26
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Unang Markahan – Module 2.2(Week 3): Pagtukoy ng mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral 10

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

  • Upload
    others

  • View
    25

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO Unang Markahan – Module 2.2(Week 3):

Pagtukoy ng mga Prinsipyo ng Likas na

Batas Moral

10

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week 3): Pagtukoy ng mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax : (032) 255-6405

E-mail Address : [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Flora H. Unabia

Editor: Jane O. Gurrea

Tagasuri: Hipolito Q. Pegarido Jr.

Tagaguhit: Flora H. Unabia

Tagalapat: Ruth Angelie S. Carin

Management Team

Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V

Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico

Dr. Ester A. Futalan

Dr. Leah B. Apao

Chief, CID Dr. Mary Ann P. Flores

EPS in LRMS Mr. Isaiash T. Wagas

EPS in EsP Mrs. Jane O. Gurrea

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa

Pagpapakatao ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para

sa araling Pagtukoy ng mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri

ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon

upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang

pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral

sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa

kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan

ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo

habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan

at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita

ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang

kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.

Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang

mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mataas na

Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-

aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong

maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo

ang mga dapat mong matutuhan

sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin

kung ano na ang kaalaman mo sa

aralin ng modyul. Kung nakuha mo

ang lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong laktawan ang

bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-

aral upang matulungan kang

maiugnay ang kasalukuyang aralin

sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin

ay ipakikilala sa iyo sa maraming

paraan tulad ng isang kuwento,

awitin, tula, pambukas na suliranin,

gawain o isang sitwasyon.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

iv

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

maikling pagtalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang

maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para

sa mapatnubay at malayang

pagsasanay upang mapagtibay

ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o talata

upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang

maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong

matasa o masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

v

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa

iyong panibagong gawain upang

pagyamanin ang iyong kaalaman

o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang

sagot sa lahat ng mga gawain sa

modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng

modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan

ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.

Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba

pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat

pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa

ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba

pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy

kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

vi

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa

modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang

inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong

kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man

sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.

Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas

ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim

na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

vii

Alamin

Kumusta na? Masaya ako na makasama kita dito!

Ang modyul na ito ay espesyal na inihanda lamang

para sa iyo upang matugunan ang mga

pangangailangan lalong lalo na sa mga bagay na

napakahalaga sa atin habang tayo ay naglalakbay at

namumuhay; tulad man lang sa paggawa ng mga angkop na

kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang

katotohanang maglingkod at magmahal na nabanggit sa

naunang modyul, na tumutugon sa mataas na gamit at tunguhin

ng isip at kilos -loob. Patuloy natin itong tatahakin ang mga

mahahalagang bagay sa buhay sa pamamagitan ng pagtutukoy

ng mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral (EsP10MP-Ic-2.1) tulad

ng naipakita sa K-12 Most Essential Learning Competencies.

Ang kakayahan ng modyul na ito ay nahahati sa sumusunod

na mga aralin, tulad ng:

Mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

Ang Paggawa ng mga Kilos na Angkop sa mga

Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

Pangangalaga sa karaniwang pamantayan ng buhay

gamit ang mga nasabing prinsipyo ng likas na batas

moral

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan mong makamit

ang sumusunod na mga layunin:

1. Natutukoy ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral;

2. Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginagawa sa araw-araw

batay sa paghusga ng konsiyensiya;

3. Nagagawa ang mga kilos na angkop sa mga prinsipyo ng likas

na batas moral; at

4. Napahahalagahan ang obligasyong alamin kung ano ang

tama at mabuti.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

1

SUBUKIN

Pagsusulit I. Direksyon sa Pagsubok: Maglagay ng (P) kung PANIG ka at (L)

kung LABAN ka sa mga kilos na ipinahiwatig sa bawat karatula sa ibaba. Isulat

ang iyong tugon o reaksiyon sa sagutang papel.

1.

2. 3.

4.

6.

5.

7.

8. 9.

10.

Paglapastangan sa

mga magulang at

awtoridad.

Mahalin at igalang ang

pangalan ng Diyos.

Pagkagumon sa masamang

bisyo tulad ng iligal na droga

at “gaming” adiksyon na

nakasisra sa kalusugan

Kawalan ng interes na

sambahin ang Diyos.

Panonood at pagbabasa

ng pornograpiya at

malalaswang babasahin.

Igalang ang ama, ina’t

kapwa.

Huwag magsinungaling,

magnanakaw at sasaksi

nang walang katotohanan.

Tama o mali,

paano ba

pipili?

Itatama ang kamalian ng

may pagpapakumbaba kahit

mahihirapan

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

2

Pagsusulit II. Direksyon sa Pagsubok: Itiman ang kung alin sa mga

sumusunod na kilos ang magpaunlad sa iyong pagkatao:

_____ 1. Humaharap ng buong katapangan at katatagan harapin ang

kahirapan sa buhay huwag lang madala sa mapanlinlang salapi dulot ng iligal

na gamot.

_____ 2. Nakikisama ako sa mga outreach activity kasama ang mga matalik

kong kaibigan sa isang organisasyon ngunit napabayaan ko ang aking

pamilya at ang kapatid na nangangailangan ng kasama.

_____ 3. Upang makapaglingkod sa aking kapwa, kasama ang mga

kabarkadang frontliners, ako ay nagsinungaling sa pag pasa ng mga

kinakailangan.

_____ 4. Naghahanap ng kaliwanagan kaya palit nang palit ng relihiyon.

_____ 5. Nag-aaral ng mabuti ngunit walang panahon na makikihalubilo at

makikisama sa mga magulang at kapatid sa mga gawaing bahay.

_____ 6. Pantay-pantay kung makisama sa kapitbahay o kaibigan.

_____ 7. Nakapagbibigay ng mga lumang gamit dahil hindi na

mapanginabangan at magagamit.

_____ 8. Nakapaglaan ng oras araw-araw sa pagsimba at pagsali nga mga

prayer rallies dahil kasama ang boyfriend o girlfriend.

_____ 9. Kahit na tawaging “kill joy (KJ)” umiiwas pa rin mabuyo sa

masasamang mga bisyo.

_____ 10. Gumawa ng mga paraan malabanan lang ang mga hamon sa

tinatawag na “NEW NORMAL” lalong lalo na sa panig ng edukasyon at pag-

aaral.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

3

Tama ang iyong pagka-alala sa nagdaang modyul na ang tao ay

binigyan ng isip at kilos-loob bilang kamalayan sa sarili upang magnilay at

magmuni-muni. Natututunan mo ring bumuo ng sariling katuturan tungkol sa

mabuti at umiwas sa masama kung saan ang tao ay gumagamit ng

konsensiya. Bilang pag-uugnay mo ng araling ito sa nagdaang modyul na

tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob, ako ay

naniniwalang makagagawa ka ng isa o dalawang saknong o mas higit pa na

magpapakita ng kung ano ang iyong mga natutunan.

Panuto:

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng

tamang sagot at isulat ito sa iyong dyurnal. Ang iyong nagawa ay

karagdagang puntos mo sa bahaging pagganap ng iyong mga gawain:

1. Ang _________________ ay itinuturing na gabay sa kilos at asal

a. Batas ng Tao

b. Batas Republika

c. Likas na Batas Moral

d. Natural na Batas

2. Sinasabi na ang tao ay sadyang mabuti at pinasama lamang ng modernisasyon

at pag-unlad. Ito ang naging dahilan kung bakit bumababa ang ________________ng

tao.

a. dignidad

b. moralidad

c. talas ng isip

d. talent

3. Pumapasok ang kasamaan, kamalian, at imoralidad kung ang katwiran at

kalayaan sa pagpili ay hindi naaayon sa naihayag ng _______________

a. Batas Moral

b. Batas Militar

c. Natural na Batas

d. Saligang Batas

BALIKAN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

4

4. Ang sumusunod ay mga pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban

sa :

a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan

ang ating buhay

b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-

aralin ang mga anak

c. Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan,

lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan

d. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa

pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao

5. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng

kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya

maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?

a. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.

b. Hindi tuloy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya.

c. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.

d. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

5

Ngayon, ihanda ang sarili sa

gawaing pagtuklas sa gagawing

pagpapasiya ng isang sitwasyon.

Kaya, bilang pagpapatuloy siguradong marami kang

matutuklasan habang pinag-aaralan ang bagong aralin. Masaya

ito at “challenging” dahil umaasa ako na gagawin mo itong unang

gawain bilang iyong pagtuklas. Narito ang panuto:

Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na sitwasyon. Kung sakaling ikaw

ay nahaharap sa ganitong sitwasyon, ano ang gagawin mo? Tuklasin mo ang

iyong gagawing pagpapasya batay sa tamang paghuhusga ng konsensiya

sa bawat sitwasyon. Gabay mo ang unang sitwasyon bilang halimbawa. Isulat

sa iyong sagutang papel/reflective dyurnal.

SITWASYON PARAAN O HAKBANG NG PAGKILOS NG

KONSENSIYA

1. Pagkatapos ng klase,

inanyayahan si Janine ng

kaniyang mga kaibigan na

pumunta sa mall at manood ng

sine. Matagal na rin mula ng huli

silang nakalabas bilang isang

grupo. Bago matapos ang

palabas, biglang tumawag ang

kaniyang ina at pilit siyang

pinauuwi. Mahigpit na

ipinagbabawal ng kaniyang

mga magulang ang

pamamalagi sa labas, lalo na

kung gabi na. Ngunit sinabihan si

Janine ng kaniyang mga

kaibigan na kapag sinunod niya

ang kaniyang ina, ititiwalag na

ALAMIN AT NAISIN ANG MABUTI:

Kailangang sumunod sa payo o utos ng

magulang lalo na kung para ito sa

pansariling kaligtasan.

ANG PAGKILATIS SA PARTIKULAR NA

KABUTIHAN SA ISANG SITWASYON:

Likas sa tao na gawin ang mabuti at

iwasan ang masama. Itinuturing na

masamang gawain ang hindi pagsunod

sa magulang.

PAGHATOL PARA SA MABUTING PASIYA

AT KILOS:

Kung ako si Janine, susundin ang hatol

ng aking konsensiya na makinig sa utos

ng aking ina at umuwi nang maaga,

kahit ikagalit pa ito ng aking mga

kaibigan.

TUKLASIN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

6

siya sa kanilang barkada at hindi

na iimbitahan pa sa alinmang

lakad ng barkada kailanman.

Ano ang dapat

gawin ni Janine?

PAGSUSURI/PAGNINILAY:

Mapatutunayan ko na mabuti ang aking

naging pasiya na sundin ang utos ng

aking ina dahil para ito sa aking

kaligtasan. Bukod dito, kung tunay ang

pagkakaibigan na mayroon kami ng

aking barkada, hindi nila ako

papayuhan nang masama tulad ng

pagsuway sa aking magulang.

1. Nalalapit na ang markahang

pagsusulit sa paaralan nila John

nang kausapin siya ng kaniyang

ama. Ayon kay Mang Jun,

bibilhin niya ang pinakabagong

modelo ng cellphone na

gustung-gusto ng kaniyang

anak, sa kondisyon na

makakuha siya ng mataas na

marka sa lahat ng asignatura.

Magandang motibasyon ito

para kay John kaya’t naghanda

at nag-aral siya nang mabuti.

Nang

dumating ang araw na

pinakahihintay, napansin ni John

na wala sa kaniyang pinag-

aralan ang mga tanong sa

pagsusulit. Kahit kinakabahan,

sinimulan

niyang sagutin ang mga tanong.

Dahil hindi sigurado, makailang

beses siyang natuksong tumingin

sa sagutang papel ng kaniyang

katabi lalo na kapag hindi

nakatingin ang guro. Naisip niya

na ito lamang markahang ito

siya mangongopya at hindi na

niya ito uulitin pa. Bukod dito,

ayaw niyang mawala ang

pagkakataon na mapasaya

ang kaniyang ama at

magkaroon ng bagong

cellphone. Kung ikaw ang nasa

kalagayan ni John, ano ang

gagawin mo?

