164
Filipino sa Piling Larang Isports Patnubay ng Guro Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at mungkahi.

Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

i

Filipino

sa Piling Larang

Isports

Patnubay ng Guro

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at

sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong

paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang

mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-

email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng

Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at mungkahi.

Page 2: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

ii

Filipino sa Piling Larang - Isports

Patnubay ng Guro

Unang Limbag 2016

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa

Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng

Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng

pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa

pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga gawin ng nasabing ahensiya o

tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng

produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.)

na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.

Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Eduaksyon at Filipinas Copyright

Licensing Authority (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng

pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit ditto. Hindi

inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang

karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC

Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng __________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR)

Office Address: Ground Floor Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City

Philippines 1600

Telefax: (02) 634 – 1072; 634 – 1054; 631 – 4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro

Corazon L. Santos, PhD Ma. Althea T. Enriquez, PhD Czarina Joy T. Santos, MA

Tagasuri ng Sining ng Pagtuturo: John Roger M. Maghuyop, MA Tagasuri ng Wika: Jayson De Guzman Petras, MA Pabalat: Teresa Bernadette L. Santos

Tagapamahala sa Pagbuo ng Patnubay ng Guro Bureau of Curriculum Development

Bureau of Learning Resources

Page 3: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

iii

TALAAN NG NILALAMAN

Gabay Pangkurikulum ........................................................................................... iv

Kabanata 1: Introduksiyon sa Wika at Pananaliksik ............................................. 1

Aralin 1 – Ang Varayti ng Wika ............................................................................. 5

Aralin 2 – Kahulugan at Kabuluhan ng Pananaliksik ............................................ 16

Aralin 3 – Makrong Kasanayan sa Pagsulat ......................................................... 23

Kabanata 2: Ang Wika sa Isports at Pagsulat Tungkol Dito ............................. 37

Aralin 4 – Ang Varayti ng Filipino sa mga Balitang Isports sa Diyaryo .................. 40

Kabanata 3: Mga Pagbabalita sa Isports ............................................................. 49

Aralin 5 – Pagbabalita sa Basketbol at Boksing ................................................... 52

Aralin 6 – Pagbabalita sa Iba pang mga Palaro.................................................... 57

Aralin 7 – Pagbabalita sa iba pang Kaganapan sa Isports ................................... 62

Kabanata 4: Mga Opinyon/Analisis sa mga Pangyayari sa Isports.................... 71

Aralin 8 – Pagsulat ng Opinyon . .......................................................................... 74

Aralin 9 – Pagsulat ng Analisis ng Isang Balitang Isports ..................................... 84

Kabanata 5: Mga Tampok na Lathalain sa Isports .............................................. 92

Aralin 10 – Panimula sa Olympic Movement ........................................................ 95

Aralin 11 – Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban noong Dating Panahon

.......................................................................................................................... 103

Aralin 12 – Paraan ng Paglalaro ........................................................................ 108

Aralin 13 – Karanasang Pang-Isports (mula sa salaysay nina Tuvilla at Huelgas)

.......................................................................................................................... 115

Aralin 14 – Pangangalaga sa Kalusugan............................................................ 119

Kabanata 6: Iba pang Natatanging Lathalain ..................................................... 127

Aralin 15 – Lathalaing Profile ............................................................................. 130

Kabanata 7: Pangwakas na Gawain ................................................................... 141

Aralin 16 - Brainstorming at Pagtatalaga ng Gawain .......................................... 141

Aralin 17 - Editing ng mga Artikulo ..................................................................... 144

Aralin 18 - Graphics/Layout ................................................................................ 147

Aralin 19 - Pinal na Editing at Pag-apruba ng Grupo .......................................... 149

Mga Sanggunian .................................................................................................. 155

Page 4: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

iv

Page 5: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

v

Page 6: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

vi

Page 7: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

vii

Page 8: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

viii

Page 9: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

1

KABANATA 1 Introduksiyon sa Wika at Pananaliksik

Ang unang kabanata ay magsisilbing lunsaran ng mga gawain sa

pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina Propesor Eugene Evasco at Dr. Josefina Mangahis, mabibigyang-tuon ang makrong kasanayan sa pagsulat at pananaliksik.

Sa artikulo ni Dr. Nilo Ocampo, naipupwesto ang iba-ibang paggamit at

wikang nalilikha sa panlipunang konteksto. Ang isports bilang isang speech community ay nagluluwal ng maraming termino at paraan ng paggamit ng wika na wala sa ibang speech community at kung gayon ay nakalilikha ng varayti sa wika. Panimulang Pagsusulit sa Kabanata 1 I. TAMA o MALI: Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag. Kung MALI, isulat ang

salitang MALI at ilagay ang wastong sagot. (20 puntos)

1. Ang isang istandard na wika ay malaya sa mga pagbabago bunga ng

paggamit ng wika sa lipunan.

2. Bilingguwalismo ang tawag sa pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika.

3. Mahalaga ang pagpaplanong pangwika upang higit na mapayaman ang wika

ng isang bansa.

4. Layunin ng pagsulat na makapagpahayag lamang ng mga saloobin.

5. Nakakalikha ng isang mahusay na pangangatwiran sa pamamagitan ng

paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pansalat.

6. Pangunahing layunin ng paglalarawan ang magpaliwanag.

7. Sa paghanda ng paksa naihahanda ang estruktura ng buong organisasyon

ng gagawing pananaliksik.

8. Balangkas ang tawag sa listahan ng mga sangguniang ginamit sa

pananaliksik.

9. Ang paglalarawan ay naglalahad ng mga katuwiran at panig.

10. Mahalaga ang pagtatakda ng limitasyon sa pananaliksik upang maging tiyak

ang sakop ng pag-aaral.

Page 10: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

2

II. PAGKAKAPAREHO/PAGKAKAIBA: Punan ng katangiang pareho at magkaiba

ang mga sumusunod na salita. (10 puntos)

Konsepto

Pagkakapareho Pagkakaiba

1. Sosyolek at Dayalek

2. Idyolek at Sosyolek

3. Istandard at Varayti ng wika

4. Paglalarawan at

Pangangatuwiran

5. Pagsasalaysay at Paglalahad

SANAYSAY: Sagutin ang tanong: Ano ang ugnayan ng wika, kultura, at lipunan? Ipaliwanag ang sagot gamit ang mga tinalakay sa buong kabanata. ( 20 puntos) Pamantayan sa Pagmamarka:

Nilalaman ng sanaysay 10 puntos Wikang ginamit sa pagsulat 5 puntos Organisasyon ng sanaysay 5 puntos

Page 11: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

3

Susi sa Pagwawasto Pagsusulit sa Kabanata 1:

I. Tama o Mali

1. Mali – ang istandard na wika ay pamantayan na kadalasang pinupuro 2. Mali – dayalek 3. Tama 4. Mali – iba pang layunin ng pagsulat: makapagbigay impormasyon,

makapanghikayat, makapagbigay-lugod, makapagpahayag ng sarili 5. Mali – paglalarawan 6. Mali – paglalahad 7. Mali – balangkas 8. Mali – bibliyograpiya 9. Mali – pangangatwiran 10. Tama

II. Pagkakapareho/Pagkakaiba

Konsepto

Pagkakapareho Pagkakaiba

1. Sosyolek at Dayalek Parehong nagpapakita ng varayti sa loob ng isang wika

Ang sosyolek ay pagkakaibang dulot ng panlipunang aspekto: ang dayalek ay heograpikal.

2. Idyolek at Sosyolek Parehong nagpapakita ng varayti ng wika

Idyolek ay indibidwal na pagkakaiba sa wika samantalang grupong panlipunan ang bumubuo sa sosyolek

3. Istandard at Varayti ng wika

Itinatakda ng mga gumagamit ng wika sa lipunan

Istandard ang pamantayan ng wika sa lipunan samantalang isinasaalang-alang sa varayti ang pagiging dinamiko at pagbabago ng wika.

4. Paglalarawan at pangangatuwiran

Parehong anyo ng pagsulat

Ang paglalarawan ay nagbibigay-tuon sa katangian ng isang bagay, lugar, o pangyayari na inilalarawan samantalang ang pangangatwiran ay gumamamit ng panghihikayat bilang pangunahing elemento

Page 12: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

4

5. Pagsasalaysay at paglalahad

Parehong anyo ng sulatin na nag-iisa-isa ng pangyayari at mga paliwanag

Ang pagsasalaysay ay may layuning magkuwento ng mga pangyayari samantalagang pangunahing layunin ng paglalahad ang magpaliwanag ng mga konsepto.

Page 13: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

5

ARALIN 1: Ang Varayti ng Wika Linggo 1

Deskripsiyon: Ang artikulo ay tatalakay sa mga konseptong may kinalaman sa wika kaugnay ng panlipunang aspekto nito.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Upang mabigyan ng konteksto ang aralin patungkol sa varayti ng wika ay mahalagang matalakay muna ang depinisyon ng wika ayon kay Edgar Sturtevant. Ipakita ang depinisyon sa pisara o powerpoint presentation at himayin ang mga mahahalagang konsepto sa loob ng kahulugan. “Ang wika ay sistema ng arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng mga tao.” Sistema - Mayroong gramatikal na aspekto, sistema ng pagbubuo ng mga tunog para makabuo ng mga salitang pagdurugtungin upang makabuo ng isang pahayag na may nilalamang kahulugan na maaaring unawain nang literal o may kontekstong kultural.

Arbitraryo - ang mga bagay o pangyayari na walang tiyak na matukoy na rasyonal, paliwanag at dahilan sa pagkakalikha ng mga

Pares na gawain: ipasagot ang sumusunod na tanong sa mga mag-aaral. Ilagay ang sagot sa isang buong papel. Tiyaking maipaliwanag nang maigi sa mga mag-aaral ang kanilang mga sagot na mula sa talakayan at kanilang mga sariling pagsusuri at paghihinuha.

1. Ano ang kahulugan

ng arbitraryo? Bakit sinabing arbitraryo ang wika? Magbigay ng halimbawa na magpapatunay nito.

2. Kaugnay ng pagiging arbitraryo nito, paano nalilikha ang mga salita sa isang wika?

3. Bakit sinabing mula sa tunog ang wika? Kung batay sa tunog ang wika, paano ang mga hindi nakapagsasalita? Ibig sabihin ba nito ay hindi talagang wikang matatawag ang sign at action language?

Ano ang papel ng wika sa talastasan? Ano ang

naidudulot nito sa isang komunidad o lipunan?

Magbigay ng halimbawa

Page 14: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

6

salita na bumubuo sa isang wika. Wala ring isang tao ang lumikha ng wika para sa lahat. Pinagkasunduan ito ng mga gumagamit ng wika upang higit silang magkaunawaan at patuloy itong nadadagdagan habang patuloy na nag-uugnayan ang mga tao.

Simbolo ng tunog – sinasagisag ng wika ang mga tunog na nililikha ng tao. Nabubuo ito sa pamamagitan ng artikulasyon ng tunog na nagaganap sa bibig, ilong, lalamunan, at diaphragm. Para sa komunikasyon ng tao – may papel ang wika sa pag-uugnayan ng mga tao sa loob ng komunidad at lipunan. Nalilikha ang wika dahil sa pangangailangan na mag-ugnayan ang mga tao tungo sa pagbubuklod at paglikha at pag-unlad bilang isang komunidad o lipunan. Matapos talakayin ang wika bilang isang isang natatanging kagamitan ng tao para sa komunikasyon, sasabihin ng guro na higit pa rito ang nagagawa ng wika dahil ang komunikasyon ay unang hakbang pa

Gawain 2: Magbigay ng halimbawa ng sumusunod: 1. dayalek 2. idyolek 3. sosyolek 4. pidgin 5. creole Talakayin ang sagot pagkatapos.

Page 15: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

7

lamang sa pag-aaral ng panlipunang aspekto ng wika. Gawain 1: Sa gawaing ito tatasahin ang husay sa pag-uugnay ng mga konsepto ng mag-aaral upang makabuo ng isang malinaw na paglalarawan at pagbibigay-kahulugan. Sabihin na magkakaroon ng palaro tungkol sa aralin para sa araw na ito. Ang laro ay tinatawag na “Taboo”. Ipaliwanag kung ano ang konsepto ng taboo at implikasyon nito sa mga kultural na gawing Pilipino. Mayroong mga salita ang guro. Ang mga salita ay mga konseptong manggagaling sa babasahin gaya ng:

1. bilingguwal 2. varayti 3. kultura 4. lipunan 5. pidgin 6. creole 7. register 8. idyolek 9. dayalek 10. diglossia

Maaaring bumuo ng grupong maglalaban at magpaparamihan ng mahuhulaang salita. Kailangan itong pahulaan ng isang mag-aaral sa kagrupo gamit ang mga salita, maliban

Page 16: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

8

sa mga salitang nasa listahan. Isang puntos bawat tamang sagot.

Hindi titigil ang nagpapahula sa loob ng isang minuto hanggang hindi nahuhulaan ng kagrupo ang salita.

Halimbawa:

Maaaring sagot ng mag-aaral ay: “laro”, “aksiyon”, “kilos”, “pangkalusugan”, “hilig”, “dibersiyon”. Kailangang tiyakin ng guro na tanging mga salita lamang ang gagamitin at hindi parirala o pangungusap.

Bawat konseptong mahulaan ng grupo ay kailangang bigyang- kahulugan ng grupong sumagot. Dayalek – varayti ng wikang nalilikha ng dimensiyong heograpikal. Nagpapakita ito ng pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika na maaaring batay sa

Page 17: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

9

tono, punto, o leksikon ng mga taong gumagamit nito. Idyolek – bawat tao ay mayroong kakaibang paraan ng paggamit ng wika. Maaaring hindi siya malay dito ngunit mayroong indibidwal na pagkakaiba ang mga tao sa pagsasalita at paggamit ng wika gaya ng paglalagay ng “eh” sa pangungusap.

Sosyolek – wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa lipunan na maaaring nagkakaiba-iba ayon sa hanapbuhay, gawain, edad, kasarian, at estado sa buhay.

Register - partikular na gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. Pidgin – wikang umusbong bilang resulta ng kadahilanang praktikal gaya ng wikang Chavacano bago ito maging creole. Wala itong katutubong tagapagsalita ngunit nadedebelop dahil sa patuloy na paggamit.

Creole – nadebelop na pidgin at nagkakaroon ng mga katutubong tagapagsalita.

Bilingguwal – ang tawag sa isang taong

Page 18: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

10

may kakayahang makaunawa at makapagsalita ng dalawang wika. Varayti – Ang pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika na maaaring batay sa heograpiya o panlipunang aspekto.

Kultura – mga gawi, aktibidad, o paniniwala ng mga tao sa isang komunidad o lipunan na naipapasa sa mga henerasyon. Lipunan – mga tao na namumuhay nang sama-sama na binubuklod ng isang kultura o ideolohiya. Diglossia – isang sitwasyong may dalawang umiiral na magkaibang varayti ng wika sa loob ng isang komunidad at mayroong ipinamamalagay na mas mataas kaysa sa isa pa.

Tenor – pormalidad ng estilo ng pananalita batay sa mga kalahok nito. Larang/field – aktibidad o larangang konteksto na nagtatakda paksaing gagamitan ng wika. Paraan/Mode – paraan o hakbang na syang daluyan ng talastasan

Page 19: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

11

gaya ng pagsulat, pagsasalita, talumpati at iba pa.

LINANGIN:

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sabihin ng guro: Nabigyang-kahulugan na ang mahahalagang konsepto sa pag-aaral ng wika. Ngayon naman ay palalalimin natin ang pag-unawa sa mga ito.

Gawain 3: Bumuo ng grupong may apat na miyembro. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Maaaring gamitin ang mga tala at babasahin upang sagutin ang katanungan.

1. Ano ang pagkakaiba ng wika at dayalek? Magbigay ng halimbawa ng dayalek sa mga wika sa Pilipinas. Maaaring itanong ang mga katutubong wika ng mga mag-aaral at iproseso ito.

2. Bakit nagkakaroon ng dayalek ang isang wika?

3. Kung maraming dayalek sa isang wika, alin sa mga ito ang wasto?

4. Paano naimamapa ang mga dayalek sa isang rehiyon o wika?

5. Ano ang ugnayan ng dayalek sa pagkakaroon ng varayti sa wika? Ano-anong mga uri ng dayalek mayroon sa isang lipunan? Paano nagkakaiba-iba ang mga ito?

6. Paano nalilikha at lumalawak ang isang varayti?

Page 20: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

12

7. Ano ang papel ng mga tagapagsalita ng wika sa pagpapalawak ng varayti?

Sa tingin ba ninyo ay dapat magkaroon ng isang istandard na wika?

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Itanong sa mag-aaral kung mayroon ba silang hindi naintindihan sa diskusyon at balikan at kung kinakailangan ay magbigay ng karagdagang halimbawa upang maipaliwanag sa mag-aaral ang diskusyon.

Ang sumusunod ay maaaring sagot sa mga gabay na tanong sa itaas. 1. Mayroong

pagkakaiba ang wika at dayalek. Maaaring ibigay na halimbawa ang mga dayalek ng wikang Tagalog: Tagalog Maynila, Tagalog Rizal, Tagalog Batangas, Tagalog Quezon

2. Maaaring dahil sa heograpikal na kondisyon ng isang bahagi ng bansang Pilipinas ang pagkakaroon ng dayalek.

3. Walang iisang dayalek na superyor sa iba.

4. Ang isang isoglos ay

Itanong sa mag-aaral kung ano-ano ang mga speech community sa lipunang Pilipino. Gawain 3: Bumuo ng grupo na may 5 miyembro at umupo nang paikot at magkakarahap kasama ang mga kagrupo.

Magbahagi sa isa’t isa ng isang speech community na kinabibilangan ng bawat isa. Pumili ng isa at bumuo ng listahan ng mga terminong ginagamit ng komunidad na iyon. Maaring ito ay mga speech community ng mga manlalaro ng online games, mga manlalaro ng volleyball, at iba pang isport na kinabibilangan, salitang bakla, mga crew sa fast food chain, at iba pa. Maaaring isa-isahing talakayin sa klase ang mga paraan ng paggamit ng wika ng mga speech community gaya ng

Page 21: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

13

palatandaan ng mga hangganan ng partikular na pagkakaiba sa gamit sa wika sa isang lugar.

5. Ang varayti ng wika ay maaaring sanhi ng, – indibidwal, heograpikal at aspektong sosyal gaya ng edukasyon, okupasyon, uring panlipunan, edad, kasarian, at kaligirang etniko.

6. Mula sa mga danas ng mga tao sa isang lipunan, nalilikha ang wika at habang lumalawak ang karanasan ng mga tao lumalawak din ang wika.

7. Dahil sa panlipunang aspekto ng wika, nagkakaroon ng varayti mula sa mga speech community na binubuklod ng kanilang pinagsasamahang gawain at wika.

8. Ang istandard na wika ay wikang itinakda bilang siyang wasto. Karaniwang pinakanagagamit sa mga institusyong panlipunan. Pinananatili at karaniwang pinupuro sa pamamagitan ng mga akademya.

mga manlalaro ng dota,

fx drivers,

tindera sa palengke,

mga naglalaro ng sabong,

volleyball fans

mountaineers at iba pa.

...upang higit na makita ng mga mag-aaral ang mga varayti at gampanin nito sa isang speech community.

Inaasahang makita rin nila ang pagiging makulay ng wika sa lipunan dahil sa mga ito.

Page 22: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

14

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Ipaliwanag ang gawain para sa araw na ito. Kung kailangan ay balik-aralan ang mga konseptong binigyang -kahulugan kaugnay ng varayti ng wika. Sabihin sa mag-aaral: “Ngayong malinaw na sa inyo ang mga konseptong pangwika, titingnan natin kung malinaw rin sa inyo ang mga gamit at kahalagahan nito at kung kaya ninyo itong ipahayag sa pamamagitan ng ilustrasyon o dayagram.”

Ang dayagram ay nagpapakita ng pagkakawing ng mga konsepto o baryabol na pinaniniwalaang nagpapakita ng kaugnayan sa isa’t isa. Ito ay biswal na representasyon ng mga namamayaning teorya, prinsipyo, at mga konseptong mahalaga sa ginagawang pananaliksik o pagtalakay gamit ang ilang salita lamang.

Ang mga modelo ay individualized at walang isang tamang representasyon. Nakabatay ito at

Gawain 4: Pangkatang Gawain: Itanong sa mag-aaral kung ano ang kahalagahan ng mga varayti ng wika sa pag-aaral ng ugnayan ng lipunan at wika?

Ipakita ito sa pamamagitan ng isang dayagram.

Lagyan ng isa o dalawang talatang paliwanag sa ibaba. Pagkatapos magawa ng mga grupo ang mga dayagram ay bibigyan sila ng Manila paper at permanent marker upang iguhit ang kanilang dayagram. Ipapaskil ang mga dayagram sa pisara at ipauulat ito sa isang kinatawan mula sa mga grupo.

Kailangang malinaw ang daloy ng ideya sa paliwanag ng mag-aaral at nasusuportahan ito ng ilustrasyon.

Maaaring magtanong ang mga mag-aaral para sa mga paglilinaw. Kolektahin ang mga gawa ng mag-aaral pagkatapos. Maaari ding magtalaga ang guro ng ibang grupo na

Page 23: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

15

sinusuportahan ng mga teorya at ebidensiyang nakalap sa pananaliksik.

Mga simbolo at representasyong ginagamit sa konseptong balangkas (Skematik na modelo)

1. Hugis at laki nito 2. Linya at kapal o

nipis nito – nagpapakita ng pagkakaugnay

3. Arow – nagpapakita ng daloy o direksiyon

4. Paggamit ng titik, malaki o maliit, nakasalung guhit o bold

magbibigay ng komento sa ibang grupo at itatala nila ang kanilang komento sa isang buong papel.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Malinaw na daloy ng ideya sa ilustrasyon(10 Puntos) Epektibong paggamit ng mga pigura bilang simbolo

(10 Puntos) Mahusay na paggamit ng wika(10 Puntos)

Kabuuang puntos(30 puntos)

Page 24: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

16

ARALIN 2: Kahulugan at Kabuluhan ng Pananaliksik Linggo 2

Deskripsiyon: Lalamanin ng aralin na ito ang rasyonal sa likod ng pangangailangan sa isang masinsin at siyentipikong pananaliksik tungo sa isang sistematikong gawaing pang-akademya

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Magpakita ng iba't ibang larawan ng personalidad, pangyayari sa loob at labas ng bansa, mga imbensyon, at iba pang pangyayaring panlipunan. Tanungin ng guro ang mga mag-aaral kung paano ito nakararating sa mga tao? Ano kayang mga proseso ang ginawa bago ito maipabatid sa babasa o manonood? Magsagawa ng malayang talakayan na sasagot sa tanong ng guro. Maaaring asahang sagot ang paghahanap ng impormasyon o pananaliksik, pagsulat, at pagpapakalat ng impormasyon. Sabihin ng guro: “Sa larangan ng mass media, sa agham panlipunan at teknolohiya at iba pang gawaing panlipunan ay

Gawain 1: Magpangkat at punan ang worksheet na ito na magpapakita ng gamit ng pananaliksik sa iba’t ibang disiplina at larangan.

Halimbawa ng mga gawain at larangan na nangangailangan ng pananaliksik ay:

Humanidades (Subdibisyon: Wika, Literatura, Musika, Arkitektura, Sining, at Teatro)

Agham panlipunan (Subdibisyon: Sosyolohiya, Paglilingkod

Page 25: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

17

sentral na kasanayan ang pananaliksik. Mahalaga ito dahil dito natitiyak ang katotohanan at 'accuracy' ng mga detalye at impormasyon.”

Maaring itanong: “Ano ang posibleng maging epekto ng kawalan ng isang masinsin at wastong pananaliksik?” Maaaring isa-isahin ang mga larangan at mga institusyong panlipunan na gumagamit ng pananaliksik sa kanilang mga transaksiyon.

Panlipunan, Sikolohiya, Ekonomiya, Accounting, Antropolohiya, Arkeolohiya, Edukasyon, Abogasya, Kasaysayan, Agham Pampolitika)

Agham Pisikal, Matematika, Teknolohiya

(Subdibisyon: Matematika, Pisika, Kemistri, Biyolohiya, Botanika, Astronomiya, Heolohiya)

Sa huli, makikita ng klase na ang pananaliksik ay ginagawa sa lahat ng larangan at disiplina kung kaya’t mahalagang matutuhan ng mga mag-aaral at iba pang bahagi ng akademya ang kasanayan sa isang masinop at masinsing pananaliksik.

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

(1) “Ang saliksik, pananaliksik, o pagsasaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran” (Neuman 1997)

Mula sa mga tanong na ibinigay ng mag-aaral, nalilikha ang isang paksa ng pananaliksik, gaya halimbawa ng mga pagtalakay sa bagong

Maghanda ang mga grupo para sa pagbabahagi ng mga sagot matapos ang

20 minuto.

Talakayin ang mga sipi upang mapalitaw ang

katuturan ng pananaliksik.

Tumawag ng mag-aaral upang ipaliwanag ang

sipi ayon sa naging talakayan sa loob ng

grupo.

Pagkatapos na

Page 26: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

18

virus at paraan kung paano mapupuksa ito. Ito ang magtutulak sa isang tao tungo sa paglikha ng mga bagay na kapaki-pakinabang at makapagpapabuti sa isang lipunan.

Ayon kina Marquez, ang isang sistematikong pananaliksik ay tumutugon sa mga sumusunod na layunin:

Makatuklas ng mga bagong ideya, konsepto, at impormasyon.

Makapagbigay ng bagong interpretasyon o pagpapakahulugan sa dating nang ideya.

Makapaglinaw sa isang usapin o isyung pinagtatalunan at tuloy makapagbigay ng inaakalang solusyon sa problema.

Makapagpatotoo o makapangatwiran sa tulong ng mga mapapanaligang mga materyales o dokumento hinggil sa mga paksang nangangailangan ng paglilinaw.

Makapagbigay mga ideya o suhestiyon batay sa historikal na perspektibo para sa isang pangyayari o senaryo.

Ang isang mananaliksik ay hindi tumitigil sa pagsagot ng isang tanong. Nagiging malikot ang kaniyang

maipaliwanag ng mag-aaral ang sipi ay sabihin sa klase na ang lahat ng pagtuklas at pag-alam ay nagsisimula sa isang tanong. Tanungin ang klase kung ano ang kanilang nais alamin tungkol sa kanilang paligid o lipunan. Ipapaliwanag sa mag-aaral ang kaibahan ng konsepto ng pagiging obhetibo at subhetibo. Hingan ang mag-aaral ng halimbawa ng obhetibo at subhetibong pananaw upang matiyak kung tama ang pagkaunawa rito.

Ipapaliwanag sa mag-aaral ang sistematikong proseso ng pagsulat: 1. Pagpili ng paksa mula

sa iba’t ibang interes ng mananaliksik

2. Pagbuo ng hinuha o haypotesis o tentatibong kasagutan sa katanungan sa pananaliksik

3. Pagdidisenyo ng pananaliksik o pagbubuo ng mga layunin, kahalagahan ng pag-aaral, at mga teoretikal na batayan

4. Pagbubuo ng balangkas

5. Pangangalap ng datos

Page 27: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

19

pagkamausisa at magsasanga pa ang mga tanong na ito para makatuklas ng isang katotohanan.

(2) “Masasabing lahat ng pananaliksik ay may pagkasubhetibo sa gitna ng pagiging obhetibo nito.”

Mula sa katuturan at paliwanag, iugnay ang katangian ng pananaliksik bilang sulating naglalaman ng obhetibong kaalaman mula sa subhetibong pagpili ng paksa.

