24
Maling Pananaw Sa Sekswalidad Inihanda ng: Ikalawang Pangkat

Maling pananaw sa sekswalidad

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Maling pananaw sa sekswalidad

Maling Pananaw Sa Sekswalidad

Inihanda ng: Ikalawang Pangkat

Page 2: Maling pananaw sa sekswalidad

Taong 2009, sa isang pampublikong paaralan sa Metro Manila, tatlong kabataang lalaki na nasa ikatlong taon ang inaresto ng mga pulis sa kasong panghahalay sa isa nilang kamag-aral na babae. Matibay ang katibayan laban sa mga kabataang ito sapagkat sila mismo ang kumuha ng video sa pamamagitan ng cellphone ng ginawa nilang krimen.

Page 3: Maling pananaw sa sekswalidad

Ang naturang kamag-aral daw ay halinhinang hinalay matapos itong painumin ng alak at malasing. Nang sumunod na araw ay ipinadala at ipinalaganap ng mga kabataang ito ang video sa mga kamag-aral nilang mayroon ding cellphone at tinawag nila itong NNHS scandal.

Page 4: Maling pananaw sa sekswalidad

Dinakip ang isang binata matapos halayin ang kapitbahay na dalagita sa loob ng bahay ng una sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nahaharap sa kasong Rape in Relation to Child Abuse si Junrey Luna, 22, ng Jordan St., Jordan Heights, Llano ng lungsod.

Base sa ulat, alas-12:20 umaga, niyaya ng suspek sa loob ng kanilang bahay upang kumain ang dalagitang kapitbahay na edad 16.

Nang nasa loob na ay nagawang mahalay ng suspek ang biktima kung saan hinahanap na ang huli nang kanyang ina.

Page 5: Maling pananaw sa sekswalidad

Nalaman ng ina ng biktima na kasama sa loob ng bahay ng suspek ang anak ay agad na humingi ng tulong sa mga pulis at ipinadakip si Luna.

Page 6: Maling pananaw sa sekswalidad

Mga Sanhi ng Maling Pananaw sa Sekswalidad

Pananaw sa Sekswalidad at ang

Lipunan

Paano nga ba Mapipigilan ang

Karanasang Sekswal?

Ano ba ang Tamang Pananaw sa Sekswalidad?

Pornograpiya

Pre-Marital Sex

Aborsyon

Post Abortion Syndrome

Page 7: Maling pananaw sa sekswalidad

Pornograpiya o Malalaswang babasahin at palabas

Ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan

( babasahin, larawan, o palabas ) na layuning pukawin ang sekswal na pagnanasa ng

nanonood o nagbabasa.

Page 8: Maling pananaw sa sekswalidad

Ayon kay Iyoob (2008)

Ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay may kaugnayan sa paggawa ng mga abnormal na gawaing sekswal, lalung-lalo na ang panghahalay .

Page 9: Maling pananaw sa sekswalidad

May mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pornograpiya ay nahihirapang magkaroon g malusog na pakikipag-ugnayan sa kanyang kabiyak o asawa.

Page 10: Maling pananaw sa sekswalidad

Ang pornograpiya din ang ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang mga binibiktima.

Karamihan sa mga palabas ngayon ay mayroong mahahalay na eksena.

Page 11: Maling pananaw sa sekswalidad

Pre-Marital Sex Ang pre-marital sex ay pakikipagtalik nang hindi pa kasal at pakikipagtalik ng maaga gaya ng mga teenagers na maaaring mabuntis dahil rin dito.

Page 12: Maling pananaw sa sekswalidad

Ang pakikipagtalik o pagkakaroon ng pakikipag-ugnayang sekswal sa labas ng kasal ay may mga emosyonal at pisikal na epekto. Ang isang tinedyer ay hindi pa handa sa mga suliraning maaaring kahantungan ng pre-marital sex. Kabilang na sa mga epekto nito ang pagkakaroon ng nakahahawang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik sa iba’t ibang lalaki o babae. Gayundin maaring mabuntis ang babae kung siya ay magkakaroon ng ugnayang sekswal.

Page 13: Maling pananaw sa sekswalidad

Ayon kay Joan Kinlan Ang mga emosyonal at mental na epekto ng pre-marital sex ay nakababahala din. Ang pakikipagtalik sa unang pagkakataon para sa isang babae ay maaaring maging sanhi ng labis na emosyon at pakiramdam na siya’y mahina. Maraming kababaihan ang nagsisisi matapos gawin ito na nagiging sanhi ng depresyon o labis na kalungkutan. Pakiramdam nila ay marumi sila at nagamit.

Page 14: Maling pananaw sa sekswalidad

Aborsyon Ang aborsyon ay ang pagkitil sa buhay ng walang kamuwang-muwang at kawa-wang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng isang babae. Anuman ang dahilan kung bakit ginagawa ito ng mga kababaihan, ito pa rin ay masama.

Page 15: Maling pananaw sa sekswalidad

Ayon sa statika, taun-taon, halos 64,000 na mga kabataang babae ang nagpapalaglag sa ating bansa. Ang aborsyon ay iligal sa ating bansa at karamihan sa atin ay mga kristiyanong naturingan. Maraming nagiging komplikasyon sa kalusugan ng isang babae ang pagpapalaglag. Tulad nalng halimbawa ng labis na pagdurugo dahil sa pagkasugat ng matris, pagkakaroon ng kanser, pagkabaog,at sa iba’y ikamatay.

Page 16: Maling pananaw sa sekswalidad

Post Abortion Syndrome

Isa ring pangmatagalang epekto ng pagpapalaglag ang tinatawag na post abortion syndrome o PAS. Isa itong kramdaman sa isip na maihahalintulad sa depresyon. Ngunit di tulad ng karaniwang depresyon ang sakit na ito ay di maiibsan ng gamot tulad ng anti-depressants. Sinasabing ito ay ‘di naiiwasan; maaaring dumating nang mas maaga o sa huling bahag ng buhay ng isang nagpalaglag o nasangkot sa prosesong ito. Karaniwan nang nagiging sugapa sa alak o drog a ang mayroong PAS. Marami rin sa kanila ang nagpapalit-palit ng karelasyon at hindi na muli pang nagkakaroon ng malusog na ugnayan o relasyon sa katapat na kasarian.

Page 17: Maling pananaw sa sekswalidad

Maraming mga kababaihan ang hindi nakakayanan ang ganitong pakiramdam kung kaya;t nalululong sa alak o bawal na gamot. Mayroon din ilang nagtatakang magpatiwakal. Binabagabag sila ng kanilang konsensya at ito ay may pangmatagalang epekto. Karaniwang nahihirapan na silang magkaroon ng isang malusog na ugnayan sa kabiyak o asawa pagdating ng panahon.

Page 18: Maling pananaw sa sekswalidad

Pananaw sa sekswalidad

at ang lipunan

Page 19: Maling pananaw sa sekswalidad

Dahil sa tinatawag na “double Standard of morality“ sinasabing wala raw nawawala sa isang lalaki sa pakikipagrelasyong sekswal, sa katunayan ang pagiging aktibo sa relasyong sekswal ay tanda raw ng pagigng tunay na lalaki. Ang pagkalalaki ay nangangahulugang ng lakas ng karakter at gayon din ng katawan , Isang kahinaan ang kakulangan ng pagpipigil sa sarili .Hindi na iba ang pamantayan sa mga lalaki at mga babae pagdating sa sekswalidad. Ang lalaki at babae ay kapwa tao na nararapat pangalagaan ang kanilang dignidad.

Page 20: Maling pananaw sa sekswalidad

Paano nga ba Mapipigilan ang

Karanasang Sekswal ?

Page 21: Maling pananaw sa sekswalidad

MGA paraan upang mapigilan ang karanasang sekswal :

• Magdesisyong magbago.• Lumayo sa mga tao, lugar, at mga nakagawiang gawin at mga sitwasyong magpapahina sa iyong kontrol sa sarili.•Subaybayan ang iyong sarili lalo na ang iyong asal .• Humingi ng payo para lalong mapagtibay ang iyong kapasyahan at hingin ang biyaya ng Diys na panatilihin kang malakas at may pananalig.

Page 22: Maling pananaw sa sekswalidad

Ano ba ang Tamang

Pananaw sa Sekswalidad ?

Page 23: Maling pananaw sa sekswalidad

Ang pakikipagtalik ay isang depresyon ng sekswalidad ng tao. Ngunit dahil nga tao ka ang pakikipagtalik ay higit pa dito. Ito ay mayroong espiritwal na kahulugan . May dalawang aspeto ng pakikipagtalik. Ito ang mapagbuklod o nagbibigay pag-ibig. At ito rin ay mapaglikha o nagbibigay buhay.

Page 24: Maling pananaw sa sekswalidad

MARAMING SALAMAT