10
BASAHIN AT TALAKAYIN Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan TOMO 39 BILANG 1 B ago pa pumasok ang taong 2019, inutulak na ni Duterte ang pagpapandi ng kanyang todo-gera sa pamamagitan ng isang Naonal Task Force to End Communist Insurgency upang ganap na wasakin ang rebolusyonaryong kilusan. Ngayon, walang habas nitong inaatake ang mamamayan at ang kanilang mga pakikibaka at isinasakatuparan ang pagtatatag ng kanyang pasistang-diktadurang paghahari sa buong bayan. Ilunsad ang mas maigting na paglaban sa lahat ng larangan sa taong 2019! Sa ilalim ng NTF, ginawang isa sa mga prayoridad ng rehimen ang Quezon sa Timog Katagalugan sa kanyang mga pasistang pakana, pumapangalawa sa mga rehiyon sa Mindanao at lalawigan ng Samar sa Visayas. Idineklara ni Duterte na sa unang bahagi ng 2019, higit na titindi ang atake nito na magiging batayan ng pagkumpleto sa mga ninanais nitong makamit sa takdang pagtatapos ng kanyang termino sa taong 2022. Layon din ni Duterte na gamitin ang NTF para konsolidahin ang paghahari nito at higit na makopo ang kapangyarihan ng reaksyunaryong gubyerno. Sa pagtatapos ng 2018, nasaksihan ng mamamayan ang paglala ng mga paglabag sa karapatang tao ng Armed Forces of the Philippines sa ngalan ng NTF at ng 12 Pillars ng 2018 National Internal Security Program ng rehimeng US-Duterte. Tinatarget ng pasistang krusada ni Duterte hindi lamang ang mga kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan, kundi higit ang maraming inosenteng sibilyan at progresibong indibidwal at organisasyon. Walang-patid ang militarisasyon ng mga pwersa ng AFP-PNP-CAFGU sa lalawigan ng Quezon laluna sa General Nakar at iba pang bayan sa hilagang Quezon sa hangganan ng rehiyon at Gitnang Luzon. Ganundin sa bahaging hangganan ng Quezon at Bikol. Aabot sa apat na batalyon ng kaaway ang nakapakat ngayon sa Quezon, hindi pa kasama ang mga ENERO 2019 EDITORYAL

Ilunsad ang mas maigting na paglaban sa lahat ng …sa Visayas. Idineklara ni Duterte na sa unang bahagi ng 2019, higit na titindi ang atake nito na magiging batayan ng pagkumpleto

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ilunsad ang mas maigting na paglaban sa lahat ng …sa Visayas. Idineklara ni Duterte na sa unang bahagi ng 2019, higit na titindi ang atake nito na magiging batayan ng pagkumpleto

BASAHIN AT TALAKAYIN

Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan

TOMO 39 BILANG 1

Bago pa pumasok ang taong 2019, itinutulak na ni Duterte ang pagpapatindi ng kanyang todo-gera sa pamamagitan ng isang National Task Force to End Communist Insurgency upang ganap na wasakin ang

rebolusyonaryong kilusan. Ngayon, walang habas nitong inaatake ang mamamayan at ang kanilang mga pakikibaka at isinasakatuparan ang pagtatatag ng kanyang pasistang-diktadurang paghahari sa buong bayan.

Ilunsad ang mas maigting na paglaban sa lahat ng larangan sa taong 2019!

Sa ilalim ng NTF, ginawang isa sa mga prayoridad ng rehimen ang Quezon sa Timog Katagalugan sa kanyang mga pasistang pakana, pumapangalawa sa mga rehiyon sa Mindanao at lalawigan ng Samar sa Visayas. Idineklara ni Duterte na sa unang bahagi ng 2019, higit na titindi ang atake nito na magiging batayan ng pagkumpleto sa mga ninanais nitong makamit sa takdang pagtatapos ng kanyang termino sa taong 2022. Layon din ni Duterte na gamitin ang NTF para

konsolidahin ang paghahari nito at higit na makopo ang kapangyarihan ng reaksyunaryong gubyerno.

Sa pagtatapos ng 2018, nasaksihan ng mamamayan ang paglala ng mga paglabag sa karapatang tao ng Armed Forces of the Philippines sa ngalan ng NTF at ng 12 Pillars ng 2018 National Internal Security Program ng rehimeng US-Duterte. Tinatarget ng pasistang krusada ni Duterte hindi lamang ang mga kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas at

Bagong Hukbong Bayan, kundi higit ang maraming inosenteng sibilyan at progresibong indibidwal at organisasyon.

Walang-patid ang militarisasyon ng mga pwersa ng AFP-PNP-CAFGU sa lalawigan ng Quezon laluna sa General Nakar at iba pang bayan sa hilagang Quezon sa hangganan ng rehiyon at Gitnang Luzon. Ganundin sa bahaging hangganan ng Quezon at Bikol. Aabot sa apat na batalyon ng kaaway ang nakapakat ngayon sa Quezon, hindi pa kasama ang mga

ENERO 2019

EDITORYAL

Page 2: Ilunsad ang mas maigting na paglaban sa lahat ng …sa Visayas. Idineklara ni Duterte na sa unang bahagi ng 2019, higit na titindi ang atake nito na magiging batayan ng pagkumpleto

ENERO 20192 KALATAS

Enero 2019TOMO 39 BILANG 1

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa: [email protected] balikwastk.wordpress.com

NILALAMAN

1 Editoryal

3 Digmaan sa tarangkahan: Kalagayang militar sa TK

6 Ang unti-unting nauupos na kabuhayan ng mga magniniyog

8 Ang Pulang Hukbo

120 kadre ng TK, nagtapos ng AKP

9 Balitang TO

Kilos Protesta

Bantay Karapatan

10 Kultura

pwersa ng CAFGU. Kabilang dito ang 80th, 92nd, 1st at 85th IBPA.

Kakambal ng mga operasyong kombat na ginagawa ng AFP sa rehiyon ang black propaganda ng mga pekeng pagpapasuko at gawa-gawang labanan na nagdudulot ng lansakang paglabag sa karapatang tao. Nais nilang ipakita ang atmospera ng teror sa bansa na sila mismo ang may likha upang gawing lehitimo ang pagpapataw ng Martial Law sa buong bayan.

