14

Nasyonalismo sa India

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Nastionalism in India China and Japan

Citation preview

Noong 1918 lalong umigting ang nasyonalismo sa India dahil hindi nakuntento ang mga Indian sa Morley-Minto Reforms. Ingles parin ang may malawak na kapangyarihan at sila ay nahikayat sa ideya ni Woodrow Wilson tungkol sa “national self-determination”------ may karapatan ang mga tao na mamahala sa sariling bayan

Noong taong ,1919 naitatag ang Government of India Act, isang pambansang parliyamentaryo na may dalawang kapulungan na tumugon sa 5 milyong pinakamayayamang Indian na binigyan ng karapatang bumoto sa lokal na pamahalaan, maari na maging lider ang mga Indian pero Ingles parin ang may kontrol sa buwis, batas, at kaayusan. Dahil dito nagsimulang magrali ang mga taga-India para sa kanilang mga karapatan, pero ipinagbawal ito ng mga Ingles at hindi nagtagal at naganap ang pagpatay sa mga nagrarali sa Amritsar. Mayroong 400 kataong namatay rito at mahigit isang milyon ang nasugatan. Sa naganap na pagprotesta ng mga Indian na humantong sa karahasan, si Mohandas Gandhi ang nanguna.

Binoykot ng mga Indian ang lahat ng mga produktong Ingles at lahat ng mga kinalaman sa mga Ingles sa pangunguna ni Gandhi. Gayundin, sinimulan ni Gandhi ang civil disobedience o hindi pagsunod sa pamahalaan dahil dito ilang beses hinuli at kinulong si Gandhi.

Noong Enero 26, 1930, ideneklara ng mga Indian ang kanilang kalayaan.

Noong 1935, pinagkalooban ng mga Ingles ang mga Indian nang higit na malaking pamamahagi sa pamamalakad ng India.

At sa huli ang kalayaan ng India ay nakamit sa taong 1947.

Sa unang dekada ng ika-20 dantaon ay kinakitaan ng nasyonalismo ang China.Nagkaroon na iba’t-ibang reporma, ukol sa serbisyo sibil at sa edukasyon sa ilalim ng Dinastiyang Manchu na nakapagtanto na mas higit na kapinsalaan ang aabutin ng China kung patuloy nilang tututulan ang mga kanluranin, kaya sa taong 1909 itinatag ang kauna-unahang Asambleang Pambansa.

Dahil sa mga rebelyong naganap mas naging aktibo ang nasyonalismo sa China. Dalawa ang uri ng nasyonalismo sa China. Ang una ay naghangad na tapusin ang Dinastiyang Manchu na kinilala nilang dayuhan, dahil sa pagkabigo nitong ipagtanggol ang China mula sa panghihimasok ng mga kanluranin. Ang ikalawa naman ay nakatuon sa laban sa mapanghimasok na mga kanluranin.

Noong Oktubre 10, 1911, naganap ang pasimula ng himagsikang Tsinong tumagal hanggang 1912. Pinamunuan ni Sun Yat-sen ang himagsikan Tsino, na siyang nagwakas sa dinastiyang Manchu.

Noong Marso 10,1912, mas kinakitaan ng nasyonalismo ang China ng maitatag ang Republika ng China, at ang naging pangulo nito ay si Yuan Shi-Kai.

Pero nagkaroon ng mga suliranin si Yuan Shi-Kai at ang pinakamabigat dito ay ang Pambansang Asambleang hawak ng mga miyembro ng Partido Kuomintang o Partido Nasyonalista. Ang problema ay ng ninais ng mga Kuomintang ang pagkakaroon ng demokratikong institusyon subalit ito’y tinutulan ni Yuan Shi-Kai. Humantong ang suliranin sa pagbuwag ng Pambansang Asambleya at pagiging diktador ni Yuan Shi-Kai.

Noong 1916, ay binawian ng buhay ang unang pangulo ng China si Yuan Shi-Kai. Gayunpaman, nagpatuloy ang pamahalaan niya sa Peking.

Noong 1918 ang Partidong Koumintang ay nagtatag ng sariling nitong pamahalaan sa Canton sa pamumuno ni Sun Yat-Sen. Hinangad niyang mapag-isa ang China at magkaroon ng isang pamahalaan lamang.

Noong 1925, namatay si Sun Yat-sen. Noong 1928 ay may isang taong nakapag-isa ng

China at siya ay si Chiang Kai-Shek na humalili kay Sun Yat-Sen. Hiniling niya sa mga kanluranin na baguhin ang mga kasunduang nalagdaan simula 1840 upang matanggal ang hindi pantay na probisyon ng mga ito.

Higit na suliranin pa ang dinaanan ng China, at isa na dito ay ang pagpapalakas ng Komunismo sa pangunguna ni Mao Tse-tung.

Nagsimula ang komunismo noong 1918 at lumakas ito bunga ng ginawang pagtulong dito ng mga Ruso na bumagsak sa komunismo noong 1917.

Habang nagaganap ang ganitong mga pangyayari sa China noong ika-20 dantaon, patuloy pa rin ang panghihimasok ng mga dayuhan dito at isa na rito ang Japan na sinamantala ang kaguluhan sa China upang sakupin ito.

Kakaiba ang nasyonalismo sa Japan kaysa sa ibang mga bansang Asyano. Bakit?

Dahil hinangad ng ibang mga bansang Asyano na mapaalis ang mga kanluranin sa kani-kanilang mga bansa.

Pero sa Japan, masidhi ang nasyonalismo dito.Naging matagumpay siyang bigyang-wakas ang pakikialam ng mga kanluranin sa kanya bago ang ika-20 dantaon.

Kinakitaan ng nasyonalismo ang Japan ng pinagtuunan nito ang kalayaang pulitikal at ng katatagang pang-ekonomiya sa dahilang ito lamang ang paraan upang mahadlangan nila ang pagbihag ng mga kanluranin sa kanilan ekonomiya.

Bunga ng masidhing nasyonalismo ng Japan, hindi nangimi ang Japan na hamunin ng digmaan ang sinumang bansang sa tingin niya ay maglalagay sa anumang uri ng interes niya sa alanganin. Nagkaroon ng mga digmaan ang Japan sa ibang mga bansa, at ito ay halimbawa ng pagpapakita ng masidhing nasyonalismo.

Ano ba ang mga salik o kadahilanan ng ilang mga bansa sa Asia sa pagsibol ng damdaming makabayan?

1. Mapang-abusong patakarang kolonyal 2. Ang paghingi ng reporma sa pamumuno

ng mga dayuhan 3. Karapatang pamunuan ang sariling

pamahalaan. 4. Malawakang karapatang pulitikal