48

km64chap4 chacha

  • Upload
    km64

  • View
    380

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: km64chap4 chacha
Page 2: km64chap4 chacha
Page 3: km64chap4 chacha

[ 1 ]

Oo nga pala, panahon na naman ng SONA. Bagonamin makalimutan, huwag kalimutang magdala ngpayong sa mga panahong ito. Panahon kasi ito naumuulan ng mala-bubog na kasinungalingan. Panahonna binabagyo tayo ng mga dinoktor na istatiskaat lumilipad-sa-signal#7-na-hanging mga programang kung sinumang pangulong nagpapahayag ngkanyang State of the Nation Address sa Kongreso.

Kumakalat ang balita, ipapahayag daw ng bagonghalal na si GMA ang kanyang SONA sa saliw ngtugtog ng Chacha. (Kapareha si Angelo dela Cruz?!)Or so they say.

Nakahanda ka na bang sumayaw sa bubog?

Kung hindi pa, pakinggan at sumayaw na langmuna sa naiibang indak ng mga berso ng mga taga-kilometer64 sa ikaapat na isyung ito ng kanilangchapbook.

“sana noon pa man ay sinabi na sa iyokahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko”

- Eraserheads

Page 4: km64chap4 chacha

[ 2 ]

Page 5: km64chap4 chacha

[ 3 ]

|| PREGNANCYni Dweighn Baltazar

Ngayong gabi,makikipagtalik ako sa mga bituin.Sanggahin man sila ng ulap pilit ko itonghahawiin.Makikipaglaro ako kasama ng hangin.Panandaliang lilisanin yaring apat na sulokna kumupkop sa akin.

Sa karimlan,magiging kaibigan ko ang Haring Buwan.Babasbasan niya ako ng mga punlangitatanim ko sa sanlibutan.Iduduyan niya ako sa kanyang mga awit.Makikipagsayaw sa saliw ng kanyanghalakhak at tinig na kayrikit.

At sa pagpikit ng mundo’ygigising ako.Makikipaghabulan sa kalawakan ng harayaat alon ng tugma.Siya kong isasabog yaring mga salitasa blangkong kalangitan,Nang sa pagbuhos ng ulan,kaluluwa mo’y aking madiligan.

Page 6: km64chap4 chacha

[ 4 ]

|| TUKLASni Joshua de Luna

Nasusukat ang pagkatao sa lalim ng hinga.Kung mababaw, siya’y maaari nang kalimutan.Kung malalim, siya’y lubusang kahina-hinayang.

Ganitong pilit kang nililimot nitong isipan,Ano’t bakit walang maramdamang panghihinayangGanitong panay akong napapabuntonghininga.

Page 7: km64chap4 chacha

[ 5 ]

|| DREAMni Demish Villaruel

I dance in this sweet melancholy -Invisible music only I can hear.In this peculiar soliloquy,No one can understand me.I melt in your succinctness.You swallow my being.I succumb into this ennui.And as I slowly give in,You take hold of my hand.We’ll go dance under the bright moon,Wish upon a starAnd think of surreal moments.Because this time,Together,We’ll surrender to the night.

Page 8: km64chap4 chacha

[ 6 ]

|| TOCINOni Dhanelle

Pag nakikita kaDi na mapakali.Di maintindihan,Kinikilig ako.

Ngiti’y abot hanggang tenga,Ngipi’y kitang-kita;‘Yun pala’y may tinga.Galing kasing six-six.

Tumigin ka sa ’kinParang nangungusapAt ako’y natuwa.Ngunit hindi pala.

Kaya nahiya ka,Umalis nang bigla’tTumatawang tagoNamumulang pisngi.

Di alam kung tama,Nahihiya ako.Wala na akong mukhangIhaharap muli.

Nang dahil sa six-sixWala na’ng pangarap,Pangarap kong ikawNa iibigin ko.

Page 9: km64chap4 chacha

[ 7 ]

|| AWIT NG PAG-ASAni Prex

Umiihip ang hangin,Kumukumpas ang dahon,Pag gising ko, wala ka pa.

Nagniniig ang apoy,Nanunuot ang hamog,Pag mulat ko, wala ka pa.

Sisikat ang araw,Lalambingin ang mga ulap,Pag sulyap ko, wala ka naman.

Sisilip ang kulimlim,Babati sa ganda ng mga tala,Pag pikit ko, hayun ka.

Napawi ang hapo,Pati hiningang angkin,Pag ngiti ko, kapiling na kita.

Page 10: km64chap4 chacha

[ 8 ]

|| SUNDOni Lei Sales

Maghihintay akoAbutin man ng dapithapon,Sumikat man ang arawO bumuhos ang ulan.Dito lang ako.Uupo. MagyoyosiSa ilalim ng mayabongNa puno ng mangga -Piping saksiSa pagbuo ng ating mga pangarapNa kastilyo sa hangin. Maghihintay ako sa iyong pagbabalik.Mananalig sa katuparan ng isang pangakongBinitiwan sa puso ng Mendiola.Pangako ng pagbabalik.Pangako ng pagmamahal. Batid kong ako’y susunduin,Ilalayo sa marahas na mundongTila ba sumisikipSa bawat indayog ng panahon.Pupunta duon sa lugar ng mga diwatangPuti ang pakpak.Oo, sa lupain kung saan nakatayoAng ating mga kastilyo sa hangin,Kung saan ang diyos ay magsasaka,Kung saan tayo’y mga panginoonNg bukirin sa ilalim ng mga ulap,Kung saan nahabi ang ating mga pangarap. Dapithapon na pala;Di ko namamalayanAt nariyan ka na rin,Kasama ang diwatang puti ang pakpak. Hindi nga ako nagkamalingAko’y iyong susunduin.Ngayon, sabay nating babagtasinAng daan tungo sa ating mga pangarap.Hindi na tayo maghihiwalaySapagkat tapos na ang panahonNg pananaghoy,Ng pagtangis.

Page 11: km64chap4 chacha

[ 9 ]

Page 12: km64chap4 chacha

[ 10 ]

|| SHE’S USING A DRUM MACHINEni Gerald Casia shoe gazingas the nightcollapses. redmoonbidsgoodbye. farewellto thee.farewell. blood is flowing immenselyas the daybreaks. teasing the nightto comeagain.

Page 13: km64chap4 chacha

[ 11 ]

|| WALA NANG SAPIN ANG KAMA PAGGISING KOni Maria Roma Tarranza

Patay na oras ang alas dos ng umaga.Ang limang hapong katawang katabi koay sabay-sabay nang naghihilik.Pero sa akin, mailap ang antok.Babalikwas mula sa pagkakaunat na puwesto,Kapagdaka’y mamaluktotAt mamaya pa dadapa.Babagtasin ng mga daliri ng paaAng bawat tupi ng kubrikama,Gugusutin at aalisin sa pagkakaayos.

Susubok ng ibang puwesto.Baka sakaling suwertihin at antukin.Ikakawing ang hita sa dantayang unan.Pipikit sandali. Pero wala. Ayaw talaga.

Naalala ko tuloy ‘yung sinabi mo sa akin dati:“Naniniwala ka ba na kapag ‘di ka makatulog sa gabimay nag-iisip sa ‘yo?”

Alas tres bente na.Nakakainis.Ang lakas pa din ng hilik ng kapatid ko.Malamang sa oo, walang nag-iisip sa kanya.

Page 14: km64chap4 chacha

[ 12 ]

|| MEGAPHONEni Kiara Ragos

Wala akong ibang ginawa kundi magsalita,Magkwento at kumanta nang wala sa tono.Ni hindi ako nakikinig sa titser;Kahit nagtuturo, dumadaldal ako.Walang library-library sa akin;Wala akong paki sa patpat ng librarian namin.Kahit natutulog,Nagbabanggit pa rin daw ako ng kung anu-ano.Lagi akong nahuhuli ‘pag nagtataguan kami.Di ko kasi mapigilang tumawa habang pinapanood ang taya sa paghahanap.Di na bagong mapagalitan ng matatandaSa pakikisabat sa kanilang mga usapan;

Ang ingay-ingay ko, sabi nila.Habang ikaw, tahimik lang.

Tahimik na nagbabalak atNagnanakaw ng pagkatao;Ihinihinga ang mga salitang sumisiraSa mga nagtuturing sa ‘yong kasama.

Di nila pansin,Mas maingay ka kaysa sa ‘kin.

Page 15: km64chap4 chacha

[ 13 ]

|| BATUGANni Boy Labandero

isang umaga na namanparang ayoko pangbumangon at harapinang ating mga suliranin

kay sarap mahimbinglalo na’t nananaginipat ika’y kasamahay kay sarap

gusto ko pang matulogat matulog hanggangsa hindi na akomagising sa katotohanan

ayoko pang bumangonsa aking kinahihigaanat tiklupin ang atingpinaghigaan kagabi

para ano papara san pahindi naman kailanganhindi naman mahalaga

sa araw araw naginagawa ng panginoonwala tayong napapalawalang pinapupuntahan

pagkagising kopagkabangonsan ako pupuntasan ka papunta

hihiga ulitmatutulog ulitmagmumuni munimananaginip

lagi bang ganitoparati bang ganyanayoko namagbago na tayo

mananaginip na lang ba tayomatuto naman tayong mangarappara sa atin din naman itogumising na tayo

gising na!

Page 16: km64chap4 chacha

[ 14 ]

|| ON INDIFFERENCEni Dom

kapag walang akong pakialamdumadaan ang arawnang napakabilispagkagising ng alas siyetebabangon, kakain, maliligosasakay sa sasakyannang walang nakikitasa dinadaananmag-away man ang dalawang driversa mga gitgitan sa kalyehindi pumapasok sa utakdahil wala akong pakialam.

tambak ang trabaho sa lamesagagawin ko naman ang mga iyonpero hindi ko na iniisipang ano, saan, paanobakit ko kailangang mataposang araw na sinimulannang walang permiso sa akin.kakain sa tanghalimagtatrabaho ulit sa hapon.kung may tumawag mansasagutin ang mga tanongnang walang alinlanganpero may naintindihan ba ako?

pagkauwi sa bahayhihigaipapahinga sa kamaang pagod na mga kalamnansa iba’t ibang pangyayaringnaglabas-pasok langsa mata & katawan & isipna parang walang pagkakaiba-iba.magbabasa, manonood, makikinigng mga nagaganap sa paligidpero ang mata’y walang nakikitaang tenga’y walang naririnigkundi ang sinasabi ng isipsa katawan na meron pang bukasat sana sa susunodmatuto nang mabuhaynang totoo.

Page 17: km64chap4 chacha

[ 15 ]

|| BAYANI SA BILAOni Jarvis

Wala akong masyadong magawa.Hawak ang boteng tekila,Saksak ang plaka at headphone sa tenga:You were meant to be mine,Intertwined.

Telenovela, melodrama -Astig ang iskrip; paulit-ulit.Naging korni na ngaHindi pa rin itigil kahit saglit.

Masyado daw kasi tayong mapili.Hindi na tayo nakuntento;Mahilig magreklamo.Pero bakit nariyan ka pa rin sa isang tabi?

Hayskul evergreen,Forever as my queen.Sinabi mo sa akin mahal mo ako.Dati ‘yun sa puno ng makopa.Pero ngayon sa punong pinagbitayan ni Hudas,Halik na may kamandag.

Nais ko pang mabuhay.Lahat ng pagsisisi ibaon sa paglisan sa mundong ito.Hindi ba’t kaysarap masaktan?

Kaysarap humiga sa tinik ng paghihirap ng madla.

Page 18: km64chap4 chacha

[ 16 ]

|| WINDOW SHOPPINGni Marc Crimson de Guzman

Lagi kong nakikita si Bensa Recto, maging sa Lepanto.Minsan nakakasabay ko siyang sumakay sa dyip.Pero saglit langbumaba na rin siya matapos punasanng kanyang dalang basahanang sapatos ng mga pasaheroat manghingi ang kanyanggrasang kamay ng kapalitsa pagpunas nito.Naupo siya sa gilid ng isang restoran;nanghihingi ng kahit kontingkanin at ulamupang magkaroon man lang ng lamanang kanyang nilalamig na tiyan.

Siya’y naglakad-lakad.Naglalakad nang walang tsinelas.Naglalakad nang walang damit.

Naglalakad na hindi alamkung ano ang kanyangmagiging kinabukasan.

