21
Chuck Hayes AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG ANG PANANAMPALATAYA Serye ng mga aklat tungkol sa pananampalataya

PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

  • Upload
    vudan

  • View
    286

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Chuck Hayes

AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIGANG PANANAMPALATAYA

Serye ng mga aklat tungkol sa pananampalataya

Page 2: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Chuck Hayes

AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIGANG PANANAMPALATAYA

Serye ng mga aklat tungkol sa pananampalataya

Page 3: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa PakikinigKarapatang Magpalathala © 2015 ni Chuck Hayes

Nakareserba ang lahat ng karapatan. Alinmang bahagi ng aklat na ito ay hindi maaaring kopyahin, iimbak sa lalagyan o kaya ay ipamahagi sa anu-mang porma at kaparaanan, kung walang paunang pahintulot na ipinadala sa may-akda.

Inilimbag sa United States of America.

Ang mga talatang ginamit sa aklat na ito ay mula sa Magandang Balita Biblia © 2012 ng Philippine Bible Society, 890 United Nations Avenue, 1000 Manila, Philippines. Ginamit ng may pahintulot.

Ang pabalat at disenyo ay ginawa ng www.ChristianEditingServices.com

Ang kumpletong mga aklat tungkol sa pananampalataya ay matatagpuan sa: www.thattheymayhear.com.

Ang booklet na ito ay naisalin na rin sa ibat-ibang wika, katulad ng:

Romanian (Isinalin ng Societatea Misionara Coresi ng Romania)Tagalog (Isinalin ni Bro. Edgar V. Villaflores ng Pilipinas)Paite (Isinalin ni McGinlianthang ng India)Vaiphei (Isinalin ni McGinlianthang ng India)Zou (Isinalin ni McGinlianthang ng India)

Ang iba pang mga aklat tungkol sa pananampalataya:Ang Pananampalatayang Walang Gawa ay Patay

Ang Pananampalatayang Nagtatagumpay

Page 4: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Ang Ebanghelyo (Mabuting Balita)

Ang Diyos Ama ay ipinakita ang napaka-saganang kayamanan ng Kanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pamamagitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang hanggan ay nagkatawang-tao. Ang Kanyang misyon ay malinaw: inialay Niya ang Kanyang buhay doon sa krus ng Kalbaryo para payapain at alisin ang galit ng Diyos Ama, at bayaran ang mga kasalanan ng Kanyang bayan. Pagkalipas ng tatlong araw, Siya ay muling bumangon mula sa mga patay. Ang pagkabuhay na muli ay totoong nangyari at bahagi na ito ng kasaysayan! Sinumang makarinig ng mensahe ng ebanghelyo, tinaya ang halaga nito, at tumugon sa pamamag-itan ng pagsisi ng kasalanan at pagsampalataya kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ay mayroon ng buhay na walang hanggan. Ito ang mabuting balita ngayon!

Page 5: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Mga Minamahal na Mambabasa:

Bago matapos ang taong 2014, ako ay nagsimulang gumawa ng serye ng mga madaling basahing aklat tungkol sa panampalataya upang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang aklat sa serye na ito, na ang layunin ay hamunin ang mga Cristiano upang mabilis na tumugon ng may kaawaan at ipangaral ang mabuting balita mula sa pintuan ng kanilang mga tahanan hanggang sa dulo ng daigdig. Ang iyong pagtugon sa kopya na hawak mo sa iyong kamay ay malaki ang magiging bahagi sa bunga ng aking mga pagpapagal.

Matapos ko itong sabihin, ay aking napag-isipan ang pan-galawang layunin. Kung iyong marahang babasahin “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ay maaar-ing sabihin mo na ikaw ay isa lang namang pangkaraniwang Cristiano—o di kaya ay Cristiano lamang sa pangalan. Maaaring naniniwala ka sa ilang katotohanan tungkol sa Diyos, sa Biblia, at sa iglesya, ngunit hindi ka kinikilos ng pag-ibig o ng kapangyar-ihan ng Banal na Espiritu upang ipangaral ang mabuting balita sa ibang tao. Kung ito ang sitwasyon mo, “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ay mayroon din namang lasa ng pangangaral tungkol sa ebanghelyo.

Sa aking pagtatapos, malaking kasiyahan para sa akin na bigyan ka ng aklat na ito. Ikaw man ay Cristiano na o hindi pa, ang aklat na ito ay para sa iyo. Ako ay lubos na umaasa at nananalangin na ang Banal na Espiritu ay gagawa ng kahan-ga-hanga at makapangyarihang bagay sa iyong buhay.

Chuck Hayes

Page 6: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

1

Mga ilang taon na ang nakalilipas, habang ako ay naglilingkod sa Gospel Rescue Mission ay binigyan ako ng isang mahalag-ang katanungan tungkol sa kaligtasan ng mga taong hindi pa nakakarinig tungkol kay Jesu-Cristo. Ako ay tumugon ng kasa-gutan mula sa Biblia at nagbigay ng hamon sa grupo ng mga taong dumalo sa kapilya ng gabing iyon. Ito ang bahagi ng aming naging talakayan:

Ang Tanong: Papaano iyong mga taong nakatira sa mga liblib na lugar na hindi pa nakakarinig ng ebang-helyo? Sila ba ay maliligtas rin at pupunta sa langit?

Ang Sagot: Upang maligtas, dapat sila ay unang maka-rinig ng ebanghelyo sapagkat: “ang pananampalataya ay nagsisimula sa pakikinig” (Roma 10:17).

Ang Hamon: Bakit hindi tayo pumupunta sa kanila?

AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIGANG PANANAMPALATAYA

Page 7: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Ang PANANAMPALATAYA ay Nagsisimula sa PAKIKINIG

2

Ang talakayan ng gabing iyon ay nangangailangan ng karagda-gan pang mga paliwanag. Mabuti na lang at sa ministeryo at mga sulat ni Apostol Pablo ay ipinaliwanag sa Biblia ang iba pang mga isyu na kaugnay ng mahalagang katanungang ito.

Dapat Sila ay Unang MakarinigMatapos umalis sa Atenas si Apostol Pablo noong kanyang pan-galawang lakbay-misyon, siya ay pumunta naman sa Corinto at doon ay kanyang nakasama ang mag-asawa na katulad niya ay gumagawa ng mga tolda, ito ay sina Aquila at Priscila (Mga Gawa 18:1-3). Katulad ng kanyang nakagawian, si Pablo ay pumasok sa sinagoga at “. . . nangaral at nagpatunay sa mga Judio na si Jesus ang Cristo” (Mga Gawa 18:5). Bakit importante kay Pablo na pumunta sa Corinto at ipahayag ang ebanghelyo? Dahil alam niya na ang mga Judio at mga Hentil sa Corinto (o kahit nasaan pa man) ay dapat na maligtas, kinakailangan na sila ay unang makarinig tungkol sa persona at gawain ni Cristo, at ang kahal-agahan ng pagsunod sa Kanya.

Maraming mga mananampalataya sa kasalukuyang pana-hon ay mayroong ideya na ang mga hindi pa ligtas ay himalang sasampalataya sa pamamagitan ng mga taong may takot sa Diyos “na parang sila ang ebanghelyo o mabuting balita.” Na ang ibig sabihin ay sa pamamagitan ng maka-Diyos na pamu-muhay, ang mga mananampalataya ay makakaakay ng ibang tao patungo kay Cristo. Nararapat lang na namumuhay tayo ng may kabanalan, ngunit itinakda at ginagamit ng Dios ang pangan-garal para dalhin ang mga makasalanan sa pagsisi at panana-mpalataya. Ito ang sinabi sa sulat ni Apostol Pablo: “Sapagka’t

They Must First Hear

Page 8: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Chuck Hayes

3

ayon sa karunungan ng Diyos, hindi Niya pinahintulutang Siya’y makilala ng tao sa pamamagitan ng kanilang karunungan. Sa halip, minarapat Niyang iligtas ang mga nagpapasakop sa Kanya sa pamamagitan ng Magandang Balita na aming ipinapangaral, na sa tingin ng iba’y isang kahangalan” (1 Corinto 1:21).

Gaano kalawak ang ideya na ang mga mananampalataya ay “parang sila ang ebanghelyo”. Ang White Horse Inn ay nagsagawa ng isang survey sa 2010 International Christian Retail and Sales Convention sa St. Louis, Missouri, U.S.A. May pitumpong tao ang tinanong kung mahalaga ba para sa kanila na “maging parang ebanghelyo” sa ibang tao o di kaya ay mangaral sa kanila, at anim-naput-siyam na porsiyento (69%) ang nagsabi na “maging parang ebanghelyo”. Bilang tugon, ang WHI ay nagsabi ng ganito:

“Bagamat maaari tayong gumawa ng mabuti at i-respeto ng mga hindi mananampalataya (Colosas 4:5; 1 Tesalonica 4:12; 1 Timoteo 3:7), ang mabubuting gawang ito ay hindi pa ‘ang ebanghelyo’. Ang tunay na ebanghelyo ay isang kumpletong gawain sa kasaysayan at nararapat lamang na ipahayag sa maraming tao: Mga Gawa 5:42; 6:2; 8:12; 8:35; 13:48-49; 14:21; Roma 10:14-15; 1 Pedro 1:12; 1 Timoteo 4:13; 2 Timoteo 2:8; Colosas 1:23.”1

Ang survey din na iyon ay naghahayag na walumpo’t-siyam na porsiyento (89%) ay hindi sang-ayon na ang pangangaral ang pinakamahalagang paraan para makumbinsi ang mga hindi pa sumasampalataya. Tungkol sa mga dumalo ng pagtitipong iyon, at sa iba pang maaaring sumang-ayon sa kanila, si Pablo ay may-roong nais na ipahayag sa kanila:

Page 9: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Ang PANANAMPALATAYA ay Nagsisimula sa PAKIKINIG

4

Paano naman sila tatawag sa Kanya kung hindi sila sumasam-palataya? (Roma 10:14)

Paano naman sila sasampalataya kung wala silang napakinggan tungkol sa Kanya? (tal. 14)

Paano naman sila makakapakinig kung walang nangangaral sa kanila ? (tal. 14)

At paanong makakapangaral ang sinuman, kung hindi siya isinugo? (tal. 15)

Kung ating babalikan ang mga katanungang ito ni Apostol Pablo, ay mapapansin natin ang tatlong bagay: (1) Ang mga Cristiano ay isinugo mula sa mga pintuan ng kanilang tahanan patungo sa dulo ng daigdig o sa ibang panig ng mundo; (2) Ang mga mananampalataya ay dapat na mangaral ng may katapangan at pag-ibig upang ang mga makasalanan ay makarinig ng katoto-hanan tungkol sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Cristo; (3) Ang pagkarinig ng mabuting balita ay nauuna sa pananam-palataya at pagtawag sa Panginoong Jesu-Cristo.

Ang sabi sa Biblia, “Sapagka’t ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos” (Roma 3:23) at “Walang nakakaunawa, Walang naghahanap sa Diyos” (Roma 3:11). Bagamat mahalaga ang “gumawa ng mabuti para i-respeto ng mga hindi mananampalataya,” ang patotoo ng Banal na Kasulatan ay ito: Ang mga taga-Corinto, ang ating pamilya at mga kaibigan, mga kapitbahay at mga katrabaho, at oo, maging ang mga tao sa ibang bansa ay hindi sasampalataya maliban na sila ay unang makarinig ng ebanghelyo.

Page 10: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Chuck Hayes

5

Wala ba Tayong Pananagutan?Tama, hindi lahat ng nakarinig ng pangangaral ni Pablo ay sumang-ayon ng positibo sa kanyang mensahe. Ang katoto-hanan, ang mga Judio sa Corinto “ay sumalungat at nilait siya” (Mga Gawa 18:6). Hindi na ito ikinagulat ni Pablo, nang kanyang sabihin na “ang mensahe tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus ay kahangalan para sa mga taong napapahamak” (1 Corinto 1:18). Bilang tugon sa naging reaksyon at hindi pagtanggap ng mga Judio sa ebanghelyo, ang sabi ni Pablo, “Kasalanan na ninyo kung kayo’y mapahamak! Hindi ko na sagutin iyon! Mula ngayo’y sa mga Hentil na ako mangangaral” (Mga Gawa 18:6).

Ang huling resulta ng hindi pagtanggap ng mga Judio kay Cristo ay ang kahatulan at impiyerno (“Kasalanan na ninyo kung kayo’y mapahamak!”). At hindi nila pwedeng ikatwiran na ang bahagi ng kanilang pagtanggi kay Cristo ay dahil sa mat-apang at matapat na pagpapatotoo ni Pablo. Sila ay mananagot sa kanilang pagtanggi sa mensahe. Ganoon din, ang magiging resulta ng hindi pagtanggap ng ating pamilya, mga kaibigan at ng maraming mga tao ay kahatulan at impiyerno. Hindi nila tayo pwedeng sisihin sa ating matapang at matapat na pangangaral ng ebanghelyo. Ngunit ang tanong na dapat nating itanong sa ating mga sarili ay ito: Wala ba tayong pananagutan? Totoo ba na tayo ay nakiusap sa kanila na “makipagkasundo sa Diyos” (2 Corinto 5:20)? Kung gayon, tayo ay wala ng pananagutan sa kanila! Sa isang bahagi, kung ang ilang tao na kakilala natin ay mamatay sa kanilang kasalanan na hindi pa nakakarinig ng mabuting balita ng kaligtasan, ay mayroon tayong pananagutan. Ito ay isang nakakapangilabot na babala!

Are We Clean?

Page 11: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Ang PANANAMPALATAYA ay Nagsisimula sa PAKIKINIG

6

Ang ating Pagpapagal ay Hindi Mawawalan ng KabuluhanPagkatapos na hindi tanggapin ng mga Judio ang mensahe ng kaligtasan sa pamamagitan ng ebanghelyo, ito ang sumunod na ginawa ni Pablo: Pumasok siya sa tahanan ni Ticio Justo, isang Hentil, na nakatira sa bahay na katabi ng sinagoga (Mga Gawa 18:7). Sa kanyang ginawang ito, si Pablo ay tinupad ang kanyang pagkatawag bilang “isang sisidlang hirang” ng Panginoon upang dalhin ang Kanyang pangalan “sa mga Hentil, sa mga hari, at sa mga anak ng Israel” (Mga Gawa 9:15). Katulad niya, tayo rin ay mga sisidlang hinirang para gawin ang ganoong ministeryo.

Madalas na ang ating pagiging tapat sa ating layunin at pagkatawag ay hindi agad nabibigyan ng gantimpala. Maaaring tayo ay nawawalan na ng pag-asa sa ating mga ginagawa dahil walang nakikitang resulta sa ibang tao na ating binaba-haginan ng ebanghelyo. Ngunit ito ang pangako ng Banal na Kasulatan: “Hindi masasayang ang inyong pagpapagal para sa Panginoon” (1 Corinto 15:58). Purihin ang Diyos na sa gitna ng oposisyon sa gawain ni Pablo ay nasaksihan niya ang bunga ng kanyang ministeryo!

“Si Crispo, na tagapamahala ng sinagoga, at ang kanyang sambahayan ay nanalig sa Panginoon. Marami pang mga taga-Corinto na nakinig kay Pablo ay sumampalataya at nagpabawtismo “ (Mga Gawa 18:8).

Hindi ko alam dyan sa inyo, ngunit madalas akong nagugulat sa ilang mga tao na inililigtas ng Panginoon—katulad ng pas-away nating kaklase, isang sugapa sa droga, bakla o tomboy,

Our Labor Is Not in Vain

Page 12: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Chuck Hayes

7

o di kaya ay isang matagal at mabuting miyembro ng isang simbahan! Ano pa kaya ang isang “tagapamahala ng sinagoga” (Mga Gawa 18:8)? Si Crispo ay tinalikuran ang legalistikong pamumuhay ng Judaismo para sa kapahingahan at kalayaan na matatagpuan sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Isipin natin ang naging mainit na talakayan nang sila ay aalis na sa sinagoga at kasama pa ang “kanyang buong sambahayan”. Bagamat hindi dito kasama ang mga sanggol na wala pang kakayahan na ipaha-yag ang Panginoong Jesu-Cristo (Mateo 10:32; Roma 10:9-10). Kaugnay pa nito, sumama kay Crispo at sa kanyang sambahayan ang “maraming taga-Corinto” kasama na si Justo, na nagtiwala na kay Cristo lamang matatagpuan ang kapatawaran ng mga kasalanan. Purihin ang Diyos sa Kanyang kamangha-manghang biyaya at kahabagan!

Si Pablo ay may mga pagsubok na kinaharap at ganoon din tayo. Ngunit, ang mga sinabi ni Apostol Pablo ay nagbibigay ng lakas ng loob sa atin ngayon, katulad ng mga mananampalataya sa Corinto: “Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpa-katatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo palagi sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masas-ayang ang inyong pagpapagal para sa Kanya” (1 Corinto 15:58).

Ang Bawtismo ng Mga MananampalatayaMatapos marinig at paniwalaan ang mabuting balita, ang mga taga-Corinto ay sumunod sa utos ng Panginoong Jesu-Cristo na sila ay mabawtismuhan (Mateo 28:19), na nagpapahayag ng kanilang pakikisama sa Kanyang kamatayan, pagkalib-ing at muling pagkabuhay sa mga patay. Ang maiksi ngunit

Believer’s Baptism (Credobaptism)

Page 13: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Ang PANANAMPALATAYA ay Nagsisimula sa PAKIKINIG

8

detalyadong paliwanag tungkol sa bawtismo mula sa Abstract of Principles ay makakatulong para maunawaan natin ito:

“Ang bawtismo ay ordinansa na nagmula sa Panginoong Jesus, na isinasagawa ng bawat manana-mpalataya, kung saan siya ay inilulubog sa tubig sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Banal na Espiritu, bilang tanda ng kanyang pakikisama sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo, para sa kapatawaran ng mga kasalanan, at pagtatalaga ng kanyang sarili para sa Diyos upang lumakad sa panibagong buhay. Ito ay kailangan sa pakikisama at pagiging miyembro ng iglesya, at pakikibahagi sa Banal na Hapunan.”2

Bagamat ang bawtismo ng mananampalataya na inilulubog sa tubig (hindi dito kasama ang mga sanggol) ay hindi kinakail-angan para maligtas. Kung ang sinuman ay nagpapahayag ng pananampalataya sa persona at gawain ni Jesu-Cristo ngunit hindi sumusunod sa Kanya sa bawtismo, ang taong iyon ay dapat na suriin ang kanyang sarili kung talagang naintin-dihan at sumampalataya siya sa mga salita ng Panginoong Jesus. Sapagkat ang ordinansa ng bawtismo ay isinasagawa ng mga mananampalataya!

Ang Magandang PangyayariKatulad ng nabanggit sa itaas, ang pangangaral ng ebanghelyo ay nagdudulot ng hindi pagsang-ayon o oposisyon. Dahil dito, ang hindi pagsang-ayon ay nagdudulot ng tukso sa atin na manahi-mik na lang. Kung kayat ang Panginoong Jesus ay kinausap si

An “Aha” Moment

Page 14: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Chuck Hayes

9

Pablo sa pamamagitan ng isang pangitain at Kanyang sinabi: “Huwag kang matakot! Ipagpatuloy mo ang iyong pangangaral! Anuman ang mangyari’y huwag kang titigil sapagkat Ako’y nasa iyo. Hindi ka maaano sapagkat marami Akong tagasunod sa lungsod na ito” (Mga Gawa18:9-10). Naintindihan ba natin yon? Hindi lang pinalakas ang loob ni Pablo ng Panginoong Jesus na magpatuloy sa pangangaral (“Sapagkat Ako’y suma-saiyo”), kung hindi ipinaalala rin Niya ang walang kondisyong pagpili ng ilan sa mga taga-Corinto (“sapagka’t marami Akong tagasunod sa lungsod na ito”). Ang pagpili ng Diyos Ama sa kanila kay Cristo, “bago pa likhain ang sanlibutan” (Efeso 1:4), ay hindi ayon sa kanilang gagawing pananampalataya o mabub-uting gawa, kung hindi “ayon sa Kanyang layunin at kalooban” (Efeso 1:5). Itinalaga ng Diyos ang pangangaral ni Pablo bilang paraan upang “maraming tao” sa Corinto ang magsisi at sumam-palataya (responsibilidad ng tao). Wow, isang napakagandang pangyayari! Mula rito, ay pwede nating paniwalaan ang limang katotohanan na babago sa ating buhay:

1 Hindi tayo dapat na matakot anuman ang sabihin o gawin ng tao sa atin sapagkat ang Panginoon ay sumasaatin;

2 Ginagamit ng Diyos ang pangangaral, sa patnu-bay ng Banal na Espiritu, upang ipunin ang mga hinirang patungo sa pananampalataya;

3 Ang tamang doktrina ay patungo sa tama at simpleng pamamaraan ng pangangaral ng ebanghelyo, hindi na tayo makokonsensya at

Page 15: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Ang PANANAMPALATAYA ay Nagsisimula sa PAKIKINIG

10

makakatulong pa ito sa ibat-ibang aspeto o paraan ng ating ministeryo;

4 Ang mga pilosopiya sa gawain katulad ng “friend-ship evangelism,” “lifestyle evangelism,” at “small group evangelism” ay makatutulong, ngunit hindi ito dapat na maging hadlang sa biyaya at kapang-yarihan ng Diyos upang iligtas ang mga hinirang; at

5 Ang Diyos ang magbibigay sa atin ng katagump-ayan sa ating mga gawain upang ipangaral ang ebanghelyo.

Dahil sa katiyakan na ibinigay ni Jesus, si Pablo ay nanatili sa Corinto sa loob ng labingwalong buwan na “ipinangaral ang salita ng Diyos” (Mga Gawa 18:11). Ang ating naisin na manga-ral ng may katapangan sa kabila ng mga pag-uusig ay pwede pa nating mapagtibay kung ating gagawin ang mga katotohanang ito sa ating pang-araw araw na buhay at mga gawain, at magti-wala sa Kanyang walang kondisyon na pagpili at kapangyarihan.

Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa PakikinigNgayon, papaano iyong mga taong nakatira sa mga liblib na lugar at hindi pa nakakarinig ng ebanghelyo? Sila ba ay malil-igtas at pupunta rin sa langit? Siguro naman ay alam na ninyo ang kasagutan.

“Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tung-kol kay Cristo” (Roma 10:17).

Faith Comes by Hearing

Page 16: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Chuck Hayes

11

makakatulong pa ito sa ibat-ibang aspeto o paraan ng ating ministeryo;

4 Ang mga pilosopiya sa gawain katulad ng “friend-ship evangelism,” “lifestyle evangelism,” at “small group evangelism” ay makatutulong, ngunit hindi ito dapat na maging hadlang sa biyaya at kapang-yarihan ng Diyos upang iligtas ang mga hinirang; at

5 Ang Diyos ang magbibigay sa atin ng katagump-ayan sa ating mga gawain upang ipangaral ang ebanghelyo.

Dahil sa katiyakan na ibinigay ni Jesus, si Pablo ay nanatili sa Corinto sa loob ng labingwalong buwan na “ipinangaral ang salita ng Diyos” (Mga Gawa 18:11). Ang ating naisin na manga-ral ng may katapangan sa kabila ng mga pag-uusig ay pwede pa nating mapagtibay kung ating gagawin ang mga katotohanang ito sa ating pang-araw araw na buhay at mga gawain, at magti-wala sa Kanyang walang kondisyon na pagpili at kapangyarihan.

Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa PakikinigNgayon, papaano iyong mga taong nakatira sa mga liblib na lugar at hindi pa nakakarinig ng ebanghelyo? Sila ba ay malil-igtas at pupunta rin sa langit? Siguro naman ay alam na ninyo ang kasagutan.

“Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tung-kol kay Cristo” (Roma 10:17).

Faith Comes by Hearing

Kahit na sila ay nasa malapit lang, sa kabilang kalsada, o di kaya ay nasa liblib at malayong lugar, ang mga tao ay dapat na unang makarinig ng “salita ng Diyos” upang sila ay sumam-palataya. Kung kaya si Apostol Pablo ay hindi lamang nagbigay ng paraan sa pangangaral kundi sa tamang pagpapatibay ng mga iglesyang ayon sa Biblia: nakapakinig, sumampalataya at nagpabawtismo.

Si Apostol Pablo ay hindi isang pragmastiko! Sa kanyang ministeryo ay walang mga survey, walang mga gimik, walang entertainment. Mayroon lamang tama at makalumang paraan ng pangangaral. Bilang isang “mahusay na tagapagtayo” (1 Cor. 3:10), siya ang naglagay ng pundasyon, na walang iba kundi si Jesu-Cristo. Kung kaya ang naging resulta, isinulat ni Pablo ang ganito:

“Para sa iglesya ng Diyos na nasa Corinto, sa mga tinawag upang maging kabilang sa sambahayan ng Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus, gayundin sa lahat ng tao na nasa lahat ng dako na tumatawag sa pangalan ni Jesu-Cristo, na Panginoon nating lahat” (1 Corinto 1:2).

Ang HamonMatapos nating malaman ang katotohanan na ang pananampal-ataya ay nagsisimula sa pakikinig, bakit hindi tayo pumupunta doon sa mga hindi pa nakakarinig ng ebanghelyo? Hindi ba tayo nalulungkot sa mga tao na patungo sa kahatulan at impiyerno? Maging si Pablo ay matindi rin ang naranasang kalungkutan tungkol dito (Roma 9:2). Nalungkot siya kung kayat isinakripisyo

The Challenge

Page 17: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Ang PANANAMPALATAYA ay Nagsisimula sa PAKIKINIG

12

niya ang lahat para sa kanilang espiritwal na kapakanan at kabu-tihan. Bakit kaya ganoon? Sapagkat “ang pag-ibig ni Cristo” ang pumilit sa kanya na gawin iyon (2 Corinto 5:14).

Naranasan mo na ba ang “pag-ibig ni Cristo”? Kung ganoon, dapat nating talikdan ang ating sarili (ang kusang pagsuko ng ating oras, kaginhawahan, pera at mga pag-aari) upang ang iba ay makarinig, sumampalataya, at mabawtismuhan. Ito ang ating layunin, ang ating pagkatawag, ang ating misyon! Kung hindi ito ang ating kaisipan, dapat nating suriin ang ating sarili kung talagang tayo ay “na kay Cristo” (2 Corinto 5:17).

Ang hamon kay Apostol Pablo at sa maliit na grupo ng mga mananampalataya noon ay hamon din sa atin ngayon. Ang naisin at panalangin ko ay gamitin ng Diyos ang maliit na aklat na ito upang ipaalalang muli sa atin ang Kanyang pag-ibig at mabig-yan tayo ng inspirasyon na mabuhay na nagsasakripisyo para sa ibang tao.

1 The Great Commission Survey WHI—1028 Sunday, 19 December 2010. www .whitehorseinn.org

2 “The Abstract of Principles is the oldest doctrinal confession approved by Southern Baptists. It was composed by Basil Manly, Jr., in 1858” (SBC Heritage, http://sbcheritage.com/abstract-of-principles).

Page 18: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Chuck Hayes

13

Ang Aking PaniniwalaMay ilang mga bagay na maaari nating pagkasunduan o hindi sang-ayunan, ngunit ang mga mahahalagang katotohanan sa pananampalatayang Cristiano, na madalas matagpuan sa mga kredo at kapahayagan ng pananampalataya, ay dapat nating ingatan at panatilihin sa lahat ng oras. Kung kaya, hindi ako nahihiya na ipahayag ang aking paniniwala sa makasaysay-ang “Abstract of Principles” (SBC Heritage, http://founders.org/study-center/abstract) kasama na ang mga sumusunod na mahalagang katotohanan tungkol sa Diyos.

Ang Limang Solas ng Mga Protestante noong panahon ng Repormasyon

Sola Scriptura (Tanging ang Biblia Lamang)—Sa panahon na katulad noong ika-16 na siglo nang panahon ng Repormasyon, kung saan ang mga tradisyon, karanasan at mga kapahayagang hindi ayon sa Biblia ay hindi binibigyan ng importansya ang mga Kasulatan bilang nag-iisang awtoridad ng pananampalataya at pamumuhay, ay makabubuting balikan natin ang naging sigaw ng mga Repormador noon (2 Tim. 3:16-17).

Solus Christus (Tanging si Cristo Lamang)—Ang posisyon o paninindigan na ito ay ipinapahayag na ang kaligtasan ay matatagpuan lamang sa persona at gawain ni Cristo (Juan 14:6; Mga Gawa 4:12; Col. 1:13-18; 1 Tim. 2:5-6).

Sola Gratia (Tanging sa Biyaya Lamang)—Tanging sa biyaya lamang ng Diyos na ipinaabot sa mga makasalanan (na pinili) upang hanguin sila sa kasalanan, paghatol, at impiyerno, ay hindi pwedeng makamtan o pagtrabahunan, sa halip ay dapat

What I Believe

Page 19: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Ang PANANAMPALATAYA ay Nagsisimula sa PAKIKINIG

14

na tanggapin bilang isang kaloob o regalo na nagmula sa Diyos (Roma 11:6; Efeso 1:3-8; 2:4-10).

Sola Fide (Tanging sa Pananampalataya Lamang)—Tanging sa pananampalataya lamang sa persona at gawain ni Cristo—hindi ang pagtutuli, pagpapa-bawtismo, pagiging miyembro ng isang iglesia, o mga mabubuting gawa—ang magiging instrumento kung saan ang makasalanan ay pawawalang-sala at bibigyan ng katuwiran na galing sa Diyos (Roma 3:21-5:1; Efeso 2:1-10; Santiago 2:14-26).

Soli Deo Gloria (Tanging ang Kaluwalhatian Lamang ng Diyos)—Ang bawat bahagi ng ating buhay ay para lamang sa natatanging kaluwalhatian at kapurihan ng Diyos (Roma 11:36; 1 Cor. 10:31).

Ang Limang Punto ng Calvinismo (T.U.L.I.P.)

1. Total Depravity (Ang Pagkasira at Kawalang Kakayahan ng Tao)—Dahil sa pagkahulog at pagkakasala, ang kabuuang kalikasan ng tao (kasama na ang kanyang isipan) ay alipin ng kasalanan. Kung kaya, ang isang makasalanan ay ayaw at walang kakayahang lumapit kay Cristo maliban sa nag-papabagong-gawain ng Banal na Espiritu (Gen. 6:5; Mga Awit 51:5; Jer. 17:9; 1 Cor. 2:14; Roma 3:10-18; 5:12; 9:16; Juan 1:12-13; 6:44; Efeso 2:1-3).

2. Unconditional Election (Ang Walang Kondisyong Pagpili ng Diyos)—Ang pagpili ng Diyos Ama sa marami (ngunit hindi lahat) para sa kaligtasan bago pa likhain ang san-libutan ay hindi kailan man nakadepende sa magiging

Page 20: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

Chuck Hayes

15

pananampalataya o mabubuting gawa ng tao (Juan 6:37, 44, 65; Mga Gawa 13:48; Roma 9:6-23; Efeso 1:4-14; 2:4-10).

3. Limited Atonement (Ang Limitadong Pagtubos)—Ang mga pinili ng Diyos Ama ay ibinigay sa Diyos Anak. Kung kaya’t sa krus ay binayaran ni Jesu-Cristo ang mga kas-alanan lamang ng mga pinili. Ang ideya na si Cristo ay namatay para sa buong sanlibutan ay walang solidong basehan sa Banal na Kasulatan (Matt. 1:21; Juan 10:11-30; 17:6-12; Roma 3:21-26; 8:28-30).

4. Irresistible Grace (Ang Hindi Matatanggihang Biyaya)—Ang panlabas na pagtawag sa pamamagitan ng ebanghelyo ay pwedeng tanggihan, ngunit ang mga pinili ng Diyos ay tiyak na makatatanggap ng panloob na pagtawag patungo sa kaligtasan na hindi pwede at kailan man ay hindi mababalewala. Sa madaling salita, ang tatlong persona ng Diyos ay gumagawa upang dalhin ang mga pinili (at tanging ang mga pinili lamang) patungo sa pagsisisi at pananampalataya kay Cristo (Mateo 22:14; John 3:1-8; 6:44; 12:32; Roma 8:28-30; Efeso 2:4-10).

5. Perseverance of the Saints (Ang Pagpapatuloy ng Mga Banal)—Bagamat sila ay nagkakasala at magkaminsan ay nahuhulog, ang mga pinili ay iniingatan ng biyaya at kapangyarihan ng Diyos, at tiyak na magpapatuloy hang-gang sa huli (Juan 3:16; 6:35-40, 44; Efeso 1:13-14; Roma 8:28-39; 1 Pedro 1:3-9; Judas 24-25).

Page 21: PANANAMPALATAYA AY NAGSISIMULA SA PAKIKINIG fileupang ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na panana-mpalataya. “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ang unang

For more information contact:

[email protected]

thattheymayhear.com

i

i

“Si Crispo na tagapamahala ng

sinagoga, at ang kanyang sambahayan

ay nanalig sa Panginoon. Marami

pang mga taga-Corinto na nakinig

kay Pablo ang sumampalataya

at nagpabawtismo.”

—Mga Gawa 18:8