48
Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Source: images.childishchocoholic.multiply.com

Citation preview

Page 1: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Mga Kasanayan sa Akademikong

Pagsulat

Mga Kasanayan sa Akademikong

Pagsulat

Page 2: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Mahahalagang Kabatiran sa

Akademikong Pagsulat• Hindi nakapagtatapos ng kolehiyo

ang isang estudyante nang hindi pinagagawa ng akademikong pagsulat.

• Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan.

Page 3: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

• Ang isang akademikong papel sa antas kolehiyo ay karaniwang binubuo ng 2,000 hanggang 3,000 salita o 15 hanggang 20 pahina.

• Ang akademikong papel ay may higit na masinsinang pagtalakay at may sinasagot na katanungan o larangan ng

Page 4: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

• pananaliksik sa pamamagitan ng mga datos o impormasyong makakalap mula sa mga makikitang pag-aaral at literatura.

• Ang pagsulat ng akademikong papel ay kadalasang kinatatakutan ng mga estudyante sa kolehiyo.

Page 5: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

• Ang pagsulat ng akademikong papel ay nangangailangan ng masusi at maingat na pagsisiyasat at pangangalap ng mga datos upang mapagtibay, maipaliwanag mapasubalian at mapahalagahan ang isang paksain.

Page 6: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Mga Pakinabang na Dulot ng Akademikong

Pagsulat 1. Mapapaunlad ang kakayahan sa

paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mapapaunlad ang mga pagpapahalagang iskolarli.

2. Malilinang ang kakayahan sa mapanuring pagbasa at pagsulat tulad ng paggawa ng buod, pagtatala,

Page 7: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

pagbabalangkas ng mga ideya at pag-oorganisa ng mga impormasyon sa isang mapanghikayat na sulatin.

3. Makikilala ang mundo ng aklatan bilang balon ng impormasyon at datos at ang mundo sa pangkalahatan bilang batis ng iba’t ibang kaalamang kailangang salain at suriin para sa

Page 8: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

akademikong pagsulat. 4. Malilinang din ang hikayat ng

pagtuklas ng kaalamang intelektwal, bagay na lubhang mahalagang bahagi ng pagkatuto.

5. Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at sa

Page 9: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

pagkakataong makapagdagdag sa kaalaman ng lipunan.

6. Malilinang ang pagpapahalaga sa paggalang sa katotohanan – ang paggalang sa likha at akda ng iba bunga ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.

Page 10: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

7. Sa pamamagitan ng pagtatala at maingat na dokumentasyon, ng pinaghalawan ng mga ideya at impormasyon ay maaari ring masanay sa pagkilala ng akda ng may-akda at ang pagpapahalaga sa katapatang intelektwal bilang sangkap ng akademikong pagsulat.

Page 11: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

8. Inaasahan ding mabubuksan ang isip ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagharap ng hamon ng pagiging obhektibo sa pagtanaw sa mga pangyayari at impormasyon.

9. Matututunan din ang pagiging mapili

Page 12: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

sa pagsusuri ng mga datos na mahalaga at hindi ng mga impormasyong kapaki-pakinabang para sa tinutuntong imbestigasyon.

MGA KASANAYANG MAHALAGANG MALINANG UPANG MAKABUO NG ISANG MAAYOS NA KONSEPTONG PAPEL:

Page 13: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

1. Mahalagang matutunan ang pagbuo ng isang konseptong papel bilang gabay sa masinop na pagsisiyasat at pananaliksik.

2. Mahalagang maisaloob ang sistematikong paghahanay ng mga ideya at ang pag-uugnay sa mga ito

Page 14: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

bilang batayan ng mga obserbasyong bubuuin.

3. Mahalagang matutunan ang kasanayan sa pagtatala, paggawa ng buod, presi, sintesis at hawig at ang maingat na pagsasalin ng mga datos sa Filipino bilang pagtitiyak sa

Page 15: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

kawastuhan ng mga datos na makakalap.

4. Sa pag-oorganisa ng mga datos at obserbasyon, mahalagang malinang ang kasanayan sa pagbuo ng isang mapanghikayat at maayos na sulatin upang matugunan ang simulaing naging tulak ng pagsisiyasat at pananaliksik sa napiling paksa.

Page 16: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Pagbuo ng Konseptong Papel

Pagbuo ng Konseptong Papel

Page 17: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

• Mahalagang magsimula ang paggawa ng pananaliksik sa pagbuo ng isang konseptong papel o concept paper.

• Sa konseptong papel nakasaad ang pangkalahatang balak sa isasagawang pananaliksik.

• Nakalahad din dito ang pangkala-

Page 18: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

• hatang larangan ng paksaing nais talakayin, ang tulak o rasyunal ng papel na nais isagawa, ang layuning nais tugunan ng pagtalakay, ang pamamaraan o metodolohiya ng pagsisiyasat na nais isagawa, ang inaasahang maging resulta ng isasa-

Page 19: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

• gawang pananaliksik at panimulang sarbey ng sanggunian at kaugnay na pag-aaral.

• Maikli lamang ito, maaaring dalawa hanggang tatlong pahina lamang.

Page 20: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Pangunahing Bahagi ng Konseptong PapelPangunahing Bahagi ng Konseptong Papel

Page 21: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Tiyak na Paksa• Isa sa mga tinitiyak sa pagbubuo

ng akademikong papel ay ang pagpili at pagtiyak ng paksa o larangan ng pagsisiyasat na nais isagawa.

• Pinipili ng isang nagsasaliksik ang larangan ng kaalamang nais niyang siyasatin.

Page 22: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

• Bukod pa rito, higit pang ginagawang partikular ang paksain upang higit na maging masinop ang isasagawang pagsisiyasat.

• Bawat paksain ay may isang pangkalahatang larangang kinabibilangan. Halimbawa nito ay ang

Page 23: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

larangan ng agham, pilosopiya, panitikan, kasarian, etnisidad.

Sa mga larangang ito, kinakailangang tumukoy ng mga partikular na usapin o paksaing nais talakayin.

Maaaring limitahan ang mga paksain sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa

Page 24: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

mga usaping may kinalaman sa panahon, lugar o espasyong pinangyarihan, heyograpiya, proseso ng paglikha o pag-iral, wika at ibang salik ng buhay at kulturang nakaaapekto sa isang paksain.

Page 25: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

• Halimbawa: Larangan: Dula sa Pilipinas Tiyak na paksa: Kasaysayan ng

dula sa Pilipinas Lalong tiyak na paksa: Kasaysayan

at pagpapakahulugan sa salitang “dula”

Page 26: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Rasyunal

• Sa pagtitiyak ng mga paksang nais talakayin at sa larangang kinabibilangan ng paksaing nais siyasatin, mangyayaring maihanay ang mga motibasyon at inspirasyong nagtulak sa pagtatangi ng napiling paksain.

Page 27: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

- Ano ang dahilan at napili ang paksain?

- Anong mga karanasan at pangyayari ang nagtulak sa pagpili ng paksaing ito?

- Ang pagtukoy ng pinagmulang motibasyon o inspirasyon ng pagsisi-

Page 28: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

yasat ang pagtukoy ng tinatawag na rasyunal ng pag-aaral.

Ang rasyunal o pinagmumulang tulak ng pagsisiyasat ay maaaring maging isang karanasang tuwirang nasaksihan ng magsasagawa ng pag-aaral o di kaya ay isang konsepto, bagay o ideya na

Page 29: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

nakapukaw ng pansin at nakapag-

iwan ng malalim na bakas ng pagtuklas na nais tuntunin ng nagsusulat ng akademikong papel.

Layunin - sa pagtiyak ng paksa, halos

kasunod na rin ang pagtiyak ng layunin ng

Page 30: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

pagsisiyasat at pananaliksik. - ang pagtukoy ng layunin ng

pagsisiyasat ay maaaring maihayag sa pamamagitan ng isang katanungang nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat.

- halimbawa ay ang mga tanong na ano, sino, saan, kailan at bakit.

Page 31: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

• Bawat isang katanungan ay nagtatakda na rin ng isang antas ng lalim ng pagsusuring nais isagawa ng nagsisiyasat.

• Hal. Maaaring ang pagtatanong ay nasa antas ng ano kung ang nais na siyasatin ay ang mga larangang may

Page 32: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

• kinalaman sa paglalahad ng isang bagay o pangyayari.

• Sa antas ng pagsisiyasat na ito, nasasakop ang mga pagsisiyasat na may kinalaman sa paghahantad ng depinisyon at pagbibigay-linaw ukol sa isang bagay o pangyayari.

Page 33: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

TARGET NA PAKSAIN Kasaysayan at Pagpapakahulugan

ng Salitang Dula sa Pilipinas RASYUNAL Matagal na akong nahihirati sa

halinang dulot ng panonood ng mga dula sa tanghalan. Sa mga pagkaka-

Page 34: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

taong nakakapanood ako ng mga dula, lagi kong naiisip kung paano nga bang nagsimula ang dula sa Pilipinas. Paano ba ito umunlad? Saan ba nakuha ang salitang dula samantalang ang salitang ito ay katulad din ng salitang cebuano na ang ibig sabihin ay “laro”. Mayroon

Page 35: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

kayang natatanging pagpapakilala sa dula sa pilipinas na iba sa karanasan ng ibang bansa?

SULIRANIN Ano ang salitang ugat at mga

kaugnay na salita ng katuringang dula sa Pilipinas?

Page 36: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Sino ang unang gumamit ng salitang dula bilang katuringan ng dula sa Pilipinas?

Saan itinanghal ang mga unang dula sa Maynila?

Kailan nagsimula ang gamit ng tiket sa mga pagtatanghal ng dula sa Pilipinas?

Page 37: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Paanong sumikat ang dula noong panahon ng Hapon?

Bakit naging sikat ang gamit ng dula noong panahon ng Batas-Militar?

Pansining malawak at marami ang maaaring mabuong mga suliranin mula lamang sa isang partikular na paksa.

Page 38: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

PANIMULANG HAKA.Sa paghahanay ng matalas at tiyak na suliranin para sa paksa, maaaring maghanay ng panimulang haka sa pag-aaral.

Panimulang haka- pagbuo ng panimulang tugon sa suliraning nais tuntunin.

- nakabatay ito sa panimulang sarbey

Page 39: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

ng mga babasahing isinagawa bago pa man makabuo ng isang tiyak na suliranin sa pag-aaral.

- hindi dapat na maging tiyak sapagkat ito ay pagtantiya lamang sa posiblens kahihinatnan ng pagsisiyasat at pananaliksik.

Page 40: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

- paglalatag ng isang pangkalahatang inaasahang resulta ng pananaliksik kaya’t mahalagang batay sa panimulang pagbabasa at pagsarbey ng mga kaugnay na babasahin at paksain.

- maaari itong magbago sa bandang huli

Page 41: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

matapos makapangalap ng mga datos at obserbasyon.

- ito ang tantiyadong tugon sa inaasahang resulta ng pagsisiyasat kaya’t kailangang bukas sa posibilidad na mabago mapatunayang hindi totoo o hindi aplikable.

Page 42: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Halimbawa: SULIRANIN: Ano ang salitang ugat at mga

kaugnay na salita ng katuringang dula sa Pilipinas?

PANIMULANG HAKA: Ang salitang dula ay maaaring

Page 43: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

nagmula sa salitang “dula” mula sa Cebuano na ang ibig sabihin ay “laro”. Ang mga katangian ng “dula” ay maaaring nahalaw sa mga salita at katuringang iniuugnay sa salitang “dula”.

Layunin ng pagbuo ng suliranin at panimulang haka na mabigyan ng gabay ang pagsisiyasat.

Page 44: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Sarbey ng mga Sanggunian Ang panimulang sarbey ng

sanggunian o kaugnay na pag-aaral ay listahang bibliyograpikal ng mga pag-aaral na makatutulong sa pagpapahusay ng pagsisiyasat.

- maaari itong buuin ng lima hanggang

Page 45: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

walong babasahing nabasa ng mananaliksik at nakatulong sa pagsisinop at pagpapatalas ng kanyang suliranin at pananaliksik.

- ito ay bahagi ng pagtitiyak na ang isasagawang pag-aaral at pananaliksik ay nagmumula sa mga nagawa nang

Page 46: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

pananaliksik at nakabatay sa mga kaalamang lalong pagyayamanin ng isasagawang pagsisiyasat at pananaliksik.

- ang mga sangguniang ito ay dapat na madagdagan at mapalawak habang isinasagawa ang pananaliksik.

Page 47: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Metodolohiya o Pamamaraan ng

Pananaliksik - mga balak na hakbang sa

pangangalap ng datos at pag-iimbestiga ukol sa napiling paksa.

- nakabatay ito sa paglalatag ng suliranin at panimulang haka sa pagsisiyasat at pananaliksik.

Sa pangkalahatan, maaaring uriin ang

Page 48: Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

mga metodo sa ilang pangunahing pamamaraang ginagamit– ang pananaliksik sa mga aklatan at arkibya, pagsasagawa ng field work, pag-eeksperimento sa laboratoryo o sa isang kontroladong espasyo.