38
MODYUL 15 ANG ROMANTISISMO SA PAGTALAKAY NG MAIKLING KWENTO

Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

MODYUL 15ANG ROMANTISISMO SA PAGTALAKAY NG

MAIKLING KWENTO

Page 2: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

• Romantisismo isang akda na napipili at napatutunayan ang

mga bahaging nagpapakita ng pagtakas sa

katotohanan,nagtatanghal ng kabayanihan,at may paksang

kasisinagan ng kagandahan.sa paningin ng romantisista,ang

buhay ay kaakit-akit,kapana-panabik,at kahanga-hanga.May

gandang nakikita ang manunulat na romantisista sa isang

panahong tila malayo na.Mahilig ang romantisismo sa

damdamin sa halip na pag-iisip.Ayon naman kay Harvey

(1996),ang kahalagahan ng romantisismong

pandamdamin,intwisyon,imahinasyon,at indibidwalismo,ay

tumataliwas sa mga ideyal ng pagpipigil,katwiran,at

kaayusang itinataguyod ng klasismo.

Page 3: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

PRE-TESTBasahin ang sumusunod na mga pangungusap at uriin kung

nagpapahiwatig o hindi ng kagandahan. Bilugan ang bahaging

nagpapahiwatig ng gayong palagay.

1. Sa kanyang bibig, nagkahugis agad ang matapat na ngiti.

2. Ang nakikita niya ay ang kulubot niyang mukha, ang tuyot niyang

mga kamay.

3. Nadarama kong ang hangin ay nagiging sariwa tulad ng simoy sa

mga unang oras ng umaga.

4. Sa kanyang mga mata, ang kislap ay waring naglalarong liwanag.

Page 4: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

5. Para sa akin, ang restawrang iyon ay makipot na daigdig

na walang tao.

6. Laglag ang kanyang manipis na balikat at ang tuyot

niyang mga kamay ay nakabiting parang, sanga ng

patay na kahoy.

7. Malungkot ang kanyang tinig nang sabihing nag-iisa na

ito.

8. Naglalaro kami ng may tatlong-taong gulang na anak

kong si nonoy sa aming maaliwalas na salas.

Page 5: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

ANG MANUNUGTOG NG LUTESALIN NI PAULINA BERONILLA-BISA

• Ang pangalan niya’y Achmad, at ang pangalang ito ay

kilalang-kilala ngayon ng mga matatapat na tagapakinig sa

radyo. Kapag sinabi ng anawnser na, “Mga kababayan,

narito na si Achmad…,” ang mga tagahanga niya ay agad na

hihinto sa anumang ginagawa nila para makinig sa kanya.

Ang librong nakahatak sa kanyang mambabasa ay saglit na

isasaisantabi, ang binuburdahang damit ay ipapatong ng

babae sa kanyang kandungan, at sasandal sa kinauupuang

silya, pagkat higit na mabuting namnamin ang tamis ng

kantang pakikinggan niya kasabay ng pumipintig na puso.

Page 6: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Kahit hindi pa niya nakikita ang taong iyon na labis na

nakabighani sa kanya, naguguniguni niyang isa itong

matipuno, may kakayahang kabataan, may taglay na

kislap ang mga matang nakapag-uutos para sundin

kaagad, nang may ngiting sinlamyos ng buwang

kabilugan.

Ngunit ang lahat ng ito’y mawawalan ng lahat ng

kahulugan kay Achmad kung malalaman niya ito.

Tinutugtog niya ang lute sapagkat ibig niyang

makapaghatid ng isang bagay, sapagkat ibig niyang

ibuhos ang laman ng kanyang puso, sapagkat ibig

niyang ipabatid ang kanyang mga pag-asa.

Page 7: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Habang kinakalabit niya ang mga kuwerdas ng kanyang lute, ang ulong

may makapal, maitim, at kulot na buhok na tumubo hanggang sa

kanyang mga taynga at naaadornohan ng mga nakasalit na abuhing

buhok, ay gumagalaw sa ritmo ng kanta at ang mga mata ay tatanaw sa

malayo, naghahanap wari ng isang bagay, na walang sinumang

makapagsasabi kung ano, lumalagos pa sa mga dingding ng istudyo, na

parang sinisikap na matakasan nang lubusan ang magatla nang

mukhang namutla, na waring hindi nasikatan ng araw.

Isa rin siyang pamilyar na anyo sa mga mamamayan sa isang

lugar na kanyang tinitirahan. Hindi siya nakikihalubilo sa kanila, nakikita

lamang nila si Achmad kapag ito’y umaalis at dumarating. Nag-iisa

lamang si Achmad sa kanyang kubo, hindi pinakikialaman ng mga tao sa

lugar na iyon, na, sila, sa kanilang panig ay hindi nagsikap na alamin ang

iba pang bagay tungkol sa pagkatao ng mahiwagang taong ito.

Page 8: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Ang alam lamang nila ay malimit nilang marinig na tumutugtog si

Achmad ng lute, at nakasisiya, sa kanila ang kanyang pagtugtog at

pagkanta kahit na hindi nasasagot ang mga katanungan tungkol sa

manunugtog na nasa kanilang mga puso. Kapag may sinumang

magtatanong sa mga kapitbahay kung nasaan ang bahay ni Achmad,

ang sagot ay ganito. “Si Achmad, ang manunugtog ng lute,” at ituturo

agad ang kanyang kubo. Iyon ang “pahingahan” ni Achmad-isa lamang

maliit na kubo, malayo ang anyo sa kanyang katanyagan, at naglalaman

lamang ng isang bangkong natatakpan ng banig na nagsisilbing

tulungan at, sa dingding, ng larawan ng isang babae, at katabi nito ang

kanyang lute na nakasabit na tila isang matapat na tagapangalaga.

Page 9: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Minsan isang linggo ang tinig niya ay pumapailanlang sa himpapawid, minsan isang

linggo ay pinasisigla niya ang libu-libong mga puso, minsan isang linggo ay nakikita

siya ng kanyang mga kapitbahay na nililisan ang kanyang “pahingahan,” taglay ang

katangi-tangi niyang paglakad, bitbit ang kanyang lute, at minsan isang linggo ay

umaalis si Achmad, puno ng pag-asang ang alingawngaw ng kanyang puso ay

maririnig ni Selma, ang kanyang dating asawa, saanman iyon naroroon…

Isang mayamang mangangalakal ang ama ni achmad, labis ang kayamanan kaya

ang tatlong magkakasunod na henerasyon ay makakapamuhay nang buong ginhawa

at kaluwagan kahit hindi gumawa. Ibig ng ama ni achmad na maging isa ring

mangangalakal ang anak, para mapalago pang lalo ang kanilang kayamanan at

maipagpatuloy ang tradisyon ng kanilang pamilya. Naging mangangalakal na sila sa

loob ng hindi mabibilang na henerasyon, at ibig ng amang maging walang katapusan

ang tradisyon. Sapagkat sa pananaw ng ama, ang pangangalakal lamang ang

pinakamahusay at pinakamarangal na gawain. Alam ito ni achmad at hindi maubos

ang pagtatanong niya tungkol doon. Kinasusuklaman niya ang pangangalakal,

kinamumuhian niya ang kanyang ama, na umiikot lamang ang buhay sa

pangangalakal.

Page 10: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Salapi, salapi…iyon ang kanyang ama.

Salapi lamang ang bukambibig ng kanyang ama; marahil habang

iyon ay kumakain, iniisip nito kung gaano karaming salapi ang kanyang

nilululon; at marahil, pati ang kanyang hininga ay nangangamoy-salapi.

Kapag ang kanyang ama’y sinuwerte sa pagkita ng maraming salapi,

napakabait nito at walang anghel na makapapantay sa kanyang

kabaitan, subalit kung ang kabaligtaran ang mangyari, mabuti pang

iwasan ang kanyang nilalakaran. Ang pinakamaliit na paghingi ng

paumanhin ay sapat na para ito’y magwala sa galit, at sa kalagayang

ganito, higit pa siyang malupit kaysa pinakamalupit pang demonyo.

Sa paglipas ng panahon, ang pagkamuhi ni achmad sa ama ay

lumubha, isang pagkamuhing nasasangkapan ng pagkatakot.

Page 11: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Kinamumuhian niya ang pananaw ng kanyang ama sa buhay,

kinatatakutan naman niyang pilitin siyang sumunod sa kagustuhan nito.

Paano niya mabubuo ang kanyang buhay sa paligid ng mga

nakasalansang salapi, walang iniisip sa umaga, tanghali, at sa gabi kundi

salapi,gayong ang kanyang puso ay nakahilig sa musika, ang likhang

iyon ng tao na magpapatahimik sa naguguluhan niyang puso, na

makapagpapaginhawa sa naguguluhang diwa ? Hindi kilala sa kanilang

tahanan ang musika, kahit na may isang radyong sintaas niya na

nakatrono sa kanilang sala. Paminsan-minsan lamang iyong

napatutunog, para makinig ng mga balita, at hanggang doon na lamang.

Bukod sa roon, walang makagagalaw sa radio kundi ang kanyang ama

lamang sa takot na baka iyon masira. At hindi lamang bahay nila ang

may radio, mayroon ding mga taong hindi nabubuhay na salapi lamang

ang iniisip, mga taong nagpapahalaga sa mga kahanga-hangang bagay

sa daigdig.

Page 12: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Doon, napaliligaya si achmad ng nililikhang kasiningan, mga likhang para

sa kanya ay higit na mahalaga, higit sa mga pag-aari ng kanyang ama.

Higit sa lahat, ang musikang Arabian at ang lute na nagpapatugtog sa

mga ito ang kinawilihan ni achmad. Hindi niya alam, ngunit ang pagkalabit

ng limang daliri sa lute ay nakatatangay sa kanya sa isang daigdig na

hindi pa niya naririnig. Nalimutan niya ang pagkamuhi at pagkatakot sa

kanyang ama; ang salapi ng kanyang ama at ang kayamanan nito ay

naglaho; hindi na niya inisip ang hangad ng kanyang amang siya’y

maging mangangalakal.

Siya’y magiging isang manunugtog ng lute. Ang hangarin ay biglang

lumusog, napaukit agad iyon sa kanyang puso, hindi pinilit, hindi hiningi.

Natutuhan ni achmad ang pagtugtog ng lute. Madaling mapabaluktot,

mapalambot, ang kanyang mga daliri, dahil sa masidhi niyang hangarin, at

hindi nagtagal ang mga daliring iyon ay nakatalun-talon na sa kabuuan ng

Page 13: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

lute na waring may namamagitang pagkakaunawaan sa mga dulo ng

kanyang mga daliri at sa mga daliri at sa mga kuwerdas. Sumapi si

achmad sa isang grupong tumutugtog ng lute sa radyo. Mahirap ilarawan

ang katuwaan niya sa pagkakataong makayapak sa daigdig na itong

dati’y lagi lamang niyang pinapangarap. Kung paanong ang iniisip ng

kanyang ama ay salapi lamang mula umaga hanggang sa kinabukasan,

gayundin si achmad na walang ginawa kundi tugtugin ang lute sa unang

brodkast hanggang sa susunod. Nakaligtaan na niya ang paaralan at ang

mga teksbuk nito sa mathematics, algebra, at iba pang bagay; at tungkol

sa kalakal ng kanyang ama- maililibing na iyon, at wala siyang pakialam.

Di nagtagal, nalaman ng ama ni achmad kung ano ang ginagawa ng

anak. Wala nang kinakailangang diskusyon o mga pag-uusap; ang suwail

na anak ay itinaboy at sinabihang hindi na ito kailanman makatutuntong

sa pamamahay ng ama.

