78
i-Proclaim Readings (Magandang Balita Biblia)

i - s - bible.org.ph · mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, 9 isulat sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at mga tarangkahan. Babala Laban sa Pagsuway 10 “Malapit na

Embed Size (px)

Citation preview

i-Procla

im Reading

s

(Magand

ang Balita

Biblia)

Deuteronomio 5-8

Kabanata 5

Ang Sampung Utos

1 Tinipon ni Moises ang buong Israel at

kanyang sinabi, “Bayang Israel, dinggin ninyo ang kautusan at ang mga tuntuning ibibigay ko sa inyo ngayon. Unawain ninyong mabuti at masigasig na tuparin ang mga ito. 2 Guma-wa ng kasunduan sa atin ang Diyos nating si Yahweh sa Bundok ng Horeb,c 3 hindi lang sa ating mga magulang kundi pati sa ating mga nabubuhay ngayon. 4 Harap-harapan siyang nakipag-usap sa inyo sa bundok mula sa naglalagablab na apoy. 5 Habang ibinibigay niya ang kanyang mga utos, na-katayo ako sa pagitan ninyo at ni Yahweh sapagkat natatakot kayo sa ningas at ayaw ninyong umakyat sa bundok. Sinabi niya:

6 “‘Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin.

7 “‘Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.

8 “‘Huwag kang gagawa ng diyus-diyosang imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. 9 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Sisingilin ko ang kas-alanan ng mga magulang sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin-lahi. 10 Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig at pagkalinga sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan.

11 “‘Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan ko ang gumamit nito nang walang kabuluhan.

12 “‘Ilaan mo para sa akin ang Araw ng Pamamahinga, tulad ng ipinag-uutos ni Yah-weh na iyong Diyos. 13 Mayroon kayong anim na araw upang gawin ang inyong mga gawain. 14 Subalit para kay Yahweh na iyong Diyos ang ikapitong araw; Araw ito ng Pama-

mahinga. Sa araw na iyon, huwag magtatra-baho ang sinuman sa inyo; ikaw, ang inyong mga anak, mga aliping lalaki o babae, ni alin-man sa mga alaga mong hayop, ni ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo. Kailangang mamahinga tulad mo ang iyong alipin, lalaki man o babae. 15 Alalahanin mong naging alipin ka rin sa Egipto at inilabas kita mula roon sa pamamagitan ng aking kapangyari-han. Kaya iniuutos ko na igalang at sundin mo ang Araw ng Pamamahinga.

16 “‘Igalang mo ang iyong ama at ina tulad ng iniutos ko sa iyo. Sa gayon, mabubuhay ka nang matagal at sagana sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos.

17 “‘Huwag kang papaslang. 18 “‘Huwag kang mangangalunya. 19 “‘Huwag kang magnanakaw. 20 “‘Huwag kang sasaksi nang walang

katotohanan laban sa iyong kapwa. 21 “‘Huwag mong pagnanasaang maangkin

ang asawa ng iyong kapwa. Huwag mong pagnasaang maangkin ang kanyang samba-hayan, bukid, alilang lalaki o babae, baka, asno o anumang pag-aari niya.’

22 “Sinabi sa inyo ni Yahweh ang mga ito sa bundok, mula sa naglalagablab na apoy at makapal na usok. Liban doon, hindi na siya nagsalita sa inyo. Pagkatapos, isinulat niya ang mga ito sa dalawang tapyas na bato at ibinigay sa akin.

Pinagharian ng Takot ang Lahat

23 “Nang marinig ninyo ang kanyang tinig mula sa kadiliman, habang nagliliyab ang bundok, lumapit sa akin ang pinuno ng bawat angkan at ang inyong matatandang pinuno. 24 Sinabi nila, ‘Ipinakita sa atin ni Yahweh na ating Diyos ang kanyang kaluwalhatian at kadakilaan, at ipinarinig sa atin ang kanyang tinig. Nakipag-usap siya sa atin nang harapan ngunit hindi tayo namatay. 25 Bakit natin hihintaying mamatay tayo rito? Lalamunin tayo ng apoy na ito at tiyak na mamamatay tayo kapag nagsalita pa siya sa atin. 26 Si-nong tao ang nanatiling buháy matapos ma-rinig mula sa apoy ang tinig ng Diyos na

buháy? 27 Ikaw na lang ang makipag-usap kay Yahweh na ating Diyos. Sabihin mo na lamang sa amin ang lahat ng sasabihin niya sa iyo, at susundin namin.’

28 “Narinig ni Yahweh ang sinabi ninyo noon at ito naman ang kanyang sinabi sa akin: ‘Narinig ko ang sinabi nila sa iyo at tama ang lahat ng iyon. 29 Manatili nga sana ang takot nila sa akin at lagi nilang sundin ang aking mga utos upang maging matiwasay ang buhay nila at ng kanilang mga anak habang panahon. 30 Bumalik ka sa kanila at pauwiin mo na sila. 31 Ngunit mananatili ka rito at sasabihin ko sa iyo ang aking mga batas at mga tuntunin. Ituturo mo ito sa kanila upang kanilang sundin sa lupaing ibibigay ko sa kanila.’

32 “Sundin ninyong mabuti ang lahat ng iniuutos sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos. Huwag kayong lilihis sa mga ito. 33 Mamuhay kayo ayon sa kanyang mga utos. Sa ganoon, sasagana kayo at hahaba ang buhay ninyo sa lupaing sasakupin ninyo.

6 Ang Pangunahing Utos

1 “Ito nga ang Kautusan at mga tuntuning ibinigay niya sa akin, na siya ninyong susundin sa lupaing inyong sasakupin. 2 Ibinibigay ko sa inyo at sa inyong mga anak at sa mga susunod na salinlahi ninyo ang mga kautusang ito upang magkaroon kayo ng takot kay Yahweh na in-yong Diyos at sundin ang kanyang mga kau-tusan habang nabubuhay kayo. Sa ganitong paraan hahaba ang inyong buhay. 3 Kaya nga, pakinggan ninyo ito at sunding mabuti. Sa gayon, sasagana kayo, at darami ang inyong lahi pagdating ninyo sa lupaing ipinangako ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, sa lupaing mayaman at sagana sa lahat ng bagay.

4 “Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh ang ating Diyos, si Yahweh lamang.d 5 Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. 6 Itanim ninyo sa inyong puso ang mga utos niya. 7 Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong

pagbangon sa umaga. 8 Itali ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, 9 isulat sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at mga tarangkahan.

Babala Laban sa Pagsuway

10 “Malapit na kayong dalhin ni Yahweh sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob. Maninirahan kayo sa malalaki at magagandang lungsod na hindi kayo ang nagtatag. 11 Titira kayo sa mga tahanang punong-puno ng maga-gandang bagay na hindi kayo ang nagpuno. Iinom kayo sa mga hinukay na balon na hindi kayo ang humukay. Mamimitas kayo sa mga ubasan at sa mga olibong hindi ninyo itinanim. Kapag masagana na kayo sa pagkain, 12 hu-wag na huwag ninyong kalilimutan si Yahweh na naglabas sa inyo sa Egipto, sa bayan ng pagkaalipin. 13 Magkaroon kayo ng takot kay Yahweh, paglingkuran ninyo siya at sa kanyang pangalan kayo manumpa. 14 Huwag kayong sasamba sa mga diyus-diyosan ng mga bayang pupuntahan ninyo 15 sapagkat si Yahweh na inyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Kapag sumamba kayo sa diyus-diyosan, magliliyab ang kanyang galit sa inyo at lilipulin niya kayong lahat. Kasama ninyo siya at hindi siya papayag na may kaagaw.

16 “Huwag ninyong susubukin si Yahweh na inyong Diyos, tulad ng ginawa ninyo sa Masah. 17 Sundin ninyong mabuti ang kanyang mga utos at mga tuntunin. 18 Gawin ninyo kung ano ang tama at mabuti sa paningin ni Yahweh, at mamumuhay kayong matiwasay. Masasakop ninyo ang lupaing ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno; 19 mapapalayas ninyo ang inyong mga kaaway, tulad ng pangako niya sa inyo.

20 “Kapag dumating ang araw na itanong ng inyong mga anak kung ano ang kahulugan ng mga kautusan at mga tuntunin na iniuutos sa inyo ni Yahweh na ating Diyos, 21 ganito ang sabihin ninyo: ‘Noong araw, inalipin kami ng Faraon sa Egipto. Inilabas kami ni Yahweh roon sa pamamagitan ng kanyang kapangyari-han. 22 Nasaksihan namin ang maraming kab-abalaghang ginawa niya laban sa Egipto, laban

kay Faraon at sa kanyang buong sambahayan. 23 Inilabas niya kami sa Egipto upang dalhin sa lupaing ipinangako niya sa ating mga ninuno. 24 Pagkatapos, iniutos sa amin ni Yahweh na sundin ang kanyang mga tuntunin at igalang siya. Sa ganoon, sasagana tayo at iingatan niyang tulad ng ginagawa niya sa atin ngayon. 25 Kalulugdan tayo ng Diyos nating si Yahweh kung susundin natin nang buong katapatan ang lahat ng ipinag-uutos niya sa atin.’

7 Ang Bayang Hinirang ni Yahweh

1 “Pagdating ninyo sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh at kapag nasakop na ninyo ang pi-tong bansang nauna sa inyo roon—Heteo, Gergeseo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hivita at Jebuseo—mga bansang mas malakas at mas makapangyarihan kaysa inyo, 2 at kapag ipinaubaya na sila ni Yahweh sa inyo, lipulin ninyo silang lahat. Huwag ninyo silang kaaawaan at huwag kayong gagawa ng kasun-duan sa kanila. 3 Huwag kayong papayag na mapangasawa ng inyong mga anak ang kanil-ang mga anak 4 sapagkat tiyak na ilalayo nila ang inyong mga anak kay Yahweh, at pasasam-bahin sa kanilang mga diyus-diyosan. Kapag nagkaganoon, magagalit sa inyo si Yahweh at agad niya kayong lilipulin. 5 Kaya nga, gibain ninyo ang kanilang mga altar, pagputul-putulin ang kanilang mga sinasambang haligi, durugin ang mga imahen ng kanilang diyosang si Ashera, at sunugin ang mga diyus-diyosan. 6 Itinalaga kayong banal para kay Yahweh na inyong Diyos. Hinirang niya kayo sa lahat ng bayan upang maging kanyang sariling bayan.

7 “Pinili niya kayo at inibig hindi dahil mas marami kayo kaysa ibang mga bayan; sa katunayan, kayo pa nga ang pinakakaunti sa lahat. 8 Pinili niya kayo dahil sa pag-ibig niya sa inyo, at sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno. Ito rin ang dahilan kaya niya kayo inilig-tas sa kamay ng Faraon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. 9 Kaya't pakatatandaan ninyong si Yahweh na inyong Diyos ay Diyos, at Diyos siya na hindi marunong sumira sa pangako. Tapat siya sa

lahat ng umiibig sa kanya at sumusunod sa kanyang mga tuntunin. Ipinadarama niya ang kanyang pagmamahal hanggang sa ikasan-libong salinlahi. 10 Subalit nililipol niya ang lahat ng namumuhi sa kanya; hindi makakaligtas sa kanyang parusa ang lahat ng hindi sumusunod sa kanya. 11 Kaya, sundin ninyo ang kautusan at mga tuntuning ito na ibinibigay ko sa inyo ngayon.

Ang Pagpapala ng Pagiging Masunurin

12 “Kung taos-puso ninyong susundin ang mga utos na ito, tutuparin naman ni Yahweh ang kanyang kasunduan, at mananatili siyang tapat sa inyo, tulad ng ipinangako niya sa in-yong mga ninuno. 13 Iibigin, pagpapalain, at pararamihin niya kayo. Magkakaroon kayo ng maraming anak, at bibigyan ng masaganang ani, alak at langis. Pararamihin niya ang inyong mga hayop. Tutuparin niya ito pagdating ninyo sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno. 14 Pagpapalain niya kayo nang higit sa alinmang bayan. Walang magiging baog sa inyo, maging tao o maging alagang hayop man. 15 Ilalayo niya kayo sa mga karamdaman. Hindi niya padadapuin sa inyo ang alinman sa mga sakit na ipinaranas niya sa mga Egipcio, kundi padadapuin niya ito sa inyong mga kaaway. 16 Pupuksain ninyo ang lahat ng bayang ipapasa-kop ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo. Huwag ninyo silang kaaawaan. Huwag din ninyong sasambahin ang kanilang mga diyus-diyosan. Iyan ang patibong na naghihintay sa inyo roon.

17 “Huwag ninyong ikabahala kung paano ninyo matatalo ang mga mas makapangyari-hang bansang ito. 18 Huwag kayong matatakot sa kanila. Alalahanin ninyo ang ginawa ni Yah-weh sa Faraon at sa buong Egipto, 19 ang mal-alagim na salot na kanyang ipinadala, at ang mga kababalaghang ipinakita niya nang ilabas niya kayo roon. Ganoon din ang gagawin niya sa mga taong iyan na kinatatakutan ninyo. 20 Maliban diyan, magpapadala si Yahweh na inyong Diyos ng kaguluhane sa kanila hang-gang sa lubusang malipol pati iyong mga naka-pagtago at ang mga pugante. 21 Hindi kayo dapat matakot sa kanila sapagkat kasama ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh, ang dakila at

makapangyarihang Diyos. 22 Unti-unti silang lilipulin ni Yahweh. Hindi sila uubusin agad at baka hindi ninyo makaya ang mababangis na hayop. 23 Ngunit tiyak na ipapasakop sila sa inyo ni Yahweh. Lilituhin niya sila sa matinding takot hanggang sa lubusang malipol. 24 Ipapa-bihag niya sa inyo ang kanilang mga hari. Iba-baon ninyo sila sa limot. Walang makakatalo sa inyo ni isa man sa kanila hanggang sa malipol ninyo sila. 25 Sunugin ninyo ang kanilang mga diyus-diyosan. Huwag ninyong pagnanasaan ang mga pilak o gintong ginamit sa mga iyon sapagkat ito ang magiging patibong sa inyo dahil kasuklam-suklam iyon kay Yahweh. 26 Huwag kayong mag-uuwi ng anumang bagay na kasuklam-suklam sapagkat iyon ang magi-ging dahilan ng inyong kapahamakan. Sinumpa ang lahat ng diyus-diyosan, kaya, dapat ituring na kasuklam-suklam.

8 Ang Masaganang Lupain

1 “Sundin ninyong mabuti ang mga kautusan na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon upang humaba ang inyong buhay, dumami ang inyong lahi, at makarating kayo sa lupaing ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno. 2 Alalahanin ninyo kung paano niya kayo pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon upang matuto kayong maging mapagpakumbaba. Sinubukan niya kayo upang malaman kung ano ang hangarin ng inyong puso at kung susundin ninyo ang kanyang mga utos. 3 Tinuruan nga kayong magpakumbaba; ginutom niya kayo bago binigyan ng manna, isang pagkaing hindi ninyo kilala ni ng inyong mga ninuno. Ginawa niya ito upang ipaunawa sa inyo na hindi nabu-buhay ang tao sa tinapay lamang kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ni Yahweh. 4 Sa loob ng apatnapung taon, hindi kumupas ang inyong kasuotan ni hindi namaga ang in-yong mga paa sa kalalakad. 5 Itanim ninyo sa inyong isipan na dinidisiplina kayo ni Yahweh na inyong Diyos gaya ng pagdidisiplina ng isang ama sa kanyang anak. 6 Kaya, sundin ninyo siya sa pamamagitan ng pamumuhay na ayon sa kanyang mga utos at may paggalang

sa kanya, 7 sapagkat dadalhin niya kayo sa isang mainam na lupain, lupaing sagana sa tubig, maraming batis at bukal na umaagos sa mga burol at mga kapatagan. 8 Sagana rin doon sa trigo, sebada, ubas, igos, bunga ng punong granada, olibo at pulot. 9 Hindi kayo magkukulang ng pagkain doon o anumang pangangailangan. Makukunan ng bakal ang mga bato at ng tanso ang mga burol. 10 Ma-bubusog kayo roon at pupurihin ninyo si Yah-weh na inyong Diyos dahil sa masaganang lupaing ibinigay niya sa inyo.

Babala Laban sa Pagtalikod kay Yahweh

11 “Huwag ninyong kalilimutan si Yahweh na inyong Diyos. Sundin ninyo ang kanyang mga utos at mga tuntunin. 12 Kung namumuhay na kayo nang sagana, nakatira na sa magagan-dang bahay, 13 at marami nang alagang hayop, at marami nang naipong pilak at ginto, at marami pang iba’t ibang ari-arian, 14 huwag kayong magmamalaki. Huwag ninyong kalilimu-tan si Yahweh na nagpalaya sa inyo mula sa pagkaalipin sa bansang Egipto. 15 Siya ang pumatnubay sa inyo sa inyong paglalakbay sa malawak at nakakatakot na ilang na puno ng makamandag na mga ahas at alakdan. Nang wala kayong mainom, nagpabukal siya ng tubig mula sa isang malaking bato. 16 Pinakain niya kayo roon ng manna, isang pagkaing hindi ninyo kilala. Pinaranas niya kayo ng hirap para subukin kayo, at turuang maging mapagkumba-ba; ang lahat ng iyon para sa ikabubuti rin ninyo. 17 Kaya, huwag na huwag ninyong iisipin na bunga ng sariling lakas at kakayahan ang kayamanan ninyo. 18 Subalit alalahanin ninyong si Yahweh na inyong Diyos ang nag-bibigay sa inyo ng lakas upang yumaman kayo. Tinutupad niya ang kanyang pangako sa in-yong mga ninuno upang ipakita na tapat siya hanggang ngayon. 19 Kapag kinalimutan ninyo siya at sumamba kayo sa diyus-diyosan, nga-yon pa lang, binabalaan ko na kayo na malilipol kayo. 20 Kung hindi ninyo susundin ang kanyang mga sinabi, malilipol kayo tulad ng nangyari sa mga bansang ipinalipol sa inyo ni Yahweh.

Mga Awit 119

Ang Kautusan ni Yahweh (Alef)

1 Pinagpala ang taong namumuhay ng walang sala, ayon sa batas ni Yahweh namumuhay sila. 2 Pinagpala ang taong sumusunod sa kanyang kautusan, ang may buong pusong nagbibigay sa kanya ng kaluguran. 3 Wala silang ginagawang masama, landas ni Yahweh ang nilalakaran nila. 4 O, Yahweh, batas mo'y ibinigay mo na sa amin, at sinabing tapat namin itong sundin. 5 Gayon ako umaasa, umaasang magi-ging tapat, susundin ang iyong utos, susundin nang buong ingat. 6 Hindi ko mararanasan itong kahihiyan, kung susunding tapat ang iyong kau-tusan. 7 Habang natututunan ko ang iyong matuwid na paghusga, mula sa dalisay na puso pupurihin kita. 8 Mga batas mo aking susundin, huwag mo lamang akong lilisanin.

Pagiging Masunurin sa Kautusan ni Yah-weh (Bet)

9 Paano mamumuhay ng malinis ang mga kabataan? Sa pagsunod sa iyong mga kautusan. 10 Buong puso kong sisikapin na ika'y paglingkuran, ang sumuway sa utos mo, huwag mo akong hayaan. 11 Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman. 12 O, Yahweh, ika'y aking pupurihin,

landas mo, ituro sa akin. 13 Aking uulitin at isa-isang ipagsisiga-wan, ang lahat ng ibinigay mong kautusan. 14 Nagagalak na susundin ko ang iyong kautusan, higit pa sa kagalakang dulot nitong kaya-manan. 15 Tuntunin mo'y aking pinag-aaralan, pinagbubulayan ko ang iyong kautusan. 16 Batas mo'y aking kinaluluguran, 'di ko malilimot ang iyong mga kautusan. Kagalakan sa Kautusan ni Yahweh (Gimmel) 17 Itong iyong abang lingkod, O Yah-weh, nawa'y pagpalain, upang mabuhay ako at ang utos mo ang sundin. 18 Buksan mo ang mata ko upang aking mamasdan, magagandang katotohanan ng iyong kautusan. 19 Ang buhay ko sa daigdig, pansaman-tala lamang, kaya huwag mong ikukubli sa akin ang kautusan. 20 Masakit ang puso ko sa labis na kasabikan, sa lahat ng panahon, paghusga mo'y nais kong malaman. 21 Ang mga mapagmataas, iyong pina-parusahan; at iyong isinusumpa ang sa utos mo'y laban. 22 Ilayo mo ako sa panlalait ng mga ito, sapagkat sinusunod ko ang mga utos mo. 23 Nagpaplano ang mga pinuno laban sa akin, subalit mga katuruan mo aking aaralin. 24 Tuntunin mo ang nagbibigay sa akin ng kaaliwan, lagi nila akong pinapayuhan. Ang Pagsunod sa Kautusan ni Yahweh (Daleth) 25 Sa alikabok, talunang nakahiga ako, buhayin mo ako tulad ng pangako mo. 26 Sinagot mo ako sa pag-amin sa mga

nagawa ko, ituro mo sa akin ang mga pamamaraan mo. 27 Tulungang maunawaan, iyong mga kautusan, iyong kahanga-hangang gawa, lubos kong pag-aaralan. 28 Nilalamon na ako nitong kalungkutan, ibigay mo sa akin, pangako mong kala-kasan. 29 Huwag hayaang mapunta ako sa likong daanan, at sa iyong kabutihan, ituro mo sa akin ang iyong kautusan. 30 Pinili kong maging masunurin, paghusga mo'y pinagtuunan ko ng pansin. 31 Huwag hayaang mapunta ako sa likong daanan, huwag hayaang mapahiya ang lingkod mo. 32 Lahat ng utos mo, malugod kong susundin, dahil sa dagdag na pang-unawang ibibigay mo sa akin.

Panalangin Upang Makaunawa (He)

33 Ituro mo, O Yahweh, layunin ng kau-tusan, sa lahat ng panahon, akin itong susundan. 34 Ituro sa akin ang utos mo at susundin ko, tutuparin ko ito ng buong puso. 35 Tulungang maging masunurin sa iyong mga kautusan, sapagkat sa kanila ko natagpuan ang kaligayahan. 36 Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos, at huwag sa paghahangad na yumaman akong lubos. 37 Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay; at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay. 38 Tuparin mo ang pangakong binitawan sa iyong lingkod, ang pangako mo sa lahat ng sa iyo'y su-

musunod. 39 Sa kinatatakutang panlalait, iligtas mo ako, o, anong ganda ng paghusga mo. 40 Ang lahat ng tuntunin mo'y ibig kong sundin, pagkat matuwid ka, bagong buhay ang ibigay sa akin.

Pagtitiwala sa Kautusan ni Yahweh (Vav)

41 Ipadama mo sa akin ang dakilang pag-ibig mo, ayon sa pangako mo, O Yahweh, iligtas ako; 42 upang mga nanlalait sa akin, masagot ko, sapagkat may tiwala ako sa lahat ng salita mo. 43 Tulungan mong ihayag ko ang mga katotohanan, pagkat ako'y may tiwala sa tapat mong kahatulan. 44 Utos mo'y lagi kong susundan, magpakailanman. 45 Ako nama'y mamumuhay nang lubos na malaya, yamang ako sa utos mo'y sumusunod namang kusa. 46 At maging sa mga hari, ang utos mo'y babanggitin, hindi ako mapapahiya na ito ay aking gawin. 47 Nalulugod ako sa pagsunod sa mga utos mo, sapagkat sinusunod ko ang mga ito. 48 Mahal ko ang iyong utos, ito'y aking ginagalang, mga aral mo at tuntunin, aking pag-bubulayan.

Pananalig sa Kautusan ni Yahweh (Zayin)

49 Ang pangako sa lingkod mo, sana'y iyong gunitain, pag-asa ang idinulot ng pangako mo sa

akin. 50 Inaaliw ako sa kabila ng pagdurusa ko, dahil ito sa buhay na dulot ng pinangako mo. 51 Lagi akong nilalait nitong mayayabang, subalit 'di ako bibitiw sa iyong mga kau-tusan. 52 O, Yahweh, naalala kong lahat ng pa-ghatol mo, kaya't kaaliwan ang naranasan ko. 53 Nag-aapoy ang galit ko sa tuwing nakikita ko, yaong mga masasamang lumalabag sa batas mo. 54 Saanman ako manirahan, ang likha kong awit, tungkol sa iyong kau-tusan. 55 Nasa isip ang ngalan sa pagkagat ng dilim, O, Yahweh, sinisikap na utos mo'y laging sundin. 56 Nakabatay sa pagsunod ang tunay kong kagalakan, kaya naman sinusunod ko ang iyong kau-tusan.

Pagtupad sa Kautusan ni Yahweh (Kheth)

57 Ikaw lamang, O Yahweh, ang aking inaasam, kaya nangangakong susundin ko ang kautusan. 58 Taimtim sa aking puso, na ako'y humi-hiling, sang-ayon sa pangako mo'y mahabag ka sa akin. 59 Asal ko'y aking pinag-aralan, kaya nangangako akong susundin ang kautusan. 60 Kaya nagmadali ako, upang hindi na mabalam, sa hangad kong masunod na ang bigay mong kautusan. 61 Mga taong masasama kahit ako ay gapusin, ang bigay mong mga utos ay di pa rin lilimutin. 62 Gumigising akong lagi pagsapit ng

hatinggabi, sa matuwid mong paghatol lagi kitang pinupuri. 63 Kaibigan kong tapat ang naglilingkod sa iyo, mga taong buong pusong sumusunod sa utos mo. 64 Ang tapat na pag-ibig mo'y laganap sa daigdigan, ituro sa akin, Yahweh, ang banal mong kautusan.

Ang Kahalagahan ng Kautusan ni Yahweh (Tet)

65 Tinupad mo, Yahweh, ang iyong pan-gako,

mabuti ka sa akin na lingkod mo. 66 Bigyan mo ako ng dunong at tunay na

kaalaman, yamang nagtitiwala ako sa utos mong laan. 67 Ang sariling dati-rati'y namumuhay nang

baluktot, nang parusahan ako, salita mo ang sinunod; 68 Napakabait mo, O, kay buti mo! Ituro mo sa akin ang mga aral mo. 69 Ang gawain nitong hambog sadyang ako

ay siraan, ngunit buong puso na aral mo'y sinusundan. 70 Ang ganoong mga tao'y sadyang kapos

ng unawa, ngunit sa pagsunod sa utos mo, ako'y natu-

tuwa. 71 Nakabuti para sa akin ang kaparusahan

ko, sapagkat itinuro nito sa akin ang mga kau-

tusan mo. 72 Higit pa sa ginto't pilak nitong buong san-

libutan, ang mabuting idudulot ng bigay mong kau-

tusan.

Ang Katarungan ng Kautusan ni Yahweh (Yod)

73 Nilikha mo ako, O Yahweh, ako'y iyong iningatan; bigyan ako ng unawa upang batas mo'y malaman.

74 Ang sa iyo'y natatakot, kapag ako ay nakita, matutuwa sa lingkod mong sa iyo ay umaasa. 75 Nababatid ko, O, Yahweh, na tapat ang paghatol mo, at dahil tapat ka kaya't pinarusahan mo ako. 76 Tapat mong pag-ibig nawa'y maging kaaliwan ko, tulad ng pangako mo sa aking lingkod mo. 77 Maawa ka sa akin at mabubuhay ako, sapagkat nalulugod ako sa mga kautusan mo. 78 Ang hambog na naninira sa lingkod mo ay hiyain, sa aral mo ako nama'y magbubulay na taimtim. 79 Lumapit nawa sa akin silang nagpapa-rangal sa'yo, lahat silang sumusunod sa mga utos mo. 80 Lubos ko sanang masunod ang iyong kautusan, upang hindi danasin ang kahihiyan ng pagiging talunan.

Panalangin Upang Iligtas ng Diyos (Kap)

81 Ubos na ang lakas ko, o, Yahweh, naghi-hintay na iligtas mo ako,

nagtitiwala ako sa salita mo. 82 Dahilan sa paghihintay, lumamlam na

yaring tingin, ito ngayon ang tanong ko: “Kailan mo aali-

win?” 83 Tulad ng nasirang sisidlan ng alak, wala

na akong halaga, subalit utos mo'y natatandaan ko pa. 84 Gaanong katagal pa ang lingkod mo'y

maghihintay, sa parusang igagawad sa nang-usig kong

kaaway? 85 Mga taong mayayabang, mga taong ma-

suwayin, nag-umang ng mga bitag upang ako ay

hulihin. 86 Inuusig nila ako, kahit mali ang paratang, sa batas mo'y may tiwala, kaya ako ay tulun-

gan! 87 Pagpatay sa akin muntik na nilang

makamtan, subalit utos mo'y di ko malilimutan. 88 Dahilan sa pag-ibig mo, O Yahweh, ako

ay lingapin, at ang iyong mga utos ay masikap kong

susundin.

Kawikaan 10-30

10 Ang mga Kawikaan ni Solomon

Ang mga Kawikaan ni Solomon Ang mga kawikaan ni Solomon: 1 Ang matalinong anak, ligaya ng magu-lang, ngunit tinik sa dibdib ang anak na mang-mang. 2 Ang yamang buhat sa masama'y di papakinabangan, ngunit ang katuwiran ay maglalayo sa kamatayan. 3 Binubusog ni Yahweh ang namumuhay sa katuwiran, ngunit nasa ng masama hindi niya hinaha-yaang makamtan. 4 Tiyak na maghihirap ang kamay ng tamad, ngunit mag-iipon ng yaman ang kamay na masipag. 5 Ang nag-iimbak kung tag-araw ay katali-nuhan ngunit ang natutulog kung anihan, nagdudulot ng kahihiyan. 6 Mag-aani ang matuwid ng pagpapala't kabutihan, ngunit ang bibig ng masama'y nagtatakip ng karahasan. 7 Ang alaala ng matuwid, mananatili kailanman, ngunit pangalan ng masama'y tiyak na malilimutan. 8 Magandang payo'y tinatanggap ng pu-song may unawa, ngunit kapahamakan ang wakas ng mang-mang na masalita. 9 Ang namumuhay nang tapat siyang may

kapayapaan, ngunit malalantad balang araw ang may likong pamamaraan. 10 Ang matang kumikindat nagdudulot ng kaguluhan, ang tapat sa pagtutuwid, nagdadala ng kapayapaan. 11 Bukal ng buhay ang salita ng matuwid, ngunit labi ng masama'y sa karahasan nagtatakip. 12 Sari-saring kaguluhan ang bunga ng kapootan, ngunit ang pag-ibig nama'y pumapawi sa lahat ng kasalanan. 13 Sa labi ng may unawa matatagpuan ang karunungan, ngunit sa likod ng isang mangmang, kapa-rusahan ang kailangan. 14 Ang taong matalino'y nag-iimpok ng karunungan, ngunit nagdadala ng kapahamakan ang salita ng mangmang. 15 Ang kayamanan ng mayama'y matibay niyang tanggulan, ngunit ang kahirapan ng yagit nama'y kanyang kapahamakan. 16 Nagbibigay-buhay sa matuwid ang kanyang pinagkakakitaan, ngunit ang sa masama'y winawaldas sa kasamaan. 17 Ang nakikinig sa payo, may saganang kabuhayan, ngunit ang ayaw sumunod nama'y sa ka-pahamakan. 18 Ang nagtatanim ng poot, puno ng kas-inungalingan, ang naninira sa kanyang kapwa'y isang taong mangmang. 19 Ang taong masalita'y malapit sa pagka-kasala, ngunit ang nagpipigil ng dila'y dunong ang pakilala. 20 Ang dila ng matuwid, tulad ng pilak na mahalaga, ngunit ang puso ng mangmang, basura ang kagaya. 21 Ang labi ng matuwid sa marami'y pakinabang, ngunit namamatay ang mga mangmang

dahil sa kawalan ng karunungan. 22 Ang pagpapala ni Yahweh ay kaya-manan, at wala itong kasamang kabalisahan. 23 Kasiyahan ng masama ang paggawa ng kasalanan, ngunit ang mabuting asal, sa may unawa'y kasiyahan. 24 Ang kinatatakutan ng masama'y maga-ganap sa kanya, ngunit ang hangarin ng matuwid ay mata-tamo niya. 25 Tinatangay ng hangin ang taong masa-ma, ngunit ang matuwid nama'y gusaling di magigiba. 26 Kung nakakaluha ang usok at ang suka ay nakakangilo, gayon ang tamad na alipin sa kanilang mga amo. 27 Ang paggalang at pagsunod kay Yah-weh ay nagpapahaba ng buhay, ngunit di nagtatagal ang masama at agad namamatay. 28 Ang pag-asa ng matuwid, may magan-dang kahihinatnan, ngunit ang pag-asa ng masama, nagtata-pos sa kabiguan. 29 Kanlungan si Yahweh ng mga taong matuwid, ngunit kaaway siya ng taong masama ang hilig. 30 Mananatili ang matuwid sa kanyang dako, ngunit ang masama, kung saan-saan ma-tutungo. 31 Sa bibig ng matuwid lumalabas ang karunungan, ngunit ang dilang sinungaling ay pipigilan. 32 Ang salita ng matuwid nalalaman ang akma, ngunit puro paninira ang salita ng masa-ma.

11

1 Kasuklam-suklam kay Yahweh ang tim-bangang may daya, ngunit kasiyahan naman ang timbangang

tama. 2 Kahihiyan ang laging dulot ng kapalalu-an, ang magpakumbaba ay karunungan. 3 Tuntunin ng matuwid ang katapatan, ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan. 4 Walang halaga ang yaman sa araw ng kamatayan, ngunit ang katuwira'y naglalayo sa kapa-hamakan. 5 Mas panatag ang landas ng namumu-hay sa katapatan, ngunit bumabagsak ang masama sa saril-ing kabuktutan. 6 Ang katuwiran ng matuwid ang naglilig-tas sa kanya, ngunit bilanggo ang masama ng kanyang masamang nasa. 7 Ang pag-asa ng masama'y kasama niya sa kamatayan, mawawalang kabuluhan ang umasa sa kayamanan. 8 Inilalayo ang matuwid sa kabalisahan, ngunit ang masama, doon ang hantungan. 9 Ang labi ng walang Diyos, mapanira sa iba, ngunit ang dunong ng matuwid, nagliligtas ng kapwa. 10 Kapag pinagpala ang matuwid, naga-galak ang bayan, ngunit kung mapahamak ang masama, labis ang kanilang katuwaan. 11 Dahil sa salita ng matuwid tumatatag ang bayan, ngunit pagkawasak ng lungsod ang dulot ng kasinungalingan. 12 Humahamak ng kapwa ang taong ka-pos sa kaalaman, ngunit ang matalino, nananatiling tahimik lamang. 13 Sa bibig ng madaldal, walang sikretong maiingatan, ngunit iyong mapagkakatiwalaan ang tunay na kaibigan. 14 Sa kakulangan ng tuntunin, ang bansa'y bumabagsak, ngunit sa payo ng nakararami, tagumpay ay tiyak.

15 Sa gusot nasasadlak ang nananagot para sa iba, ngunit malayo sa pagkabagabag ang hindi gumagarantiya. 16 Ang babaing mahinhin, nag-aani ng karangalan, ngunit ang walang dangal, tambakan ng kahihiyan. Ang taong tamad lagi sa kahirapan,a ngunit ang taong masipag nasa kasa-ganaan. 17 Nag-iimpok ang mabait ng kabutihan, ngunit winawasak ng marahas ang sarili niyang kabuhayan. 18 Anumang anihin ng masama'y walang kabuluhan, ngunit may pagpapalang taglay ang gawa ng kabutihan. 19 Ang taong nasa matuwid, buhay ang masusumpungan, ngunit ang landas ng masama'y patungo sa kamatayan. 20 Ang kaisipang masama kay Yahweh ay kasuklam-suklam, ngunit ang lakad ng matuwid, kay Yahweh ay kasiyahan. 21 Ang taong masama'y di makakaligtas sa kaparusahan, ngunit hindi makakaranas ng parusa ang nasa katuwiran. 22 Ang magandang babae ngunit mang-mang, tila sa ilong ng baboy isang singsing na ginintuan. 23 Anumang nais ng matuwid, nag-bubunga ng kabutihan, ang inaani ng masama, galit ng kara-mihan. 24 Lalong yumayaman ang taong mapag-bigay, ngunit naghihirap naman ang tikom na mga kamay. 25 Ang taong matulungin, sasagana ang kabuhayan, at ang marunong tumulong, tiyak namang tutulungan. 26 Sinusumpa ang lahat ng taong sumasamsam ng bigas upang tumaas ang kikitain,

samantalang pinupuri naman ang taong nagtitinda nito kung kailanganin. 27 Kung mabuti ang hangarin, ikaw ay igagalang, kapag humanap ng gulo, ito ang ma-susumpungan. 28 Malalantang tila dahon ang nagtitiwala sa kanyang yaman, ngunit giginhawa ang matuwid, tulad ng sariwang halaman. 29 Ang nagpupunla ng gulo sa sariling sambahayan, mag-aani ng problema, gugulo ang kabuhayan. Ang taong mangmang at walang nal-alaman, habang buhay na sa matalino'y sunud-sunuran. 30 Buhay ang dulot para sa namumuhay sa katuwiran, at kamatayan naman ang hatid ng kara-hasan.b 31 Ang matuwid, dito sa lupa ginagantim-palaan, ngunit paparusahan ang mga masasama at makasalanan!

12

1 Tumatanggap ng payo ang taong disiplinado, ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo. 2 Nalulugod si Yahweh sa taong matuwid, ngunit sa masasama siya nama'y naga-galit. 3 Walang kapanatagang dulot ang kasa-maan, samantalang nabubuhay na matatag ang nasa kabutihan. 4 Ang mabuting babae, sa asawa'y kaliga-yahan at karangalan, kahihiyang dulot ng babae sa asawa pa-rang sa buto'y kabulukan. 5 Mabuting makitungo ang taong may katapatan, ngunit panloloko lang hatid ng taong puno ng kasamaan. 6 Pumapatay nang lihim ang mga

pangungusap ng masama, ngunit ang salita ng matuwid ay nagliligtas sa kapwa. 7 Lubusang mapaparam ang masama at di na magbabalik, ngunit ang sambahayan ng matuwid, mananatiling nakatindig. 8 Ang taong matalino'y magkakamit ng karangalan, ngunit pagkutya ang aanihin ng iyong kahangalan. 9 Mabuting di hamak ang maralitang nag-sisikap, kaysa nagkukunwaring mayaman ngunit sa gutom nakasadlak. 10 Mga hayop ng matuwid, kanyang inaal-agaan, ngunit hayop ng mga masama kanyang pinagmamalupitan. 11 Ang magsasakang masipag namumu-hay sa kasaganaan, ngunit ang waldas sa kanyang oras, salat sa yaman. 12 Pakinanabang ng kasamaan siyang hangad ng masama, ngunit malalim ang ugat ng matuwid at sadyang mabunga. 13 Ang masama'y nahuhuli sa salita ng kanyang bibig, ngunit ang matuwid nama'y malayo sa ligalig. 14 Sa mabubuting salita may yamang makakamtan, pagbabanat ng buto tiyak gagantimpalaan. 15 Iniisip ng mangmang na siya ang nasa katuwiran, ngunit bukas sa payo ang taong may karunungan. 16 Ang pagkainis ng mangmang kaagad nahahalata, ngunit ang mga matatalino, di pinapansin ang pagkutya. 17 Sa pagsasabi ng tapat, lumilitaw ang katarungan, ngunit ang pagsisinungaling, lumilikha ng kapahamakan. 18 Ang matalas na pananalita'y sumusu-gat ng damdamin, ngunit sa magandang salita, sakit ng ka-

looba'y gumagaling. 19 Nananatili ang tapat na labi magpakailanman, ngunit hindi nagtatagal ang dilang may kasinungalingan. 20 Ang nagbabalak ng masama'y mag-aani ng kapahamakan, ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y magtata-mo ng kagalakan. 21 Ang kasamaang-palad ay malayo sa matuwid, ngunit ang buhay ng masama'y puno ng ligalig. 22 Namumuhi si Yahweh sa kasinungalin-gan, ngunit ligaya at aliw niya ang katapatan. 23 Hindi agad sinasabi ang alam ng mata-lino, ngunit lantad ang kahangalan ng mang-mang na tao. 24 Balang araw ang masikap ang mama-mahala, ngunit ang tamad nama'y mananatiling alila. 25 Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan. 26 Ang payo ng kaibigang matuwid ay isang tanglaw, ngunit ang daan ng masama'y tungo sa pagkaligaw. 27 Hindi makakamit ng tamad ang kanyang hinahangad, ngunit ang masikap, may magandang hinaharap. 28 Patungo sa buhay ang landas ng matuwid, sa lumalakad dito'y walang kamatayang hatid.

13

1 Sumusunod ang matalinong anak sa pagtatama ng magulang, ngunit hindi tumatanggap ng disiplina ang isang mangmang. 2 Natatamo ng mabuti ang bunga ng kanyang kabaitan,

ngunit ang ninanasa ng masama'y puro karahasan. 3 Nag-iingat sa buhay ang maingat mag-salita, ngunit nasasadlak sa kapahamakan ang madaldal na dila. 4 Bigo ang pangarap ng taong tamad, samantalang hangarin ng masipag, agad na natutupad. 5 Ang matuwid na tao namumuhi sa kas-inungalingan, ngunit kilos ng masama, nagdudulot ng kahihiyan. 6 Iniingatan ng kanyang katuwiran ang taong mabuti, ngunit likong pamumuhay ng masama sa kapahamakan nauuwi. 7 May taong nagkukunwaring mayaman subalit wala naman, ngunit nag-aayos mahirap ang iba kahit na mayaman. 8 Pantubos ng kanyang buhay ang yaman ng tao, ngunit sa mahirap, walang nagbabanta nito. 9 Patuloy na nagniningas ang liwanag ng matuwid, ngunit ang sa masama nama'y napapatid. 10 Nagbubunga ng kaguluhan ang kapa-laluan, ngunit karunungan ang hatid kung payo'y susundan. 11 Madaling nawawala ang yamang mula sa kadayaan, ngunit ang yamang unti-unting inipon, darami din kinalaunan. 12 Dulot ng labis na paghihintay ang paghina ng kalooban, ngunit kasiyahan naman ang dulot ng pangarap na nakamtan. 13 Patungo ang nagwawalang-bahala sa payo sa sarili niyang kapahamakan, ngunit ang nagpapahalaga sa utos nama'y gagantimpalaan. 14 Bukal ng buhay ang turo ng matalino, sa bitag ng kamatayan ilalayo ka nito. 15 Umaani ng paggalang ang katalinuhan, ngunit naghahatid sa kapahamakan ang kataksilan.

16 Nag-iisip muna bago kumilos ang taong may katalinuhan, ipinangangalandakan naman ng mga mangmang ang kanilang kahangalan. 17 Ang masamang tagapagbalita'y lu-milikha ng kaguluhan, ngunit lumulutas ng alitan ang mabuting tagapamagitan. 18 Ang pagbalewala sa disiplina magdada-la sa kahirapan at kahihiyan, ngunit ang tumatanggap ng payo'y mag-aani ng karangalan. 19 Ang pangarap na natupad, nagdudulot ng kaligayahan, ngunit ayaw iwan ng mangmang ang kanyang kasamaan. 20 Nagiging matalinong tao ang sumasa-ma sa matalino, ngunit nauuwi sa kapahamakan ang sumasama sa mangmang na tao. 21 Hinahabol ng kahirapan ang taong ma-kasalanan, ngunit ang namumuhay na matuwid nama'y ginagantimpalaan. 22 Nag-iiwan ang matuwid ng pamana hanggang sa kaapu-apuhan, at sa matuwid nauuwi ang naipon ng isang makasalanan. 23 Ang bukid ng mahihirap, may pan-gakong kasaganaan, ngunit ito'y nasasayang dahil sa kawalan ng katarungan. 24 Dinidisiplina ang anak ng mapagmahal na magulang, ngunit hindi ito minamahal na anak kung hindi pinapalo man lang. 25 Sagana ang matuwid sa lahat ng kailangan, ngunit palaging kulang ang namumuhay sa kasamaan.

14

1 Nagtatatag ng bahay niya ang babaing may karunungan, ngunit winawasak ng isang mangmang ang sariling tahanan. 2 Gumagalang at sumusunod kay Yahweh

ang lumalakad sa katuwiran, ngunit ang nagwawalang-bahala sa kanya'y nasa likong daan. 3 Ang salita ng mangmang, may katumbas na parusa, salita ng matalino ang mag-iingat sa kanya. 4 Walang laman ang kamalig kung walang baka, datapwat sa lakas ng baka, ani'y sagana. 5 Ang tapat na saksi'y hindi magsisinun-galing, ngunit pawang kabulaanan ang sa saksing sinungaling. 6 Nag-aaral ang nagmamarunong pero hindi matuto, ngunit madaling maturuan ang may pang-unawang tao. 7 Iwasan mong makisama sa mga taong mangmang, pagkat sa kanila'y wala kang mapupulot na kaalaman. 8 Nalalaman ng matalino ang kanyang ginagawa, ngunit inaakay ang mangmang ng mali niyang unawa. 9 Kinukutya ng mga hangal ang kapa-tawaran ng kasalanan, ngunit nalalasap ng matuwid ang mabuting kalooban. 10 Walang makikihati sa kabiguan ng tao, gayon din naman sa ligayang nadarama nito. 11 Ang bahay ng masama'y sadyang mawawasak, ngunit ang tolda ng matuwid nama'y hindi babagsak. 12 May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito. 13 Hindi naitatago ng pagtawa ang ka-lungkutan, at pagkatapos ng kagalakan, kalungkutan naman. 14 Tatanggap ang likong pamumuhay ng angkop na kabayaran, samantalang gagantimpalaan ang tao sa kanyang kabutihan. 15 Pinaniniwalaan ng mangmang ang lahat niyang mapakinggan,

ngunit sinisiyasat ng may unawa ang kanyang pupuntahan. 16 Lumalayo sa kasamaan ang taong may karunungan, ngunit pabaya at hindi marunong magpigil sa sarili ang mangmang. 17 Ang mainitin ang ulo, nakagagawa ng kamangmangan, ngunit maingat naman ang taong may katalinuhan. 18 Nag-aani ng kamangmangan ang hangal na tao, umaani naman ng karunungan ang taong matalino. 19 Luluhod ang makasalanan sa mabuting tao, at makikiusap na siya'y tulungan nito. 20 Ang taong mahirap kadalasa'y kina-mumuhian, ngunit ang mayaman nama'y maraming kaibigan. 21 Ang humahamak sa kapwa'y gumaga-wa ng masama, ngunit ang matulungin, ligaya ang tinata-masa. 22 Ang naghahangad ng masama sa kap-wa, kadalasang naliligaw ng daan, ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y igagalang at pagkakatiwalaan. 23 May aanihin ang bawat pagsisikap, ngunit ang puro salita'y nasasadlak sa hirap. 24 Karangalan ng matalino ang kanyang karunungan, at palamuti ng mangmang ang kanyang kahangalan. 25 Hatid ng tapat na saksi'y kaligtasan, ngunit bigay ng sinungaling ang kataksi-lan. 26 Sa paggalang at pagsunod kay yahweh magtataglay ka ng tatag ng kalooban, may masasandalan naman ang buong sambahayan. 27 Bukal ng buhay ang pagsunod kay Yahweh at paggalang, at ang taong mayroon nito'y malayo sa bitag ng kamatayan. 28 Ang karangalan ng hari'y nasa dami ng nasasakupan,

ngunit walang kabuluhan ang pinunong walang tauhan. 29 Kahinahunan ang nagpapakilala ng kaunawaan, ngunit ang madaling pagkagalit, tanda ng kamangmangan. 30 Ang payapang isipan, nagbibigay ka-lusugan sa katawan, ngunit nagdudulot ng kabulukan sa buto ang kapusukan. 31 Ang umaapi sa mahirap, humahamak din sa Maylalang, ngunit ang matulungi'y nagdudulot ng karangalan. 32 Ibinabagsak ang masama ng sariling kasamaan, ngunit kanlungan ng matuwid ang kanyang kabutihan.a 33 Sa isip ng may unawa nananahan ang karunungan, ngunit walang pakialam dito ang mang-mang. 34 Ginagawang dakila ng katuwiran ang isang bayan, ngunit kahihiyan ang dulot ng kasalanan. 35 Nalulugod ang amo sa aliping matalino, ngunit sa utusang walang isip, poot ang dulot nito.

15

1 Napapawi ang galit kung malumanay ang sagot, ngunit kung marahas ang tugon tumitindi ang poot. 2 Ang dila ng matalino'y nagbubunga ng kaalaman, ngunit bukal ng kahangalan ang bibig ng mangmang. 3 Nakatingin si Yahweh sa lahat ng dako, nakabantay sa ginagawa ng masama at ng matino. 4 Nagbibigay-buhay ang salitang may kahinahunan, ngunit nakasasakit ng kalooban ang baluk-tot na katuwiran. 5 Di pansin ng mangmang ang turo ng kanyang ama, ngunit dinirinig ng may isip ang paalala sa

kanya. 6 Ang tahanan ng matuwid ay puno ng kayamanan, ngunit ang masama'y nagkukulang sa lahat ng kailangan. 7 Ang labi ng matalino'y nagkakalat ng karunungan, ngunit hindi ganoon ang hangad ng isang mangmang. 8 Kasuklam-suklam kay Yahweh ang handog ng masama, ngunit sa panalangin ng matuwid siya'y natutuwa. 9 Sa gawaing masama, si Yahweh ay namumuhi, ngunit kanyang minamahal ang sa katuwiran lumalagi. 10 Ang gumawa ng masama'y tatanggap ng parusa, at tiyak na mamamatay ang ayaw ng paalala. 11 Kung batid ni Yahweh ang mundo ng kamatayan, paano pa kaya ang nilalaman ng kaloo-ban? 12 Ayaw mapagsasabihan ang mga pala-lo, at sa matatalino'y di hihingi ng payo. 13 Pusong masayahin, dulot sa mukha'y kaligayahan, mukhang simangot ang dulot ng matind-ing kalungkutan. 14 Ang taong may unawa'y naghahangad pa ng karunungan, ngunit ang mangmang nama'y nasisi-yahan na sa kanyang kahangalan. 15 Lahat ng araw ng mahirap ay puno ng pakikibaka, ngunit ang masayahin, saganang piging ang kagaya. 16 Higit ang mahirap na sumusunod kay Yahweh at gumagalang, kaysa mayamang puno ng kabalisahan. 17 Mas masarap ang isang plato ng gulay na inihaing may pag-ibig kaysa isang matabang baka na inihaing may galit. 18 Ang mainitin ang ulo'y humahantong sa alitan,

ngunit pumapayapa mula sa kaguluhan ang mahinahong isipan. 19 Ang landas ng batuga'y punung-puno ng tinik, ngunit patag na lansangan ang daan ng matuwid. 20 Ang anak na marunong ay kaligayahan ng isang ama, ngunit ang anak na mangmang nama'y kahihiyan ng kanyang ina. 21 Natutuwa ang mga mangmang sa mga bagay na kahangalan, ngunit lumalakad nang matuwid ang taong may kaalaman. 22 Nabibigo ang planong kulang sa payo, kung maraming tagapayo, mag-tatagumpay ito. 23 Ang matalinong pananalita'y nagdudu-lot ng kasiyahan, at ang salitang angkop sa pagkakataon, may dulot na pakinabang. 24 Pataas ang landas ng mga marunong na tao, upang sa mundo ng mga patay makaiwas ang mga ito. 25 Wawasakin ni Yahweh ang bahay ng mayayabang, ngunit ang tahanan ng biyuda'y kanyang iingatan. 26 Kasuklam-suklam kay Yahweh ang iniisip ng masama, ngunit kasiyahan niya ang pangungusap ng may malinis na diwa. 27 Nauuwi sa kaguluhan ang gahaman sa salapi, ngunit nabubuhay nang matagal kung sa suhol tumatanggi. 28 Tinitimbang ng matuwid kung ano ang sasabihin, ngunit di na iniisip ng masama ang kanyang sasalitain. 29 Pinapakinggan ni Yahweh ang daing ng matuwid, ngunit ang panawagan ng masama'y hindi dinirinig. 30 Ang masayang ngiti ng puso'y nagdudulot ng kasiyahan, at ang mabuting balita'y naghahatid ng kalusugan.

31 Ang marunong sumunod sa paalala, nagkakaroon ng katalinuhan at mabuting pasya. 32 Ang ayaw makinig sa pangaral, nau-uwi sa kapahamakan, ngunit ang nagpapahalaga sa paalala'y nagdaragdag ng kaalaman. 33 Ang paggalang at pagsunod kay Yah-weh ay nagtuturo ng karunungan, at nauuna muna ang pagpapakumbaba bago ang karangalan.

16 Mga Kawikaan tungkol sa Buhay at Pag-uugali

1 Ang mga balak ng isipa'y sa tao nag-mumula, ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila. 2 Ang akala ng tao'y tama ang kanyang kilos, ngunit sa tunay niyang layon, si Yahweh ang nakatatalos. 3 Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin. 4 Nilikha ni Yahweh ang lahat nang may kadahilanan, kahit ang masama sa panahon ng kapa-rusahan. 5 Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang, at sila'y tiyak na paparusahan. 6 Katapatan kay Yahweh, nagbubunga ng kapatawaran, nalalayo sa kasamaan ang sa kanya'y sumusunod at gumagalang. 7 Kung nalulugod si Yahweh sa buhay ng tao, kahit ang mga kalaba'y makikipagbati dito. 8 Ang maliit na halagang buhat sa mabuting paraan, higit na mabuti sa yamang buhat sa kasa-maan.

9 Ang tao ang nagbabalak ng kanyang lalakaran, ngunit si Yahweh ang nagbibigay katu-paran. 10 Nagbubukal ang bibig ng hari ng pasyang kinasihan, hindi siya namamali sa lahat niyang ka-hatulan. 11 Nais ni Yahweh ang tamang tim-bangan, at hanap niya sa negosyo ang katapatan. 12 Di dapat tulutan ng isang hari ang gawang kasamaan, pagkat tumatatag ang pamamahala kung may katarungan. 13 Kasiyahan ng haring pakinggan ang katotohanan, at ang nagsasabi nito'y kanyang kinalu-lugdan. 14 Tagapagdala ng kamatayan ang poot ng hari; kaya't pipilitin ng matalino na ito'y mapawi. 15 Mayroong buhay kung mukha ng hari'y may kasiyahan, tila ulap na may dalang ulan. 16 Higit na mainam sa ginto ang magka-roon ng karunungan, at higit kaysa pilak ang magtaglay ng katalinuhan. 17 Daan ng matuwid palayo sa kasa-maan; ang buhay ng nag-iingat sa kanyang hakbang, may kaligtasan. 18 Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at patungo ang mapagmataas na isipan sa pagbagsak. 19 Higit na mabuti ang mahirap na may mababang kalooban, kaysa makihati sa yaman ng taong puno ng kahambugan. 20 Mananagana ang sinumang sumusu-nod sa payo, ang nagtitiwala kay Yahweh ay mapalad na tao. 21 Nakikilala ang matalinong tao sa kanyang pang-unawa,

at nakahihikayat sa iba ang matatamis niyang pananalita. 22 Ang karununga'y bukal ng buhay para sa matalino, ngunit mahirap maturuan ang mangmang na tao. 23 Iniisip ng matalino ang kanyang sasabi-hin, kaya naman ang kausap niya'y madaling akitin. 24 Kaaya-ayang salita'y parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng ka-tawan. 25 May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan naman ang dulo nito. 26 Nagsisikap ang tao para sa kanyang pagkain; upang ang walang lamang sikmura'y punuin. 27 Puno ng kasamaan ang isip ng tampa-lasan, labi niya'y apoy na kahit ano'y sisilaban. 28 Naghahasik ng kaguluhan ang taong baluktot ang isipan, at sinisira ng tsismis ang magandang samahan. 29 Tinutukso ng masamang tao ang kanyang kapwa, at ibinubuyo tungo sa landas na masama. 30 Mag-ingat ka sa taong pangiti-ngiti at kikindat-kindat; pagkat tiyak na mayroon siyang masa-mang binabalak. 31 Putong ng karangalan ang puting buhok sa ulo, sa matuwid na pamumuhay ito'y mata-tamo. 32 Higit na mabuti ang tiyaga kaysa ka-pangyarihan, at ang pagsupil sa sarili kaysa pagsakop sa mga bayan. 33 Isinasagawa ng tao ang palabunutan, ngunit kay Yahweh lang ang huling ka-pasyahan.

17

1 Kahit tinapay lang ang kinakain ngunit may kapayapaan, mabuti namang di hamak kaysa malaki ngunit magulong handaan. 2 Pinamumunuan ng aliping mapamaraan ang anak na nagdudulot ng kahihiyan, at tatanggap ng yaman kapantay ng kapa-tid kapag pinamanahan. 3 Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak, ngunit sa puso ng tao'y si Yahweh ang sumisiyasat. 4 Ang taong masama'y nakikinig sa payo ng masama, at ang sinungaling nama'y sumusunod sa baluktot na dila. 5 Ang nanlalait sa mahirap ay hu-mahamak sa Maylalang, at ang nagagalak sa kapahamakan ng iba'y mayroon ding pananagutan. 6 Putong ang mga apo ng katandaan; ang karangalan ng mga anak nama'y ang kanilang magulang. 7 Hindi angkop sa mangmang ang maay-os na pananalita, lalo na ang kasinungalingan sa taong namamahala. 8 Ang suhol sa iba'y parang salamangka; kaya't makukuha ang alinmang gustuhin nila. 9 Ang pagpapatawad sa kasalana'y nagpapatibay ng samahan, ngunit sumisira ng pagkakaibigan ang di lumilimot sa alitan. 10 Ang taong matalino'y natututo kahit minsan lang pagsabihan, ngunit paulit-ulit mang paluin ang mang-mang, wala pa ding natututunan. 11 Ang nais ng masama'y paghihimagsik, kaya ipadadala sa kanya'y isang sugong malupit. 12 Mabuti pang sa inahing osong ina-gawan ng anak makipaglaban, kaysa pagsabihan ang isang mangmang na lublob sa kahangalan. 13 Kung mabuting ginawa, ginantihan ng kasamaan, hindi mawawala ang kapahamakan sa

kaniyang tahanan. 14 Ang simula ng kaguluha'y parang bu-tas ng dike; na dapat tapalan bago pa ito lumaki. 15 Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam. 16 Ang gumugol para sa pag-aaral, wa-lang katuturan, ng isang taong pumili na siya'y maging mangmang. 17 Nagmamahal ang kaibigan sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipitan, kapatid ang tumu-tulong. 18 Ang mangangakong magbayad para sa utang ng iba, kamangmangang maituturing ang kanyang ginagawa. 19 Umiibig sa kasalanan ang umiibig sa kaguluhan; at sakit ng katawan ang hanap ng mayay-abang. 20 Ang masamang isipa'y hindi uunlad, ang sinungaling nama'y aabot sa ka-sawiang-palad. 21 Ang mga magulang na may anak na mangmang, sakit sa damdamin ang nararanasan. 22 Gamot sa karamdaman ang pagkama-sayahin, at unti-unti namang namamatay ang ma-lungkutin. 23 Hindi nakakamtan ang karunungan, kung itong masama, suhol ay patulan. 24 Karunungan ang pangarap ng taong may unawa, ngunit ang isip ng mangmang ay pagala-gala. 25 Ang hangal na anak, problema ng kanyang ama at pabigat sa damdamin ng kanyang ina. 26 Ang pagpaparusa sa matuwid, hindi makatuwiran, gayundin kung ang taong marangal ay pahihirapan. 27 Nagtataglay ng kaalaman ang maingat magsalita, ang tawag sa mahinahon ay taong may

pagkaunawa. 28 Ang mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong; kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikom.

18

1 Ang makasarili'y kakaunti lamang ang kaibigan, at salungat sa lahat ng matalinong kai-sipan. 2 Walang pakialam ang mangmang sa kaalaman, nais lang niyang ipakitang siya'y may alam. 3 Kasunod ng pagsipot ng kasamaan ang kahihiyan, kapag dumating ang kadustahan, mawa-wala ang karangalan. 4 Bukal ng karunungan ang salita ng matalinong tao, parang dagat na malalim at malamig na batis ito. 5 Isang kamalian ang pag-ayon sa taong may katiwalian; gayundin naman kung ipagkakait sa matuwid ang katarungan. 6 Alitan ang bunga ng sinasabi ng mang-mang, at ang kanyang bibig, naghahatid ng ka-guluhan. 7 Kanyang bibig, maghahatid sa sariling kasiraan; kanyang labi nama'y isang bitag na ka-huhulugan. 8 Masarap pakinggan ang tsismisan, gustung-gusto ng lahat na pinag-uusapan. 9 Kapatid ng batugan ang taong tagapag-dala ng kaguluhan. 10 Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan, kanlungan ng matuwid mula sa kapa-hamakan. 11 Kanlungan ng mayaman ang kanyang ari-arian, akala niya'y maililigtas siya nito sa oras ng kapahamakan. 12 Nagbubunga ang pagmamataas ng kapahamakan,

ngunit ang pagpapakumbaba nama'y ka-rangalan. 13 Kahihiyan at kamangmangan ang pag-sagot agad sa tanong na hindi nalalaman. 14 Matatag na kalooban ang gagapi sa karamdaman, ngunit paano ito makakayanan kung mahi-na ang kalooban? 15 Nagdaragdag ng kaalaman ang matali-nong kaisipan, ang may unawa'y kumakalap pa ng karunungan. 16 Kung nais mapalapit sa may ka-pangyarihan, puntahan mo siya at regaluhan. 17 Ang unang naghayag ng kanyang panig sa isang kaso, inaakalang tama, hangga't hindi naririnig, usisa ng kabila. 18 Malulutas ang sigalot gamit ang pala-bunutan, at mapagkasundo ang makapangyarihang nagbabangayan. 19 Higit pa sa matibay na lungsod ang kaibigang nasaktan, at parang tarangkahan ng kastilyo ang hindi pagkakaunawaan. 20 Anumang sabihin ng tao'y kanyang pananagutan, ayon sa kanyang salita siya'y gagantimpa-laan. 21 Nakasalalay sa salita ang buhay at kamatayan, nagmamahal sa bunga nito'y makikina-bang. 22 Isang kayamanan ang mabuting may-bahay, siya'y pagpapala na si Yahweh lang ang nagbigay. 23 Paraan ng mahirap ang pakiusapan, ngunit marahas namang sumagot ang mayaman. 24 May pagkakaibigang madaling lumamig, ngunit may kaibigang higit pa sa kapatid.

19

1 Mas mabuti ang mahirap na namumu-hay ng marangal,

kaysa taong masalita ngunit isang hangal. 2 Masugid man kung mangmang, walang mapapakinabangan; ang kawalan ng tiyaga'y magbubulid sa kaguluhan. 3 Ipinapahamak ng mangmang ang kanyang sarili, pagkatapos si Yahweh ang kanyang sinisisi. 4 Ang kayamana'y umaakit ng maraming kaibigan, ngunit tinatalikuran ang mahirap ng dating kasamahan. 5 Tiyak na mapaparusahan ang saksing bulaan, at ang sinungaling nama'y wala ring tatak-buhan. 6 Marami ang lumalapit sa mapagbigay na tao, at kaibigan ng lahat ang namimigay ng regalo. 7 Kung tinatalikuran ang mahirap ng mis-mong kapatid, sino pang kaibigan ang sa kanya'y lalapit. 8 Nagmamahal sa sarili ang kumukuha ng kaalaman, nagtatagumpay naman ang nagpapahala-ga sa karunungan. 9 Tiyak na mapaparusahan ang saksing bulaan, at ang sinungaling nama'y walang tatak-buhan. 10 Hindi angkop sa mangmang ang mamuhay sa karangyaan; lalong walang karapatan ang aliping paglingkuran nang may kapangyarihan. 11 Nagpapakilala ng katalinuhan ang kahinahunan, karangalan niya naman ang pagpapa-tawad sa kasalanan. 12 Parang leong sumisigaw ang poot ng hari, ngunit parang hamog sa halaman ang kanyang pagkandili. 13 Kasiraan ang anak na hangal sa kanyang ama, at tila ulang walang tigil ang bibig ng madaldal na asawa. 14 Namamana sa magulang ang bahay at

kayamanan, ngunit ang mabuting asawa'y si Yahweh lang ang naglalaan. 15 Palaging tulog ang taong may katama-ran, kaya't ang sikmura niya'y laging kuma-kalam. 16 Ang tumutupad sa kautusa'y nag-iingat ng kanyang buhay, ngunit ang nagwawalang-bahala'y tiyak na mamamatay. 17 Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, sapagkat pagdating ng panaho'y si Yah-weh ang magbabayad. 18 Ituwid mo ang iyong anak habang may pagkakataon pa, kung hindi'y ikaw na rin ang nagtulak sa pagkawasak niya. 19 Kapahamakan ang dapat asahan ng mainitin ang ulo, mapayuhan mo mang minsa'y patuloy ding manggugulo. 20 Dinggin mo at sundin ang payo sa iyo, at pagdating ng araw, pakikinabangan mo ito. 21 Maraming plano ang tao na nasa kanyang isip, ngunit ang kalooban pa din ni Yahweh ang siyang mananaig. 22 Kaibig-ibig sa isang tao ang kanyang katapatan, higit na mainam ang mahirap kaysa isang bulaan. 23 Nagbibigay-buhay ang pagsunod kay Yahweh at kung siya'y igalang, ang gumawa nito'y makakaranas ng kapa-yapaan at ligtas sa kapahamakan. 24 Ang kamay ng batuga'y nadidikit sa pinggan, hindi halos makasubo dahil sa katamaran. 25 Parusahan mo ang mapanuya at matu-tuto pati mangmang, pagsabihan mo ang may unawa at lalawak ang kanyang kaalaman. 26 Ang anak na nanakit sa ama at tumata-boy sa ina, nagdadala ng kahihiyan at katakut-takot na pagpuna.

27 Ang anak na ayaw makinig kapag pinangangaralan, siguradong lumalayo sa karunungan. 28 Sinisira ng saksing sinungaling ang takbo ng katarungan, ang bibig ng liko'y nagbubunga ng kasa-maan. 29 May hatol na nakalaan para sa mga mapanuya, at sa mga mangmang nama'y hagupit ang nakahanda.

20

1 Nagpapababa ang alak sa dangal ng isang tao, kaya isang kamangmangan ang magpakalulong dito. 2 Parang leong sumisigaw ang poot ng hari, ang gumalit sa kanya'y nanganganib na masawi. 3 Ang marangal na tao'y umiiwas sa ka-guluhan, ngunit laging pakikipag-away ang nais ng mangmang. 4 Ang taong tamad sa panahon ng tani-man, siguradong walang magagapas pagdating ng anihan. 5 Tulad ng tubig na malalim ang isipan ng isang tao, ngunit nasasalok naman ito ng taong matalino. 6 Sinasabi ng bawat isa na siya'y tapat, ngunit kahit kanino sa kanila'y hindi ka nakakatiyak. 7 Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran, mapalad ang mga anak na siya ang tinutu-laran. 8 Sa pagluklok ng hari upang igawad ang kahatulan, walang matatagong anumang kasamaan. 9 Sinong makapagsasabing malinis ang kanyang puso, at sa kasalana'y namumuhay ng malayo? 10 Ang mandarayang timbangan at man-darayang sukatan,

kay Yahweh ay pareho itong kasuklam-suklam. 11 Kahit ang bata'y makikilala sa kanyang mga gawa; kanyang katapatan sa kilos makikita. 12 Parehong si Yahweh ang siyang may-likha, ng taingang nakakarinig at matang naka-kakita. 13 Matulog ka nang matulog at ika'y maghihirap, ngunit maganda ang iyong bukas kung ika'y magsisikap. 14 “Ang presyo mo'y ubod ng taas,” sabi ng mamimili, ngunit pagtalikod, pambabarat niya nama'y ipagmamalaki. 15 Ang taong nakakaalam ng kanyang sinasabi, daig pa ang may ginto at alahas na mara-mi. 16 Ang sinumang nananagot sa utang ng iba, dapat kunan ng ari-arian bilang garantiya. 17 Anumang nakuha sa pandaraya'y pa-rang masarap na pagkain, ngunit kapag tumagal nama'y para kang kumain ng buhangin. 18 Kailangan mo ng payo para makabuo ng plano; bago sumabak sa digmaan, siguraduhing taglay mo ito. 19 Nahahayag ang mga lihim dahil sa tsismisan, kaya mga taong makati ang dila, iyong iwasan. 20 Sinumang magmura sa kanyang magu-lang, parang ilaw na walang ningas tungo sa kadiliman. 21 Kayamanang minana at hindi pinaghi-rapan, sa bandang huli'y hindi din pakikina-bangan. 22 Huwag mong gantihan ng masama ang masama; tutulungan ka ni Yahweh kaya't sa kanya ka magtiwala. 23 Napopoot si Yahweh sa panukat na di

tama, at namumuhi siya sa timbangang may daya. 24 Si Yahweh lamang ang nagtatakda ng ating landasin; kaya huwag ipagyabang ang iyong lak-bayin. 25 Bago mangako sa Diyos ay isiping mabuti, upang hindi ka magsisi sa bandang huli. 26 Malalaman ng haring matalino ang lahat ng gumagawa ng masama, at pagdating ng araw sila'y pinaparusahan nang walang awa. 27 Binigyan tayo ni Yahweh ng isipan at ng budhi, kung kaya't masisiyasat natin ang ating sarili. 28 Ang haring tapat at makatarungan siguradong magtatagal sa kanyang kahari-an. 29 Karangalan ng kabataan ang kanyang kalakasan, buhok na uban naman ang putong ng katandaan. 30 Naglilinis ang hampas na lumalatay ng kasamaan, at ang palong nadarama'y humuhugas sa kalooban.

21

1 Hawak ni Yahweh ang isip ng isang hari at naibabaling niya ito kung saan igawi. 2 Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto, ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng kanyang puso. 3 Higit na kalugud-lugod kay Yahweh, mga gawang makatuwiran at makata-rungan, kaysa anumang handog na sa kanya'y ilaan. 4 Ugaling mapangmata at pusong mapagyabang, ito ang siyang gabay ng mga makasa-lanan. 5 Ang mabuting pagbabalak tiyak na pina-pakinabangan,

ngunit ang padalus-dalos na paggawa'y walang kahihinatnan. 6 Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan, agad mawawala at patibong ng ka-matayan. 7 Ang masama'y ipinapahamak ng saril-ing karahasan, pagkat ayaw gawin ang talagang katuwiran. 8 Ang landas ng may sala'y paliku-liko, ngunit ang lakad ng matuwid ay laging wasto. 9 Mas mainam pang tumira sa isang bubungan, kaysa sa loob ng tahanang kasama nama'y asawang labis ang kadaldalan. 10 Ang isip ng masama'y laging sa ka-likuan, kahit na kanino'y walang pakundangan. 11 Parusahan mo ang mangungutya at matututo ang mangmang, pagsabihan mo ang matino at lalong lala-wak ang kanyang kaalaman. 12 Alam ng Diyos ang nangyayari sa loob ng bahay ng masama, at siya ang nagpaparanas sa kanila ng parusa. 13 Ang hindi pumapansin sa daing ng mahirap, daraing din balang araw ngunit walang lilingap. 14 Kung ang kapwa mo'y may hinanakit, regaluhan mo nang palihim, mawawala ang galit. 15 Kapag umiiral ang katarungan, natutu-wa ang matuwid, ngunit nalulungkot ang masama at may likong pag-iisip. 16 Humahantong sa kamatayan, ang buhay ng taong lumilihis sa daan ng kaalaman. 17 Maghihirap ang taong mahilig sa ka-luhuan, at hindi yayaman ang lulong sa kal-asingan. 18 Aanihin ng masama ang kabayaran ng masama niyang plano, bilang kapalit ng isang mabuting tao.

19 Mas mabuti pa ang mag-isang manira-han sa ilang, kaysa makasama ang palaaway at madal-dal na asawa sa iyong tahanan. 20 Ang bahay ng matalino'y napupuno ng kayamanan, ngunit winawaldas lamang ito ng taong mangmang. 21 Nagkakamit ng buhay at karangalan, ang lumalakad sa daan ng katuwiran at katapatan. 22 Ang matalinong pinuno'y makaka-pasok sa lungsod na may mga bantay, at kanyang maiguguho ang inaasahan nilang muog na matibay. 23 Nakakaiwas sa masama, ang pumipigil sa kanyang dila. 24 Ang taong makasarili'y palalo at mapang-api. 25 Taong batugan, sa gutom mamama-tay, pagkat ayaw niyang ikilos ang kanyang mga kamay. 26 Buong araw na naghahangad ang tamad ng kasakiman, samantalang hindi nagsasawang mamigay ang taong may katuwiran. 27 Handog ng masama'y labis na ki-nasusuklaman, lalo't ang layunin nito'y pawang kasa-maan. 28 Hindi pakikinggan ang salita ng sinun-galing, ngunit pahahalagahan naman kung sa matapat nanggaling. 29 Alam ng matuwid ang kanyang hi-naharap, di tulad ng masama, nagkukunwari at nagpapanggap. 30 Hindi makatutulong ang kaalaman, unawa o karunungan, sa taong si Yahweh ang kinalaban. 31 Kahit handa ang kabayo mo sa araw ng digmaan, tanging si Yahweh lamang ang makapag-bibigay ng katagumpayan.

22

1 Mas mabuting piliin ang malinis na pan-galan, kaysa pilak at ginto o anumang kaya-manan. 2 Pantay lang kay Yahweh ang mayama't mahirap, sapagkat siya ang maylalang sa kanilang lahat. 3 Kung may dumarating na panganib, ang matalino'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak. 4 Ang paggalang, pagsunod kay Yahweh at ang kapakumbabaan ang nagbibigay ng yaman, buhay at ka-rangalan. 5 Sa landas ng masama'y may tinik at mga patibong, kaya't ang nagmamahal sa sarili'y nakaii-was doon. 6 Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malili-mutan. 7 Napapailalim ang mahirap sa ka-pangyarihan ng mayaman, ang nangangailangan nama'y alipin ng nagpapahiram. 8 Ang naghahasik ng kasamaa'y mag-aani ng kamalasan, at hindi magtatagal ang kanyang kasa-maan. 9 Mapagbigay na tao'y siguradong pagpapalain, sapagkat binibigyan niya ang mahihirap ng pagkain. 10 Palayasin mo ang mga sulsol at mawa-wala ang alitan, at matitigil ang pag-aaway at kaguluhan. 11 Ang magiliw mangusap at may dalisay na puso, magiging kaibigan kahit ang mataas na pinuno. 12 Binabantayan ni Yahweh ang mga nag-iingat ng kaalaman, ngunit di niya pinagtatagumpay ang salita ng mga mangmang. 13 Ayaw umalis ng bahay ang mga taong tamad,

dahilan nila'y mayroong leon na sa buhay nila'y naghahangad. 14 Ang salita ng mapang-apid ay isang patibong at ang mga hindi nagtitiwala kay Yahweh ay nahuhulog doon. 15 Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, ngunit sa pamamagitan ng palo, sila'y matututo. 16 Mauuwi rin sa karalitaan ang nagreregalo sa mayaman o umaapi sa mahirap para magpayaman. Tatlumpung mga Kawikaan 17 Pakinggan mo at pag-aralang mabuti ang aking mga ituturo. 18 Ito'y magdudu-lot sa iyo ng kaligayahan kung kaka-bisaduhin mo. 19 Sinasabi ko ito sa iyo sapagkat nais kong si Yahweh ang iyong panaligan. 20 Tatlumpu ang kawikaang ito. Bawat isa ay magandang panuntunan at magdudulot ng kaalaman. 21 Ituturo nito sa iyo kung ano ang katotohanan. Sa gayon, may maisasagot ka kung may magtanong sa iyo. -1- 22 Huwag pagsamantalahan ang mahirap sa kanilang kahinaan, ni pagmalabisan ang dukha sa harap ng hukuman. 23 Sapagkat ipagtatanggol sila ni Yahweh, at ang nang-aagaw sa kanila'y kanyang aagawan. -2- 24 Huwag kang makipagkaibigan sa ta-ong bugnutin, ni makisama sa taong magagalitin, 25 baka mahulog ka sa silo at sa kanila'y mahawa din. -3- 26 Huwag kang mangangako para sa utang ng iba, ni gumarantiya para sa kanya. 27 Kapag hindi ka nakabayad, hindi ba't higaan mo'y kukunin din nila? -4- 28 Huwag mong babaguhin ang mga hangganang itinayo, ito'y inilagay doon ng ating mga ninuno. -5- 29 Alam ba ninyo kung sino ang pina-glilingkuran ng mga mahusay magtra-baho? Sila'y naglilingkod sa mga hari, at

hindi sa pangkaraniwang tao.

23

-6- 1 Kung kasalo ka ng may mataas na katungkulan, huwag mong kalilimutan kung sino ang nasa iyong harapan. 2 Sarili mo'y iyong pigilan kung ika'y may kataka-wan. 3 Pagkain ng hari'y huwag mong pagnasaan, baka ika'y kanya lamang si-nusubukan. -7- 4 Huwag mong pagurin ang sarili sa pagpapayaman; kung kailan titigil, dapat mong malaman. 5 Sapagkat madaling mawala ang kayamanan, ito'y simbilis ng agila sa paglipad sa kalawakan. -8- 6 Huwag kang makikikain sa taong masa-ma, sa masarap niyang pagkain, iwasan mong magnasa. 7 Aanyayahan ka nga niyang kumain at makipag-inuman, ngunit hindi ito bukal sa kanyang kalooban. Sapagkat kinakain ng bisita, kanyang kinukwenta. 8 Isusuka mo rin ang lahat ng iyong kinain at masasayang lang ang ma-ganda mong sasabihin. -9- 9 Ingatan mo ang iyong dila sa harap ng mga mangmang, sapagkat anumang gan-da ng sabihin mo'y hindi nila mauuna-waan. -10- 10 Huwag mong alisin ang matandang palatandaan, ni sasakupin ang lupa ng walang magulang. 11 Sapagkat ang Ta-gapagtanggol nila ay makapangyarihan, at siya ang iyong makakalaban. -11- 12 Huwag kang hihiwalay sa mabuting katuruan at pakinggan mong mabuti ang salita ng karunungan. -12- 13 Huwag ipagkait sa bata ang disiplina mo; hindi niya ikamamatay ang wastong pagpalo mo. 14 Sapagkat sa daigdig ng mga patay, siya'y iniligtas mo. -13-

15 Anak, matutuwa ako kung magiging matalino ka. 16 Makadarama ako ng pag-mamalaki kung may karunungan ang iyong salita. -14- 17 Huwag kang maiinggit sa mga makasa-lanan, sa halip si Yahweh ay sundin mo't igalang. 18 Kung magkagayo'y gaganda ang iyong kinabukasan. -15- 19 Anak, maging matalino ka't iyong pag-isipan, ilagay mo ang iyong buhay sa ta-mang daan. 20 Masiba sa pagkain at lasenggero'y huwag mong samahan. 21 Pagkat sila'y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan. -16- 22 Ang iyong amang pinagmulan ng iyong buhay ay pakinggan, at huwag mong hamakin ang iyong ina sa kanyang katandaan. 23 Hanapin mo ang katotohanan, karunungan at unawa. Pahalagahan mo ang mga ito at huwag pababayaang mawala. 24 Ang ama ng taong matuwid ay puno ng kagalakan. Ipinagmamalaki ng ama ang anak na may karunungan. 25 Sikapin mong ika'y maging karapat-dapat ipagmalaki ng iyong mga magulang at madudulutan mo ng kaligayahan ang iyong ina. -17- 26 Anak, makinig kang mabuti sa akin at pamumuhay ko'y tularan. 27 Ang masasa-mang babae at di tapat na asawa'y mapanganib na patibong, tiyak na mama-matay ang sinumang mahulog doon. 28 Siya'y laging nakaabang tulad ng mag-nanakaw, at sinumang maakit niya'y natu-tuto ng kataksilan. -18- 29 Sino ang may kalungkutan at may ma-laking panghihinayang? Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang na-susugatan nang di nalalaman? At sino ang may matang pinamumulahan? 30 Sino pa kundi ang sugapa sa alak, at ang

nagpapakalango sa masarap na inumin. 31 Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito'y katakam-takam, 32 sapagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas na makamandag. 33 Kung anu-ano ang iyong sasabihin, at hindi ka makapag-isip nang mabuti. 34 Ang makakatulad mo'y nasa gitna ng dagat at hinahampas ng malalaking alon. Pasuray-suray kang maglalakad 35 at sasabihin mo, “Ano sa akin kung ako'y mahandusay? Mabulagta man ako, ayos lang iyan! Pagbangon ko, iinom muli ako.”

24

-19- 1 Huwag mong kainggitan ang mga ma-kasalanan ni sa kanila'y makipagkaibigan. 2 Ang nasa isip nila'y laging kaguluhan, at ang dila nila'y puno ng kasinungalingan. -20- 3 Sa pamamagitan ng karunungan, naitatayo ang isang tahanan, at ito'y naitatatag dahil sa kaunawaan. 4 Ang loob ng tahana'y napupuno ng lahat ng maga-gandang bagay dahil sa karunungan. -21- 5 Ang karununga'y higit na mabuti kaysa kalakasan. At ang kaalama'y kapangyari-han. 6 Ang digmaa'y naipagtatagumpay dahil sa mahusay na pagpaplano, sapagkat ang tagumpay ay bunga ng mabuting payo. -22- 7 Ang malalim na kasabiha'y di mauuna-waan ng mangmang. Wala itong masasabi sa mahahalagang usapan. -23- 8 Ang mahilig sa paggawa ng masama'y tinatawag na puno ng kasamaan. 9 Anu-mang pakana ng masama'y kasalanan, at kinamumuhian ng tao ang nanunuya sa kapwa. -24- 10 Nangangahulugang mahina ka kung hindi mo matagalan ang panahon ng ka-hirapan. -25-

11 Tulungan mo at iligtas ang hinatulang mamatay nang walang katarungan. 12 Kapag sinabi mong, “Wala akong pa-kialam sa taong iyan,” ito'y hindi maika-kaila sa Diyos na nakakaalam ng laman ng iyong puso. Alam ito ng Diyos na na-katunghay sa iyo. Pagbabayarin niya ang tao ayon sa ginawa nito. -26- 13 Anak, uminom ka ng pulot-pukyutan at ito'y makakabuti sa iyo. Kung masarap ang pulot-pukyutan sa iyong panlasa, 14 mabuti naman ang karunungan sa iyong kaluluwa. Kaya, hanapin mo ang kaala-man at magkakaroon ka ng magandang kinabukasan. -27- 15 Huwag tularan ang masama, tahanan ng matuwid nais pagnakawan. Huwag dalhin ang karahasan sa kanyang tahan-an. 16 Ang mga matuwid na bumagsak ng pitong ulit nama'y patuloy na lumalaban, ngunit ang masama naman, sa kalamidad, nabubuwal na lamang. -28- 17 Sa pagbagsak ng kaaway huwag kang mapuno ng kagalakan, at sa kanyang pagdapa, puso'y huwag masiyahan. 18 Kung malaman ng Panginoon ang iyong kagagawan, siguradong hindi niya ito magugustuhan, at kanyang aalisin kanil-ang kaparusahan. -29- 19 Huwag kang maiinggit sa mga gumagawa ng masama ni tutulad sa kanil-ang mga gawa. 20 Ang masama ay wa-lang kinabukasan, sa hinaharap ay walang inaasahan. -30- 21 Anak ko, ang hari'y iyong igalang, at ang Panginoon nama'y katakutan, at sinu-man sa kanilang dalawa'y parati mong pakinggan. 22 Sapagkat ang gumawa nito'y sa kapahamakan, pinsalang dulot nila hindi mo ba kinatatakutan? Mga Karagdagang Kawikaan 23 Narito pa ang ilang mahahalagang kawikaan:

Hindi dapat magtangi sa pagpapairal ng katarungan. 24 Ang hukom na nagpapawalang sala sa may kasalana'y itinatakwil ng tao at isinusumpa ng bayan. 25 Ang nagpaparusa sa masama'y mapa-pabuti at pagpapalain. 26 Ang tapat na kasaguta'y tanda ng mabuting pagkakaibigan. 27 Ihanda mo muna ang iyong bukid para mayroon kang tiyak na pagkakakitaan, bago ka magtayo ng bahay at magtatag ng tahanan. 28 Huwag kang sasaksi laban sa iyong kapwa nang walang sapat na dahilan, ni sa kanya'y magsabi ng kasinungalingan. 29 Huwag mong sasabihin, “Gagawin ko sa kanya ang ginawa niya sa akin upang ako'y makaganti!” 30 Napadaan ako sa bukid at ubasan ng isang tamad at mangmang. 31 Ito'y puno ng matinik na damo, at gumuho na ang bakod nito. 32 Ang nakita ko'y pinag-isipan kong mabuti at may nakuha akong magan-dang aral: 33 Kaunting tulog, bahagyang idlip, sandaling pahinga at paghalukipkip, 34 samantalang namamahinga ka, ang kahirapa'y darating na parang armadong magnanakaw upang kunin ang lahat ng iyong kailangan.

25 Mga Karagdagang Kawikaan ni Solomon

1 Narito pa ang mga kawikaan ni Solo-mon; tinipon at kinopya ng mga tauhan ni Hezekias na hari ng Juda. 2 Kaluwalhatian ng Diyos na balutin ng hiwaga ang lahat ng bagay, at karangalan naman ng haring ito'y saliksikin. 3 Isipan ng hari'y mahirap malaman, ito'y sintaas ng langit, sinlalim ng karagatan. 4 Kapag ang pilak ay dalisay, may maga-gawa na ang panday. 5 Kapag ang masa-mang tagapayo'y naalis sa paligid ng hari, ang katarungan ang mamamalagi. 6 Huwag kang magmamataas sa harap ng hari, ni ihanay ang sarili sa mga taong pili. 7 Pagkat mas mabuting sabihin sa iyong,

“Halika rito,” kaysa hamakin ka sa harap ng marami. 8 Huwag agad dalhin sa hukuman ang nakita mo, sapagkat baka mapahiya ka kung may saksing pabulaanan ang sinabi mo. 9 Kung sa pagitan ng magkapitbahay ay may alitan, agad itong solusyunan. At huwag ng sabihin, lihim niyang natukla-san. 10 Mapapahiya ka kapag nalaman niya ito, at iisipin ng marami na ang lihim, hindi mo kayang itago. 11 Kapag angkop sa panahon ang sali-tang binitawan, para itong ginto sa pilak na lalagyan. 12 Ang magandang payo, sa marunong makinig, ay higit na di hamak sa ginto o kayamanan. 13 Ang tapat na tagapagbalitang inutusan, tila malamig na tubig sa gitna ng kainitan. 14 Parang ulap at hanging walang dalang ulan, ang taong puro pangako lamang. 15 Sa malumanay na pakiusap pusong bato'y nababagbag, pati hari'y nahihikayat sa katiyagaan. 16 Huwag kakain ng labis na pulot-pukyutan at baka ito'y isuka mo lang. 17 Huwag mong dadalasan ang dalaw sa kapwa, baka siya'y mabagot at sa iyo'y magsawa. 18 Ang taong naninira sa kaibigan, parang pamalo, gulok, at palasong nagdadala ng kamatayan. 19 Ang taksil na pinagkatiwalaa'y tulad ng ngiping nag-uugaan at mga paang pilay sa panahon ng pangangailangan. 20 Ang alay na awit sa pusong mabigat, parang sukang ipinahid sa sugat sa balat, at parang taong doon sa panahon ng ta-glamig naghubad. 21 Kapag nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo at painumin kung siya'y nau-uhaw. 22 Sa gayo'y mailalagay mo siya sa kahihiyan at si Yahweh ika'y gagantimpa-laan. 23 Kung paanong ang hanging hilaga ay nagdadala ng ulan, nagdadala naman ng galit ang paninira ng karangalan. 24 Mas mainam pang tumira sa isang

bubungan, kaysa kasama ang madaldal na asawa sa loob ng tahanan. 25 Kung ano ang dulot ng tubig sa uhaw na lalamunan, gayon ang dulot ng mabuting balita sa malayong bayan. 26 Balong nadumihan o bukal na malabo, ang matuwid na nagpaparaya sa masa-mang tao. 27 Kung paanong masama ang labis na pulot-pukyutan, gayon din ang pagkagahaman sa karangalan. 28 Ang taong walang pagpipigil sa sarili'y tulad ng lungsod na bukas at walang tanggulan.

26

1 Ang papuri'y di angkop sa taong mang-mang, parang ulan sa tag-araw o panahon ng anihan. 2 Ang sumpang di nararapat ay hindi tatalab, tulad lang ito ng ibong di dumadapo at lilipad-lipad. 3 Ang latigo'y para sa kabayo, ang bo-kado'y para sa asno, ang pamalo nama'y sa mangmang na tao. 4 Huwag mong papatulan ang isang mangmang at baka lumabas na higit ka pang walang alam. 5 Sagutin mo ang mangmang ayon sa kanyang kahangalan, upang hindi niya isipin na siya'y may katuwiran. 6 Ang magpadala ng balita sa mangmang ay napakadelikado, para mo na ring tinaga ang mga paa mo. 7 Kung ang paang pilay ay walang kabulu-han, ganoon din ang kawikaan sa bibig ng mangmang. 8 Ang isang papuring sa mangmang ini-ukol ay parang batong nakatali sa balat ng tirador. 9 Ang tinik na sandata ng taong labis ang kalasingan, tulad lamang ng mangmang na nagsaad ng kawikaan. 10 Tulad ng isang pumapana ng kahit na sino, ang isang taong umupa ng mang-mang o lasenggo. 11 Tulad ng isang asong bumabalik sa sariling suka, ang taong umuulit sa kahan-

galan niya. 12 Nakakita na ba kayo ng taong nag-aakalang siya ang pinakamatalino? Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa sa ganitong tao. 13 Ano ang idinadahilan ng taong ba-tugan? “May leon sa daan, may leon sa lansangan.” 14 Kung paano lumalapat ang pinto sa hamba, ang batugan nama'y ganoon sa kanyang kama. 15 Nakadikit ang kamay ng tamad sa pinggan, ni hindi mailapit sa bibig dahil sa katamaran. 16 Ang palagay ng tamad na siya'y mas marunong, kaysa sa pitong taong ma-husay tumugon. 17 Tulad ng taong dumadakma sa tainga ng aso, ang nakikisali sa gulo ng may gulo. 18-19 Parang baliw na nakikipaglaro sa nakamamatay na sandata, ang isang tao na nanloloko ng kapwa at sasabihing, “nagbibiro lang ako.” 20 Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; at kung walang nagkakalat ng tsismis, away ay hindi nagpapatuloy. 21 Kung mula ang baga sa uling na nag-aalab, at ang apoy nama'y sa gatong na nagliliyab, sa magulong tao naman nag-mumula ang gulong hindi maawat. 22 Ang tsismis ay tulad ng masarap na pagkain; masarap na pakinggan at masarap na namnamin. 23 Parang pintura ng mumurahing banga, ang matamis ngunit pakunwaring salita. 24 Maitatago ng mapagkunwari ang tunay niyang damdamin sa salitang mainam. 25 Matamis pakinggan ngunit huwag paniwa-laan, sapagkat bunga ito ng kanyang pagkasuklam. 26 Maaaring ang galit niya'y maitago sa magandang paraan, ngunit nalalantad din sa karamihan. 27 Ang nag-uumang ng bitag ang siyang mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon. 28 Namumuhi ang sinungaling sa kanyang kapwa, panloloko niya'y nagdadala sa kanyang biktima sa pagkasira.

27

1 Huwagmong ipagyabang ang kinabu-kasan, sapagkat hindi mo alam ang maaaring kahihinatnan. 2 Hayaan mong ibang ika'y purihin at ang sariling bangko'y huwag mong buhatin. 3 Ang bato'y may kabigatan, ang buhangi'y may timbang, ngunit mas mabigat ang kaguluhang dulot ng kamangmangan. 4 Mabagsik ang galit, ang poot ay mabangis, ngunit ang pagseselos ay may ibayong lupit. 5 Hindi hamak na mabuti ang harapang paninita, kaysa naman sa pag-ibig na nililihim pa. 6 May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan, kaysa halik ng isang kalaban. 7 Ang taong busog ay tatanggi kahit sa pulot-pukyutan, matamis ang ampalaya sa taong kumakalam ang tiyan. 8 Ang taong lumayas sa kanyang tahan-an, tulad ng ibong sa pugad ay lumisan. 9 Ang langis at pabango'y pampasigla ng pakiramdam, ngunit ang kabalisaha'y pampahina ng kalooban. 10 Huwag mong pababayaan ang iyong kaibigan, ni ang kaibigan ng iyong magu-lang. Kung ika'y nagigipit, huwag sa mga kamag-anak lalapit. Higit na mabuti ang kapitbahay na malapit sa'yo, kaysa kamag-anak na nasa malayo. 11 Magpakatalino ka, anak, upang ako'y masiyahan at sa nangungutya sa akin, 'di ako malagay sa kahihiyan. 12 Umiiwas ang matalinong tao sa kapa-hamakan, subalit ang mangmang nama'y walang pinag-iingatan. 13 Kunin mo ang kasuotan ng sinumang nananagot para sa iba, at siya ang pagdusahin mo dahil sa pag-ako sa di niya kilala. 14 Para nang sumpang binibitiwan, ang pahiyaw na pagbati bilang panggising sa kaibigan. 15 Nakakayamot ang asawang masalita tulad ng ulan na ayaw tumila. 16 Mahirap

siyang patigilin, para kang dumadakot ng langis o pumipigil sa hangin. 17 Bakal sa bakal ang naghahasaan, at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan. 18 Makakakain ng bunga ng punong igos ang nag-aalaga niyon; pararangalan ang aliping may malasakit ng kanyang panginoon. 19 Kung paanong ang mukha'y nalalara-wan sa tubig, sa kilos naman nahahalata ang iniisip. 20 Ang nasa ng tao'y walang katapusan, laging naghihintay tulad ng libingan. 21 Ginto at pilak sa apoy napapatunayan, ngunit ugali ng tao'y sa reputasyon nahu-husgahan. 22 Bayuhin mang parang bigas ang isang taong mangmang, hindi rin maaalis ang kanyang kamangmangan. 23 Alagaan mong mabuti ang iyong ka-wan, ang iyong mga hayop iyong bantayan. 24 Di mamamalagi ang yaman, ganoon din ang mga nasa kapangyarihan. 25 Putulin muna ang dayami, saka damo sa parang ay gapasin, habang hinihintay ang sunod mong aanihin. 26 Sa mga tupa kinukuha ang ginagawang kasuotan, at ang pinagbentahan ng kambing, ipambili ng kabukiran. 27 Ang gatas ng inahing kambing para sa ibang kailangan, sa pagkain ng pamilya mo't mga katulong sa tahanan.

28 Ang Matuwid at ang Masama

1 Kahit walang humahabol tumatakbo ang masama, ngunit tulad naman ng leon ang matuwid na payapa. 2 Kung ang bayan ay magkasala, kung sinu-sino ang namamahala, ngunit kung matalino ang namumuno, malakas at matatag ang bansa. 3 Katulad ng ulan ang nagpapahirap na pinuno, na nagmamaltrato sa mahirap na tao.

4 Ang lumalabag sa batas ay pumupuri sa kasamaan, subalit sila'y kalaban ng sumusunod sa kautusan. 5 Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan, ngunit ang mga sumasamba kay Yahweh, lubos itong mauunawaan. 6 Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran, kaysa taong mayaman ngunit makasa-lanan. 7 Ang matalinong anak sumusunod sa kautusan, ang kaibigan ng matatakaw, kahihiyan ng magulang. 8 Mapupunta sa maawain at matulungin sa nangangailangan ang kayamanang natamo sa pamamagitan ng patubuan. 9 Kasuklam-suklam ang panalangin ng taong hindi sumusunod sa kautusan. 10 Mahuhulog sa sariling pakana ang tumutukso sa mabuti tungo sa kasamaan, samantalang ang tapat na tao'y sig-uradong pamamanahan. 11 Tingin ng mayaman sa sarili'y labis ang kanyang katalinuhan, ngunit batid ng matalinong mahirap ang kanyang tunay na katauhan. 12 Nagdiriwang ang lahat kung tapat ang nasa kapangyarihan, ngunit kung masama ang pumalit, lahat nama'y nagtataguan. 13 Ang nagkukubli ng kanyang sala'y hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi. 14 Ang taong may takot sa Diyos, napu-puno ng kaligayahan, ngunit ang taong matigas ang ulo nama'y tungo sa kapahamakan. 15 Ang masamang hari ay tila leong mabagsik at nakakatakot na parang osong maba-lasik. 16 Tiyak na malupit ang pinunong walang pang-unawa; samantalang siya na tapat nama'y buhay ay hahaba.

17 Ang pumatay sa kapwa'y humuhukay ng sariling libingan, at ang taong ito'y di dapat tulungan. 18 Ligtas ang taong namumuhay sa kata-patan, ngunit ang masama'y mahuhulog sa kapa-hamakan. 19 Sagana sa pagkain ang magsasakang masipag, ngunit naghihirap naman ang taong tamad. 20 Mananagana ang taong tapat sa pagpapala, ngunit paparusahan ang yumaman sa pandaraya. 21 Ang paghatol nang may kinikilinga'y hindi mainam, ngunit dahil sa suhol may hukom na gumagawa ng ganitong kasamaan. 22 Nagmamadaling yumaman ang isang kuripot, ni hindi iniisip na sa kahirapan posible siyang umabot. 23 Ang tapat sa pagsaway sa bandang huli'y pasasalamatan, kaysa sa taong madulas ang dila sa pag-puri na wala namang katotohanan. 24 Ang sinumang nag-aakalang hindi masama na pagnakawan ang magulang, tulad din siya ng magnanakaw na pangka-raniwan, na nagsasabing hindi ito kasalanan. 25 Lumilikha ng kaguluhan ang taong gahaman, ngunit ang nagtitiwala kay Yahweh, uunlad ang kabuhayan. 26 Mangmang ang nagtitiwala sa sariling kakayahan, ngunit ang sumusunod sa magandang payo'y malayo sa kapahamakan. 27 Ang tumutulong sa mahirap ay di magkukulang, ngunit susumpain naman ang nagbubulag-bulagan. 28 Kapag masama ang pinuno, ang lahat ay nagkukubli, ngunit kapag sila ay wala na, ang ma-bubuti'y dumadami.

29

1 Ang taong nakikipagmatigasan sa pag-tatama ng kamalian; wala ng kagalingan ang kapahamakang mararanasan. 2 Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis naman kung pinuno'y balot ng kasamaan. 3 Dangal ng magulang ang umiibig sa karunungan, ngunit ang nakikisama sa babaing bayaran, nagwawaldas ng kayamanan. 4 Matatatag ang kaharian kung ang hari'y makatarungan, ngunit ito'y mawawasak kung sa salapi siya'y gahaman. 5 Ang kunwaring pumupuri sa kanyang kapwa, nag-uumang ng bitag na sa sarili inihahan-da. 6 Nahuhuli ang masama sa sariling kasa-lanan, ngunit panatag ang matuwid at umaawit ng kagalakan. 7 Batid ng matuwid ang kalalagayan ng nangangailangan, ngunit ang masama, sa kanila'y walang pakialam. 8 Ginugulo ng palalo ang buong bayan, ngunit hatid naman ng matalino'y kaay-usan. 9 Kapag inihabla ng may unawa ang isang taong mangmang, ito'y hahalakhak lang at lilikha ng kagulu-han. 10 Ang mamamatay-tao'y namumuhi sa taong tapat, ngunit ang matuwid, sa kaniya'y nag-iingat. 11 Walang pakundangang magalit ang taong mangmang, ngunit galit ng matalino'y kaya niyang pigi-lan. 12 Kapag nakinig ang hari sa kasinungalin-gan, lahat ng mga lingkod niya'y nahuhulog din sa katiwalian. 13 Magkapareho sa iisang bagay ang ma-

hirap at maniniil: Si Yahweh ang may bigay ng kanilang paningin. 14 Kung ang pagtingin ng hari'y pantay sa pangkalahatan, magiging matatag magpakailanman ang kanyang kaharian. 15 Disiplina at pangaral, hatid ay karunun-gan; ngunit ang batang suwail, kahihiyan sa magulang. 16 Kapag masama ang namamahala, naglipana ang karahasan, ngunit masasaksihan ng matuwid ang ka-nilang kapahamakan. 17 Ang anak mo'y busugin sa tamang katuruan, at pagdating ng araw, siya'y iyong karanga-lan. 18 Ang bansang walang patnubay ng Diyos, puno ng kaguluhan, ngunit mapalad ang taong sumusunod sa Kautusan. 19 Hindi matututo ang utusan kung pag-sasabihan lamang, pagkat di niya susundin kahit ito'y kanyang maunawaan. 20 Mabuting di hamak ang taong may ka-hangalan, kaysa taong ang sinasabi'y hindi na pinag-iisipan. 21 Kapag ang utusa'y iyong pinalayaw, siya na ang mag-uutos pagdating ng araw. 22 Ang taong magagaliti'y laging napa-pasok sa gulo; laging nakikipag-away dahil sa init ng ulo. 23 Ang magbabagsak sa tao'y ang kanyang kapalaluan, ngunit ang mapagpakumbaba'y magtatamo ng karangalan. 24 Ang makipagsabwatan sa magnanakaw ay mahirap na kalagayan: Kapag nagsabi ng totoo, ipabibilanggo ng hukuman, ngunit paparusahan naman ng Diyos ka-pag ang sinabi'y kasinungalingan. 25 Huwag mong ikabahala ang sinasabi ng iba, magtiwala ka kay Yahweh at mapapanatag

ka. 26 Marami ang lumalapit sa hari upang sila'y tulungan, ngunit kay Yahweh lamang makakamtan ang katarungan. 27 Ang masama'y kinasusuklaman ng mga matuwid; ang masasama nama'y sa matuwid naga-galit.

30 Ang mga Kawikaan ni Agur

1 Mga matapat na kawikaan ni Agur na anak ni Jakeh. Ito ang sinabi niya kina Itiel at Ucal:

“Malayo sa akin ang Diyos, wala akong magagawa. 2 Mangmang ako, walang kuwenta ang aking katauhan. Wala akong karunungan,wala akong kata-linuhan. 3 Hindi ko nakuha ang karunungan, kaalaman sa Maykapal, hindi ko natutu-nan. 4 Sino ang nakarating na sa kalangitan? Sino ang nakapigil ng hangin sa kamay lamang? Sino ang nakapagbalot ng tubig sa isang damit? Sino ang naglagay ng mga hangganan sa daigdig? Sino siya? Sino ang kanyang anak?

5 “Mapananaligan ang lahat ng salita ng Diyos at ang mga nananalig, siya ang kanlungan. 6 Salita niya'y huwag mong dagda-gan, sapagkat tatawagin kang sinungaling at pagsasabihan.”

Karagdagang Kawikaan

7 Diyos ko, may hihilingin akong dalawang bagay bago ako mamatay: 8 Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. 9 Baka kung managana ako'y masabi kong hindi na kita kakailanganin. Baka matutong magnakaw kung

masadlak sa kahirapan at aking malapastangan ko ang iyong pangalan.

10 Ang alipi'y huwag mong sisiraan sa kanyang amo,

baka isumpa ka niya't pagbayarin sa ginawa mo.

11 May mga taong isinusumpa ang kanilang ama,

at hindi gumagalang sa kanilang ina. 12 May mga taong nagmamalinis sa sarili, ngunit ang totoo'y wala silang kasindumi. 13 May mga taong masyadong palalo, ang

akala nila sila'y kung sino. 14 May mga taong sobrang mapagsaman-

tala, panggagamit sa mahihirap ang ikinabubuhay

nila. 15 Dalawa ang anak ng linta; “Bigyan mo

ako, bigyan mo ako,” ang lagi nilang hiling. May apat na bagay na kailanma'y hindi na-

sisiyahan: 16 Ang libingan, ang babaing baog ang sinapupunan, ang lupang tuyo na uhaw sa tubig-ulan, at ang apoy na hindi mapigilan. 17 Ang anak na kumukutya sa kanyang ama

at laging sumusuway sa salita ng ina, kapag namatay sila, hindi maililibing kaya't tutukain ng uwak ang kanilang mga mata at kakainin ng buwitre ang bangkay nila.

18 May apat na bagay na di ko maunawaan: 19 Ang paglipad ng agila sa kalangitan, ang paggapang ng ahas sa ibabaw ng batu-

han, ang paglalayag ng barko sa karagatan, at ang babae't lalaking nagmamahalan. 20 Ganito naman ang ginagawa ng asawang

nagtataksil: makikipagtalik, kakain, at sariling labi'y kanyang lilinisin.

21 May apat na bagay na hindi kayang tang-gapin ng daigdig:

22 Naging hari ang isang alipin, ang isang mangmang na sagana sa pagkain, 23 babaing nagkaasawa kahit hindi nakara-

nas mahalin, at ang isang among pinalitan ng kanyang

alipin. 24 May apat na maliit na nilalang sa daigdig

na may pambihirang kakayahan:

25 Ang mga langgam: mahina, ngunit nag-iimpok sa panahon ng kainitan,

26 Ang mga kuneho: mahihina rin sila subalit nakagagawa

ng kanilang tirahan sa batuhan. 27 Ang mga balang: wala mang hari, subalit

kung umataki'y may kaisahan. 28 Ang mga butiki:a maaaring hawakan sa

iyong palad dahil sa kaliitan, subalit nasa palasyo ng hari at doon naninira-

han. 29 May apat na bagay na kasiya-siyang pag-

masdan sa kanilang paglakad: 30 Ang leong pinakamatapang na hayop at

walang kinatatakutan. 31 Kambing na matikas, tandang na

kapitapitagan, at ang hari sa harap ng bayan. 32 Kung sa kahangalan mo'y naging palalo

ka at nagbalak ng masama, mag-isip-isip ka. 33 Batihin mo ang gatas at may mantekilya ka; suntukin mo ang ilong ng iyong kapwa at dudu-go nang sagana; guluhin mo ang iba at mapa-paaway ka.

Ang Mangangaral 3-12

3 May Takdang Panahon para sa Lahat

1 May itinakdang oras at panahon ang Diyos para sa lahat, may kanya-kanyang oras. 2 May itinakdang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim. 3 Ang panahon ng tamang pagpatay at panahon ng pagpapagaling; ang panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo. 4 Ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa; ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang. 5 Ang panahon ng pagkakalat ng mga bato at panahon ng pagtitipon sa mga ito; ang panahon ng pagyayakap at panahon ng paglalayo.

6 Ang panahon ng paghahanap at panahon ng pagkawala niyon; ang panahon ng pag-iingat sa isang bagay at panahon ng pagtatapon. 7 Ang panahon ng pagpunit at panahon ng pagtahi; ang panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita. 8 Ang panahon ng pagmamahal at panahon ng pagkapoot; ang panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan.

9 Ano ang mapapala ng tao sa kanyang pinagpaguran? 10 Alam ko na ang itinakda ng Diyos sa tao. 11 Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ibinigay ng Diyos ang pagnanais sa tao na alamin ang panahong walang hanggan ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas. 12 Alam kong walang pinakamabuti sa tao kundi magpakaliga-ya at gawin ang pinakamabuti habang nabu-buhay siya. 13 Alam ko ring kaloob ng Diyos na kumain, uminom at pakinabangan ng tao ang bunga ng kanyang pinagpaguran. 14 Alam kong mamamalagi ang lahat ng ginawa ng Diyos: wala nang kailangang idagdag, wala ring dapat bawasin. Gayon ang ginawa ng Diyos upang magkaroon ng takot sa kanya ang tao. 15 Nang-yari na noon ang lahat ng nangyayari ngayon at gayon din ang magaganap pa. Paulit-ulit lamang ang mga pangyayari.

Kawalan ng Katarungan

16 Nakita ko rin sa mundong ito na kung saan inaasahan ang katarungan, kasamaan ang na-tatagpuan, at kung saan nararapat kumikilos ang katuwiran, naroon ang kasamaan. 17 Sa loob-loob ko, hahatulan ng Diyos ang masama at ang mabuti pagkat may itinakda siyang panahon para sa lahat ng bagay. 18 Tungkol sa tao, naisip kong sinusubok sila ng Diyos upang ipakilalang tulad lamang ng mga hayop ang tao. 19 Iisa lamang ang patutunguhan ng tao at hayop; mamamatay ang lahat. Walang kaibahan ang tao sa hayop. Hindi nakahihigit ang tao sa hayop dahil may iisang buhay lamang sila. Tunay na isa itong palaisipan. 20 Iisa ang kau-

uwian: buhat ang lahat sa alabok at sa alabok din uuwi. 21 Sino ang nakakatiyak kung aakyat ang kaluluwa ng tao sa itaas at mahuhulog naman ang kaluluwa ng hayop sa kailaliman? 22 Kaya naisip kong walang pinakamabuti sa tao kundi pakinabangan ang kanyang pinagpaguran; ito ang ating bahagi. At sino ang makakapagsabi sa kanya kung ano ang mangyayari pagkamatay niya?

4

1 At muli kong pinagmasdan ang kawalan ng katarungan sa mundo. Lumuluha ang lahat ng inaapi ngunit walang tumulong sa kanila sapagkat makapangyarihan ang umaapi sa kanila. 2 Dahil dito, naisip kong mas mapalad ang mga patay kaysa sa mga buháy. 3 Ngunit higit na mapalad ang mga hindi na isinilang sapagkat hindi na nila nakita ang kasamaan sa mundong ito.

4 Nakita ko ring nagpapakapagod ang tao upang kinaiinggitan nila ang kanilang kapwa. Ngunit isa rin itong palaisipan, isang paghahan-gad sa hindi kailanman makakamit. 5 Sinasabi nilang mangmang lamang ang maghahalukip-kip ng kamay at hayaang mamatay sa gutom ang sarili. 6 Ngunit mas mabuti pa ang isang dakot na may katahimikan, kaysa dalawang dakot ng pagpapakapagod, at paghahabol sa hangin.

7 Mayroon pang ibang mga bagay sa mun-dong ito na nakita kong isa ring palaisipan: 8 ang isang taong nag-iisa sa buhay, walang kaibigan ni kamag-anak ngunit walang tigil sa pagtatrabaho. Wala siyang kasiyahan. Ni hindi niya itinatanong sa sarili kung kanino mauuwi ang kanyang pinagpaguran. Isa rin itong palaisipan, isang miserableng pamumuhay.

9 Mas mabuti ang dalawa kaysa isa; mas marami ang bunga ng anumang gagawin nila. 10 Kapag nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. Kawawa ang nag-iisa sapagkat walang tutulong sa kanya kapag nabuwal siya. 11 Kung malamig ang panahon, maaari silang magtabi sa higaan upang parehong mainitan. Ngunit saan siya kukuha ng init kung nag-iisa siya? 12 Kung maaaring mag-tagumpay ang nag-iisa laban sa isa, lalo na ang

dalawa. Hindi agad malalagot ang lubid na may tatlong pinilipit na hibla.

13 Mabuting di hamak ang batang mahirap na matalino kaysa sa isang matandang haring mangmang na ayaw nang tumanggap ng payo. 14 Maaaring maging hari ang batang iyon kahit nagmula siya sa bilangguan o ipinanganak na mahirap sa kaharian. 15 Nakita ko rin na su-musunod sa isang kabataang papalit sa hari ang lahat ng tao sa mundong ito. 16 Walang tigil ang pagdami ng taong nasasakupan ng isang hari ngunit pagkamatay niya, wala isa mang pupuri sa lahat ng kanyang nagawa. Isa rin itong palaisipan, isang paghahangad sa hindi kailanman makakamit.

5 Huwag Pabigla-bigla sa Pangako

1 Mag-ingat ka sa pagpasok sa bahay ng Diyos. Mas mabuting lumapit upang matuto kaysa maghandog tulad ng isang mangmang sapagkat hindi niya alam kung ano ang mabuti't masama. 2 Huwag kang pabigla-bigla sa pana-nalangin. Isipin mo munang mabuti ang ipapan-gako mo sa kanya sapagkat nasa langit siya at nasa lupa ka. Mag-ingat ka sa pagsasalita. 3 Nagbubunga ng maraming panaginip ang maraming alalahanin. Habang dumarami ang iyong sinasabi, lalong nanganganib na maka-pagsabi ka ng kamangmangan. 4 Kung mangangako ka sa Diyos, tuparin ito agad; hindi siya nalulugod sa taong mang-mang. Kaya tuparin mo ang iyong pangako sa kanya. 5 Mabuti pang huwag ka nang mangako kaysa mangangako ka at hindi mo naman tutuparin. 6 Huwag mong pabayaang magkasa-la ka dahil sa iyong pananalita, mangangako ka at babawiin mo pagkatapos. Gusto mo bang magalit ang Diyos sa iyo at wasakin niya ang lahat ng pinaghirapan mo? 7 Habang dumada-las ang panaginip, dumarami ang palaisipan at gayundin ang mga salita; ngunit magkaroon ka ng takot sa Diyos.

Mahiwaga ang Buhay

8 Huwag kang magtataka kung makita mong

inaapi at pinagkakaitan ng katarungan ng mga nasa kapangyarihan ang mga mahihirap. Ala-lahanin mong iniingatan ng mas nakatataas na pinuno ang bawat pinuno, at iniingatan naman sila ng mga higit pang nakatataas. 9 Nakikina-bang ang lahat sa isang lupaing puno ng kasa-ganaan. At tungkulin ng hari na ipagtanggol ang sakahang ito.

10 Walang kasiyahan ang gahaman sa sa-lapi at hindi masisiyahan sa kaunting pakina-bang ang sakim sa kayamanan. Isang kahi-wagaan din ito. 11 Habang lumalaki ang kaya-manan, dumarami rin ang pangangailangan. Ang isiping mayaman siya ang tanging pakina-bang ng may-ari. 12 Mahimbing ang tulog ng isang manggagawa, marami man o kaunti ang kanyang pagkain. Ngunit hindi pinatutulog ang mayaman sa pag-iisip tungkol sa kanyang kayamanan.

13 Ito ang isang nakakalungkot na pangyayari na nakita ko sa mundong ito: nag-iimpok ang tao para sa kinabukasan. 14 Ngunit nauubos din sa maling pamamalakad kaya wala rin siyang maiiwan sa kanyang sambaha-yan. 15 Kung paanong wala tayong dala nang isilang dito sa daigdig, wala rin tayong madada-la pagpanaw natin. Wala tayong madadalang anuman sa ating pinagpaguran. 16 Narito pa ang isang mahirap isipin: kung paano tayong dumating, ganoon din tayo aalis. Nagpapaka-pagod tayo ngunit wala ring napapala. 17 Bu-kod dito, nabubuhay tayong lagi sa kadiliman: puno ng pagkabalisa, hinagpis, galit at karamdaman.

18 Ito ang isang mabuting bagay na aking nakita: nararapat lamang na kumain, uminom, at ikasiya ng isang tao ang bunga ng kanyang pagpapagod sa mundong ito, sa maikling panahong ibinigay sa kanya ng Diyos; ito ang ating kapalaran. 19 Ganoon din ang dapat gawin ng lahat ng pinagkalooban ng Diyos ng kayamanan at ari-arian at ng kakayanang ikasi-ya ang mga ito: magpasalamat sila at masi-yahan sa pinagpaguran nila sapagkat kaloob ito ng Diyos. 20 Sa gayon, hindi siya malulungkot kahit na maikli ang buhay niya sa daigdig sapagkat pinupuno siya ng Diyos ng kasiyahan.

6

Walang Kabuluhan ang Pagsisikap na Yumaman

1 Narito pa ang isang kasamaang nakita ko sa daigdig at madalas itong nagaganap: 2 Isang tao na binigyan ng Diyos ng malaking kayamanan, maraming ari-arian, at karangalan. Ngunit hindi niloob ng Diyos na tamasahin niya ang kasiyahang dulot ng mga bagay na ito; bagkus, iba pa ang nakinabang. Nakapanglu-lumo ang kalagayang ito at mabigat sa kaloo-ban. 3 Mabuti pang di hamak ang sanggol na ipinanganak na patay kaysa isang taong nagkaanak ng 100 at nabuhay nang matagal ngunit hindi naranasan ang maging masaya at hindi man lamang nailibing. 4 Mahiwaga ang kapanganakan at kamatayan ng sanggol na ito; itinago ng kamatayan kung anong magiging pagkatao niya. 5 Hindi nito nakita ang araw ni natikman ang mabuhay, ngunit mayroon naman siyang ganap na kapayapaan. 6 Kaya mabuti pa siya nang hindi hamak kaysa isang taong nabuhay nang 2,000 taon ngunit di nakaranas ng kasiyahan. Hindi ba't iisang lugar lamang ang pupuntahan nilang dalawa?

7 Nagpapakapagod ang tao para sa kanyang tiyan ngunit hindi siya kailanman nagkaroon ng kasiyahan. 8 Ano ang kahigtan ng matalino sa mangmang? Ano ang mapapala ng isang ma-hirap kahit na marunong siyang makisamang mabuti sa lahat? 9 Mabuti pang masiyahan ka sa iyong kalagayan kaysa palaging may hi-nahangad sa buhay. Isa din itong palaisipan, isang pagsisikap sa hindi kailanman makaka-mit.

10 Itinakda na noong una pa ang lahat ng nangyayari sa daigdig, at di makapananaig ang tao laban sa kapangyarihang higit sa kanya. 11 Habang humahaba ang pagtatalo, lalo lang nawawalan ng kabuluhan; kaya anong pakina-bang ang makukuha dito? 12 Sino ang nakaaalam kung ano ang mabuti sa taong nabubuhay sa maikling panahon at mawawala lamang tulad ng anino pagkatapos nito? Sino ang makakapagsabi sa kanya kung ano ang mangyayari sa daigdig pagkamatay niya?

7

Patungkol sa Buhay

1 Mas mahalaga ang mabuting pangalan kaysa mamahaling pabango;

at higit na mabuti ang araw ng kamatayan kaysa araw ng kapanganakan.

2 Mas mabuting pumunta sa bahay ng na-matayan

kaysa bahay na may handaan, pagkat dapat alalahanin ng buháy na na-

katakda rin siyang mamatay. 3 Mas mabuti ang kalungkutan kaysa katu-

waan, pagkat tumatatag tayo kapag nakakaranas

ng ganitong kalungkutan. 4 Mangmang ang isang taong laging nag-

iisip ng kasayahan, ngunit matalino ang isang taong naghahan-

da para sa kanyang kamatayan. 5 Mas mabuting makarinig ng saway ng

matalino kaysa purihin tayo ng mangmang na tao. 6 Tulad ng ingay ng tinik na sinisilaban ang halakhak ng mga taong mangmang, ingay lamang din ito at walang pakinabang. 7 Para na ring mangmang ang matalinong

nandadaya, ang dangal ng tao'y sa suhol nasisira. 8 Mas mainam ang wakas ng isang bagay

kaysa pasimula; mas mabuti ang pagtitiyaga kaysa kapalalu-

an. 9 Huwag kang madaling magalit, kamangmangan ang magtanim ng galit. 10 Huwag mong itatanong kung bakit mabuti

pa noong araw kaysa ngayon, pagkat tanong iyan ng taong kulang sa

dunong. 11 Mainam sa mga nabubuhay na magka-

roon ng karunungan, tulad ito sa pagtanggap ng manang kaya-

manan. 12 Katulad ng salapi ang kapanatagang

dulot ng karunungan, ngunit higit ang karunungan sa dala nitong

kaligtasan. 13 Pag-isipan mong mabuti ang ginawa ng

Diyos. Sino ang makapagtutuwid sa binaluktot

niya? 14 Magalak ka kung mainam ang takbo ng lahat ng bagay. Sa panahon ng kahirapan, isipin mong parehong ipinadadala ng Diyos ang kaligayahan at kahirapan. Sinong nakakaalam kung anong mangyayari bukas?

15 Sa buhay kong itong punung-puno ng kahiwagaan, nakita ko ang lahat ng bagay. Nakita kong namamatay ang tao kahit siya mabuti, at may masamang nabubuhay nang matagal. 16 Huwag kayong magpapakabuti o magpapakatalino nang labis. Bakit mo pahihira-pan ang iyong sarili? 17 Ngunit huwag ka rin namang magpapakasama ni magpapakamang-mang at baka mamatay ka nang wala sa panahon. 18 Huwag kang magpapakalabis ng kabutihan o kasamaan. Sa anumang kala-gayan mo, magtatagumpay ka kung may takot ka sa Diyos.

19 Higit ang magagawa ng karunungan ng isang tao, kaysa magagawa ng sampung hari sa isang lungsod.

20 Walang taong nabuhay sa daigdig na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.

21 Huwag mong pakinggan ang lahat ng sasabihin sa iyo ng tao at baka marinig mo ang alilang humahamak sa iyo; 22 sapagkat alam mo sa iyong sarili kung gaano na karami ang iyong hinamak.

23 Sinubok ko ang aking talino sa lahat ng bagay; inakala kong matalino ako ngunit hindi pala. 24 Hindi natin lubos na mauunawaan ang kahulugan ng buhay. Napakahiwaga nito at hindi abot ng ating isipan. 25 Gayunpaman, nagpatuloy ako sa pagsasaliksik. Nagsuri akong mabuti at mataman kong siniyasat ang dahilan ng lahat ng bagay. Nalaman kong kamangmangan ang magpakasama at kabali-wan ang magpakamangmang. 26 Natuklasan ko ang isang bagay na mas mapait kaysa ka-matayan: walang iba ito kundi ang babae. Tulad ng bitag ang kanyang pag-ibig, at tulad ng tanikala ang kanyang mga bisig. Nakakai-was sa kanya ang taong matuwid ngunit naaalipin ang masasama. 27 Sinabi ng Man-gangaral, “Pinag-ugnay-ugnay ko ang lahat ng bagay at ito ang aking natuklasan. 28 Pagkata-pos ng mataman ngunit bigong pagsisiyasat, natuklasan kong sa 1,000 lalaki, isa lamang ang matalino, at sa 1,000 babae, walang mata-

lino kahit isa. 29 Ito lamang ang natitiyak ko: nilikha ng Diyos ang tao sa kabutihan, ngunit naging mapanghangad sila ng maraming bagay.”

8

1 Sino ba ang tunay na matalino na naka-kasaliksik sa lahat ng bagay? Nagpapasaya ang karunungan sa mukha ng tao; nawawala pati ang matigas na anyo ng kanyang mukha. Sundin ang Hari

2 Sundin mo ang utos ng hari, at huwag

padalus-dalos sa pagbibitaw ng pangako sa Diyos. 3 Lumayo ka sa harap ng hari at huwag kang manatili sa kanyang harapan kapag hindi maganda ang usapan sapagkat gagawin ni-yang lahat ng ibig niya. 4 Hindi maaaring baliin ang utos ng hari at walang makakatutol sa anumang gawin niya. 5 Hindi mapapahamak ang masunurin at alam ng matalino kung ano ang dapat gawin, kung kailan, at kung paano dapat isagawa. 6 May kanya-kanyang panahon at paraan para sa lahat ng bagay ngunit di natin ito lubusang nalalaman. 7 Walang makakapag-sabi kung ano ang maaaring mangyari at kung paano ito magaganap. 8 Kung paanong di mapipigil ng tao ang hangin, gayon din hindi niya mapipigil ang pagdating ng kamatayan. Parang digmaan ang buhay na hindi natin maaaring takasan; wala ring taong makakata-kas sa kasamaang ginagawa niya. 9 Nakita ko ang lahat ng ito habang pinagmamasdan ang mga pangyayari sa buong mundo, may ka-pangyarihan ang iba, at api-apihan naman ang iba.

10 Nakita kong inilibing ang masasamang tao ngunit pag-uwi ng mga nakipaglibing, pi-nupuri ang masamang yaon sa lungsod na ginawan niya ng kasamaan. Isa rin itong palaisipan. 11 Nawiwili ang tao sa paggawa ng masama sapagkat hindi agad iginagawad ang hatol sa kasamaan. 12 Kahit daan-daan man ang kasamaang gawin ng masama at humaba pa ang kanilang buhay, nalalaman ko na magi-ging mabuti ang lahat para sa mga may takot sa Diyos. 13 Ngunit hindi bubuti ang kalagayan

ng masama ni hahaba man ang kanilang buhay tulad ng anino sapagkat wala silang takot sa Diyos.

14 Narito pa ang isang bagay sa ibabaw ng lupa na mahiwaga: sa mabuti nangyayari ang kaparusahang para sana sa masama at napu-punta sa masama ang gantimpalang dapat sanang mapunta sa mabuti. Sinasabi ko na isa rin itong palaisipan. 15 Kaya para sa akin, dapat magpakasaya sa buhay ang tao. Walang pinakamabuti kundi kumain, uminom at mag-saya. Magagawa niya ito habang nabubuhay siya at nagpapakapagod sa mundong ito.

16 Habang iniisip ko ang mga pangyayari sa daigdig, lalo akong naniniwalang kahit mag-isip nang mag-isip ang tao araw-gabi, 17 hindi niya mauunawaan ang mga gawa ng Diyos. Kahit gaano pa ang kanyang pagpapagod sa mun-dong ito, hindi niya ito mauunawaan. Maaaring ipalagay ng matalino na alam niya ang bagay na ito ngunit ang totoo, wala siyang nalalaman.

9

1 Pinag-aralan kong mabuti ang lahat ng ito at nalaman kong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos ang lahat ng kilos ng matuwid at ng matalino maging pag-ibig man o pagkapoot. Walang makakatiyak kung ano ang mangyayari sa araw ng bukas. 2 Iisa ang kasasapitan ng lahat: nangyayari rin sa di-matuwid ang nang-yayari sa matuwid, ganoon din sa mabuti at sa masama, sa malinis at sa marumi ayon sa Kau-tusan, sa naghahandog at sa hindi naghahan-dog. Nangyayari rin sa mabuti ang nangyayari sa masama. Walang pagkakaiba ang nang-yayari sa marunong tumupad sa pangako at sa sumisira sa pangako. 3 Ito nga ang isang masamang bagay na nangyayari sa buong mundo: iisa ang kinasasapitan ng lahat. Ha-bang nabubuhay ang tao, panay kasamaan ang kanyang iniisip, at kamatayan ang hantungan. 4 Ngunit habang nabubuhay ang tao, may pag-asa siya. Mas mainam ang asong buháy kaysa patay na leon. 5 Alam ng buháy na mamama-tay siya ngunit walang anumang nalalaman ang patay. Wala na silang matatanggap na gantim-pala, at hindi na sila maaalala pa. 6 Nawawala pati kanilang pag-ibig, pagkapoot, at pagkaing-

git; anupa't wala silang namamalayan sa anu-mang nangyayari sa mundo.

7 Sige, magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom sapagkat iyon ang itinakda ng Diyos para sa iyo. 8 Lumigaya ka nawa sa bawat oras.

9 Magpakaligaya ka sa piling ng babaing iyong minamahal sa mga araw ng mahiwagang buhay na ito sapagkat iyon ang iyong bahagi at bunga ng iyong pinagpaguran sa maikling buhay na ito. 10 Ibuhos mo ang lahat ng iyong makakaya sa anumang ginagawa mo sapagkat wala kang gagawin, ni pag-iisipan man, ni pag-bubuhusan ng kaalaman o karunungan sa daig-dig ng mga patay na kasasadlakan mo.

11 Ito pa ang isang bagay na napansin ko sa mundong ito: di laging nananalo sa takbuhan ang mabilis, at hindi ang malakas ang laging nagwawagi sa digmaan. Hindi laging naka-kasumpong ng kanyang mga kailangan ang matatalino at di lahat ng marunong, yumaya-man. Napapansin ko rin na hindi lahat ng may kakayahan, nagtatagumpay; dinaratnan ng malas ang lahat. 12 Hindi alam ng tao kung kailan ang kanyang takdang oras. Tulad siya ng isdang nasusukluban ng lambat, at ibong na-huhuli sa bitag. Parang nahuhulog ang tao sa patibong sa biglang pagdating ng masamang pagkakataon.

13 Narito pa ang isang halimbawa ng karunungan sa mundong ito na napakadakila: 14 Mayroong isang maliit na bayan na kakaunti ang mamamayan. Kinubkob ito ng isang hari. Pinaligiran nila ang bayan at naghandang wa-sakin ang mga pader nito. 15 Nagkataon may isang mahirap ngunit matalinong tao sa bayang iyon. Dahil sa kanyang karunungan, nakapag-isip siya ng paraan para mailigtas ang nasabing bayan. Subalit pagkatapos, wala nang nakaala-la sa kanya. 16 Kaya lagi kong sinasabi, maka-pangyarihan ang karunungan kaysa lakas. Ngunit wala man lamang nagpahalaga sa karunungan ng taong mahirap at hindi pina-pansin ang mga salita nito.

17 Mas may pakinabang ang mahinang salita ng matalino kaysa sigaw ng hari sa gitna ng mga mangmang. 18 Makapangyarihan ang karunungan kaysa sandatang pandigma ngunit sinisira ng isang maling hakbang ang mga mabuting nagawa.

10

1 Mapababaho ng isang patay na langaw ang isang boteng pabango. Nakakasira sa karunungan at karangalan ang bahagyang kamangmangan.

2 Inaasahan sa matalino ang paggawa ng mabuti at sa mga hangal naman ang masama. 3 Maging sa paglalakad, nahahalata ang ka-hangalan ng mangmang. Nakikilala ng lahat na mangmang siya.

4 Kung magalit ang pinuno mo sa iyo, huwag kang magbibitiw sa iyong tungkulin; sapagkat mapapatawad ang iyong malaking pagkakamali kung magiging mahinahon ka.

5 Ito pa ang isang di-makatuwirang nang-yayari sa buong mundo, kawalang-katarungang gawa ng mga pinuno ng bayan: 6 Inilalagay sa matataas na tungkulin ang mga mangmang ngunit ibinibigay ang mababang uri ng gawain sa mga mayayaman. 7 Nakakita ako ng mga aliping nakasakay sa kabayo samantalang naglalakad ang mga pinuno na parang mga alipin.

8 Ang nag-uumang ng bitag ang siya ring mahuhulog roon; matutuklaw ng ahas ang lu-mulusot sa mga pader. 9 Malamang mabag-sakan ng bato ang mga nagtitibag nito. Nanganganib na madaganan ng troso ang nagpuputol nito. 10 Pumupurol ang palakol kapag hindi hinahasa kaya mas maraming lakas ang kailangan sa paggamit nito. Naka-katulong ng malaki ang mahusay na plano sa pagtatagumpay. 11 Walang silbi ang matutong paamuin ang isang ahas kung mauunahan kang tuklawin nito. 12 Nag-aani ng karangalan ang mga salita ng matalino, ngunit napapa-hamak ang mangmang dahil sa kanyang mga salita. 13 Nag-uumpisa sa kamangmangan ang pangungusap ng mangmang, hanggang mata-pos, kamangmangan pa rin ito. 14 Walang tigil sa pagyayabang ang mangmang. Ngunit si-nong makakapagsabi ng susunod na pangyayari at ng magaganap kapag patay na tayo?

15 Ang pagpapagod ng mangmang ang nagpapahina sa kanya, at hindi man lamang niya alam ang daan papunta sa bayan niya.

16 Kawawa ang lupain kung isip-bata ang hari nito, at kung umaga pa lamang ay nag-pipista na ang mga pinuno nito. 17 Ngunit mapalad ang lupain na may haring matino at may mga pinunong nakakaalam kung kailan dapat magdiwang at may lakas siyang pigilan ang kanyang sarili at hindi nagpapakalasing.

18 Kung pabaya ang may-ari, masisira ang bubong; kung tamad siya, mawawasak ang buong bahay.

19 Nagdudulot ng kasiyahan ang pagkain, at nagpapasaya sa buhay ang inumin. Mabibili itong lahat ng salapi.

20 Huwag sumpain ang hari kahit sa isip lang at huwag hamakin ang mayayaman kahit nag-iisa ka pa sa silid mo, pagkat may pakpak ang balita at may tainga ang lupa.

11 Ang mga Gawain ng Marunong

1 Maghagis ka ng tinapay sa gitna ng kara-gatan at pagkalipas ng maraming araw, maha-hanap mo rin ito. 2 Hatiin sa pito, o kaya'y sa walo ang kalakal mo pagkat di mo masisiguro kung ano ang kasamaang mangyayari sa mundo.

3 Kapag maitim na ang ulap nagiging ulan itong ibinubuhos sa daigdig. Mabubuwal ang punongkahoy kung saan ito nakahapay. 4 Ang nagmamasid nang mabuti sa pag-ihip ng hangin ang nakakaalam ng tamang panahon ng paghahasik. Ang nag-aaral sa galaw ng ulap ang marunong kung kailan ang pag-aani. 5 Kung hindi mo alam kung paano nagka-karoon ng buhay ang bata sa sinapupunan ng ina, lalong hindi maaabot ng isip mo kung paano ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay. 6 Maghasik ka ng iyong binhi sa umaga at sa gabi, huwag kang tumigil sa iyong paggawa. Hindi mo alam kung alin sa dalawa ang magi-ging kapaki-pakinabang para sa iyo at magbib-igay ng kasaganaan.

7 Masarap ang nasa liwanag at kay gan-dang pagmasdan ang araw. 8 Kung ma-bubuhay nang matagal, dapat ikagalak ng tao ang lahat ng araw ng kanyang buhay. Ngunit dapat alalahanin din niya na mas matagal ang

kamatayan. Mahiwaga ang lahat ng nang-yayari.

9 Magpakasaya ka, binata, habang bata ka pa. Gawin mo ang gusto mo at lahat ng kaakit-akit sa paningin mo. Ngunit tandaan mo na hahatulan ng Diyos ang lahat ng iyong gaga-win.

10 Huwag kang mag-alala o mabalisa; sapagkat mahiwaga ang kabataan at ang kaa-gahan ng buhay.

12

1 Alalahanin mo ang iyong Manlilikha sa panahon ng iyong kabataan bago dumating ang mga araw at taon na puno ng kaguluhan, panahong hindi mo na madama ang tamis ng mabuhay. 2 Alalahanin mo ang Diyos bago makubli ang sikat ng araw, bago magdilim ang buwan at mga bituin, bago ka matabunan ng makapal at madilim na ulap. 3 Alalahanin mo siya bago humina ang iyong katawan, bago manghina ang iyong mga bisig, bago mawalan ng lakas ang iyong mga tuhod. Alalahanin mo siya bago mabungi ang iyong mga ngipin at bago lumabo ang iyong mga mata. 4 Ala-lahanin mo nga siya bago dumating ang panahon na hindi mo na naririnig ang ingay ng lansangan. Bingi ka na sa tunog ng gilingan at sa musika na tumutugtog. O di kaya, bago dumating ang panahon na madali kang magis-ing sa himig ng mga ibon, o tuluyan ng tumigil ang tunog ng awitin.a 5 Alalahanin mo siya bago dumating ang panahong katatakutan mong umakyat sa mataas na lugar, bago du-mating ang panahong di ka na makalakad na mag-isa, bago pumuti ang iyong buhok, at lipasan ng pagnanasang sumiping sa minama-hal.

Darating ang araw na pupunta tayo sa huli nating hantungan at marami ang tatangis sa lansangan. 6 Darating ang araw na malalagot ang tanikalang pilak na nagdadala sa ilawang ginto; babagsak ito at madudurog. Darating din ang araw na malalagot ang tali ng timba at babagsak ito at masisira. 7 Alalahanin mo siya bago magbalik sa alabok ang ating katawang lupa at magbalik ang ating hininga sa Diyos na may bigay nito. 8 “Mahiwaga! Mahiwaga!” sabi

ng Mangangaral. “Lahat ay mahiwaga!” 9 Itinuro ng Mangangaral sa mga tao ang

lahat ng nalalaman niya. Pinag-aralan niyang mabuti ang mga kasabihan at sinubok kung totoo ito. 10 Pinipili niya ang mga salitang mag-dudulot ng kaaliwan ngunit lagi niyang isinusu-lat ang katotohanan.

11 Matulis ang mga salita ng matalino tulad ng tungkod na pantaboy ng kawan, tulad din ng matutulis na pako ang mga kawikaang kanyang inipon sapagkat mula ito sa Diyos, ang nag-iisa nating pastol. 12 Anak ko, mayroon pang dapat bigyan ng pansin. Hindi matitigil ang pagsulat ng maraming aklat, at nakakapagod ang labis na pag-aaral.

13 Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. 14 Hahatulan ng Diyos ang lahat ng ginawa natin, hayag man o lihim, mabuti o masama.

5 Ang Sermon sa Bundok

1 Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad 2 at siya'y nagsimulang magturo sa kanila.

Ang mga Pinagpala (Lu. 6:20-23) 3 “Pinagpala ang mga taong walang

inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit. 4 “Pinagpala ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. 5 “Pinagpala ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig. 6 “Pinagpala ang mga may matinding hanga-

rin na sumunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng

Diyos. 7 “Pinagpala ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. 8 “Pinagpala ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. 9 “Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan

para sa kapayapaan,

sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.

10 “Pinagpala ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos,

sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit. 11 “Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng

mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan]d nang dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inusig din ang mga propetang nauna sa inyo.”

Asin at Ilaw

13 “Kayo ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao?

14 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago. 15 Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng banga. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. 16 Gayundin naman, dapat nin-yong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong ma-bubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Katuruan tungkol sa Kautusan 17 “Huwag ninyong akalaing naparito ako

upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta.e Naparito ako hindi upang ipawa-lang-bisa ang mga iyon kundi upang tuparin. 18 Tandaan ninyo: maglalaho ang langit at ang lupa, ngunit ni isang tuldok o kudlit man ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga't hindi natutupad ang lahat. 19 Kaya't sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magi-ging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at nagtutu-ro sa mga tao na tuparin iyon ay magiging da-kila sa kaharian ng langit. 20 Sinasabi ko sa inyo, kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng

Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, hind-ing-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.”

Ang Katuruan tungkol sa Pagkagalit

21 “Narinig ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno, ‘Huwag kang papatay; ang sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.’ 22 Ngunit sinasabi ko naman sa inyo, ang sinumang na-popoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, ‘Ulol ka!’ ay manganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno. 23 Kaya't kung mag-aalay ka ng handog sa dambana para sa Diyos at naalala mong may sama ng loob sa iyo ang iyong kapatid, 24 iwan mo mu-na ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Pagkatapos, magbalik ka at maghandog sa Diyos.

25 “Kung may ibig magsakdal sa iyo, makipag-ayos ka agad sa kanya bago makarat-ing sa hukuman ang inyong kaso. Kung hindi ay dadalhin ka niya sa hukom, at ibibigay ka nito sa tanod, at ikukulong ka naman sa bilangguan. 26 Tandaan mo: hindi ka makakalabas doon hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang barya na dapat mong bayaran.”

Ang Katuruan Laban sa Pangangalunya 27 “Narinig ninyong sinabi, ‘Huwag kang

mangangalunya.’ 28 Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nangangalunya na sa baba-ing iyon sa kanyang puso. 29 Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagka-kasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno. 30 Kung ang iyong kanang kamay naman ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasa-la, putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawa-lan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno.”

Paghihiwalay Dahil sa Pangangalunya

31 “Sinabi rin naman, ‘Kapag makikipaghiwa-

lay ang isang lalaki sa kanyang asawa, ito'y dapat niyang bigyan ng kasulatan ng paghihi-walay.’ 32 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kapag nakipaghiwalay ang isang lalaki sa kanyang asawa, maliban kung ito ay nakikiapid,f itinutulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya, at sinumang makipag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.” Katuruan tungkol sa Panunumpa

33 “Narinig din ninyong sinabi sa inyong mga ninuno, ‘Huwag kang susumpa nang walang katotohanan; sa halip, tuparin mo ang iyong sinumpaang panata sa Panginoon.’ 34 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong ma-nunumpa kapag kayo'y nangangako. Huwag ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang langit,’ sapagkat ito'y trono ng Diyos; 35 o kaya'y, ‘Saksi ko ang lupa,’ sapagkat ito'y kanyang tuntungan. Huwag din ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang Jerusalem,’ sapagkat ito'y lung-sod ng dakilang Hari. 36 Huwag mo ring ipanumpa ang iyong ulo, sapagkat ni isang buhok sa iyong ulo ay hindi mo kayang paputiin o paitimin. 37 Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masa-ma.”

Katuruan Laban sa Paghihiganti

38 “Narinig ninyong sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ 39 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa. 40 Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong balabal. 41 Kung pilitin ka ng isang kawal na pasanin ang kanyang dala ng isang milya,g pasanin mo iyon ng dalawang milya. 42 Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong tanggihan ang nanghihiram sa iyo.”

Pagmamahal sa Kaaway

43 “Narinig ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang

iyong kapwa at kamuhian mo ang iyong kaaway.’ 44 Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipana-langin ninyo ang mga umuusig sa inyo, 45 upang kayo'y maging tunay na mga anak ng inyong Ama na nasa langit. Sapagkat pinasisi-kat niya ang araw sa mabubuti gayon din sa masasama, at nagpapaulan siya sa mga matuwid at sa mga di-matuwid.

46 “Kung ang mga nagmamahal sa inyo ang siya lamang ninyong mamahalin, anong gan-timpala ang inyong maaasahan? Hindi ba't ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis? 47 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong binabati, ano ang ginagawa ninyong higit kaysa iba? Hindi ba't ginagawa rin iyan ng mga Hentil? 48 Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit.”

6 Katuruan tungkol sa Paglilimos

1 “Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao ang pagtupad ninyo sa inyong mga tungkulin sa Diyos. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa in-yong Ama na nasa langit.

2 “Kaya nga, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng gina-gawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y purihin ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 3 Sa halip, kapag nagbib-igay ka ng limos, huwag mo nang ipaalam ito maging sa matalik mong kaibigan. 4 Gawin mong lihim ang iyong pagbibigay ng limos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbib-igay ng gantimpala sa iyo.”

Katuruan tungkol sa Pananalangin

5 “Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari. Mahilig silang manalanging nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto upang makita ng mga tao. Tandaan

ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantim-pala. 6 Ngunit kapag mananalangin ka, pu-masok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbib-igay sa iyo ng gantimpala.

7 “Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabulu-han, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. 8 Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya. 9 Ganito kayo manana-langin,

‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan. 10 Dumating nawa ang iyong kaharian.a Masunod nawa ang iyong kalooban dito sa

lupa tulad ng sa langit. 11 Bigyan mo kami ng aming pagkain sa

araw-araw;b 12 at patawarin mo kami sa aming mga kas-

alanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.

13 At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama! [Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.]’c

14 “Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. 15 Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”

Katuruan tungkol sa Pag-aayuno

16 “Kapag kayo'y nag-aayuno, huwag kayong magmukhang malungkot tulad ng mga mapagkunwari. Hindi sila nag-aayos ng sarili upang mapansin ng mga tao na sila'y nag-aayuno. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 17 Sa halip, kapag nag-aayuno ka, maghilamos ka, lagyan mo ng langis at ayusin mo ang iyong buhok 18 upang huwag mapansin ng mga tao na ikaw ay nag-aayuno. Ang iyong Ama na hindi mo nakikita

ang tanging makakaalam nito. Siya, na nakaka-kita ng ginagawa mo nang lihim, ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.”

Ang Kayamanan sa Langit

19 “Huwag kayong mag-impok ng mga kaya-manan dito sa lupa; dito'y may naninirang in-sekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. 20 Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. 21 Sapagkat kung saan naro-roon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”

Ang Ilaw ng Katawan

22 “Ang mata ang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong paningin, mapupuno ng liwanag ang iyong buong katawan. 23 Ngunit kung malabo ang iyong paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. At kung ang ilaw mo'y madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman.”

Diyos o Kayamanan?

24 “Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingku-ran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikala-wa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan.

25 “Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin]d upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? 26 Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nag-tatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahala-ga kaysa mga ibon? 27 Sino sa inyo ang maka-kapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?

28 “At bakit kayo nababalisa tungkol sa

pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nag-tatrabaho ni gumagawa ng damit. 29 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit nang singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. 30 Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!

31 “Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32 Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng in-yong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. 33 Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos]e at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.

34 “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”

7 Paghatol sa Kapwa

1 “Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan. 2 Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba. 3 Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata? 4 Paano mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Halika't aalisin ko ang puwing mo,’ gayong troso ang nasa mata mo? 5 Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makaka-kita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.

6 “Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang banal na bagay, baka pagkatapos ay kayo pa ang balingan at sakmalin nila. Huwag ninyong ihagis sa baboy ang inyong mga perlas sapagkat yuyurakan lamang nila ang mga iyon.”

Humingi, Humanap, Kumatok

7 “Humingi kayo at kayo'y bibigyan; hu-manap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 8 Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat hu-mahanap ay makakatagpo; at ang bawat ku-makatok ay pagbubuksan. 9 Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y humi-hingi ng tinapay? 10 Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? 11 Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibig-yan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!

12 “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”

Ang Makipot na Pintuan

13 “Pumasok kayo sa makipot na pintuan.

Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. 14 Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.”

Sa Gawa Makikilala

15 “Mag-ingat kayo sa mga huwad na prope-ta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat. 16 Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman? 17 Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno. 18 Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno. 19 Ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. 20 Kaya't makikilala ninyo ang mga huwad na propeta sa pamamagitan ng kanilang mga gawa.”

Hindi Ko Kayo Kilala

21 “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kahari-an ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22 Sa Araw ng Paghuhukom marami ang mag-sasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba't sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’ 23 Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’” Sa Bato o sa Buhanginan?

24 “Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasa-gawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato. 25 Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagi-ba sapagkat nakatayo iyon sa bato. 26 Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga ito ay maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. 27 Umulan nang malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at lu-busang nawasak.”

Ang Kapangyarihan ni Jesus

28 Namangha kay Jesus ang mga tao nang kanilang marinig ang kanyang pagtuturo 29 sapagkat nagturo siya nang may kapangyari-han, hindi tulad ng mga tagapagturo ng Kau-tusan.

Mateo 13 Ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik

1 Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. 2 Dahil sa dami ng taong lumalapit sa kanya, sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Tumayo naman sa dalampasigan ang mga tao 3 at sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga. Ganito ang sinabi niya:

“May isang magsasakang lumabas upang maghasik. 4 Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumat-ing ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. 5 May mga binhi namang nalaglag sa mabatong lupa. Dahil manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang mga binhi, 6 ngunit natuyo agad ang mga ito nang mabilad sa matinding init ng araw, palibhasa'y mababaw ang ugat. 7 May mga binhi namang nalaglag sa may matitinik na halaman. Lumago ang mga halamang matitinik at sinakal ng mga ito ang mga binhing tumubo doon. 8 Ngunit ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may tig-iisandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu. 9 Makinig ang may pandinig!”

Ang Layunin ng mga Talinghaga

10 Lumapit ang mga alagad at tinanong si Jesus, “Bakit po kayo gumagamit ng talinghaga sa kanila?” 11 Sumagot siya, “Ipinagkaloob sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng langit, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. 12 Sapagkat ang may-roon ay bibigyan pa, at lalong magkakaroon; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. 13 Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakiki-nig ngunit hindi naman nakakarinig ni naka-kaunawa man. 14 Natutupad nga sa kanila ang propesiya ni Isaias na nagsasabi,

‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makakaunawa kailanman,

at tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita kailanman.

15 Sapagkat naging mapurol na ang isip ng mga taong ito;

mahirap makarinig ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata, kung hindi gayon, sana'y nakakita ang kanil-

ang mga mata, nakarinig ang kanilang mga tainga, nakaunawa ang kanilang mga isip, at nagbalik-loob sila sa akin, at pinagaling ko sila.’ 16 “Subalit pinagpala kayo sapagkat nakaka-

kita ang inyong mga mata at nakakarinig ang

inyong mga tainga! 17 Tandaan ninyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan subalit hindi nila ito nakita ni narinig.”

Ipinaliwanag ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik

18 “Makinig kayo at unawain ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik. 19 Kapag ang isang tao ay nakikinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon inuunawa, siya ay katulad ng binhing nalaglag sa daan. Dumarating ang Masama at agad inaalis sa kanyang isip ang mensaheng kanyang napakinggan.

20 “Ang katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong nakikinig ng mensahe na kaagad at masayang tumatanggap nito 21 ngunit hindi tumitimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nananatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya.

22 “Ang binhi namang nahulog sa may ma-titinik na halaman ay ang mga taong nakikinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, nawawalan ng puwang sa kanil-ang puso ang mensahe at hindi ito nagka-karoon ng bunga.

23 “At ang katulad naman ng binhing nahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kaya't ito ay namumunga nang sagana, may tig-iisandaan, may tig-aanimnapu, at may tig-tatatlumpu.”

Talinghaga tungkol sa mga Damo sa Trigu-han

24 Nagsalaysay muli si Jesus sa kanila ng isa pang talinghaga. Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. 25 Isang gabi, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway, naghasik ng mapanirang damo sa triguhan at saka umalis. 26 Nang

tumubo at magbunga ang trigo, lumitaw din ang mapanirang damo. 27 Kaya't pumunta ang mga utusan sa may-ari ng bukid at nagtanong, ‘Hindi po ba mabuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?’ 28 Sumagot siya, ‘Isang kaaway ang may ka-gagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga damo?’ 29 ‘Huwag, baka mabunot pati ang mga trigo,’ sagot niya. 30 ‘Hayaan na lamang ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan. Sa pag-aani'y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking kamalig.’”

Talinghaga tungkol sa Buto ng Mustasa

31 Sa pagpapatuloy, isa pang talinghaga ang isinalaysay ni Jesus sa kanila. “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid. 32 Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito'y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagi-ging punongkahoy, kaya't nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito.” Talinghaga tungkol sa Pampaalsa

33 Nagsalaysay pa si Jesus ng ibang taling-haga. “Ang kaharian ng langit ay katulad ng pampaalsa na inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, hanggang umalsa ang buong masa ng harina.”

Ang Paggamit ni Jesus ng mga Talinghaga

34 Ang lahat ng ito ay sinabi ni Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga, at wala siyang itinuro sa kanila nang hindi sa pa-mamagitan ng talinghaga. 35 Sa gayon, natu-pad ang sinabi ng propeta:

“Magsasalita ako sa pamamagitan ng mga talinghaga,

ihahayag ko ang mga bagay na inilihim mula pa nang likhain [ang daigdig].”

Kahulugan ng Talinghaga tungkol sa mga Damo sa Triguhan

36 Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang mga tao at pumasok siya sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, “Ipaliwanag po ninyo sa amin ang talinghaga tungkol sa mapanirang damong tumubo sa bukid.” 37 Sumagot si Jesus, “Ang naghahasik ng mabubuting binhi ay ang Anak ng Tao, 38 ang bukid ay ang daigdig, ang mabuting binhi ay ang mga taong kabilang sa kaharian at ang mapanirang damo naman ay ang mga kabilang sa Masama. 39 Ang kaaway na naghasik ng damo ay walang iba kundi ang diyablo. Ang panahon ng pag-aani ay ang katapusan ng daigdig at ang mga tagapag-ani naman ay ang mga anghel. 40 Kung paanong ang mga damo ay tinitipon at sinusunog, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. 41 Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama. 42 Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. 43 Ngunit ang mga gumagawa ng matuwid ay magliliwanag na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may pandinig!”

Ang Natatagong Kayamanan

44 “Ang kaharian ng langit ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Na-hukay ito ng isang tao ngunit agad itong tinabu-nan. Tuwang-tuwa siyang umalis at ibinenta ang lahat ng kanyang ari-arian upang bilhin ang bukid na iyon.”

Ang Perlas na Mahalaga

45 “Ang kaharian ng langit ay katulad din ng isang negosyante na naghahanap ng mga mamahaling perlas. 46 Nang makakita siya ng isang perlas na napakahalaga, umuwi siya't ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas na iyon.”

Ang Lambat

47 “Ang kaharian ng langit ay katulad din ng isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng sari-saring isda. 48 Nang mapuno ang lam-bat, hinila ito sa pampang. Naupo ang mga tao habang tinitipon nila sa sisidlan ang ma-bubuting isda at itinatapon naman ang mga isdang hindi mapapakinabangan. 49 Gayundin ang mangyayari sa katapusan ng daigdig, darating ang mga anghel, ihihiwalay ang masasama sa mga matuwid, 50 at ihahagis ang masasama sa naglalagablab na apoy. Doo'y mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.”

Kayamanang Bago at Luma

51 “Nauunawaan ba ninyo ang lahat ng ito?” tanong ni Jesus. “Opo,” sagot nila. 52 At sinabi niya sa kanila, “Kaya nga, ang bawat tagapag-turo ng Kautusan na tinuruan tungkol sa kahari-an ng langit ay katulad ng isang pinuno ng sambahayan na naglalabas ng mga bagay na bago at luma mula sa kanyang taguan ng kaya-manan.”

Si Jesus ay Hindi Tinanggap sa Nazaret

53 Umalis si Jesus mula roon matapos ni-yang isalaysay ang mga talinghagang ito. 54 Umuwi siya sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya, kaya't kanilang itinanong, “Saan ku-muha ng ganyang karunungan ang taong iyan? Paano siya nakakagawa ng mga himala? 55 Hindi ba siya ay anak ng isang karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina at sina Santi-ago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid? 56 At tagarito rin ang kanyang mga kapatid na babae, di ba? Saan kaya niya natu-tuhan ang lahat ng iyan?” 57 At siya'y hindi nila pinaniwalaan.

Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta'y iginagalang kahit saan maliban sa kanyang sariling bayan at sariling sambaha-yan.” 58 At dahil ayaw nilang maniwala kay Jesus, hindi siya gumawa roon ng maraming

himala.

Lucas 14-18

14 Pinagaling ni Jesus ang Lalaking may Ma-nas

1 Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo, at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos. 2 Lumapit kay Jesus ang isang lalaking may manas. 3 Kaya't tinanong niya ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa Kautusan, “Naaayon ba sa Kau-tusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamah-inga o hindi?”

4 Ngunit hindi sila umimik, kaya't hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinagaling ito at saka pinauwi. 5 Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Kung ang inyong anak o ang inyong baka ang mahulog sa balon, hindi ba't iaahon ninyo ito kaagad kahit Araw ng Pamamahinga?”

6 Hindi sila nakasagot sa tanong na ito. Pagmamataas at Pagpapakumbaba

7 Napansin ni Jesus na pinipili ng ilang mga panauhin ang mga upuang pandangal. Kaya't sinabi niya ang talinghagang ito sa kanila. 8 “Kapag inanyayahan ka sa isang kasalan, hu-wag kang uupo agad sa upuang pandangal. Baka may inanyayahang mas kilala kaysa sa iyo. 9 Baka lapitan ka ng nag-anyaya sa inyong dalawa at sabihin sa iyo, ‘Maaari bang ibigay mo ang upuang iyan sa taong ito?’ Sa gayon, mapapahiya ka at doon ka uupo sa pinakaa-bang upuan. 10 Mabuti pa, kapag naanyayahan ka, doon ka muna maupo sa pinakaabang upu-an. Kapag lumapit sa iyo ang nag-anyaya at kanyang sinabi, ‘Kaibigan, dito ka sa kabisera,’ mapaparangalan ka sa harap ng lahat ng mga panauhin. 11 Sapagkat ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.”

12 Sinabi naman ni Jesus sa nag-anyaya sa kanya, “Kapag naghahanda ka ng isang salu-salo, huwag ang iyong mga kaibigan, mga ka-patid, mga kamag-anak o mayayamang kapit-

bahay ang aanyayahan mo, dahil aanyayahan ka rin nila at sa gayon ay susuklian ang iyong ginawa. 13 Subalit kapag ikaw ay maghahanda, anyayahan mo ang mga mahihirap, mga lumpo, mga pilay, at mga bulag. 14 Kapag ganito ang ginawa mo, pagpapalain ka, dahil hindi man nila masuklian ang ginawa mo, ang Diyos ang mag-bibigay sa iyo ng gantimpala sa muling pagkabuhay ng mga matuwid.”

Ang Talinghaga ng Malaking Handaan

15 Narinig ito ng isa sa mga kasalo niya roon, at sinabi sa kanya, “Pinagpala ang maka-kasalo sa hapag sa kaharian ng Diyos!”

16 Sumagot si Jesus, “Isang lalaki ang na-ghanda ng isang malaking salu-salo, at marami siyang inanyayahan. 17 Nang dumating ang oras ng handaan, inutusan niya ang kanyang alipin at ipinasabi sa mga inanyayahan, ‘Halina kayo, handa na ang lahat!’ 18 Ngunit nagdahi-lan silang lahat. Ang sabi ng una, ‘Nakabili ako ng bukid at kailangan ko itong puntahan. Kayo na sana ang bahalang magpaumanhin sa akin.’ 19 Sinabi naman ng isa, ‘Nakabili ako ng limang magkapares na baka at kailangang masubukan ko sa bukid ang mga iyon. Kayo na sana ang bahalang magpaumanhin sa akin.’ 20 Sinabi naman ng isa, ‘Ako'y bagong kasal, kaya't hindi ako makakadalo.’

21 “Bumalik ang alipin at ibinalita ito sa kanyang panginoon. Nagalit ang panginoon at sinabi sa alipin, ‘Pumunta ka kaagad sa mga lansangan at sa makikipot na daan ng lungsod at isama mo rito ang mga mahihirap, mga lum-po, mga bulag, at mga pilay.’ 22 Pagkatapos sinabi ng alipin, ‘Panginoon, nagawa ko na po ang iniutos ninyo, ngunit marami pang ba-kanteng upuan.’ 23 Kaya't sinabi ng panginoon sa alipin, ‘Pumunta ka sa mga lansangan at sa mga daan, at pilitin mong pumarito ang sinu-mang makita mo upang mapuno ang aking bahay. 24 Sinasabi ko sa inyo, isa man sa mga unang inanyayahan ay hindi makakatikim ng aking handa!’”

Ang Pagiging Alagad

25 Sumama kay Jesus ang napakaraming

tao; humarap siya sa kanila at kanyang sinabi, 26 “Hindi maaaring maging alagad ko ang sinu-mang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. 27 Ang hindi magpasan ng sarili niyang krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.

28 “Kung ang isa sa inyo'y nagbabalak na magtayo ng tore, hindi ba siya uupo muna upang magplano at kuwentahin kung magkano ang magagastos niya upang matiyak kung may sapat siyang pera para maipatapos ang kanyang ipapatayo? 29 Baka matapos mailagay ang mga pundasyon ay hindi naman mayari ang tore. Siya'y kukutyain lamang ng lahat ng makakakita niyon. 30 Sasabihin nila, ‘Ang taong ito'y nagsimulang magtayo ngunit hindi naman naipatapos.’

31 “O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna mauupo upang pag-aralang mabuti kung kaya niya, gamit ang sam-pung libo niyang kawal, na sumagupa sa kala-ban na may dalawampung libong kawal? 32 At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo. 33 Gayundin naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman kung hindi niya tatalikuran ang lahat sa kanyang buhay.

Asin na Walang Alat

34 “Mabuti ang asin, ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? 35 Wala itong kabutihang maibibigay sa lupa, o kahit sa tambakan man ng dumi, kaya't ito'y itinatapon na lamang. Makinig ang may pandinig!” 15 Ang Nawala at Natagpuang Tupa

1 Isang araw, ang mga maniningil ng buwis at ang mga makasalanan ay lumapit kay Jesus upang makinig. 2 Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi nila, “Ang taong ito'y nakikisama at nakikisalo sa mga makasalanan.” 3 Dahil dito,

sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito. 4 “Kung ang sinuman sa inyo ay may isan-

daang tupa at mawalan ng isa, ano ang gaga-win niya? Hindi ba't iiwan niya ang siyamnapu't siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa ito'y matagpuan? 5 Kapag nakita na niya ang tupa ay masaya niya itong papasa-nin. 6 Pagdating sa bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawa-la!’ 7 Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasa-lanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangan-gailangang magsisi.”

Ang Nawala at Natagpuang Salaping Pilak 8 “O kaya, kung ang isang babae ay may

sampung salaping pilak at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba't magsisindi siya ng ilawan, wawalisan ang buong bahay at ha-hanaping mabuti ang nawawalang salapi hang-gang sa ito'y kanyang makita? 9 Kapag nakita na niya ito, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nakita ko na ang nawawala kong salaping pil-ak!’ 10 Sinasabi ko sa inyo, gayundin ang kaga-lakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan.”

Ang Dalawang Anak

11 Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao na may dalawang anak na lalaki. 12 Sinabi sa kanya ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At hinati nga ng ama ang kanyang ari-arian. 13 Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbilia ng bunso ang kanyang bahagi at nagpunta sa malayong lupain. Nilustay niya roon sa mga bisyo ang lahat niyang kaya-manan. 14 Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, kaya't siya'y nagsimulang maghirap. 15 Namasukan siya sa isang tagaroon, at siya'y pinagtrabaho nito sa isang babuyan. 16 Sa tindi ng kanyang gutom, at dahil sa wala namang nagbibigay sa kanya ng pagkain, halos kainin na niya ang mga pinagbalatan ng mga bungangkahoy na

pinapakain sa mga baboy. 17 Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili, ‘Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako'y namamatay dito sa gutom! 18 Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. 19 Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”’ 20 At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila.

“Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. 21 Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’ 22 Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing at ng san-dalyas. 23 Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y kumain at magdiwang. 24 Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila nga'y nagdiwang.

25 “Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan. 26 Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, ‘Bakit? Ano'ng mayroon sa atin?’ 27 ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ sagot ng alila. ‘Ipinapatay po ng inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang buháy at walang sakit.’ 28 Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya ng kanyang ama at pinakiusa-pan. 29 Ngunit sumagot siya, ‘Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon at kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang maliit na kambing para magkasayahan kami ng aking mga kaibigan. 30 Subalit nang dumating ang anak ninyong ito, na lumustay ng inyong kayamanan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang guya!’ 31 Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapil-ing at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. 32 Nararapat lang na tayo'y magsaya at mag-diwang, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling na-

tagpuan.’”

16 Ang Talinghaga ng Tusong Katiwala

1 Sinabi rin ni Jesus sa kanyang mga ala-gad, “May taong mayaman na may isang kati-wala. May nagsumbong sa kanyang nilulustay nito ang kanyang ari-arian. 2 Kaya't ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ibigay mo sa akin ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat ta-tanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3 Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gaga-win ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pan-gangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4 Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.’ 5 Kaya't isa-isa ni-yang tinawag ang mga may utang sa kanyang amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6 Sumagot ito, ‘Isandaang tapayangb langis po.’ Kaya sabi ng katiwala, ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagka-kautang. Dali! Maupo ka't palitan mo, gawin mong limampu.’ 7 At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasu-latan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8 Pinuri ng amo ang madayang katiwala dahil sa katusuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas tuso kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.”

9 At nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita, “Kaya't sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung mau-bos na iyon ay tanggapin naman kayo sa ta-hanang walang hanggan. 10 Ang mapagkakati-walaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwa-laan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11 Kaya kung hindi kayo mapagkakati-walaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kaya-manan? 12 At kung hindi kayo mapagkakatiwa-

laan sa kayamanan ng iba, sino ang magbib-igay sa inyo ng talagang para sa inyo?

13 “Walang aliping maaaring maglingkod sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingku-ran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikala-wa. Hindi kayo maaaring maglingkod sa Diyos at sa kayamanan.”

Hindi Mawawalan ng Bisa ang Kautusan

14 Nang marinig ito ng mga Pariseo, na mga sakim sa salapi, ay kinutya nila si Jesus. 15 Kaya't sinabi niya sa kanila, “Kayo ang nagpapanggap na matuwid sa harapan ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

16 “Ang Kautusan ni Moises at ang sinulat ng mga propeta ay may bisa hanggang sa pag-dating ni Juan na Tagapagbautismo. Buhat noon ay ipinapangaral na ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, at ang lahat ay nagpupumilit na makapasok dito. 17 Mas madali pang maglaho ang langit at ang lupa kaysa mawalan ng bisa ang kahit isang tuldok ng Kautusan.

18 “Kapag hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, at mag-asawa sa iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya, at ang mag-aasawa naman sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.” Ang Mayaman at si Lazaro

19 “May isang mayamang laging nakasuot ng mamahaling damit at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. 20 May isa namang pulubing nagngangalang Lazaro na tadtad ng sugat sa katawan at nakahiga sa may pintuan ng mayaman 21 sa hangad na matapunan man lamang ng mga mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo'y nilalapitan siya ng mga aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. 22 Namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman at inilibing. 23 Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa daigdig ng mga patay,c natanaw ng mayaman si Lazaro sa

piling ni Abraham. 24 Kaya't sumigaw siya, ‘Amang Abraham, maawa po kayo sa akin. Utusan po ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at basain ang aking dila, dahil ako'y naghihirap sa apoy na ito.’ 25 Ngunit sumagot si Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay noong ikaw ay nasa lupa, at si Lazaro naman ay nagtiis ng kahirapan. Subalit ngayon ay inaaliw siya rito samantalang ikaw nama'y nagdurusa riyan. 26 Bukod dito, may malaking bangin sa pagitan natin, kaya't ang mga naririto ay hindi makaka-punta diyan at ang mga naririyan ay hindi makakapunta rito.’

27 “Ngunit sinabi ng mayaman, ‘Kung gayon po, Amang Abraham, ipinapakiusap kong pa-puntahin na lamang ninyo si Lazaro sa bahay ng aking ama, 28 sa aking limang kapatid na lalaki. Suguin po ninyo siya upang sila'y bigyang-babala at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.’ 29 Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Nasa kanila ang mga kasulatan ni Moises at ng mga propeta; iyon ang kanilang pakinggan.’ 30 Sumagot ang mayaman, ‘Hindi po sapat ang mga iyon. Ngunit kung magpapakita sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, magsisisi sila't ta-talikuran ang kanilang mga kasalanan.’ 31 Sinabi naman sa kanya ni Abraham, ‘Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila panini-walaan kahit ang isang patay na muling nab-uhay.’” 17 Mga Sanhi ng Pagkakasala

1 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tiyak na darating ang mga sanhi ng pagka-kasala; ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan niyon! 2 Mabuti pa sa kanya ang bitinan sa leeg ng isang gilingang-bato at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng sinuman sa mga maliliit na ito. 3 Kaya't mag-ingat kayo!

“Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, pa-

tawarin mo. 4 Kung pitong ulit siyang magkasa-la sa iyo sa maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo siyang patawarin.”

Pananampalataya sa Diyos 5 Sinabi ng mga apostol sa Panginoon,

“Dagdagan po ninyo ang aming pananam-palataya!”

6 Tumugon ang Panginoon, “Kung ang in-yong pananampalataya ay sinlaki ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa punong ito ng sikamoro, ‘Mabunot ka at matanim sa dagat!’ at susundin kayo nito.”

Ang Tungkulin ng Alipin

7 “Kapag nanggaling ang inyong alipin sa pag-aararo o pagpapastol ng mga tupa sa bukid, inaanyayahan ba ninyo siya agad upang kumain? 8 Hindi ba't ang sasabihin ninyo ay, ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbihis ka, at pagsilbihan mo ako habang ako'y kumakain. Pagkakain ko, saka ka kumain.’ 9 Pinasasala-matan ba ng amo ang kanyang alipin dahil sinusunod siya nito? 10 Ganoon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniuutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumutupad lamang kami sa aming tungkulin.’”

Pinagaling ang Sampung Ketongin

11 Sa paglalakbay ni Jesus papuntang Jeru-salem, nagdaan siya sa hangganan ng Samar-ia at Galilea. 12 Habang papasok na siya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung ke-tongin. Tumigil ang mga ito sa may kalayuan 13 at sumigaw, “Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!”

14 Pagkakita sa kanila ay sinabi ni Jesus, “Lumakad na kayo at magpatingin sa mga pari.”

Habang sila'y naglalakad, silang lahat ay gumaling at luminis. 15 Nang mapuna ng isa na siya'y magaling na, nagbalik siyang sumisi-gaw ng pagpupuri sa Diyos. 16 Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat. Ang taong ito'y isang Samaritano.

17 “Hindi ba't sampu ang pinagaling?”

tanong ni Jesus. “Nasaan ang siyam? 18 Wala bang nagbalik upang magpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” 19 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Tumayo ka na at umuwi. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” Ang Pagdating ng Kaharian ng Diyos

20 Minsan, si Jesus ay tinanong ng mga Pariseo kung kailan darating ang kaharian ng Diyos. Sumagot siya, “Walang makikitang pal-atandaan ng pagdating ng kaharian ng Diyos, 21 at wala ring magsasabing ‘Narito na!’ o ‘Naroon!’ Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay nasa inyo.”

22 At sinabi niya sa mga alagad, “Darating ang panahon na hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao, ngunit hindi ninyo ito makikita. 23 May magsasabi sa inyo, ‘Naroon!’ o, ‘Narito!’ Huwag kayong pu-punta at huwag kayong maniniwala sa kanila. 24 Sapagkat [pagsapit ng takdang araw,]d ang Anak ng Tao ay darating na parang kidlat na nagliliwanag sa buong kalangitan. 25 Ngunit kailangan munang magdanas siya ng maraming hirap at itakwil ng salinlahing ito. 26 Ang pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad sa kapanahunan ni Noe. 27 Ang mga tao noo'y nagsisikain, nagsisiinom at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na sumakay si Noe sa bar-ko. Dumating ang baha at namatay silang lahat. 28 Gayundin ang nangyari noong panahon ni Lot. Ang mga tao'y nagsisikain, nagsisiinom, bumibili, nagtitinda, nagtatanim at nagtatayo ng bahay. 29 Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat. 30 Ganoon din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.

31 “Sa araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag nang bumabâ pa upang kunin ang kanyang mga kasangkapan sa loob ng bahay, at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi pa. 32 Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot. 33 Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinu-mang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makakapagligtas nito. 34 Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, may dalawang taong nasa isang higaan; kukunin ang isa at iiwan ang isa.

35 May dalawang babaing magkasamang nag-tatrabaho sa gilingan; kukunin ang isa at iiwan ang isa. [36 May dalawang lalaking nagtatra-baho sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa.]”e

37 “Saan po ito mangyayari, Panginoon?” tanong ng kanyang mga alagad.

Sumagot siya, “Kung nasaan ang bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.”

18 Ang Biyuda at ang Hukom

1 Isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa. 2 Sinabi niya, “Sa isang lungsod ay may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao. 3 Sa lungsod ding iyon ay may isang biyuda. Lagi siyang pumupunta sa hukom at sinasabi, ‘Bigyan po ninyo ako ng katarungan sa aking usapin.’ 4 Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng mahabang panahon, ngunit nang magtagal ay sinabi ng hukom sa sarili, ‘Kahit ako'y walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao, 5 ibibigay ko na ang katarungang hinihingi ng biyudang ito, sapagkat lagi niya akong ginagambala at baka mainis pa ako sa kapupunta niya rito.’” 6 At nagpatuloy ang Panginoon, “Pakinggan ninyo ang sabi ng masamang hukom na iyon. 7 Nga-yon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi? Sila kaya'y paghihintayin niya nang matagal? 8 Sinasabi ko sa inyo, agad niyang ibibigay sa kanila ang katarungan. Ngunit sa pagbabalik ng Anak ng Tao, may daratnan pa kaya siyang mga taong may pananampalataya?” Ang Talinghaga ng Pariseo at ng Maniningil ng Buwis

9 Sinabi rin niya ang talinghagang ito sa mga taong matuwid ang tingin sa sarili at hinahamak naman ang iba. 10 “May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa ay maniningil ng

buwis. 11 Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya, o kaya'y katulad ng maniningil ng buwis na ito. 12 Dalawang beses akong nag-aayuno sa isang linggo at nagbibigay rin ako ng ikasam-pung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita.’ 13 Samantala, ang maniningil ng buwis nama'y nakatayo sa malayo at di man lamang ma-katingin sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at sinasabi, ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’ 14 Sinasabi ko sa inyo, ang lalaking ito'y umuwing matuwid sa harapan ng Diyos, at hindi ang Pariseo. Sapagkat ang sinumang nagmama-taas ay ibababa at ang nagpapakababa ay itataas.” Binasbasan ni Jesus ang Maliliit na Bata

15 Inilalapit ng mga tao kay Jesus pati ang kanilang mga sanggol upang ipatong niya sa mga ito ang kanyang mga kamay. Nang ito'y makita ng mga alagad, sinaway nila ang mga tao. 16 Ngunit tinawag ni Jesus ang mga bata at sinabi, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat para sa mga katulad nila ang kahari-an ng Diyos. 17 Tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos gaya ng pagtanggap ng isang bata ay hindi makaka-pasok doon.”

Ang Lalaking Mayaman

18 May isang pinuno ng bayan na nag-tanong kay Jesus, “Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?”

19 Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tina-tawag na mabuti? Ang Diyos lamang ang mabuti! 20 Alam mo ang mga utos, ‘Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag kang ta-tayong saksi para sa kasinungalingan; at iga-lang mo ang iyong ama at ina.’”

21 Sinabi ng lalaki, “Ang lahat pong iyan ay tinupad ko na mula pa sa pagkabata.”

22 Pagkarinig nito ay sinabi ni Jesus, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi ang pinagbilhan sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay buma-lik ka, at sumunod ka sa akin.” 23 Nalungkot ang lalaki nang marinig iyon, sapagkat siya'y napakayaman.

24 Nakita ni Jesus na nalulungkot ang lalaki kaya't sinabi niya, “Napakahirap para sa mga mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos! 25 Mas madali pang makaraan sa butas ng karayom ang isang kamelyo kaysa maka-pasok sa kaharian ng Diyos ang isang maya-man.”

26 Nagtanong ang mga taong nakarinig nito, “Kung gayon, sino ang maliligtas?”

27 “Ang mga bagay na hindi kayang gawin ng tao ay kayang gawin ng Diyos,” tugon ni Jesus.

28 Sinabi naman ni Pedro, “Tingnan po ninyo, iniwan na namin ang aming mga tahan-an at sumunod sa inyo.”

29 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Tandaan ninyo: kapag iniwan ninuman ang kanyang tahanan, asawa, mga kapatid, mga magulang, o mga anak alang-alang sa kaharian ng Diyos, 30 tatanggap siya ng higit pa sa panahong ito. At sa panahong darating, tatanggap siya ng buhay na walang hanggan.”

Ikatlong Pagsasabi ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan

31 Ibinukod ni Jesus ang Labindalawa at sinabi sa kanila, “Pupunta tayo sa Jerusalem at doo'y matutupad ang lahat ng isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao. 32 Siya'y ibibigay sa kamay ng mga Hentil; kukutyain, hahamakin, at duduraan. 33 Siya'y hahagupitin at papatayin, ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay.” 34 Subalit ang Labindala-wa ay walang naunawaan sa kanilang narinig; inilihim sa kanila ang kahulugan niyon, at hindi nila nalalaman ang sinasabi ni Jesus.

Pinagaling ang Lalaking Bulag

35 Nang malapit na si Jesus sa Jerico, may

isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. 36 Nang marinig niyang nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari.

37 “Nagdaraan si Jesus na taga-Nazaret,” sabi nila sa kanya.

38 At siya'y sumigaw, “Jesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!” 39 Sinaway siya ng mga taong nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, ma-habag po kayo sa akin!”

40 Tumigil si Jesus at ipinatawag ang bulag. Paglapit ng bulag ay tinanong siya ni Jesus, 41 “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” “Panginoon, gusto ko po sanang makakitang muli,” sagot niya.

42 At sinabi ni Jesus, “Makakita ka! Pinagal-ing ka ng iyong pananampalataya.”

43 Noon di'y nakakita ang bulag at nagpupu-ri sa Diyos na sumunod kay Jesus. Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos.

Mga Taga-Roma 13

Paggalang sa Pamahalaan 1 Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga

pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pa-mahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. 2 Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y na-rarapat sa parusa. 3 Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga gumagawa lamang ng masa-ma ang dapat matakot. Kung ayaw mong mata-kot sa mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila. 4 Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparu-sa.e Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpapa-rusa sa mga gumagawa ng masama. 5 Kaya nga, dapat kayong pasakop sa kanila, hindi lamang upang hindi kayo maparusahan, kundi alang-alang na rin sa inyong budhi.

6 Iyan din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis. Ang mga pinuno ng

pamahalaan ay mga lingkod ng Diyos at ito ang kanilang tungkulin. 7 Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan; igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat paran-galan.

Mga Tungkulin sa Kapwa

8 Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo'y magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad na sa Kautusan. 9 Ang mga utos gaya ng, “Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; hu-wag mong pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba;” at alinmang utos na tulad ng mga ito ay nauuwing lahat sa iisang utos, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 10 Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.

11 Gawin ninyo ito, dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo. Ang paglilig-tas sa atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo'y unang sumampalataya sa Panginoon. 12 Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti.f 13 Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kaha-layan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. 14 Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito.

Mga Taga-Efeso 5-6

5

Mamuhay Ayon sa Liwanag 1 Yamang kayo'y mga anak na minamahal

ng Diyos, tularan ninyo siya. 2 Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at

handog sa Diyos. 3 Kayo'y mga hinirang ng Diyos, kaya't hindi

dapat mabanggit man lamang na kayo'y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o pag-iimbot. 4 Huwag din kayong gagamit ng anumang malaswa o walang ka-buluhang pananalita at pagbibirong di nararap-at. Sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos. 5 Alam ninyong walang bahagi sa kaharian ni Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, maha-lay, o sakim. Ang kasakiman ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.

6 Huwag kayong padaya kaninuman sa pa-mamagitan ng mga pangangatuwirang walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot sa mga suwail. 7 Kaya't huwag kayong makisama sa kanila. 8 Dati, kayo'y nasa kadiliman, ngunit ngayo'y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo'y nasa Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang na-rarapat sa mga taong nasa liwanag. 9 Sapagkat pawang mabuti, matuwid at totoo ang ginagawa ng namumuhay sa liwanag.a 10 Si-kapin ninyong matutunan kung ano ang kalu-gud-lugod sa Panginoon. 11 Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibun-yag ninyo ang mga iyon. 12 Kahiya-hiyang mabanggit man lamang ang mga bagay na iyon na ginagawa nila nang lihim. 13 Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, 14 at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag.b Kaya't sinasabi,

“Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.”

15 Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16 Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon. 17 Huwag kayong maging hangal. Sa halip, una-wain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

18 Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. 19 Sa inyong pag-uusap gumamit kayo ng mga

salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. 20 Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Tagubilin sa Mag-asawa

21 Pasakop kayo sa isa't isa bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo.

22 Mga babae, pasakop kayo sa sarili nin-yong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. 23 Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siya ang Ta-gapagligtas nito. 24 Kung paanong nasasakop ni Cristo ang iglesya, gayundin naman, ang mga babae ay dapat pasakop nang lubusan sa kanilang sariling asawa.

25 Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya 26 upang ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhu-gas sa tubig at sa salita. 27 Ginawa niya ito upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili na nasa kagandahan nito, wa-lang anumang dungis ni kulubot man, banal at walang anumang kapintasan. 28 Gayundin naman, dapat mahalin ng mga lalaki ang kanil-ang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. 29 Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito'y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya. 30 Tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan. 31 Gaya ng sinasabi sa kasulatan, “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina at mag-sasama sila ng kanyang asawa; at silang dala-wa ay magiging isa.” 32 Mayroon ditong malalim na hiwaga, at sinasabi ko na ito'y tu-mutukoy sa kaugnayan ni Cristo sa iglesya. 33 Subalit ito'y para din sa inyo: kayong mga lala-ki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa.

6 Tagubilin sa mga Magulang at mga Anak

1 Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, [alang-alang sa Panginoon,]c sapagkat ito ang nararapat. 2 “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako: 3 “Magiging maganda at mahaba ang iyong buhay sa lupa.”

4 Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at aral ng Panginoon.

Katuruan para sa mga Alipin at mga Amo

5 Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga

amo dito sa lupa nang may buong katapatan, takot at paggalang, na parang si Cristo ang siya ninyong pinaglilingkuran. 6 Gawin ninyo iyan, may nakakakita man o wala, hindi upang mapu-ri ng mga tao kundi dahil kayo'y mga lingkod ni Cristo at buong pusong sumusunod sa kaloo-ban ng Diyos. 7 Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat mabuting gawa ninuman, maging siya man ay alipin o malaya.

9 Mga amo, maging mabait kayo sa inyong mga alipin at huwag silang pagbabantaan. Hu-wag ninyong kalilimutan na kayo'y parehong alipin ng iisang Panginoon na nasa langit, at pantay ang kanyang pagtingin sa inyo.

Mga Sandatang Kaloob ng Diyos

10 Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. 11 Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. 12 Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibu-tang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasa-maan sa himpapawid. 13 Kaya't gamitin ninyo

ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makakatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng araw na sumalakay ang masama, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo.

14 Kaya't maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; 15 isuot ninyo ang sapatos ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapaya-paan. 16 Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. 17 Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos. 18 Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, humiling at sumamo sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patu-loy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos. 19 Ipanalangin din ninyong ako'y pagka-looban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Ma-gandang Balitang ito. 20 Dahil sa Magandang Balitang ito, ako'y isinugo, at ngayo'y naka-bilanggo. Kaya't ipanalangin ninyong maipaha-yag ko ito nang buong tapang gaya ng nararap-at.

Mga Pangwakas na Bati

21 Si Tiquico, na mahal nating kapatid at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magbaba-lita sa inyo ng lahat ng bagay tungkol sa aking kalagayan at ginagawa. 22 Kaya't isinusugo ko siya sa inyo upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang palakasin ang inyong loob.

23 Nawa'y ipagkaloob ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo sa lahat ng mga kapa-tid ang kapayapaan at ang pag-ibig na kalakip ng pananampalataya. 24 Ang kagandahang-loob ng Diyos ay sumainyong lahat na umiibig nang walang maliw sa ating Panginoong Jesu-Cristo.

Mga Taga-Filipos 3-4

3

Ang Tunay na Pagiging Matuwid

1 Sa wakas, mga kapatid, magalak kayo sa

Panginoon. Hindi kaabalahan para sa akin na ulitin ang naisulat ko na, dahil ito naman ay para sa inyong kapakanan.

2 Mag-ingat kayo sa mga taong asal-aso, sa mga taong mahilig sa paggawa ng masama. Sila'y mga taong naghihiwa ng maselang ba-hagi ng kanilang katawan. 3 Tayo at hindi sila, ang tumanggap ng tunay na pagtutuli, tayong mga sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Ang ipinagmamalaki natin ay ang ating buhay kay Cristo Jesus at hindi tayo umaasa sa mga pisikal na bagay.

4 Ang totoo, ako'y may sapat na dahilan upang panghawakan ang mga pisikal na bagay. Kung iniisip ninuman na siya'y may katuwirang umasa sa ganitong mga bagay, lalo na ako. 5 Ako'y tinuli sa ikawalong araw mula nang ako'y isilang. Ako'y isang tunay na Israel-ita, buhat sa angkan ni Benjamin at totoong Hebreo. Kung pagsunod naman sa Kautusan ang pag-uusapan, ako'y isang Pariseo. 6 Kung sa pagiging masugid ko sa Kautusan, inusig ko ang iglesya. Kung sa pagiging matuwid naman ayon sa Kautusan, walang maisusumbat sa akin.

7 Ngunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na pinapahalagahan ko noon ay itinuring kong walang kabuluhan ngayon. 8 Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagka-kilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan at itinuring kong basura, makamtan ko lamang si Cristo 9 at lubos na makipag-isa sa kanya. Ang aking pagiging matuwid ay hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, kundi sa pananalig kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ngayo'y buhat sa Diyos, sa pama-magitan ng pananampalataya. 10 Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan, 11 umaasang ako man ay muling bubuhayin mula sa kamatayan.

Magpatuloy Tungo sa Hangganan

12 Hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay

na ito. Hindi rin sa ako'y ganap na; ngunit sinisikap kong makamtan ang gantimpala sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako'y tinawag ni Cristo Jesus. 13 Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang ginagawa ko: habang nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan, 14 nagpu-punyagi ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na nasa langit.

15 Ganyan ang dapat maging kaisipan nating mga matatag na sa pananampalataya. Kung hindi ganito ang inyong pag-iisip, ipapaunawa iyan sa inyo ng Diyos. 16 Ang mahalaga ay panghawakan natin ang ating nakamtan na.

17 Mga kapatid, magkaisa kayong tumulad sa halimbawang ipinakita ko sa inyo. Pag-ukulan din ninyo ng pansin ang lahat ng su-musunod sa aming halimbawa. 18 Sapagkat tulad ng madalas kong sinasabi sa inyo noon at ngayo'y luhaang inuulit ko, marami ang na-mumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Cristo. 19 Kapahamakan ang kahihinatnan nila sapagkat ang dinidiyos nila ay ang hilig ng kanilang katawan. Ikinararangal nila ang mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at wala silang iniisip kundi ang mga bagay na may kinalaman sa mundong ito. 20 Subalit sa ka-bilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Mula roo'y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Jesu-Cristo, ang ating Tagapagligtas. 21 Sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay, ang ating katawang may kahinaan ay babaguhin niya upang maging katulad ng kanyang katawang maluwalhati.

4

Ilang mga Tagubilin

1 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking kagalakan at karangalan, sa ganitong paraan ay magpakatatag kayo sa

inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon.

2 Nakikiusap ako kina Euodia at Sintique na sila'y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. 3 Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong katuwang, tulungan mo ang dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap ng Magan-dang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa ko. Ang mga pangalan nila'y nakasulat sa aklat ng buhay.

4 Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo! 5 Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang du-mating ang Panginoon. 6 Huwag kayong maba-lisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

8 Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi nin-yong isaisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. 9 Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutunan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.

Salamat sa Inyong Tulong

10 Labis akong nagagalak sa Panginoon sapagkat pagkaraan ng mahabang panahon, minsan pang ipinamalas ninyo ang inyong pag-mamalasakit sa akin. Alam kong hindi ninyo ako nalilimutan, wala nga lamang kayong pagkakataong ipamalas ito. 11 Hindi ko sinasa-bi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. 12 Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap. 13 Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.

14 Gayunman, ikinagagalak ko ang inyong pagdamay sa aking mga paghihirap. 15 Alam naman ninyo, mga taga-Filipos, na kayo lamang ang iglesyang tumulong sa aking mga pangangailangan nang umalis ako sa Macedo-nia noong ako'y nagsisimula pa lamang sa pangangaral ng Magandang Balita. 16 Noong ako'y nasa Tesalonica na, makailang ulit ding pinadalhan ninyo ako ng tulong. 17 Hindi sa hangad kong laging tumanggap ng mga kaloob, kundi ang nais ko ay makatanggap kayo ng masaganang gantimpala. 18 Ang liham na ito ang pagkilala sa lahat ng mga kaloob ninyo sa akin. Higit pa sa pangangailangan ko ang tulong ninyo sa akin na hatid ni Epafrodito. Ang mga ito ay tulad ng mabangong handog sa Diyos, mga alay na katanggap-tanggap at kalu-gud-lugod sa kanya. 19 At buhat sa hindi mau-ubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 20 Purihin ang ating Diyos at Ama magpakailanman! Amen.

Pangwakas na Pagbati

21 Paratingin ninyo sa lahat ng mga hinirang ng Diyos kay Cristo Jesus ang aking pagbati. Binabati kayo ng mga kapatid na kasama ko rito. 22 Binabati rin kayo ng lahat ng mga hini-rang ng Diyos, lalo na ng mga naririto sa pala-syo ng Emperador.

23 Nawa'y taglayin ng inyong espiritu ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesu-Cristo.

Mga Taga-Colosas 2-4

2

1 Nais kong malaman ninyong gayon na lamang ang pagsisikap ko para sa inyo, gayundin para sa mga taga-Laodicea at sa lahat ng hindi pa nakakakita sa akin nang per-sonal. 2 Ginagawa ko ito upang palakasin ang kanilang loob at upang mabuklod sila sa pag-ibig. Sa gayon, mararanasan nila ang ganap na pagpapala ng tunay na pagkaunawa at kaala-man tungkol sa hiwaga ng Diyos, na walang iba kundi si Cristo.f 3 Sa pamamagitan niya naha-hayag ang lahat ng nakatagong kayamanan ng

karunungan at kaalaman ng Diyos. 4 Sinasabi ko ito upang hindi kayo mailigaw

ninuman sa pamamagitan ng mga mapang-akit na pananalita. 5 Kahit na wala ako riyan, kasa-ma naman ninyo ako sa espiritu. At ako'y naga-galak sa inyong maayos na pamumuhay at matibay na pananalig kay Cristo.

Ang Ganap na Pamumuhay kay Cristo

6 Yamang tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo na may pakikipag-isa sa kanya. 7 Magpakatatag kayo at isalig ninyo sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos.

8 Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang ka-buluhang karunungan at pandaraya na ayon sa mga tradisyon ng mga tao at mga alituntunin ng mundong ito, at ang mga ito ay hindi ayon kay Cristo. 9 Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo sa kanyang pagiging tao. 10 Kaya't nalubos ang inyong buhay sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa kanya, na siyang nakakasakop sa lahat ng kapangyarihan at pamamahala.

11 Dahil sa pakikipag-isa kay Cristo, kayo'y tinuli hindi sa laman kundi sa pagwawaksi ng masamang hilig ng laman. Ito ang pagtutuling mula kay Cristo. 12 Sa pamamagitan ng bautis-mo, nailibing kayong kasama ni Cristo at muli rin kayong nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya. 13 Kayong dating patay dahil sa kasalanan, kayong mga Hentil na hindi saklaw ng pagtutuli ayon sa Kautusan ay binuhay ng Diyos na kasama ni Cristo. Pinatawad niya ang ating mga kasalanan at 14 pinawalang-bisa ang lahat ng naisulat na alituntunin laban sa atin, pati ang mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus. 15 Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito'y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katuna-yan ng kanyang pagtatagumpay.

16 Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga. 17 Ang mga ito'y anyo lamang ng mga bagay na darat-ing, ngunit si Cristo ang katuparan ng lahat ng ito. 18 Huwag kayong magpapatangay sa mga nagpapakita ng maling pagpapakumbaba at sumasamba sa mga anghel. Ipinagmamalaki nilang sila'y nakakahigit sa inyo dahil sa kanil-ang mga pangitain. Ngunit ang totoo, nagyaya-bang lamang sila dala ng kanilang isipang ma-kalaman. 19 Hindi sila nagpapasakop kay Cris-to na siyang ulo at may kapangyarihan sa buong katawan. Nakaugnay sa kanya ang mga bahagi nito sa pamamagitan ng mga kasukasu-an at mga litid. Siya ang nangangalaga at nagpapaunlad sa buong katawan ayon sa pag-unlad na ninanais ng Diyos.

Ang Bagong Buhay kay Cristo

20 Namatay na kayo na kasama ni Cristo at hindi na sakop ng mga alituntunin ng mundong ito. Bakit pa kayo sumusunod sa mga ali-tuntuning tulad ng 21 “Huwag hahawak nito,” “Huwag titikim niyan,” “Huwag gagalawin iyon”? 22 Ang mga ito'y utos at katuruan lamang ng tao, at nauukol sa mga bagay na nauubos ka-pag ginagamit. 23 Sa kaanyuan, para ngang ayon sa karunungan ang ganoong uri ng pag-samba, pagpapakumbaba at pagpapahirap sa sariling katawan. Ngunit ang mga ito ay walang silbi sa pagpigil sa hilig ng laman.

3

1 Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. 2 Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa, 3 sapagkat nama-tay na kayo at ang inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo. 4 Si Cristo ang inyong buhay, at kapag siya'y nahayag na, mahahayag din kayong kasama niya at maka-kahati sa kanyang kaluwalhatian.

Ang Dati at Bagong Buhay

5 Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. 6 Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw pasakop sa kanya].g 7 Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pagnanasang iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito.

8 Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. 9 Huwag kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. 10 Isin-uot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala. 11 Kaya't sa kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli at ang di-tuli, ang dayuhan at ang hindi sibilisado, ang alipin at ang malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa inyong lahat.

12 Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.h 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. 15 Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasala-mat kayong lagi. 16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa

pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Ang Pagsasamahang Nararapat

18 Mga babae, pasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang naaangkop sa mga nakipag-isa sa Panginoon.

19 Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila.

20 Mga anak, sundin ninyong lagi ang in-yong mga magulang, sapagkat iyan ang na-kalulugod sa Panginoon.

21 Mga magulang, huwag ninyong paga-galitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng loob.

22 Mga alipin, sa lahat ng bagay ay sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa. May nakakakita man o wala, maglingkod kayo hindi upang kalugdan lamang ng mga tao, kundi dahil sa kayo'y tapat at may takot sa Panginoon. 23 Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. 24 Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantim-palang inilaan niya para sa inyo. 25 Ang mga gumagawa ng masama ay pagbabayarin sa kasamaang kanilang ginawa, sapagkat ang Diyos ay walang kinikilingan.

4

1 Mga amo, maging mabuti kayo at makata-rungan sa mga naglilingkod sa inyo. Alalahanin ninyong kayo man ay may Panginoon sa langit.

Mga Tagubilin

2 Maging matiyaga kayo sa pananalangin,

laging handa at nagpapasalamat sa Diyos. 3 Idalangin ninyo sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo, ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon. 4 Ipana-langin din ninyong maipahayag ko ito nang buong linaw, gaya ng nararapat.

5 Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon. 6 Si-kapin ninyong laging maging kaaya-aya at ka-paki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao.

Pangwakas na Pagbati

7 Si Tiquico ang magbabalita sa inyo tungkol

sa kalagayan ko rito. Siya ay minamahal nam-ing kapatid, tapat na lingkod at kamanggagawa sa Panginoon. 8 Pinapunta ko siya riyan para malaman ninyo ang aming kalagayan, nang sa gayon ay lumakas ang inyong loob. 9 Kasa-ma niya ang tapat at minamahal nating kapatid na si Onesimo, na kasamahan ninyo. Sila ang magbabalita sa inyo ng lahat ng nangyari dito.

10 Kinukumusta kayo ni Aristarco, na bilanggo ring kasama ko, at ni Marcos na pin-san ni Bernabe. Tungkol naman kay Marcos, mayroon nang bilin sa inyo na malugod ninyo siyang tanggapin pagdating niya riyan. 11 Kinukumusta rin kayo ni Jesus na kilala rin sa pangalang Justo. Silang tatlo lamang ang mga mananampalatayang Judio na kasama ko rito sa pangangaral tungkol sa kaharian ng Diyos, at sila'y malaking tulong sa akin.

12 Kinukumusta rin kayo ng kasamahan ninyong si Epafras, na lingkod ni Cristo Jesus. Lagi niyang idinadalangin nang buong taimtim na kayo'y maging matatag, ganap, at lubos na panatag sa kalooban ng Diyos. 13 Saksi ako sa pagsisikap niya para sa inyo at sa mga nasa Laodicea at Hierapolis. 14 Nangungumusta rin sa inyo si Demas at ang minamahal nating manggagamot na si Lucas.

15 Ikumusta ninyo ako sa mga kapatid sa Laodicea, gayundin kay Nimfa at sa iglesyang nagtitipon sa kanyang bahay. 16 Pagkabasa ninyo ng sulat na ito, ipabasa rin ninyo ito sa iglesya sa Laodicea. Basahin din ninyo ang sulat kong manggagaling doon. 17 At pakisabi ninyo kay Arquipo na tapusin ang gawaing tinanggap niya sa Panginoon.

18 Ako mismong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito. Huwag ninyong kalimutan na ako'y nakabilanggo.

Sumainyo nawa ang kagandahang-loob ng Diyos.

Santiago 2-4

1

1 Mula kay Santiago, lingkoda ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo:

Ipinapaabot ko ang aking pagbati sa lahat ng mga hinirang ng Diyosb na nakikipamayan sa iba't ibang bansa.

Pananampalataya at Karunungan 2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y

dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.

5 Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay ku-lang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbib-igay nang sagana at hindi nanunumbat. 6 Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. 7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong 8 pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.

Ang Mahirap at ang Mayaman

9 Dapat magalak ang mahirap na kapatid kapag siya'y itinataas ng Diyos, 10 at gayundin naman ang mayamang kapatid kapag siya'y ibinababâ, sapagkat ang mayaman ay lilipas na gaya ng bulaklak ng damo. 11 Ang damo ay nalalanta sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang kanyang mga bulaklak at kumukupas ang kanyang kagandahan. Gayundin naman, ang mayaman ay mamamatay sa gitna ng kanyang mga kaabalahan.

Ang Pagsubok at ang Pagtukso 12 Pinagpala ang taong nananatiling tapat sa

kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos niyang malampasan ang pagsubok, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng

Panginoonc sa mga umiibig sa kanya. 13 Hu-wag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit sino. 14 Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling pagnanasa. 15 At ang pagnanasa kapag naitanim sa puso ay nagbubunga ng kasalanan; at ang kasa-lanan, sa hustong gulang ay nagbubunga ng kamatayan.

16 Huwag kayong padaya, mga kapatid kong minamahal. 17 Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagdudulot ng bahagya mang dilim dahil sa pagbabago. 18 Niloob ni-yang tayo'y maging anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging pangunahin higit kaysa lahat ng kanyang mga nilalang.

Pakikinig at Pagsasagawa

19 Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, main-gat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit. 20 Dahil ang galit ng tao ay hindi nakakatulong upang magawa kung ano ang ayon sa kaloo-ban ng Diyos. 21 Kaya't talikuran na ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasa-mang asal. Mapagpakumbabang tanggapin ninyo ang salitang itinanim sa inyong puso. Ito ay may kakayahang magligtas sa inyo.

22 Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili. 23 Sapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad ng isang taong tumitingin sa salamin, 24 at pagkatapos makita ang sarili ay umaalis at kinakalimutan ang kanyang anyo. 25 Ang taong nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagsunod sa Kautusang ganap na nagpapalaya sa tao ang pagpapalain ng Diyos sa lahat ng kanyang gawain. Siya ang taong gumagawa at hindi siya katulad ng nakikinig lamang at pagkatapos ay nakakalimot.

26 Kung inaakala ninuman na siya'y relihiyo-

so, ngunit hindi naman siya marunong magpigil ng dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili. Walang kabuluhan ang kanyang pagiging relihiyoso. 27 Ang relihiyon na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ito: pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.

2 Babala Laban sa Pagtatangi

1 Mga kapatid ko, bilang mga mananam-palataya kay Jesu-Cristo na ating maluwalhat-ing Panginoon, dapat maging pantay-pantay ang tingin ninyo sa lahat ng tao. 2 Kung may pumasok sa inyong kapulungan na isang la-laking may mga singsing na ginto at nakadamit nang magara, at dumating din doon ang isang dukha na gusgusin ang damit, 3 at inasikaso ninyong mabuti ang nakadamit nang magara at sinabi sa kanya, “Dito kayo maupo,” at sinabi naman ninyo sa mahirap, “Tumayo ka na lang diyan,” o kaya'y, “Sa sahig ka na lang umupo,” 4 nagtatangi na kayo at humahatol nang mali.

5 Mga kapatid kong minamahal, makinig kayong mabuti! Hindi ba't pinili ng Diyos ang mahihirap sa mundong ito upang maging maya-man sa pananampalataya at maging kasama sa kahariang ipinangako niya sa mga umiibig sa kanya? 6 Ngunit hinahamak ninyo ang mahihirap. Hindi ba't ang mayayaman ang umaapi sa inyo at sila ang kumakaladkad sa inyo sa hukuman? 7 Hindi ba't sila rin ang luma-lait sa marangal na pangalang ibinigay sa inyo ng Diyos?

8 Mabuti ang inyong ginagawa kung tinutupad ninyo ang utos ng Diyos na ating hari, ayon sa Kasulatan, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 9 Ngunit kung nagtatangi kayo ng tao, kayo'y nagka-kasala, at batay sa Kautusan, dapat kayong parusahan. 10 Ang lumalabag sa isang utos, kahit tumutupad sa iba pa, ay lumalabag sa buong Kautusan, 11 sapagkat ang Diyos na nagsabing, “Huwag kang mangangalunya,” ay siya ring nagsabing, “Huwag kang papatay.” Kung hindi ka man nangangalunya, ngunit pu-

mapatay ka naman, nilalabag mo pa rin ang Kautusan. 12 Kaya't mag-ingat kayo sa inyong pagkilos at pananalita, sapagkat hahatulan kayo ayon sa kautusang nagpapalaya sa inyo. 13 Walang awang hahatulan ang di-marunong maawa; ngunit mangingibabaw ang awa sa paghatol.

Pananampalataya at mga Gawa

14 Mga kapatid, ano ang pakinabang kung sabihin ng isang tao na siya'y may pananam-palataya, ngunit hindi naman niya ito pina-patunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng ga-noong uri ng pananampalataya? 15 Halimbawa, may isang kapatid na walang maisuot at walang makain. 16 Kung sasabihin ninyo sa kanya, “Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka't magpakabusog,” ngunit hindi naman ninyo siya binibigyan ng kanyang kailangan, ano ang silbi niyon? 17 Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.

18 Ngunit may nagsasabi, “May pananam-palataya ka at may gawa naman ako.” Ipakita mo sa akin kung paano maaaring magkaroon ng pananampalataya nang walang mga gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa. 19 Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, di ba? Mabuti naman! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa. 20 Isa kang hangal! Nais mo pa bang patunayan ko sa iyo na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kasamang gawa? 21 Hindi ba't ang ating amang si Abra-ham ay itinuring ng Diyos na matuwid dahil sa kanyang mga gawa, nang ihandog niya sa dam-bana ang anak niyang si Isaac? 22 Dito ay makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at mga gawa, at naging ga-nap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa. 23 Natupad ang sinasabi ng kasulatan, “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya'y itinuring ng Diyos bilang matuwid,” at tinawag siyang “kaibigan ng Diyos.” 24 Diyan ninyo makikita na itinuturing na matuwid ang isang tao dahil sa kanyang mga gawa at hindi dahil sa pananampalataya lamang.

25 Gayundin si Rahab, ang babaing nagbe-benta ng aliw; pinatuloy niya ang mga espiya ng Israel at itinuro pa sa kanila ang ibang daan upang sila'y makatakas. Dahil sa ginawa niyang iyon, siya'y itinuring na matuwid.

26 Patay ang katawang walang espiritu; gayundin naman, patay ang pananampalata-yang walang kasamang gawa.

3 Ang Dila

1 Mga kapatid, huwag maghangad na mag-ing guro ang marami sa inyo, dahil alam ninyo na tayong mga nagtuturo ay hahatulan nang mas mahigpit kaysa iba. 2 Tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Ang sinu-mang hindi nagkakamali sa kanyang pananalita ay isang taong ganap at marunong magpigil sa sarili.

3 Kapag nilagyan ng renda ang bibig ng kabayo, ito'y napapasunod natin at napapa-baling saanman natin naisin. 4 Gayundin ang barko. Kahit na ito'y napakalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, naibabaling ito saanman naisin ng piloto sa pamamagitan ng napakaliit na timon. 5 Ganyan din ang dila ng tao; maliit na bahagi lamang ng katawan, ngunit napaka-laki ng mga ipinagyayabang.

Isipin na lamang ninyo kung paano napapala-gablab ng isang maliit na apoy ang isang mala-wak na kagubatan. 6 Ang dila ay parang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao. 7 Lahat ng uri ng ibon at hayop na lumalakad, o gumagapang, o nakatira sa tubig ay kayang paamuin, at napaamo na ng tao, 8 ngunit wala pang nakakapagpaamo sa dila. Ito ay kasamaang hindi mapigil, at puno ng kamandag na nakamamatay. 9 Ito ang gi-nagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa pan-lalait sa taong nilalang na kalarawan ng Diyos. 10 Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga ka-patid. 11 Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat. 12 Mga kapatid, hind-

ing-hindi makakapamunga ng olibo ang puno ng igos, o ng igos ang puno ng ubas, at lalong hindi rin bumubukal ang tubig-tabang sa bukal ng tubig-alat.

Ang Karunungang Mula sa Diyos 13 Sino sa inyo ang marunong at nakakauna-

wa? Ipakita niya ito sa pamamagitan ng wastong pamumuhay na bunga ng kapakumba-baan at karunungan. 14 Ngunit kung ang naghahari sa inyong puso ay inggit at makasa-riling hangarin, huwag ninyo iyang ipagmalaki at huwag ninyong ikaila ang katotohanan. 15 Ang ganyang karunungan ay hindi galing sa langit, kundi makalupa, makalaman at mula sa demonyo. 16 Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masa-mang gawa.

17 Ngunit ang karunungang mula sa langit, una sa lahat, ay malinis, mapayapa, maamo, mapagbigay, punô ng awa, masaganang na-mumunga ng mabubuting gawa, hindi nag-tatangi at hindi nagkukunwari. 18 Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinata-nim ng taong maibigin sa kapayapaan.

4 Kaaway ng Diyos ang Kaibigan ng Sanlibu-tan

1 Saan nanggagaling ang inyong mga alitan at pag-aaway? Hindi ba't nagmumula iyan sa mga pagnanasang naglalaban-laban sa inyong kalooban? 2 Mayroon kayong ninanasa ngunit hindi ninyo makamtan, kaya't pumapatay kayo, mapasainyo lamang iyon. May mga bagay na gustung-gusto ninyo ngunit hindi ninyo maang-kin, kaya kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban. Hindi ninyo nakakamtan ang inyong nina-nais dahil hindi kayo humihingi sa Diyos. 3 At humingi man kayo, wala rin kayong nata-tanggap dahil hindi tama ang inyong layunin. Humihingi kayo upang mapagbigyan ang inyong kalayawan. 4 Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinu-mang nagnanais na maging kaibigan ng san-libutan ay nagiging kaaway ng Diyos. 5 Huwag

ninyong akalaing walang kabuluhan ang sinasa-bi sa kasulatan, “Ang espiritung inilagay ng Diyos sa atin ay punô ng matitinding pagnanasa.”d 6 Ngunit ang Diyos ay nagbibigay ng higit pang pagpapala. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “Ang Diyos ay laban sa mga mapag-mataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.”

7 Kaya nga, pasakop kayo sa Diyos. La-banan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo. 8 Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo. Hugasan ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-bago ang isip. 9 Maghinagpis kayo, umiyak at tumangis! Palitan ninyo ng pagluha ang inyong tawanan, at ng kalungkutan ang inyong kagalakan! 10 Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.

Huwag Humatol sa Kapwa 11 Mga kapatid, huwag kayong magsiraan sa

isa't isa. Ang naninira o humahatol sa kanyang kapatid ay naninira at humahatol sa Kautusan. At kung hinahatulan mo ang Kautusan, hindi ka na tagasunod ng Kautusan kundi isang hukom nito. 12 Ang Diyos lamang ang nagbigay ng Kautusan at siya rin ang hukom. Tanging siya ang may kapangyarihang magligtas at magparusa. Ngunit ikaw, sino ka upang humatol sa iyong kapwa?

Huwag Magmalaki 13 Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi,

“Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami at kikita nang mala-ki.” 14 Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo'y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala. 15 Sa halip ay sabihin ninyo, “Kung loloobin ng Panginoon, mabubuhay pa kami at gagawin namin ito o iyon.” 16 Ngunit kayo'y nagmamalaki at nagyay-abang, at iyan ay masama!

17 Ang nakakaalam ng mabuti na dapat ni-yang gawin ngunit hindi ito ginagawa ay nagka-kasala.

5

Babala sa mga Mapang-aping Mayayaman

1 Pakinggan ninyo ito, kayong mayayaman! Tumangis kayo at humagulgol dahil sa mga kapighatiang darating sa inyo. 2 Bulok na ang inyong mga kayamanan at kinain na ng mapa-nirang insekto ang inyong mga damit. 3 Kina-kalawang na ang inyong ginto at pilak, at ang kalawang ding iyon ang magiging katibayan laban sa inyo at parang apoy na tutupok sa inyong laman. Iyan ang kayamanang inimpok ninyo para sa mga huling araw. 4 Sumisigaw ang mga manggagawa sa inyong mga bukirin dahil hindi ninyo ibinibigay ang kanilang mga sahod. Umabot na sa pandinig ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat ang mga hinaing ng mga mang-aani na inyong inapi! 5 Nagpasasa kayo sa kalayawan at karangyaan dito sa lupa. Nagpataba kayong parang mga hayop na ka-katayin. 6 Hinatulan ninyo at ipinapatay ang taong matuwid na hindi lumalaban sa inyo.

Pagtitiyaga at Pananalangin 7 Kaya nga, mga kapatid, magtiyaga kayo

hanggang sa pagdating ng Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang mahalagang ani ng kanyang bukirin, at inaabangan ang pagdating ng tag-ulan. 8 Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob sapagkat nala-lapit na ang pagdating ng Panginoon.

9 Mga kapatid, huwag kayong magreklamo sa isa't isa upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom. 10 Mga kapatid, tularan ninyo ang mga prope-tang nagsalita sa pangalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan. 11 Sinasabi nating pinagpala ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang huli. Talagang napa-kabuti at tunay na mahabagin ang Panginoon.

12 Ngunit higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa. Huwag ninyong sabihing, “Saksi ko ang langit, o ang lupa, o ang ano pa man.” Sapat nang sabihin ninyo, “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos.

13 May paghihirap ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. Nagagalak ba ang sinuman?

Umawit siya ng papuri sa Diyos. 14 May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang ipana-langin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. 15 Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananam-palataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y nagkasala, pata-tawarin siya sa kanyang mga kasalanan. 16 Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga ka-patid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. 17 Si Elias ay isang tao na tulad din natin; nang mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, hindi nga umulan sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. 18 At nang siya'y nanalangin para umulan, bumagsak nga ang ulan at namunga ang mga halaman.

19 Mga kapatid, kung may kapatid kayong nalilihis ng landas at may isa namang umakay sa kanya upang magsisi, 20 ito ang tandaan ninyo: sinumang makapagpabalik sa isang makasalanan mula sa kanyang maling pa-mumuhay ay nagliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at nagpapawi ng maraming kasa-lanan.

1 Pedro 1-5

1 1 Mula kay Pedro, isang apostol ni Jesu-

Cristo— Sa mga hinirang ng Diyos na nakikipamayan

sa mga lalawigan ng Ponto, Galacia, Capado-cia, Asia, at Bitinia. 2 Kayo'y pinili ng Diyos Ama ayon sa kanyang layunin sa mula't mula pa at pinabanal ng Espiritu Santo, upang mag-ing masunurin kay Jesu-Cristo at nilinis sa pamamagitan ng kanyang dugo.

Sumagana nawa sa inyo ang kagandahang-loob at kapayapaan.

Isang Buháy na Pag-asa

3 Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng

muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nag-bigay sa atin ng isang buháy na pag-asa 4 na magmamana tayo ng kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng Diyos sa langit para sa inyo. 5 Sa pama-magitan ng inyong pananampalataya, ini-ingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos ha-bang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakahan-dang ihayag sa katapusan ng panahon.

6 Ito'y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng iba't ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. 7 Ang ginto, bagama't nasisira, ay pinapadaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong pananam-palataya, na higit na mahalaga kaysa ginto, ay sinusubok upang malaman kung ito'y talagang tapat. Sa gayon kayo'y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo. 8 Hindi ninyo siya nakita ngunit siya'y inibig ninyo. Hindi pa rin ninyo siya nakikita hanggang ngayon, ngunit sumasampalataya kayo sa kanya. Dahil dito'y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilara-wan sa salita, 9 sapagkat tinatanggap na ninyo ang bunga ng inyonga pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong buhay.

10 Tungkol sa kaligtasang ito masusing nag-siyasat at nagsuri ang mga propetang nagpahayag tungkol sa pagpapalang nakalaan sa inyo. 11 Sinuri nila kung kailan at paano ito mangyayari. Ang panahong ito ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila nang unang ipahayag nito ang hirap na titiisin ni Cristo at ang karangalang tatamuhin niya. 12 Nang ka-nilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng Diyos na ang gina-gawa nila ay para sa inyo, at hindi para sa ka-nila. Ang mga katotohanang ito'y narinig ninyo ngayon sa mga nangangaral ng Magandang Balita sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na isinugo mula sa langit. Maging ang mga anghel sa langit ay nanabik na maunawaan ang mga katotohanang ito.

Paanyaya sa Banal na Pamumuhay

13 Kaya nga, ihanda ninyo ang inyong mga isipan para sa dapat ninyong gawin. Maging

mahinahon kayo at lubos na umasa sa pagpapalang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo. 14 Bilang masunuring mga anak, huwag kayong umayon sa masasamang pagnanasa tulad ng ginagawa ninyo noong kayo'y wala pang tunay na pagkaunawa. 15 Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, 16 sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal.”

17 Walang kinikilingan ang Diyos. Hinahatu-lan niya ang mga tao ayon sa mga ginawa nila. At dahil tinatawag ninyo siyang Ama, mamuhay kayong may takot sa kanya habang kayo'y nasa mundong ito. 18 Alam ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Tinubos kayo hindi sa pamamagitan ng mga bagay na nasisira, tulad ng ginto o pilak, 19 kundi sa pamamagitan ng ma-halagang dugo ni Cristo. Siya'y tulad ng kor-derong walang dungis at kapintasan. 20 Itinal-aga siya ng Diyos bago pa nilikha ang daigdig, at alang-alang sa inyo ay ipinahayag sa mga huling araw na ito. 21 Dahil kay Cristo, sumasampalataya kayo sa Diyos na sa kanya'y muling bumuhay at nagparangal, kaya't ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa Diyos.

22 Ngayon nalinis na ninyo ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pagmamahal sa mga kapatid. Kaya, maalab at taos-puso kayong magmahalan. 23 Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pama-magitan ng binhing nasisira, kundi sa pama-magitan ng buháy at walang kamatayang salita ng Diyos. 24 Ayon sa kasulatan,

“Ang lahat ng tao ay tulad ng damo, gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan. Ang damo ay nalalanta, at ang bulaklak ay kumukupas, 25 ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman.”

Ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.

2

Ang Batong Buháy at ang Bayang Pinili

1 Kaya nga, talikuran na ninyo ang lahat ng kasamaan, ang lahat ng pandaraya, pagkukun-wari, pagkainggit at paninirang-puri. 2 Gaya ng sanggol, kayo'y manabik sa dalisay na gatas na espirituwal upang lumago kayo tungo sa kalig-tasan, 3 sapagkat “Naranasan na ninyo ang kabutihan ng Panginoon.”

4 Lumapit kayo sa kanya, sa batong buháy na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos at mahalaga sa kanyang paningin. 5 Tulad ng mga batong buháy, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalu-gud-lugod sa kanya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, 6 sapagkat sinasabi ng kasulatan,

“Tingnan ninyo, inilalagay ko sa Zion ang isang batong-

panulukan, pinili at mahalaga; hindi mapapahiya ang sinumang sumasam-

palataya sa kanya.” 7 Kaya nga, mahalaga siya sa inyong mga

sumasampalataya sa kanya, ngunit sa mga hindi sumasampalataya, natutupad ang mga ito:

“Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay

ang siyang naging batong-pundasyon.” 8 At “Ito ang batong katitisuran ng mga tao, batong ikadadapa nila.” Natisod sila sapagkat hindi sila sumunod sa

salita ng Diyos; ganoon ang nakatakda para sa kanila.

9 Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, ba-yang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpaha-yag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwa-nagan. 10 Kayo'y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niya. Noon ay hindi kayo nakatanggap ng habag, ngunit ngayo'y tumanggap na kayo ng kanyang habag.

Maging mga Alipin ng Diyos

11 Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo,

bilang mga dayuhan at pansamantalang nanini-rahan lamang sa daigdig na ito, talikuran na ninyo ang mga pagnanasa ng laman na nakiki-digma sa inyong mga sarili. 12 Mamuhay kayo nang maayos sa gitna ng mga Hentil upang kahit na paratangan nila kayo ng masama, makikita nila ang inyong mabubuting gawa at magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng kanyang pagdating.

13 Alang-alang sa Panginoon, pasakop kayo sa lahat ng may kapangyarihan sa bayan, sa Emperador, na siyang pinakamataas na ka-pangyarihan, 14 at sa mga gobernador, na isinugo niya upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti. 15 Nais ng Diyos na sa pamamagitan ng inyong wastong pamumuhay ay mapatigil ninyo ang mga hangal sa kanilang kamangmangan. 16 Mamuhay kayong tulad ng mga taong malaya, subalit huwag ninyong gaw-ing dahilan sa paggawa ng masama ang inyong kalayaan. Sa halip, mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos. 17 Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos. Iga-lang ninyo ang Emperador.

Tularan ang Pagtitiis ni Cristo

18 Mga alipin, magpasakop kayo sa inyong

mga amo at igalang ninyo sila, hindi lamang ang mababait at mapagbigay kundi pati ang malulupit. 19 Sapagkat kapuri-puri ang nagtitiis ng parusa kahit walang kasalanan, bilang pag-sang-ayon sa kalooban ng Diyos. 20 Maipag-mamalaki ba ang magtiis ng parusa kung ito ay dahil sa paggawa ng masama? Hindi! Ngunit kung magtiis kayo ng hirap sa kabila ng pagga-wa ninyo ng mabuti, pagpapalain kayo ng Diyos. 21 Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, nag-iwan siya sa inyo ng isang halimbawa na dapat ninyong lubos na tularan. 22 Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling kailan-

man. 23 Nang siya'y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol. 24 Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos. Sa pama-magitan ng kanyang mga sugat, kayo'y pinagal-ing. 25 Sapagkat kayo ay tulad ng mga tupang naligaw, ngunit ngayon kayo'y nanumbalik na upang sumunod sa Pastol at Tagapangalaga ng inyong mga kaluluwa.

3 Katuruan para sa mga Mag-asawa

1 Kayo namang mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. Sa gayon, kung may-roon sa kanila na hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos, mahihikayat din silang sumam-palataya dahil sa inyong magandang asal. Kahit hindi na kayo magpaliwanag pa sa kanila, 2 sapat nang makita nila ang inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay. 3 Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas lamang tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. 4 Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos. 5 Iyan ang pagpapagandang ginawa noong unang panahon ng mga babaing banal na umasa sa Diyos. At sila'y nagpasakop sa kanil-ang mga asawa. 6 Tulad ni Sara, sinunod niya at tinawag na panginoon ang asawa niyang si Abraham. Kayo rin ay mapapabilang sa kanyang mga anak kung matuwid ang inyong mga gawa, at kung wala kayong anumang kinatatakutan.

7 Kayo namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina. At sila'y kasama ninyong tatanggap ng buhay na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito upang walang maging sagabal sa inyong mga panalangin.

Paghihirap Dahil sa Paggawa ng Matuwid

8 Sa madaling salita, magkaisa kayo at mag-damayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba. 9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang su-musumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos. 10 Ayon sa nasusulat,

“Ang mga nagnanais ng payapa at sa-ganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasa-maan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat mamuta-wi. 11 Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa. 12 Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, ang kanilang panalangin ay kanyang pina-kikinggan, ngunit ang masasama ay kanyang si-nasalungat.”

13 At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung masigasig kayo sa paggawa ng mabuti? 14 At sakali mang usigin kayo dahil sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, pinagpala kayo! Huwag kayong matakot sa kanila at hu-wag kayong mabagabag. 15 Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinu-mang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo. 16 Ngunit gawin ninyo ito nang mahinahon at may paggalang. Pan-atilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang pag-uugali bilang mga ling-kod ni Cristo. 17 Higit na mainam ang kayo'y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang ito'y ipahintulot ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. 18 Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatayb nang minsan para sa inyo na mga makasalanan, upang iharap kayoc sa Diyos. Siya'y pinatay sa laman, at muling binuhay sa espiritu. 19 Sa kalagayang ito, nagpunta siya at

nangaral sa mga espiritung nakabilanggo. 20 Sila ang mga espiritung ayaw sumunod noong matiyagang naghihintay ang Diyos nang panahon ni Noe, habang ginagawa nito ang daong. Doon ay iilang tao, walo lamang, ang nakaligtas sa tubig. 21 Ang tubig ay larawan ng bautismong nagliligtas sa inyo ngayon. Hindi nito nililinis ang dumi ng katawan; ito'y pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inili-ligtas kayo ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo, 22 na umakyat sa langit at ngayo'y nasa kanan ng Diyos. Naghahari siya roon sa mga anghel at sa mga kapangyarihan sa langit.

4 Ang Panibagong Buhay

1 Yamang si Cristo'y nagtiis ng hirap noong siya'y nasa buhay na ito, kayo man ay dapat maging handang magtiis, sapagkat ang nagtiis na ng hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa kasalanan. 2 Kaya nga mula ngayon ay mamu-hay na tayong sumusunod sa kalooban ng Diyos, at hindi sa pagnanasa ng laman. 3 Sapat na ang panahong inaksaya ninyo sa paggawa ng mga bagay na kinahuhumalingan ng mga Hentil: kahalayan, mga pagnanasa ng laman, paglalasing, walang habas na pag-sasaya, pag-iinuman, at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan. 4 Nagtataka nga sila kung bakit hindi na kayo sumasama ngayon sa kanilang magulong pamumuhay kaya kayo'y kinukutya nila, 5 ngunit mananagot sila sa Diyos na handang humatol sa mga buháy at sa mga patay. 6 Ipinangaral din ang Magandang Balita sa mga patay upang baga-ma't sila'y nahusgahan ayon sa laman gaya ng lahat ng nasa laman, mabubuhay sila sa espir-itu sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.

Ang Mabuting Pangangasiwa sa mga Kaloob ng Diyos

7 Malapit na ang wakas ng lahat ng bagay, kaya't maging mapagtimpi kayo at panatilihing malinaw ang inyong pag-iisip upang kayo'y makapanalangin. 8 Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay

pumapawi ng maraming kasalanan. 9 Buksan ninyo para sa isa't isa ang inyong mga tahanan at gawin ninyo ito nang hindi mabigat sa loob. 10 Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakina-bangan ng lahat ang kakayahang tinanggap ng bawat isa sa inyo. 11 Ang nangangaral ay dapat salita ng Diyos ang ipangaral. Ang naglilingkod ay dapat maglingkod gamit ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang sa lahat ng bagay siya'y papurihan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa kanya ang kapangyarihan at karangalan magpakailanman! Amen.

Ang Pagtitiis ng Cristiano

12 Mga minamahal, huwag na kayong mag-taka sa mabibigat na pagsubok na inyong di-naranas na para bang ito'y di pangkaraniwan. 13 Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikiba-hagi sa mga paghihirap ni Cristo upang maging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag na ang kanyang kaluwalhatian. 14 Pinagpala kayo kung kayo'y kinukutya dahil kay Cristo, sapagkat sumasainyo ang Espiritu ng kalu-walhatian, ang Espiritu ng Diyos. 15 Huwag nawang mangyaring magdusa ang sinuman sa inyo dahil siya'y mamamatay-tao, mag-nanakaw, salarin o pakialamero. 16 Ngunit kung kayo'y magdusa dahil sa pagiging Cris-tiano, huwag ninyong ikahiya ito; sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos sapagkat taglay ninyo ang pangalan ni Cristo.

17 Dumating na ang panahon ng paghuhu-kom, at ito'y magsisimula sa sambahayan ng Diyos. At kung sa atin ito magsisimula, ano kaya ang magiging wakas ng mga hindi su-musunod sa Magandang Balita ng Diyos? 18 Tulad ng sinasabi ng kasulatan,

“Kung ang taong matuwid ay napakahirap maligtas,

ano kaya ang kahihinatnan ng mga makasa-lanan at hindi kumikilala sa Diyos?”

19 Kaya nga, ang mga nagdurusa ayon sa kalooban ng Diyos ay dapat magtiwala sa Lu-mikha, at magpatuloy sa paggawa ng mabuti. Ang Diyos ay laging tapat sa kanyang pan-gako.

5 Pangangalaga at Pagiging Handa

1 Sa matatandang namumuno sa inyo,

nananawagan ako bilang isa ring matandang pinuno ng iglesya na tulad ninyo, bilang saksi sa mga paghihirap ni Cristo at sapagkat maka-kabahagi ako sa karangalang malapit nang ipahayag. 2 Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Gawin ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. [Iyan ang nais ng Diyos].d Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapa-glingkod, 3 hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa kayo sa kawan. 4 At pagparito ng Pinunong Pastol ay tatanggap kayo ng maluwalhating koronang di kukupas kailanman.

5 At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At kayong lahat ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas, ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.” 6 Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon. 7 Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

8 Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa. 9 Labanan ninyo siya at magpakata-tag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng mga kahirapan, kundi gayundin ang inyong mga kapatid sa buong daigdig. 10 Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng mai-kling panahon, ang Diyos, na siyang pinangga-galingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di ma-titinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hang-gang kaluwalhatian, kasama ni Cristo. 11 Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen.

Pangwakas na Tagubilin

12 Sinulatan ko kayo sa tulong ni Silas,e na isa nating kapatid at lubos kong pinagkakatiwa-laan. Sa pamamagitan ng maikling sulat na ito ay nais kong palakasin ang inyong loob at magpatotoo na ito nga ang kagandahang-loob ng Diyos. Manatili kayo sa pagpapalang ito.

13 Kinukumusta kayo ng mga kapatid na nasa Babilonia, mga pinili ring katulad ninyo; kinukumusta rin kayo ni Marcos, na aking anak sa pananampalataya. 14 Magbatian kayo bilang magkakapatid na nagmamahalan.

Ang kapayapaan ay sumainyong lahat na mga nakipag-isa kay Cristo.

2 Pedro 1-3

1

1 Mula kay Simon Pedro, isang lingkoda at apostol ni Jesu-Cristo—

Para sa inyong lahat na tulad nami'y tu-manggap ng napakahalagang pananampalata-yang mula sa ating makatarungang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.

2 Sumagana nawa sa inyo ang kaganda-hang-loob at kapayapaan ng Diyos sa pama-magitan ng inyong pagkakilala sa kanya at sa ating Panginoong Jesus.

Tagubilin sa mga Tinawag at Pinili ng Diyos 3 Tinanggap natin sa pamamagitan ng ka-

pangyarihan ng Diyos ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang tayo'y mamuhay na maka-Diyos. Ito'y dahil sa ating pagkakilala kay Jesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan tayo ng kanyangb kaluwalhatian at kadakilaan. 4 Sa paraang ito ay binigyan niya tayo ng mga dakila at napakahalagang pan-gako upang makaiwas kayo sa nakakasirang pagnanasa sa sanlibutang ito at upang maka-bahagi tayo sa kanyang likas bilang Diyos.

5 Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa inyong kabutihan, ang kaalaman; 6 sa inyong kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa inyong pagpipigil sa sarili, ang katatagan; sa inyong katatagan, ang pagiging maka-Diyos; 7 sa inyong pagiging maka-Diyos, ang pagmama-

lasakit sa kapatid; at sa inyong pagmamalasa-kit, ang pag-ibig. 8 Kung ang mga katangiang ito ay taglay ninyo at pinagyayaman, ang in-yong pagkakilala sa Panginoong Jesu-Cristo ay hindi mawawalan ng kabuluhan at kapakina-bangan. 9 Ngunit kung wala sa inyo ang mga ito, kayo ay parang bulag at hindi nakakakita, at nakalimot na nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan.

10 Kaya nga, mga kapatid, lalo kayong mag-ing masigasig upang matiyak ninyo na kayo ay tinawag at pinili ng Diyos. Kung gagawin ninyo ito, hindi kayo matitisod. 11 Sa ganitong paraan, kayo'y malugod na papapasukin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.

12 Kaya, kahit na alam na ninyo ang katoto-hanang inyong tinanggap at matatag na kayo rito, lagi ko pa rin kayong paaalalahanan tungkol dito. 13 Minabuti kong sariwain ito sa inyong isipan habang ako'y nabubuhay pa. 14 Alam kong malapit ko nang iwan ang katawang ito, ayon sa ipinahayag sa akin ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Kaya't gagawin ko ang lahat upang maalala pa rin ninyong lagi ang mga bagay na ito kahit ako'y pumanaw na.

Ang mga Saksi sa Kadakilaan ni Cristo

16 Ang ipinahayag namin sa inyo tungkol sa kapangyarihan at muling pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay hindi namin ibinatay sa mga alamat na katha lamang ng tao. Nasaksihan ng aming mga mata ang kanyang kadakilaan 17 nang tanggapin niya mula sa Ama ang karangalan at kaluwalhatian. Ito'y nangyari nang marinig namin ang tinig mula sa dakilang kaluwalhatian ng langit na nagsabing, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.” 18 Narinig namin ito mula sa langit sapagkat kami'y kasama niya nang ito'y maganap sa banal na bundok.

19 Kaya naman lalong tumibay ang aming paniniwala sa ipinahayag ng mga propeta. Makakabuti na ito'y pag-ukulan ninyo ng pan-sin, sapagkat tulad ito sa isang ilaw sa kadili-man na tumatanglaw sa inyo hanggang sa sumikat ang araw ng Panginoon at magliwanag sa inyong mga puso ang bituin sa umaga. 20

Higit sa lahat, unawain ninyong walang maka-pagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa alinmang propesiya sa Kasulatan, 21 sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. 2 Mga Huwad na Guro

1 Noong una, may mga huwad na propetang lumitaw sa Israel. Gayundin naman, may darat-ing sa gitna ninyo na mga huwad na guro. Lihim silang magtuturo ng mga maling aral na ang dulot ay kapahamakan. Pati ang Panginoong tumubos sa kanila ay kanilang itatakwil, kaya't di magtatagal at sila'y mapapa-hamak. 2 At marami silang mahihikayat na sumunod sa kanilang kahalayan; at dahil dito, pati ang daan ng katotohanan ay malalapas-tangan. 3 Sa kanilang kasakiman, lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng kanilang aral na kathang-isip lamang. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila at ang pupuksa sa kanila ay hindi natutulog.

4 Hindi pinatawad ng Diyos ang mga anghel na nagkasala. Sila'y itinapon sa impiyernoc kung saan sila'y iginapos sa kadili-man upang doon hintayin ang Araw ng Paghuhukom. 5 Dahil sa kasalanan ng tao noong unang panahon, ginunaw ng Diyos ang daigdig sa pamamagitan ng baha. Wala siyang iniligtas maliban kay Noe na nangaral tungkol sa matuwid na pamumuhay, at ang pito niyang kasama. 6 Sinumpa [at tinupok]d ng Diyos ang mga lungsod ng Sodoma at Gomorra upang maging babala sa masasama tungkol sa kanil-ang kasasapitan. 7 Ngunit iniligtas ng Diyos si Lot, isang taong matuwid, na lubhang naba-gabag ng mga kahalayang ginagawa ng masasama noong panahon niya. 8 Naghirap ang kalooban ng matuwid na taong ito sa kasa-maang nasasaksihan niya araw-araw habang siya'y nakatira doon. 9 Kaya, alam ng Panginoon kung paano ililigtas mula sa mga pagsubok ang mga tapat sa kanya, at kung paano paparusahan ang masasama hanggang

sa araw na sila'y hatulan, 10 lalo na ang su-musunod sa mahahalay na pagnanasa ng ka-tawan at ayaw kumilala sa maykapangyarihan.

Pangahas at mapagmataas ang mga huwad na gurong ito. Wala silang pakundangan sa mga tagalangit, at sa halip ay nilalapastangan pa nila ang mga ito. 11 Samantalang ang mga anghel na higit na malakas at makapangyari-han ay hindi gumamit ng panlalait sa kanilang paghaharap sa Panginoon ng sakdal laban sa mga ito. 12 Ang mga taong ito'y parang mga hayop na walang isip at ipinanganak upang hulihin at patayin. Kinakalaban nila ang mga bagay na hindi nila nauunawaan, kaya't papa-tayin din sila tulad ng maiilap na hayop. 13 Pahihirapan sila gaya ng pagpapahirap nila sa iba. Kaligayahan na nila ang hayagang mag-bigay kasiyahan sa kanilang pagnanasa. Dumadalo pa naman sila sa inyong salu-salo, ngunit kahiya-hiya at kasiraang-puri ang kanil-ang ginagawa; ikinatutuwa nilang kayo'y kanil-ang nalilinlang. 14 Wala silang hinahanap kun-di ang pagkakataong makiapid; wala silang sawa sa paggawa ng kasalanan. Itinutulak pa nila sa pagkakasala ang mahihina. Sila'y mga sakim at sila'y isinumpa! 15 Lumihis sila sa matuwid na landas at naligaw. Tinularan nila si Balaam, anak ni Beore na nagpahalaga sa salapi kapalit ng paggawa niya ng masama. 16 Dahil sa kanyang kasalanan, siya'y sinumbatan ng kanyang asno na nagsalitang parang tao upang siya'y sawayin sa kanyang kabaliwan.

17 Ang katulad ng mga huwad na gurong ito ay mga batis na walang tubig, at ulap na itina-taboy ng malakas na hangin. Inilaan na ng Diyos para sa kanila ang napakalalim at napa-kadilim na lugar. 18 Sa pamamagitan ng ma-yayabang na pananalita na panay kahangalan lamang, ginagamit nila ang pagnanasa ng laman upang maakit sa kahalayan ang mga nagsisimula pa lamang lumayo sa mga taong namumuhay nang may kalikuan. 19 Ipinapan-gako nila ang kalayaan, subalit sila mismo ay alipin ng kasamaan, sapagkat ang tao ay alipin ng anumang dumadaig sa kanya. 20 Sapagkat kung nakatakas na sa kasamaan ng sanlibutan ang mga taong kumilala kay Jesu-Cristo na Panginoon at Tagapagligtas, ngunit muli silang maakit sa dating masamang gawain at

tuluyang mahulog dito, ang magiging kala-gayan nila ay masahol pa sa dati. 21 Mabuti pang hindi na nila nalaman ang daang matuwid, kaysa pagkatapos malaman ang banal na utos na itinuro sa kanila ay talikuran nila ito. 22 Ang nangyari sa kanila ay nagpapatunay na totoo ang mga kasabihang:

“Ang aso pagkatapos sumuka ay muling kinakain ang nailuwa na,” at, “Ang baboy na pinaliguan ay bumabalik sa putikan.”

3 Ang Pangakong Pagdating ng Panginoon

1 Mga minamahal, ito ang ikalawang sulat ko sa inyo. Sa dalawang sulat na ito ay sinikap kong gisingin ang malinis ninyong isipan sa pamamagitan ng pagpapaalala ng ilang mga bagay. 2 Alalahanin ninyo ang mga sinabi noon ng mga banal na propeta at ang utos na ibi-nigay sa inyo ng Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga apostol na isinugo sa inyo. 3 Una sa lahat, dapat ninyong malaman na sa mga huling araw ay pagtatawanan kayo ng mga taong namumuhay ayon sa sarili nilang pagnanasa. 4 Sasabihin nila, “Nangako siyang darating, hindi ba? Nasaan na siya? Namatay na ang ating mga ninuno ngunit wala pa ring pagbabago buhat nang likhain ang mundong ito.” 5 Sinasadya nilang hindi pahalagahan ang katotohanang ang langit at lupa ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang salita. Nilikha ang lupa buhat sa tubig at sa pama-magitan ng tubig. 6 Sa pamamagitan din ng tubig—ng Malaking Baha—ginunaw ang daig-dig nang panahong iyon. 7 Sa pamamagitan din ng salitang iyon ay nananatili ang mga langit at ang lupa upang tupukin sa apoy pag-dating ng Araw ng Paghuhukom at pagpaparu-sa sa masasama.

8 Mga minamahal, huwag ninyong kalilimu-tan na sa Panginoon, ang isang araw ay tulad ng sanlibong taon, at ang sanlibong taon ay tulad ng isang araw lamang. 9 Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay

siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.

10 Ngunit ang Araw ng Panginoon ay darat-ing tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, ang kalangitan ay biglang mawawala kasa-bay ng isang malakas na ugong. Matutupok ang araw, buwan at mga bituin. Ang mundo at ang lahat ng mga bagay na naririto ay mawawa-la.f 11 At dahil ganito ang magiging wakas ng lahat ng bagay, mamuhay kayo nang may kaba-nalan at sikapin ninyong maging maka-Diyos 12 habang hinihintay ninyo ang Araw ng Diyos. Magsikap kayong mabuti upang dumating agad ang araw na ang kalangitan ay matutupok at ang mga bagay na naroroon ay matutunaw sa matinding init. 13 Subalit ayon sa pangako ng Diyos, naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa na paghaharian ng katuwiran.

14 Kaya nga, mga minamahal, habang naghi-hintay kayo, sikapin ninyong kayo'y madatnang namumuhay nang mapayapa, walang dungis at walang kapintasan. 15 Isipin ninyong kaya nag-titimpi ang Panginoon ay upang bigyan kayo ng pagkakataong maligtas. Iyan ang isinulat sa inyo ng kapatid nating si Pablo, taglay ang karunungang kaloob sa kanya ng Diyos. 16 Sa lahat ng sulat niya tungkol sa paksang ito, gan-ito ang lagi niyang paalala. May ilang bahagi sa kanyang mga sulat ay mahirap unawain, at binibigyan ng maling kahulugan ng mga mang-mang at maguguló ang pag-iisip. Ganyan din ang kanilang ginagawa sa ibang mga Kasu-latan, kaya nga't ipinapahamak nila ang kanil-ang sarili.

17 Ngayong ito'y alam na ninyo, mga kapatid, dapat kayong mag-ingat upang huwag kayong mailigaw ng mga taong walang sinusunod na batas. Sa gayon, hindi kayo matitinag sa inyong mabuting kalagayan. 18 Sa halip, patuloy kayong lumago sa kagandahang-loob ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, at sa pagkakilala sa kanya. Sa kanya ang kalu-walhatian, ngayon at magpakailanman! Amen.

1 Juan 1-5

1 Ang Salitang Nagbibigay-buhay

1 Sumusulat kami sa inyo tungkol sa kanya

na sa simula pa'y siya na, ang Salitang nagbib-igay-buhay. Siya ay aming narinig at nakita, napagmasdan at nahawakan. 2 Nahayag ang buhay na ito, nakita namin siya, at pinapatoto-hanan namin at ipinapangaral sa inyo ang buhay na walang hanggan na kasama ng Ama, at nahayag sa amin. 3 Ipinapahayag nga namin sa inyo ang aming nakita't narinig upang ma-kasama kayo sa aming pakikiisa sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. 4 Isinusulat namin ito upang malubos ang aminga kagalakan.

Mamuhay Ayon sa Liwanag 5 Ito ang aming narinig sa kanyang Anak at

ipinapahayag naman namin sa inyo: ang Diyos ay liwanag at walang anumang kadiliman sa kanya. 6 Kung sinasabi nating tayo'y may pakikiisa sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay ayon sa katotohanan. 7 Ngunit kung namumuhay tayo sa liwanag, gaya niya na nasa liwanag, tayo'y nagkakaisa at ang lahat ng ating kasalanan ay nililinis ng dugo ni Jesus na kanyang Anak.

8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasa-lanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan. 9 Subalit kung ipinapaha-yag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid. 10 Kung sinasabi nating hindi tayo nagkasala, ginagawa nating sinungaling ang Diyos, at wala sa atin ang kanyang salita.

2 Si Cristo ang Ating Tagapagtanggol

1 Mga anak, isinusulat ko ito sa inyo upang huwag kayong magkasala. Ngunit kung magkasala ang sinuman, may Tagapagtanggol tayo sa Ama, si Jesu-Cristo, ang matuwid. 2 Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasa-lanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng

tao. 3 Nakakatiyak tayong nakikilala natin ang

Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. 4 Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. 5 Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig nang wagas sa Diyos.b Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya. 6 Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumu-hay ni Jesu-Cristo.

Ang Bagong Utos

7 Mga minamahal, hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, kundi ang dating utos na nasa inyo sa simula pa. Ito'y ang mensaheng narinig na ninyo. 8 Ngunit, maituturing na isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo; sapagkat napapawi na ang kadiliman at lumiliwanag na ang tunay na ilaw. Ang katotohanan nito'y nasaksihan sa buhay ni Cristo at nakikita rin naman sa atin.

9 Ang nagsasabing siya'y nasa liwanag ngunit napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa. 10 Ang umiibig sa kanyang kapa-tid ay nananatili sa liwanag, at hindi siya magi-ging sanhi ng pagkakasala ng iba.c 11 Ngunit ang napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadil-iman pa. Lumalakad siya sa kadiliman at hindi niya nalalaman ang kanyang pupuntahan, sapagkat binulag siya ng kadiliman.

12 Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasa-lanan alang-alang sa kanyang pangalan. 13 Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala ninyo siya, na sa simula pa'y siya na. Su-musulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat napagtagumpayan na ninyo ang Masama.

14 Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat kilala ninyo ang Ama. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala ninyo siya, na sa simula pa'y siya na. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat malalakas kayo; nananatili sa inyo ang salita ng Diyos, at napag-tagumpayan na ninyo ang Masama.

15 Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig

sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. 16 Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nag-mumula sa Ama kundi sa sanlibutan. 17 Mawa-wala ang sanlibutan at ang lahat ng mga bagay na pinagnanasaan ng mga tao, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay ma-bubuhay magpakailanman.

Ang Kaaway ni Cristo 18 Mga anak, ito na ang huling panahon!

Tulad ng inyong narinig, darating ang kaaway ni Cristo. Ngayon nga'y marami nang lumilitaw na mga kaaway ni Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas. 19 Kahit na sila'y mga dati nating kasamahan, ang mga taong iyon ay hindi natin tunay na kasama. Sapagkat kung sila'y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila upang maging maliwa-nag na silang lahat ay hindi tunay na kasama natin.

20 Ngunit ipinagkaloob na sa inyo ang Espir-itu Santo, at dahil dito, alam na ninyo ang buong katotohanan. 21 Sumusulat ako sa inyo, hindi dahil sa hindi ninyo alam ang katotohanan, kun-di dahil alam na ninyo ito, at alam din ninyong walang kasinungalingang nagmumula sa katoto-hanan.

22 Sino nga ba ang sinungaling? Hindi ba't siya na nagsasabing si Jesus ay hindi ang Cris-to? Ang mga nagsasabi nito ay kaaway ni Cris-to; hindi nila pinaniniwalaan ang Ama at ang Anak. 23 Ang hindi kumikilala sa Anak ay hindi rin kumikilala sa Ama. Ang kumikilala sa Anak ay kumikilala rin sa Ama.

24 Pakaingatan ninyo sa inyong puso ang narinig ninyo sa simula pa. Kung gagawin ninyo ito, mananatili kayo sa Anak at sa Ama. 25 At ito naman ang ipinangako sa atin ni Cristo, ang buhay na walang hanggan.

26 Isinusulat ko sa inyo ito upang bigyan kayo ng babala laban sa mga taong nagnanais na iligaw kayo. 27 Gayunpaman, ang Espiritu'y ipinagkaloob na ni Cristo sa inyo. At habang ang Espiritu'y nananatili sa inyo, hindi ninyo ka-kailanganing turuan pa kayo ng iba. Ang Espiritu ang nagtuturo sa inyo tungkol sa lahat ng bagay. Lahat ng itinuturo niya ay totoo, at wa-lang bahid ng kasinungalingan. At tulad ng itinu-

ro ng Espiritu, manatili kayo kay Cristo. 28 Kaya nga, mga anak, manatili kayo sa

kanya upang maging panatag ang ating loob sa muling pagparito niya, at nang hindi tayo mahi-ya sa kanya sa araw na iyon. 29 Kung alam ninyong si Cristo'y masunurin sa kalooban ng Diyos, dapat din ninyong malaman na ang bawat sumusunod sa kalooban ng Diyos ay anak ng Diyos.

3 Ang mga Anak ng Diyos

1 Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag tayong mga anak ng Diyos, at iyon nga ang totoo. Ang dahi-lan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan ay hindi nila kinikilala ang Diyos. 2 Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagdating ni Cristo, tayo'y magiging katulad niya, sapagkat makikita natin kung sino talaga siya. 3 Kaya't ang sinumang may ganitong pag-asa kay Cristo ay nagsisikap na maging malinis tulad niyang malinis.

4 Ang bawat nagkakasala ay lumalabag sa kautusan ng Diyos, sapagkat ang kasalanan ay paglabag sa kautusan. 5 Nalalaman ninyong naparito si Cristo upang pawiin ang ating mga kasalanan, at siya'y walang kasalanan. 6 Ang nananatili sa kanya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala. Ang sinumang nagpapatuloy sa pagkakasala ay hindi nakakita ni nakakilala man sa kanya.

7 Mga anak, huwag kayong palinlang kani-numan! Ang sinumang gumagawa ng matuwid ay matuwid tulad ni Cristo. 8 Ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay kampon ng diyablo, sapagkat sa simula pa'y nagkakasala na ang diyablo. Kaya't naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.

9 Ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapat-uloy sa pagkakasala, sapagkat nananatili sa kanila ang binhing mula sa Diyos. At dahil ang Diyos ang ama nila, hindi sila maaaring magpatuloy sa pagkakasala. 10 Dito natin makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos at

kung sino ang mga anak ng diyablo: ang sinu-mang hindi gumagawa ng ayon sa kalooban ng Diyos at hindi umiibig sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos.

Magmahalan Tayo

11 Ito ang mensaheng narinig na ninyo sa

simula pa: magmahalan tayo. 12 Huwag tayong tumulad kay Cain na kampon ng diyablo. Pi-naslang niya ang kanyang kapatid. Bakit? Sapagkat masama ang kanyang mga gawa, ngunit matuwid ang mga gawa ng kanyang kapatid.

13 Kaya, mga kapatid, huwag kayong mag-taka kung kinapopootan kayo ng sanlibutan. 14 Nalalaman nating lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan. 15 Mamamatay-tao ang napopoot sa kanyang kapatid, at nalalaman ninyong ang buhay na walang hanggan ay wala sa mama-matay-tao. 16 Dito natin nalalaman ang pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya't dapat din nating ialay ang ating buhay para sa mga kapatid. 17 Kapag nakita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapa-tid na nangangailangan, at pinagkaitan niya ito ng tulong, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos? 18 Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.

Panatag na Kalooban at Pananatili sa Diyos

19 Dito nga natin matitiyak na tayo'y nasa

panig ng katotohanan, at matatahimik ang ating budhi sa harapan ng Diyos 20 sakali mang tayo'y usigin nito. Sapagkat ang Diyos ay higit sa ating budhi, at alam niya ang lahat ng bagay. 21 Mga minamahal, kung hindi tayo inuusig ng ating budhi, makakalapit tayo sa Diyos na panatag ang ating kalooban. 22 Tina-tanggap natin ang anumang ating hilingin sa kanya dahil sinusunod natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa kanya. 23 Ito ang kanyang utos: sumampalataya tayo sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at magmaha-lan tayo gaya ng iniutos ni Cristo sa atin. 24

Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos. At nalalaman nating nananatili siya sa atin sa pamamagitan ng Espiritung ipinagkaloob niya sa atin.

4 Makikilala ang Espiritung Mula sa Diyos

1 Mga minamahal, huwag ninyong paniwa-laan ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito. 2 Ito ang palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinapahayag nila na si Jesu-Cristo ay dumating bilang tao. 3 Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag tungkol kay Jesus, hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila. Ang espiritu ng Kaaway ni Cristo ang nasa kanila. Narinig na ninyong ito'y darating at ngayon nga'y nasa sanlibutan na.

4 Mga anak, kayo nga'y sa Diyos at napag-tagumpayan na ninyo ang mga huwad na propeta, sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan. 5 Sila'y makasanlibutan, kaya't mula rin sa sanlibutan ang itinuturo nila, at nakikinig sa kanila ang mga makasanlibutan. 6 Ngunit tayo'y sa Diyos. Ang sinumang kumikilala sa Diyos ay nakikinig sa atind; ngunit hindi nakikinig sa atine ang sinumang hindi sa Diyos. Sa ganito nga natin nakikilala ang Espir-itu ng katotohanan at ang espiritu ng kasinun-galingan.

Ang Diyos ay Pag-ibig

7 Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. 8 Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. 9 Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pama-magitan niya. 10 Ito ang pag-ibig: hindi sa in-

ibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang mag-ing handog para mapatawad ang ating mga kasalanan.

11 Mga minamahal, kung ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan. 12 Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit kung tayo'y nag-mamahalan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig.

13 Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagka-looban niya tayo ng kanyang Espiritu. 14 Nakita namin at pinapatotohanang isinugo ng Ama ang kanyang Anak upang iligtas ang san-libutan. 15 Ang nagpapahayag na si Jesus ang Anak ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos nama'y nananatili sa kanya. 16 Nal-alaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito.

Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya. 17 Ang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin kaya't panatag ang ating kalooban para sa Araw ng Paghuhukom, sapagkat tayo'y tulad ni Cristo, kahit nasa daig-dig pang ito. 18 Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa.

19 Tayo'y umiibigf sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin. 20 Ang nagsasabing, “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya ma-gawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita? 21 Ito ang utos na ibi-nigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang mga kapatid.

5 Napagtagumpayan Natin ang Sanlibutan

1 Ang bawat sumasampalataya na si Jesus ang siyang Cristo ay anak ng Diyos. At ang sinumang umiibig sa ama ay umiibig din sa anak. 2 Ito ang palatandaang iniibig natin ang

mga anak ng Diyos: kung iniibig natin ang Diyos at tinutupad ang kanyang mga utos, 3 sapagkat ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang pagtupad sa kanyang mga utos. Hindi naman napakahirap sundin ang kanyang mga utos, 4 sapagkat napapagtagumpayan ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nag-tatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya. 5 Sino ang nagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos.

Ang Patotoo tungkol kay Jesu-Cristo

6 Si Jesu-Cristo ang naparito sa pamamagi-tan ng tubig at ng dugo. Hindi sa pamamagitan ng tubig lamang kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. Ang Espiritu ang nagpapatotoo tungkol dito, sapagkat ang Espiritu ay katoto-hanan. 7-8 Tatlo ang nagpapatotoo [sa langit: ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo; at ang tatlong ito'y iisa. At mayroong tatlong nagpapatotoo sa lupa:]g ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at ang tatlong ito ay nagka-kaisa. 9 Kung pinaniniwalaan natin ang pato-too ng mga tao, higit nating dapat paniwalaan ang patotoo ng Diyos, at ito ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak. 10 Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay nag-tataglay ng patotoong ito sa kanilang puso. Ang sinumang hindi sumampalataya sa Diyos ay ginagawang sinungaling ang Diyos, sapagkat hindi siya naniwala sa patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak. 11 At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak. 12 Kung ang Anak ng Diyos ay nasa isang tao, mayroon siyang buhay na walang hanggan; ngunit kung wala sa kanya ang Anak ng Diyos ay wala siyang buhay na walang hanggan.

Ang Buhay na Walang Hanggan

13 Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman

ninyo na kayong sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan. 14 May lakas-loob tayong lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang

hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban. 15 At dahil alam nating pinapaking-gan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya.

16 Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay gumagawa ng kasalanang hindi hahantong sa kamatayan, ipanalangin niya ang kapatid na iyon sa Diyos na magbibigay sa taong iyon ng bagong buhay. Ito'y para sa mga kapatid na ang kasalanan ay hindi humahan-tong sa kamatayan. May kasalanang hahan-tong sa kamatayan, at hindi ko sinasabing idalangin ninyo ang sinumang gumagawa nito. 17 Ang lahat ng gawaing di matuwid ay kasa-lanan, ngunit may kasalanang hindi hahantong sa kamatayan.

18 Alam nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat iniingatan sila ng Anak ng Diyos, at hindi sila maaaring galawin ng diyablo.

19 Alam nating tayo'y sa Diyos, kahit na ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng diyablo.

20 At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.

21 Mga anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan.