35

SANDIGAN NG LAHI … IKARANGAL NATIN

  • Upload
    poppy

  • View
    526

  • Download
    0

Embed Size (px)

DESCRIPTION

SANDIGAN NG LAHI … IKARANGAL NATIN. Maria Consuelo C. Jamera Secondary School Teacher III. Aralin 2.1. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO. - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

Page 1: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN
Page 2: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN
Page 3: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Binabati kita sapagkat natapos mo na ang iyong gawain sa katatapos na aralin. Ngayon ay

handa ka ng tuklasin at palawakin ang iyong kaalaman sa aralin na tungkol sa akdang pampanitikan na Sarsuwela na namayani noong Panahon ng Amerikano.

Sa araling ito ay matutunghayan natin ang sarsuwelang “Walang Sugat” na isinulat ni Severino Reyes. Ito ay isang melodrama o komedyang binubuo ng tatlong yugto at tungkol sa damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, galit, paghihiganti, kalupitan, paghihimagsik o kaya’y mga suliraning panlipunan at pampolitika noong Panahon ng Español . Ang kathang pantanghalang ito ay naiiba sa mga dramang napapanood mo sa kasalukuyan dahil may mga bahagi o diyalogong inaawit dito.

Noon, isang mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng isipin at damdaming makabayan ang sarsuwela. Isinisigaw nito ang pagmamahal sa bayan at paghihimagsik laban sa mga mananakop na dayuhan, tulad ng akdang babasahin mo na pinamagatang “Walang Sugat” ni Severino Reyes. Sa bahaging ito, tatalakayin natin ang tungkol sa sarsuwela. Bukod dito, pag-aaralan natin ang kaantasan ng pang-uri upang masagot mo kung masasalamin ba sa sarsuwela ang kalagayang panlipunan sa panahon ng Amerikano? Narito ang mga gabay na tanong na iyong sasagutin.

Mga Gabay na Tanong1. Ano ang sarsuwela?2. Bakit ito kinagiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 3. May sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Patunayan.4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang sarsuwela? 5. Masasalamin ba sa Sarsuwela ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag.

Simulan natin ang pag-aaral ng Sarsuwela sa pamamagitan ng pagpili sa sumusunod na mga pangalan na nakilala bilang manunulat at ang kanilang mga akdang naisulat.

Page 4: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

A. Walang Sugat

B. Dalagang Bukid

C. Kahapon, Ngayon at Bukas

D. Ako Ang Daigdig

E. Sa Aking Mga KababataF. Isang Punongkahoy

GAWAIN : 2.1.1 f: Akda Ko, Tukuyin MoNasa larawan ang mga taong may kinalaman sa kasaysayan ng panitikan sa

Pilipinas na namayani hanggang sa kasalukuyan. Hanapin mo sa kabilang hanay, Hanay B, ang akdang isinulat ng mga manunulat sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Hanay A Hanay B

Page 5: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Inaasahan kong nasagot mo nang wasto ang tanong. Kung hindi naman ay huwag kang mag-

alala sapagkat layunin ng araling ito na sa sariling sikap at tiyaga ay mahanap mo ang tamang kasagutan. Ang huling bahagi ay sa iyo nakabatay. Subukin mo ang dating kaalaman sa paksang tatalakayin.

Alam mo ba …Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay itinuturing na

Ama ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula. Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat.

Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kuwentong isinulat niya tungkol kay Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng kaniyang mga patnugot na wala ng natitirang materyales upang punuin ang isang maliit na espasyo sa isang pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang kuwento upang umabot sa takdang oras. Matapos na maisulat ang kuwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay bilang may-akda kuwentong ito.

Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kuwento ni Tandang Basyang. Kaya naman, matapos nito, ang mga kuwento na naisulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang. Unang nailathala ang kuwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925. Siya ay nakasulat ng 26 na Sarsuwela.

Page 6: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Matapos mong mabasa ang tungkol kay Severino Reyes, ngayon naman ay ating alamin ang tungkol sa kasaysayan ng Sarsuwela.

Ang Sarsuwela ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa España noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan. Hinango ang taguring Sarsuwela sa maharlikang palasyo

ng La Zarzuela na malapit sa Madrid, España. Sa Pilipinas, dinala ito ni Alejandro Cubero noong 1880 kasama ni Elisea Raguer. Itinatag nila ang Teatro Fernandez, ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas.

Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Español ay namulaklak noong Panahon ng Himagsikan at ng Amerikano sa pamamayani nina: Severino Reyes na kilala sa taguring Lola Basyang sa kaniyang “Walang Sugat”, Hermogenes Ilagan “Dalagang –Bukid”, Juan K. Abad “Tanikalang Ginto”, Juan Crisostomo Sotto “Anak ng Katupunan”, at Aurelio Tolentino “Kahapon, Ngayon, at Bukas.”

Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Page 7: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Mga Elemento ng Sarsuwela1. Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng

bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.2. Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin. 3. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula

ay tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa loob ng siid-aralan, at iba pa ay nagiging tanghalan din.

4. Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.

5. Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat tagpo , yugto at bahagi ng dula.

6. Eksena at tagpo-   Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.

Ngayon ay dumako na tayo sa Sarsuwelang isinulat ni Severino Reyes na “Walang Sugat”. Ituloy mo lamang ang pagbabasa at gagabayan kita sa tulong ng nakawiwiling mga gawain upang lalo mo pang maunawaan ang araling ito. Halika simulan mo na.

Page 8: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Basahin at Unawain.

Walang Sugatni Severino Reyes

UNANG BAHAGII Tagpo:

(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador. Musika)

Koro : Ang karayom kung iduroAng daliri’y natitibo,Kapag namali ng duroBurda nama’y lumiliko

Julia : Anong dikit, anong inamNg panyong binuburdahan,Tatlong letrang nag-agapayNa kay Tenyong na pangalan.

Koro : Ang karayom kung itiriktumutimo hanggang dibdib.

Julia : Piyesta niya’y kung sumipotPanyong ito’y iaabot,Kalakip ang puso’t loob,Ng kaniyang tunay na lingkod.

Si Tenyong ay mabibighaniSa dikit ng pagkagawaMga kulay na sutla,Asul, puti at pula.

Julia : Panyo’t dito ka sa dibdib,Sabihin sa aking ibigNa ako’y nagpapahatidIsang matunog na halik.

 Koro : Ang karayom kung iduro

Ang daliri’y natitibo.Hoy tingnan ninyo si JuliaPati panyo’y sinisinta,

Kapag panyo ng ibigTinatapos ng pilitNang huwag daw mapulaanNg binatang pagbibigyan:

Ang panyo pa’y sasamahanNg mainam na pagmamahal.

 At ang magandang pag-ibigKapag namugad sa dibdibNalilimutan ang sakitTuwa ang gumigiit.

 Mga irog natin namanSila’y pawang paghanduganMga panyong mainamIburda ang kanilang pangalan.

Page 9: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Julia : Piyesta niya’y kung sumipotPanyong ito’y iaabotKalakip ang puso’t loobNg kaniyang tunay na lingkod.

 Koro : Nang huwag daw mapulaan

Ng binatang pagbibigyanAng panyo pa’y sasamahanNg mainam na pagmamahal.

 SalitainJulia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na. (Papasok ang magkasintahan). (Lalabas si Tenyong). II TAGPO(Tenyong at Julia…)Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo… Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya. Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay… Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo. Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na anaki’y nilalik na

maputing garing, ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.

Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko. Tenyong: (Nagtatampo) Ay!… Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi

sasagot). Masama ka palang mapagod. Tenyong: Masakit sa iyo! Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong,Tenyong…

(sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong tubig!Tenyong: Ay! Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntunghininga!

(Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.

 Tenyong: Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit… Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko. Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…

Page 10: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso, at E. ay Flores. Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan. Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga? Julia : Sa among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko. Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at F?Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle. Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na magsasalita). Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa

kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay … sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban) Musika No. 2Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan. Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at ‘di mapigilan.

Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo. Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko. Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng

buhay ko. Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi- tuwi… Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin. Julia : Tayo’y dumulog sa paa ng altar. Tenyong: Asahan mo. Sabay: ‘Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari ‘di na mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si Juana). III TAGPO(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas ) SalitainJuana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong.) (Lalabas si Lukas.) 

Page 11: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…! Tenyong: Napaano ka, Lukas? Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria. Tenyong: Diyata dinakip si Tatang? Lukas : Opo. Tenyong: Saan kaya dinala? Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin. Tenyong: Tiya, ako po paparoon muna’t susundan si Tatang. Juana : Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia,

magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas). Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutuntungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango ng

bulaklak, at sa sandaling oras ay kusang lumilipas.