Page 14: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Hindi natakot si achmad sapagkat ang kanyang buhay ay nakatuon sa

kanyang lute. Kung ang mga kaluskos na ingay ng mga papel de bangko

ng kanyang ama ay hindi makakapamumuhay na kapiling ang

magandang tunog ng kanyang lute, walang magagawa tungkol doon.

Hayaang tumira ang ama niya sa daigdig ng pangangalakal, habang siya

ay mananatiling katabi ng kanyang lute. Dapat ipagmalaki ng isang ama

ang pagkakaroon ng anak na buong tapang at walang tinag na gumawa

ng mga sakripisyo para sa kanyang mga hangarin. Ngunit ang

kabaligtaran ang nangyari, si achmad ay pinalayas na isinusumpa.

Kayamanan at kaginhawahan ang naiwan, ang buhay sa malawak na

daigdig ay nasimulan. Ang mga bagay na dati’y hindi niya napag-uukulan

ng pansin ay naging malulubhang problema ngayon. Bawat paglalakbay

tungo sa ideyal na hangarin ay nangangailangan ng mga pagpapakasakit.

Page 15: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Ang grupo niya ay nagpatuloy sa pagtugtog at si achmad ay nagging

tanyag.

Nag-asawa si achmad, isa rin naman siyang karaniwang tao. Naging

saksi ang mga kapitbahay sa kaligayahang lumukob sa tahanan ni

achmad. Gabi-gabi, ang mahinang tunog ng lute sa likod ng mga dingding

ay nakapagbibigay sa mga nakikinig ng sulyap na sa paraiso ng pag-ibig.

Dumating ang panahong nawala na ang pagkagiliw ng mga tao sa buhay

ni achmad, sa kanyang asawa, at sa kanyang lute. Maraming bagong

bagay ang dumating, na nangailangan ng paghanga at pagtingin

hanggang dumating ang sandaling maranasan ng mga ito ang kapalarang

sinapit ni achmad. Bawat isa’y may kanyang pagkakataon; ang mga nasa

gitna ng tanghalan ngayon ay makatatawa at makapagmamayabang sa

paglakad, kaya lamang ay hindi sila dapat mag-isip ng kabiguan at

pagkainggit kung sa pagtatagal ay kailangan na nilang isuko sa iba

Page 16: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

naman ang tanghalan.

Nasundan ng mga araw ang mga gabi, at sa likuran ng mga dingding,

nakakubli sa mga matang hindi kailangang makakita at mga tayngang

hindi kailangang makarinig, si Selma, ang asawa ni achmad, ay

nagreklamo. Pagkaraan ng dalawang taong pagsasama, hindi pa sila

binibiyayaan ng isang anak. Anak! Isang mauunawaang hangarin ng

isang babae. Alam ni achmad ang mga hangarin ng kanyang asawa,

ngunit ano ang maaari niyang gawin? Ang diyos ang makapangyarihan

sa lahat, at siya, si achmad, at isa lamang niyang kasangkapan. Isang

manggagamot ang kinunsulta, nagsunog ng mga insenso, at naglakbay

sila sa mga banal na lugar na ayon sa mga alamat ay nakapagbigay ng

mabuting kapalaran sa mga nananalangin doon, ngunit ang lahat ay

kabiguan.

Page 17: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Umasa si achmad at nanalangin; ang kanyang asawa ay nagsimula

nang magmukmok at magtiis. Ang mga bisig na nanabik sa pagkarga sa

sanggol ay nawalan ng pasensiya; masasamang isipin ang naglaro sa isip

niyon. Ang sisi ay ibinigay kay achmad at malimit na marami nang

nasasabing hindi mabibigkas kung nasa kalagayang payapa ang isipan.

