13
Markos 9:24 LIHAM NG PASTOL Buhat kay Obispo Paul Hinder, OFM Cap. Bikaryo Apostoliko ng Timog Arabia Para sa TAON NG PANANAMPALATAYA Ika-11 Oktubre 2012 – Ika-24 Nobyembre 2013 Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya. EDISYONG FILIPINO

Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng ...katolikongkristiyanongpilipino.weebly.com/uploads/1/1/0/2/11025406/... · nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá

  • Upload
    hakiet

  • View
    260

  • Download
    9

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng ...katolikongkristiyanongpilipino.weebly.com/uploads/1/1/0/2/11025406/... · nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá

Markos 9:24

LIHAM NG PASTOLBuhat kay

Obispo Paul Hinder, OFM Cap.Bikaryo Apostoliko ng Timog Arabia

Para saTAON NG PANANAMPALATAYA

Ika-11 Oktubre 2012 – Ika-24 Nobyembre 2013

Nananampalataya ako;tulungan mo ang kakulangan ko ng

pananampalataya.

EDISYONG FILIPINO

Page 2: Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng ...katolikongkristiyanongpilipino.weebly.com/uploads/1/1/0/2/11025406/... · nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá
Page 3: Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng ...katolikongkristiyanongpilipino.weebly.com/uploads/1/1/0/2/11025406/... · nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá
Page 4: Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng ...katolikongkristiyanongpilipino.weebly.com/uploads/1/1/0/2/11025406/... · nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá

EDISYONG FILIPINO

Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya.

Markos 9:24

LIHAM NG PASTOL

Buhat kay

Obispo Paul Hinder, OFM Cap. Bikaryo Apostoliko ng Timog Arabia

Para sa

TAON NG PANANAMPALATAYA

Page 5: Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng ...katolikongkristiyanongpilipino.weebly.com/uploads/1/1/0/2/11025406/... · nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá

Ika-11 Oktubre 2012 – Ika-24 Nobyembre 2013 Bikarya Apostolika ng Timog Arabia

Liham ng Pastol para sa Taon ng Pananampalataya 2012-2013 Nanalig po ako, tulungan ninyo ako bagama’t ako’y nagkukulang. (Marcos 9,24) 1.Minamahal na mga kapatid kay Kristo, nawa’y pagkalooban kayo ng Panginoon ng kapayapaan at ligaya sa Espiritu Santo. Ang bawa’t isa sa atin may kani-kaniyang karanasan sa pananampalataya. Marami sa atin ang makapaglalahad ng sariling kasaysayan sa pananampalataya; marahil noong kabataan natin ay may mga pambihirang sandali ang naranasan natin na manalig sa Diyos na waring hindi matitinag. Ang iba naman, matapos ang maraming kahirapan at pagdurusa ay nakuha pang magbalik-loob na siyang naging angkla ng kanilang buhay. Ang iba naman ay nagdusa dahil sa kasalanan at kahinaan ng iba, maging sa mga alagad ng Simbahan; at dumaan sa pagsubok hanggang ang kanilang ugnayan kay Hesus ay nagbalik. Karamihan sa atin ay araw-araw na nakikibaka sa ating kahinaan at marami marahil ay napagod at nawalan na ng kaugnayan sa Diyos. Batid natin na marami sa Simbahang Katolika ang nagwalang-bahala at nagdalawang-isip sa pagiging katoliko. Walang alinlangan na ang Simbahan at mga kaanib ay nangangailangang palakasin ang kanilang pananampalataya. Ang Pagpapahayag ni Papa Benedicto XVI sa Taon ng Pananampalataya 2. Ang pagpapalakas ng pananampalataya ang layunin ng ating Papa Benedicto XVI nang ipahayag ang Taon ng Pananampalataya na magsisimula sa ika-11 ng Oktubre 2012, ang ika-50 anibersaryo ng Ikalawang Konsilyo ng Vaticano at magtatapos sa ika-24 ng Nobyembre 2013, kapistahan ng Kristong Hari. Itinakda ito ng Papa na maging Taon ng Pananampalataya sa kanyang sulat na “Porta Fidei” (Pintuan ng Pananampalataya) at tayo ay inaanyayahan na pasiglahin ang ating pangako sa binyag at palalimin ito dahil ang sakramento ng binyag ang nagbigay daan sa atin upang maging kristiyano, mga anak ng Diyos, at kapatid ni Hesukristo. Taun-taon sa panahon ng Pasko ng pagkabuhay, sinasariwa natin ang ating pangako sa binyag kung saan itinatakwil natin ang kapangyarihan at mga gawa ng demonyo at ating ipinahahayag na tayo ay sumasampalataya sa Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo . Kahulugan ng “Sumasampalataya ako” 3. Ano nga ba ang kahulugan kapag sinabi nating “sumasampalataya ako”? Gaano kalimit sa buhay natin ginagamit ang mga salitang ito na parang hindi pinag-iisipan! Maaari kong ibigay ang aking palagay sa isang usapan at sabihin “naniniwala ako na dapat ganito ang mangyari”. Kung minsan ipinahahayag natin ang ating kawalang-katiyakan kung sabihin natin: “naniniwala akong nakapasa si Juan sa pagsusulit pero hindi ako nakatitiyak”. Higit na mabigat kung sabihin kong: “naniniwala ako sa iyo”. Ito ay nangangahulugan na tinatanggap natin na ang isang tao ay mapagkakatiwalaan kung kaya ang kanyang salita at gawa ay tunay at kapani-paniwala. Sa sandaling sabihin ko sa isang tao na “hindi na ako naniniwala sa iyo!” ang kahulugan nito ay wala na akong tiwala at masisira na ang ating ugnayan. Kung sabihin ko sa kaibigan ko, “naniniwala ako sa iyo”, ito ay nangangahulugan na may tiwala ako sa kanya at siya ang

Page 6: Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng ...katolikongkristiyanongpilipino.weebly.com/uploads/1/1/0/2/11025406/... · nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá

nagpapalakad ng kanyang buhay at siya ay kaibigan ko maging sa kahirapan. Hindi ba iyan ang ipinahahayag ng mga mag-asawa kapag sila ay nagsusumpaan sa kanilang kasal? Paniniwalang Kristiyano 4. Sa larangan ng ating pananampalatayang kristiyano ang salitang “sumasampalataya ako” ay nangangahulugan ng higit sa “sa palagay ko pero hindi ako nakatitiyak”. Ito ay nangangahulugan na “matibay ang aking paniniwala at tiwala sa Diyos.” Ang paglalakbay sa pananampalataya ay mahalaga tulad ng sinabi ni San Pablo: “namumuhay ako ayon sa pananalig, hindi sa mga bagay na nakikita”(2 Cor 5:7). Bahagi ng ating pagkatao ang pagnanais na makakita, makahawak at makaranas tulad ni Santo Tomas apostol hinggil sa pagkabuhay ng Panginoon: “Hindi ako maniniwala hangga’t hindi ko nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay at hindi ko naipapasok ang aking kamay sa kanyang tagiliran”(Juan 20:25). Bagama’t binigyan ng Panginoon si Tomas ng pagkakataon, ipinaliwanag ito ni Hesus sa kanya at sa ating lahat: “Naniwala ka na sapagkat nakita mo ako. Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita” (Juan 20:29). Ang tunay na pananampalatayang kristiyano kung minsan ay may kaakibat na pambihirang mga tanda at karanasan, subalit sa huli ang tunay na pananampalataya ay may kinalaman sa tiwala sa Kanya na nagwika:” Ako ang Daan, at ang Katotohanan at ang Buhay” (Juan 14: 6). Kakulangan ng Pananampalataya 5. Mahaba ang nilakbay ng mga alagad ni Hesus na sa kalaunan ay naging saksi sa pananampalataya. Ilang ulit na si Hesus ay “nagtaka sa kawalan nila ng pananampalataya” (Marcos 6:6). Muli’t-muli kinailangan niyang pagsabihan ang mga nakikinig sa kanya, lalo na ang mga alagad dahil sa katiting nilang pananampalataya (e.g Mateo 14:31; 17:20; Lukas 12:28). Unang kinailangan ng Panginoon na alisin ang gabundok nilang kawalan ng paniniwala sa kanyang mga alagad nang sabihin niya: “Manalig kayo sa Diyos. Tunay kong sinasabi sa inyo, ang sinumang magsabi sa bundok na ito” Mabunot ka at pumunta sa dagat, at hindi siya nag-aalinlangan sa kanyang puso bagkus nananalig na ang kanyang sinabi ay magkakatotoo, mangyayari ito sa kanya. Kaya nga sinasabi ko sa inyo, anuman ang hilingin ninyo sa panalangin, manalig kayong ito ay natanggap na ninyo , ito ay magiging inyo” (Marcos 11, 22-24). 6. Ang mabigat na kalagayan sa buhay ng mga alagad tuwina ay ang mga sandali ng kakulangan ng pananampalataya at tiwala. Nang hindi nila mapalayas ang masamang espiritu sa isang bata (Marcos 9: 14-29); nang maglakad sa ibabaw ng tubig si Simon Pedro at nagsimulang lumubog (Mateo14:22-33); nang malimutan nilang magdala ng pagkain sa kanilang paglalakbay (Mateo16: 5-12); nang iwanan nila at tumakas noong ang Panginoon ay hulihin sa Getsemani (Marcos14:50); nang mapatunayan silang “hangal at mabagal sumampalataya tulad ng mga alagad na patungo sa Emmaus (Lucas 24: 25). Sa katunayan, ang unang bagay na kailangang ibalik pagkatapos ng pagkamatay at pagkabuhay ni Hesus ay ang kanilang pananampalataya. Nanghihinang Pananampalataya

Page 7: Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng ...katolikongkristiyanongpilipino.weebly.com/uploads/1/1/0/2/11025406/... · nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá

7. Batid ni Hesus ang mga bagay na ito noon pa lamang bisperas ng kanyang paghihirap, kaya naman ganun na lamang ang hula niya kay Pedro na sa gabi ding iyon ay tatlong beses siyang ipagkakanulo nito:“Simon, Simon! Hiniling ni Satanas na subukin kayo tulad sa pag-aalis ng ipa sa mga trigo. Subalit idinalangin kita upang huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, patatagin mo ang iyong mga kapatid" (Lukas 22:31-32). Alam ng Panginoon ang tungkol sa pagkakahati-hati sa puso ng mga alagad: ang kanilang mabuting intensyon at pagmamahal ganun din ang kanilang kahinaan at kawalan ng katatagan sa panahon ng pagsubok. 8. Taglay din natin ang pagkakahati-hating ito ng mga alagad. Hindi tayo dapat maniguro sa ating mga sarili bagama’t marami sa atin ang nabubuhay bilang kristiyano. Ipinapa-alala si San Pablo sa mga taga-Filipos: “May takot at panginginig na magpatuloy kayo sa paggawa hanggang sa malubos ang inyong kaligtasan sapagkat ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa ang kanyang kalooban (Filipos 2: 12-13). Kahit paano tayong lahat ay nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá at kabiguan at pagtataksil naman sa kabila. Ang paghahating ito ay hayagang makikita sa dasal ng isang ama na sa ebanghelyo ni Marcos 9 ay humiling ng kagalingan para sa kanyang anak na lalaki na inalihan ng masamang espiritu. Matapos isalaysay kay Hesus ang lahat ng suliranin at paghihirap na kanilang pinagdaanan, humiling ang ama sa Panginoon: “Kung may magagawa po kayo, mahabag na po kayo sa amin at kami ay tulungan”. Batid agad in Hesus ang kakulangan ng pananalig ng ama. Sumagot si Hesus: “Kung kayo ay may magagawa! Ang lahat ay maaring matupad para sa isang tao na nananalig”. Kaagad na sumuko ang ama at sumigaw: “Ako po ay sumasampalataya, tulungan po ninyo ang kakulangan ng aking pananampalataya” (Marcos 9,22-24). Hindi ba karanasan din natin sa pananampalataya na wala tayong ibang magagawa maliban na angkinin ang sinabi ng amang naghihirap: “Panginoon, ako ay sumasampalataya, tulungan po ninyo ang kawalan ko ng pananampalataya”. Ang Katapangan sa Pagtalon 9. Mga mahal kong kaibigan kay Kristo, ang layunin ng Taon ng Pananampalataya ay ang pagpapalakas ng ating mahinang pananampalataya at pagpapanumbalik ng ating tiwala sa Diyos sa pamamagitan ng ating pakikipagkaibigan sa Kanyang Anak na si Hesukristo. Kung kaya, ang pananampalataya una sa lahat, ay walang kinalaman sa laman ng utak, bagama’t kailangan nating pag-isipan ang ating kaugnayan sa Diyos at ang malaman, hanggang kaya, ang bukal ng pahayag. Muli, ang pananampalataya ay walang kinalaman sa pakiramdam, bagaman sa ilang pagkakataon, dapat nating malasap ang tamis ng ating pakikipagkaibigan na iniaalay ng Panginoon. Una sa lahat, ang pananampalataya ay ang pagtitiwala sa Panginoon na tumatawag sa akin: “Tumalon ako at lumalakad patungo sa kanya, tulad ng ginawa ni Pedro nang malaman niyang ang Panginoon ang naglalakad sa ibabaw ng tubig at nagsabi “Panginoon, kung ikaw nga iyan, utusan mo akong lumapit sa iyo sa ibabaw ng tubig”. Sinabi ng Panginoon “Lumapit ka”. Nilisan ni Pedro ang bangka at nagsimulang lumakad sa ibabaw ng tubig at lumapit kay Hesus (Mateo 14:28-29). Matapos kong makita ang Panginoon dapat kong lakasan ang aking loob at iwan ang pagsisiguro bilang tao (ang bangka) at maglakad patungo sa walang tiyak na landas sapagkat si Hesus ang nagsabi sa akin “Lumapit ka”. Hindi tayo dapat magtaka kung ang paglalakbay na ito ay hindi isang kuwento ng tagumpay kundi may tatak ito ng takot at pagsubok, lalo na kung ang mga panganib ay nasa ating isipan at nagpapalabo ng ating pagtingin

Page 8: Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng ...katolikongkristiyanongpilipino.weebly.com/uploads/1/1/0/2/11025406/... · nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá

kay Hesus. Ang karanasan ng “unti-unting paglubog” ay isang bahagi ng paglalakbay sa pananampalataya. Walang ibang paraan kundi ang sumigaw tulad ni Pedro, “Panginoon, iligtas mo ako!” Kagyat na iaabot ni Hesus ang kanyang mga kamay at habang sinasalo ako ay sasabihing “ Kayhina ng iyong pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?” (Mateo 14:31). 10. Kasama ni Pedro ang ibang alagad sa bangka; at gayon din si Tomas sa itaas na bahagi ng silid walong araw matapos ang muling pagkabuhay. Kapwa ipinamalas ni Pedro at Tomas ang kanilang sariling pananampalataya nang sabihin nila: “Tunay, na kayo ang Anak ng Diyos!” (Mat.14:33); “Panginoon ko at Diyos ko!” (Juan 20:28). At magmula noon ay naging lubos ang kanilang pagiging alagad at saksi ng ating Panginoon bago pa man ang iba. Mga mananampalatayang dumaraan sa kadiliman 11. Ang dapat nating gawin ngayong Taon ng Pananampalataya ay ito: sariwain natin nang buong tapang ang ipinamalas na pananampalataya ni Pedro at Tomas at akuin natin kanilang panalangin: “Kung talagang kayo iyan, atasan ninyo ako sa ibabaw ng tubig; kung kayo iyan, ipakita ninyo sa akin ang mga sugat ng iyong pag-ibig.” Ang sambayanan ng Simbahan ay ang lugar na kung saan tayo ay inaanyayahang muling ibalik ang ating pananampalataya kay Hesukristo, ang buháy na Anak ng Diyos, at ialay natin ang ating mga sarili ayon sa ating pansarili at propesyonal na katayuan sa buhay. Dapat natin itong gawin nang may kababaang-loob, at aminin ang ating kahinaan. Gawin natin ito sapagkat batid natin na ang kadiliman ay mahalagang bahagi ng ating pananampalataya. Si Sta. Teresa ng batang si Hesus, sa mga huling sandali ng kanyang buhay, ay hindi tiyak kung siya’y tunay na nanalig, ang tanging ginawa niya ay ialay ang kanyang sarili sa Diyos. Si. Sta. Teresa ng Calcutta ay halos hindi na naramdaman ang Diyos sa kanyang buhay, subalit siya’y nagtiwala sa Kanya sa kabila ng naranasan niya ng kadiliman, sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga pinakamahirap na tao na may kalakip na pag-ibig. Si Blessed John Henry Newman ay dumanas din ng pagkatigang ng kanyang pananampalataya at kadiliman, subalit nakapag-iwan siya sa atin ng isang magandang awit na makakatulong sa ating mga buhay: Akayin mo ako, mabait na Liwanag sa gitna ng bumabalot na lungkot, akayin mo ako! Madilim ang gabi, malayo ako sa aking tahanan, akayin mo ako! Patatagin mo ang aking mga paa, hindi ko hiling na makita Ang malayong pangitain, isang hakbang ay sapat na sa akin. Hindi ako ganun at di rin ako nagdasal na ako ay akayin mo; Sanay akong piliin at tingnan ang aking landas, ngunit ngayon akayin mo ako! Mahal ko ang maliwanag na araw, sa kabila ng mga pangamba. Kapalaluan ang batas ng buhay ko. Huwag nang alalahanin ang mga nakaraang mga taon! Habang ang kapangyarihan mo ang nagbabasbas sa akin, tiyak na akayin ako nito Sa kabila ng pader at mga putikan , sa ibabaw ng bangin at baha, hanggang lumipas ang gabi, Sa pagdating ng umaga ang mga anghel ay nakangiti, Na aking matagal nang minahal at nawaglit sandali.

Page 9: Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng ...katolikongkristiyanongpilipino.weebly.com/uploads/1/1/0/2/11025406/... · nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá

Samantala, sa makitid at mabatong landas na Iyong tinahak Akayin mo ako, pauwi sa pananampalataya tungo sa tahanan ng aking Diyos Upang mamahingang walang hanggan pagkatapos ng pakikibaka sa lupa Sa malamlam na liwanag ng walang hanggang buhay. Ano pa ang kailangan natin? Marami ang naghahanap ng mga himala at mga pambihirang tanda upang pasiglahin ang kanilang pananampalataya, na sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, sila ay makatatanggap ng natatanging tulong sa oras ng pangangailangan. Subalit ang normal na buhay-pananampalataya ay “isang makipot at malubak na daan na kung saan ang maliwanag na ilaw sa gitna ng karimlan ang siyang gagabay sa akin.” Hindi ba’t sinabi ng Panginoon kay Tomas at sa iba pang alagad: “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita” (Juan 20:29). “Manunubos ko, pangunahan mo ako at ihatid sa pananampalataya tulad ng sa bata, tungo sa tahanan ng aking Diyos.” 12. Karamihan sa mga katoliko ay tinalikdan na ang kaugalian hinggil sa relihiyon. Ang iba sa kanila ay nagkaroon ng pag-aalinlangan sa kanilang puso sa katuruan ng simbahan at maging sa mga utos ng Diyos dahil sa kanilang mga nararanasan na nagiging sanhi ng kawalan ng tiwala sa pag-ibig ng Diyos at pagtabang ng kanyang gawain sa simbahang Katoliko. Ang iba sa kanila ay nawalan na ng tiwala sa simbahang Katoliko, at umanib na sa ibang relihiyon. Hindi sila magkakaroon ng pagkakataong bumalik sa pamamagitan ng pagtatalo at pamumuna. Ang mabuting paraan ay maipakita natin sa kanila ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng ating makatotohanang buhay kristiyano. Dapat ay maipakita natin sa ating pamumuhay ang pag-ibig ng Panginoong Hesus, ang mabuting pastol na matiyagang nagtuturo, umiibig at kumakalinga maging sa mga makasalanan, at maging ang kanyang buhay ay inialay sa bundok ng kalbaryo. Ito ang tanging paraan upang muli natin mabuksan ang pintuan para magkaroon sila ng pananampalataya kagaya ng isang bata na madaling turuan. Huwag nating iwawaglit sa ating isipan na wala sinuman sa atin ay nagsimula sa pagiging banal, nakapagpatotoo na may kababaan ng loob kagaya ni Santo Pablo: “kahit na noong una'y nilapastangan, inusig at nilait ko siya. Sa kabila nito'y nahabag sa akin ang Diyos sapagkat hindi ko nalalaman ang aking ginagawa noong ako'y hindi pa sumasampalataya. Pinasagana sa akin ang kagandahang-loob ng ating Panginoon at ipinagkaloob niya sa akin ang pananampalataya at pag-ibig na natatagpuan sa ating pakikipag-isa kay Kristo Hesus. Totoo ang pahayag na ito at dapat paniwalaan ng lahat: si Hesukristo ay dumating sa daigdig upang iligtas ang mga tao sa kasalanan. At ako ang pinakamasama sa lahat ng mga makasalanan. Ngunit akong pinakamasama ay kanyang kinahabagan, upang ipakita ni Kristo Hesus ang kanyang di-masukat na pag-ibig sa akin, at upang ito'y maging halimbawa sa mga sasampalataya at bibigyan ng buhay na walang hanggan“ (1 Timoteo 1:13-16). Ito ang daan para sagipin ang mga tao na nawalay sa Diyos at maging ang mga tao na hindi pa nakakatanggap sa Panginoong Hesus. Kinakailangan natin ipakita ang buháy na pananampalataya sa Panginoong Hesus at sikaping maging tanglaw sa sanlibutan, para sa mga tao na kinalimutan na ang pananampalatayang kristiyano at ganoon din sa mga tao na hindi pa nakakakilala at natatanggap ang Panginoong Hesus. Pagsasanay ng ating Pananampalataya sa pamamagitan ng Panalangin

Page 10: Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng ...katolikongkristiyanongpilipino.weebly.com/uploads/1/1/0/2/11025406/... · nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá

13. Ang taon ng pananampalataya ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na panumbalikin ang ating pananampalatayang ipinangako lalo na sa pamamagitan ng pagpapalalim ng ating panalangin. Hindi ibig sabihin nito na paramihin ang ating mga salitang babanggitin, kundi lalo tayong manalangin ng may kaakibat na debosyon at pagtatalaga nang higit kaysa dati. Ito’y nagsisimula sa Ama Namin at sa Aba Ginoong Maria na karaniwan ngayo’y nagiging paimbabaw na pampuno sa mala-karagatang mga salita na inaalay natin sa Panginoon. Datapuwat, ang panalanging nagmumula sa kaibuturan ng puso ay nakatatalos na ang Panginoo’y kasama niya at nagmamatyag bagamat hindi niya ito napagtatanto at kadalasa’y hindi mabigkas ang tamang pananalita. May mga pagkakataon na atin na lamang inuusal, “Ako’y nananalig Panginoon, tulungan mo ang kakulangan ko sa pananampalataya!” o kaya nama’y “Hesus, Anak ng Buháy na Diyos, maawa ka sa akin!” Dapat nating isaisip ito sa Misa tuwing tayo ay nananalangin ng pagsisisi at ating binabanggit: “Panginoon, maawa ka! Kristo maawa ka! Panginoon maawa ka!” Huwag tayong manghinawa na manalangin para sa iba. Ang panalangin para sa kapwa ay isang uri ng pagsubok sa ating pananampalataya. Mamuhay sa mga Salita ng Diyos 14. Sa Taon ng Pananampalataya tayo ay inaanyayahan na basahing palagian at pagnilayang mabuti ang Salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng maiksing pagninilay sa pang-araw-araw ng pagbasa sa misa ay makakatulong sa atin upang higit na lumalim ang ating kaalaman sa Bibliya. Ang pang-araw-araw na pagninilay sa God’s Word 2012 o para sa darating na taon Bible Alive 2013 – A Daily Companion, ay makakatulong upang tayo ay manatili sa tamang landas. Ang Bibliya ang magbubukas sa ating isip at puso, hindi lamang sa mga salaysay ng Diyos sa mga tao sa nakaraan, ngunit para din sa mga tagumpay at kabiguan ng ating sariling ugnayan sa Diyos. Kaya ang pagdarasal ng Salmo ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon upang pasalamatan at papurihan, ipanaghoy at umiyak, manikluhod at sariwain sa isipan ang dakilang gawa ng Panginoon sa ating mga sariling buhay. Pagsasabuhay ng mga Sakramento 15. Isinasabuhay natin ang ating pananampalatayang Kristiyano sa pamayanan ng Simbahan kung saan tayo ay naki-isa sa pamamagitan ng mga sakramento ng Binyag at Kumpil. Sa Banal na Eukaristiya ibinigay sa atin ng Panginoon ang sakramento kung saan nananatili sa atin ang kanyang pagpapaksakit sa krus, nagpapasariwa ng ating paki-isa sa Katawan ni Kristo, ang Simbahan at pinalalakas tayo sa ating paglalakbay sa pananampalataya sa pagtanggap natin sa tinapay ng buhay. Ang paanyaya pagkatapos ng konsagrasyon ay may malalim na kahulugan: “Ang misteryo ng pananampalataya!”. Ito ang pinakamahalagang sandali ng pananampalataya kung saan ipinahahayag natin ang ating lubos sa pananampalataya kay HesuKristo, ang buháy na Anak ng Diyos, na nananatili sa sakramento at ipinagkakaloob bilang “tinapay ng buhay” upang gabayan tayo sa ating paglalakbay sa pananampalataya. Sa sakramento ng Pakikipagkasundo nararanasan natin ang awa ng Panginoon at tayo ay maaring manumbalik sa ating pananampalataya kung tayo man ay nagkasala tulad ni Pedro. “Lumingon ang Panginoon at tiningnan si Pedro ... at si Pedro ay mapait na tumangis” (Lk 22: 61-62). Huwag kang mag-atubili na ibalik ang iyong pananampalataya sa Panginoon sa pamamagitan ng karanasan ng nakagagaling na pangungumpisal!

Page 11: Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng ...katolikongkristiyanongpilipino.weebly.com/uploads/1/1/0/2/11025406/... · nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá

Pag-alam sa Pananampalatayang Katoliko 16. Upang mapalalim ang ating pananampalataya at ang ating kaalaman iminumungkahi ko sa panahon ng Taon ng Pananampalataya ang masidhing pag-aaral ng Katesismo ng Simbahang Katoliko (KSK), lalo na sa iba't ibang mga artikulo tungkol sa “Pananampalataya ng mga Apostol”. Napapaloob dito ang pagpapahayag ng mga pangunahing misteryo ng ating pananampalatayang Kristiyano. Dito tayo ay nagkakapantay-pantay bilang mga binyagan. Para sa layuning ito maaaring basahin nang mag-isa o may kasama, ang mga bahagi ng KSK, i.e. “Pagpapahayag ng Pananampalatayang Kristiyano” (bilang 185 – 1065). Kung nais mo ng mas maikling bersyon, maaari mong basahin ang bahaging Compendium: Katesismo ng Simbahang Katoliko (bilang 33 – 217). Ang mga kabataan ay maaaring pumunta sa YOUCAT: Youth Catechism of the Catholic Church (bilang 25 – 165). Sa sandaling matapos na ito, maaari kang magpatuloy sa iba pang mga bahagi ng Katesismo: Pagdiriwang ng ma Misteryong Kristiyano sa mga sakramanto (bilang 1066 - 1690); Ang buhay kay Kristo (bilang 1691 – 2557); at ang panghuli ay ang Panalangin ng Kristiyano (bilang 2558 – 2865). Hinihiling ko sa mga nangangasiwa sa tindahan ng parokya na tiyaking mayroong mabibiling mga aklat ang mga mananampalataya. Pagyamanin ang Pagkakaisa 17. Ang Taon ng Pananampalataya ay maari din maging pagkakataon na pagyamanin ang pagkakaisa sa atin sa labas ng itinakda ng iba’t-ibang gawaing pangsimbahan, pananalita at katutubong hangganan. Tayo ay dapat magkaroon ng kamalayan ayon kay San Pablo na tayo ay “mga kasambahay sa pananampalataya“(Gal6:10), at pagsumikapan ninyong mapanatili pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan. Iisa lamang ang katawan, at isa rin ang Espiritu; gayun din naman, iisa lamang ang pag-asa ninyong lahat dulot ng pagkatawag sa inyo ng Diyos. May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya, isang binyag, isang Diyos at Ama nating lahat, at sumasa lahat (Efeso 4:3-6). Sa ganitong matibay na paniniwala ay maabot nawa natin ang mga naging matamlay ang pananampalataya o pati na rin yaong nawalan ng kaugnayan sa Simbahang Katolika. Pagpapasimuno 18. Hinihimok ko ang kaparian at ang mga mananampalataya na samantalahin ang pagkakataon sa Taon ng Pananampalataya, na isagawa ang angkop na gawain ayon sa kalagayan sa kani-kanilang bansa, parokya, pangkat na pamparokya o samahan, at laging dapat isaisip na ang pananampalataya ay hindi lamang isang suliranin na malaman ang talaan ng nakasulat na katotohanan kundi ang pansariling kaugnayan sa Diyos, gaya ng magandang halimbawang ipinahayag sa 1 Pedro 1:8-9: “na hindi ninyo siya nakita kailanman, ngunit siya ay inibig na ninyo; na bagama't hindi pa rin ninyo siya nakikita magpasahanggang ngayon, ngunit nananalig kayo sa kanya. Dahil dito’y nag-uumpaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilarawan sa salita. Sapagkat inani na ninyo ang bunga ng inyong pananampalataya – ang inyong kaligtasan. Bagamat nabubuhay sa kapanglawan sa kasalukuyang panahon, kinakailangan nating tumayo kasama Niya at paglalabanan kung ang mga unos ay nagbabala sa atin. Pakatandaan ang mga winika ni Isaias kay haring Ahaz bago niya inihula ang kapanganakan ng isang batang

Page 12: Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng ...katolikongkristiyanongpilipino.weebly.com/uploads/1/1/0/2/11025406/... · nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá

tatawaging Emanuel: Ikaw ay mapapahamak pag hindi nanatili ang iyong pananalig sa Diyos (Isaias 7:9). Si Maria, Tagapangalaga ng ating Pananampalataya 19 . Ang Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos, ay nagsilang sa Emanuel, na ang ibig sabihin ay Kapiling-natin-ang-Diyos. Pinuri siya ni Isabel hindi lamang dahil sa anak sa kanyang sinapupunan kundi dahil “siya ay nanalig na ang sinabi ng Panginoon sa kanya ay matutupad”(Lk 1,45). Noong ako ay nasa Fribourg sa Switzerland ako ay nagsisimba sa Bourguillon na kung saan may isang dambana na kung tawagin ay “Maria,Tagapangalaga ng ating Pananampalataya”. Ibinigay ng mga tao ang pamagat na ito noong panahon ng pakikibaka ng Simbahang Katolika. Sana sa tuwing dinarasal natin ang banal na rosaryo ating hilingin ang patnubay ng ating Mahal na Birheng “Tagapangalaga ng ating Ating Pananampalataya. “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya” (Juan 2, 5). Mahal na mga kaibigan kay Kristo, nawa ang Taon ng Pananampalataya ay maging panahon ng biyaya para sa ating lahat. Tulad ng mga alagad ni Hesus dasalin natin “Dagdagan mo po ang aming pananampalataya!” (Lk. 17.5) At sa wakas ay ating sariwain ang pananagutan ng ating pananampalataya, pag-asa at pag-ibig tulad ng sinabi ni Simon Pedro: “Panginoon, batid mo ang lahat, batid mong mahal kita” (Juan 21, 17). Nawa’y Pagpalain kayo at ingatan ng Panginoon! + Paul Hinder OFM Cap. Bikaryo Apostoliko ng Timog Arabia

Page 13: Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng ...katolikongkristiyanongpilipino.weebly.com/uploads/1/1/0/2/11025406/... · nahahati sa paniniwala at pag-ibig sa isang bandá

The logo is composed of a square bordered field on which a boat, symbolizing the Church, is represented as sailing on a graphically minimal representation of waves. The main mast of the boat is a cross from which sails are displayed in the form of dynamic signs which compose the trigram of Christ (IHS). The background to the sails is a sun which, associated with the trigram, refers also to the Eucharist.

More on the Year of Faith www.annusfidei.vaThis Pastoral Letter is published on the Vicariate website www.ccsarabia.org under 'media'.

TAON NG PANA-NAMPALATAYA

20122013