12
INIHAHATID SA INYO NG!!! GROUP 4 (PSB)

epektibong pakikinig

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: epektibong pakikinig

INIHAHATID SA INYO NG!!!

GROUP 4 (PSB)

Page 2: epektibong pakikinig

““ANG GROUP 4”ANG GROUP 4”

Mga tatalakayin:Mga tatalakayin: ANG MGA DAPAT TANDAAN SA ANG MGA DAPAT TANDAAN SA

EFEKTIBONG PAKIKINIGEFEKTIBONG PAKIKINIGANG MGA URI NG PAKIKINIG AYON SA ANG MGA URI NG PAKIKINIG AYON SA

LAYUNINLAYUNINANG MA KATANGIAN NG KRITIKAL NA ANG MA KATANGIAN NG KRITIKAL NA

PAKIKINIGPAKIKINIGDALAWANG MAHAHALAGANG DALAWANG MAHAHALAGANG

KASANAYAN SA KRITIKAL NA PAKIKINIGKASANAYAN SA KRITIKAL NA PAKIKINIG

Page 3: epektibong pakikinig

ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKINIG

• Alamin ang layunin sa pakikinig

• Iwasan ang magpaunang hatol at magkaroon ng obhektibong pananaw sa tao at paksang pakikingan

• huwag umasa nang labis sa pakikinggan

• Ituon ang buong atensyon sa nagsasalita

Page 4: epektibong pakikinig

• magdala ng mga kinakailangang kagamitan para sa pagtatala at maingat, matalino’t mapamaraan itong gawin.

• Sikaping maisabalangkas o kaya’y maisabuod lamang ang pinakikinggan.

Page 5: epektibong pakikinig

ANG MGA URI NG PAKIKINIG AYON SA LAYUNIN

Bawat tagapakinig ay may kani-kaniyang layunin sa gawang Pakikinig at ito’y ang mga sumusunod:

• kaswal. pampakondisyon lamang kaya’y pampalipas-oras na nakagawiang Pakikinig nito.

• Halimbawa’y nag-iisa’t nakasanayan nang may naririnig habang may ibang ginagawang, o sadyang walang magawa’t ito ang buntunan. Hindi seryoso ang ganitong Pakikinig kaya walang layunin, tuloy, wala ring matandaan sa mga napakinggan.

Page 6: epektibong pakikinig

• Imformal. Karinawan na ang ganitong uri ng Pakikinig sa mga estudyante na tipong napipilitan lamang dahil may Dapat isagawang rekisito ng isang kurso. Mangyari pa, may layunin pero pahapyaw lamang tuparin, basta makakuha lang ng konting imformasyon tungkol sa itinakdang Gawain.

Page 7: epektibong pakikinig

• Kritikal. Kaakibat ng uring ito ang pagiging analitikal, ebalwativ. Masinsin ang level ng pagsusuri, tinitingnan lahat ng anggulo, ang pagka-katulad at pagkakaiba, gayundin and reaksyon dito’t paghusga, sa gayon, mabigyan ng obhektibong pagpapahalaga.

Page 8: epektibong pakikinig

ANG MGA KATANGIAN NG KRITIKAL NA PAKIKINIG

• Ang kritikal o mapanuring Pakikinig ay may layunin tayahin ang mga bagay na naririnig mula sa ispiker. Kinakailangan sa kritikal na Pakikinig ang pag-unawa at pagsusuri sa mensaheng naririnig. Ang mga sumusunod na Kundisyon ang nagpapatunay sa may mapanuring Pakikinig.

Page 9: epektibong pakikinig

• may kakayahang maipakita ang lohikal na kaugnayan ng mga detalye sa mga pangunahing ideya na bumubuo sa paksang tinatalakay;

• may kakayahang magbigay ng tumpak na hinuha (hypothesis);

• may kakayahang tukuyin ang mga mahahalaga at hindi mahahalagang detalye;

• may kakayahang ihiwalay ang katotohanan sa pawing opinion lamang;

Page 10: epektibong pakikinig

• may kakayahang hatulan o husgahan ang relayabiliti o katunayan ng imformasyong iprinisinta ng ispiker;l

• may kakayahang magpasya kung may kabuluhan ang mensaheng nais ipabatid ng ispiker, at

• may kakayahang magpahalaga sa katotohanang nakapaloob sa mensahe ng ispiker.

Page 11: epektibong pakikinig

DALAWANG MAHAHALAGANG KASANAYAN SA KRITIKAL NA PAKIKINIG

1. Pagrevyu At Pagrevyu Habang Nakikinig

inaantesipeyt o hinuhulaan natin nang matalino ang pinatutunguhan ng sinasabi ng ispiker o ang kanyang susunod na punto. Sinusundan din natin kung paano idevelop ng ispiker ang kanyang mga argumento, at titingnan ang mga isyu na dapat talakayin ng ispiker.

Page 12: epektibong pakikinig

2.Pagbabalangkas habang nakikinig

bilang kritikal na tagapakinig tinutukoy natin ang layunin at tesis p pangunahing ideya (main idea) ng ispiker. Tinutukoy din natin ang mga pinakamahalagang puntos o ideya na bumubuo sa mensahe ng ispiker. Kaugnay nito, tinataya natin kung sapat ang mga pangunahing ideya sa pagpapaliwanag ng ispiker sa kanyang mensahe.