Upload
nathalie-dagmang
View
5.606
Download
25
Embed Size (px)
Citation preview
PANIMULA
Iba-iba ang pananaw ng mga Pilipino tungkol sa nasyonalismo. Kapag
tinatanong sa mga kabataang Pilipino kung ano ang kahulugan ng
Nasyonalismo, ang kadalasang sinasagot nila ay ang pagmamahal at
pagiging tapat sa bayan o sa mas simpleng konteksto, ang pagiging
makabayan.
Makikita naman sa mga aklat na ang nasyonalismo ay galing sa
salitang Latin na “nacion” o ang “pagpapangkat ng mga taong may iisang
lahi na mas mataas kaysa pamilya ngunit mas maliit kaysa sambayanan” at
sa salitang “nasyon” na ang ibig sabihin ay “pangkat ng mga indibidwal na
nagkaroon ng magkakatulad na katangian dahil sa palagian nilang
interaksyon sa isa’t isa” o “isang pangkat ng mga tao na may iisang mithiin
at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi , wika, relihiyon,
kaugalian at tradisyon.”
Sinasabing ang nasyonalismo ay tumutukoy sa “damdaming
makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan,
hindi lamang sa pangulo o sa ilang pinuno lamang” . “Higit na binibigyang-
diin dito ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na kanilang sila sa iisang
bansa at handang ipagtanggol at pangangalagaan ito.”
1
Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng nasyonalismo para sa
isang Pilipino? Ano ang kahalagahan ng nasyonalismo sa mamamayan ng
isang bansa? At higit sa lahat, paano maipapakita ng isang mamamayan ang
nasyonalismo?
Sa mga susunod na pahina ay makakakuha tayo ng ideya kung ano
ang sagot sa mga tanong na ito.
Kahulugan ng Nasyonalismo
“Ang nasyonalismo ay isang postibong pwersa kung ito ay
gagamitin sa pagtataguyod ng pagkakaisa at pagkakakilanan at kung ito ay
hindi nakasasagabal sa tunguhin ng ibang bansa. Nagiging masama ito
kung gagawing batayan ng militarismo at pagsakop sa ibang bansa.”-
Kabihasnang Daigdig. Kasaysayan at kultura.
“Ang nasyonalismo ay nangangahulugan ng pagmamahal sa
bayan. Ito ay ang pagkakatanto ng isang nilalang o lahi na mahalagang
ipagtanggol ang kanyang bansa laban sa panlulupig ng mga banyaga.
Nangangahulugan din ito ng kamalayan ng isang lahi na sila ay may iisang
kasaysayan, wika, at pagpapahalaga. Ito ay nagsisilbing matibay na
reaksyon laban sa imperyalismo at kolonyalismong dumating sa iba’t-ibang
panig ng rehiyon nito.” –Kabihasnang Asyano. Kasaysayan at Kultura.
Para kay Claro M. Recto, “Walang masama sa pagtataguyod ng
kapakanan ng sariling bansa; ang masama ay ang pakikialam sa direksyong
2
tuutunguhin ng iba pang bansa. Ang pakikialam at panghihimasok sa ibang
bansa ay imperyalismo.” (Daigdig kasaysayan at kultura.)
Ayon naman kay Dr. Ferdinand Dagmang, propesor ng agham
panlipunan at pilosopiya, “Kung titingnan mo ang kasaysayan ng ating
bansa, lumabas ung isyu ng nasyonalismo nung panahon nang tayo ay
sinakop lamang. Bago tayo sinakop, wala pa tayong konsepto ng
nasyonalismo dahil bago dumating ang mga kastila ay hindi naman sila
nakaranas ng pagbabastos, pangaalipusta o pagaagaw ng mga lupain ng
mga banyaga gaya ng mga dumating na Portuges, mga arabo, intsik, bago
pa man dumating ang mga kastila. Pero wala pa sa panahong iyon ang isyu
ng nasyonalismo. Ngunit pagdating ng mga Kastila, nakaranas tayo ng mga
hindi kaayaaya gaya ng pagsisingil ng sobrang buwis, pagkontrol sa mga
tirahan ng mga tao, na kailangan ay lumapit sila sa mga simbahan, at ang
pagpapatupad ng mga order na ang mga lalaki ay kailangang magsilbi ng
walang bayad sa mga paggawa ng mga tulay, kalsada o mga simbahan.
Kung ganoon, ang nasyonalismo ay isang namuong diwa at pag-uugali
ng mga Pilipinong nakaranas ng pang-aapi o karahasan na ipinataw ng mga
dayuhan. Ang mga sumunod na pananakop ng mga Amerikano at Hapon at
Amerikano ulit ay nagpadagdag pa ng kahulugan sa nasyonalismo bilang
pagtayo at pagtataguyod sa diwang maka-bayan at maka-kapwa-Pilipino;
dagdag pa dito ang pagsisikap na matayo din ang pansariling kapakanan ng
buong bansang Pilipinas dahil na rin sa mga bantang pananakop ng lahat ng
aspeto ng ating pagiging isang bansa. Ang pag-angat ng sariling wika,
3
sariling kaugalian, sariling kapakanan, at lahat na ng bagay na may
kinalaman sa pagtatayo ng dangal ng Pilipinas ay naging tatak na ng
nasyonalismo.
Kaya ang mga Pilipino noon, naisip kung ano na ba ang nangyayari sa
bansa natin noong panahon kung kalian pumasok ang mga dayuhan dito.
Ano bang nangyayari sa atin? (Noon), simple lang ang buhay, ngayon,
mahirap na, kinokontrol na tayo ng mga banyaga, hanggang nagkaroon na
ng pagiisip, lalong lalo na ang mga nakapag-aral sa ibang bansa, kagaya
nina Jose Rizal, Del Pilar, Juan Luna, at iba pa, tungkol sa mga maaari
nilang gawin upang maipagtanggol ang kanilang bansa. Kahit nga si Andres
Bonifacio ay nakapagbasa ng mga kwento na may kinalaman sa kalayaan o
sa pagiisip na kritikal sa ibang mga bagay na hindi dapat na gawin sa tao.
Pag sinabi mo naman ang nasyonalismo, ay meron din iyan sa Europa,
isang halimbawa ay ang pananakop ni Hitler. Matatawag parin iyong
nasyonalismo. Pati ang pagusbong ng mga Natzi, matatawag iyong
negatibong nasyonalismo o eksklusibo na nasyonalismo. Sinasabi nila na
ang mga taga-Germany, mga Alemanya, ay ang dapat na magkontrol sa
Germany, na lahat ng tao sa loob ng Germany ay kokontrolin nila o kaya,
ang konseptong nasyonalismo nila ay ang pagpapalago sa sariling bansa,
mananakop sila ng mga lupain dahil sa tingin nila ay sila ang pinakamataas
sa lahat.. Ang nasyonalismo naman saatin ay ang nasyonalismo na
lumalaban sa mga taong nananakop at sa ganoong paraan, nabubuo ang
pagiisip na, bilang isang bansa, tayo’y may sariling karapatan bilang bayan,
4
at tayong lahat ay magkaisa dapat para isulong ang karapatan na iyon para
sagipin ang sarili nating pagkatao, ng mga Pilipino.”
Hindi lamang ito simpleng pagmamahal sa bayan. Ayon sa ilang aklat,
ang nasyonalismo ay hango sa salitang Latin na “natio” na ang ibig sabihin
ay ang pagkakabuklodbuklod ng mga tao na may iisang lahi. Mula sa
salitang “nasyon” na isang katawagan sa pangkat ng mga tao na may iisang
layunin at mithiin sa buhay at pinag-iisa ng parehong wika, relihiyon, lahi,
kaugalian at tradisyon. Tumutukoy ang nasyonalismo sa damdaming
makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan. Ito
ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na kabilang sila sa iisang bansa at
handang ipagtanggol at pangalagaan ito.
Ang “Panatang Makabayan”, kung iintindihin at isasapuso ang
nakasaad dito, ito ay isang panata na nagbibigay ng ideya sa nasyonalismo.
Hindi ba nakasaad sa “Panatang Makabayan” ang mga salitang “…Dahil
mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking magulang,susundin
ko ang tuntunin ng Paaralan. Tutuparin ko ang tungkulin ng isang
mamamayang makabayan….” At isa pa ang “…iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas.” Tanda ng nasyonalismo ang
mga ito sapagkat mensahe nito ang pagiging tapat ng mamamayang Pilipino
sa kanyang sariling bayan at ibibigay at gagawin ang lahat para dito.
“Ang nasyonalismo ang pagmamahal, paggalang at marami pang
sangay sa bayan ngunit dataptwat hindi lang sa bayan kundi sa sariling lahi
rin, nasabi nang sa lahi maisasama rin dito ang malalim na obligasyon ng
5
isang indibidwal na maka nasyonalismo. Mahirap, yan ang kalimitang
nasasabi ng mga tao sa kadahilanan na maski ang mga tao ay nalimutan na
ang kahulugan ng nasyonsalismo at sa ngayon hindi na nila maipahayag
kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at paggalang, ang
mga nararapat na pamantayan upang masabing nagtataglay ng
nasyonalismo ang isang indibidwal.” -Mark Alvin BSE 2-2 (2006)
Paano maipapakita ang nasyonalismo?
Sinabi nga na ang nasyonalismo ay tumutukoy rin sa
pagmamahal at paggalang sa bayan. Sa modernong panahon ngayon,
maipapakita mo ito sa paggawa ng mga simpleng bagay tulad ng pagiging
disiplinado at ang pagsunod sa mga batas. Ang batas na ipinapatupad ay
para sa ikabubuti ng bansa, kung susundin ito, tumutulong narin ang
mamamayan sa pagpapabuti sa bayan. Ang paglilingkod sa bayan ay isang
paraan din upang makatulong sa pagsulong ng bansa sa kaunlaran.
Sa mga susunod na pahina ay tatalakayin natin ang iba’t ibang paraan
na ginamit ng mga Pilipino upang maipamalas ang kanilang damdaming
Nasyonalimo sa pagdaloy ng kasaysayan ng Pilipinas.
Ang Dalawang Anyo ng Nasyonalismo
Maraming klase ng Nasyonalismo ang binabanggit sa mga aklat.
Mayroong state-building nationalism, peripheral nationalism, irredentist
6
nationalism, unification nationalism at marami pang iba (Hechter,2000,
p.17). Ngunit ang lahat ng ito ay dalawa lamang ang kalalabasan at anyo ng
pagpapakita: ang legal at tahimik na paraan na madalas ay gumagamit ng
pagsusulat, at ang mapaghimagsik na paraan na gumagamit ng dahas.
Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol ay makikitang ginamit
ang parehong paraan upang maipakita ang pagmamahal ng mga Pilipino sa
bayan. Ang pinakakilalang taong nagpakita ng nasyonalismo sa legal at
tahimik na anyo ay si Jose Rizal. Bagamat hindi itinuring na ligal ang
pamamaraan niya ng mga Kastila, ang paraan parin na ginamit niya ay
walang dahas at dinaan lamang sa pagsusulat ng mga aklat upang maimulat
ang kapwa niyang Pilipino sa pangaabuso ng mga mananakop.
Sa kabilang dako, ang KKK ay ipinakita ang kanilang nasyonalismo sa
anyong mapanghimagsik. Gumamit sila ng dahas sa pagpapakita ng
kanilang pagmamahal sa bayan at ipinakitang handa silang mamatay para
sa Pilipinas.
Kahalagahan ng Nasyonalismo
“Ang kahalagahan ng Nasyonalismo sa aking pagkatao ay may
malaking dulot, dahil dito nabuksan ang aking isip sa maraming bagay na
dapat gawin sa ating bansa, isa na lang halimbawa ang pagtulong sa kapwa
nangangailangan. Nang naisip ko na paano makakatulong ang isang
estudyante sa kanyang mga kababayan kahit na walang sapat na pinansyal?
Dumating ang isang magandang pagkakataon upang ako’y makatulong sa
7
mga nangangailangan, ito ay nung ako’y napabilang sa isang organisasyon
sa loob ng ating unibersidad na ang kanilang pakay ay tumulong sa mga
taong nangangailangan. Nang ako’y nagsimulang tumulong at
makipamuhay sa mga taong kapos palad, naramdaman ko na bakit mas
marami ang naghihrap at nasadlak sa mga siksikang lugar, napag isip isip
ko na dapat mas lalo kong bigyan ng halaga ang pakamakanasyonalismo
dahil naramdaman ko na talagang kailangan ng ating mga kababayan ang
pagmamahal at pangunawa upang maintindihan din nila na kahit sila’y
hirap sa pamumuhay ay maaring gampanan na lang nila ang pagbibgay ng
pagmamahal sa bayan at sa kanilang mga kababyan.” -Alvin BSE 2-2 (2006)
Sinasabi na ang nasyonalismo ay nanggaling sa salita na ang ibig
sabihin ay isang pangkat ng mga tao na may iisang mithiin at layunin sa
buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi, wika, relihiyon, kaugalian at
tradisyon. Kung gayon, ang nasyonalismo ay makatutulong upang umunlad
ang bansa. Dahil kung may iisang mithiin ang mga Pilipino, mas madami
ang magtutulungan upang matupad ito at mas magiging madali itong
matupad. Magkakaisa rin ang mga Pilipino dahil sa iisa nilang wika,
relihiyon at mga tradisyon. Mas madali silang pagbuklodbuklorin at
pagkaisahin upang matupad ang mga layunin nito.
Ayon nga kay Dr. Ferdinand Dagmang, “Sa mga sitwasyon kung
kailan tayo ay sinasakop o inaabuso, ang nasyonalismo ang naguudyok sa
damdamin na nagsasabi saating tayo ay kailangan na magkaisa. At ang
pagkakaisa na iyon ay magiging maganda sa ating mga Pilipino. Mahalaga
8
rin ang nasyonalismo para sa ating pride o dangal. Maipagmamalaki natin
ang pagiging Pilipino kung mayroon tayong nasyonalismo. Ang diwa ng
nasyonalismo ang nagbibigay sa atin ng magandang pananaw tungkol sa
ating mga sarili.”
ANG NASYONALISMO PARA SA PILIPINO SA
IBA’T IBANG YUGTO NG KASAYSAYAN (1565-
1946)
Ngayon na alam na natin ang kahulugan, halaga at mga paraan kung
paano maipapakita ang nasyonalismo ng mga Pilipino, matutunghayan
naman natin ngayon kung sa aling mga pangyayari sa kasaysayan ng ating
bansa naipakita ng mga Pilipino ang kanilang damdaming Nasyonalismo (at
Kontra-nasyonalismo).
KOLONISASYON NG MGA ESPANYOL (1565-1898)
Pakikipaglaban ni Raja Tupas, 1565.
Ilang tropa ng mga espanyol at mahigit 500 na sundalo ang
sumakop sa bansa at inatake si Tupas, ang anak ng dating raja na si
9
Raja Humabon. Nang matalo ng mga kastila si Raja Tupas,
pinaglagda siya sa isang kasunduan na naglalahad na ang Pilipinas ay
napasasailalim na sa Espanya.
Hindi man nila natalo ang mga kastila, nakapagpakita parin sila
ng nasyonalismo. Ipinagtanggol nila ang bansa laban sa mga dayuhan.
Labanan sa Bangkusay, 1570.
Taong 1570 nang maganap ang Labanan sa Bangkusay, isang
lugar sa Tondo. Libo-libong mga katutubo ang lumaban sa mahigit
300 na sundalong kastila. Walang panama ang sandata ng mga
katutubo sa sandata ng mga kastila kung kaya’t madaling natalo ang
hukbo nina Sulayman, Lakandula at Matanda at sinunog ang lugar.
Ang tatlong Raja ay hinuli ni Martin de Goiti. Ang mga buhay na
alagad ni Sulayman kasama ang mga sundalo ni Raja Lakandula at
Matanda ay bumalik sa gubat ng Maynila at nang lumaon ay
nagsimula ng rebelyon. Matapos ang ilang buwang pakikipaglaban,
sumuko sila nang dumating ang Heneral na si Miguel Lopez de
Legazpi.
Wala mang kalaban-laban ang mga Pilipino, pinilit parin nilang
makuha ang iisa nilang mithiin, ang lumaya mula sa mga dayuhan na
gusto silang baguhin at impluwensyahan, gaya ng ginawa ng kanilang
mga ninuno. Ipinakita nilang hindi sila sangayon sa pananakop ng
10
mga Kastila at hindi sila sumuko sa pakikipaglaban kahit na ilang
beses na silang nakaranas ng pagkatalo.
Aklasan sa Pampanga, 1585.
Ang aklasan naman sa Pampanga na naganap noong 1585 ay
pinangunahan ng mga Kapampangan laban sa mga encomenderos
dahil sa pang-aabuso nila sa mga katutubo. Ngunit hindi natuloy ang
plano sapagkat isang Pilipina na may asawang sundalong Kastila ay
nagsumbong sa awtoridad. Marahil ay hindi malinaw sa kanya ang
kahulugan ng nasyonalismo at ang layunin ng kanyang mga kalahi na
makamit ang magandang resulta para sa ikabubuti ng maraming
Pilipino.
Pagpapalaganap sa Relihiyong Katoliko
Dinala ng Espanya sa bansa ang relihiyong katoliko. Isang
prayle, si Padre Juan de Placencia ay sumulat ng isang Christian
Doctrine noong 1593. Halos lahat ng isla sa Pilipinas, bukod sa
Mindanao na nanatiling mga Muslim, ay napilitang maging mga
Katoliko. Hindi payag ang mga Muslim sa pananakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas kung kaya’t nagresulta ito ng mga kaguluhan.
Ipinakita rin ng mga Muslim ang pagmamahal sa bayan
sapagkat lumaban sila upang hindi masakop ng mga Kastila ang
Pilipinas. Nanatili sila sa relihiyong islam, ipinakita nila na
11
ipinaglalaban nila ang kanilang pinaniniwalaan na sa tingin nila ay
makabubuti para sa nakararaming Pilipino.
Ngunit ang nasyon ay nasabi na isang pangkat ng mga tao na
may iisang lahi, wika, kultura, relihiyon at iba pa. Hindi iisa ang
relihiyon ng mga mamamayan ng Pilipinas dito. Hindi pa malinaw ang
pagkakaisa sapagkat halos lahat ng mga Pilipino ay tinanggap na ang
relihiyon ng mga dayuhan at ang Mindanao naman ay patuloy na
nakipaglaban.
Aklasan sa Tributo, 1589.
Ang Aklasan laban sa Tributo ay naganap sa probinsya ng
Cagayan, Ilocos Norte at Ilocus Sur noong taong 1589. Ang mga
katutubo, kabilang ang mga Ilocano, Ibanag at iba pa, ay nag-aklas
dahil sa pangongolekta ng hindi makatarungang buwis. Si
Gobernador-Heneral Santiago de Vera ay nagpadala ng mga Kastila
upang patahimikin ang mga lumalaban.
Rebelyong Dagohoy, 1744-1829.
Ang rebelyong pinangunahan ni Francisco Dagohoy ay nagtagal
nang 1744-1829. Natatangi ang aklasan na ito sapagkat may
kaugnayan ito sa relihiyon. Matapos ang isang labanan kung saan
namatay ang kapatid ni Dagohoy, hindi pumayag ang pari na bigyan
ng isang burol ang kanyang kapatid sapagkat ang pakikipagduwelo ay
12
isang kasalanan. Ang pagtanggi ng pari ang nagpamulat sa kaniya ng
kawalan ng katarungan sa bansa sa kamay ng mga Kastila. Dahil sa
pagnanais ni Dagohoy na mabigyan ng maayos na burol ang kanyang
kapatid ay humantong ito sa pinakamahabang aklasan na naganap sa
Pilipinas sa tagal na 85 taon.
Pagtatag sa La Liga Filipina, 1892.
Itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina pagkabalik niya sa
Pilipinas noong 1892. Layunin nito na maipatupad ang reporma sa
loob ng kolonya. Ang gobyerno ay nangangamba sa La Liga kung
kaya’t iniutos na sirain ito.
Sa pagkakatatag niya sa La Liga Filipina ay naipakita ni Rizal
ang pagiging makabayan. Hangad niya ang isang pagbabago tungo sa
kaunlaran. Hindi lamang magandang buhay para sa kanyang kapwa
ang kanyang layunin kundi kaayusan at kaunlaran din para sa Inang
bayan.
Pagtatag ng Katipunan, 1892.
Ang mga miyembro ng nawasak na La Liga na sina Ladislao
Diwa, Teodoro Plata, Valentin Diaz at Deodato Arellano ay sumali kay
Bonifacio sa pagtatag ng Katipunan sa isang bahay sa Calle Azcarraga
13
noong 1892. Layunin nito na magtatag ng gobyerno na maipapalit
matapos mapatalsik ang administrasyon ng mga Espanyol.
Matagumpay na nabawi ng mga Pilipino halos ang buong Pilipinas
maliban lamang sa Maynila.
Kahit na wasak na ang ilang mga samahan, gumawa parin ng
lihim na kilusan ang mga Pilipino na may magandang layunin para sa
bansa. Naging bunga ng hindi nila pagsuko ay ang pagkabawing muli
ng maraming lupain mula sa mga Kastila.
Himagsikang Pilipino, 1896-1898
Ang ugat ng inilunsad na Himagsikan ay dahil sa panloob at
panlabas na sanhi. Ang panlabas na sanhi ay ang pagsali ng Pilipinas
sa pandaigdigang kalakalan, dala ng pagbukas sa Kanal ng Suez
noong 1869. Bukod sa mga produktong pumapasok, pumasok din ang
mga kaisipan tulad ng kalayaan at kasarinlan na dumaan mula sa
Suez patungo sa Pilipinas. Ang panloob na sanhi ay ang hindi
makatarungan na pagpatay sa tatlong paring GOMBURZA. Si Padre
Pedro Pelaez, isang paring Pilipino ang namuno ng isang kilusang
sekularisasyon. Layunin nito na ibigay sa mga paring katutubo ang
mga parokya na hawak pa noon ng mga kastilang pari. Matapos
mamatay si Padre Pedro Pelaez, itinuloy ng tatlong pari na sina Padre
Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora, ang
kilusan.
14
Nagkaisa ang mga Pilipino upang umaksyon laban sa mali at di
magandang pamamahala ng mga dayuhan.
PANGONGOLONYA NG MGA AMERIKANO (1898-1946)
Isang karikaturang pulitikal
noong 1898 na ipinapakita si
McKinley, pangulo ng Estados Unidos
kasama ang isang "mabangis" na bata.
Ikinukumpara dito ang pagbalik ng
Pilipinas sa Espanya sa paghagis ng
bata sa bangin.
Nagsimula ang relasyon ng US at Pilipinas nang lumaban sila ng
magkasama laban sa Espanya. Dahil sa magkakampi, binigyan ang mga
sundalong Pilipino ng mga mahalagang impormasyon at suporta para sa
militar. Ngunit hindi sumuporta ang US sa hangarin ng mga Pilipino na
lumaya at hindi natuwa si Aguinaldo sa pagtutol ng mga Amerikano sa
kalayaan ng Pilipinas. Nasira ang mabuting relasyon ng dalawang bansa at
15
nang lumaon ay lumabas din ang tunay na hangarin nga mga Amerikano na
manatili sa mga pulo.
Taong 1898 nang naitala na malaya na ang Pilipinas mula sa Espanya.
Sa unang pagkakataon ay iwinagayway ang bandila ng Pilipinas at tinugtog
ang pambansang awit sa publiko. Naposisyon ang US bilang protektor ng
Pilipinas.
Dahil sa Kasunduan na nilagdaan ng Espanya at Amerika noong ika-10
ng Disyembre 1898 sa Paris, nabago ang landas ng kasaysayan at itinanghal
ang Estados Unidos ng Amerika bilang bagong superpower. Naging kolonya
ng Amerika ang Cuba, Puerto Rico, Guam, mga isla ng Marianas, at ang
Pilipinas.
Digmaang Pilipino-Amerikano, 1899.
Nagsimula ang digmaang Pilipino-Amerikano noong ika-4 ng
Pebrero sanhi ng pagpatay ng dalawang Amerikanong sundalo sa
tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan.
Ang kakulangan ng mga sandata ang naging dahilan ng
pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo sa mga pangunahing labanan
ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.
Pagtatag sa Partido Liberal, 1900.