Obhetibo ito dahil magmumula sa mga datos at impormasyong mula sa mga batis ngunit subhetibo sa kadahilanang napili ang paksang sasaliksikin batay sa personal na interes at pagkiling sa paksa. Ayon kina Jocson, ang isang sulating pananaliksik ay hindi basta-bastang pinagsama-samang mga binuod na akda o pinagdugtung-dugtong na pahayag mula sa nakalap na impormasyon bagkus, ito'y mga nakalap na kaalaman at datos na isinaayos at inorganisa sa isang makaagham na pamamaraan na ang bawat hakbang ay

6. Pagsusuri sa mga datos na nakalap alinsunod sa konseptuwal/teoretikal na balangkas

7. Pagbabahagi ng pananaliksik

Talakayin at sundan ang mga hakbangin gamit ang halimbawang paksa upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga proseso Magtawag ng mag-aaral na nais magbigay ng halimbawang pangyayari sa bansa na maituturing na isang phenomenon at ipaliwanag kung paano ito naipauunawa sa madla pamamagitan ng pagsasagawa ng pananaliksik. Ipaliwanag bilang halimbawa ang mga natuklasan tungkol sa mga epekto ng climate change sa Pilipinas at sa mundo at iba pang naranasang penomenon ng bansa Talakayin sa klase kung paano itong ginagawa ng mga organisasyon, sangay ng gobyerno, o pribadong ahensiya o kompanya. Ipaliwanag ang kahalagahan ng ebalwasyon. Sa ebalwasyon ginagawa ang pangongolekta at pagsusuri ng mga impormasyon upang mabigyan ng pagtitimbang ang mga gawain o programa at makita kung epektibo ba

Page 28: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

20

nakaplano. Ang mga interpretasyon o pagpapakahulugan ay ibinabatay sa paghahanay, pagtataya, at pagsusuri ng mga datos na nakalap.

(3) “Sa kabila ng pagiging subhetibo, hindi nangangahulugang pawang personal na opinyon o haka-haka lamang ang mga kaalamang nakukuha mula rito. Sistematikong ipinoproseso ang mga kaalaman.”

(4) “Sa pamamagitan ng pananaliksik nailalarawan ang isang penomenon”. (5) “Sa pamamagitan ng pananaliksik natatasa at nabibigyan ng ebalwasyon ang mga kaganapan, proyekto 6) “Sa pamamagitan ng pananaliksik naipapaliwanag ang sanhi o dahilan ng mga pangyayari.” (7) “Sa pamamagitan ng pananaliksik natataya o napepredikt ang mga mangyayari

ito tungo sa mas pagpapahusay pa ng sistema. Magtawag ng mag-aaral upang magbigay ng kongkretong patunay ng pahayag. Bigyang-pansin ang papel ng pananaliksik sa advertaysing. Halimbawa ang pagkakalikha ng mga produkto ay nagsisimula sa konseptuwalisasyon ng pangangailangan ng target market o kaya naman ay sa mga programa ng gobyerno. Kung paano nalilikha ang mga programa ay batay sa masusing pananaliksik at pag-aaral sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. . Hayaang magbigay ng ebidensiya ang mag-aaral. Maaaring asahang sagot ang mga sarbey na isinasagawa bago ang eleksiyon na siyang pinagmumulan ng mga pagsusuri at paghihinuha kung sino ang matunog sa mga botante at may posibilidad na magwagi.

Nalalaman din sa pamamagitan ng pananliksik sa agham na hinog na ang mga fault line sa Luzon at anomang oras ay maaari itong gumalaw, at magdulot ng malaking sakuna ayon sa PHIVOLCS.

Page 29: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

21

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Gawain 2: Maaaring pangkatan o isahan. Bilang paglalagom sa kahalagahan ng pananaliksik, isa-isahin ang kahalagahan ng pananaliksik sa sarili, akademya, at lipunan.

Gawain 3: Bubuo ang mga mag-aaral ng isang senaryo o iskit na hindi lalampas sa tatlong minuto na nagpapakita ng gamit at kahalagahan ng pananaliksik. Bigyan ng sapat na oras

ang mga grupo at ipatanghal sa harap ng

klase ang mga gawa nila.

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Ipaliwanag ang gawain sa pamimili ng paksa. Bumuo ng pangkat na may tatlo hanggang apat na miyembro. Maaaring gamitin ang aklatan o manatili na lamang sa silid-aralan kung sapat na ang nalalaman ng mga mag-aaral tungkol sa kaligiran ng kanilang paksa. Maaaring sagutin ang mga sumusunod na tanong na ito sa pamimili ng paksa. Sa pagpili ng paksa, maaaring sagutin ang mga tanong na ito:

Gawain 4: Gamit ang mga natutunan sa gamit, halaga, at katuturan ng pananaliksik, pumili ng isang paksang pang-isports na nais saliksikin. Magbabahaginan ng paksa ang bawat isa at sa huli ay pipili sila ng isang paksa upang gawin ng buong grupo. Maaaring sundin ang pamamaraang ito sa pamimili ng paksa: a) Pag-iisip o pagtitiyak

sa paksa b) Malayang pagtatala ng

mga ideya tungkol sa paksa

c) Paglilimita ng paksa at pagsulat nito sa isang pangungusap

Page 30: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

22

a) Ano ang paksang pag-aaralan natin?

b) Interesante ba ito? c) May makukuha kaya

tayong sapat na datos?

d) Makapag-aambag ba ang pag-aaral na gagawin ng mga makabuluhang kaalaman sa larangan ng isports?

d) Pagpili at pagwawaksi ng mga ideya

Maaaring ikonsulta sa guro ang paksang mabubuo ng grupo. Mag-ikot ang guro upang marinig ang mga binubuong paksa ng mga mag-aaral. Ipapasa ang napiling paksa. Tiyaking hindi na mababago ang paksa.

Bilang takdang-aralin, magsaliksik ng mga

impormasyon tungkol sa paksang napili.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Pag-isip ng napapanahong paksa (10 puntos)

Pagbibigay ng natatangi o orihinal ang ideya(10 puntos) Paglilimita ng paksa(10 puntos)

Kabuuang puntos(30 puntos)

Page 31: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

23

ARALIN 3: Makrong Kasanayan sa Pagsulat Linggo 3

Deskripsyon: Paksa ng aralin ang pagsulat bilang isang makrong kasanayan na nagtataglay ng mga proseso at masinsing mga hakbangin.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sabihin ng guro: “Isa sa pinakamahahalagang kasanayang dapat matutuhan ng tao ay ang pagsulat. Malaking papel ang ginagampanan nito sa isang lipunan at sa pagpapabuti nito. Maaaring malay tayo o hindi sa mga bagay na ito kaya tingnan natin ngayon kung gaano kayo kamalay sa gamit at katuturan ng pagsulat sa ating pang-araw-araw na buhay”.

Gawain 1: Magpasulat sa pisara ng mga salitang maaaring ikabit o ma-associate sa salitang “pagsulat”. Magtawag ng mga mag-aaral at ipasulat sa pisara ang mga sagot. Tantiyahin kung sapat na ang dami ng mga salita upang maging lunsaran ng talakayan sa pagsulat. Isa-isang ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang mga salitang kanilang isinulat sa pisara at ano ang kaugnayan nito sa katuturan ng pagsulat. Maaaring sumang-ayon o hindi sumang-ayon ang

klase sa mga salita. Suriin ang bawat sagot ng kaklase at maaaring

magbigay ng komento sa mga sagot ng mag-aaral.

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Gawain 2: Ipakompleto ang pahayag na “Ang pagsulat ay...” at ipapaliwanag ang kanilang pahayag. Gawing lunsaran ang mga

Gawain 3: Magbigay ng metacards na naglalaman ng mga uri ng sulatin. Ipadikit ang metacards sa pisara sa ilalim ng

Page 32: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

24

paliwanag ng mga mag-aaral at tiyaking mapalabas ang mga sumusunod na kaisipan: Ang pagsulat ay...

Artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang pasulat.

Isang masalimuot na gawain. Inisa-isa nina Paquito Badayos ang mga isinasaalang-alang sa pagsulat tulad ng:

a) pakikipagtalastasan sa target audience o mambabasa

b) malinaw na layunin c) pagiging aktibo at

dinamikong proseso nito

Isang proseso na nagsisimula sa isip bilang ideya o karanasan bago aktuwal na itala ng lapis o bolpen, makinilya o kompyuter.

Pormal na pinag-aaralan. Iniuugnay rito ang kasanayang pangkomunikasyon na natutunan sa paaralan upang makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang nililinang ng isang tao ang kaniyang kakayahan sa masining at masinsing pagsulat

anyo ng pagsulat na kinabibilangan nito. Isa-isang bigyang-katuturan ang mga uri ng sulatin (nobela, editoryal, balita, rebyu, manwal, posisyong papel, maikling kuwento, at iba pa) upang maipakita ang iba’t ibang pokus ng mga anyo ng pagsulat:

1. Paglalahad 2. Paglalarawan 3. Pagsasalaysay 4. Pangangatwiran

Ipasuri ang katangian ng mga anyo ng sulatin. Bigyang-depinisyon ang bawat isa. Gawain 4: Sumulat ng isang maikling komposisyon na patungkol sa dahilan kung bakit nila pinili ang isports bilang landasin sa senior high school. Tiyaking nadaanan ang tatlong hakbangin: 1. Konseptuwalisasyon 2. Aktuwal na pagsulat 3. Rebisyon Pamantayan sa pagmamarka ng maikling sulatin:

Mayroong iisang tuon ang sulatin (10 puntos)

Naipapahayag nang malinaw ang mga

Page 33: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

25

dahil sa dito, makapagpapahayag at makapag-aambag ang isang tao ng kaalaman sa lipunan.

Ipaliwanag ang dalawang yugto ng pagsulat: yugtong kognitibo at proseso ng pagsulat. Sabihin ng guro: “Bahagi ng yugtong kognitibo ang pamimili ng paksa at konseptuwalisasyon nito at pangangalap ng ideya”. Makikita ditong hindi basta-bastang nagsusulat. Nangangailangan ito ng konseptuwalisasyon at pagpaplano upang matiyak na mayroong maayos na organisasyon ang isinusulat.

Matapos ang pagpaplano ay bahagi na ng proseso ng pagsulat ang pagbuo ng balangkas, paghahanda o pagsulat sa unang draft o borador, pagrebisa ng draft, editing, at pagsulat ng pinal na sulatin.

Hindi madaling proseso ang pagsulat at nangangailangan ito ng panahon at kasanayan sa pagpapahayag ng kaisipan at pagsasaayos nito

Sanaysay – isang personal o impersonal, pormal o di pormal na uri ng sulatin na nagbibigay-

ideya sa sulatin (10 puntos)

Makinis ang wika, baybay at, gramar (10 puntos)

Page 34: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

26

kalayaan sa manunulat na piliin ng paksa, haba, at estilong gagamitin sa paguslat.

Editoryal – ang kuro-kuro, damdamin, palagay, o opinyon ng isang patnugot tungkol sa isang napapanahong paksa o balita.

Balita – anomang pangyayaring bago o di pangkaraniwan sa loob at labas ng bansa. Sinasagot nito ang tanong na sino, ano, kailan, saan, at paano.

Siyentipiko at espesyal na ulat – isang promal at masusing pagtalakay sa isang proyekto o resulta ng eksperimento. Ito rin ay isang pag-aaral na nagsusuri at nagpapakahulugan sa mga natipong datos.

Rebyu, kritisismo o ebalwasyon- isang natatanging uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang-sining. Nakabatay ito sa isang pamantayan ang mga puna maging pangit o maganda, mabuti o masama. Nakatutulong ito upang higit na mapaunlad ang nilikhang sining.

Maikling kuwento – maaaring batay sa totoong pangyayari o likhang-isip na nagpapakita ng kawing-

Page 35: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

27

kawing na pangyayari sa paraan ng pagkukuwento.

Matapos isa-isahin ang mga uri ng sulatin ay sabihin na bilang isang paraan sa pagpapahayag, kailangang taglayin ng isang sulatin ang mga ito para maging epektibo sa pagpapahayag:

1. husay sa lohikal na

pagkukuwento 2. galing sa paggawa ng

isang obhetibo o masining na paglalarawan

3. linaw ng paliwanag sa mga proseso at konsepto

4. husay sa pangungumbinsi

Ayon sa aklat nina Arrogante at Alcaraz ang mga anyo ng pagsulat ay may kani-kaniyang katangian.

Paglalahad – nagpapaliwanag o naglalahad ng mga bagay tungkol sa paksa. Nililiwanag sa pamamagitan ng paglalahad ang mga katotohanan, mga ideya o kaisipan, at mahahalagang impormasyong kaugnay ng paksang tinatalakay. Layunin nitong magpaliwanag ng proseso ng paggawa ng isang bagay, sanhi at bunga, magbigay-depinisyon, magsakongkreto ng mga

Page 36: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

28

abstraktong kaisipan, at maglahad ng katotohanan at magsuri ng isang pangyayari o konsepto.

Pagsasalaysay – nagpapahayag ng mga kawil-kawil na pangyayari sa anyo ng pagkukuwento. Isinasalaysay ang isang karanasan na maaaring nangyari sa tunay na buhay o likhang-isip lamang.

Upang sistematikong

makapagsalaysay kakailanganin ng isang manunulat ang: A. paksa B. banghay o

pagkakasunod-sunod ng pangyayari

C. tauhan D. tagpuan

Pangangatwiran – ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon, o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat.

Mga hakbang sa pangangatwiran:

A. pagpili ng paksa

B. paglalahad ng proposisyon o paninindigan sa isang buong pangungusap na ang layunin ay patunayan sa pamamagitan ng argumento

C. paglalahad ng mga

Page 37: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

29

argumento na susuporta sa proposisyon. Ang proposisyon ay maaaring tungkol sa pangyayari, kahalagahan, patakaran na nais tindigan

Paglalarawan – maaaring nakabatay sa karanasan, pangyayari, o kaya’y sa iba’t ibang impresyon ng buhay. Layunin nitong mag-iwan ng larawang-diwa o imahen sa isipan ng mambabasa.

Kailangang kawili-wili, makatotohanan, may lalim at pananaw at kapaki-pakinabang sa mambabasa Para makapagsulat, tatlong hakbang ng proseso ang maaaring daanan ng manunulat: 1. Konseptuwalisasyon o

pag-iisip kung ano ang isusulat. Bahagi nito ang pagtitipon ng ideya kaugnay ng paksa

2. Aktuwal na pagsulat kung saan isinasatitik sa papel ang mga inayos na ideya hanggang sa mabuo ang unang burador.

3. Rebisyon o pagkikinis

ng akda sa pamamagitan ng pagsasaayos ng wika at mga detalye nito upang maging epektibo.

Page 38: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

30

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Mga katangian ng mabuting akda ayon kay Rene Villanueva: 1. Naiintindihang maigi ng

mambabasa

2. May silbi sa mambabasa

3. Mayaman sa kaalaman at may natutuklasan o nararanasan sa bawat pagbasa. Hindi naluluma.

Tanungin ang klase kung may konsepto pang dapat linawin tungkol sa katangian ng iba’t ibang anyo ng pagsulat. Ipaliwanag ang magiging gamit ng mga anyo ng pagsulat na ito sa pangunahing gawain ng kurso. Sabihing magagamit ang mga kasanayan sa pagsulat ng mga anyong ito sa pagsulat ng mga artikulong isports para sa pahayagang bubuuin sa klase.

Mga katangian ng mabuting akda ayon kay Rene Villanueva:

1. Naiintindihang maigi ng mambabasa

2. May silbi sa mambabasa

3. Mayaman sa kaalaman

at may natutuklasan o nararanasan sa bawat pagbasa. Hindi naluluma.

Tanungin ang klase kung

Gawain 5: Ipamahagi ang worksheet at punan ang mga patlang ng mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na sulatin.

Magpakita ng halimbawa ng isang balangkas na sumusunod sa tamang pagkakaayos ng mga ideya.

1. Dibisyon – gumagamit

ng bilang Romano bilang pananda (I, II, III...)

2. Seksiyon – gumagamit ng malalaking titik ng alpabeto bilang pananda (A, B, C...)

3. Subdibisyon – gumagamit ng bilang Arabiko bilang pananda (1, 2, 3...)

4. Kung minsan o maaaaring kadalasan may paghahati pa sa subdibisyon na

Maglista ng mga konsepto na may kaugnayan sa paksa at buuin ito upang maging isang paksang balangkas. Maaring kumonsulta ang mga grupo sa guro upang matiyak na tama ang daloy ng ideya sa kanilang mga balangkas. Ipapasa ang kanilang gawa pagkatapos upang higit na maiwasto ng guro. Maaaaring gawing batayan sa pagmamarka ang mga sumusunod:

Magkakaugnay ang mga impormasyon sa mga lebel/bahagi sa paksa (10 puntos)

Organisado ang mga ideya sa bawat

Page 39: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

31

may konsepto pang dapat linawin tungkol sa katangian ng iba’t ibang anyo ng pagsulat. Ipaliwanag ang magiging gamit ng mga anyo ng pagsulat na ito sa pangunahing gawain ng kurso. Sabihing magagamit ang mga kasanayan sa pagsulat ng mga anyong ito sa pagsulat ng mga artikulong isports para sa pahayagang bubuuin sa klase. Gawain 6: Ipakuha ang takdang-aralin kung saan inatasan ng guro ang mga mag-aaral na magsaliksik tungkol sa paksang kanilang napili sa gawain 4 aralin 2. Magsama-sama ang magkakagrupo sa nasabing gawain gawain. Isasaayos ang mga impormasyong ito sa pamamagitan ng pagbabalangkas.

Ano ang Balangkas?

Ayon kina Jocson, ang gawaing pagbabalangkas ay panimulang hakbang sa paghahanda ng sulating pananaliksik. Sa tulong nito nabibigyan ng direksiyon ang ginagawang sulatin sa pananaliksik.

Ayon naman kina Arrogante, ang pagbabalangkas ang sistema ng isang maayos na paghahati-

gumagamit ng maliliit na titik ng alpabeto (a, b, c...)

Bibigyang-diin sa halimbawang ito ang malinaw na daloy ng ideya sa balangkas mula sa simula hanggang sa wakas.

lebel (10 puntos)

Nakasusunod sa format ng balangkas (10 puntos)

Kabuuang puntos ng gawain - 30 puntos

Page 40: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

32

hati ng mga kaisipan ayon sa tataluntuning lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga bahagi o ideya ng sulatin. Ito ang pinakakalansay ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kakalabasang porma ng isang katha.

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Gawain 7: Ipaalala sa klase ang gawain noong nakaraang kabanata kung saan pumili sila ng isang paksaing isports na nais nilang saliksikin sa Gawain 4 ng Aralin 2. Ibalik ang kanilang mga balangkas at ilahad ang gawain para sa araw na ito.

Tiyaking may kani-kaniyang saliksik ang mga mag-aaral at malinaw sa kanila ang paksang kanilang inisip at nagawan na ito ng balangkas sa naunang pagkikita.

Ipakuha ang kanilang saliksik sa paksang kanilang napili bilang grupo at balangkas na nagawa mula rito. Susulat ng isang sulatin ang mag-aaral batay sa nasaliksik na impormasyon at nabuong balangkas. Magpasulat ng isang sanaysay na maaaring naglalahad, nagsasalaysay, nangangatwiran at naglalarawan tungkol sa sinaliksik na paksa noong naunang kabanata.

Maaaring maglaman ang sanaysay na ito ng kasaysayan, paraan ng paglalaro, kahalagahan sa lipunan ng isport na napili at mga salita o wika na ginagamit sa isport na napili at iba pang paksain. Tingnan ang rubrik sa

Page 41: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

33

ibaba at ipaliwanag sa mag-aaral ang gagamiting pamantayan sa pagmamarka ng pangunahing gawain. Ibigay ang panghuling pagsusulit

Page 42: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

34

Pamantayan sa Pagmamarka ng Sulatin sa Isports

10 8 5

Paksa Malinaw na naipaliwanag ang paksa

May banggit ng paksa ngunit hindi nabigyang- diin

Hindi malinaw ang paksa

Nilalaman Nagtalakay ng mga detalyeng mula sa isang sistematikong pananaliksik

Nagamit ang mga impormasyong nasaliksik upang makabuo ng mga mahusay na pahayag

May ilang banggit ng mga datos mula sa pananaliksik

Naiugnay ang mga impormasyon sa paglikha ng mga kaisipan

Hindi gumamit ng mga detalyeng nasaliksik

Hindi nagpapakita ng malinaw na ugnayan sa nasaliksik at ibinabahaging kaisipan

Organisasyon Malinaw ang daloy ng mga ideya sa mga pangungusap at talata.

Malinaw ang ideyang ibinabahagi sa panimula, katawan at wakas ng sanaysay.

Napadadaloy ang mga ideya sa mga pangungusap at talata.

Nakapagbabahagi ng ideya sa panimula, katawan at wakas ng sanaysay.

Hindi malinaw at lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa buong sanaysay.

Wika Naipaliliwanag nang mahusay ang punto dahil sa mahusay na paggamit ng wika.

Naipahahatid ang nais sabihin gamit ang wastong wika.

Gumagamit ng mga hindi akmang salita sa kaisipang nais ipahayag.

Presentasyon ng papel

Gumagamit ng wastong pagbabantas.

Hindi kakikitaan ng mga mali sa baybay ng mga salita.

Nauunawaan ang sulat-kamay at malinis sa bura at mali ang papel.

May ilang mali sa pagbabantas.

May ilang mali sa baybay ng mga salita.

May mga bura ang papel.

Maraming mali sa pagbabantas.

Maraming mali sa baybay ng mga salita.

Hindi naging masinop sa kalinisan ng papel.

Page 43: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

35

Pangwakas na Pagsusulit sa Kabanata 1

I. TAMA o MALI: Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag. Kung MALI, isulat ang

wastong sagot. (20 puntos)

1. Ang isang istandard na wika ay malaya sa mga pagbabago bunga ng paggamit ng wika sa lipunan.

2. Bilinggwalismo ang tawag sa pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika. 3. Mahalaga ang pagpapaplanong pangwika upang higit na mapayaman ang

wika ng isang bansa. 4. Layunin ng pagsulat na makapagpahayag lamang ng mga saloobin. 5. Nakakalikha ng isang mahusay na pangangatuwiran sa pamamagitan ng

paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at panalat. 6. Pangunahing layunin ng paglalarawan ang magpaliwanag. 7. Sa paghanda ng paksa, naihahanda ang istruktura ng buong organisasyon

ng gagawing pananaliksik. 8. Balangkas ang tawag sa listahan ng mga sangguniang ginamit sa

pananaliksik. 9. Ang paglalarawan ay ang paglalahad ng mga katuwiran at panig na nais

ilahad. 10. Mahalaga ang pagtatakda ng limitasyon sa pananaliksik upang maging tiyak

ang sakop ng pag-aaral. II. PAGKAKAPAREHO/PAGKAKAIBA: Punan ng katangiang pareho at magkaiba

ang mga sumusunod na salita. (10 puntos)

Konsepto Pagkakapareho Pagkakaiba

1. Sosyolek at Dayalek

2. Idyolek at Sosyolek

3. Standard at Varayti ng wika

4. Paglalarawan at pangangatwiran

5. Pagsasalaysay at Paglalahad

III. SANAYSAY: Sagutin ang tanong: Ano ang ugnayan ng wika, kultura at lipunan?

Ipaliwanag ang sagot gamit ang mga tinalakay sa buong kabanata. ( 20 puntos) Pamantayan sa Pagmamarka:

Nilalaman ng sanaysay 10 puntos Wikang ginamit sa pagsulat 5 puntos Organisasyon ng sanaysay 5 puntos

Page 44: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

36

Susi sa Pagwawasto Pagsusulit sa Kabanata 1

III. Tama o Mali

11. Mali – ang istandard na wika ay pamantayan na kadalasang pinunupuro 12. Mali – dayalek 13. Tama 14. Mali – iba pang layunin ng pagsulat: makapagbigay impormasyon,

makapanghikayat, makapagbigay-lugod, makapagpahayag ng sarili 15. Mali – paglalarawan 16. Mali – paglalahad 17. Mali – balangkas 18. Mali – bibliyograpiya 19. Mali – pangangatwiran 20. Tama

IV. Pagkakapareho/Pagkakaiba

Konsepto

Pagkakapareho Pagkakaiba

1. Sosyolek at Dayalek

Parehong nagpapakita ng varayti sa loob ng isang wika

Ang sosyolek ay pagkakaibang dulot ng panlipunang aspekto, ang dayalek ay heograpikal

2. Idyolek at Sosyolek Parehong nagpapakita ng varayti ng wika

Idyolek ay indibidwal na pagkakaiba sa wika samantalang grupong panlipunan ang bumubuo sa sosyolek

3. Istandard at Varayti ng wika

Itinatakda ng mga gumagamit ng wika sa lipunan

Standard ang pamantayan ng wika sa lipunan samantalang isinasaalang-alang sa varayti ang pagiging dinamiko at pabago-bago ng wika

4. Paglalarawan at Pangangatuwiran

Parehong anyo ng pagsulat

Ang paglalarawan ay nagbibigay-tuon sa katangian ng isang bagay, lugar o pangyayari na inilalarawan samantalang ang pangangatuwiran ay gumagamit ng panghihikayat bilang pangunahing elemento

5. Pagsasalaysay at Paglalahad

Parehong anyo ng sulatin na nag-iisa-isa ng pangyayari at mga paliwanag

Ang pagsasalaysay ay nagkukuwento ng mga pangyayari samantalang pangunahing layunin ng paglalahad ang magpaliwanag ng mga konsepto.

Page 45: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

37

KABANATA 2: Ang Wika sa Isports at Pagsulat Tungkol Dito

Hinahalimbawa ng mga sumusunod na artikulo ang paglalapat ng mga

konsepto tungkol sa varayti ng wika. Ipinapakita sa mga sulatin nina Dizon at Constantino ang mga natatanging paggamit ng wika sa tiyak na isports. Ginagamit naman ang mga ito bilang bahagi ng register sa pagbabalita tungkol sa isports. Panimulang Pagsusulit sa Kabanata 2 I. TAMA o MALI: Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag. Kung MALI, isulat ang

salitang ‘mali’ at ang wastong sagot. (30 puntos)

1. Ang lahat ng mga katawagang ginagamit para sa mga kagamitang isports gaya ng golf at bilyar ay unibersal.

2. Tinatawag na jargon ang natatanging estilo sa pagsulat ng mga balitang pang-isports.

3. Gumagamit ng makukulay na pananalita sa pagbabalita tungkol sa isports.

4. Pagtutulad ang tawag sa tayutay na tuwirang naghahambing ng dalawang magkaibang bagay.

5. Kadalasang halos pareho lang ang ibig sabihin ng isang katawagan sa isang isports sa iba pa dahil nasa parehong larang ang mga ito.

6. Ulo ng balita ang tawag sa pamagat ng isang artikulong pang-isports sa diyaryo.

7. Kahit na kasama sa isang tiyak na grupo, may lumalabas pa ring idyolek sa mga taong sangkot sa isang isports.

8. Maririnig ang isang katawagang pang-isports sa labas ng larang pero iba ang pagkakaunawa nito sa karaniwang tao.

9. Hindi nagsasalin ng mga katawagang pang-isports dahil mga teknikal na termino ito.

10. Maaaring gumamit ng eksaherasyon para mapalitaw ang isang matinding bahagi ng laro.

11. Walang pagkakaiba ang kawikaan ng mga babae at lalaki sa isports dahil nasa iisang larang sila.

12. Karaniwang pormal ang tono ng pagbabalita sa isports. 13. Nakakabuo ng mga katawagan sa isang isports batay sa paligid na

pinaglalaruan nito. 14. Maaaring malayo sa aktwal na laman ng artikulo ang ulo ng balita dahil

pantawag-pansin ang layunin nito. 15. Kadalasang naitataas ang estado ng isang laro kapag may tanyag na

manlalarong nagbibigay-prestihiyo rito.

