Upload
cham-rafaela-conese
View
31.261
Download
33
Embed Size (px)
Citation preview
Alamat ng Rosas
Noong araw ay may isang magandang dalagang
nagngangalang “Rosa,” na balita sa kanyang angking
kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming
nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni
isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.
Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa
Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng
kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit
niyang mangingibig, ay di makapapayag na di
mapasakanya ang dalaga, at ito’y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito
sa hardin.
Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di’y siya’y naging
bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at
saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman.
Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa
bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit
paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng
halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si
Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-
pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.
Alamat ng Aso
Noong panahon na
bata pa ang mundo, ay may
isang mag-anak ang tahimik
at masayang namumuhay sa
loob ng kakahuyan. Ang ama;
si Roque ay mabait at
mapagkalinga
sakanyang pamilya.
Nagtatanim siya ng mga
gulay at nanghuhuli ng mga
hayop sa gubat upang
kanilang pagkain.
Samantalang ang ina naman;
si Magda siyang nag-aasikaso
sa kanilang bahay at
dalawang anak na sna Maria at Jose. Minsan, nagulat ang pamilya sa pagdating
ni Roque mula sa mga pusang gubat nang ito ay maligaw. Inaalagaan nito
ang pamilya. At sa paaglipas ng panahon, nagging malakas na ang lalaki na nakilala
nilang Damaso. Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa
hindi niya nabantayan ang taniman nito ng ubaaas, nagging dahilan upang
manakaw ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas, naligaw siya sa gubat at
inatake ng maraming alamid. Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon
na pinatira sa bahay nila ito. Itinurig nila iting kapamilya at nakatulong pa
si Roque sa pang-araw-araw na pahahanap ng pagkain. Ngunit lingid kay Roque,
may namumuong lihil na pagkagusto sina Magda at Damaso sa isa’t isa. At isang
araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang
lugar. Nag-iyakan ang dalawang bataang sina Maria at Jose. “Ina, huwag mo po
kaming iwan!” ang iyak ni Maria. “Oo nga po! Mang Damaso, huwag n’yong kunin
an gaming ina!” ang iyak ni Jose. Ngunit hindi naapigilan sina Magda ng kanyang
mga anak. Sumakay pa rin sila ng bangka at umalis na kasabay na agos no ilog.
Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si Magda,
ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Damaso. Mula sa malayo, anong gulat
nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina Maria at Joseupang humabol.
Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam niyang hing marunong lumangoy ang
dalawang bata. Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang
iligtas ang mga anak. Ngunit lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big ang
mag-aama. Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari. At
sising-sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pa’t hindi na nila nakitang
pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama. Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang
lumutang sa hangin. “Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling
pagnanasa ay nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong
maging kauri ng hayop,” ang wika ng babaeng diwata pala ng ilog. Bigla ang
pagbabago ng anyo ni Magda at Damaso.Ang kanilang katawan ay napuno ng
balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at
nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang ingay ang lumalabas sa kanilang bibig.
“Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga’t ikaw Damaso, ay hindi natutong
tumanaw ng utang na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hangga’t hindi
mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak,” at
nawala na ang diwata pagkawika niyon.Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa
kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso
sa daigdig. At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa
kanilang mga tahanan. At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga
aso na sila ay tapat sa kanilang mga amo. Binabantayan nila ang mga bahay ng
kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga ito samga kaaway, upang patunayan na
tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang mawawala ang
sumpa ng diwata. Ang mga inahing asonaman ay labis na binabantayan ang
kanilang mga tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang
magmahal sa kanilang mga anak. Kaya’t maging maingat tayong makasakit ng iban
tao, lalo na ang nagpapala o tumutulong sa atin, sapagkat may kaparusahan sa
mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob na tulad ni Damaso, at
ganun din sa mga taong hndi marunon magmahal na tulad ni Magda.
Ang Pabula ng Daga at ng Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. "Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga. Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dalidaling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat. "Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.
Mga aral ng pabula:
Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan.
Ang Agila at ang Maya
Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa
kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at
ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang
patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong
niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon
niya ito.
"Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa
ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya
naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon.
"Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?"
Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.
"Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni
Agila.
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan,
natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.
"Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero,
para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa
atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay
asukal ikaw nman ay bulak."
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya,
bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin
niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.
"O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya.
"Aba oo, payag na payag ako."
"Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok
ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya.
Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit
hindi siya nagpahalata.
At sisimulan nga nila ang paligsahan.
Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng
malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng
husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa
din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.
Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na
bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.
MENSAHE:
Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging
mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.
Bagong Kaibigan
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila
maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.“Gising na anak, may pasok ka ngayon”“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.“
Si Pingkaw
Naalimpongatan ako sa pagtulog nang
hapong iyon sa sigawan at nanunuyang
tawanan ng mga bata sa kalsada. Dali-dali
akong bumangon, nagpahid ng pawis at
dumungaw sa bintana. Si Pingkaw pala na
sinusundan ng mga bata. Gula-gulanit ang
kanyang damit na ilang ulit nang
tinagpian at may medyas ang isang paa
na ewan kung asul o berde. Malayo siya
kaya't di ko Makita nang mabuti. Sa
kabilang binti, may nakataling pulang
papel de Hapon na may kabit na lata sa
dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na
palara na kumikinang tuwing tinatamaan
ng sinag ng araw.
"Hoy, Pingkaw," sigaw ng isang bata na nakasundong abot sa tuhod at may
itinatawing-tawing sa daga. "Sige nga, kumanta ka ng blak is blak."
"Ay, hiya ako," nag-aatubiling sagot ng babae, sabay subo sa daliri.
"Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo," nakangising sabat ng pinakamalaki
sa lahat, mahaba ang buhok at nakakorto lamang. At umambang aagawin ang
karga ni Pingkaw.
Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga.
"Sige agawin natin ang kanyang anak," sabi nilang pahalakhak habang pasayaw-
sayaw na pinalilibutan si Pingkaw.
Maya-maya'y nakita kong lumuhod si Pingkaw sa lupa at nag-iiyak na parang bata.
"Huwag niyo naming kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor." Patuloy pa
rin ang panindyo ng mga bata kahit na lumakas ang hagulhol ni Pingkaw.
Nakadama ako ng pagkaawa kay Pingkaw at pagkainis sa mga bata. Kaya't
sumigaw ako para takutin sila. "Hoy mga bata, salbahe n'yo! Tigilan n'yo ang
pagtukso sa kanya."
Ewan kung sa lakas ng pagsigaw ko'y natakot ang mga batang isa-isang nag-
aalisan. Pagkaalis nila, tumingala si Pingkaw sa akin at nagsabi:
"Meyor, kukunins nila ang aking anak."
Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. May koronel, may sergeant, may senador
siyang tawag sa akin. Ngayon meyor na naman. "O sige, hindi na nila kukunin yan.
Huwag ka nang umiyak."
Ngumiti siya sa akin. Inihele ang kayang karga. Nahulog ang basahang ibinalot sa
lata ng biskwit. Dali-dali niya itong pinulot at muling ibinalot sa lata.
"Hele, hele tulog muna, wala ditto ang iyong ina…" ang kayang kanta habang ang
lata'y ipinaghele at siya'y patiyad na nagsasayaw.
Natigilan ako.
At naalala ko ang Pingkaw na dati naming kapitbahay sa tambakan, nang hindi pa
siya ganito.
Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (sa amin ang tambakan ng
syudad) at ditto nagmumula ang kanyang makakain, magagamit o maipagbili.
Madalas siyang umawit dati-rati. Hindi naman kagandahan ang kanyang tinig -
basag at boses-lalaki. Subalit kung may ano itong gayuma na bumabalani sa
pandinig. Ewan kung dahil sa tila malungkot na tinig ng kanyang paghehele o kung
dahil sa pagtataka sa kanyang kasiyahan gayong isa lamang siyang naghahalukay
ng basura.
Kadalasan, pabalik na siya niyang galling sa tambakan. Ang kariton niya'y puno ng
kartong papel, bote, mga sirang sapatos, at sa loob ng bag na burin a nakasabit sa
gilid ng kanyang kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Ito'y mga tira-
tirang sadinas, karne norte o kaya'y pork and beans, pandesal na kadalasa'y
nakagatan na at kung minsan, kung sinuswerte, may buto ng fried chicken na may
lamang nakadikit. Sa kanyang yayat na katawan masasabing tunay na mabigat ang
kanyang tinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at nakakakanta pa ng
kundimang Bisaya.
Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong, agad niyang tatawagan ang
kanyang anak: "Poray, Basing, Takoy, nandito na ako." At ang mga ito, dali-daling
nagtakbuhan pasalubong sa kanya habang hindi makaringgan sa pagtatanong kung
may uwi ba raw siyang dyens na estretsibol; ano ang kanilang pananghalian,
nakabili ba raw siya ng bitsukoy?
Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lamang nalaman ang
kanyang tunay na pangalan. Pingkaw ang tawag ng lahat sa kanya, b'yuda na s'ya.
Namatay ang kanyang asawa sa sakit ng epilepsy habang dinadala niya sa kanyang
sinapupunan ang bunsong anak. Samantala, si Pisyang Tahur ay sumusumpa sa
kanyang paboritong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pingkaw. Iba-iba raw
ang ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay, si Poray, ay labis na
mataas para sa kanyang gulang na labintatlong taon at masyadong payat. Tuwing
makikita mo iting nakasuot ng estretsibol na dala ng ina mula sa tambakan,
maaalala mo agad ang panakot-uwak sa maisan. Si Basing, ang sumunod, sungi
ngunit mahilig pang pumangos tubo gayong umaagos lamang ang katas sa biyak ng
kayang labi. Ang bunsong ewan kung tatlong taon pa lamang ay maputi at
guwapung-gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga kapatid kaya kung minsa'y naisip
mong totoo nga ang sinasabi ni Pisyang Tahur.
Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pingkaw ang mga laman ng kariton,
ihihiwalay ang mga lata mga bote, mga kariton at iba pang nakalagay rito sa
napulot sa tambakan katulong ang kayang mga anak. Kinasanayan na ni Pingkaw
na umawit habang gumagawa. Kung minsan, sumasabay ang kayang mga anak at
ang sungi ang siyang may pinakamataas na tinig,. Pagkatapos, itutulak na niya ang
kariton patungo sa Tsino na tagabili.
Talagang mahal ni Pingkaw ang kanayang mga anak. Sa tambakan, karaniwang
makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo
man lamang makikita si Pingkaw na inaambaan ang kanyang mga anak. "Ang mga
bata," nasabi niyang minsang bumili siya ng tuyo sa talipapa at nakitang pinapalo
ng isang ina ang maliit na anak na nahuli nitong tumitingin sa malalaswang
larawan, "hindi kailangang paluin, sapat nang turuan sila nang malumanay. Iba ang
batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang mga bata,
kung saktan, susunod sa iyo subalit magrerebelde at magkimkim ng sama ng
loob."
Sa tunggalian ng pamumuhay sa tambakan na roo, ang isang tao'y handing
tumapak sa ilong ng kapwa tao mabuhay lamang. Nakapagtataka si Pingkaw. Lubha
siyang matulungin lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura.
Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na ng mga bata at
matatanda. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing Linggo hindi kukulangin sa
piseta anf kayang ipinamamahagi sa mga nagpapalimos.
Alam ng lahat sa tambakan ang pangyayaring ito. Minsan, nagkasakit ng el to
rang sunging anak ni Pingkaw. Nagtungo ang babae sa suking Tsino. Nakiusap na
pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Tsino ngunit sa isang kondisyon.
Bukambibig na ang pagkagahaman sa babae ng Tsino na ito: pinagdugtung-
dugtong ng mga tagatambakan kung ano ang kondisyong iyon sapagkat wala
naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Nalaman na ng lahat ang mga
naganap; ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pingkaw sa ulo ng Tsino.
Hindi rin nadala ni Pingkaw ang kanyang anak sa doctor. Pag-uwi niya, naglaga siya
ng dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon nalamang ang nakapagpabuti sa
bata.
"Nagpapakita rin na may awa ang Diyos. Kung ninais Niyang mamatay ang aking
anak, sana'y namatay na. ngunit dahil naisip pa Niyang mabuhay ito, nabuhay rin
kahit hindi naipadoktor," ang sabi ni Pingkaw nang magpunta siya sa talipapa bago
pa man gumaling ang kanyang anak.
Minsang nag-uusap ang mga nagsisipagtipon sa talipapa tungkol sa bigas relip, at
iba pang bagay na ipinamimigay ng ahensya na nangangalaga sa mga mahihirap.
Sumabat si Pingkaw na nagkataong naroroon, "Bakit iaasa ko pa sa ahensya ang
aking pamumuhay? Malusog at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking
kariton upang tulungan. Marami pa riyang iba na higit na nararapat tulungan. Ang
hirap lang sa ating pamahalaan, kung sino ang dapta tulungan ay hindi
tinutulungan. Ngunit ang ibang mabuti naman ang pamumuhay, sila pa ang
nakatatanggap ng tulong. Kabaliwan…"
Iyan si Pingkaw. Kontento na siya sa kanyang naabot sa buhay.
Naganap ang sumunod na pangyayai kay Pingkaw nang ako'y nasa bahay ng aking
kapatid na may sakit. Isinalaysay ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at
matinding galit ang aking nadama.
Isang araw, matapos silang mag-agahan ng kayang mga anak, bigla na lamang
namilipit ang mga bata sa sakit sa tiyan. Ewan kung dahil sa sardines o sa kung ano
mang panis na kanilang nakain.
Natuliro si Pingkaw. Nagsisigaw. Tumakbo siya sa mga kapitbahay upang humingi
ng tulong. Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsabihan siyang kailangan
dalhin ang mga anak sa ospital.
Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni
Pingkaw ang kanyang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng isang doktor na
malapit lamang, ngunit wala ang doktor at naglalaro ng golp, ayon sa katulong.
Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa bahay ng isa pang doktor. Matagal
siyang tumimbre nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana.
Kaya nagugulkuhang itinulak na naman ni Pingkaw ang kanyang kariton papuntang
bayan. May doktor doon ngunit wala naming gamut para sa nalason.
Halos hindi makakilos sa pagod si Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang
pagkalumbay sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak
ng kariton.
Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan ang kanyang
pinahinto upang isakay ang kanyang mga may sakit na anak ngunit wala ni isa sa
mga ito ang tumigil. Maya-maya napansin niyang hindi na kumikilos ang kanyang
panganay. Para siyang sinakluban ng langit nang mabatid niyang hindi na ito
humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy sa pagtulak ng kariton para iligtas ang
buhay ng natitira pa niyang dalawang anak. Maraming tao ang may
pagkamanghang nagmasid sa kanya, subalit wala kahit isa mang lumapiot upang
tumulong. Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton habang
nagdaraan ito sa mga lubak-lubak ng kalsada.
Pakiramdam niya'y isang daang taon na siya nang makarating sa pambansang
ospital. Matapos ang pagtuturuan ng mga doktor at narses na ang tinitingnan
lamang ay mga pasyenteng mayayaman na wala naming sakit, binigyan din ng
gamut ang dalawang anak ni Pingkaw.
Nang gumabi'y namatay si Poray, ang pinakamatanda. Dalawang araw pa ang
lumipas, sumunod namang namatay ang bunso.
Nakarinig na naman ako ng kaguluhan. Muli akong dumungaw. Si Pingkaw na
nagbalik, sinusundan na naman ng mga pilyong bata.
"Hele-hele, tulog muna, wala ditto ang iyong nanay…" ang kanta niya, habang
ipinaghehele ang binihisang lata..
TUWAANG (Epiko ng mga Bagobo)
Nakatanggap si Tuwaang ng mensahe buhat sa hangin na nagsasabi na kailangan niyang dumalo ng kasal ng Dalaga ng Monawon. Huwag kang pumunta, Tuwaang, babala ng kanyang tiyahin. Nararamdaman ko na mayroong masamang mangyayari sa iyo doon. Huwag kang mag-alala, tiyang. Kaya kong alagaan ang sarili ko sinabi niya ng matatag at determinadong pumunta. Hindi mo naiintindihan, Tuwaang. Hindi ako natatakot sa kahit ano, tiyang. Ngayon ang tanging nalalaman ko ay gusto ko makita ang kagandahan ng Dalaga ng Monawon.
Hindi pinakinggan ni Tuwaang ang kanyang tiyahin. Naghanda siya sa pagdalo sa kasal. Isinuot niya ang damit na ginawa ng mga diyos para sa kanya. Mayroon siyang hugis pusong basket na maaaring makagawa ng kidlat. Dala rin niya ang kanyang espada at panangga at isang mahabang kutsilyo. Sumakay siya sa kidlat at nakarating sa kapatagan ng Kawkawangan. Doon ay natagpuan niya ang Gungutan, isang nakapagsasalitang ibon. Gusto ng ibon na sumama sa kanya sa kasalan kaya dinala na niya ito. Nang makarating sa Monawon, siya ay magalang na pinapasok sa loob ng bulwagan kung saan ginaganap ang kasalan.