(Telong Maikli) KalyeIV TAGPO(Musika)Koro at LukasLukas : Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin. Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay

gayundin. Isang Babae: Naubos na ang lalaki. Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.Lukas : Marami pang lalaki. Lahat ng Lalaki: Huwag malumbay…kami ng nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng bagay… Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang

damdam, kaming mga babae’y pabayaan, di namin kayo kailangan. Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang. Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman. Isang Babae: Asawa’y paroroonan. Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan. Lahat: Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap na pagkain.

Mga Babae: Tayo na, tayo na. 

Page 12: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Lahat: Sumakay na sa tren. Mga Lalaki: Doon sa estasyon. Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat) (Itataas ang telong maikli) V TAGPO(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas). SalitainRelihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon

sa amin; maraming tao ito… Marcelo: Mason po yata, among? Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil

filibustero, sapagka’t kung siya’y sumulat maraming K, cabayo K. Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw,

kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya. Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan

Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon. Marcelo: Hindi sila makakain eh! 

Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, Ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain?Mabuti ngang mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan. Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila! Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilang kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha! Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa

isang araw na tinutuluyan,ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po isang araw. Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang bese 25, at makalimang 125, ay Huston 526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (Bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako). Marcelo: Salamat po, among!Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?Marcelo: Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang.Relihiyoso1.0: Bakit ganoon? (gulat) 

Page 13: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Marcelo: Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng hininga.Relihiyoso 1.O: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo. Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos. Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limangkaban. Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na siKapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?Marcelo: Opo, among (Sa mga kasama niya)

Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador? Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido. Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo. Marcelo: Hindi po makalakad, eh!

Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.

 Relihiyoso 2.0: Tonto.

 Tadeo : Bakit ka mumurahin? Juana : Kumusta po naman kayo, among? P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong

pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walanginaasahan kundi kaunting sweldo dahil

sa kami’y alipin ng mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na angnamamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawing pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle. Juana : Totoo po ba ang sabi mo. P.Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin. Juana : Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga? 

Page 14: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador.. a Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal. Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal. Los 3 : Si, si a fusilar, a fusilar. (Papasok ang

mga pari). VII TAGPO(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)Salitain Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among? Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatidlamang ng mga ito ang pinag- usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang

kamngmangan! (Ipapasok si Kapitan Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid). Putin : Inggo ko! Tenyong: Tatang! Julia : Kaawa-awa naman!

Tenyong: Mahabaging Langit! MusikaTenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit

nakikiugali… Ah, kapag ka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.SalitainTenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay… Inggo : Huwag na … anak ko… hindi na maaari… luray-luray na ang katawan…Tayo’y

maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin … Juana Julia.. kayo na

lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila…Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala. Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito

lamang ang pasok ng kantang “Ang dalawang braso’y…) 

Page 15: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador.. a Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal. Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal. Los 3 : Si, si a fusilar, a fusilar. (Papasok ang

mga pari). VII TAGPO(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)Salitain Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among? Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatidlamang ng mga ito ang pinag- usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang

kamngmangan! (Ipapasok si Kapitan Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid). Putin : Inggo ko! Tenyong: Tatang! Julia : Kaawa-awa naman!

Tenyong: Mahabaging Langit! MusikaTenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit

nakikiugali… Ah, kapag ka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.SalitainTenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay… Inggo : Huwag na … anak ko… hindi na maaari… luray-luray na ang katawan…Tayo’y

maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin … Juana Julia.. kayo na

lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila…Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala. Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito

lamang ang pasok ng kantang “Ang dalawang braso’y…) 

Page 16: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Musika No.2Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay satang

malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng

prayle, isa sa kikitil. Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata lahat niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang ng madla.Mga Babae at Lalaki: Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap. Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong hunghan… ang awa’y nilimot sa kalupitan… Lalaki’t Babae: Wari mukha nang bangkay…Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan mo’t naghihingalo… Tatang, Tatang… Putin : Inggo ko… Inggo…Tenyong: Patay na!

(Mangagsisihagulgol ng iyak)

Telong MaikliVIII TAGPO(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos).SalitainPutin : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa

atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga! Ang pusoko’y parang

pinipitpit sa palihang bakal! (Si Putin ay mapapahandusay).

 Tenyong: Langit na mataas! (Papasok lahat) IX TAGPO(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia).SalitainTenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin. Isa : Ako’y mayroong iniingatan.Isa pa : Ako ma’y mayroon din. Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto. Isa : Nalalaman mo bang sila’y mangasisilulan? Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid kotuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na. 