Page 46: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

38

II. Panuto: Isulat sa patlang kung saang laro karaniwang makikita ang mga

pahayag o katawagang ito. Maaaring umulit ang sagot (10 pts): _______________ 1. Kapag may jabong na daratnan, maaaring magpafly-over dito para maiwasan. _______________ 2. RP netters nasapawan ang Taipei, 3-2. _______________ 3. Mas mataas ang lipad ng dehado sa nangyaring sultada kahapon. _______________4. Nagtala ng pinakamaraming puntos ang pinakabatang rookie ng koponan. _______________ 5. Walang mintis ang last 3 balls na panay pina ang tira. _______________ 6. Babali ng isang bola sa kaliwa dahil mabagal ang green. _______________ 7. Naghari ang de-ranggong power hitter na si Dominic Roque sa pangwakas na laro ng Laguna Open. _______________ 8. Hindi nagpatalo sa balikatan na laban si Ting nang pumasok ang huling bola sa kaniyang sargo. _______________ 9. Winalis ng entry na King Jerome, binuo ng mga bigating tinale ni Engr. Mercado _______________ 10. Hinigpitan ng Eaglets ang depensa nang gumradweyt ang kanilang guwardiya sa ikatlong quarter. III. Panuto: Isulat ang tamang titik ng tayutay na makikita sa mga sumusunod na

pahayag mula sa isports (10 pts):

A. Pagwawangis/Metapora E. Pagtutulad B. Pagpapalit-tawag F. Pagpapalit-saklaw C. Pagmamalabis G. Pagbibigay-katauhan D. Paglalaro sa salita H. Aliterasyon

1. Solong salba ni Salvador, nagpanalo sa kaniyang koponan. 2. Parang pader ang tambalang Velasquez at Tesorio sa pag-block ng mga

bola. 3. Huli sa karera, pawis lang ang inabot ni Cortez. 4. Dinig hanggang langit ang hiyawan ng mga tagasuporta ng Blades. 5. Yumuko ang mga damo sa lakas ng backswing niya. 6. Paghahanda para sa Palarong Pambansa, ililipat sa mga kamay ng LGUs. 7. Fast, pumangalawa lang sa karera: may mas mabilis pa pala. 8. Nakuha ng Juice Mixers sa ikalawang pagkakataon ang korona mula sa

Coffee Makers. 9. Pagong ang gulong ng bola papunta sa butas. 10. Binasag ni Morales ang perpektong rekord ni de Mesa sa boksing.

Page 47: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

39

Susi sa Pagwawasto Pagsusulit sa Kabanata 2:

I. 1. Mali, nakakabuo ng mga katawagan na pang-lokal.

2. Mali, tinatawag itong register.

3. Tama

4. Tama

5. Mali, may mga katawagan na iba ang ibig sabihin sa ibang isports.

6. Mali, magkaiba ang ulo ng balita at pamagat

7. Tama

8. Tama

9. Mali, maaaring isalin ang mga katawagan ayon sa wika ng manlalaro.

10. Tama

11. Mali, nakakabuo ng isang grupo ang kapwa babae at lalaki sa isang isports at

hindi naiiwasang makabuo sila ng sariling kawikaan.

12. Mali, mas gumagamit ng di-pormal na tono ang pagbabalita sa isports.

13. Tama

14. Mali, nagsisilbing paunang impormasyon ang ulo ng balita.

15. Tama

II.

1. Golf 2. Tennis 3. Sabong 4. Basketbol 5. Bilyar 6. Golf 7. Tennis 8. Bilyar 9. Sabong 10. Basketbol

III. 1. H 2. E 3. B 4. C 5. G 6. F 7. D 8. B 9. A 10. A

Page 48: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

40

ARALIN 4: Ang Varayti ng Filipino sa mga Balitang Isports sa Diyaryo

Linggo 4 Deskripsiyon: Pag-aaralan ang tinatawag na register sa isports na ginagamit sa pagbabalita sa diyaryo.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Itanong sa mga estudyante: “Matapos basahin ang artikulo, may mga pareho bang salita o kataga na inilista o narinig ninyo sa inyong mga kaklase sa nakaraang pagbabahagi nila?” Talakayin ang naging sagot ng mga estudyante. Sabihin na kaiba sa naunang aralin, nakatuon naman ngayon ang binasa sa mga salita o kataga na ginagamit sa pamamahayag o pagbabalita sa isports. Ipaliwanag na mas nakatuon ang naunang babasahin sa varayti ng wika ng gumagamit nito. Halimbawa, mga manlalaro ng golf o bilyar. Ngayon naman, tatalakayin ang varayti ng wika sa sitwasyong pinaggagamitan nito, i.e. pagbabalita sa diyaryo. Ito ang tinatawag na register.

Hatiin ang klase sa tatlong grupo ayon sa tinalakay na isports sa babasahin: basketbol, tennis, at sabong. Ipalista sa kanila ang mga salitang ginamit sa tinalakay na isports ayon sa mga kategoryang naobserbahan ni Mariano: Ipatalakay sa mga pangkat ang maaaring pinagmulan ng mga salita. Maaaring lumabas na ito ay teknikal na jargon talaga ng isports na iyon samantalang ang iba naman ay mula sa paglikha ng mga Pilipino.

Pumili ng kinatawan sa bawat pangkat upang ibahagi ang kanilang mga napuna at tinalakay.

Page 49: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

41

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Ipaliwanag sa klase na ang mga salitang nasa babasahin ay bahagi ng register sa pagbabalita sa isports, kung kaya’t kadalasang makikita lamang ang mga ito sa pagbabalita. Linawin na hindi eksklusibo ang paggamit ng salita bilang jargon na tinalakay sa naunang aralin at bilang register. Halimbawa, ang salitang center sa basketbol ay tumutukoy sa isang posisyon ng manlalaro. Jargon ito sa larangan ng basketbol ngunit ginagamit rin ito sa register ng pagbabalita sa isports. Ngunit ang katawagan halimbawa na Hotdogs para sa mga manlalaro ng Purefoods team ay hindi jargon pero kasama ito sa register ng pagbabalita tungkol sa mga laro sa PBA.

Ipalista sa bawat pangkat ang mga salita o bokabularyo sa kanilang isports na makikitang nagagamit sa labas ng pagbabalita tungkol sa isports. Itanong sa mga estudyante: “Bakit kakaunti ang mga salitang ito?”

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Ipaliwanag na ang makulay o kakaibang paggamit ng mga salita sa pagbabalita sa isports ay may pinag-ugatan sa retorika o paggamit ng mga tayutay. Gaya ng ibang pagbabalita, naglalayon ring

Mula sa naunang pagpapangkat, magpagawa ng talahanayan. Ilista ang mga salita o pariralang ginamit sa pagbabalita sa isports sa artikulo ni Mariano ayon sa ginamit na tayutay dito:

Ipaulat uli sa klase ang ginawang talahanayan. Pumili ng ibang kinawatan ng grupo upang gawin ito.

Page 50: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

42

makatawag-pansin ang manunulat kung kaya’t gumagamit sila ng mga tayutay. Karaniwang makikita ang mga sumusunod na tayutay sa pagbabalita: A. pagpapalit-tawag o

metonymy – gumagamit ng ibang salita upang tukuyin ang isang bagay. Hal: Hintayin muna natin ang desisyon sa itaas bago tayo gumawa ng mga plano.

B. pagwawangis o

metapora – paghahalintulad ng isang bagay sa iba pang bagay ngunit walang ginagamit na kataga ng paghahambing na “gaya ng…” o “tulad ng…” Hal: Buwaya sa bola si Ben kapag naglaro.

C. pagmamalabis o

hyperbole – paggamit ng mga pahayag na eksaherasyon upang magbigay-diin. Hal: Halos lumindol sa lakas ng padyak ng mga fans sa stadium.

D. pagpapalit-saklaw o

synecdoche – ginagamit ang isang bahagi ng kabuuan upang kumatawan dito. Hal: Kailangan ng manunulat ng isa pang matang titingin sa kaniyang ginawa.

Maaaring higit sa isang tayutay ang ginamit. Halimbawa sa pangngusap na: “Sinunog ng Miami Heat ang New York Knicks, 83-79,” makikita na isa itong pagmamalabis ngunit paglalaro rin o pun ito sa pangalan na Heat kaya ginamit ang sinunog. Maaaring may makitang ibang masining na pagpapahayag ang mag-aaral. Maaaring ipasulat ito at talakayin sa klase.

Page 51: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

43

E. pagbibigay-katauhan o

personipikasyon – nagbibigay ng katangiang pantao sa isang bagay na hindi tao o isang ideya. Hal: Pilit na kumakawala sa kanila ang tagumpay kapag naabot na nila ito.

F. paglalaro sa salita o

pun – ginagamit ang higit sa isang pagpapakahulugan sa isang salita. Hal: Magaling ang depensa ni Lito Bacod sa kaniyang titulo.

G. aliterasyon – inuulit

ang mga tunog, kadalasan, ang unang tunog ng bawat salita. Hal: May tatlong tiklop sa tansong barya.

pagtutulad o simile – tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Hal: Katulad ng mga bituin ang makikitang ningning sa kaniyang mga mata.

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sabihin na isang paraan upang makakuha ng interes ng mambabasa ang paglalagay ng makulay na ulo ng balita. Ipaliwanag na magkaiba ang ulo ng balita (headline) at ang

Magpasulat ng limang headline o ulo ng balita sa bawat mag-aaral tungkol sa kahit alinnmang isports. Kathang-isip lang ang balita. Sabihin na subukang gumamit ng mga tayutay para sa ulo

Page 52: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

44

pamagat. Dahil nga ulo ng balita, nagsisilbi itong paunang impormasyong mababasa ng tao. Ang pamagat ay kagaya ng pangalan ng tao, isa itong pagpapangalan sa artikulong isinulat. Ipaalala ang kahalagahan ng pagiging tama at wasto ng pagbabalita. Bigyang-diin na bagama’t gumagamit ng malikhaing paraan ng pagpapahayag, tungkulin pa rin ng nagbabalita ng isports na maghatid ng tama at wastong impormasyon kung kaya’t ang ulo ng balita bilang tagatawag ng pansin sa mambabasa ay dapat hindi mapanlilang.

ng balita. Makikipagpalitan ng papel ang mag-aaral sa isang kaklase. Iraranggo ng kaklase ang ulo ng balita na ginawa mula sa pinaka-nagustuhan niya hanggang sa hindi niya masyadong nagustuhan. Tatalakayin nila pareho ang naging resulta ng kanilang pagraranggo. Maaaring ipabahagi sa klase ang naging resulta ng talakayan. Inaasahan na ilan sa dahilan ng kanilang pagraranggo ang pagiging makatawag-pansin ng ulo ng balita o ang kapani-paniwalang paggamit ng mga salita sa ulo ng balita. Tapusin ang aralin sa pamamagitan ng pagbibigay-diin na bukod sa pumapaksa sa isports, ang mga sulating pang-isports ay: 1. may sariling jargon at register na nagpapaiba dito sa ibang sulatin; 2. may baryasyon rin sa paggamit ng wika ayon sa pangkat na kinabibilangan ng nagsusulat o nagbabasa tungkol dito; at 3. may pag-iiba rin sa antas ng pormalidad at tono sa pagsulat batay sa katangian o gamit nito. Sabihin na sa mga susunod na kabanata, makikita ang iba’t ibang anyo ng sulating pang-

Page 53: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

45

isports. Pasisimulan ito sa mga karaniwang pagbabalita sa mga naganap na laban o palaro.

Page 54: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

46

Pangwakas na Pagsusulit sa Kabanata 2 I. TAMA o MALI: Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag. Kung MALI, isulat ang

salitang ‘mali’ at ang wastong sagot. (30 puntos)

1. Ang lahat ng mga katawagang ginagamit para sa mga kagamitang isports gaya ng golf at bilyar ay unibersal.

2. Tinatawag na jargon ang natatanging estilo sa pagsulat ng mga balitang pang-isports.

3. Gumagamit ng makukulay na pananalita sa pagbabalita tungkol sa isports. 4. Pagtutulad ang tawag sa tayutay na tuwirang naghahambing ng dalawang

magkaibang bagay. 5. Kadalasang halos pareho lang ang ibig sabihin ng isang katawagan sa

isang isports sa iba pa dahil nasa parehong larang ang mga ito. 6. Ulo ng balita ang tawag sa pamagat ng isang artikulong pang-isports sa

diyaryo. 7. Kahit na kasama sa isang tiyak na grupo, may lumalabas pa ring idyolek sa

mga taong sangkot sa isang isports. 8. Maririnig ang isang katawagang pang-isports sa labas ng larang pero iba

ang pagkakaunawa nito sa karaniwang tao. 9. Hindi nagsasalin ng mga katawagang pang-isports dahil mga teknikal na

termino ito. 10. Maaaring gumamit ng eksaherasyon para mapalitaw ang isang matinding

bahagi ng laro. 11. Walang pagkakaiba ang kawikaan ng mga babae at lalaki sa isports dahil

nasa iisang larang sila. 12. Karaniwang pormal ang tono ng pagbabalita sa isports. 13. Nakakabuo ng mga katawagan sa isang isports batay sa paligid na

pinaglalaruan nito. 14. Maaaring malayo sa aktwal na laman ng artikulo ang ulo ng balita dahil

pantawag-pansin ang layunin nito. 15. Kadalasang naitataas ang estado ng isang laro kapag may tanyag na

manlalarong nagbibigay-prestihiyo rito.

Page 55: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

47

II. Panuto: Isulat sa patlang kung saang laro karaniwang makikita ang mga

pahayag o katawagang ito. Maaaring umulit ang sagot (10 pts): _______________ 1. Kapag may jabong na daratnan, maaaring magpafly-over dito para maiwasan. _______________ 2. RP netters nasapawan ang Taipei, 3-2 _______________ 3. Mas mataas ang lipad ng dehado sa nangyaring sultada kahapon. _______________ 4. Nagtala ng pinakamaraming puntos ang pinakabatang rookie ng koponan. _______________ 5. Walang mintis ang last 3 balls na panay pina ang tira. _______________ 6. Babali ng isang bola sa kaliwa dahil mabagal ang green. _______________ 7. Naghari ang de-ranggong power hitter na si Dominic Roque sa pangwakas na laro ng Laguna Open. _______________ 8. Hindi nagpatalo sa balikatan na laban si Ting nang pumasok ang huling bola sa kaniyang sargo. _______________ 9. Winalis ng entry na King Jerome, binuo ng mga bigating tinale ni Engr. Mercado _______________ 10. Hinigpitan ng Eaglets ang depensa nang gumradweyt ang kanilang guwardiya sa ikatlong quarter. III. Panuto: Isulat ang tamang titik ng tayutay na makikita sa mga sumusunod na

pahayag mula sa isports (10 pts):

A. Pagwawangis/Metapora E. Pagtutulad B. Pagpapalit-tawag F. Pagpapalit-saklaw C. Pagmamalabis G. Pagbibigay-katauhan D. Paglalaro sa salita H. Aliterasyon

1. Solong salba ni Salvador, nagpanalo sa kaniyang koponan. 2. Parang pader ang tambalang Velasquez at Tesorio sa pag-block ng mga

bola. 3. Huli sa karera, pawis lang ang inabot ni Cortez 4. Dinig hanggang langit ang hiyawan ng mga tagasuporta ng Blades. 5. Yumuko ang mga damo sa lakas ng backswing niya. 6. Paghahanda para sa Palarong Pambansa, ililipat sa mga kamay ng LGUs. 7. Fast, pumangalawa lang sa karera: may mas mabilis pa pala. 8. Nakuha ng Juice Mixers sa ikalawang pagkakataon ang korona mula sa

Coffee Makers. 9. Pagong ang gulong ng bola papunta sa butas. 10. Binasag ni Morales ang perpektong rekord ni de Mesa sa boksing.

Page 56: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

48

Susi sa Pagwawasto Pagsusulit sa Kabanata 2:

I. 1. Mali, nakakabuo ng mga lokal na katawagan. 2. Mali, tinatawag itong register. 3. Tama 4. Tama 5. Mali, may mga katawagan na iba ang ibig sabihin sa ibang isports. 6. Mali, magkaiba ang ulo ng balita at pamagat. 7. Tama 8. Tama 9. Mali, maaaring isalin ang mga katawagan ayon sa wika ng manlalaro. 10. Tama 11. Mali, nakakabuo ng isang grupo ang kapwa babae at lalaki sa isang isports at

hindi naiiwasang makabuo sila ng sariling wika. 12. Mali, mas gumagamit ng di-pormal na tono ang pagbabalita sa isports. 13. Tama 14. Mali, nagsisilbing paunang impormasyon ang ulo ng balita. 15. Tama

II. 1. Golf 2. Tennis 3. Sabong 4. Basketbol 5. Bilyar 6. Golf 7. Tennis 8. Bilyar 9. Sabong 10. Basketbol

III. 1. H 2. E 3. B 4. C 5. G 6. F 7. D 8. B 9. A 10. A

Page 57: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

49

KABANATA 3: Mga Pagbabalita sa Isports

Kalipunan ng mga artikulong nagpapakita ng karaniwang pagbabalita sa

isports ang nasa kabanatang ito. Ipapakita rito ang iba’t ibang anyo ng pagsusulat na ginagamit sa pagbabalita, mula sa simpleng paglalahad hanggang sa mas malamang artikulo na may pagsasalaysay sa mga naging mahahalagang pangyayari sa loob ng laban. Makikita rin ang karaniwang nagiging tampok na istorya sa isports na kadalasang tungkol sa basketbol, propesyonal o amateur man, samantalang kasunod naman ang boksing.

Hahasain ang estudyante sa pagsulat ng balita na malay sa ginagamit na varayti ng wika sa larangan ng isports. Kasama rito ang jargon at register ng isports, bukod pa sa wasto at masining na pagsulat. Panimulang Pagsusulit sa Kabanata 3 I. TAMA o MALI: Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag. Kung MALI, isulat ang

wastong sagot. (20 puntos) 1. Kinakailangang dalubhasa ang isang manunulat ng isports sa wikang

ginagamit nito. 2. Maaaring tumutok sa isang manlalaro lang sa pagbabalita ng isang laban

upang palitawin ang kagalingan ng manlalarong iyon. 3. Mas mainam ang mas mahabang balitang pang-isports. 4. Hindi kailangan ang kaalaman sa gramar at gamit ng mga salita sa pagsulat

ng balitang pang-isports. 5. Tungkulin ng manunulat na ipabatid ang isponsor ng isang laro sa kaniyang

mga balita. 6. Kaysa gumamit ng opinyon, lalong wasto ang balita kung hahayaan ng

manunulat na ang mga pangyayari ang maglarawan ng aksyong nagaganap. 7. Maaaring gumamit ng makulay at nakakapukaw na salita sa pagbabalita ng

isports. 8. Dapat may masaklaw na kaalaman ang isang manunulat sa mga nakaraang

palaro. 9. Hindi kailangang maalam sa isports na kaniyang isinusulat ang manunulat

pero mahalagang alam niya ang tuntunin at ang paraan ng paglalaro nito. 10. Magandang simulan ang isang balita sa pamamagitan ng direktang sipi ng

sinabi ng isang manlalaro o coach upang makatawag-pansin.

Page 58: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

50

II. Panuto: Mula sa mga ibinigay na mga tanong, tukuyin kung sa A o sa B dapat

sagutin o ilagay ang impormasyon nito sa isang pagbabalita.(10 pts)

A. Pamatnubay o Lede B. Katawan

1. Ano ang kahalagahan ng laban?

2. Ano ang naging iskor?

3. Paano nanalo ang koponan o manlalaro?

4. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga naganap sa laro?

5. Ano ang sinabi ng kanilang coach?

6. Pang-ilan sila (o siya) sa standing ng isports na iyon?

7. Sino ang nanalo sa laban?

8. Ano ang istorya sa likod ng koponan at nanalo (o natalo) sila?

9. Kailan at saan naganap ang laban?

10. Bakit nanalo ang koponan o manlalaro?

III. Magpasulat ng isang balita mula sa impormasyong nakalatag sa ibaba: (20 pts) Ano: Takbo para sa Tacloban Sino: Mga interesadong indibidwal, edad 21-45 Kailan: Itong araw na ito (isulat ang petsa) Saan: Mall of Asia grounds, Lungsod Pasay Bakit: Fund-raising na proyekto para sa mga nasalanta ng Yolanda. Paano: 21k Takbuhan: (Lalaki) Andres Torres 1:21:16, Jose Garcia 1:26:13, George Velasco 1:26:44; (Babae) Elaine Bautista 1:50:06, Marie Aguiluz 1:52:45, Cherry Gallardo 1:57:47. 10k Takbuhan: (Lalaki) Danilo Benitez 34:22, Marco Herrera 34:57, Rafael Tan 35:10; (Babae) Mirabelle Abad 41:02, Clarissa Antonio 49:04, Lauren Lopez 50:06. 5k Takbuhan: (Lalaki) Greg Saguil 19:45, Neil de Leon 21:09, Jerry Galvez 21:03; (Babae) Grace Torrez 22:05, Mayette Ortiz 23:25, Anna Abiera 24:12.

Page 59: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

51

SUSI SA PAGWAWASTO Pagsusulit sa Kabanata 3:

I. 1. Tama 2. Mali, patas dapat ang paglalarawan sa isang laro. Ginagawa lang ang

pagtatampok sa mga pang-profile na pagbabalita. 3. Mali, walang saysay ang mas mahabang balita kung hindi wasto ang

ibinabalita. 4. Mali, ang pagbabalita sa isports ay isang anyo pa rin ng pagsulat na

kinakailangang sumunod sa mga batayang kahingian ng mahusay na pagsusulat.

5. Mali, tungkulin ng manunulat ang paghahatid ng wasto at tamang pagbabalita.

6. Tama 7. Tama 8. Tama 9. Tama 10. Mali, sinisimulan ang balita sa pagsagot ng mga batayang tanong na 5 WHs

at H. II.

1. B 2. A 3. A 4. B 5. B 6. B 7. A 8. B 9. A 10. A

Pamantayan sa Pagmamarka ng Pagbabalita: Puntos

Kumpleto ang impormasyong ibinigay (may ulo ng balita, naisulat lahat ng detalye)

10

Naaayon sa tamang daloy ng pagbabalita ang paglalahad ng mga detalye (sinimulan sa pagsagot ng 5 WHs at H)

5

Wasto ang pagbuo ng mga pangungusap 5

Kabuuan 20

Page 60: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

52

ARALIN 5: Pagbabalita sa Basketbol at Boksing Linggo 5

Deskripsiyon: Aalamin ang karaniwang anyo ng pagbabalita sa isports. Titiyakin ang mga batayang impormasyon na nakapalaoob sa balita upang makapagsimulang magsulat nito.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Itanong sa klase kung bakit popular ang larong basketbol at ang boksing sa mga Pilipino. Maaaring magbigay ng sari-saring dahilan ang mga mag-aaral. Magbigay ng maikling komento sa bawat isa. Sunod na itanong kung sino ang paborito nilang manlalaro sa basketbol (at sa boksing) at kung bakit. Talakayin kung sinusundan ba nila ang karera ng kanilang paboritong manlalaro sa mga pagbabalita. Talakayin ang katangian ng balitang isports: 1. Sumasagot ito sa mga batayang tanong na ano, sino, saan, kailan bakit, at paano. Sa Ingles, ito ang 5 Ws at H. 2. May kapana-panabik na pasimula na naglalarawan ng kilos at paglalaban. 3. Gumagamit ng natatanging uri ng talasalitaan o jargon na hindi kaagad nauunawaan ng

Hatiin ang klase na may 4-5ng miyembro sa isang pangkat. Ipamahagi sa kanila ang mga balita sa basketbol at boksing (Kabanta 3) mula sa reader. Ipatalakay sa kanila ang mga artikulo matapos basahin. Ipalista sa kanila ang mga napuna mula sa mga binasa. Ipagamit ang balangkas na ito: A. Nilalaman 1. Impormasyong nakalagay 2. Pagkakasunod ng mga ideya B. Estilo 1. Gamit ng mga salita 2. Anyo ng mga pangungusap 3. Tono ng pananalita Ipaulat sa klase ang mga naging sagot.

Page 61: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

53

karaniwang mambabasa. 4. Gumagamit ng makulay na salita, maraming pang-uri, mahabang pangungusap na hindi makikita sa pagsulat ng tuwirang balita. Talakayin ang mga naging sagot. Ikumpara ang mga naging sagot para sa Nilalaman. Pansinin na pare-pareho ang impormasyong nakalagay. Dapat na masagot ang mga batayang tanong na: a. Sino ang mga naglaban? b. Sino ang nanalo? c. Ano ang iskor? d. Saan at kalian? e. Paano nanalo? Kadalasang ganito rin ang pagkakasunod ng pagbabalita. Para sa Estilo, tanungin na batay sa mga napag-aralan na tungkol sa varayti ng wika, may nakikita bang pagkakatulad sa estilo ng pagsulat at bakit.

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Papiliin ang mag-aaral ng tig-isang balita mula sa basketbol at sa boksing upang basahing muli at ikumpara. Talakayin ang mga elementong

Ipasulat sa mga estudyante kung ano ang nagustuhan o hindi nila nagustuhan sa balita. Ipasulat rin kung ano ang kadalasang hinahanap

Page 62: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

54

kinakailangan para sa pagbabalita sa isports. Ipahanap at ipasunod ito sa mga mag-aaral habang tinatalakay: A. Pamatnubay (lede o

lead) – nakapaloob dito ang pinakabuod ng laban at kinakailangang makapukaw sa interes ng mambabasa. Ito ang pambungad ng balita at nagsasaad kung sino (o aling koponan) ang nanalo, sino ang kalaban, ano ang iskor, kailan at saan ito ginanap, bakit at paano nanalo, o sino ang nagpanalo.

B. Katawan ng balita –

elaborasyon ito ng pamatnubay at karaniwang may dagdag na impormasyon sa laro o laban: may inside story kung paano nagwagi o natalo ang manlalaro o koponan; ano ang kahalagahan ng laban, kung ito ba’y parte ng isang liga, kampeonato, palarong pambansa; tuwirang sabi o quotes mula sa malalaro o coach; pansariling tala tungkol sa mga manlalaro at mga coach; salaysay ng pagkakasunod-sunod ng laro (play-by-play account o turning point); at estadistika o

nila kapag nagbabasa ng balitang isports at natutugunan ba ito ng mga artikulong nabasa nila. Mag-imbita ng boluntaryo sa mga mag-aaral na nais magbahagi ng kanilang isinulat. Matapos makapagbahagi ang ilang estudyante, ipasumite ang mga isinulat. Gamitin ang pamantayan ng pagmamarka na nasa apendiks. Pabalikin sa kanilang naging pangkat sa unang gawain ang mga estudyante. Magtanong at ipasagot sa mga pangkat ang mga elemento o bahagi ng pagbabalita mula sa mga artikulong nabasa nila. Ilagay ito sa isang balangkas: I. Pamatnubay: II. Katawan (isulat ang detalye): A. B. C. III. Pagtatapos Mismong pangungusap mula sa artikulo ang kanilang ilalagay sa halip na anyo. Halimbawa, imbes na ilagay sa “Pagtatapos” na: direktang sipi ang ginamit, ipalagay

Page 63: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

55

team standing. Inaayon ang mga detalyeng ito ayon sa kahalagahan. Maaaring ilahad ito sa ayos ng pababang kahalagahan o baligtad na piramide. C. Pagtatapos –

nagsisilbing pangwakas ang isa sa mga detalyeng nasa katawan. Karaniwang ginagamit ang paglalagay ng sipi mula sa sinabi ng coach o ng manlalaro tungkol sa nangyaring laban. Nagiging interesante ito sa mambabasa lalo na kung hindi niya napanood ang laban.

Karaniwang maikli ang ganitong balita na nasa limang daang (500) salita. Kadalasan rin na ang mga balitang isports ay nasa anyo ng action story.

kung ano mismo ang naging huling pangungusap. Sabihin na maaaring iklian ang mga pangungusap kung masyadong mahaba ang mga ito

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Ipaliwanag na ang balitang pang-isports ay isang natatanging uri ng balita dahil kinakailangan ang kaalaman ng manunulat sa isports. Hindi kinakailangang manlalaro ang manunulat sa isports na kaniyang isinusulat ngunit alam niya ang mga tuntunin at

Page 64: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

56

paraan ng larong iyon, pati na ang ginagamit na mga katawagan dito. Bigyang-diin na dahil balita pa rin, kinakailangang taglayin ng balitang pang-isports ang ganap na kawastuhan, pagiging makatotohanan, walang kinikilingan, at kawili-wili.

LAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sabihin na gagamiting gabay ang ginawa nilang balangkas para sa susunod na gawain.

