35
Mga Akda ni Marcelo H. Del Pilar

Mga Akda Ni Marcelo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Akda Ni Marcelo

Mga Akda ni

Marcelo H. Del Pilar …

Page 2: Mga Akda Ni Marcelo

¡CAIÑGAT CAYO!

I

Ang librong ito,i malilimus sa halagang isang cuarta ang isa; sa halagang sangsalapi ang sangdaan, at sa halagang apat na piso ang sanglibo, doon sa Asilo de Huérfanos sa Guadalupe, sa bayan nang san Pedro Macati, provincia nang Mainila.

Ang sulat na hing� i ay ipadala sa P. Director cun sa Hermano Inspector nang Asilo, at bahala sila magpadala sa ituturong padadalhan sa Mainila.

Pequeña Imp. del Asilo del Huérfanos 1888.

1Caiñgat ñga cayo sa mang� a masasamang libro,t, casulatan, sapagca,t, dapat ninyong tantoin na may isang cautusan ang santa Iglesiang Ina natin na ipinagbabaual ang pagbasa nang mang� a masasamang libro,t, casulatan, pati nang pag-iing� at at pagcacalat noon; at ipinag-uutos pa na ang sino mang magcamayroon nang gayong libro,i, ibigay agad sa mang� a Puno nang santa Iglesia, sa Confesor cun sa Amang Cura caya; at cun sacali,t, di maibibigay ay sunuguin man lamang tambing. At ang utos na ito,i, Páhiná 2mahigpit na di sapala, na cun di ninyo ganapin ay icapagcacasala ninyo nang casalanang daquila, at cun magcaminsa,i, maguiguing excomulgado pa cayo dahil sa pagbasa noon. Caya cun cusain ninyong basahin ang isang librong natatalastas ninyong baual nang santa Iglesia ay magcacamit cayo nang casalanang daquila, at cun sa saui ninyong palad ay abutin cayo nang camatayan sa gayong calagayang ay mapapacasama cayong magpasaualang hangan.

Ang mang� a Puno nang santa Iglesia, sa macatouid, ang santo Papa at ang mang� a Poong Cardenal na pinatungculan niya, sampon nang mang� a Guinoong Obispo, ay mayroon silang capangyarihan macapagbabaual nang balang mamasam-in nilang librong icasasama nang mang� a calolouang quinacaling� a nila; at caya ng� a Páhiná 3catungculan naman nang baua,t, sino mang cristianong sundi,t, ganaping lubos ang canilang mang� a utos tungcol dito.

Ang balang minamasama,t, ibinabaual nila,i, tinatandaan nama,t, isinasacay sa isang librong pinacalistahan nang mang� a librong baual at masasama. Ng� uni,t, palibhasa,i, hindi mangyayaring mabalitaan nila,t, maquita ang lahat na mang� a masasamang librong ipinagcacalat sa sangcacristianohan; na caya,t, di naman mangyayaring matang� ing maipagbaual na lahat; at sa cabila nama,i, cun itulot na basahin hangan di tang� ing ipagbaual ang mang� a gayong libro,i, macasasamang lubha sa mang� a caloloua; dahil dito,i, ang santa Iglesia, ang mang� a nasabing Puno baga nang santa Iglesia, upang mahadlang� an hangan macacayanan din Páhiná 4lamang, ang gayong mang� a calaguim-laguim na capahamacan, ay mayroong ibinigay sa atin nang mang� a

Page 3: Mga Akda Ni Marcelo

utos na paraang pagcacaquilanlan nang mang� a libro, na, cun di pa tang� ing ipinagbaual, ay dapat nating parahing baual; at cun sacali,t, basahin ay ipagcacasala natin nang casalanang daquila, na para rin cun basahin ang tang� i nang ipinagbaual.

Isusunod co ng� ang sasaysayin dito ang mang� a pang� ulong utos na paraang aquing sinabi, at nang mapagquilala mo, guiniguilio cong bumabasa nito, ang dapat mong asalin tungcol dito sa lubhang mahalagang bagay na icaliligtas nang caloloua mo sa capahamacang ualang hangan.

II.

Ang caunaunaha,i, baual ang lahat na mang� a libro sa Santong Casulatan na inihulog nang mang� a ereje sa uicang castila, cun sa uicang tagalog, cun sa alin mang uica; cun sacali,t, cristiano man ang maghulog ay cun ualang pahintulot ang mang� a Puno.—Caya ng� a ang lahat na mang� a libritong hang� o sa santong Sulat sa bagong Testamento, na ipinagcacalat na limbag sa Oxfort at sa Hong-kong sa uicang castila at cung magcabihira,i, sa tagalog, ay pauang baual; sampon niyang mang� a Evangeliong uicang castila cun tagalog caya, na iniing� atan nang marami, cun isinasabit sa liig na parang anting-anting, ay baual din naman.

Ang icalaua,i, baual din ang Páhiná 6mang� a librong sadyang nagtutucoy, nagsasalita, cun nagtuturo caya nang calibugan, cahit doo,i, ualang nahahalong maling aral cun erejía caya.—Alinsunod dito,i, baual iyang lahat na mang� a palasintaha,t, auit at corridong paraparang mahahalay, na totoong quinauiuilihang basahing nang caramihang mang� a tagalog, lalaqui man at babayi man. ¡Daming ba pa nang mang� a nang� apapang� anyayang caloloua dahil dito sa mang� a tampalasang auit at palasintahan! Cun touirin ninyong mabuti ay agad matatalastas na ang pagcapang� anyaya nang di mabilang na mang� a bagong-tauo,t, dalaga,i, nagmula sa pagbasa nitong mang� a baual na auit at palasintahan.

Ang icatlo,i, baual naman ang mang� a devociones cun tauaguin, ang mang� a panalang� in, at mang� a Páhiná 7casulatang quinapapalamnan nang mang� a pang� acong sinung� aling, na di umano,i, ang mang� a gayo,t, gayon ay ualang di pangyayari.—Caya ng� a,t, alinsunod dito,i, iyang mang� a panalang� in, at iyang mang� a casulatan na di umano,i, nalaglag sa Lang� it, at nasumpung� ang nacababao sa santo Sepulcro, sa altar cayang pinagmimisahan nang santo Papa, at iba,t, iba pang ganito na ipinalimbag sa mang� a panahong ito sa uicang castila ma,t, sa uicang tagalog, at ipinagcacalat na mainam nang mang� a alagad nang demonio, ay pauang baual, at ipagcacasala nang sino man ang pagdarasal at ang pagbasa noon, pati nang pagcacalat at pagiing� at niyon.

Ang icapat ay baual din naman ang lahat na mang� a libro, mang� a munting fojas, at munti man mang� a Páhiná 8casulatang nagtuturo nang panghuhula, panggagayuma, pangculam, at iba,t, iba pa.—Ayon dito,i, ipinagcacasala ang pagbasa,t, pag-iing� at ang mang� a lunario, cun tauaguin nang iba; at iyang lahat na mang� a casulatang iniing� atan nang mang� a hang� al na ualang namumuang� an; na marahil cun caya iniing� ata,t, pinaniniualaan ay di umano,i, sulat yaon nang mang� a matatanda, na mang� a hang� al pa sa canila.

Ang icalima,i, baual na lahat ang mang� a libro na hangan sa taon 1584 at hangan ng� ayo,i, nilimbag ó lilimbaguing ualang itinuturong pang� alan nang sumulat ó cumatha, nang nagpalimbag, nang pinaglilimbagan, pati nang panahong ipinagpalimbag; at cun sacali ma,t,

Page 4: Mga Akda Ni Marcelo

may itinuro ang lahat nang ito,i, mang� a hindi totoo ang itinuturo, at paconouari lamang; Páhiná 9sapagca,t, ito,i, nagpapaquilalang dapat pang� anibang may taglay na lico,t masasamang aral na di dapat basahin nang isang cristiano.—Alinsunod dito,i, ang lahat na mang� a auit at corrido, na arao-arao,i, ipinalilimbag na ualang pahintulot, at ualang itinuturong may catha, (na palibhasa,i, iquinahihiya ang sinulat ay di ibig na maquilala) ay paraparang baual na lahat; lalong lalo na,t, ang caramihan niyang mang� a auit ay mang� a punong puno nang mang� a camaliang di naayon sa mang� a aral nang santa Iglesia.

Gayon din naman iyang mang� a libro,t casulatang ipinagcacalat ng� ayon sa uicang castila at sa uicang tagalog na uala ring itinuturong may gaua,t, may palimbag; at ang laman niyon ay pauang cabulaanang laban sa señor Arzobispo at sa mang� a Pareng Páhiná 10religioso, na pati nang mang� a cagalang-galang na mang� a Madre religiosa, ay di rin quinaalang-alang� anan nang tampalasan nilang pluma, ay ang lahat na ganiyang mang� a libro,t, casulatan ay baual na basahin, at ipagcacasala nang daquila ang pagbasa,t, pag-iing� at noon, at lalong lalo na ang pagcacalat.

Pauang cabulaanan, uica co; sapagca,t, cun mapatotohanan nila sana ang canilang mang� a sinasabi ay hindi nilang ipagmamacahiyang maalaman ang canilang mang� a pang� alan; at cun totoo sana ang laman niyang mang� a carimarimaring sulat ay ualang sucat icatacot ang may catha man, ang lumimbag man, ó ang nagpapalimbag, at nagpapacalat caya, cahit sila,i, ipaghabla,t, isacdal sa Justicia nang mang� a pinararatang� an nila nang gayong mang� a casamaan. Páhiná 11¡Tunay ng� a pala na ang mang� a nagcacalat nang mang� a gayong sulat na anónimo (ualang pang� alan) ay sucat ipaquibilang sila sa mang� a tauong ualang hiya!

Ang icaanim ay baual ang lahat na mang� a librong sulatin cun ipang� alat, na ang taglay na laman ay mang� a maling caisipa,t, mang� a aral na laban sa pinasasampalatayanan sa atin nang santa Iglesia.—Gaya nang� a baga nang librong catha nang Dr. Rizal, na ang pang� ala,i, Noli me tangere, na pinupuri,t, binabasang ualang agam-agam nang maraming natuturang cristiano, baga ma,t, sa pagbasang ito,i, nagcacamit sila nang casalanang daquila; sapagca,t, ang nasabing libro,i, punong puno nang mang� a erejía,t, mang� a aral na laban sa ating santa Religión. Halos sa Páhiná 12baua,t, fojas at sa baua,t, talata ay may mababasa roong mang� a sabing sinung� aling, mang� a udyoc na capangahasan, mang� a nacamumuhi,t, mahalay na iparing� ig sa mang� a tunay na cristiano, mang� a paglalapastang� an sa mang� a cagalang-galang na Puno nang santa Iglesia at sa caramihang cristiano, mang� a pagsisiphayo sa Dios, mang� a camangmang� a,t, cahunghang� ang humihicayat sa pagcampi sa tacsil at sucab na si Lutero at sa iba pang mang� a ereje, mang� a aral na lubhang lihis at mang� a erejíang tunay; ano pa,t, hangan sa umuudyoc upang houag sampalatayanang may Dios. Ang lahat nang ito,i, pauang mababasa diyan sa tampalasang libro, at caya baual na basahin, at ang pagbasa noo,i, isang lubhang mabigat na casalanan. At ang may catha noon, Páhiná 13ang Dr. Rizal baga, cun taimtim sa caniyang loob ang mang� a sinulat niya sa nasabing libro at hindi pa niya pinagsisisiha,t, tinatalicdan, ay dapat na ariin siyang tacsil at tampalasan sa Dios, ereje at excomulgado.

Tingni, mang� a guiniguilio cong tagalog, tingni,t, masdan itong caauaaua capoua ninyong tagalog, na pinupuri nang marami sa inyo na parang ualang capara sa carunung� an; ualang dao ga sino si Rizal; di umano,i, capurihan dao nang lahi ninyong tagalog, na sucat ninyong ipagparang� alan. ¡Ay sa aba co! At lalong catampatang sabihin, na sucat inyong ipagmamacahiya ang gayong cahabag-habag na bulag na loob; sapagca,t, siyang caunaunahang tagalog na cusang

Page 5: Mga Akda Ni Marcelo

gumamit nang caniyang camay sa pagsulat nang mang� a catacot-tacot na catampalasanan sa Dios, sa ating santa Religión cristiana, at sa mang� a sinasampalatayanan natin.

Bucod pa sa siya,i, tampalasan, ay hañgal pa naman sa madlang bagay; sapagca,t, cun siyasatin ang pagcagaua nang nasabing libro,i, isip ninyong hindi ang camay nang may bait na tauo, cundi ang paa nang isang mangmang ang isinulat noon; at halos sa lahat nang fojas ay mapagmamalas na ang gumaua,i, hang� al na Páhiná 14hang� al sa paghahanay nang masanghayang pananalita, lalong lalo na sa uicang castila; ang totoong tang� ing matatanghal doon ang sino man ay ang isang sucab at tacsil na pagcapoot niya sa ating santa Religión at sa España.

Ang icapito,t, catapusa,i, baual ang lahat na mang� a librong malaqui ma,t, maliliit, ang mang� a munting calat na casulatan, ang mang� a diario, at balang nang sulat na ang laman ay lumalaban sa mang� a aral nang santa Iglesia; ang tanang casulatang nagpupuri sa mang� a camaliang hinati,t, sinala nang santo Papa, gaya nang mang� a sinala ni Pio IX sa caniyang casulatang padala sa sangcacristianohan, nang 8 de Diciembre de 1864; ang balang nang sulat na cumucut-ya sa mang� a Santong guinagalang nating sa mang� a altar, cun nagsasalita caya nang mang� a cabulaana,t, ipinataratang sa canila nang mang� a Páhiná 15gaua, mang� a uica,t, mang� a acalang di ucol sa cabanalan; ang lahat nang mang� a librong nanunuya sa mang� a Sacramento,t, sa mang� a ugaling paraang na ipinag-uutos nang santa Iglesia sa pagmimisa, pagdarasal, at sa iba,t, ibang mang� a gauang magaling; at sa cauacasa,i, ang dilang casulatang sa conouari ma,t, di conouari ay cumacampi sa mang� a camaliang aral na laban sa pananampalataya at sa mang� a mabanal na asal.—Laban dito sa cautusang itong bigay nang santo Papang si Pio IX, upang masaula ang mang� a cristiano sa pagbasa nang mg� a masasamang diario, ay hindi lamang nagcasala ang mang� a bumabasa nang balang na sa mang� a nasabing casulatan, cundi pa naman ang nang� acacatulong sa pagpalimbag at sa pagcacalat, gaya baga cun limbaguin, Páhiná 16ipagbili, bilhin, pasulat, at iba pa.

