Upload
jason-capalungan
View
590
Download
4
Embed Size (px)
DESCRIPTION
pagsulat
Citation preview
LOHIKAL AT MAPANGHIKAYAT
NA PAGSULAT
Ang Lohika at Pagsulat
• Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip.
• Sa larangang ito, madalas na may mga katwirang kailangang pangatwiranan.
Mga mungkahi upang maging lohikal ang pagsulat:
a. Alamin ang paksa ng sulatin at magsaliksik ng tungkol dito king kinakailangan;
b. Alamin ang mga proposisyong kaugnay ng paksa upang mapili ang mga argumentong magagamit;
c. Alamin ang paraan ng pangangatwirang angkop gamitin sa iyong mga argumento;
d. Mangalap ng mga datos na magpapatibay sa iyong argumento; at
e. Iwasan ang mga maling pangangatwiran;
Mga Ebidensyang maaaring magamit:a. Pangyayaring nauugnay sa argumento;b. Obserbasyong pansarili o kaya’y pang
ibang tao;
c. Mga saksi; at
d. Mga awtoridad na makapagbibigay ng mga pahayag na makapagkokolaboreyt sa isang argumento.
Lohikal na Pangangatwiran
• Pangangatwirang Pabuod o Indaktibnagsisimula sa maliit na halimbawa o partikular na bagay at katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na tuntunin, kaisipan o konsepto.
• Pasaklaw na Pangangatwirannagsisimula sa panlahat na tuntunin, konsepto o ideya na sinusundan ng mga
partikular na bagay na sumusuporta o nagpapatotoo sa inilahad sa una.gumagamit ito ng silohismo
a. Tiyakang SilohismoPangunahing Premis: Lahat ng Katoliko ay Kristiyano.Pangalawang Premis: Si Juan ay Katoliko.Kongklusyon: Si Juan ay Kristiyano.
b. Kondisyunal na Silohismo
Pangunahing Premis: Kung si Juanay isang mabuting Kristiyano, siya ay pupunta sa langit.
Pangalawang Premis: Si Juan ay isang mabuting Kristiyano.Kongklusyon: Si Juan ay pupunta sa langit.
c. Pasakaling SilohismoPangunahing Premis: Kung masama kang Kristiyano, hindi makakarating ng langit.Pangalawang Premis: Si Pedro ay hindi masamang Kristiyano.Kongklusyon: Makararating si Pedro sa langit.
d. May Pamiliang Silohismo
Pangunahing Premis: Alin sa dalawa, si Jose ay Kristiyano o Muslim.
Pangalawang Premis: Si Jose ay hindi Muslim.Kongklusyon: Si Jose ay Kristiyano.
*kailangang maging matibay ang pangunahing premis sapagkat kung hindi, hahantong ito sa maling kongklusyon. Halimbawa:
Pangunahing Premis: Lahat ng lumalangoy ay isda.Pangalawang Premis: Si Nena ay lumalangoy.Kongklusyon: Si Nena ay isda.
Palasi ng Pangangatwiran
• Argumentum ad hominem – pag-atake sa personal na katauhan at hindi sa paksa o argumento.
• Argumentum ad baculum – paggamit ng pwersa o awtoridad.
• Argumentum ad misericordiam – pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran.
• Argumentum ad ignorantiam – nagpapalagay na hindi totoo ang anumang hindi napapatunayan o kaya’y totoo ang anumang hindi napapasinungalingan.
• Non-sequitur – paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does not follow the premise.
• Ignorantio elenchi – pagpapatotoo sa isang kongklusyong hindi naman siyang
dapat patotohanan.• Maling Paglalahat – pagbatay ng isang
kongklusyon sa isa o ilang limitadong premis.• Maling Analohiya – paggamit ng hambingang
sumasala sa matinong kongklusyon.• Maling Saligan – paggamit ng maling batayan
na humahantong sa maling
kongklusyon.• Maling Awtoridad – paggamit ng tao o sangginihang
walang kinalaman sa isang paksa.• Dilemma – pagbibigay ng dalawang opsyon lamang
na para bang wala nang iba pang alternatib.• Mapanlinlang na tanong – paggamit ng tanong na
ano man ang maging sagot ay
maglalagay sa isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.