16
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3.1-3.2 (Week 5) Sariling Hilig 7

New Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP7-FIRST-Q... · 2020. 10. 1. · i Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 7 Alternative Delivery Mode Unang

  • Upload
    others

  • View
    6

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Edukasyon sa Pagpapakatao

    Modyul 3.1-3.2 (Week 5)

    Sariling Hilig

    7

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • i

    Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 7 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3.1 - 3.2 “Sariling Hilig”

    Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

    Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

    Inilimbag sa Pilipinas ng: Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

    Telephone Nos: (032) 520-3216 – 520-3217; SDS Office: (032) 255-6405; ASDS Apao: (032) 236-4628

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Niño Marco G. Cerdeño

    Editor: Jane O. Gurrea

    Tagasuri: Celieta C. Yabo

    Tagaguhit: Niño Marco G. Cerdeño

    Management Team

    Schools Division Superintendent: Dr. Marilyn S. Andales, CESO V

    Assitant Schools Division Superintendents: Dr. Cartesa M. Perico

    Dr. Ester A Futalan

    Dr. Leah B. Apao

    Chief, CID: Dr. Mary Ann P. Flores

    EPS In LRMS: Mr. Isaiash T. Wagas

    EPS in EsP: Mrs. Jane O. Gurrea

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • ii

    Paunang Salita

    Para sa tagapagdaloy:

    Ang modyul na ito ay binuo, pinag-isipan at kritikal na sinuri ng edukador

    upang gabayan ang mag-aaral, ang mga gurong tagapagdaloy sa Edukasyon sa

    Pagpapakatao (EsP) upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

    itinakda ng Kurikulum ng K to 12 sa kalagitnaan ng Pandemya na kumitil ng

    maraming buhay dito sa Pilipinas at sa buong mundo.

    Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

    pamamagitan ng iba't-ibang gawain na inihanda ng manunulat. Ito ay naglalayon na

    ang bawat mag-aaral sa ikapitong baitang ay masigasig at aktibo sa pag-intindi at

    pagsagot kahit nasa kanilang kabahayan. Ang gabay ng mga magulang ay isang

    mahalagang elemento sa pagtatagumpay sa pagsasagawa ng mga gawaing

    nakapaloob sa modyul na ito.

    Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

    kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

    Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

    mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at

    itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

    pagkatuto. Gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing

    nakapaloob sa modyul.

    Mga Tala para sa Guro Ito'y nagpapaloob ng iba't-ibang repleksiyon, mga tanong

    para maging gabay sa mga mag-aaral. Inaasahang

    magkaroon ng inspirasyon upang matanggap at lubusang

    maunawaaan ang mga bagay-bagay na bubuo ng

    mabuting pagtingin sa iyong sarili. Inaasahan ding ito ang

    maggaganyak sa iyo upang patingkarin pa ang iyong

    halaga bilang isang kabataang may magandang hinaharap

    at produktibong kinabukasan.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • iii

    Para sa mag-aaral:

    Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative

    DeliveryMode (ADM) modyul ukol sa Sariling Hilig

    Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

    nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

    Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

    Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

    Alamin

    Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

    dapat mong matutuhan sa modyul.

    Subukin

    Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano

    na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

    Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot

    (100%), maaari mong laktawan ang

    bahaging ito ng modyul.

    Balikan

    Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

    upang matulungan kang maiugnay ang

    kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

    Tuklasin

    Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

    ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

    ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

    suliranin, gawain o isang sitwasyon.

    Suriin

    Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

    pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

    matulungan kang maunawaan ang bagong

    konsepto at mga kasanayan.

    Pagyamanin

    Binubuo ito ng mga gawaing para sa

    mapatnubay at malayang pagsasanay upang

    mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga

    kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto

    ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang

    susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng

    modyul.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • iv

    Isaisip

    Naglalaman ito ng mga katanungan o

    pupunan ang patlang ng pangungusap o

    talata upang maproseso kung anong

    natutuhan mo mula sa aralin.

    Isagawa

    Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

    sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

    o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

    realidad ng buhay.

    Tayahin

    Ito ay gawain na naglalayong matasa o

    masukat ang antas ng pagkatuto sa

    pagkamit ng natutuhang kompetensi.

    Karagdagang Gawain

    Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

    panibagong gawain upang pagyamanin ang

    iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

    aralin.

    Susi sa Pagwawasto

    Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa

    lahat ng mga gawain sa modyul.

    Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

    Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

    1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

    marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

    sa pagsagot sa mga pagsasanay.

    2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

    napapaloob sa modyul.

    3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

    4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

    sa pagwawasto ng mga kasagutan.

    5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

    6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

    sagutin lahat ng pagsasanay.

    Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

    pinagkuhanan sa paglikha o paglinang

    ng modyul na ito.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • v

    Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

    huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

    rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino

    man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim

    sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

    Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

    makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

    kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

    Panimula

    Marahil, narinig mo na mula sa ibang tao ang pahayag na: “Mahalin mo ang

    iyong ginagawa at gawin ang mga bagay na iyong minamahal”. Naniniwala ka ba sa

    mensahe ng pahayag na ito? Kaya mo bang gumawa ng isang bagay sa loob ng

    isang maghapon na kakaunti lamang ang pahinga ngunit hindi gaanong

    nakararamdam ng pagod?

    Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang malalim na kahulugan ng mga

    naunang pahayag. Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang

    sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

    a. Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng

    kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay (EsP7PS-Ie-3.1):

    at

    b. Nakasusuri ng mga sariling hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito

    (EsP7PS-Ie-3.2).

    Alamin

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 1

    Subukin

    Gawain 1: Hulaan mo kung anong mga gawain sa buhay ang nakikita mo sa bawat

    larawan at pagkatapos sagutan ang mga tanong. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

    Mga Tanong:

    1. Ano-anong hilig ang iyong nakikita sa mga larawan? Ito ba ay isa sa iyong mga hilig

    o kadalasang ginagawa sa buhay?

    2. Natuklasan mo na ba ang iyong mga hilig?

    3. Iisa lang ba ang iyong hilig o naiisip mo sa iyong sarili ang dami ko pa lang hilig?

    4. Kung alam mo ang iyong hilig, pinapaunlad mo ba ito?

    5. Kailangan mo bang papaunlarin ito? Ipaliwanag.

    6. Anong ugnayan sa pagpapaunlad sa iyong mga hilig sa pagpili ng kursong

    akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay?

    Balikan

    Panuto: Kumpletohin ang mga salita mula sa teorya na binuo ni Dr. Howard Gardner noong 1983, ang teorya ng Multiple Intelligences. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

    1. V___l S_____l

    2. V___l/L______c

    3. M________l/L_______l

    4. B_____y/K________c

    5. M_____l/R______c

    6. I_______l

    7. I________l

    8. E________l

    Sa nakaraang modyul iyong natutunan ang tungkol sa mga iba’t-ibang talento at kung

    paano ito papaunlarin upang magtagumpay sa buhay. Ayon kay Gardner, bagama’t lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t-iba ang talino o talent. Sa pagpatuloy ng modyul ating tutuklasin na man ang iyong mga hilig at paano ito papaunlarin.

    a. ____________ b. ____________ c. ____________ d. ____________

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 2

    Tuklasin

    Upang mauunawaan nang mabuti ang modyul na ito mas mabuting

    basahin muna ang pagbasa na inahanda para sa iyo. Ang mga kaalamang tinatalakay sa

    bahaging ito ay batay sa mga dalubhasang sumulat ng mga paksang nakaangkla sa dalawang

    batayang disiplina ng Edukasyon sa Pagpapakatao: Etika at Career Guidance.

    MGA HILIG

    May kakaiba ka bang saya o sigla kapag nagsusulat ka ng iyong mga pananaw, opinyon

    o pagninilay? Ipinagmamalaki mo ba ang iyong mga naisulat? Sa iyong libreng oras, pipiliin mo

    bang magbasa at maghanap sa internet o mga aklat ng magagandang ideya na gagamitin mo

    sa isang sanaysay o tula? Kung Oo ang sagot mo sa mga tanong na ito, ibig sabihin, hilig mo

    ang pagsusulat.

    Ano ba ang ibig sabihin ng hilig?

    Ang mga hilig ay preperensiya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang

    gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. Nagsisikap ka kung may motibasyon ka dahil gusto

    mo ang iyong ginagawa, hilig mo ito, at nagagabayan ka ng mga pagpapahalaga na

    makatutulong sa iyong pag-unlad (Santamaria, 2006). Sa kabilang dako, kung ang trabaho o

    gawain mo ay hindi ayon sa iyong mga hilig, ikaw ay nababagot. Iiwasan mo ang gawaing di mo

    gustong gawin o ipinagpapaliban mo ang mga ito. Halimbawa, kahit gusto mong gumamit ng

    mga kagamitang pinatatakbo ng koryente (tulad ng coffee maker o juicer), ngunit ayaw mong

    subukang gamitin ito, patunay ito na hindi mo hilig ang pagbubutinting (tinker) ng mga bagay.

    Ang ibang hilig ay maaaring:

    a. Natututuhan mula sa mga karanasan. Halimbawa, dahil sa palagiang pagtulong sa

    negosyo ng pamilya na pagtitinda ng mga lutong pagkain, nakahiligan mo na rin ang pagluluto.

    Ibinatay mo rito ang iyong kinuhang kurso sa kolehiyo at minahal mo na ang iyong trabaho

    bilang chef sa isang kilalang hotel.

    b. Minamana. Halimbawa, nasubaybayan mo sa iyong paglaki ang hilig ng iyong ina sa

    pag-aalaga ng mga halaman. Habang ikaw ay lumalaki, napapansin mong nagkakaroon ka rin

    ng interes sa pag-aalaga ng mga halaman kung kaya katuwang ka na ng iyong ina sa kaniyang

    mga ginagawa sa inyong hardin.

    c. Galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan. Halimbawa, labis ang iyong

    pagiging maawain sa iyong kapwa, laging bukas ang iyong puso sa pagtulong sa iyong kapwa

    na nangangailangan. Labis ang kasiyahan na iyong nararamdaman kapag may nagagawa kang

    kabutihan sa iyong kapwa. Nakahiligan mo na ang magbigay ng serbisyo para sa ibang tao o

    kapwa. Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang mga hilig sa pagpili ng mga

    gawain. Ang taong nasisiyahang gawin ang isang gawain ay nagsisikap na matapos ito at may

    pagmamalaki sa gawaing maayos na ginawa. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng paggalang sa

    sarili, gayundin nagpapaunlad ng kaniyang tiwala sa sarili. Isa pa, nakatutulong ang mga hilig,

    kasama ng aptityud at potensiyal at pangkalahatang karunungan (general intelligence), tungo

    sa iyong mabilis na pagkatuto at pagkakaroon ng mga kasanayan (skills). Ang mga hilig ay

    batayan din ng iyong mga kasanayan, kakayahan at kahusayan (proficiencies). Mahalagang

    malaman mo ang iyong mga hilig dahil palatandaan ang mga ito ng mga uri ng trabaho na

    magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 3

    Narito at ating balikan ang sampung larangan ng hilig:

    1. Outdoor – Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor)

    2. Mechanical – Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools)

    3. Computational – Nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero

    4. Scientific – Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo at pag-imbento ng

    mga bagay o produkto

    5. Persuasive – Nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o

    pakikipagkaibigan

    6. Artistic – Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay

    7. Literary – Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat

    8. Musical – Nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog ng instrumenting musikal

    9. Social service – Nasisiyahang tumulong sa ibang tao

    10. Clerical – Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina

    Ang tuon ng atensiyon o area of interest ay ang preperensiya ng uri ng pakikisangkot

    sa isang gawain. Ito ay maaaring sa tao, datos, at bagay.

    1. Tao – May kinalaman sa tao

    2. Datos – May kinalaman sa mga katotohanan, records, files, numero, detalye

    3. Bagay – Gamit ang mga kagamitan (tools) o makina (machine)

    4. Ideya – Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 4

    Suriin

    Gawain : SILA AT ANG KANILANG MGA HILIG

    Panuto: Ang nasa ibaba ay larawan ng mga kilalang tao sa bansa at sa buong

    mundo. Isulat sa papel kung ano ang mga bagay na kinagigiliwan nilang gawin.

    Pagyamanin

    Pagpapayaman ng Konsepto:

    Sa pagpapaunlad ng ating mga hilig na ang mga

    kahihinatnan nito ay hindi lamang sa ating sariling kapakanan

    kundi makapaglingkod sa ating kapwa at sa ating Poong

    Maykapal.

    William Shakespeare

    _________________

    Albert Einstein

    _________________

    Juan Luna

    __________________

    _

    Gary Valenciano

    __________________

    Ryan Cayabyab

    _________________

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 5

    A. Ipaliwanag at sagutin nang mabuti ang mga sumusunod na tanong: 1. Sa pagpapaunlad ng iyong mga hilig ikaw ba at ang mga taong nakapaligid sa iyo ay

    nasisiyahan?

    2. Kung may mga balakid sa pagpapaunlad sa iyong mga hilig, ano ang iyong mga

    hakbang na gagawin?

    3. Nakatuon ba ng iyong mga hilig sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal,

    negosyo o hanapbuhay na iyong pipiliin?

    Isaisip

    Isagawa

    Mahalagang tandaan na ang bawat gawain ay palatandaan o

    indikasyon ng maraming hilig at may higit sa isang tuon. Halimbawa, ang

    paglikha ng awit ay indikasyon ng hilig sa musika (musical) at pagsusulat

    (literary). Ito ay may tatlong tuon – tao (pag-awit o pagpaparinig ng

    nilikhang awit sa kaibigan), datos (paglapat sa mga linya ng awit ng mga

    pagkatuto sa karanasan) at ideya (paggamit ng estratehiya kung paano

    mapalalaganap ang mensahe ng awit.) Kung may mga panahon na kahit

    pagod ka na, patuloy ka pang gumagawa ng isang bagay kaya’t di mo

    napapansin ang paglipas ng oras, indikasyon ito ng iyong hilig. Mahalaga

    ang pagtuklas mo sa mga ito, pati ang mga tuon ng atensiyon sa bawat

    isa dahil palatandaan ito ng uri ng mga gawain, kurso, o trabaho na

    magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan. Kung malinaw sa iyo ang

    iyong mga hilig, maiiwasan ang pagkabagot o kabiguan sa pagiging

    abala. Maiiwasan din ang pagpili ng kurso o trabahong maaaring

    magbibigay ng malaking suweldo ngunit di naman kawili-wiling

    pagkaabalahan. Kung alam mo ang iyong mga hilig, makikilala mo ang

    mga kongkretong paraan kung paano mo pauunlarin ang mga ito.

    Darating sa buhay ng tao ang maging independente sa sarili at mamumuhay

    na naaayon sa kanyang gustong gawin o hilig. Upang magkaroon ng pananaw sa

    buhay dapat mapaghandaan ito sa maagang yugto, kung maari. Kinakailangan

    matuklasan ng isang tao ang kanyang hilig at hasain o papaunlarin ito ng mabuti.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 6

    Tayahin

    A. Gawain 1: TUGMA-HILIG

    Panuto: Itugma ang hanay A sa hanay B. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

    Paano mo ba matutuklasan ang iyong mga hilig? Makatutulong sa iyo ang kasunod

    na mga hakbang:

    • 1. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain.

    Dahil ginagawa nang kusang-loob ang hilig na libangan (hobby), ang mga ito ay

    pinakamahusay na palatandaan ng mga bagay na iyong minamahal na gawin. Sa

    pamamagitan ng pagninilay, maaaring matuklasan mo na ang iyong hilig na libangan ay

    naging bahagi na ng iyong buhay mula pa sa iyong pagkabata.

    • 2. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo. Ano ba ang mga

    gawaing nagdudulot sa iyo ng sigla at sigasig? Maaaring kasama rito ang iyong mga hilig na

    gawain ngunit maaari rin namang mga gawaing iyong ginagampanan sa iyong pang-araw-

    araw na buhay. Halimbawa, maaaring may mga gawain sa inyong tahanan na mas gusto

    mong gawin kaysa sa ibang mga tungkulin dahil ramdam mong mas masaya ka habang

    ginagawa ang mga nasabing gawain.

    • 3. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin. Ang isa pang palatandaan sa

    pagtuklas ng iyong mga interes o hilig ay maaaring sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga

    gawaing mas pinipili mong gawin kapag nahaharap sa isang bagay na hindi mo nais na

    gawin. Halimbawa, kakausapin mo ang iyong kapatid na siya na lamang ang magluto at ikaw

    na lamang ang maghuhugas ng pinggan dahil hindi mo talaga hilig ang magluto at alam

    mong kulang ka sa kakayahan upang gawin ito. May dalawang aspekto ng mga hilig: ang

    larangan ng mga hilig (areas of interest) at ang tuon ng atensiyon (Abiva, 1993).

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 7

    Karagdagang Gawain

    Gawain : Iguhit ko, hilig ko, kinabukasan ko!

    Panuto: Iguhit sa bondpaper ang iyong kinahihiligan. Kung marami kang

    kinahihiligan pumili lamang ng isa at gawin ang halimbawa sa ibaba. Tingnan ang rubrik

    sa pagmamarka sa gawaing ibinigay.

    HALIMBAWA:

    Ang rubrik sa ibaba ay ang gagamitin upang tayain at markahan ang iyong

    ginawang karagdagang gawain.

    4 Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos

    Mahusay na

    pagguhit sa

    hilig.

    Malikhain sa

    paggawa ng

    gawain.

    Malinaw ang

    konsepto.

    Malinis ang

    pagkagawa

    sa gawain.

    Malikhain at

    makikita ang

    konsepto

    subalit hindi

    gaanong

    malinis ang

    pagkaguhit

    at

    pagkagawa

    sa gawain

    Hindi malinaw

    ang konsepto

    subalit

    mayroong

    pagkamalikhain

    sa ginawang

    gawain.

    Hindi

    malinaw

    ang

    konsepto

    at hindi

    kapani-

    paniwala.

    Ako Ngayon!

    Mga bagay na

    dapat kung gawin

    upang paunlarin

    ang aking hilig.

    _________________

    _________________

    _________________

    _________________

    _________________

    __________

    Kinabukasan

    ko!

    Mga bagay sa buhay

    na aking makamit

    dahil sa aking hilig.

    _________________

    _________________

    _________________

    _________________

    _________________

    _________________

    _________________

    _______

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 8

    Susi sa Pagwawasto

    Mga Tala para sa Guro

    Personal na suriin ang sagot ng mag-aaral. Maaaring

    magkakaiba ang sagot ng mga estudyante sa mga gawain.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 9

    Sanggunian

    Most Essential Learning Competencies (MELCs)

    Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul para sa Mag-aaral, pp 53-57

    Enclosure no. 7 to DepEd Memorandum No. 97 s. 2012

    Mga Larawan:

    http://clipart-library.com/reference-cliparts.html

    https://www.dreamstime.com/illustration/child-violin-isolated.html

    https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/boy-playing-violin-talented-

    young-violinist-vector-25673604

    https://www.pinterest.ph/pin/7036943144472437/

    https://www.kindpng.com/imgv/TwxbRoJ_mechanical-free-on-auto-mechanic-

    transparent-background-hd/

    https://www.dreamstime.com/illustration/cartoon-cyclist.html

    https://www.netclipart.com/isee/iRRmoT_cardiovascular-disease-survey-social-

    services-caregiver-home-health/

    https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/woman-speaking-into-a-

    microphone-vector-7537832

    https://yourtalentsource.com/clients/why-work-with-us/clipart-men-target-arrows-

    darts/

    https://yourtalentsource.com/clients/why-work-with-us/clipart-men-target-arrows-

    darts/

    https://graphicmama.com/cartoon-character/cute-pencil-cartoon-vector-character

    https://www.biography.com/writer/william-shakespeare

    https://medium.com/illumination/what-albert-einstein-can-teach-your-children-

    about-confidence-1d981e53ee82

    http://filipinosongsatbp.blogspot.com/2006/10/philippine-heroes-and-heroines-

    juan.html

    https://www.philstar.com/entertainment/2018/10/30/1864465/gary-valenciano-

    opens-about-struggle-be-called-mr-pure-energy

    https://djopmblog.wordpress.com/2016/01/15/rediscovering-opm-composers/

    http://clipart-library.com/reference-cliparts.htmlhttps://www.dreamstime.com/illustration/child-violin-isolated.htmlhttps://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/boy-playing-violin-talented-young-violinist-vector-25673604https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/boy-playing-violin-talented-young-violinist-vector-25673604https://www.pinterest.ph/pin/7036943144472437/https://www.kindpng.com/imgv/TwxbRoJ_mechanical-free-on-auto-mechanic-transparent-background-hd/https://www.kindpng.com/imgv/TwxbRoJ_mechanical-free-on-auto-mechanic-transparent-background-hd/https://www.dreamstime.com/illustration/cartoon-cyclist.htmlhttps://www.netclipart.com/isee/iRRmoT_cardiovascular-disease-survey-social-services-caregiver-home-health/https://www.netclipart.com/isee/iRRmoT_cardiovascular-disease-survey-social-services-caregiver-home-health/https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/woman-speaking-into-a-microphone-vector-7537832https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/woman-speaking-into-a-microphone-vector-7537832https://yourtalentsource.com/clients/why-work-with-us/clipart-men-target-arrows-darts/https://yourtalentsource.com/clients/why-work-with-us/clipart-men-target-arrows-darts/https://yourtalentsource.com/clients/why-work-with-us/clipart-men-target-arrows-darts/https://yourtalentsource.com/clients/why-work-with-us/clipart-men-target-arrows-darts/https://graphicmama.com/cartoon-character/cute-pencil-cartoon-vector-characterhttps://www.biography.com/writer/william-shakespearehttps://medium.com/illumination/what-albert-einstein-can-teach-your-children-about-confidence-1d981e53ee82https://medium.com/illumination/what-albert-einstein-can-teach-your-children-about-confidence-1d981e53ee82http://filipinosongsatbp.blogspot.com/2006/10/philippine-heroes-and-heroines-juan.htmlhttp://filipinosongsatbp.blogspot.com/2006/10/philippine-heroes-and-heroines-juan.htmlhttps://www.philstar.com/entertainment/2018/10/30/1864465/gary-valenciano-opens-about-struggle-be-called-mr-pure-energyhttps://www.philstar.com/entertainment/2018/10/30/1864465/gary-valenciano-opens-about-struggle-be-called-mr-pure-energyhttps://djopmblog.wordpress.com/2016/01/15/rediscovering-opm-composers/UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 10

    Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

    Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

    Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

    Telefax: (032) 255-6405

    Email Address: [email protected]

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark