12
PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016 24 SINO SI LENTE? Ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ay itinatag noong 2007 bilang pagtugon sa malawakan at sistematikong pandaraya sa mga nakalipas na eleksy- on. MISYON Ang LENTE ay magsisikap masigurado ang isang makatotohanang eleksiyon at makubuluhang pakikibahagi sa eleksiyon para sa kabutihan ng mamamayang Pilipino. PANANAW Tinatanaw ng LENTE ang isang totoo at mapagbahaging lipunang Pilipino na may kaalaman at tungkulin ng pagkamamamayan kung saan ang LENTE ang magsisil- bing gabay para sa kapani-paniwalang sistemang panghalalan. LAYUNIN Magsagawa ng mga gawain para sa pampublikong edukasyon tungkol sa sistemang panghalalan. Manguna sa mga reporma sa halalan na makapagseseguro ng kredibilidad ng mga prosesong panghalalan at makapagpapanumbalik ng tiwala ng mamamayang Pilipi- no sa demokrasya. Itulak ang kriminal at administratibong kaso laban sa mga lumalabag sa batas na panghalalan. Ang mapatatag ang institusyonal na ugnayan ng ibat ibang organisasyon ng mga mamamayan para sa pagsasama-sama, kolaborasyon at pakikipagkomunikasyon ng mga proyekto at gawain. Subaybayan ang pagsasagawa ng eleksiyon. TAWAGAN O PUNTAHAN KAMI SA: Address: Rm. 303, Ateneo Professional Schools Bldg., #20 Rockwell Drive, Rockwell Center, Makati City Landline: (02) 403-2249 Globe: 0917-602-3228 Smart: 0939-352-4295 SUNDAN KAMI: www.lente.ph @lente_ph @lente_ph lentephilippines [email protected] Gabay sa pambansa at lokal na halalan para sa mayo 2016 LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS Mga impormasyon tungkol sa pagrerehistro ng botante

PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG · PDF fileMga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay ... Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon ... Sa

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG · PDF fileMga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay ... Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon ... Sa

PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016

24

SINO SI LENTE? Ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ay itinatag noong 2007 bilang pagtugon sa malawakan at sistematikong pandaraya sa mga nakalipas na eleksy-on.

MISYON

Ang LENTE ay magsisikap masigurado ang isang makatotohanang eleksiyon at makubuluhang pakikibahagi sa eleksiyon para sa kabutihan ng mamamayang Pilipino.

PANANAW

Tinatanaw ng LENTE ang isang totoo at mapagbahaging lipunang Pilipino na may kaalaman at tungkulin ng pagkamamamayan kung saan ang LENTE ang magsisil-bing gabay para sa kapani-paniwalang sistemang panghalalan.

LAYUNIN

Magsagawa ng mga gawain para sa pampublikong edukasyon tungkol sa sistemang

panghalalan.

Manguna sa mga reporma sa halalan na makapagseseguro ng kredibilidad ng mga

prosesong panghalalan at makapagpapanumbalik ng tiwala ng mamamayang Pilipi-no sa demokrasya.

Itulak ang kriminal at administratibong kaso laban sa mga lumalabag sa batas na

panghalalan.

Ang mapatatag ang institusyonal na ugnayan ng ibat ibang organisasyon ng mga

mamamayan para sa pagsasama-sama, kolaborasyon at pakikipagkomunikasyon ng mga proyekto at gawain.

Subaybayan ang pagsasagawa ng eleksiyon.

TAWAGAN O PUNTAHAN KAMI SA:

Address: Rm. 303, Ateneo Professional Schools Bldg., #20 Rockwell Drive, Rockwell Center, Makati City Landline: (02) 403-2249 Globe: 0917-602-3228 Smart: 0939-352-4295

SUNDAN KAMI: www.lente.ph

@lente_ph

@lente_ph

lentephilippines

[email protected]

Gabay sa pambansa at lokal na halalan para sa

mayo 2016

LEGAL NETWORK

FOR TRUTHFUL ELECTIONS

Mga impormasyon tungkol

sa pagrerehistro ng

botante

Page 2: PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG · PDF fileMga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay ... Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon ... Sa

PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016

2

TALAAN NG NILALAMAN

MGA NILALAMAN Pahina

Mga Dapat Tandaan 3

Ang Karapatan sa Pagboto 4

Tungkol sa Pagpaparehistro 5

Paano magparehistro? 6

Pagpaparehistro ng mga may kapansanan, matatanda at mga katutubo

8

Pagpaparehistro ng mga bilanggong botante 9

Pagpaparehistro ng mga botanteng nasa ibang bansa

10

Paglilipat ng Rekord ng Pagkakarehistro 13

Pagwawasto sa Rekord ng Pagkakarehistro 14

Pagsasawalang Bisa ng Pagkakarehistro 15

Pagpapanumbalik ng Bisa ng Pagkakarehistro 16

Notice at Hearing ng Aplikasyon 17

Batas tungkol sa Mandatory Biometrics 18

Validation ng mga rekord 19

Pag-a-update ng mga record para sa mga may kapansanan, matatanda at mga katutubo

22

Petisyon para sa Inclusion at Exclusion 23

Tungkol sa LENTE 24

Updated August 2014

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

23

INCLUSION O EXCLUSION NG MGA BOTANTE

Ano ang petisyon para sa inclusion?

Ito ang proseso kung saan ang isang botante na hindi tinanggap ang application o tinanggal mula sa listahan ay maaaring humingi ng tulong sa korte na tanggapin o isama ang kanyang pangalan sa perma-nent list of voters sa kanyang presinto. (Seksyon 34, R.A. No. 8189) Para sa halalan sa 2016, ang petisyon ay kailangang maihain ng hindi lalampas sa Enero 25, 2015. Ito ay kailangang suportado ng certifi-cate of disapproval ng kanyang aplikasyon at katibayan ng service of no-tice ng kanyang petisyon sa ERB. Ang petisyon any dedesisyunan sa loob ng labinlimang (15) araw matapos ito maihain. (Seksyon 49, COME-LEC Resolusyon No. 9853)

Ano ang petisyon ng exclusion?

Ito ay ang petisyong inihahain ng isang rehistradong botante, kinatawan ng isang partidong pulitikal, o ng EO sa isang bayan o lung-sod upang tanggalin ang isang botante sa permanent list of voters sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangalan, tirahan, at presinto ng botan-teng hinahamon (Seksyon 35, R.A. No. 8189) Para sa halalan sa 2016, ang petisyon kailangang maihain ng hindi lalampas sa Enero 30, 2015. Ang petisyon ay kailangang kasama ang proof of notice sa Board at ang any dedesisyunan sa loob ng labin-limang (10) araw matapos na ito ay maihain.

Sino ang nakakasakop sa petisyon para sa inclusion o exclusion ng

mga botante?

Ang petisyon para sa pagsasama o pagtatanggal ng mga botante

ay dapat ihain sa municipal o metropolitan na korte. (Seksyon 33, R.A.

No. 8189)

Page 3: PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG · PDF fileMga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay ... Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon ... Sa

PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016

22

PAG-A-UPDATE NG MGA RECORD

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

3

MGA DAPAT TANDAAN

Abbreviations

APP Accessible Polling Place

ARMM Autonomous Region for Muslim Mindanao

BEI/BET Board of Election Inspector/ Board of Election

Teller

BP 881 Batas Pambansa Bilang 881 or Omnibus

Election Code

COMELEC Commission on Elections

EO Election Officer

ERB Election Registration Board

ICC Indigenous Cultural Communities

IFES International Foundation for Electoral Systems

IP Indigenous Peoples

LENTE Legal Network for Truthful Elections

MTC Municipal Trial Court / Metropolitan Trial Court

OAV Overseas Absentee Voting

PES Provincial Election Supervisor

PWD Persons with Disability

RED Regional Election Director

SBEI/SBET Special Board of Election Inspector/ Special

Board of Election Teller

VRM Voter Registration Machine

Page 4: PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG · PDF fileMga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay ... Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon ... Sa

PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016

4

TANDAAN!

Ang Pagpaparehistro ay LIBRE!

Walang bayad para magpa-rehistro.

Ano ang kahulugan ng karapatan sa pagboto? Ito ay ang karapatang maghalal at maihalal sa isang tunay at regular na halalan. (Artikulo 25 (b), International Covenant on Civil and Political Rights) Sino ang may karapatang bumoto? Ayon sa Art. V, Sek. 1 ng Saligang Batas ng 1987 ang karapatan sa pagboto ay maaaring gampanan ng:

mga mamamayan ng Pilipinas;

hindi inalisan ng karapatan ng batas;

Labing-walong taong gulang;

naninirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon at anim na buwan sa lugar ng pagbobotohan bago maghalalan;

walang dapat ipataw na antas ng edukasyon, ari-arian o iba pang substan-tial requirement sa karapatang bumoto.

Kailan ka pwede bumoto? Upang makaboto ang isang kwalipikadong botante, siya ay kailangang rehistra-do sa permanenteng listahan ng mga botante sa lungsod o munisipyo kung saan siya nakatira (Seksyon115, Batas Pambansa Blg. 881). Dapat ang kanyang tala ng pagkakarehistro ay hindi nawalan ng bisa dahil hindi siya naka-boto sa dalawang (2) magkasunod na nakaraang regular na halalan (Seksyon 27 (d), R.A. No. 8189). Partikular para sa eleksyon ng Mayo 2016, kailangang sumailalim siya sa validation—pagkuha ng kanyang biometrics bago ang huling araw ng pagpaparehistro sa Oktubre 31, 2015 (Seksyon 7, R.A. No. 10367). Aling mga kandidato ang dapat mong iboto sa eleksyon sa Mayo 2016?

Pangulo

Ikalawang Pangulo/ Bise-Presidente

Labindalawang Senador

Kongresista

Mga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay officials”

ANG KARAPATAN SA PAGBOTO

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

21

Magpa-Validate o Hindi Magpa-Validate?

Kung hindi ka sigurado sa inyong estado ng BIOMETRICS, tingnan ito online

gamit ang mga sumusunod na hakbang:

I-Rehistro ng COMELEC Maari kang kumuha ng application form para sa bagong magpapare-histro, pagbabalik bisa ng rehistro, pagbabago, pagpalit ng pan-galan, paglipat ng rehistro o kumuha lamang ng blanking porma. Subalit kailangan pa ring tumungo sa pinakamalapit na Opisina ng COMELEC upang kumpletuhin ang pagpaprehistro. Para sa mga taga-Quezon City, maari niyong kumpletuhin ang por-ma para sa pagpaparehistro at isumite ito online, subalit kailangan pa ring tumungo sa Opisina ng COMELEC ayon sa iyong iskedyul. Puntahan lamang ang www.comelec.gov.ph/?r=VoterRegistration/iRehistro

Page 5: PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG · PDF fileMga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay ... Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon ... Sa

PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016

20

BIOMETRICS DATA

Ano ang maaaring gawin kung may sira ang Voter Registra-tion Machine (VRM)? (a) Kung ang VRM o ang mga gamit nito ay magkaroon ng sira sa

panahon ng pagrerehistro, ang mga nakumpletong application form ay

tatanggapin subalit hindi ito ipoproseso.

(b) Kaugnay nito, kailangang masabihan agad ng EO ang Information

Technology Department (ITD) at ang Election and Barangay Affairs De-

partment (EBAD) na may sira ang VRM o ang mga gamit nito upang

maayos o mapalitan agad.

(c ) Kailangang masabihan ng EO sa pamamagitan ng isang liham ang

mga nagparehistro kung maayos na ang VRM upang makuhanan ang

mga ito ng larawan at BIOMETRICS. Kung ang nagparehistro ay di

nakapunta sa kabila ng liham na ipinadala, ang kanyang aplikasyon ay

ikokonsiderang hindi kumpleto sa gayon ay hindi ito dapat ipasa sa ERB

para sa kaukulang aksyon. Ang EO ay kailangang maglimbag at

magpaskil ng listahan ng mga pangalan ng mga aplikanteng hindi naka-

punta para makuhanan ng BIOMETRICS sa bulletin board ng munisipyo

at sa kanyang tanggapan. (Section 8, COMELEC Resolution No.

9853)

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

5

Ano ang pagpaparehistro?

Ang pagpaparehistro ay ang proseso ng pagsusumite ng sinumpaang aplikasyon ng pagpaparehistro ng isang kwalipikadong botante sa Election Officer (EO) ng lungsod o bayan kung saan sya naninirahan at pagsasama nito sa talaan ng mga rehistradong botante matapos aprubahan ng Election Registration Board (ERB). (Seksyon 3, R.A. No. 8189)

Sino ang maaaring magparehistro? Para makarehistro, kailangan siya ay:

Labingwalong taong gulang pataas bago mag ika 9 ng Mayo 2016

Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon

Naninirahan sa lugar kung saan nais nyang bumoto na hindi bababa ng anim na bu-

wan

Hindi inalisan ng karapatang bumoto ng batas

Sino ang mga hindi maaaring magparehistro?

Nahatulan sa pinal na desisyon nang di bababa sa isang taong pagkakakulong

Nahatulan sa pinal na desisyon sa krimen na may kinalaman sa pagtataksil sa pama-

halaan (rebelyon, paglaban sa gobyerno, o anumang krimen na may kinalaman sa pambansang seguridad)

Dineklarang may problema sa pag-iisip o walang kakayanan ng kinauukulan liban na

lamang kung sabihin na magaling na o may kakayahan nang bumoto ang nabanggit (Seksyon 9, R.A. No. 8189)

Kailan maaaring magparehistro para sa eleksyon sa 2016?

Ika-6 ng Mayo, 2014 hanggang ika-31 ng Oktubre, 2015, Ikawalo ng umaga hanggang

ikalima ng hapon tuwing Lunes hanggang Biyernes, kasama ang mga araw na walang pasok (holiday). (COMELEC Resolution No. 9889, inilabas noong Agosto ika-2, 2014) maliban sa NCR at Highly Urbanized Cities (Baguio City, Angeles City, Olongapo City, Lucena City, Puerto Princesa City, Ilo-ilo City, Bacolod City, Cebu City, Mandaue City, Lapu-lapu City, tacloban City, Zamboanga City, Cagayan De Oro City, Iligan City, Da-vao City, Gen. Santos City at Butuan City), kung saan ang pagpaparehistro ay mula Linggo hanggang Biyernes mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Saan maaaring magparehistro para sa eleksyon sa 2016?

Sa opisina ng opisyal na panghalalan sa lugar na iyong tinitirhan

Sa mga sangay na opisina para sa pagrerehistro

TUNGKOL SA PAGPAPAREHISTRO

Iwasan ang ugaling “Mamaya Na”! Magparehistro ng maaga. Pumunta sa inyong Office of the Election Officer para sa iskedyul

ng satellite na pagpaparehistro kung plano mong

samantalahin ang serbisyong ito.

Page 6: PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG · PDF fileMga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay ... Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon ... Sa

PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016

6

PAANO MAGPAREHISTRO?

Sino ang Kamag-anak sa ikaapat na antas ng pagkakaugnay? Ang kaanak hangang sa ikaapat na antas ng pagkakaugnay ay mula sa mga magulang, lolo at lola, tito at tita hanggang sa PINSANG BUO.

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

19

VALIDATION NG MGA REKORD

ANO ANG VALIDATION? Ito ang proseso ng pagkumpleto ng mga impormasyon ng isang

rehistradong botante na wala o kulang ng biometrics data. (Seksyon 38,

COMELEC Resolution No. 9853)

Page 7: PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG · PDF fileMga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay ... Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon ... Sa

PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016

18

MANDATORY BIOMETRICS ACT

Ano ang MANDATORY BIOMETRICS VOTER REGISTRATION

(Republic Act 10367)?

Ito ang batas na naguutos na ang bawat rehistradong botante at/o magi-ging botante pa lamang ay makuhanan ng kanilang biometrics upang makaboto sa Pambansa, lokal at Pangrehiyong ARMM na eleksiyon sa Mayo, 2016.

Ano ang BIOMETRICS?

Ang Biometrics ay ang pag-aanalisang nagbibigay ng positibong pagka-kakilala sa isang indibidwalgaya ng boses, larawan, fingerprint, pirma, iris at iba pang makikilalang katangian na kukunin ng Data Capture Machine (Seksyon 2(b) & ( c), RA 10367).

Sino ang kailangang magpakuha ng Biometrics? Ang mga rehistradong botante na hindi pa nakukuhanan ng biometrics ay kailangang isumite ang kanilang sarili para sa validation. (Sek. 3, RA 10367)

Ano ang pangunahing gamit ng Biometric Database?

Ang database na mabubuo mula sa biometrics registration ay pangangalagaan ng Komisyon at hindi maaaring gamitin sakaling kailanganin sa anumang dahilan maliban sa pagsasagawa ng pagboto (Sek 9, RA 10367)

Ano ang mga gawaing hindi pinahihintulutan sa Mandatory Biomet-

rics Act?

Ang sumusunod na Gawain na may karampatang kaparusahan ayon sa Seksiyon 263 at 264 ng Batas Pambansa Bilang 881, ayon sa pagbabago, at kilala din sa tawag na "Omnibus Election Code":

a. Sinumang magbawal, magpabagal, humarang o pumigil ng pagrerehistro ng botante o bagong botante ng pag-capture ng kanyang biometrics sa pamamagi-tan ng pagpwersa, pananakot o panunuhol; at

b. Sinumang pampublikong opisyal o sinuman, na sa pagpapakita ng pagpapatu-

pad ng batas na ito ay magpawalang bisa o magpanumbalik ng bisa ng pagka-

karehistro ng botante nang walang basehan at di dumaan sa proseso.(Sec. 9,

RA 10367)

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

7

PAANO MAGPAREHISTRO?

VRM

ay nangagahulugang

“Voter Registration Machine”

Page 8: PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG · PDF fileMga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay ... Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon ... Sa

PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016

8

PAGPAPAREHISTRO NG MGA MAY KAPANSANAN,

MATATANDA AT MGA KATUTUBO

Kailangang magtakda ng isang sistema

ang EO upang mapabilis ang proseso ng

pagrerehistro. Dapat ay maglaan din ng

express lanes na para lamang sa mga

may kapansanan, matatanda at mga

katutubo.

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

17

NOTICE AT HEARING SA MGA APPLICATION

PAUNAWA:

Matapos magparehistro, ang iyong aplikasy-

on ay dadaan sa proseso ng pag-aapruba

mula sa Election Registration Board (ERB)

para maging ganap na rehistradong botante.

Page 9: PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG · PDF fileMga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay ... Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon ... Sa

PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016

16

PAGBABALIK BISA NG PAGKAREHISTRO

Ano ang maaaring gawin kung ang iyong pagkakarehistro ay tinanggal na? (Reinstatement) Sinumang rehistradong botante na tinanggal ang pangalan sa listahan ng mga botante sa presinto sa nakaraang eleksiyon ay maaaring maghain ng application para sa pagpapanumbalik ng bisa ng pagkare-histro. (Section 21, COMELEC Resolution No. 9853)

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

9

PAGPAPAREHISTRO NG MGA BOTANTENG BILANGGO

Sinu sino ang mga bilanggo na may karapatang bumoto? Sinumang rehistradong botanteng bilanggo na ang record ay di pa naililipat, nawawalang bisa o nabubura. (Seksyon 1, COMELEC Resolusyon Bilang. 9371)

Sino ang mga bilanggo?

Sinuman na:

Nakakulong, pormal na nasampahan ng kaso ngunit naghihintay pa o sumasailalim sa isang paglilitis ng korte;

Nahatulang makulong nang mas maikli sa isang taon Nahatulan sa krimen na may kinalaman sa pagtataksil sa pamahalaan

(gaya ng rebelyon, paglaban sa pamahalaan, paglabag sa batas sa mga armas o anumang krimen laban sa pambansang kaligtasan o anu-mang krimen na kasalukuyang inaapila) (Sek 2(a), COMELEC Resolusyon Bilang. 9371).

Kailan maaaring magparehistro ang bilanggo? Ang mga bilanggo ay maaring magparehistro kung may gulang na la-

bingwalong (18) taon sa araw ng halalan at/o nakakulong nang anim na buwan man lamang bago ang halalan

Ang mga bilanggo na nakarehistro na ay maaaring humiling ng paglipat ng kanilang pagkakarehistro kung pahihintulutan ng pagkakataon (Seksyon 6, COMELEC Resolusyon Bilang. 9853).

Saan dapat magparehistro? Ang bilanggo ay maaring magparehistro sa satellite registration sa mga bilangguan (Seksyon 6, COMELEC Resolusyon Bilang 9853). Sino dapat ang manguna sa pagrerehistro?

Ang mga EO ay kailangan magsagawa ng pagpaparehistro sa mga kulungan na nasa lugar na sakop ng kanilang pamamahala. (Seksyon 5 na may kinalaman sa Seksyon 6, COMELEC Resolusyon Bilang. 9853).

Page 10: PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG · PDF fileMga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay ... Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon ... Sa

PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016

10

PAGPAPAREHISTRO PARA SA MGA BOTANTENG NASA IBANG BANSA

Maaari bang bumoto ang mga botanteng nasa ibang bansa? Oo. Lahat ng mamamayang Pilipino na nasa ibang bansa, na hindi inalisan ng batas ng karapatang bumoto, na may gulang na labingwalong taon sa araw ng halalan ay maaaring maghalal ng Pangulo, Ikalawang Pangulo, mga Senador at mga kinatawan ng Party-List , gayundin ang mga pambansang referendum at mga plebisito. (Sek.4 ng R.A. Bilang. 9189, ayon sa pagbabago)

Sino ang mga hindi maaaring bumoto sa ibang bansa? (a) Sinumang hindi na kinikilalang mamamayang Pilipino sang-ayon sa batas; (b) Sinumang hayagang isinuko ang pagka Pilipino at nanumpa ng paglipat sa

ibang bansa, maliban sa mga muling nakakuha o nagpanatili ng kanilang pagka Pilipino sa ilalim ng Citizenship Retention and Reacquisition Act ng 2003;

(c) Sinumang gumawa at nahutulan sa pinal na desisyon ng hukuman o korte ng Pilipinas ng kasalanan na may kaparusahang pagkakakulong nang hindi bababa sa isang taon at ang nasabing kawalang bisa ng pagboto ay hindi pa naaalis sa pamamagitan ng parol o amnestiya;

(d) Sinumang mamamayang Pilipino na nasa ibang bansa na idineklarang may problema sa pag-iisip o walang kakayahan ng awtoridad na may kaalaman maging nasa Pilipinas man o nasa ibang bansa at bineripika ng embahada ng Pilipinas, konsulado o anumang pandayuhang opisina na may kinalaman liban na lamang kung sabihin ng kinauukulan na magaling na o may kakayahan nang bumoto ang nabanggit. (Sek.5 of R.A. Bilang. 9189, ayon sa pagbabago)

Sa ilalim ng titik C, sinumang mawalan ng

karapatang bumoto ay agad na mababalik ang

karapatan na bumoto pagkatapos ng limang taong

serbisyo ng sistensiya

Saan maaaring magparehistro ang kwalipikadong mamamayan? Maaari silang magparehistro sa: (a) Saanmang opisina sa ibang bansa - anumang embahada ng Pilipinas, kon-

sulado, anumang pandayuhang opisina at ahensya ng gobyerno na nag-oopisina sa ibang bansa at nakakasakop sa lugar na pinaninirahan ng botanteng magpaparehistro.

(b) field at mga mobile registration center na gagawin sa labas ng mga emba-hada, konsulado o sa Pilipinas, na aprubado ng COMELEC (Sek. 6 ng R.A. Bilang. 9189, ayon sa pagbabago).

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

15

KAWALAN NG BISA NG PAGKAKAREHISTRO

Ang pagkarehistro ng sumusunod ay mawawalang bisa, tatanggalin sa kaukulang talaan ng mga botante sa presinto at ilalagay sa hindi aktibong lista-han na may maayos na tanda at petsa gamit ang indelible ink, matapos magka-roon ng mga dahilan ng pagwawalang bisa:

Sinumang nahatulan sa pinal na desisyon ng korte ng Pilipinas ng pagkaka-bilanggo nang hindi bababa sa isang taon at ang nasabing nawalang bisa ng pagboto ay hindi pa naaalis sa pamamagitan ng parol o amnestiya. Gayunman, ang sinumang taong nawalan nga karapatang bumoto sa ilalim ng talatang ito ay makapagpapanumbalik ng kanyang karapatang bumoto matapos ang limang taog pagkakabilanggo sa pagsesertipika ng clerk ng korte ng lungsod/bayan Circuit/Metropolitan/Pangrehiyon na hukuman o ng Sangdiganbayan;

Sinumang nahatulan sa pinal na desisyon ng korte o tribunal na nagdulot o nagsagawa ng anumang krimen na may kinalaman sa pagtataksil sa pama-halaan gaya ng rebelyon, paglaban sa pamahalaan, paglabag sa batas la-ban sa pagtanggal sa kapangyarihan ng pamahalaan at sa mga armas, o anumang krimen laban sa pambansang seguridad, liban na lamang kung pinahihintulutan ng batas para sa kanyang sibil at pilitikal na karapatan kung maibabalik ang kanyang karapatan sa pagboto matapos ang limang taong pagkakakulong;

Dineklarang may problema sa pag-iisip o walang kakayanan ng awtoridad na may kaalaman liban na lamang kung sabihin ng kinauukulan na magaling na o may kakayahan nang bumoto ang nabanggit

Sinumang hindi bumoto sa loob ng dalawang magkasunod na regular na eleksiyon ayon sa record ng pagboto. Kaugnay nito, hindi kasama ang ele-ksiyon ng sangguniang kabataan sa regular na eleksiyon;

Sinumang ang pagkarehistro ay iniutos na ipawalang bisa ng korte; at

Sinumang nawalan ng kanyang pagka Pilipino (Seksyon 27, RA 8189).

Paano mapanunumbalik ang bisa ng pagkakarehistro?

Ang kahit sinong rehistradong botante na nawalan ng bisa ang

pagkakrehistro ay maaring mag-apply para sa panunumbalik ng bisa ng

kanyang tala ng pagkakarehistro sa EO sa personal na pagkumpleto ng tatlong

(3) kopya, sa magkabilang bahagi ng application form kung saan kailangang

isalaysay bakit wala na ang mga dahilan ng pagsasawalang bisa ng pagrehistro

(Seksyon 17, COMELEC Resolution No. 9853 na may kinalaman sa Section 28,

R.A. No. 8189).

Page 11: PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG · PDF fileMga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay ... Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon ... Sa

PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016

14

PAGWAWASTO SA REKORD NG PAGKAKAREHISTRO

Kailan maaaring isagawa ang pagwawasto ng libro ng mga botante sapresinto at talaan ng mga rehistradong botante? Kung ang rekord ng pagkakarehistro ay may pagkakamali sa pangalan o pagbabaybay ng pangalan, kaarawan, lugar ng kapanganakan o pagkaka-

maling tipograpikal. (Section 19, COMELEC Resolution No. 9853)

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

11

PAGPAPAREHISTRO NG MGA BOTANTE SA IBANG BANSA

Anu ano ang mga kailangan upang magparehistro?

(a) Pasaporte ng Pilipinas o sertipikasyon mula sa DFA na kanilang nasuri ang mga dokumentong ipinasa at napatunayang sapat ang mga ito upang mabigyan ng pasaporte ang nagpaparehistro, o sya ay tunay na may pinanghahawakang pasaporte ngunit sa ilang kadahilanan ay hindi niya ito maipakita.

(b) Sinagutang registration form na ibinigay ng Komisyon; (c) Ang nagpaparehistrong gumamit ng “Citizen Retention and Reacquisition Act” (Republic Act No. 9225) ay kailangang magpakita ng orihinal o certified true copy ng order of approval ng kanilang kahilingang manatili o maibalik ang kanilang pagka Pilipino na ibinigay ng tanggapan o identification certifi-cate mula sa Bureau of Immigration (Sek.12 ng R.A. Bilang. 9189, ayon sa pagbabago).

Page 12: PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG · PDF fileMga kandidato sa lokal na sangay ng pamahalaan maliban sa “barangay ... Mamamayan ng Pilipinas na hindi bababa ng isang taon ... Sa

PRAYMER PARA SA PAGPAPAREHISTRO NG BOTANTE PARA SA ELEKSYON 2016

12

Ano ang dapat gawin ng isang botante sa ibang bansa kung siya ay rehis-trado sang ayon sa Voter’s Registration Act ng 1996(R.A. No. 8189)? Ang isang mamamayang Pilipino na nasa ibang bansa ay kailangang kumuha ng certification bilang botante sa ibang bansa at pagkakasama sa National Registry of Overseas Voters (NROV). Kung maaprubahan, lalagyan ng EO ng anotasyon ang pagrerehistro o sertipikasyon bilang botante sa ibang bansa bago ang pangalan ng botante ayon sa pagkakatala sa listahan ng mga botante at sa talaan ng mga rehistra-dong botante (Sek 9.3 ng R.A. Bilang. 9189, ayon sa pagbabago).

Ano ang dapat gawin ng isang botante sa ibang bansa sakaling magbago ang lugar ng kanilang pagbobotohan? Ang botante sa ibang bansa sa pamamagitan ng Chairperson ng Office for Overseas Voting (OFOV), ay kailangang magsumite ng aplikasyon para sa paglipat sa loob ng 180 araw man lamang bago ang simula ng panahon ng pagboto sa ibang bansa. (Seksyon 10 of R.A. Bilang. 9189, ayon sa pagbabago)

Ano ang dapat gawin ng botante sa ibang bansa sakaling mangyaring sya ay boboto sa Pilipinas? Ang aplikanteng boboto sa Pilipinas ay kailangang magparehistro sa loob ng itinakdang panahon para sa lokal na pagpaparehistro sa munisipyo, lungsod o distrito kung saan nila balak bumoto. Ang mga aplikanteng nagparehistro sa bayan, lungsod o distrito kung saan sila dating naninirahan bago mangibang bansa ay di na kailangang magparehistro muli. Ang mga lumipat kailangan magbigay-alaw sa OFOV sa kanilang paglipat balik sa Pilipinas as loob ng 180 na araw bago ang susunod na nasyunal na halalan para maalis ang kanilang pangalan sa Certified List of Overseas Voters (CLOV) at pag-alis ng kanilang overseas voter’s registration mula sa book of voters. (Seksyon 10 ng R.A. No. 9189, ayon sa pagbabago)

Maaari bang mawalan ng bisa ang pagkakarehistro bilang botante sa ibang bansa?

Oo. Ang RERB ang magwawalang bisa at magtatanggal ng record ng pagkakarehistro ng sumusunod na tao mula sa talaan ng mga botante: (a) Sinumang nahatulan sa pinal na desisyon ng korte ng Pilipinas ng pagkakabilanggo

nang hindi bababa sa isang taon at ang nasabing kawalang bisa ng pagboto ay hindi pa naaalis sa pamamagitan ng parol o amnestiya;

(b) Sinumang idiineklarang may problema sa pag-iisip o walang kakayanan ng awtoridad na may kaalaman liban na lamang kung sabihin ng kinauukulan na magaling na o may kakayahan nang bumoto ang nabanggit;

(c) Sinumang hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na halalan ayon sa record ng pagboto; at (d) Sinumang ang pagkakarehistro ay pinawalang bisa ng korte (Sek.14 ng R.A. 9189, ayon sa pagbabago)

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

13

PAGLILIPAT NG REKORD NG PAGKAKAREHISTRO

Ang prosesong ito ay para lamang sa mga rehistradong botante na lumipat ng tirahan at sumunod sa alintuntunin na kelangang tumira sa loob ng anim (6) na buwan sa nilipatan ayon sa batas. (Section 15, COMELEC Resolution No. 9853)