28
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig 8

Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

  • Upload
    others

  • View
    19

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 1:

Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig

8

Page 2: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando

Telefax: (045) 598-8580 to 89

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Geline T. Fajardo

Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD

Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz

Tagasuri ng Wika: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz

Diosdado S. Mateo / Erfe Donna A. Aspiras

Edelwiza L. Cadag

Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor

Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia

Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V

Librada M. Rubio, PhD

Angelica M. Burayag, PhD

Ma. Editha R. Caparas, PhD

Nestor P. Nuesca, EdD

Marie Ann C. Ligsay, PhD

Dominador M. Cabrera, PhD

Edward C. Jimenez, PhD

Ma. Leonora B. Cruz

Page 3: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

8

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1:

Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig

Page 4: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 lternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong

o estratehiyang magagamit sa paggabay sa

mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 lternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Page 6: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

iv

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang makatulong na higit mong maunawaan

ang aralin tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig. Pagtutuonan ng pansin sa ating

pag-aaral sa modyul na ito ang mga mahahalagang bagay o datos sa estruktura ng

Daigdig, katangiang pisikal nito, katuturan at heograpiya ng daigdig na may

pagsusuri sa limang tema nito.

Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksang talakayan:

Talakayan 1 – Estruktura ng Daigdig

Talakayan 2 – Katangiang Pisikal ng Daigdig

Talakayan 3 – Limang Tema ng Heograpiya

Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang

a. nakapagtatalakay ng estruktura ng Daigdig;

b. nakapagsusuri ng limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa

pag-unawa sa Daigdig; at

c. nakapag-uugnay ang heograpiya at katangiang pisikal ng may

lokalisasyon.

Page 8: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

2

Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa

iyong sagutang papel.

1. Libo-libong Pilipino ang nangingibang bansa sa Italya at Pransiya upang magtrabaho. Anong tema ng heograpiya ang tumutukoy dito?

A. lugar C. rehiyon

B. lokasyon D. paggalaw

2. Aling kontinente ang HINDI kabilang sa “Ring of Fire”?

A. Africa C. South America

B. Asia D. North America

3. Kung ang imaginary line na tumatakbo nang pahalang sa globo ay tinatawag

na latitude, ano naman ang imaginary line na pahalang na humahati sa globo

sa dalawang bahagi?

A. ekwador C. parallel

B. longhitud D. Prime Meridian

4. Bakit iba-iba ang naging pamumuhay ng mga tao sa Daigdig?

A. iba-iba ang mga taglay na kagamitan ng mga bansa sa Daigdig

B. iba-iba ang anyong lupa,tubig, at klima ng mga bansa sa Daigdig

C. iba-iba ang gawi at paniniwala ng mga tao sa iba’t ibang kontinente

D. iba-iba ang gusto ng mga tao sa iba’t ibang kontinente

5. Si Juan ay nanibago sa kanyang lugar sa Bataan dahil nagkaroon na ng iba’t

ibang fast food chain at komersiyal na establisyemento. Anong tema ng

heograpiya ang tumutukoy dito?

A. paggalaw C. lugar

B. lokasyon D. interaksiyon ng tao at kapaligiran

6. Anong planeta nang may kakayahang makapagpanatili ng buhay?

A. Benus C. Húpiter

B. Daigdig D. Marte

7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI saklaw ng heograpiya?

A. flora at fauna C. lokasyon at lugar

B. anyong tubig at anyong lupa D. klima at panahon

8. Anong kontinente ang ikalawa sa pinakamaliit na halos 6.8% lang ang

kabuuang lupa sa digdig?

A. Europe C. South America

B. Asya D. Australia

9. Anong karagatan ang matatagpuan sa Silangang bahagi ng Daigdig?

A. Indian Ocean C. Atlantic Ocean

B. Arctic Ocean D. Pacific Ocean

Page 9: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

3

10. Kumpletuhin ang pangungusap: Ang Mt. Everest, Mt. Fuji, Mt. K-2 ay mga

halimbawa ng ______________.

A. anyong lupa C. pinakamataas na bundok sa Daigdig

B. anyong tubig D. pinagkukunang yaman

11. Hebrew ang wika sa Israel na nagmula sa pamilyang Afro-Asiatic. Anong

tema ng heograpiya ang tumutukoy dito?