ALAMIN AT NAISIN ANG MABUTI:

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

ANG PAGKILATIS SA PARTIKULAR NA

KABUTIHAN SA ISANG SITWASYON:

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

PAGHATOL PARA SA MABUTING PASIYA

AT KILOS:

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

PAGSUSURI/PAGNINILAY:

________________________________________

________________________________________

________________________________________

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

7

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Nais ni Mark na maging isang

inhinyero balang-araw. Nag-

aaral

siya nang mabuti upang

makapasok sa pinakamahusay

na pamantasan pagdating ng

kolehiyo. Ngunit kahit ginagawa

na niya ang lahat, hindi pa rin

siya makakuha ng matataas na

marka. Isang kaibigan ang nag-

alok ng tulong upang makapasa

siya sa entrance exam ng isang

sikat na pamantasan, kapalit ng

malaking halaga. Walang

hawak na pera si Mark at alam

niyang hindi siya maaaring

humingi sa kaniyang ama para

ibigay sa kaibigan. Isang araw,

binigyan

siya ng pera ng kaniyang ama

upang ibili ng aklat na kailangan

niya sa paaralan. Napag-isipisip

niya na ang halagang iyon ay

sapat na upang makapasok sa

sikat na pamantasan at makuha

ang gusto niyang kurso. Hindi

niya malaman kung bibili siya ng

aklat na pangunahing

kailangan o ibibigay ito sa

kaibigan. Kung ikaw ang nasa

kalagayan ni Mark, ano ang

gagawin mo?

ALAMIN AT NAISIN ANG MABUTI:

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

ANG PAGKILATIS SA PARTIKULAT NA

KABUTIHAN SA ISANG SITWASYON:

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

PAGHATOL PARA SA MABUTING PASIYA

AT KILOS:

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

PAGSUSURI/PAGNINILAY:

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

8

Ang Likas na Batas Moral Bilang Batayan ng Kabutihan at ng Konsensiya

Natutuhan mo sa Baitang 7 na ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa

tao dahil nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa

pamamagitan ng batas na ito, may kakayahan siyang kilalanin ang mabuti

sa masama. Ngunit may kakayahan din ang tao na gumawa ng mabuti o

masama dahil sa kaniyang malayang kilos-loob. Kaya may Likas na Batas

Moral upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng tao. Sa kaniyang

pagsunod sa batas moral, siya ay gumagawa ng mabuti at isinasabuhay ang

makabuluhang pakikipagkapuwa. Subalit hindi ito nangangahulugan na ang

Likas na Batas Moral ay pangkat ng mga batas na dapat niyang isaulo upang

sundin araw-araw. Bagkus, kailangan niyang gawin ang mabuti dahil ito ay

nakaukit na sa kaniyang pagkatao. Samakatuwid, ang konsensiya ng tao

kung saan nakalapat na ang Likasna Batas Moral ay ginagamit na personal

na pamantayang moral ng tao. Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano

ang tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon. Dahil dito,

mahalagang maunawaan ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral.

Ang Unang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

Hindi ito nakikisabay sa pagbabago ng panahon o nakabatay sa

pangangailangan ng sitwasyon. Hindi ito maihahalintulad sa pagbabago na

hindi natatapos at hindi ito maaaring mabawasan na “Gawin ang masama

at iwasan ang mabuti.” Madali lamang unawain ang prinsipyong ito. Mula sa

pagsilang ng tao, nakatatak na ito sa kaniyang isip, kaya nga kahit hindi

ganap na hubugin, kayang kilalanin ng tao ang mabuti at masama. Kung

mananatiling matibay na nakakapit ang tao sa unang prinsipyong ito sa

proseso ng paghubog ng kaniyang konsensiya, kailangan na lamang ang

pagiging matatag laban sa pagtatalo ng isipan sa pagitan ng mabuti laban

sa masama.

Ang mga Pangalawang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

Mahalaga ring maunawaan ang mga pangalawang prinsipyo na

makukuha sa kalikasan ng tao:

1. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong

pangalagaan ang kaniyang buhay. Sino mang tao ay ginagawa ang

lahat upang pangalagaan ang kaniyang buhay. Kaya tayo umiinom

ng gamot kapag tayo ay may sakit, pumupunta sa doktor upang

alamin kung ano ang ating karamdaman, nag-iingat sa ating mga kilos

sa lahat ng pagkakataon, at 14 hindi kinikitil ang ating sariling buhay ay

SURIIN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

9

dahil sa likas na pagkiling ng tao para sa pangangalaga sa kaniyang

buhay. Mulat ang lahat ng tao sa prinsipyong ito. Hindi man niya

sinasabi, natural itong dadaloy sa kaniyang mga gawain at kilos. Kung

likas na inaalagaan ng tao ang kaniyang sariling buhay, natural lamang

na likas itong maibahagi sa kaniyang kapuwa. Kung kaya alam ng

taong hindi lamang masamang kitilin ang kaniyang buhay kundi

masama ring kitilin ang buhay ng kaniyang kapuwa.

2. Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at pandama), likas

sa tao (nilikhang may kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng

uri at papag-aralin ang mga anak. Likas sa tao ang naisin na

magkaroon ng anak; nakaukit na rin ito sa kaniyang kalikasan. Ngunit

hindi ito nagtatapos dito, mahalagang bigyang-diin na kaakibat ng

kalikasang ito ay ang tungkulin na bigyan ng edukasyon ang kaniyang

anak. Kung ang isang inang ibon ay hindi napapagod na gabayan ang

kaniyang inakay hangga’t hindi ito ganap na natutong lumipad, mas

lalo’t higit ang tao. Inaasahang ang kabutihang nakatanim sa bawat

magulang batay sa Likas na Batas Moral ang siya niyang gagamitin

upang hubugin ang kaniyang anak. Hindi dapat ganap na iatang sa

balikat ng mga guro sa paaralan ang edukasyon ng kanilang anak.

Binigyang-diin sa Baitang 8 na mas mabigat ang tungkulin ng mga

magulang ang paghubog ng mga anak sa pagpapahalaga. Hindi

nararapat na kalimutan ang tungkuling ito bago magpasiyang

magkaroon ng anak.

3. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin

ang katotohanan at mabuhay sa lipunan. Sa pamamagitan ng

prinsipyong ito, nararapat na maunawaan na kung tunay na hindi

humihinto ang tao sa paghahanap ng katotohanan, hindi rin nararapat

na ipagkait ito sa kaniyang kapuwa. Kung kaya nga maituturing na

masama ang magsinungaling. Dahil sa pamamagitan ng

pagsisinungaling, naipagkakait natin sa ating kapuwa ang

katotohanan, napipigilan nito ang kaniyang paghahanap ng

katotohanan. Ang kahiligan din ng tao ang nagtutulak sa kaniya upang

magkaroon ng kaalaman at iwasan ang kamangmangan. Mahalaga

ito dahil sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman, mahahanap

ng tao ang katotohanan. Ang lahat ng mga nabanggit ay magiging

posible lamang kung siya ay makikihalubilo sa kaniyang kapuwa sa

lipunan dahil ang kaalaman, karunungan, at katotohanan ay

makakamit sa tulong ng kapuwa. Kasama ng lahat ng may buhay, may

kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

10

Makaka-relate ka dito! Maaring sundin lamang itong panuto:

Batay sa iyong reyalisasyon, pagyamanin ang sarili ayon sa nagawang

pasiya batay sa paghuhusga ng konsensiya na makabuo ng mabuti at

tamang pasiya sa araw-araw. Gawin sa iyong diyurnal o sagutang papel.

1. Magtala ng dalawa o tatlong sitwasyon sa iyong buhay kung saan

nakaranas ka ng isang krisis o kahirapan sa pamimili ng mabuti at tamang

pasiya.

Halimbawa: Nagtanong ang aking mga magulang kung bakit matagal

kang bumangon. Sinabi mo na sumama ang iyong pakiramdam

kinagabihan. Lingid sa kanilang kaalaman, matagal kang natulog dahil

sa paggamit ng cellphone.

2. Kaugnay ng sitwasyong ito, bumuo ng mabuting pasiya batay sa

paghuhusga ng konsensiya.

3. Gawing tiyak, akma at makatotohanan ang iyong pasiya.

4. Isulat sa papel at ilagay sa isang bahagi ng sariling silid sa tahanan upang

magsilbing paalala sa bawat gawain sa araw-araw.

Kayang-kaya diba! Kung kaya inaanyayahan kitang magpatuloy sa iyong

kaalaman sa modyul na ito.

PAGYAMANIN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

11

Mahusay ang ipinakita mong tiyaga upang matutunan at maunawaan ang

aralin sa modyul na ito.

Bilang pagsubok sa iyong pagsusuri ng aralin na ating tinalakay, punan

ang mga sumusunod na dayalogo batay sa iyong natutunan. Isulat sa

sagutang papel o diyurnal ang iyong sagot.