Ang pitong utos na ito,i hang� ong lahat sa libro nang indice sa naturang casulatan ni Pio IX na dapat nating talimahi,t, ganapin, cun tunay nating ibig na mapacagaling.

Page 6: Mga Akda Ni Marcelo

III

Bucod pa sa rito,i, cun caya gayon ang ipinag-uutos nang santa Iglesia sapagca,t, ito,i, utos din naman nang Dios, na turo sa atin nang catutubo nating bait; na cahit di ipagbaual nang santa Iglesia, at mauala man ang listahan nang mang� a librong baual na, at cahit di nagcaroon nang mang� a utos na paraang pagcacaquilanlan nang mang� a masasamang libro, ay nagtuturo sa atin ang catutubo nating bait na di dapat basahin ang mang� a Páhiná 17gayong librong masasama. At sa catunaya,i, magsabi ca sa aquin: ¿di caya baga mabigat na casalanang laban sa icalimang utos nang Dios ang cumain cun uminum caya nang lasong icatatapus nang sariling buhay, at icamamatay nang ating catauan? Ay ano ¿di caya baga lalong mabigat na casalanan ang cumain nang lasong icatatapus nang buhay nang atin caloloua, na icamamatay baga niya dahil sa pagcauala sa caniya nang pananampalataya? Diyata,i, pinatotohanan co sa iyo na ualang mabisang lasong icamamatay nang ating catauan na sucat mapara sa lasong taglay nang masasamang libro; lasong sacdal nang bisa sa icasisira nang pananampalataya,t, icamamatay tuloy nang ating caloloua; lason ng� ang camatay-matay na capag nahahalata nating nasisilid sa ano Páhiná 18mang casulatan ay catungculan nating pang� ilagan, at cun dili,i, magcacamit tayo nang mabigat na casalanan cun ituloy nating basahin. Caya ng� a ualang maimatouid ang maraming bumabasa nang mang� a librong limbag ma,t, sulat camay, gaya nang mang� a cay Rizal, na ang itinututol nila,i, di pa ipinagbaual; sapagca,t, cun di pa tang� ing ipinagbaual, ay baual na talaga, ayon sa mang� a cautusang sinasaysay na; at bucod pa sa rito,i, capag naquiquitang may lason nang mang� a erejía at mang� a lisiyang aral ay ipinagbabaual nang catutubo nating bait, na nagpapaquilala sa ating yao,i, utos nang Dios. Sucat na lamang na sabihin sa iyo nang Confesor ó nang ibang mabait na Sacerdote, cun nang iba pa mang tauo na nacacaalam, at cahit icao man ang Páhiná 19macamasid na ang gayong libro,i, masama, at pagdaca,i, dapat mong bitiua,t, ibigay sa iyong Confesor cun sa iyong Amang Cura, at cun dili caya ipagatong mo sa apoy; sapagca,t, cun pabayaan mo muna sa bahay may pang� anib na mabasa; at ang cusang lumalagay sa pang� anib ay diyan siya mapapang� anyaya, uica nang Dios Espíritu Santo. Caya ng� a, cristianong bumabasa nito, ay houag cang paraya sa iyong sarili, na gaya nang ibang marami na ang acala,i, hindi totoong nacacapahamac ang pagbasa nang mang� a masasamang libro; sapagca,t, hindi masama lamang, cundi casamasamaan ang quinasasapitan nang sumusuay sa mang� a utos na ito. ¡Ay capatid co! Sinong macapagsasalaysay nang mang� a casiraang nangyayari sa mang� a caloloua dahil sa pagbasa nang Páhiná 20mang� a masasamang libro? Ang uica nang P. Doctor Sardá: «na ang isang masamang librong may taglay na mang� a tacsil na udyoc, cun mang� a mahahalay ang halimbaua ay higuit ang casamaan sa mapagcanulong caibigan, higuit ang cahunghang� an sa mahunghang na maestro, at lalong dapat capootan sa magdaraya,t, mapaghibong tauo. Ualang imic-imic, at di nang� adaramdaman ay unti-unting binabagbag ang puso, inililigao ang lalong matalinong isip, sinisira ang lalong maayos na cabaitan, hinihila ang calooban sa mang� a lisiyang asal, pinupucao ang mang� a mahahalay na pita, pinapaniniig sa maruruming gaua at malibughaang casalanan». ¿Ano caya ang dahil na yaong binatang dating mabait at masunurin sa magulang ay ng� ayo,i, naguíng Páhiná 21mapagyabang at ualang cahihiyan? Cun ano,t, yaong dalagang dating masayang loob at mahinhing asal ay ng� ayo,i, laguing namamanglao at caguitla-guitlang ugali? Cun sino ang nagnacao sa canila nang cabaitan,

Page 7: Mga Akda Ni Marcelo

nang cahinhinan, nang casayahan nang loob, sampon nang casiglahan nang canilang catauan? ¡Ay sa aba co! Yaon palang tampalasang libro, yaong mahalay na auit, yaong carumal-dumal na palasintahan, yaong maruruming tula, na paraparang pinatutuloy sa bahay nang ualang pag-iing� at na magulang! ¡Ay sa aba ninyo, mang� a magulang! at cayo ng� a ang hihing� ang sulit nitong mang� a casiraang iquinapapahamac nang di mabilang na mang� a masasama na di ninyo pinalalayo sa inyong bahay at sa camay at mata nang inyong mang� a Páhiná 22anac! Sapagca,t, maniuala cayo,t, dili, ay uuliting cong sabihin ang sinabi co nang madalas: Ay nagcacasala nang daquilang casalanan ang sino mang cristiano, na baga ma,t, natatalastas niyang baual, ó dapat man lamang ipagbaual, ay bumabasa nang mang� a tampalasang libro. At di lamang nagcacasala ang bumabasa nang mang� a librong yaon, cundi pa naman ang nag-iing� at, sapagca,t, utos nang santa Iglesia na ibigay sa mang� a Puno, cun dili caya,i, sunuguin. At nagcacasala rin nang daquila ang magpahiram sa ibang ualang pahintulot sa pagbasa nang masasamang libro.

IV

Alinsunod dito sa mang� a sinabi co magpahang� an ng� ayo,i, marahil Páhiná 23nasain mo, cristianong bumabasa, ang ilang malinao,t, tapat na hatol, na parang pinacareglang aalinsunurin; na cun sundin mo naman ay macapang� ing� ilag ca sampon nang iyong mang� a casambahay, mang� a caibigan nama,t, caquilala, sa mang� a daquilang pang� anib na laguing nasusumpung� an sa pagbasa nang mang� a masasamang libro. Isasaysay co ng� a sa iyo ang mang� a inaacala cong lalong quinacailang� an at lalong bagay sa pagtatamo nang ninanasa nating paquinabang.

Una-una. Capag banta mong bumili cun bumasa nang anomang libro, munti ma,t, malaqui man, nang diariong may mang� a lamina,t, uala, nang auit man, tula man, maguing limbag maguing sulat camay, ay bago mong bilhin ó basahin ay dapat mong usisain Páhiná 24muna cun baual, cun dili caya; ó cun dapat maguing baual sapagca,t, masama.—Ang pag-uusisa nito,i, nacacailang� ang siyasatin mo cun ang librong bibilhin ó babasahin ay natatamaan nang alin man sa mang� a pitong utos na paraang pagcacaquilanlan nang mang� a librong dapat na ipagbaual, na baual na talaga; at ang lalong maigui sa lahat ay magtanong ca sa Confesor, cun sa Cura caya, cun sa canino mang banal na sacerdote; at ang paraan na ito,i, lalong magaling, sapagca,t, malalayo ca sa pang� anib nang pagcacamali.

Icalaua. Dapat mong tandaang pinacalandas di dapat sinsayan ang houag bumili, at houag bumasa nang ano mang libro, auit, at casulatang uala sa unang fojas na may lubos na pahintulot ang mañga PUNO. Sapagca,t, ang Páhiná 25ayao huming� i nang pahintulot sa mang� a Puno ay marahil hindi cristiano, at cun ganoon sucat nang ipaquibilang sa mang� a baual ang quinathang

Page 8: Mga Akda Ni Marcelo

libro; at cun cristiano naman, at ayao huming� i nang pahintulot ay hayag siyang souail na cristiano, at masasapantahang magtuturo nang camalian.

Tanto cong magaling na yaong ibang libro,i, di nagcacailang� an nang pahintulot, at nang mailimbag; at mababasa ng� a cahit uala ang gayong pahintulot; datapoua,t, sang-ano man ang pag-iing� at tungcol dito,i, alang� an pa; sapagca,t, sa casamaang nang mang� a panahong quinalalag-yan natin ay pati sa mang� a librong di nagcacailang� an nang pahintulot, cun magcabihira,i, iguiniguiit din ang mang� a erejía at mang� a lisiyang aral: caya ng� a cailang� an Páhiná 26din sumigao na ualang tugot: ¡Caing� at cayo sa mang� a masasamang libro,t, casulatan!

Napagunaua mo na marahil, na sa toui cong sinasabing cailang� an ang pahintulot nang mang� a Puno, ang tinutucoy cong mang� a Puno ay ang sa santa Iglesia, ang Santo Papa baga at ang mang� a Poong Obispo, palibhasa,i, sila na lamang ang macahahatol nang cagaling� an at casamaan nang ano mang libro.

Icatlo. Cun totoong totoo,t, ninanasa mong houag magcamali dito sa daquilang bagay na ito, ang lalong mabisang paraan, na nasasaclauan nang lahat na mang� a ibang paraang iyong mapipili, ay ito ng� a: Na houag cang bumili, at houag bumasa nang ano mang libro, diario, auit at ano mang casulatan na di ca maquipagsanguni muna sa Páhiná 27iyong Confesor, sa iyong Amang Cura, cun sa ibang banal na Sacerdote. At ito rin ang dapat mong ipasunod sa iyong mang� a nasasacupan. Sapagca,t, doon pa sa mang� a librong hindi masama, at may pahintulot ang mang� a Puno sa paglimbag, ay marami rin ang di mo nararapat basahin, sapagca,t, marahil macasasama sa iyo; at caya ualang macapaghahatol sa iyo nang tapat gaya nang mang� a may catungculang magsaquit sa icagagaling nang iyong caloloua.

Sundin mo ng� a, guilio cong cristiano, itong mang� a bilin co sa iyo, at ipasunod mo naman sa iyong mang� a nasasacupan, at hindi ninyong icapapang� anyaya ang mang� a masasamang casulatan. At cun sacali,t, dala nang di ninyo carunung� an nang dacong arao ay may pinatuloy cayo sa inyong Páhiná 28bahay na mang� a librong masasama ay inyong pagsicapang hanapin, ay dalhin ninyo agad sa Amang Cura cun sa Confesor, na ito ng� a ang lalong magaling; ng� uni,t, cun di ninyo magagaua ito,i, sunuguin ninyong tambing. Sunuguin, sunuguing ualang aua,t, hinayang sa salaping ibinili niyong mang� a libro, at nang houag cayo,i, masunog sa infierno dahilan sa canila.

¡Ay capatid co! cun tularan mo sana ang magandang halimbauang ipinaquita niyaong isang babaying nang� ang� alacal nang libro, ayon sa sinasalita ni P. Mach sa caniyang librong «Tesoro del Catequista»:

Nang malapit nang mangyari yaong balitaa,t, malaquing pagcagulo doon sa caharian nang Francía, ay may isang babaying nang� ang� alacal nang libro na dinatnan nang balita, na si P. Borgar (Beauregard) ay lubhang mariquit na magsermon, na caya ng� a hinahang� aan siya nang lahat na taga Paris. Páhiná 29Dala nang balitang ito,i napasa simbahan nang Nuestra Señora de Paris ang nasabing babayi, at gayac siyang maquiquinyig nang pang� ang� aral nang Pareng yaon; at nagcataon naman na ang mang� a sinasabi nang Pare noong gabing yaon ay pauang nauucol sa mang� a masasamang libro. Ang naturang babayi, baga ma,t, timtima,t, may puri, ay nagbibili nang mang� a librong laban sa ating santa Religión at laban din sa magagaling na asal. Anaqui nabulagan siya nang casaquiman sa salapi, gaya nang pagcabulag nang maraming naglalaco,t,

Page 9: Mga Akda Ni Marcelo

nang� ang� alacal nang mang� a mahahalay na palasintahan, auit, corrido at iba,t, iba pang mang� a masasamang casulatan, at di nila inaanumana ang mang� a casalanang di mabilang na quinacamtan nila, at ang mang� a quinacamtan nang iba dahilan sa canila. Ng� uni,t, ang babaying yao,i, dahil sa pang� ang� aral nang Pare ay iminulat niya ang mata nang caniyang isip, caya,t, napagquilala, na ang mang� a tampalasang librong lumalaban sa santa Religión, at umaaquit sa maruruming hilig nang catauan, ay parang bucal nang camatay-matay na lasong sumisira sa caloloua,t, puso nang tauo; at ang mang� a nagpapalimbag, nagbibili, cun tumutulong sa papaano mang paraan nang pagcacalat sa mang� a gayong libro ay catulad nang mang� a manglalason; at darating ang arao, at sila,i, hihing� an nang Pang� inoong-Dios nang mahigpit na pagsusulit sa mang� a caguluha,t, casalanang nangyari dahil sa canila. Halos Páhiná 30di ng� a magcasiya sa loob nang babaying yaon ang sisi sa sarili, at napag-unaua na ang pang� ang� alacal niya,i, lubhang di carapat-dapat sa isang calolouang may iniing� atan pang cahihiyan at pagquilala sa Dios; caya ng� a,t, minabuti niyang lisanin magpacailan man ang paghahanap buhay na yaon. Nang matapus ang sermon ay tinung� o niya ang bahay nang Pare, at nagsabi sa caniya nang ganito: Aquin napagquiquilala, Ama co, ang cadaquilaan nang aquing pagcacasala sa pagbibili co nang mang� a masasamang libro; ng� uni,t, yayang minulan na ninyo ang paggamot sa aquing caloloua,i, lubusin ninyong pagcagaling� in: pumaroon po cayo sa aquing tindahan, tignan ninyo ang mang� a librong naroroon, at sunuguin po ninyo ang lahat na mamasamain ninyo. Sang-ano man ang maguing capang� aluguihan co, at mauala man sa aquin ang lahat cong mang� a tinubo, ay mamagaanin cong lahat, houag lamang mapacasama ang aquing caloloua. Pinuri ni P. Borgar ang gayong magandang banta, at nang� acong tutulong� an siya sa pagganap nang caniyang ninanasa. Quinabucasa,i, naparoon siya, ibinucod ang mang� a masasamang libro,t, itinuro sa babayi, na quinuha nito,t, isinugbang lahat sa isang malaquing siga na caniyang inihanda. Ang halaga nang mang� a sinunog na libro,i, mahiguit dao sa sanglibo,t, dalauang daang piso; at magmula noo,i, pinagtiticahan niyang mahigpit na hindi na magbibili nang Páhiná 31mang� a ibang libro, cundi yaon lamang macapagpapagaling sa mang� a caloloua.

¡Tularan naua itong magandang halimbaua nang mang� a sederang naglalaco nang mang� a bagay bagay na auit at masasamang libro! Tularan mo rin ng� a, guiniguilio cong bumabasa, cun sacali,t, sa mang� a nacaraang arao,i, di ca nagpacaing� at capara nitong babayi; at tungcol sa haharaping arao ay houag cang lumihis munti man sa mang� a itinuro sa iyo dito sa libritong ito. At isinasamo co pa sa iyo na ipaquilala mo ang libritong ito sa iyong mang� a hinlog, mang� a catoto,t, mang� a caquilala, at nang sila nama,i, gumanap nang mang� a bilin dito: at cun magcaganoon ay mahahadlang� an ang marami sa mang� a capahamacang dala nang masasamang libro,t, casulatan.

¡Loobin naua nang catamis-tamisang Páhiná 32Puso ni Jesús at nang calinis-linisang Puso ni Maria, sampon nang maloualhating Poon san José, na pagpalain nila,t, gauaran nang mahal nilang bendición itong munti cong pagod, upang mapaquinabang� an nang mang� a caloloua, at mapatungcol na lahat sa lalong capurihan nang Dios. Siya naua.

Page 10: Mga Akda Ni Marcelo

Dasalan at Tuksuhan

Ang kabuuan nito ay nasa anyong katesismo at karaniwang dasal subalit naglalaman ng panunuya at tahasang panunuligsa sa mga prayleng kastila. Ito ang naging dahilan kung bakit siya tinawag na Pilibustero sa kanyang kapanahunan.

TandaAng tanda ng kara krus ang ipangadya mo sa amin, Panginoon naming Prayle, sa mga bangkay namin,Sa ngalan ng Salapi at ng Maputing binti, at ng Espiritong Bugaw. Siya nawa.

PagsisisiPanginoon kong Prayle,Diyos na hindi totooat labis na pagkataong gumago at sumalakay sa akin:pinagsisisihan kong masakit na masakitsa tanang loob koang dilang pag-asa sa iyo, berdugo ko.Panginoon ko at kaawayna inihihibik kong lalo sa lahat,nag titika akong matibay na matibayna di na muli-muling mabubuyo sa iyo:at lalayuan ko na at pang-iilaganang balanang makababakla ng loob kosa pag-asa sa iyo,at nakalilibat ng dating sakit ng mga bulsa ko,nag titika naman akong maglalathala ng dilang pagkadaya ko,umaasa akong babambuhin ka rin,alang-alang sa mahal na pasyion at pangangalakal mo ng Krus,sa pag-ulol sa akin.Siya nawa.

Page 11: Mga Akda Ni Marcelo

Ama NaminAma namin sumasakumbento ka,sumpain ang ngalan mo,malayo sa amin ang kasakiman mo,gilitan ang leeg mo dito sa lupa para ng sa langit.Saulian mo kami ngayon ng aming iyong inaraw-arawat patawanin mo kami sa iyong pag-ungalpara nang pagpapatawa mo kung kami’y nakakwartahan;at huwag mo kaming ipahintulot sa iyong mga tuksoat ihadya mo kami sa masama mong dila.

Aba Ginoong BaryaAba ginoong Barya nakapupuno ka ng alkansyaang Prayle ay sumasainyobukod ka niyang pinagpala’t pinahigit sa lahat,pinagpala din naman ang kaban mong mapasok.Santa Barya Ina ng Deretsos,ipanalagin mo kaming huwag anitan ngayonat kami ipapatay. Siya nawa.

Aba Po Santa BaryaAba pong Santa Baryang Hari,inagaw ng Prayle,ikaw ang kabuhayan at katamisan.Aba, bunga ng aming pawis,ikaw ang pinagpaguran namingpinapanaw na taong anak ni Eba,ikaw nga ang ipinagbubuntong hininga naminsa aming pagtangis dito sa bayang pinakahapis-hapis.Ay aba pinakahanap-hanap namin para sa aming mga anak,ilingon mo sa amin ang kara krus mo man lamangat saka bago matapos ang pagpanaw mo sa aminiparinig mo ang kalasing mo Santa Barya ina ng deretsos,malakas at maalam, matunog na gintokami’y ipanalangin na huwag magpatuloy sa aminang mga banta ng Prayle. Amen.

Page 12: Mga Akda Ni Marcelo

Mga Utos ng PrayleAng mga utos ng Prayle ay sampu:una: Sambahin mo ang Prayle ng lalo sa lahat.ikalawa: Huwag kang magpapahamak manumba ng ngalang deretsos.ikatlo: Mangilin ka sa Prayle lingo man at fiesta.ika-apat: Isangla mo ang katawan mo sa pagpapalibing sa ama at ina.ikalima: Huwag kang mamamatay kung wala pang salaping pang-libing.ika-anim: Huwag kang makiapid sa kanyang asawa.ikapito: Huwag kang maki-nakaw.ika-walo: Huwag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.ika-siyam: Huwag mong ipagkait ang iyong asawa.ika-sampu: Huwag mong itanggi ang iyong ari.Itong sampung utos ng Prayle’y dalawa ang kinauuwian.

isa: Sambahin mo ang Prayle lalo na sa lahat.ikalawa: Ihain mo sa kanya ang puri mo’t kayaman. Siya nawa.

Ang mga kabuuang asal, ang pangalang tontogales ay tatlo,Igalang mo …Katakutan mo …ang Prayle at Pag Manuhan mo…

Page 13: Mga Akda Ni Marcelo

Isang Tula sa BayanNi: Marcelo H. Del Pilar

Sa iyong kandungan tinubuang lupa,Paung nalilimbag ang lalong dakila,

Narito rin naman ang masamang gaua,Na ikakaamiis ng puso’t gunita.

Ang kamusmusan ko kung alalahanin,Halaman at bundok, yaman at bukirin,Na pauang naghandog ng galak s akin,

Ay inaruga no baying ginigiliw.

Ipinaglihim mo nang ako’y bata paAng pagdaralitang iyong banibata,Luha’y ikinubli’t nang di mabalisa,

Ang inandukha mong musmos kong ligaya.

Ngayong lumaki nang loobin ng langit,Maanyong bahagya yaring pag-iisip,

Magagandang nasa’y tinipon sa dibdib,Pagtulong sa iyo baying iniibig.

Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatpAng pagkadusa mo’t wala nang nahabag,Gayong kay-raming pinagpalang anak!

Sa agos ng iyong dugong apinawis,Marami ang dukhang agad nagsikimis,

Samantalang ikaw, Bayang iniibig,Ay hapung-hapo na’t putos nang gulanit.

Santong matuid mo ay iginagalang,Ng Diyos na lalong makapangyarihan

Na siya ngang dapat na magbigay dangal,Bagkus ay siya pang kinukutyang tunay.

Page 14: Mga Akda Ni Marcelo

Nguni’t mabuti rin at napupurihan,Sa pag hahari mo itong pamamayan,Sapagka’t nakuhang naipaaninaw,

Na ditto ang puno’y din a kailangan.

Kung pahirap lamang ang ipadadala,Na nangagpupuno sa ami’y sukat na

Ang hulog ng langit na bagyo’t koleraLindol, beriberi madla pang balisa.

Page 15: Mga Akda Ni Marcelo

Bayani ng Rebolusyon ng Pilipinas

NAKILALA si Marcelo H. del Pilar bilang Plaridel. Ipinanganak siya noongika-30 ng Agosto taong 1850 sa Cupang, San Nicholas, Bulacan. Angkanyang mga magulang ay sina Julian del Pilar at Blasa Gatmaytan.Nanguna siyang propagandista para sa reporma ng Pilipinas at naging editorat publisher din ng La Solidaridad. Nagsimula siyang mag-aral sa Kolehiyo deJose Flores at lumipat sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Nakatapos siyang kursong abogasya noong 1880.

Kilalang-kilala siya bilang si Plaridel isang matalentong tao, marunongmagpiyano, biyolin at flute. Mahusay din siya sa larong fencing. Kumakantasiya ng mga serenata at tumutugtog ng magagandang awitin sa biyolintuwing Flores de Mayo.

Pinakasalan ni Marcelo H. del Pilar ang kanyang pinsan na si Marciana delPilar noong 1878. Nagkaroon sila ng pitong anak.Noong 1878, itinatag ni Plaridel ang Diaryong Tagalog para mailathala angpagpuna at pagpansin kung papaano namamalakad ang gobyernongEspanyol sa Pilipinas. Tinulungan siya ni Pedro Serrano Laktaw sapagpapalathala ng "Dasalan at Tuksuhan" at ng "Pasyong Dapat Ipaalabng Puso ng Taong Bayan."

Sa Espanya, kasama siya ni Graciano Lopez-Jaena sa paglathala ng LaSolidaridad. Ang pahayagang ito ang naging instrumento sa naglalathala ngkanilang mithiin na mapaunlad ang gobyerno ng Pilipinas. Si Plaridel anghumalili kay Lopez-Jaena bilang editor ng pahayagan.

Matatag na ang reputasyon ni Marcelo H. del Pilar bilang propagandista bagonagkaroon ng utos na arestuhin siya noong 1880. Ito ang nagtulak sa kanyaupang tumakas siya sa Espanya. Nagbalik siya sa bansang kanyangsinilangan at sa Bulakan ay natagpuan niya ang mga taong handang makinigsa kanya. Si Del Pilar ay sumulat ng mga propagandistang pamphlet saparaang maliwanag, mabisa at simpleng Tagalog lamang ang gamit.

Nailathala sa kanyang panahon ang kanyang Parodies of the Our Father, HailMary, the Apostles" Creed, Ang Sampung Utos at Ang Catechism kung saannaging epektibo ang propaganda kahit na magkakatulad ang pormat at habing mga nobela.

Namatay si Del Pilar noong ika-4 ng Hulyo 1896 sa Barcelona, Espanya.Sakit na tuberculosis ang kumitil sa kanyang buhay.

Hindi siya itinuturing na isang filibustero. Namatay siya nang walang poot samakapangyarihang bansa, subalit ipinakita niya na may galit siya sa mganaghahari sa Pilipinas.

Page 16: Mga Akda Ni Marcelo

Pag-ibig sa Tinubuang LupaNi: Marcelo H. Del Pilar

Aling pag-ibig pa ang hihigit kayaSa pagkadalisay at pagkadakila

Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa?Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Pagpupuring lubos ang palaging hangadSa bayan ng taong may dangal na ingat,

Umawit, tumula, kumanta't sumulat,Kalakhan din niya'y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandogNg may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,

Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,Na hinahandugan ng buong pagkasi,Na sa lalong mahal nakapangyayari,

At ginugulan ng buhay na iwi?

Ito'y ang Inang Bayang tinubuan:Siya'y ina't tangi sa kinamulatan

Ng kawili-wiling liwanang ng arawNa nagbigay-init sa buong katawan.

Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,Mula sa masaya'y gasong kasanggulan

Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan!Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,

Walang alaala't inaasa-asamKundi ang makita'y lupang tinubuan.

Pati ng magdusa'y sampung kamatayanWari ay masarap kung dahil sa bayan

At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.

Kung ang bayang ito'y masasa-panganibAt siya ay dapat na ipagtangkilik,

Ang anak, asawa, magulang, kapatid;Isang tawag niya'y tatalikdang pilit.

Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhaySa pag-asang lubos ng kaginhawahan

Page 17: Mga Akda Ni Marcelo

At walang tinamo kundi kapaitan,Hayo na't ibangon ang naabang bayan!

Kayong nalagasan ng bunga't bulaklakNg kahoy ng buhay na nilanta't sukat,

Ng bala-balaki't makapal na hirap,Muling manariwa't sa baya'y lumiyag.

Ipahandug-handog ang buong pag-ibigAt hanggang may dugo'y ubusing itigis;kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,

Ito'y kapalaran at tunay na langit!

Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas

Ni: Marcelo H. Del Pilar

Puso ko'y nahambal ng aking marinigbunso, ang taghoy mo't mapighating hibik,

wala ka, anak kong, sariling hinagpisna hindi karamay ang in among ibig.

Wala kang dalita, walang sa kahirapanna tinitiis kang di ko dinaramdam:

ang buhay mo'y bunga niring pagmamahal,ang kadustaan mo'y aking kadustaan.

Pagsilang mo, bunso, sa sangmaliwanagnang panahong ako'y di pa nagsasalatwalang inadhika ang in among liyag

kundi puspusin ka ng ginhawa't galak.

Sa awa ng langit ikaw ay saganang sukat iyamang malalagong lupa,lahat ng pananim wala mang alaga

sa kaparangan mo'y tumutubong kusa.

Ang tabako't kape, palay, tina't bulakabaka at tubo'y kailangang lahat,

sa mga lupa mo'y tantong naggugubatitong sa sangmundo'y hirap mahagilap.

Page 18: Mga Akda Ni Marcelo

Sarisaring kalap na sakdal ng tibaysakdal ng la-laki sa dikit ay sakdal;hindi makikita sa sangdaigdigan,

ngunit sa budok mo'y nangagkalat lamang.Ang asupre't tingga, ang tanso at bakal

ang ginto at pilak ay nangahuhukaysa mga lupa mo't sa dagatan nama'ysarisaring perlas ang matatagpuan.

Tantong naliligid ang mga lupa mong dagat ng China't dagat Pacifico

balang mangangalakal sa buong sangmundopawang naakit dumalaw sa iyo.

Talaga nga manding ikaw ang hantunganng sa ibang nasyong sinimpang puhunan;

ikaw nga't di iba dapat makinabangnang yaman sa iyo'y gawad ng Maykapal.

Sa gayo'y kailangan mata mo'y mamulatisip ay gisingi't nang makatalastasng sukat asaliing ipagkakapalad

sa buhay na ito't nang di ka maghirap.

Akong iyong ina'y taga-tupad bilangng mga tadhana ng Poong Maykapal,ipinaiwi ka't ang hangad ko lamang

musmos na isip mo'y sakiting aralan.

Ituro sa iyo ang utang na loobsa nagkakandiling maawaing Diyos;

matuto ka namang sumamba't umirog,puso mo sa kanya'y huwag makalimot.

At para mo na ngang pasalamat bilang,makapagtanggol ka sa kapanahunanng aring tinamo't maapamahalaan

tapat na paggamit ng santong katwiran.

Ang tagapagturo'y pinakapili ko,hinirang sa lalong mabait na tao;

Page 19: Mga Akda Ni Marcelo

ako'y nabighani't umaasang totoosa may sinumpaang mahigpit na boto.

Ang lahat ng prayle ay may sinumpaansa harap ng Diyos, na anaki'y tunay,

na ito raw mundo'y kusang tatalikdan,kusang tumatangi sa lahat ng yaman.

Saan di nga baga, bunsong ginigiliw;prayle ang siyang aking hihiranginna tagapag-iwi blang taga-tingin

sa iyo't nang di ka baga pagliluhin.

Mahigit na ngayon tatlong daan taonna iniiwi kang prayle ang may kandong;

katiwala akong sa gayong panahonang isip mo't yaman nama'y yumayabong.

Katiwala akong nagpapanuto kasa landas ng iyong sukat iginhawa;katiwala akong dangal mo't ligaya

ngayo'y tinatanghal na walang balisa.

Tatlong sacerdote ang ipinabitay,bukod sa maraming pinahihirapan,

at dili umano'y nakapipigil dawng iyong ligaya, bunsong minamahal.

Hindi ko inino't ang buo kong asaay pagmamasakit ang ginawa nila,

sa pagkabuhay mo't hindi ko napunangmagdarayang udyok ng masamang pita.

Sa abang-aba ko't laking kamalian!laking pagkasawi! laking kadustahan!

ng ipagpabaya sa kapahamakan,ang dapat mahaling usbong niring buhay.

Ngayon ko nga lamang, bunso, natalastasna ang nangaaba at kinulang palad

ay pawing mabait, pawing nagsisikap

Page 20: Mga Akda Ni Marcelo

dangal ta't katwira'y igalang ng lahat.

Prayle'y napoot sa magandang naisng sa ati'y tapat kung magmalasakit

ngayon ko natanto, ngayon ko nabatidang kandili niya'y bagkus panggagahis,Sa kayamanan mo'y sila ang sumamsamngalan pa ng Diyos ang sinasangkalanat dinadaya kang di mo raw kakamtamang langit kung hindi sila ang bayaran.

Di ka raw titingnan ngMahal na Birhenkung di ka bumili ng sintas at kalmen;pag hindi mainam ang pagpapalibingang harap ng Diyos, hindi sasapitin.

Sa paniniwala ng mga anak mo,maraming naghirap, at nasa kombento

ang kanilang yama't sila'y ingkilinona namumuwisan sa paring natuto.

Ang lupang nilawag at pinaghirapanng magulang nila't mga kanunuan

ngayo'y asyenda na't nahulog sa kamayng hindi nagpagod at di namuhunan.

Ang laki at higpit sa pana-panahonng pagpapabuwis ay sulung ng sulong,

makasingil lamang ay di nililingonhirap ng magsaka;t pawis na ginugol.

Salapi at pagod ng nagsisibuwisay walang katumbas kung di ang maghapis,

tanghaling sagana ang hindi nagpawis,maibaon sa utang at tumangis-tangis.

Ang lahat ng ito'y ninanais sanang malagyang lunas ng sinta mong ina,ngunit paanhin ko, ngayo'y matanda na,

hapo na sa hirap ako't walang kaya.

Page 21: Mga Akda Ni Marcelo

Ang mga balitang Legazpi't Salcedoat iba't iba pang inaasahan ko

sa pagkakalinga ng tapat sa iyo,ngayon ay wala na't inulila tayo.

Sa nangangatirang ngao'y nabubuhayoo't may mabait, bayani at paham;ngunit sia-sila'y nangag-iiringan

di magkasundo sa anumang pakay.

Sa ibig ng isa'y hahadlang ang iba,sa balang kuruin ay di magkaisa

walang mangyayari tungol may halagasa gayo'y paanong aasahan sila!

Kaya kailangan bunsong iniirog,matutong magtiis iayon ang loob,

sa madlang dalita, kung ayaw kumilosang mga anak mo sa pagkakatulog.

Mga taga-rine, Pransuay, Alemanyaat iba pang nasyon ditto sa Europa

ay nangaghirap din sa prayle ng unapawang nangday, pawa ring ginaga.

Kanilang nasayod lahat ng hinagpissa paniniwala't maling pananalig,

sa prayleng nagpanggap ng taong malinisna nagpakadukaha't nag-anyong mabait.

Bayan, palibhsang marunong mahabag,ay nahambal ngani sa nakitang hirap,

ang prayle'y kinandong, pinuspos ng lingap,ang mga kumbento'y sumaganang lahat.

Prayle'y hindi naman nagpapahalatadaddaga't dagdagan pag-aanyong aba,hindi napapansin lihim nilang banta

na ang namamaya'y kanilang mapiga.

Page 22: Mga Akda Ni Marcelo

Sapagkat ang prayle'y hindi kaparisnitong mga Paring itim kung manumit,ang prayle ay anak sa bundok at yungib

ng mga magulang na napakagipit.

Anak sa dalagita'y buong pagsasalatwalang nalalamang gawaing paghahanap

kaya kailangang tuyuin ang lahatupang manariwa ang sariling balat.Pag may mamatay na tila mayamanprayle ang aagap magpapakumpisal,

at inuukilkil na ang pamanahanng aring inumpok ay kumbento lamang.

Hinlog, kamag-anak ay dapat limutinsa oras na iyon, siyang sasabihin,kalulwa't yaman dapat na ihain

sa prayle't ng huwag impyerno'y sapitin.

Ang lahat ng ito'y nadaragdagan pang bala-balaking panilo ng kuarta

kalmen, sintas, kordon, palibing, pamisa,ay pawing pandukot sa maraming bulsa.

Sa gayon nang gayo'y lumaki nga namanang ari ng prayle't naghirap ang bayan;

mahalinhang bigla ng kapalaluanang binalatkayong kababaang asal.

Diyan na naninghal, diyan na nang-apibuong kataksilan ang pangyayari,

ang bawa't pinuno sa prayle ang kampibaya'y namighati sa pagkaduhagi.

Ganda ng babae, ang dunong ang yamanay nagiging sanhi ng kapahamakan,

walang sumaklolong may kapangyarihansa kualita't nayuko baras ng katwiran.

Page 23: Mga Akda Ni Marcelo

Ang balang magsabi, ang balang mag-isipng magpaaninaw ng santong matuwid,walang nararating kungdi ang maamisluha'y patuluin hanggang sa mainis.

Sapagka't ang balang mapaghinalaanna sa hangad nila'y di maaasahan

ay ipapahuli at pararatanganng salang dakila't madlang kataksilan.

At sa bilanggua'y agad kukulunginsa gutom at uhaw ay papipitiin,

ang lamig ng lupa'y siyang babaniginng sa kanyang baya'y natutuong gumiliw.

Hindi tutulutang magtamong liwanagsa araw at gabi ay kahabag-habag

kung hapong-hapo na sa gayong paghirapay paaamining siya nga'y nagsukab.

May ipinapangaw ang dalawang paakamay at katawa'y gagapusin muna,saka tatapatan ang sakong ng baga

hanggang di umamin sa paratang nila.

At kung masunod na ang kanilang nasaumamin sa sala ang lipos-dalita

tali nang kasunod, parusa'y ilalagdasa martir ng prayle't mapapanganyaya.

Ang parusa noo'y samsamin ang yamanSaka unti-unting alisan ng buhay;daraan muna sa isang simbahan

Ang kinulang-palad . . . at saka sisigan.

Sa gitna ng plasa ay may nakahandana naglalalagablab na malaking siga,diyan igagatong sa harap ng madla

ang sa kanyang baya'y ibig kumalinga.

Taghoy ng sinigan at madlang kaharap

Page 24: Mga Akda Ni Marcelo

luha ng magulang, hinlog, kamag-anakpagtangis ng madla ay walang katapat

kundi ang sa prayleng tawa at halakhak.

Yutang-yutang tao ang nanguuyamng panahong yaon sa gayong paraan,ang payapa't aliw noon ay pumanawnalipos ng luksa libo-libong bayan.

Ang yaman nasamsam, buhay na nakitilay di babahagya't noo'y walng tigil,

ang sipag ng pralye sa gawaing magtaksil.magsabog ng dusa, gutom at hilahil.

Ano pa nga't noon ay kulang na lamangAng nangaulila'y magpapatiwakal;

Niloob ng langit, nanangagsangguinianat nangagkaisang sila'y magdamayan.

Diyata nga kaya, ang winika nila,at wala nang lunas sa ganitong dusa?

diyata nga baga't itong binabatasa inaanak nati'y ipapamana pa?

Huwag magkagayo't yayamang namalas,na sa daang ito'y nasubyang ang landas,

ay hawanin nating, sakitin ng lahat,ilayo ang madla sa pagkapahamak.

Lalaki't, babae, matanda at bata,ngayo'y manalangin, sa langit paawa,ang santong matwid sa kusang dinusta

ay ibangon nati't Diyos ang bahala.

Kanilang nilusob ang mga kombento,prayle'y inusig pinutlan ng ulo,

ang balang makitang prayleng nakatakbokung hindi barilin, kanilang binato.

Higanti ng baya'y kakila-kilabotwalang pagsiyahan ang kanilang poot,

Page 25: Mga Akda Ni Marcelo

ang mga kombento'y kanilang sinunoginuring pugad ng masamang hayop.

Prayle'y nanglalaban, ngunit lalin kayasa galit ng bayan ang magiging kuta!

ang payapang dagat, pasiyang nagbalaay walang bayaning makasasansala

Yaong bayang supil, dating mahinahon,dating mapagtiis, at mapagpasahol,inunos ng dusa't malalaking alon

ng paghihiganti noo'y luminggatong.

Walang nakapigil, walang nakasangga,palibhasa'y bayan ang magpaparusaang mga pinuno'y nawalan ng kaya,umayon sa baya't nang di mapag-isa.

Kaya nga bunso ko't magpahangga ngayonang Prayleng lumakad sa kanilang nayon,

kahit na bata ay nagsisipukolinu-using nilang parang asong ulol.

Sa paraang ito, bunsong minamahalang dating dinusta'y makatighaw-tighaw;ang prayle'y lumayas, iniwan ang bayan

at muling naghari ang kapayapaan.

Ngunit hindi naman ako nagpapayoang ganoong paraan baga'y asalin mo,

ako'y walang sukat na maisaklolo,kaya katitii, magtiis, bunso ko.

Walang natimawa sa pagka-duhagi,na di namumuhunan ng pamamayani;kung hindi mo kayang prayle'y iwaksimagtiis ka, irog, sa palad mong imbi.

Ang mga anak mo'y nangagugupiling,sa dusting lagay mo'y di nahihilahil,

magdarayang hibo ng kaaway na lihim

Page 26: Mga Akda Ni Marcelo

siiyang diniringig, luha mo'y di pansin.

Diyata ay sino ang dapat mag-adyasa iyo, bunso ko, kung hindi nga sila?kung sa mga anak mo'y di makaaasa,

walang daan, irog, kundi ang magbata.

Ang araw na sila'y magka-isang loobat mangagkagising sa pagkakatulog;ang araw na iyan, ang araw ng Diyos

baya'y maniningil . . . Sino ang sasagot?

Kailangan bunsong, sila'y mahiratisa pagmamasakit sa bayang sarili:

Kay Rizal na librong pamagat ay Noli . . .huwag lilimuting ganito ang sabi:

"Panaho'y matamis sa tinubuan bayan"at pawang panglugod ang balang matanaw,

"ang simoy sa bukid ay panghatid buhay,"tapat ang pag-irog, subalit ang namatay."

Alinsunod dito'y aling hirap kayaang sukat indahin sa pagka-kalinga,sa sariling baya't upang matimawa,sa madlang pahirap at sumapayapa?

Ang lahat mong anak, ginhawa't dukha man,maging taga bukid, maging taga bayan,lalaki't babae, pantas man at mangmang,santong matwid mo'y dapat ipatanghal.

Walang iba, bunso, na dapat hiliinsila ng sa iyo'y tapat na pagtingin:

ang pagpapabaya'y pananagutan din,sa harap ng Diyos sila'y sisisihin.

Mapanglaw na sumpa ng Poong May-kapal,sa tamad na puso ay kalumbay-lumbay"kayong nagpabaya sa sariling bayan,

"anya'y dapat naming Aking pabayaan!"

Page 27: Mga Akda Ni Marcelo

Ilayo ng langit sa ganitong sumpaang mga anak mo, bunsong minumutya:

sa iyo'y matuto ng pagkakalingamatutong umampat ng iyong pagluha.

Ito na nga lamang ang maisasagotng salantang ina sa hibik mo, irog;

sasakyan mo'y gipo, huwag matutulogang mga anak mo't masigwa sa laot.