A. paggalaw C. lokasyon

B. lugar D. interaksiyon ng taoat kapaligiran

12. Dito matatagpuan ang mga bukod tanging species ng hayop at halaman

tulad ng kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil, platypus, at iba pa.

Anong kontinente ito?

A. Asya C. Africa

B. Australia D. North America

13. Si Maria ay nakaramdam ng lamig nang umulan sa kanilang lugar sa

Zambales. Anong konsepto ang tinutukoy nito?

A. panahon C. fauna

B. flora D. klima

14. Napagdesisyonan ng Pamilya Romero na mamalagi na sa Australya? Anong

tema ng heograpiya ang tumutukoy dito?

A. lugar C. rehiyon

B. paggalaw D. interaksiyon ng tao at kapaligiran

15. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang

isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?

A. May bahagdan ng populasyon ng Pilipinas ay mga Muslim.

B. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng

Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

C. Ang Japan ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga turista.

D. Ang Thailand ay miyembro ng Association of Southeast Asian

Nations.

Page 10: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

4

Aralin

1 Katangiang Pisikal ng

Daigdig

Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang

interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Sa modyul na ito, pagtutuonan mo ng

pag-aaral ang estruktura ng Daigdig, katangiang pisikal nito, katuturan at

heograpiya ng Daigdig na may komprehensibong pagsusuri sa limang tema nito.

Tatalakayin dito ang malaking bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng

pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon upang maipakita ang

ugnayan ng kasaysayan at heograpiya. Simulan mo na.

Balikan

Isa ang Daigdig sa walong planetang umiinog sa araw na bumubuo ng solar

system. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na

posisyon nito.

• Batay sa larawan, saan matatagpuan ang planetang daigdig sa solar system?

• Ano-anong katangian ng daigdig ang nakapagpapanatili ng buhay?

https://c0.wallpaperflare.com/preview/996/748/47/solar-system-sun-mercury-venus.jpg

Page 11: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

5

Tuklasin

Paano mo ba mailalarawan ang daigdig? Iguhit ang naiisip na itsura ng mapa ng

Daigdig nang hindi tumitingin sa mapa o kahit anong resources. Sa loob ng kahon,

simulan ang iyong pagkatuto.

Mga Tala para sa Guro

Mahalagang malaman ang mahahalagang kaalaman

tungkol sa Daigdig tulad ng tinatayang bigat, edad, populasyon,

kabuuang lawak ng ibabaw ng Daigdig, lawak ng kalupaan at

karagatan, pangkalahatang lawak ng katubigan, uri ng tubig,

kabilugan sa equator at poles, diyametro sa equator at poles,

radius sa equator at poles, bilis ng pag-ikot, at orbit sa araw.

Gayundin ang pagsuring mabuti sa mga diyagram upang mas

maintindihan ang estruktura ng Daigdig.

Ang Aking Likhang Mapa

Page 12: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

6

Suriin

Estruktura ng Daigdig

Ang Daigdig o kilala rin bilang mundo o sangkalupaan ay ang tanging planeta

sa solar system na may kakayahang magpanatili ng buhay. Ito ay ikatlong planeta

mula sa araw, pinakamasukal na planeta sa sistemang solar at pang-apat sa

pinakamalaking planetang terestriyal. Tara na’t alamin pa ang ibang bahagi na

patungkol dito.

Ang Daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi

nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang

inaanod sa mantle. Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na ito. Sa katunayan,

umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang

paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng mga

paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan.

Crust

Upper Mantle

Lower Mantle

Outer Core

Inner Core

Ang matigas at mabatong bahagi ng Daigdig na may kapal na umaabot

sa 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente ay binubuo ng crust.

Ito ay may kapal lamang na 5-7 kilometro sa ilalim ng mga karagatan.

Ang isang patong ng mga

batong malambot at natutunaw ang

ilang bahagi ay tinatawag na

mantle.

Ang core ay ang kaloob-

loobang bahagi ng Daigdig na

binubuo ng mga metal tulad ng iron

at nickel.

Page 13: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

7

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/8/86/Latitude_and_Longitude_of_the_Earth_fr.svg/1280px-

Latitude_and_Longitude_of_the_Earth_fr.svg.png-Latitude_and_Longitude_of_the_Earth.svg.png

Southern Hemisphere Western Hemisphere

Northern Hemisphere Eastern Hemisphere

Prime Meridian

Ang Daigdig ay may

apat na hating-globo

(hemisphere): Ang Northern

Hemisphere at Southern

Hemisphere na hinahati ng

equator, at ang Eastern

Hemisphere at Western

Hemisphere na hinahati ng

Prime Meridian.

Maaaring matukoy ang lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa sa paraang

absolute, astronomikal o tiyak. Tinatawag na longitude ang distansyang angular na natutukoy sa pagitan ng dalawang meridian patungo sa silangan o kanluran ng Prime Meridian. Ang Prime Meridian ay itinalaga bilang zero degree longitude. Ito ang likhang-isip na guhit na humahati sa globo sa silangan at kanlurang hemispero. Ang latitude ay ang distansyang angular sa pagitan ng

dalawang parallel patungo sa Hilaga o Timog ng Ekwador. Ang ekwador ay ang

likhang-isip na guhit na humahati sa globo sa Hilaga at Timog na Hemispero. Ito ay itinatakda bilang zero degree latitude. Ang Tropic of Cancer ang

pinakadulong bahagi sa hilagang hemispero na direktang sinisikatan ng araw. Makikita ito sa 23.5° Hilaga ng Ekwador. Ang Tropic of Capricorn ang

pinakadulong bahagi ng Timog Hemispero na direkta ring sinisikatan ng araw.

Matatagpuan ito sa 23.5° Timog ng Ekwador.

Page 14: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

8

Ang daigdig ay binubuo ng mga kontinente. Ang kontinente ay ang

pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May mga kontinenteng

magkakaugnay samantalang ang iba naman ay pinalilibutan ng katubigan.

Gayundin naman, ang iba ay nagtataglay ng napakaraming mga bansa samantalang

ang iba ay mayroon lamang kakaunti. May pitong kontinente ng daigdig – Africa,

Antarctica, Asya, Australia, Europa, Hilagang America at South America.

Ang malaking suplay ng ginto at diyamante

ay nagmumula sa Africa. Naroon din ang Nile River

na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang

Disyerto ng Sahara, na pinakamalaking disyerto.

Nagtataglay ang Africa ng pinakamaraming bansa

kung ihahambing sa ibang mga kontinente.

Ang Antarctica naman ang tanging

kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal ay

umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito,

walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa

mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol

dito. Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal

ang karagatang nakapalibot dito.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/9/91/Africa_on_the_globe_%28white-

red%29.svg/600px-Africa_on_the_globe_%28white-red%29.svg.png

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/bf/Antarctica_on_the_glob

e_%28white-red%29.svg/1024px-Antarctica_on_the_globe_%28white-red%29.svg.png

Page 15: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

9

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/be/South_America_on_the_gl

obe_%28white-red%29.svg/767px-South_America_on_the_globe_%28white-red%29.svg.png

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/2/22/North_America_on_the_globe_%28white-red%29.svg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/t

humb/7/71/Australia_on_the_globe_%28Antarctic_cl

aims_hatched%29_%28Oceania_centered%29_with_bo

rders.svg

Ang laki ng Europa ay sangkapat (1/4) na

bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa

sa pinakamaliit na kontinente ng Daigdig sa lawak na

halos 6.8% ng kabuoang lupa ng Daigdig.

Isang bansang kinikilala ring

kontinenteng pinakamaliit sa Daigdig ay ang

Australia at Ocenia. Napalilibutan ito ng

Indian Ocean at Pacific Ocean, at inihihiwalay

ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit

50 milyong taong pagkakahiwalay ng

Australia bilang isang kontinente, may mga

bukod tanging species ng hayop at halaman

na sa Australia lamang matatagpuan.

Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala,

Tasmanian devil, platypus, at iba pa.

Sa kabilang banda, ang North America ay

may hugis na malaking tatsulok subalit

mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng

Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang

mahabang kabundukan ang matatagpuan sa

kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa

silangan at Rocky Mountains sa kanluran.

Gayundin, ang South America ay hugis

tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa

bahaging ekwador hanggang sa Cape Horn sa

katimugan. Ang Andes Mountains na may habang

7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuoang

baybayin ng South America.

Sa tahasang sabi, ang pinakamalaking

kontinente sa mundo ay ang Asya.

Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa

sa pinagsamang lupain ng North at South

America, o sa kabuuang sukat ng Asya ay

tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng

kabuuang sukat ng lupain ng Daigdig. Nasa

Asya rin ang China na may pinakamalaking

populasyon sa Daigdig at ang Mt. Everest na

pinakamataas na bundok sa pagitan ng

Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.

https://upload.wikimedia.org/wikipedi

a/commons/2/24/Asia_on_the_globe_

%28red%29.svg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/a0/Europe_on_the_globe_%28red%29.svg

Page 16: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

10

Katangiang Pisikal ng Daigdig

Ang salitang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng

katangiang pisikal ng Daigdig. Nagmula ito sa salitang Griyego na geo o Daigdig at

graphia o paglalarawan.

Diyagram 1.1 Saklaw, Sangay, Limang Tema ng Heograpiya at Kaugnayan sa

mga Disiplina

Heograpiya

Heograpiyang

Pisikal

Heograpiyang

Pantao

Dalawang Sangay

• Lokasyon

• Lugar

• Rehiyon

• Interaksiyon ng

tao at kapaligiran

• Paggalaw

Kaugnayan sa

mga disiplina

Limang Tema

• Kasaysayan

• Agham

• Sosyolohiya

• Ekonomiks

saklaw

anyong lupa at tubig, likas na

yaman, klima at panahon, flora

(plant life), fauna (animal life)

distribusyon at interaksiyon ng

tao at iba pang organismo sa

kapaligiran nito

Nakaaapekto ang katangiang

pisikal ng Daigdig nang malaki sa

pamumuhay at kultura ng tao.

Mahalagang bahagi ng pag-aaral nito

ay ang mga anyong lupa at anyong

tubig na sakop nito. Tinatawag na

topograpiya ang pisikal na

katangian ng isang lugar o rehiyon.

Sa paglipas ng panahon, ang mga tao

ay natutong makiangkop sa kanilang

kapaligiran. Bukod sa mga

nagtataasang kabundukan sa

Daigdig, maraming mga anyong-lupa

ang naging mahalaga sa pamumuhay

ng mga tao.

Halimbawa nito ang mga

lambak-ilog kung saan sumibol ang

mga kauna-unahang kabihasnan sa

Daigdig tulad ng lambak-ilog ng

Tigris-Euphrates, lambak-ilog ng

Indus, lambak-ilog ng Huaug Ho at

lambak-ilog ng Nile. Binubuo rin ng

iba’t ibang uri ng mga anyong-tubig

ang Daigdig na nakatutulong sa

kasalukuyang pamumuhay ng mga

tao. Suriin ang diyagram sa ibaba.

Page 17: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

11

Limang Tema ng Heograpiya

Binalangkas ang limang tema ng heograpiya taong 1984 ng National Council

for Geographic Education at ng Association of American Geographers. Naglalayon ang

mga temang ito na mas mapadali at simplehan ang pag-aaral ng disiplinang

heograpiya ng Agham Panlipunan. Ito ay makatutulong na unawain ng mga tao ang

kanyang ginagalawang Daigdig

Lokasyon

Ito ay tumutukoy sa

kinaroroonan ng mga lugar sa

Daigdig. Mayroong dalawang

paraan ng pagtutukoy nito.

Lokasyong Absolute sa

pamamagitan ng imahinasyong

guhit tulad ng latitude line na

bumubuo ng grid. Ang pagkukrus

ng mga guhit ay ang eksaktong

kinaroroonan ng isang lugar sa

Daigdig

Relatibong Lokasyon na

ang batayan ay ang mga lugar at

bagay na nasa paligid nito.

Lugar

Ito ay tumutukoy sa mga

katangiang natatangi sa isang pook.

Mayroong dalawang paraan ng

pagtutukoy nito.

Ang mga katangian ng

kinaroroonan tulad ng klima,

anyong lupa at tubig, at likas na

yaman

Katangian ng mga taong

naninirahan tulad ng wika,

relihiyon, densidad, o dami ng tao,

kultura at sistemang politikal

Rehiyon

Ang bahagi ng Daigdig na pinagbuklod ng magkatulad na katangiang

pisikal o kultural.

Interaksiyon ng Tao at

Kapaligiran

Ito ang kaugnayan ng tao

sa pisikal na katangiang taglay ng

kaniyang kinaroroonan. Ang

kapaligiran bilang pinagkukunan

ng pangangailangan ng tao at

pakiki-angkop ng tao sa mga

pagbabagong nagaganap sa

kaniyang kapaligiran.

Paggalaw

Ang paglipat ng tao sa

kinalakihang lugar patungo sa ibang

lugar. Ang paglipat ng mga bagay at

likas na pangyayari tulad ng hangin

at ulan ay nabibilang din dito.

May tatlong uri ng distansiya ang

isang lugar:

Linear- gaano kalayo ang isang lugar

Time- gaano katagal ang paglalakbay

Psychological- paano tinitignan ang

layo ng isang lugar

Page 18: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

12

Pagyamanin

Gawain 1: Panuto Ko, Gawin Mo!

Kumpletuhin ang datos tungkol sa estruktura ng daigdig batay sa hinihingi ng

sumusunod na pangungusap. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

Lagyan ng simbolong apoy ang tatlong pangunahing parte ng Daigdig

Isulat ang salitang “kontinente” sa pitong kontinente ng Daigdig. Tukuyin ang apat na pagkakahati ng Daigdig Iguhit ang kilalang anyong lupa na matatagpuan sa titik “I” Magbigay kung saang likas na yaman sagana ang titik “H”

M N

O P C

B

A

D

E

F

G

H

L

K

J

I

Page 19: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

13

Gawain 2: Kahon ng Kasagutan

Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin ang salitang inilalarawan sa bawat

bilang. Pumili ng sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ang distansiyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa

kanluran ng Prime Meridian. Ito rin ang mga bilog (great circles) na tumatahak

mula sa North Pole patungong South Pole.

2. Ito ang kaloob-looban na bahagi ng Daigdig kung saan matatagpuan ang mga mahahalagang metal tulad ng iron at nickel.

3. Ito ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay.

4. Ito ang pinakadulong bahagi ng Timog Hemispero na direkta ring sinisikatan ng araw.

5. Ito ang likhang-isip na guhit na humahati sa globo sa Hilaga at Timog na

hemispero.

6. Ang pinakadulong bahagi sa Hilagang Hemispero na direktang sinisikatan ng

araw.

7. Ito ang isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.

8. Ito ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng Daigdig.

9. Ito ang nasa Greenwich sa England na itinatalaga bilang zero degree longitude.

10. Ito ang matigas at mabatong bahagi ng Daigdig.

Crust Prime Meridian Daigdig Tropic of Capricorn

Tropic of Cancer kontinente mantle core

Northern Hemisphere latitude ekwador longitude

Page 20: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

14

Gawain 3: MAPA-hayag

Tukuyin ang lugar na inilalarawan sa mapa. Kompletuhin ang pahayag batay sa mga

hinihingi nito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Gawain 4: S-S-T-K Heograpiya

Punan ang graphic organizer ayon sa saklaw, sangay, tema, at mga kaugnayang

disiplina ng heograpiya. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ako si ___________________________. Narito ako sa ______________________.

Ang klima dito ay _________________________. Ang mga likas na yaman dito ay

___________________________________Batay sa taglay na klima at likas na yaman

ng aming lugar, ang pamumuhay dito sa amin ay ____________________________.

Heograpiya

1. 2.

Dalawang Sangay Limang Tema Kaugnayan sa mga

Disiplina

saklaw

1.

2. 3.

4. 5.

1.

2. 3.

4.

1. 2.

3. 4.

5.

Page 21: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

15

Gawin 5: THROWBACK

Humanap ng isang larawan ng kilalang lugar sa inyong pamayanan, sampung taon

o higit pang taon na ang nakakaraan at ang larawan nito sa kasalukuyan. Idikit ang

nahanap na larawan sa iyong sagutang papel at sagutin pamprosesong tanong sa

ibaba.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang pagbabagong naganap sa inyong lugar makalipas ang ilang

taon? 2. Paano ito nakaapekto sa inyong pamumuhay?

3. Kung may nais kang baguhin sa inyong pamayanan o komunidad, ano-ano ang iyong babaguhin at bakit? Kung wala, pangatwiranan ang iyong

kasagutan

Gawain 6: Anong Tema ng Heograpiya?

Isulat sa sagutang papel kung anong tema ng heograpiya ang tinutukoy ng bawat

pahayag. (Lokasyon, Lugar, Rehiyon, Interaksyon ng Tao at Kapiligiran, at Paggalaw).

_______1. Mula Lungsod ng Malolos ay isang oras at kalahating minuto ang

paglalakbay papuntang Lungsod ng Meycauayan.

_______2. Espanyol ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.

_______3. Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan sa Saudi Arabia.

_______4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang bansa sa Australia at New Zealand

upang magtrabaho.

_______5. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng

Bashi Channel at silangan ng West Philippine Sea.

NOON NGAYON

Page 22: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

16

_______6. Ang mataas na antas ng teknolohiya ang nagpabilis sa mga tao na

magtungo sa mga bansang may magagandang pasyalan.

_______7. Ang wika ng mga bisita ay Waray.

_______8. Ang Pilipinas ay may klimang tropikal.

_______9. Ang Brunei ay nasa Timog Silangang Asya.

_______10. Ang Amana Resort ay matatagpuan sa Pandi, Bulacan

Isaisip

Ibuod ang mahahalagang kaisipan sa katangiang pisikal ng Daigdig. Isulat ang tamang impormasyon upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Isulat ang iyong

sagot sa sagutang papel.

Isagawa

Sagutin ang katanungan batay sa iyong sariling pagkaunawa sa aralin at ipaliwanag

ang iyong sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Paano nakaaapekto ang heograpiya sa pag-unlad ng

pamumuhay sa Daigdig?

Ang estruktura ng daigdig ay binubuo ng crust, ___________, at _________.

Ito ay may apat na hating-globo. Ang Northern Hemisphere, at _____________ na

hinahati ng __________, at ang ______________ at Western Hemisphere na hinahati

ng _____________

Ang salitang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng

_________________. Nagmula ito sa salitang Griyego na geo o _________ at graphia

o _________

Upang mas mapadali ang pag-aaral nito, Ito ay nahati sa limang tema:

lokasyon, lugar,___________,___________, at paggalaw.

Page 23: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

17

Tayahin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa

iyong sagutang papel.

1. Ang Seoul, South Korea ay nasa 37.5665° N, 126.9780° E. Anong uri ng

lokasyon ito sa tema ng heograpiya?

A. Relatibong Lokasyon C. Lokalisasyon

B. Industriyal na Lokasyon D. Absolutong Lokasyon

2. Ilan ang kontinente ng mundo?

A. anim C. walo

B. pito D. siyam

3. Ang Gitnang Luzon ay binubuo ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija,

Pampanga, Tarlac, Zambales. Anong tema ng heograpiya ito?

A. paggalaw C. rehiyon

B. lugar D. lokasyon

4. Anong tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon?

A. heograpiya C. kasaysayan

B. agham panlipunan D. topograpiya

5. Paano natutukoy ang isang lugar ayon sa limang tema ng heograpiya?

A. gamit ang mapa

B. katangian ng kinaroroonan at taong naninirahan

C. linear, time, at psychological

D. lokasyong absolutong at relatibo

6. Napansin ni Neri noong papunta siya sa kaniyang Tiya Mareng sa Manila galing

Bulacan ay parang napakatagal ng biyahe ngunit nang siya ay pauwi dito, siya ay

hindi nainip at nabilisan sa biyahe. Anong uri ng paggalaw ang inilalarawan ng

pahayag?

A. linear C. psychological

B. time D. habitual

7. Anong kontinente ang itinuturing na pinakamalaki sa buong mundo na

napapaloob dito ang bansang may pinakamalaking populasyon at matatagpuan

ang pinakamataas na bundok?

A. Asya C. Africa

B. America D. Australia

8. Ano-ano ang dalawang sangay ng heograpiya?

A. panlipunan at agham C. pisikal at pantao

B. psychological at antropolohiya D. kasaysayan at agham

9. Saan nagmula ang salitang heograpiya?

A. Griyego C. Romano

B. Latin D. Espanyol

10. Paano nakatutulong ang heograpiya sa pamumuhay ng tao?

A. madaling mailalarawan C. tirahan at hanapbuhay

B. tabing-dagat D. napag-aaralan

Page 24: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

18

11. Ano ang tawag sa malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa

posisyon na gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle?

A. mantle C. plate

B. hemisphere D. crust

12. Saan kilala ang Antarctica bukod sa walang makatatagal na taong maninirahan

dito?

A. kangaroo at platypus C. suplay ng ginto at diyamente

B. isda at mammal D. nagtataasang bundok

13. Anong kontinente ang may hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula

sa bahaging ekwador hanggang sa Cape Horn sa katimugan?

A. Antartica C. North America

B. Europe D. South America

14. Araw-araw, kalahating kilometro ang nilalakad ni Andoy mula sa kanilang bahay

papuntang paaralan para makapasok. Anong uri ng paggalaw ang inilalarawan

ng pahayag?

A. linear C. psychological

B. time D. habitual

15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng relatibong lokasyon ng

Bulacan?

A. Ang Bulacan ay may lokasyong 14.7943° N, 120.8799° E.

B. Ang Bulacan ay tinawag na encomienda capital ng Pampanga.

C. Nasa Hilagang bahagi ng Bulacan ang Nueva Ecija, sa Kanlurang bahagi

ang Pampanga, at Silangang bahagi ang Aurora.

D. Nasa Gitnang Luzon ang Bulacan.

Page 25: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

19

Karagdagang Gawain

Inte

raksiy

on

ng T

ao a

t K

apaligir

an

Paggala

w

BARANGAY ________________

Rehiyon

Suriin ang kalagayang heograpikal ng iyong barangay na

kinabibilangan na naaayon sa limang tema ng heograpiya. Gamitin

ang graphic organizer sa ibaba upang masagutan ang gawain.

Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

Page 26: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

20

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN 1.D 9. D

2.A 10. A

3.A 11. B

4.B 12. B

5.D 13. A

6.C 14. B 7.C 15. A

8.A

Gawain 1

A. crust

B. mantle C. core

Kontinente- D,E,F,G,H,I,J

M. Northern Hemisphere

N. Eastern Hemisphere

O. Southern Hemisphere

P. Western Hemisphere I. Iguguhit ng mag-aaral ang

Mt. Everest

H. isda at mammal

Gawain 6

1. paggalaw

2. lugar

3. lugar

4. paggalaw

5. lokasyon

6. interaksiyon ng tao at

kapaligiran

7. lugar

8. lugar

9. lokasyon

10. lokasyon

ISAISIP

-mantle, core -Southern Hemisphere,

equator/ekwador

-Easthern Hemisphere,

Prime Meridian

-katangiang pisikal ng Daigdig

TAYAHIN

1.D 11. C

2.B 12. B

3.C 13. D 4.D 14. A

5.B 15. C

6.C

7.A

8.C 9.A

10.C

KARAGDAGANG GAWAIN

Batay sa sariling pagkaunawa ng mag-aaral

ang kasagutan

-rehiyon, interaksiyon ng tao

at kapaligiran

ISAGAWA

Batay sa sariling

pagkaunawa ng mag-aaral

ang kasagutan

Gawain 2 1.longitude

2.core

3.Daigdig

4.Tropic of Capricorn

5.ekwador

6.Tropic of Cancer 7.mantle

8.kontinente

9.Prime Meridian

10.crust

Gawain 3

Pangalan ng mag-aaral,

Pilipinas,Tropikal

Isa-isahin ang mga likas na

yaman ng Pilipinas

Batay sa sariling

pagkaunawa ng mag-aaral

ang kasagutan

Gawain 4 saklaw- anyong lupa at

anyong tubig, flora at fauna,

klima at panahon, likas na

yaman, distribusyon at

interaksyon ng tao at iba

pang organism sa kapaligiran nito

sangay- heograpiyang

pisikal, heograpiyang pantao

limang tema ng heograpiya-

lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at

kapaligiran, paggalawa

kaugnay na disiplina-

Kasaysayan, Agham,

Sosyolohiya, Ekonomiks

Gawain 5 Batay sa sariling

pagkaunawa ng mag-aaral

ang kasagutan

Page 27: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

21

Sanggunian

Blando, Rosemarie C. et al. Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Modyul ng

Mag-aaral. Deped Complex Meralco Avenue, Pasig City: Department of

Education-Instructional Materials Council Secretariat, 2014.

K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes in Araling Panlipunan,”Department of Education, May, 2020, page 51

Learning Resource Portal. “Project EASE Araling Panlipunan III, Modyul 1

Heograpiya ng Daigdig”. Accessed May 08, 2020.

http://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_01__HEGRAPIYA_

NG_DAIGDIG.PDF

Page 28: Araling Panlipunan...kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III – Learning Resources

Management Section (DepEd Region III-LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center

Maimpis, City of San Fernando (P)