Mabuti naman at masigasig ka. Kaya, patuloy nating gawin ito. Mag-isip ng

isang sitwasyon mula sa iyong karanasan na may maling paghuhusga kang

nagawa. Suriin ang kabutihan o kasamaan nito batay sa paggamit ng

konsensiya. Ipakita at ipabasa ito sa iyong magulang. Anyayahan sila na

magbigay ng komento o payo sa iyong ginawa. Palagyan ito sa kanila ng

lagda bilang katibayan na kanilang nabasa ang iyong ginawa. Isulat sa iyong

dyurnal o sa iyong sagutang papel.

Ang kaugnayan ng konsensiya sa

prinsipyo sa likas na batas moral

ay_________________________.

Anu-ano ang dapat isaalang-

alang sa prinsipyo ng likas na

batas moral?_

_________________

ISAISIP

Paano mapapatibay ng mga Pilipino ang mga

prinsipyo ng likas na batas moral sa kabila ng

makabagong umiiral?

Nalalaman ng konsensiya ang

tama at mali sa pamamagitan

ng_______________________.

Sang-ayon ako sa sinasabi

kadalasan na ang pag-unlad ng

modernisasyon ang dahilan ng

pagbaba ng moralidad ng tao

dahil_______________________.

ISAGAWA

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

12

O ayan nandito kana sa paggawa ng halos panghuling gawain kung saan

malalaman mo na ganap na ang iyong kaalaman at karunungan sa

pagkakataong ito. Kung kaya ay sundin ang panuto nitong huling bahagi ng

pag-aaral mo ng modyul na ito.

Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng

pinakatamang sagot. Isulat ang titik nga tamang sagot sa inyong dyurnal o sa

inyong sagutang papel

1. Anong uri ng batas ng tao ang may kakayahang gawin ang mabuti o

masama.

a. Mataas na batas c. Batas sa pagpapasya

b. Likas na batas moral d. Sobhetong bata

2. Nais ni Jimmy magkaroon ng cellphone kaya nagsisikap siyang magtrabaho

sa libreng oras sa eskwela. Anong prinsipyo ng likas na batas moral ito?

a. Pangangalaga sa sarili

b. Pagiging rasyonal

c. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama

d. Nilikha na nag-iisip ng pag-aaral

3. Bakit itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos ang likas batas moral?

a. Ito ang pamantayan ng moralidad ng tao

b. Ito ang batayan ng isip

c. Ito ang paghuhusga

d. Ito ang konsensiya ng tao

4. Para masunod ang likas na batas moral mahalagang maunawaan ang

mga prinsipyo nito. Ano ang pahayag na ito?

a. Tama, dahil batayan ito ng mabuti at masama

TAYAHIN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

13

b. Tama, dahil isa itong batas

c. Mali, dahil hindi importante ang mga prinsipyo nito

d. Mali, dahil mayroon kaming konsensiya

5. Nilikha ang tao na mabuti, sa kabila nito:

a. Napapagod ang tao sa hamon ng panahon

b. Naimpluwensiyahan sa media

c. Kahit mabuti, pinili parin ang masama

d. Palaging gumagawa ang tao ng desisyon

Para sa bilang 6 -7.

Si Aling Flor ay may nag-iisang anak. Kaya sinisikap niyang maibigay ang

tamang edukasyon at mabuting pangaral sa anak. Isang araw humingi ang

anak ng bagong cellphone ngunit hindi niya ito pinagbigyan dahil hindi

naman ito pangunahing pangangailangan. Sinabi niya sa anak na maghintay

ng tamang panahon sa lahat ng bagay.

6. Ano ang ipinapahayag ng seleksiyon?

a. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig

b. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay

c. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila

d. pagpapahiwatig ng nararamdaman

7. Aling prinsipyo ng likas na batas moral ang sinunod ni Aling Flor?

a. Ang paggawa ng mabuti, lumayo sa masama.

b. Ang lahat na may buhay, kasabay sa pangangalaga niya sa saril.

c. Ang lahat ng mga nilikha sa mundo dahil nasa tao ang pagpaparami

at bigyang ng mabuting edukasyon ang mga anak.

d. Ang pagiging rasyonal ng tao, kaya natural sa tao ang alamin ang

katotohanan at sa lipunang kanyang kinabibilangan.

8. Sa buong mundo hindi inaasahan ang pagkakaroon ng pandemya na

COVID-19. Paano nagagamit ang dikta ng konsensiya sa panahong ito?

a. Umasa sa pamahalaan c. Matakot sa frontliner

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 22: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

14

b. Mag-isip ng mapagkakakitaan d. Mananatili sa bahay

9. Gaano man kabigat ang mga pagsubok ng panahon dapat manatiling

matatag at lagging manalangin sa Panginoon. Sa prinsipyo ng likas batas

moral, ang pahayag ay:

a. Pagiging rasyonal

b. Pangangalaga sa sarili

c. Nilikha na nag-iisip ng pag-aaral

d. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama

10. Mali ang kaisipan ng konsensiya, kapag:

a. Sinusunod ang munting budhi

b. madaling maniwala sa balita

c. Nagbagabag at nagnilay

d. Matagal magdasal

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 23: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

15

Malinaw na diba!. Ituloy natin ang pagsagot nito. Bilang karagdagang

gawain sundin lang ang panuto: Suriin ang bawat pahayag kung MABUTI o

MASAMA ang mga pasiyang nagawa batay sa paghusga ng konsensiya.

1. Tinanggap ko ang Social Amelioration Program ng pamahalaan dahil ako

ay kuwalipikado.

( ) MABUTI ( ) MASAMA

2. Huwag pulutin ang basurang hindi sa akin.

( ) MABUTI ( ) MASAMA

3. Bilang isang babae kailangan ipagpaalam ako ng aking kasintahan sa mga

magulang ko.

( ) MABUTI ( ) MASAMA

4. Uminom ng gamot na hindi komonsulta sa doctor.

( ) MABUTI ( ) MASAMA

5. Sasagutan ko nang buong katapatan ang modyul na ito para matuto ng

wasto.

( ) MABUTI ( ) MASAMA

Madali lang diba? Itong pangalawang gawain ay pagtitibayin ang nito ang

iyong kasanayan sa pamamagitan ng Mga Pokus na Tanong:

a. Paano mo sinuri ang mga pahayag ayon sa pasiyang ginawa?

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

KARAGDAGANG GAWAIN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 24: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

16

Tayahin:

1.b

2.c

3.a

4.a

5.c

6.a

7.c

8.d

9.a

10.c

Karagdagang

Gawain:

1.Mabuti

2.Masama

3.Mabuti

4.Masama

5.Mabuti

Pangalawang

Gawain:

Nasa guro ang

pagpapasya kung

tama

Balikan:

1.c

2.b

3.a

4.d

5.a

Tuklasin:

Nasa guro ang

pagpapasya kung

tama

Pagyamanin:

Nasa guro ang

pagpapasya kung

tama

Isaisip:

Nasa guro ang

pagpapasya kung

tama

Isagawa:

Nasa guro ang

pagpapasya kung

tama

Subukin:

Pagsusulit 1

1.P

2.P

3.P

4.L

5.L

6.P

7.L

8.L

9.L

10.P

Pagsusulit II.

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

SUSI SA PAGWAWASTO

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 25: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

17

SANGGUNIAN

Agapay, Ramon B. (1991) Ethics and the Filipino: A manual on Morals for

Students and Educators. Mandaluyong City. National Book Store.

Astorga, Ma. Cristina A. (2009). Living the Faith Option: Christian Morality.

Quezon City: FNB Educational, Inc.

Cabellos, P. (1991) Forming the Conscience. Manila. Sinagtala Publishers, Inc.

Clarke, W.N., S.J. (1997). Conscience and the Person. (Manila) Buddha.

Crisostomo, Rosar. (2004) nagsalin sa Fillipino. Konsensya para sa mga

Katolikong Pilipino. Mandaluyong City. National Book Store.

Donnelly, John and Lyons, Leonards (1973). Conscience. New York: Alba

House.

Esteban, Esther J. (1990).Education in Values: What, Why and for Whom.

Manila: Sinag-tala Publishers, Inc.

Lipio, Felicidad C. (2004) Konsensiya para sa mga Katolikong Pilipino.

Mandaluyong City: National Bookstore.

Quito, Emerita S. (2008) Fundamentals of Ethics. Manila: C & E Publishing Inc.

Reyes, Ramon. (2009). Ground and Norm of Morality. Quezon City: Ateneo de

Manila University Press.

Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010

Gabay Sa Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon

Sekundarya (SEC) Pasig City: Awtor

Modyul ng Mag-aaral Gabay sa Pagtuturo sa EsP Baitang 10

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 26: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAObnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP10MP-Ic2...Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week

18

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

Email Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark