38
Pangkat Isa Mondragon, Lorelie V. Miranda, Janinne Quiatchon, Hanzel Daug, Lady Ann Zaraspe, Mairene Olimpiada, Adrian Landicho, Janel Natanauan, Andres

komika pakikinig

Embed Size (px)

DESCRIPTION

PAKIKINIG FOR REPORT ON MONDAY

Citation preview

Page 1: komika pakikinig

Pangkat IsaMondragon, Lorelie V.

Miranda, Janinne

Quiatchon, Hanzel

Daug, Lady Ann

Zaraspe, Mairene

Olimpiada, Adrian

Landicho, Janel

Natanauan, Andres

Page 2: komika pakikinig

PAKIKINIG

� ang paraan ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng ating pandinig. Ang kakayahang matukoy at maunawaan ang sinasabi ng ating kausap. Ito ay nagtataglay ng pag-unawa sa diin at bigkas ng nagsasalita, ang kanyang balarila at talasalitaan, kasama ang pagbibigay-kahulugan niya sa mga ito.

� Mayroong itong kumbinasyon ng tatlong bagay: tinanaggap na tunog, nauunawaan, natatandaan.

Page 3: komika pakikinig

Kahulugan ng PAKIKINIG 

Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip.  Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.

Page 4: komika pakikinig

Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe.  Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas  at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa.  At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli.  Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.

Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas  at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa.  At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli.  Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.

 

Page 5: komika pakikinig

Kahalagahan

Isa sa mahalagang sangkap ng ating katawan ay ang ating dalawang tainga. ito ay sadyang nilikha ng maykapal upang mapakinggan natin ang iba't ibang tunog, mga mensahe sa pamamagitan ng mga salita na binibigkas ng ating dila.

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita.

Page 6: komika pakikinig

Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.  Mas gusto pa  ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila.

 45% ay nagagamit  sa pakikinig  30% ay sa pagsasalita  16% ay  sa pagbabasa    9% naman sa pagsulat    Anuman ang mga tanong na ipasasagot sa atin ay tiyakang matutugon natin kung maayos, malinaw at wasto ang ginagawa nating pakikinig. Magiging malawak ang kaalaman natin dahil sa pakikinig.

Page 7: komika pakikinig

Kahalagahan ng Pakikinig 

Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.

Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.

Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.

Page 8: komika pakikinig

Nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng tao ang pakikinig.

Ang pakikinig sa sinasabi ng kausap ay maaaring makatulong upang maunawaan ang damdamin, kaisipan at maunawaan ang kanyang kinikilos, gawi at paniniwala. lumilikha rin ito ng pagkakaisa sa anumang uri ng grupo sa loob ng isang pamilya, pamayanan, paaralan o pamamalakad man ng isang uri ng pamahalaan.

Ang hindi pakikinig ng isang miyembro sa sinasabi ng kanyang pinuno ay maaring magdulot ng di pagkakaunawaan at pag-aalitan.

Page 9: komika pakikinig

1. TAAL NA TUNOG AT IMAHEN Ito ang unang pagproseso ng mga tunog mula sa ispiker na

magaganap nang mabilisan kasama ang mga imahe. Ang mga imahe ay tumutukoy sa mga parirala, sugnay, pananda, intonasyon at diin at tuldik sa kadaluyan ng tunog.

2. INTERPRETASYON SA MENSAHE

3. LAYUNIN NG ISPIKER

Sa prosesong ito ay inuunawa ng tagapakinig ang layunin ng ispiker kung ano ang tipo ng tunog ang nagaganap, ang kahulugan at ang nilalaman

4. BAKGRAWN NG INFORMASYON

Dito nag-iisip ang tagapakinig o kung paano niya inuunawa ang kahulugan ng paksa.

8 PROSESO NG PAKIKINIG nina Clark at Richards:

Page 10: komika pakikinig

5. LITERAL NA KAHULUGAN

Sa prosesong ito ay ang pagbibigay ng tagapakinig ng karaniwas o tunay na kahulugan.

6. METAPORIKAL NA KAHULUGAN

Ang susi sa pakikipagkomunikasyon ng tao ay ang kakayahang umunawa sa inaakala at tunay na kahulugan ng mensahe.

7. RETENSYON SA MENSAHE

Dito pinoproseso ng tagapakinig kung anong mensahe ang dapat pananatilihin o dapat kalimutin.

8. PAGBURA SA NATANGGAP NA MENSAHE.

Page 11: komika pakikinig

Uri Ng Pakikinig:1. Pasiv o marjinal na pakikinig (PASIBO)

pakikinig habang may ginagawang ibang bagay

Hal. Pakikinig sa radyo habang nakikipag-usap, nag-aaral o gumagawa ng ibang bagay at hindi nakatuon ang pansin sa naririnig.

2. Atentiv na pakikinig

pakikinig na ang layunin ay ang kawastuhan ng pagkaunawa sa teksto. Hal. kung ibig mapakinggan ang mga detalye o paksang-diwa ng isang teksto.

Page 12: komika pakikinig

3. Pakikinig na analitical

ginagawa kapag ang layunin ay ang pagtataya kung sapat, valid, mahalaga, o karapat-dapat ang teksto. Sa ganitong uri ng pakikinig tinataya ng indibidwal ang narinig batay sa sariling karanasan o sa dati na niyang kaalaman.

4. Pakikinig na apreciativ

ginagawa ng isang tao kapag siya ay nakikinig sa isang kwento, pangyayari, at musika para sa sariling kasiyahan.

Page 13: komika pakikinig

5. Deskriminatibo 

   Layunin:matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon.

binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas  ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang nagsasalita.

Page 14: komika pakikinig

6. Komprehensibo 

   Kahalagahan:Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.

Maintindihan ang nilalaman  at kahulugan ng kanyang pinakikinggan.

Page 15: komika pakikinig

Paglilibang

 Layunin:upang malibang o aliwin ang sarili

ginagawa para sa sariling kasiyahan

Paggamot

Kahalagahan:

matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita

Page 16: komika pakikinig

7. Kritikal 

 Layunin:gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.

Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig

Malinawan ang tagapakinig sa puntong  nais niyang maintindihan

Page 17: komika pakikinig

Mga Salik na Nakakaimpluwensya Sa

Pakikinig Edad o gulang

 Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa.

Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang mahabang  pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanila katandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at  ang kahinaan na ng kanilang pandinig

Page 18: komika pakikinig

Oras   Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig.

Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan.

May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig. 

Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.

Page 19: komika pakikinig

Kasarian     Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae

Ang mga lalaking  tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag  na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan.  At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes.

Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag. 

   Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip

Page 20: komika pakikinig

Tsanel 

Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp. 

Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.

Page 21: komika pakikinig

Kultura Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig.

Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin nating mga kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura.

Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam  pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na  itong magsalita.

Page 22: komika pakikinig

Konsepto sa sarili

Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.

Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan.

Page 23: komika pakikinig

Lugar

Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam.

Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.

Page 24: komika pakikinig

Mga Kasanayan Sa Pakikinig:

Pakikinig para sa kagandahan, kaaliwan at gamit ng musika

Pakikinig para sa pagtukoy ng pamaksang diwa, aral at pagpapahalaga na napapaloob sa isang pahayag o kwentong napakinggan

Pakikinig para makasunod sa tagubilin at panuto kaugnay sa sadyang gawain

Pakikinig para sa paghinuha ng natatanging impormasyon

Page 25: komika pakikinig

Pakikinig upang matukoy ang pagkakaiba

Pakikinig upang mahinuha ang mga paguugali, at upinyon para sa pahaya o textong napakinggan

Pakikinig upang mailahad ang detalye ng paghahambing sa pakikipagtalo at pagpapahayag

Pakikinig upang makilala ang mahahalagang kaisipan

Pakikinig upang makapagbalangkas ng mga katanungan at matamo ang tamang sagot sa mga tanong

Page 26: komika pakikinig

Mga Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig:

1. Maging handa sa pakikinig

2. Sikaping magkaroon ng kawilihan

3. Bigyang pansin ang pagitan ng pagsasalita at pakikinig

4. Kilalanin ang mahahalagang puntos

5. Iwasan ang maagang pagpuna sa tagapagsalita

6. Iwasan ang maagang pagpuna sa mensahe

7. Sikaping huwag pansinin ang mga bagay na makagagambala sa pakikinig

Page 27: komika pakikinig

URI NG TAGAPAKINIG:

Page 28: komika pakikinig

Eager Beaver

         Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.

Page 29: komika pakikinig

Sleeper

      Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid.  Wala siyang tunay na intensyong makinig.

Page 30: komika pakikinig

Tiger

   Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin  ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang

Page 31: komika pakikinig

Bewildered

   Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig.  Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.

Page 32: komika pakikinig

Frowner

   Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.

Page 33: komika pakikinig

Relaxed

   Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig.  Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.

Page 34: komika pakikinig

Busy Bee

   Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.

Page 35: komika pakikinig

Two-eared Listener

   Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak.  Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig.  Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.

Page 36: komika pakikinig

MGA HADLANG SA PAKIKINIG 

Pagbuo ng maling kaisipan

Pagkiling sa sariling opinion

Pagkakaiba-iba ng pakahulugan

Pisikal na dahilan

Pagkakaiba ng kultura

Suliraning pansarili

Page 37: komika pakikinig

MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG 

Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin

Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya

Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan

Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita

Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig

Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masususri at maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig

Page 38: komika pakikinig

MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG 

Ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayan

Ang mga marurunog lamang daw ang mahuhusay makinig

Hindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig