27

Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa
Page 2: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Mga Pananaw

sa Proseso ng

Pagbasa

Page 3: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Dapat na mabatid ang mga pananaw sa proseso ng pagbasa na dapat mong matutuhan. Ang layunin nito ay mabigyan ang mga mag-aaral na tulad mo ng gabay sa pagbabasa upang maunawaan mong lalo ang mga binabasa at mapalawak ang iyong pananaw sa pag-aaral sa mga naturang teksto.

Page 4: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Teoryang Top-DownAng pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip ng mga mambabasa (top) tungo sa teksto (down). Naimpluwensiyahan ang teoryang ito ng sikolohiyang Gestalt na nagsabing ang pagbabasa ay isang holistic process.

Page 5: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Itinataguyod din ni Goodman ang paniniwalang ito sa kanyang kaalaman, ang mahusay na pagbasa ay gumagamit lamang ng kaunting panahon at oras sa pagpili ng makabuluhang hudyat (clues) sa pag-unawa at pagbibigay-kahulugan sa teksto sa pamamagitan ng impormasyong semantiks; impormasyong sintaktik, at impormasyong grapo-phonic.

Page 6: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Tinatawag ding inside-out o conceptually driven ang teoryang ito sa dahilang ang pag-unawa ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.

Page 7: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Teoryang Bottom-up Ang pagbasa ay apgkilala sa mga

serye ng mga nakasulat na simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, sa parirala, sa pangungusap, at sa buong teksto, bago pa man ang pagpapakahulugan dito.

Page 8: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Tinatawag ito ni Smith (1983) na outside-in o data driven sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula o nanggaling sa tagabasa kundi sa teksto.

Page 9: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Teoryang Iskema Pinaniniwalaang ang teksto ay

walang kahulugang taglay sa sarili. Ito ay nagbibigay lamang ng direksiyon sa nakikinig o nagbabasa kung paanong gagamitin at mabibigyan ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman. Ang dati nang kaalaman ang siyang saligang lalaman at ang kayariang balangkas ng dating kaalaman ang iskemata.

Page 10: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Teoryang Interaktiv Binibigyang diin ng teorya ang pag-

unawa bilang proseso at hindi bilang isang produkto, Sinusuri ang naging proseso sa kasagutan ang mag-aaral. Sa teoryang ito, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa.

Page 11: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Katangian ng Proseso ng Masining na Pagbasa

Page 12: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

1. Isang komplikadong proseso (complex process) ang pagbasa/pagbabasa. Tunay na ang abilidad at kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa ay apektado ng mga bagay na may

kaugnayan sa kabuoan ng kanyang sarili kaya di kataka-takang may ibang mahina at di kalugod-lugod ang pagbasa.

Page 13: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

2. May dalawang klaseng proseso (two-way process)

sa pagbasa. Ito ang komunikasyon ng mambabasa at may-akda. Ito rin ang saligan ng tinatawag na reader-response theory sa pagbasa.

Page 14: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

3. Napapaloob sa malawak na

paglalarawan (visual process) ang pagbasa. Nangangahulugan na ang malinaw na paningin ay malinaw na

pagbabasa.

Page 15: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

4. Isang masiglang proseso (active process) ang

pagbabasa. Ito ay isang prosesong pangkaisipan na

kumikilos ayon sa siglang ibinibigay ng katawan,

emosyon, at kakayahan na kailangan sa masiglang pagbabasa.

Page 16: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

5. Gumagamit ang pagbasa ng sistmemang panglinggwistika (linguistic system) na nakatutulong upang maging magaan at

mabisa sa paggamit ng nakalimbag na kaisipan ng may-akda.

Page 17: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

6. Nakasalalay ang mabisang pagbasa sa mga nakaraang kaalaman (prior knowledge). Gayundin, nakasandig din ang kakayahan, kahusayahan, at kasanayan sa epekto ng sumusunod na mga salik: pampisikal, pangkaisipan, pangkapaligiran, panlipunan, at

kaalamang pangwika.

Page 18: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Ang Aklat at ang Halaga

Nito sa Pagbasa

Page 19: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Ayon kay Carl Woodward, ang aklat ay isang lunsaran para maabot ang makabagong kaalaman at karunungang bumabalot sa kahiwagaan ng sangkatauhan simula sa mga nakalipas na panahon hanggang sa kasalukuyang panahon.

Page 20: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Ang napapanahong karanasan, kaalaman, at karunugan sa ating kapaligiran ay maibibgay na ng kahanga-hangang makabagong teknolohiya tulad ng computer, e-mail, e-book, fax machine, internet, beeper, cellphone, text messaging, at tulad din ng makasayantipikong gamit ng calculator na naroon na sa loob ang memory, correct spelling, process, dictionary, at iba pa.

Page 21: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Bagama’t sa paaralan ay may nakatakdang tekstong gagamitin sa pagbabasa ng takdang-aralin ay binibigyan pa rin ng kalayaan ang mga mag-aaral sa pananaliksik sa makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng aralin sa iba’t ibang disiplina.

Page 22: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Anumang pamamaraang gagamitin o aklat na babasahin, ito ay dapat makatulong sa mag-aaral ayon sa mga sumusunod:

Page 23: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

1. Naayon sa layunin 2. Naaayon sa kanyang interes

3. Naaayon sa mga materyales na mayroon

4. Naaayon sa kanyang kakayahang maunawaan ang binabasa

Page 24: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

Karaniwang Suliranin sa Pagbabasa

Page 25: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

1.Malabong paningin

2.Kakulangan sa kaalamang panglingguwistika

Page 26: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

3. Kakulangan sa kaalaman sa pagsusuri at pag-unawa sa bagong salita o malalim na salita na ginamit sa loob ng parirala, sugnay, pangungusap, talata, kuwento, at sanaysay

Page 27: Mga pananaw sa proseso ng pagbasa

4. Kakulangan sa kaalaman, Impormasyon, at

karanasang may kaugnayan sa

impluwensyang pampisikal,

pangkapaligiran,

panlipunan, at kaalamang pangwika