Page 19: km64chap4 chacha

[ 17 ]

|| DRIVE-THROUGHni Ayan

Mula sa taas ng JollibeeAng sarap tumingin sa babaSa mga sasakyangBumabagtas sa kahabaan ng Vito Cruz

Ang sarap pagmasdanAng mga sasakyanNa para bang walang kahirap-hirapNa gumugulong sa kalye ng buhay

Ang sarap sigurongMagkaroon ng sasakyanNang hindi ko na kailangang maglakadNang hindi ko na kailangang mag-commute

Nakakapagod na rin kasiAng ganitong buhayAng lakad, para, sakay,Bayad, baba, at lakad ulit

Samantalang silang may sasakyanHindi na nangangailangang dumaan sa ganitoKung ayaw nila sa isang lugar,Sa isang bagay,Sasakay na lang sa kotseAt aalis na

Magda-driveSa kung saan nila gusto

E akoNakastuck lang ditoSa taas ng JollibeeWala kasing pera, di makaalisWala ring pupuntahan kung mayron mang peraWala ring kikitain kung mayron mang pupuntahan

Kaya dito lang akoNakatingin sa babaNaiinggit sa mga taong may sasakyan

Na may peraNa may kikitainNa may pupuntahanNa may kinabukasan

Page 20: km64chap4 chacha

[ 18 ]

|| NIGHT SHIFTni Ayi dela Cruz

Kompyuter ang nasa harap ko,sa tabi ko telepono,tapos may papel, maraming papel,sa kaliwa, sa kanan.Ang kape, nanlalamig na.Ang mga mata, nanlulumlom na.Dilim pa rin ang bumabalot sa kalawakan.Ika-apatnapung palapag.Tanaw ko ang kalsadang tahanan ng mga drayber, tindero, manggagawa,empleyado, estudyante, isnatser, at tambay.Labing-apat na oras araw-araw.Ngunit sa oras na ito, sa himbing ng kanilang tulog,tinig ko ang naghahari.Pagsapit ng bukang-liwayway,dito sa aking kama ako’y magkukubli.

Page 21: km64chap4 chacha

[ 19 ]

|| WINSTON LIGHTSni CJ Pasahol

butil butil na pawisnilalamig na balatdi na mapakaliisip ng isip.

apat na oras na paghihintay.

isip, isip... [kakapagod]kung bakit naghihintayusok, usok, usok...kailangan ng usok, usok...

apat na orasna puro kausukan.puro pag-uusok.

ito ang karamay sa lahat ng paghihintay.sa saya, lungkot, gutom at pagkabusog.

lagi ka na lamang kahalikanng labingtigangsa halik ng mahal.

Page 22: km64chap4 chacha

[ 20 ]

|| YOUNG GUNSni Mikko Goco

Sunog sa ihip ni pebo,Lahat kami tumatakbo.Mas maaga ang gising,Mas maraming lalaruin.Lima isang dangkal, tres ang isang dakot.Salapi noon, sa text itinatapon,‘Yung ilan sa lata nakatuon.Syato, kalog at sipa, tantsing, piko at dampa.“Maiba taya,” litanya ng kabataan noon.“Tangina mo!” litanya ngayon.Ang bilis ng panahon.Tuyo na ang mga dahon.Mababaw na ang balon.Kung dati, maaga gumising.Ngayon, pauwi pa lang at lasing.Yosi sa kanto, tambay dito. Abuso, mapang mabalis,Lantad sa masamang elemento.Asan na kaya ako?Heto na kaya ang tinatawag na mundo?! Magulo!Asan na kaya sila? Asan na ang pandilya?Miss ko na sila.Miss ko na ang pagkabata,Ang estado ng malaya, walang iniisip, walangProblema.

Page 23: km64chap4 chacha

[ 21 ]

|| BALISONGni Shadow of Twilight

Tumulo ang luha sa mga mata mo. Hinigpitan mo ang hawaksa kamay ko. Mainit pero masarap. Dahan-dahan mo kongniyakap. Tumulo na rin ang luha sa mga mata ko. Ganuntayo sa loob ng Tatlumpung Segundo. Parang ayoko ngumalis sa pagkakayakap ko sa ’yo. Hinalikan mo ko salabi.

Parang wala akong marinig. Hindi ako makapagsalita.Hindi ako makakita. Sa mga sandaling ‘yun ay wala akongnaramdaman kundi ikaw lang. Nakita ko ang pagkatao mosa isang iglap. Maganda ka talaga.

Biglang bumagsak ang mga kamay mo sa lupa. Tumigil angtibok ng puso mo. Malamig na ang mga kamay mo. Puno ngdugo ang damit mo. Inalis ko ang kamay ko sa pagkaka-hawak ko sa ’yo. Pinahid ko ang dugo mo sa mukha ko.

Tanggap ko na ang lahat. Wala ka na. Hindi na uli kitamararamdaman. Tuluyan ka nang nawala sa akin.

Kinuha ko ang balisong. Desidido na ko. Ang hawak kongayon ang tatapos sa buhay ko. Pero ito rin angmagbibigay ng panibagong simula upang makasama ka muli.Wala ng atrasan ‘to.

Tinusok ko ang patalim sa puso ko. Napasigaw ako sasobrang sakit. Ganito pala ang nararamdam ng taongsinaksak. Pero tinulak ko pa rin ang patalim hanggangsa maubusan ako ng lakas.

Binaba ko ang balisong sa gilid ko. Naramdaman ko saaking dila ang lasa ng sariwang dugo. Nakasusuklam.Nakakadiri.

Kinuha ko ang kamay mo at pinatong ko sa puso ko.Pasensya na kung nabahiran ng dugo ko ang kamay mo.Kahit papaano ay gusto kong maramdaman mo ang buhay kona unti-unti ng nawawala sa akin.

Bigla kong nakita ang mga eksena ng aking buhay. Mulasa aking pagkabata, hanggang ngayon, hanggang sasandaling ito.

Binaba ko na ang aking kamay sa lupa.

”Panginoon ko, sa inyong mga kamay, inaalay ko angaking buhay.”

Page 24: km64chap4 chacha

[ 22 ]

Page 25: km64chap4 chacha

[ 23 ]

|| MAKATA AT ANG KANYANG TULAni Che dela Cruz

Ang tula ay may iba’t ibang anyo.May mga tula na pansarili;ginagawa ng makata para ipahayag ang kanyang sariling saloobintungkol sa kanyang sarili, tungkol sa kanyang personal na damdamin.

May mga tula naman na tungkol sa pag-ibig;pag-ibig sa karelasyon, tatay, nanay, kapatid, kaibigano kung sinumang tao na minamahal sa buhayna pinag-aalayan ng tula.

Mayroon ding tula na iba ang pinatutungkulan;tungkol sa kalagayan ng kanyang bayan,isinasalarawan ang buhay ng kanyang mamamayanat ng bayang kanyang sinilangan.

Ngunit alam ng bawat makatana ang tula ay isang sining;na ang sining ay may pinagsisilbihanat hindi para sa kapakanan ng sining lamang.

Kapag ang isang makata ay lumikha ng tulaat ang kanyang tula ay para sa kanya lamang,siya ay makasariling makatasapagkat sa kanya lamang nagsisilbi ang kanyang tula.

Kapag ang isang makata ay lumikha ng tulaat ito ay para sa kanyang bayan,siya ay makabayang makatasapagkat ang kanyang tula ay naglilingkod sa kanyang bayan.

Kapag ang isang makata ay lumikha ng tulaat nagsasalarawan sa tunay na kalagayan ng sangkatauhan,siya ay MAKATAsapagkat alam niya ang dapat niyang likhaing tula.

Sapagkat ang isang tula,higit pa sa pagburda ng mga salitaat pagtatahi-tahi nito para makagawa ng tula,ay ang sining ng paglalarawan at paglilingkod.

Wika ng isang dakilang makatang taga-Asya:”Walang bagay na sining para sa kapakanan ng sining lamang.”Ang sining at tula ay may pinagsisilbihankaya dapat ang makata at ang kanyang tula ay ganoon din.

Page 26: km64chap4 chacha

[ 24 ]

|| HINDI NAKAPAGTATAKAAlexander Martin Remollino

IBawat patak ng pawis ni Ka Linong tumulosa pinapasukang pabrikaay kalansing ng ginto sa sakong dayuhang kumpanya,ngunit sa bawat matapos na araway baryang parang limos lang ang naiuuwi niya.

IIBawat punlang itanim ni Ka Seloay luntiang gintong inaaning propitaryong sumososyosa banyagang negosyante,habang ang kanyang kinakainay sindami ng kangkong sa tuyong lupa.

IIIMadalas sa hinding ang timbanga’y pumapanigsa negosyante’t propitaryo, kaya’t pagtatakhan pa bana ang martilyo’t asarol nina Ka Lino’t Ka Seloay naging mga baril?Magtaka ay parang pagkagulatna ang araw ay maliwanag.

Page 27: km64chap4 chacha

[ 25 ]

|| HAI(NA)KU(!!!)*mga tula hinggil sa tipikal na problema ng masani Pedro Ocampo 1. pera namin yan!

walang laman ang tiyan ng taumbayanhabang ang magaling nating pamahalaanimbes na tayo ang makinabang ng pera ng bayanpinambayad-utang sa mga dayuhan 2. buwisit na kartel ng langis!

noong hunyo’y humiling ang mga tsuper ng pagtaas ng pasaheP1.50 na dagdag mabigat sa ating bulsadapat ibunton sa kartel ng langis ang sisisa taong ito’y nagtaas, mahigit dalawampung beses na 3. mahal na batayang serbisyo, mababang sahod

kuryente, tubig at iba pang batayang serbisyosabay-sabay ang pagtaas, dulot ay perwisyopaano ba natin ito mababayarankung ang sahod natin ay ni singko ay di nadaragdagan 4. kami ang nagsaka, iba ang umani

tuloy ang trabaho sa bukirin, umaraw man o bumagyopagdating ng anihan, kami pa rin ang dehadokaming mga kasama ang hirap sa pagtatrabahongunit ang gumiginhawa lamang ay ang mga apo** 5. for sale: edukasyon

may pera sa gera at pambayad utang, sa edukasyon walakaya naman pala bulok ang pasilidad sa eskwelapatuloy na pribatisasyon at lalong pagkokomersiyalisaedukasyon ay di karapatan, pribilehiyo na lang pala

* ekspresyon ng mga tao tuwing may problema** salitang Ilokanong ibig sabihin ay panginoon

Page 28: km64chap4 chacha

[ 26 ]

|| MALAPIT NAni Roy Monsobre

Pagmasdan mo ang iyong ginawa;Wala kang awa... wala... wala.Akala ko, kaya mong panghawakanAng lahat ng iyong pangako,Pangakong labas lang sa ilong.

Tingnan mo ako ngayon,Wala kang isang salita... wala... wala.Sinungaling ka; isang mandaraya.Lahat ng iyong binitiwang salita’yMga kalokohan na siya kong pinaniwalaan.

Titigan mo akong mabuti:Wala kang kwenta... wala... wala.Ngayon natitiyak ko, alam ko,At sisiguraduhin kong daratingAng araw ng iyong pagbagsak.

Malapit na.

Page 29: km64chap4 chacha

[ 27 ]

|| COUNTERSTRIKEni Kristoffer Berse

hanggang saan aabotang paglalaro natin -sila bilang terroristat tayo, counter-terrorist -kung hindi matutong tumalonayon sa iyong hilig,o tumakbonang nakapikit,o sumayaw,sumunodsa anino mong hambog?

malapit na,ilang laro paatmapapatidnanang tuluyanang ating alyansa.

matagal na kitanggustong matirasapagkat ikaw,hindi sila,ang terorista.

Page 30: km64chap4 chacha

[ 28 ]

|| LAGUSNILAD CONFRONTATIONni Rustum Casia

mapulis ang daan papuntang us embassy.

nag-aasul ang buong paligidsa tila bakod na mgashield na nauuso yatang ipamalo.

mababangis ang mga mukhanilang nagtatago naman sa kanilangmga helmet.

tulad ng kanilang mala trosong katawangnababalutan ng mala-robot na kasuotan.

siyempre di nila sasabihingtakot sila sa aming mga ipinaglalaban.mas masakit nga namanang sampal ng katotohan kaysahambalos ng kanilang kapangyarihan.

mapiit, masaktan,mapaslang,talo namin sila-alam namin ang aming paninindigan.

Page 31: km64chap4 chacha

[ 29 ]

|| ANG DATING PARAISOAlay sa mga taga Pikit, Cotabatoni Jowel Joyno

Naglaho ang lahat na munting pangarap;Paraisong nagisnan ngayon ay nawasak;Liwanag ng apoy sing-init ng araw;Ulap ay umitim sa usok na pumaibabaw.

Init ng labanan ng magkabilang panig;Di mo matiyak ang tunay nilang hangarin -Pera’t kapangyarihan, pansariling kapakanan?Prinsipyong magkaiba ang dulot ng hidwaan.

Lupa ay yumanig sa lakas ng pagsabog;Amoy ng pulbura sa hangin lumalason;Berdeng palayan ay nadilig ng dugo;Karahasang namulat sa mata ng musmos.