Ipapanood ang isang laban ng basketbol (isang quarter) o ng boksing (1-2 rounds). Maaaring gamitin ang sumusunod na video: Basketbol (SMB vs Alaska, Game 7, Q1) : https://www.youtube.com/ watch?v=Ne0G0G_NWYI Boksing (Donaire vs Prado, round1-2): https://www.youtube.com/ watch?v=CLVz56BNjpA (Kung may dalawang panooran, maaaring hatiin ang klase at papiliin kung alin ang gustong panoorin.) Magpasulat ng balita batay sa napanood. Hindi dapat hihigit sa limang daang salita ang balita. Ipaalala ang paglalagay ng nakakaengganyong ulo ng balita o pamagat ng balita gaya ng ginawa sa Aralin 5.

Sabihan ang mga estudyante na pumili ng isang kaklase na makakapalitan niya ng papel. Sabihing bigyan nila ng komento ang ginawa ng isa’t isa. Bigyang-pansin nila ang katumpakan ng impormasyon, ang tamang pagsunod sa pormat ng pagsulat, at ang angkop na paggamit ng wika na naaayon para sa isang balitang pang-isports. Ipabalik ang isinulat at irebisa ito ayon sa mga komento. Ipasumite ang nirebisang balita. Gamitin ang batayan sa pagmamarka na nasa apendiks tungkol sa pagbabalita

Page 65: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

57

ARALIN 6: Pagbabalita sa Iba Pang mga Palaro Linggo 6

Deskripsiyon: Ipagpapatuloy ang pag-alam sa mga ginagamit na katawagan at ekspresyon sa iba pang uri ng isports. Magsasanay ang mga mag-aaral na magsulat ng balitang isports.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Matapos ibalik ang minarkahang mga artikulo mula sa naunang aralin, ipaalala na ang pagsusulat ay gaya rin ng isports. Kinakailangang magsanay dito para humusay. Balik-aralan ang pormat sa pagsulat ng balitang isports: a. nagsisimula sa pamatnubay b. nakaayos na mga detalye sa katawan c. may pangwakas na kadalasan ay sipi ng tuwirang sabi Bigyang-diin na ito ay balangkas kung paano isusulat ang balita ngunit ang tutulong sa paglalaman dito ay ang mga katawagan at ekspresyon na ginagamit mismo sa naturang isports na isinusulat para maging kawili-wili sa mambabasa. Kung gayon, dapat may sapat na kaalaman ang manunulat sa larong kaniyang ginagawan ng balita.

Papiliin ang mag-aaral ng tatlong artikulo ng magkakaibang palaro mula sa Iba pang Pagbabalita sa Isports (Kabanata 3.9) sa reader. Ipasuri sa kanila kung tinataglay ba ng mga artikulo ang mga kahingian ng isang balita sa isports: 1. sumusunod sa pormat ng pagbabalita ng isports 2. wasto ang gamit ng jargon at angkop ang gamit ng wika 3. nakikilala at nabibigyan ng tamang impormasyon ang mambabasa Ipalista sa mag-aaral ang mga katawagan at ekspresyon na ginagamit sa isports na napili nila batay sa mga artikulo. Ipalagay ito sa isang talahanayan para mas madali nilang makita ang bokabularyo nito. Gagamitin ang mga kategoryang ginamit ni Mariano. Ganito ang magiging hitsura ng talahanayan (S = isports):

Pumili ng mga boluntaryo na nais magbahagi ng kanilang sinuri sa klase.

Page 66: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

58

Idagdag na dahil ito ay isang uri pa rin ng balita, kinakailangan ding maging obhektibo at tama ang mga isinusulat na impormasyon Ipaliwanag ang iba pang uri ng pamatnubay. Bukod sa kadalasang pormat nito, maaari ring gumamit ng pamatnubay na makabago o novelty lead. Ibinabagay sa ganitong uri ang anumang pangyayaring naganap. Halimbawa, inilalahad nito ang tampok na bahagi ng laro, natatanging manlalaro, o kung bakit mahalaga ang naging laro o pinagdausan ng laban. Maaari ring isadula sa pamatnubay ang: pinakatampok na bahagi ng laro (key play), natatanging manlalaro, at pamamaraang analitikal. Nakasandig pa rin sa aktwal na nangyari sa laro ang pagsusuri at hindi sa opinyon ng manunulat. Matapos ang mga pagbabahagi, balik-aralan ang artikulo ni Mariano sa Kabanata 2, Aralin 3 tungkol sa pagbabalita sa isports at mga natatanging paggamit nito ng mga salita sa pagsulat. Balik-aralan ang mga uri

Ilista sa hanay ng ‘Magkatulad na salita’ ang mga salitang nakita sa higit sa isang isports. Mula sa talahanayang ginawa, kunin ang konteksto ng kinuhang salita at ipalista muli sa mga mag-aaral ang mga tayutay na ginamit dito. Gawing takdang-aralin: Magpasaliksik ng iba pang artikulo na nagbabalita tungkol sa tatlong isports na napili nila. Gamit ang kanilang ginawang talahanayan, ipadagdag ang iba pang salita na nakita nila. Ipaalala na ang mga nailistang salita ay ang makakatulong sa pagsulat nila ng balita.

Page 67: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

59

ng tayutay. Banggitin na gaya ng mga naunang artikulo, gumagamit rin ang mga artikulong ito ng makukulay na pagpapahayag.

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Magpapanood ng isang laban sa isa sa tatlong isports, propesyonal man o amateur, na nakatakda sa mga estudyante. Magpasulat ng balita tungkol dito (hindi hihigit sa 500 salita).

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Pag-usapan sa klase ang naging proseso ng pagsulat ng mga mag-aaral. Hikayating magbahagi ng kanilang karanasan ang mga estudyante. Alamin kung saang aspekto ng pagsusulat sila nadalian o nahirapan. Alamin rin kung ano ang mga bago nilang natutunan mula sa ginawang paglilista sa talahanayan at kung nakatulong ba ito sa kanilang pagsusulat. Bigyang-diin na gaya ng pag-eensayo sa isang isports upang gumaling dito, ganon din ang pagsusulat.

Iparebyu sa mga estudyante ang kanilang isinulat. Sabihin na bigyang-pansin ang paggamit nila ng mga katawagan at ekspresyon sa larong ginawan nila ng balita, lalo na kung hindi sila gaanong kapamilyar dito. Ipaalalang gamitin ang ginawa nilang talahanayan ng mga salita upang maging gabay nila sa pagpili ng mga salita. Hayaang gawan ng rebisyon ng mga mag-aaral ang kanilang isinulat bago ipasa. Gamiting pamantayan sa pagmamarka ang ginamit sa naunang aralin.

Page 68: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

60

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Magpapanood muli ng mga video ng mga palaro sa klase. Dahil limitado sa oras, pumili lang ng nagpapakita ng isang bahagi ng laban na may tiyak na pagtatapos (e.g. quarter, round, lap, atbp.) upang may maisulat na iskor. Sikaping makapagpalabas ng hindi bababa sa apat (4) na laban ng iba’t ibang isports maliban sa basketbol at boksing. Magpasulat ng balita para sa bawat isa. Huwag kaligtaan ang paglalagay ng ulo ng balita. Alternatibong gawain*

Pagpangkatin ang mga mag-aaral na may hanggang 4 na miyembro sa bawat grupo. Sabihing pag-usapan nila ang isinulat ng bawat isa at bigyan ng mga komento. Mula sa mga naisulat ng bawat mag-aaral, papipiliin nila ang kanilang kaklase ng dalawang pinaka-mahusay nilang sulatin. Ito ang kanilang ipapasa. Maaari nilang rebisahin muna ito bago ipasa. Gamiting pamantayan sa pagmamarka ang ginamit sa naunang aralin na nasa Apendiks. Sabihin sa mga estudyante na simulan na nilang basahin ang mga natitirang artikulo sa Aralin 3 (Kabanata 3.10) ng reader.

*Alternatibong gawain: Magpasulat ng balita ayon sa mga sumusunod na impormasyon. Maaaring punan ng mag-aaral ang iba pang kailangang detalye ayon sa kaniyang nais (halimbawa, siya na ang maglalagay ng petsa at lugar ng laban kung wala sa nakatala).

1. Sa welterweight division sa boksing, natalo ng boksingerong si David Santos ang kaniyang mas matangkad na katunggali sa unang round pa lamang sa pamamagitan ng knock out.

2. Sa intramurals ng St. Martin’s Boys College, nanalo ang Sophomores laban sa Juniors, 15-12, 15-7. Inaasahan na mananalo ang Juniors dahil ang team nila ang kampeon noong nakaraang taon ngunit dalawa sa kanilang magagaling na manlalaro ay lumipat ng eskwelahan.

3. Hindi nakakuha ng medalya ang host city ng Bacolod sa Pambansang Triathlon. Ang kanilang manlalaro ay nauna sa swim leg ngunit naging mabagal sa cycle at run leg ng kurso. Natapos siya sa ikaapat na pwesto.

Page 69: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

61

Nakuha ng Zamboanga ang ginto. Pangalawa ang Pangasinan at pangatlo ang Naga.

4. Nanalo si Melissa Dizon sa TipTopTea Golf Tournament nang makakuha siya ng birdie sa huling hole ng laban. Bago iyon, halos pantay ang kanilang iskor ng naging pangalawa na si Roxy Morales. Pumangatlo si Sienna Bagnes. Naging iskor ng nangunang tatlo: -13, -12, -10

Page 70: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

62

ARALIN 7: Pagbabalita sa mga Iba Pang Kaganapan sa Isports

Linggo 7 Deskripsiyon: Hahasain sa araling ito ang pagsulat ng iba pang balitang pang-isports na hindi pumapatungkol sa isang laro o laban kundi sa sa mga torneo, mga tao, o mga koponan ng isang laro.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Simulan ang aralin sa pamamagitan ng pagbabalik-aral sa mga katangian ng pagsusulat sa isports. Bigyang-diin ang sumusunod: A. pinaka-karaniwang

sulatin sa isports ay ang maikling straight-lede game story na pagbabalita at kadalasang nililimita sa 500 salita.

B. may kani-kaniyang katawagang ginagamit ang bawat isports pero nagkakatulad ang estilo ng pagsulat tungkol dito. Ito ang sports register.

C. itinuturing na

natatanging pagsulat ang pagbabalitang pang-isports dahil kailangan ng sapat na kaalaman sa isports upang makapagsulat tungkol dito.

Talakayin nang bahagya ang mga artikulong ipinabasa. Itanong kung

Hatiin ang klase sa mga pangkat. Ipakategorya sa bawat pangkat ang mga artikulo na nasa Kabanata 3.10 ayon sa paksa ng mga ito. Bigyan ng pangalan ang bawat kategorya.

Ipaulat sa klase ang naging resulta ng gawain. Talakayin kung nagkaroon ng pagkakaiba sa pagkakategorya ng mga artikulo ang mga pangkat. Maaaring iba-iba ang ibinigay na pangalan para sa bawat kategorya. Tapusin ang gawain na may napagkasunduang pagkakategorya ng mga artikulo.

Page 71: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

63

paano naiiba ang mga ito sa mga naunang artikulo ng pagbabalita.

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Talakayin ang mga pagkakategorya. Ipaliwanag ang iba pang paksain ng sulating pang-isports. Narito ang ilan: a. profile – nakatuon sa mga taong sangkot sa isports, maaaring manlalaro, coach, o manager. b. mga pangyayari sa isang serye o torneo c. feature-lede – kagaya rin ng straight-lede ngunit naglalayong maglarawan sa naging daloy ng laro d. wrap-ups o pagwawakas ng mga serye o torneo

Matapos ang pagtalakay, sabihin sa pangkat na tingnan muli ang kanilang pagkakategorya. Isunod na ngayon sa mga nabanggit na paksain ang kanilang mga inayos. Maaaring iba ang ginamit nilang pamagat ng kanilang kategorya ngunit umaayon ito sa katangian ng mga tinalakay na paksain. Matapos ayusin ng mga pangkat ang mga artikulo, ipasuri naman ngayon ang mga ito (Kabanata 3.10) at ipakumpara sa mga nauna (Kabanata 3.7-8 at 3.9) sa aspekto ng estilo ng pagsulat, tono ng pananalita, at gamit ng mga katawagan.

Talakayin ang mga sagot. Pansinin at bigyang-diin ang mas pormal na tono at gamit ng mga salita, ang pagbibigay ng mas maraming detalye, at ang pagiging mas mahaba ng mga ito kaysa sa karaniwang 500 salita.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Ipaliwanag na dahil sa madaling pag-akses na ngayon sa mga impormasyon gamit ang teknolohiya, karaniwang mabilis na nalalaman ng mambabasa ng isports ang resulta ng isang laban. Dahil dito, ang pagsulat ng iba pang anyo ng sulating pang-isports bukod sa pagbabalita ng naging

Mula sa mga naunang sulatin ng pagbabalita ng mag-aaral (Aralin 6 at Aralin 7), magpapili ng isa sa mga ito at magpasulat ng isang profile o feature-lede na sulatin. Ipaliwanag na gagamitin pa rin ang istorya mula sa mga naisulat na pagbabalita ngunit tututok na ngayon sa pagbuo ng iba pang sulating pang-isports.

Ipaulat sa klase ang mga isinulat bago ipasumite. Gamitin muli ang pamantayan sa pagbabalita na nasa apendiks.

Page 72: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

64

resulta ng isang laban ay nagiging mahalaga upang makapaghatid ng bago at iba pang anggulo na makakapagbigay-interes sa mga tagatangkilik nito at kahit sa iba pang mambabasa.

Ipaalala na ang ganitong mga sulatin ay karaniwang mas mahaba at hindi nalilimitahan sa 500 salita.

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Ipaliwanag na isa sa magandang pagsisimula sa pagsusulat para sa iba pang kaganapan sa isports ay ang pagsusulat tungkol sa mga bagay na pamilyar ang manunulat. Isa na rito ang mga lokal na balitang pang-isports.

Magpasaliksik para sa pagsulat ng mga lokal na pangyayaring pang-isports sa pamamagitan ng pagkuha ng panayam sa coach ng paaralan. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng mga itatanong sa panayam. Siguraduhing simple ang mga tanong at layuning makakuha ng mga batayang impormasyon tungkol sa mga palaro o paligsahang nilalahukan ng paaralan. Magiging panayam ito ng buong klase. Ilang halimbawang tanong: 1. Anu-anong team ang inyong ginagabayan sa ating paaralan? 2. Gaano na kayo katagal sa inyong trabaho? 3. Saang isports tayo magaling? Saan tayo mahina? 4. Ano ang hindi ninyo malilimutan na laban? Bakit po?

Matapos ang panayam sa coach, itanong kung ano ang nakapukaw ng kanilang interes at kung ano ang naiisip nilang paksa na kanilang isusulat. Bigyan ng kalayaan ang mga mag-aaral sa nais nilang maging anggulo ng kanilang sulatin. Ipasulat at ipasumite ang kanilang napiling paksa sa pagbabalita. Sabihin ang pamantayan sa pagmamarka ng papel. Pantay-pantay ang bigat ng mga ito sa grado: 1. Nilalaman – buo at kumpletong mga impormasyon 2. Organisasyon – lohikal at mahusay na daloy ng pagsulat 3. Wika – wastong gramatika at kaangkupan ng mga salita 4. Estilo – nakakapukaw na pagpapahayag; wastong gamit ng pagbabantas. Nasa apendiks ang pagmamarka gamit ang pamantayang ito.

Page 73: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

65

5. Anong mga paghahanda o pagsasanay ang ginagawa ng mga manlalaro? 6. Paano ninyo hinihikayat ang mga manlalaro bago magsimula ang bawat laban? 7. Sa aling mga liga tayo kasali? 8. May mga kahirapan ba o hamong dinaranas ang ating paaralan o mga manlalaro para sa taong ito? 9. Ano ang tsansa nating manalo sa mga palaro ngayong taon? Bago ang mismong panayam, magtalaga ng tatlo o apat na estudyante na magiging katuwang sa pagpapadaloy ng panayam. Tungkulin nila na magtanong ng follow-up kung kinakailangan o maging alerto sa kanilang mga kaklase na nais gawin ito. Sabihin sa klase na huwag kalimutang magpasalamat pagkatapos ng panayam. Alternatibong gawain* Sabihin sa mga mag-aaral na upang mapayaman ang kanilang isusulat, mainam na magtanong-tanong o mag-interbyu ng mga manlalaro ng eskwelahan para sa

Page 74: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

66

maaaring maidagdag sa kanilang sulatin. Indibidwal na itong panayam. Gabayan sila sa pagbuo ng kanilang mga tanong.

*Alternatibong gawain: Kung hindi libre ang (alinmang) coach ng paaralan, maaari ring interbyuhin ang tagapayong guro ng mga koponan. Maaaring hatiin ang klase sa iba’t ibang guro kung higit sa isa ang mga tagapayong guro.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Sulatin

Napakahusay

Natugunan

ang lahat ng mga

kahingian

Mahusay Natugunan ang halos lahat ng

mga kahingian

Katamtaman

May ilang mga punto

na hindi tinugunan o hindi sapat sa hinihingi

Mahina

Halos walang

natugunan o kulang na kulang sa

mga kahingian

Puntos na

nakuha

Nilalaman - buo at kumpleto ang mga impormasyon

25

20

15

10

Organisasyon – lohikal at mahusay na daloy ng pagsulat

25

20

15

10

Wika – wastong gramatika at kaangkupan ng mga salita

25

20

15

10

Estilo – nakakapukaw na pagpapahayag; wastong gamit ng pagbabantas

25

20

15

10

Kabuuan

Page 75: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

67

Pamantayan sa Pagmamarka ng Balitang Pang-isports

Napakahusay

Mahusay

Katamtaman

Mahina

Puntos na

nakuha

Kumpleto ang impormasyon

30 25 20 15

Tama ang pormat ng pagbabalita

20 15 10 7

Angkop ang gamit ng mga katawagan

20 15 10 7

Maayos ang pagbuo ng mga pangungusap

15 10 7 5

Gumamit ng malikhain o makulay na pananalita

15 10 7 5

Kabuuan

Page 76: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

68

Pangwakas na Pagsusulit sa Kabanata 3 I. TAMA o MALI: Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag. Kung MALI, isulat salitang ‘mali’ at ang wastong sagot. (20 puntos)

1. Kinakailangang dalubhasa ang isang manunulat ng isports sa wikang

ginagamit nito. 2. Maaaring tumutok sa isang manlalaro lang sa pagbabalita ng isang laban

upang palitawin ang kagalingan ng manlalarong iyon. 3. Mas mainam ang mas mahabang balitang pang-isports. 4. Hindi kailangan ang kaalaman sa gramar at gamit ng mga salita sa pagsulat

ng balitang pang-isports. 5. Tungkulin ng manunulat na ipabatid ang isponsor ng isang laro sa kaniyang

mga balita. 6. Kaysa gumamit ng opinyon, lalong wasto ang balita kung hahayaan ng

manunulat na ang mga pangyayari ang maglarawan ng aksyon nagaganap. 7. Maaaring gumamit ng makulay at nakakapukaw na pagsulat sa pagbabalita

ng isports. 8. Dapat may masaklaw na kaalaman ang isang manunulat sa mga nakaraang

palaro. 9. Hindi kailangang maalam sa isports na kaniyang isinusulat ang manunulat

pero mahalagang alam niya ang tuntunin at ang paraan ng paglalaro nito. 10. Magandang simulan ang isang balita sa pamamagitan ng direktang sipi ng

sinabi ng isang manlalaro o coach upang makatawag-pansin.

II. Panuto: Mula sa mga ibinigay na mga tanong, tukuyin kung sa A o sa B dapat sagutin o ilagay ang impormasyon nito sa isang pagbabalita. (10 pts)

B. Pamatnubay o Lede B. Katawan

1. Ano ang kahalagahan ng laban? 2. Ano ang naging iskor? 3. Paano nanalo ang koponan o manlalaro? 4. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga naganap sa laro? 5. Ano ang sinabi ng kanilang coach? 6. Pang-ilan sila (o siya) sa standing ng isports na iyon? 7. Sino ang nanalo sa laban? 8. Ano ang istorya sa likod ng koponan? 9. Kailan at saan naganap ang laban? 10. Bakit nanalo ang koponan o manlalaro?

III. Magpasulat ng isang balita mula sa impormasyong nakalatag sa ibaba: (20 pts) Ano: Takbo para sa Tacloban Sino: Mga interesadong indibidwal, edad 21-45 Kailan: Itong araw na ito (isulat ang petsa)

Page 77: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

69

Saan: Mall of Asia grounds, Lungsod Pasay Bakit: Fund-raising na proyekto para sa mga nasalanta ng Yolanda. Paano: 21k Takbuhan: (Lalaki) Andres Torres 1:21:16, Jose Garcia 1:26:13, George Velasco 1:26:44; (Babae) Elaine Bautista 1:50:06, Marie Aguiluz 1:52:45, Cherry Gallardo 1:57:47. 10k Takbuhan: (Lalaki) Danilo Benitez 34:22, Marco Herrera 34:57, Rafael Tan 35:10; (Babae) Mirabelle Abad 41:02, Clarissa Antonio 49:04, Lauren Lopez 50:06. 5k Takbuhan: (Lalaki) Greg Saguil 19:45, Neil de Leon 21:09, Jerry Galvez 21:03; (Babae) Grace Torrez 22:05, Mayette Ortiz 23:25, Anna Abiera 24:12.

Page 78: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

70

SUSI SA PAGWAWASTO Pagsusulit sa Kabanata 3:

I.

1. Tama 2. Mali, patas dapat ang paglalarawan sa isang laro. Ginagawa lang ang

pagtatampok sa mga pang-profile na pagbabalita. 3. Mali, walang saysay ang mas mahabang balita kung hindi wasto ang

ibinabalita. 4. Mali, ang pagbabalita sa isports ay isang anyo pa rin ng pagsulat na

kinakailangang sumunod sa mga batayang kahingian ng mahusay na pagsusulat.

5. Mali, tungkulin ng manunulat ang paghahatid ng wasto at tamang pagbabalita. 6. Tama 7. Tama 8. Tama 9. Tama 10. Mali, sinisimulan ang balita sa pagsagot ng mga batayang tanong na 5 WHs

at H II.

1. B

2. A

3. A

4. B

5. B

6. B

7. A

8. B

9. A

10. A

Pamantayan sa Pagmamarka ng Pagbabalita: Puntos

Kumpleto ang impormasyong ibinigay (may ulo ng balita, naisulat lahat ng detalye)

10

Naaayon sa tamang daloy ng pagbabalita ang paglalahad ng mga detalye (sinimulan sa pagsagot ng 5 WHs at H)

5

Wasto ang pagbuo ng mga pangungusap 5

Kabuuan 20

Page 79: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

71

KABANATA 4: Mga Opinyon/Analisis sa mga Pangyayari sa Isports

Katulad ng naunang kabanata, makikita sa sumusunod ang paglalahad ng

mga naging pangyayari sa isang partikular na laro, liga, o koponan. Ngunit hindi gaya ng mga nauna, may elemento ng pangangatwiran sa mga artikulong ito. Nakatuon ang mga ganitong sulatin sa pagsusuri at pagtatasa sa mga pangyayari o usapin imbes na paghahatid lang ng balita. Makikita sa ganitong klaseng mga sulatin ang perspektiba ng manunulat tungkol sa paksa at may layuning maipalitaw kundi man mahikayat ang mambabasa sa kanyang tindig sa naturang usapin. Dahil dito, maaaring mas makulay ang gamit ng mga salita at may pwersa o diin ang mga pahayag sa artikulo.

Kadalasang may regular na kolumnista ang ganitong mga sulatin sa isang pahayagan o magasin. Dahil dito, nakikilala ang manunulat sa kanyang estilo ng pagsulat, kaalaman sa isang larangan ng isports o perspektiba at paraan ng pag-iisip sa mga bagay-bagay tungkol dito.

Panimulang Pagsusulit sa Kabanata 4

I. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. (10 puntos) 1. Nagagawa ng isang artikulong opinyon/analisis na magbigay;

A. kulay sa balitang pang-isports. B. direksyon sa mga nais matuto ng isang laro. C. pagkakataon sa mambabasa na bumuo ng kuro-kuro. D. oportunidad sa manunulat na ipagsama ang pagsulat sa komento.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng isang mahusay na artikulong

opinyon? A. Mayroong itong peg B. Naglalarawan ng mga pangyayari C. Pagsasama ng galing sa pagsulat at opinyon D. Nagbibigay ng opinyon batay sa mga datos

3. Ito ang pinakamahalagang elemento ng opinyon.

A. Peg C. Layout B. Lead D. Subject

4. Alin sa sumusunod ang HINDI elemento ng opinyon?

A. Panimula na nakagaganyak C. Proposisyon at argumento B. Pananaw ng isang insider D. Salaysay ng mga naganap

5. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng wika ng Opinyon/Analisis?

A. Simple C. Hindi seryoso B. Maiksi D. Hindi maligoy

6. Alin sa mga sumusunod ang dapat iwasan o hindi gamitin sa pagsulat ng

Page 80: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

72

opinyon? A. Mga sipi C. Komentaryo B. Seksismo D. Salitang ingles

7. Mahalagang ang opinyon at analisis ay A. Naratibo C. Sensitibo sa kasarian B. Obhetibo D. Laging mapanghimok

8. Iwasang gumamit ng jargon dahil,

A. Kadalasang nasa Ingles ito C. Hindi mauunawaan ng mambabasa

B. Pinapahaba nito ang artikulo D. Mahirap ito saliksikin ng manunulat

9. Ang isang analisis ay nakabatay sa A. Pagsusuri ng datos C. Sariling opinyon ng analyst B. Komento kapwa insider D. Detalye ng mga pangyayari

10. Para maging epektibo ang pagsulat ng analisis, kailangang A. nagsaliksik ng mga jargon C. alam ang patakaran ng mga

laro B. interesado sa isusulat na isports D. nakikinig sa komento ng mga

analyst

II. Panuto: Basahin ang artikulo at bumuo ng isang artikulong opinyon na magbibigay-reaksiyon sa artikulo ni Ronnie Magsanoc. Nasa ibaba ang gabay sa pagmamarka. (20 puntos)

SANA

Ronnie Magsanoc mula sa http://www.abante-

tonite.com/issue/dec3013/sports_achieve.htm#.VvY3VCHK27M

Sa pagpasok ng 2014, marami tayong mga nais maisakatuparan para sa mundo ng sports sa ating bansa. Mga dalangin na mabigyang katotohanan sana upang patuloy na lumapad, umangat, umunlad at tuluyang maging Asian power o ‘di kaya’y mapansin ang husay ng mga Pinoy sa global stage.

Sana ay magpatuloy ang pagbabalik ni Manny Pacquiao sa kanyang dating kinalalagyan sa mundo ng boxing. Si Pacman ang pinaka-kilalang Pinoy sa buong mundo. Ang tagumpay niya ay nagtutulak sa ating bansa na mapansin sa lahat ng kontinente. Ang 2014 ay kritikal sa kampanya ng Pambansang Kamao para makabalik sa kanyang ginintuang trono.

Sana ay makagawa ang Philippine Sports Commission ng panibagong “sports arena” na kayang pagdausan ng Southeast Asian Games. Bago, moderno at malayo sa trapiko. Sa loob man o labas ng Manila, napakahalaga ng isang world class stadium para sa imahe ng Pilipinas. Nais nating magdaos ng world class competition at magpasibol ng world class athletes, kaya nararapat na sa lalong madaling panahon, dapat ay makagawa tayo ng matinding kalibre na pag-eensayuhan ng ating mga national athletes para sumulong ang estado ng palakasan sa ating bansa. Isang arena o stadium na magiging bahay ng lahat ng sports.

Page 81: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

73

Sana ay magpatuloy ang pag-angat ng golf sa pagpasok ng taon. Sila

Celestino Tugot, Ireneo Legaspi, Ben Arda at Frankie Minoza ang mga “legends” ng golf sa Pilipinas. Magandang maipagpatuloy nila Antonio Lascuna, Juvic Pagunsan, Angelo Que, Artemio Murukami, maging nila Jennifer Rosales, Princess Mary Superal, Claire Amelia Legazpi ang dating tikas ng Filipino golfers sa Asian region.

Sana ay tumibay pa ang estado ng volleyball sa Pilipinas. Tumaas na ang interes ng mga manunuod sa laro. Marapat na isang national team na sana ang mabuo at makapag-prepara sa mga Asean, maging sa Asian competitions.

Marami pa tayong palakasan na nais sanang gumaling pa ang mga Pilipino. Ang badminton, football, track and field, taekwondo ay ilan pa sa ating mga pinapanalangin na kasikatan ng mga Pilipino.

Sana ay pagsama-samahan ng ating mga sports leaders ang mga pamamaraan upang lubusan pang tumibay ang kalagayan ng sports sa Pilipinas sa pagpasok ng 2014.

Gabay sa Pagmamarka

5 3 1

Paksa Malinaw na naipaliwanag ang paksa

May banggit ng paksa ngunit hindi nabigyang- diin

Hindi malinaw ang paksa

Opinyon Mahusay at malinaw na naipahatid ang opinyon.

Maligoy at hindi malinaw ang punto

Hindi nagpapakita ng tindig tungkol sa isyu.

Batayan Nagbibigay ng mga suportang detalye na batay sa matamang pagsusuri sa isyu.

Nagbibigay ng suporta sa argumento ngunit hindi ganoon kalinaw ang ugnayan.

Walang batayan ang mga opinyon

Wika Naipaliliwanag nang mahusay ang punto dahil sa mahusay na paggamit ng wika.

Naipahahatid ang nais sabihin gamit ang wastong wika.

Gumagamit ng mga hindi akmang salita sa kaisipang nais ipahayag.

SUSI SA PAGWAWASTO Pagsusulit sa Kabanata 4:

1. C 2. B 3. A 4. D 5. C 6. B 7. C 8. C 9. D

10. D

Page 82: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

74

ARALIN 8: Pagsulat ng Opinyon Linggo 8

Deskripisyon: Ang araling ito ay nagpapakita ng mga nilalaman, elemento at estruktura ng isang artikulong opinyon na nagpapalawig sa pagtalakay sa isang pangyayari sa isports.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Gawain 1: Pangkatin ang klase sa lima. Bigyan ang bawat grupo ng kontrobersiyal na headline sa isports. (Maaari ding ang balitang isports na ginawa sa naunang kabanata) Halimbawa: “Pacquiao may 5-araw para sumagot sa laban vs Bradley” nasa

Isa pang halimbawa:

Basahin at unawain sa grupo ang balitang

Magkakaroon ng pagbabahagi ng pinakamahalagang puntong napag-usapan ng grupo.

Bago talakayin ang mga napag-usapang komento ay ibigay muna ang buod ng artikulo.

Page 83: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

75

isports na ibinigay ng guro. Tanungin kung ano ang opinyon o pananaw ng grupo sa artikulong ibinigay ng guro. Magbigay ng mga mahahalagang punto na maaaring maging lunsaran ng mahusay na diskurso sa mga grupo gaya ng:

Makatwiran ba ang pananaw ng manunulat?

Sumasang-ayon ba kayo sa pananaw ng manunulat?

Nagmalabis ba ang manunulat sa pagpapahayag?

Hindi ba naging malinaw ang kaniyang puntong nais ipahayag?

Isa-isahin ang kanilang mga komento bilang grupo sa isang buong papel.

Mayroong 15 minuto ang mga mag-aaral upang magtalakay sa loob ng mga binuong grupo at isulat ang kanilang mga komento sa isang malinis na papel. Malayang talakayan: Maaaring gawing gabay na tanong ang mga sumusunod. 1. Bakit mahalaga ang

opinyon kolum sa pagtalakay sa isang pangyayari sa

Page 84: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

76

isports? 2. Ano ang nagagawa

ng opinyon sa isang manunulat at mambabasa?

3. Ano ang mga isinasaalang-alang upang makalikha ng isang mahusay na opinyon sa isang nabasa o napanood na balita o opinyon mismo?

Maaaring inaasahang sagot mula sa mag-aaral ang mga sumusunod na ideya: 1. Mahalaga ang

opinyon upang mapalalim ang diskurso sa mga pangyayri sa isports. Sa pamamagitan ng opinyon nabibigyang-kulay ang mga balitang inihahatid. Diskurso ang tawag sa pormal at patuluyang pagsasagawa ng isang mahusay na usapan tungo sa isang mabisang paglalahad. Dahil sa opinyon at komentaryo nagiging mas interesante ang kaganapan sa isport na kinagigiliwan.

2. Nagbibigay ito ng oportunidad sa mga manunulat upang ipamalas ang kanilang mga estilo sa pagsulat. Nagiging lunsaran din ang mga ganitong artikulo

Page 85: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

77

upang mahimok ang mga mambabasa na magbigay ng kanilang sariling pagkukuro sa paksain.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng teksto at konteksto ng diskurso para maging malinaw at epektibo ang diskurso. Ang teksto ang pinanggagalingan at nagdadala ng mensahe o opinyong nais ipahatid. Maituturing na teksto ang libro, kasulatan, memo, at iba pa. Ang konteksto naman ay ang lunan at dahilan kung bakit at kailan nagaganap ang diskurso.

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Ipakuha ang mga artikulo ng Ambethabol at Lima Singko na patungkol sa opinyon sa mga kaganapan sa isports. Gawain 2: Pangkatang gawain: Bumuo ng grupong may tatlo hanggang apat na miyembro. Pumili ng grupong nais mag-ulat ng ginawa ng kanilang grupo

Muling babasahin at susuriin ng mga mag-aaral ang mga artikulong ipinabasa sa kanila. Sagutan ang worksheet na nagsusuri sa paraan ng pagkakasulat ng artikulo. Ano ang pagkakaiba ng balitang isports at isports kolum sa: 1. nilalaman/tungkol saan

ang artikulo 2. elemento 3. estruktura

Ipaalala ang kahalagahan ng tekstong patunay upang may babalikang ebidensiya sa asersiyon pagkatapos.

Page 86: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

78

Maaaring gamitin bilang batayan ng sagot ang mga babasahing ibinigay sa mag-aaral. Susuriin ng mag-aaral ang mga artikulo upang makita ang pagkakaiba ng balitang isports at opinyon at itala ito sa worksheet na ibinigay ng guro. Iuulat ng mga grupo ang kanilang mga sagot. Maaaring inaasahang sagot ang sumusunod na detalye ng pagsulat ng opinyon:

Para sa paksa, dahil ang opinyon ay bilang tugon sa isang napapanahong balita, mabilisan din ang pagbibigay ng komento rito. Ang sistema, para maging makabuluhan pa ang opinyon, kailangang mainit pang pinag-uusapan ang isyu.

Elemento naman ng opinyon ang ikli o haba nito. Kadalasang 600-800 salita lamang ang nilalaman ng isang opinyon kolum

Page 87: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

79

Ang mahusay na opinyon at yaong nagagawang pagsamahin ang pananaw ng isang batikan sa laro at kasanayan sa propesyonal na pagsulat.

Lagi itong may peg. Ito ang naunang pangyayari o kwwento na may elemento ng kontrobersiya. Ito ang nagbibigay-giya sa manunulat upang magbigay ng ibang perspektiba.

Ang pinakamahalagang elemento ng isang mahusay na balitang isports ay ang kontrobersiya.

Maaaring hindi popular ang panig ng manunulat ngunit doon nakasalaay ang pagkabuhay ng argumento. Ngunit laging tandaan na batay sa mga datos at katotohanan ang mga argumento. Dito papasok ang isang mahusay na pananaliksik.

Binabasa ang mga opinyon hindi dahil sa mga impormasyon at detalyeng ibinabahagi nito kundi ang komento at opinyon ng sumulat na umaaliw sa mga mambabasa.

Tanungin kung ano ang mga elemento at estruktura ng isang

Page 88: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

80

artikulong opinyon. Mga elemento at estruktura ng artikulong opinyon:

peg – naunang kuwentong mayroong elemento ng kontrobersiya

nakagaganyak na panimula na kukuha ng atensiyon ng mga mambabasa

pananaw ng isang insider o analisis ng isang eksperto sa isyu upang mapakinggan ang iba't ibang panig ng argumento at makagawa ng paghahambing sa ibang tao o pangyayari.

Malinaw na tindig na susuportahan mga proposisyon o argumento at ebidensiya

lagom ng mga argumento

isang pagwawakas mag-iiwan ng impormasyon at nag-aanyaya sa mambasa na limiin ang kaniyang sariling analisis sa kuwento.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Balik-aralan ang mga pagtalakay sa mga katangian ng isang isports.

Ang isang opinyon ay naglalaman ng isang kuro o hakang personal.

Gawain 3: Matapos makita ang kahalagahan at layunin ng artikulong opinyon at analisis ay susubukang buuin bilang isang artikulong opinyon ang kanilang mga komento sa Gawain 1.

Page 89: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

81

Mula ito sa sariling pananaw ng isang tao tungkol sa isang bagay. Dahil dito, maaaring sabihing walang maling opinyon dahil maaring nakabatay rin ito sa katotohanan o karanasang pinagdaanan ng nagsusulat.

Sa puntong ito, hindi muna mahalaga ang mga elemento at estruktura dahil babalikan ito para sa pangunahing gawain. Tanungin sa mag-aaral kung ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang manunulat ng opinyon kolum?

Magtawag ng mag-aaral na nais sumagot.

Bigyang-diing mahalaga ang matalinong opinyon na mula sa masusing pag-aaral sa isyu. Mahalaga rin na mahusay na magamit ang wika upang matiyak na tama o akma ang magiging interpretasyon ng mambabasa sa nais ipahatid ng manunulat.

Sa pagsulat ng isang opinyon, kailangang tiyak ang damdamin, tono, at pananaw ng manunulat sa teksto. Tono ang lumilitaw na damadamin o saloobin ng manunulat tungkol sa paksang tinatalakay. Maaari itong maging maging mapang-uyam, masaya, nanghihinayang, nalulungkot, at iba pa.

Gawain 4: Balikan muli ang mga artikulo sa opinyon mula

Page 90: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

82

sa Ambethabol at Lima Singko. Itakda ang isang artikulo sa isang grupo. Tiyaking iba-ibang artikulo ang susuriin ng bawat grupo.

Tukuyin ang mga bahagi: a. peg b. lagom ng artikulo c. proposisyon

argumento

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Balikan ang awtput sa Gawain 3 kung saan sinulat nila bilang isang artikulong opinyon ang kanilang opinyon sa Gawain 1.

Gawain 5: Indibidwal na gawain. Bumuo ng isang artikulong opinyon na sumusunod sa mga pamantayan ng pagsulat ng artikulong opinyon. 1. Peg 2. Nakagaganyak na

panimula 3. Malamang opinyon,

proposisyon, argumento

4. Lagom ng punto sa pagwawakas

5. Wikang madaling maunawaan ng mambabasa

Maglalaman ito ng pananaw ng mag-aaral tungkol sa kaniyang napiling balitang pang-isports.

Gawain 6: Matapos magsulat ng mga mag-aaral na kani-kanilang mga opinyon, magpapalitan ang mga mag-aaral ng kanilang gawa.

Babasahin at susuriin ang gawa ng kaklase at bibigyan ito ng komento. Gumamit ng kulay na iba ang tinta ng bolpen sa iwinawastong papel bilang pananda na ito ay komento ng kaklase at hindi ng guro na gagamit naman ng pulang tinta. Susuriin kung valid o hindi ang pananaw ng kaklase. Maaring tingnan kung:

may kaugnayan ang mga bahagi nito sa isa’t isa.

may mga bahagi bang nakakalilito sa mambabasa.

Page 91: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

83

may mga batayan ba ang mga detalye at pangangatwiran. Kung mayroon, saan kinuha? Mayroon bang tala?

Ilagay ang komento sa espasyo sa ibaba o sa kabilang bahagi ng papel. Matapos ang pagkokomento ng kaklase ay ibabalik ang papel sa may-ari upang tingnan ang komento sa kaniyang gawa.

Maaari niyang baguhin o hindi ang gawa kung sa tingin niya ay nararapat. Parehong iwawasto ng guro ang artikulo at komento ng kaklase.

Ipakita ang pamantayan sa pagmamarka ng opinyon.

Page 92: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

84

ARALIN 9: Pagsulat ng Analisis ng Isang Balitang Isports Linggo 9

Deskripsiyon: Sa araling ito, tatalakayin ang estruktura at pagsulat ng isang analisis sa isang balitang isports.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Gawain 1: Pangkatang gawain. Magpakita ng isang larawan na naglalaman ng grap na nagpapakita ng bilang ng mga medalya na naiuwi ng Pilipinas sa Southeast Asian Games mula 2005 hanggang 2015. Gagawan ito ng interpretasyon ng mga pangkat. Mas maraming interpretasyon, mas maigi. Maaaring magbigay ng gabay na daloy ang guro. 1. paksa ng grap o

larawan 2. mga kaisipang o

detalyeng binibigyang kahulugan

3. analisis o pangkalahatang katotohanang ipinakikita ng mga datos sa larawan

Sabihin na mahalagang kasanayan ang pagbasa ng mga datos upang makabuo ng isang makabuluhang analisis. Malimit na makakakita ng mga estadistika ng mga larong basketball, volleybal, o “tale of the

Magbabahagi ng sagot ang mga mag-aaral at magiging lunsaran ito ng mga talakayan mula sa performans ng mga manlalarong Pilipino hanggang sa malalimang pagtingin sa estado ng palakasan o isports sa ating bansa.

Matapos magbahagi ng mga sagot ang mga mag-aaral ay sabihing mahalagang inaanalisa ang anumang datos sapagkat dito at sa malalimang pagsipat sa katotohanang ipinapahayag nito, maaaring magmula ang mga solusyon halimbawa sa trapiko, crime rate, at problema sa populasyon ng bansa. Gawain 2: Ipakukuha ng guro sa mga mag-aaral ang mga artikulong ipinabasa bilang takdang-aralin. Pangkatin ang mga mag-aaral at ibibigay ang worksheet na sasagutan. Magtalaga ng isang artikulo sa bawat grupo. Gamitin ang mga artikulong napili upang

Page 93: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

85

tape” sa boksing gamit ng mga ilustrasyon gaya ng grap o tsart at talahanayan dahil isa itong paraan upang mailahad ang mga datos nang mas madaling maunawaan.

Sa pamamagitan ng mga tsart, naipapakita ang estruktura ng isang sistema. a) Grap – may layunin

itong ipakita ang ugnayan ng mga guhit at tambilang sa paksang tinatalakay. Mga anyo: pictograph, bar graph, line grap, pie graph

b) Flow chart ang ginagamit kung maglalahad ng isang proseso mula sa umpisa hanggang matapos ang proseso.

c) Talahanayan ang paghahanay sa mga paksa at bilang sa isang kolum upang mabilis na mabasa at makagawa ng paghahambing.

Mula sa pagsusuri sa mga grap at mga talahayan ng mga estadistika ng mga laro, maaaring makagawa ng isang paghihinuha na maaaring hulaan ng isang tagasuri ang maaaring kalabasan ng laro o mga desisyong maaaring gawin tungkol sa isang usaping isports.

magkaroon ng iba-ibang obserbasyon ang mga mag-aaral sa kabanatang ito. Tutukan ang gamit ng wika at estruktura ng mga pangungusap

gamit ng salita

pagbubuo ng pangungusap

tono ng akda

mga pagsusuri na ginawa ng akda ayon sa datos

Magtawag ng mag-aaral upang magbahagi ng mga sagot. Ibabahagi ng mga mag-aaral ang mga naging obserbasyon nila. Mula sa mga sagot ng mag-aaral, idiin ang mga sumusunod:

Ang isports mismo ay maaaring pagkunan ng paksa sa editoryal o lathalain.

Iba ang katangian ng isang sulating pang-isports. Nagtataglay ito ng kalayaan na wala sa ibang sulatin. Maaaring ang estilo kung paano magsulat ay batay sa sariling estilo ng manunulat gaya ng makikita sa babasahin.

Ang wika ng isang artikulong isports, opinyon, o analisis ay dapat simple lamang, sa paraang parang

Page 94: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

86

Bahagi rin ng pagsusuri o analisis ng datos ang pagbubuo ng palagay o prediksiyon. Maaaring suriin ng isang tagasuri ang “tale of the tape” ng isang larong boksing at sabihin kung sino ang may mas malaking tsansang upang manalo batay sa kanilang pisikal na kakayahan. Batay rin sa bilang ng mga spike at galing sa floor defense (volleyball) ang paghanguan ng isang tagasuri ng kaniyang palagay kung sino ang lalamang kanino. Sa ganitong sistema ng isang manunulat, nauudyukan niya rin ang mambabasa upang bumuo ng sariling hinuha. Ngunit laging tandaan na kahit ang mga palagay o hinuha ay nabubuo batay sa mga makatwirang ebalwasyon. Kaya’t mahalaga ang mga datos upang pagbatayan ng pagsusuri. Mahalagang kasanayan sa paghihinuha ang pagbasa at pag-unawa sa mga teksto. Kapag nauunawaan ng isang tagasuri ang kaniyang binabasa o pinapanood, mas madali siyang makapagbigay ng palagay.

nakikipag-usap sa mambabasa. Isang paghikayat din ito upang ulit-uliting basahin ang mga artikulo ng isang manunulat.

Maiksi ang mga pangungusap, direkta at hindi maligoy. Ang isang talata ay kadalasang may dalawa hanggang tatlong pangungusap lamang.

Hindi tulad ng sanaysay na maaaring humaba ng libo-libo ang salita, kailangang panatilihing nasa daan lamang ang salita sa artikulong opinyon at analisis.

Hangga't maaari ay iwasang gumamit ng jargon dahil maaaring hindi ito alam ng mambabasa.

Iwasan din ang mga acronym pero kung gagamit nito, tiyakin na maibigay ang buong pangalan at salita sa unang banggit.

Maging gender sensitive sa mga komento at hindi maging mapanghusga at magbigay ng personal na atake.

Iwasan ang paulit-ulit na salita at pahayag, mga cliché, at

Page 95: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

87

yupemismo.

Tiyaking walang mali sa gramar. Hindi dahil simple at conversational ang wika ay maaari nang magkamali sa gramar.

Upang maging tiyak sa isinusulat, kailangan niyang maging interesado sa isports o mga pangyayaring may kaugnayan dito. Kailangan ding alam ng manunulat ang mga patakaran o panuntunan ng laro na pagbabatayan ng kaniyang sulatin.

Mahalaga ring may alam sa wika o jargon ng laro na isusulat upang higit itong maipaliwanag sa mambabasa sa paraang madali nilang maunawaan.

Page 96: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

88

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG SULATING OPINYON

5 3 2

Paksa Malinaw na naipaliwanag ang paksa.

May banggit ng paksa ngunit hindi nabigyang-diin.

Hindi malinaw ang paksa.

Opinyon Mahusay at malinaw na naipahatid ang opinyon.

Maligoy at hindi malinaw ang punto.

Hindi nagpapakita ng tindig tungkol sa isyu.

Batayan Nagbibigay ng mga suportang detalye na batay sa matamang pagsusuri sa isyu.

Nagbibigay ng suporta sa argumento ngunit hindi ganoon kalinaw ang ugnayan.

Walang batayan ang mga opinyon.

Wika Naipaliliwanag nang mahusay ang punto dahil sa mahusay na paggamit ng wika.

Naipahahatid ang nais sabihin gamit ang wastong wika.

Gumagamit ng mga hindi akmang salita sa kaisipang nais ipahayag.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG SULATING ANALISIS

5 3 2

Paksa Malinaw na naipaliwanag ang paksa.

May banggit ng paksa ngunit hindi nabigyang-diin.

Hindi malinaw ang paksa.

Analisis Mahusay at malinaw ang paglalahad ng mga hinuha o prediksyon.

Nagbibigay ng hinuha at prediksiyon ngunit hindi naging masinsin ang pagtitimbang.

Hindi malinaw ang ibinibigay na analisis sa paksa.

Batayan Nagbibigay ng mga suportang detalye na batay sa matamang pagsusuri sa isyu.

Nagbibigay ng suporta sa argumento ngunit hindi ganoon kalinaw ang ugnayan.

Hindi gumamit ng mga suportang datos upang pangatwiranan ang kanyang asersyon tungkol sa paksa.

Wika Naipaliliwanag nang mahusay ang punto dahil sa mahusay na paggamit ng wika.

Naipahahatid ang nais sabihin gamit ang wastong wika.

Gumagamit ng mga hindi akmang salita sa kaisipang nais ipahayag.

Page 97: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

89

Pangwakas na Pagsusulit sa Kabanata 4

I. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. (10 puntos) 1. Nagagawa ng isang artikulong opinyon/analisis na magbigay ng

A. kulay sa balitang isports. B. direksiyon sa mga nais matuto ng isang laro. C. pagkakataon sa mambabasa na bumuo ng kuro-kuro. D. oportunidad sa manunulat na ipagsama ang pagsulat sa komento.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng isang mahusay na artikulong

opinyon? A. Mayroon itong peg B. Naglalarawan ng mga pangyayari C. Pagsasama ng galing sa pagsulat at opinyon D. Nagbibigay ng opinyon batay sa mga datos

3. Ito ang pinakamahalagang elemento ng opinyon

A. Peg C. Layout B. Lead D. Subject

4. Alin sa sumusunod ang HINDI elemento ng opinyon?

A. Panimulang nakagaganyak C. Proposisyon at argumento B. Pananaw ng isang insider D. Salaysay ng mga mga

naganap 5. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng wika ng Opinyon/Analisis?

A. Simple C. hindi seryoso B. Maiksi D. hindi maligoy

6. Alin sa sumusunod ang dapat iwasan o hindi gamitin sa pagsulat ng opinyon?

A. Mga sipi C. Komentaryo B. Seksismo D. Salitang Ingles

7. Mahalagang ang opinyon at analisis ay

A. Naratibo C. Sensitibo sa kasarian B. Obhetibo D. Laging mapanghimok

8. Iwasang gumamit ng jargon dahil

A. kadalasan Ingles ito. C. hindi mauunawaan ng mambabasa.

B. pinapahaba nito ang artikulo. D. mahirap itong saliksikin.

9. Ang isang analisis ay nakabatay sa A. Pagsusuri ng datos C. Sariling opinyon ng tagasuri B. Komento kapuwa insider D. Detalye ng mga pangyayari

10. Para maging epektibo ang pagsulat ng analisis, kailangang gawin ang mga

sumusunod maliban sa A. nagsaliksik ng mga jargon. C. alam ang patakaran ng mga

laro.

Page 98: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

90

B. interesado sa isusulat na isports. D. naglalaro ng nasabing isports.

II. Panuto: Basahin ang artikulo at bumuo ng isang artikulong opinyon na magbibigay reaksiyon sa artikulo ni Ronnie Magsanoc. Nasa ibaba ang gabay sa pagmamarka. (20 puntos)

SANA Ronnie Magsanoc

mula sa http://www.abante-tonite.com/issue/dec3013/sports_achieve.htm#.VvY3VCHK27M

Sa pagpasok ng 2014, marami tayong mga nais maisakatuparan para sa

mundo ng sports sa ating bansa. Mga dalangin na mabigyang katotohanan sana upang patuloy na lumapad, umangat, umunlad at tuluyang maging Asian power o ‘di kaya’y mapansin ang husay ng mga Pinoy sa global stage.

Sana ay magpatuloy ang pagbabalik ni Manny Pacquiao sa kanyang dating kinalalagyan sa mundo ng boxing. Si Pacman ang pinaka-kilalang Pinoy sa buong mundo. Ang tagumpay niya ay nagtutulak sa ating bansa na mapansin sa lahat ng kontinente. Ang 2014 ay kritikal sa kampanya ng Pambansang Kamao para makabalik sa kanyang ginintuang trono.

Sana ay makagawa ang Philippine Sports Commission ng panibagong “sports arena” na kayang pagdausan ng Southeast Asian Games. Bago, moderno at malayo sa trapiko. Sa loob man o labas ng Manila, napakahalaga ng isang world class stadium para sa imahe ng Pilipinas. Nais nating magdaos ng world class competition at magpasibol ng world class athletes, kaya nararapat na sa lalong madaling panahon, dapat ay makagawa tayo ng matinding kalibre na pag-eensayuhan ng ating mga national athletes para sumulong ang estado ng palakasan sa ating bansa. Isang arena o stadium na magiging bahay ng lahat ng sports.

Sana ay magpatuloy ang pag-angat ng golf sa pagpasok ng taon. Sila Celestino Tugot, Ireneo Legaspi, Ben Arda at Frankie Minoza ang mga “legends” ng golf sa Pilipinas. Magandang maipagpatuloy nila Antonio Lascuna, Juvic Pagunsan, Angelo Que, Artemio Murukami, maging nila Jennifer Rosales, Princess Mary Superal, Claire Amelia Legazpi ang dating tikas ng Filipino golfers sa Asian region.

Sana ay tumibay pa ang estado ng volleyball sa Pilipinas. Tumaas na ang interes ng mga manunuod sa laro. Marapat na isang national team na sana ang mabuo at makapag-prepara sa mga Asean, maging sa Asian competitions.

Marami pa tayong palakasan na nais sanang gumaling pa ang mga Pilipino. Ang badminton, football, track and field, taekwondo ay ilan pa sa ating mga pinapanalangin na kasikatan ng mga Pilipino.

Sana ay pagsama-samahan ng ating mga sports leaders ang mga pamamaraan upang lubusan pang tumibay ang kalagayan ng sports sa Pilipinas sa pagpasok ng 2014.

Page 99: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

91

Gabay sa Pagmamarka

5 3 1

Paksa Malinaw na naipaliwanag ang paksa.

May banggit ng paksa ngunit hindi nabigyang-diin.

Hindi malinaw ang paksa.

Opinyon Mahusay at malinaw na naipahatid ang opinyon.

Maligoy at hindi malinaw ang punto.

Hindi nagpapakita ng tindig tungkol sa isyu.

Batayan Nagbibigay ng mga suportang detalye na batay sa matamang pagsusuri sa isyu.

Nagbibigay ng suporta sa argumento ngunit hindi ganoon kalinaw ang ugnayan.

Walang batayan ang mga opinyon.

Wika Naipaliliwanag nang mahusay ang punto dahil sa mahusay na paggamit ng wika.

Naipahahatid ang nais sabihin gamit ang wastong wika.

Gumagamit ng mga hindi akmang salita sa kaisipang nais ipahayag.

SUSI SA PAGWAWASTO Pagsusulit sa Kabanata 4:

1. C 2. B 3. A 4. D 5. C 6. B 7. C 8. C 9. D 10. D

Page 100: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

92

KABANATA 5: Mga Tampok na Lathalain sa Isports

Bukod sa mga pagbabalita at pagbibigay-kuro tungkol sa mga napapanahong pangyayari sa isports, may mga sulatin ding tumatalakay sa mga kaugnay na paksa na magiging interesante sa mambabasa. Iba’t iba ang kaanyuan, tono, at antas ng pormalidad ng mga sulating ito, depende sa layunin at target na mambabasa. Halimbawa, replektibo at impormal ang tono at anyo ng mga salaysay tungkol sa karanasan sa pagsasagawa o paglahok sa isang isports na makikita sa isang magasin. Sa kabilang banda naman, mas pormal at akademiko ang naging pagtalakay sa kasaysayan ng palakasan sa bansa na nailathala bilang kabanata sa isang libro.

Sa bahaging ito, narito ang ilang mga halimbawa ng mga sanaysay na

maaaring makita bilang tampok na panulat sa isang lathalaing pang-isports:

Panimula sa Olympic Movement

Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban noong Dating Panahon

Paraan ng paglalaro

Karanasang pang-isports

Pangangalaga sa kalusugan

Panimulang Pagsusulit sa Kabanata 5 I. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa kahon. (10 puntos)

A. Banghay H. Suliranin

B. Tauhan I. Punto de bista

C. Resolution o kakalasan J. Tuktok

D. Simula K. Paksa

E. Kuwento L. Wakas

F. Gitna M. Simbolo

G. Tema N. Climax o kasukdulan

1. Pangunahing elemento ng pagsasalaysay 2. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa salaysay 3. Pinakamataas na bahagi ng salaysay 4. Bahagi kung saan nareresolba ang suliranin 5. Nagsisiganap sa isang salaysay o kuwento 6. Nagpapaikot sa kuwento 7. Ideyang nais ibahagi ng manunulat sa mga target na mambabasa 8. Bahagi kung saan ipinapakilala ang tauhan, tagpuan, at umpisa ng

pangyayari 9. Bahagi kung saan ipinakikita ang pinakamataas na emosyon ng salaysay 10. Bahagi kung saan nasosolusyunan ang problema

Page 101: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

93

II. Punan ng mga hinihinging kasanayan ang mga seleksiyon sa ibaba. (30 puntos)

SAKIT ni Rommel Rodriguez Tulad ng nakasanayang gawi ng mga mananampalataya sa mga nililok na mukha ng mga diyos na may matatangos na ilong, tuwing umaga’y binibisita nila ang mga ito upang mag-alay ng bulaklak at pagkain. Laking pagtataka nila na sa kanilang pagbisita’y nagbabago ng anyo ang mukha ng rebulto. Isa itong himala, ang sabi ng pinuno ng parokya. Mabilis na kumalat ang balita at nagsidagsaan ang mga katutubong binyagan para mag-alay ng dasal, humiling na gumaling sa mga bagong anyo ng sakit na hindi na napapagaling ng mga mahiwagang dahon at bulaklak. Nagpatuloy ang sunod-sunod na dasal at pag-aalay sa milagrosong santo na nag-iiba ang hugis ng ilong at mukha. Tuwing gabi, kapag walang tao sa kapilya, dinadalaw ni Severino Marzan ang nililok niyang pigura. Hindi siya makuntento sa kanyang debuho kung kaya’t tinatapyasan niya ito sa pagnanais na maging perpekto ang mukha at ilong ng sinasambang rebulto

BUOD O SYNOPSIS 10 puntos

“Marami. Lumaki ako sa komiks. Mas nauna akong magbasa ng komiks kaysa ng abakada. Noong bata kasi ako kabarkada ng erpat ko sina Domeng Landicho, Jun Cruz Reyes, sila Mang Efren, kasi tabloid writer erpat ko. Nakilala ko yung mga kakilala niya sa pamamagitan ng mga aklat nila, binabasa ko Agos sa Disyerto, Kamao, Ani at iba pa. sa tingin ko ang lahat ng ito kasama kasama ang komiks, sine, lugar namin ay pinaghahanguan ko ng materyales kasama yung mga kwento sa tabloid na larger than life.” Panayam kay Eros Atalia

PRESI 10 puntos

“Mahal na ang de lata, Mahal pa ang abrelata. Minamahal kong sinta, Nagmahal ka na rin ba?”

HAWIG O PARAPHARASE

5 puntos

“Good readers use their prior knowledge and information from what they read to make predictions, seek answers to questions, draw conclusions, and create interpretations that deepen their understanding of the text.”

-Mula sa “The Seven Keys to Comprehension How to Help Your Kids Read It and Get It!” ni Susan Zimmermann

PAGSASALIN 5 puntos

Page 102: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

94

SUSI SA PAGWAWASTO Pagsusulit sa Kabanata 5

I. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa kahon. (10 puntos)

A. Banghay H. Suliranin

B. Tauhan I. Punto de vista

C. Resolution o kakalasan J. Tuktok

D. Simula K. Paksa

E. Kwento L. Wakas

F. Gitna M. Simbolo

G. Tema N. Climax o kasukdulan

1. Pangunahing elemento ng pagsasalaysay K (PAKSA) 2. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa salaysay A (BANGHAY) 3. Pinakamataas na bahagi ng salaysay N (CLIMAX O KASUKDULAN) 4. Bahagi kung saan nareresolba ang suliranin C (RESOLUTION O

KAKALASAN) 5. Nagsisiganap sa isang salaysay o kwento B (TAUHAN) 6. Nagpapaikot sa kwento H (SULIRANIN) 7. Ideyang nais ibahagi ng manunulat sa mga target na mambabasa G (TEMA) 8. Bahagi kung saan ipinapakilala ang tauhan, tagpuan at umpisa ng

pangyayari D (SIMULA) 9. Bahagi kung saan ipinakikita ang pinakamataas na emosyon ng salaysay F

(GITNA) 10. Bahagi kung saan nasosolusyunan ang problema L (WAKAS)

Page 103: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

95

ARALIN 10: Panimula sa Olympic Movement Linggo 10

Deskripsiyon: Pasisimulan dito ang paggamit ng citation o paglalagay ng sanggunian at mga paraan sa pagkuha ng tala. Tatalakayin din ang pinagmulan ng isports sa pamamagitan ng pag-aaral sa kasaysayan ng Olympics.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Itanong sa mga estudyante kung ano ang pinaka-interesanteng kaalaman na napulot nila sa babasahin. Talakayin nang bahagya ang mga sagot nila. Talakayin ang mga naging pag-uulat. Bigyang-diin ang mga sumusunod: 1. Pinagmulan ng Olympics - Isinama ang gawaing atletiko sa relihiyosong piyesta para kay Rhea at regular na itinakdang ganapin ito kada apat na taon. - Pinaniniwalaang nagsimula ang mga laro mula sa pagsasanay sa labanan at pagtatanggol ng sarili na nagsilbing libangan para sa mga maharlika ng Ehipto. Lumipat ito sa Aegean Islands na kung saan mula sa pagiging mga gawaing panlibangan, naging relihiyosong selebrasyon ang mga ito. 2.Ang Olympism - Isang pag-iisip o pilosopiya na naglalayong gamitin ang

Hatiin sa tatlong pangkat ang klase ayon sa mga paksang:

1. Pinagmulan ng Olympics

2. Ang Olympism 3. Ang Olympic

Movement Ipatalakay sa mga pangkat ang susing ideya ng mga takdang paksa.

Pumili ng isang kinatawan sa bawat pangkat para mag-ulat.

Page 104: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

96

isports sa maayos na pag-unlad ng tao, na may pananaw na hikayatin ang pagtatatag ng isang mapayapang lipunan na isinasaalang-alang ang pagpapanatili ng dignidad ng tao. - Pinasimulan ito ni Baron Pierre de Coubertin na ginawang proyekto ang muling pagbuhay sa Olympic Games at dahil doon, nakilala siya bilang Ama ng Modernong Olympics. 3. Ang Olympic Movement - Bunga ng Olympism at itinataguyod ng mga ahensiyang pinangungunahan ng International Olympic Committee na naglalayong palaganapin ang Olympic games at ideals - Nakikilala ang Olympic Movement sa buong mundo dahil sa Olympic rings, Olympic flag, Olympic torch, Olympic medals, Olympic motto, at Olympic hymn Sunod na itanong kung ano ang nakita nilang katangian ng sulating ito na naiiba o kagaya ng mga naunang binasa nila (hindi kasama dito ang mga babasahin sa Kabanata 1). Inaasahang maililista ang mga sagot na ito:

Page 105: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

97

a. mas mahaba b. may tiyak na pagkakahati ang pagtalakay c. may citations o pagkilala sa mga pinagkunan ng ideya d. mas pormal ang tono ng pananalita Ipaliwanag na naiiba ito sa mga naunang binasa dahil ito’y bahagi ng isang libro at mas nangangailangan ng higit na pananaliksik kaysa sa simpleng paglalarawan o pagsasalaysay lang ng mga pangyayaring napanood. Dahil dito, kinakailangang maging maingat sa mga isinulat, sa mga ipinepresentang kaalaman, at pinanggalingan ng mga ito.

LINANGIN

Balik-aralan ang kahulugan at kabuluhan ng pananaliksik (mula sa kabanata 1, aralin 2). Batay sa mga ibinigay na kabuluhan sa pananaliksik, itanong kung alin sa mga ito ang tinutugunan ng binasa. Inaasahang isasagot ang maglarawan ng isang penomenon at magpaliwanag ng sanhi o dahilan ng pangyayari. Ipakita na sa babasahin, kumuha ng mga ideya mula sa iba ang awtor upang patatagin ang

Maghanda ng isang Manila paper na nakasulat ang mga sumusunod: Maglarawan ng isang penomenon: Ano? Saan? Sino? Magpaliwanag ng sanhi o dahilan ng mga pangyayari: Bakit? Paano? Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan sila ng ilang minuto upang pag-usapan ang sagot. Maaaring papiliin sila ng

Pagparesin ang mga mag-aaral. Sabihing makipagpalitan sila ng kanilang tala sa isa’t isa. Ipasuri nila sa kapares ang kanilang ginawa at irebisa ito ayon sa komento. Saka ito ipasumite.

Page 106: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

98

kaniyang mga isinulat. Ipaliwanag sa puntong ito na gumamit ng parenthetical citation ang awtor upang markahan ang mga bahagi ng sanaysay na mula sa iba. Sabihin na ang isang alternatibo rito ay ang paggamit ng footnote at ipakita ang pagkakaiba ng dalawa sa formatting. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng mga sumusunod na pagkuha ng tala: a. Direktang sipi – tuwirang pagkopya ng mismong nakasulat at nakapaloob sa mga panaklong ang kinopya (“…”). Ginagamit ito kung mahalagang mapanatili ang orihinal na salita at ideya ng awtor. b. Presi – kinukuha lang ang susing ideya mula sa orihinal. Hindi pinapalitan ang bokabularyo ng orihinal. Karaniwang 1/3 o ¼ lang ng orihinal ang presi. c. Lagom o buod – mas maikling bersyon ng orihinal. Pinapanatili sa buod ang tono at diksyon ng orihinal. d. Parapreys – isinusulat sa sariling salita ang orihinal. Kadalasang kasing-haba o mas mahaba pa sa orihinal ang isang parapreys. Kung nasa ibang wika ang orihinal, halimbawa

isang kinatawan na magbabahagi ng kanilang sagot o lahat sa pangkat ay magbabahagi. Mamahagi ng tig-walong 5 x 8 index card sa mga mag-aaral. Maaari ring gumamit ng bond paper o yellow paper na hinati sa gitna. Gamitin ang babasahing “Ang Varayti ng Wika” mula sa pinakaunang aralin, magpagawa ng tig-dalawang halimbawa ng pagkuha ng tala. Palagyan ng pamagat ang bawat tala. Maaaring isang salita o parirala ang pamagat.

Page 107: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

99

nasa Ingles, isinasalin muna ito bago ibuod o i-presi. Nagdidirektang sipi lang kung mawawala ang esensiya ng ideya kung ito ay isasalin. Ipahanap sa mga estudyante ang mga direktang sipi na nasa artikulo. Itanong kung bakit sa tingin nila, hindi ito isinalin.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Ipaliwanag sa mga estudyante na sa mga akademikong sulatin gaya ng pananaliksik, mahalaga ang pagtukoy sa mga sangguniang ginamit upang mas maging kapani-paniwala ang mga isinulat. Isa ring mahalagang dahilan ng pagtukoy ng sanggunian ay upang maiwasan ang plagiarism. Ang plagiarism ay isang criminal offense sa ilalim ng batas ng Pilipinas. Isa itong uri ng pandaraya at pagnanakaw lalo na sa akademya. Pandaraya ito dahil ipinapaniwala ng isang awtor na kaniya ang mga nakasulat na ideya kahit hindi naman. Pagnanakaw naman ito dahil ninakaw ng nag-plagiarize ang ideya ng ibang tao. Sunod na itanong kung ano ang kadalasang tinitingnan o kailangang isaalang-alang kapag kumukuha ng ideya mula sa iba. Inaasahang

Gamit ang mga pagbabalitang nasa Kabanata 3, hatiin ang mga artikulo sa mga estudyante. Bigyan ng 3-5 artikulo ang mga estudyante upang i-pormat nila sa estilo ng MLA. Narito ang modelong halimbawa: Suarez, Amberto D. “Pilipinas Nagpasikat sa Olympics.” Lakas Pilipinas [Lungsod Quezon] 11 Abr. 2016, 6th ed.: 16. Maghanda ng iba pang anyo ng babasahin gaya ng:

Libro

Artikulo sa isang dyornal

Artikulo sa website

Artikulo sa isang magasin

Balita sa broadcast na in-upload sa Youtube

Gawin itong takdang-aralin. Maaaring ipagamit sa kanila ang www.citationmachine.net para dito.

Page 108: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

100

matutukoy ang mga ito: a. awtor b. pamagat ng libro c. kailan inilimbag d. saan inilimbag e. sino ang nagpalimbag Sa ibang anyo ng sanggunian, isinasama rin ang: f. edisyon/bilang ng isyu g. (mga) pahina h. URL (kung online) Sabihin na may iba’t ibang sistema kung paano inililista ang mga detalye ng isang sanggunian na kadalasang pinagkakasunduan ng isang grupo ng mga propesyonal gaya ng Chicago Manual of Style, Modern Language Association (MLA), at American Psychological Association (APA). Sabihin na para sa mga nasa pagsulat ng sulating pananaliksik sa Humanidades, mas ginagamit ang MLA. Ipaalam na dahil sa teknolohiya, may mga gumawa na ng software at applications upang gawing awtomatiko ang pagpo-format ng pagsulat ng sanggunian. Isa na rito ang makikita sa www.citationmachine.net Ipaalala uli ang kahalagahan ng pag-iwas sa plagiarism. Banggitin na dahil rin sa teknolohiya, may mga software program na nilikha upang alamin

Page 109: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

101

kung ang isang sulatin ay plagiarized. Ang isang halimbawa nito ay ang turnitin na ginagamit ng ilang mga kolehiyo para sa mga sulating pang-akademiko. Dahil nasa akademya, ang mga estudyanteng napatunayang nag-plagiarize ay maaaring tanggalan ng digri. May ganito nang kaso halimbawa sa UP Diliman na binawi ang digri ng isang estudyante nang malamang plagiarized pala ang kaniyang tesis.

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Papiliin ang mga estudyante ng isang modernong isports na gagawan ng maikling pananaliksik. Mas mainam kung ang kanilang sasaliksikin ay yaong isports na dati na nilang pinili (huwag munang ipasaliksik ang mga katutubong laro). Sabihin na sasaliksikin nila ang kasaysayan ng larong ito.

Papuntahin sa aklatan ang mga estudyante para manaliksik. Pagbabatayan ang mga tanong na ginamit sa Gawain 1. Ipahanap sa kanila ang mga sanggunian na makakasagot sa mga tanong na ito, i.e. ano, saan, sino, bakit paano. Ipatala sa kanila ang mga impormasyong magagamit. Maaaring gumamit ng sanggunian na nasa Ingles pero dapat isalin ito. Ibilin na huwag kalilimutang isulat ang mga sanggunian na nasa pormat ng MLA. Halimbawa ng inaasahang awtput: Paksa: Basketbol Ano? Inimbento ang larong basketbol noong 1891

Manghingi ng mga boluntaryo na mag-uulat ng kanilang nasaliksik. Magtawag ng ibang estudyante kung pare-parehong isports ang naiulat. Tapusin ang aralin sa pamamagitan ng pagpapabasa ng artikulo ni Lasco tungkol sa “Kalis” na siyang tatalakayin sa susunod na linggo. Banggitin na tinatalakay dito ang pinagmulan ng isang katutubong pampalakasan.

Page 110: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

102

bilang alternatibong laro sa futbol na maaaring laruin sa loob ng gym habang tag-lamig. - Naismith, James. Basketball: Its Origin and Development. Lincoln, Ne: Bison Books, 1996. Sino? Saan? Bakit? Paano? Banggitin ang mga batayan sa pagmamarka: 1. Kumpletong nasagot ang mga tanong. 2. Maayos ang pagkuha ng tala (isang beses lang maaaring gumamit ng direktang sipi). 3. Maayos ang pagsulat ng mga sanggunian (hindi dapat bababa sa 3ng sanggunian ang ginamit).

Page 111: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

103

ARALIN 11: Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating Panahon

Linggo 11

Deskripsiyon: Pag-aaralan ang pinagmulan ng isang katutubong pakikipaglaban. Gagawa ang estudyante ng sarili nilang pananaliksik sa iba pang katutubong laro.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Talakayin sa klase ang babasahin. Palitawin sa talakayan ang mga sumusunod: a. Mayroong katutubong sining ng pakikipaglaban ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila. b. ‘Kalis’ ang katawagan dito at makikita ang kahawig nitong mga salita sa iba pang wika sa Pilipinas. c. Nangangahulugang laganap ito sa kapuluan dahil sa pagkakahawig ng mga salita para dito, kasama rin ang mga salitang nasa mga karatig-bansa na Indonesia at Malaysia. d. Tumutukoy ang salitang ‘kalis’ sa parehong kagamitan at sa mismong pakikipaglaban. e. Sinasaklaw ng salitang ‘kalis’ ang mga katawagang ‘arnis’ at ‘eskrima’ na bagama’t mas kilala sa ngayon ay

Page 112: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

104

mga dayuhang salita pala na inilapat sa ‘kalis.’ Iugnay ang nalaman tungkol sa kalis sa naging kasaysayan ng Olympics at ng mga palaro nito. Bigyang-diin na gaya ng mga naunang palaro, ang kalis ay nagsimula bilang isa ring paraan ng pakikipaglaban at pagtatanggol ng sarili. Sa ngayon, kasama ito sa tinatawag na Filipino Martial Arts at may mga organisasyon para dito. Sa katunayan, ang modernong arnis ang pambansang laro at martial arts ng Pilipinas batay sa Republic Act no. 9850 ng 2009.

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Balik-aralan ang mga hakbang sa pangangatwiran:

a. pagpili ng paksa

b. paglalahad ng proposisyon o paninindigan- nasa anyo ito ng isang buong pangungusap na maaaring patunayan o pasubalian sa pamamagitan ng argumento.

c. paglalahad ng mga

argumento na susuporta sa proposisyon -

Pangkatin ang mga mag-aaral at ipakumpara sa kanila ang artikulo ni Lasco at bahagi ng libro ni Dayrit ayon sa sumusunod: Inaasahang halos pareho lang ang pagkukumpara sa wika at tono (pormal at akademiko). Sa layunin,

Page 113: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

105

karaniwang nakaayos ang mga argumento ayon sa dalawang paraan ng pangangatwiran: deduktibo o pasaklaw at induktibo o pabuod.

Nagsisimula ang pangangatwirang deduktibo sa isang premise o saligan. Mula rito, bubuo ng mga pahayag na namamalagay na totoo ang saligan. Halimbawa: Lahat ng lalaking walang asawa ay binata. Walang asawa si Ben. Kung gayon, binata si Ben. Sa pangagatwirang induktibo, bumubuo ng mga konklusyon batay sa datos na mayroon. Inaasahang ang mga nabuong konklusyon na ito ay nagpapaliwanag sa nakuhang datos. Halimbawa: Sinipon ang bata nang mamitas ng rosas. Sinipon uli ang bata nang makaamoy ng rosas na nasa plorera sa bahay. Sinipon uli ang bata nang bigyan siya ng rosas ng ate niya. Kung gayon, may allergy ang bata sa rosas.

parehong nagpapaliwanag ang dalawa, pero naglalahad si Dayrit ng mga kaalaman samantalang nangangatwiranan si Lasco hinggil sa malawakang paggamit ng salitang ‘kalis’ sa kapuluan. Nakabalangkas ang sulatin ayon sa mga impormasyon kay Dayrit samantalang mga patunay ng kaniyang argumento ang kay Lasco.

Page 114: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

106

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Balik-aralan at talakayin naman ang kaibahan ng pangangatwiran ni Lasco sa mga sulating opinyon at analisis na nasa kabanata 4. Bigyang-diin ang paggamit ng mas matitibay na ebidensiya ni Lasco para sa kaniyang mga argumento. Ipaliwanag na dahil akademikong sulatin ang artikulo, kinakailangang magbigay ng mga sanggunian upang paigtingin ang argumento ng awtor at hindi lamang nakabatay sa kaniyang opinyon.

Pabalikin ang mga estudyante sa naging pangkat nila sa gawain 1. Ipalista sa kanila ang mga argumento at/o ebidensyang ginamit ni Lasco. Ipaayos ito sa kanila mula sa tingin nila ay pinaka-nakakakumbinsi hanggang sa hindi gaano.

Ipabahagi sa klase ang ginawang pagsasaayos ng pangkat.

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Bigyan ng ilang pantulong na gabay o mga puntong maaaring pagnilayan ang mga pangkat tungkol sa mga nabunot na proposisyon: 1. sipa – nilalaro ito ng higit sa isang tao, di gaya ng kalis kung kaya’t natuturuan ng teamwork ang mga manlalaro. 2. sungka – gaya ng chess, kailangang pag-isipan ng manlalaro ang una niyang magiging tira dahil mahalaga ito para sa pagpapanalo. 3. siyato/shatong – patpat ang ginagamit sa laro at naaayon sa mas maiikling hakbang ng

Magpapalabunutan sa klase. Ang magkakatulad ng binunot na numero ang magiging magkakagrupo. Gagawa ang grupo ng sulating pananaliksik upang mapatunayan (o mapasubalian) ang sumusunod na proposisyon batay sa isang katutubong laro. Maaaring palitan ang halimbawang proposisyon na ibinigay. Kung masyadong malaki ang klase, maaaring magdagdag ng isa pang paksa:

1. sipa Hal: Mas akma na sipa

Ipasulat at ipabuo ang sulating pananaliksik sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon o ebidensiya. Ipaalala ang kahalagahan ng pagtukoy sa at paglilista ng mga sanggunian. Ipatalakay muna sa pangkat ang nabuong papel bago ipasumite. Gamiting batayang pangmarka ang nasa Apendiks.

Page 115: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

107

mga bata. 4. kalis – gaya ng sinaunang mga laro, napapaunlad ng mga mag-aaral ang pisikal nilang kalagayan kasabay ng akademikong kaunlaran.

ang pambansang laro ng Pilipinas.

2. sungka Hal: Maaaring gamitin ang sungka sa pagtuturo ng pagbibilang at estratehiya sa mga bata.

3. siyato/shatong Hal: Para lang sa bata ang larong ito dahil sa limitasyon ng kasangkapang ginagamit para dito.

4. kalis Hal: Mainam na ituro ang kalis bilang bahagi ng kurikulum sa eskwelahan. Bigyan ng oras na pag-usapan ng pangkat ang kanilang paksa at magiging mga argumento o patunay na sumusuporta sa kanilang proposisyon. Pagsaliksikin ang mga mag-aaral sa aklatan o pag-interbyuhin ng mga tao para sa kanilang magiging sulatin. Ipaalala ang kahalagahan ng pagkilala sa mga pinagkunan ng impormasyon.

Page 116: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

108

ARALIN 12: Paraan ng Paglalaro Linggo 12

Deskripsyon: Sa araling ito matatalakay ang paglalahad ng mga proseso at pag-iisa-isa ng mga hakbangin sa paglalaro ng isang isport at pagsulat nito sa isang lathalain.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Gawain 1: Magpanood ng isang video na nagtuturo sa isang baguhang manlalaro kung paano laruin ang isang isports. Halimbawa:

Ang video na ito ay nagpapakita ng pamamaraan kung paano nilalaro ang sipa. Mapapanood din sa video ang ilang mga detalye tungkol sa sipa gaya ng kasaysayan nito.

Pagkatapos manood ay bubuo ng mga pangkat ang mga mag-aaral. Maaaring magkaroon ng apat hanggang limang miyembro sa bawat grupo. Pansinin ang paraan ng paglalahad sa mga pamamaraan ng paglalaro ng sipa. Ilalagay ang kanilang mga obserbasyon sa isang buong papel. Maaaring magbigay ng

Gawain 2: Babasahin ng klase ang artikulong “Sipa: Isang sulyap sa kulturang Pilipino.” Tanungin ng guro kung ano ang napapansin nila sa pagkakasulat ng artikulo. Susuriin ng klase kung:

maayos bang naipaliwanag at nabigyang-tuon ang paksa?

nakapaglahad ba ng lohikal na paraan sa paglalaro ang artikulo?

madali bang maunawaan at sundan ang mga prosesong inilahad?

naengganyo ka bang maglaro matapos basahin ang akda?

Isulat ang mga komento at pagsusuri sa isang buong papel na kokolektahin ng guro pagkatapos.

Maaaring magbahagi ng sagot ang mga mag-aaral at iproseso ito ng guro ayon sa mga kahingian ng isang sulating naglalahad.

Page 117: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

109

gabay na tanong ang guro. Halimbawa ay sasagutin nila ang tanong na: 1. Paano maglaro ng

sipa? Isa-isahin ang mga hakbanging naalala sa panonood.

2. Anong anyo ng pagsulat ang ginamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan ng paglalaro ng sipa?

3. Organisado ba ang mga direksiyon kung paano laruin ang sipa?

4. Naging epektibo ba

ito o hindi? Bakit? Ipaliwanag ang sagot.

Sasabihin ng guro na sa ganitong paraan isinusulat ang lathalain na nagtatampok sa instruksiyon ng paglalaro ng isang isports.

Matatanto ng mga mag-aaral na mas makulay ang pagsulat ng lathalain kaysa sa balita o opinyon. Gumagamit ito malikhaing pagpapahayag na gumagamit ng paglalarawan ng mga kilos at paglalahad sa pag-iisa-isa ng mga hakbangin. Talakayin ang proseso ng paglalaro ng isang isports. Bukod sa

Page 118: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

110

inilalahad dito ang proseso ng paglalaro, mahalaga ring inilalarawan ang mga ito upang higit itong maunawaan ng mambabasa.

Tandaan na ang layunin ng sulating ito ay maipaunawa sa mambabasa kung paano maglaro ng isang isports kaya mahalagang malinaw at madaling sundan ang mga hakbanging ito. Sa pagsulat ng isang procedural na feature, tandaan ang sumusunod na hakbangin:

1. Magsimula sa

paksang pangungusap.

2. Susundan ang paksang pangungusap ng mga proseso o hakbangin kung paano maglaro ng isang isports. Dahil hakbangin ito mahalaga ang pagkakasunod-sunod ng mga proseso.

3. Lagumin ang mga hakbangin at paksang pangungusap bilang pagwawakas.

4. Hindi rin lamang basta-basta iniisa-isa ang mga proseso. Kung minsan, kailangan din itong ipaliwanag. Hindi man layunin nito na

Page 119: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

111

masundan ng mga mambabasa, nilalaman nito ang mga rasyonal kung bakit isinasagawa ang mga hakbangin.

5. Kung nais naman na magbigay ng pamamaraan o instruksiyon sa paglalaro ng isports, maaaring gumamit ng mga commands o utos upang sabihin sa mambabasa kung ano ang mga susunod na gagawin.

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Balik-aralan ang mga tinalakay tungkol sa mga hakbangin sa pagsulat ng isang lathalaing may tuon sa proseso ng paglalaro ng isports.

Malayang talakayan: Tanungin sa mga mag-aaral kung ano pang mga estratehiya ang maaaring gawin upang maging malikhain at kaiga-igaya ang pagbasa ng artikulong tungkol sa paraan ng paglalaro.

Mga posibleng dagdag na estratehiya:

mag-isip ng peg

magsipi ng pahayag mula sa manlalaro

maglahad ng kasaysayan

buksan ang artikulo sa isang tanong

maging deskriptibo maging natural sa paglalarawan at paglalahad

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pamantayan sa Mga Kasanayang

Page 120: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

112

Pangnilalaman Pagganap Pampagkatuto

Tiyaking nakikilala ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng iba’t ibang lathalain. Bigyang-kahulugan ang lathalaing ito bilang isang uri ng lathalain na maaaring pumaksa sa pagbibigay ng mga proseso at hakbangin kung paano maglaro ng isang isports. Tanungin ang mga mag-aaral kung mayroong mga paglilinaw sa paksain. Kung wala na ay magtungo na susunod na gawain.

Gawain 3: Pangkatang gawin mula tatlo hanggang apat na miyembro. Kunin muli ang artikulong “Sipa: Isang sulyap sa kulturang Pilipino.” Irebisa ito ayon sa naging pagtalakay sa pagsulat ng isang lathalaing proseso. Isaalang-alang ang sumusunod na bahagi:

1. Nakaeengganyong

pamagat 2. Paksang

pangungusap sa talata

3. Pagkakasunod-sunod ng proseso ng paglalaro

4. Lagom 5. Wikang madaling

maunawaan ng mga mambabasa

Maaring gamitin ang detalye mula sa napanood na video tungkol sa sipa kung hindi sasapat ang mga inilahad sa artikulo. Pagkatapos ay babasahin ng isang miyembro ng grupo ang kanilang gawa. Maaaring magbigay ng komento ang mga kaklase at guro. Sa huli, maaaring pumili ang klase ng pinakamahusay na rebisyon ng artikulo.

Page 121: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

113

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sabihin na magkakaroon ng pangkatang gawain. Pupunta ang mga mag-aaral sa silid-aklatan upang magsaliksik ng hakbangin sa paglalaro ng iba’t ibang isports. Maaaring magtalaga ang guro ng isang isports sa bawat isang grupo upang matiyak na hindi magkakapare-pareho ang mga grupo. Maaari din namang magbunutan ang mga mag-aaral. Ipaalala sa mga mag-aaral na karamihan sa mga teksto na kanilang magagamit ay nasa Ingles kaya kailangan nila itong isalin sa Filipino. Maaaring talakayin ng guro ang tuntunin sa paghihiram ng mga salita ng Komisyon sa Wikang Filipino

Susulat ng isang lathalaing proseso ang mga mag-aaral. Maaring pagpilian ng klase ang sumusunod: Archery Badminton Baseball Basketball Billiards and snooker Bowling (tenpin) Boxing Canoe/Kayak Cycling Equestrian Fencing Football Golf Gymnastics Handball Hockey Judo Karate Polo Rowing Rugby union/Rugby Sailing Sepak takraw Shooting Softball Soft tennis Squash Table tennis Taekwondo Tennis Triathlon Volleyball Weightlifting Wushu Arnis Bodybuilding Chess Dancesport

Matapos ang pagsulat ay magpapalitan ang mga miyembro ng mga grupo upang basahin at bigyan ng komento ang gawa ng kaklase batay sa naging talakayan.

Talakayin ang pamantayan sa pagmamarka.

Page 122: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

114

Water skiing Bridge Wall climbing

Ang mga inisa-isa ay mga isports na nilalaro sa Sea Games. Tinanggal na rito ang mga larong hindi popular sa Pilipinas. Maaari din itong bawasan ng guro kung sa tingin niya ay mahihirapang kumuha ng sanggunian ang mga mag-aaral.

Page 123: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

115

ARALIN 13: Karanasang Pang-Isports (Mula sa Salaysay nina Tuvilla at Huelgas)

Linggo 13 Deskripsiyon: Titiyakin at sasanayin dito ang mga mag-aaral sa mga elemento ng isang komposisyong nagsasalaysay.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Matapos basahin ang dalawang salaysay, itanong: “Ano ang pagkakapareho nina Tuvilla at Huelgas sa isa’t isa?” Isunod ang tanong na “Ano ang pagkakaiba nila?” Talakayin ang mga sagot. Inaasahang mababanggit na parehong pisikal na aktibo ang dalawa pero atleta si Huelgas samantalang hilig ni Tuvilla ang pagmomotor. Ipaliwanag ang kaibahan nitong dalawang sulatin sa mga naunang binasa. Palitawin ang mga sumusunod: a. batay ang sulatin sa personal na karanasan; b. dahil sariling karanasan, walang sangguniang ginamit; c. naiiba sa pagbabalita dahil galing ang balita sa obserbasyon ng isang pangyayari at hindi sariling karanasan; d. walang nais pangatwiranan o ipahikayat sa

Page 124: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

116

mambabasa ang isinulat bagama’t may natutunan ang dalawang awtor sa kanilang naging karanasan; e. hindi kasing pormal ng sulating pananaliksik ang wika ng sanaysay ngunit mas mahaba at maingat ang paggamit ng wika kaysa sa pagbabalita.

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Balik-aralan ang mga elemento ng pagsasalaysay na tinalakay sa Kabanata 1, Aralin 3:

a. paksa b. banghay o

pagkakasunod-sunod ng pangyayari

c. tauhan d. tagpuan

Matapos ang pag-uulat, itanong: 1. Maliban kay Tuvilla (o Huelgas) na pangunahing tauhan ng kanilang salaysay, bakit isinama (o hindi isinama) ang iba pang tauhan sa listahan? 2. Sa mga inilistang pangyayari, alin sa mga iyon ang masasabing pinakamahalagang pangyayari? Bakit nasabi ito? Hayaang sagutin ito ng mga mag-aaral.

Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Maghanda ng dalawang Manila paper at mga bond paper. Ibigay sa isang grupo ang kwento ni Tuvilla at sa isa naman ay ang kay Huelgas. Ito ang nakalagay sa parehong Manila paper: Ipasulat sa mga estudyante ang impormasyong kinakailangan sa ibinigay na bond paper. Matapos nila itong pag-usapan, ipadikit ito sa Manila paper.

Papiliin sila ng isang kinatawan na mag-uulat ng kanilang ginawa.

Page 125: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

117

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pagsasalaysay sa iba pang anyo ng sulatin. Bigyang-diin ang mga sumusunod: a. Pinakatampok

ang pagkakaroon ng hayagang pag-uumpisa at katapusan sa isang pagsasalaysay.

b. Ang mga elemento

ng pagsasalaysay ay nag-aambag para sa pagpapatuloy ng kwento.

c. Maliban sa

pangunahing tauhan, ang iba pang mga tauhan sa salaysay ay tumutulong sa pag-usad ng kwento. Halimbawa, sila ang naka-impuwensiya sa pangunahing tauhan na gawin ang isang bagay o hindi.

May tatlong tradisyonal na bahagi ang salaysay: ang simula, ang gitna, at ang wakas. Nasa simula ang pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at umpisa ng mga pangyayari. Nasa gitna ang climax o kasukdulan ng salaysay. Ito ang kadalasang sinasabing pinakatampok na pangyayari sa kwento. Nasa wakas naman ang pagresolba sa kung

Balikan uli ang ginawang pagsasanay. Ipatiyak ngayon ang mga detalyeng inilista sa naunang talahanayan. Sa parte ng banghay, ipatiyak sa mga estudyante kung alin ang simula, gitna, at wakas ng pagsasalaysay at bakit nasabi ito. Ganito na ngayon ang magiging anyo ng talahanayan: Bigyan ng panahon ang mga pangkat na iayos ang kanilang unang ginawa, kung kinakailangan.

Papiliin uli sila ng kinatawan na mag-uulat ng kanilang ginawa. Ibang estudyante sa unang gawain dapat ang mag-uulat.

Page 126: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

118

anuman ang naging problema o tunggalian.

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Magpasulat ng isang pagsasalaysay sa mga estudyante tungkol sa kanilang karanasang may kinalaman sa paglalaro o pagsasanay. Bigyan sila ng mga sumusunod na gabay na tanong:

1. Ano ang isang karanasan sa isports na hindi mo malimutan o naging mahalaga para sa iyo?

2. Bakit hindi ito malilimutan o naging mahalaga?

3. Kailan at saan ito

nangyari? Ano ang natutunan o nakaambag sa pag-unlad mo bilang manlalaro bunga ng karanasang ito?

Hikayatin ang mga mag-aaral na magtanong sa kanilang kaklase sa mga bahagi ng pagsasalaysay na pumukaw sa kanilang interes.

Bago isumite ang mga isinulat, magpabasa sa ilang estudyante ng kanilang ginawa sa klase. Matapos nilang basahin ito, itanong kung bakit ito ang napili nilang isalaysay. Magbigay ng mga pagwawasto sa konstruksiyon ng pangungusap, kung mayroon. Pagkatapos magpabasa sa ilang estudyante, muling banggitin ang mga napuna sa mga sinulat at magbigay ng mga siuhestiyon. Iparebisa ito sa mga estudyante bago ito ipasumite.

Page 127: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

119

ARALIN 14: Pangangalaga sa Kalusugan Linggo 14

Deskripsiyon: Ang araling ito ay magbibigay-tuon sa mga nilalaman at kahingian sa pagsulat ng isang lathalaing ang pokus ay pangangalaga sa kalusugan.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Gawain 1: Sumulat ng isang repleksiyong papel Sagutin ang tanong: “Ano ang magandang naidudulot ng isports sa inyong kalusugan?” Magbabahagi ng kanilang mga isinulat ang mga mag-aaral. Sasabihin ng guro: “Isa sa mga gampanin ng pagsulat ng sulating isports na hindi lamang magbigay ng mga balita tungkol sa kaganapan sa mundo ng isports kung hindi ang magpabatid sa mambabasa ng mga kaalamang makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang pangangatawan at kalusugan.”

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Ipakukuha ng guro ang mga halimbawang teksto ng isang lathalaing may tuon sa pangangalaga sa kalusugan. Gawain 2: Pangkatang gawain. Ipaanalisa sa kanila ang mga artikulong ipinabasa bilang takdang-aralin.

Maaring gumamit ng ganitong format sa pagsusuri ang mga mag-aaral: 1. “Napansin ko...” 2. “Natuklasan ko...” 3. “Naunawaan ko...” Sa isang buong papel, ililista ng mga pangkat

Page 128: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

120

Itanong sa klase: “Ano ang nakikita ninyong katangian ng isang lathalaing may ganitong paksain mula sa mga halimbawang akda?” 1. Ilan sa mga artikulo

ay nagbibigay depinisyon ng ehersisyo Zumba halimbawa. Tandaan na sa pagbibigay ng depinisyon, mahalagang mabanggit ang uri o kategorya na kinabibilangan nito. Maaaring ilahad din ang mga katangian nito na wala sa iba pang konseptong nasa ilalim ng parehong kategorya.

2. Maaari din itong pumaksa sa sanhi at bunga. Nililinaw sa pamamaraang ito ang mga sanhi o dahilan at mga bunga o resulta ng isang pangyayari. Ginagamit din sa mga lathalaing pangkalusugan ang problema at solusyon.

Nag-iisa-isa rin ito ng pamamaraan at mga suhestiyon kung paano mapagbubuti ang kalusugan ng isang tao. Maaaring sa tulong ng ehersisyo o pagkain na tamang pagkain.

ang kanilang mga napansin sa estruktura ng pagbubuo ng mga ganitong uri ng lathalain.

Matapos mailahad ang kanilang napansin ay tutuklasin nila ang dahilan kung bakit ganoon ang estilo o format at bibigyan nila ito ng paliwanag.

Matapos ipaliwanag ay sasabihin nila kung ano ang epekto nito sa akda, sa mambabasa, at sa paksaing tinatalakay sa bahagi ng “Naunawaan ko”. Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga bahagi kung saan nagbigay ng depinisyon ang lathalain 1. Sa artikulo halimbawa,

binigyang-depinisyon ang Zumba bilang “isang latin inspired dance fitness class na karaniwang tumatagal sa pagitan ng 60-70 minuto.”

2. Tinalakay rin sa isang artikulo tungkol sa immune system ang sanhi ng paghina ng immune system na nagbubunga ng pagkakasakit.

Page 129: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

121

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Pansining kaiba sa hitsura ng ibang lathalaing pang-isports kompara sa balitang pang-isports at opinyon at analisis. Tampok sa mga lathalain ang paglalagay ng mga graphics, larawan. Tanungin ang klase kung bakit sa tingin nila, mahalaga ito sa isang lathalain. Maaring sagutin sa malayang talakayan kung paano makakagawa ng isang epektibong layout na magtutulak sa mambabasa upang magbasa at maaliw sa artikulo.

Gawain 3: Pangkatang gawain. Balikan muli ang babasahin at pag-aralan kung paano inilagay ang mga ilustrasyon sa lathalain. Pansinin ang mga sumusunod: 1. posisyon ng mga

larawan 2. laki ng espasyong

inilalaan sa isang lathalain

3. bilang ng mga ilustrasyon

4. uri ng ilustrasyong ginagamit

5. iba pang biswal na elementong mapapansin

Ilagay ang sagot sa papel at maghanda para sa pagbabahagi ng sagot sa klase at malayang talakayan.

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Gawain 3: Sumulat ng isang lathalaing pumapaksa sa pangangalaga sa katawan ng tao sa pamamagitan ng isports. Sa isang short bond paper, gumawa ng sariling layout para sa ginawang sanaysay. Magpapalitan ang mga grupo upang komentuhan ang gawa ng ibang grupo.

Page 130: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

122

Maaaring gamitin ang checklist na ito sa pagwawasto ng lathalain:

Pamantayan sa Pagmamarka para sa Sulatin ng Pangangatuwiran at Pagsasalaysay

Napaka-husay

Natugu

nan ang

lahat ng mga

kahingian

Mahusay

Natugunan ang

halos lahat ng

mga kahingi

an

Katam-taman

May ilang mga

punto na

hindi tinugunan o hindi sapat

sa hinihingi

Mahina

Halos

walang natugunan o kulang

na kulang

sa mga

kahingian

Puntos na

nakuha

Nilalaman: kompleto ang impormasyon epektibo ang paggamit ng mga nakalap na datos/mga impormasyong ibinigay malinaw ang pagpapahayag o pagpapaliwanag

40 30 20 10

Paggamit ng wika: buo ang mga pangungusap angkop ang mga ginamit na salita naayon ang tono ng pagsusulat sa layunin

25 20 15 10

Organisasyon: maayos at lohikal ang daloy ng mga ideya may tiyak na pagkakasunod-sunod ang mga bahagi

25 20 15 10

Kalinisan ng gawa: wasto ang baybay ng mga salita gumamit ng tamang pagbabantas

10 8 5 3

Kabuuan

Page 131: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

123

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA SA ARALIN 13 (Paraan sa Paglalaro)

5 3 2

Pamagat Gumamit ng nakaeengganyo at

malikhaing pamagat

Gumamit ng akmang pamagat

Hindi malinaw ang kaugnayan ng pamagat sa nilalaman ng sulatin

Paksang pangungusap

Nailalahad nang malinaw ang paksang pangungusap sa umpisa ng lathalain at mga talata

Gumamit paksang pangungusap sa ilang bahagi ng

lathalain

Hindi gumamit ng paksang pangungusap sa pagtatalata

Pagkakasunod-sunod ng proseso

Malinaw at organisado ang mga inisa-isang mga hakbangin sa paglalaro ng isport

Lohikal ang pagsasaayos ng mga hakbangin at proseso ng paglalaro ng isport

Hindi malinaw ang pagsasaayos ng mga hakbangin at proseso

Lagom Nakapagbibigay ng lagom at pagwawakas na nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa

Naisara ang lathalain sa pamamagitan ng paglalagom

Hindi nilagom ang lathalain.

Wika Mahusay na nagamit ang wika. Madaling maunawaan ng mambabasa habang napananatili ang akademikong tono nito.

Gumamit ng akmang wika sa paglalahad ng mga proseso.

Kinakitaan ng mga gramatikal na mali sa pagsulat.

Page 132: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

124

Pangwakas na Pagsusulit sa Kabanata 5

I. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa kahon. (10 puntos)

A. Banghay H. Suliranin

B. Tauhan I. Punto de vista

C. Resolution o kakalasan J. Tuktok

D. Simula K. Paksa

E. Kuwento L. Wakas

F. Gitna M. Simbolo

G. Tema N. Climax o kasukdulan

1. Pangunahing elemento ng pagsasalaysay

2. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa salaysay

3. Pinakamataas na bahagi ng salaysay

4. Bahagi kung saan nareresolba ang suliranin

5. Nagsisiganap sa isang salaysay o kwento

6. Nagpapaikot sa kwento

7. Ideyang nais ibahagi ng manunulat sa mga target na mambabasa

8. Bahagi kung saan ipinapakilala ang tauhan, tagpuan at umpisa ng

pangyayari

9. Bahagi kung saan ipinakikita ang pinakamataas na emosyon ng salaysay

10. Bahagi kung saan nasosolusyunan ang problema

Page 133: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

125

Punan ng mga hinihinging kasanayan ang mga seleksiyon sa ibaba. (30 puntos)

Marami. Lumaki ako sa komiks. Mas nauna akong magbasa ng komiks kaysa ng abakada. Noong bata kasi ako kabarkada ng erpat ko sina Domeng Landicho, Jun Cruz Reyes, sila Mang Efren, kasi tabloid writer erpat ko. Nakilala ko yung mga kakilala niya sa pamamagitan ng mga aklat nila, binabasa ko Agos sa Disyerto, Kamao, Ani at iba pa. sa tingin ko ang lahat ng ito kasama kasama ang komiks, sine, lugar namin ay pinaghahanguan ko ng materyales kasama yung mga kwento sa tabloid na larger than life.” Panayam kay Eros Atalia

PRESI 10 puntos

“Mahal na ang de lata, Mahal pa ang abrelata. Minamahal kong sinta, Nagmahal ka na rin ba?”

HAWIG O PARAPHARASE

5 puntos

“Good readers use their prior knowledge and information from what they read to make predictions, seek answers to questions, draw conclusions, and create interpretations that deepen their understanding of the text.”

-Mula sa “The Seven Keys to Comprehension How to Help Your Kids Read It and Get It!” ni Susan Zimmermann

PAGSASALIN 5 puntos

AKIT ni Rommel Rodriguez Tulad ng nakasanayang gawi ng mga mananampalataya sa mga nililok na mukha ng mga diyos na may matatangos na ilong, tuwing umaga’y binibisita nila ang mga ito upang mag-alay ng bulaklak at pagkain. Laking pagtataka nila na sa kanilang pagbisita’y nagbabago ng anyo ang mukha ng rebulto. Isa itong himala, ang sabi ng pinuno ng parokya. Mabilis na kumalat ang balita at nagsidagsaan ang mga katutubong binyagan para mag-alay ng dasal, humiling na gumaling sa mga bagong anyo ng sakit na hindi na napapagaling ng mga mahiwagang dahon at bulaklak. Nagpatuloy ang sunod-sunod na dasal at pag-aalay sa milagrosong santo na nag-iiba ang hugis ng ilong at mukha. Tuwing gabi, kapag walang tao sa kapilya, dinadalaw ni Severino Marzan ang nililok niyang pigura. Hindi siya makuntento sa kanyang debuho kung kaya’t tinatapyasan niya ito sa pagnanais na maging perpekto ang mukha at ilong ng sinasambang rebulto.

BUOD O SYNOPSIS 10 puntos

Page 134: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

126

SUSI SA PAGWAWASTO Pagsusulit sa Kabanata 5

Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa kahon. (10 puntos)

A. Banghay H. Suliranin

B. Tauhan I. Punto de vista

C. Resolution o kakalasan J. Tuktok

D. Simula K. Paksa

E. Kwento L. Wakas

F. Gitna M. Simbolo

G. Tema N. Climax o kasukdulan

1. Pangunahing elemento ng pagsasalaysay K (PAKSA) 2. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa salaysay A (BANGHAY) 3. Pinakamataas na bahagi ng salaysay N (CLIMAX O KASUKDULAN) 4. Bahagi kung saan nareresolba ang suliranin C (RESOLUTION O

KAKALASAN) 5. Nagsisiganap sa isang salaysay o kuwento B (TAUHAN) 6. Nagpapaikot sa kuwento H (SULIRANIN) 7. Ideyang nais ibahagi ng manunulat sa mga target na mambabasa G (TEMA) 8. Bahagi kung saan ipinapakilala ang tauhan, tagpuan, at umpisa ng

pangyayari D (SIMULA) 9. Bahagi kung saan ipinakikita ang pinakamataas na emosyon ng salaysay F

(GITNA) 10. Bahagi kung saan nasosolusyunan ang problema L (WAKAS)

Page 135: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

127

KABANATA 6: Iba Pang Natatanging Lathalain

May mga artikulong pang-isports na maaaring sabihing natatangi dahil hindi ito kasali sa karaniwang pagbabalita o pagtatampok. Kadalasang batay ito sa interes ng manunulat at maaaring nagmula ang inspirasyon ng ipinapaksa sa isang pangyayari o manlalaro. Dahil dito, nasa manunulat ang laya ng pagpili ng kaniyang paksa at kaparaanan sa paghahatid nito sa mambabasa. Ito ang inilalarawan ng sumusunod na halimbawang artikulo sa kabanatang ito. Panimulang Pagsusulit sa Kabanata 6 I. PAG-IISA-ISA: Isa-isahin ang mga detalyeng hinihingi sa bilang. (20 puntos)

1-3. Mga katangian ng isang lathalaing profile 4-7. Elemento ng paglalarawan 8-12. Mga detalyeng maaaring lamanin ng isang profile 13-16. Mga dapat gawin ng mananaliksik bago ang pakikipanayam 17-20. Mga dapat gawin ng mananaliksik sa mismong araw ng panayam

II. Sumulat ng isang lathalaing profile gamit ang mga detalye sa ibaba. Maaaring

magdagdag ng detalye na wala sa listahan kung kailangan. (25 puntos) Mga impormasyon tungkol kay Paeng Nepomuceno

Ipinanganak noong Enero 30, 1957

Tanging manlalaro na pinarangalan ng limang presidente Pilipinas

Kinikilala bilang greatest international bowler of all time.

Kaliwete

Unang coach at mentor ang ama

Hawak ang World record ng may pinakamaraming napanalunan sa anim na kontinente at tatlo sa mga rekord na ito ay hindi pa nadaig

GABAY SA PAGMAMARKA NG LATHALAING PROFILE

5 3 2

Pamagat Gumamit ng nakaeengganyo at malikhaing pamagat.

Gumamit ng akmang pamagat.

Hindi malinaw ang kaugnayan ng pamagat sa nilalaman ng sulatin.

Paksang pangungusap

Nailalahad nang malinaw ang paksang pangungusap sa umpisa ng lathalain at mga talata.

Gumamit paksang pangungusap sa ilang bahagi ng lathalain.

Hindi gumamit ng paksang pangungusap sa pagtatalata.

Page 136: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

128

Paglalarawan Nagkapagbibigay ng mahusay na paglalarawan na interesante sa mambabasa.

Naibibigay ang mga pangunahing detalye tungkol sa paksa.

May kakulangan sa mga paglalarawan sa katangian ng paksa.

Lagom Nakapagbibigay ng lagom at pagwawakas na nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa.

Naisara ang lathalain sa pamamagitan ng paglalagom.

Hindi nilagom ang lathalain.

Wika Mahusay na nagagamit ang wika sa paraang madaling maunawaan ng mambabasa habang napananatili ang akademikong tono nito.

Gumamit ng akmang wika sa paglalahad ng mga proseso.

Kinakitaan ng mga gramatikal na mali sa pagsulat.

Page 137: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

129

SUSI SA PAGWAWASTO Pagsusulit sa Kabanata 6

I. PAG-IISA-ISA: Isa-isahin ang mga detalyeng hinihingi sa bilang. (20 puntos)

1-3. Mga katangian ng isang lathalaing profile

nagtatampok ng isang persnalidad at kanyang katangian at buhay kaugnay ng paksa,

nagkukwento at naglalarawan

nakapag-bibigay inspirasyon sa mambabasa) 4-7. Elemento ng paglalarawan

angkop na wika

organisadong detalye

kakintalan at impresyon

pananaw ng taong naglalarawan 8-12. Mga detalyeng maaaring lamanin ng isang profile

itsura

mga habit

taong naging inspirasyon ng paksa

mga pagsubok na dumating sa buhay ng paksa

pananaw ukol sa paksa 13-16. Mga dapat gawin ng mananaliksik bago ang pakikipanayam

Tiyaking makakuha ng pahintulot at iskedyul sa taong kakapanayamin, magbigay ng pormal na sulat na naglalaman ng pakay

para saan ang panayam

petsa at oras at mga katanungan sa panayam

banggitin ang lokasyon ng panayam

rebyuhin ang mga tanong

magsaliksik tungkol sa personalidad na kakapanayamin at sa isport o larangan na kanyang kinabibilangan

17-20. Mga dapat gawin ng mananaliksik sa mismong araw ng panayam

magpakilala

sabihin kung ano ang paksa at para saan ang panayam.

tingnan nang diretso sa mata ang kinakapanayam

makinig at tumugon kung kailangan

gumamit ng wikang hindi pormal ngunit hindi rin impormal at kumportable sa kinakapanayam

irekord ang inyong panayam nang sa gayon ay maaari itong balikan muli para sa mga paglilinaw

magpasalamat pagkatapos ng panayam

Page 138: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

130

ARALIN 15: Lathalaing Profile Linggo 15

Deskripsiyon: Isang uri ng lathalain itong nagtatampok sa natatanging personalidad at kanyang makulay at kahanga-hangang buhay sa loob at labas ng mundo ng isports.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Gawain 1: Bilang isang journal entry, tanungin ang klase ng sumusunod na na tanong:

1. Sino ang

personalidad na iniidolo mo?

2. Bakit mo siya iniidolo?

3. Sa paanong paraan ka niya naiimpluwensyahan?

4. Ano ang inyong mga pagkakapareho?

Ilagay ang sagot sa kalahating papel. Magtawag ng ilang mag-aaral na nais magbahagi ng kanilang isinulat. Matapos ang pagbabahagi ay sasabihin ng guro na malaking ambag isang larangan ang mga personalidad na naging bahagi nito.

Dumarami ang mga nahihilig sa isports dahil sa paghanga sa kanilang iniidolo. Sinusundan nila ang kanilang buhay, kung minsan nga maging ang brand ng sapatos na isinusuot ng idolo ay

Gawain 2: Punan ng detalye ang worksheet na ibibigay ng guro tungkol sa hitsura, katangian, at mga natamong karangalan ng kanilang iniidolo.

Maaaring magbahagi ng gawa ang mga mag-aaral.

Page 139: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

131

tinatangkilik din. Kung kaya, mahalaga ang mga lathalaing nagtatampok ng mga personalidad kaugnay ng kanilang buhay bilang manlalaro sa loob at labas ng mundo ng isports upang magbigay- inspirasyon sa mga tagasunod o tagasuporta ng isang personalidad.

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Ipakuha ang tekstong babasahin para sa kabanata 6. Gawain 2. Bumuo ng pangkat na may apat hanggang limang miyembro. Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Sino ang itinatampok

sa artikulo? 2. Ano ang kaniyang

mga katangian? 3. Anong pangyayari

ang tinatalakay? Anong pananaw o

repleksiyon ng may-akda? Bakit niya ito

nasabi?

Sabihin ng guro: “Ang lathalain ay nagtatampok ng profile ng isang manlalaro o iba pang personalidad na may kaugnayan sa isports. Ngunit hindi ito talambuhay.

Magsagawa ng malayang talakayan upang iproseso ang mga nagawang pagbasa ng mga mag-aaral. Gawain 3: Pumili ng kapareha at magtanungan ng mga impormasyon tungkol sa isa’t isa. Ilista ang mga impormasyong maaaring isama sa

artikulo kung gagawa ng isang lathalaing profile. Tandaang salain ang mga impormasyon at isama lamang ito kung:

1. makabuluhan 2. makabubuo ng sentral

na ideya 3. makaeengganyo ng

mambabasa 4. makapagpapalutang

ng makulay na lathalain

Hindi pa kailangang isulat bilang lathalain. Layunin lamang ng gawaing ito na matutong

Page 140: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

132

Hindi rin ito kasaysayan. Ang tala ng petsa ay hindi mahalaga kundi ang kwento sa likod ng personalidad. Maaring lamanin ng profile ang: 1. Hitsura 2. Mga gawi, libangan,

mga kinahihiligan 3. Taong naging

inspirasyon ng paksa

4. Mga pagsubok na dumating sa buhay ng paksa

5. Iba pang interesanteng detalye na nais malaman ng mambabasa

Kailangang magkuwento at maglarawan sa lathalaing ito, kaya't maipapakita rito ng isang manunulat ang kanyang pagkamalikhain. Sa paggawa ng profile, kailangang suriing mabuti ang taong inilalarawan hindi lamang sa panlabas kung hindi sa panloob na katangian nito. Dito pumapasok ang papel ng pananaliksik sa paggawa ng isang mahusay na profile. Hindi kailangan ng mabigat na pagtukoy sa damdamin o emosyon. Sapat nang maipaalam ang mga katangian,

pumili ng mga detalye at impormasyon na maaaring gamitin sa pagsulat ng lathalaing profile.

Gawain 4: Ipanood ang episode ng Sports U tungkol sa isang triathlete na natupad ang pangarap. Gawan ng character sketch ang paksang personalidad sa video.

Iproseso sa klase ang naging mensahe at

ipinakitang karakter ng triathlete. Tiyaking nakuha

ng mga mag-aaral ang mga sentral na katangian ng isang lathalaing profile

na maglaman ng interesante at madalas ay

kahanga-hangang kuwento tungkol sa karanasan at tagumpay ng paksa ng

akda.

Page 141: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

133

kakanyahan, kalikasan, at maging kapintasan ng taong inilalarawan. Mga elemento ng paglalarawan: 1. angkop na wika 2. organisadong

detalye 3. kakintalan o

impresyon pananaw ng taong

naglalarawan

Balik-aralan ang mga elemento ng

paglalarawan at tiyaking malinaw ito sa mag-aaral

bago magtungo sa susunod na gawain.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Tanungin sa klase kung paano makalilikha ng isang mahusay na lathalaing tungkol sa isang personalidad? Maaaring balikan ang video na pinanood. Anong pamamaraang ginawa upang mapalitaw ang mahusay na kuwento?

Ipaunawa sa mag-aaral na may mga instrumento upang makapagbigay ng isang makabuluhang profile. Maaring gawin ang: 1. saliksik sa

pangyayaring nagpatingkad sa buhay ng karakter sa

Gawain 5: Bumuo ng listahan ng mga posibleng katanungan sa isang manlalarong kakapanayamin. Pumili ng kapareha at makipagpalitan, upang makomentuhan ang mga tanong. Maaaring gamitin ang checklist na ito sa pagsusuri sa mga tanong: 1. Nakaayos ba sa lohikal

na pagkakasunod-sunod ang mga tanong?

2. Gumagamit ba ng mga tanong na oo o hindi lamang ang sagot?

3. Simple ba at madaling maintindihan?

Page 142: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

134

profile 2. panayam sa

mismong paksa kung saan maaaring kumuha ng sipi mula sa kaniyang mga pahayag upang maging direkta ang impormasyon at mensahe mula sa paksa tungo sa mambabasa

3. Maaari ding kapanayamin ang mga naging malapit sa paksa o sinomang may mahigpit na kaugnayan dito

Dito makikita ang kahalagahan ng kaalaman at kasanayan sa pakikipanayam. Pamamaraan sa pakikipanayam Bago ang panayam: 1. Tiyaking makakuha

ng pahintulot at iskedyul sa taong kakapanayamin.

2. Maiging magbigay ng pormal na sulat na naglalaman ng pakay, para saan ang panayam, petsa at oras, at katanungan sa panayam.

3. Banggitin din ang lokasyon ng panayam – kung maari, piliing lokasyon ang lugar na may kinalaman sa paksa upang maging handa sa pagkuha ng larawan para sa artikulo.

4. May sensitibong tanong ba na kailangang palitan?

Direkta ba o maligoy ang mga tanong?

Page 143: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

135

4. Rebyuhin ang mga tanong. Tiyaking hindi paulit-ulit at konektado ang mga ito sa paksa ng panayam.

5. Magsaliksik tungkol sa personalidad na kakapanayamin at sa isports o larangan na kaniyang kinabibilangan.

Sa mismong araw ng panayam: 1. Magpakilala, sabihin

kung ano ang paksa, at para saan ang panayam.

2. Tingnan nang diretso sa mata ang kinakapanayam.

3. Gumamit ng wikang hindi pormal ngunit hindi rin impormal at komportable sa kinakapanayam

4. Irekord ang inyong panayam nang sa gayon ay maaari itong balikan muli para sa mga paglilinaw

Magpasalamat pagkatapos ng panayam.

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Matapos maisa-isa ang mahahalagang tagubilin sa pakikipanayam ay ipaliwanag ang pangunahing gawain para sa kabanata. Talakayin ang

Gawain 6: Pangkatang gawain. Bumuo ng pangkat na may 3 hanggang 4 na miyembro. Pumili ng isang kaklase, kaibigan, o maaaring kakilala na manlalaro o varsity sa paaralan ng

Gawain 7: Indibidwal na gawain. Sumulat ng isang lathalaing profile na paksa ang kinapanayam na varsity sa inyong paaralan. Ipaliwanag ang gabay sa pagmamarka sa

Page 144: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

136

pangunahing gawain. Balikan ang mga naging proseso ng pagsulat ng isang lathalaing profile. 1. Malinaw dapat ang

motibo sa pagpili ng personalidad na gagawan ng profile. Maaaring sagutin ang mga tanong na: Sino ang gagawan ng profile? Bakit siya ang napili? Ano ang kahalagahan sa isports na tatalakayin?

2. Matapos ang pag-iisip ng motibo ay maaari nang sumulat ng character sketch o pagmamapa ng mga katangian batay sa pisikal, sikolohikal, at iba pang aspekto ng pagkatao ng paksang personalidad. Babalikan sa bahaging ito ang nagawang panayam upang pagkunan ng datos.

3. Isulat ang lathalain gamit ang balangkas o character sketch na nagawa.

Maaaring maglagay ng mga personal na pananaw, mga natutunan, at iba pang kaalamang nakapagbibigay- inspirasyon sa mga babasa.

kahit na anong isports. Mag-iskedyul ng isang panayam sa kaniya at magsagawa ng isang panayam gamit ang mga tanong na binuo sa gawain 5. Irekord gamit ang kamera ang panayam upang maipakita ito sa klase at matiyak na sumunod sa mga pamantayan sa pagsasagawa ng panayam ang mag-aaral.

ibaba. Ibigay ang panghuling pagsusulit.

Page 145: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

137

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA SA LATHALAING PROFILE 5 3 2

Pamagat

Gumamit ng nakaeengganyo at

malikhaing pamagat.

Gumamit ng akmang pamagat.

Hindi malinaw ang kaugnayan ng pamagat sa nilalaman ng

sulatin.

Paksang pangungusap

Nailalahad nang malinaw ang

paksang pangungusap sa

umpisa ng lathalain at mga talata.

Gumamit paksang pangungusap sa ilang bahagi ng

lathalain.

Hindi gumamit ng paksang

pangungusap sa pagtatalata.

Paglalarawan

Nagkapagbibigay ng mahusay na paglalarawan na interesante sa mambabasa.

Naibibigay ang mga pangunahing detalye tungkol sa

paksa.

May kakulangan sa mga

paglalarawan sa katangian ng

paksa.

Lagom

Nakapagbibigay ng lagom at

pagwawakas na nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa.

Naisara ang lathalain sa

pamamagitan ng paglalagom.

Hindi nilagom ang lathalain.

Wika

Mahusay na nagagamit ang

wika sa paraang madaling

maunawaan ng mambabasa

habang napananatili ang

akademikong tono nito.

Gumamit ng akmang wika sa

paglalahad ng mga proseso.

Kinakitaan ng mga gramatikal

na mali sa pagsulat.

Page 146: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

138

Pagsusulit sa Kabanata 6 I. PAG-IISA-ISA: Isa-isahin ang mga detalyeng hinihingi sa bilang. (20 puntos)

1-3. Mga katangian ng isang lathalaing profile 4-7. Elemento ng paglalarawan 8-12. Mga detalyeng maaaring lamanin ng isang profile 13-16. Mga dapat gawin ng mananaliksik bago ang pakikipanayam 17-20. Mga dapat gawin ng mananaliksik sa mismong araw ng panayam

II. Sumulat ng isang lathalaing profile gamit ang mga detalye sa ibaba.

Maaaring magdagdag ng detalye na wala sa listahan kung kailangan. (25 puntos)

Mga impormasyon tungkol kay Paeng Nepomuceno

Ipinanganak noong Enero 30, 1957

Tanging manlalaro na pinarangalan ng limang presidente Pilipinas

Kinikilala bilang greatest international bowler of all time.

Kaliwete

Unang coach at mentor ang ama

Hawak ang World record ng may pinakamaraming napanalunan sa anim na kontinente at tatlo sa mga rekord na ito ay hindi pa nadaig

GABAY SA PAGMAMARKA NG LATHALAING PROFILE

5 3 2

Pamagat Gumamit ng nakaeengganyo at malikhaing pamagat.

Gumamit ng akmang pamagat.

Hindi malinaw ang kaugnayan ng pamagat sa nilalaman ng sulatin.

Paksang pangungusap

Nailalahad nang malinaw ang paksang pangungusap sa umpisa ng lathalain at mga talata.

Gumamit paksang pangungusap sa ilang bahagi ng lathalain.

Hindi gumamit ng paksang pangungusap sa pagtatalata.

Paglalarawan Nagkapagbibigay ng mahusay na paglalarawan na interesante sa mambabasa.

Naibibigay ang mga pangunahing detalye tungkol sa paksa.

May kakulangan sa mga paglalarawan sa katangian ng paksa.

Lagom Nakapagbibigay ng lagom at pagwawakas na nag-iiwan ng

Naisara ang lathalain sa pamamagitan ng paglalagom.

Hindi nilagom ang lathalain.

Page 147: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

139

kakintalan sa mambabasa.

Wika Mahusay na nagagamit ang wika sa paraang madaling maunawaan ng mambabasa habang napananatili ang akademikong tono nito.

Gumamit ng akmang wika sa paglalahad ng mga proseso.

Kinakitaan ng mga gramatikal na mali sa pagsulat.

Page 148: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

140

SUSI SA PAGWAWASTO Pagsusulit sa Kabanata 6:

I. PAG-IISA-ISA: Isa-isahin ang mga detalyeng hinihingi sa bilang. (20

puntos)

1-4. Mga katangian ng isang lathalaing profile

nagtatampok ng isang persnalidad at kanyang katangian at buhay kaugnay ng paksa,

nagkukwento at naglalarawan

nakapag-bibigay inspirasyon sa mambabasa) 4-8. Elemento ng paglalarawan

angkop na wika

organisadong detalye

kakintalan at impresyon

pananaw ng taong naglalarawan 8-13. Mga detalyeng maaaring lamanin ng isang profile

itsura

mga habit

taong naging inspirasyon ng paksa

mga pagsubok na dumating sa buhay ng paksa

pananaw ukol sa paksa 13-17. Mga dapat gawin ng mananaliksik bago ang pakikipanayam

Tiyaking makakuha ng pahintulot at iskedyul sa taong kakapanayamin, magbigay ng pormal na sulat na naglalaman ng pakay

para saan ang panayam

petsa at oras at mga katanungan sa panayam

banggitin ang lokasyon ng panayam

rebyuhin ang mga tanong

magsaliksik tungkol sa personalidad na kakapanayamin at sa isport o larangan na kanyang kinabibilangan

17-21. Mga dapat gawin ng mananaliksik sa mismong araw ng panayam

magpakilala

sabihin kung ano ang paksa at para saan ang panayam.

tingnan nang diretso sa mata ang kinakapanayam

makinig at tumugon kung kailangan

gumamit ng wikang hindi pormal ngunit hindi rin impormal at kumportable sa kinakapanayam

irekord ang inyong panayam nang sa gayon ay maaari itong balikan muli para sa mga paglilinaw

magpasalamat pagkatapos ng panayam

Page 149: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

141

KABANATA 7: Pangwakas na Gawain (Pahayagang Pang-isports)

Sa yugtong ito inaasahang natutunan ng mga mag-aaral ang mga estratehiya

at kaalaman kaugnay ng mga pagsulat ng sulating isports. Pagsasamahin ang mga ito upang makabuo ng isang pahayagang pang-isports.

Aralin 16: Brainstorming at Pagtatalaga ng Gawain Linggo 16

Deskripsiyon: Sa araling ito itatalaga ng mga grupo ang kanilang mga tungkulin sa gawain o proyekto at paplanuhin ang mga hakbangin sa pagbuo ng isang pahayagan isports.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sabihin ng guro na ang pangunahing tunguhin ng kurso ay ang makalikha ng isang pahayagang pang-isports. Sasabihin ng guro ang gawain at responsibilidad ng bawat isa na magbahaginan ng mga ideya sa isa’t isa tungo sa layuning makalikha ng isang magandang pahayagang pang-isports. Pag-uusapan at itatala ng mag-aaral sa worksheet ang mga sumusunod:

badyet

papel ng bawat isa

timeline o iskedyul ng mga pagkikita

deadline

Bumuo ng pangkat na may limang miyembro. Ipaalala sa mag-aaral na ang pagpapangkat na ito ang gagamitin na sa buong gawain.. Hindi na maaaring magpalit o lumipat ng grupo. Talakayin ang mga usapin sa:

badyet

papel ng bawat isa

timeline o iskedyul ng mga pagkikita

deadline

Pag-usapan halimbawa ang pagtatantya sa magagastos ng bawat miyembro, sino at kailan magtutuos ng mga gastusin, work ethics ng bawat isa, at mga deadline at iskedyul na kailangan isaalang-alang.

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Page 150: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

142

Sa pagkakataong ito ay pagsasama-samahin ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutunan sa kurso upang ilapat ito sa gawain. Sasabihin ng guro na ito ay pangkatang gawain at bubuo ng grupong may limang miyembro at bawat isa ay may gawain para sa grupo. (2) Manunulat/Copy Editor (1) Photographer (1) Layout artist (1) Editor-in-Chief o Pangunahing Patnugot Pagkatapos mailatag ang pangunahing gawain ay pagpapangkatin ng guro ang mga mag-aaral. Aatasan ang mga ito na pumunta sa mga kagrupo at ayusin ang mga mesa nang pabilog. Kailangang magkakaharap na makapag-usap para sa pagpaplano. Ipamimigay ng guro ang talaan ng mga gawain kung saan nakalagay ang miyembro ang nakatalaga para sa gawain.

Magsisimulang mag-usap ang mga mag-aaral tungkol sa timeline ng trabaho gaya ng pagpili ng mga artikulo mula sa mga ginawang artikulo sa klase at dagdag na mga artikulo para sa pahayagan. Ang kabuuang bilang ng mga artikulo ay:

5 balitang isports 5 feature (isa sa bawat uri)

5 opinyon

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Maraming proseso ang dinadaanan mula pagsulat hanggang

Page 151: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

143

paglalathala ng pahayagan. Ano sa mga ito ang nagbibigay sa mag-aaral ng pinakamalaking alalahanin?

Maaaring pag-usapan ito sa klase upang matugunan ang mga ito sa tulong ng gabay ng guro.

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Matapos tayahin ang mga gawain para sa pahayagan ay isusulat ng mga mag-aaral ang pagtatalaga nila ng gawain at tungkulin.

Page 152: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

144

Aralin 17: Editing ng mga Artikulo Linggo 17

Deskripsiyon: Lalamanin ng araling ito ang mga hakbangin sa pagrerebisa ng mga akdang magiging bahagi ng pahayagan.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Ibibigay ng guro ang rubric ng pangunahing gawain. Ipapaliwanag ng guro ang bawat lebel at kahingian para sa mga ito. Maaaring magtanong ang mga mag-aaral hinggil sa mga paglilinaw tungkol sa pamantayan sa pagmamarka ng pangunahing gawain Kung wala nang tanong ang mga mag-aaral ay maaari na muli silang pumunta sa mga grupo upang gawin ang ikalawang hakbang ng gawain.

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Dala ang mga artikulong ginawa ng mga mag-aaral sa unang 16 na linggo, pag-uusapan nila kung paano rerebisahin at pagagandahin ang mga artikulo. Gawing gabay ang sumusunod na hakbangin sa pagrerebisa sa nilalaman: 1. Basahing mabuti ang

Page 153: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

145

inihandang borador at sikaping makita ang mga kakulangan sa sinulat.

2. Baguhin ang mga bahaging hindi nakapagpapadulas sa daloy ng teksto.

3. Tiyaking naihanay nang mahusay ang mahahalagang deskripsiyon upang lumutang ang kagandahan ng piyesa.

4. Linawin ang mga nakalilitong deskripsiyon o detalye

5. Kung kinakailangan ay muling magsagawa ng obserbasyon upang makakuha ng iba pang karandagang impormasyon.

Tiyaking naipaliwanag nang husto ang paksa.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Mahalaga ang nilalaman ng mga artikulo upang maging makabuluhan at kaiga-igaya sa mambabasa ang pahayagan. Mahalaga ring wasto ang nilalaman at sumusunod sa tamang format ng pagsulat ng artikulo.

Babasahin muli ng mga miyembro ang mga napiling artikulo at susuriin muli kung anong mga pagbabago ang gagawin dito. Maaaring gamiting checklist ang sumusunod na tanong na maaaring sagutin ng oo o hindi. 1. Mayroon bang simula,

gitna, at wakas ang mga artikulong nagawa?

2. Malinaw ba sa unang bahagi ng artikulo at mga talata ang paksang

Page 154: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

146

pangungusap? 3. Nasusuportahan ba ng

mga detalye mula sa artikulo ang mga paksang pangungusap?

4. Magkaka-ugnay ba ang mga ideya ng bawat talata?

Nalalagom ba ang mga ideya?

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Tutukuyin ng grupo, sa tulong ng mapipiling Editor-in-Chief, ang mga bahagi sa bawat artikulo na kailangang irebisa. Pagtutuunan ng pansin ang bahagi ng

wika

tono ng akda

mga kamaliang gramatikal at typograpikal

pokus ng akda estilo ng pagkakasulat

Page 155: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

147

Aralin 18: Graphics/Layout Linggo 18

Deskripsiyon: Paksain sa aralin na ito ang paglikha ng isang wasto at epektibong graphics at layout.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Magpapakita ang guro ng mga sample na layout ng mga pahayagang pang-isports. Maaaring picture o totoong pahayagan. Titingnan ng mga mag-aaral ang bawat bahagi ng mga pahayagan at mga estilo sa pagdidisenyo ng mga pahina:

a. sa uri ng font b. laki ng font sa mga

bahagi ng artikulo c. puwesto ng mga

larawan pagkakasunod-sunod ng artikulo sa bawat bahagi ng pahayagan at iba pa

Susuriin nila ang mga bahaging ito upang pag-usapan sa grupo.

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Bibigyan ng hudyat ng guro ang mga mag-aaral upang pumunta sa mga grupo. Pag-iisipan ng grupo kung paano ang magiging layout ng pahayagan. Maaaring sumunod sa mga halimbawang ipinakita ng guro o lumikha ng sarili nilang estilo.

Page 156: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

148

Maaring magbigay ng suhestiyon ang ibang miyembro.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Gawaing biswal din ang pahayagan. Hindi lamang letra ang binabasa rito kundi pati mga imahen. Nagsasalita at nagkukuwento rin dito ang mga larawan. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na larawan at mahusay na layout.

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sa isang bond paper, gagawa ng layout ang grupo sa pamumuno ng layout master. Ipepresenta sa klase ang nagawang format ng layout na gagamitin sa pahayagan. Maaaring magkomento ang mga kaklase upang mapaghusay pa ang layout.

Page 157: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

149

Aralin 19: Pinal na Editing at Pag-apruba ng Grupo Linggo 19

Deskripsiyon: Sa araling ito gagawin ang huling hakbangin sa pagwawasto/pag-eedit sa pahayagang isports.

TUKLASIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sa bahaging ito inaasahang nai-draft na ng mga mag-aaral ang kabuuang pahayagan. Mahalagang iwasto ang mga makikitang mali sa pahayagan para sa pinal na presentasyon nito. Sundan ang mga pamamaraan sa pagrerebisa sa estilo at tono ng sulatin. Tiyaking: 1. ang pangungusap ay

magkakaugnay at nasa tamang estruktura.

2. angkop ang mga ginamit na salita at pariralang transisyonal.

3. malinaw ang mga salitang ginamit. Tingnan din kung ito'y tumutugon sa kahingian ng layunin sa akda at target na mambabasa.

4. konsistent ang paggamit ng punto de bista.

5. kung may mga bahaging nauulit o pauit-ulit ang pagtalakay

6. hindi pabago-bago ang mga inilapat na pagtalakay.

Page 158: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

150

Ipaaalala ng guro ang araw ng pagsusumite ng printed na pahayagan. Uupo muli sa mga grupo ang mga miyembro

LINANGIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Titingnan muli ng mga miyembro, sa pamumuno ng editor-in-chief, ang kabubuang pahayagan at titingnan ang mga dapat pang isaayos batay sa mga naging talakayan sa klase. Mula sa mga magiging pag-uusap, sasagutin ng mga miyembro kung ano pa ang maaring gawin o baguhin upang maging mas maganda ang kalalabasan ng pahayagan.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Susulat ng replektibong sanaysay ang bawat miyembro tungkol sa naging pag-unlad nila sa pagsulat at sa paggamit nito sa kanilang piniling track na isports.

ILAPAT

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Ibibigay ng guro ang worksheet ng ebalwasyon ng grupo sa gawain. Kailangan itong gawin upang maebalweyt ng isa’t isa ang kanilang mga ambag sa gawain.

Page 159: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

151

Sasagutan ng mga mag-aaral ang ebalwasyon na nagtatasa sa kanilang ambag at kakayahan sa itinalagang gawain sa kanila. Sa yugtong ito, inaasahang makita ng mga mag-aaral ang kanilang mga naging kontribusyon sa pahayagan at kung ano ang mga dapat pang linangin sa sulatin at sa sarili bilang manunulat.

Page 160: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

152

Ebalwasyon ng mga Miyembro para sa Gawaing Pahayagang Pang-isports

Pangalan ___________________ Isulat ang pangalan ng mga miyembro ng grupo sa mga kolum. Bigyan ng bilang ang bawat miyembro ayon sa naging kontribusyon nila sa gawain. 5 - ginawa nang mahusay 3 - ginawa nang sapat 1 - hindi ginawa

Mga Gawain Miyembro 1

Miyembro 2

Miyembro 3

Miyembro 4

Miyembro 5

Palaging pumupunta sa mga pulong.

Nakapag-aambag ng mga ideya sa grupo.

Nakapagpapasa ng mga gawain sa oras.

Mahusay na nagagampanan ang tungkulin sa grupo.

Nagbibigay ng positibong impact sa samahan ng grupo.

Nakapag-ambag nang malaki sa proyekto.

Kabuuang puntos

Page 161: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

153

Gabay sa Pagmamarka ng Pahayagang Pang-Isports

10 8 6 4

NILALAMAN

(Kahalagahan ng paksa, pagiging

impormatib)

Mahusay at epektibong nailalahad ang mga impormasyon.

Epektibong nailalahad ang mga impormasyon.

Maayos na nailalahad ang mga impormasyon.

May kakulangan sa mga impormasyon.

ORGANISASYON (pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap

at talata at dokumentasyon)

Nakapagbigay ng mahusay na panimula, katawan at wakas.

Malinaw at makinis ang daloy ng mga ideya.

Nakapagbibigay ng akmang panimula, katawan at wakas.

Nagbibigay ng lohikal na daloy ng mga ideya.

May pagtatangkang makapagbigay ng akmang panimula, katawan at wakas.

May pagtatangkang magbigay ng daloy sa mga ideya.

Hindi nagpapakita ng pagkakaayos ng mga bahagi.

Hindi naisaayos ang mga ideya.

ISTILO

(paggamit ng wika)

Gumagamit ng mahusay na wika sa balitang isports.

Mahusay ang paggamit ng akmang salita.

Gumagamit ng epektibong wika sa balitang isports.

Epektibo ang pagggamit ng mga salita.

Gumagamit ng akmang wika sa balitang isports.

Gumagamit ng mga akmagn salita.

Limitado ang gamit ng mga salita.

EDITING

(bantas, ispeling, grammar)

Lubhang kaunti hanggang walang mali sa bantas, ispeling at grammar.

Kakikitaan ng kaunting mali sa bantas, ispeling at grammar.

May mali sa bantas, ispeling at grammar.

Kakikitaan ng maraming mali sa bantas, ispeling at gramar.

PRESENTASYON NG PAPEL

Mahusay ang paggamit

Epektibong nagagamit ang mga

Nakadaragdag ng interes ang

Walang malinaw na ugnayan

Page 162: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

154

(mga larawan at layout ng papel)

ng mga larawan.

Mahusay at epektibo ang layout ng pahayagan.

larawan.

Maayos at epektibo ang layout ng pahayagan.

mga larawan.

ang larawan at artikulo.

Page 163: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

155

MGA SANGGUNIAN:

I. Naka-print na materyal at online journal Badayos, Paquito, et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Malabon City:

Mutya Publishing House, 2010. Balay, Marichelle. “Sipa: Isang Sulyap sa Kulturang Pilipino.” The Varsitarian 30

Agosto 2002. Constantino, Pamela. “Lengguwaheng Pinoy sa Bilyar.” Salindaw: Varayti at

Baryasyon ng Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas, 2012. 203-205.

Cruz, Ceciliano-Jose. Sanayang aklat sa pagsulat ng balita at balitang pang-isports.

Manila: Rex Book Store, 1995. Cuartero, Nestor. “Pambahay na Lunas sa Ubo at Sipon.” Liwayway 11 Enero 2016:

11. Dayrit, Celso. The Olympic movement in the Philippines. Manila: the Philippine

Olympic Movement, 2003. Dizon, Romeo. “Fore! Isang Pagtalakay sa Wika ng Golf.” Salindaw: Varayti at

Baryasyon ng Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas, 2012. 200-202.

Duran, Annie. “Tips sa Epektibong Pag-eehersisyo at Pagwo-workout.” Celebrity

Food and Health Digest. 2014: 50-51. Evasco, Eugene, et al. “Kahulugan at Kabuluhan ng Pananaliksik.” Saliksik: Gabay

sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan at Sining. Quezon City: C&E Publishing, 2011.

Huelgas, Nikko. Salin ng “My World Cup Debut.” Sports Digest Dis. 2015 – Ene.

2016: 56-57. Jocson, Magdalena, Patrocino Villafuerte at Cid Alcaraz. Filipino 2 Pagbasa at

Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Lorimar Publishing Co., 2005. Lasco, Lorenz. “Kalis: Ang Pilipinong Sining ng Pakikipaglaban Noong Dating

Panahon”. Dalumat Ejournal 2.2 (2011): 1-17. Mangahis, Josefina, et al. “Makrong Kasanayan sa Pagsulat.” Komunikasyon sa

Akademikong Filipino. Quezon City: C&E Publishing, 2005. Mariano, Jocelyn. “Ang Varayti ng Filipino sa mga Balitang Isports sa Diyaryo.”

Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, Sistemang Unibersidad ng Pilipinas, 2005. 118-125.

Page 164: Filipino sa Piling Larang Isports · pananaliksik at pagsulat na siyang mga batayang kasanayan sa paglikha ng isang pahayagang pang-isports. Sa pamamagitan ng mga babasahin mula kina

156

Ocampo, Nilo. “Mga Varayti ng Wika”. Salindaw: Varayti at Baryasyon ng Filipino.

Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas, 2012. 18-38. Ramos, Ara. “Total Body Workout, i-Zumba mo.” Celebrity Food and Health Digest.

2014: 46-49. Tuvilla, Francis Gerard. Salin ng “Suzuki Gixxer: The Pleasure of Riding

Rediscovered.” Motorcyle World Philippines. 2015: 28-31. Valdesancho, Weng. “Para sa Isang Malakas na Katawan.” Celebrity Food and

Health Digest. 2014: 64-65.

II. Online archives ng mga balita: Sports|Balita - Tagalog Newspaper Tabloid. Web.

<http://balita.net.ph/category/sports/>. PSN Palaro Ngayon|philstar.com. Web. <http://www.philstar.com/pilipino-star-

ngayon/psn-palaro/archive>. Meraña, Beth Repiza. Author Archive|philstar.com. Web.

<http://www.philstar.com/author/Maribeth%20Repizo-Mera%C3%B1a/AMBETHABOL>.

Trinidad, Chino. Dalawa Singko|SPIN.PH. Web. <http://www.spin.ph/dalawa-

singko/archives>. Zaldivar, AC. Author Archive|philstar.com. Web.

<http://www.philstar.com/author/AC%20Zaldivar/FREE%20THROWS>. Cordero, Abac. Author Archive|philstar.com. Web.

<http://www.philstar.com/author/Abac%20Cordero/PRESS%20ROW>.