14
REBOLUSYONARYONG PANGMASANG PAHAYAGAN NG BIKOL ------------------- Taon XXIX Blg. 3 Oktubre-Disyembre 2005 Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol Ilinalathala minsan bawat ikatlong buwan ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol Pagmiminang Lafayette sa Rapu-rapu, Salot sa Mamamayan! P ansamantalang itinigil ang operasyon ng Rapu-rapu Polymetallic Project, isang kumpanya sa pagmimina sa Rapu-rapu, Albay na nasa ilalim ng multinasyunal na kumpanyang Lafayette Philippines Inc., dahil sa fishkill na naganap nitong Oktubre 11 at 31. Ang fishkill o malawakang pagkamatay ng mga isda sa Albay Gulf hanggang sa kaharap na karagatan ng Sorsogon ay sanhi ng tahasang pagtapon ng latak ng mina sa karagatan na sadyang pinaagos sa sapa. Ang mine tail- ings ay mga basurang kemikal at mineral mula sa pinruseso nang mga mineral. Nagiging sanhi ito ng kontaminasyon at pagkalason ng kalikasan, kapag hindi maayos ang pinag-iimbakan nito. Sa kaso ng Rapu-rapu, cyanide ang nakalalasong kemikal mula sa mine tailings na lumason sa mga isda at iba pang nabubuhay sa dagat. Ang cyanide ay ginagamit upang ihiwalay ang ginto mula sa kinakapitan nitong ores o mga bato. Ginagamit naman ang mercury sa pagmimina ng iba pang mineral upang maihiwalay ang mga ito sa iba pang uri ng mina. sundan sa pahina 2

Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

REBOLUSYONARYONGPANGMASANGPAHAYAGANNG BIKOL

-------------------Taon XXIX Blg. 3

Oktubre-Disyembre 2005

Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol

Ilinalathala minsan bawat ikatlong buwan ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol

Pagmiminang Lafayette sa Rapu-rapu,Salot sa Mamamayan!

Pansamantalang itinigil angoperasyon ng Rapu-rapu

Polymetallic Project, isang kumpanya sapagmimina sa Rapu-rapu, Albay na nasailalim ng multinasyunal na kumpanyangLafayette Philippines Inc., dahil safishkill na naganap nitong Oktubre 11at 31.

Ang fishkill om a l a w a k a n gpagkamatay ng mgaisda sa Albay Gulfhanggang sa kaharapna karagatan ngSorsogon ay sanhi ngtahasang pagtaponng latak ng mina sakaragatan na sadyangpinaagos sa sapa.

Ang mine tail-ings ay mga basurangkemikal at mineralmula sa pinrusesonang mga mineral.Nagiging sanhi ito ng kontaminasyon at pagkalason ng kalikasan, kapag hindi maayosang pinag-iimbakan nito. Sa kaso ng Rapu-rapu, cyanide ang nakalalasong kemikal mulasa mine tailings na lumason sa mga isda at iba pang nabubuhay sa dagat. Ang cyanideay ginagamit upang ihiwalay ang ginto mula sa kinakapitan nitong ores o mga bato.Ginagamit naman ang mercury sa pagmimina ng iba pang mineral upang maihiwalay angmga ito sa iba pang uri ng mina. sundan sa pahina 2

Page 2: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

2 Oktubre-Disyembre 2005 * SILYAB

Pagmimina ng Lafayette, Salot sa Mamamayan!NilalamanOktubre-Disyembre 2005

1

3

6

6

7

10

12

14

sundan sa pahina 3

Ayon sa paliwanag ni Andrew McIlwain, ang dayuhangnamamahala sa kumpanya ng mina, menor na insidentelamang daw ang pag-apaw ng mine tailings. Ang unanginsidente umano ay naibuhos ang basurang kemikal sa malinglugar at ang pangalawa naman ay sanhi ng paglakas ng ulankung kaya’t umapaw ang mine tailings.

Subalit ayon sa pagsusuri ng grupong pangkalikasan nanagkaroon ng Fact Finding Mission sa lugar, sadyangpinakawalan ang mine tailings noong Oktubre 31. Dahilmapupuno na ang dam na pinag-iimbakan nito, sinadyangbinuksan ang dam at ipinaagos tungo sa karagatan upanghindi masira ang nasabing dam. Animo'y bahang rumagasaang mine tailings sa sapa hanggang makaabot sa karagatan.

Hindi lamang mga isda, kundi maging ang iba panguring nabubuhay sa dagat ang pinatay ng mine tailings.Karamihan ng mga namatay na isda at yamang-dagat ayyaong nasa tabing-dagat ng Brgy Binosauan, angpinakamalapit na barangay sa sayt ng mina. Hindi lamanglimitado sa Rapu-rapu ang epekto ng pagkalason ng mgaisda. Naapektuhan din ang maraming tabing-dagat na bayansa kaharap na prubinsya ng Sorsogon.

Nalagay sa panganib ang buhay at kalusugan ng mgaBikolano sa pagkalason ng napakaraming isda at produktongdagat. Sa maagang pagkilos ng mga mangingisda at mgaupisyales ng mga apektadong bayan ay naipaabot sa publikoang mga nalasong isda at pagkaing dagat. Milyones angnawala sa ekonomya ng mga bayan sa ikalawang distrito ngSorsogon dahil sa pagkalason ng dagat. Pangunahing nakaasasa pangingisda ang kabuhayan ng mga tao rito.

Boluntaryong itinigil ng kumpanya ang pag-oopereyt.Ngunit, ito ay dahil pa sa paghahanda ng pagpalit ng aktibidadnito mula sa pagtutok sa pagkuha ng ginto tungo sa paghukayng sulphide ores na pinanggagalingan ng mga metal na zincat tanso at iba pang mga mamahaling metal. Pabor ito sakumpanya dahil sa kalagayang nasa pinakamataas ang halagangayon ng zinc at tanso sa pandaigdigang pamilihan. Kamakailan lamang inimbitahan pa ni Gloria Macapagal-Arroyosi Andrew McIlwain upang makasalo sa isang hapunan saMalakanyang. Mula sa umpisa ng proyektong pagmimina ngLafayette sa Rapu-rapu, pinaburan na ito ni GMA at maraminginsentibo ang ibinigay sa kumpanya upang makapag-opereyt. Ang pamprobinsyang pamahalaan ng Albay at Sorsogon aykumilos pabor sa interes ng Lafayette. Ang kanilang mga naginghakbang ay upang mapayapa lamang ang ng mamamayan atpinahihintay sa mapanlinlang na mga "independent napagsisiyasat sa fish kills".

Kumpanya saPagmiminasa Rapu-rapu,Nilalason angKaragatan

Editoryal: Panunupil saPulitika, Huling Hirit ngGumuguhong Rehimen

Panunupil ng Estado:Lider ng Bayan Muna,Pinaslang

Mga Kaso ngPamamaslangng Berdugong 31st IB

ALECO:Mataas na Singil saKuryente, Dagdag naPasanin ng mgaAlbayano

Taktikal na Opensiba:Reyd sa PNP Substation, Matagumpay

DiwangRebolusyonaryo:Anibersaryo

Batoy

Pagbatisa ika-37Anibersaryong PartidoKomunistang Pilipinas!

Page 3: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

SILYAB * Oktubre-Disyembre 2005 3

Tinangay na yamanAng Rapu-rapu Polymetallic Project ay

isang open-pit na pagmimina nasumasaklaw sa mga barangay ng Malobago,Pagcolbon at Binosauan sa isla ng Rapu-rapu. Subsidyaryo lamang ito ngkumpanyang Lafayette na nakabase sabansang Australia.

Dahil open-pit, ang operasyon nito aynangangahulugan ng malakihang pag-uukaat pagpapatag ng itaas na bahagi ng bundokna hinuhukay. Saklaw nito ang 1,719 ektaryang kalupaan. Nakaamba rin ang pagmiminang isa pang dayuhang korporasyon nasasaklaw naman sa 2,767 ektarya. Aabotsa 4,486 ektarya ng Rapu-rapu angmiminahin ng dalawang kumpanya, okatumbas ng 80 porsyento ng buong lawakng isla.

Luwal ang proyektong ito ng anti-mamamayan at maka-dayuhang Batas saPagmimina ng 1995 na muling pinagtibayng Korte Suprema noong 2004. Kung kaya’ttodo-layaw ang kumpanya sa mgainsentibong ibinibigay ng reaksyunaryonggubyerno sa mga dayuhang kumpanya sapagmimina. Idineklara pa ang Rapu-rapubilang special economic zone upanglubusang maibigay sa Lafayette angpaglilibre sa pagbabayad ng buwis sa isangtakdang panahon.

Nagsimula ang operasyon ngkumpanya noong Hulyo 2004. Anghalaga ng kapital nito ay 63 milyongdolyar. Malaking bahagi nito ayinutang sa isang bangko sa Aus-tralia at ginagarantiyahan ngreaksyunaryong gubyerno ngPilipinas.

420 kilo na ng ginto at pilakang dinala ng Lafayette sa Hongkong.Ngunit maging ang pamahalaan ng Albayay nagrereklamo sa di pagbibigay ngLafayette ng totoong deklarasyon kunggaano kalaki na ang namimina ngkumpanya. Tinatarget umano nitong

makapagluwal ng 2,500 toneladang tansoat 4,200 toneladang zinc sa susunod nataon. Kasabay pa rin sa produksyon angmga mamahaling metal na ginto at pilak.

Ang Rapu-rapu Polymetallic Project angpinaka-unang proyektong dayuhan sapagmimina sa bansa sa mahigit 30 taon.Ipinamamandila ng maka-dayuhangpresidente na si Gloria Macapagal-Arroyona nagpapakita raw ito ng muling pagsiglang industriya sa pagmimina sa bansa.Ngunit hindi ang komprehensibong pag-unlad ng lokal na industrya para suplayanng iba-ibang metal na materyal ang dahilanng ipinangangalandakang pagsigla niMacapagal-Arroyo, kundi ang pagkaubos ngsuplay ng ginto at iba pang metal bungang imperyalistang gera ng US sa Iraq.Hungkag na hukay

Ang pagmimina sa isla ng Rapu-rapu aynagsimula pa noong panahong sakupin ngimperyalistang Hapon ang Pilipinas.Magmula noon, papalit-palit nangkumpanya ang humawak ng mga proyektorito. Matataas na grado ng mga mineraltulad ng karbon, tanso, nickel, zinc, gintoat pilak, ang nakukuha sa isla.

Subalit nananatiling isa sapinakapobreng munisipyo ng Albay angRapu-rapu. Tanging mga dambuhalanghukay at mala-disyertong dating lupang

agrikultural ang pangmatagalangpamana ng pagmimina sa lugar.Ganoon din ang pananatili ngkarukhaan at kawalang kaunlaransa Paracale, Camarines Norte at ibapang minahan sa bansa.

Hindi totoong kasama angmamamayan sa pag-unlad sa kabila

ng deka-dekadang taon ng pagmimina.Laban para sa kalikasan at kabuhayan

Sa simula pa lamang binuo na angorganisasyong tumutuligsa sa muling pagbuhayng mapaminsalang pagmimina sa Rapu-rapu.

sundan sa pahina 4

Pagmimina ng Lafayette, Salot sa Mamamayan!

Page 4: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

4 Oktubre-Disyembre 2005 * SILYAB

Editoryal

Tusong maniobra ng rehimeng US-Arroyona balutan ng ligalidad ang mga

hakbangin nito, na sa esensya ay sumusupilsa mga karapatang pampulitika ngtaumbayang nagnanais na ibagsak angpasista at kontra-mamamayang rehimen.

Calibrated Preemptive Response o CPRang ipinambubusal ni Arroyo sa laksa-laksang nagpuprotesta laban sa kanya.Layon diumano ng patakarang CPR napigilan ang anumang kaguluhan atdestabilisasyon na maaaring idulot ng mgamobilisasyong kontra-GMA. Kung kaya’tmalimit na gamitan ng dahas ang mganagrarali, sa pamamagitan ng pagharangsa kanilang hanay, pambabatuta ng mgapulis, pambobomba ng tubig, o di kaya’ypagdampot at pagkulong sa kanila.

Sinundan pa ang CPR ng Executive Or-der 464, na nagbabawal na dumalo angsinumang bahagi ng ehekutibo ngreaksyunaryong gubyerno sa mga pagdinigng Kongreso at Senado, na walangpahintulot ni GMA. Nais nitong pigilan angpagkakabunyag ng mga ebidensyangnagpapatunay sa mga kasong korapsyonat pandaraya ni GMA sa eleksyon.

Dahil sa pangangayupapa sa patuloy nasuporta ng amo nitong imperyalistang US,nais ding ipasa ni Arroyo ang Anti-terror-ism Bill. Kunwa’y laban sa terorismo angpanukalang batas ngunit pinupuntirya nitosa katotohanan ang rebolusyonaryongkilusan at ang ligal na demokratikong mgaorganisasyon na nangunguna sa pagkontrasa kanya. Walang habas na sasagasaan ngAnti-terrorism Bill ang mga karapatang sibilat kalayaan ng mamamayan.

Garapalang isinusulong naman ngpaksyon ni Arroyo ang charter change ochacha. Batay sa mga panukala ng mgaalipures ni Arroyo sa pagbabago saKonstitusyon ng 1987, gagawingparlamentaryo ang kasalukuyang sistemang paggugubyerno, na kung saan angpamumuno ay hahawakan ng isangpresidente at isang punong ministro.

sundan sa pahina 5

Pagmimina ng Lafayette, Salot sa Mamamayan!

SSSSS

Kabilang rito ang mga apektadong taumbaryo, mga grupong kalikasan, mga mangingisdaat mga taong simbahan.

Mas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari angpagkalason ng karagatan dahil sa mine tailings. Linahukan na ito ng ilang local governmentunits mula sa iba’t ibang bayan ng Sorsogon at Albay. Mariing inirerehistro ng mgapagkilos na itigil ang operasyon sa pagmimina.

Hindi lamang nakakulong sa isyu ng nangyari pa lamang na fishkill ang laban. Bitbitdin ng nagpuprotestang mamamayan ang panawagang ipawalang bisa ang anti-mamamayan, anti-kalikasan at maka-dayuhang Batas sa Pagmimina. Kasabay nito angdemandang isabansa ang industriya sa pagmimina at pagtitiyak ng sustenablengpamamaraan para sa kalikasan at kabuhayan ng mamamayan.

Panunupil sa Pulitika, Huling Hirit nang Gumuguhong Rehimen ni Gloria

Page 5: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

SILYAB * Oktubre-Disyembre 2005 5

Lansakang paglabag naman sa Com-prehensive Agreement on the Respect forHuman Rights and International Humani-tarian Law (CARHRIHL) ang idinudulot ngmalawakang operasyong militar sakanayunan. Nitong Hulyo lamang, pinatindiang sakyada ng mga militar sa mga bayanng Presentacion, Garchitorena, Caramoanat Tinambac, sa prubinsya ng CamarinesSur. Aabot sa 40 na pamilya sa Presentacionang sapilitang pinalikas.Malapad na kilusang masa upangpatalsikin si GloriaMaging ang mga paksyon ng naghaharinguri na kaagaw ni GMA sa kapangyarihan ayaktibong nananawagan sa kanyangpagreresayn o kaya ay sa pagpapatalsik sakanya. Kabilang ang mga dating pangulong bansa sa nananawagan kay GMA nabumaba na sa pwesto. Ang mgasumusuporta sa namayapang si FernandoPoe Jr, na dinaya ni Gloria sa eleksyon, aykumikilos din sa pagpapatalsik sa kanya.

Bagama’t hawak pa ni Arroyo angpamunuan ng AFP at ng PNP, maysubstansyal na bahagi nito ang kumukontrasa kanya. Signipikante ang bilang ng mgakaraniwang sundalo na hindi na rin kayangsikmurain ang nabubunyag na mgakatiwalian at pandaraya ng kanilang com-mander-in-chief na si GMA. Maliban pa rito,malawakan ang demoralisasyon sa hanayng mga sundalo dahil sa mga internal nakatiwalian, korapsyon at pagpapaksyon.Kung kaya’t ang mga patriyotikong sundaloay handang sumuporta at makipagtulungansa malawak na kilusang masang anti-Arroyo.

Nasa unahan ang alyansa ng mgaprogresibong organisasyon na puspusangkumikilos upang mapatalsik si GloriaMacapagal-Arroyo. Ang mga organisasyongito ang may malawak na kasapian sa hanayng kalakhang masa laban kay GMA.

Si GMA bilang presidente, ay mas hahabapa ang panahon ng pag-upo sa pwesto, atmas lalawak pa ang saklaw ng kanyangkapangyarihan.

Kaugnay ng pagbabago ngkonstitusyon ang pagpapasok ng mga batasna lubusang papawi sa mga restrikyonupang malayang makapandambong angmga dayuhang monopolyo-kapitalista saekonomya ng bansa. Kasabay pa nito angpagpapahintulot sa panunumbalik ng basemilitar at walang-sagkang pagpakat ng mgatropang Amerikano sa Pilipinas.

Binabraso rin ni GMA na hindi matuloyang eleksyon sa taong 2007. Paraan niyaito upang hindi mapalitan ang mga kaalyadoniyang nasa pwesto.Lihim na lagim

Bagama’t lantaran ang mga maniobrani Arroyo upang makapangunyapit sapwesto, mas nakahihindik ang kanyangmga tagong hakbangin upang patahimikinang lumalaban sa kanyang rehimen.

Naninibasib ang mga death squad nadirektang inaalagaan ng mga militar, atginagamit laban sa mga myembro ng mgaprogresibong organisasyon na aktibongtumutul igsa sa rehimen ni Arroyo.Kabilang si Ding Uy ng Bayan Muna-Sorsogon sa mga pinakahuling biktima ngmga berdugo.

Desperado rin si GMA na bigwasan angrebolusyonaryong kilusan na alam niyangmay pinakamalawak na baseng masanglumalaban sa kanya. Ngunit, hindinagtatagumpay ang kanyang bayarangsandatahang lakas na durugin ito,partikular ang Bagong Hukbong Bayan.Kung kaya’t sinusubukan niyang pahinainang suportang masa ng PKP-BHB-NDF sapamamagitan ng pagterorisa, pagdukot atpagpaslang sa mga pinaghihinalaangtaga-suporta ng rebolusyonaryong kilusan.Si Jesus Lombo ng Ragay, Camarines Suray pinagbabaril ng mga elemento ng 31st

IB Philippine Army.

Panunupil sa Pulitika

sundan sa pahina 6

Page 6: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

6 Oktubre-Disyembre 2005 * SILYAB

Panunupil ng Estado:Lider ng Bayan Muna, Pinaslang

Hinatid si Uy ng mahigit 2,500 katao saisang militanteng martsa libing na mariingnagpahayag ng pagkundena sapamamaslang ng estado sa mga aktibistaat lider ng mga progresibong grupo.

Siya ang ika-67 myembro ng BM napinaslang sa ilalim ng panunungkulan ngpasistang rehimeng Macapagal- Arroyo. Itoay sistematiko at planadong kampanya ngpanunupil ng estado upang patahimikin angmga grupong nagsusulong ng kanilang mgademokratikong karapatan. Ito aydesperadong hakbang para supilin angkilusang pagpapatalsik laban sa rehimen.

SSSSS

At, ito rin ang totoong nagsusulong ng mga adyendang sumasalamin sa interes ngmamamayan para sa batayang pagbabago sa ekonomya at pulitika. Ang sama-samangpagdaluyong ng malapad na mamamayan sa ilalim ng alyansang ito ang nagiging bangungotni GMA sa kanyang pananatili sa Malakanyang.Bira ng BHB laban kay GMASusi ang sustenido at malawakang pagputok ng mga taktikal na opensiba ng BHB upangmas lalong yanigin ang trono ni Gloria Macapagal- Arroyo. Sinusuportahan ng mga ito

ang mga pagkilos ng masa upang patalsikin si Arroyo. Habang kaliwa’tkanan na nabibigwasan ang bayarang sandatahang lakas ni GMA, hindi

nito kayang pokusan ang pagsupil sa mga kilos-protesta ng mamamayan.Lalong nalalantad ang marupok na pundasyon ng rehimen ni GMA na malapit

nang ibagsak ng sama-samang pagkilos ng taumbayan.

Panunupil sa Pulitika

M g aKaso ngPamamaslangNg Berdugong31st IB

Pinaslang ng berdugong death squad ngPhilippine Army ang brodkaster ng

istasyong DZRS at provincial chairman ngBayan Muna (BM)-Sorsogon noongNobyembre 18. Bandang alas-onse ngumaga nang pagbabarilin si Ricardo “Ding”Uy sa harap ng kanilang rice mill sa BrgyBasud, Sorsogon City.

Siya ang presidente ng Sorsogon Inde-pendent Media Reporters, Inc. na siyangnagtataguyod ng karapatan para samalayang pamamahayag ng midya saprubinsya.

Si Uy ay aktibong naglantad at tumuligsasa mga kabulukan at karahasan ng estadolaban sa mamamayan. Kasabay siya sa De-cember 10 Committee na naghanda parasa kilos protesta sa Pandaigdigang Arawng Karapatang Pantao. Isa siya samatatapang na taga-midya nanananawagan para sa pagbaba niMacapagal-Arroyo sa pwesto.

Sa kanyang burol at libing, mariingpinanawagan ng kanyang mga kapamilya,kaibigan at mga kasamahan sa midya atsa BM ang katarungan para sa lahat ngbiktima ng mga paglabag sa karapatangpantao.

Sinalubong ng isang indignation rallyang pakitang-taong pagbisita sa kanyangburol ni Gen Arturo Lumibao ng PNP.

Sa Camarines Sur, pinaslang ngmga pasistang elemento ng 31st IB ang

isang 52-taong gulang na myembro ng BicolCoconut Planters Association, Inc., at ngAnakpawis. Pinagbabaril ang magniniyog nasi Jesus Lombo Jr sa harap ng kanilangbahay sa Brgy Baya sa Ragay noongOktubre 26. Sugatan din ang anak nitongsi Exequiel na myembro rin ng Anakpawis.

sundan sa pahina 7

Page 7: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

SILYAB * Oktubre-Disyembre 2005 7

ALECO:Mataas na Singil sa Kuryente,Dagdag na Pasanin ng mga Albayano

Nabubulok na pasilidad, pagkabangkarote, atlumulobong utang. Ito ang kinakaharap na problema

ngayon ng Albay Electric Cooperative (ALECO). Ito angkooperatiba ng kuryente na nagseserbisyo sa prubinsyang Albay.

Sa buong bansa, ang ALECO ang ikalawangkooperatiba ng kuryente na may pinakamaraming bilangng konsumedores. Mula 2001, ang 680 ng kabuuang720 baranggay sa prubinsya ay may linya na ng kuryente.Naitala ang Albay bilang pangalawang may pinakamalaking konsumo ng kuryente sarehiyong Bikol.Mataas na Singil, Epekto ng EPIRA

Nakahanay ang ALECO sa mga kooperatiba ng kuryente na mataas ang singil. Walanghumpay ang pagtaas nito ng singil sa kuryente. Ibinunga ito ng pagsasabatas ng ElectricPower Industry Reform Act (EPIRA) noong taong 2001.

Ang EPIRA ay may layunin diumanong iangat ang kalidad ng serbisyo ng kuryente sabansa. Ibinukas din nito sa pamumuhunan ng mga dayuhang kapitalista ang NationalPower Corporation (NAPOCOR), National Transmission Corporation (TransCo), at mgakooperatiba ng kuryente. Tahasang ibinukas sa pribatisasyon ang buong industriya ngkuryente.

Kabilang sa probisyon ng EPIRA ang pag-abswelto diumano sa utang ng mgakooperatiba ng kuryente. Mapanlinlang ang prubisyong ito. Sa kaso ng ALECO, anginabsweltong P300 milyong utang ay nangangahulugan ng 11 sentimos na diskwento sakada isang kilowatt-hour (kwh) na singil sa kuryente. Inilalagay ito sa resibo ngkonsumedores sa ngalan ng loan condonation. Pero sa katunayan, sinisingil ulit angnasabing halaga sa idinagdag naman na universal charge.

Bahagi din ng EPIRA ang iskemang unbundling of rates, na lalo pang nakadagdag sasingil sa kuryente. Pinadedetalye ng Energy Regulatory Commission ang resibo ng mgakooperatiba ng kuryente para malaman daw ng mamamayan kung ano ang kanilangbinabayaran. Pero naging paraan lamang ito upang idagdag ang kung anu-anong mgabayarin. Tumaas ng 54 porsyento ang singil ng ALECO.

Nadagdagan pa ng sampung porsyento ang singil ng ALECO mula nang ipatupad angExpanded Value Added Tax (EVAT) nitong Nobyembre 1. Aabot na ngayon ang singil sahalos walong piso ang kada kilowatt-hour. Sa Enero 2006, madadagdagan pa ito sapagtaas ng ipinapataw na EVAT sa 12 porsyento.

Mga Kaso ng 31st IBAng pamilya Lombo ay dati nang pinagbantaan ng mga elemento ng 31st IB. Inakusahan

sila ng mga militar na taga-suporta diumano ng NPA.Sa Camarines Norte, pinaslang din ng mga elemento ng 31st IB si Brgy Capt Andres

Baldesoto sa Brgy Cabanbanan, San Vicente nitong Nobyembre 16. Si Baldesoto aydating kasapi ng NPA na inakusahan ng mga militar na patuloy pa rin daw sa pagsuportasa kilusan. Noong Abril pa siya pinagbantaan ng mga militar. Humingi siya noon ng tulongsa Sangguniang Panlalawigan upang bigyang proteksyon ang kanyang buhay.

sundan sa pahina 8

SSSSS

Page 8: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

8 Oktubre-Disyembre 2005 * SILYAB

Hinuhuthutan ng mga BurukrataKapitalista

Mula noong 1996, isinailalim ngNational Electrification Administration(NEA) sa direktang kontrol nito ang ALECO.Pinawalangbisa ng NEA ang otoridad ngpamunuan ng kooperatiba na ihinalal ngmga konsumedores ng ALECO sa isangpangkalahatang asembliya. Sa halip,itinalaga ng NEA ang mga tauhan nito bilangadministrador ng ALECO.

Kasabay ng pagpasok ng mgaadministrador mula sa NEA, lalong tumindiang maanomalyang pangangasiwa saALECO. Maraming nawalang kita atnawaldas na pondo. Mula Hulyo 1999hanggang Setyembre 2001, tumaas angpagkalugi nito sa pitong milyong piso kadabuwan. Umabot ang pagkalugi sa P426milyon noong 2003.

Lalo pang nabaon sa utang ang ALECO.Umabot sa P645 milyon ang utang ngALECO sa NAPOCOR, TransCo at NEA noongDisyembre 2004.

Aabot lamang sa P375 milyon ang halagang mga ari-arian ng ALECO. Kaya kahitibenta ng ALECO ang lahat nang ito, kulangpa rin itong pambayad sa utang. Sa kabilang pagkalugi, ang mga administrador naitinalaga ng NEA ay tumatanggap ngalawans na P57,000 kada buwan.

Noong 2000, kinurakotng mga administrador ngALECO ang siyam na milyongpisong pondo ng kooperatibasa pamamagitan ng isangghost purchase. Iniulat nilaang pagbili ng isangsubstation para sa bayan ngPolangui, pero sakatunayan, walang nabili atnaitayong substation.

Malaki ang pananagutanng mga burukrata ng NEA sapagbulusok ng kalagayan ng

serbisyo ng ALECO. Mula sa pagiging “classD” noong dekada 1980, bumagsak ito sakategoryang “class E” na kooperatiba ngkuryente sa kasalukuyan. Kaya itinutulakng NEA ang pagsasapribado nito paradiumano maiangat ang kalidad ng serbisyo.Pribatisasyon ng ALECO

Itinutulak ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa sulsol ng IMF-World Bank angpribatisasyon ng serbisyo sa kuryente.

Noong 2004, itinulak ng NEA at Depart-ment of Energy (DoE) ang pagpasok ng mgapribadong korporasyon sa pangangasiwa samga kooperatiba ng kuryente. Ayon sa DoE,ito ang paraan upang magkaroon ng higitna papel ang pribadong sektor sa industriyang kuryente. Sa madaling sabi,pribatisasyon ang tinutulak ng DoE.

Isa ang ALECO sa limang kooperatibangnakasalang na isubasta sa mga dayuhangkumpanya. Nagmaniobra ang NEA at mgalokal na burukrata sa prubinsya upangmagkaroon ng kasunduan ang ALECO at angSalcon, isang dayuhang kapitalistangkorporasyon mula sa Singapore.Pinakialaman ng NEA ang mga pang-organisasyong proseso ng kooperatiba.

Pagtaas ng Singil

sundan sa pahina 9

ALECO: Mataas na Singil sa Kuryente

Mula Nobyembre 1, 2005 (pagpasok ngEVAT): P7.9165 kada kwh.

Hunyo 2005: P7.1968 kada kwh

Disyembre 2004 (pagkatapos ng unbun-dling): P6.4698 kada kwh

Setyembre 2003: P4.1991 kada kwh

Kung ang isang pamilya aykumukunsumo ng 100 kwh kada buwan,ang sisingilin sa kanila ng ALECO ayP791.65 o halos walong daan piso.

Page 9: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

SILYAB * Oktubre-Disyembre 2005 9

YAYAYAYAYA

Nagpatawag ang mga kakutsaba nitongadministrador ng ALECO ng isang espesyalna pangkalahatang asembliya upangaprubahan ang kontrata sa pangangasiwang Salcon sa ALECO noong Pebrero 2001.Kontrata sa Dayuhang Salcon

Naglalaway na magkamal ng limpak-limpak na pondo mula sa ALECO ang Salconat kasapakat nitong mga burukrata. Imbesna idaan sa pagsubasta, tahasang inalokng NEA ang pangangasiwa ng ALECO sakorporasyong Salcon.

Binalangkas ng korporasyong Salconang kontrata sa pangangasiwa sa ALECOnoong 2002. Ito na ang mamamahala saadministrasyon, operasyon, at maging sapinansya ng ALECO.

Pangangasiwaan ng Salcon ang ALECOsa loob ng 20 taon.Tatanggap ito ng P4milyon taun-taon para sapangangasiwa, atdagdag na P2.8 milyonayon sa nakasaad sakontrata.

Ibinabandera ng mgakasapakat ngkorporasyong Salcon salokal na burukrasya namapapahusay ngkumpanya ang serbisyong ALECO. Pero sakatunayan walangmalinaw na nakalahad sakontrata na gagastusan ngSalcon ang pagpapaunlad ngmga pasilidad ng ALECO.Lahat pa rin ng gastusin ngALECO ay kukunin sa kikitain ngkooperatiba.

Ang ipinagmamalaki ng mgaburukrata na P500 milyong kapital naipapasok ng korporasyong Salcon sa ALECOay hindi naman nakasulat sa kontrata. Kungpagbabatayan ang kontrata, ang tanging

pera na ilalabas ng korporasyon ay ang re-habilitation fund. At, walang nakasaad kungmagkano ito. Tahasan ding ipinagbabawalng kontrata na malaman ng publiko angmga probisyon nito.

Wala ring ilinahad na mababawasan angmga brownout sa Albay.

Malawakang tanggalan naman ng mgamanggagawa sa ALECO ang idudulot ngreorganisasyon na nakasaad sa kontrata.Sa kung anu-anong dahilan, tatanggalinsa trabaho ang kayraming mga empleyadoupang ipasok naman ang mga personel atkonsultant ng Salcon.

Imbes na buhusan ng suporta ng NEA,sinasadya nitong gipitin ang ALECO upangpanatilihin ang nabubulok na pasilidadupang bigyang matwid ang pribatisasyonnito. Dagdag pang panggigipit sa ALECOang banta ng NAPOCOR na puputulan ng

linya ng kuryente dahil sa hindinababayarang utang ngkooperatiba.Pagtutol ng mgaKonsumedores

Sa pananaw ng mgamakabayang inhinyero atkonsumedores, ang mgateknikal na solusyon parasa rehabilitasyon ngALECO ay kayang gawinkahit hindi pumasok angkorporasyong Salcon sapangangasiwa ngkooperatiba.

Mariing ipinapahayagng mamamayang Albayanoang kanilang pagtutol sapribatisasyon ng ALECO.Ibinasura nila ang planosa pribatisasyon at ang

kontrata ng korporasyong Salcon sa isangespesyal na pangkalahatang asembliya ngmga konsumedores ng kooperatiba noong2003. sundan sa pahina 10

ALECO: Mataas na Singil sa Kuryente

Page 10: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

10 Oktubre-Disyembre 2005 * SILYAB

Camarines Sur —Matagumpay na nireyd ngmga pulang mandirigma ang Police Sub-station sa Brgy Masoli, Bato noongDisyembre 5.

Alas dose kwarenta y singko ngmadaling araw nang ireyd ito ng mgapulang mandirigmang nakasakay sa trak atdalawang van.Halos magkasabay ang hudyat na putokmula sa asolt tim na bumaba mula sa trakat ang putok mula sa pormasyong hinarangng pulis sa tsekpoynt na nakapwesto ilangmetro mula sa PNP substation.