Pag-asa ng ama sa kaniyang kabuhayan;Luha’y inialay sa naglahong sakahan;Balisang mga anak sa yakap ng ina;Ilaw niya’y lumiwanag na nagbigay pag-asa.

Tanong sa isip ng bawat kabataan:Maibabalik pa ba ang masayang tahanan?Ang damuhang berdeng madalas takbuhan?At ang ilog na paligua’t mapangisdaan?

Sigaw ay katarungan ng mga taong bayan.Kapayapaan lamang ang tangi nilang hangad.Iyak ng mga sanggol sa gitna ng kaguluhan,Hudyat sa pangambang magdidilim nilang bukas.

Page 32: km64chap4 chacha

[ 30 ]

|| BOSESni Lecter

Napakaingay ng lungsod: jeep, pabrika, radio, TV, umuugong na usapan tungkol sa Marina, Spiderman2, pagka-champion ng Ginebra sa PBA, kahit yung simpleng tunog ng cellphone ay sumasapaw sa tinig ko.Kaya’t ako’y napapahinto,tumatahimik sa isang tabi,umaalingawngaw ang inis na kumukubkob sa aking mundo.

Pahingi ng airtime n’yo.

Hinawakan ko ang bolpenat ako ay nalibang sa mga naging imortal kong boses -mga sumisisigaw na tintang tila mapa ng aking utak.Bawat papel na nililimbag ay hinagpis ng anak na wala daw kwenta....At pangit ang penmanshipkaya’t hindi nila naiintindihan,at wala silang balak intindihin.Sana pakinggan n’yo ako

Pahingi ng airtime n’yo.

Kaya’t humawak ako ng gitara at sinubukang haluan ng musika ang tinta.

G - D/F# - Am – C Em – Em+M7 – Em7 - Em6 (bass riff intro) G|—————————————————- D|—————————————————- A|———————————5————6 E|-3—0-0—03-0-567—7-567—

Ako na mismo ang naglathala ng boses ko sa tainga nilainaawit ng mga daliri at baga ko ang aking utak, puso at kaluluwaang bobong anak ngayon ay may sarili nang musikapero ingay sa kanila ang aking obraobra na gabi-gabi’y pumapaos sa utak kodi bale, wala naman akong kwenta...Ang tambol ng galit ay umuugong sa aking dibdib -kumukulingling, nakakarindi,poot na nare-record at nagple-play nang mag-isasa aking tainga gabi-gabi,paulit-ulit, nangungulit....Nang ako’y muling tumahimik, ako ay nakarinig

Page 33: km64chap4 chacha

[ 31 ]

sari-saring ingay na sa lunsod nakukubli:1) busina ng jeepney driver nanghihingi, nag-iingay sapat na bayad na pamasahe sana ay ibigay2) langitngit ng makina sa pabrika at pagawaan kasabay ng mga manggagawang pinagkakaitan ng nakabubuhay na sahod at mga benepisyo inaabuso, niloloko, inaalipin ng kanilang amo3) sa radio kung inyong didinggin di hamak na namamayagpag ang tunog na hindi sa atin

ang pinoy ngayon ay walang pagpipilian kultura at himig natin tayo din ang kumikitil4) ugong ng tv ay nakakabingi kilos protesta, noise barage, poetry reading, rali

punumpuno ng ingay, pero di tinutugunankasi itong si GLORIA, lubos ang pagtulong kay UNCLE SAM

Ako’y nabigla sa mga napakinggan;paligid ko pala ay naghuhumiyaw,hinaing na mas makabuluhan at dapat na mas marinig -kung ikukumpara sa makasarili kong hinaing.Sila ang mas karapat-dapat isigaw;boses nila ang dapat lumitaw - mga binabalewalang nakakarami, mga buhay ay pinapaikot ng mga iilang naghaharing uri.Mas kailangan nila ang tulong ko.

Kaya pahingi ng airtime n’yo.

Napaka-ingay ng lungsod para marinig ang aming tinigat nakararami pang mga kabataan natutuon pa sa iba ang pansin - telenobela, pelikula at tsismis at iba pang trip na makasarili.Di ko naman balak tuligsainang kanilang malayang tinig,pero hindi ba mas maigikung mas ang nangangailangan muna ang unahin?

Mas iingay sana ang lunsod kung nagkakaisa ang ating mga tinig,kumikilos ng masigasig,isinisigaw ang ating hinaingsa daan, eskwelahan, pabrika entablado, tinta at awitin. Sabay-sabay, iisang himigmagtanghal magmulatmagparami, magpakilospara sa ating dalisay na hangarin.Mag-ingat ka dahil naghaharing uri ay handang sirain, pigilan ang pag-alingawngaw ng hinaing ng nakararami.Maging matapang ka dahilbuhay ang binubuwis upangang boses ay marinig.

Pahingi ng airtime n’yo.

Pahingi ng airtime n’yo.

Page 34: km64chap4 chacha

[ 32 ]

|| HININTAY KITA SA HARAPAN NG US EMBASSYNOONG HULYO A-KUATROni Lualhati

Hinintay kita sa harapan ng US Embassy noong Hulyo a-kuatro.Hindi ka naman dumating.Ang apoy ba ng iyong paninindiga’y nasubhan na?Baka naman abala ka lang sa gawaing masa?

Umuulan noon,Masungit at makulimlim ang kalangitan,Singsungit ng mga pulis sa barikadaNa may dala-dalang truncheon at bakal na panangga,Panakot at pantaboy sa lumalabang masa.

Basang-basa ako kasama nilaNgunit di ko alintana ang pangangatal ng katawan.Sabi ko nga, “ito’y para sa ‘yo.Para sa bayang matagal nang api at pinagsasamantalahan.”

Ngunit kasabay ng pagbuhos ng ulanDi rin mapigilan ang paglatang ng hinanakit sa dibdib,Ang pagdagsa ng tanong sa isipan,Na di alam kung kailan mabibigyan ng kasagutan.

Bakit hindi ka dumatingAyaw mo na bang makibaka?Sawa ka na ba sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos?Ayaw mo na bang makihamok laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo?

Nangako kang babalik ka.Basang-basa man sa ula’y naghintay pa rin akoDoon sa dagat ng mga kasama.Bakit hindi mo ibinulong sa mapagpalayang hangin ang ‘di mo pagdating?

Kasabay ng pagbuhos ng ulan,Nilalamig ma’y nagliliyab pa rin sa militanteng paligid.Nandoon pa rin ako,Naghintay sa hindi mo pagdating noong Hulyo a-kuatro.

Page 35: km64chap4 chacha

[ 33 ]

|| KUNG BAKIT HINDI AKO DUMATING SA HARAPANNG US EMBASSY NOONG HULYO A-KUATROni Shagami

Alam kong naghintay ka o aking sintaSa harap ng US EmbassyUpang doo’y makaniig kasama ng masaSa pakikibaka laban sa imperyalistang dikta

Umuulan man noon ay mainitAng militansya ng organisadong magsasakangNakikilaban para sa lupang sakahan at demokrasyaDoon sa erya na aking nililigiran

Marahas man ang militarAt madugo man ang daan tungo sa sonang tagpuanDi ko na rin inalintana ang kabi-kabilang opensibang militarSabi mo nga, ito’y para sa ‘yo, para sa bayang pinagsasamantalahan

Kasabay ng nakakatustang init ng arawAy ang di masawatang pag-aalala at panlulumoAng pagragasa ng tanong sa isip ay tuladNg pagdaloy ng dugo ng magsasakang pinaslang sa FSQ

Dahil nangangailangan ang masaNg tunay na taliba tungo sa demokrasyaNa siyang magmumulat, mag-oorganisa at makikibakaPara mabago ang lipunang mala-kolonyal at mala-pyudal

Magbabalik pa rin akoKahit mainit ang lugar na itoDito sa gitna ng kagubatanIbinubulong ko sa hangin ang di ko pagdating

Sa init ng sonang gerilyaNag-iinit at nagliliyab sa pakikibakaNandito pa rin akoNais dumating sa piling mo noong Hulyo a-kuatro

Page 36: km64chap4 chacha

[ 34 ]

|| ANG PANUKALA NI MAMA SANni Usman Abdurajak Sali

Sundan daw ng indak ang tugtog,Ng sirang plakang ngumangawa,Mula sa bahay-aliwang magara,Na si Impeng Sam ang nagtatag.

Sumayaw daw kayong nakapikit,Dahil madali lamang kabisahin,Kung saan ang hakbang at diin,Maliban pa sa ito’y paulit-ulit.

Dalawang hakbang na pasulong,Upang tayo daw ay umunlad.Di bale na raw kung may kasunod,Na dalawang hakbang paurong.

Bukas ang palad pati ang palda,Makipagsayaw raw sa banyaga.Isuko daw kaagad ang bandila,Kapag dolyares ang perang dala.

Ito raw ang modernong buhay,Kailangang umasa sa delihensyaMula sa nakikipaglandiang dayo.Magbihis daw ng medyo mahalay.

Tiyak daw malaki ang ating kikitain,Sa mungkahing engrandeng pasayaw.Inaanunsiyo na nga ito araw-araw,Ng mga sugo at bata ni mama san.

Hindi na raw kailangan magpraktis,Dahil madali lamang ang atras-abante,Abante-atras sige lang nang sige,Tiyak daw hindi magmimintis.

Magaling talaga magturo ng sayaw,Si mama san na taga-bahay-aliwan.Magaling maghanap ng pagkakakitaan.Garapalan nga lang ang pambubugaw.

Ayokong sumayaw ng ChachaMas maganda kase ang tinikling.Mas tipo ko rin ang sayaw itik-itik.Mas nakakatuwa ang sayaw-palaka.O kaya ang sayaw kapag may cañao.

Pero ang gusto ko talagang sayaw,Medyo marami na ang nakalimot,Sa dakong timog bansag nito’y saut,*Magiliw na sayaw bago ang pangayaw!** * sayaw pandigma ng mga lumad sa Bukidnon** pakikidigma ng tribo

Page 37: km64chap4 chacha

[ 35 ]

Page 38: km64chap4 chacha

[ 36 ]

|| IN PRAISE OF MARTYRS

BENJALINE “BENG” HERNANDEZ, 22November 21, 1979 - April 5, 2002

[Ang sumusunod ay hango mula saatikulong “Remembering Beng:An Atenean Who Became a People’sPoet” ni Dayami Floresng www.bulatlat.com]

She was an Atenean, a literature student, a youngjournalist, a poet -- needless to say, compassionate.She had pains, lots of it. Growing up in a familyripped by class contradictions and the painful contra-dictions of life surrounding it -- having a fathercoming from an upper class family who married someoneof the lower class, her mother, life must be tough forher and she had to grow up with the grandparents. Shegrew up quite ordinarily. Yet, Benjaline “Beng” Hernandez was no ordinaryperson. What kept her apart from the preoccupations ofher generation soaked in “electromedia escapism” is thepart of her that made her follow her passions.... While everyone was forced to live the lifestyle ofa “kolehiyala na may kaya,” she was confronted with thereality that she could hardly live with the sum sent byan overseas contract worker aunt -- another contradic-tion that she had to deal with. Little wonder then that Beng, as her activistcolleagues would put it, was not difficult to convinceto join marches and demonstrations that slammed theschool for the skyrocketing tuition fees and underpaidteachers. She felt poverty right in her very gut and shefelt it more when surrounded by her filthy rich class-mates. Aching to understand society further, Beng fi-nally went out of the university and decided to learnmore about the world she was in.... While still a student, she volunteered for thehuman rights alliance Karapatan. There, her eyes wereopened to more realities. Beng learned about rampantkillings by military and paramilitary elements. And shewondered why those killed were always the poor, thepeasants, the landless and the perpetrators were always

Page 39: km64chap4 chacha

[ 37 ]

the private armies of landlords and the military withconnections to the ruling class. Beng saw these and shesearched for more. Not only did she choose to deal withthe families of those killed by the military for sense-less reasons. She was with them in times when theydemanded justice for their loved ones. Beng walked withthem, even if it meant a great deal of sacrifice forher. When there were needs for Karapatan volunteers togo out to the areas for fact-finding missions, she wasalways there with a ready “Yes, I will go!” It was atthat time when she heard of peasants massacred inTababa, Arakan Valley. ... She went there to know aboutwhat happened to the peasants in Arakan valley and thekind of lives they live under conditions of abjectpoverty and oppression. Poor as they were, these peasants live to be ableto eat and eat to be able to live. They live verysimple lives. At daytime, she would teach their chil-dren songs, and tell stories, for she had this certainfondness for children. On starry nights, she would justbe there hanging around with the folks and talking withthem about anything - their dreams, their aspirationsunder constellations whose names she took time to teachthem, as one farmer would later recount. And such was the life that drove Beng to learnmore, search more until that fateful day, on a day liketoday, April 5, when Cafgu paramilitary men and ele-ments from the 12th Special Forces surrounded the housewhere she was about to eat with peasants, that fate mether. The dry, cogon-covered rolling hills which spelledhunger for the people was witness to how she was felledby bullets from Cafgu and military elements. These mentook away a life of a very young human-rights advocatewho just sought to walk along the people in theirstruggles for land and justice. And yet, months after,she had to come back in a cold coffin. What could have Beng done that deserved the ireand recklessness of these men who fired M16 bulletsinto her lithe body at close range? This is the ques-tion that human-rights advocates have been asking. Indeed, in a country where an economic orderyields massive oppression, siding with the poor hascome to mean death. And yet, our lives continue to betouched by people like Beng who was brave enough totake the side of the poor. It was a life that willcontinue to lead others to follow her path. She lived alife that is an inspiration to many who, until now, arestill crying out for justice.

Page 40: km64chap4 chacha

[ 38 ]

Ang akong unibersidadGidumalahan sa mga hesuitang pariGitudluan kami bahin kang KristoGitudluan sab kami unsaon magpadatoDiay mao ang pagpangawat sa kusog pamuoUg dili ang pag-inisig-katawo

Ang akong unibersidadMarmol asta kasilyasAsta kasilyas gimentenarAron maipasigarbo nga kuno klas ug pang dato

Sa akong unibersidadEstudyanteBawal mag tsinelasBawal mag sandoBawal mag shortsAng wala’y ID dili kasulodKatarungan sa mga pariDapat pormal ang pamarog ug panagwayAron husto ang pagtuonNiining pangdato nga unibersidad

Sa akong unibersidadBawal mangutana o magtukiO mangatarunganInstructor nga perte ka istriktoMao ra’y pirmi saktoAng pagtuon murag pagkaonNga diretso pagatunlon ug dili paga-usapon

Ang akong unibersidadUsa ka komedyaAng angay matun-an, wa matun-aAng angay tudlo-un, wa tudluiIkaw na’y nagbayad, ikaw pa’y uliponSa mga paring hesuitaUg magtutudlong nagpaka-aron-ingnon

Page 41: km64chap4 chacha

[ 39 ]

My universityIs run by Jesuit priestsWe are taught the life of ChristWe are taught how to get richTo steal the labors of workersAnd not to be men for others

In my universityEven toilets are made of marbleEven toilets are well-maintainedSo they can proclaim proudlyThat we have class and we are for the rich

In my universityStudents are prohibitedFrom wearing slippersFrom wearing sandoFrom wearing shortsNo ID, you can’t go inThe priests would sayWe should look formalSo we can learn wellIn this university for the rich

In my universityYou can’t ask questions nor discussNor reason outInstructors are much too strictThey think they are always rightLearning here is like eatingWithout masticating

My universityIs like a comedyYou don’t learn things you ought to knowThey don’t teach things they ought to teachYou pay yet you feel like the slaveTo the Jesuit priestsAnd pretentious instructors

Page 42: km64chap4 chacha

[ 40 ]

Samtang ang inyong unibersidadUnibersidad sa katawhanNagtudlo unsaon pagpukanAng dunot nga sistemangNag-ulipon sa kadaghanan

Inyong unibersidadWala’y bongbongWala’y lingkurananWala’y mesaWala’y pertahanBlakbord mao ang taffetaApan nagmatinud-anonSimple lang ug dili magarbo

Inyong unibersidadEstudyante mayukmok gyudSul-ob ang tsinelas, shorts ug sando

Sa inyong unibersidadAng instruktor muhagitNga tukion ang katilingbanTun-an ang pagpahimulosUg barugan ang pakigbisog

Sa inyong unibersidadAng instruktor dili binayranDili masuko kung pangutan-onUg sukit-sukitonIbalos ang pag-esplikar ug pahiyomMainantoson, maalam, nangalagad, nagserbisyo

Ang inyong unibersidadUsa ka dramaWala’y yuta nga katikarananak nga dili ka-eskwelapananom nga wala’y bilikapobrehon, pagkaulipon

Kini nagpamatuodang tinoud nga pagtuonwala sa dagkong unibersidadkon dili diri sa kabukirangihisgutan ang kasinatian sa katawhan

Page 43: km64chap4 chacha

[ 41 ]

While your universityIs the university of the peopleThey teach you how to destroyA rotten systemThat enslaves the people

Your universityHas no roofNo chairsNo tablesNo doorsYou have taffeta for blackboardBut your university is for realIt’s simple and not proud

In your universityThe students are poorThey wear slippers, shorts and sando

In your universityYour teachers will challenge youTo discuss societyTo learn why there is oppressionAnd to stand up and fight

In your universityThe instructors are not boughtThey won’t mind questionsAnd discussionsThey answer you with knowledge and a smileThey are patient, learnedThey serve

Your universityIs like a drama:No land to tillChildren can’t go to schoolCrops are rendered uselessPoverty, subjugationThis only provesThat true knowledgeCan’t be found in big universitiesBut here in the mountainsWhere the life of our peopleAre taught and learned

Page 44: km64chap4 chacha

[ 42 ]

Page 45: km64chap4 chacha

[ 43 ]

|| RENGGA KONTRA SONAOrihinal na nasulat bago magSONA si GMA noong 2003nina Alex Martin Remollino, Bijux de Bijux, Joshua deLuna, Marcus, Noyarbry, Rustum Casia

Minsan sa isang taon,dinudumog ng tao ang Kongresoat ang dala-dala nilang baon -diwang buong buo at mga polyeto,polyetong inilimbag ng dugo’t pawis,pabubulaanan ang kasinungalingan ng pangulo,polyetong nagsasabi ng totoo,dinanas ng nakakaramiat ‘di ng nasa pwesto.Silang naglulunoy sa luha ng sambayanan,kampanteng nakaupo sa airconditioned na bulwagan,pumapalakpak sa bawat numerong binibitiwan,mga numerong sila lang ang nakakaalam,sila lang ang nakakaramdam.Sapagkat ang kanilang utak at pusoay ‘di na nasisikatan ng arawat kanilang kabahuan ay sagad na sa butong bulok na sistemang sila ang namumuno.

Pero tayo ay kabuting dadami,tayo ay lalakas pasa malakas na bagyoat tayo ay lalaban ng walang suko at walang sawaharangan man ng cyclone wire na pagkahaba-habao trak ng bumberong sa ati’y bumabasa;batuta ng pulis ay di alintanaSapagkat sama-sama nating ipaglalabankarapatan, demokrasya at kalayaan.

Sa araw ding ito, titigil ang mga makina,mauulila ang mga upuan ng mga silid aralan.ang mga artista ay di na magtatanghal sa mga bulwagan;sa lansangan nila ilalarawan ang mukha ng sambayanan.Sapagkat gutom ang sambayanan,at ika nga ng mga tindero sa may trabaho:‘di nakakain ang survey.Ang mga makata ay tutula,ang mga mang-aawit ay aawit,‘di upang magkwento ng habulan ng mga paruparo,o ng ligawan ng mga diyos ng kalangitan.o di kaya’y, kung gaano kabango ang sampagita,at gaano kalayo ang buwan.

Page 46: km64chap4 chacha

[ 44 ]

Di ba’t pag-ibig din naman ang paglilingkod sasambayanan?

Pag-ibig ito, pag-ibigna kumitil sa hininga ni Bonifacio—sapagkat ang mga dugong-bughaw ay natakotsa panaginip niyang isang bayang walang gapos.Natakot sila, sapagkat kung walang gaposang bansa ay paano ang kanilang balakinghumalili sa Kastilang bantay ng selda?Ngunit pag-ibig din itong tumawidsa tulay ng mga dekada at paulit-ulit na sumisindakkina Tiyo Samuel at kanyang mga alilasa Kongreso at maging sa Malacañang,at pag-ibig na isang araw,kundi hahayaang pumanaw ay puputol sa kukong Higanteng Limbas ng Hilagang Amerika.

Sa araw ng Sona, lunurin natinang mga pader ng Heriko ng ating bansasa mga titik ng pag-ibig ni Bonifacio.Sumaatin sa araw ng Sona ang kaluluwa ni Mabininang ang tinig niyaay maitapal sa matatamis na kabulaananng mga Aguinaldo at Paternosa Kongreso at Malacañang.

Page 47: km64chap4 chacha

[ 45 ]

Page 48: km64chap4 chacha

Pregnancy|Dweighn BaltazarDweighn BaltazarDweighn BaltazarDweighn BaltazarDweighn Baltazar[3] Tuklas|JoshuaJoshuaJoshuaJoshuaJoshuad e L u n ad e L u n ad e L u n ad e L u n ade Luna [4] Dream| D e m i s h V i l l a r u e lD e m i s h V i l l a r u e lD e m i s h V i l l a r u e lD e m i s h V i l l a r u e lD e m i s h V i l l a r u e l[5]Tocino|DhanelleDhanelleDhanelleDhanelleDhanelle[6] Awit ng Pag-asa|PrexPrexPrexPrexPrex[7]Sundo| Lei SalesLei SalesLei SalesLei SalesLei Sales[8] She’s Using a DrumMachine|Gerald CasiaGerald CasiaGerald CasiaGerald CasiaGerald Casia[10] Wala Nang Sapin AngKama Paggising Ko|Maria Roma TarranzaMaria Roma TarranzaMaria Roma TarranzaMaria Roma TarranzaMaria Roma Tarranza[11]M e g a p h o n e | K i a r a R a g o sK i a r a R a g o sK i a r a R a g o sK i a r a R a g o sK i a r a R a g o s [ 1 2 ] B a t u g a n | B o yB o yB o yB o yB o yLabanderoLabanderoLabanderoLabanderoLabandero[13] On Indifference|DomDomDomDomDom[14] Bayanisa Bilao|JarvisJarvisJarvisJarvisJarvis[15] Window Shopping|MarcMarcMarcMarcMarcCrimson de GuzmanCrimson de GuzmanCrimson de GuzmanCrimson de GuzmanCrimson de Guzman[16] Drive-Through|Ayan[17]N i g h t s h i f t | A y i d e l a C r u zA y i d e l a C r u zA y i d e l a C r u zA y i d e l a C r u zA y i d e l a C r u z [ 1 8 ] M u c h a ’ sG r a s a | L e c t e rL e c t e rL e c t e rL e c t e rL e c t e r [ 1 9 ] W i n s t o n L i g h t s | C JC JC JC JC JPasaholPasaholPasaholPasaholPasahol[20] Young Guns|Mikko GocoMikko GocoMikko GocoMikko GocoMikko Goco [21]Balisong|Shadow of TwilightShadow of TwilightShadow of TwilightShadow of TwilightShadow of Twilight[22] Makata atang Kanyang Tula|Che dela CruzChe dela CruzChe dela CruzChe dela CruzChe dela Cruz[24] HindiNakapagtataka|Alexander Martin RemollinoAlexander Martin RemollinoAlexander Martin RemollinoAlexander Martin RemollinoAlexander Martin Remollino[25]Hai(na)ku(!!!)|Pedro OcampoPedro OcampoPedro OcampoPedro OcampoPedro Ocampo[26] MalapitNa|Roy MonsobreRoy MonsobreRoy MonsobreRoy MonsobreRoy Monsobre[27] Counterstrike|KristofferKristofferKristofferKristofferKristofferBerseBerseBerseBerseBerse[28] Lagusnilad confrontation|RustumRustumRustumRustumRustumCasiaCasiaCasiaCasiaCasia[29] Hinintay Kita sa Harapan ng USEmbassy noong Hulyo a-Kuatro/Kung Bakit HindiAko Dumating sa Harapan ng US Embassy noongHulyo a-Kuatro|Dancing Red FlagDancing Red FlagDancing Red FlagDancing Red FlagDancing Red Flag[30] AngDating Paraiso|Jowel JoynoJowel JoynoJowel JoynoJowel JoynoJowel Joyno[32] Ang Panukalani Mama San|Usman Abdurajak SaliUsman Abdurajak SaliUsman Abdurajak SaliUsman Abdurajak SaliUsman Abdurajak Sali[33] INP R A I S E O F M A R T Y R S : B e n j a l i n e “ B e n g ”B e n j a l i n e “ B e n g ”B e n j a l i n e “ B e n g ”B e n j a l i n e “ B e n g ”B e n j a l i n e “ B e n g ”H e r n a n d e zH e r n a n d e zH e r n a n d e zH e r n a n d e zH e r n a n d e z [ 3 5 ] R e n g g a K o n t r a S O N AR e n g g a K o n t r a S O N AR e n g g a K o n t r a S O N AR e n g g a K o n t r a S O N AR e n g g a K o n t r a S O N A [ 4 3 ]

[CHACHA]SAYAW.SA.BUBOG/CHAPBOOK[#4][HULYO2003]

N I L A L A M A N

http://groups.yahoo.com/groups/kilometer64/