54
DEPED COPY i Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino 4 Kagamitan ng Mag-aaral Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kole- hiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

  • Upload
    others

  • View
    25

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

i

Yaman ng LahiWika at Pagbasa sa Filipino

4

Kagamitan ng Mag-aaral

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kole-hiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinas

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 2: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

ii

Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaad lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindi nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mga tagapaglathala at sa mga may-akda.

MaaaringtumawagsaFILCOLSsateleponoblg.(02)[email protected] ang mga may-akda at tagapaglathala.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim : Br Armin A. Luistro FSC

Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)OfficeAddress : 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax : (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address : [email protected]

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Punong Tagapangasiwa: Angelika D. JabinesMga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R. Jaurigue, Fragilyn B. Rafael, Dolorosa S. de Castro, Josenette R. Brana, Mary Ann H. Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn Gime, Robena delos Reyes, Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guinto, Yaledegler S. Maligaya, Anna Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, at Angelika D. JabinesMga Konsultant: Patrocinio V. Villafuerte, Concepcion U. San Antonio, at Voltaire M. VillanuevaMga Tagaguhit: Aristotle S. Daquioag at Jason O. VillenaTagatala: Ireen Subebe

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 3: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

iii

PAUNANG SALITA

Kumusta?

Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng Mag-aaral (KM) na ito. Magiging kasama mo ito sa pag-aaral ng Filipino sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sa kapuwa at magiging kaakibat sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas.

Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang ang kakayahan mo sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat, at panonood. Basahin mo at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat gawain upang makatugon ka nang wasto at angkop para maging matagumpay ka sa lahat ng mga gawain.

Ang bawat aralin ay nahahati sa iba’t ibang gawain.

Tuklasin Mo. Sa bahaging ito, lilinangin ang mga salita o konsepto na kailangan mong malaman upang lubos na maunawaan ang mga mapapakinggan o mababasa ng mga teksto.

Basahin Mo. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, balita at iba pang teksto na gagamitin natin sa pagtalakay ng aralin.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 4: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

iv

Pagyamanin Natin. Ito ay nahahati sa Gawin Ninyo at Gawin Mo na naglalaman ng mga gawaing magpapayaman ng mga konsepto, kaalaman at kakayahang natutuhan mo mula sa talakayang ginawa sa klase. Ang mga gawain dito ay maaaring gawin mo kasama ang iyong mga kamag-aral at ang iba naman ay gagawin mo nang nag-iisa.

Isaisip Mo. Sa bahaging ito, lalagumin natin ang mga natutuhan mo sa mga araling pinag-aralan natin.

Isapuso Mo. Ang mga gawain dito ay tutulong sa iyo upang maisabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mo sa bawat aralin.

Isulat Mo. Dito mo maipakikita ang lubos mong pagkaunawa sa mga napakinggan o nabasa mong teksto sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng pagsulat.

Makikita mo rin ang iba pang bahagi ng kagamitan tulad ng:

Bokabularyong Pang-akademiko. Ito ay talaan ng mga salitang binasa at pinag-aralan mo sa bawat yunit.

Kalendaryo ng Pagbabasa. Isang buwang kalendaryo ng mga gagawin mo kaugnay ng isang babasahing pambata na mapipili.

Pagsulat ng Book Report. Makikita sa bahaging ito ang mga gabay na gagamitin mo sa paghahanda ng isang report kaugnay ng isang chapter book na natapos mong basahin.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 5: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

v

Sana sa paggamit mo nito ay mas makilala mo pa ang iyong sarili bilang isang tunay na Pilipinong may kakayahan na gamitin ang wikang Filipino sa pakikipagtalastasang pasalita at pasulat na pamamaraan.

Maligaya at maunlad na pag-aaral sa iyo!

MGA MAY-AKDA

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 6: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

vi

TALAAN NG NILALAMAN

Yunit I – Masayang Tahanan, Ating Pahalagahan

Aralin 1 – Pangangalaga at Paggalang sa Sarili at sa mga Tao sa Paligid..............................................2

• Paggamit ng Pangngalang Pantangi atPangngalang Pambalana

Aralin 2 – Sama-samang Pamilya............................................11• Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay

Aralin 3 – Halaga ng Paggalang sa Loob ng Tahanan....................................................................17

• Paggamit ng Panghalip• Pagsulat ng Balita

Aralin 4 – Paaralan Bilang Pangalawang Tahanan................29• Paggamit ng Panghalip sa Teksto • Paggawa ng Balangkas

Aralin 5 – Mabuting Pagkakaibigan..........................................37• Bahagi ng Kuwento• Paggamit ng Panghalip Pananong

*Bokabularyong Pang-akademiko.................................................43

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 7: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

1

Yunit I Masayang Tahanan, Ating Pahalagahan

Tahanan…

bukal ng pagmamahalan,

inspirasyon ng bawat mamamayan

tungo sa isang mapayapang pamayanan.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 8: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

2

Tuklasin Mo A. Basahin ang mga salita na mapakikinggan mo habang

binabasa ng iyong guro ang kuwento natin sa linggong ito. Pakikuha ang iyong diksiyonaryo at pakihanap ang kahulu-gan ng mga salitang ito.

Ngayon, kayang-kaya mo nang unawain ang kuwentong babasahin ng iyong guro. Humanda na sa pakikinig!

Paano mo maipakikita ang paggalang at pangangalaga sa iyong sarili? Ano ang mga pangngalang pantangi? Pambalana? Kailan ito ginagamit? Paano ito isinusulat?

1 Pangangalaga at Paggalang sa Sarili at sa mga Tao sa Paligid

ARALIN

hawla

kandelabra

parachute

baul

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 9: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

3

B. Bago natin basahin ang kuwento ni Jose atin munang alamin ang kahulugan ng ilang salitang ginamit dito. Basahin ang mga pangungusap. Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng kahon sa pamamagitan ng mga salitang-ugat nito.

1. Magtatanghalian ang buong mag-anak sa isang kainan na malapit sa kanilang bahay.

2. Bago umuwi, dumaan muna si Roy sa isang tindahan upang bumili ng kakailanganin sa kaniyang takdang-aralin.

3. Ang batang magalang ay kinagigiliwan ng lahat.

Tandaan ang kahulugan ng mga salitang ito upang lubos mong maunawaan ang kuwento ni Jose.

Basahin Mo Bakit kaya tinawag na batang magalang si Jose? Paano niya

ipinakita ang pangangalaga hindi lamang sa kaniyang sarili kundi pati na rin sa mga taong nasa paligid niya? Alamin sa kuwento.

Si Jose, Ang Batang Magalangni Arjohn V. Gime

Bukas ay araw na ng pasukan. Lahat ng mga mag-aaral ay sabik ng pumasok sa paaralan. Habang nag-aayos ng gamit si Jose para sa kaniyang unang araw sa ikaapat na baitang, bigla siyang tinawag ng kaniyang Nanay Lorna. Agad namang lumapit si Jose sa kaniyang ina.

“Jose, magtatanghalian na, bumili ka muna ng mga kakailanganin natin para sa lulutuin kong adobong manok.”

“Opo. Ano po ba ang bibilhin sa tindahan?” tanong ni Jose.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 10: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

4

“Bumili ka ng paminta, mantika, suka, at toyo” tugon ni Nanay Lorna kay Jose.

“Sige po ‘Nay!” tugon ni Jose.

Pumunta na si Jose sa pinakamalapit na tindahan ni Mang Melchor.

“Magandang tanghali po, Mang Melchor!” bungad ng masiglang bata sa may-ari ng tindahan.

“Magandang tanghali rin sa iyo. Ano ang bibilhin mo?” tanong ng tindero sa bata.

“Pinabibili po ako ni Nanay ng halagang limang pisong paminta, isang bote ng mantika, suka, at toyo.”

“Magkano po lahat?” tanong ni Jose.

“Limang pisong paminta, bente pesos ang mantika, sampung piso ang suka at kinse pesos naman ang toyo. Kaya lahat-lahat ay limampung piso,” ang tugon ng nakangiting tindero.

“Salamat po, Mang Melchor.”

“Walang anuman, Jose!”

Sa kaniyang pag-alis ng tindahan, nakasalubong naman niya si Aling Helen na kanilang kapitbahay.

“Magandang araw po, Aling Helen. Pupunta pala kayo rito sana ako na lamang ang pinabili ninyo para hindi na kayo napagod.”

“Naku oo nga e, may kulang pala ako sa akinglulutuing pananghalian. O di ba may pasok ka na bukas?”

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 11: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

5

“Opo, kaya nga po nag-aayos na ako ng aking mga gamit at hindi muna ako nakipaglaro sa aking mga kaibigan upang makapagpahinga. Maghapon na naman po kasing titigil sa paaralanat hindi na makatutulog sa tanghali. Sige po mauna na ako.”

“Magandang araw po, Mang Caloy, pahinga muna kayo,” ang kaniyang bati sa kaibigang abala sa pag-aayos ng kaniyang sirang tricycle, sabay kaway.

“Uy, Ben. Kumusta? Handa ka na bukas? Umuwi ka na at mainit na ang sikat ng araw. Pasukan na natin bukas. Sige ka, ikaw rin baka magkasakit ka e, mamis mo ang mga mangyayari sa unang araw ng pasukan natin,” ang paalala ni Jose sa kaniyang kaklase na abala sa pagbibisikleta malapit sa kanilang bahay.

At sa wakas, nakauwi rin si Jose sa kanilang bahay. May ngiti sa labi dahil nakatulong siya sa kaniyang nanay at nakita niya at nabati ang mga taong malapit sa kaniyang puso.

Sa isip niya, napasaya rin niya kahit papaano ang mga taong kaniyang nakita sa pagbili niya sa tindahan ni Mang Melchor. Paano ipinakita ni Jose ang pagiging magalang?

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 12: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

6

Pagyamanin NatinGawin Ninyo

A. Subukin nating sagutan ang ilang tanong na ito tungkol sa kuwento ni Jose. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno?

Ako at ang Aklat

“Ang sagot ay makikita sa aklat o kaya’y iisipin muna bago hanapin.”

Sino ang pupunta ng tindahan? (1 puntos)Ano-ano ang ipinabibili ni Nanay Lorna sa kaniya? (1 puntos)Kaninong tindahan siya bumili?(1 puntos)Ano-anong pahayag ang ginamit ng bata na nagpapakita ng pagigingmagalang? (3 puntos)

Ako at ang May-akdaAng sagot ay nasa awtor at iyo o kaya’y nasa isipan mo.

Ilarawan ang isang batang magalang. (4 puntos)Kung ikaw si Jose, gagayahin mo rin ba ang mga sinabi niya sa kaniyang Nanay Lorna at Mang Melchor? Bakit? (5 puntos)

Ilang puntos ang nakuha mo? Kung mataas, binabati kita!Kung mababa naman, subukin mong basahin muli ang kuwento ni Jose. May mga pangngalan ka bang nabasa sa kuwento natin? Ano-ano ito?

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 13: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

7

B. Matapos mong mapag-aralan ang pangngalan, subuking buuin ang crossword puzzle. Tingnan natin kung talagang naunawaan mo kung paano isinusulat ang mga pangngalan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

PAHALANG PABABA3 araw ng kapanganakan

ng isang tao1 kilalang boksingero

at Kinatawan sa Kongreso

5 Summer Capital ng Pilipinas 2 gumagabay sa mga bata sa paaralan upang matuto

6 pananggalang ng mga paa sa init o lamig

4 Pambansang Bayani ng Pilipinas

7 Pambansang Wika ng Pilipinas

5 uri ng anyong lupa na nagbubuga nang mainit at kumukulong putik

8 sanggunian na ginagamit upang makakuha ng impormasyon

9 hayop na sinasabingmatalik na kaibigan ng tao

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 14: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

8

Gawin MoA. Nagkaroon ng paligsahan sa paaralan nina Lino. Sino kaya

ang nanalo? Ano kaya ang natanggap niya bilang premyo? Alamin natin sa usapang mababasa. Kompletuhin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng angkop na pangngalan sa bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa kahon.

Lino : Panalo si 1______ sa timpalak ng 2________.

Nestor : Oo, binigyan nga siya ng isang malaking 3________.

Lino : Tama si 4________. Mahusay nga siyang ________.

Nestor : Kaya nga gusto kong maging tulad niya.

Isaisip Mo

A. Bumuo ng isang disenyo sa pattern na nasa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat kung ano ang mga salitangtinutukoy ng pangngalan. Kulayan ang mga sinulatang bahagi upang maipakita ang ginawang disenyo. Gawin ito sa isang malinis na papel.

bigkasan G. Santos ina mag-aaral Marco tropeyo

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 15: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

9

B. Gumuhit ng isang Venn diagram sa iyong kuwaderno. Gamitin ito upang maipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pangngalang pambalana at pangngalang pantangi.

C. Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang kuwento? Isulat sa anyong tanong ang mga ito.

Isapuso MoGinagawa mo ba ang mga ito? Kung OO ang iyong sagot,

iguhit sa iyong kuwaderno ang at naman kung HINDI.

1. Gumagamit ako araw-araw ng magagalang na pananalita. 2. Iginagalang ko ang lahat ng nilalang ng Maykapal. 3. Lagi kong sinusunod ang utos ng aking mga magulang at

mga nakatatanda. 4. Nagdarabog ako kapag inuutusan. 5. Hindi ko pinapansin ang ibang tao kapag may ginagawa ako.

Pangngalang Pambalana

Pangngalang Pantangi

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 16: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

10

Isulat Mo Matapos nating mapag-aralan ang mga elemento ng

kuwento at paano sumulat ng isang maikling kuwento, subukin nating punan ang Hagdan ng Kuwento na nasa ibaba.Sumulat ng isang kuwento mula sa sariling karanasan na may lima hanggang walong pangungusap tungkol sa pagpapakita mo ng pagiging magalang sa pamamagitan ng pangangalaga sa sarili at sa ibang tao. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Hagdan ng Kuwento

Simula

Gitna

Wakas

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 17: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

11

Tuklasin Mo

A. Bago natin pakinggan ang tulang babasahin ng iyong guro, alamin muna ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng maliit na kahon. Aling pangkat ng mga salita sa malaking kahon ang maiuugnay mo sa mga nasa maliit na kahon? Isulat ang sagot sa kuwaderno.

alagaan kalungkutan matatag

sandigan tagumpay

Mini-Diksiyonaryo

________ arugain, kalingain

________ pundasyon, batayan

________ pighati, panglaw

________ panalo, wagi

________ malakas, matibay

Humanda na at makinig sa babasahin ng guro.

Bakit mahalaga ang sama-samang pamilya sa kulturang Pilipino? Paano ginamit ang pangngalan sa mga tekstong ating mababasa at mapakikinggan sa araling ito?

Ano ang paksa ng mga babasahing inihanda sa araling ito?

2 Sama-samang Pamilya

ARALIN

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 18: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

12

B. Babasahin natin ang tulang “Pamilyang Pilipino.” Basahin ang mga pangungusap. Sagutin ng OO o HINDI ang mga ito upang matukoy ang kahulugan ng bawat isa.

1. Kapag ang pamilya ay nagbubuklod, ito ba ay nagkakaisa?

2. Kapag ang pamilya ay magkakaagapay, ito ba ay magkasama sa hirap at ginhawa?

3. Kapag dakila ba ang pagmamahal, ito ba ay may hangganan?

4. Kapag ang isang pamilya ay may kamalayan, may posibilidad bang alam nila ang katotohanan sa paligid?

5. Kapag ang isang pamilya ay nag-aatubili, ito ba ay may pag-aalangan sa buhay?

Basahin Mo Ano-ano ang katangian ng bawat kasapi ng isang pamilyang

Pilipino? Ganito rin ba ang pamilyang iyong kinabibilangan?

Pamilyang Pilipinoni Arjohn V. Gime

PAMILYANG PILIPINO, tunay na huwaranNagbubuklod, tunay na nagkakaisaMagkaagapay sa hirap at ginhawa

Laging magkasama, sa lungkot o ligaya.

Mapagkandiling INA’y, laging nakaagapaySa pangangailangan, tunay na nakaalalay

Dakilang pagmamahal, sa ami’y bumubuhayKaniyang payo at aral, gabay sa buhay.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 19: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

13

AMAng haligi, di nagsasawang umintindiSa pangangailangan ng pamilya, di nag-aatubili

Gahol niyang panahon, pagal na katawan,Di naging hadlang, sa pamilyang nais paglingkuran.

Masisipag na ANAK, tiyaga ang puhunanKarangalan para sa magulang, laging inaasamPagsisikap sa pag-aaral, mulat na kamalayan

Sandatang kaalaman, dala para sa bayan.

Pagyamanin NatinGawin Ninyo

A. Katulad ba ng pamilya sa tula ang sa iyong sarili?Ilarawan ang sariling pamilya sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata tungkol sa kanila. Gamiting gabay ang organizer upang mas madali mong maisulat ang iyong talata.

Matapos mong punan ang mga kahon, subuking pagdugtung-dugtungin ang mga ideya mo upang makabuo ng mga pangungusap at makasulat ng isang talata.

Paksang pangungusap

Ano ang gusto mong sabihin tungkol sa iyong pamilya?

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 20: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

14

Gawin MoA. Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pangungusap

batay sa napakinggang tula na may pamagat na “Halaga ng Pamilya”. Isulat ang letrang T kung tama at M kung mali.

1. Pundasyon ng lipunan ang ating pamilya.2. Ang bawat isang kasapi ng pamilya ay may tungkuling ginagampanan.3. Ang pagkakaniya-kaniya ay makatutulong sa pag-abot ng tagumpay ng bawat isa4. Nagiging suwail tayo dahil na rin sa pag-aalaga ng ating mga magulang.5. Matatag na ugnayan ng pamilya ang kailangan upang makamit ang tagumpay ng bawat kasapi nito.

B. Sino-sino at ano-ano ang dapat mong bigyan ng pagpapahalaga? Isulat ang ngalan ng mga ito ayon sa hinihingi ng talahanayan. Gawin ito sa sariling sagutang papel.

Pambalana Pantangi

Isaisip Mo

A. Gumawa ng ganitong coupon ticket sa iyong kuwaderno. Isulat sa loob nito kung gaano kahalaga sa iyo ang pamilya.

Halaga

ng Pamilya

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 21: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

15

B. Lagyan ng marka ang iyong kakayahan sa pakikinig at sa pagsasagawa ng mga natapos na gawain sa araling ito. Gawin ang Iskala ng Kakayahang ito sa isang malinis na papel. Lagyan ng iyong pangalan at ihanda upang ipakita sa iyong mga kaklase.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

C. Ano-ano ang natutuhan mo sa aralin? Isulat ang mga ito sa iyong kuwaderno gamit ang organizer na nasa ibaba.

Tingnan Mo Ako!

Matapos ang aralin, naramdaman ko na …

Kaya…

Natutuhan ko na…

Kaya… Dahil dito

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 22: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

16

Isapuso MoA. Gumupit ng isang papel na hugis-puso. Sa loob nito, isulat

ang ngalan ng isang kapamilya na gusto mong pasalamatan. Kulayan ito. Ibigay sa taong isinulat mo.

B. Ibigay ang hinihinging impormasyon.

Isulat Mo Sumulat ng isang tugma tungkol sa kahalagahan ng pamilya.

Pamagat : ______________May-Akda : ______________Habang binabasa ang tulang “Pamilyang Pilipino,” naisip ko na ______________Marka : ______________Dahilan : ______________

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 23: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

17

Tuklasin Mo A. May balitang babasahin ang iyong guro. Upang lubos mo

itong maunawaan, pag-usapan muna natin ang kahulugan ng salitang nasa gitna ng bilohaba. Sa bandang itaas nito, gumuhit ng mga larawan na kaugnay ng salitang nililinang.Sa bandang ibaba naman ay ang mga larawan na kasalungatng nililinang. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Ngayong alam mo na ang kahulugan ng mga salitang huwarang pamilya, handang-handa ka na sa pakikinig ng balitang babasahin ng guro.

huwarang pamilya

Oo

Hindi

Paano mo maipakikita ang pagiging magalang sa bawat kasapi ng iyong pamilya? Kailan ginagamit ang panghalip? Ano-ano ang panghalip na ginamit sa araling ito?

Paano isinusulat ang isang balita?

3 Halaga ng Paggalang sa Loob ng Tahanan

ARALIN

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 24: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

18

B. Maibibigay ang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagtukoy ng salitang kasingkahulugan o kasalungat nito. Gawin natin ito sa sumusunod na mga salitang nagmumula sa babasahing teksto. Isulat ang sagot sa sariling kuwaderno.

Salita Kasingkahulugan Kasalungatalintuntuninbenepisyaryo maitaguyodnagdarahop

Tandaan ang kahulugan ng mga salitang binigyangkahulugan habang binabasa ang susunod na teksto.

Basahin Mo Bukod sa pamilya ni Manuelito, sino pa kaya ang nagawaran

ng pagkilala bilang huwarang pamilya? Alamin natin sa pamamagitan ng pagbasa ng isa pang balitang ito.

Pamilya Cuevas ng Navotas Pinarangalan bilang Huwarang Pamilya ng 4Ps

ni Lucy F. Broño

LUNSOD NG QUEZON, Set. 23 (PIA) -- Pinarangalan ang pamilya Cuevas ng Barangay San Roque, Lungsod ng Navotas sa isinagawang selebrasyon ng Family Week kahapon sa SM Mall of Asia.

Sa 12 nominadong pamilya mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR), ang pamilya ni Herminio at Norma Cuevas ang tinanghal na Huwarang Pamilya ng Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps).

Nahirang na Huwarang Pamilya ang pamilyang Cuevas dahil sa pagiging mabuting magulang, sa magandang pagsunod sa mga alituntunin ng programa, sa magandang serbisyo sa komunidad, at sa magandang pagpapalaki ng mga anak.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 25: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

19

Ang pamilya ay naging benipisyaryo ng programa mula noong Disyembre 2008 at tumatanggap ng cash grant na nagkakahalaga ng Php1,100 para sa mga pangangailangan sa edukasyon at kalusugan.

Sinabi ni DSWD Regional Director Alicia Bonoan na napiling Huwaran ang pamilya Cuevas dahil kahit kakarampot ang kita ng mag-asawa, naibuhos nila ang kanilang kakayanan at abilidad upang masuportahan ang pamilya kasabay ng pagiging aktibo sa mga gawaing komunidad at pagtupad ng mga alituntuninng programa.

Samantala, sinabi ni Abubakar Sansaluna ng National Commission for Muslim Filipinos na isa sa board of judges ng Huwarang Pamilya, na isang “epitome of a model family” ang Cuevas sapagkat kahit lubha silang naghihirap, naitanim nila ang kahalagahan ng edukasyon sa kanilang mga anak.”

Ang pagtatakda ng Huwarang Pamilya mula sa mga benipisyaryo ng 4Ps ay isang paraan upang maitaguyod ang programa, ang pagkakaisa ng pamilya na malampasan ang mga unos sa buhay, at maging ehemplo sa iba pang mga benipisyaryo.

Sa welcome speech ni Pasay City Mayor Antonino Calixto hinimok niya ang mga benipisyaryo na maging inspirasyon sa ibang pamilya sa kabila ng maraming pagsubok at ilagay ang Maykapal sa gitna ng kanilang buhay.

Ang buong araw na selebrasyon ay isinagawa ng RegionalInter-Agency Committee on Filipino Family ng National Capital Region (RIAC-Filipino Family ng NCR) na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga non-government organizations (NGOs) upang maitaguyod ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat pamilya at ang kontribusyon ng programang 4Ps sa pag-angat sa buhay ng mga lubhang nagdarahop.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 26: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

20

Pagyamanin NatinGawin Ninyo

A. Pag-aralan ang mapa na ito. Subuking magbigay ng mga panuto gamit ang mga pangunahing direksiyon. Halimbawa:

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 27: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

21

B. Ito naman ang gamitin mo sa pagbibigay ng mga panuto gamit ang mga pangunahing direksyon.

C. Matapos nating talakayin kung paano makasulat ng isang balita, kaya mo na ngayong makasulat ng sariling balita. Gamitin ang mga impormasyon na nasa talaan upang makasulat sa iyong kuwaderno.

Huwarang Pamilyang Pilipino Manuelito Villanueva - ama ng 5 anak - isang mangingisda Asawa ni Manuelito - boluntaryong guro sa Tulay ng

Kabataan Foundation Nakatira sa Barangay Tanza, Lungsod ng Navotas

Benepisyo ng Pamilya: Php1,400.00 kada buwan para sa edukasyon at kabuhayan ng pamilyaAraw ng Pagpaparangal:

Oktubre 1, kasalukuyang taonNavotas City Hall Ground

Sigurado ka na ba sa isinulat mo? Hintayin ang hudyat ng guro upang maibahagi mo ito sa klase. May mga panghalip panao ka bang ginamit? Ano-ano ito?

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 28: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

22

D. Ang mga larawan ay nagpapakita ng pangyayari sa binasang balita. Gamitin ang mga ito upang maisalaysay muli ang binasang balita gamit ang sariling mga salita.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 29: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

23

E. Buuin mo ang usapang ito sa pamamagitan ng pagpuno ng wastong panghalip panao sa bawat patlang.Kumuha ng kapareha at basahin nang malakas ang usapan.

Bing : Magandang umaga sa1______ Denice.Denice : Magandang umaga rin 2______ Bing. Bing : Nakapunta ka na ba sa Encantadia? Denice : Hindi pa. 3______, nakapunta ka na ba?Bing : Oo, nakapunta na4______.

Kasama ko ang aking mga magulang, sina Kuya Henry at Nene. 5______ pa nga ang nagyaya sa akin pagpunta roon.

Bing : Kasama rin ba ang lola at lolo mo? Denice : Hindi 6______ nakasama dahil nagbakasyon

sila sa Quezon. Bing : Naku sayang naman. Kailan ulit 7 ______

pupunta roon?Denice : Hindi ko alam eh. Sasabihan kita agad kapag

pupunta ulit 8______.Bing : Sana makasama ako sa pagpunta 9______ .Denice : O, sige. Sasabihin ko kina Mama at Papa.

Natitiyak kong papayag at matutuwa10 ______.

Gawin Mo

A. Basahin kung paano ka magiging gintong hiyas ng iyong magulang. Matapos mo itong basahin, ibigay ang hinihiling ng talaan.

Ang Gintong Hiyas ng Magulang

Isang araw, ang magkapitbahay na sina Cita at Luisa ay nag-uusap tungkol sa pinakamahalagang bagay sa kanilang buhay. Para kay Cita, ang kaniyang kabuhayan, ginto, at alahas ang pinakamahalaga. Para naman kay Luisa, ang kaniyang tatlong anak ang natatangi niyang hiyas.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 30: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

24

Tulad ni Aling Luisa, kahit sino pang magulang ay tiyak na sasabihing ang kanilang anak ang natatangi nilang hiyas at pag-asa sa kinabukasan.

Bilang anak, paano mo masusuklian ang pagmamahal sa iyo ng iyong mga magulang? Hindi sapat na batiin at bigyan sila ng regalo tuwing sasapit ang Araw ng mga Ina o Ama. Kailangang ang anak ay maging masunurin sa mga magulang at magtapos sa pag-aaral upang magkaroon ng matatag na hanapbuhay. Kung ito ay maisasagawa ng mga anak, ano kayang damdamin ang mangingibabaw sa kanilang tahanan?

Ang pagmamahal sa magulang ay isang bagay na madalas nating ipagwalang-bahala. Kabaligtaran naman ang ginagawa ng ating mga magulang na walang sawang nagmamahal sa atin. Kung ginagabi tayo sa pag-uwi, di ba’t sila ang kauna-unahang sumasalubong sa atin? Kung tayo ma’y napagagalitan, ito’y bunga na rin ng pagmamahal nila sa atin. Ano kaya ang mangyayari kung sakaling tayo’y pabayaan ng ating magulang sa bawat maibigan natin?

Kaya’t habang sila’y ating kapiling pa, mahalin natin at igalang ang ating mga magulang. Wala silang maaaring kapalit pa sa daigdig na ito.

Hinango sa Filipino 4, Sagisag ngLahi, pp. 48 – 49 Angelita A. Sta. AnaAbiva Publishing House, Inc.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 31: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

25

Ngayon, kompletuhin ang talaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng hinihingi nito mula sa tekstong binasa. Gawin ito sa kuwaderno.

Panghalip Kailanan Panauhan Kaukulan

Isaisip Mo

A. Punan ang Bintana ng Pag-unawa. Sa loob ng bawat kahon, gumuhit ng isang bagay na magpapaalala sa iyo kung ano ang hinihingi ng bawat bintana.

Bintana ng Pag-unawa

Panghalip Kailanan

Panauhan Kaukulan

B. Kompletuhin ito sa iyong kuwaderno. Nais kong maging mahusay na tagapagbalita, kaya dapat tandaan ko ang sumusunod:1. _________________________________2. _________________________________3. _________________________________4. _________________________________5. _________________________________

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 32: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

26

C. Basahin ang mga pangungusap. Sipiin sa iyong kuwaderno ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng balita.

1. Isulat ang buod ng balitang isusulat. 2. Itala ang mga pangyayari. 3. Ilagay sa hulihang talata ang pinakatampok ng balita. 4. Isulat ang balita ayon sa tunay na pagkakasunod-sunod

ng mga pangyayari nito. 5. Magbigay ng opinyon tungkol sa isinusulat. 6. Isulat ang buong pangalan ng tao sa unang pagkakataon. 7. Ilahad ang mga pangyayari nang walang kinikilingan. 8. Maging tumpak. 9. Banggitin ang pinagmulan ng impormasyon.

Isapuso MoA. Tukuyin kung gaano mo kadalas ginagawa ang sumusunod

na mga pangungusap. Isulat ang 1 kung madalas, 2 kung minsan at 3 kung hindi.

Gaano mo ito kadalas gawin?Sinusunod ko ang utos ng aking magulang.Iginagalang ko ang karapatan ng mga kapamilya ko.Iginagalang ko ang kanilang pagkakaiba-iba.Pinahahalagahan ko ang kakayahan at galing ng amingkapamilyaBumabati ako kapag may dumarating.

Nagpapaalam ako kapag umaalis.Ipinaalam ko kung saan ako pupunta.Nagmamano / humahalik sa pisngi o kamay ng nakatatanda.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 33: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

27

B. Buuin ang pangungusap. Mahalagang maging mulat sa mga nangyayari sa kapaligiran, kaya mula ngayon, pagsusumikapan kong _____________.

C. Ano ang dapat mong gawin upang maging gintong hiyas ng iyong magulang? Iguhit ang sagot mo sa isang malinis na papel.

Isulat Mo Basahin ang mga pangungusap. Iayos ang mga ito upang

makabuo ng isang balita. Pumili lamang ng isa upang isulat sa isang malinis na papel. Bilugan ang mga panghalip na ginamit sa isinulat.

Balita 1

1 Bulkang Pinatubo, Gagawing Pook Panturista2 Ipinanukala ang pagtatayo ng mga cable car pantawid sa

tuktok ng bulkan.3 Sinasabi ni dating Kalihim Mina Gabor ng Kagawaran ng

Turismo na ipatutupad ang Php 1.5 milyong proyekto upang gawing isang pangunahing destinasyon ng mga turista ang Bulkang Pinatubo.

4 Ayon kay dating Kalihim Gabor, magtatayo ang DOT ng mga viewing deck na may teleskopyo sa paligid nito at

gagawa ng tatlong daan patungo sa bulkan upang makaakyat at makapaligo ang mga turista sa bunganga nito.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 34: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

28

Balita 2

1 Mt. Arayat, Maaaring Sumabog?

2 Nasa Pampanga ang Bundok Arayat. Sinasabing maaaring ito’y pumutok.

3 Sinabi ni Kalihim Padolino na malaki ang kapinsalaang idudulot ng pagputok ng Mt. Arayat dahil nakatayo ito sa pagitan ng Pampanga at Nueva Ecija, mga lalawigang umaasa nang malaki sa agrikultura.

4 Ibinilang kamakailan ng Department of Science and Technology (DOST) sa watchlist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Mt. Arayat sa Pampanga upang maiwasan ang malaking sakuna sakaling biglaan itong pumutok.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 35: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

29

Sumasang-ayon ka ba na ang paaralan ang pangalawang tahanan? Ano ang mga panghalip na ginamit sa mga teksto? Paano ito ginamit? Paano gumawa ng isang balangkas?

4 Paaralan Bilang Pangalawang Tahanan

ARALIN

Tuklasin Mo

A. Kilala mo ba ang nasa larawan? Siya ay si Tomas Cabili. Ano-ano ang alam mo tungkol sa kaniya? Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.

Huwag kang matakot kung wala o kaunti lamang ang nalalaman mo tungkol sa kaniya. Sa babasahin sa iyo ng guro mas makikilala mo pa ang Pilipinong ito.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 36: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

30

B. Pahapyaw na basahin ang tekstong nasa susunod na pahina. Ano-ano ang salitang hindi mo nauunawaan?Pakikuha ang iyong diksiyonaryo at pakigawa ang Dictionary Dig upang matukoy ang kahulugan nito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Salita : ______________

Uri ng salita Pormal na kahulugan

Kasingkahulugan Kasalungat

Larawan nito Gamitin sa pangungusap

Maliwanag na ba ang mga salitang nakalista? Kung oo, basahin na ang teksto.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 37: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

31

Basahin Mo Ano ang nangyari sa klase ng Edukasyong Pantahanan at

Pangkabuhayan?

Magtanim Upang Mabuhay

Oras ng asignaturang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ng mga mag-aaral sa ikaapat na baitang. Nasa loob sila ng silid-aralan. Ganito ang sinabi ng guro. “Mga mag-aaral, kayo ay tuturuan kong maghanda ng tamang taniman ng gulay. Tuturuan ko rin kayo ng wastong pagtatanim at pag-aalaga ng mga gulay, halaman, at punongkahoy. Kailangan natin ang magtanim upang mabuhay.”

Dinala ng guro sa halamanan ng paaralan ang mga bata. Dito niya itinuro ang wastong pagbubungkal ng lupa at ang paghahanda ng taniman. Binigyan din niya ng kani-kaniyang lugar na bubung-kalin ang bawat mag-aaral. Maayos na nagsigawa ang mga mag-aaral. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabagsakan ng asarol ang paa ni Efren. Nagdugo ang paa nito. Agad namang dinala nina Dodo at Bino si Efren sa klinika ng paaralan. Ginamot siya ng nars at pinayuhang umuwi at magpahinga.

Hindi nakapasok nang ilang araw si Efren sapagkat namaga ang kaniyang paa. Nang magaling na ang kaniyang sugat ay saka pa lamang siya nakapasok sa paaralan. Ang halamanan ang una niyang tinungo upang makita ito. Anong laking pagkamangha niya nang makitang yari na ang kaniyang plot.

Sanggunian:Filipino 4 Sagisag ng Lahi, Batayang Aklat sa Filipino-PagbasaAngelita L. Sta Ana, pp. 24-25.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 38: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

32

Pagyamanin NatinGawin Ninyo

A. Matapos makagawa ng balangkas tungkol sa binasang teksto, ngayon naman subuking mong gumawa nito batay sa mababasang teksto. Gamiting gabay ang padron sa susunod na pahina.

Hindi Sagabal

Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga nagsipagtapos at kanilang mga magulang nang umakyat si Maryann sa entablado upang tanggapin ang kaniyang diploma at medalya.

Nagtapos bilang cum laude si Maryann Rosuman sa Pamantasan ng Northern Philippines. Pinalakpakan siya hindi lamang dahil sa kaniyang katalinuhan kundi dahil sa kakaiba siya sa lahat.

Tatlong talampakan at limang daling lamang si Maryann. Isinil-ang siyang walang mga paa, 20 taon na ang nakalilipas. Katutu-bo siya ng Barangay Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur. Nagta-pos siya sa kursong accounting. Hindi naging balakid ang kapansanan niya sa kaniyang pag-aaral. Naging valedictorian siya noon sa elementarya at sekundarya. Kahit hirap sa pagtindig at pagpunta sa klase, napagaan yaon ng pagiging matulungin ng kaniyang mga kamag-aaral.

Hango sa: Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 4, St. Mary’s Publication.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 39: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

33

Pamagat: ____________________

I. ________________________

a. ______________________

b. ______________________

c. ______________________

II. ________________________

a. ______________________

b. ______________________

c. ______________________

Gawin Mo

A. Basahin ito at gumawa ng sariling balangkas na walang huwaran. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Franz Liszt

Itinuturing na “Pinakadakilang Piyanista sa Lahat ng Panahon” si Franz Liszt. Ipinanganak siya noong Oktubre 22, 1811 sa Lungsod ng Raiding, Hungary. Isa siyang huwarang anak at mabuting bata.

Nahilig na si Franz sa musika sa gulang na lima. Tinuturuan siya ng kaniyang tatay na si Adam Liszt sa pagtugtog ng piyano.

Nang sumapit na si Franz sa gulang na walo, nagsimula na siya gumawa ng mga komposisyon na may kinalaman sa simbahan. Nang makita at marinig ito ng mga taong-simbahan, binigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng isang konsiyerto.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 40: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

34

Maraming tao ang dumalo sa araw ng kaniyang palabas. Ibinuhos lahat ni Franz ang galing niya sa pagtugtog ng piyano gamit ang kaniyang mga komposisyon. Ang madla ay humanga,naiyak, at nagalak sa namalas nilang kahusayan ni Franz.

Simula noon, marami ang nag-alok sa kaniya na magtanghal. Nakarating siya sa iba’t ibang panig ng mundo.Namalas ng karamihan ang kaniyang angking talento. Nahirang siya bilang isa sa mga pinakadakilang piyanista at kompositor. Pumanaw siya noong Hulyo 31, 1886.

Hango sa:Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 4, St. Mary’s Publication.

B. Naririto ang usapan ng makakaibigan. Punan ang mga patlang ng wastong panghalip na pamatlig. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Christian : Halina kayo 1______. Tingnan natin ang mga larawan na nakapaskil sa bulletin board.

Carlo : Tungkol saan ang mga larawang 2______. Christian : Mga larawan 3____ ng nakaraang

pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon.Henry : Sino-sino ba ang nasa larawan? Joan : Mga mag-aaral na lumahok sa paligsahan.

Ang gagaling naman nila. Sunshine : Tama ka Joan. Tingnan mo 4____ isang

larawan. Siya ay mag-aaral mula sa ikaanimna baitang. Siya ay si Jobert. Ang husay niyang umawit.

Gelord : 5_____ din sa pagdiriwang ang piling mga magulang. Tingnan ninyo sila. Ang sasaya nila di ba?

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 41: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

35

Christian : Pagmasdan ninyo ang larawang 6_____. Makikita ninyo sa entablado ang mgahurado. 7________ din ang punong-guro.

Sunshine : 8_________ sa bandang likuran ng punong-guro ang ilang mga guro. Ang sasaya rin nila.

Henry : 9______ talaga ang pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon sa ating paaralan.

Carlo : Sana sa susunod na taon makasali na tayo sa mga paligsahan.

Sunshine : Sana nga.Henry : Tayo na at hinihintay na tayo ng ating guro

na kanina pa naghihintay 10 _______ sa silid-aklatan.

Isaisip Mo

A. Ano-ano ang dapat tandaan sa paggawa ng isang balangkas? Isulat ang sagot sa organizer na ito.

Pagsulat ng Balangkas

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 42: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

36

B. Ang panghalip na pamatlig ay ___________. Ito ay may tatlong panauhan na: a. ________ na ginagamit kung _________, b. ________ na ginagamit kung ________, at c. ________ na ginagamit kung ________.

Isapuso Mo

A. Kompletuhin ang komitment na ito.

Ang paaralan ang aking pangalawang tahanan kaya mula ngayon __________________.

B. Sampung taon mula ngayon, ano ang puwede mong iregalo sa iyong paaralan? Iguhit ang sagot mo rito. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Isulat Mo Kompletuhin ang pangungusap sa iyong Reader’s Response Journal. Nakikita ko ang aking sarili kay ____________ dahil

____________.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 43: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

37

Tuklasin Mo Nakakita ka na ba ng hipon? Biya? Ang mga ito ang bida sa kuwentong babasahin ngayon ng iyong guro. Subukin nating bigyang katangian ang mga ito dahil sa kuwento hindi sila kinakain.Gamitin natin ang mga larawang ito.

Ngayon, humanda na upang mas malaman kung paano naging mabuting magkaibigan sina Hipon at Biya.

Paano ka magkakaroon ng maraming kaibigan? Paano mo pinangangalagaan ang pagsasamahan ninyo? Ano ang panghalip pananong? Ano-ano ang bahagi ng kuwento?

5 Mabuting Pagkakaibigan

ARALIN

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 44: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

38

Basahin MoNakakita ka na ba ng batang inatake ng hika? Paano nito

napagbago ang ating bida sa kuwento?

Parami nang Paramini Ma. Hazel J. Derla

Malungkuting mag-aaral si Lorena. Lagi lamang siyangnakaupo sa lilim ng isang punong mangga sa kanilang paaralan. Sapat na sa kaniya ang manood sa mga batang masayang naglalaro sa malawak na palaruan.

Isang araw, sa kaniyang panonood, isang mag-aaral ang napaupo sa tabi niya. Habol nito ang paghinga at bigla na lamangtumulo ang luha. Sa takot ni Lorena, nasabi niya sa mag-aaral,“Ano’ng nangyari sa iyo? May masakit ba sa iyo?”

Inaatake pala ng hika ang mag-aaral na katabi niya. Tumayo si Lorena at nagtatakbo palayo sa mag-aaral.

Pagbalik ni Lorena, kasama na niya ang kanilang nars. Mula noon, naging matalik na silang magkaibigan.

Masayahing mag-aaral na si Lorena. Lagi na siyang may kausap. Lagi na siyang may kalaro, hindi lamang isa kundi parami pa nang parami ang kaniyang nagiging kaibigan.

Naging katulad kaya sila ng magkaibigang Hipon at Biya sa una nating kuwento?

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 45: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

39

Pagyamanin NatinGawin Ninyo

A. Matapos mapakinggan ang kuwentong binasa ng guro, ibigay ang hinihinging bahagi ng kuwento sa talaan.

Pamagat:

Simula

Gitna

Kasukdulan

B. Natatandaan mo ba ang kuwento nina Hipon at Biya? Iguhit sa bawat kahon ang nagiging damdamin nila sa kuwento. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Damdamin ni HiponSimula Gitna Huli

Damdamin ni BiyaSimula Gitna Huli

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 46: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

40

C. Gamitin pa ang dalawang kuwento sa araling ito, kompletuhin ang tsart sa ibaba. Sa ikalawang hanay, isulat ang pangyayaring hinihingi ng unang hanay. Sa ikatlong hanay naman, isulat ang isang tanong tungkol sa binanggit na pangyayari. Bilugan ang panghalip na pananong na ginamit. Gawin ito sa kuwaderno.

Bahagi Pangyayari Tanong tungkol sa pangyayari

Una

Kasukdulan

Katapusan

D. Natapos mo na ba ang iyong sulatin? Gamitin ang rubrics na ito upang maisaayos muli ang sulatin bago mo ipasa sa iyong guro.

Naibigay nang buong linaw ang hangarin sa pagsulat 5 pt Nagamit nang tama ang mga salita 3 pt Nagamit nang wasto ang mga bantas 4 pt May kalinisan at kaayusan sa pagkakasulat 3 pt

Kabuuan 15 pt

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 47: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

41

E. Ano-ano ang pangyayari sa kuwento ng magkaibigang Hipon at Biya? Isalaysay muli ito. Gamitin ang rubrics na ito upang maging gabay.

Pamantayan PuntosPangyayari Nagsimula sa panimulang gawain

oras at lugar na pinangyarihan 11

Tauhan Pangalan at pangunahing ginampananPagkilala sa iba pang mga tauhan

11

Suliranin Nalalaman ang pangunahing suliranin 1Aksyon Nababalikan ang mga pangyayari

sa kuwento 1

Bunga/Kinalabasan

Pagkilala paano nalutas ang suliraninNaibibigay ang katapusan ng kuwento

11

Pagkasunod-sunod

Naisalaysay nang tamawalang maipakita na tamaang pagkasunod-sunod

2

Kabuuan ______________

Gawin Mo

A. Matapos mong mapakinggang ang kuwentong binasa ng iyong guro, sagutin ang sumusunod na mga tanong sa iyong Reader’s Response Journal.

1. Sino ang sumulat ng kuwentong napakinggan? Nabasa?

2. Ano ang suliranin sa kuwento?

3. Pumili ng isang pangunahing tauhan sa kuwento, ilista ang tatlong katangian niya.

4. Anong bahagi ang pinakagusto mo sa kuwentong napakinggan? Nabasa?

5. Ano ang markang ibibigay mo sa kuwentong ito?

6. Iguhit at kulayan ang bilang ng bituin na ibibigay mo.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 48: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

42

B. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga tanong sa isip mo bago, habang at pagkatapos mapakinggan ang kuwento nina Hipon at Biya. Bilugan ang mga panghalip pananong na ginamit.

C. Sumulat ng limang salita mula sa napakinggang kuwento nina Hipon at Biya. Sa tapat nito, isulat ang kasalungat na kahulugan nito. Gawin ito sa iyong Pasaporte ng mga Salita.

D. Natatandaan mo ba ang pyramid ng kuwento na ginamit natin sa talakayan sa klase, gamitin ito upang makasulat ng isang maikling kuwento tungkol sa iyo at sa iyong kaibigan. Paano mo ihahalintulad ang kuwento ninyo sa kuwento nina Lorena? Subuking gamitin ang mga salitang inilista sa naunang gawain.

Isaisip MoPunan ang tsart na ito.

Ano ang panghalip

pananong?

Ano-ano ang halimbawa nito?

Kailan ito ginagamit?

Isapuso MoGumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagpapahalaga

sa isang kaibigan.

Isulat Mo Sumulat ng isang liham para sa may-akda ng kuwento nina

Hipon at Biya. Sabihin ang lahat ng natutuhan mo mula sa kuwentong kaniyang isinulat.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 49: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

43

Subukin nating balikan ang mga salitang napakinggan at nabasa mo sa yunit na ito. Basahin ang bawat isa at alalahanin ang kahulugan nito. Kung mayroon kang hindi maunawaan, gamitin ang mga estratehiya na natutuhan mo upang matukoy ang kahulugan ng mga ito.

sa wala tanongng ay tayona bawat waloang iyo amaat lahat anumankaniya lamang bagaymga naman baitangsiya natin bibilhinbata paa biglasi paaralan bigyanpamilya tindero dahilisa ano dinni bayan dinalaJose iba gabaymagulang kung binigyanaraw marami buhayanak naging gamitay parami gintokanila tugon gulangnang agad gulayniya barangay guropo bilang habanghindi dala halamananmay hiyas hiraparal kasama huwaranatin kay ibinigayito kaya ikaapatlagi kayo ilannanay ko ipinagdiwang

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 50: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

44

noon makita kahitpagdiriwang natatangi kailanganpagmamahal nila komposisyonpara paggalang limasila panahon mabuhayupang sinabi magandamagkaroon wasto gaholmagtanim atubili binigaymantika ayos bubungkalinmatatag ako bumubuhaymiyembro alaga bungamo alahas bungadnagtapos alin galingnakapasok alok ganitonamalas angkin gawinnars asarol gayundinnito asignatura ginagabipinakadakila aso ginamotpinakamahalaga bahagi ginhawapiyanista bahala gumawapiyano balakid gymnasiumpumunta bansa habolpuno batiin hadlangrin bayad halagasalamat bayubay halamanpagkakataon daigdig haligipagtugtog dakila hamonpaminta dalawampu hanapbuhaypangangailangan dali hikaPilipino damdamin hinahanapsapat dinaluhan hingasimbahan diploma hulyosuka Disyembre humangatanghali dito humigit

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 51: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

45

taniman dumalo igalangtatlo dumating ilalimtindahan edukasyon inataketoyo elementary iniabottunay emeritus ipinabilituturuan entablado ipinanganakisinilang kurso maibiganitinuro laki maisasagawaitinuturing lang makabagokaalaman layunin makatugonkabaligtaran libo malawakkabuhayan ligaya malungkutinkahusayan limampu manggakakaiba lingkod mangingibabawkakailanganin loob mangyayarikaklase lugar manokkalaro luha manoodkamalayan lulutuin mapagkandilikama lungkot marinigkapaligiran lungsod masakitkapalit lupa masayahinkapansanan maaari masayakarangalan maaasahan masigabokasama maayos masiglakatalinuhan mabuti masipagkatawan madalas masunurinkatutubo madla masukliankausap magalang matalikkilalanin magaling matulunginkinabukasan maghanda mayorkinalaman maging mayroonklase magkaagapay medalyaklinika magkaibigan mulakompositor magkano mulat

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 52: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

46

konsehal magkapitbahay mundokonsiyerto magkasama musikakuha magpahinga nabagsakankumulang magtanghal nagalakkundi mahalin nagbubuklodnagbuhat napagaan pinakamalapitnagdugo napaupo pinalakpakannaging nasabi pinangunahannagkakaisa natatangi pinarangalannaglalaro natin pinayuhannagmamahal ng pisonagpamalas ngiti piyanistanagsagawa ni piyanonagsigawa nila puhunannagsimula nina pumanawnagsipagtapos nito pumasoknagtapos niya pumuntanagtatakbo noon punonahilig obispo punongkahoynahirang Oktubre regalonais oo rinnaiyak opo sanakaagapay oras sabaynakaalalay paa sabiknakalipas paano sagabalnakangiti paaralan sagotnakapasok pabayaan sakanagtatakbo pagbalik sakalinahilig pagbubungkal salamatnahirang pagbuo sampunakaupo pagdiriwang sandatanamaga paggalang sapagkatnamalas paghahanda pagkakataonnaman pagiging pagkamangha

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 53: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

47

nanay pinabibili pagkilalanang pinagkalooban paglingkurannangangailangan pinakadakila pagmamahalnangyari pinakamahalaga pagmamahalanpagmamalasakit sasapit lugarpagpapahalaga sawa luhapagsisikap school lulutuinpagtatanim sekundarya lungkotpagtindig si lungsodpagtugtog sige lupapala sila maaaripalabas silang magkaibiganpalad silid magkanopalakpakan simbahan magkapitbahaypalaruan simula magkasamapalayo sinabi magpahingapamantasan sinadya magtanghalpambihira sino mahalinpamilya siya maibiganpaminta sugat maisagawapanahon suka makabagopanauhin sumapit makatugonpangangailangan sumasalubong malawakpangkabuhayan tabi malungkutinpanonood tagpi manggapantahanan tahanan mangingibabawpapel takot mangyayaripara talaga masusuklianparami talampakan matalikpari talento matulunginpaslit layunin Mayorpasukan libo mayroonpatibayin ligaya nagbuhatpayo limampu nagdugo

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 54: Yaman ng Lahi DEPED COPY - lrmds.depedldn.com

DEPED COPY

48

sasabihin nina naismanok oras napaiyakmanood lingkod nakaagapaymapagkandili loob sasabihinmarinig Lucena sasapatmasakit nagsipagtapos sawamasayahin maaasahan tanggapinmasaya maayos taomasigabo mabuti tinungomasigla madalas tinuruanmasisipag madla tiyagamasunurin magalang tiyaknakaalalay magaling tuladnakalipas maghanda tumayonakangiti maging tumulonamaga magpapogi tumutulongnangangailangan plot tungkolnangyari puhunan tuwinanapagaan pumanaw umakyatnapagalitan pumasok umintindinapaupo punongkahoy umuwinasa regalo unahannasabi paglingkuran yaringa pagmamahalngiti pagmamalasakitngunit pagpapahalaga