Taktikal na Opensiba

Reyd sa PNP Substation,Matagumpay

Binatikos din nila ang panghihimasok ng NEA sa ALECO. Idineklarang bakante angpamunuan ng ALECO at nanawagan para sa paghahalal ng bagong administrasyon.Naghapag din sila ng alternatibong solusyon sa mga problema ng ALECO sapakikipagtulungan sa mga makabayang syentista at inhinyero.

Hanggat hindi naitatayo ang isang tunay na kooperatiba ng mamamayan,magpapatuloy ang komersyalisadong oryentasyon ng mga serbisyo nito.

Hangga’t hindi naisasabansa ang industriya ng kuryente at hindi nagkakaroon ngpambansang industriyalisasyon, magpapatuloy sa pagdausdos ang kalagayan ngserbisyong maibibigay ng ALECO. SSSSS

sundan sa pahina 11

ALECO: Mataas na Singil sa Kuryente

Page 11: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

SILYAB * Oktubre-Disyembre 2005 11

Walong minuto lamang ang itinagal ngbuong operasyon, kasabay na angpagklining ng mga armas. Mabilis at ligtasang naging pag-atras mula sa labanan.

Nakasamsam ng limang M16armalayt, isang M14, dalawangkalibre 38, isang 9mm at mgabala. Namatay sa labanan angtimlider sa Substation na si SPO3Elmer Cangayo at sugatan angtatlo pang elemento ng PNP.Walang anumang pinsala sa hanayng BHB.

Ayon sa CO ng operasyon,mabilisang nakasakay na reyd angnaging disenyo dahil sakalagayang nasa gilid lamang nghaywey ang lokasyon ng target.Ito ay napapaligiran rin ng mgadetatsment at istasyon ng kaawayna mabilis na makakapag-reimpors, kung sakali.

Aniya, nakahanda ang mgakasama sakaling magreimpors angmalalapit na pwersa ng kaaway. Tiniyaksa plano ang pagpusisyon ng mga blockingforce para sa kaligtasan ng main body nanag-asolt, kahit pa nga salat sa kober atmedyo alanganin ang pwestong

pinusisyunan. Kalakhan ng pwersa saoperasyon ay itinalaga bilang blocking force.

Ngunit hindi man lang nagtangkangsumaklolo sa napalabang mga elemento ngPNP ang napakalalapit na pwersa mula sahedkwarter ng 42nd IB Philippine Army saBrgy Nierva sa Nabua; 247 PNP MobileGroup; mga Police stations sa Nabua atMatacon sa Polangui, Albay; at maging angdetatsment ng Philippine Army sa BrgyAntipolo, Iriga. Tanghali na kinaumagahannang dumating para mag-reimpors angdalawang trak ng Philippine Army.

Susi sa naging tagumpay ang mahusayna gawaing paniktik at ang malalim nasuportang masa. Makailang ulit na nasarbeyang target at ruta ng byahe. Naghanda rinng iba’t ibang ruta para sa ligtas na pag-atras ng tropa. Sa paggamit ng relief mapsa dry run, masusing kinabisa ng mga pulang

mandirigma ang aktwalna labanan.

Kwento pa ngkasamang nasa tim ngasolt, di naging mahirapang pagkontrol sa tar-get. Pagkat kabisadoang target atdeterminado ang mgakasama sa pagpakat atpag-abante. Mabilis angnaging maniobra salabanan.

Bilang pangangalagasa kaligtasan ng mgasibilyan, isinagawa angnabanggit na operasyonsa oras na hindi matao

sa lugar at nagtalaga rin ng tim paraharangin ang mga sasakyan na pwedengdumaan sa haywey habang nagaganap anglabanan.

Matapos ang limang minutong bugso ngputok mula sa umaabanteng dose kataongtim sa asolt, mabilis na nakontrol ang tar-get. Sa unang dalawang minuto lamangnagkaroon ng mangilan-ngilang gantingputok mula sa kaaway. Epektibong nagamitang granada para magapi ang target.Matapos nito, tuluyan nang nagsitakas angtakot na takot na mga pulis.

Mahusay ang naging koordinasyon ngtim sa asolt. Putok-maniobra ang kanilangginawa upang makadikit sa target na may10 metros na distansya mula sa kalsada.Halos pader na lamang ang naging pagitanng mga pulang mandirigma at ng kaaway.

sundan sa pahina 12

Reyd sa PNP Substation, Matagumpay

Page 12: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

12 Oktubre-Disyembre 2005 * SILYAB

Diwang RebolusyonaryoDiwang RebolusyonaryoDiwang RebolusyonaryoDiwang RebolusyonaryoDiwang RebolusyonaryoAnibersaryo

Petsa bente sais.Maagang maaga pa pero abala na ang

lahat para sa paghahanda sa okasyon.Nakasalang na ang dalawang kalderongpuno ng suman na pinagpuyatan kagabi ngmga kababaihang nagtutulong-tulong sapagbabalot nito sa dahon ng saging. Mayisang umpok din ng mga kasamangnagkukwentuhan habang gumagawa ngsiopao para sa meryenda. Kagabi papinakuluan ang karneng baboy na ulam parasa tanghalian.

Masigla at abala ang lahat, kahit angulan ay di pa rin tumitila mula pa kagabi.Maputik at madulas na sa bakuran atmaging sa inookupang kusina, labas pasoknaman ang mga kasamang may kani-kanyang pinagkakaabalahan. Maynagpapatuyo ng iniimprentang t-shirt naisusuot mamaya. May mga nakikipila sapaliguan at may ilan pang kasamangnagpapagupit ng buhok.

Sa koprasan, di mabakante angespasyong gagawing tanghalan mamaya.Laging may grupong nagpapraktis.Nakakabit na ang myural na siyang back-drop sa stage. Dumating na rin ang dagdagna gitarang gagamitin.

Marami na ang mga taongnagsisidatingan mula sa mga karatig baryo.Ang iba ay may mga bitbit pang kakanin atsaging na panghimagas. Ang mga kabataanat estudyante ay kagabi pa rumegroup,kasabay ng ilang alyado mula sa sentro.

sundan sa pahina 13

Ipinagbunyi ng mamamayan sa Bato atmga karatig bayan ang matagumpay na reydna ito laban sa matagal na nilanginirereklamong ilang abusadong elementonito na nangingikil sa mga byahero atmaging sa maliliit na magtitinda ng uling,gulay at iba pang produktong dumadaansa tsekpoyt. Aktibo rin ang mga nireyd na

pulis sa pag-operasyon laban sarebolusyonaryong kilusan.

Sinalubong ang magigiting na pulangmandirigma ng mga pagbati atnakahandang pagkain mula samamamayang labis na sumusuporta sa mgailinulunsad na mga taktikal na opensiba ngBHB.

PaunawaHumihingi ng paumanhin ang Eduardo Olbara Command ng NPA-Camarines Sur sanasugatang sibilyan na tumakbo sa harap ng PNP Substation habang nangyayari anglabanan. Sa abot ng makakaya ng rebolusyonaryong kilusan, nakahanda ang mgakasamang tumulong.

SSSSS

Reyd sa PNP Substation, Matagumpay

Page 13: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

SILYAB * Oktubre-Disyembre 2005 13

Di naging hadlang ang putikang mgapaa at damit para magpakita ng husay atkakayahan sa pagtanghal ng dula, tula atkanta. Sa awit-galaw na Tambang,ipinamalas ng isang iskwad ng mga pulangmandirigma ang pagtudla, paggapang, pagtiger jump at pagtambling sa gitna ngmaputik na damuhan.

Makabuluhang mga mensahe angipinaabot ng mga nagsalita mula sa iba’tibang sektor at baryo. Napaiyak pa angisang nanay, pagkat nagagalak siyangipinagpapatuloy ng kanyang mga anak angpakikibaka. Aniya, nang mapanood ko angpagtatanghal ng mga kasama sa hukbo,nasariwa sa aking diwa ang panahon noongako’y pultaym pa. Ayon pa sa kanya, laloakong nainspira sa paggampan ng mgagawain sa lokal, kahit nagkakaedad na. Bumubuhos man ang malamig na ulan,nanatiling mainit at marubdob angmensaheng hatid ng mga kasamangnagsalita. Binaybay ang kasaysayan ngPartido at ang maningning na mgatagumpay na nakamit sa nakaraang taon.Nang mabanggit ang kalagayan ngayon ngbansa sa pulitika at ekonomya, puno ngahitasyong isinigaw ang: GLORIA! IBAGSAK!

Tila nais ng lahat na pahabain paang oras ng pagtitipon, kayamuling naghandog ng mga awitingnakapagpapataas ng diwangmapanlaban at nagpupugay sadakilang pamumuno ng Partido sapagrerebolusyon.Habang pinagsasaluhan angnakahandang meryenda, pinanoodsa VCD ang mga bidyudokumentaryo at ang brodkas ngDagundong ng Bikol.Nagpatuloy pa ang masiglangtalakayan at kantahan.

Isang maghapon ng pagdiriwang,pagpapanibagong sumpa sa adhikain, atpagdakila sa mga nag-alay ng buhay ...

Diwang RebolusyonaryoDiwang RebolusyonaryoDiwang RebolusyonaryoDiwang RebolusyonaryoDiwang RebolusyonaryoHalos lahat ng bahay malapit sapagdarausan ng aktibidad ay siksikan angmga tulugan. Pero kung tutuusin, di nagingprayoridad ang pagtulog. Di matapus-taposang kwento ng mga karanasan nitongnakaraang taon. Kagabi pa abala angkaramihan sa pagpapraktis ng kanilang mgaitatanghal para sa programa.

Maging ang grupo ng mga bata aynaghanda rin ng ipapalabas. Nagpapraktisnaman sa pagtula ang dalawang anak ngkasama. Araw din ng pagdalaw ng mgakapamilya ng kasama. Nagkasama-samaang mga pamilyang rebolusyonaryo paraipagdiwang ang araw na ito.

Nagsasalimbayan ang kwentuhan attugtog ng mga rebolusyonaryong awitinmula sa sound system na inaayos sa maykoprasan. Nagdagdag ng tolda para maymasilungan ang mga tao.

Matao pero maayos ang sistema ng mganagtataguyod ng gawain sa kusina. Nakas4 na ang kanin at ulam, may nakatoka sapaghuhugas ng mga plato at maging sapag-iigib ng tubig.

Muling bumuhos ang malakas na ulanhabang pinagsasaluhan ang tanghalian.Halos kalahating oras ang hinintay bagohumupa ang ulan.Umaambon pa nanglumipat ang mga tao sakoprasan na nasa kabila pang sapa, kung saangaganapin ang programa.

Matikas nanagpormasyon, nagmartsaat nag-drill ang platunhabang nagwawagaywayang bandila ng PartidoKomunista ng Pilipinas.Sinimulan ang programa sapag-awit ngInternasyunale.

Isang madamdaming dula-awit angnaging pambukas, bilang pagpupugay samagigiting na martir ng rebolusyon. SSSSS

Page 14: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · PDF fileMas lumakas ang suporta sa mga pagkilos laban sa kumpanya nang mangyari ang pagkalason ng karagatan dahil sa mine

14 Oktubre-Disyembre 2005 * SILYAB