Laro Ng Lahi 2011

Embed Size (px)

DESCRIPTION

laro ng lahi

Citation preview

CULLIOTKasaysayanAng larong culliot ay nahahawig sa popular na larong tug-of-war. Ito ay nilalaro mula pa noong unang panahon sa Pilipinas. Sinasabing ito ay sinimulang laruin ng mga estibador sa mga daungan(pier) kapag oras ng pamamahinga o katuwaan. Ang kanilang ginagamit na lubid ay ang panali ng barko. Napanood ito ng maraming tao at sinimulang laruin ng mga kabataan sa buong kapuluan. Bagamat hindi lubos na popular, ito ay itinuturing na larong pampaligsahan.Kagamitan Lubid na labinlimang metro ang haba at 3.81 sentimetro ang diyametro.

PalaruanAng culliot ay nilalaro sa isang patag na lugar kung saan iginuguhit ang sumusunod na krokis: 2.5cmHangganang guhit para saManlalaro AHangganang guhit para sa manlalaro B 2.5cmGitnang guhitPagsasagawaAng culliot ay isang larong pampaligsahan na nangangailangan ng lakas ng katawan dahil sa paghihilahang nagaganap. Ito ay maaring laruin ng dalawang manlalaro o pangkat ng manlalaro. Sa paghihilahan, layunin ng mga manlalaro na mahatak ang kalaban hanggang sa hangganang guhit. Ito ang magpapatunay kung alin sa dalawang manlalaro o pangkat ang higit na malakas.

Mga Alituntunin ng LaroAng culliot ay nilalaro nang sinusunod ang ilang alituntunin. Kabilang sa mga ito ang sumusunod:1. Ang larong pampangkat ay isinasagawa ng dalawang pangkat na may magkatulad na bilang ng manlalaro.2. Ang dalawang manlalaro o pangkat ay may layong limang metro sa isat isa.3. Mayroong isang guhit sa gitna ng limang metrong hangganan at ang mga manlalaro ay nasa magkabilang panig ng guhit. Sa pangkatang laro, ang magkabilang dulo ng lubid ay nakatali sa baywang ng unang manlalaro o kapitan ng pangkat samantalang ang gitna ng lubid ay mayroong pananda.4. Sa hudyat, ang dalawang manlalaro o pangkat ay magsisimulang maghilahan. Kapag ang pananda sa gitna ng lubid ay lumampas sa hangganang guhit, ang manlalaro o pangkat na nakahila ang itatanghal na panalo.

KARERA NG ALUPIHAN

Tulad ng mga laro ng lahi na tinalakay, ang karera ng alupihan ay ginagawang libangan ng mga kabataan. Ito ay maaaring laruin ng dalawa o higit pang pangkat ng manlalaro. Layunin ng laro na mabuo ang pagtakbo patungo sa isang hangganan, pag-ikot dito, at pagbalik sa pinagmulan sa loob ng pinakamaikling panahon nang hindi nagkakawatak-watak o nagkakahiwa-hiwalay ang dugtungan ng mga manlalaro.

Kagamitan1. Dalawa o apat na putol ng kawayan na may walo hanggang sampung metro ang haba.2. Panandang ikutan.PalaruanAng palaruan ay isang patag at malawak na lugar kung saan iginuguhit ang pamulaang guhit na may 30-40 metro ang layo sa isang panandang ikutan.

PagsasagawaAng karera ng alupihan ay nilalaro ng dalawa o higit pang pangkat na binubuo ng magkatulad na bilang ng manlalaro. Ang bawat pangkat ay tatayo sa likod ng pamulaang guhit na ang unang manlalaro ay nakatapak sa guhit. Hahawakan sa kanilang kanang kamay ng lahat ng manlalaro sa pangkat ang kawayan na nasa pagitan ng kanilang hita. Ang kaliwang kamay ng bawat manlalaro ay nakakapit naman sa manlalarong sinusundan.Sa hudyat, sabay-sabay na tatakbo ang mga manlalaro sa bawat pangkat patungo sa panandang ikutan at pabalik sa pinagmulan. Ang huling manlalaro o ang nasa dulo ng dugtungan ay dapat lumampas sa pamulaang guhit upang makatapos.

Mga Alituntunin ng LaroKapag naputol o nagkahiwa-hiwalay ang dugtungan ng isang pangkat sa kanilang pagtakbo, ito ay itinuturing na talo.Ang pangkat na unang makabalik sa pamulaang guhit nang buo ang pagkakasunud-sunod ng mga manlalaro ang itatanghal na panalo.

DINORONAng dinoron ay kabaligtaran ng culliot. Ito ay nilalaro rin ng dalawang manlalaro. Layunin ng bawat pangkat ang hangganang guhit.

Kagamitan

Kawayan na may sampung metro ang haba at 11.43 sentimetro ang diyametro.

Palaruan

Ang palaruan ay isang patag na lugar kung saan iginuhit ang isang gitnang guhit at dalawang hangganang guhit nang ayon sa sumusunod na krokis.

2.5cmHangganang guhit para saManlalaro AHangganang guhit para sa manlalaro B 2.5cm

Gitnang guhit

Pagsasagawa

Ang mga manlalaro ng larong dinoron ay hahawak sa magkabilang dulo ng kawayan at magtutulakan papunta sa hangganang guhit. Ang kawayan na hinahawakan ng mga manlalaro ay nilalagyan ng pananda sa gitna nito na itinatapat sa hangganang guhit bago simulan ang pagtutulakan. Ang hangganang guhit ang pinagbabatayan ng pagkapanalo ng isang pangkat. Upang manalo ang isang pangkat, kinakailangang matapakan ng mga manlalaro nito ang hangganang guhit.Mga Alituntunin ng Laro

Ang dinoron ay nilalaro sa tuntuning dalawang panalo sa tatlong laro. Pagkatapos ng unang laro, binabaligtad ang kawayan upang ang matabang bahagi nito ang mahawakan ng pangkat na humahawak sa payat na dulo nito sa unang laro.

Kapag nag-kakaroon ng tabla (isang talo at isang panalo) sa pagitan ng dalawang pangkat, maaring maghagis ng barya upang alamin kung aling pangkat ang hahawak naman ng matabang bahagi.