

IGNITE , BILANG 4 ISYU 2 16

Alam mo Ba?

Sang-ayon sa bagong panuntunan na inilabas ng CBCP, muling ibinalik ang

lumang rito ng pagluhod simula sa Sanctus hanggang sa Panalanging Pang-eu-

karistiya. Tatayo lamang ang kongregasyon matapos awitin ang “ Great Amen “.

http://www.stpolycarp.com/calendar/

http://www.stpolycarp.com/#news/

Visit our St. Polycarp Parish Calendar Online