Gayon talaga ang mga tao. Ang mga silakbo ng damdamin ay hindi

madaling tutulan. Para bang ang mga iyon ay sinadyang likhain para

maragdagan ang mga paghihirap ng sangkatauhan. Ang “silakbo” ay

isang pangkaraniwang salita, hindi na naiiba sa hugis ng ibang salita.

Gayunman ang silakbo ay isang damdaming makapagtutulak sa isang

walang kakayahang pumigil o magpakalma ditto para mahulog sa isang

balong puno ng pagsisisi at mga luha. Ang tao ay maraming katangian,

gawi, at ugali. Nagsisilbing sandata ang mga ito para ihatid tayo sa ating

mga hangarin o madala tayo sa kabiguan na lagi nating sinisikap na

iwasan.

Page 18: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Matiisin si achmad. Sinikap niyang amuin ang kanyang asawa, ngunit

binigyang-kahulugan iyon ni Selma na pag-amin ng kasalanan at isang

palatandaan ng kahinaan. Si Selma, ang kanyang asawa, hindi na

mapagbigay, ay naghangad na makuha ang anumang hangarin sa

anumang paraan. At ang kawalan ng pag-asa ang nagtulak sa babae

para maligaw ng landas.

Nang umalis si achmad para magtungo sa istasyon ng radyo,

umalis din si Selma. Ang isa’y umalis para kumita ng isang dakot na bigas

para sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanyang kakayahang

tumugtog ng lute na ipinagkaloob sa kanya ng diyos; ang kabila’y umalis

upang hanapin ang hindi niya makamit sa kanyang asawa na

ipinagkaloob sa kanya ng diyos. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita

ni achmad ang kanyang asawa, isang gabi, na naglalakad na kasama ng

ibang lalaki. Hindi siya kailanmang naghinala sa kanyang asawa.

Page 19: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Ngunit ngayon … nagdilim ang kanyang paningin; sa kabutihang-paladang kanyang pag-ibig sa asawa at ang kanyang matinong pag-iisip angpumigil sa kanya para gumawa ng isang bagay na maaari niyangpagsisihan sa buong buhay niya. “hihintayin ko siya pag-uwi sa bahay at kakausapin ko nang maayos,” naisip ni achmad.

Umiikot ang kanyang isipan; ang kanyang pananalig ay nasugatannang malalim. Bakit ito nangyari sa kanya? Hindi niya kailanmantinalikuran ang tungkulin sa asawa bilang haligi ng tahanan, ni hindiniya inisip na pagtaksilan ang sinumpaan nang sila’y ikasal, ni hindi niyakinalimutan ang magpahayag ng pasasalamat sa diyos para sa kanyangmasayang buhay. Nag-isip siya nang malalim at nag-apuhap ng mgakasagutan, tulad ng ginagawang pag-iisip nang malalim at pag-apuhapsa mga kasagutan ng maraming tao.

Page 20: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Ang daigdig ay puno ng mga kasabihan, mga simulain, at mga kautusan. Maraming masisigasig at mga walang malay na tao ang nabubuhay sa patnubayng mga ito… at sa huli’y makatatanggap lamang ng kalungkutan bilanggantimpala. “magsipag na mabuti at tutumbasan iyon ng katimbang nagantimpala sa iyong pagsisikap.” Nakabubusog na mensahe ito na isinisigaw ng mga ministro mula sa kanilang mga pulpito. At ang hamak na tao, puno ng pananalig, ay sumusunod, para matuklasan lamang na wala siyang tatanggapin. Hindi niya matatakasan ang pangingibabaw ng mga nasa itaas at ng mgamakapangyarihan, na simula pa sa pagkabata ay walang nalaman kundi luho at susumpain pa nila ang diyos dahil sa naging luho ng kanilang buhay. Ano angtotoo, at ano ang ating gagawin?

Hindi nagpakita ng anumang pagsisisi si Selma nang kausapin ito ni achmad. Ang tinanggap lamang ni achmad bilang kasagutan ay pagtngo ng ulo; ang bibigniya at ang kanyang puso ay walang pakialam sa sinabi ni achmad.

Page 21: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Pagkaraan ng ilang linggo, lumubha pa ang sitwasyon hanggang sa puntongmaging ang mga kaibigan ni achmad ay nagtatanong sa kanya kung bakitpinapayagan nito ang mga ikinikilos ng asawa. Umiyak si achmad sa harapan ng kanyang asawa, ipinakikiusap na talikuran ang kanyang maling landas.

Ano’ng magagawa ko? Maghintay-hintay ka at huwag baguhin angdireksiyon ng ating buhay. Kahiya-hiyang malaman ng ibang tao ang tungkol dito,”

Sa huli, walang mapagpilian kundi ang diborsyo. Mapagbigay ang puso niachmad, sapagkat mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Ngunit patuloysiyang umaasa na magbalik ang kanyang asawa. Dumating ang araw, gayunman, na mababalitaan ni achmad na mag-aasawang muli si Selma. Sa ilangpagkakataon, bago nangyari ito, ay hinimok pa niya ang asawang bumalik sakanya, ngunit ang desisyon ay hindi na magbabago. At ngayon? Ang kanyangasawa ay magpapakasal na muli?

Page 22: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Ang paghihintay ay talagang may hangganan; at sa araw ng

pagpapakasal ng kanyang dating asawa, nagtungo si achmad sa

tahanang pagdarausan ng seremonya nang may tiyak na layunin.

Ang kasal ay hindi magaganap, kahit na ang kanyang mga kamay ay

matigmak sa dugo ng dating asawa. Isang kapangyarihang higit na

malakas sa anumang lakas ng tao ang humadlang para hindi maituloy ni

achmad ang balak na bunga ng walang katuturang poot. Nalaman niya na

ang kanyang dating asawa at ang bago nitong asawa ay nakaalis na.

Kung sa anong kadahilanan ang kasal ay ginanap nang higit na maaga

kaysa unang plano.

Nagsimulang maglakad si achmad na ngayon ay walang tiyak na

pupuntahan. Wala na siyang kasamang mahahatian niya ng kanyang

kaligayahan at mga kapaitan ng daigdig.tinalikdan na siya; ngayon ang

tangi na lamang niyang mapag-aaliwan ay ang kanyang lute.

Page 23: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Ang pag-ibig ni achmad sa kanyang asawa ang nag-utos sakanya para hanapin ang kanyang dating kabiyak. Ipakikita niyakung gaano niya kamahal ito, at ibig din niyang masaksihan nitokung gaano napuno ng mga paghihirap ang kasalukuyan niyangbuhay. Iniwan niya ang kanyang tahanang nagtataglay ng mgaalaala ng panahon ng kaligayahan. Inihanda ni achmad ang pag-alis na dala ang kanyang lute at maglalakbay kung saan siyaihahatid ng kanyang kapalaran. Hindi niya alam kung saannagpunta ang kanyang asawa ngunit hindi niya matitiis na tumigilnang mag-isa sa tahanang kanilang pinanahanan nang matagal. Hahangarin pa niyang magpalabuy-laboy kung saan siyainuudyukan ng kanyang puso, at ang kanyang lute ang kanyangkasama sa paglalakbay na iyon tungo sa walang katiyakangwakas.

Page 24: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

May makikitang naglalakbay, sa bayan-bayan at mga kanayunan, na

isang manunugtog ng lute, ang kanyang katawan ay pinahihirapan sa

maghapon, magdamag, ng init ng araw at ng buhos ng ulan. Ang ulo niya,

na nagtatanghal lamang ng isang imahen, ay patuloy na naaadornohan

ng abuhing buhok, marahil ay sindami ng mga hakbang na nagawa ng

kanyang mga paa mula nang iwan niya ang kanyang tahanan. Sa bawat

pamilihan sa mga nayon at mga bayan ay tinutugtog niya ang kanyang

lute, para siya’y mabuhay. Sa maraming taong nakakita sa manunugtog

ng lute, walang nakababatid sa kasaysayang kanyang iniwan; ni walang

sinumang nakaalam na ang manunugtog ng lute ay anak ng isang

mayamang mangangalakal na maaaring makabili sa lahat sa lahat ng ari-

arian ng mga taong nakatanaw kay achmad at nagmamasid sa kanyang

pagtatanghal nang may iba’t ibang reaksyon.

Page 25: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

“Mahusay siyang tumugtog”, “Matamis ang kanyang tinig”. “Sawa na

akong makakita ng lahat ng mga musikerong ito sa mga kalye.

Iba’t iba ang mga sinasabi, ang iba’y pumupuri, ang iba’y nanlilibak,

ang iba’y naaawa, ngunit hindi iyon pinapansin ni achmad. Nasa

kalagayan siyang naghahanap. Wala siyang pakialam sa ibang tao.

Sa Tjikampek, isang tren ang huminto. May sigabo ng kaingayan sa

istasyon; may bumababa at may sumasakay na mga pasahero; ang mga

nagtitinda ay nagpapalakasan ng boses sa kanilang pag-aalok ng

kanilang mga tinda. Nasa isang sulok si achmad na tumutugtog ng lute.

Kung may magtapon sa kanya ng isang barya isisilid niya iyon sa

kanyang bulsa, at, muli babalikan ng kanyang mga daliri ang pagkalabit

sa mga kuwerdas ng kanyang lute.

Page 26: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Achmad, ano’ng ginagawa mo rito?” ang lider ng kanyang dating

grupo ay nakatayo sa kanyang harapan. “Bakit ayaw magbalik sa

Djakarta? Mas maraming saklaw ang iyong talino roon kaysa rito na isang

sulok ng istasyon ng tren.”

Pinagpayuhan siya at hinimok ng dating lider nila, at sa wakas,

pumayag na si achmad. “Oo, maihahatid ng radio ang aking mensahe,”

naisip miya.

At nagbalik si achmad para tumugtog at umawit sa harap ng

mikropono. Hindi nagtagal, ang kanyang pangalan ay higit na naging

tanyag. Ang pagtugtog na pinagbubuhusan ng kanyang buong puso ay

bumihag kaagad sa mga tao. Umani siya ng napakaraming tagahangang

naibigan ang paraan ng pagtugtog niya ng lute.

Page 27: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

Ngunit walang kahulugan ang mga iyon kay achmad, pagkat

ang hangd niya ay ibigin siya ng isang taong kanyang iniibig.

Tumutugtog siya para sa isang tao lamang, para kay Selma, ang

dati niyang asawa, na ang larawan ay katabi ng kanyang lute na

patuloy na magbabantay sa kanyang kubo…

Page 28: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

GAWAIN 1

Ibigay ang kahulugan, o tumbasan ng salita o parirala ang sumusunod.

Gamitin ito sa pangungusap batay sa binasang kuwento.

1. Namnamin ang tamis ng kanta

2. ibuhos ang laman ng puso

3. pagkamuhing nasangkapan ng pagkatakot

Page 29: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

4. masidhing hangarin

5. kaligayahang lumukob sa tahanan

6. nagtulak para maligaw ng landas

7. pagtutog na pinagbuhusan ng puso

Page 30: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

GAWAIN 2

Tukuyin kung saan-saang bilang ng mga talata ng

binasang kuwento matatagpuan o mahihiwatigan ang

tagpuan at panahon, pangunahing tauhan, tunggalian

o suliranin, at ang wakas. Banggitin ang mga ito.

Page 31: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

GAWAIN 3

Mapaghahandaan: pagtatakda sa pagbasa ng mga piling tagpo. O

gumawa ng skrip para maitanghal ng ibat-ibang grupo.

1. Pagbasa o pagsasadula sa bahagi ng pagkabatid na ang pagsasama

ng mag-asawang achmad ay hindi magbubunga.

2. Pagbasa o pagsasadula ng namagitang pagtutunggali ng damdamin

ng mag amang achmad.

Page 32: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

3. Pagbasa o pagsasadula ng mga tagpo ng paghihiwalay ni

Selma sa asawa, paghahanap ni achmad, at pagpigil sa

gagawing pag-aasawang muli ni Selma.

4. Pagbasa o pagsasadula ng huling tagpo-ang pagbabalik ni

achmad sa pagtugtog sa radio.

Page 33: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

SINTESIS

Ang teorya o pananaw na romantisismo (Harkavey [ed.] 1965) ay nagsimula bilang pagtutol sa kahigpitan at katigasan ng aral at gawaingklasikal. Ibinabandila ng romantisismo ang kalayaan ng sarili o pagsunod sa mga kakayahang katutubong hiwalay sa bait at pag-iisip. Ang romantisismo ang pagpipilit ng alagad ng sining sa kanilangkarapatang gumawa ng anumang pagsubok sa paksa at sa kaanyuanupang malikha ang tanging kagandahang pinipilit na magawa. Sa ibabaw ng lahat, minamahalaga ng romantisista ang pamamalagi at paglikha ng isang bukod-tanging kagandahan-isang kagandahang may tatak na pantastiko o kagulat-gulat.

Page 34: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

POST-TEST

A. PAGTALAKAY

1. Magbigay ng opinion, mula tatlo hanggang limang

pangungusap, kung naipakita sa binasang kuwento ang mga

katangian ng romantisismo, tulad ng pagpapahalaga sa

kagandahan, pagtakas sa katotohanan, pagkahilig sa damdamin

o emosyon, pagiging kaakit-akit ng naapi-na nagagawa sa tulong

ng guniguni. (Tukuyin ang mga bilang ng talata na maaaaring

katatagpuan sa mga ito.)

Page 35: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

2. Ipaliwanag sa dalawa hanggang tatlong pangungusap kung paano

nakatulong ang mga tauhan at diyalogo para mapalitaw ang magandang

katangian ng pangunahing tauhan. Paano ilalarawan ang pagkatao ni

achmad? (Tukuyin ang mga particular na bahagi; banggitin ang mga

bilang ng talata na katatagpuan sa mga ito.)

3. Kung susulatin ito sa paningin ng realism o pagkamakatotohanan,

magmungkahi kung paano babaguhin ang desisyon ng pangunahing

tauhan. Paano wawawkasan ng isang realista ang kuwento?

4. Bumanggit ng kaisipan o kagandahang naituro ng binasang kuwento.

Page 36: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

B. PAGSASANAY

Basahin ang sumusunod at bigyan ng puna (isang pangungusap), kung

paano ipinahihiwatig na kahulugan, kaisipan, o napuoukaw na damdamin

ng mga ito.

1. Habang tumutugtog ng lute. . . Ang mga mata ay tatanaw sa malayo,

naghahanap wari ng isang bagay. . . Lumalagos sa mga dingding ng

istudyo, na parang sinisikap na matakasan nang lubusan ang magatla

nang mukhang namutla. . .

Page 37: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

2. Salapi lamang ang bukambibig ng kanyang ama; marahil habang iyon

ay kumakain, iniisip nito kung gaano karaming salapi ang kanyang nilulon,

at marahil, pati ang kanyang hininga ay nangangamoy-salapi.

3. Hindi niya alam, ngunit ang pagkalabit ng limang daliri sa lute ay

nakatangay sa kanya sa daigdig na hindi pa niya nararating.

4. Magsipag na mabuti at tutumbasan iyon ng katimbang na gantimpala

sa iyong pagsisikap.

5. Tumutugtog siya para sa isang tao lamang, para kay Selma, na ang

larawan ay katabi ng kanyang lute na patuloy na nagbabantay sa kanyang

kubo.

Page 38: Modyul 15 Ang romatisismo ng maikling kwento

THANK YOU !!!