24
Ulat sa Filipino Inihanda ni: Johann Angelo S. Cruz

Kay sleya

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kay sleya

Ulat sa Filipino

Inihanda ni: Johann Angelo S. Cruz

Page 2: Kay sleya

Kay SelyaKung pagsaulan kong basahin sa isipang nangakaraang araw ng pag-ibig,may mahahagilap kayang natititikliban na kay Selyang namugad sa dibdib? Pagsaulan- pagbalikan;alalahaninMahahagilap- mahahanap

Page 3: Kay sleya

Yaong Selyang laging pinapanganiban,baka makalimot sa pag-iibigan;ang ikinalubog niring kapalaransa lubhang malalim na karalitaan.

Pinapanganiban- kinatatakutanKaralitaan- kahirapan

Page 4: Kay sleya

Makaligtaan ko kayang 'di basahin,nagdaang panahon ng suyuan namin?kaniyang pagsintang ginugol sa akinat pinuhunan kong pagod at hilahil?

Suyuan- pag-iibiganHilahil- suliranin;pasanin

Page 5: Kay sleya

Lumipas ang araw na lubhang matamisat walang natira kundi ang pag-ibig,tapat na pagsuyong lalagi sa dibdibhanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.

Maidlip- mahimlay;nakatulog

Page 6: Kay sleya

Ngayong namamanglaw sa pangungulila,ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,nagdaang panaho'y inaalaala,sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.

Namamanglaw- nalulungkot

Page 7: Kay sleya

Sa larawang guhit ng sintang pinsel,kusang inilimbag sa puso't panimdimnag-iisang sanlang naiwan sa akin,at 'di mananakaw magpahanggang libing.

Inilimbag- iginuhit;minarkaPanimdim- isipan;gunitaSanla- alaala

Page 8: Kay sleya

Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalawsa lansanga't ngayong iyong niyapakan,sa Ilog Beata't Hilom na mababaw,yaring aking puso'y laging lumiligaw.

Page 9: Kay sleya

'di mamakailang mupo ng panimdimsa puno ng manggang naraanan natin;sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,ang ulilang sinta'y aking inaaliw.

Page 10: Kay sleya

Ang katauhan ko'y kusang nagtataliksa buntung-hininga nang ika'y may sakit,himutok ko noo'y inaaring-langit,paraiso naman ang may tulong-silid.

Page 11: Kay sleya

Nililigawan ko ang iyong larawansa makating ilog na kinalagian;binabakas ko rin sa masayang doonganyapak ng paa mo sa batong tuntungan.

Page 12: Kay sleya

Nagbabalik mandi't parang hinahanap,dito ang panahong masayang lumipas;na kung maliligo'y sa tubig aagap,nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

Tabsing- talsik ng tubig-dagat

Page 13: Kay sleya

Parang naririnig ang lagi mong wika:"Tatlong araw na 'di nagtatanaw-tama."at sinasagot ko ng sabing may tuwa-"Sa isang katao'y marami ang handa."

Page 14: Kay sleya

Anupa nga't walang 'di nasisiyasatang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;sa kagugunita, luha'y lagaslas,sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!“

Taghoy- daing ng taong lumuluha

Page 15: Kay sleya

Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?Ang suyuan nami'y bakit 'di lumawig?nahan ang panahong isa niyang titigang siyang buhay ko, kaluluta't langit?

Di lumawig- naputol;di natuloy

Page 16: Kay sleya

Bakit baga ngayong kami maghiwalayay dipa nakitil yaring abang buhay?Kung gunitain ka'y aking kamatayan,sa puso ko Selya'y, 'di mapaparam.

Di mapaparam- di malilimutan;di mawawala

Page 17: Kay sleya

Itong 'di matiis na pagdaralitanang dahil sa iyo, o nalayong tuwa,ang siyang umakay na ako'y tumula,awitin ang buhay ng isang naaba.

Naaba- naapi

Page 18: Kay sleya

Selya'y talastas ko't malalim naumid,mangmang ang musa ko't malumbay na tinig,di kinabahagya kung hindi malait palaring dinggin mo ng tainga't isip.Naumid- napipi;natahimikMalumbay-Malungkot

Page 19: Kay sleya

Ito'y unang bukal ng bait kong kutadna inihahandog sa mahal mong yapak;tanggapin mo nawa kahit walang lasap,nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

Kutad- di pa sanay;kulang sa karanasan

Page 20: Kay sleya

Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayoptubo ko'y dakila sa pahunang pagod;kung binabasa mo'y isa mang himutokay alalahanin yaring naghahandog.

Pula- mula sa pagpula;pagpitas

Page 21: Kay sleya

Masasayang nimpas sa lawa ng Bai,sirenas, ang tinig ay kawili-wili,kayo ngayo'y siyang pinipintakasing lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

Pinipintakasi- sinasamba

Page 22: Kay sleya

Ahon sa dalata't pampang na nagligid,tonohan ng lira yaring abang awitna nagsasalitang buhay mo'y mapatid,tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.

Dalata- lupang malapit sa pampang

Page 23: Kay sleya

Ikaw na bulaklak niring dilidili,Selyang sagisag mo'y ang MARsa Birheng mag-ina'y ipimintakasiang tapat mong lingkod na si FB

Dilidili- alaala

Page 24: Kay sleya

Buod ng aralinNagbabalik tanaw si Balagtas sa kanyang masasayang alala kasama si Selya na labis niyang minahal ngunit naging dahilan ng pinakamalaking niyang kabiguan sa pag-ibig.Sa tindi ng sakit ay halos ninais ni Balagtas na mawala na rin sa mundo nang sila’y maghiwalay.Subalit ang kabiguang ito ay siya ring nagbigay-daan sa paglikha niya ng walang kamatayang obra-maestra,ang Florante at Laura