16
Itinatag ang Partido liberal na may layuning isali ang Pilipinas
sa Estados Unidos.
Pagdakip kay Aguinaldo, 1901.
Taong 1901, nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela at dinala
sa Maynila. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at
ipinagutos na sumuko na ang kanyang mga kasama na naging hudyat
ng pagtatapos ng digmaan.
Sa taong rin iyon ay naganap ang Balangiga Massacre
kung saan nilusob at nilipol ng mga Pilipino ang mga kawal
Amerikano sa Balangiga. Gumanti ang mga kawal sa pamamagitan ng
pagsunog sa buong bayan.
1903 nang pasimulan ni William Howard Taft ang polisiyang
“The Philippines for the Filipinos”. Ipinapangako sa polosiyang ito na
ibigay ang administrasyon ng Pilipinas sa mga Pilipino.
1916 naman nang lagdaan ang Jones Act. Nilalaman nito ang
pormal na pangako ng Estados Unidos na kalayaan sa Pilipinas.
Ngunit sinasabi dito na maibibigay lamang ang kalayaan kung
makapagtatag ang bansa ng isang matatag na gobyerno.
Ang sinasabi ng mga Amerikano na matatag na gobyerno ay ang
gobyerno na binabalak nilang itatag sa bansa. Ang gobyernong ito ay
nakabatay sa mga patakaran ng mga Amerikano at para sa mga
17
Amerikano. Dito palang ay nakakapanghinala na ang “kalayaan” na
inaalok ng US saatin.
Taong 1934, nilagdaan naman ang Batas Tydings-Mcduffie,
kilala rin bilang Batas sa kalayaan ng Pilipinas. Ito ay ang batas na
nagkakaloob ng nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan
nito mula sa Estados Unidos matapos ang sampung taon.
PANANAKOP NG MGA HAPONES (1942-1944)
Taong 1941 nang naglunsad ng isang biglaang pag-atake ang mga
hapones sa Clark Air Base sa Pampanga. Matapos ang mga pagbobomba,
dumating na ang mga sundalong Hapones sa Luzon.
Sinakop nila ang Pilipinas (na noon ay kinokontrol ng US) noong
panahon ng World War II.
Pagkakatatag sa HukBaLaHap, 1942.
Ang dating president na si Manuel Quezon at ang gabinete ay
umalis patungo sa Estados Unidos.
Sa taon ring ito naitatag ang Hukabalahap (Hukbong Bayan
Laban sa Hapon). Kasapi dito ang mga magsasaka at mga
manggagawa na nagmula sa mga probinsya sa Gitnang Luzon. Isa
itong kilusan na ang layunin ay ang makamit ang kalayaan at ang
natatanging gerilya na hindi tumanggap ng mga utos mula kay
MacArthur.
18
Naganap din ang tinaguriang Bataan Death March kung saan
ipinamartsa ang mga bihag na Pilipino at Amerikano mula sa
Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac.
Pagtatag sa samahang Makapili, 1944.
Itinatag ang samahang kampi sa mga Hapones na tinawag na
Makapili.
Treaty of Manila, 1946.
Nakamit na ang kalayaan ng Pilipinas sa paglagda sa
Treaty of Manila sa pagitan ng gobyerno ng Estados Unidos at
Pilipinas.
PAGSULONG SA MGA KILUSANG MAKABAYAN
Sa dami ng mga kaganapan, hindi basta tumunganga ang mga
nasakdal. Ang mga Pilipino ay gumawa ng iba’t ibang aksyon. Tulad
nga ng mga nabanggit, sila ay naghimagsik, nagtatag ng mga kilusan
at organisasyon at iba pang paraan upang lumaban.
Ilan sa mga organisasyon na itinatag nila ay ang La Liga
Filipina, KKK, Hukbalahap at marami pang iba. Ilang naman sa mga
naging salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino ay ang
19
pagkamatay ng tatlong paring martir, sekularisasyon, pag-usbong ng
mga ilustrado, at frailocracy.
Ang La Liga Filipina ay isang samahan na itinatag ni Jose Rizal
na binubuo ng mga kasapi na nagnanais putulin ang pang-aapi at
pang-aabuso ng mga Kastila sa mga Pilipino. Layunin nito ay maging
malaya ang Pilipinas mula sa mga Kastila sa mapayapang paraan. sa
pagsasabi na mapalaya ang Pilipinas sa mapayapang paraan,
naipakita dito ang isang anyo ng nasyonalismo, ang diplomatiko at
banayad.
Ang KKK o Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng
mga Anak ng Bayan ay isang lihim na samahan na itinatag ni Andres
Bonifacio matapos mawasak ang La Liga Filipina at iba pang
organisasyon. Layunin nito na palayain ang bansa mula sa mga
mananakop na Espanyol.
Nang dahil sa pagpatay sa GOMBURZA, nagalit ang maraming
Pilipino sa hindi makatarungang pagpatay sa kanila. Ang mga
prayleng mapang-abuso ay nabigyan ng posisyon at kapangyarihan sa
gobyerno. Umusbong ang nasyonalismo dahil sa galit ng mga Pilipino
sa mga prayle (na kastila) at sa Espanya at sa sa pagnanais na paalisin
ang mga prayleng ito.
Ang sekularisasyon ay isang kilusan noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila ng mga paring Pilipino na naglalayong
mabigyan ng sari-sariling parokya ang mga ito. Ang mga Pilipinong
20
pari ang namuno sa mga simbahan sa Pilipinas, at dahil dito, nalaman
ng mga Pilipino na kaya nilang magsarili at magpatakbo ng sariling
simbahan.
Ang pagusbong ng mga Ilustrado ay malaki rin ang naitulong sa
pagsulong ng mga kilusang makabayan sa bansa.
Halimbawa ng mga Ilustrado ay sina Jose Rizal, Graciano Lopez
Jaena, Marcelo del Pilar at iba pa. Sila ang mga Pilipino na nabigyan
ng pagkakataon na mag-aral sa ibang bansa. Natutunan nila ang
konsepto ng liberalismo at dahil dito ay tinawag sila na mga Ilustrado
o mga naliwanagan.
Sa liberalismo ay kinikilala ang kakayahan ng isang indibidwal
na makapag-ambag sa lipunan at inaalis ang mga restriksyon dito.
Dahil sa kaisipang ito ay nagkaroon sila ng tiwala sa kanilang mga
sarili at napangahas na kalabanin ang mga Kastila.
Ang kaisipang liberalismo ay hindi lamang nila pinag-aralan sa
kanilang mga sarili. Ipinamahagi rin nila ito sa mga Pilipinong hindi
nakapag-aral sa ibang bansa. Sila ang nagsilbing tagapagmulat sa
mga Pilipinong mahihirap sa mga paghihirap na dinaranas ng bansa
sa kamay ng mga Kastila at sa kung paano nila ito mawawakasan.
Ang Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapon o kilala rin sa
katawagang Hukbalahap ay isang grupo ng mga Pilipinong
kumakalaban sa mga hapon noong sakop pa ng mga Hapones ang
21
Pilipinas. Nais ng kilusan na ito na makamit ang kalayaan ng Pilipinas
mula sa pagmamalupit ng mga Hapones.
Isa lamang ang pangyayari na nakatulong sa pagsulong ng mga
kilusang makabayan at ito ay ang pananakop ng mga dayuhan.
Naging dahilan ang galit at lungkot upang magkaisa ang lahat at
gumawa ng aksyon. Iisa lamang ang naging layunin ng mga ito, ang
gawing mabuti ang kalagayan ng ating bansa at ng mga taong
nakatira dito.
22
ANG NASYONALISMO SA KONTEMPORARYONG
PILIPINAS (1946 HANGGANG KASALUKUYAN)
Hulyo 4, 1946 nang idineklara ng Amerika ang kalayaan ng bansang
Pilipinas. Mahalaga ang kalayaan sa pagunlad n gating nasyonalismo.
Kasabay ng kalayaang pulitikal ay ang kalayaan ng mga mamamayan na
pagtuunan ng pansin ang sariling kapakanan ng bansa at mapaunlad ito.
Ngunit marami parin ang naghihinala kung tunay nga bang nakamit
na natin ang kalayaan sa pagdating ng petsang ito. Dahil ito sa sunod-sunod
na mga kasunduang nilagdaan ng Pilipinas na nagbigay sa United States ng
karapatan sa ekonomiya at base military sa bansa.
Kahit na natapos na ang digmaan at ‘lantarang” pananakop ng mga
Amerikano, gumamit naman sila ng makabagong paraan ng pananakop: ang
neokolonyalismo. Ayon kay Renato Constantino, isang makabayang
historyador, “Ang mga naging pundasyon ng istrukturang neokolonyal ng
bansa ay ang Bell Trade Act, Tydings Rehabilitation Act, Military Bases
Agreement at ang Military Assistance Act.” Nagkaroon din ng mga
Amerikanong taga-payo ang sandatahang lakas ng PIlipinas sa
pamamagitan ng Joint US Military Advisory Group (JUSMAG). Dito ay
naranasan (at patuloy na nararanasan ngayon) ng Pilipinas ang pagkatali ng
ekonomiya, kultura at mga desisyon nito sa bansang Amerika.
23
Ang neokolonyalismo ay pumasok sa relasyon ng Pilipinas at United
Stated dahil sa dalawang pangyayari:
Una, ang matinding pagkawasak ng bansa bunga ng digmaan. Mahigit
isang milyong Pilipino ang namatay, malaking halaga ng mga ari-arian ang
nawasak at marami ang naghirap. Dahil dito ay nangailangan ng pondo ang
Pilipinas upang makapagsagawa ng restorasyon sa ekonomiya, mga
imprestraktura at pulitika. Kinailangan nila ang tulong ng United States
upang tuluyang makabangon mula sa mga digmaang pinagdaanan nito.
Ipinasa sa Kongreso ng US ang Tydings Rehabilitation Act kung saan
binigyan ng US ng pondo ang Pilipinas bilang bayad-pinsala. Iniwan din ng
US ang lahat ng mga kagamitang pandigma nila sa bansa.
Pangalawa, ang pagtatanaw ng utang na loob ng mga Pilipino sa mga
Amerikano. Bilang pasasalamat sa “pagtulong” ng mga Amerikano upang
“makalaya” ang bansa mula sa kamay ng mga Hapones, ang mga pinuno ay
naging tapat sakanila at iniisip palagi ang kanilang kapakanan.
Layunin ng Amerika na palawakin at dagdagan pa ang kapangyarihan
nito. Mahihinuha mula sa mga patakarang ipinapatupad ng mga Amerikano
na balak nilang gawin ang Pilipinas na kuhanan nila ng likas na yaman at
tambakan ng mga produktong Amerikano. Makikita ito sa ipinatupad na Bell
Trade Act kung saan inilulunsad ang “malayang” kalakalan sa pagitan ng
US at Pilipinas ngunit nagbibigay ng mga limitasyon sa Pilipinas sa
pagpapasok ng produkto nila sa US. Ang US ang lubos na nakinabang sa
panukalang ito at hindi naging makatarungan sa panig ng mga Pilipino.
24
Bilang pasasalamat sa pagbibigay ng Amerika ng pondong panggastos
para sa restorasyon, ginawa ang pag-aamyenda ng Konstitusyon ng
Pilipinas upang mas maging malaya ang US sa paggamit ng likas-yaman ng
bansa. Dahil dito ay natamasa ng mga Amerikano ang parity rights o ang
pantay na karapatan ng mga Amerikano sa mga Pilipino sa paglinang ng
likas-yaman ng bansa. Napapayag ang mga Pilipino sa pagbibigay ng parity
rights dahil sa inaasahan nilang dadagsa ang mga mamumuhunang
Amerikano sa bansa at dadami ang trabaho para sa lahat. Bunga nito ay
nakapasok sa bansa ang mga mapangabusong mga Amerikano at natabunan
ng mga korporasyong Amerikano ang sa mga Pilipino.
Dalawa pa sa mga panukala na ipinatupad nila ay ang Military Bases
Agreement (ika-14 ng Marso, 1947) at Mutual Defense Treaty ( ika-30 ng
Agusto, 1951).
Pinahayag ni Manuel Roxas, ang unang presidente pagkalaya ng
Pilipinas, noong 1946 ang kanyang paniniwala na ang seguridad at
kaligtasan ng Pilipinas ay nakasalalay sa pagtatayo ng mga base-militar ng
mga Amerikano sa bansa. Ngunit makikita sa Military Bases Agreement na
ang mga Amerikano ang higit na nakakikinabang nito. Ang mga base sa
Pilipinas ay gagamitin ng mga Amerikano upang nadepensahan at
maisulong ang interes nila sa bahagi ng Asya at mapigilan ang komunismo
sa rehiyon. Ngunit sa katunayan, ayon sa ilang historyador, wala pa
talagang naguumpisang paglaganap ng komunismo noon. Sinasabing
25
ginagamit lamang ito bilang panakip sa layunin ng U.S. na panatilihin ang
relasyong kolonyal nito sa Pilipinas.
Pagkamulat ng mga Pilipino, 1950’s.
Pinuna ni Claro M. Recto ang isyu sa mga patakarang
ipinapatupad ng Amerika sa Pilipinas sa kanyang pahayag noong
1949:
(Isinalin mula sa ingles) “Isinakripisyo namin ang aming
soberanya sa pagpapahintulot sa mga Amerikano upang magtayo ng
mga base sa aming bansa. Bumili kami ng mga armas sa bansang
Amerika lamang…”
Pinuna nya rin dito ang hindi pagbanggit sa kung kaninong
bandila ang iwawagayway sa mga base. Binanggit niya na sa mga
base ng Amerika sa Pilipinas ay watawat ng Amerika ang
namamayagpag.
“Sa kabuuan, sinasabi sa Artikulo XII na ang parusa sa lahat ng
krimen at pagatake sa loob ng mga base ay isasagawa sa ilalim ng
Estados Unidos maliban na lamang kung ang suspek at biktima ay
parehong mga Pilipino na kapwa hindi kabilang sa Armed Forces of
the United States. Ngunit ano naman ang gagawin ng mga Pilipino na
hindi kabilang sa pwersa ng E.U. o nagtatrabaho para dito sa loob ng
mga base?
26
Sinasaad rin sa Artikulo XIII na sa panahon ng digmaan, ang
anumang krimen na gawin ng mga miyembro ng Armed Forces of the
United States sa loob ng Pilipinas ay paparusahan sa ilalim ng
pamahalaan ng Estados Unidos. Kung ganoon, sa panahon ng
digmaan, tayo ay mapapasailalim na ng Estados Unidos at ang bansa
ay mapapangibabawan at kokontrolin na ng mga kaaway na
Amerikano.”
Mga 1950’s nang simulang magkalumot ang relasyon ng
Amerika at Pilipinas dahil sa mga kasulatan na ito. Pinalala pa ito
nang sinubukang ipagtanggol ng mga Amerikano ang mga kriminal na
miyembro ng pwersa nila na ginawa ang mga krimen sa labas ng base
at sa oras ng kanilang duty. At ang may pinakalaking epekto ay ang
pagpapadala ng mga kriminal sa sarili nilang bansa at pagsasawalang
bahala ng Amerika sa hatol ng korte ng Pilipinas. Dinagdagan pa ito
ng prostitusyon na naipalaganap ng mga sundalong Amerikano sa
mga base nito.
Nagkaroon ng ilang mga protesta at mga Pilipinong nais na
palabasin ang mga Amerikano sa bansa. Dito nagumpisang umusbong
muli ang nasyonalismo sa mga Pilipino. Naging malinaw sakanila na
balak muling sakupin ng Amerika ang Pilipinas at sa pagkakataong ito
ay lumaban na sila bago pa man maging huli ang lahat.
Sinubukang angkinin ng Amerika ang mahigit 199,580 ektarya na
lupain na ginamit para sa mga base nito sa bansa. Nang malaman ito
27
ng sambayanang Pilipino ay agad itong tinugunan ng mga
nasyonalistang Pilipino at naging nalaman nila na hindi totoo ang
kalayaan na sinasabing ibinigay na sa bansa. Ang imahe ng Amerika
ay nadumihan. Sila ay tinawag na mga oportunista at
mapagsamantala.
Humina ang mga kritisismo at akusasyon sa Amerika nang
ibinigay nito “ang soberanya ng gobyerno ng Pilipinas sa mga base”.
Anti-Americanism, 1960’s
Ngunit noong 1960’s, naging maingay muli ang Anti-
Americanism (ang terminong ginagamit ng mga Amerikano sa mga
Pilipinong tumutuligsa sakanila) bunga ng dalawang insidente: ang
isang Pilipino na pinatay ng isang sundalong Amerikano noong 1964
at ang pagpatay naman sa isang Pilipinong mangingisda sa loob ng
Olongapo Naval Base sa taong ring iyon. Pinagtanggol ng Amerika
ang unang pagpatay. Sinabing depensa lamang ito sa diumanong
plano ng Pilipino na pagpapasabog sa ilang mga estudyanteng
Amerikano. Ngunit hindi naniwala ang mga nasyonalistang Pilipino at
sinabing ginagamit lamang ito upang masira ang reputasyon ng
Pilipinas at maipakita sa mga Amerikano na ang mga Pilipino ay likas
28
na mga mamamatay-tao. Napatunayan naman na ang bombang
ipinakita ng mga Amerikano ay mula pa noong World War II at
imposibleng sumabog. Dahil rito ay naging target ng mga kritisismo
ang American Ambassador. Ang mga Amerikanong estudyante naman,
sa tuwing nakikita ng mga Pilipino, ay binabato ng mga insulto.
Hindi lamang mga Amerikano ang inaakusahan ng mga
nasyonalistang Pilipino kundi pati na rin ang mga Pilipinong sumasali
sa kanilang panig ng Amerika. Maging ang Presidente noon na si
Diosdado Macapagal ay tinanong ng mga ito kung aling panig siya
kakampi. (Agoncillo, 1975, p. 292)
Noong ika-25 ng Enero, 1965, ilang mga estudyante at
manggagawa, sa pamumuno ng nasyonalistang grupo na Kabataang
Makabayan, ang nagprotesta sa harapan ng American Embassy.
Bagamat tahimik, maayos at walang dahas, karamihan parin sa mga
Amerikano ay napuno ng takot at nakitang mapanganib ang mga
nasyonalistang Pilipino at dapat nilang tugunan ang mga daing nito.
Nakita ng maraming Pilipino ang hangarin ng Amerika na sakupin ang
bansa natin.
Ayon sa mga Amerikano, ang ginagawa nilang ito ay upang
matulungan lamang ang mga Pilipino na umahon mula sa mga
digmaang nagdaan sakanila, lalo na at hindi pa sila marunong kung
paano pamahalaan ang sariling bansa (tinatawag nilang benevolent
assimilation). Kaya naman pinapakialamanan ng US ang mga desisyon
29
ng pamahalaan ng Pilipinas at si Roxas naman ay nagiging parang
isang papet lamang nila. Ngunit para sa iba, nagiging praktikal
lamang siya dahil sa kagustuhang maging matagumpay ang
restorasyon ng bansa. Dahil dito ay nagmumukhang bumababa na ang
katayuang moral at pulitikal ng bansa. (Mateo, Boncan, Balonso,
Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.320) Si Roxas ay hindi naging
isang magandang ehemplo para sa mga Pilipino. Hindi siya nagpakita
ng damdaming nasyonalismo at inuna ang pangangailangan (at mga
pansariling interes) ng dayuhan.
Ang pagsasang-ayon ni Roxas sa panlalait ng mga Amerikano sa
Pilipinas ay naging dahilan lamang upang bumaba ang tingin ng mga
Pilipino sa sariling bayan. Pinaparating ng mga Amerika at ni Roxas
na hindi pa marunong ang mga Pilipino na tumayo sa sarili nitong
mga paa at masyado pang mahina upang makaahon mula sa digmaan
nang magisa. Ang mga panlalait na ito ay malaki ang naging epekto sa
kanilang pride bilang mga Pilipino at sa pagdebelop ng kanilang
damdaming nasyonalismo.
Sa pamamahala ni Roxas ay muling umusbong ang armadong
kilusan ng mga magbubukid na Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapon
(HUKBALAHAP). Naging isa na itong samahang radikal na
pinamumunuan ni Luis Taruc laban sa pamahalaan. Tinugunan nila
ang lumalaking agwat ng mayayaman at mahihirap, konsentrasyon ng
lupang sakahan at ang katiwalian sa pamahalaan.
30
Inakusahan ni Roxas ang mga rebelde gaya ng mga Huks at
Pambansang Kaisahan ng mga Magbubukid ng pagpapabagsak sa
pamahalaan at sa bansa. Ngunit kung susuriing mabuti ay hindi
naman ang pagbagsak ng pamahalaan ang layunin ng mga rebelde.
Ang hinihingi lamang nila ay reporma sa lupa at pigilan ang
katiwalian sa pamahalaan para sa ikabubuti nito. Makatarungan ang
kanilang mga hinihingi, ngunit hindi makatarungan ang naging tugon
ni Roxas dito.
Tinawag na isang krimen ang pagsali sa mga kilusang ito at
nagsagawa ng malawakang pagaresto sa mga kasapi. Dahil dito ay
lalong sumiklab ang rebelyong Huk sa sumunod na administrasyon.
Ngunit si Elpidio Quirino, ang pumalit sa puwesto ni Roxas, ay
naniniwala rin na walang halaga ang “kalayaang pampulitikal” na
ibinigay sakanila kung wala namang katatagang pangekonomiya.
Pinagpatuloy rin niya ang paghingi ng tulong mula sa US para sa
rehabilitasyon ng bansa. Ang problema sa mga rebelyon ay lalo
lamang lumala. At dahil sa marami sa mga kasapi ng kilusan ay
magsasaka, lalong humina ang agrikultura at ekonomiya ng Pilipinas.
Bago pa man ang digmaan, nagbalak na ang mga magsasaka ng
Gitnang Luzon na labanan ang mga may-ari ng lupa upang makuha
ang kanilang mga karapatan. Ngunit sa pagdating ng mga Hapones ay
pagsamantalang itong tumigil, binuo ang HUKBALAHAP at hinarap
naman ang mga bagong mananakop. Ngunit nang makamit ng
31
Pilipinas ang “kalayaan”, muling lumaban ang mga magsasaka sa mga
mapagsamantalang may-ari ng lupa. Lalo pa silang nagalit nang
siningil sila ng back rent, o ang bayad sa renta nila sa lupa sa mahigit
tatlong taon na pamamalagi ng mga Hapones sa bansa. Dahil sa
paglaban ng HUKBALAHAP at paninira sakanila ng mga may-ari ng
lupa, hindi kinilala ng pamahalaan ang kanilang kabayanihan noong
panahon ng pananakop ng mga Hapones. Pinapakita lamang nito na
walang utang na loob ang pamahalaan sa mga kabayanihan ng
HUKBALAHAP gayong malaki ang nagawa nila upang maipagtanggol
ang kapwa nila Pilipino pero malaki ang kanilang utang na loob sa
mga dayuhan na wala sakanilang ginawa kundi ang paniwalain ang
mga Pilipino na tunay nang lumaya ang ating bansa sa tulong ng mga
Amerikano at kontrolin tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo
para sa restorasyon.
Sa naganap na halalan para sa lehislatura noong 1945, nanalo
ang ilang miyembro ng Democratic Alliance, isang samahan ng mga
magbubukid at mangggagawa tulad ni Luis Taruc. Ngunit hindi sila
pinayagang umupo sa puwesto ng pamahalaan dahil sa pagaakusa
sakanila ng pandaraya bagamat wala namang ebidensya na
nagpatunay nito. Lalong nagalit ang mga magsasaka dahil sa nawalan
sila ng kinatawan sa Kongreso. Ang mga hinaing nila ay hindi na
pinakinkiggan.
32
Dahil sa kawalan ng katarungan sa panig ng mga Huks, sila ay
nagalsa at binuo ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB).
Pinangakuan sila ng administrasyong Quirino ng reporma sa lupa,
demokrasya at lehitimong karapatan ng mga mamamayan, pagresolba
sa katiwalian ng pamahalaan, pagbasura ng Bell Trade Act at Military
Bases Agreement at pagtutol sa mga patakaran ng Imperyalistang
bansa. Ngunit kung titingnan ay mahirap na matupad ang mga ito
sapagkat karamihan ng mga nasa posisyon ay mga may-ari ng lupa,
nakadepende sa mga Amerikano at may mga pansariling interes. Ang
layunin lamang nila sa kanilang pagupo sa mga pwesto sa pamahalaan
ay ang maprotektahan ang kanilang mga yaman, ari-arian at
kapangyarihan.
Tulad ng inaasahan, hindi natupad ang mga ipinangako. May
mga kasapi parin ng Huks ang nakakulong, wala paring reporma sa
lupa, at ang pamahalaan ay nanatiling sunod-sunuran sa US.
Pamumuno ni Ramon Magsaysay
Sa pamumuno ni Magsaysay bilang pangulo ay naging
pangunahin layunin niya ang pagsugpo sa rebelyon. Naging tanyag
siya dahil sa kanyang pakikisalamuha sa masa. Ayon kay Magsaysay,
“Yaong mas mahirap sa buhay ay dapat may higit na pakinabang sa
33
batas” (“Those who have less in life should have more in law”)( Mateo,
Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.325)
Ipinakita niya ang kanyang damdaming nasyonalismo sakanyang
paghahangad na makatulong sa nakararaming Pilipino. Nagpatupad
siya ng reporma sa lupa, mga patubig at mga programang
pangkabuhayan kung kaya’t minahal siya ng masa. Ang mga talumpati
niya ay nasa wikang Tagalog upang makarating ang kanyang mensahe
sa nakararami. Binigyang-pansin rin niya ang kulturang Pilipino. Sa
mga espesyal na okasyon sa Malakanyang ay pinalaganap niya ang
paginom ng basi, ang katutubong inumin mula Ilocos, at ang pagsuot
ng Barong Tagalog. Nagluksa ang sambayanang Pilipino sa kanyang
pagkamatay dahil sa maganda niyang relasyon sa masa at matapat
niyang panunungkulan bilang presidente na naging solusyon sa
suliranin sa rehabilitasyon at rebelyong Huk.
Nagsilbi siyang isang magandang ehemplo ng nasyonalismo sa
mga Pilipino. Nais niyang makiisa ang masa sa kanyang mga hangarin
para sa bansa kung kaya’t nakikisalamuha siya sa mga ito.
Filipino First Policy
Sa pagupo sa puwesto ni Carlos P. Garcia ay ipinatupad niya
ang Pilipino Muna o ang Filipino First Policy. Layunin nitong
paigtingin ang nasyonalismo sa mga Pilipino. Mas binigyan ng
oportunidad ang mga negosyanteng Pilipino kaysa sa mga dayuhang
34
namumuhunan. Sinuportahan niya ang lokal na industriya at
tinangkilik ang mga produktong Pilipino. Pinatupad rin ang pagtitipid
sa pagangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa. Layunin nito na
palakasin ang industriyang Pilipino upang makapagipon ng malaking
halaga upang maisakatuparan ang pambansang industriyalisasyon.
Pinukaw rin nito ang pagkamabayan ng mga Pilipino. (Mateo, Boncan,
Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p. 331)
Marami sa mga Pilipino ang natuwa sa polisiyang ito bagamat
binatikos ito ng mga Amerikano at Tsino dahil ito ay naging isang
balakid sa kanilang mga pansariling interes.
Paglaban sa katiwalian at pagpapalit ng petsa ng Araw ng
Kalayaan
Sa pamumuno naman ni Diosdado Macapagal ay pinagtuunan
niya ng pansin ang katiwalian sa pamahalaan. Nangampanya siya
upang magbayad ng tamang buwis ang mga mamamayan at
malabanan ang nepotismo (pagtatalaga ng kamag-anak sa anumang
posisyon sa pamahalaan). Bumaba ang pandaraya at pagsasamantala
ng mga pulitiko.
Dahil dito ay nagbalik ang tiwala ng mga mamamayan sa
gobyerno. Isang mahalagang salik sa nasyonalismo ang tiwala ng mga
mamamayan sa mga namumuno rito. Sa pamamagitan nito ay
nagkakaroon na sila ng tiwala sa kakayahan ng bansa na umunlad
35
nang walang tulong mula sa mga dayuhan. Ito rin ay nakakatulong
upang tumaas ang pagtingin ng mga Pilipino sa sarili.
Sa kanya ring panunungkulan ay pinalitan niya ang petsa ng
Araw ng Kalayaan upang maging inspirasyon sa kabatan ang
kabayanihan ng mga rebolusyonaryo noong panahon ng pananakop ng
Espanya. Mula Hulyo 4 ay naging Hunyo 12 na ito. Ang pagpapalit ng
rin petsa ng Araw ng Kalayaan ay maaaring makatulong upang
mahubog ang nasyonalismo ng bansa. Dahil noong Hulyo 4, huwad na
kalayaan lamang ang ating natanggap at patuloy parin tayong
kinokontrol ng mga Amerikano pagkatapos ng petsang ito. Samantala
noong Hunyo 12 naman ay nakatanggap tayo ng kalayaan nang
walang tulong ng sinuman bagamat agad na pumasok ang mga
bagong mananakop. Isa pa, ang pagtatakda ng Araw ng Kalayaan sa
Hulyo 4 ay mas nagpapakita lamang ng pagkakatali natin sa Amerika.
Ipinapahayag lamang nito na tayo ay dapat na magbayad ng utang na
loob para sa “pagpapalaya” nila satin.
Sa panunungkulan rin ni Macapagal ay makikita natin ang mga
pulitikong balimbing na palipat-lipat ng partido upang mapaboran ng
namamahala. Ang mga pulitikong noon ay nasa kalabang partido ni
Macapagal ay lumipat na sa kanyang partido. Makikitang walang
damdaming nasyonalismo ang mga balimbing na pulitikong ito
sapagkat ang mga sarili lamang nila ang kanilang iniisip. Wala silang
pakialam kung ang panig na sinasamahan nila ay may magagandang
36
layunin para sa bansa. Ang mahalaga lamang sakanila ay ang masama
sa mas makapangyarihang partido.
Rehimeng Marcos
Sa rehimen naman ni Ferdinand E. Marcos ay sinimulan niya
ang rehiyonalisasyon ng bansa. Hinati niya ang bansa sa 12 rehiyon
batay sa mga pagkakaiba nito upang mas madaling matugunan ang
pangangailangan ng bawat isa.
Marahil ay isa rin ito sa mga nakaapekto ng nasyonalismo ng
bansa. Sa pamamagitan ng rehiyonalisasyon, nabibigyang-diin ang
pagkakaiba ng mga rehiyon sa isa’t isa. Ang kahulugan ng nasyon ay
“isang pangkat ng mga tao na may iisang mithiin at layunin sa buhay
at pinagbubuklod ng iisang lahi , wika, relihiyon, kaugalian at
tradisyon”. Ngunit papaano natin maisasadiwa ang kahulugan ng
nasyon kung ipinapalaganap natin ang ideya ng pagkakaiba-iba ng
mga Pilipino sa isa’t isa? Hindi naman masamang isagawa ang
rehiyonalisasyon sapagkat nakatutulong rin ito upang mas mas
madaling masolusyonan ang mga problema ng bawat rehiyon. Ngunit
hindi dapat mapasok sa isipan nating mga Pilipino na magkakaiba ang
bawat rehiyon kung kaya’t hindi na kailangan pang magsama-sama
ang mga ito dahil sa magkakaiba naman ang kanilang mga layunin.
Sa kanyang pagkakahalal ay ipinangako rin niyang walang
tropang Pilipino ang ipapadala niya bilang tulong sa hukbo ng US sa
37
digmaan sa Vietnam. Ngunit kalaunan ay binawi rin niya ito. Makikita
dito na patuloy paring kinokontrol ng US ang Pilipinas sa kabila ng
pagbabasura ng ilan sa mga patakarang ipinatupad nila at
pagpapatupad ni Carlos Garcia ng Filipino First Policy. Pinilit lamang
ng Amerika si Ferdinand Marcos na kumampi sa kanilang panig sa
isasagawang digmaan laban sa Vietnam upang ipamukha itong isang
“demokratikong” digmaan kung saan kasama nila ang ilang Asyanong
bansa. (Agoncillo, 1975, p. 293)
Martial Law
Sa pagdeklara ng Presidential Decree 1081 noong Setyembre
21, 1972 (na nilagdaan noon pang Setyembre 17 at inanunsyo sa
publiko noong Setyembre 23 pa), bumulusok ang popularidad ni
Marcos. Umani siya ng mga papuri dahil sa pansamantalang kaayusan
at kapayapaan sa bansa. Ngunit sa karamihan, ito ay nagdulot ng
takot at pangamba.
Isinisi ni Marcos ang pagdedeklara niya ng Batas Militar sa
lumalalang problema sa rebelyon, pagbaba ng produksyon,
pagkaparalisa sa mga operasyon ng pamahalaan at ang tumataas na
bilang ng mga krimen (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose,
Ponsaran, Ong, 2006, 338). Inakusahan ang mga rebeldeng grupo
(Communist Party of the Philippines at New People’s Army) ng
pagpapasabog sa mga lungsod (urban terrorism). Isinisi rin niya ang
38
kaguluhan sa bansa sa radikalismo ng mga estudyante at
manggagawa. Maging ang pagpapasabog sa Plaza Miranda, na
pinaniniwalaang pinlano ni Marcos upang mapatay ang mga
katunggali niya sa kabilang partido, upang maipakita ang “karahasan”
ng mga Pilipino at mabigyan ng katwiran ang pagpapatupad niya ng
Batas Militar. Sa katunayan ay nagsagawa rin si Marcos ng huwad na
assassination kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng tanggulang
pambansa.
Kasabay ng pagdeklara ng Batas Militar ay ipinatupad rin ni Marcos
ang kampanyang Bagong Lipunan. Narito ang mga hakbang na
isasakatuparan:
1. Ang pagpapaalis ng mga opisyal sa pamahalaan na
napatunayang tiwali at mapang-abuso;
2. Pagpaparusa sa mga nagtutulak sa paggamit ng ipinagbabawal
na gamot;
3. Pagtatakda ng curfew upang masolusyonan ang lumalalang
krimen;
4. Pagpapalaganap ng pilosopiyang “Isang Bansa, Isang Diwa”
upang pukawin ang pagkamakabayan ng mga Pilipino; at
5. Pagsasanay sa mga mamamayan na maging disiplinado at
masunurin. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong,
2006, p.340)
39
Malinaw na naisakatuparan ang lahat ng mga hakbang, maliban
ang pang-apat. Ang paninisi niya sa mga Pilipino ay nakasisira lamang
sa kanilang puri. Makikitang hindi lamang ang mga dayuhan ang
nagmamaliit saatin, kundi pati na rin ang kapwa Pilipino. Maaaring
nakasisira ito sa tiwala ng mga Pilipino sa kanilang mga sarili at
bayan.
Ngunit hindi ito sapat upang pigilan ang mga Pilipino na
mangahas na lumaban sa gobyerno. Sa kabila ng pagaaliw ng
pamahalaan sakanila sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga
imprastraktura at panunuhol sa mga komentarista upang purihin ang
mga aksyon ng kanyang administrasyon, kaliwa’t kanan parin ang
nagsusulputan na mga rebelyon tulad ng Communist Party of the
Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).
Bunga ito ng laganap na paglabag sa mga karapatang pantao.
Lalo na ang sa mga kalaban ng gobyerno tulad ng mga aktibista at
mga manunulat na bumabatikos sa pamamahala ni Marcos. Nawalan
na ng kalayaan sa pagsusulat at isinuspinde ang writ of habeas corpus
na nagbigay ng kalayaan kay Marcos na basta-basta na lamang
ipakulong ang mga kalaban nito. Dahil rin dito ay napadali ang
pagpapalit ng Konstitusyon ng 1973 na isinagawa upang maging ligal
ang mga binabalak ni Marcos.
Tinatayang 22,287 na sibilyan ang ikinulong at 2,491 naman ang
naging biktima ng salvaging o ang pagpatay na hindi dumaraan sa
40
proseso ng batas. Ayon sa Amnesty International, umabot ng 759 ang
bilang ng mga desaparecidos o ang mga idinampot na kaaway ng
gobyeroat hindi na natagpuan pa. Pinaniniwalaan na ang mga ito ay
pinaslang na at itinago ang mga bangkay.( Mateo, Boncan, Balonso,
Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p. 342)
Sa panahong ito, ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo
ay maituturing na mapanganib. Ngunit pinatunayan ng mga Pilipino
na handa silang mamatay para sa ikabubuti ng nakararaming Pilipino.
Sa katunayan ay dumami pa ang bilang ng mga kasapi ng NPA
nang pagdeklara ng Batas Militar. Mula 1,000 ay naging 30,000 ito.
(Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.345)
Noong 1970’s naman ay nagkaroon ng rebelyon ang Moro
National Liberation Front (MNLF) dahil sa hindi pagtugon ng
pamahalaan sa kanilang mga pangangailangan. Hangad nilang
ihiwalay ang rehiyon ng Mindanao sa Pilipinas sa pamamagitan ng
dahas. Noong 1975, tinatayang 30,000 tropa ang pinamunuan ni Nur
Misuari, isang Muslim na dating nagtuturo sa Unibersidad ng
Pilipinas. Libo libo ang napaslang sa rebelyong ito kung kaya’t
nilagdaan ang Tripoli Agreement noong 1976 kung saan
pinagkalooban sila ng kalayaang pamahalaan ang sarili. Ngunit di
nagtagal ay sumiklab muli ang pagrerebelde ng grupo. Nahati rin ang
MNLF at nabuo ang Moro Islamic Liberation Front o MILF. (Mateo,
Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.345)
41
Lumawak naman ang mga kilos-protesta ng mga mamamayan.
Tinugunan ito ng pamahalaan sa marahas na paraan. Sinuhulan nila
ang ilang Pilipino upang sumali sa mga rally at magdulot ng gulo
upang mabigyang-katwiran ang paggamit ng dahas ng mga pulis at
militar.
Lumabas rin ang ilang mga akda na may temang pulitikal gaya
ng Dekada ’70 ni Lualhati Bautista, Sebyo ni Carlos Humberto at Mga
Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez. Ang tulang Prometheus
Unbound naman na isinulat ni Jose Lacaba na may alyas na Ruben
Cuevas ay tumuligsa rin kay Marcos. Ngunit malaya itong
naipalathala dahil sa mapalinlang nitong pagkakasulat.
Promentheus UnboundNi Ruben CuevasI shall never exchange my fetters for slavish servility. ‘Tis better to be chained to the rock than be bound to the service of Zeus.—AESCHYLOUS, Promentheus Unbound
Mars shall grow tonight,Artemis is out of sight,Rust in the twilight skyColors a bloodshot eye,Or shall I say that dustSunders the sleep of just?
Hold fast to the gift of fire!I am rage! I am wrath! I am ire!The vulture sits on my rock,Licks at the chains of that mockEmancipation’s breath,Reeks of death, death, death.
Death shall not unclench me.I am earth, wind and sea!Kisses bestow on the braveThat defy the damp of the graveAnd strike the chill hand ofDeath with flaming sword of love.Orion stirs. The vultureRetreats from the hard, pure
42
Thrust of the spark that burns,Unbounds, departs, returnsTo pluck out of death’s fistA god who dares to resist.
Mapapansin na sa mga unang letra sa bawat linya ay mababasa
ang MARCOS HITLER DIKTADOR TUTA, ang mga katagang madalas
na isinisigaw ng mga nagpo-protesta. (Mateo, Boncan, Balonso,
Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.358) May mga pahayagan rin na
laban kay Marcos na lumabas gaya ng We Forum ni Jose Burgos, Mr.
& Ms. Ni Eugenia Apostol at Malaya, ang pahayagang tinatawag ni
Marcos na mosquito press.
Nagkaroon din ng mga impersonator ng mga pulitiko at mga
dulang may temang pulitikal. Marahil ay nakatulong rin upang
magising sa pangaabuso ng pamahalaan sa mga Pilipino ang mga
kanta ni Bob Marley na may karaniwang tema na tungkol sa
pangaalipin, diskriminasyon, etnisidad at rebolusyon. (Mateo, Boncan,
Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.358)
People Power
Si Benigno Aquino, Jr. ay isa sa mga pinakamahihigpit na
kalaban ni Marcos. Inakusahan siya ng subersyon o paglaban sa
estado at ipinakulong. Pagkabalik ni Ninoy Aquino sa bansa mula U.S.
noong Agosto 21, 1983, ay pinaslang siya sa Manila International
Airport. Pinalabas ni Marcos na ang pagpapaslang ay utos lamang kay
43
Rolando Galman ng CPP-NPA. Ngunit batay sa imbestigasyon ng
Agrava Commision, ang tunay na nasa likod ng pagpatay ay sina
Imelda Marcos at Fabian Ver.
Sa pagkamatay ni Aquino ay umigting pa lalo ang damdaming
nasyonalismo ng mga Pilipino. Mahigit isang milyong Pilipino ang
nagsama-sama sa paghahatid kay Ninoy Aquino sa kanyang huling
hantungan. Dito ay ipinakita nila ang kanilang pagdadalamhati sa
pagkamatay ng bayani at ang kanilang galit sa mapangabusong
pamamahala ni Marcos. Si Aquino ay naging simbolo ng nasyonalismo
noong panahon ng Batas Militar.
Upang ipakita na may suporta parin siya ng mga Pilipino ay
nagsagawa si Marcos ng isang Snap Election noong 1986. Sa kabila
ng kanyang pandaraya, nanalo ang kanyang kalaban na si Corazon
Aquino sa pagkapangulo batay sa National Movement for Free
Elections (NAMFREL). Nanalo man siya sa minanipulang resulta ng
Commision on Elections (COMELEC), si Cory Aquino parin ang
tinanggap na pangulo ng mga Pilipino.
Nagkaroon ng malawakang kilos-protesta hindi lamang sa
Kamaynilaan kundi pati na rin sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Nanguna sa kilos-protesta ang civil society kung saan ang mga kasapi
ay mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Dalawa sa mga popular na
samahang nagsasagawa ng mga rally ay ang Justice for Aquino,
Justice for All (JAJA) at August Twenty-One Movement (ATOM).
44
Si Cory Aquino ay may mahalagang papel sa pagpapaigting ng
nasyonalismo sa mga panahong iyon. Naging simbolo siya ng
pakikipaglaban kay Marcos, ng mapayapa at relihiyosong pakikibaka.
Ikinampanya rin niya ang pagboboykot sa mga bangko at mga
produkto ng mga crony ni Marcos. Maging ang kompanya ng kanyang
pinsan na San Miguel Beer at Coca-Cola ay kinampanya niyang
boykotin dahil sa isa ito sa mga crony ni Marcos.
Naging isa siyang magandang imahe ng nasyonalismo. Maging
ang mga kamag-anak niya ay nakaya niyang kalabanin dahil sa mga
pagkakampi nito sa taong dahilan ng kaguluhan sa bansa. Wala siyang
pinapanigan. Ang iniisip lamang niya ay ang kapakanan ng Pilipinas.
Pebrero 22, 1986 nang kumalas sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile
mula sa pamahalaan ni Marcos. Dumagsa ang maraming mamamayan
sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) bilang tugon sa paghingi ng
tulong ng dalawa at ni Jaime Cardinal Sin upang bigyan sila ng
proteksyon mula sa pag-atake ni Marcos. Iba’t ibang uri ng
mamamayan ang dumagsa sa EDSA. Mayroong mga madre,
estudyante, manunulat, propesyunal, manggagawa at iba pa. Hindi
lamang mahihirap ang sumama kundi pati na rin ang mga nasa
gitnang uri at mga mayayaman.
Nagkaisa ang lahat sa pagpapabagsak kay Marcos sa
mapayapang paraan. Sa People Power ay naipamalas ng mga
mamamayan ang kakayahan nila bilang mga Pilipino, na kaya nilang
45
magkaisa upang makamit nila ang iisa nilang mithiin. Sa
pangyayaring ito isinabuhay ng mga Pilipino ang diwa ng
nasyonalismo. Dahil dito ay hinangaan ng buong daigdig ang bansang
Pilipinas.
Pebrero 25, 1986 nang nagtagumpay ang mga Pilipino na
patalsikin si Marcos sa kanyang puwesto.
PAGKATAPOS NG PEOPLE POWER
Pagbabalik sa Demokrasya
Sa administrasyong Aquino ay pinalitan ang nagtalaga ng mga
magiging kasapi ng Constitutional Commision ang president mula sa
iba’t ibang sektor ng lipunan upang palitan ang Konstitusyon ni
Marcos. Binigyan rin niya ng kalayaan ang iba’t ibang rehiyon sa
Pilipinas na magkaroon ng lokal na pamahalaan.
Sa pamamahala ni Aquino ay nanumbalik ang demokrasya.
Marahil ay ito na ang pinakamalaking kontribusyon ng
administrasyong Aquino sa pagpapaigting ng nasyonalismo sa mga
Pilipino. Ang demokrasya ay isang napakahalagang salik ng
nasyonalismo dahil sa pinapahalagahan nito ang pagkakaisa ng mga
mamamayan sa pagtatalaga ng mga mamumuno sakanila. Dito
mahihinuha kung ano ang kagustuhan ng nakararaming Pilipino at
nang sa gayon ay magtulungan ang lahat para matupad ito.
46
Ngunit hindi nagtagal at bumalik muli ang kawalan ng
katatagang pulitikal ng bansa. Ang mga mamamayan ay nagkakahati
rin sa kanilang paniniwalang pampulitika. Unti-unti nang humihina
ang nasyonalismo sa mga Pilipino.
Hindi parin nawala ang mga rebelyon. May nagaganap parin na
labanan sa pagitan ng mga komunista at mga may-ari ng lupa.
Mayroon ding mga rebeldeng nagtangkang patalsikin sa puwesto si
Cory Aquino.
Pagpapaunlad sa Ekonomiya ng Bansa
Sa pamamahala ni Fidel Ramos ay nagtangka siyang solusyonan
ang problema sa rebelyong Muslim at komunista at itinatag ang
Southern Philippine Council for Peace and Development. Naging
matagumpay naman ang kanyang pakikipagusap sa MNLF.
Subalit kahit na nasolusyonan na ni Ramos ang problema sa
rebelyon na nakatulong upang mapagkaisa ang Pilipinas, ang
pagpapaunlad naman niya ng ekonomiya ay hindi naging maganda
ang epekto sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.
Upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa, sumunod siya sa
patakarang liberalisasyon at naging aktibo sa iba’t ibang organisasyon
gaya ng Association of SouthEast Asian Nations (ASEAN), ASEAN
Free Trade Area (AFTA), Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) at
World Trade Organization (WTO). Pinagtuunan rin niya ng pansin ang
47
relasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansa. Sa pagsunod niya sa
patakarang liberalisasyon, sumusuporta siya sa neoliberal na kaisipan
ng mga Kanluraning Bansa at ipinapasok ang mga ito sa bansa.
Naipalaganap nito ang kolonyalismo sa bansa.
People Power II
Sa pamamahala naman ni Joseph Estrada ay nilagdaan ang
Visiting Forces Agreement (VFA) kung saan pinahintulutan ang mga
sundalong Amerikano sa Pilipinas upang magsanay ng military
exercises kasama ng mga sundalong Pilipino. Marami ang pumuna sa
kasunduang ito at sinabing wala itong pagkakaiba sa pagkakaroon ng
mga base ng Amerikano sa bansa.
Nagpatuloy parin ang rebelyon ng MILF at Abu Sayyaf Group
(ASG) sa rehimen ni Estrada. Ngunit sa pagkakataong ito, naglunsad
na ang pamahalaan ng all-out war laban sa dalawang grupo na ito. Sa
pakikipaglaban ng pamahalaan sa mga rebelde ay nawawala lamang
ang kapayapaan sa bansa at naging mas watak-watak ang mga
Pilipino.
Napatunayang nagnakaw si Estrada at napatalsik sa
pamamagitan ng People Power II noong Enero 11, 2001. Dito ay
natunghayan nating muli ang damdaming nasyonalismo ng mga
Pilipino.
48
Ang People Power ay naging tanyag sa buong daigdig. Sa
katunayan ay isinagawa rin ito ng mga bansang Poland,
Czechoslovakia, Germany, Germany, U.S.S.R. at South Korea. Ang
People Power ay isa sa mga bagay na maipagmamalaki natin tungkol
sa ating bansa.
Pamahalaang Arroyo
Sa panahon ng rehimen ni Gloria Arroyo, nagkaroon ng banta
ng terorismo. Bilang tulong ay nagpadala ang Pilipinas ng mga
sundalong Pilipino sa mga kritikal na bansa gaya ng Iraq. Ngunit
mayroong mga Overseas Filipino Workers ang nabihag ng mga
terorista at hininging kapalit ang pagpapabalik ng mga sundalong
Pilipino sa sarili nitong bansa. Nahirapang magdesisyon si Arroyo
dahil sa isinasaalang-alang parin niya ang pananagutan nito sa U.S. at
ang magiging imahe ng Pilipinas sa ibang bansa. Nang lumaon ay
napagdesisyunan ni Arroyo na pangalagaan ang kaligtasan ng mga
Pilipinong nabihag at ipabalik sa bansa ang mga sundalong Pilipino.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi parin nawawala ang
problema sa mga rebeldeng komunista at Muslim at ang mga
tumutuligsa sa pamahalaan. Dahil rito ay hindi parin tiyak kung
49
mayroon pa nga bang nasyonalismo ang mga Pilipino o tuluyan na ba
itong nawala sa damdamin ng mga mamamayan.
NASYONALISMO SA KASALUKUYAN
ANG PAGDAMI NG MGA OFW
Maraming mga dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang bilang
ng mga Overseas Filipino Workers o OFW.
50
Una, dahil sa pagnanais na umahon mula sa kahirapan. Dahil sa
mababa ang sweldo sa Pilipinas, napipilitan ang mga Pilipinong
manggagawa na mangibangbansa at doon kumuha ng trabaho kung saan
makakukuha sila ng higit na mataas na sweldo.
Pangalawa, ang pagnanais nila na tumakas mula sa mga problemang
bumabalot sa sarili nating bansa. Dahil sa mga kaguluhang nagaganap sa
Pilipinas ay mas nanaisin pa ng mga Pilipino na lumuwas ng bansa (madalas
ay kasama ang buo nitong pamilya) kaysa ang tiisin ang kahirapan sa sarili
nilang bansa. Mayroon pa ngang mga doctor na nagaral pa ng nursing para
lamang mapadali ang pagkuha ng trabaho sa ibang bansa.
Ang mga OFW ay itinuturing na mga bagong bayani. Ngunit paano
sila magiging mga Bagong bayani kung hindi nila ipinapakita ang
pinakamahalagang katangian ng isang totoong bayani, ang nasyonalismo?
Unang una, hindi ang kapakanan ng bansa ang kanilang iniisip nang
napagpasyahan nilang magtrabaho sa ibang bansa kundi ang kapakanan
lamang ng sarili nilang pamilya. Pangalawa, hindi nila naipapakita ang
pagiging makabayan, pagmamahal at pagiging tapat sa bayan sa
pamamagitan ng pagalis nila sa bansa. Nasilaw sila sa malaking sweldo na
makukuha nila sa ibang bansa at iniwanan ang kanilang tungkulin sa sarili
nilang bayan. Hindi na nila inisip ang mga naiwan nilang responsibilidad na
dapat sana ay pambayad sa utang na loob nila sa Pilipinas.
MGA REBELYON
51
MGA ISYUNG KINAKAHARAP NG PAMAHALAAN AT MGA PULITIKO
(ELECTION2010)
MGA SALIK AT HAMON SA PAGBUO NG MATATAG NA NASYON
Sa ating kasaysayan ay natunghayan natin ang iba’t ibang paraan ng
pagpapakita ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino at ang mga
pangyayaring nagudyok ng mga ito. Maoobserbahan natin dito ang mga
salik sa pagpapaigting ng damdaming nasyonalismo sa Pilipinas.
Una, ang konsepto ng nasyon, kung saan nakapaloob ang
nasyonalismo, na binibigyang pansin ng mga mamamayan.
Ang nasyon na itinatag ng mga nasyonalistang Pilipino noong
pananakop ng mga Kastila ay umiikot sa orihinal na kulturang Pilipino. Ang
gusto nilang itatag ay isang bansa kung saan walang nanghihimasok na
dayuhan at ang mga layunin ay para lamang sa mga mamamayan nito.
Ngunit sa pakikipagtulungan ng mga Amerikano sa mga Pilipino
upang makamit nito ang kalayaan, unti-unting nawala ang orihinal na
konsepto ng nasyon. Ang layunin nilang makamit ang kalayaan ay inakala
nilang maisasakatuparan gamit ang wikang Ingles (bilang media sa
komunikasyon nila sa mga Amerikano), edukasyon, relihiyon, tradisyon at
sistemang pang pulitika na itinuro ng mga Amerikano saatin upang maging
“sibilisado” tayo.
52
Ang konsepto ng nasyon (o ang sarili nilang pangkat ng mga tao na
may iisang mithiin at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi ,
wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon) ng mga elite na Pilipino ay
naimpluwensiyahan ng mga dayuhan. Ang wika, relihiyon, kaugalian,
tradisyon at maging ang kanilang lahi ay halos kapareho na ng mga mga
mananakop, lalo na ng mga Amerikano. Ang itinatag nilang edukasyon ay
batay sa wikang Ingles, sa pagtuturo ng simbahang Katoliko, at sa mga
tradisyon ng mga Amerikano gaya ng Mother’s day at Halloween at sa
pamamagitan ng edukasyon na ito ay naipapalaganap ang mga kaisipang
kolonyal sa mga Pilipino. Maaaring napuna na ito ng ilang mga
nasyonalistang Pilipino ngunit mahirap nang baguhin pa ang sistema ng
edukasyon sa Pilipinas dahil sa ito na ang ating nakasanayan at malaki na
ang nabago nito sa ating kultura.
Makikita naman na ang masang Pilipino ngayon ay malaki ang
paghanga sa mga elite at mga banyaga. Para sakanila ay “sosyal”, mas
disente, mas umaangat sa buhay at mas mataas kaysa sakanila ang mga ito.
Masasabi lamang ng mga magulang na matalino ang kanilang anak kung
marunong itong magingles. Karamihan rin ng mga Pilipino ay nagpapaputi,
nagpapakulay ng buhok at gumagamit ng contact lens upang mabago ang
kulay ng kanilang mga mata dahil sa gusto nilang maging katulad ng mga
dayuhan na modelo ng mga umaasensong elite. Pangarap naman ng
maraming Pilipino ang makapunta sa ibang bansa upang doon ay
53
matutunan nila ang kultura ng mga hinahangaan nilang dayuhan at maging
isa sa mga Pilipinong elite.
Kung ito ang iiral na konsepto ng nasyon sa Pilipinas, ang
nasyonalismo na madedebelop natin ay nakapaikot sa mga kaisipang
kolonyal at hindi sa orihinal na kulturang Pilipino na sariling atin. May
tendensiyang ang mga Amerikano ang makikinabang sa mga kalalabasan ng
“nasyonalismo” na ito. Ang iisipin ng mga Pilipino sa kanilang mga layunin
ay ang kapakanan ng mga Amerikano at ang mga Pilipinong nakadepende
sakanila. Ang kapakanan ng nakararaming Piliipino (mga masa at mga
Pilipinong tumangging tanggapin ang mga impluwensyang dayuhan gaya ng
mga etnolinggwistikong grupo) ay naisasantabi na dahil sa ang mga elite
naman ang siyang naghahari sa bansa at ang kumokontrol sa pulitika,
ekonomiya, edukasyon at maging sa relihiyon nito (makikita sa
diskriminasyon na nararanasan ng mga Muslim mula sa mga Kristiyano).
Ang lumalaganap na konsepto ng nasyon na itinatag ng mga elite ay
isang epekto ng neokolonyalismo. At sa paglaganap ng konseptong ito ay
mas mapapadali ang pagkontrol at pananakop nila saatin.
Hindi lamang impluwensyang Amerikano ang nakaapekto sa konsepto
ng “nasyon” nating mga Pilipino. Sa globalisasyon (ang proseso ng pag-
igting ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bansa sa daigdig [depenisyon mula
sa WikiAnswers]), naging malapit ang bansa sa mga banyaga. Hindi lamang
teknolohiya at tulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ang naidala ng
54
prosesong ito sa ating bansa. Kasabay ng mga produktong banyaga ay ang
mga kaisipan, wika at pati ang kultura nila.
Napasok sa mga isipan ng mga Pilipino na ang imported na mga
produkto ay mas mataas ang kalidad at may epektong nakaaangat sa
posisyon nila sa lipunan. Ang mga produktong sariling atin ay minamaliit na
ng mga Pilipino at sa halip na ipagbili ang mga ito sa Pilipinas ay inaangkat
na lamang ng mga dayuhan. (Makikita na ang direksyon ng kulturang
Pilipino ay papunta sa labas. Hindi ito umiikot sa loob ng bansa.)
Isa pang salik ay ang tugon ng mga Pilipino sa mga aksyon ng kapwa
nila Pilipino, lalo na ng pamahalaan at mga nakaaangat sa lipunan.
Maraming mga tunggalian sa pagitan ng mga Pilipino ang makikita natin sa
kasalukuyang panahon.
Una, ang tunggaliang Muslim at Kristiyano. Ang mga Muslim ay
nagrereklamo sa nararanasan nilang diskriminasyon at pangaapi. Para
sakanila ay naisasantabi na ang kanilang kapakanan at ang laging inuuna ay
ang mga Kristiyano lamang. Para naman sa mga Kristiyano, sila ang
nagdudulot ng gulo sa bansa.
Pangalawa, ang labanan ng mga magsasaka at mga may-ari ng lupa.
Hanggang ngayon ay isyu parin ang Land Reform at ang mga magsasaka ay
unti-unting nawawalan ng lupang sasakahan. Ang pangyayari sa Hacienda
Luisita ay isa sa mga magpapatunay rito. Ang mga magsasaka ay lumusob
sa Hacienda upang ipaglaban ang lupaing dapat ay sakanila habang ang
mga namumuno naman sa Hacienda ay gumamit ng dahas upang pigilan
55
ang mga nagpoprotesta. Ang pamilyang may-ari ng Hacienda Luisita ay
mayroong mataas na posisyon sa pulitika kung kaya’t matagumpay nilang
naprotektahan ang kanilang Hacienda.
Makikita rin sa pangayayaring ito ang isa pang tunggalian na
nagaganap sa ating bansa, ang tunggalian sa pagitan ng mahihirap at
mayayaman at pamahalaan. Sa kasalukuyan, ang karaniwang nakakakuha
ng posisyon sa pulitika ay ang mga mayayaman at ang mga may-ari ng lupa
at mga korporasyon. Gaya ng mga Muslim, ang tingin ng mga mahihirap ay
hindi sila naaasikaso ng pamahalaan at ang mga mayayaman lamang ang
napagtutuunan ng pansin. Para sakanila ay ang mga mayayaman at
pamahalaan ang may kasalanan sa kanilang kahirapan. Makikita rin ang
tunggaliang mahihirap-pamahalaan sa dalawang nagdaan na People Power
at mga kudeta.
Ang mga tunggaliang ito ay nakasisira sa pagkakaisa ng mga Pilipino.
Ang mga Pilipino ay nagkakawatak-watak at tumatangging makiisa sa mga
tinuturing nilang kalaban. Ang mga Muslim ay gustong humiwalay sa mga
Katolikong umaabuso sakanila, ang mga magsasaka ay nakikipaglaban sa
mga may-ari ng lupa at ang mga mahihirap ay galit sa mga mayayaman at
isinisisi sa pamahalaan ang kalagayan nila sa buhay.
Mahalaga rin na magkaroon ng pride o magandang tingin sa sarili ang
mga Pilipino para mapaigting ang kanilang damdaming nasyonalismo. Kung
56
hindi nila kayang maipagmalaki ang sarili nilang bansa, mahirap na
magkaroon sila ng pagmamahal dito.
Ang mga ideolohiyang nakapasok sa Pilipinas ay malaki rin ang
naging epekto sa nasyonalismo nating mga Pilipino.
Sa konserbatismo, pinahahalagahan ang pagpapanatili ng status quo
at ang mga tradisyon ng mga nakaraang henerasyon (Mateo, Boncan,
Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p. 321). Tumatanggi sila sa
mga makabagong paraan na hindi pa malinaw ang magiging resulta at
ipinipilit na panatilihin ang mga kaugaliang subok na. Kung ito ang iiral sa
ating mga Pilipino, tatanggihan natin ang anumang pagbabago na gustong
gawin saatin ng mga dayuhan.
Sa liberalismo naman ay kinikilala ang kakayahan ng isang indibidwal
na makapag-ambag sa lipunan at inaalis ang mga restriksyon dito.
Makabubuti ito sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino dahil sa
makatutulong ito upang magkaroon ng tiwala ang bawat Pilipino sa
kanyang sarili at magamit ang mga kakayahan nito upang makatulong sa
bayan.
Mga Hakbang sa Pagpapalakas ng Nasyonalismo
Upang mapalakas ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino,
mahalaga na malagpasan muna natin ang mga hamon na tinalakay.
57
Una, dapat na matuto tayong tanggapin ang ating nasyonalidad.
Tingnan ang mga naging tagumpay at magagandang nagawa ng mga ninuno
natin sa kasaysayan. Hindi dapat maging layunin natin ang maging
presentable sa mga dayuhan at umayon sa kanilang mga batayan (kung ano
ang tingin nila na maganda at katanggap-tanggap). Hindi dapat natin
palaging ikinukumpara ang sariling bansa sa mga dayuhan.
Dapat ay pumili tayo ng isang nararapat na lider na magiging isang
magandang imahe saatin at hindi iniisip ang imahe nito at ng Pilipinas sa
paningin ng mga dayuhan. Hindi isang lider na sunud-sunuran lamang sa
mga banyaga at ang isinusulong lamang ay ang sarili nitong interes at ng
mga taong pinapakinabangan nito.
Makatutulong rin na basahin lamang ang kasaysayan na gumagamit
ng pantayong pananaw at hindi ang gumagamit pangkaming pananaw
(kung saan ang laging bida ay ang mga dayuhan). Kung papansinin lamang
natin ang mga nagging tagumpay ng mga ninuno natin ay mas magiging
madali na mapamahal tayo sa ating bansa.
Ang mga taong nagpapakita naman ng dammdaming kontra
nasyonalismo ay dapat na magsilbing isang imahe na hindi dapat gayahin
ng mga Pilipino.
Pangalawa, dapat tayong matutong tumanggi sa impluwensiya mula
sa mga dayuhan. Mahalagang ipalaganap ang paggamit ng wikang Tagalog
lalo na sa edukasyon. Dapat na gawing pangunahing wika sa pagtuturo ang
Tagalog upang maipasok sa isipan ng mga estudyante na dapat gamitin ito
58
sa pangaraw-araw. Hanggang ngayon ay sinusunod parin natin ang sistema
ng edukasyon na itinatag ng mga Amerikano kung saan isa sa
pinakamahahalagang sabjek ay ang pagaaral ng wikang Ingles. Mas
makatutulong kung mas malaki ang matatanggap na insentib.
Dapat ay maging prayoridad rin ang negosyo ng mga Pilipino. Kung
lalago ang mga negosyong ito ay hindi na natin kakailanganin pang
magangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa at mapipigilan ang mga
dumadating na impluwensya sa bansa na kasabay ng mga produktong
dinadala ng mga dayuhan.
APENDIKS
Panayam kay Dr. Ferdinand Dagmang:
- Para saiyo, ano ang kahulugan ng nasyonalismo?
- “Kung titingnan mo ang kasaysayan ng ating bansa, lumabas ang isyu
ng nasyonalismo noong panahon nang tayo ay sinakop lang. Bago tayo
59
sinakop, wala pa yang konsepto ng nasyonalismo kasi ang mga tao
noon, bago dumating ang mga kastila ay hindi naman sila ung
binabalasubas, binabastos o inaagawan ng mga lupain o kaya
inaalipusta ng mga tao mula sa ibang bansa gaya ng mga nakasulat sa
kasaysayan na may mga Portuguese na dumating, o mga arabo, intsik.
Pero wala pa ung isyu ng nasyonalismo. Ngayon, pagdating ng mga
kastila, nakaranas tayo ng mga hindi kaayaaya gaya ng pagpapatupad
ng pagsisingil ng buwis, o kaya pagpapatupad sa pagkontrol sa mga
tirahan ng mga tao, na kailangan ay lumapit sila sa simbahan, o kaya
pagpapatupad ng mga order na ang mga lalaki ay kailangang magsilbi
sa mga pagawaan ng tulay o kaya daanan o mga simbahan.
So ung mga Pilipino noon, naisip na ano ba ang nangyayari dito sa
bansa natin. Ano bang nangyayari sa ating sitwasyon sa buhay dahil
(noon), simple lang ang buhay, ngayon, hirap na, o kaya ay
kinokontrol na ng mga banyaga, hanggang nagkaroon na ng pagiisip,
lalong lalo na ang mga kabataan na nagaral sa ibang bansa. Kahit nga
si Andres Bonifacio na nakapagbasa ng mga kwento namay kinalaman
sa kalayaan o sa pagiisip na medyo kritikal sa ibang mga bagay na
hindi karapatdapat na gawin sa tao. So may mga Pilipinong
nasasaktan, an gating pride bilang mga Pilipino, nang ang bansa natin
ay nasakop, naisip nila na, “ano nang nangyayari sa bansa natin?” So
ngayon, umusbong doon sa sitwasyon na tayo ay nasakop.
60
Pag sinabi mo naman ang nasyonalismo, ay meron din yan sa Europa,
kagaya, halimbawa nung panahon ni Hitler, nasyonalismo rin un, e.
(Pati) ung pagusbong ng mga Natzi, pero negatibong nasyonalismo,
parang eksklusibo na nasyonalismo. Sinasabi nila na ang mga taga-
Germany, mga Alemanya, ay ang dapat na magkontrol sa Germany,na
lahat ng tao sa loob ng Germany ay sasakupin nila o kaya, ang
konseptong nasyonalismo nila ay ang pagpapalago sa sariling bansa at
magiging parang sila ang mananakop ng sariling bayan dahil sa tingin
nila ay sila ang pinakamataas sa lahat. Ibang klase ng nasyonalismo
un, nasyonalismo na nananakop. Ung nasyonalismo naman satin,
nasyonalismo na lumalaban sa mga taong nananakop at sa ganoong
paraan, nabubuo ang pagiisip na , bilang isang bansa, tayo’y may
sariling karapatan bilang bayan, at tayong lahat ay magkaisa dapat
para isulong ang karapatan na iyon para sagipin ang sarili nating
pagkatao, ng mga Pilipino.”
- Kahit na nananakop ka, nasyonalismo parin ang ipinapakita mo?
- “Ang nasyonalismo sa Europa, ung mga Natzi, nationalism rin un,e.
Kaya pag sinabing nasyonalismo sa Europa, hindi maganda ang tingin
nila doon kasi lagi nilang naaalala ung pananakop ni Hitler, ung
pananakop ni <?> sa Italy—kasi magkasama sila,e. O kaya ung
nasyonalismo ng mga hapon, dominante sila at gustong manakop ng
bansa. Samantala ang nasyonalismo sa mga Pilipino, depensa sa ating
pagkatao iyon, bilang mga Pilipino sa bansang Pilipinas.”
61
- Paano ung mga rebelde, kahit na nananakit sila ng kapwa Pilipino, nasyonalismo parin ba
ung tawag doon?
- “Halimbawa, ung mga muslim? Kailangan ay tingnan mo ang kasaysayan ng mga
Muslim. Kung titingnan mo, hindi naman nila ginagamit ung katagang nasyonalismo, e.
Ang sinasabi nila, kailangan nila magkaroon ng sariling bayan, na independent, na
hiwalay sa Pilipinas. So kung titingnan ay wala silang konsepto ng nasyonalismo bilang
mga pilipino. Kundi ang konsepto ng pagiging isang grupo ng mga tao na gustong
humiwalay sa Pilipinas at gustong bumuo ng sariling estado. So kung sasabihin natin na
magtatayo sila ng sarili nilang estado, ang pagiging Muslim nila, ay magbubunsod rin
iyan ng pagiisip sa sarili nilang bayan. At later on, magkakaroon rin sila ng konsepto ng
nasyonalismo na nagugat sa pagmamahal nila sa sarili nilang pamayanang muslim.
- Ang pananaw kasi na iyon (nasyonalismo) ay nakaugat sa pananaw mo sa iyong bayan,
na sa tingin mo ay iyon ang kailangan mong depensahan, kailangan mong panagutan, na
kung meron mang halimbawa manakit sa iyo, bilang isang Pilipino, may manakit saiyo
bilang isang Muslim, may karapatan kang lumaban at depensahan ang sarili mong bayan.
Iyon ang isang konsepto ng nasyonalismo na ang pinagugatan ay ung mga negatibong
experience.
- Bakit mahalaga ang nasyonalismo? Ano ang magagawa nito para saatin?
- Pag may mga sitwasyon, halimbawa na negatibo gaya ng pananakop, ung nasyonalismo
kasi ay isang pakiramdam na tayo ay kailangan na magkaisa. At ang pagkakaisa na iyon,
siyempre, ay magiging maganda iyon sa ating mga Pilipino. Maganda rin ang
nasyonalismo para saating pride. Tayo ay magiging proud maging Pilipino kung mayroon
tayong nasyonalismo. Hindi lamang dahil tayo ay sinakop kundi dahil rin tayo ay
62
mayroong tinatawag na identity. Mahalgang mahalaga kasi ang identity, eh. So un, ang
diwa ng nasyonalismo ang nagbibigay satin ng magandang pagiisip tungkol sa ating
pagkatao. Ang iniisip kasi ng iba, ano pa ang kahalagahan ng nasyonalismo kung ang
bansa naman natin ay minamata ng ibang tao? Pero kung tayo ay magkaisa, mababago
natin ang sitwasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng diwa ng nasyonalismo.
- Sa ngayon, meron parin bang nasyonalismo, dahil sabi nyo, ang nasyonalismo ay
lumalabas lamang tuwing may nagtatangkang manakop satin?
- Mahirap nga na asahan na ang mga Pilipino ay magkaroon ng ganoong pananaw. Kasi,
ang mga Pilipino, hindi nila nararamdaman masyado ung dating nadama ng mga taong
lumaban sa mga mananakop. At mahirap na maalala iyon (araw ng kalayaan) dahil hindi
lubos na naaalala ng mga tao ang pangyayari na iyon dahil nang lumaya tayo mula sa
mga Kastila, pumasok naman ang mga Hapon, mga Amerikano at hindi natin nakita ang
pagusbong ng bayang Pilipino dahil sa pagdating ng mga bagong mananakop. At
hanggang ngayon ay hawak parin ang ating kultura. Sa TV, sa pananamit, nagiingles ang
mga guro, mga aklat, mga gamit, mga kinakain, mga dollar, anime… Nawawala na ang
pagiging makabayan. Ang mga Pilipino ngayon ay hindi na nakaugat sa mga karanasan
ng mga Pilipino noon na sana dapat ay makaimpluwensya sakanila. E ang tanong nga ay
paano ka magiging makabayan kung ang bansa mo ay naiimpluwensiyahan na ng mga
dayuhan? At ang kultura natin ngayon ay state-side na ang pinanggalingan.
- May paraan ba para mapalakas uli ang nasyonalismo natin? Kailangan ban a may
sumakop muli satin?
- Hindi naman kailangang may sumakop. Kailangan lang, maging aware tayo na ang
kultura na ating sinusunod, ay parang pananakop na rin. Bagong pananakop iyan na hindi
63
mo nakikita. Walang sandata pero ang kultura nila, pumasok sa atin. Kaya ang hirap
maging makabayan. Ang mga magulang, tinuturuan ang mga anak nila magingles at ng
mga kaugalian Amerikano, at sa paglaki nila, litonglito sila kung ano ba talaga ang
mahalaga para sakanila. Kasi ang mahalaga nalang ay ang paghahanap ng trabaho, hanap-
buhay, Makita ang sariling distinction in the future—maging matagumpay, not
necessarily as a Filipino, but as a doctor, hindi makabayang doctor, as an engineer, pero
di makabayang engineer,. So nasaan ang value ng pagiging makabayan? Wala na.
64