Page 17: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Isa : Mga tampalasan.Isa pa : Walang patawad!(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia).Julia : Tenyong, Tenyong!Tenyong: Julia!Julia : Diyata’t matitiis, na Ina’y lisanin mo sa

kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong sa kaniya’y walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si Inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang Sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag- aalaala ko?Julia : Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ngisang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko.

Tenyong, huwag kang umalis!Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang;

ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang

anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y

tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, angnakapanlulumo niyang daing: “May anak ako,”anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin.

Julia : Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang

garantilyang may medalyita; tangnan at isusuo kay Tenyong ang garantilya.) Ang larawang ito’y aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga

digma, kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog ko’y

masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan ng masaganang luhang sa

mata’y nunukal. Tenyong: Sa Diyos nananalig. Julia : Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.Julia : Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati. Julia : Tenyong na poon ko’y kahimanawari.

Magliwayway uli’t dilim ay mapawi. Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang

mangamba. Ako’t tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama.

Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko’y

aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako! 

Page 18: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

 Julia : Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay. Tenyong: Juliang aking sinta! Julia : Oh, Tenyong ng buhay! Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis).Julia : (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (papasok) X TAGPO(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)Sa loob. Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko – Perdon! Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagara at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren).TelonWakas ng Unang Bahagi

Ikalawang BahagiI TAGPO(Bahay ni Julia)Julia at JuanaSalitainJuana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, sila’y

pagpapakitaan nang mainam.

Julia : Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po! Juana : Bakit ba ganyan ang sagot mo? Julia : Wala po! Juana : Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo?Julia : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay… Juana : Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko. Julia : Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.

 Juana : (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga- Anong pusu-puso ang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t gayo’y iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito. Julia : (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay

siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang k atungkulan, siya’y nagpapahingalay na… Julia : Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo! 

Page 19: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

 Juana : Siyang tunay! Julia : Ako po’y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa

tapat na udyok ng aking puso. Juana : Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba.Julia : Wala po! Juana : Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas- makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang… ay kung mapasa-moro, ay mapasa- Kristiyano na! Julia : Sarili) Moro yata si Tenyong! II TAGPO(Julia at Monica)SalitainJulia : Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa!. Monica : (Sa loob) Pooo! Julia : Halika (Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka… Monica: Opo (Papasok).

III TAGPO(Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)Musika

Dalit ni JuliaOh, Tenyong niyaring dibdib,

Diyata’ ako’y natiisNa hindi mo na sinilip

Sa ganitong pagkahapis. 

Ay! Magdumali ka’t daluhan,Tubusin sa kapanganiban,Huwag mo akong bayaangMapasa ibang kandungan.

 Halika, tenyong, halika,

At baka di na abutinSi Julia’y humihinga pa…

Papanaw, walang pagsala! 

At kung patay na abutinItong iyong nalimutan

Ang bangkay ay dalhin na lamangSa malapit na libingan.

 Huling samo, oh Tenyong,Kung iyo nang maibaon

Sa malungkot na pantiyon,Dalawain minsan man isang taon.

Page 20: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

SalitainP. Teban: (Pumalakpak)Mabuti ang dalit moJulia…

datapwa’t napakalumbay lamang…Julia : (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y nangagsirating…Kahiya-hiya po.P. Teban: Hindi. hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?Julia : Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok).P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas

na mabuting asawa..Marunong kang pumili, Miguel.

Tadeo : Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam makiusap. (Lalabas si Juana).

Juana : Aba, narito pala ang among! Mano po, among!P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?Juana : Mabuti po, among.Tadeo : (Kay Miguel) Lapitan mo.Miguel : Baka po ako murahin ah! 17 May manliligaw

si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit dungo. Payo ni Aling Juana: ”Ang pag-ibig ay tinatanggap ng

mata at itinutuloy saisip at di sa puso” Tutol si Julia kay Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana ang ukol sa anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas. Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan. Natagpuan ni Lukas ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay

ng inang si Kapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin na

sana ni Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.

 Ikatlong Bahagi

 Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang

di pagtugon ni Tenyong sa liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong naman ang nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina.  

Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia. Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na sina Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kungdi ang magpakasal o magpatiwakal. Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!”. Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina.  

Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata – na sila niJulia ay makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayundin si Miguel. Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel ng “Walang Sugat”. Gayundin ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat. 

Wakas (Magsasara ang telon)

Page 21: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

GAWAIN 2.1.1 h: Hanap - SalitaIbigay ang hinihingi ng sumusunod na mga salitang nasa kahon.

Pagkatapos, gamitin mo ito sa pangungusap.

Hanay A Hanay B_____ 1. pagkasiphayo a. sinisinta_____ 2. sumisimsim b. kalungkutan_____ 3. kaparangan c. apihin_____ 4. malumbay d. awit- panalangin_____ 5. dalit e. magtaksil_____ 6. maglilo f. malungkot_____ 7. magahis g. mamatay_____ 8. makitil h. mapahamak_____ 9. aglahiin i. mapulaan____ 10. pagbabata j. kabukiran k. pagtitiis

Page 22: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

GAWAIN 2.1.1.i: Storyboard

Pagkatapos mong sagutan ang pagsasanay sa talasalitaan ay dumako na tayo sa kasunod na Gawain.Ibuod mo ang Sarsuwela sa tulong ng sumusunod na story board. Piliin mo sa kasunod na mga pangyayari. Isulat ang tamang letra sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod- sunod. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. a. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal. b. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong. c. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong. d. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel. e. Namatay si Kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas. f. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni Kapitana Putin at pagpapakasal niya kay

Miguel.g. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw ng “Walang Sugat”.h. Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia.i. Hinuli ng mga boluntaryo ng Sta. Maria si Kapitan Inggo.j. Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang mapalaya ang Inang-bayan.

Page 23: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

GAWAIN 2.1.1.j: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

Sagutin ang mga tanong namay kaugnayan sa binasang akda upang masukat natin kung naunawaan mo ang nilalaman nito.1. Bakit hindi agad inamin ni Julia na kay Tenyong ang panyong kaniyang binurdahan? 2. Ano ang nangyari sa tatay ni Tenyong na si Kapitan Inggo? Ano-anong pagpapahirap ang naranasan

niya sa kamay ng mga prayle? 3. Isulat ang mga katangian ng mga tauhan sa akda. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

JULIA TENYONG LUKAS JUANA

________________________________________________

____

________________________________________________

____

________________________________________________

____

________________________________________________

____

WALANG SUGAT

Page 24: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

4.Gamit ang Venn Diagram, ipakita ang pagkakatulad at pagkakiba ni Julia sa kababaihan sa kasalukuyan. Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat.

JULIA

KABABAIHAN SA KASALUKUYAN

Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakatulad

5. Tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang lalaking mayaman ? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Julia, papayag ka ba sa pasiya ng iyong ina? Bakit?. 6. IIarawan ang namayaning damdamin sa Tagpo II.7. Angkop ba ang pamagat na Walang Sugat sa akda? Bakit? 8. Tama ba na magtanim ng galit si Tenyong sa mga pari? Ipaliwanag.

Mahusay ang iyong ginawa. Madali mong naunawaan ang simulang bahagi ng aralin. Alamin mo naman ang kaligirang pangkasaysayan ng Sarsuwela na namayani sa Panahon ng Amerikano. Gagabayan ka sa iyong pag-aaral ng sumusunod na gabay na mga tanong.

Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang Sarsuwela? 2. Bakit ito kinagiliwan mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 3. May Sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang akdang pampanitikan? 4.Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Sarsuwela bilang bahagi ng panitikang Pilipino?5. Suriin ang kultura o kalagayang panlipunang masasalamin sa akdang Walang Sugat.6.  Kung ikaw ay kabataan na nabuhay sa Panahon ng Amerikano, paano mo maipakikita ang pagmamahal sa

bayan?

Page 25: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

7. Sa pagwawakas ng gawain mo sa bahaging ito, maibibigay mo na ang iyong damdamin sa dulang pantanghalang binasa mo. Gawin ito sa dyornal. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

PAGSULAT Ituloy mo ang pahayag…

Habang binabasa ko ang Sarsuwela ako’y , dahil ako’y .

kaya nais kong maging ________________________________________________________________________________________________________________________________________

Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating aralin. Nakatulong ba ang mga salitang naglalarawan na ginamit ng may-akda sa binasang Sarsuwela? Marahil ay napansin mo na iba-iba ang antas ng pang-uri na ginamit ng may-akda upang higit niyang maikintal sa isipan ng mambabasa ang imahe na nais niyang iwanan sa isipan . Suriin natin ang ilan sa mga ito.

Page 26: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Kaantasan ng Pang-uri

Pang-uri - Isang mahalagang bahagi ng panalita ang pang-uri. Ang pang-uri ay bahagi ng panalita na naglalarawan ng pangngalan o ng panghalip. Kaantasan ng Pang-uri 1. Lantay –Naglalarawan sa isa o isang pangkat ng tao, bagay, o pangyayari.

Halimbawa: a. Nabighani ako sa kagandahan ng lugar na ito. b. Masagana ang ani ng palay sa taong ito.

2. Pahambing -Nagtutulad ng dalawang tao, bagay, o pangyayari. a. Pahambing na magkatulad – nagtataglay ng pagkakatulad na

katangian. Ginagamitan ito ng mga panandang sing, kasing, at magsing, magkasin

Halimbawa:.Magsing-talino sina Felix Irving at Andrela. . Sintanda ng aking ate ang guro ko sa musika.

b. Pahambing na di- magkatulad (pasahol)-Kung hindi magkapantay ang katangian ng isang bagay na itinutulad sa iba. Ginagamitan ito ng mga pananda tulad ng salitang di-gaano, di- gasino, higit, o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ito ng tulad, gaya o kaysa. Halimbawa

• Di- gaanong magkapalad naging karanasan ni Alvin sa ibang kabataan .• Di-gasinong matamis ang mangga rito na gaya sa Guimaras.

3. Pasukdol – ay ginagamit kung ipinapakita ang kahigitan ng isang bagay , tao o pangyayari sa karamihan. Gumagamit ito ng mga pananda o pariralang

kay ganda-ganda, ubod ng, hari ng at mga kataga/salitang napaka, pinaka, totoong, talagang, sadyang,ubod, hari, sukdulan ng, sobra, tunay, labis.

Ugnay-Wika

Page 27: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Paghusayin mo pa ang iyong kaalaman sa wika. Magsanay Tayo. Pagkatapos mong malaman ang

mga impormasyon sa kaantasan ng pang-uri, ngayon ay susubukin natin ang iyong kaalaman. Isulat sa sagutang papel ang kaantasan ng pang-uri na sinalungguhitan sa bawat pangungusap. (lantay, pahambing o pasukdol).

______________ 1. Tunay na bayani ng makabagong siglo si Kesz. ______________ 2. Si Kesz ay sikat na sikat na kabataang simbolo ng pag-asa.______________ 3. Kami ay ubod saya sa tagumpay na kaniyang natamo.______________ 4. Siya ang pinakabatang boluntaryong tumutulong sa Dynamic Teen Company 

ni Peñaflorida. ______________ 5. Di- gaanong magkapalad ang naging karanasan ni Kesz sa ibang kabataan ngayon.______________ 6. Tunay na huwaran ang kabataang tulad ni Kesz Valdez.______________ 7. Magkasingganda ng hangarin si Efren at si Kesz sa kanilang gawain.______________ 8. Buhay man niya ay salat sa karangyaan at dunong ngunit hindi niya ipinagkait

ang lakas niya upang matulungan ang mga kabataan na naliligaw ng landas. ______________9. Sa gulang na tatlo, namalimos si Kesz gaya ng ibang mga batang lansangan at

nagkalkal ng mabahong basura para makahanap ng anumang bagay na may halaga na maaaring ibenta upang suportahan ang kaniyang pamilya.

_____________ 10. Si Kesz ay may mabuting kalooban gaya ng kaniyang guro na si Efren Peñaflorida.

Nasagutan mo lahat ang iyong gawain sa pagsasanay na ito. Kung hindi naman ay okey lang. Gagabayan ka ng araling ito sa paglinang pa ng iyong kaalaman. Magkaroon ka naman ng paglalagom kung ano ang iyong naunawaan sa pinag-aralan sa araling ito.

Page 28: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Bakit mahalagang gamitin ang kaantasan sa paglalarawan?

Mahalagang pag-aralan ang mga bahagi ng panalita na nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip at ang pagbibigay ng paghahambing o pagtutulad nito batay sa kaantasan ng pang-uri sapagkat nagiging mabisa ang pagsasalaysay at paglalarawan sa mga tauhang karaniwang ginagamit sa isang sarsuwela. Ngayon ay maaari mo ng gawin ang gawaing aking inihanda.

Page 29: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

SARSUWELA SALAMIN NG KULTURANG PILIPINO

Upang malaman natin kung lubos mo nang naunawaan ang ating pinag-aralang akda, balikan natin ang mahalagang tanong na sumasalamin ba sa sarsuwela ang kulturang Pilipino gamit ang pinasidhing anyo ng pang-uri? Patunayan. Isulat sa salamin (mirror graphic organizer) ang iyong sagot.

Napatunayan mo na ang sarsuwela ay larawan ng kulturang Pilipino, bukod dito isa pa sa mga tulong upang higit na masalamin ang kalagayang panlipunan. Nakatulong ba ang mga kaantasan ng pang-uri upang mapalabas ang kulturang Pilipino upang makapaglarawan ng mabisa?

Binabati kita at ilang hakbang na lamang ay tapos na ang iyong paglalakbay. Upang matiyak natin na naunawaan mo ang aralin, nais kong magsaliksik ka ng isang dula na naglalarawan ng kalagayang panlipunan, kaugalian at paniniwala ng pamilyang Pilipino. Suriin mo ito. Ibuod at ipaliwanag kung paano inilarawan dito ang mga nabanggit sa itaas.

Page 30: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN
Page 31: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Sa araw na ito naunawaan ko na ____________________________________________________________Natatandaan ko na natuwa ako sa na ____________________________________________________________Ngayong araw na ito, maipagmamalaki kong natutuhan ko ang/ ang mga

___________________________________________________________________________

Ang layunin mo sa bahaging ito ay mataya natin kung tama ang pagkaunawa mo sa mahahalagang konsepto na nakapoob sa buong aralin- Ang Panitkan sa Panahon ng Amerikano. Muli, sagutin mo ang mahahalagang tanong na ito. Inaasahan kong kung may mali ka mang konsepto, ay naitama na natin ang mga ito sa tulong ng iba’t ibang gawaing iyong pinagdaanan.

1. Bakit umusbong ang panitikang Pilipino noong Panahon ng Amerikano?2. Bakit mahalagang unawain/pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa panahon ng mga Amerikano? 3. Tunay bang salamin ng kultura angmga akdang pamapanitkan? Patunayan.

Sagutin mo ang mga nabanggit na tanong sa paraang patalata. Maging matapat ka sa iyong pagsagot dahil dito ko malalaman kung dapat na tayong magpatuloy sa susunod na aralin, o balikan pa ang ilang gawain upang sa gayo’y magkaroon ka ng malalim na pag-unawa sa nilalaman ng araling ito. Makatutulong sa iyo kung sasagutin mo pa ang Gawain sa ibaba/kabilang pahina.

Ano ang natutuhan mo sa kabuuan ng araling tinalakay? Isulat ang sagot sa iyong dyornal.

Marahil ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa balagtasan at sarsuwela. Gayundin, natutuhan mo na ang kahalagahan ng malikhain at mapanagutang paggamit ng wika sa pamamagitan ng pag-unawa sa pagkakaiba ng katotohanan o opinyon at kaantasan ng pang-uri. Natitiyak ko na sa tulong ng mga gawain na naisagawa mo ay higit na lumawak at lumalim ang iyong pag-unawa. Paalala lamang na muli mong balikan ang Kahon ng Hinuha sa unahang bahagi ng araling ito, at dugtungan mo na ang huling pahayag sa labas ng kahon upang matiyak mo kung nauunawaan mo talaga ang araling ito. Maraming salamat.

Page 32: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN
Page 33: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Ang Iskrip at DiyalogoSa isang pagtatanghal, walang kuwento ang maisasadula kung wala ang iskrip.

Matatawag lamang na dula ang isang katha kung ito’y itinatanghal, ngunit maitatanghal lamang ito kung may iskrip na magsisilbing gabay ng mga tauhan upang magsadula. Taglay ng iskrip ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal ng isang tagpo at maging ng buong dula.

Tinatawag na iskrip ang nakasulat na gabay ng aktor direktor at iba pa na nagsasagawa ng dula. Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito. Sa iskrip matatagpuan ang galaw ng mga aktor, ang mga tagpo, ang mga eksena. At gayundin ang diyalogo ng mga tauhan.

Ang diyalogo ang sinusundan ng mga aktor. Ito ang nagbibigay ng mga mensahe sa isang dula. Diyalogo ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at ilan pang mga tauhan sa loob ng isang dula.

Sa pamamagitan ng iskrip, mabibigyan ng pagpapakahulugan ng direktor kung anong magiging kabuuan ng tagpuan, ang mga damit ng tauhan hanggang sa paraan kung paano isasaganap at ipahahayag ng mga tauhan ang kani-kanilang diyalogo. Isa sa batayan upang gumanda ang isang dula sa iskrip gayundin ang lawak ng karanasan ng direktor sa ganitong larangan.

Narito ang paraan ng pagsusulat ng Iskrip.

Sa mga natutuhan mong mga araling pampanitikan at pangwika ay natitiyak kong kayang-kaya mong maisagawa ang Inaasahang Produkto- ang makasulat ka ng iskrip at diyalogo ng isang dula na sumasalamin sa pamilyang Pilipino. Bago iyan, nakatitiyak ako na makatutulong sa iyo ang karagdagang kaalaman na ito tungkol sa Inaasahang Produkto – ang pagsulat ng iskrip at diyalogo ng isang dula. Atin pang ipagpatuloy at alamin naman kung ano ang iskrip at Diyalogo. Simulan na natin.

Page 34: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Paraan ng PagsusulatAyon kay Sicat sa kanyang sanaysay na “Sa Pagsulat,” nagsisimula siya sa ideya. Mula sa ideya, aniya,

itinatayo niya ang balangkas sa isip at pinaglalapat-lapat niya rito, sa pamamagitan ng mahiwagang kapangyarihan ng imahinasyon, ang samu’t saring impresyon, gunita, larawan, damdamin at pangyayari. Tila siya mangangaso, kung saan-saan siya nakararating. Narito ang mga paraan o teknik kung paano makasusulat ng iskrip

1. Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang mga sinusulat. Nakabaling ito sa tono’t himig na hangad ipahiwatig sa katha.

2. Mgsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang masalang mabuti kung ano ang mga gagamiting salita sa diyalogo.

3. Piliin ng salita na gagamitin depende sa manonood o paksa.4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ito ang mensahe ng kuwento, anyo (form)

sapagkat mapapailalim sa anyo ang kasiningan ng pagsusulat. Dito pumapasok ang estilo. 5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangakas, ang mga dibisyon (ang simula, sinulong, at

wakas). Dapat rin na pag-aralan ang makatotohanan at epektibong banghay (plot), karakter (character), tagpuan (location), paningin (point of view), at iba pang sangkap sa pagkatha. Sa pagsulat ng iskrip nalrarapat na lakipan ito ng angkop na tunog sapagkat ang iyong gagawin akda ay pagbabatayan at pinakabuhay ng isang dula.

Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng iskrip ng dula. Nakatitiyak ako na magiging matagumpay ang inyong gagawing produkto. Basahin at isagawa ang sitwasyon. Gamiting gabay ang sumusunod na pamantayan sa pagsasagawa nito.

Dahil sa lumalalang isyung panlipunan na may kinalaman sa estado ng ating pamayanan tungkol sa kultura, gawi, kaugalian ng pamilya, ang NCCA kasama ang Lokal na Pamahalaang Panturismo, DSWD ay maglulunsad ng isang patimpalak sa dulang pantanghalan na magtatampok sa mga pamilya na hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa ang mga kultura, gawi sa makabagong panahon. Ang timpalak ay naglalayon na mahikayat ang bawat pamilya na magsilbing inspirasyon sa komunidad.

Ikaw bilang pangulo ng Samahang Kabataan (SK) ang napiling mamahala ng inyong punong bayan sa patimpalak na ito. Upang mangalap ng mga pamilya na naangkop sa aganitong kategorya. Ang magwawaging lahok ay tatanggap ng salapi, tropeo at sertipiko at mailalathala sa lokal na pahayagan sa bayan. Inaasahan na ang dula ay dapat na makatotohanan, may angkop na kasuotan, naaangkop sa tema, may angkop na tunog, ilaw,at tagpuan, mahusay ang iskrip at sumasalamin sa kultura at paniniwala ng pamilyang Pilipino.

Page 35: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Mga Pamantayan Napaka-husay

5

Mahusay4

Katamtamang

Husay3

Hindi Mahusay

2

Nangangailangan pa ng

Pagpapahusay1

a. Pagkamalikhain

a. Makatotohanan at kapani-paniwala ang pagkakasulat ng iskrip

a. Orihinal

a. Sumasalamin sa kulturang Pilipino at naaangkop sa kasalukuyan

a. Wasto ang pagkakagamit ng wika

Rubrik sa Pagsulat ng Iskrip at Diyalogo

Interpretasyon21- 25 -Napakahusay16- 20 -Mahusay11-15 -Katamtamang Husay6-10 -Hindi Mahusay1-5 -Nangangailangan pa ng Pagpapahusay

Nakumpleto mo na ang araling ito. Bago ka dumako sa susunod na aralin, Bakit hindi mo subuking itaya ang iyong mga natutuhan? Maaari mo ng sagutan ang pangwakas na pagsusulit upang matiyak natin kung sapat na ang iyong kahandaan. Simulan mo na.