4

Click here to load reader

MAIKLING KWENTO

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MAIKLING KWENTO

YUNIT I

Aralin I

MAIKLING KWENTO

Tinatawag na maikling katha ang maikling kwento. Sangay ito ng salaysay na may iisang kakintalan. May mga sariling katangian ito na kinaiiba sa mga kasamahang sangay ng salaysay.

MGA UGAT NG MAIKLING KWENTO

Ang maikling kwento ang pinakamaunlad na sangayng panitikan sa Pilipinas. Ito ay maituturing na mayabong na punungkahoy na marami at malalim ang mga ugat. Kabilang sa mga ugat ng maikling kwento ang sumusunod:

1. MITOLOHIYA. Ito ang katipunan ng iba't ibang paniniwala at mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa. Bawat bayan, bawat kultura, mayroon nito.

2. ANG PABULA AT PARABULA. Ang pabula ay mga kwento na ang palaging kumikilos o gumagalaw ay mga hayop. Tumutukoy ito sa ilang aspekto ng kilos o gawi ng tao. Matalinghaga ang pag-unawa sa mga ito at naglalayong makapagturo ng aral sa bumabasa o nakikinig. Samantala, batay sa mga pang-araw-araw na gawain ng tao ang parabula. May layunin itong mailarawan ang isang katotohanang moral o espiritwal sa isang matalinghagang paraan.

3. ANG ALAMAT. Ito ay mga kwentong pasalin-salin sa bibig ng mga taong- bayan at karaniwang tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Ito ang karaniwang pansagot sa mga kababalaghan o mga pangyayaring pangkalikasan na hindi maipaliwanag ng karaniwang taong-bayan dahil hindi pa sapat ang kaalaman sa agham.

4. ANG KWENTONG-BAYAN. Ito ay mga kwentong pasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan palibhasa sila mismo ang pinagmulan. Sa lahat ng anyo ng matatandang kwento, ang kwentong-bayan ang pinaka- malapit sa pang-araw-araw na buhay ng tao.

Page 2: MAIKLING KWENTO

5. ANG KARANIWANG KWENTO. Kwento ang tawag sa mga salaysay na sinulat ng mga paring Espanol upang magbigay ng halimbawa sa kanilang mga pangaral. Kwento rin ang tawag sa mga salaysay na lumabas sa mga pahayagan noong mga unang taon dito ng mga Amerikano.

ANG MGA SANGKAP NG MAIKLING KWENTO

1. BANGHAY. Tumutukoy ito sa maayos at kawing-kawing na mgapangyayari na kapag nakalas ay tapos na ang'kwento. Kailangangmagbuhat ang bawat kawing ng pangyayari sa mga nakalipas na pangyayari. Dapat ding may patindi nang patinding kawilihan ang magkakawing na pangyayari hanggang sa umabot sa pinakamataas na antas na tinatawag na kasukdulan o rurok ng mga pangyayari.

2. TAUHAN. Ito'y mga taong nilikha ng may-akda na akala mo ay buhay-nagsasalita, nag-iisip, tumatawa, o di kaya'y nananaghoy.

3. TAGPUAN. Sa pagbabasa ng isang kwento, unti-unti mararamdaman na pumapasok ka sa isang di-pangkaraniwang pook kaya kailangan ang paghahanda-alamin mo kung nasaan ka, anong oras na. Paraan ito ng may-akda upang ihatid ang mambabasa sa tagpuan na magtatakda ng lugar at oras na pangyayarihan nito.

4. PANINGIN. Tumutulong ang paningin sa pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang katha. Makikilala ng bumabasa ang nilikhang nagsalaysay sa pamamagitan ng paningin.

Ang karaniwang paraan ng pagsasalaysay ng kwento ayonpaningin ng nagpapahayag ay ang sumusunod:

a. Paningin sa unang panauhan. Sa paraang ito ng pagsasalaysay,sasanib ang may-akda sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa unang panauhan.

b. Paningin sa pangatlong panauhan. Sa paraang ito, gumagamitang may-akda ng pangatlong panauhan na siyang malayangnagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwento. Sa paraang ito, nagagawa ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o maaari din namang itago ang nais itago.

Page 3: MAIKLING KWENTO

c. Obhetibong paningin. Sa paraang ito, ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing isang kamera na malayang nakalilibot subalit naitatala lamang nito ang tuwirang nakikita at naririnig. Sa pananaw na ito, tumatayong tagapanood lamang ang bumabasa sa mga pangyayaring nagaganap sa kwento.

5. PAKSANG-DIWA O TEMA. Ang paksang-diwa ay yaong kaisipang iniikutan ng katha. Upang matukoy ang tema, dapat nating itanong kung ano ang sentral na ideya ng kwento: pagkaunawa sa buhay anginihahayag nito.