Nagsimulang magdatingan ang mga bisita. Unang dumating ay ang Binata ng Panayangan, pagkatapos ay ang Binatang Liwanon at ang Binata ng Sumisikat na Araw. Huling dumating ang lalaking ikakasal, ang Binata ng Sakadna na kasama ang isang daang lalaki.
Nang dumating ay iniutos ng lalaki na paalisin ang mga bisitang hindi nararapat na naroon. Nainsulto si Tuwaang sa sinabi ng lalaking ikakasal na silang lahat ay pulang dahon, na ang ibig sabihin ay mga bayani. Nagsimula ang seremonya sa pag-aalay ng mga bisita ng mga mamahaling regalo. Dalawa ang natira para sa lalaking ikakasal ngunit inamin ng Binata ng Sakadna na wala silang gintong plauta at gintong gitara na maitutumbas sa mga natira. Tumulong si Tuwaang. Sa kanyang misteryosong hininga siya ay nakagawa ng gintong plauta, gitara at gong.
Lumabas na ang babaing ikakasal sa kanyang silid at nagsimulang magbigay ng nganga sa bawa't isang bisita. Pagkatapos ay tumabi ito kay Tuwaang na naglagay sa lalaking ikakasal sa kahiya-hiyang sitwasyon. Pakiramdam ng lalaki ay nainsulto siya. Lumabas ito sa bulwagan at hinamon si Tuwaang sa isang laban.
Ipakita mo sa akin na nararapat ka sa karangalang ibinigay sa iyo ng aking minamahal sa pagtabi niya sa iyo! sabi ng galit na Binata ng Sakadna. Labanan mo ako hanggang kamatayan!
Tumayo si Tuwaang at tinanggap ang hamon ngunit hinawakan siya ng babaing ikakasal. Bayaan mong suklayin ko muna ang iyong buhok bago mo siya labanan, sabi ng babaing ikakasal kay Tuwaang. At buong pagmamahal niyang sinuklay ang kanyang buhok. Tinitigan ni Tuwaang ang babae. Nakita niya ang pagmamahal at paghanga nito sa kanyang mga mata. Mag-ingat ka sa pakikipaglaban sa kanya, babala ng babae. Hindi siya marunong lumaban ng patas. Hinawakan ni Tuwaang ang kamay ng babae at hinalikan ito. Para sa iyo binibini, mag-iingat ako! sabi niya at lumabas na ito sa bulwagan upang labanan ang lalaki.
Tumango ang babaing ikakasal at kumaway sa kanya at umaasa sa kanyang kagalingan. Hinarap ni Tuwaang at ng Gungutan ang Binata ng Sakadna at ang isang daang lalaki. Lumaban sila ng buong makakaya at pagkatapos ng isang maikling pagtutunggali ay natalo niya at ng Gungutan ang siyamnaput-apat na lalaki. Madali nilang natalo ang anim pang natirang nakatayo hanggang siya at ang Binata ng Sikadna na lamang ang natirang nakatayo. Binato si Tuwaang ng lalaking ikakasal ng malaking bato ngunit naging alikabok lamang ito bago pa man nito tamaan si Tuwaang. Dahil sa masidhing laban ay lumindol ang lupa at lahat ng mga puno ay nagbagsakan. Binuhat ng lalaking ikakasal si Tuwaang at ibinato ng malakas sa lupa. Lumubog ito ang nakakarating sa Hades.
Sa Hades, nakita ni Tuwaang si Tuhawa, ang diyos ng Hades. Sinabi ni Tuhawa na ang buhay ng lalaking ikakasal ay nasa gintong plauta. Lumitaw mula sa lupa si Tuwaang at pinatay ang lalaki sa pamamagitan ng pagbili sa gintong plauta. Tumakbo ng masaya ang babae sa kanya. Niyakap niya ito at hinalikan sa kanyang pisngi at labi.
Maari ka bang sumama sa akin? tanong ni Tuwaang sa babae. Ng buong puso, sagot nito. Umuwi si Tuwaang sa Kuaman kasama ang babae at ang Gungutan at namuhay sila ng magkakasama, magpakailanman.
1. Maikling landasin, di maubos lakarin. – ANINO
2. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. – SINTURON
3. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. – SAPATOS
4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. – LANGGAM
5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay. – KANDILA