Naging palasak ang ginagawang red-tagging ng rehimeng US-Duterte sa mga indibidwal at organisasyong nagtataguyod ng batayang karapatan at interes ng mamamayan at patuloy na lumalaban sa kanyang mga mapanupil na patakaran. Tinatarget ng mga pandarahas ng militar ang mga pinaghihinalaan nilang kasapi ng Partido at mga tagasuporta ng Bagong Hukbong Bayan. Ang kampanya ng teror ni Duterte ay tumatagos sa maralitang mamamayan na patuloy na nabubuhay nang mas masahol pa sa nakaraan.

Iba’t ibang pakana na ang ginawa ni Duterte upang palabasin ang paghina ng rebolusyonaryong kilusan sa TK. Kabilang dito ang ginawang iligal na pag-aresto sa 89 na katutubong Mangyan sa Occidental Mindoro na dinala sa kampong militar upang interogahin at paamining mga kasapi ng BHB. Sa Quezon, lantaran naman ang pagpapakalat ng mersenaryong AFP ng mga pekeng labanan kung saan pinalalabas nilang nagdulot ng maraming kaswalti sa hanay ng Pulang hukbo.

Gamit ang whole-of-nation approach, gagamitin ni Duterte ang lahat ng rekurso at institusyon ng reaksyunaryong gubyerno laban sa lahat ng kanyang katunggali laluna ang rebolusyonaryong kilusan. Pinupuno ni Duterte ang kanyang gabinete ng mga militar na alipures upang buu-buong patakbuhin ang kanyang gubyerno sa linyang ultra-kanan at makaimperyalista. Pinakapal pa lalo ni Duterte ang papel ng mga mapandigmang heneral sa kanyang paghahari upang ipataw ang de facto Martial Law sa Luzon at Visayas habang hinahalihaw at nililigalig ng AFP ang buong Mindanao sa ilalim ng batas militar.

Tuluyan namang ibinaon sa limot ni Duterte ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP sa pagkakaluklok ng dating chief of staff ng AFP na si Gen. Carlito Galvez sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) bilang peace adviser nito. Nito lamang huling kwarto ng 2018, sunud-sunod ang mga naganap na iligal na pang-aaresto ng mga konsultant ng NDFP at karumal-dumal na pinatay ng mga ahente ng estado ang isang NDFP consultant na si Randy Malayao noong Enero 30 sa Nueva Viscaya.

Sukdulan na ang desperasyon ni Duterte na ganap na wasakin ang rebolusyonaryong kilusang may kakayahang pabagsakin ang kanyang paghahari. Ang rebolusyonaryong pakikibakang pinamumunuan Partido ang nagsisilbing tinik sa kanyang lalamunan upang isakatuparan ang kanyang pagtatatag ng pasistang diktadura sa buong bayan.

Tiyak na bibiguin ng mamamayan ang ibinabanderang NTF ni Duterte. Ipapawalang-saysay ng nakikibakang mamamayan ang

Page 3: Ilunsad ang mas maigting na paglaban sa lahat ng …sa Visayas. Idineklara ni Duterte na sa unang bahagi ng 2019, higit na titindi ang atake nito na magiging batayan ng pagkumpleto

ENERO 2019 3 KALATAS

lahat ng mga pasistang pakana ni Duterte at ibabagsak nila ang paghahari nito. Susi dito ang mas maigting na paglaban at opensiba sa lahat ng larangan ng labanan. Hindi na dapat pang magtagal sa estado-poder ang rehimeng US-Duterte na walang ibang idinulot kundi mas malalang pasakit , krimen at pagdurusa sa mamamayan.

Ang digmaan ay isang kilusang masa na dapat nating ipagtagumpay. Susi sa mga tagumpay na makakamit ng hukbong bayan ang pag-oorganisa at pagpapakilos ng malaking bilang ng mamamayan upang makapangalap ng lahat ng tipo ng suporta para sa digmang bayan.

Ang digmang bayan na isinusulong ng mamamayan ay isang makatarungang digma na superyor sa mapanupil at di-makatarungang digmang inilulunsad ni Duterte sa dikta ng kanyang imperyalistang amo. Layunin nitong pakilusin ang mamamayan at buuin ang kanilang pinakamalawak na pagkakaisa upang labanan at biguin ang lahat ng anti-mamamayang pakana ni Duterte.

Kailangang kagyat na itayo ang mga organo ng kapangyarihang pampulitika sa kanayunan na siyang magiging muog ng mga pakikibaka ng mamamayan upang isulong ang kanilang mga batayang interes at karapatan sa pulitika at kabuhayan. Sa mga base sa kanayunan, ilunsad ang mga pakikibakang anti-pyudal sa pamamagitan ng mga kampanya sa rebolusyong agraryo na siyang magpapanday sa masang magsasaka sa paglahok sa pambansa-demokratikong rebolusyon. Ang RA ang magsisilbing gatong na higit na magpapa-alab sa damdamin ng mamamayan sa kanayunan upang magagap nila ang kahalagahan ng pagtatagumpay ng digmang bayan.

Kasabay ng mga kampanya sa RA,

dapat na isulong din ang kampanya ng pagpapasampa sa hukbong bayan. Ang mamamayan ang hindi masasaid na balon ng mga bagong rekrut ng BHB para sa armadong pakikibaka. Muling bigyan ng panibagong sikad ang kampanya sa pagpapasampa ng pinakamaraming mabubuting anak ng bayan sa Pulang hukbo at gawin itong isang kilusang masa. Sa mga inilalabas na propaganda, kailangang abutin ang pinakamalawak na bilang ng mamamayan sa kalunsuran at kanayunan na maghihikayat sa kanilang sumampa sa BHB at itaguyod ang mapanlabang islogang ‘kung wala ang hukbong bayan, wala ni anuman ang mamamayan’ bilang batayan ng kanilang paglahok sa digmaan.

Pasampahin ang pinakamaraming bilang ng manggagawa at mga intelektwal sa kalunsuran sa Pulang hukbo sa pamamagitan ng programa ng pag-iintegra sa BHB upang mahikayat silang buong panahong kumilos sa kanayunan para sa armadong pakikibaka. Dapat na paigtingin pa lalo ang mga mga pakikibakang masa laban sa pasismo ni Duterte at ang pagiging nangungunang tuta nito sa mga imperyalista. Kagyat na buuin ang mga seksyong yunit gerilya upang palakasin ang depensa at kakayahang lumaban ng ating mga rebolusyonaryong base sa kanayunan upang ipagtanggol ang kanilang mga tagumpay. Hindi lamang p r e s e r b a s y o n ang layunin ng pagpapalakas ng depensa sa mga rebolusyonaryong base kundi ang paglikha ng isang militanteng baseng

lumalaban sa lahat ng pakana ng reaksyunaryong gubyerno gamit ang AFP-PNP-CAFGU.

Ang paglaki ng bilang at pagdami ng mga yunit ng hukbong bayan ang higit na magpapasikad ng kampanyang militar laban sa AFP-PNP-CAFGU. Dapat na ilunsad ng BHB ang pinakamaraming bilang ng aksyong militar bilang patama sa ulo at katawan ng mersenaryong AFP at maging higit na mapangahas ang Pulang hukbo sa paglulunsad ng mas maraming taktikal na opensiba tulad ng reyd at ambus na hindi lamang lilipol sa malaking bilang ng kaaway kundi makakasamsam ng maraming sandatang mag-aarmas sa paparaming bilang ng rekrut sa BHB.

Sa taong 2019, dapat na higit na magpalakas at magkonsolida ang lahat ng pwersa ng rebolusyon upang harapin ang mas maigting na labanan sa rehimeng US-Duterte sa lahat ng larangan ng digma. Ang paglala ng krisis ng lipunang Pilipino sa ilalim ng paghahari ni Duterte ang higit na magpapahinog sa mga kalagayan at magmumulat sa mamamayan upang ipagtagumpay ang demokratikong rebolusyong bayan sa nalalapit na hinaharap.

Page 4: Ilunsad ang mas maigting na paglaban sa lahat ng …sa Visayas. Idineklara ni Duterte na sa unang bahagi ng 2019, higit na titindi ang atake nito na magiging batayan ng pagkumpleto

4 KALATAS ENERO 2019

PANGUNAHING LATHALAIN

Digmaan sa tarangkahan: Kalagayang militar sa TKDahil nasa tarangkahan ng Maynila, ang TK ang isa sa mga eryang laging binubuhusan ng

armadong pwersa ng reaksyunaryong estado. Sa panahon ng pasistang paghahari ng rehimeng US-Duterte, nanatiling pokus ang TK ng ikinasang todo-gera laban sa rebolusyonaryong kilusan. Tinukoy pa ang TK na isa sa mga areas of concern ng AFP sa National Task Force (NTF) to End Communist Insurgency.

Matinding pinsala ang dala ng anti-rebolusyonaryong kampanyang ito. Sa TK, libu-libo na ang biktima ng paglabag sa karapatang tao, kasama na ang extrajudicial killings, iligal na pang-aaresto, panghaharas, pagbabanta, at mga atake sa komunidad gaya ng hamletting at dislokasyon. Pangunahing instrumento ng teror ng rehimeng US-Duterte ang tropa ng AFP-PNP-CAFGU na nakapakat sa buong rehiyon.

Matapang na hinaharap ng mamamayan ng TK ang 16 panagupang batalyon ng AFP at PNP. Kasama na rito ang isa sa 10 bagong batalyon na pinabuo ni Duterte para sa kanyang kontra-rebolusyonaryong gera.

Saklaw ng teror

Noong 2018, naging pokus ng pwersa at operasyon ng kaaway ang mga lalawigan ng Quezon, Rizal, Batangas at Palawan.

Ang dahilan ng bigat ng pokus sa mga eryang ito ay ang pagnanais ng naghaharing uri na supilin ang malalakas na pakikibakang masa gaya ng laban kontra sa kumbersyon ng lupa tungong ekoturismo sa Batangas, mga anti-pyudal na laban sa mga hacienda at nyugan sa Quezon at laban kontra mina sa Palawan. Bahagi ng estratehiya ng kaaway sa pagpigil sa paglakas ng BHB sa buong Luzon ang pagtatambak ng mga tropa ng AFP sa mga hangganan ng TK.

Ang mga probinsya sa Luzon na sakop ng TK ay nasa ilalim ng Southern Luzon Command (SolCom) ng AFP na nagsisilbing ulo ng operasyon ng kaaway sa rehiyon, habang nasa Western Command ang sentro ng tropa ng AFP-PNP-CAFGU sa Palawan.

Sa kasalukuyan, may antas ng sinsin ang pakat ng kaaway sa mga prayoridad nitong erya sa TK. Sa hangganan ng TK at Gitnang Luzon nakapusisyon ang 48th at 56th Infantry Batallion-Philippine Army (IBPA). Kadugtong nito ang mga pwersang nakaistasyon sa probinsya ng Rizal, ang Regional Special Action Force sa 4-A, Special Action Force-Rapid Deployment Batallion, 92nd IBPA at 21st Division Reconnaissance Company (DRC).

Sa lalawigan ng Quezon, kaharap ng BHB at ng mamamayan ang 80th at

85th IBPA at 22nd DRC. Dagdag dito ang 1st IBPA na nakakasaklaw rin sa mga probinsya ng Laguna at Batangas. Sinasaklaw din ng 92nd IBPA ang ilang bahagi ng hilagang Quezon.

Katunggali naman ng BHB sa Batangas ang 730th Combat Group mula sa 710th SPOW ng Philippine Air Force. Katumbas ito ng isang batalyon ng PA at nasa operational control ng 202nd Infantry Brigade at 1st IBPA.

Nananatili ang 4th at 76th IBPA kasama ang 23rd DRC sa Mindoro. Prayoridad ng mga tropang ito ang paghadlang sa pagtagos ng mga BHB mula Batangas tungong Mindoro.

Mga pwersa naman ng 3rd Marine Brigade, MBLT-4 at MBLT-12, ang naghahasik ng lagim sa Palawan. Katuwang nito ang Joint Task Group sa hilaga at timog Palawan na tinatauhan ng 18th Special Forces Company at 570th Tactical Wing ng PAF.

Ang mga nakalatag na tropa ng mersenaryong hukbo sa iba’t ibang probinsya at erya sa TK ay may suportang pwersa mula sa 2nd ID CMO Battalion, 59th IBPA na Cadre Battalion ng CAFGU, Military Intelligence Battalion at 564th Engineering and Construction Battalion.

Isa pang mayor na pwersa sa operasyon ng kaaway laluna na sa aspeto ng paniktik ang Military Intelligence Group 4 (MIG-4) na nakabase sa TK. N a k i k i p a gt u l u n ga n

ito sa SolCom at direktang hawak ng Intelligence Services ng AFP o ISAFP.

Dagdag tauhang kontra-rebolusyon ang dalawang Regional Public Safety Battalion (4-A at 4-B) ng Philippine National Police (PNP), mga yunit ng Provincial Public Management Safety Company at 116 detatsment ng CAFGU na nakakalat sa iba’t ibang probinsya ng TK.

Nagmamantine rin ang kaaway ng mga base militar na may pambansang halaga dito sa TK. Isa na rito ang Marine Naval Base sa Sapang, Ternate, Cavite at ang bagong-tayong base militar ng US Armed Forces sa Ulugan Bay sa Puerto Princesa City, Palawan. Ang base sa Ulugan Bay ay ginagamit ng pwersang militar ng US para makaposisyon sa West Philippine Sea na direktang nakaharap sa mga inaangking teritoryo ng Tsina.

Sa mga pinakahuling saglit bago ang pag-agaw ng rebolusyonaryong pwersa ng pampulitikang kapangyarihan mula sa naghaharing-uri, sigurado ang pagbuhos ng mas marami pang pwersa ng AFP-PNP-CAFGU sa TK. Ito ang realidad ng digmaan sa tarangkahan ng Maynila na hinaharap at

pinaghahandaan ng lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa rehiyon.

Kilos ng kaaway

Mayor na tungkulin ng mersenaryong armadong pwersa ng estado ang pagdurog sa BHB at sa rebolusyonaryong

Page 5: Ilunsad ang mas maigting na paglaban sa lahat ng …sa Visayas. Idineklara ni Duterte na sa unang bahagi ng 2019, higit na titindi ang atake nito na magiging batayan ng pagkumpleto

ENERO 2019 5 KALATAS

base nito. Sumasangguni ito sa mga estratehiya at taktikang kontra-insurhensya na inimbento ng imperyalistang US. Gumaganansya ito sa mga gamit militar mula sa US gaya ng drones na ginagamit na rin ngayon sa mga operasyon ng AFP sa TK.

Sa ganitong balangkas, malaki ang papel ng intelligence o paniktik sa mga operasyon, pinagkukumbina ang mga sibikong aktibidad sa mga operasyong militar at pinapakilos ang lahat ng ahente ng reaksyon, mula sa pinakamababa hanggang pambansang antas, upang durugin ang rebolusyonaryong kilusan.

Sistematiko ang pamamaraan ng kaaway sa pag-atake at pagwasak sa hukbong bayan at mga rebolusyonaryong base sa TK. Sa nakaraang taon, tumampok ang paggamit ng AFP sa mga grupong diumano’y kontra krimen upang kumalap ng impormasyon tungkol sa mga aktibista sa baryo at sa BHB. Kabilang rito ang MASAMASID na target reklutahin ang mga opisyal ng barangay.

Patuloy rin ang pagpapadala ng mga tinaguriang peace and development teams o PDTs sa mga interyor na sa totoo’y mga paunang tim ng mga tropa ng AFP na maglulunsad ng operasyong militar. Nariyan din ang mga Special Warfare Action Group o nagpapanggap na ginagamit ng AFP upang tukuyin ang mga masa, ruta, at iba pang mahahalagang impormasyon tungkol sa BHB.

Binibigyang atensyon rin ng kaaway sa TK ang mga pambansang minorya tulad ng mga Dumagat sa Rizal, Mangyan sa Mindoro at iba’t ibang grupong etnolinggwistika sa Palawan. Ang mga pinuno ng mga grupong minorya ang target ng pagpapasuko sa ngalan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.

Pinoproyekto rin ng kaaway ang pagkukumbert sa mga minorya sa pamamagitan ng panunuhol, pananakot, at panlilinlang. Lahat ng ito’y nagdudulot ng pagkakahati-hati sa mamamayang katutubo at pagsira sa kanilang pagkakaisa laban sa mga mapanirang proyekto gaya ng mina at National Greening Program na kakamkam sa kanilang lupang ninuno.

Ang ganitong mga taktika ng mersenaryong hukbo ay hindi lamang pasakalye sa mga operasyong kombat laban sa BHB. Nagsisilbi ito sa estratehikong layunin na ihiwalay ang masa sa BHB at lusawin ang mga rebolusyonaryong organisasyon na nagdadala ng mga pakikibakang masa. Kailangan sapulin na ang mga pamamaraang binanggit sa taas ay bahagi ng kabuuang kilos ng kaaway na dapat subaybayan at hadlangan ng mamamayan at hukbong bayan.

Rekord sa mamamayan

Kabisado na ng mamamayan ng TK ang lahat ng anyo ng panghahalimaw ng mersenaryong AFP-PNP-CAFGU.

Hindi na mabubura ang mga pilat at bakas ng kalupitan ng kaaway sa alaala at kamalayan ng mamamayan ng TK. Sariwa pa sa kanila ang karahasan ni Jovito Palparan na humambalos sa rehiyon noong Oplan Bantay Laya 1 at 2, at nakaukit na sa kasaysayan ang kahayupan ng militar sa TK noong Martial Law ni Marcos.

Umalis nga si Palparan sa Mindoro, subalit naroon naman ang 4th at 76th IBPA upang ituloy ang tradisyon ng kalupitan. Noong Marso 2017, nagpaulan ng bomba at nang-istraping ang 4th IBPA sa Brgy. Benli, Bulalacao, Oriental Mindoro. Sa parehong buwan, hinamlet ng 4th IBPA ang Brgy. Benli at katabing Brgy. Batasan, San Jose, Occidental Mindoro.

Target rin ang mga katutubong Mangyan na nagdusa sa ginawang panununog ng bahay, sapilitang pagpapalikas, iligal na panghuhuli at pananakot ng 76th IBPA. Pinakabago ang iligal na panghuhuli sa 89 katutubo at pagdedetine sa kanila sa kampo ng militar noong Disyembre 2018.

Sa kabilang isla ng Palawan nakapakat ang 3rd Marine Brigade na dating panagupang tropa ng reaksyunaryong gubyerno ni Erap Estrada sa all-out war laban sa Moro Islamic Liberation Front. Ito ngayon ang nangunguna sa

pagpapasuko sa mga lider katutubo sa Palawan at sa pagpo-protekta sa mga nakaambang mapanirang proyekto tulad ng dayuhang pagmimina at plantasyon isla.

Duguan rin ang rekord ng mga batalyon ng AFP na nakapwesto sa Quezon. Ang 80th IBPA ang masugid na nag-ooperasyon at nanggugulo sa lupang ninuno ng mga Dumagat. Talamak naman ang paglabag sa karapatang

tao gaya ng iligal na pang-aaresto, pambubugbog, pananakot, pag-okupa sa mga pampublikong pasilidad, at paninira ng ari-arian ng 85th IBPA.

Ang 85th IBPA rin ang pasimuno ng fake news laban sa BHB at nanghaharang sa humanitarian aid na pumapasok sa mga lugar

na naiipit sa mga labanan ng BHB at AFP gaya ng ginawa nito sa Lopez, Quezon noong Mayo 2017 at Enero 2018.

Wala namang hiya ang 730th CG sa lantarang pagpapagamit sa mga ganid na kumpanya gaya ng Asturias Mining Corp. at malalaking burgesya komprador tulad ni Henry Sy na kalaban ng mamamayan ng Batangas.

Ang 730th CG ang pangunahing salarin sa pagpatay sa lider-masang si Lito Casalla noong Hunyo 2017. Ito rin ang sumusupil sa mga maralitang mangingisdang nakikibaka laban sa pangangamkam ng kanilang lupa sa Brgy. Balaytigue, Nasugbu.

Pangunahin namang instrumento ng panunupil sa lungsod ang PNP. Noong 2016, lokal na PNP ang marahas na nagtaboy sa mga residente ng Brgy. Patungan, Maragondon, Cavite na lumalaban kontra sa pangangamkam ng kanilang lupa ng Maria Theresa Virata Investment Property Holdings. Pulis rin ang nandahas sa mga residente ng Soutville, Biñan, Laguna na tumututol sa demolisyon noong Hunyo 2017.

Ilan lamang ang mga ito sa mga kaso ng AFP-PNP-CAFGU laban sa mamamayan. Tiyak na dadami pa ang mga ito sa paglala pa ng krisis na magtutulak sa ibayo pang pagsulong

Page 6: Ilunsad ang mas maigting na paglaban sa lahat ng …sa Visayas. Idineklara ni Duterte na sa unang bahagi ng 2019, higit na titindi ang atake nito na magiging batayan ng pagkumpleto

6 KALATAS ENERO 2019

Ang unti-unting nauupos na kabuhayan ng mga magniniyog

Niyog ang isa sa pangunahing hilaw na materyales na pinagmumulan ng mga yaring produkto tulad ng pagkain, mga sangkap sa pagluluto

at iba pang produktong pangkonsumo. Para naman sa mga magniniyog, “walang sayang sa niyog, mula sa ugat, sa puno, mga dahon hanggang mga bunga’t bulaklak ay kapaki-pakinabang sa iba’t ibang paggamit”. Sa katunayan, malaki ang naitutulong ng produksyon ng niyog sa Pilipinas sa kabuuang ekonomya ng bansa. Hanggang 2014, ikalawa ang Pilipinas sa may pinakamalaking produksyon ng niyog sa buong daigdig kasunod ng Indonesia na nakakapaglabas ng aabot sa 14.7 milyong tonelada taun-taon.

Ngunit sa kabila nito, hindi kailanman tinamasa ng magsasaka sa niyugan ang epekto ng kabuuang yamang hatid ng pagtatanim ng niyog sa kanilang kabuhayan. Sa buong kasaysayan ng produksyon ng niyog sa bansa, isa ang mga magsasaka sa niyugan sa pangunahing biktima ng pyudal at malapyudal na pagsasamantala ng uring panginoong maylupa, mga kapitalista, maging ng pagnanakaw ng estado. Pinalala pa ito ng paninikluhod ng mga nagpalit-palitang rehimen sa imperyalismong kapangyarihan na nagpapataw ng neoliberalisasyon sa agrikultura.

Ang kalagayan ng mga magniniyog sa Quezon

Kilala ang Quezon sa may pinakamalawak na taniman ng niyog sa buong bansa at nangungunang probinsyang lumilikha ng pinakamalaking bolyum ng produkto mula sa niyog. Malaking bahagi ng probinsya ay taniman ng niyog na ayon sa datos ng Philippine Coconut Authority noong 2012 ay umaabot sa 391,196 ektarya na siyang pangunahing kabuhayan ng 203,556 pamilya. Dito rin nakalagak ang marami-raming malalaking empresang nagpoproseso nito. Kabilang dito ang Peter Paul Philippine Corporation, Pacific Royal Basic Foods at SuperStar Corporation sa Candelaria at ang Tantuco Enterprises sa Lucena City.

Kung tutuusin, ang produksyon ng kopra (lukad para sa iba) at buong niyog sa lalawigan ang bumuhay sa henerasyon ng mamamayan nito. At sa katunayan, mayaman ang kasaysayan ng mamamayang Quezonin sa pakikibaka laban sa pagsasamantala sa kanila ng mga PML-koprada. Ngunit hanggang sa kasalukuyan, nagiging napakabigat na pasanin pa rin ng mga magsasaka sa niyugan ang bagsak na halaga

ng kanilang produkto sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Ang katwiran ng reaksyunaryong gubyerno, tulak ito ng labis na suplay ng produktong niyog sa buong daigdig.

Pagpasok pa lamang ng 2018, pumalo na pababa ang presyo ng kada kilo ng kopra sa P18 mula sa dating P30-40 habang aabot lamang sa P2-4 kada kilo ang presyo ng buong niyog. Pinalala pa ito ng pagsirit pataas ng presyo ng bigas sa huling kwarto ng nagdaang taon at ang pagsirit ng presyo ng mga pangunahing produktong pangkonsumo tulad ng delata, noodles, kape, asukal kasabay ng pagtaas ng implasyon epekto naman ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration & Inclusion (TRAIN) Law ng rehimeng US-Duterte. Pinakamalubhang kalagayan ang nararanasan ngayon ng mga magkokopra (magsasaka sa niyugan) dahil sumadsad na sa P10 ang kada kilo ng kopra pagpasok ng kasalukuyang taon at sa ilang bayan nito’y mas mababa pa.

Sa P10 presyo ng kada kilo ng kopra, mangangailangan pa ang isang ordinaryong pamilyang magkokopra na may 5 anak ng 10 kilo ng kopra para lamang makabili

ng rebolusyon sa rehiyon, na sasagutin naman ng reaksyunaryong rehimen ng mas malalang karahasan at panunupil.

Pagtindi ng digma

Tunay ngang laging nakatutok ang isang mata ng naghaharing-uri at bulok na estado sa TK dahil sa estratehiko nitong pusisyon at mayamang kasaysayan ng pakikibaka. Sa kabila ng matinding hambalos ng kaaway mula pa sa mga operasyong ‘kitlin sa usbong’, ang kauna-unahang oplan na Cadena de Amor ni Marcos hanggang sa kasalukuyang Oplan Kapayapaan at NTF ni Duterte, nananatiling matatag ang rebolusyonaryong kilusan sa TK.

Ang 50 taong pag-iral at paglakas ng Partido sa TK ay isang malaking patunay na malalim nang nakaugat ang Pulang kapangyarihan sa rehiyon. Hindi kailanman ito matitibag ng anumang porma ng reaksyon, ibuhos man ng estado ang puong libong tropa ng AFP-PNP-CAFGU sa rehiyon.

Magiting na hinaharap at haharapin ng mamamayan sa gabay ng Partido at rebolusyonaryong kilusan ang mga atake ng AFP-PNP-CAFGU sa kanilang mga komunidad. Matalinong ginagamit ng mamamayan ang mga ligal, ekstraligal at iligal na pamamaraan para gapiin ang armadong pwersa ng kaaway. Sa paglubha ng sitwasyong militar, lilitaw ang pinakadakila sa hanay ng mamamayan na patuloy na kakanlong sa BHB at magpapasampa ng pinakamabubuti nilang anak sa armadong rebolusyon.

Sa pagsapit ng ika-50 taong anibersaryo ng BHB at pagdiriwang ng ika-50 taon ng Partido, hinahamon ang rebolusyonaryong mamamayan na higit pang pag-alabin ang lahat ng porma ng pakikibaka laban sa moderno, mabangis, at komprehensibong teror ng rehimeng US Duterte laban sa sambayanang Pilipino. Kailangang mag-ambag ang rebolusyonaryong kilusan sa TK ng maaalab na pakikibakang masa at matutunog na mga taktikal na opensiba sa pambansang layunin na biguin ang NTF at todo-gera ni Duterte. Mula sa tarangkahan, ipatambol natin ang mga opensibang liligalig sa mersenaryong hukbo at sa naghaharing-uri.

Page 7: Ilunsad ang mas maigting na paglaban sa lahat ng …sa Visayas. Idineklara ni Duterte na sa unang bahagi ng 2019, higit na titindi ang atake nito na magiging batayan ng pagkumpleto

ENERO 2019 7 KALATAS

ng 2 1/2 kilo ng bigas na nagkakahalaga nang P125 (sa P50 presyo ng kada kilo ng bigas na nabibili sa baryo) at maitawid ang kanyang pamilya sa maghapong gutom. Samantala, ang 1000 kilo ng kopra na tatrabahuin sa loob ng 4-7 araw ng isang pamilyang maglulukad ay magkakahalaga lamang ng P10,000. Tiyak na higit itong mas maliit kung hindi sarili ng maglulukad ang lupain dahil paghahatian pa nila ito ng panginoong maylupa sa iba’t ibang kaayusan ng hatian. Sa karaniwan, hindi buu-buong nakukuha ng mga maglulukad ang kanilang kita. Kapag dinala na ito sa koprada1, kakaltasan pa ito ng resikada2 na karaniwang umaabot sa 15% at ng tara3/sako at taktak4. Aabot sa P2000-4000 lamang ang kikitain dito ng maglulukad matapos bawasin ang kaparte ng panginoong maylupa at iba pang kaltas sa produktong kopra. Matapos ito, maghihintay na muli ng 3-4 na buwan bago muling makopra ang aabot sa 4000 kabuong niyog.

Liban pa rito ang napakahirap na kalagayan ng mga maglulukad sa pagtatrabaho sa niyugan. Anila, ang pag-aalaga ng niyugan ay walang-tigil, liban sa mga araw na inilalaan nila sa pagkokopra, maglalaan pa sila ng panahon para sa pagtatabas at paglilinis ng niyugan para matiyak na produktibo ang mga puno ng niyog. At ang masaklap para sa kanila, ang dagdag na trabahong ito ay hindi na binabayaran ng mga panginoong maylupa.

Ang kainutilan ng estado at neoliberalisasyon

1 mamimili ng kopra2 kaltas para sa moisture con-tent3 bayad sa sako, kadalasa’y katumbas ng 1 kilo4 bayad sa nagtataktak sa kopra mula sa sako na ibinabawas sa kita ng magsasaka

Ang malaon nang pagdarahop ng mga magsasaka sa niyugan, tulad ng iba pang mamamayang api ay hindi kailanman nabigyang-pansin ng nagpalit-palitang reaksyunaryong gubyerno. Hanggang sa kasalukuyan, inutil ang rehimeng US-Duterte sa harap ng malalang kalagayang ito ng mga magsasaka sa niyugan. Sa halip na ayudahan ang mga magsasaka ng mga pantulong at subsidyo, patuloy nitong ipinagkakait ang mahigit P200 bilyong halaga ng coco levy fund na dapat sana’y malaon nang tinatamasa ng mga magsasaka.

Higit pang pinag-ibayo ng rehimen ang pagpapatupad ng neoliberal na mga patakarang ipinapataw ng imperyalismong US at iba pang dayuhang kapangyarihan sa bansa. Sa balangkas ng liberalisasyon sa pamumuhunan, patuloy na ibinubuyangyang ang bansa sa pagpapapasok ng mga komersyal na pananim na kumukumpitensya ngayon sa langis na pangunahing produktong kinukuha sa niyog. Pangunahin dito ang pagtatayo ng mga palm oil plantations sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad ng Palawan, sa rehiyon ng TK. Aminado mismo ang mga ahensya ng reaksyunaryong gubyerno na ang pagpasok ng palm oil sa bansa ang isa sa dahilan ng pagbagsak ng presyo ng produktong niyog.

Sa kasalukuyan, nagkakandarapa ang mga kinatawan ng reaksyunaryong ahensya ng

gubyerno sa paghahanap ng mga dayuhang bansang bibili ng nananatiling malaking suplay ng kopra at desiccated coconut kapalit ang mga di-pantay na tratadong pang-ekonomya.

Rebolusyong agraryo, tunay na reporma sa lupa at

pambansang industriyalisasyon

Sa kalagayang malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino na pangunahing nakasalig sa export at umaasa sa import na mga produkto, hindi nagiging pangunahin sa bansa ang pagtangkilik sa mga lokal na produkto. Liban pa rito, ang industriya ng niyog sa bansa ay pag-aari ng malalaking burgesya kumprador sa bansa tulad ni Juan Ponce Enrile, Lobregat, Tantuco, Licup at nakaasa-sa-dayuhang mga monopolyo-kapital. Sila ang pangunahing nakinabang sa coco levy fund at hindi ang mga magniniyog na siyang nagpakahirap para dito.

Ang paglaban para sa pagpapataas ng presyo ng kopra ay hindi hiwalay, kundi integral na bahagi ng panawagan ng uring magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Nilalaman ito ng Comprehensive Agreement on Socio-economic Reforms (CASER), pangunahing adyendang nakasalang sana sa peace talks na ilang beses na tinanggihan, diniskaril, at sinabotahe ng rehimeng US-Duterte.

Ang tunay na reporma sa lupa ang magbibigay ng katiyakang buu-buong mapakikinabangan ng mga magsasaka ang lahat ng produktong malilikha nila sa pagbubungkal ng lupa. Sa pamamagitan ng pambansang industriyalisasyon, isasabansa ang industriya ng niyog sa bansa at pagsisilbihin sa pangangailangan ng pambansang pamilihan. Sa gayon, matitiyak ng estado na ang mga produktong

Page 8: Ilunsad ang mas maigting na paglaban sa lahat ng …sa Visayas. Idineklara ni Duterte na sa unang bahagi ng 2019, higit na titindi ang atake nito na magiging batayan ng pagkumpleto

ENERO 20198 KALATAS

Pinakamalaking burgesya kumprador sa bansa binigwasan ng MGC-BHB TK

Binigwasan ng Melito Glor Command-BHB TK ang pinakamalaking burgesya kumprador sa bansa na si Henry Sy na malaon nang nagpapakakasasa sa malalawak na lupain sa Batangas at Cavite.

Aabot sa 45 na armas ang nasamsam ng Pulang hukbo kabilang ang 37 na matataas na kalibre ng baril tulad ng M16, shotgun at .22 caliber, 8 pistola at libu-libong bala, magasin at iba pang kagamitang militar mula sa nireyd na outpost ng Selective Security Agency at 3-1 Security Agency ng Hamilo Coast Inc. sa Brgy. Papaya, Nasugbu, Batangas.

Tumagal lamang ang buong operasyon ng higit sa isang oras at walang nasaktang Pulang mandirigma sa yunit ng Melito Glor Command- BHB TK na nagsagawa ng reyd.

Tampok na kaso ni Henry Sy sa mamamayan ang pangangamkam ng

lupa ng mga magsasaka at patuloy na pagkukumbert ng mga lupaing ito tungong gamit eko-turismo at komersyal mula agrikultural. Ginagamit nya ang kanyang mga bayarang gwardya upang dahasin ang mamamayan. Walang pakundangan at paulit-ulit na winawasak ng mga gwardya ang pananim at ulingan ng mga magsasaka. Sinusunog din ng mga gwardyang ito ang kanilang mga kubo at kinukumpiska ang bunga ng kanilang mga pananim kasabay ng pagbabawal sa mga magsasaka na magbungkal ng lupa.

Susi sa tagumpay na ito ang pakikipagtulungan ng mamamayan sa Pulang hukbo para sa pangangalap ng impormasyon na naging batayan ng masusing pagpaplano ng nasabing operasyon.

#PakamahalinangBHB!

120 kadre sa TK, nagtapos ng AKPAabot sa 120 gradweyt sa

Abanteng Kurso ng Partido ang bunga ng masigla at matagumpay na kampanyang pag-aaral na inilunsad ng rehiyon ng TK mula Disyembre 2018 hanggang Enero 2019. Naging bahagi rin ang mga pag-aaral ng AKP ng pagsalubong sa ika-50 anibersaryo ng Partido.

Malaking pag-igpaw sa TK ang maramihang pagpapatapos sa AKP, gayundin ang pagsasanay at pagbebreyktru ng mga bagong instruktor sa abanteng kurso.

Tagumpay din ang matiwasay na pagdaraos ng mga pag-aaral na tumagal mula 15-18 araw sa kabila ng mga atake at banta ng rehimeng

US-Duterte.

Inaasahan ng Komiteng Rehiyon sa TK na mag-aanak ng ibayo pang tagumpay sa gawain sa pulitika, militar at organisasyon ang naganap na konsolidasyon sa ideolohiya ng mga kadre at kasapi ng Partido. Hamon sa mga bagong gradweyt ng AKP na magsikap pang palalimin ang kaalaman sa Marxismo-Leninismo-Maoismo sa pamamagitan ng pag-aaral sa teorya at pagsasalin nito sa praktika. Inaasahan ding sa mga susunod na bats ng AKP ay maisasapraktika na rin ng mga naging mag-aaral ang pagtuturo ng kurso sa marami pang kadre at kasapi ng Partido sa rehiyon.

BALITA

ANG PULANG HUKBO: Serye ng mga artikulo hinggil sa Melito Glor Command-Bagong Hukbong Bayan-Timog Katagalugan

malilikha mula sa niyog ay pangunahing tatangkilikin ng sariling industriya ng bansa, independyente sa takbo ng presyo ng niyog sa pandaigdigang pamilihan.

Sa kasalukuyan, rebolusyong agraryo ang tangan ng mga magsasaka para ibayong isulong ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Sa ilang lugar sa bansa, pinakikinabangan na ng mga magniniyog ang mga tagumpay ng rebolusyong agraryo sa mga malalawak na niyugan. Noong 2001, sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga magniniyog sa Quezon, naiigit nila ang pagpapataas ng presyo ng kopra sa pagpawi ng resikada. Pinakibangan ito ng maraming magasasaka sa iba’t ibang bayan hindi lamang sa Quezon kundi maging ng mga lugar labas pa sa probinsya.

Noong 2016 lamang, tagumpay na naipatupad ang pagpapababa ng upa sa lupa dahil sa sama-samang pagkilos ng mga magniniyog. Mula sa dating 70-30 hatian na pabor sa PML, ang upa sa lupa ay naging 30-70 matapos alisin ang lahat ng gastos sa produksyon o tersyong baliktad na pabor sa magsasaka. Naigiit din nila ang pagpapataas ng sahod ng mga manggagawang bukid mula sa dating P200-P250 kada araw tungong P300-350 kada araw at may pakain pa. Naitulak nila sa mga PML na bayaran sila para sa kanilang mga arawang pagtatrabaho sa mga niyugang kanilang nililinang.

Sa gitna ng patuloy na pagbulusok na presyo ng niyog, kailangang ipagpatuloy ang paglulunsad ng mga rebolusyong agraryo at iba pang kaakibat na mga kampanyang antipyudal. Kasabay nito, kailangang buuin ang pinakamalawak na alyansang anti-imperyalista sa hanay ng mga magsasaka, maging mga panggitnang pwersang apektado ng pagbagsak ng presyo ng kopra at buo at isulong ang iba’t ibang anyo ng paglaban sa opensiba ng neoliberalisasyon sa bansa.

Page 9: Ilunsad ang mas maigting na paglaban sa lahat ng …sa Visayas. Idineklara ni Duterte na sa unang bahagi ng 2019, higit na titindi ang atake nito na magiging batayan ng pagkumpleto

ENERO 2019 9 KALATAS

BANTAY KARAPATAN

Pagtataas ng presyo ng kopra at niyog, panawagan ng magniniyog sa TK

Sunud-sunod na kilos protesta ang inilunsad ng mga magsasaka ng Batangas at Quezon nitong Enero bilang sagot sa malaking pagbagsak sa presyo ng kopra at buo.

Nagkakaisa ang mga magsasaka sa dalawang probinsya sa panawagang itaas ang presyo ng kopra at buo na pinatampok sa magkakahiwalay na pagkilos noong Enero at bungad ng Pebrero. Dagdag rin nilang kahilingan ang agarang pamamahagi ng coco levy funds sa mga maliliit na magniniyog at pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo sa kanayunan.

Idinaing ng PIGLAS-Quezon sa isang protesta noong Pebrero 1 ang pagbagsak ng 66% ng presyo ng kopra. Mula P38.7 kada kilo noong 2017 ay P10-12 kada kilo na lamang ang kopra ngayong Enero 2019.

Dagdag na pahirap ang pambabarat sa buo ng niyog na ngayo’y binibili sa P4 lamang kada buo. Idinaos ang rali ng PIGLAS kasabay ng pag-alala sa ika-38 taon ng masaker sa Guinayangan.

Ilan pang bayan sa Quezon ang kinalampag ng mga magniniyog para sa tamang pagpepresyo ng kopra.

Tumungo ang mga magniniyog sa Lucena City noong Enero 31 at inirehistro ang kanilang mga panawagan sa harap ng mismong opisina ng gobernador, sangguniang panlalawigan, at mga lokal na ahensya sa agrikultura.

Dala rin ng mga lumahok na magsasaka mula sa Central Quezon ang kanilang pagtutol sa bantang demolisyon sa Sariaya at panawagang palayasin ang mga pwersa ng AFP sa kanilang lugar.

Dalawang malaking mobilisasyon naman ang inilunsad sa buong Quezon sa pagtatapos ng Enero. Sa Catanauan, 1,800 magsasaka ang nagrali noong Enero 30, habang 1,500 naman ang nagprotesta sa bayan ng San Francisco.

Nauna namang inilunsad ng organisasyong BALAYBAY-Batangas ang isang dayalog-protesta sa harap ng Philippine Coconut Authority noong Enero 14.

KILOS PROTESTA

Abusadong pulis sa Palawan, inisparo ng NPA!

Tagumpay ang operasyong isparo ng NPA-Bienvenido Vallever Command laban sa abusadong acting chief ng municipal police station ng Rizal, Palawan na si PO3 Rudelph Saldajeno noong Enero 8.

Naganap ang labanan sa Punta Baja na mismong poblacion ng bayan ng Rizal bandang hapon ng Enero 8. Hindi nakaganti ng putok ang target at ligtas na nakaatras ang mga Pulang mandirigma pagkatapos ng operasyon.

Nagtagumpay ang operasyon sa tulong ng masa, alyado at sa tamang pagpaplano ng yunit ng NPA na

nagparusa kay Saldajeno.

Nagbunyi ang mamamayan ng Rizal sa pamamarusa ng NPA kay Saldajeno. Matagal nang inirereklamo si Saldejano at ang mga pulis ng Rizal dahil sa kanilang pangingikil sa maliliit na negosyante, pagiging imbwelto sa lokal na operasyon ng tokhang at paglalatag ng mga impormer sa baryo laban sa rebolusyonaryong kilusan. Aktibo din ang mga pulis ng Rizal sa mga kampanyang pagpapasuko sa probinsya na tumatarget sa mga inosenteng sibilyan.

NDF-ST, kinundena ang pagpatay kay NDFP consultant Randy Malayao

Kasabay ng pagdadalamhati, napopoot ang buong rebolusyonaryong kilusan sa TK at kinukundena ang malagim na pagpatay kay National Democratic Front of the Philippines Peace Consultant Randy Felix Malayao noong Enero 30 sa Nueva Vizcaya.

“Walang kapatawaran ang pagpaslang kay Malayao na nagsusulong ng peace talks para lutasin ang ugat ng armadong tunggalian. Sagka ito sa kapayapaan at sa pagkakamit ng sambayanang Pilipino sa kanilang mga demokratikong karapatan. Lalung binibigyan nito ng dahilan ang mamamayan na pasiklabin pa ang armadong rebolusyon hanggang tuluyang mapabagsak si Duterte, ” ani Patnubay de Guia, tagapagsalita ng NDF-ST.

Naganap ang pagpatay kay Malayao matapos ang sunud-sunod na panghuhuli sa mga konsultant ng NDFP, kabilang na si Adelberto Silva na inaresto sa Sta. Cruz, Laguna noong Oktubre 15, 2018.

Hindi armado at walang kalaban-laban si Malayao nang pagbabarilin ito ng mga berdugo ng rehimen.

“Ang klima ng karahasan at impunity na nilikha ng utos ni Duterte na paslangin ang mga tinagurian niyang adik, kriminal at terorista ang nagpapalakas sa loob ng AFP na isa-isahin ang mga konsultant ng NDFP. Ganap nitong pinapawi ang anumang ilusyon ng pagkakaroon ng hustisya sa bansa,” dagdag ni de Guia.

Iginagawad ng NDF-ST ang pinakamataas na pulang saludo kay Malayao na walang pag-iimbot na nag-alay ng buhay, talino at lakas para sa pagpapalaya ng masang api mula sa kahirapan at pagsasamantala. Magsisilbi siyang inspirasyon sa mga rebolusyonaryo at mamamayan sa rehiyon na buong determinasyong kumilos upang dalhin sa tagumpay ang pambansa demokratikong rebolusyon.

BALITANG TO

Page 10: Ilunsad ang mas maigting na paglaban sa lahat ng …sa Visayas. Idineklara ni Duterte na sa unang bahagi ng 2019, higit na titindi ang atake nito na magiging batayan ng pagkumpleto

ENERO 201910 KALATAS

KULTURA